by: iamDaRKDReaMeR
“Oh, ready na para sa magdamagang
inuman?” ang bungad ni Christian.
“Hindi mo na ako dapat tanungin lagi
akong handa.” Ang magiliw kong tugon at binuksan ang mp3 player ko at ikinabit
sa speaker. Since inuman tunog kalye ang
inilagay kong playlist. Para naman
ganahan kaming lalo sa pag-inom.
Agad ng naming inumpisahan ang
pag-inom. Si Christian ang unang
tumagay. Ito ang unang pagkakataong
makakasama ko si Christian sa inuman at one on one pa talaga. Dahil simula nung makabalik kami galing ng
Kish Island ay hindi na kami nagkita panay usap na lang sa telepono ang aming
ginawa. Sa kadahilanang iniiwasan ko
talaga sya dahil ayaw kong masira ang pinakaiingatan kong relasyon kay Lee
ngunit ganon pa rin ang nangyari nawala pa rin sa akin ang taong labis kong
minahal. Ang taong labis kong
pinagkatiwalaan. Ang taong malaki ang
naging parte sa buhay ko. Pero nangyari
na ang nangyari. Gustuhin ko mang
balikan sya hindi na pwede. Dahil may
iba na syang mahal.
Naging dry ang inuman namin ni
Christian. Para kasing awkward feeling
para sa akin na ang taong matagal ng may gusto sa akin heto ngayon nasa harapan
ko at nakikipag inuman ng parang wala lang.
Masigasig na nagkukwento ng kung anong nangyari sa buhay nya sa mga
panahong hindi kami nagkita sasagutin ko lang ng maiiksing salitang TALAGA at
GANON.
Halos malapit ng maubos ang isang bote
ng tequila ngunit hindi pa rin ako nagkukwento hinayaan ko pa ring siya ang
bumangka sa pagsasalaysay samantalang ako ay nakikinig lang at magbibigay lang
ng pilit na ngiti paminsan-minsan.
“Kwento ka naman dyan.” Ang pagbasag
ni Christian sa katahimikan at tinungo ang mp3 player upang tignan pa ang mga
kantang nalalabi. Pumili sya ng
kanta. Hindi ko alam kung ano ang
kanyang pinili pero alam ko at nararamdaman ko na tatamaan ako sa anumang
kantang maaari nyang mapili. Dahil ganon
talaga si Christian kung hindi nya masabi sa salita idadaan nito sa kanta. “Ano tol tutunganga ka na lang ba? Hindi ka man lang ba magkukwento?”
Napangiti ako ng marinig ko ang pinili
nyang kanta. Tinamaan ako di ako
nakailag.
“Hoy ang sabi ko magkwento ka hindi
ngumiti!” ang pabiro nitong wika sa akin.
Huminga ako ng malalim upang kumuha ng
lakas na aking kakainlanganin sa pagkukuwento kung ano ba talaga ang nangyari
sa amin ni Lee. Kung paanong sinira ng
taong minahal ko ng lubos ang mundong sya rin ang bumuo.
Hindi mo mapigilang mapaluha habang
nagkukwento ng mga pangyayari habang si Christian naman ay matiim lang na
nakikinig sa bawat salitang aking binibitawan.
Makikita mo sa kanyang mga mata ang pagkahabag sa kanyang
naririnig. Namalayan ko na lang na nasa
tabi ko na pala sya hinihimas ang aking likod at nakita ko na lang ang aking
sarili na yumakap sa kanya at isinubsob ang aking ulo sa kanyang balikat.
“Shhhh… tahan na. Sabi ko naman sa yo diba nandito lang ako
palagi para sayo.” Ang tinig nya na tila
dama rin nya ang sakit at hapdi ng aking pinagdaraanan.
May ilang minuto rin kaming nasa
ganoong posisyon. Magkayakap. Hinahayaan lang ako ni Christian na ilabas
ang lahat ng sama ng loob ko. Walang
tigil rin niyang hinihimas ang aking likuran upang ako ay aluin.
“Tama na nga. Tagay ko nasan na?” ang pilit kong
pagpapalakas ng loob. Alam kong
tinatamaan na ng espiritu ng alak si Christian kaya naman sinabihan ko na sya
na kung inaantok na sya ay mauna na syang matulog at tatapusin ko lang kung ano
ang kaya kong tapusin. Pero sa totoo
lang gusto kong ubusin ang lahat ng natitira pang alak upang hindi ko na
maramdaman ang sakit na dulot ng nakaraan.
Agad namang nagpaalam si Christian na magsisipilyo daw sya bago matulog
kaya naman sinamahan ko muna sya papunta ng banyo. Bago pa pumasok ng banyo si Christian ay
bigla na lang akong nitong binigyan ng isang mabilisang halik na aking
kinagulat.
“Everything will gonna be
alright. In time Ron, I will help you
fix your broken heart.” Ito ang mga salitang kanyang binitawan bago pa tuluyang
pumasok ng banyo. Bumalik naman agad ako
ng aking kwarto tulala at paulit ulit na umaalingawngaw sa aking pandinig ang
mga katagang binitawan ni Christian. He
never gave up on me pero I am not yet ready having another love affair.
Pagkapasok ko ng kwarto ay bumalik ako
sa pag-inom. Naubos ko na ang unang bote
kaya naman agad kong kinuha ang pangalawang botelya ng alak at pilit na
nilulunod ang aking sarili sa alak upang makalimot kahit panandalian lamang. Nang makabalik si Christian nagulat sya sa
nakita.
“Tol ang bilis mong uminom dahan-dahan
lang baka kung anong mangyari sa yo halos makalahati mo na yang pangalawang
bote eh wala pang 10 mins kitang naiwan.” Ang may pag-aalala nitong sabi sa
akin.
“Don’t worry about me tol I can
manage. Kaya ko pa.” pero sa totoo lang
medyo tinatamaan na ako ng kalasingan pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko na
ubusin ang alak kahit pa may pait na ang bawat lagok na aking ginagawa.
“Sigurado ka Ron? Samahan na lang kita kahit di na ako iinom
masiguro ko lang na walang mangyayaring masama sa yo.”
“Kung yan ang gusto mo di kita
pipigilin.” Sabay lagay ulit ng alak sa shot glass at sabay lagok.
Hinayaan ko na lang syang nakatingin
sa akin habang ako ay abala sa pagtagay at paglagok. Napapailing na lang si Christian sa kanyang
nasasaksihan at kita sa kanyang mga mata ang awa at habag.
“Tol, wag mo kong tignan ng
ganyan. Wag mo kong kaawaan hindi ko
kailangan ng awa ang kailangan ko pag-intindi at pagdamay hindi awa.” Ang tila
walang preno kong bigkas ng salita kay Christian.
“Hindi kita kinakaawaan. And if only I could take all your heartaches,
I would. If only I can do something to
ease your pain and lighten your burden, I would. Pero ikaw mismo ayaw mong tulungan ang sarili
mo. I can’t do anything but to listen
and sympathize with you. That’s the
least thing I can do for you.”
Muli na namang bumuhos ang masaganang
luha sa aking mga mata ng marinig ko ang mga katagang binitiwan ni
Christian. Bumaon ito sa aking puso
ramdam ko na talagang gusto akong tulungan ni Christian pero hindi pa ako
handang pakawalan ang aking nararamdaman para kay Lee. Totoo ang sinasabi ni Christian sa akin wala
syang ibang magagawa kundi makinig at makisimpatya lang sa aking kabiguan dahil
kahit ako ay hindi ko alam paano ko tutulungan ang sarili ko except sa pag-inom
na nagbibigay ng pansamantalang pagkalimot.
Naramdaman ko na lang na itinayo ako
ni Christian mula sa pag kakaupo at niyakap ako ng mahigpit habang ako ay
patuloy na umiiyak.
“Tahan na Ron I can’t afford to see
you like this. This is not the Ron na
nakilala ko. I know you can overcome
what you are having right now. But for
now be brave enough in facing the situation that you are in to. As what I have said to you a while ago, I
will always be here for you no matter what, if you will just let me in to your
life.”
“I am… not… yet… ready… Christian” ang
utal-utal kong wika gawa ng aking paghikbi.
Tuloy pa rin ang pagyakap ni Christian
sa akin. Dama ko na safe ako sa kanyang
mga bisig ng mga oras na iyon pero hindi ko maiwasang maramdaman ko pa rin ang
sakit. Bakit ba hindi madaling
makalimot? Ito ang tanong ko sa sarili
ko ng mga sandaling iyon.
“Kung ano man ang pinagdaraanan mo
ngayon tol, may dahilan yan. Kailangan
nga lang tanggapin mo yan ng maluwag sa puso mo para hindi ka na mahirapan ng
ganyan dahil pati ako nahihirapan. Hindi
ko man nararanasan ang nararansan mo ngayon pero ang bigat at sakit na
pinagdaraanan mo ay dama ko. Dahil mahal
kita. Alam kong alam mo yan simula pa
nung nagkakilala tayo.”
“Stop it Christian!” ang saway ko
dito.
“Bakit ayaw mong marinig ang
katotohanan na may isang tao na handang tanggapin ka kung sino at ano ka man?”
“I said stop it!” ang may tigas kong
wika dito.
“OK I will stop for now but won’t stop
loving you until you came to realize the love I have for you.”
“Kailan mo ba ako susukuan? Kalian ba darating ang araw na ititigil mo
ang nararamdaman mo para sa akin? Hindi
pa ako handa. At alam kong matatagalan ako bago pa muling magmahal. Kaya ibaling mo na lang sa iba ang
nararamdaman mo. “
“No! I only want you.” Ang siguradong
wika ni Christian.
“At para nmang sigurado ka sa
nararamdaman mo sa akin para sabihin mo yan.”
“Oo sigurado ako sa nararamdaman ko
para sa yo. Matagal na. Matagal ko na ring pinag-isipan at tinimbang
ang nararamdaman ko sa yo. Pilit kitang
kinalimutan pero habang kinakalimutan kita lalo lang lumalalim ang pagmamahal
ko para sayo. Mahirap bang intindihin
yon Ron?”
Wala na akong naisagot pa sa mga
sinabi ni Christian kundi luha. Agad namang pinahid ito ni Christian gamit ang
kanyang kamay. Lalong lumakas ang aking
pag-yak ng mga sandaling iyon.
“Ron, please stop crying. I am not used of seeing you hurt.”
Tanging hikbi lang ang aking naisagot
sa kanya.
Itinaas ni Christian ang aking mukha
at tinitigan ng diretso sa aking mga mata.
“I love you Ron. I know it’s awkward in this kind of situation
para sabihin ko sa yo na mahal kita. You
just came from break up and here I am telling you that I love you. Ron hindi kita minamadali dahil handa akong
maghintay. But let me love you. Kahit pa hindi ka pa handa. Hayaan mo lang akong gawin ito.”
Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko
sa kanya. I was caught off guard. Masyadong malalim ang mga katagang binitiwan
ni Christian. Feeling ko that time he is
just taking advantage of the situation.
Na gagamitin lang nya ang heartache ko para mahalin ko sya. Masyado ng
naguguluhan ang utak ko that time. Marami ng masyadong bagay ang
nagpapakomplikado ng pag-iisip ko.
“Tama na Christian matulog na lang
tayo.” Ang sambit ko.
Pinahid ko ang aking mga mata at
sinimulan ng iligpit ang kalat n gaming pinag-inuman at kinuha ang toiletries
ko upang makapaghilamos at makapagsipilyo bago matulog.
Pagbalik ko ng kwarto ay nakita kong
nakahiga na si Christian nakalagay ang isang kamay sa ibabaw ng ulo tila
nag-iisip ng napakalalim. Hindi na ako
nagsalita pa dahil sa totoo lang pagod na ako at gusto ko na lang matulog. Kaya naman agad ay humiga na ako sa kanyang
tabi at ipinikit ang aking mga mata.
“Tol…” ang pagtawag nito sa akin.
“Bakit?”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment