by: iamDaRKDReaMeR
I started thinking how will I win back
Ron. Kailangan bago pa kami magkita dapat malinaw na ang utak ko
at dapat handa na ako sa maaaring mangyari sa aming pagkikitang muli. I want this day to be very special that he
may not forget.
"I need to prepare a wonderful
dinner for me and Ron. Tama, magpapaluto
ako sa mga kasama ko dito sa bahay then I will fetch him from work. I need to do this para magkaayos na kami
hindi ko kayang patagalin pa ang pangungulila ko sa kanya. Mali, baka hindi sya sumama if gawin ko
yun. I need to think of something na
pwede syang mapapunta dito." Ito
ang mga katagang sinasabi ko sa sarili ko habang nag-iisip kung ano nga ba
talaga ang gagawin kong approach kay Ron.
"Christian, I want this file to
be double checked." Napatigil ako
sa pag-iisip dahil na rin sa nagulat ako at nasa harapan ko na pala ang boss ko
habang ako ay tulala.
"Huh! What is it Sir?" Ang
naguguluhan kong tanong.
"I said, I want this file to be
double checked. And I want it on my
table tomorrow morning. Did you get
me?" Ang pag-uulit ng utos ng amo ko.
"Y-es Sir." ang utal kong
tugon at sinimulan ng trabahuhin ang papeles na ibinigay sa akin.
Habang nagtatrabaho ako ay patuloy pa
rin ako sa pag-iisip kung ano ang tamang moves na gagawin ko para mapaamo kong
muli si Ron. Mahaba pa ang linggo upang
mapaghandaan ko ng sobra ang plano kong pakikipagbalikan. Kailangan plantsado at walang bulilyaso.
Halos hindi ako makapag cocentrate ng
maigi sa trabaho ko. It is much more of
excitement and anticipation of what will happen kapag nagkita kaming muli ni
Ron. Sobrang miss ko na talaga sya. Lagi akong tulala sa table ko. Minsan nagugulat na lang ako nasa harapan ko
na pala ang boss ko at may inutos pala sa akin.
Lutang na lutang ako ng araw na iyon.
Natapos ang duty ko ng hindi ko alam
kung tama ba ang pinaggagawa ko o kung mali ba sa trabaho ko. Walang ibang laman ang isip ko kundi paano ba
kaming magkakabating muli ni Ron.
Tatlong araw pa ang dadaan bago ang
day off ko. Tatlong araw pa rin ang
pipilitin kong itawid ng maayos ang trabaho ko.
Tatlong araw na lang pero tila isang taon. Dahil bawat segundo at minuto ay aking
binibilang.
Walang araw na hindi ako natututulala
sa kakaisip. Minsan nga napagalitan na
ako dahil wala ako sa huwisyo. Oo nga at
nagtatrabaho ako pero ang isip ko ay wala dito kaya naman minsan palpak ang
report na naipapasa ko sa amo ko.
Naninibago ang amo ko sa kinikilos ko.
Kung dati pag nagbigay sya ng instruction hindi nya na kaylangan pang
ulitin ngayon yata kahit pa makailang ulit nyang ibigay may mga mali pa rin
syang nasisilip. Ganito ako kaapektado
ngayon. Kung dati kahit pa lasing akong
papasok ay maayos kong nagagawa ang trabaho ko.
Ngayon kahit pa maaga akong matulog puro palpak ang kinakalabasan. I really need to talk to Ron. I need to settle things between us. And most of all I need to win him back.
“Bukas half day ako.” ang mahina kong bulong sa sarili habang
nakangiti at nagluluto ng ulam. Oo
nakangiti ako dahil sa wakas magagawa ko ng harapin ang tinalikuran ko or should
I say sinadya kong talikuran. Si Ron. Sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil hindi
ko alam ang kahihinatnan ng pagkikita naming muli. Kung magkakaayos ba kami o sadyang
maghihiwalay na ng tuluyan ang aming landas.
Handa ko na kayang tanggapin ano man ang maaaring maging desisyon ni
Ron? Sana.
Nasa harapan ako ng bahay nila Ron. Wala na akong pinalagpas na minuto, agad
akong nagdoorbell. Bumukas ang pintuan
at hindi ko inaakalang si Ron ang nasa likod nito. Namayat sya.
Bakas sa kanyang mukha ang lungkot kahit pa kaharap nya na ako ngayon. Hindi ko nakita sa kanyang mga mata ang
pag-aasam na muli akong makita. Bagkus, walang ekspresyon ang kanyang mga
tingin tila nanlalamig na pakikitungo ang aking haharapin. Ito na yata ang kinakatakutan ko. Ang manlamig ng tuluyan sa akin ang pinakamamahal
ko. Pero ito na to. Kailangan kong subukan or else baka lalo kong
pagsisihan kung tatalikod na naman ako ngayon lalo’t kaharap ko na sya.
“Ron… ahmm… kasi…” ang halos hindi ko
maituloy na pangungusap.
“Tara dito na lang tayo sa loob
mag-usap.” Ang malamig na tugon nito.
Nasa loob na kami ng kanyang kwarto at
nanatili ang kanyang katahimikan.
Samantalang ako hindi ko alam ang mga susunod kong magiging
hakbang. Kinankabahan ako. Pinagpapawisan ng ng malamig. At ang higit sa lahat hindi ko magawang
tignan sya ng diretso sa kanyang mga mata.
Gusto kong gawin ngunit hindi ko kaya. Gusto kong masilayan muli ang
kanyang magagandang mata. Yung mga
matang punung-puno ng saya. Hindi ko
magawang magsimula ng pag-uusapan.
Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“Kamusta ka na?” ang halos sabay
naming wika.
Tila umurong naman ang aking dila ng
marinig ko na kamustahin nya ako. Bigla
akong nablanko, yung tipong alam mo naman ang dapat mong maging tugon pero hindi
mo magawang maisatinig. Kaya naman
huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob at ng masabi ko na sa
kanya na matagal na akong nangungulila sa kanya. Na hindi ko sya kayang mawala sa buhay
ko. Sana kayanin ko. Sana…
“Ron, kasi…” hindi pa man ako
nakakatapos ng aking sasabihin ay bigla nya akong pinutol.
“It’s been a month since the last time
we saw and talked to each other. I’ve
been trying to call you but you weren’t answering. I’m sending you messages yet you did not
reply even once. I want to explain
things to you but you keep your distance to me.
I want to patch things up but it’s very impossible to do because you
were not listening.” ang pagsasaad nito habang nakayuko. Bumaon sa puso ko ang lahat ng kanyang
sinabi. Totoo naman kasi. Naging bato ako sa kanyang mga
paliwanag. Hindi ko naisip na
nahihirapan na rin pala sya. Ang tanging
nasa isipan ko noon ay masasaktan lang ako sa lahat ng maaari kong
marinig. Hindi ko sya binigyan ng
pagkakataong majustify nya ang kanyang sarili.
Naging makasarili ako.
“Ron, it’s not that…”
“I’ve been miserable since the day you
turned your back on me. Bumalik ako sa
dating buhay kung paano mo akong pinulot.
Nawalan akong muli ng pag-asa sa buhay.
At ngayon ito ako. Nananatiling
miserable kahit pa gustuhin ko ng bumangong muli. If you had just listened to my explanations,
things would not be like this. And you
know what? The most difficult thing to
accept, is yung isarado mo ang puso at isipan mo sa mga paliwanag ko.” Mula sa
aking kinauupuan ay kita ko ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Nadurog ang puso ko ng mga sandaling
iyon. Nakita ko na lang ang sarili ko na
lumuluha na rin.
“I am just afraid of what I am going
to hear. Naging duwag akong harapin ang
problema. Mas inuna ko ang sarili ko
kaysa pakinggan ang mga paliwanag mo. I
jumped into conclusion without hearing your side. Inaamin ko Ron, kinain ako ng selos kaya ko
nagawang tiisin ka. Pero hindi kita
kinalimutan kahit pa sabihin mong nagkalayo tayo. Walang araw na hindi kita iniisip. Walang araw na hindi ako nahihirapan dahil
wala ka sa aking tabi. Walang araw na
hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. At
ngayon nandito ako upang harapin ng lahat at umaasang magkakaayos tayong
muli. If you will just give me second
chance. Let’s start all over again and
forget all the things that happened between us.
Let’s make a new memory.” Ang mahabang pagsasaad ko ng damdamin kay Ron.
“I don’t know how to react now. Hindi ko rin alam kung kaya ko bang magbigay
pa ng isa pang pagkakataon. Durog na
durog na ako. Nasaktan na ako noon pero
hindi pa rin ako natuto. Pinilit kong
buuin muli ang sarili ko dahil alam kong wala na akong masasandalan pa ngayon
kundi sarili ko na lang. Sa totoo
lang, mahal pa rin kita…” alam kong may
sinasabi pa si Ron ng mga sandaling iyon ngunit ng marinig ko mula sa kanya na
mahal pa rin niya ako ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at dagling
lumapit sa kanya. Iniangat ko ang
kanyang mukha at pinahid ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Matapos niyon ay agad ko syang niyakap ng
ubod ng higpit.
“We will forget all the bad things
that happened. Isipin na lang natin na
isang masamang panaginip lang lahat ng iyon.
Magsimula tayong muli. Mahal na
mahal kita Ron mahal na mahal.” Nanatili
akong nakayakap sa kanya habang patuloy ang pag-agos ng luha sa aming mga mata.
Ilang minuto rin ang tinagal ng
pagkakayakap ko sa kanya.
“Sorry for all the pain that I’ve
caused you. Hindi ko kakayaning mawala
ka sa buhay ko Ron. Ngayon ko lang
napatunayan kung gaano talaga kita kamahal.
Kaya ako nandito dahil gusto kong magkaayos na tayo. Ron, please come back to me.” Matapos kong
sabihin ang lahat ng ito ay muli akong humarap sa kanya at hinawakan sa
magkabilang pisngi.
“Mahal na mahal din kita Christian
pero natatakot ako sa maaaring mangyaring muli.
Paano kung kainin kang muli ng selos.
Baka magpadala ka na lang dito at maiwan akong muli. Natatakot na ako dahil baka isang araw hindi
ko na kaya pang magmahal. Natatakot ako
dahil baka isang araw hindi ko na kayang buuin ang sarili ko. Natatakot ako kasi baka kahit sarili ko di ko
na kayang mahalin. Natatakot ako.”
“Hayaan mong tulungan kitang tanggalin
muli ang mga takot na nararamdaman mo.
Pagtutulungan nating matanggal yan. Magtutulungan tayo.”
Sa puntong ito hindi ko na napigilan
pa ang aking sarili kaya naman inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha. At
dahan dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Naging banayad ang pagtatagpo ng aming mga
labi. It was the sweetest kiss
ever. Kahit pa humahalo dito ang aming
mga luha. Still, it was the sweetest
kiss I ever tasted.
Pinagsaluhan naming ang gabi na tulad
ng dati. Gabing nilalasap ang tamis ng
aming pagmamahalan. Ang sarap ng pakiramdam na kasama at kapiling ko ngayon ang
taong mahal ko. At katulad ng
napagkasunduan naming gagawa kami ng bagong alaala at lilimutin na namin kung
ano man ang nangyari sa kahapon. Sobrang
sinulit naming ang gabing magkasama kami.
Nag-usap kung ano ang mga bagay na ginawa naming habang malayo kami sa
isa’t-isa. At napagtanto ko na labis na
sakit pala ang naidulot ko sa kanya.
Ngunit sa puntong ito naging magaan na ang usapan naming dalawa.
Ang sarap magbaliktanaw sa mga
alaalang nabuo naming dalawa. Maganda o
hindi kagandahan. Napapangiti na lang
kami habang napagkukwentuhan ang nakaraan.
Habang nakahiga kami at nakatingin sa kisame.
Tumagilid paharap sa akin si Ron
samantalang ako ay nanatiling nakahiga at nakatanaw sa kisame habang ang isang
braso ko ay nakadantay sa aking noo.
“Hindi ko alam kung bakit pinagkatiwala kong muli ang puso ko sa
yo. Isa lang ang alam ko. Mahal na mahal kita. Hiling ko lang na sana bago ka kainin ng selos
mo sana matuto ka munang makinig sa paliwanag at sana wag init ng ulo at pride
ang paiiralin.” Matapos sabihin ang mga
salitang iyon ay bigla ako nitong hinalikan sa pisngi nagulat ako at the same
time kinilig. Ang sweet kasi ng
pagkakadampi ng labi nya sa aking pisngi.
Banayad ngunit dama ko ang init nito.
Matapos iyon ay humarap ako sa kanya patagilid at kinuha ang kanyang mga
kamay at inilapit sa aking labi upang hagkan.
“I will try my very best para mag work
na ang relasyon nating dalawa. Maraming
salamat sa second chance. I love you and
I trust you.” Ito ang mga salitang
binitawan ko matapos hagkan ang kanyang mga kamay. Kitang kita ko ang kislap ng mga mata ni
Ron. Ang kislap na matagal ko ng hindi
nakikita ay muli kong nasilayan. Ang sarap
sa pakiramdam na makita ang taong mahal mo na masaya sa piling mo.
Inilatag ko ang bisig ko upang gawing
unan ni Ron habang nakayakap sya sa akin at hinahagod ang kanyang buhok. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala
kami.
Sa wakas nagawa ko na ring
makipagkasundong muli kay Ron wala na akong iisipin pang iba. Panatag na ang kalooban ko dahil alam kong
hindi na sya mawawala sa piling ko.
Hindi ko na sasayangin ang pangalawang pagkakataong ito. Iingatan ko ito gaya ng pag-iingat ko sa
kanya. Hindi ko na hahayaang kainin ako
ng selos ko at ng pride ko. I will try
to lessen those feelings dahil ayaw ko ng magkasira pa kami.
Ang sarap matulog ng wala kang iniisip
na problema, yung panatag ang kalooban mo.
Dahil alamg mong kinabukasan ay gigising ka ng maaliwalas na pag iisip
at malawak na ngiti sa mga labi. Natapos
na rin ang problema ko at sana makayanan na namin ang mga susunod pang
pagsubok. Nawa ay maging aral na sa amin
ang aming pinagdaanan. At sana lalo pang
tumatag ang aming pagmamahalan at tiwala sa isa’t-isa.
TOK! TOK! TOK!
Itutuloy. . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment