Wednesday, December 26, 2012

Anino ng Kahapon (09)

by: iamDaRKDReaMeR

“Hello…”  ang pupungas pungas kong sagot.

Nanatiling tahimik ang nasa kabilang linya.

“Aren’t you gonna talk or I will hang up?” ang inis kong wika.

“Ron, hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko basta ang alam ko lang gusto kong marinig ang boses mo. “ ang boses sa kabilang linya na tila lasing.

“Lee?”

“Ako nga. Ron hirap na hirap na ko. Please give me another chance I will prove to you how much I love you.  Di ko pala kayang wala ka sa akin.  Masakit Ron sobrang sakit.  Please.  I’m begging you.” Ang pagsusumamo nito sa akin.  Dinig ko ang bawat hikbi nito.  Alam kong naawa ako ngunit kaylangan kong pigilan ang sarili ko.  Mahal ko na si Christian at ayaw kong magkasira kami.

“Lee enough na, you have caused me so much pain. And now I am having trouble with my boyfriend because of you.  Gusto ko ng mamuhay ng tahimik.  Kaya please lang stop calling me you’re making things complicated.” Ang may kataasan kong boses na tugon dito.


“Am I the one or you’re still holding onto something? I know Ron you still love me. Ganon din naman ako sa yo ih.  I love you and I will always love you.  So why do we have to prolong the agony.  Why don’t we just get back together then everything is settled?” mula sa mga salitang ito nagpanting ang aking pandinig tila may isang malakas na gong na nakapagpabingi sa akin.

“Can you hear what you are saying? Do you think ganon lang kadali na ayusin ang bagay na sinira mo? No! I’ve had enough of you Lee.  You ruined me and I will not allow myself na sirain mo akong muli.  I am slowly fixing myself now so please.  Tantanan mo na ako!” pagkatapos na pagkatapos kong ibigay ang huling salita ay agad kong ibinaba ang tawag.  Nakita ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa sulok ng kama yakap ang isang unan at umiiyak.  Walang katapusang pag-iyak.  Nakakasawa na pero wala akong magawa kundi ang umiyak dahil sa tuwing sumasaya na ang buhay ko ay tsaka naman bumabalik ang mga nakaraan sa akin.

“Christian nasaan ka na ba? Sana nandito ka para damayan ako.” Ito ang naisatinig ko habang patuloy ako sa aking pag-iyak.

Hindi pa man din nagtatagal ay bigla muling tumunog ang aking cellphone.  Agad kong pinahid ang luha sa aking mga mata at tinignan kung sino ang tumatawag.  Nang makita kong si Christian ang tumatawag agad ko itong sinagot.

“Hello Budz! Bakit ngayon ka lang tumawag.  I’ve been trying to reach you but you were not answering any of my call nor text.  What happened to you?  Sorry na please?” ang walang preno kong untag sa kanya.

“Buddy I just called kasi I want you to know that I filed an emergency leave.  Magbabakasyon ako sa Pinas for one month para na rin makapag isip-isip at makahinga muna pansamanatala.  I know it is a rush decision I made pero I need it, we need it.  I am giving you time para makapag isip din kung ano ba talaga o kung sino ba talaga ang gusto mo. Kung siguro kayo pa ni Lee masasabi kong wala akong karapatang mag react ng ganito pero Ron sana naisip mo na tayo na wala na sya sa buhay mo.  Iba na ang kapiling mo.  Pero hindi ko alam kung bakit kaylangan mo pa ring maapektuhan pag sya na ang pinag uusapan.  Ano ba ako sa yo Ron? Mahal mo nga ba talaga ako o napilitan ka lang kasi wala ka ng choice?  I don’t need to hear your side for now.  All I want to ask from you is to take care of yourself cause I will not be there for now but in time, who knows.  Always remember Ron I love you.  Minahal kita simula pa lang ng nakita kita at mahal kita hanggang ngayon kaya lang masakit na sobrang sakit at para hindi na tayo magkasakitan I am giving you time and space you needed to think over the things that confuses you.   I love you.” Ito ang mga katagang tumatak sa aking isipan at bumaon sa akin puso.  Masakit na masarap pakinggan masakit dahil pawang katotohanan ang lahat ng kanyang tinuran at masarap dahil ang lahat ng mga salitang iniwan nya at mga salitang lagi kong naririnig sa kanya simula pa noon.  Mga salitang nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi.  Ang salitang “I love you!”

Pagkababa ng tawag ay muli ko na namang nakita ang aking sarili sa posisyon ko kanina.  Nakayakap sa unan at umiiyak at ngayon ang pagtangis ko ay naging sukdulan dahil ang pakiramdam ko ay iniwan ako ng taong tanging nakaintindi sa akin. Masakit, ngunit wala akong magawa kundi sundin ang kanyang kagustuhan.  Hoping that one day everything between me and Christian will fall into its right place.

Simula ng nagbakasyon si Christian ay bumalik ako sa aking dating nakagawian katulad ng iniwan ako ni Lee naging lasenggo at walang gana ulit ako sa buhay.  Pumapasok na lang sa trabaho dahil kailangan hindi dahil ginaganahan.  Tila isang taong walang tamang landas na tinatahak dahil wala na ang ilaw na syang tumatanglaw sa aking daraanan.

Naging consistent naman si Lee sa pakikipag ugnayan sa akin palaging nagtetext at minsan tumatawag ngunit hindi ko sinasagot.  Minsan pupunta ng bahay ngunit kung doon sya matutulog ay makikitulog ako sa kwarto ni Jane at sya ang patutulugin ko sa kwarto ko.  Wala akong ibang hinihiling sa bawat araw na nagkalayo kami ni Christian kundi ang magbalik syang muli sa aking buhay.  Hirap na hirap na ko.  Ang bawat segundo ng buhay ko ay tila isang dekada ng paghihirap kapag wala sya.  Sising sisi ako kung bakit ba kailangan ko pang sabihin sa kanyang may puwang pa si Lee sa puso kahit na sinabi kong hindi ko na hahayaan pang makapasok ng muli ito sa aking buhay ay iba pa rin ang naging dating sa kanya.

Malaki ang naging pagkukulang ko sa kanya when it comes to emotional attachment at alam ko sa sarili ko yun.  Hindi ko agad naipadama sa kanya na mahal ko na sya.  Dahil aaminin ko kahit na naging kami na ni Christian ay hindi pa rin natanggal sa puso at isipan ko si Lee.  Ngunit bakit ganon kung kailang minahal ko na sya ng lubusan ay tsaka naman ako sinampal ng tadhana ng biglang magdesisyon si Christian na humingi ng time and space.  Ngayon back to basic na naman ang journey ko.

Isang gabing nag-iinom ako kasama si Jane na ngayon ay syang naging sandigan ko sa panahon ng aking kahinaan.

“Jane ganon na ba talaga ako naging kamanhid sa relasyon ko kay Christian para makapag desisyon sya na humingi ng space?” ang seryoso kong tanong sa kasama ko.

Hindi ito agad nakasagot bagkus ay tila nag-iisip ng tamang salita upang tugunan ang aking tanong. Matapos ang isang sandal ay tumingin ito sa akin.  Mga tingin na puno ng pakikiramay sa aking nararamdaman.

“Alam mo Ron minsan kasi hindi na natin iniisip ang nararamdaman ng iba, basta yung feeling natin na maligaya na tayo wala na tayong pakialam pa sa nakapaligid pa sa atin.  Kahit na minsan yung sanhi ng pagiging masaya natin ay dahil na rin sa taong nagpapahalaga sa atin.  Hindi natin nakikita yun.  Minsan nagiging selfish tayo.  But, when that particular person is almost gone from our hands then we will come to realize how important they are to us.  Ganon talaga eh, kailangan muna nating masaktan bago makita ang halaga ng isang bagay. “ ang mahaba at makabuluhang payo nito sa akin.

Right then and there nagising ako sa katotohanan na I need to let go of my feelings para magpatuloy na ako sa aking buhay.  The more I am holding back the more complicated things will become.

Inayos ko ang buhay ko after that conversation.  I tried to fix my life kahit na mag-isa ako.  Alam kong malalampasan ko ito.  At hindi ako nawawalan ng pag-asa na magkaka ayos parin kami ni Christian at magkakasama kaming muli.

And as for Lee ganon pa rin sya tila ayaw paawat sa pagsuyo sa akin.  Ayaw ko na pero hindi ko naman sya mapigil kahit anong pakiusap ko hindi sya magpapigil.

“Lee can’t you see it’s not working.  Please stop it.  Wag mo ng pahirapan ang sarili mo.”

“Just what I have said to you I won’t stop till I win you back.  Ganon akong kapursigido na mahalin mo akong muli.  I know nagkasala ako sa yo before but that doesn’t mean na igigive up na kita.  Mahal kita at kaya kong tiisin ang lahat para lang sa yo.” Dama ko ang sinseridad sa kanyang boses at kita ko sa kanyang mga mata ngunit iba na ang sitwasyon ngayon.  Iba na ang tinitibok ng puso ko.

“Hindi na kita pipigilin pero ngayon pa lang sinasabi ko na wala ng pag-asa ang pagsusumamo mo.  Once is enough.  Ayaw kong maging tayo muli pero puno naman ng pangamba at pagdududa.  Kung gusto mo ang ginagawa mo hahayaan na lang kita. Pero sana magising ka na sa katotohanang hindi na pwede.”

Matapos ang ilang linggo nananabik na akong makita si Christian.  Ano na kaya ang itsura nya ngayon?  Mahal pa rin kaya nya ako?  Ano kaya ang una nyang gagawin pag nagkita kami? ang daming tanong ang tumatakbo sa isipan ko.  Hindi ko naman alam kung ano ang magiging sagot.

Halos hatakin ko ang araw upang magkita na kami ni Christian.  At para masabi ko na kung gaano ko syang namiss at gaano ko sya kamahal at hindi ko sya kayang mawala sa aking buhay.  Dumating ka na matagal na kitang hinihintay.  Nangungulila na ako sa mga yakap at halik mo.  Nahihirapan na ang kalooban ko.

Ayaw kong mawalan ng pag-asa.  Pero bakit ganito ang nararamdaman ko.  Tila kapag nagkatagpo kaming muli ay limot na ni Christian ang damdamin nya para sa akin.  Ganito kalaki ang takot na nararamdaman ko sa sarili ko.

Lumipas na ang isang buwan at katulad ng ginagawi ni Lee hindi pa rin sya nagsasawa sa pagsisilibi at pang aamo sa akin.  Hindi na ganong kabigat ang nararamdaman ko para sa kanya naging normal na lang din sa akin na sumagot sa mga text messages nya or sa mga tawag nito sa akin.   Nadadalas na rin ang pagpunta nitong muli sa aming bahay at kung matutulog ito ay tumatabi na rin akong muli sa kanya bilang isang kaibigan.

At si Christian hinihitay ko pa rin ang pagbabalik nito.  Isang message lang siguro nya agad agad akong tatakbo papuntang Dubai para lang makita at makasama sya dahil ganoon ko na talaga sya ka miss.  Ngunit bigo pa rin ako.  Wala pa ring Christian ang nagparamdam makalipas ang isang buwan.  Halos araw-araw ang sinasabi ko na lang sa sarili ko ay hayaan mo muna baka hindi pa sya handa.  Bukas tatawag na yun para makapag usap na kayo.  Paulit-ulit yan dahil yan na lang ang pinanghahawakan ko upang lumakas ang loob ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil isang buwan at dalawang linggo na ang nakalipas ay wala pa rin akong naririnig na balita mula sa kanya kaya naman napagdesisyunan ko na magtungo sa bahay nila upang alamin ang tunay na nangyari.

“Hello po good afternoon si Christian po?”

Itutuloy. . .  . . . . . . . .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com

No comments:

Post a Comment