Wednesday, December 26, 2012

Anino ng Kahapon (13)

by: iamDaRKDReaMeR

Si Christian...

How can I forget the first time I saw this person who caught my attention, that was when I went to Qeshm Iran para mag exit for visa change, a very simple looking guy yet very appealing.  I know na hindi ito ang first time ko na maattract sa kapwa ko lalaki pero iba ang feeling ko ng makita ko ang taong ito.  "I want him to be part of my life."  Ito ang unang pumasok sa isip ko.  Kaya naman kahit na medyo naiilang ako ay pilit ko pa rin siyang nilapitan upang makipagkilala.  Kahit pa ang puso ko ay kumakabog na halos ikabingi ko ang tibok nito dahil na rin sa kanyang presensya.  At ng magkausap kami ay sobrang saya ang aking naramdaman dahil tila isang puwang sa pagkatao ko ang napunan.  Hindi ko mawari kung bakit, pero ang alam ko iba ang pakiramdam ko ng makausap ko sya at lalo pa ng iguhit nya ang napakaganda nyang mga ngiti.  Isang ngiti na sadyang nakakahawa.  Kaya pinilit ko ang sarili ko na sumabay sa kanya at doon na nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Habang hinihintay namin ang eroplanong aming sasakyan ay nagkwentuhan muna kami.  Getting to know stage siguro para sa akin.  Hanggang sa pagsakay namin ay tinabihan ko pa rin sya at pagdating sa hotel ay pinilit kong makasama ko sya sa room.  Ito rin naman ang napagkasunduan namin while we were waiting for the plane.  Sobrang saya ang aking naramdaman nung pumayag ang receptionist ng hotel na magkasama kami sa iisang room.


Unang gabi naming magkasama.  Nagutom ako kaya naman inaya ko sya na kumain dahil na rin sa layo ng biniyahe namin.  Sa isang maliit na canteen lang sa loob ng hotel compound kami kumain at sakto may videoke machine.  Hindi naman sa pagmamayabang pero may boses naman ako kahit papaano kaya naman magpapasikat ako sa kanya.  Ito na to.  Kaylangan maimpress sya sa akin.  Matapos kaming kumain ay agad kong hiniram ang song book upang makapili ng kanta na iparirinig ko sa kanya.  Agad kong nakita ang How did you know at agad kong ibinigay ang number ng kanta sa operator ng machine.  Habang kumakanta ako ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.  Kita ko sa mga mata nya na nagugustuhan nya ang kanta ko.  Kung alam mo lang.  Para sa iyo ang kanta kong ito.  At dahil dama ko na nagustuhan nya ang aking pagkanta kaya naman bumanat pa ako ng isa at kinanta ko ang If you're not the one.   At sa kantang ito nakita ko na pahapyaw nya akong tinitignan.  Hindi ko alam pero ang lakas ng impact ng mga nakaw nyang tingin sa akin.  Kinikilig ako sa gesture nyang iyon.  Matapos kumanta ay napagpasiyahan ni Ron, Oo si Ron, ang taong nagpatibok ng puso ko at nagpatuliro ng utak ko.  Na pumunta ng payphone para makapag long distance dahil na rin sa nakareceive sya ng text.  At kitang-kita ko na gumuhit muli sa kanyang mga labi ang napakagandang ngiti.  Hindi na ako sumama pa sa kanya agad ko na lang tinungo ang aming kwarto upang makapaglinis na ng katawan at makapag pahinga.  Agad akong humiga ng kama matapos makapaglinis ng katawan ilang minuto pa ay pumasok na rin si Ron galing din sa paglilinis ng katawan.  At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nakapagsalita ng pilyong bagay sa kanya.  Na sana ay kinatok nya na lang ako sa banyo upang nakapagsabay na lang kaming makapaglinis ng katawan.  At tila armalite ang tanong sa akin, sunud-sunod kaya naman binigyan ko lang sya ng matamis na ngiti.  Hindi ko alam pero gustung-gusto ang laging parang natutulala sya sa mga kalokohang pinagsasabi ko. Natulog kami matapos ang konting usapan.  Nauna syang nakatulog kaya naman pinagmasdan ko ang napakaamong mukha ni Ron.  Napakasarap pag masdan ang kanyang maamong mukha.  Tila isang napaka inosenteng nilalang na walang muwang sa kamunduhan.  Sa hindi malamang kadahilanan ay gusto ko syang makatabi kaya naisip ko na gisingin sya at sabihing nanaginip ako ng masama kahit hindi naman kasi gusto ko lang makatabi sya.  Sabihin nyo ng pilyo pero yun ang totoo.  Pumayag naman sya.  Para hindi sya mailang ay pinagdikit ko ang aming kama kahit pa gusto kong sa isang kama na lang kami magtabi.  Ito na yata ang pinaka masarap na tulog ko sa tanang buhay ko.

Kinabukasn ay kita ko sa mga mata nya ang saya matapos nyang makatanggap ng text at matapos makipag usap sa ka chat nya.  Aaminin ko masyado akong naapektuhan sa sayang kanyang nararamdaman.  May kung anong tumusok sa aking puso na nagdala ng kirot pero sino ba naman ako para magselos?  Sandali tama ba ang sinabi ko SELOS? Bakit?  Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya?  Parang ang bilis ko naman yatang mahulog sa taong ito upang makaramdam ako ng sakit,  ni hindi ko pa nga sya lubusang nakikilala ganito na agad ang dating sa akin.  Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit sa taong minamahal nya.  Sa bawat ngiting nakikita ko sa kanya ay mistulang pagkawala ko ng pag-asa na maging parte sya ng buhay ko pero hindi ko ipinakita sa kanya na naaapektuhan ako.

Nagpahinga kami ng hapon ding iyon ilang minuto pa ang nakalipas ay naramdaman kong tumayo si Ron agad kong minulat ang mga mata ko upang malaman kung sya nga yun at nakita kong paalis sya ay tinanong ko kung saan sya pupunta at sinabi nya na may kukunin daw syang pera kaya sinamahan ko sya dahil wala rin naman akong gagawin dahil mag isa lang din ako at sya lang ang sinasamahan ko.  At ng makuha nya na ang pera ay kumain kami sa isang refreshment stall sa may mall.  Ang saya ng pakiramdam na kasama mo at kasabay mo sa pagkain ang taong sa tingin ko ay mahal ko na dahil iba ang pakiramdam ko ng makasama  at makausap ko sya parang nagulo ang mundo kong tahimik simula ng makita ko sya.  Hindi ko maipaliwanag basta ang alam ko malakas ang impact nya sa pagkatao ko.   Matapos makapaglibot ay bumalik kami ng hotel at dahil nagugutom na rin naman kami ay kumain kami sa canteen na palagi naming kinakainan at syempre di maiiwasan ang magpasiklab ako kaya naman kumanta uilt ako at bago ko pa kantahin ang pangalawang kanta ay sinabi kong para sa kanya ito at nagsimula na ngang tumugtog ang Ba't di mo pagbigyan ni King.  Dama ko ang bawat linya ng kanta.  Pinipilit kong itago ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.  Dahil ayaw kong mag-iba ang pakikitungo nya sa akin.  Takot ako sa rejection.  Bigla na lang syang umalis pagkatapos na pagkatapos kong kumanta hindi ko alam kung bakit naging ganon ang reaksyon nya.  Pagdating sa kwarto ay agad ko syang tinanong kung bakit ganon ang naging reaksyon nya at bakit bigla nya na lang akong iniwan.  Napagtaasan ko sya ng boses dahil hindi nya ako kinikibo hindi ako sanay.  Para syang isang bulkan na sumabog.  Nakita ko ang mga butil ng luha na tuluy-tuloy sa pag-agos mula sa kanyang mga mata at kasabay ng bawat patak ng luha nya at ang mga salitang aking ikinabigla.  Narinig ko mula sa kanyang mga sariling labi na pinipigil lang din nya ang sarili nya na mahulog sa akin dahil na rin mayroon syang naiwang kasintahan at nailabas na rin nya ang katotohanang isa rin syang bisexual tulad ko.  Ito ang gabing hinding-hindi ko malilimutan.  Hindi ko na rin napigil ang sarili ko at siniil ko sya ng halik na nauwi sa pag-iisa ng aming katawan nag-isa ang aming damdamin kahit pa alam kong nakaw na sandali.  Hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa amin.

Hindi nagtagal ay bumalik na kami ng UAE dito nakilala ko ang taong lubos na minamahal ni Ron ang taong pinangarap ko na sana ay ako na lang.  Dama ko at nakita ko sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't-isa, bagay na kinainggitan ko.  Habang papalayo si Ron sa akin ay ang paglaho ng aking pag-asa na mahalin rin nya ako at bago pa mang tuluyang magkahiwalay ang landas namin ng oras na iyon ay nakita kong lumingon pa si Ron sa kinatatayuan ko.  Tuluyan ng nawasak ang pangarap ko na makasama pa sya sa buhay ko.  Kahit pa hanggang pagkakaibigan lang ang kayang ioffer ni Ron sa akin ay hindi ko nakalimutan na kamustahin pa rin sya kahit pa alam kong minsan ay kasama nya ang boyfriend nya.  Wala naman sigurong masama sa pagkamusta sa kaibigan.

Ilang buwan din ang lumipas.  Naging busy ako sa trabaho kaya naman madalang ko ng makausap si Ron.  Tambak ang transactions and no time for me para makatakas ng tawag.  Pero kahit ganon pa man hindi nawala kahit isang segundo sa aking isipan si Ron, kung ano ba ang ginagawa nya o kung ayos ba sya, kung masaya o nalulungkot ba sya.  Minsan kahit pa gaano kabusy sa trabaho pag naaalala ko ang mga ngiti nito napapahinto ako, napapabuntong hininga, sabay naiiling at ngingiti na parang wala sa sarili.  Ganito kalakas ang tama ko sa kanya. Isang gabi wala akong magawa at medyo bored kaya naman naisipan ko syang  tawagan, isa pa sobrang miss ko na rin syang kausap.  Nang sagutin nya ang tawag ay may kakaiba sa kanyang boses alam kong may mali sa kanya ngunit iba ang Ron na kausap ko ngayon.  Malungkot na Ron ang nasa kabilang linya ngayon.  Alam kong may nangyari ngunit ayaw nyang sabihin sa akin kung ano iyon.  Hihintayin ko na lang ang araw na handa na syang magkwento ng totoong nangyari.  Ganon yata siguro kung talagang mahal mo ang isang tao, handa kang maghintay ng tamang oras at panahon.

Tatlong araw ang nakalipas ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Ron.  Umiiyak ito,  agad akong kinutuban na tungkol ito sa kanyang boyfriend.  At hindi nga ako nagkamali.  Naghiwalay sila ni Lee ang taong lubos nyang minahal at pinagkatiwalaan.  Dama ko ang sakit habang kinukwento nya ang ginawa sa kanya ng magaling nyang boyfriend buti na lang at eksaktong rest day ko kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na puntahan sya.  Kinabukasan ay inihanda ko ang sarili ko upang puntahan si Ron dumaan na rin ako ng office upang makapag file ng emergency vacation.  Katulad ng lagi kong sinasabi sa kanya dadamayan ko sya sa oras na kailanganin nya ako dahil mahal ko sya kahit pa noong una ko pa lang syang nakita ay alam kong minahal ko na sya.  Weird, pero totoo.  Sobrang saya ko kahit pa alam kong malungkot si Ron.  Kahit pa nasasaktan sya ngayon dahil sa pagkakataong ito maipaparamdam ko na sa kanya ang buo kong pagmamahal.  Sa pagkakataong ito kakailanganin nya ng someone na masasandalan.  I don't want to take advantage of the situation pero parang ganon na nga yata ang mangyayari.  Patuloy pa rin ang paglalahad ko ng nararamdaman ko para sa kanya kahit pa magmukha akong tanga o kahit pa para na akong sirang plaka na paulit ulit na lang din naman ang sinasabi ko na mahal ko sya.  Hindi ako susuko maghihintay ako hanggang dumating ang araw na matanggap nya rin ang pag-ibig ko para sa kanya.

Bago pa man matapos ang leave ko ay nagkaroon kami ng masinsinang pag-uusap at ang panonood ng One More Chance ang naging sanhi nito at ito na rin ang araw na pinakahihintay ko ang mabigyan ako ng pagkakataon na mahalin sya at alagaan.  Oo, naging kami ni Ron ng araw na yun.  Masasabi kong isa na ito sa pinakamasayang parte ng buhay ko ang matupad ang pangarap kong maging parte ng buhay ko si Ron.

Naging masaya ang ilang buwan ng aming pagsasama kahit pa alam ko na minsan ay pumapasok at naiisip pa rin ni Ron si Lee ay kuntento na ako sa katotohanang magkarelasyon na kami ngayon.  Sobrang saya ko na kahit pa simpleng pagtetext nya or simpleng mga pangungumusta over the phone ay nagagawa akong pakiligin.  Akala ko ay hindi na matatapos ang kasiyahang iyon.  Nagkamali ako.  Sa hindi inaasahang araw na magkasama kami hindi sinasadya na nagkita palang muli si Ron at si Lee sa mall ng minsang namasyal kaming dalawa at nagkausap pa sila.  Okay lang sana eh ang problema ang Lee gusto ulit pumapel.  Ano yun matapos nyang saktan at iwan babalikan nya para pulutin at angkining muli?  At masaklap pa nito sa bibig na mismo ni Ron nanggaling na may puwang pa sa puso nya para sa magaling nyang Ex.  Ang sakit para sa akina ang marinig ang bagay na iyon.   Walang kasing sakit dahil sa akala kong naghilom na ang sugat ng puso nya ay hindi pa rin pala.  Hindi ko kinibo si Ron ng araw na iyon hanggang makarating kami ng bahay ay nanatili akong walang imik pati sa pagtulog ay hindi ko pa rin sya kinibo.  Paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking pandinig ang katagang may puwang pa sa puso nya para kay Lee.  At dahil doon ay hindi ako makatulog alam kong may mga sumunod pa syang sinabi ngunit naging bingi ako at hindi ko na pa inintindi  dahil pakiramdam ko taluanan ako sa puntong iyon.

Sa pag-aakala nyang tulog na ako ay bumulong ito sa akin.  Ang hindi nya alam ay pakinig ko ang lahat ng salitang kanyang inusal.  Mga salitang sadyang nakapagpalambot ng puso ko.  Pero nanaig pa rin sa aking puso ang nabuong desisyon.  Oo desisyon na lumayo pansamantala upang hanapin ko ang sarili ko at bigyan si Ron ng pagkakataong makapag-isip kung ano at sino ba talaga ang gusto nyang makasama.

Nag file ako ng vacation leave at umuwi sa Pilipinas upang makapag unwind at maka langhap ng sariwang hangin kumbaga.  Kahit pa nasa bakasyon ako sadyang hindi ko maalis sa isip ko si Ron.  Mahal ko talaga ang taong ito.   Hindi ko kakayaning mawala sya sa buhay ko.  Tatapusin ko lang ang bakasyon ko at babalik agad ako upang makapag-ayos na kaming dalawa.  "Hintayin mo lang ako Buddy at maaayos din ang lahat."

Nang makabalik ako ay haharapin ko na sana si Ron ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon may emergency na nangyari sa office kaya hindi ko man lang sya natawagan na nakabalik na ako dahil lumipat ang office namin at kailangan ko ring lumipat agad ng bahay dahil na rin masyadong mapapalayo ang byahe ko papasok, tatlo sa mga kasamahan ko ang nagresign, kaya lahat ng trabaho ay halos tumambak sa akin. Madaming bagay ang nangyari bago pa man ako nakakita ng tyempo na makausap sya at para may sense of surprise pupuntahan ko na lang sya sa bahay nya.  Planado na ang lahat at alam kong magkakaayos na kami.  Excited akong tumungo ng Abu Dhabi dahil sa wakas matapos ang malalim na pag-iisip ay makakasama ko na muli ang pinakamamahal ko.

Nakarating ako at naaubutan ko ang isa sa mga kasamahan nya sa labas at tinanong ko kung nasaan si Ron ngunit hindi daw nito alam.  Tinanong ko na lang kung pwede ba akong pumasok tutal may susi naman ako ng kwarto nito pumayag naman sya.  Pagpasok ko ng kwarto ay bumalik lahat ng ala-ala lahat lang ng masasayang yugto ng buhay namin.   Ang sarap ng pakiramdam.  Damang dama ko na at home ako sa kwarto nya.  Patuloy ako sa pag-aalaala hanggang sa nakatulog ako.  Naalimpungatan na lang ako ng marinig kong may taong paparating, wari ko'y si Ron.  Sa sobrang taranta ko ay agad kong inayos ang sarili ko.  Sabik na akong makita, mayakap, at mahagkang muli si Ron.

Ang inaakala kong pag-aayos naming dalawa ay nauwing muli sa pagtatalo nakita ko mula sa likuran ni Ron na kasama nya si Lee.  Talaga bang nagkabalikan na sila?  Bakit hindi man lang sinabi sa akin?  Ang sakit makita ang taong mahal mo kasama ang taong nanakit sa kanya at tila kampante pa rin sila sa isa't-isa.  Hindi ko napigil ang sarili ko at nasaktan ko si Lee.  At kahit si Ron ay napagtaasan ko ng boses at napagdesisyunan kong lumayo na kay Ron bago pa man nya ako masaktan ng tuluyan ay unahin ko ng saktan ang sarili ko.  Nagpapaliwanag si Ron ngunit bingi na ako sa mga paliwanag hindi ko kayang makinig kaya naman dali-dali akong umalis ng bahay nya kahit pa nanlalabo ang aking paningin gawa ng walang awat na daloy ng mga luha sa aking mga mata.  Masakit sobrang sakit.

Ilang araw, linggo, at buwan ang lumipas pilit na nakikipag ugnayan pa rin si Ron sa akin ngunit sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay tila hindi ko magawang pakinggan ang kanyang mga paliwanag.  Sadya yatang kinain na ako ng SELOS.  Hindi ko man gustong gawin sa kanya ang hindi sya kausapin ay ginawa ko pa rin.  Hindi ko malaman sa sarili ko bakit ko hinayaang kaiinin ako ng aking emosyon na nauwi sa pagkawala ng taong lubos kong minamahal.  Pagkawala nga ba o ako ang lumayo?  Ang hirap ng kalagayan ko ngayon ngunit pinili kong hindi pakinggan ang bawat paliwanag na kanyang nais ipaabot sa akin. Hindi ko kayang marinig na mahal nya pa rin si Lee at magkakabalikan na sila.  Hindi ko kaya.

Kung alam mo lang Ron labis akong nahihirapan ngayon dahil lubos akong nangungulila sa mga yakap at halik mo.  Sa mga mata mong punung-puno ng damdamin.  Ninananais kong makapiling kitang muli ngunit paano?  Kung mas pinili kong huwag makinig at magpadala na lamang sa bugso ng aking damdamin.  Madaming katanungan sa isip ko na hindi ko mahanapan ng kasagutan.  Nagkaroon ang puwang ang pagkatao ko na dati ay kumpleto.

Halos araw-araw wala akong inisip kundi ang kalagayan ni Ron.  Na sana nasa maayos syang kalagayan, na sana masaya sya, na hindi sya na nasasaktan.  Minsan ninais kong puntahan sya sa bahay nya upang makita ang kalagayan nya pero kinakain ako ng PRIDE ko.  Mas ginusto ko pa ang ako ang maghirap kaysa makita syang masaya na wala sa piling ko.  Makasarili na kung makasarili pero hindi ko kakayaning makita syang masaya sa piling ng iba.  Dahil dapat sa piling ko sya lumigaya hindi sa kung sino pa man.

Naging miserable ang buhay ko.  Nakita ko na lang ang sarili ko na nilulunod ang sarili gabi-gabi sa pag-inom ng alak.  Mas mabuti ng ganito, kaysa magkasakitan pa kami.  Sa ganitong sitwasyon, naalala ko si Ron ng makita ko syang nahihirapang makaahon sa nabigong pag-ibig nya kay Lee.  Ang hirap pala ng pinagdaanan nya.  Ngayon ko masasabing madali lang pala ang magpayo pero pag ikaw na ang nasa katulad na sitwasyon hindi mo kakayaning gawin ang mga bagay na madali mong naipapayo sa iba.  Pero kahit pa ganon ang nangyari sa amin hindi ko pa rin kayang kalimutan ang pag-ibig ko para kay Ron.  Hindi ko sya kayang mawalay sa piling ko.  Kakayanin ko na sigurong lunukin ang pride ko na naging sanhi ng pagkakahiwalay namin upang makasama at makapiling ko lang syang muli.  Kailangan gawin ko yun or else baka tuluyan na syang mawala sa akin.  At hindi ko ito kakayanin.

"Ito na to, I need to do something to win him back.  Whatever it takes I am willing to take the risk just to have him back."

Itutuloy. . .  . . . . . . . .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com

No comments:

Post a Comment