by: Eusethadeus
“Ang galing mo naman Lenard!”
Matapos kong kumanta ay narinig ko
nalang ang maraming palakpak mula sa aking likuran. Nang lingunin ko ang kung
sino-sino man ang mga pumapalakpak, nakita ko ang mga kaklase ko. Hindi ko
namalayan ang pagpasok nila sa aming silid-aralan dahil na din nakaharap ako sa
unahan habang ang mga ito naman ay sa likod pumasok. Madami na sila at
kitang-kita ng dalawa kong mata ang kinang, o mas tamang sabihin na amazed ang
nakikita ko sa mga mata ng mga ito.
Tinakpan ko ang aking mukha ng aking
bag na dala-dala at agad na naglakad palabas ng room. Hindi pa ko pa man
napipihit ang door knob ng pintuan ay bigla na itong bumukas, and BOOM! Nauntog
ako sa kantuhan ng naturang pinto.
“Sorry Lenard.” Ang sabi ng lalakeng
nagbukas ng pintuan at inalalayan ako nitong makabangon, hawak nito ang isa
kong kamay at ang isa naman ay inaalalayan ang aking likuran. Nang makita ko
kung sino ang taong tumutulong sa akin ay napag-alaman kong si R-Kei pala ito.
“Saan ka pupun...”
“UYYYYYY!!!!!” Sigawan ng mga kaklase
naming ngayon ay nanunuod ng eksena namin ni R-Kei. Ito rin ang dahilan kung
bakit biglang napatigil si R-Kei sa sinasabi nito at napatulala nalang ito sa
dami ng mga kaklase kong nanunuod sa amin.
Nang maitayo na ako ni R-Kei ay
agad-agad na kinuha nito ang kanyang bag sa kaninang inuupuan naming dalawa at
hinila ako nito papalabas ng classroom.
“Bakit hindi mo sinabing madami na
palang tao d’on?” Nakangiting tanong sa akin ni R-Kei habang kami ay parehas na
tumatakbo makalayo lamang sa kahihiyang naganap kanina.
“Nagulat na nga lang ako kanina kasi
bigla silang sumulpot. Kaya nga naumpog ako kanina nung binuksan mo ang pinto,
nahihiya kasi ako sa kanila.” Sabi ko dito at tumigil na ako sa pagtakbo. “Teka
lang, bakit ba tayo tumatakbo?” Hihingal-hingal ko pang sabi dito.
Hindi ko talaga maintindihan kung
bakit kinakailangan naming tumakbo pa gayong nakalayo naman na kami sa
classroom na pinanggalingan naming kanina. At lahat ng nakasalubong naming estudyante
ay nakatingin sa amin habang tumatakbo. Nakakahiya! Para kaming hinahabol ng
kung sino-sino at kailangan namin itong takasan.
Tumigil naman si R-Kei sa pagtakbo at
hingal-aso itong napayuko sa gitna ng hallway.
“Doon muna tayo sa oval, 1 hour pa naman
bago ang sunod nating klase, tsaka hapon na, hindi na ganon kainit doon
ngayon.” Hihingal-hingal pa din nitong sabi sa akin.
“Kumanta ka na kasi.” Kanina pang
pilit sa akin ni R-Kei. Labing-limang minuto na kaming nakatambay sa oval at
kanina pa ako nitong pinipilit na kumanta.
Always ready talaga ang isang ito, sa
bag pala nito ay may tuwalyang nakalagay at iyon ang ginamit naming sapin para
maupuan sa oval. Inilatag lamang niya ito sa damuhan at saka kami umupo at
gumaya sa iba pang mga nakatambay din, or should I say, nagde-date doon.
(Assuming lang. Hehehe)
“Nakakahiya kaya, ang daming tao.”
Tugon ko dito.
“Eh ano ngayon, proud nga ako, kasi
pinalakpakan ka nila kanina sa classroom, kaso hindi ko naman narinig.”
Nakangiting sabi nito sa akin, alam kong nakatitig ito sa akin, kita kasi sa
peripheral vision ko. At ito rin ang dahilan kung bakit kulang nalang ay
ma-cardiac arrest ako sa bilis ng tibok ng puso ko.
“Pano mo naman nalaman ‘yon?”
“Nagtext sa akin si Thep. Pilitin daw
kitang sumali sa banda. Kulang kasi kami ng vocalist.” Sa sinabi nito’y agad
akong napatingin sa gawi nito at nakumpirma kong nakatingin nga ito sa akin.
Hindi ko alam na nagbabanda pala ang
mga ito, kaya’t ipinagtaka ko ang sinabi nito.
“Nagbabanda pala kayo?” Kunot-noo kong
tanong dito.
“Sana, kaso nga diba, hindi pa buo.
Kasi naman, ayaw nilang ako nalang ang vocals. Kaya ko naman. Panalo kaya ako
noong fourth year high school sa singing contest sa school namin. Champion pa!”
Mahanging sabi nito sa akin.
“Oh, eh bakit hindi nalang ikaw ang
kunin nila? Baka naman kasi dalawa lang kayong naglaban? At hindi pa maalam
kumanta ang napatapat sayo.” Natatawa kong biro dito.
“Pano mo nalaman?” Pagsakay nito sa
biro ko, o ‘yon talaga ang totoo? Hala, ewan! Parang seryoso kasi ang sinabi
nito.
“Totoo nga?”
“Hindi ka naman mabiro! Madaming
magaling kumanta sa LaCo noh. Mapalad lang talaga ako sa pagkakapanalo ko” Sabi
nito’t tumingin ito sa malayo.
“Maiba ako R-Kei. Naalala ko kasi
‘yong sinabi mo noong orientation palang nung first day, totoo bang lola mo si
Cory?” Out of curiosity, matagal ko nang gustong itanong ito sa kanya, pero
ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob, bakit? Hindi ko din alam.
“Hindi, joke ko lang ‘yon, para hindi
na mangulit si Ma’am Trinidad. Ayoko kasi talaga sa mga teacher. Lalo na sa mga
plastic.” Sabi nito at napabuntong hininga.
“Bakit ba parang ang laki ng galit mo
sa mga plastics? Noong acquaintance mo pa sinasabi ang tungkod d’yan ah?”
“Ayoko lang talaga ng ganon, isipin mo
naman, halimbawa ikaw ang nasakalagayan ko. Tapos lahat ng ipinakita mo sa akin
ay totoo. Malalaman mo nalang na pinaplastic kita, anong mararamdaman mo?”
“Syempre masakit.” Pagsang-ayon ko
nalang dito. “Pero R-Kei, pano ba malalaman kung plastic sayo ang isang tao?”
Parang bata kong tanong dito, sa mga ganitong klaseng usapan kasi ay hindi
talaga ako maalam, hindi ko alam kung paano mamili ng kaibigan, maswerte lang
siguro ako ngayon kay R-Kei dahil pakiramdam ko’y totoo lahat ng ipinapakita
nito sa akin.
“Mararamdaman mo naman ‘yon eh. Kaya
nga noong una, ayaw ko sayo.” Sa sinabi nito’y para naman akong nabagabag.
“B.bakit naman?”
“Eh kasi, kita naman sa kilos mo na Bi
ka, tapos ayaw mo pang aminin.” Sabi nito sa akin.
“Hindi ko naman itinanggi ah, ayoko
lang talagang ipakilala ang sarili kong gano’n R-Kei.” Sabi ko dito at nag-iba
na ang hilatya ng mukha ko, pati boses ko ay nakikisama na din dahil medyo
natatakot na din akong mawala sa tabi ko si R-Kei, nasanay na din kasi akong
palagi ko itong kasama.
“Oh, wag kang malungkot d’yan, syempre
first impression ko ‘yon sayo, at nagbago na ‘yon ngayon. Tingin mo ba sasama
ako sayo kung ramdam kong hindi totoo ang sinasabi mo?” Nahimigan ko ang
paglalambing sa boses nito na naging dahilan muli ng pagbilis ng tibok ng aking
puso.
“Pwede ba magtanong R-Kei?” Pagbubukas
ko ng panibagong topic.
“Sure, ano ba ‘yon?” Sabi nito kasabay
ang paghugot nito ng kung ano sa kanyang bulsa, nang mailabas niya ito ay ang
kanya palang CP.
“Ah. Eh. Kasi, tatanong ko lang sa...”
“Time na pala! Late na tayo! Patay
nanaman tayo nito kay Sir Desamero!” Pagputol nito sa aking sinasabi at
nagpatiuna na itong tumayo, matapos ito ay inalalayan niya akong makatayo at
sabay naming kinuha ang tuwalya niya at inilagay ito sa kanyang bag nang walang
tiklop-tiklop.
Nagmadali kaming tumakbo patungo sa
room ng klase namin. Doon na kami dumaan sa ospital para madali, may shortcut
kasi dito at paglabas mo ay nasa third floor ka na ng building ng medical
courses. Hawak niya ang kamay ko habang hila-hila niya ako sa kanyang pagtakbo.
It felt like I was on breeze, na dinadala lang ako ng hangin through R-Kei’s
hands. (Kayo kaya ang hawakan ang kamay ng crush nyo? At hila-hila pa kayo
nito, hindi ba kayo kikiligin no’n?)
Nang marating namin ang classroom ay
agad kaming pumunta sa likurang parte at doon kami pumasok ni R-Kei ng
dahan-dahan.
“Mr. Bitervo! Mr. Cojuanco! This is
the third time na na-late kayo sa klase ko! Isang beses na nga lang ang meeting
natin every week and you tend to be late sa klase ko! Gusto ‘nyo bang gawin ko
ding late ang grades ‘nyo?”
Paktay! Nasabi ko nalang sa aking isip
habang kakamot-kamot kaming dalawa ni R-Kei sa aming mga ulo.
Ewan ko pero lagi nalang kaming late
ni R-Kei sa klase ni Sir Desamero, naisipan nga naming dito nalang mag-stay
kanina sa room na ito kaso, nagsipagdatingan naman ang mga classmates namin,
kaya umalis din kami.
Eh ano ba kasi ang itinatago-tago
ninyo sa mga kaklase nyo? Bakit ba kasi kailangan nyo pa ng private moments
together every break time bago ang Chemistry class nyo! Biglang sabat naman ng
maligalig kong utak
“Sir kasi nagdate pa sila!” Biglang
sabi ng isang babae naming kaklase na si Caree. Isa sa mga intrimitida naming
kaklase, maganda siya, oo, at alam naming may gusto it okay R-Kei. Pero dahil
na din sa kagaspangan ng ugali nito ay hindi ito pinapansin ni R-Kei.
“Shut up Caree!” Saway ni R-Kei dito.
“Shut up your face! Kung bakit ba
naman kasi d’yan sa baklang ‘yan mo pa naisipang magsasama!” Balik naman nit
okay R-Kei.
“Students, this is not a war room!
Kung gusto ninyong mag-away, doon kayo sa labas at huwag ninyong guluhin ang
klase ko!” Mataray na sabi ni Sir Desamero. “Mr. Bitervo, Mr. Cojuanco, go to
your proper places, go to my office after this class!”
Nagmadali na kaming umupo ni R-Kei sa
aming mga sari-sariling upuan, at dahil nga uso sa college ang sitting
arrangement na alphabetically arranged ay magkatabi pa din kami nito. (Hindi
naman talaga uso sa college ang sitting arrangement, pero ewan ko ba, sa school
na ‘to kasi, kailangan daw alphabetically arranged, but am thankful dahil na
din magkatabi kami ni R-Kei... hehehe, landi much lang.)
Chemistry is one of R-Kei’s favourite
subject na talaga namang kahinaan ko, ewan ko ba pero pagdating sa science
subjects talaga ay hirap na hirap ako. Mabuti nalang talaga at katabi ko si
R-Kei at itinuturo nito sa akin ang mga hindi ko maintindihan sa sinasabi ni
Sir Desamero. Minsan pa ay sa mga quiz, pinapakoya ako nito.
Nang matapos ang klase namin kay Sir
Desamero ay agad kaming nagtungo sa opisina nito. Mataas ang posisyon ni Sir
Desamero sa unibersidad na ito, Research and Development Director, Director for
Accreditation, at Executive Dean ng College of Pharmacy. Dalawa din ang kursong
kinuha nito, isa ay Medical Technology kung saan ay top three siya sa board
exam. Ang isa naman ay Pharmacy kung saan kasali pa din siya sa Top 20 pero
hindi na namin alam kung pang ilan siya. Matalino kasi eh. Pero malaking
palaisipan para sa amin ang kanyang sekswalidad.
Tok*Tok*Tok
Tatlong beses lamang kaming kumatok sa
opisina nito at pinagbuksan kaagad kami ng kung hindi ako nagkakamali ay
sekretarya nito.
“Si Sir Desamero po?” Mahiya-hiya
naming tanong sa babaeng nagbukas ng pinto.
“Waiting for you in his room. Pasok
nalang kayo doon sa pintuan na iyon.” Sabi nito sabay turo sa amin ng sinasabi
nitong pintuan sa loob ng opisinang kinatukan namin.
“Thank you po.”
Agad naman naming sinunod ang sinabi
ng sekretarya nito, pero nang kakatok na kami ay parehas kaming nagsisikuhan
kung sino sa amin ang kakatok. Nasa harap na kami ng pintuan nang bigla itong
bumukas at iniluwa nito ang professor naming si Sir Desamero.
“Pasok kayo.” Mabait na sabi nito sa
amin.
Agad kaming pumasok sa loob ng silid
niya kahit nagtataka pa kami, o ako lang sa ipinapakitang ugali nito, kanina
kasi noong pinapagalitan niya kami ay halos parang lamunin na kami nito ng
buong-buo, ngayon naman ay parang isang mabait na tupa.
“Ano pong pag-uusapan natin sir?” Iba
talaga ang isang ‘to, direct to the point, ayaw ng paligoy-ligoy ni R-Kei. At
nakatitig ito kay Sir Desamero na parang hindi nito nagugustuhan ang nakikita
nito.
“Upo muna kayo d’yan. Kukuha lang ako
ng makakain natin.” Tugon naman ni Sir Desamero na lalung nagbigay sa amin ng
pagtatakang pakiramdam.
Umupo naman kami ni Jeck sa
magkabilang upuan sa tapat ng lamesa ni Sir Desamero. Habang si Sir naman ay
pumunta sa kanyang mini refrigerator at kumuha ng kung anong makakain doon.
Nang matapos nito ay umupo na siya sa kanyang trono at ngumiti sa amin.
“Heto, kainin nyo muna.” Sabi nito sa
amin.
“Thank you sir.” Sabay naming sabi ni
R-Kei.
“Akala kasi namin kanina papagalitan
‘nyo kami kaya ‘nyo po kami pinatawag.” Sabi ko pa.
“Bakit ko naman kayo papagalitan? Eh
diba nga, sabi ko noong orientation, okay lang sa’kin ang late, basta ipapasa
nyo ang mga exams at quizzes nyo.” Nakangiting tugon nito sa amin. Oo nga pala,
nakalimutan namin na may ganung sinabi nga pala ang mokong na ‘to noong una
namin itong mameet.
“Eh sir, bakit po palagi nyo kaming
pinapagalitan pag pumapasok kami sa klase ‘nyo?” Tanong naman ni R-Kei, hindi
pa din nagbabago ang mukha nito, parang inis pa din ang nakikita ko dito.
“Kasi, natutuwa ako sa inyong dalawa.
Hindi kayo mapaghiwalay pamula pa noong matapos ang acquaintance party.” Sabi
nito’t napatawa na parang kinikilig-kilig pa. “Matanong ko lang, if you don’t
mind, ano na bang score between the two of you?”
Ayun na nga, nalintikan na! Tumayo si
R-Kei sa kanyang kinauupuan at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata.
Hawak-hawak nito ang kanyang tinidor at parang nagpipigil ito sa kung ano mang
gagawin niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito na parang kutsilyo.
“Ang ayoko sa lahat, ‘yung mga
pakealamero! Buhay namin ‘to ni Lenard at hindi kayo ang nagpapalamon sa amin
para i-report namin sa inyo ang mga nangyayari sa buhay namin!” Nakasigaw
nitong sabi kay Sir Desamero.
“R-Kei, t.tama n.na y.yan!” Nabubulol kong
pagsaway dito, natakot kasi ako sa naging asta niya, parang sinapian ng kung
sino.
“Lenard, kung gusto mo pang mag-stay
dito, bahala ka, pero ako, aalis na ako!” Sabi pa nito sa akin habang hindi pa
din naaalis ang nanlilisik nitong mata kay sir.
“Pasensya na po sir, alis n.na po
k.kami.” Nabubulol-bulol kong paalam kay sir at lumabas na kami sa naturang
opisina.
Hawak-hawak ko ang braso ni R-Kei
habang naglalakad kami papalabas ng naturang unibersidad at pilit kong
pinapakalma ito dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang tensyon sa
kanyang paglalakad.
Dinala ko muna si R-Kei sa apartment
namin at binigyan ng tubig para sana mapakalma. Ilang minuto pa ang lumipas ay
kumalma naman na si R-Kei at yumuko.
“S.sorry.” Unang salitang narinig ko
dito matapos naming umalis sa opisina ni Sir Desamero.
“Ano bang nangyari sayo R-Kei?” Tanong
ko dito habang hinahagod ko ang kanyang likuran.
“Gusto mo ba talagang malaman kung
bakit ako ganito kailap sa mga teachers? Lalung-lalo na sa mga baklang
teachers?” Nakayuko pa ding tanong nito sa akin.
Hindi ako umimik at hinyaan ko lamang
itong makapagsalita.
“Noong high school ako, napakadaming
indecent proposal sa akin ng mga teachers ko. Napakadali kong makisama noon sa
mga teachers at ganoon din naman sila sa akin. Sa sobrang close namin ng iba sa
mga teacher kong lalake din ay nakakainuman ko na ang mga ito pagdating sa
gabi. Itinuring ko silang kaibigan, at ang iba dito ay mga best friends pa ang
turingan namin.” Sabi nito at napatahimik saglit dahil sa pag-inom niya ng
tubig. “Contest noon, singing contest, kasali ako at kung papalarin ay sa
kauna-unahang pagkakataon ay mabibigyan ko ng award ang nanay at tatay ko.
Gustong-gusto kong maging proud sila sa akin. Kaya pinagbutihan ko ang
pagpa-practice ng kakantahin ko.”
Nakinig ko nalang na humuhikbi na pala
si R-Kei na nagbigay sa akin ng ideya na umiiyak ito. Kinuha ko ang panyo mula
sa aking bulsa at ibinigay sa kanya.
“Gabi noon bago ang contest, nagtext
sa akin ang pinakapaborito kong teacher noon, ang teacher ko sa physics,
magaling siyang magturo at talagang hinahangaan ng lahat dahil sa angking
kagwapuhan nito. Sabi niya ay pumunta daw ako sa kanila dahil mag-iinom daw ang
barkada. Noong una ay ayaw ko dahil na din may contest akong sasalihan kinabukasan,
pero sabi nito ay isa daw siya sa mag-ju-judge ng contest at sisiguraduhin daw
niyang ako ang mananalo.” Napatigil muli si R-Kei sa pagkukwento, uminom ng
tubig at tumingin sa akin.
Galit ang makikita mo sa mga mata
nito, galit na alam mong matagal na nitong kinikimkim. Kahit pugto na ang mata
nito ay kitang-kita mo pa din ang panglilisik ng mata nito na talaga namang
nagdala sa akin ng ibayong takot.
“Nagpunta ako sa kanila dahil na din
sa pangako nitong ipapanalo daw niya ako, kaya pinagbigyan ko na ito sa gusto
niyang pakikipag-inuman. Dumating ako sa kanila pero walang ibang tao sa bahay
niya kung ‘di siya lang. Nagtaka ako pero binalewala ko nalang dahil pinanghahawakan
ko pa din ang pangako nito. Gustong-gusto kong manalo para sa magulang ko at
susuungin ko lahat para makuha ‘yon!”
“Pagdating ko sa kanila, nag-inom kami
ng nag-inom. Kahit kaming dalawa lang. Hindi ko alam na may balak pala siya sa
akin. Nilasing niya ako at nung lasing na ako ay doon na niya ako pinatulog.
Okay lang naman sa akin dahil ilang beses na din akong nakitulog noon sa
kanila, pero iba ang nangyari noong gabing ‘yon.” Nabasag ang boses nito’t
parang nasaktan, sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko nanamang muli ang mga
luha nitong kanina pa nito pinipigilan.
“GINAPANG NIYA AKO!” Sigaw nito.
“Naramdaman ko nalang na nakapatong siya sa akin, umaayaw ako, ayaw ko, pero
anong ginawa niya, itinuloy pa rin niya at ang masaklap pa, kung hindi daw ako
papayag ay kahit ako pa ang pinakamagaling sa mga kakanta ay gagawin niya ang
lahat para lang matalo ako. Pero nagpumiglas pa din ako, ayoko, sabi ko noon sa
sarili ko, kahit ‘wag nalang akong manalo, pero nang sabihin niyang pati ang
pagiging valedictorian ko ay mawawala sa akin pag hindi ako pumayag, doon na
ako nagparaya.” At tuluyan nang kumawala ang masaganang luha nito.
Maging ako man ay napaluha din sa
kwento nito. Natakot ako at the same time, thankful dahil kahit alam niya ang
sexual preference ko, hindi siya lumayo sa akin at hindi man lang ako
pinangdirihan gayong parehas kami ng “gumahasa” sa kanya.
Nag-iyak lang ng nag-iyak si R-Kei,
sumubsob ito sa aking balikat at niyakap ko naman ito bilang pag-aalo ko dito.
Nakatulog na siya sa ganoong posisyon kaya’t inihiga ko nalang ito ng maayos sa
sofa. Masyadong naging mahaba ang araw para sa aming dalawa at ito ang
karapat-dapat para sa kanya, ang magpahinga.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment