by: iamDaRKDReaMeR
Isang linggo matapos magpadesisyunan
kong bumangon muli at ipagpatuloy ang buhay ko ay naging maayos na rin ang
sitwasyon ko. Hindi na rin ako masyadong
umiinom upang mapagtagumpayan ang sakit na aking nararamdaman. Marahil nga ay handa na akong muling humarap
sa hamon ng buhay. Ipinagpatuloy ko ang
aking buhay ng may bagong pag-asang tinatanaw.
Laking pasasalamat ko na rin sa aking kaibigan na si Jane dahil kung
hindi sa kanya hindi ko makikita ang ganda ng buhay at ng mga bagay na
nakapaligid sa akin. Sadyang nabulag ako
ng aking kalungkutan at ng sakit na aking naramdaman.
Pilit kong itinatayo ngayon ang sarili
ko mula sa pagkakadapa. Wala na akong
maaaring maasahan sa pagkakataong ito kundi ang sarili ko na lang. Tuluyan na rin akong lumayo kay Lee at
pinipilit ko namang kalimutan ang mga bagay nakapagbabalik ng lungkot at sakit
sa aking puso. Unti-unti kong ibinabalik
ang sigla sa aking pagkatao sa tulong na rin ng sarili ko. Siguro tama nga ang ang taong nakausap ko sa
aking panaginip. I need to let go of my
past para makapagsimula ako ng bagong buhay.
Sa totoo lang namiss ko ang buhay na
walang pinoproblema kundi ang susuuting damit para sa kinabukasan, o kaya naman
ay ano ang lulutuing ulam mamaya. Hindi
katulad ng pinagdaanan ko ng ilang buwan.
Problemang ako rin pala ang makapagbibigay ng solusyon.
“Jane, I’m planning to go for a
vacation. Mga one month lang or kung mag
extend ako siguro maximum na ang 45 days.
Gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin. Sobrang na suffocate ako sa pinagdaanan
ko. Magkasunod na hiwalayan. Kaylangan ko ng time para sa sarili ko.” Ang
pagpapaalam ko sa aking kaibigan.
“Buti naman at napag-isip-isip mo rin
yan. Akala ko kasi magiging dakilang
broken hearted ka na lang for life.
Tandaan mo hindi katapusan ng mundo kung maiwan ka man ng taong minahal
mo. Baka hindi sya ang tamang tao para
sa yo.” Ang tila nanenermon na
tono. “Kaylan mo balak magbakasyon?”
“ASAP!
I will try to file my one month leave tomorrow. Sana lang pumayag kasi biglaan at ang date ng
leave na ipafile ko is after 3 days.”
“Wow ang bilis, at sana nga payagan
ka. Kailangan mo rin naman yan. Tignan mo nga ang hitsura mo ngayon. Mukha ka ng taong walang kapag-a-pag-asa sa
buhay. Mukha kang nalugi ng sampung
kilong bangus.” Sabay bigay ng nakakainis
na ngiti.
Kinabukasan pagkadating ko sa opisina
ay agad kong hinanap ang leave form at nag fill-up. Matapos mag fill-up ay agad kong tinungo ang
opisina ng amo ko upang papirmahan ang emergency leave na iaapply ko. “Sana payagan ako.” Ang bulong ko sa
sarili. Sabay lapag ng form na aking
napirmahan. Hindi rin naman kasi
masyadong busy ngayon kaya feeling ko papayagan ako. Agad na binasa ng amo ko ang papel na aking
inilatag sa harap nya.
“Why are you filing urgent leave? Is there any problem in the Philippines?” ang
tanong sa akin ng amo ko.
"As stated in my leave form sir I
need to do something urgently that's why I need to go back to Philippines to
fix it and they need my personal appearance. Authorization letter will not do.”
Ang pag aalibi ko sa amo ko.
“Can’t you finish it in a week or
two?”
“Sir it’s better for me to take a
month vacation rather than a week. I am
just anticipating time.” Ang pagpapalusot kong muli.
Hindi ako makaimik habang nakatingin
ang amo ko sa akin. Tila tinatantya kung
nagsasabi ako ng totoo o hindi.
Maya-maya pa ay nakita kong pinirmahan nya ang leave form ko at tumingin
muli sa akin.
“Ok, send this to the accounts
department now so that they could finish the calculation of your salary.”
“Thank you sir!” tuwang-tuwa ako ng pirmahan ng amo ko ang
vacation leave ko agad kong tinungo ang accounts department upang ibigay ang
pirmado kong leave form.
Pagbalik ko ng aking desk ay agad
akong nag surf ng net upang maghanap ng airline na may pinakamamabang rate ng
ticket. It took me 45 minutes bago ako
nakakita. Agad akong nagpabook ng flight
pabalik ng Pilipinas. Naging ganado ako
sa aking pagtatrabaho ng araw na iyon.
Lahat halos ng ipinapagawa sa akin ay mabilis kong natatapos. Excited kumbaga.
Pagdating ko ng bahay ay agad akong
nagpunta sa kwarto ni Jane.
“Jane, approved ang leave ko.” Sabay
yakap sa kanya.
“Oh, para saan naman ang yakap? Magdadrama na naman ba tayo? Nagsasawa na ako ha. Hindi ba pwedeng magsaya?” at heto na naman
po ang kanyang pang-inis na ngiti.
“Ewan ko sa yo! Ahahahahahaha. Nagluto ka na ba ng ulam? Wag ka ng magluto sa labas na lang tayo
kumain. Treat ko.”
“Hindi ko tatanggihan yan. Bukod sa hindi ako mapapagod magluto. Iwas hugasin pa.” sabay kindat ng bruha.
Matapos kaming kumain nila Jane ay
nagpasama na rin ako sa kanila upang mamili ng ilang pasalubong para sa mga
kamag-anak at pamilya ko sa Pinas.
Natapos ang araw ko ng may malaking ngiti sa aking mga labi at walang
ibang iniisp kundi ang nalalapit kong bakasyon.
Kinabukasan ay nanatili ang pagiging
ganado ko sa pagtatrabaho. At katulad ng
naunang araw lahat ng papeles na dumadaan sa akin ay mabilis kong natatapos ng
walang bulilyaso. Ang gaan ng pakiramdam
ko. Tila walang problemang
pinagdaanan. Simula ng pumasok ako hanggang
sa pag-uwi ay nakaplastar sa aking labi ang malawak na ngiti.
Pagdating ko ng bahay ay nagpahinga
muna ako. Kahit hindi naman ako
pagod. Basta gusto ko lang humiga at
magpahinga ng oras na iyon. At kahit
pagpapalit ng damit ay hindi ko muna ginawa.
Bigla na lang akong humilata sa kama at pumikit upang magrelax. Hindi ko namalayan na nagtuloy na ang aking
pagtulog.
Sa kalaliman ng aking pagtulog nagulat
na lang ako sa malakas na tunog ng aking telepono. Wala akong balak sagutin ang tawag ngunit
sadyang napakakulit dahil tumawag ulit.
Kaya kahit ayaw kong sagutin wala akong magawa kung hindi tanggapin na
lang ang tawag.
“Hello…” ang tinig kong walang ganang
makipag-usap.
“Naistorbo ko ba ang pagtulog mo?” ang
boses sa kabilang linya.
“Hindi naman. Bakit ka napatawag?”
“Kakamustahin lang sana kita. Okay ka na ba?”
“Lee, Ok na ako and trying to be more
ok. Sa katunayan nga magbabakasyon
ako. Kailangan ko rin naman ng time para
sa sarili ko. Tama na ang time na
naibigay ko sa inyo. Oras na para
intindihin ko naman ang sarili ko.”
“Ah, ganon ba? Ron…” hindi pa man nya naitutuloy ang kanyang
sasabihin ay agad ko na agad itong pinutol.
“Lee, if you will tell me again about
your feelings for me pwede tama na muna.
At isa pa diba sinabi ko na sa yo.
Wala ng chance na maging tayo.
Friends na lang tayo kung pwede?”
“Sige Ron, maraming salamat sa
pagsagot ng tawag ko at ingat ka bukas.
Have a safe trip na lang.” sabay baba ng tawag.
Nanatili akong nakahiga kahit mulat na
ang aking mga mata at gising na ang aking diwa.
Sa pagkakataong ito walang problema sa aking isipan. Ang fresh ng pakiramdam ko. Tila nabunutan na ako ng tinik. Ganito pala ang pakiramdam kapag tinanggap mo
na ang katotoohanan sa puso mo. Magaan
at wala kang alalahanin.
Dahil hindi na rin naman ako makatulog
muli ay nagpalit na ako ng damit at inayos na ang mga gamit na aking dadalhin
at ang mga pampasalubong. Nang matapos
ako sa aking pag eempake natawa na lang ako sa aking sarili ng makita ko ang
mga gamit na aking dadalhin. Mas marami
pa ang pasalubong kaysa sa damit kong dinala.
Maaga akong gumising upang pumunta sa
travel agency at ng mabayaran ko na ang ticket na pinabook ko. Matapos makapagbayad ay dumiretso ako sa
opisina para makuha ang passport ko at ang salary ko. Bago pa man ako umalis ay pumunta muna ako sa
desk ko at dinouble check ko kung may pending pa akong trabaho. Ayaw ko naman na may masabi sa akin ang amo
ko. Emergency leave na nga ang kinuha
kong leave mag-iiwan pa ako ng trabaho.
Nang matapos ko pa ang natitirang trabaho ko ay agad akong nagpaalam sa
amo ko at dumiretso na sa bahay.
Tamang-tama half day lang sila Jane
ngayon pwede nila akong maihatid sa airport.
Iniayos kong muli ang bagahe ko.
Mahirap na baka mag excess baggage ako sayang din ang pambayad sa
excess. Pwede pang panggastos yun sa
pinas. Nang masiguro kong nasa ayos na
ang lahat ay tinignan kong muli ang ticket ko.
Napangiti ako. “Ngayon Ron,
haharapin mo na ang mundo ng mag-isa.
Bukod sa pamilya at mga kaibigan mo na naging sandigan mo sa lahat ng
pinagdaanan mo. You deserve to treat
yourself dahil kinaya mo ang lahat at hindi ka nagpatalo. Good job!” ang sabi ko sa sarili ko habang
nakangiti at nakatingin sa ticket.
“Hoy anong nginingiti-ngiti mo dyan?!”
ang panggugulat ni Jane sa akin.
“Wow grabe nagulat ako!” ang
pang-iinis ko dito.
“Tse! Ano nga bakit ka nangingiti?”
“Wala.
Naisip ko lang, kaylangan palang masaktan muna ako ng sobra bago ko
makita ang worth ko bilang tao.” Sabay
bigay ng magiliw na ngiti.
“Ang drama mo!” at binatukan ako ng
bruha.
Kwentuhan, merienda, kulitan. Ito ang ginawa namin habang naghihintay kami
ng oras ng pag-alis ko. Dapat kasi at
least 2 hrs before the flight nasa airport na ako.
Paalis na kami nila Jane. Nauna akong pumunta sa may pintuan.
“Ang tagal lang ha! Mauna na ako sa
inyo sa baba.” Ang sigaw ko kay Jane at sa boyfriend nitong si Roger.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako
dahil may taong katatalikod lang ngunit ang lalo kong ikinagulat ay ng humarap
itong muli. “Christian.” Ang mahina kong
bulong sa sarili. Biglang dumating si
Jane. Alam kong galit sya ng makita nya
si Christian. Nabingi ako ng mga
sandaling iyon. Tulala sa aking
nakita. Hindi ko na inisip na pupuntahan
pa akong muli ng taong naging sanhi ng pagdurusa ko ng mga nakaraang
buwan. Ang tanging tumatakbo lang sa
aking isipan ay kung ano ang kanyang ginagawa nya ngayon at bakit nagpunta sya.
Nagulong muli ang utak ko. Ang alam ko naiset ko na ang sarili ko sa
pagharap sa kinabukasan ng mag-isa ngunit heto si Christian sa harap ko ngayon,
biglang nagbago ang takbo ng utak ko at biglang binawi ng puso ko ang galit sa
kanya. Ngunit kaylangan bigyan ko ng
chance ang sarili ko na sumaya at makalimot sa pinagdaanan ko.
Nataranta ako sa mga sumunod pang
nangyari. Nakita ko na lang si Roger na
sinugod si Christian at nahagip sa kanyang mukha. Nagsisigawan sila ngunit wala akong
marinig. Hindi ko na alam kung ano pa
ang dapat kong maramdaman. Ok na ako,
bakit ba nagpakita ka pa?
“Ron baka malate ka na sa flight
mo. Ipapahatid na lang kita kay Virgie
at hindi ko pwedeng pabayaan si Roger na makalabas pa dito.” Ito ang wika ni
Jane na syang nagpabalik sa akin sa katinuan.
Napatango na lang ako kay Jane at nakita ko na lang si Virgie sa likod
nito ng nakapambahay lang.
“Ron tara na.” ang pag-aya sa akin ni
Virgie.
Lumabas kaming dirediretso at hindi
lumilingon hanggang sa narating namin ang elevator. Nanatili akong nakatalikod habang si Virgie
ay may sinasabi sa akin ngunit talagang walang pumapasok sa akin. Hindi ko maabsorb ang mga pangyayari ngayon.
Nagulat na lang ako ng may biglang
yumakap sa akin mula sa likuran. It was
Christian. Nalusaw ang puso ko sa ginawa
nya. On that very moment alam kong
napatawad ko na sya. Ngunit kaylangan
kong hanapin muna ang sarili ko upang kung mamahalin ko na syang muli ay buong
buo kong maibibigay ang puso ko sa kanya sa pangalawang pagkakataon.
“Please Ron, give me second chance.”
Ang pagmamakaawa nito sa akin.
Si Virgie ay nanatiling tahimik at
nakatingin lang sa amin. Ngunit bakas
din sa kanyang mukha ang galit. Dahil na
rin sa matatalim na tingin na ibinabato nito kay Christian.
“If you have just listened to me
before you judge me. Hindi sana lumala
ng ganito. And now you are asking for
second chance. I don’t think I can give
it to you. Nakakatakot Christian. Nakakatakot maiwan muli sa ere ng hindi ka
pakikinggan man lang…” agad akong
pinutol ni Christian sa aking pagsasalita.
“I know it is my fault that I have
judged you. I jumped into
conclusion. At pinagsisisihan ko ang
lahat ng bagay na nagawa ko sa yo. Ang lahat
ng sakit na naidulot ko. Plese Ron, I
will do anything just to win you back. I
want you back in my life.”
“Give me time. As of now hindi ko kayang ibigay ang puso
ko. Konti na lang ang pagmamahal na
natitira para sa sarili ko at hindi ko na hahayaang mawala pa ito sa akin. I need to fix myself now. I need to forget all the pain that I had gone
through. Masyado ng malalim ang sugat
dito (sabay turo sa dibdib ko sa bandang puso).
Kailangan ako ng sarili ko ngayon.”
“Ron, hayaan mong tulungan kitang
muli.”
“Christian it’s time for me to face
this situation alone. Para bumalik ang
self-confidence ko. Masyado ng bumaba
ang self steem ko. I need to gain it
back. Maybe someday, maibigay kong muli
ang puso ko sa yo. Dahil hindi ka pa rin
naman nakakalimutan ng puso ko.”
“Hihintayin ko ang someday na
yan. At hindi ako magsasawang
maghintay.”
“Sige na I need to go now baka malate
na ako sa flight ko. Till the time we
see each other again.” Ang huling katagang binitawan ko kay Christian kasabay
ng pag-agos ng luha ko.
Agad kaming pumasok ni Virgie ng
elevator ng bumukas ito. Hindi ko na
nagawa pang tignan si Christian dahil baka tuluyan ng mawala sa isip ko ang
pagbabakasyon at tuluyan kong kalimutan ang sarili ko.
Hanggang sa airport walang ibang
pumapasok sa isip ko kundi ang mukha ni Christian. Ang mga mukhang matagal ko ng inaasam na
makita muli. At ngayon nakita ko na
ngunit kaylagan ko munang bigyan ng pagkakataong kilalanin muli ang sarili
ko. Sana lang mahintay nga nya ako. Dahil sa oras na makilala kong muli ang Ron. Walang dalawang isip kong ipagkakatiwalang
muli ang puso ko sa kanya. Kay Christian,
ang taong natutunan kong mahalin ngunit pinangarap kong makasama ng
panghabambuhay.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment