by: iamDaRKDReaMeR
DING DONG!
Agad kong kinuha ang wallet ko at
tinungo ang pintuan. Upang pagbuksan ang
delivery boy. Matapos makuha ang pinadeliver ko ay bumalik agad ako
sa kwarto. Inilalabas kong paisa-isa ang
mga pagkain ng makakita ako ng isang papel na nakatupi.
Inaayos ko na ang mga chips na binili
ko ng dumating si Enzo.
“Ang dami naman masyado ng chips na
binili mo, mukhang magdamagan ang panonood natin ng movie ha.” Bungad nito ng
makapasok sa kwarto.
“Movie marathon diba? ‘Pag movie marathon ba isang movie lang
pinapanood mo?”, pang-aalaska ko dito.
Balik ang tingin ko sa papel na
nakatupi.
“Ano yan, loveletter?”, balik alaska
nito sa akin.
Hindi ko na lang pinatulan at tuluyan
na lang tinignan kung ano talaga ang nakalagay sa papel na kanina ko pang
hawak. Agad kong binuksan para malaman
ko na kung ano ang laman nito. Nang
mabuksan ko na; akala ko pa naman sulat, scratch paper lang pala na nahulog sa
mga inorder kong chips. “BADTRIP!” sabi
ng isip ko. Inaasahan ko kasing isang
sulat ito galing kay Christian. Assuming
diba? Pero ‘yun ang totoo, ‘yun ang
gusto ng puso at isip ko, dahil nananabik na akong makasama at makaharap muli
ang taong mahal ko.
“O, bakit parang Biyernes Santo ang
mukha mo d’yan? May problema ba?”,
pagpuna ni Enzo sa akin.
“Wala naman, ‘wag mo kong
intindihin. Masasanay ka rin sa
akin. Ganito lang ako minsan, biglang
nagbabago ng mood.” Pagpapaliwanag ko dito.
“Hintayin mo ko bago ka manood ha baka mamaya pagbalik ko nakasalang na
ang movie, konyat sa ngalangala ang aabutin mo sa akin.” Lokong pagbabanta ko dito.
Matapos ‘kong makapaglinis ng katawan
ay bumalik na ako ng kwarto, ang inaakala kong makakasama kong manood ayun at
tulog na tulog na, hinayaan ko na lang din na makapagpahinga si Enzo. Sa nakita ko kanina, kung makakasama ko
s’yang mag-movie marathon hindi na rin n’ya maa-appreciate ang papanoorin
naming kahit pa maganda ang movie. Alam
ko ‘yun, napagdaanan ko na diba? Kaya
para hindi ko ito maistorbo, sa sala ako nanood tutal may dvd player din naman
doon at tv. Nagdala lang ako ng unan at
blanket para naman hindi ako lamigin sa panonood ko.
Agad akong nagsalang ng movie na
mapapanood sa player. Romantic-Comedy
ang pinapanood ko. Nasa kalagitnaan na
ng movie ng bigla kong naalala si Christian.
Madalas kasi kapag magkasama kami, ito ang bonding moment naming dalawa,
lagi kaming nanonood ng movie. Kaya lang
sa pagkakataong ito mag-isa lang ako.
And here we go again, sadness strikes once more. “Ano ba Ron, imbis na magmoment ka na naman
d’yan bakit hindi mo na lang i-focus ang
sarili mo sa panonood!” Ang utos ng utak ko, dahil alam kong bibigay na naman
ang mga luha sa aking mga mata kung patuloy kong iisipin si Christian. Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong
lakas ng loob na kausapin si Christian kahit pa gustong-gusto ko na. Imbis na ituloy ko ang pagmo-moment
ipinagpatuloy ko na lang ang panonood ng movie.
Focus na lang ako sa panonood ko ng
movie hanggang sa natapos ang unang film.
Dahil nga movie marathon, agad akong nagsalang ng pangalawang movie,
kalagitnaan ng movie, hindi ko na alam kung ano na ang sumunod na nangyari
dahil sa nakatulog na pala ako habang nanonood.
Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga munting galaw sa paligid ko.
“Oy, tol. Ang aga mo namang magising,” ang pagtawag ko
ng atensyon ni Enzo habang nag-iinat pa.
“Oo eh, ang daya mo ha. Nanood kang mag-isa, ang sabi ko sa ‘yo
sasama akong manood. Nakatulog lang ako
hindi mo na ako ginising,” tila nangongonsensya nitong wika sa akin. Napakamot lang ako ng ulo. “Sige na, lipat ka na sa kwarto para maayos
ang tulog mo. Ako na ang bahalang
magligpit dito sa sala.” Agad naman
akong tumayo at pumunta ng kwarto upang ipagpatuloy ang naudlot na tulog.
Halos maghapon din akong nakatulog,
nagising na lang ako ng makarinig ako ng kwentuhan na paminsan-minsan ay may
halong tawanan mula sa sala. Tumayo ako
at tinignan kung sinu-sino ang nasa sala.
Aba kumpleto ang tropa. Naabutan
ko sila Jane at ang boyfriend nyang si Roger, si Edward, si Virgie, si Cherrie,
Sa mga nakaka-alala sila yung mga kasama ko sa bahay, at si Richard, kaibigan
namin kung saan madalas kaming tumambay.
May dalawa pang kasama na pamilyar sa akin, dahil present din tuwing may
inuman. Agad akong nakita ni Roger.
“Ron, gising ka na pala.” Si Roger.
“Hindi tulog pa ako, nag-sleep walk
lang.” pilosopong sagot ko.
“Kita mo to, kinakausap ng maayos
pilosopo,” sabay kamot sa ulo.
“Nakita mo na kasing dilat na mata ko
kailangan tanungin pa kung gising na ako.
Ano pa bang evidence ang kailangan mo para lang mapatunayang gising na
ako?” pambubuska ko ng todo.
“O ‘sya sige, kumain ka na at ng
makasabay ka na sa tagayan.” Utos nito sa akin.
“Ayun, papakainin ako para makatagay
na agad ako, ayos din ah.” Kaswal kong tugon sa utos ni Roger. “Oy, ikaw Enzo, kumain ka na ba at nakisalo
ka na agad d’yan. At close agad ha?” Tanging ngiti lang ang nakuha kong sagot mula
dito. Dumiretso na ako sa kusina upang
kumuha ng makakain at pumuwesto na rin
sa umpukan nila.
“Ron, alam mo bang broken hearted din
pala itong si Enzo.” Si Edward. Kung natatandaan nyo pa sya. Actually wala naman syang masyadong exposure
sa buhay ko kasi naman laging nasa trabaho, at kung may inuman naman bihira
naming makasama dahil na rin mabilis malasing.
“O, anong koneksyon ng pagiging broken
hearted n’ya sa akin?” sabay harap kay Edward at tinitigan ko ito ng walang
reaksyon na mababakas sa mukha ko upang ipaalam na hindi ko nagustuhan ang
kanyang sinabi.
“Wala naman, ang sa akin lang eh, baka
naman may chance na maging kayo.” At sabay-sabay na nagkantyawan ang
grupo. Nakita kong napayuko si
Enzo. Marahil ay dala ng hiya.
“Magsitigil nga kayo! Baka mamaya mapikon si Enzo, alam nyo namang
bago lang yung tao dito kung anu-anong panunukso na binibigay n’yo d’yan,” inis
kong tugon sa sinabi ni Edward at ipinagpatuloy ko ang aking pagkain.
Nagpatuloy na lang sila sa pag-inom at
ako naman matapos kumain ay nagpahinga ng konti ay sumabay na rin sa tagay.
Napansin kong halos hindi pumapase sa
inuman si Enzo simula ng maupo ako sa umpukan.
Samantalang ang iba naming kainuman ay sige na ang pag-pass. Kung minsan nga ay sinasalo pa ni Enzo ang
ibang tagay. Kaya naman inagaw ko na ang
tagayan at ako na ang nagmani-obra ng inuman upang hindi nila mapansin na hindi
ako gaaanong tumatagay, gawa na rin ng pag-aalala ko na baka walang mag-asikaso
sa aming dalawa ni Enzo kung parehas kaming magpapakalasing.
Natapos ang inuman ng bandang
alas-diyes ng gabi. Halos bagsak ang
lahat, sino ba naman kasi ang may sabi sa kanilang itumba namin ang anim na
bote ng brandy? ‘Nung umupo ako sa
umpukan ay naka-ubos na sila ng dalawang bote.
Lasing na lasing si Enzo, ako naman ay
medyo may tama na rin. Dahil medyo may
hilo na akong nararamdaman.
“Bakit ganon’? Hindi n’ya makita na mahal ko s’ya. Bakit hindi n’ya maramdaman na nasa tabi n’ya
ako lagi? Bakit hanggang pagkakaibigan lang
ang kaya n’yang ibigay sa akin? Ano bang
mali sa akin?” ito ang sentimyento ng lasing na si Enzo.
“Alam mo Enzo, walang mali sa
‘yo. Marahil ang pagkakataon ang
mali. Dahil minahal mo ang kaibigan mo
pero may mahal na itong iba. Sana naiintindihan
mo ‘yun, hindi pwedeng maging kayo kasi kaibigan lang ang tingin n’ya sa
‘yo… O baka naman, ayaw n’ya lang masira
ang relasyon n’yo bilang magkaibigan.” Pauna kong wika habang patuloy na
dumadaloy ang mga luha sa mata ni Enzo.
Nanatili itong tahimik.
“May mga bagay kasi sa mundo na hindi natin
maipaliwanag. May mga bagay tayong
gusto, pero hindi pwedeng maging atin.
Kasi pagmamay-ari na ng iba.
Minsan kasi nag-a-assume agad tayo sa mga sweet gestures na ipinapakita
sa akin. Minsan kasi misunderstanding
lang ang lahat. Minsan akala natin the
feeling is mutual, ‘yun pala ikaw lang ang may pagtingin, samantalang para sa kanya you are just an
ordinary friend,” pagbibigay punto ko sa kanyang nararamdaman. “Sa isang relasyon, magkaibigan man o
magkasintahan, may isa na palaging magsasakripisyo, may isa na dapat laging
umiintindi, may isa na dapat magparaya.
Kasi sabi nga nila, LOVE IS A TWO WAY STREET. Hindi pwedeng magkasalubong kasi magkakabanggaan
kayo, magkakasakitan. Kaya dapat alam mo
kung saan ka lulugar para hindi ka masaktan.
Hindi kasi sa lahat ng panahon ay
nakukuha natin ang lahat ng gugustuhin natin.
Dapat alam mo kung kaylan ka dapat bumitiw at kaylan ka dapat lumaban,”
mahabang paliwanag ko.
“Hindi mo ko naiintindihan tol!” may
kataasang boses nitong sambit.
“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan
mo. Dahil katulad mo, at katulad ng
nasabi ko sa yo, may problemang puso din akong hinaharap ngayon. Kaya kung ano man ang nasa loob mo, naiintindihan
ko.” medyo inis kong tugon dito.
Katahimikan ang umiral sa pagitan
naming dalawa. Kitang-kita ko ang hirap
ng kanyang pinagdaraanan. Nakatulala si
Enzo habang patuloy ang pagpatak ng luha n’ya.
Lumapit ako sa kanya upang akayin sya papasok ng kwarto.
Iniupo ko si Enzo sa may kama. Nanatili itong walang kibo habang patuloy ang
pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.
“Lahat naman naibigay ko sa
kanya. ‘Pag kailangan n’ya ako isang
tawag lang, nasa tabi n’ya agad ako.
‘Pag nag-away sila, ako ang takbuhan n’ya. Minsan ako pa ang gumagawa ng paraan para magkaayos
sila. Pero anong nangyari sa akin. Naging dakilang kaibigan lang ako na handang
umintindi, isang kaibigan na ‘pag kailangan n’ya nagkakandarapa pa sa pagpunta
sa kanya,” pinakinggan ko na lang ang kanyang mga hinaing, dahil sa tingin ko ito na lang ang mabuti
kong gawin kaysa sabayan ko pa ang kanyang lungkot. Tanging paghagod sa likod at pagpapatahan na
lang ang ginawa ko upang kahit papaano ay mahimasmasan sya sa kanyang
pinagdaraanan. Isinandig ko ang kanyang
ulo sa aking balikat habang patuloy ang paghagod ko sa kanyang likuran.
“Shhhh… tahan na, magiging ayos din
ang lahat. Basta maging matatag ka
lang.” pag-aalo ko dito.
Hinayaan ko na lang syang umiyak
hanggang sa makatulog s’ya sa balikat ko.
Marahan ko s’yang inihiga upang hindi magising. Agad akong nagpa-init ng tubig at kumuha ng
plangganita. Marahan kong pinunasan ang
buong katawan ni Enzo at pinalitan na rin ng damit upang guminhawa ang
pakiramdam nya. Nang makita kong
mahimbing na ang tulog ni Enzo ay napagdesisyunan kong ligpitin ang kalat sa
sala.
“Sana ganito lang kadali ang pag-alis
ng sakit na nararamdaman ng isang tao.
Na makukuha lang sa konting walis at punas makakalimutan na ang lahat ng
mapapait na nangyari o kaya naman ‘pag ginamitan mo ng vacuum matatangay ang
lahat ng hapdi ng sugat na ginawa sa puso.”
Ang nasabi ko sa aking sarili matapos matunghayan ang pagtangis ni Enzo
dahil sa taong mahal nya.
Napaupo akong bigla at naisip ko na
tawagan si Christian. Kinapa ko ang bulsa ko upang i-check kung nandito ang
cellphone ko, ngunit wala. Agad akong
pumasok ng kwarto upang kunin ang aking telepono. Pagpasok ko ng kwarto ay gising si Enzo. Nakaupo ito sa kama at hawak ang bibig tila
nasusuka. Kaya naman dali-dali kong
kinuha ang plangganita na pinaglagyan ko ng pamunas niya kanina at itinapat ito
sa kanyang bibig.
“Wharrrkrkkk… uuungghhh…” mabuti na
lang ang eksakto ng bumulwak ang suka n’ya ay nasalo ng plangganita kung hindi
magpapalit ako ng hindi oras ng bedsheet.
Kung kalian naman talaga tatawagan ko si Christian tsaka pa to
nakisabay. Ang inis na sabi ng utak ko.
Matapos sumuka ni Enzo ay inayos ko itong
muli. Pinunasan ko s’yang muli at hindi
muna pinahiga. Hinayaan ko muna itong
nakasandal sa may headboard at nakaupo.
Hindi ko magawang tawagan si Christian dahil inaalala ko baka sumuka
ulit si Enzo.
“Bakit ba kung kalian namang handa na
akong makipag-ayos kay Christian, hayzzzzzzzzz…” bulong ko sa sarili.
Inabot na ako ng madaling araw sa
kababantay kay Enzo. Paminsan-minsan
kasi ay sumusuka pa rin. “Sino ba naman
kasi ang may sabing magpakalunod sa alak?!”
inis kong wika habang hinahagod ko ang likuran nito gawa ng
pagsuka. “Sa susunod ‘wag kang iinom ng
sobra kung hindi mo kaya.” Dagdag ko
pa. Ito pa naman ang pinaka-ayaw ko sa
lahat ang magbantay ng lasing. Katwiran
ko kasi sa buhay ko, umiinom ako pero
never akong namimerwisyo ng kapwa ko.
Dahil kahit anong lasing ko kaya ko ang sarili kong dalhin sa banyo
upang ‘don sumuka.
At sa wakas humupa na rin ang pagtawag
ni Enzo ng uwak. Siguro naman
makakatulog na ako nito ng maayos.
Matapos ligpitin ang mga kalat ng ay nahiga na ako sa tabi ni Enzo. Agad akong nakatulog dahil na rin sa pagod ng
paglilinis ko sa suka n’ya.
Sa sobrang sarap ng pagkakahimbing ko
hindi ko na naramdamang tumayo si Enzo.
Ginising n’ya na lang ako na nakahanda na ang pagkain. Gusto ko mang tanggihan muna si Enzo dahil
gusto ko pang matulog ay hindi ko magawa dahil nakahanda na ang lahat sa
mesa. Kaya naman wala akong magagawa
kung hindi bumangon at kumain.
Sa harap ng mesa ay hindi ako
kumikibo. Alam kong dama ni Enzo ang
inis ko sa ginawa nya. Nanatili lang din
itong tahimik. Matapos naming makakain.
“Ron, sorry pala.” Bungad ni Enzo.
“Sorry saan? Sorry kasi ginawa mo akong taga linis ng suka
mo?” sarkastiko kong sagot.
Hindi ito umimik bagkus ay yumuko na
lang.
“Look Enzo, may problema akong gustong
ayusin but I wasn’t able to do so kasi binantayan lang naman kita ng halos
magdamag. Hindi lang din ikaw ang may
problema dito. Kaya kung magpapakalunod
ka lang naman din sa alak. You better
learn how to clean up your own mess and learn how to carry yourself to the
toilet.” ang tahasang pahayag ko dito at hindi na ito umimik pa.
Sa totoo lang nagi-guilty rin naman
ako sa sinabi ko sa kanya dahil alam ko kung ano ang feeling ng pinagdaraanan
n’ya ngayon ‘coz I’ve been there. Kaya
lang kinaya ko. Ayaw kong matulad s’ya
sa akin na ilubog ang sarili sa problema bago pa hanapan ng solusyon. Ang gusto kong mangyari sa kanya is, for him
to face the reality. Ang katotohanang
may mahal ng iba ang taong mahal nya.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang mag-ring ang telepono ko.
“Hello Christian…”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment