Wednesday, December 26, 2012

Anino ng Kahapon (08)

by: iamDaRKDReaMeR

“Excuse me.” Ang wika ko sa isang lalaking nakatalikod at namimili.

“Ron.” Ang wika ng natulalang lalaki sa akin.

Natulala ako sa aking nakita.  Bakit kung kalian nakalimutan ko na sya at kung kalian tinanggap ko na si Christian at tsaka naman makikita ko ang taong naging sanhi ng pighati ko ng mga nakalipas na buwan.

“Ako nga wala ng iba!” ang sarkastiko kong tugon.

“Kamusta ka na?” tanong ni Lee.

“After we broke up? Just simply plain miserable and now moving on with my new life.   Happy with my answer?  Now if you will excuse me I need to look for my boyfriend.  Oh! There he is. Excuse me.” Ang mapangbuska kong wika dito pero imbis na paalisin na ako.

“Ron, can we talk?”


“Talk? Naririnig mo ba ang sarili mo? What for? I’ve had enough of the pain that you brought to my life.  If you want to hear kung napatawad na kita. Siguro! Yan lang ang maisasagot ko. Gusto ko ng maka move on and Christian is helping me to forget you.  Ayaw ko na ng gulo at baka yung boyfriend mo ay magselos pa sa akin. So now if you will excuse me.” ang malamig kong tugon dito.

Wala ng nagawa si Lee kundi padaanin ako upang makalapit na ako kay Christian habang siya naman ay tila inihahatid ako ng kanyang malungkot tingin patungo sa taong aking pupuntahan.
Hindi ko kayang pakinggan pa ang mga salitang maaring magpagulo pa ng sitwasyon namin ngayon at isa pa gusto ko ng maayos ang buhay ko sa piling ni Christian.

Nang makalapit ako kay Christian agad kong binigyan ito ng magiliw na ngiti at inaya ng lumabas ng shop dahil ayaw kong makita nyang nasa loob din ng shop si Lee.  Habang lumalabas kami at pasimple kong nilingon si Lee.  Bakas sa kanyang mga mata ang sakit.  Ngunit katulad ng napagdesisyunan ko na hindi ko na hahayaan pang masaktan ako sa pangalawang pagkakataon at gusto ko ng maayos ang buhay ko sa piling ng taong nagmamahal sa akin noon pa mang una ko tong nakilala.

On the way to Christian’s place nakareceive ako ng text message from unknown number.

“Sorry for the things I have done to you.  I know I broke your heart but I don’t have any regrets of the things I have done.  Ginawa ko yun, kaya dapat panindigan ko kahit na ako ngayon ang nasasaktan.  Masakit na makita ko ang taong mahal ko ay may kasama ng iba and it seems you are happy with him.  But still I am hoping that we can patch things up.  Mahal na mahal pa rin pala kita at ngayon ko lang napatunayan ng makita kitang muli.  Give me one more chance. ~ Lee”

While reading the message hindi ko napigilan na pumatak muli ang mga luha ko.  Alam kong kahit konti ay may puwang pa rin si Lee sa puso ko kahit pa binigyan ko na ng pagkakataon ang sarili ko na magmahal muli.  At sa hindi ko inaakala ay nagawa ko itong replyan.

"You know I won’t give you another chance. Hindi ako basurero na pumupulot ng mga basurang itinapon ko na. I hope you take your lesson. Take that lesson to your new partner. And don't do bullshits again on him. Bye!"

Habang tinitipa ko ang message ay walang humpay ang pag-agos ng aking mga luha. Ngunit alam ko sa sarili ko na iyon ang marapat kong gawin dahil nilamatan na rin niya ang aming pagmamahalan; ang aking pagkatao. Kung tatanggapin kong muli si Lee ay natatakot na akong wala ng matira pa sa akin. Natatakot akong dumating ang araw na pati sarili ko ay hindi ko na makilala dahil sa maaaring maidulot nito sa akin sa pangalawang pagkakataon.

Lingid sa aking kaalaman, mataman pala akong pinagmamasdan ni Christian.

“Bakit ka umiiyak? May nagawa ba ako?” ang alalang tanong ni Christian.  Kaya naman iniabot ko na lang sa kanya ang cellphone ko upang mabasa niya ang message na pinadala sa kin ni Lee.
Nang matapos mabasa ang mensahe bakas sa mga mata nito ang galit at pangamba.  Napayuko na lang ako ng muli niyang iabot ang telepono sa akin. “Mahal mo pa ba sya?” ang tanong nito sa akin.  Hindi agad ako nakasagot bagkus ay huminga muna ako ng malalim at saka nagbigay ng sagot.

“Kung sasabihin kong hindi, magsisinungaling ako. Dahil kahit papaano, may puwang pa rin sa puso ko para sa kanya. Maliit na puwang but I am not gonna entertain that slight amount of feeling towards him because I have you now.  At ikaw lang ang taong umintindi at nanatiling nagmahal sa akin sa mga panahong lugmok ako. Hindi ko kayang pakawalan ka pa cause you're the best thing I have now and I don't wanna waste the feelings I have for you. Hindi mo alam ngunit napakalaking bagay ang nagbago mula ng maging tayo. Marami kang bagay na itinuro sa akin. Isa na doon ang magmahal muli at maging masaya.” At muli ang mga luha ko ay tila patak ng ulan na ayaw huminto.

Matapos kong masabi ang mga salitang iyon ay walang namagitan pang usapan sa pagitan naming dalawa hanggang sa makarating kami ng bahay.  Dirediretso lang kami sa kwarto wala pa ring kibuan hanggang dumating ang oras ng pagtulog.  Nahiga kami ngunit si Christian ay natulog ng nakatalikod sa akin.  Hindi ako sanay ng ganito si Christian sa akin.  Nasanay akong sya ang laging umaamo sa akin sa panahon na malungkot ako, sa panahong naguguluhan ako sya ang nagbibigay liwanag sa utak ko.  Ngayon sya ang nasasaktan at alam kong dahil sa akin.  Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Pinagmasdan ko sya kahit pa nakatalikod ito sa akin alam kong hindi pa ito tulog dahil may mga mumunti syang galaw.  Hinawakan ko ang kanyang mga balikat dama ko na tila umiiyak si Christian kaya naman agad ko sya iniharap sa akin.  Hindi nga ako nagkamali nakita ko ang luha niyang malayang umaagos sa kanyang mga pisngi.  Nadurog ang aking puso sa puntong ito.  Dama ko ang sakit na kanyang dinadala ngayon.  Hindi ko namalayan na sumabay na rin ang mga luha ko sa mata tila nakikipag paligsahan sa mga patak ng luha niya.

“Bakit.. ka u-mi-iyak?” ang utal utal kong wika dala ng pag-iyak.

Nanatili itong tahimik at pinagpatuloy lang ang pag-iyak. Pinunasan ko ang kanyang mga luha sa kanyang pisingi subalit madali rin ulit itong nabasa.  Paulit-ulit kong tinutuyo ang kanyang pisngi at paulit-ulit rin itong nababasa.  Sa hindi ko malamang kadahilanan bigla ko itong hinalikan.  Isang marahan at mapagkalingang halik ang ibinigay ko sa kanya.  Ngunit wala itong naging tugon sa bawat pagdampi ng aking labi.  Naging malamig ang pakikitungo nito sa akin.

“Budz, magsalita ka naman.  Ayaw kong nakikita kitang ganyan. Hindi ako sanay na umiiyak ka.  At ayaw kong umiyak ka ng dahil sa akin.” Ang pakiusap ko dito habang tumutulo ang mga luha ko.

Wala itong naging tugon bagkus ay tumalikod itong muli sa akin.  Wala na akong nagawa hindi ko na sya kinulit pa.  Bumalik na lang ako sa pagkakahiga habang ang isang kamay ay nakapatong sa aking noo at nakatanaw sa kisame.  Napaisip ako kung ano ba ang ginawa ko.  Bakit ko ba nasaktan ang taong naging tapat sa pagmamahal sa akin?

Hindi ako makatulog paulit ulit na bumabalik sa akin ang nangyari ng magtapo kami ni Lee hanggang yung text na pinadala nya paulit ulit na pumapasok sa aking isipan ang bawat salita.  Ayaw  na ng utak ko ngunit ang puso ko naaalala pa rin ang masasayang sandal sa piling ni Lee.  Ibinaling ko ulit ang aking tingin kay Christian at sa puntong ito alam kong nakatulog na ito sa kaiiyak kaya naman niyakap ko ito mula sa kanyang likuran.

“Budz, I love you.  Ayaw kong mawala ka sa akin.  Ikaw lang ang nakaintindi sa akin sa mga panahong kinailangan ko ng makakaramay.  Alam kong may puwang pa si Lee sa akin ngunit hindi ko na hahayaan pang makapasok syang muli sa aking buhay.  Ayaw kong magkasira tayo Budz.  Natutunan na kitang mahalin.  Wag naman sanang magkasira tayo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag gumuho muli ang mundo ko at mawasak na muli ang puso ko.  Ikaw ang lakas ko ngayon kaya please lang Budz, don’t make it hard for me.  Nasasaktan na ako.” At muli ay kumawala ang masaganang luha mula sa aking mga mata.

Hindi ko na namalayan kung paano akong nakatulog matapos kong ibulong sa kanya ang aking saloobin.  Nagising na lang ako ng yugyugin ako ni Christian dahil may pasok pa ako at babyahe pa ako pauwi ng Abu Dhabi.  Ganon pa rin ang naging pakikitungo ni Christian sa akin.  Malamig, tila walang gana.

Matapos makapag almusal at makapag ayos ng sarili ay gusto kong muling kausapin si Christian.  Ngunit iwas ang bawat galaw nito.  Tila hindi pa sya handang makipag usap.  Mabigat ang kalooban kong aalis ng bahay nila Christian.  Ni hindi man lang ako nagawang ihatid kahit sa may pintuan man lang bagkus ay bumalik lang ito sa pagkakahiga.

Nakabalik na ako ng Abu Dhabi at eksakto lang sa oras ang dating ko sa opisina.  Naging mabigat ang takbo ng araw na ito para sa akin.  Malimit kong padalhan ng text messages si Christian ngunit wwala akong nakuhang tugon mula sa kanya.  I tried to call him when I had my lunch break pero he never answered any of it.  I can’t concentrate on what I am doing.  Di ako makapagtrabaho ng maayos dahil iniisip ko paano kami magkakaayos.  Masakit na ang ulo ko dahil sa tambak na trabaho at iniisip ko pa rin ang nangyari sa amin ni Christian.

Natapos ang duty ko ng lutang ang aking isipan.  Nakarating ako ng bahay na tulala at tila malalim ang iniisip ni hindi ko na nagawang makakain.  Nagpalit lang ako ng damit at agad na humiga sa aking kama habang iniisip ko kung ano ang mangyayari sa amin ni Christian.  Ngayon lang sya naging ganito sa akin.  Nagsawa na ba syang intindihin ako?  Wag naman sana.  Mahal ko na sya.  Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay bumigat ang talukap ng aking mga mata at unti-unting pumikit.

Sa kalaliman ng aking pagtulog ay napanaginipan ko ang mga bagay na nangyari sa amin ni Lee.  Simula ng paano ko sya nakilala hanggang sa araw na I give up nya ang pagmamahalan namin.  At ang huling natatandaan ko sa aking panaginip ay umiiyak ako ng biglang nag ring ang telepono ko hindi ko na nagawa pang tignan kung sino ang tumatawag mula sa kabilang linya dahil ang panaginip kong umiiyak ako ay totoo pala.  Pagdilat ng mga mata ko ay malabo ang aking paningin kaya pinindot ko na lang ang answer button.
“Hello…”

Itutuloy. . .  . . . . . . . .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com

No comments:

Post a Comment