by: Eusethadeus
“Ano, tol? Sasali ka pa ba?” Bungad sa
akin ni Thep nang makita ako nitong papasok na sa classroom.
Matapos ang umagahan namin ni Lenard
ay napilit ko naman itong pumasok na sa klase namin ngayon, katulad ko ay hindi
rin pala ito pumasok noong mga nakaraan, kaya't napakarami naming dapat habulin
sa klase.
Pasalamat nalang at malamig ang mga
classroom sa aming pinapaskang unibersidad dahil makakapag-jacket si Lenard at
maitatago nito ang mga pasang natamo niya dahil sa pangre-rape ni Echo dito.
“Look at them oh, nagpaloko nanaman
'tong si R-Kei!” Hindi pa man ako nakakapagsalita para sagutin ang tanong ni
Thep ay narinig ko nang sabi ni Caree mula sa malayo.
Papatulan ko pa sana ito pero mahigpit
na hinawakan ni Lenard ang braso ko na para bang sinasabing h'wag ko nalang
itong patulan.
“Bahala na 'tol, madami pa kasi kaming
kailangang habulin ni Lenard sa klase.” Walang emosyon kong tugon dito.
“Okay na 'tol, naipakuha ko naman
kayong dalawa ng photocopy ng lectures natin. All you need to do is to read it.
And besides, napakiusapan naman ni Genina na h'wag munang magpapa-quiz ang mga
professor natin kaya nothing to worry.” Nakangiting tugon naman sa'kin ni Thep.
“Tsaka kulang ang banda kung wala kayong dalawa. Sayang din kasi, expsure din
'yon.”
“As if namang may manunuod pa sa taong
mas makati pa sa higad!” Pasaring muli ni Caree.
“Look Mr. Who ever you are!” Nagulat
nalang din ako sa biglaang pagsasalita ni Lenard. “Kung wala kang magawa sa
buhay mo at paninira sa akin at sa relasyong meron kami ni R-Kei nalang ang
gagawin mo! You better shut your mouth, dahil kung hindi ako makapagtimpi, baka
kung anong magawa ko sayo! You don't have the right to say things you don't
understand!” At sa kauna-unahang pagkakataon, narinig kong magtaray si Lenard.
Mukha namang umepekto dito ang
pagtataray ni Lenard dahil na rin napatameme ito at nagkunwaring may sinusulat,
nang mapagawi ang tingin ko kay Thep ay nakangising aso na itong para bang
natuwa sa mga narinig mula sa aking kasintahan. Kahit naman ako'y lihim na
napangiwi sa ginawang iyon ni Lenard. (Ngiwi kasi nakakatakot ang hitsura ni
Lenard habang nagtataray.)
“Ganito nalang, 'tol.” Nang makabawi
sa nasaksihan ay naibulalas ng aking bibig. “Kayo nalang muna ang mag-practice
mamaya, kayo na rin muna ang bahala kay Lenard, may lalakarin kami ni Kuya Rick
mamaya eh.” Pagpapatuloy ko pa.
Nang i-text ko si Kuya Rick kanina ay
agad rin naman itong nagreply at nakikipagkita sa akin sa bahay pagkatapos ng
klase ko. Sinabihan ko siyang magsama pa ng iba na agad naman nitong
sinang-ayunan, isasama raw niya sina Kuya Lei at Kuya France na nakainuman at
tumulong sa aking mapagtanto ang mga pagkakamali ko.
“S.saan ka pupunta?” Si Lenard.
“May aasikasuhin lang kami nila Kuya
para kay mommy at daddy, mag-a-anniversary na kasi sila eh.” Pagsisinungaling
ko dito.
“Ayun, baka gusto mong tumugtog sa
anniversary nila tito at tita? Sayang din 'yon.” Masiglang singit naman ni
Thep.
“H'wag na 'tol. Ayaw ni daddy na
maingay sa bahay eh, palibhasa kasi dikit-dikit ang bahay sa amin.”
Pagsisinungaling kong muli dito.
Nang lingunin ko si Lenard ay nagtatakang
tingin ang ibinato nito sa akin. Buti nalang at dumating na si Mrs. Trinidad
kaya naman hindi na kami nagtagal sa ganoong posisyon. Agad na kaming pinapunta
nito sa kanya-kanya naming pwesto.
“Mr. And Mrs. Cojuanco.” Bati ng aming
propesora na siya namang ikinatawa ng buong klase maliban kay Lenard na animo'y
nahihiya. “Ang tagal n'yong hindi pumasok ah, saan ba kayo nag-honeymoon?
Kwentuhan n'yo naman kami.” Pang-aasar pa lalo sa amin ni Mrs. Trinidad.
“Ma'am, sa Paris!” Si Genina, biglang
sulpot nito mula sa pintuan sa likurang parte ng classroom. “Beshy!!!! Pumasok
ka na!!!! HAAAAYMISHUUU!!!” Baklang-baklang pagbibigay nito ng attention sa
aking kasintahan na si Lenard.
Agad itong lumapit sa kinaroroonan
namin ni Lenard at doon nito pinagyayapos at pinaghahalikan ang bestfriend niya
na animo'y ilang taong hindi nagkita. Hindi nito alintana na may professor nang
nakatayo sa unahan.
Ganito naman kasi sa classroom namin,
dahil kay Genina nakuha namin ang lahat ng loob ng aming mga professor. Lahat
rin sila ay nagbago, from being rude and strict to being makulit and palatawa.
At lahat ng 'yon ay dahil kay Genina.
“Genina, ikaw na muna bahala sa
bestfriend mo, huh? I-text mo ako agad kapag may nangyaring masama, or kapag
sumulpot 'yung ex n'yan. May aasikasuhin lang kami nila Kuya.” Pagbibilin ko
kay Genina.
“Yes, sir!” Tugon naman nitong
sinamahan pa ng pagsaludo sa akin na ikinatawa naman naming dalawa.
Wala nang urungan ito, nasabi ko na
rin kina Kuya Rick kung anong nangyari kay Lenard kaya disidido ang mga ito na
gumanti kay Echo. Hindi naman ako kailangang magpakita sa scene dahil sila na
daw ang bahala, ang kailangan ko lang daw ay ang maituro ng ayos si Echo sa
kanila.
Matapos kong masigurado na nasa maayos
na lagay na si Lenard ay nagpaalam na ko dito para mapuntahan na sila kuyang
kanina pang naghihintay sa akin sa bahay. Alam kong may hint si Lenard sa kung
ano man ang binabalak ko, ngunti wala nang makakapigil sa akin na gawin ito.
Kailangang makaganti ako, kailangang maipaghiganti ko si Lenard sa nagawa nito
sa kanya. At ito lang ang tanging paraan para magawa ko iyon, ang humingi ng
tulong kina kuya.
Nang marating ko ang bahay namin ay
agad na kaming gumayak papunta sa San Pablo kung saan naandoon si Echo.
“Kuya, ano bang plano n'yo?” Hindi ko
maiwasang matanong kina kuya habang binabaybay namin ang SLEX.
“Ano bang gusto mong mangyari?”
Seryosong balik naman nito sa akin.
“h'wag namang aabot sa patayan kuya,
hindi 'yon kaya ng konsensya ko.”
“Hindi pa naman hangal ang mga
kaluluwa namin para gawin 'yon sa kanya.” Natatawang tugon naman sakin ni Kuya
France.
“You know what guys, I think, I know
the best thing to do with this shit!” Singit naman ni Kuya Lei. “Kailangan
nating turuan 'to ng leksyon na dapat malalaman niya kung saan siya lulugar. He
deserves to experience what he did to Lenard.”
“The hell?” Ang tila hindi naman
makapaniwalang tugon ni Kuya Rick habang nagmamaneho. “Sige nga, papayag ba
'yang si France sa binabalak mo? Gusto mo lang yatang makatikim ng ibang laman
eh!”
Bago tumugon ay nakita kong
nagtinginan muna ang dalawa ni Kuya France at Kuya Lei.
“Hindi naman kami ang gagawa eh.”
Tugon naman ni Kuya Lei.
“Eh sino?”
“IKAW” nagkakaisang tugon ni Kuya Lei
at Kuya France, tukoy kay Kuya Rick.
“Okay, let's proceed to plan B.”
Walang kaabog-abog na tugon ni Kuya Rick sa mga ito.
“Plan B will happen if Plan A already
happened.” Parang abugadong tugon naman ni Kuya France.
“Tigilan ninyo ako, hindi ko kaya.
Ayoko!” Protesta naman ni Kuya Rick. “Kung gusto n'yo, kayo nalang ang
tumuloy!” Pasigaw na nitong dugtong pa.
“Look at you, pre. Nakakatawa ka!
Tingin mo naman seryoso kami?” Natatawang balik naman ni Kuya Lei dito.
“Ganito nalang, kapag naituro na ni
Renz, susubaybayan lang muna natin. Kapag nag-isa na s'ya, dun natin s'ya
susunggaban.” Si Kuya Rick.
“Susunggaban?” Parang tanga ko namang
tanong dito.
“Alam na nila 'yon. Gusto mo pa bang
makita kung anong gagawin namin sa kanya? O picture nalang?”
“Gusto kong makita Kuya, pero doon sa
hindi n'ya ako makikita, doon ako pupwesto.” Tugon ko naman dito.
Naging pagpaplano nalang ang buong
pagbaybay namin sa daan papuntang San Pablo City, para kaming mga XXX agent na
sasabak sa isang entrapment operation. Kahit pa man kinakabahan ay pinawi naman
'yon ni Kuya Rick dahil na rin sa pagiging confident nitong hindi kami mahuhuli
sa gagawin namin. At ang proteksyon niya sa akin ay lalo pa niyang
pag-iintingin dahil hindi daw maiiwasan na masangkot ako dito.
Hindi naman kami nahirapang hanapin
ang lugar kung saan daw namin ito matatagpuan, dahil nasa bukana lamang ito ng
lugar at kitang-kita mula sa labas si Echo. May mga kasama itong mga grupo ng
kalalakihan na halata mong lasing na ang mga ito.
Dito ko rin nadiskubre na may
kakaibang ginagawa pala ang hinayupak na ito. Nag-du-drugs pala ito dahil na
rin sa mga parapernalya na nakikita ko mula sa kinauupuan ko. Mga bangag na ang
mga kasama nito at siya ay abala pa rin sa pagtira ng kung hindi ako
nagkakamali ay shabu, dahil na rin sa foil na pinaglalagyan nito ng parang
pulburang maputing bagay na kanyang sinisinghot sabay ang pagpapaapoy nito sa
ilalim ng foil.
“Kuya, h'wag na natin ituloy 'to, may
naisip akong mas magandang paraan.” Basag ko sa katahimikan habang lahat pala
kami ay nakatingin din sa kinaroroonan ni Echo.
“Tingin ko alam na namin kung anong
naiisip mo. Maganda nga 'yan.” Si Kuya France.
“Tara nalang sa police station, Kuya.”
Sabi ko kay Kuya.
“Oo nga, Rick, mas maganda ideya ng
kapatid mo. Mas mabuting awtoridad nalang ang humuli sa kanya kesa tayo pa ang
makulong kung saka-sakaling patulan natin ang naka-drugs na 'yan.” Si Kuya Lei.
Agad namang tumalima si Kuya Rick at
humanap ng pinakamalapit na police station. Agad din naman namin itong
narating, salamat sa mga signboards na nagtuturo kung saan ba matatagpuan ang
mga pampublikong serbisyo sa lugar na ito.
Nang masabi namin sa mga police ang
aming nakita ay agad na rin silang nagplano ng isang operation, hindi rin naman
sila nagtagal ay umalis na rin ang mga ito at kasunod ang aming sasakyan ay
tumalima na ang mga ito sa sinabi naming lugar.
Naging mabilis ang mga pangyayari, ang
sunod ko nang nakita ay ang nakagapos na si Echo sa pader at pinoposasan na ng
mga pulis. Nagpupumiglas pa ito pero hindi na ito hinayaan pa ng mga pulis, at
kasama ang ilan pa nitong kasama sa kanilang session ay naisakay na sila sa
mobil ng pulis.
Nang masiguro namin nila Kuya na nasa
police station na sila ay hindi na kami nagpakita pang muli sa naturang lugar,
agad kaming umalis nila kuya at humanap muna ng makakainan.
“Buti nalang nakita natin na nasa
gano'ng lagay si Echo 'noh? At least hinid pa nadumihan ang kamay ko dahil sa
kanya!” Natatawang sabi ni Kuya Lei habang hinihintay namin ang mga pagkain na
in-order namin.
Nang makita namin ang kainang ito ay
agad kong sinabi kay Kuya na dito nalang kami kumain, dahil na rin nabalitaan
ko na ito kay Lenard noon, na masarap daw ang mga pagkain dito, isama mo pa na
gabi-gabing may live band daw na natugtog dito.
“Oo nga, pre. Buti nalang talaga,
natakot din ako kanina nung nakita kong nagdu-drugs sila eh. Wala sa sarili
'yong mga 'yon kaya baka mapatay lang nila tayo kung sumugod tayo basta-basta
d'on.” Si Kuya Rick naman.
“Ang sabihin mo, talagang takot ka
lang!” Sabi naman ni Kuya France na tinawanan naming tatlo.
“Wait lang, Kuya, CR muna ako.”
Pagpapaalam ko dito.
Naglalakad ako papuntang CR nang may
marinig akong parang tinatawag ang pangalan ko.
“R-Kei!” Narinig kong tawag sa akin ng
isang babae na naging dahilan para lingunin ko ito.
“Thank God it's you! Grabe, hindi ko
na alam ang gagawin ko. Willing ka bang tulungan ako?” Sambit ng babae nang
makalapit sa akin, at napag-alaman kong si Missy pala ito.
“Oh, Missy, bakit? Ano bang problema?
Ano bang maitutulong ko?” Agad ko namang tanong dito.
“Kasi, si Echo, nahuli ng mga pulis.”
Pagsisimula nito. “Eh s'ya ang nakatoka ngayon na tutugtog na lead guitarist ng
banda namin ngayon. Pwede ka ba?”
“Nako...” Agad na naputol ang sinasabi
ko nang nagsalita nang muli ito.
“Sige na... Sige na... Sige na...
please...” Pagmamakaawa pa nito. “Wala na kasi akong choice na iba, eh.”
“S.sige na nga.” Pagsang-ayon ko na
rin.
Nang matapos akong magCR ay hindi na ako
hinayaan ng mga ito na bumalik pa sa table namin at hinila na ako papunta sa
stage dahil na rin daw late na at kanina pa dapat sila nagsisimulang tumugtog
kaya mas lalong wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya sa gusto nilang
patugtugin ako kahit pa man wala akong alam sa mga tutugtugin nila.
“Tapos na po praktis”
“Na'san ka na?”
“Pupunta ka b dto?”
“ay, busy?”
“Sige po, papahinga na ako, mukhng
mattgalan k p bgo mgtext.”
“Good night babe, I Love You.”
Those are just some of the texts
Lenard send to me na hindi ko nagawang sagutin dahil na rin sa pagkakasabak ko
sa biglaang tugtog at dito pa sa San Pablo. Hindi pa rin kami nakakaalis dahil
apat na set pala dito ang tugtugan at katatapos lang ng pang 3rd set namin.
Masaya naman ang tugtugan ko kasama
sila, at nalibre pa ang mga kinain ng mga kasama ko at ang kanilang inumin ay
nalibre din dahil na rin sa pagtanaw nila Missy ng utang na loob daw nila sa
akin dahil ayon na rin sa kanila “You save us na matanggal sa pagtugtog dito sa
Palmeras!”
Laking pasasalamat ko nalang din dahil
alam ko ang mga tinutugtog nila, at wala pa naman akong palya sa bawat tipa ko
sa mga tugtugin.
“R-Kei, the next set is yours.” Si
Missy.
“Huh?”
“Ikaw ang kakanta.” Nakangiting tugon
nito sa akin.
“Ako?” Parang tanga kong balik dito.
“Oo, ikaw. Bakit? Ayaw mo ba? Nand'yan
tatay ni Lenard. 4th table to the right. Yung nakaamerikana, kameeting mga
subordinates nya. Pasikat ka na.” Nakangising sabi nito sa akin.
Agad naman akong napalingon sa itinuro
nitong table at nakita ko ang isang mama na naka-amerikana. Kung titingnan mo
ay mukha talaga itong kagalang-galang, ang upo ay diretso at halata mong
mayaman. Kahit sa malayo ay nakikita mong kapag nagsasalita ito ay lahat ng
kausap niya ay nakikinig sa kanya.
Physically, hindi nagkakalayo ang
dalawa ni Lenard. Kung tutuusin nga ay mukhang photocopy ng tatay ni Lenard si
Lenard.
“Anong mga kakantahin ko?”
Nagbu-buckle kong tanong kay Missy.
“Bahala ka na. Basta ang nasa stage
lang mamaya ay ako, ikaw at ang Bassist ko. Kaya na naming sumabay sa tugtog
mo.” Sabi pa nito at tumalima na paakyat muli ng stage.
“Good evening, this would be our last
set for the day, and I would like to introduce to you a friend of ours from
Biñan, Laguna. Who amongst you doesn't know Lenard Bitervo? I know Mr. Bitervo,
the father of Lenard Bitervo is out there somewhere. Here is the CLOSEST FRIEND
of your son. Let's all give a round of applause to Mr. R-Kei Cojuanco.” Ang pagpapakilala
sa akin ni Missy sa buong madla na may pagbibigay diin sa salitang CLOSEST
FRIEND na talaga namang nagbigay sa akin ng kakaibang kaba at pangingilabot.
Agad na nagpalakpakan ang mga tao
dahil sa sinabing 'yon ni Missy na nagbigay naman sa akin ng lakas ng loob para
magpakita na. Kung kanina ay nasa gilid lamang ako ng stage ay ngayon naman ay
nasa gitna na ako dahil ako pansamantala daw ang mag-front sa kanila. Bilang
pasasalamat na rin daw at pumayag ako sa gusto nilang pamalit sa ngayon kay Echo
dahil sa pagkakakulong nito na lingid naman sa kaalaman ng mga itong kami nila
kuya ang may kasalanan.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment