Wednesday, December 26, 2012

Anino ng Kahapon (02)

by: iamDaRKDReaMeR

“Kamusta naman ang pagkikita nyo ni Lyndon? Masaya ba? Katabi mo ba sya ngayon?” Ito ang tinig na nakagising ng tulog kong diwa.

“Huh? Anong pinagsasabi mo dyan?” ang inis kong sagot na ikinabalikwas ko sa higaan.

“Pwede ba Charlie nananahimik na ako pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari sa akin. Ngayon kung wala si Lyndon sa tabi mo ngayon wag ako ang pagdiskitahan mo at hindi ko na para kausapin o makipag kita pa sa kanya!” galit na galit ako ng oras na iyon.  Sa dinami dami ng tatawag at mang iistorbo sa akin bakit sya pa at bakit sa akin pa nya hahanapin ang taong sanhi ng pagkawasak ko.

“Please Ron wag mo ng pagtakpan pa si Lyndon.  Alam kong nariyan sya.” Pagmamakaawa nito sa akin.

“Eh praning ka rin naman pala talaga noh? Sinabi na ngang wala sya dito at hindi ko na kinakausap ang boyfriend mo.  Ibinigay ko na nga sa yo alangan namang bawiin ko pa? at isa pa hindi na ako pumupulot ng bagay na tinapon ko na.” inis kong bigkas dito sabay baba ng tawag.


Ibinaba ko ang tawag dahil alam kong bubuhos muli ang emosyon ko.  At hindi nga ako nagkamali dahil bigla na lang umagos ang aking mga luha.  Hindi ko mapigilan. Bakit kung kalian pinipilit kong ibangon ang sarili ko at pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari ay parang sinasadya naman ng panahon na may taong gagawa ng paraan upang ipaalala pa sa akin ang bagay na pilit kong iwinawaksi.  Ang paghihiwalay namin ni Lee.

Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit habang kasalukuyang umiiyak ako ay naalala kong tawagan si Christian.  Sa mga sandaling ito siguro ay handa na akong sabihin ang lahat sa kanya.

“Hello Christian…”

“Napatawag ka.  Madaling araw na ah.  May problema ba?” ang sunud-sunod nyang tanong.

“Sorry naistorbo kita wala lang akong mapagsabihan kasi.”

“Bakit anong nangyari?”

Bigla ulit bumuhos ang aking emosyon.  Tuluy-tuloy ang agos ng luha sa aking mga mata.  Hindi ko ito mapigilan.  Tanging hikbi at pag-iyak lamang ang naririnig ni Christian mula sa akin.

“Is it because of Lee?” ang malumanay na tanong ni Christian sa akin.

“Ye…s…” ang utal kong tugon. “We broke up three days ago.  He found someone else.  And he left me broken.”

“Huh?! Edi ba tinawagan kita few days back ok ka naman hindi mo nga sinabi sa akin na wala na kayo ni Lee.” Ang taking sagot nito.

“I just pretended to be ok.  But the truth is, I’m not.  Ang sakit ng ginawa nya sa akin.”

“Since it’s my day off I insist to go to your place.  I will not take no for an answer.  But for now you need to get some sleep and rest, Ok?”

Wala akong magawa ng mga oras na yun kundi sumang ayon.  Alam kong kahit anong pagtutol ko ay hindi ko sya mapipigilan.  Lalo pa ngayon na wala na kami ni Lee.  Kung dati napipigilan ko sya, ito ay dahil kami pa ni Lee.  Ngunit sa puntong ito, hindi ko na sya mapipigilan dahil wala ng rason para hindi nya ituloy ang matagal nya ng balak na pumunta ng abu dhabi.

Sa simpleng usapan namin ni Christian ay lumuwag kahit papaano ang nasa loob ko.  Kahit wala akong masyadong naibahagi sa kanya kundi hikbi lamang.

“Matulog ka na lang muna ha. Pag punta ko dyan tsaka natin pag-usapan ang problema mo.  Ok ba yun  Ron?”

“Si---ge…” ang hikbi kong tugon.

Naibaba ko na ang tawag ngunit hindi pa rin ako dalawin ni antok.  Hindi ko malaman kung san sya nagpunta.  Ginawa ko na ang lahat ng posisyon sa pagtulog ngunit talagang hindi ko makita si antok, na misplace ko yata.

Dala na rin siguro ng pagod ko sa pag-ikot sa kama at sa sa pag-iyak ay hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

Gumising akong parang isang cellphone na lowbat kahit na bagong araw pa lang ang nagsisimula para sa akin. Wala akong gana.  Walang pumapasok sa isip ko kung ano ang gagawin ko.  Ito na nga ang umpisa ng kalbaryo ng buhay ko.  Ito na ang araw na ayaw kong dumating.  Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas.  Para sa akin hindi sapat ang binibigay ng pamilya at mga kaibigan ko.  Basta ang alam ko sarado ang isip ko sa anumang payong kanilang ibinibigay.  Oo masasaya ako, dahil alam kong nariyan sila para sa akin.  Ngunit ang sarili ko na mismo ang lumalayo sa kanila.

Inabot na lang ako ng pananghalian ngunit nakahiga pa rin ako at nakatingin lang sa kisame tila naghihintay ng butiki na babagsak sa mukha ko para kumilos ako ng makatanggap ako ng tawag mula kay Christian.

“Ron meet me at Abu Dhabi Mall I’m on my way to Abu Dhabi now.  Nasa Sheikh Zayed Road na ako.”

Huh? Ano daw?  Ito ang biglang pumasok sa isip ko.  Tila nakalimutan ko kung may usapan ba kami bago ako nakatulog.

“Oi Ron nandyan ka ba?” ang pagpukaw nito sa akin na syang nagbalik sa akin sa reyalidad.

“Ano ba kasi yung sinasabi mo?”

“Sabi ko sunduin mo ako sa Abu Dhabi Mall on the way na ako dyan.”

“May usapan ba tayo?” ang tanong ko dito dahil naguguluhan talaga ako tila wala akong maalala bukod sa pag-iisip ng bagay na hindi ko naman alam kung ano ang kahihinatnan.

“Oo nakalimutan mo ba o hindi mo lang inintindi yung sinasabi ko sa yo nung nag-uusap tayo?” ang medyo galit na tinig ngunit malumanay na wika ni Christian.

“Ay oo nga.  Sorry masyado akong pre-occupied ng mga bagay-bagay.  Maliligo lang ako at mag-aayos tapos miscall mo na lang ako pag malapit ka na sa Abu Dhabi para pumunta na ako ng mall.”

“Ok sige.  Take your time medyo malayo pa ako.  Tinawagan lang kita to confirm na padating ako at dyan ako mag istay sa yo today. Ok see you later.”  Ang tila excited na wika nito sabay baba ng tawag.  Habang ako ay nakaupo pa rin at tulala.  Nag-iisip ng mga bagay-bagay na wala na wala namang patutunguhan.

Makalipas ang ilang minuto ay napagdesisyunan ko ng maligo at mag-ayos ng sarili upang hindi naman ako magmukhang nakakaawa pagnagkita kami ni Christian.


Nang matapos akong makaligo at makapag bihis ay agad akong umalis ng bahay.  Hindi ko na hinintay ang tawag ni Christian tinungo ko na ang mall kung saan kami magkikita para makapaglibang na rin at makalimot kahit konti.  Maya-maya pa ay tumawag na si Christian upang sabihin na nasa terminal na sya ng Abu Dhabi kaya naman sinabi ko sa kanya na dumiretso na sya ng mall dahil nandoon na ako.

Ilang saglit pa ang lumipas at dumating na si Christian sa tinakdang lugar ng aming pagkikita.  Masasabi kong malaki ang pinagbago nya lalo lumakas ang kanyang dating.  Ngunit hindi ko alam bakit wala man lang akong naramdamang paghanga.  Marahil ay dala ng sitwasyon ko ngayon.  Sitwasyong kahit sinong taong umibig ay hindi nanaising maranasan.  Ang masaktan.

“Ron musta ka na?  Bakit ganyan ang itsura mo?” ang tila nag-aalala nitong wika.

Isang pilit na ngiti lamang ang binigay ko sa kanya.

“Kumain ka na ba?  Anong gusto mo?  Ako na lang ang oorder para hindi ka na tumanggi.” Alam kasi nito na tatanggi akong kumain kaya iniwan nito ang bitbit na bag at pumila sa isa sa mga fast food chain sa food court.

Dumating si Chiristian dala ang isang tray ng inorder nyang pagkain.  Alam nito kung ano ang gusto ko kaya naman kahit papaano ay gumaan ang loob ko ng mga sandaling iyon sa kadahilanang may isa pa ring tao ang nagmamalasakit sa akin bukod sa aking pamilya at mga kaibigan.  Hindi ko malaman kung bakit kahit anong gawin kong pagtanggi sa pag-ibig ni Christian para sa akin ay hindi pa rin ito tumitigil ng pagsuyo sa akin.  Ganito ba nito ako kamahal?  Handa syang maghintay sa akin.  Handa nyang tisiin ang ano mang sakit na maari nyang matanggap mula sa akin.
Kumain kami at si Christian naman ay nagkwento habang kumakain at ako naman ay nakikinig lang at paminsan-minsang sasagot kung may itinatanong.  Batid kong nadarama ni Christian ang pagiging uneasy ko pero hindi nya ito pinapahalata bagkus talaga namang napaka hyper nyang magkwento  yung tila ba pagnakita mo sya sa mga ginagawi nya habang nagkukwento sya ay matutunganga ka at sasabihin mo sa sarili mo may topak ba to?  Natapos ang aming pagkain na panay kwento at tawa ang ginagawa nya samantalang ako ay malamig na tugon at puro pilit na ngiti lamang ang ibinalik sa kanya.

Gumala muna kami, nagwindow shopping, nanood ng sine, at ng mapagod nagkape muna bago umuwi ng bahay.  Since malapit lang naman ang bahay sa mall napagdesisyunan naming maglakad na lang pauwi.

“Tol, bukas pa ba ang bilihan ng alak ng ganitong oras? Inom tayo.”  Ang pag-aya nito sa akin.

Sa isip-isip ko naman ngayon mo pa ako inaya eh kailangan ko nga yan.  “Oo, bukas pa yon gusto mo dumaan na lang tayo kasi on the way rin naman yun.”

“Sige tol, ano bang masarap inumin?”

“Kahit ano tol game ako lalo pa ngayon yan ang outlet ko.” Ang wala sa loob kong sambit dito.

At syempre ganon na nga ang nangyari dumaan kami ng bilihan ng alak bago umuwi.  Bumili ito ng dalawang bote ng tequila na syang iinumin namin mamaya.  Sa baba ng building ay may bilihan naman ng gulay at malapit na grocery kaya dumaan na rin kami at bumili ng lemon at mga chichirya na pwedeng pulutanin.

Nang makarating kami ng bahay ay agad kong pinakilala si Christian sa mga kasama ko sa bahay.  Tinanong ko na rin sila kung gusto nilang uminom pero walang gustong makisalo sa amin kasi puro may pasok sila ng maaga kaya naman sa loob ko na lang ng kwarto pinadiretso si Christian para di naman sya mailang.  Pinaglinis ko na lang muna sya ng katawan bago kami magsimulang mag-inuman habang ako naman ay inihanda na ang lahat ng maari naming kailanganin para di na ako magpalabas labas pa ng kwarto.  Matapos nyang maglinis ay ako naman ang gumamit ng banyo.

Pagbalik ko ay handa na ang lahat.

Itutuloy. . .  . . . . . . . .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com


No comments:

Post a Comment