Wednesday, December 26, 2012

Anino ng Kahapon (06)

by: iamDaRKDReaMeR

"Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin - 'yung hindi tayo sasaktan at paasahin...'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin".
(Line from the movie One More Chance)

Talaga nga naman pag biniro ka ni tadhana hindi ka makakaiwas.  Hindi ko rin naman alam kung sinadya rin ng ungas na toh na ang movie na hiniram ay talagang pwede kong ikabreakdown.   Pero wala akong magawa alangan namang iwan ko syang mag-isa na manood ng movie.  Tiis-tiis lang ako sa bawat scene ng movie.  Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na tumutulo na naman si luha.  Feeling ko ako si Basha dahil sa umaasa pa rin ako na may pag-asa pa kami ni Lee pero sa totoo lang wala na.  Sana madali lang ayusin o buuin ang pusong sugatan at pirapiraso, pero hindi. Sana sa bawat patak ng luha sa aking mga mata kasabay nun ang pagbura ng mga alaala ng kahapon, pero hindi.  Sabi nila time heal all wounds pero kaylan pa ang tamang panahon para mabuo muli ako?
Hindi ko alam na habang umiiyak pala ako ay tinititigan na pala ako ni Christian.


“Hindi ka ba napapagod?” untag ni Christian sa akin.

“Huh? Na-papa-god sa-an?” ang utal-utal kong tanong gawa ng pag-iyak ko.

“Kaiiyak, masaktan, at pahirapan ang sarili mo.”

“Pagod na pagod na ako pero hindi ko maiwasan.  Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari nananariwang muli ang sugat na gawa nya.  Nararamdaman ko pa rin ang pait at pasakit na dulot nya.  Hindi madali para sa akin ang kalimutan sya.  Hindi ko kayang mawala sya. Pero kailangan kong tanggapin at harapin. Pero paano? Sabihin mo sa akin.” At tuluyan ng dumaloy muli ang mga luha ng kabiguan mula sa aking mga mata.

“Shhhhh. Tahan na.  sabi ko naman sa yo diba nandito lang ako lagi para sa yo.  Kahit ako na lang ang magmahal.  Dahil mas nasasaktan ako tuwing nakikita kitang umiiyak.” Ito ang mga katagang paulit ulit na namumutawi sa labi ni Christian.  Mga katagang hinding hindi nya pinagsasawaang banggitin sa akin.

Halos lahat yata ng linya mula sa movie eh tumatagos sa kaibuturan ng aking pagkatao.  Nakakarelate ako sa lahat ng sakit na pinagdaanan ng dalawang taong nagmamahalan ngunit pinili ang hanapin ang sarili nila upang mapabuti ang pagsasama nila.  Kaya lang sa case ko mas mabuti na ang magkalayo na kami kasi ito na ang tama dahil hindi lang ito para sa aming dalawa.  May iba ng taong involve and in our case it is Charles.  Sya ang bagong taong minamahal ni Lee ngayon.  Sya na ang bagong taong kasama nyang bumuo ng mga pangarap.  Mga pangarap na dati ay kaming dalawa ang bumubuo.

Paulit ulit na akong nasasaktan ngunit hanggang ngayon ayaw pa ring bumitaw ng damdamin ko para kay Lee.  May taong handang tanggapin ako ngunit hindi ko kayang papasukin sa buhay ko.  Talaga bang hahayaan ko na lang na lamunin ako ng depression?  Hahayaan ko na lang ba ang sarili ko na damhin ang sakit at pait ng pangyayari?  Bakit ba kasi kaylangan pang masaktan pagnagmahal tayo?  Madaming tanong pero hindi ko kayang hanapan ng sagot.

Natapos na lang ang pinapanood namin hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak tila isang pagluha na walang katapusan at si Christian naman ay hindi rin huminto sa pag-alo sa akin.  Pagod na ang mga mata ko pero hindi parin nauubos ang luha ko.

“Hanggang kalian ka bang magiging ganyan?”

“Hindi ko alam.  Kung pwede lang hanggang ngayon na lang kaya lang hindi ko talaga alam.” Habang patuloy ako sa pagluha.

“Ron walang makakatulong sa yo kundi sarili mo lang din.  Kahit na anong advice ang ibigay ko sa yo if you will not help yourself bale wala lahat ng yun.  Please Ron help yourself.  Ako ang nahihirapan sa yo sa ginagawa mo sa sarili mo.  As much as I want to help you forget Lee I would.  Pero sa nakikita ko sa yo ayaw mong tulungan ang sarili mo.   Maawa ka naman sa sarili mo!  Ako ang napapagod para sa yo.  Kung pwede lang na ako na lang ang umako ng lahat ng sakit na nararamdaman mo aakuin ko wag ka lang masaktan.” Nasaksihan kong dumaloy ang luha mula sa mga maamong mata ni Christian.  Sa mga sandaling ito hindi ko malaman kung bakit parang biglang may kung anong kumurot sa puso ko.  Isang damdaming pinilit kong huwag lumalim dahil nga may karelasyon akong pinangangalagaan.  Hindi ko namalayan bigla na lang akong napayakap sa kanya ngunit hindi ito yumakap pabalik bagkus ay isinubsob lang nito ang ulo nya sa aking balikat.

Sa puntong ito gusto ko ng bigyan ng pagkakataon ang sarili kong mahalin ang taong minsan na ring nagpatibok ng aking puso.  Ang taong minsan na ring nagbigay kilig sa aking kalamnan.  Ang taong minsan ng nagpatuliro ng aking isipan. Si Christian.

“I am not worthy of your tears.  Don’t waste it.” Hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko ng mga oras na iyon pero ang alam ko ito ang nararamdaman ko.  Hindi ako karapat dapat para sa mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.

“Nobody can tell me who is worthy of my tears.  Only I can tell.  Not because you were not giving me chance to love you, you will not be worthy of these tears.  I love you and I think that would be enough reason.” Agad kong iniharap ang mukha nito sa akin at pinahid ang kanyang mga luha at binigyan ng matamis na ngiti, niyakap muli at sa pagkakataong ito ay gumanti na rin ito ng yakap.

“Maraming salamat sa yo Tol.  Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na nandyan ka lagi para sa akin.  And I want you to help me forget Lee but I am not promising you that it would be easy.  I am emotionally distorted now and all I am asking from you now is to broaden your patience more.  I will do my best to recover the soonest possible time.  Sawa na akong masaktan at umasa pa na may pag-asa pa kami.” kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa aking mga mata.  Kita mo sa mga tingin nito ang saya dahil sa tingin ko ito na ang panahon para papasukin ko na sya sa buhay ko tama na ang pagiging tanga.   Binigyan ako ni Christian ng isang masuyong halik sa aking mga labi at sabay wika ng “I LOVE YOU RON” habang nakahinang ang aming mga labi.  Hindi ko masagot ang mga katagang kanyang binanggit ngunit pinadama ko na lang sa kanya na handa na akong papasukin sya sa buhay ko sa pagtugon ko sa kanyang mapagkalingangang halik.

Ito na ang simula ng pagtanggap ko ng katotohanan sana ay maging maayos ang lahat.  Sana hindi naging mali ang desisyon kong pagbigyan si Christian na tulungan akong makalimot sa pait ng nakaraan at mamuhay ng maligaya sa piling niya.

Itutuloy. . .  . . . . . . . .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com

No comments:

Post a Comment