Wednesday, December 26, 2012

Anino ng Kahapon (07)

by: iamDaRKDReaMeR

Hindi naging madali ang aming pagsasama ni Christian ngunit lagi pa rin niya akong iniintindi at inuunawa sa mga naging kilos ko dahil sa totoo lang hindi madaling limutin ng tulad ni Lee.  Alam kong darating din ang araw na buong-buo ko ring mamahalin ang taong nagmamahal sa akin ngayon.

Lumipas ang ilang buwan ng pakikibaka sa paglimot ko sa nakaraan at paghahanap ng trabaho sa tulong ni Christian.  Natanggap ako sa isang trading company at nagtatrabaho na bilang Admin Assistant/Secretary.  Naging madali lang sa akin ang paghawak sa trabaho more on clerical works lang naman kaya madali na para sa aking gampanan ang trabahong naibigay sa akin.

Si Christian ay hindi pa rin pumapalya sa pangako nya na tutulungan akong makalimot at sa totoo lang natutuon na ang atensyon ko sa kanya unti-unti ko ng nalilimutan ang sakit.  Sigruo kung matagal ko ng tinanggap si Christian malamang naghilom na ang sugat ng kahapon.

Isang gabi habang nagmumuni muni ako sa naging desisyon ko biglang nagring ang telepono ko at ng tignan ko ay si Christian ang tumatawag.  Walang palya araw-araw tumatawag sya para lang mangamusta at magkwento ng nangyari sa araw nya.


“Helloooo.” Ang maligalig kong sagot.

“Happy 2nd Monthsarry Buddy!” nabigla ako sa narinig ko.  I almost forgot na monthsarry na pala namin pero ano nga ba ang bago lagi naman akong nakakalimot sa dapat ay espesyal na araw para sa amin ngunit hindi si Christian at ngayon ay napagtanto ko na tama ang naging desisyon ko.  Ang bigyan sya ng pagkakataong pumasok sa buhay ko.

“Happy 2nd Monthsarry Budz! Ang aga mo namang bumati.” Ang tugon ko dito.

“Anong maaga look at your watch it’s already 12MN na po.  Kaya tamang oras lang po ang pagbati ko sa yo. So musta ang araw ng Buddy ko?” napatingin ako sa relo at tama nga naman sya alas dose na.

“Ito pagod ang daming work kanina ih.  Okay lang sana kung physically tired kaya lang mentally eh.  Daming paper works dami kasing transaction daming delivery.”  At katulad ng dati kwentuhang walang humpay ang nangyari sa magdamag.  Almost one hour din kaming nag-usap kung hindi ko pa naalala na may pasok pa pala ako di pa nito ibababa ang tawag.

Ang saya ng pakiramdam ng may taong nagmamahal sa yo kahit na sa parte ko ay hindi ko pa rin buong naibibigay ang puso ko pero sa tingin ko sapat ng rason ito para maipagpatuloy ang nasimulan na.

Lumipas pa ang ilang buwan at halos hilom na ang sugat.  Mas naging masayahin na ako.  Tila nanunumbalik na ang dating Ronald.  Ang taong always looking at the brighter side of life and of course I am thankful to Christian dahil sya ang sanhi ng nalalapit na pagkakabuo ng pagkatao ko at ng puso ko.  Sa puntong ito hindi ko alam kung bakit eager akong makita si Christian.  At dahil Thursday naman at half-day lang ang pasok ko I decided to go to Dubai.  On the way,  I called him kasi halos same lang naman ang schedule namin half day lang din sya.

“Budz, any plan for today?”  ang agad kong tanong ng sagutin nito ang tawag ko.

“Wala naman Buddy.  I am just planning to stay at home and take some rest dahil sobrang pagod.  Stressed out ako sa amo ko and sa work baka bukas na lang ako gumala.” Ang medyo matamlay na tugon nito.

“Ah ganon ba? Hmmmmm…. What if pumunta ako jan to spend my weekends, what do you think?” ang malambing kong tanong.

“Talaga! Sige Buddy.  Miss na miss na din kasi kita. Tagal na akong di nakapunta sa yo eh.  What time ka ba pupunta?” ang biglaang pagsigla ng tono nito.

“On the way na ako actually.  What do you want for dinner?  Bibili na lang ako sa Pinoy restaurant sa bus station.”

“No need I will cook na lang mas masarap kaya ang luto ko kaysa sa bibilhin mo.  Yung luto ko with love yun.”ang may pagyayabang na wika nito.  Pero sa totoo lang napangiti ako nito sa simple nitong tinuran.

“Bolero, Sige na Budz kita kitz mamaya tulog na lang din muna ako sa byahe para fresh ako mamaya pag nagkita tayo. I LOVE YOU Budz!” sabay baba ng telepono at hindi ko na pa hinintay ang sasabihin nito dahil ayaw kong kiligin ako ng sobra sa bus and to be honest namumula ako ng mga sandaling iyon dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinabihan ko ng I LOVE YOU si Christian matapos ang ilang buwan na naming magkarelasyon.

Halos alas siyete na rin ng gabi ng makarating ako ng Dubai at kailangan ko pang sumakay ng taxi para makarating kanila Christian and it took me another 15 minutes of ride.  Iba ang araw na ito para sa akin para akong rejuvenated di ko alam ang dahilan basta ang alam ko masaya ako ng araw na iyon sobrang saya.  Tumawag ako kay Christian upang ipaalam na malapit na ako sa kanila kaya naman pagbaba ko ng taxi sa harap ng building nila ay nandoon na sya at naghihintay sa aking pagdating.  Agad na kinuha ang dala kong bag at nagulat ako sa ginawa nitong paghalik sa labi ko sa public place dahil baka mamaya may makakitang pulis magkaaberya pa sana kung nasa Pilipinas lang kami.

“Musta ang byahe ng Buddy ko? Pagod ba? Halika na at naghihintay na ang pagkain nakaready na dahil alam kong pagod at gutom ka sa byahe.” Ang masuyo nitong wika sa akin.  At agad kaming tumuloy na ng room nila.

Pagpasok namin ng bahay ay may ilang taong nakaupo sa sala at mukhang nag uumpisa na ang Thursday fever.  Nagkakainuman na sila at nagvivideoke.  Agad akong ipinakilala ni
Christian sa kanyang mga kasama sa bahay.  Dahil ito ang pangalawang beses kong nakapunta sa bahay nila at di katulad dati na wala akong naaubutang tao ngayon halos lahat yata ng ka flat mate nya at present.  At ang ikinabigla ko ay hindi nito ikinahiya na magkarelasyon kami instead proud pa sya na pinapakilala niya ako as his Boyfriend. Nakakataba ng puso.  Ito ang hindi ko naranasan kay Lee ang ipakilala ako sa mga friends nya as his partner.  Nang maipakilala ako sa lahat ay agad kaming dumiretso sa kwarto nito.

“Buddy, salamat ha.  You don’t know how happy am I ngayong araw na to, not just because you are here physically but because after the long wait narinig ko rin ang mga salitang matagal ko ng hinihintay na marinig ko mula sa yo.” Ang maluha luha nitong wika. “I love you Buddy!” sabay bigay ng matamis na halik.

“Budz, now I realized how much I love you.  And I am sorry I if I kept you waiting. At isa pa Budz, kain na tayo baka magdrama na lang tayo hindi na tayo makakain.” Ang seryoso at pabiro kong wika dito. Agad akong niyakap at binigyan muli ng halik sa labi.

Nang matapos kaming makakain ay inaya ako ni Christian na lumabas sa sala at makipag umpukan na sa mga kasama nya.  In short, makipag inuman na.

Naging masaya ang gabing iyon may mga ilang makukulit na kasama sa bahay si Christian kaya naman naging at home agad ako. Kasi kung titignan parang mga katropa ko lang din ang kasama ko ngayon. Makukulit, makwento, palabiro, at higit sa lahat mga tomador. Halos mag aalas dos narin ng umaga ng matapos ang inuman at katulad ng dati hindi ako makakatulog kahit pa lasing ako kung hindi ako magsashower.

Nang matapos ako at nakapasok na ng kwarto ay nakita kong nakahiga na si Christian at katulad ng laging nangyayari sa akin pag nakikita ko syang natutulog.  Napako na naman ang mga mata ko sa mala anghel nitong mukha.  Hindi ko na rin namalayan na nakatingin na pala ito sa akin.

“Tititigan mo na lang ba ako Buddy hindi ka pa ba matutulog?” ang pagbibiro nito sabay bigay ng malawak na ngiti at isang nakakalokong kindat.

“Asus, if I know kinikilig ka naman ng tinititigan kita.” Sabay balik ng malawak na ngiti at nakakalokong kindat sa kanya.

Agad na rin akong humiga sa tabi nito at yumakap.  Alam kong nagulat si Christian sa inasal ko dahil hindi ako ang taong nauunang yumakap kapag magkasama kami.

Naramdaman kong humarap ito sa akin at dama ko ang mainit nitong hininga at amoy ko mula sa kanyang bibig ang singaw ng alak pero hindi ko alam bakit parang may ibang kiliti ang amoy nito na dumaloy hanggang sa pinakamaliit na ugat ko sa katawan.  Naramdaman ko na lang na naglapat na ang aming mga labi.  Naging mapanuyo ang mga halik ni Christian at naging mapagpaubaya naman ako sa lahat ng ginagawi nito.  Sa pagkakatanda ko ito ang pangalawang beses na ibinigay ko ang sarili ko kay Christian ng buong buo.  Una ay nung magkasama kami na nag exit sa Qeshm at ngayon na magkarelasyon na kami.  Nakita ko na lang na kapwa kami wala ng damit at kapwa umiindayog sa ritmo ng musika na kaming dalawa lamang ang nakakarinig.  We make love.  Hindi dahil lasing kami bagkus ito ang ginusto ko dahil alam kong mahal ko na sya at panahon ng ipadama ko sa kanya ang pagmamahal na matagal na nyang hinihintay at inaasam.

“Ngayon masasabi kong tama ang naging desisyon kong papasukin kita sa buhay ko.  Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.  Masaya ako Budz sobrang saya. I LOVE YOU.”  Ito ang mga katagang binitawan ko ng matapos ang nangyari sa amin.

“Buddy wala ng mas magiging masaya pa ngayon kundi ako.  Matapos ang matagal na paghihintay it paid all my sacrifices.  I love you.” Sabay bigay ng isang matamis na halik.

Nakatulog kaming magkayakap at magkadikit ang mga labi at kapwa walang saplot sa katawan.

“Buddy gising na.  Nakahain na ang pagkain at maggagala pa tayo.” Ang paggising sa akin ni Christian.

Agad akong bumangon, nagbihis at tumungo ng banyo upang makapag hilamos.  Pagbalik ko ay agad kong sinaluhan si Christian.  Bakas na mukha nito ang saya gayon din ako.  Ramdam kong kakaibang saya mula sa loob.  Hindi ko maipaliwanag kung ano yun basta ang alam ko masaya ako.  Nang matapos kaming kumain ay agad kaming naligo at nag-ayos ng sarili upang maggala.

Hinayaan ko lang si Christian kung saan nya gustong maggala.  At nagpunta kami ng IBN Batuta Mall.  Naglibot libot at namili na rin ng kahit papaano.

Sa loob ng isang shop ay magkahiwalay kaming namimili.

“Excuse me.” Ang wika ko sa isang lalaking nakatalikod at namimili.

“Ron.” Ang wika ng natulalang lalaki sa akin.

Itutuloy. . .  . . . . . . . .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com

No comments:

Post a Comment