by: iamDaRKDReaMeR
Tok... Tok... Tok...
"Christian... Christian... Hoy
tanghali na di ka ba papasok ngayon?"
ang tawag ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng kwarto. Naalimpungtan ako sa aking narinig. Agad kong ibinaling ang aking tingin kung may
katabi ako sa kama. Nalungkot ako ng
makita kong mag-isa lang ako sa kwarto at ang kamang hinihigaan ko ngayon ay
ang sarili kong kama. It seemed so
real. Kahit yung mga simpleng detalye
nung kasama ko si Ron, totoong totoo ang lahat sa aking alaala.
"Hoy Christian! Di ka ba
papasok?" ang sigaw ng kasamahan ko sa bahay na kasama ko rin sa work.
"Papasok ako. Mauna na lang kayo.
Magtataxi na lang ako." ang tugon ko.
Habang nag-aayos ako ng sarili ay
hindi pa rin maalis sa aking isipan ang aking panaginip. Ang kanyang ngiti, ang mga kislap sa kanyang
mga mata ng magkabati kami, ang kanyang nakakahawang pagtawa, at lahat ng
positibong bagay at katangian nya.
Lalong lumakas ang loob ko na makipagbati na kay Ron. At ngayon yun. Haharapin ko na kung ano man ang magiging
resulta nito.
Nasa baba na ako ng building at
naghihintay ng taxi na aking masasakyan papasok sa trabaho ng sa hindi
inaasahang pagkakataon ay may nakita akong pamilyar na tao. Lumapit ito sa
akin.
“Dito ka pala nakatira?” ang tanong
nito sa akin.
“Oo, ikaw dito ka rin ba banda
nakatira?” ang tanong ko dito.
“Oo, dyan ako nakatira sa Chili’s
building. Ahm, tol pwede ba kitang
makausap mamaya kung may free time ka? “
“Para saan?”
“Para linawin ang lahat. Lahat ng bagay na nangyari sa pagitan natin
nila Ron.”
“Ok, Sige.” Matapos akong sumang-ayon ay ibinigay ko agad
ang number ko kay Lee. At pumara na ng
taxi na masasakyan ko papunta ng trabaho.
Habang nasa trabaho ako ay hindi ko pa
rin maalis sa aking isipan ang mga bagay na posible naming pag-usapan. Mga bagay na maaaring maging sanhi ng pagguho
ng pag-asang pinanghahawakan ko sa balak kong pakikipagbalikan kay Ron. Naging lutang ako sa aking trabaho. Hindi ko magawang makapag trabaho ng ayos. Madalas akong mapatawag ng amo ko at masabon
sa office nito. Pero hindi ko iniinda
ang lahat ng mga pinagsasasabi nito sa akin dahil naka focus pa rin ang utak ko
sa pakikipagkasundo kong muli kay Ron at sa pakikipag-usap ko kay Lee
pagkatapos ng trabaho ko. Ito lang ang
tanging laman ng isip ko at wala ng iba.
Matapos ang trabaho ko ay agad kong
tinawagan si Lee upang makipagkita sa kanya at tapusin na ang agam-agam sa
aking isipan. Tamang-tama dahil half-day
lang din pala ang pasok nya ngayon sa trabaho.
Nagkasundo kami na magkita na lang sa isang fast food chain na malapit
lang din sa lugar naming dalawa. Nauna
akong dumating sa lugar na aming napagkasunduan. Matapos ang ilang minuto ay nakita ko na
syang pumasok. Kumaway ako upang makita
nya ako agad. Nang makalapit ito ay agad
niyang nilahad ang kanyang kamay kaya naman tumayo ako at agad ko naman kinuha ang kanyang palad upang
makipag kamay. Matapos ang pakikipag
kamayan ay umorder muna kaming dalawa ng makakain upang hindi naman nakakahiya
kahit mag-usap kami o kahit na magtagal kami dito.
“Kamusta ka naman?” ang bungad na
tanong ni Lee sa akin.
“Sa totoo lang tol, hindi ako
ayos. Simula ng araw na nangyari yung
nakita ko kayong magkasamang dumating ng bahay ni Ron. Walang kasing hirap ang pinagdaanan ko. Walang araw na hindi ko naisip si Ron. Walang araw na hindi ko pinagsisihan na hindi
ako nakinig sa kanya….” Hindi pa man ako
tapos sa aking sinasabi ay agad akong pinutol ni Lee.
“Ganon naman pala bakit hindi mo agad
nilinaw ang lahat? Bakit hinayaan mong
masaktan ng lubusan si Ron? Kung
sinasabi mong nasaktan ka. Ano pa kaya
si Ron? Alam mo bang kahit anong gawin
kong paglapit sa kanya upang damayan sya hindi nya ako nakikita. Wala syang ibang bukambibig kundi pangalan
mo. Wala syang ibang gustong makita
kundi ikaw. Kahit pa ako na ang nasa
harapan nya. Kung alam mo lang kung
gaano ka kamahal ni Ron. Ang dating
pagmamahal nya para sa akin sa yo nya na naituon. Ang dating pag-aalala na dati kong naranasan
ay sa yo nya na gustong ibuhos. Ngunit
anong ginawa mo? Hinayaan mong kainin ka
ng selos mo at inuna mo ang pride mo. Hindi
mo sya binigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang lahat. Naging makasarili ka.”
“Pero…” at muli agad akong pinutol ni
Lee.
“Pero nakita mo kaming magkasama kaya
nagreact ka ng hindi tama. Minsan nauuna
sa atin ang magreact bago hingin ang paliwanag ng isang tao. Nung araw na nakita mo kaming magkasama ni
Ron galing sya ng Dubai dahil pinuntahan ka nya sa dati mong bahay ngunit
lumipat ka na daw at walang nakakaalam sa dati mong roommates kung saan ka
lumipat. Nawalan sya ng pag-asa dahil
tinatawagan ka nya ngunit hindi ka sumasagot.
Alam mo bang tinawagan ko sya nung araw na yun upang kamustahin lang
sana sya pero napag-alaman kong nasa daan pa rin sya at balak nyang umuwi pa
sana ng Abu Dhabi pero hindi ko na sya pinayagan dahil late na rin kaya
pinapunta ko sya ng bahay upang don na lang sya magpalipas ng gabi. Sobrang wasted sya that night. Ni hindi nya na nagawa pang magpalit ng damit
dahil sa sobrang pagod. Kinabukasan
inihatid ko sya dahil hindi ko hahayaang magbyahe syang mag-isa lalo pa sa
kalagayan nyang wala sa sarili. At ng
makita ka nya sa loob ng kwarto nya sobrang saya nya. Dahil nga nakita mo ako na kasama nya. Iba na agad ang inisip mo. Hinayaan mo ng kaiinin ka ng selos at ng
pride mo. Nung umalis ka ng oras na yun
hindi mo na narinig ang sinabi nya. Alam mo bang iyon ang salitang gusto kong
muling marinig na sabihin nya sa akin.
Na he still loves me. Pero ikaw
na ang mahal nya at wala na akong magagawa pa para mapa sa akin syang muli.”
Ang mahabang pagsasaad ni Lee sa akin.
Napatulala lang ako sa aking narinig hindi ko magawang makapag react sa
lahat ng narinig ko mula kay Lee.
“Lee, why are you doing this?” ang
tanong ko sa kanya.
“Ang alin ang sabihin ang totoo? To be honest, I am not doing this for
you. I am doing this for Ron dahil mahal
na mahal ko pa rin pala sya at gagawin ko ang lahat upang mapasaya ko sya kahit
pa kasiyahan ko ang nakataya. I have
hurt him once and this is the only way para makabawi ako sa pananakit na nagawa
ko sa kanya ang ibalik ang taong makakapag pasaya sa kanya. Kahit pa alam kong mawawala na sya ng tuluyan
sa akin sa oras na sabihin ko sa yo ang lahat.
Tol, ilang beses ko na ring tinangka na I win back si Ron pero hindi na
talaga ako ang laman ng puso nya. Ikaw
na. Kahit pa anong pakikipag laban ang
gawin ko kung iba na talaga ang minamahal hindi ko na maibabalik pa ang dating
pagtingin nya sa akin.”
“Maraming salamat tol. Gagawin ko ang lahat upang magkaayos
kami. Actually I am planning to go to
Abu Dhabi para puntahan sya at makipag-ayos.”
“Good tol, sana magkaayos kayo. At tol, sa oras na magkaayos kayo. Lalayo na ako at hahayaan ko na si Ron sa
buhay nya. Hindi na ako magpapakita pa
sa kanya.” Bakas sa muka ni Lee ang lungkot sa binitawan nitong salita. Makikita mo sa kanyang mga mata na
nangingilid ang luha nito.
“Maraming salamat talaga. Hindi kita bibiguin. Makikipag-ayos ako sa kanya.”
Matapos ang aming usapan ay agad akong
umuwi ng bahay upang makapag ayos ng gamit.
Ngayon isa na lang ang iniisip ko.
Kung paano kong lalapitan si Ron, ano ang unang salitang aking
bibitiwan, at ano ang unang gagawin ko kapag nakita ko na sya? Ito ang mga tanong na tumatakbo sa isipan
ko. Talagang buo na ang aking loob kaya
mangyari na ang mangyari. Kahit ano pa
man ang kahihinatnan nito tatanggapin ko ng buong buo sa aking puso.
Nang makumpleto ko na ang mga bagay na
dadalhin ko ay agad akong umalis ng bahay at tumungo ng bus station papuntang
Abu Dhabi. Habang nasa byahe pilit kong
nirerelax ng sarili ko. “Ito na to
Christian wala ng atrasan to. Ihanda mo
na lang ang sarili mo sa maaring mangyari.” Ang bulong ko sa sarili ko.
Tila naging mahabang byahe ang aking
nilakbay. Dahil minu-minuto akong
tumitingin sa aking relo. At tuwing
makikita ko ang oras wari kong kinakapos ako ng hininga. Lalong lumalalim ang gabi lalong dumadagdag
ang kaba sa aking dibdib. Lalong
lumalapit, lalong nauurong ang dila ko.
“Not now please. Kailangan ko ng
lakas ng loob.” At huminga ako ng
malalim upang kalmahin muli ang aking sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakita
ko na lang ang sarili ko sa bus station.
Ngayon lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong bumalik na lang ng Dubai dahil
naduduwag na naman ako. Naduduwag akong
harapin ang katotohanang ako ang nagkamali.
Na ako ang dapat sisihin sa hirap na pinagdaanan naming ni Ron. Na imbis na inuna kong pakinggan ang
paliwanag nya. Mas inuna ko pang
pakinggan ang sarili ko. “Hindi ka
aatras dahil lang sa lintik na kaba!
Magpakatotoo ka ngayon Christian.
Kaya mo yan!” ang pagpapalakas ko ng loob sa sarili.
Agad akong pumara ng taxi papunta sa
bahay nila Ron. Hindi pa man kami
nagkikita ay nanunuyo na ang aking lalamunan.
Umuurong na ang dila ko hindi pa man kami nakakapag-usap. Pinagpapawisan na ako ng malapot wala pa man
sya sa harapan ko. Nanlalamig ang mga
kamay ko. Tila napaparalisa. At ng makababa ako ng taxi at natanaw ko ang
kanilang building hindi ko halos maihakbang ang aking mga paa. Halos kaladkarin ko ito sa sobrang
bigat. Hindi ko hahayaang madaig ako ng
kaba at hiya sa pagkakataong ito.
Kailangang magkausap na kami.
Nasa harap na ako ngayon ng kanilang
kwarto. Hindi ko magawang pindutin ang
doorbell. Natulala ako sa harap ng
pinto. I’m about to turn my back ng
biglang bumukas ito. Nagulat ako at
agad na napaharap sa may pintuan. Hindi
ko alam ang magiging reaksyon ko ng makita ko si Ron may dalang bag at maleta. Katulad ng kung paano ko sya nakita sa aking
panaginip ganon ang Ron na kaharap ko ngayon.
Namayat sya at walang sigla ang mukha.
Ibang-iba sa Ron na nakilala ko noon.
Wala ang kislap sa kanyang mga mata.
At kahit ang masiglang ngiti sa kanyang mga labi ay wala. Nadurog ang puso ko sa aking nakita. Lalong nawalan ako ng lakas upang magsalita.
“Anong ginagawa mo dito?!” ang galit
na tanong ni Jane.
“G-usto ko lang sanang makausap si
Ron.” Ang nahihiya kong tugon.
“Para saan? Diba hindi mo man lang sya pinakinggan
noon. Ngayon sabihin mo sa akin para
saan pa ang pakikipag-usap mo sa kanya?”
parang naupos na kandila ako sa pagbibitaw ng salita ni Jane.
“Gusto ko lang sanang ayusin ang
tungkol sa aming dalawa.”
“Hahahaha. Ayos ka rin no? Matapos ang ilang buwan ngayon susulpot ka
para sabihing gusto mong ayusin ang tungkol sa inyo. Ano to?
Matapos mong maisip-isip ang pinaggagawa mo babalik ka na lang ng parang
walang nangyari at lalapit ka para sabihing makikpag-ayos ka? Lakas din naman ng loob mo!” ang pang-iinsulto nito sa akin.
Sa totoo lang gusto ko ng tumalikod ng
mga oras na yon dahil na rin sa hiya ko sa sarili ko. Totoo naman lahat ng sinasabi ni Jane. Tinignan ko si Ron. Nakita kong nakayuko ito hindi kumikibo. Dama ko ang bigat ng kanyang kalooban. Nanatili akong nakatingin sa kanya.
PAK!
Isang mabilis na kamao ang naramdaman
ko sa aking pisngi.
“Ang kapal din naman ng mukha
mo!” hindi ko napansin na lumabas pala
ang boyfriend ni Jane na si Roger.
Nagulat naman si Jane at si Ron sa nakita. Agad na niyakap ni Jane ang nobyo at si Ron
naman ay nanatiling nakatulala sa nangyari.
Ngunit makikita mo ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang
pisngi. Hindi ko na ininda ang latay ng
kamao na aking natanggap. Hindi ko na
rin nagawang magsalita bumagsak na lang din ang mga patak luha sa aking mga
mata.
Alam kong patuloy na inaawat ni Jane
ang kanyang boyfriend at wala na rin akong pakialam kung balikan pa ako nito
upang bugbugin hindi ako aalis tutal kasalanan ko rin naman. Isa pa sinabi ko na sa sarili ko na
tatanggapin ko ang lahat ng maaaring mangyari.
Nanatili akong nakatayo at tulala.
“Ron baka malate ka na sa flight
mo. Ipapahatid na lang kita kay Virgie
at hindi ko pwedeng pabayaan si Roger na makalabas pa dito.” Tama ba ang narinig ko? Flight? Magbabakasyon
ba sya o nagresign na sa trabaho? Bigla
akong kinabahan dahil baka ito na ang dahilan upang mawala na ng tuluyan sa
piling ko si Ron. Lalong hindi ko alam
ang gagawin. Lalong namanhid ang buo
kong katawan. Hindi makakilos, hindi
makapagsalita. Tanging patak lang ng
luha ang naging galaw ko ng oras na iyon.
Hanggang nakita ko na lang si Ron at Virgie na dumaan sa harapan ko
patungo sa elevator. Sa tagpong ito
hindi ko malaman ngunit biglang nagkaroon ng sariling buhay ang paa ko at
tumakbo palapit kay Ron.
Nakatalikod si Ron ng abutan ko at
walang pagdadalawang isip ay niyakap ko sya mula sa likuran.
“Ron, please don’t leave me. Hindi ko kayang mawala ka sa akin.” Habang
patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mata.
Nanatiling walang kibo si Ron. Dama ko ang paggalaw ng kanyang balikat sanhi
ng kanyang pag-iyak.
“Please Ron, give me second chance.”
Ang pagmamakaawa ko sa kanya.
Si Virgie ay nanatiling tahimik at
nakatingin lang sa amin. Ngunit bakas
din sa kanyang mukha ang galit. Dahil na
rin sa matatalim na tingin na aking tinamo mula rito.
“If you had just listened to me bago
mo ibinintang ang mga bagay na hindi ko naman ginawa, hindi sana lumala ng
ganito. And now you are asking for a
second chance. I don’t think I can give
it to you now. Nakakatakot Christian. Nakakatakot maiwan muli sa ere ng hindi ka
pakikinggan man lang sa mga paliwanag…”
hindi pa man sya tapos ay pinutol ko agad ang kanyang sinasabi at
iniharap sya sa akin.
“I know it is my fault that I have
judged you. I jumped into
conclusion. At pinagsisisihan ko ang
lahat ng bagay na nagawa ko sa yo. Ang lahat
ng sakit na naidulot ko. Plese Ron, I
will do anything just to win you back. I
want you back in my life.” Ang pagsusumamo ko.
“Give me time. As of now hindi ko kayang ibigay ang puso
ko. Konti na lang ang pagmamahal na
natitira para sa sarili ko at hindi ko na hahayaang mawala pa ito sa akin. I need to fix myself now. I need to forget all the pain that I had gone
through. Masyado ng malalim ang sugat
dito (sabay turo sa puso nya). Kailangan
ako ng sarili ko ngayon.”
“Ron, hayaan mong tulungan kitang
muli.”
Isang pilit na ngiti lang ang ibinigay
nito sa akin.
“Christian it’s time for me to face
this situation alone. Para bumalik ang
self confidence ko. Masyado ng bumaba
ang self steem ko. I need to gain it
back. Maybe someday, maibigay kong muli
ang puso ko sa yo. Dahil hindi ka pa rin
naman nakakalimutan ng puso ko.”
“Hihintayin ko ang someday na
yan. At hindi ako magsasawang
maghintay.”
“Sige na I need to go now baka malate
na ako sa flight ko. Till the time we
see each other again.” At muli pumatak ang luha ni Ron.
Hindi na ako nakaalis pa sa aking
kinatatayuan. Tila napagkit ang aking
mga paa. Patuloy na lang akong umiyak
hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko si Ron. Lubos na pagsisi ang naramdaman ko at tanging
pinanghahawakan ko ngayon ay ang salitang “Maybe someday…” I know he will not give up on me.
Alam kong mahihirapan ako sa mga
susunod na araw, but I need to face this fear and I need to continue with my
life without Ron.
“Pansamantala lang ang lahat ng ito
Christian, hintayin mo lang sya. Babalik
din ang normal na takbo ng buhay mo kasama si Ron.” Ito ang araw-araw kong sinasabi sa sarili ko
simula ng umalis siya upang hindi ako panghinaan ng loob sa paghihintay sa
taong labis kong minamahal, si Ron.
Pinilit kong ibalik ang dating
Christian sa trabaho ng mga panahong hinahanap ni Ron ang sarili nya. Dahil gusto ko pagbalik nya makita nyang muli
ang taong minahal nya at mamahaling muli.
Papatunayan ko sa kanyang karapat-dapat pa rin ako sa pagmamahal
nya. Na ako pa rin ang taong minahal nya
at walang nagbago sa akin.
“Hihintayin kita Ron… Hihintayin
kita....”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment