by: iamDaRKDReaMeR
“Tol… nakakahiya man pero gusto ko
sana yumakap sa yo habang natutulog katulad lang nung nagkasama tayo sa Qeshm.”
Ang tila nahihiyang paghingi ng pahintulot sa akin.
Hindi ako sumagot bagkus hinayaan ko
lang syang gawin yung gusto nya.
“Tol namiss ko tong gawin sa yo. Alam kong nasasaktan ka sa nangyari sa inyo
ni Lee. Pero Tol tandaan mo may mga
taong nasa paligid mo lang ang handang magmahal sa yo at handa kang tanggapin.”
“At sino naman yun ikaw?” ang biglang sagot ko ng tila hindi alintana
kung ano ang magiging reaksiyon ni Christian.
Tila nabusalan ang bibig ni Christian
ng mga sandaling iyon hindi alam kung ano ang tamang sagot na kanyang
itutugon. Namagitan sa amin ang ilang
minutong katahimikan ng bago pa niya nasagot ang tanong ko.
“Kung pahihintulutan mo lang akong
mahalin ka muli. Ngunit hindi ko
ipinapangakong hindi kita masasaktan ulit pero pipilitin kong ipakita sa iyo na
karapatdapat ako sa pagmamahal na ibibigay mo sa akin.” Dama kong sinsero si
Christian sa mga binitawan nyang salita ngunit bakit hindi tumatagos sa puso ko
an gang kanyang mga kataga? Tila ramdam
ni Christian ang agam-agam na aking nararamdaman kaya naman hinawakan niya ang
aking mukha at pinaharap sa kanya. Agad niyang sinuyod ang bawat detalye nito
hanggang sa dumako siya sa aking bibig at masuyo niya itong dinampian ng
kanyang mga labi. Hindi ako kumibo sa
kanyang ginawa kaya naman lalong lumakas ang kanyang pagnanais na gawin ang
bagay na sa tingin ko ay matagal na nyang inaasam-asam ang maangking muli ang
aking mga labi. Marahan at banayad ang
naging pag-angkin nito ngunit hindi ko malaman kung bakit parang hindi kilala
ng puso ko ang aksyon na kanyang ginawa.
Nakaramdam na lamang ako ng mga butil ng luha na malayang dumadaloy sa
aking mga pisngi. Napatigil ito sa
kanyang ginagawa at matiim akong pinagmasdan.
“Sorry Christian. I am not yet ready.” Ang malamig kong sambit
sabay talikod sa kanya.
“I understand you Ron and I am willing
to wait.” Niyakap ako mula sa aking likuran at marahang bumulong “Maghihintay
ako hanggang sa pwede na ang puso mo. Hanggang sa matanggap mo ang pagmamahal
ko para sa iyo. Hanggang sa maramdaman mong nandito ako... Nagmamahal sa iyo.”
Alam kong nasasaktan na si Christian
ngunit hindi pa talaga handa ang puso kong sugatan. Hindi ko pa kayang isaalang alang ang
natitira pang pirasong aking pinanghahawakan na madurog pang muli. Hinayaan ko lang ang posisyon naming
magkayakap habang patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata dala ng
pait at sakit na dulot ni Lee. Hanggang
sa mapagod ang aking mga mata, bumigat at unti-unti ng kinain ng pagod at
nakatulog.
Hindi ko na alam kung ilang oras akong
nakatulog basta ang alam ko lamang ay nakatulong kahit papaano ang pag-inom
upang makapagpahinga ang puso panandalian.
Nagising na lang ako ng isang napakabagong amoy ng tuyo at kung hindi
ako nagkakamali ay mayroon pang sinangag akong naaamoy. Kaya naman ay agad kong iminulat ang aking
mga mata upang malaman kung tama nga ang aking naamoy at hindi nga ako
nagkamali nakita ko si Christian na inaayos ang mesa upang makapag almusal na
kami.
“Oy good morning Tol. Breakfast is served.” Isang magiliw na ngiti
ang bumungad mula sa kanya.
“Paano kang nakapag luto?” ang takang
tanong ko.
“Malamang sa kalan.” Ang biro nitong
tugon na talaga namang hindi nagmintis upang mapangiti ako. “Tumayo ka na dyan, maghilamos at magmumog
para makakain na tayo.” Agad akong tumayo
at tinungo ang banyo. Sa totoo lang
ngayon lang ulit ako nakaramdam ng may nagpapahalaga sa akin ngunit hindi ko pa
rin talaga maibigay ang puso kong pirapiraso.
Naging maayos naman ang pagsasalo
namin sa hapag. Paminsan-minsan ay
nagkukwento si Christian. Hindi ko
malaman sa taong to parang hindi nauubusan ng kwento o sadyang ginawa lang nya
ito upang hindi ko maalala ang sakit?
Parang hindi ko na talaga kilala ang sarili ko sa kadahilanang alam kong
hindi ako ang tipo ng taong nagpapatalo lang sa kwentuhan dahil sadyang
makwento rin akong tao.
“Wala ka bang pasok ngayon?” ang
bungad kong tanong.
Ngumiti ito bago sumagot. “I filed a
leave for a week para samahan ka at damayan ka.
Hindi mo ba napansin yung dala kong bag punong-puno ng gamit?” sa totoo
lang hindi ko talaga napansin yung dala nyang bag kahapon. Hindi na ako nakakapansin ng ibang bagay na
nakapaligid sa akin.
“Sasamahan kita sa mga walk-in
mo. Para nman may silbi ang pag lileave
ko. Malay mo lucky charm mo ako.” At hindi na nman sya nagkamaling mapangiti
ako. Simple gestures yet very effective
para mapa smile ang isang taong may pinagdaraanang pighati.
Naging masaya naman ang araw namin ni
Christian. Nagbibiruan, naghaharutan at
nagkukwentuhan. Mga bagay na dati ay si
Lee ang kasama ko. Muli na namang
gumuhit ang lungkot sa aking mukha. Alam
kong nahalata ni Christian ito ngunit nagsa walang kibo na lang siya at
hinayaan ako.
“Anong gusto mong gawin mamayang
gabi?” ang tanong nito na tila may plano ng nakahanda.
“Wala naman dito lang sa bahay. Mag mumuni-muni.” Ang sagot ko sa napakalamig
na tono.
“Tol iwas muna nga tayo sa sad moments
ng buhay mo. Nandito naman ako para
makalimot ka kung ano man yang pinagdaraanan mo kaya please lang yung three
remaining days ko sana puro happy moments lang tayo? Please…” isang pilit na ngiti lamang ang
natanggap nito mula sa akin. “Ngumiti
nga pilit naman. Be ready mamaya
mag-iinom ulit tayo. Pero dito sa
bahay. Mag babar tayo.” Ang masigla
ngunit dama mo ang sakit sa mga salita nitong binibitawan.
At ganon na nga ang nangyari nung
kinagabihan nag bar kaming dalawa.
Pagpasok pa lang ng bar kahit maingay at masaya ang atmosphere nito iba
pa rin ang dating para sa akin. Agad
naman kaming umupo sa may bar area since dalawa lang kami.
“Please give us a bottle of Chivas and
apple juice.” Ang pagbigay ng order ni Christian sa bar tender. “What would you like to have para sa
pulutan?” ang baling naman nito sa akin. “Fruit platter na lang and chicken wings.”
Ang tugon kong tila wala sa sarili. Dahil
naaalala ko lang ang mga panahon na kaming dalawa ni Lee ang lumalabas para mag
bar. Lahat na lang ba ng mga nangyayari
sa buhay ko ay kadugtong pa rin ng alaala ni Lee? O sadyang matigas lang ang ulo ko na
tanggapin ang katotohanang wala na kami at ibang tao na ang umaalalay sa akin
ngayon?
“Ang galing ng banda noh?”
“Ha… ah… eh… Oo.” Simple kong tugon
“Wala ka na naman sa sarili mo. Kaylan ka kaya makakabalik sa realidad?”
Hindi ako makasagot sa binitiwang
tanong ni Christian sa akin dahil sa totoo lang kahit ako hindi ko alam kung
kaylan. Kung malapit na ba o matatagalan
pa.
Inilapag na ng bar tender ang order
naming inumin at sinalinan ang mga baso namin.
Agad ko naman itong kinuha at tinungga hanggang maubos.
“Whoah! Dahan-dahan lang tol di tayo
nagmamadali.” Ang gulat na wika ni Christian.
Isang blankong tingin lang ang
ibinigay ko dito. At sinalinan ulit ang
baso ko ng alak.
Nakakalahati na namin ang bote ng alak
at si Christian ay naghihinay hinay na sa pag-inom samantalang mas marami naman
akong nainom sa kanya.
Hindi ko alintana ang mga taong nasa
paligid ko. Si Christian naman ay parang
timang lang na nakatingin sa akin at paminsan-minsan iiling, ngingiti, at
mapapabuntung-hininga. Ako naman tuloy
lang sa pagsalin ng alak at paglagok.
Nagpaalam ako kay Christian na
magpupunta ako ng toilet dahil sa dami na rin ng nainom ko kaylangan kong
magbawas ng konti. Nang pabalik na ako
sa bar area parang may nakita akong taong pamilyar sa aking paningin pero dahil
iniisip ko na may kasama ako hindi ko na pa binigyan ng atensyon ang nakita ko
bagkus ay dumiretso na ako sa pwesto namin.
“Tol tagal mo naman jumingle.”
“Ang daming tao ih at isa pa parang
may nakita kasi ako don banda familiar face kasi kaya medyo natagalan din ako
sa pagbalik.”
“Sino naman yun?” ang takang tanong
nito
“Wag mo ng isipin kung sino, ako nga
di ko na inabala pa sarili ko kung sino yon.
Tagay na lang tayo.”
Naubos na nga namin ang isang bote at
medyo bitin pa ako kaya naman umorder ako ng isang pitcher ng beer para pang
banlaw na rin sa nainom naming hard,
diba para lang naglaba pagkatapos magsabon magbabanlaw. At hindi ko na rin namalayan na last set na
pala ng banda.
“Good Evening everyone welcome to
Marina Club. This will be our last set
for this evening kaya kung sino man sa inyo ang may request just write it on a
piece of paper together with your name and dedication. And to all our friends who are celebrating
their birthday’s happy, happy birthday from the staff and crew of Marina Club!”
Nag-umpisa ang last set ng banda sa
mga upbeat music, rock at alternative.
Nag-eenjoy si Christian sa pakikinig sa banda samantalang ako talagang
focus lang ako sa pagtungga ng inumin.
“Ok, enjoy pa ba kayo dyan mga
kabayan? Now were gonna play a requested song.
A song popularized by Sheena Easton and revived by Janno Gibbs. Para sa
mga taong nag momove on dyan this song’s for you guys”
Para naman akong binatukan ng
napakalas ng marinig ko ang kanta. Pilit
kong pinapakalma ang sarili ko dahil nakakahiya naman kung sa bar ko pa
ilalabas ang emosyon ko. Pinilit kong
wag magpaapekto pero hindi ko talaga kaya.
Nagpaalam na lang ako kay Christian upang hindi nito mahalata na
affected ako sa kanta. Agad kong tinungo
ang CR at doon sa cubicle ay nagmukmok ako at umiyak. Inilabas ko ang lahat ng saloobin ko. Hanggang kaylan ba ako mumultuhin ng
nakaraan? Hanggang kaylan ko ba
daranasin ang mga pait at sakit na nararanasan ko ngayon? Hanggang kaylan ko panghahawakan ang pag-ibig
ko para kay Lee? Marami pang katanungan
ang tumatakbo sa aking isipan ng mga sandaling iyon ngunit talagang hindi ko pa
rin alam kung saan ko hahanapin ang sagot.
Kung makikita nga lang ito sa libro malamang nag research na ako pero
hindi ih. Mahirap hanapin ang
kasagutan. Makalipas ang ilang minuto ay
inayos ko ang sarili ko upang bumalik na sa loob.
Nagmamadali akong lumabas ng CR ng
biglang may nakabanggaan ako sa may pintuan.
Nang iangat ko ang mukha ko upang tignan kung sino ito ay laking gulat
ko sa taong kaharap ko ngayon.
“Ikaw! Anong ginagawa mo dito?!”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment