Wednesday, December 26, 2012

Anino ng Kahapon (05)

by: iamDaRKDReaMeR

“Ikaw! Anong ginagawa mo dito?!” ang pasigaw kong untag kay Lee.  Kaya naman pala parang familiar ang mukha ng taong nakita ko kanina ang ex ko pala yun.   Matapos ko syang masigawan ay isang mabilis na kamao ang lumatay sa kanyang panga.  Hindi ko napigilan ang sarili ko ng mga sandaling iyon.  Hindi ako ang tipo ng tao na palaaway pero hindi ko alam saan nanggaling ang lakas ng loob upang saktan ang taong minsan kong minahal.  Dala na rin siguro ito ng pagkikimkim ko ng halos magdadalawang linggong galit at sakit.  Hindi agad nakakibo si Lee mula sa aking pagkakasapak hawak lang nya ang kanyang panga na tinamaan ng aking kamao.  Uundayan ko pa sana ng isa pa ngunit naawat ako ng mga taong nakakita ng pangyayari at agad naman akong pinalabas ng gwardiya.

“Tol… dito ako sa labas napaaway ako sa loob kaya ito tinaboy na ako ng gwardiya di na ako makakapasok.”  Ang pagtawag ko kay Christian upang ipaalam ang nangyari.

“Huh! Sige bayaran ko lang to tapos lalabas na ako.” Ang taranta nitong tugon sa akin.


Habang hinihintay ko si Christian sa labas hindi ko pa rin maalis sa utak ko ang mga sandaling nasaktan ko si Lee.  Hindi mawaglit sa isipan ko kung paanong mabilis kong nasapak ito sa kanyang panga.  Yung mga sandaling kahit galit ako nakita ko pa rin kung papaano syang napangiwi sa pagbuhat ko ng kamao sa kanya.

“Tol anong nangyari?  Kaya pala natagalan ka bago makabalik at hindi ka na pala talaga makakabalik sa loob dahil kinaladkad ka na palabas.”

“Diba sabi ko sa yo kanina parang may nakita akong familiar face.  Meron nga talaga at si Lee yun.  Bakit ba sa dinami dami ng lugar na pwede ko syang makita dito pa?!” ang galit na tanong ko.  Malakas ang boses ko ng mga sandaling iyon ngunit wala akong pakialam kung may nakakakita or may pulis na makakarinig sa akin.  Basta ang alam ko galit ako at dapat ilabas ko kung ano man ang nasa loob ko.

“Tama na yan Tol.  Halika na at umuwi na tayo.” Ang pag-aya ni Christian sa akin.

Nagbingi-bingihan lang ako na wari’y hindi ko narinig ang kanyang sinabi.  Dahil sa totoo lang hinihintay ko talaga si Lee na makalabas mula sa bar upang bigyan pa na isa pang bagsak ng kamao.  Ngunit nagulat na lang ako ng hatakin ni Christian ang kamay ko at isakay ako sa taxi.

“Alam kong hindi ka magpapatinag kaya kakaladkarin na lang kita kung kinakailangan.  Wag mong aksayahin ang lakas mo sa isang taong walang kwenta!” ang tila galit na ring tinig ni Christian.

Nakatingin lang si Christian sa akin habang nasa loob kami ng taxi.  Walang kibuan.  Alam kong galit na galit din ito dahil sa nangyari sa akin.  Dahil kung titignan mo ito, kahit hindi nya nakita si Lee sa loob ay makikita mo ang galit sa kanyang mga mata.

Pagkadating na pagkadating namin ng bahay ay nanatili kaming walang imikan.  Hanggang sa basagin ni Christian ang namamagitang katahimikan sa amin.

“Ano ba ang pumasok sa kukote mo at nakipag away ka pa don sa walang kwentang yun?  Sana sinabi mo na lang sa akin at ako na lang ang sumapak ng makaganti rin ako sa ginawa nyang pagwawalang bahala sa yo!”

“Hello, alangan namang tawagin pa kita sa bar area para lang ipasapak sa yo yun.  At isa pa sa akin sya may atraso kaya right ko para ako ang sumapak sa kanya.” Dahil sa totoo lang kulang pa ang inabot ni Lee sa akin sa sakit na naidulot nya sa akin. “Matulog na tayo.” Ang payak kong wika kay Christian.  Agad kong kinuha ang toiletries ko at tinungo ang banyo upang makapag freshen up at pagkatapos ko ay si Christian naman ang gumamit ng banyo.

Hindi ko inaasahang mabilis akong makakakuha ng tulog ng sandaling iyon na hindi ko na namalayan ang pagbalik ni Christian dala na rin siguro ito ng nainom at ng pagod.  Nakaramdam na lang ako ng may tumabi sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran at dahil nga pagod ako hinayaan ko na lang.

Nagising ako sa kalagitnaan ng aming pagtulog, tawag ng kalikasan.  Dahan-dahan akong tumayo ng kama upang hindi ko maistorbo ang natutulog na si Christian.  Nang bumalik ako sa kama hindi ko maipaliwanag ngunit napagkit na lang bigla ang mga mata ko sa maamong mukha nito.  Parang may kung anong enerhiya ang humahatak sa mga mata ko upang tingnan ang mala anghel niyang mukha tila kinakabisado ang bawat detalye.  Sa sobrang pagkawili ko sa aking pagkakatitig ay hindi ko namalayan na nakamulat na pala ang mga maamong mata niya.  Nagtama ang aming mga mata at tila nag-uusap ang aming mga utak.  At ang aming mga katawan ay nais mag-isa ng mga sandaling iyon.  Ang aming titigan ay nauwi sa paglalapit ng aming mga labi.  Naging banayad, mapang-akit, at mapagkalinga ang paglalapat ng aming mga labi.  Ilang sandali pa ay naging mapusok at marahas ang paghalik ni Christian.  Tila mangyayari muli sa amin ang nangyari nung nakasama ko sya sa exit.  Gusto kong patigilin sya ngunit hindi ko alam kung bakit may kung anong pakiramdam ang pumipigil sa akin upang pigilan sya.  Hinayaan ko na lang siya sa bagay na kanyang ginagawa.  Tila nagpatianod ako sa bugso ng aming damdamin.  Namalayan ko na lamang na pawa wala na kaming saplot sa katawan at inienjoy ang bawat minuto na aming pinagsasaluhan.

Nagising kami kinabukasan ng parehong walang saplot sa katawan at magkayakap.  Isang matamis na ngiti at mabilisang halik sa labi ang ibinigay ni Christian sa akin.  Parang walang nangyari na kung ano sa aming dalawa.  Kagaya ng naunang araw sinamahan pa rin niya ako sa paghahanap ng trabaho.  Pagkatapos ay magpapahinga sa bahay at paminsan-minsan ay nagkukulitan.   Ngunit may mga pagkakataon pa ring nakakatakas na ginunupo ako ng kalungkutan.  Dahil may mga sandaling naiisip ko pa rin ang mga pinagsamahan namin ni Lee.

“Hindi mo pa rin ba talaga sya makalimutan?” ang boses na tumawag ng aking atensyon at nagbalik sa akin sa present time.

“Huh.. anong  pinagsasasabi mo dyan?” ang maang maangan kong wika dito.

“Ang lalim na naman kasi ng iniisip mo baka malunod ako eh.”

“Joke ba yun? Pwede na bang tumawa?” ang sarkastiko kong tugon ngunit nakangiti.

“Ah ganon ha.” Sabay hampas sa aking ng unan.  At syempre hindi ako magpapatalo noh. Kaya naman nag pillow fight kami.  At ng mapagod ay nag-aya si Christian na kumain daw kami sa labas.  Pero dahil ako yung tipo ng tao na madalang lang kumain sa labas mas pinili ko na lang na magluto ng makakain namin.

Naging masaya ako panandalian sa piling ni Christian yan ang katotohanang hindi ko maitatago ngunit hindi ko naman kayang tanggapin sa panahong ito.  Mas gusto ko pang damhin ang bawat pait at kirot ng sugatan ko pang puso.  Alam ko sa sarili ko na makakatulong sya sa paghilom ng sugat ngunit bakit hindi ko sya matanggap?  Bakit hindi ko pa sya bigyan ng pagkakataon na mahalin ako at ako naman ay magmahal muli?  Mga tanong na hirap na hirap akong bigyan ng kasagutan.  Magulo ang utak ko madaming bagay na tumatakbo at maraming bagay na naiisip.

Ang bilis talaga ng araw di ko namamalayan na huling araw na pala ng pagsasama namin ni Christian dahil kinabukasan ay papasok na syang muli sa trabaho nya.

“Ano kaya ang magandang gawin ngayon since last day ng leave ko?” ang tanong nito sa akin.

“Ako pa ang tinanong mo alam mo namang hindi gumagana ng maayos ang utak ko.”

“Paano naman kasing gagana ng maayos yan,  imbis na iniisip mo ang tarantadong yun.  Bakit hindi mo na lang isipin na kailangan mo ring sumaya at ipagpatuloy ang buhay mo.  Tandaan mo bago mo sya nakilala mag-isa ka lang kaya hindi tama na ihinto mo ang buhay mo dahil lang nawala na sya sa yo.”

PAK! Tila isang sampal sa akin ang mga salitang binitiwan ni Christian.  Tama sya kailangan ko ng ipagpatuloy muli ang buhay ko.  Kailangan ko ng sumaya.  Pero paano ko sisimulan kung bawat bagay na aking gagawin ay iniisip ko pa rin si Lee?  Ang gulo ng isip ko.

Sa sobrang pagkatuliro ko sa mga sinabi niya sa akin hindi ko na namalayan na tumabi na pala sya sa akin at kinuha ang aking kamay at hinawakan ng marahan na tila ayaw akong masaktan.  Damang dama ko ang gentleness sa pagkakahawak niya sa aking kamay.  Iniharap niya ako sa kanya sabay bigay ng matamis na ngiti.

“Alam ko na.  Manood na lang tayo ng DVD.  Nasa sala kasi ako kanina nagkausap kami ni Jane tapos sabi nya para daw hindi ako mabored papahiramin nya ako ng movie.  Sandali lang at hihiram ako ng movie sa kanya.”

Pagbalik niya ay dala na ang isang pirasong CD.

“Grabe ha ang tagal mong nawala isa lang ang bitbit mo.  Ano toh kwentuhan muna bago bumalik?” ang pang-iinis kong wika dito.

“Ganon talaga.  Close kami ih.” Sabay bigay ng isang malawak na ngiti.

“Ano ba yang movie na yan?”

“Secret.  Maghintay ka na lang na maplay.  Wag kang atat.”

Nang maisalang ay kumuha ako ng chips para may makain naman habang nanonood.

Pagbalik ng mata ko sa screen ng TV.  Star Cinema? Unang Scene Bea Alonzo and Jhonlloyd Cruz?  Ano ba naman bakit yan pa ang movie na hiniram nito?

Itutuloy. . .  . . . . . . . .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com

No comments:

Post a Comment