by: Eusethadeus
Salamat po sa mainit na pagtanggap ng
story ko, sana po ay magustuhan ninyo ang gawa ko, and sana din po magcomment
po kayo.
This is a work of fiction, kung meron
man pong kaparehas na storya o kung meron mang bahagi ng inyong buhay ang
katulad nito, pasensya na po, hindi ko sinasadya. hehehhe. salamat po ulit.
“Lenard, gising na! 6:30 na ng umaga,
7 pa ang pasok mo! Ano ba!?” Paggising sakin ng yaya ko.
Ito ang simula ng college life ko,
ilang araw na din ang lumipas nang lumipat ako sa mumunting apartment dito sa
Biñan, hindi ko din akalain na ipapasama sa akin ng Mama ko ang pinsan ng Papa
ko dito sa amin para lang masiguradong mag-aaral akong mabuti. Hay, mga nanay
nga naman. Ito din ang nagsilbing “yaya” ko pang samantala dito sa apartment.
Well, Ate Nyebes is quite cool, he
knows my real identity and I have nothing to hide from her. Actually, siya ang
nagtatanggol sa akin kapag ako ay pinag-iisipan ng kung ano nila Mama at Papa.
Hindi ko man ito hilingin sa kanya ay ibinibigay niya ito sa akin.
“E.eto na po, babangon na.” Tugon ko
naman ditong pupungas-pungas pa.
“Hay nako Lenard, kelan ka ba
matututong gumising ng maaga? Ke-bata-bata mo pa, ganyan ka na, pano pa kaya
kung matanda ka na.” Sermon pa nito sa akin pero hindi ko na pinansin, nagtungo
nalang ako sa banyo para mabilisang maligo, katabi lang naman ng inuupahan kong
apartment ang school naming kaya ayos lang na medyo ma-late ako ng kilos.
Ako nga pala si Lenard, kaka-graduate
ko lang ng highschool sa probinsya namin. Isa lang akong tipikal na estudyante
na may tipikal na pangarap, ang maipasa ang lahat ng kukunin kong subject at
maipasa din ang board exam ng kukuhanin kong kurso. 5’3 lamang ang aking
tangkad, namana ko ito sa aking ama at ina na talaga namang hindi
pinagkabiyayaan ng tangkad. Siguro ay nung nagsabog ang Diyos ng tangkad ay
natutulog ang dalawang ito.
Maliit man ako ay makikita mo pa din
sa akin ang kakisigan ng tindig, makinis at maamong muka. ‘Yun lang, hindi ako
biniyayaan ng puti ng kutis, dahil na din noong highscool ako ay banat ako sa
training ng lawn tennis, na talaga naman sa arawan namin ginagawa.
At syempre, ano pa bang sense netong
pagsusulat ko kung hindi naman ito bromance diba, hahahaha, ako ay isang
Bisexual, hindi man in-born sa akin ang ganitong kalakaran, pero naramdaman ko
ito noong may nanligaw sa akin na naturingan pa naman na bestfriend ko. Hindi
din maipagkakaila na nagkakagusto pa din ako sa babae, pero mas lamang sa akin
ang pagka-attracted sa mga tulad kong lalake.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis
lang ako at dumiretso na sa school, first day of class, hindi dapat malate, yan
ang mga huling kataga sa akin ni Papa bago ito umalis noong ihatid ako nito
dito sa Biñan tatlong araw na ang nakakalipas.
Naglalakad ako sa pathway ng school
namin nang...
“Kuya, kuya.” Hindi ko alam kung ako
ang pinapatungkulan nito pero wala akong choice, dahil sa lahat ng naglalakad
noon sa pathway ay ako lang ang lalake, I think??
Nang lingunin ko ito, napa-damn it ako
sa aking sarili, pagkagwapong bata ang ngayon ay nasa harapan ko at nakangiting
mabuti sa akin. Hindi naman ako makakibo o makapagsalita dito dahil na din sa
pagka-amaze sa hitsurahin ng lalakeng kanina lang ay pandi-kuya dito sa
pathway.
“Pharma ka ba?” Ang unang tanong sa
akin ng lalakeng pinagpala ng kagwapuhan, mas matangkad ito sa akin, sa tingin
ko ay 5’8 ang taas nito, payat ito na talaga namang bumagay sa postura nitong
lalaking lalake.
“Ah, eh... Oo, pano mo nalaman?” Ang
nahihiya kong tugon dito, para kasing akong timang habang nakatingin sa kanya,
kulang nalang ay maglaway ako sa taglay na kakisigan ng lalaking ito.
“’coz of your ID lace.” Ang maikli
nitong tugon sa akin. “Section A ka ba?”
“H.hindi ko alam ih. Basta ang room ko
ngayong 7am, 311.”
“Same here, by the way, I’m Renz
Kristoffer Limliman Cojuangco. But you can call me R-Kei for short.”
Pagpapakilala nito sa akin sabay abot ng kaliwang kamay nito sa akin.
“Ahh, nice meeting you po.”
Mahiya-hiya kong tugon dito sabay abot ng kamay nito.
“Hindi ka manlang ba magpapakilala sa
akin?” Parang batang tanong nito sa akin nang makalimutan kong ipakilala ang
sarili ko.
“Ay, sorry, Lenard Tiongco Bitervo po,
Lenard for short.” Mahiya-hiya kong pagpapakilala sa aking sarili. And from
this point ko lang naalala ang kanina pa palang magkahawak naming kamay habang naglalakad sa pagka-haba-habang pathway
ng University of Perpetual Help System Laguna. Kaya agod kong ikinalas ang
aking kamay at ibinalik ang aking tingin sa nilalakaran ko.
“Okay lang ba if sabayan kita papunta
sa room natin? Nahihiya pa kasi akong mag-isang pumunta sa room eh.”
Maya-maya’y tanong nito sa akin nang papasok na kami sa building kung saan
naandoon ang room na tinutukoy nito.
“Okay lang naman, pero may mga
naghihintay na din sa akin doon, kasi, yung classmate ng ate ko dati, classmate
natin ngayon.” Kaswal kong tugon dito.
“That’s great! Mamaya, ipapakilala din
kita sa mga classmate ko nung Highscool, tapos, ipakilala mo din ako sa mga
kakilala mo na dito huh, para friends-friends.” Tugon nito sa akin na ikinatawa
ko.
“Good Morning Class, I’m Mrs. Lorna
Trinidad, and I will be your adviser for this semester. I am also your
professor in Pharmacy 1, which happens to be scheduled at this hour. But since
it is the first day of class, I want us to have an activity, you will introduce
yourself in front of the class and tell us what is your favourite hubby,
subject in highschool, and how did you decide to take up pharmacy as your
course.” Paunang bati sa amin ng professor namin sa History of Pharmacy.
Unang nagpakilala an gaming professor,
maganda ito, pero half moon ang shape ng mukha nito. Gayun pa man, hindi naman
ito naging hadlang sa kagandahang taglay nito. Napag-alaman naming hindi pa
pala siya nagkakaanak since malayo ang asawa nito sa kanya, nasa Dubai daw
kasi. Nalaman din naming terror pala ang isang ito pagdating sa mga freshmen,
dahil na din gusto nito ang maayos na standards ng College naming sa University
na ito. At ang huli niyang sinabi ay siya daw ang former Dean ng College of
Pharmacy sa University na ito na talaga namang ikinahanga naming lahat sa
kanya.
Alphabetical nitong tinawag sa
kanya-kanyang apelyido ang bawat magpapakilala sa unahan. Sa kasamaang palad,
pang-apat ako sa listahan ni Mrs. Trinidad.
“Ay, ito, favourite ko ang isang ito.
Si Mr. Bitervo.” Sa sinabi nito ay para akong nang-liit, kung tutuusin kasi ay
hindi naman ako kilala netong professor namin, pero dahil na nga dito din
pumapasok ang Ate ko, kilalang-kilala na ang apilyedong Bitervo sa unibersidad
na ito dahil na din sa katalinuhang taglay ng Ate ko. “I heard much things
about you Mr. Bitervo. Magpakilala ka na dito sa unahan.” Dahil na din siguro
sa sinabi ng professor namin ay nagtinginan ang lahat sa akin na makikita mo sa
mata ng mga ito ang expectation.
Kaya ayokong sundan ang yapak ni ate
eh! Ganito ang mangyayari, noong Highschool, palagi kaming napagkukumpara, pati
ba namang ngayong college! Nakakainins! Biglang sumagi sa isip ko.
“Good Morning, I’m Lenard Bitervo,
pero Lenard nalang po ang itawag ninyo sa akin. Am a graduate of Canossa
College in San Pablo City, am currently 16 years old, my favourite subject is
mathematics and, hmmmmm, why pharmacy? ‘Coz this is the course of my mother and
my sister, but if I were given the chance to choose my path, I would like to be
in BS Accountancy or Civil Engineering. That’s all, thank you.” Maikling
pagpapakilala ko sa mga kaklase ko, uupo n asana ako nang biglang nagsalitang
muli ang professor namin.
“I assure you Mr. Bitervo that you
will enjoy this course, ‘coz BS Pharmacy has lots of computation.”
Sa narinig namin ay nagreact ang mga
kaklase ko, parang ayaw ng mga ito ang computations na talaga namang
paburitong-paburito ko sa lahat ng subject noong highschool. Dahil din sa
mathematics ay nakilala ako hindi lang sa aming lungsod kundi sa buong
lalawigan. Ganoon ko kamahal ang subject na ito.
“Okay, next on my list is Mr.
Cojuangco.” Sambit muli ng aming professor at nagpatiuna na ako papunta sa
aking inokupang upuan katabi ng dating kaklase ng ate ko. “Wow, Cojuangco, how
are you related to the Aquinos?”
“Cory is my grandmother ma’am.”
Maikling tugon nito at pumunta na ito sa unahan.
“Good morning classmates.”Agad na bati
nito sa mga classmates ko kahit hindi pa man ito nakakalingon sa amin. “I’m
Renz Kristoffer Limliman Cojuangco, but you can call me R-Kei for short, I
graduated at La Consolation College here at Biñan. Am currently 16 years old,
going 17 this August. My favourite subject is Mathematics, and pharmacy
because, just like Mr. Bitervo, the only difference is that on my case, it’s my
father who is a pharmacist. And just like Mr. Bitervo, if I would be given the
chance, I would choose to take BS Accountancy or Civil Engineering. That’s all,
Thank you.” Sabi nito at just like what I did, nagpatiuna na din ito papunta sa
upuan niya.
Naging matagal pa ang pakikipagkilanlan namin sa isa’t-isa.
May ilang oras din kaming nakinig sa paulit-ulit na rason ng mga kaklase namin
na kesyo pinilit lang daw sila ng mga magulang nila na magpharmacy, ang iba
naman ay talagang gusto daw nila ito, ang iba naman ay trip-trip lamang daw.
Nang matapos ang pagpapakilala naming
lahat sa isa’t-isa iginrupo kami ng professor namin para daw sa mga next
activities sa school, at dahil din nabanggit niya ang mga activities ay
nag-election na din kami ng set of officer. At sa hindi ko malamang dahilan at
sa kasamaang palad ay ako ang napili ng mga kaklase ko para mamuno sa kanila.
Sa kabuoan naman ay naging masaya ang
unang araw ng College Life ko, pakikipagkilala sa mga bagong mga tao,
pakikipagkaibigan sa mga ito, at ang pagbuo ng bagong barkadahan na alam kong
sasamahan ko sa loob ng apat na taon ko dito sa unibersidad na ito. Ang hindi
ko lang siguro nagawa sa unang araw ko ay ang sabihin sa kanila ang sexual
preference ko, pero para naman sa akin ay hindi na mahalaga iyon, dahil
malalaman naman nila ang totoong ako kapag napansin nila ito.
Hindi naman kasi ganoon kalaki ang
population ng pharma sa unibersidad na ito, tig-iisang section lang per year
level ang mayroon kami at dahil dito, mabilis magkakilanlan ang mga tao sa
college namin. At dumating din ang election of Pharmacy Society Officers, at
syempre ay invited dito lahat ng mga Class Officers ng bawat year level, pero
hindi ko na din ginawang makipaglaban pa para sa kahit anong posisyon dito
dahil na din ang ipinunta ko dito ay ang mag-aral hindi ang magsasali sa extracurricular
activities.
Sa nasabing election din napagusapan
ang nalalapit na acquaintance party para sa buong College, napagkasunduan ng
lahat na Farmasionista ang gawing theme ng nasabing event at ito ay gaganapin
na sa susunod na linggo. Bilang presidente naman ng klase ay ako ang naatasang
ipakalat ang impormasyon na iyon sa aking mga kaklase.
Naging excited ang lahat, dahil ang
iba sa mga ito ay unang beses nilang mararanasan ang ganitong event at ang iba
naman ay talagang mahilig lang sa mga party katulad ko.
Nagkakilanlan kaming lahat na
magkakaklase, at naging close. Kami naman ni R-Kei ay bihira namang mag-usap,
hindi ko man alam kung bakit, pero hindi ko na ito pinansin pa, though may
paghanga akong nararamdaman para sa kanya.
Acquaintance Party
“Lenard, anong isusuot mo?” Tanong sa
akin ni Nina, ang kaklase ng ate ko noon na naging kaklase ko na ngayon, dahil
transferee ito kaya mas pinili nitong kuhanin at maging regular sa amin kesa
sumabay sa mga ka-batch ng ate ko.
Ilang oras na lang ang nalalabi para
magprepare kami para sa naturang event, pero kahit sino sa aming mga freshmen
ay hindi pa din makaisip ng kung ano mang isusuot. Ako man din, hindi ako
makapagdesisyon, kailangan ko kasing makuha ang premyo sa magiging
Farmacionista of the night para sa after party na sinet naming mga freshmen sa
apartment mismo namin.
“Hindi ko pa alam Nina, hindi naman
kasi talaga ako magaling manamit, gusto ko lang makuha yung premyo kaya
namomroblema ako sa susuotin ko.” Tugon ko dito.
“Eh bakit ba naman kasi umo-o ka sa
mga kaklase natin na doon ganapin ang after party sa apartment nyo?” Mataray na
tanong sa akin nito.
“Eh kasi po, may pinagpapasikatan
ako.”
Tanging si Nina lang ang nakakaalam ng
tunay na ako, dahil na din sa lahat ng naging kabarkada ko na ay dito ako
naging magaan ang loob. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Nina, hindi
lang dahil sa ito ang unang taong kakilala ko sa classroom, pero dahil na din
kaibigan ito ng ate ko kaya naging kagaanan ko din ito ng loob.
“Sino? Si R-Kei nanaman? Ano ba yan
Lenard! Hindi ka naman pinapansin nung tao, bakit ba kasi kailangan mong
ipagsiksikan sarili mo dun?” Hindi ko alam kung bakit ko ba naisipang
magpasikat kay R-Kei, pero parang basta nalang itong pumasok sa isip ko’t
naiprisi-prisinta ko ang apartment na gamiting venue para sa after party.
“Wag ka nga Nina! Okay lang ‘yun,
tsaka doon din mag-after party sila Ate Me-an, kaya sabi nya, mas maganda daw
na magkasama-sama nalang ang batch natin at batch nila para close-close daw.”
Tugon ko naman dito ng may bahid na pagkainis.
“Bahala ka nga Lenard! Tutal hindi
naman ako ang mahihirapang maglinis ng bahay nyo, yung yaya mo naman. Speaking
of yaya, pano pag nagsumbong yung yaya mo sa mga magulang nyo?”
“Wala si Ate Nyebes doon, umuwi na ng
San Pablo kanina, nagawan na ng paraan yan ni ate Me-an kanina. Kaya ayun, safe
kami d’yan. Ano pa bang inaaalala mo Nina? Yung isusuot nalang natin ang
alalahanin natin!” Inis ko nang wika dito.
“Okay.” Maikling tugon nito at
nagpatiuna na itong pumunta sa apartment namin, doon kasi kami magbibihis nito.
“Ladies and Gentlemen, the event will
start in 15 minutes, so please tell those who are still outside of this
auditorium to get inside, so everyone will witness this tremendous opening
number from the great Pharmacy PepSquad!” Pag-a-announce ng Emcee sa overhead
mic.
“Lenard, na’san na si R-Kei? Baka
hindi pumunta ‘yon?” Tanong ni Genina sa akin, isa sa mga kaklase kong masasabi
mong babaeng bakla, dahil na din sa paraan ng pananalita nitong talaga namang
pang bakla. Isa din ito sa mga tigahanga ni R-Kei.
“Ewan ko, bakit mo sakin tinatanong?
Mukha bang close kami noon?” Kaswal kong tugon dito.
“Hindi nga kayo close, pero aminin mo
na kasing gusto mo siya!” Natatawang tugon naman nito sa akin.
“Ewan ko sayo Genina, bahala ka nga
d’yan.”
Matagal na akong ini-issue ni Genina
kay R-Kei, hindi ko alam kung siya lang ang nakakapansin ng pagkagusto ko kay
R-Kei, siya lamang naman itong ma-issue sa buong klase namen. Pero ang maganda
naman kay Genina ay hindi nito ginagawang ipagkalat ang nalalaman nito, I think?
Naglakad ako papalayo kay Genina para
puntahan ang mga kaklase kong nasa labas ng auditorium at papasukin sa loob.
Mabilis ko namang nagawa ito, dahil nga mga freshmen palang kami ay mabilis
mapasunod ang mga ito at mabilis ko ding napapasok.
Hindi ko naman nakita si R-Kei na
kasama ng mga kaklase namin kaya’t minabuti kong hanapin pa ito sa buong
building namin. Pero talaga nga yatang hindi pupunta ito sa event, kaya
nadismaya ako at bumalik nalang sa auditorium.
Kalagitnaan ng party ay wala pa ding R-Kei
na nagpapakita sa aming lahat. Ang mga babaeng nahuhumaling naman sa kakisigan
ni R-Kei ay halatang-halata ang pagkadismaya, ang iba pa rito’y gusto nang
magsiuwian dahil daw hindi nila nakita ang crush nilang si R-Kei.
Naglalakad ako papunta sa CR ng
maramdaman kong nagva-vibrate ang CP ko, kaya’t hinugot ko ito sa aking bulsa
at tiningnan kung sino ang nagtext. Unregistered number...
“Mr. President, si R-Kei ‘to, pasensya
na if hindi ako nakapunta sa acquaintance party, hindi naman kasi ako mahilig
sa mga ganyang party eh, bawi nalang ako mamaya sa after party sa apartment
nyo, para naman makasama ko din kayo.” Text ni R-Kei na talaga namang ikinatuwa
ko.
Nang makabalik ako sa kinauupuan
naming magkakaklase ay kitang-kita ang ngiti sa aking mga labi na hindi naman
nakaligtas sa mga mata ni Nina.
“NagCR ka lang, sobra na ‘yang
pagkakangiti mo. Bakit? Nandoon ba si R-Kei?” Sarkastikong salubong sa akin ni
Nina.
Hindi ko naman ito sinagot, bagkus ay
ipinabasa ko sa kanya ang message ni R-Kei sa aking CP.
“Oh guys, mamaya, sa apartment nila
Lenard, nandoon si R-Kei, kaya doon tayo magsisipagsugudan pagkatapos nitong
party na ‘to.” Biglang sigaw ni Genina, nakasilip pala ito sa gilid ni Nina at
nakikibasa din sa message na pinakita ko dito.
“Talaga?” Ang tila tuwang-tuwang
sambit naman ng mga babaeng ang ipinunta yata sa party na ito ay ang makita si
R-Kei.
“Oo, pupunta daw si R-Kei sa after
party, nagtext din sa amin.” Sabi naman ni Thep, isa sa mga kabarkada ni R-Kei.
“Lenard, lahat kami pupunta sa inyo
huh. Makita lang namin si R-Kei.” Si Kaith naman, isa pa ding may gusto kay
R-Kei. Sinagot ko lamang ito ng ngiwi at pagtango-tango bilang pagpayag.
Ano ba ‘yan, kelalandi naman nitong
mga babaitang ‘to! Hindi ko napigilang masabi sa aking isip.
Ilang oras lang ang nakalipas ay puro
tugtugan nalang ng mobile ang maririnig sa buong bulwagan. Nagsisipag-uwian
naman na ang iba, samantalang ang iba naman ay nagsasayawan pa.
“Lenard, mauuna na kami sa apartment
ng mga kasama ko ha. Bilisan mong pumunta don, baka tumawag na sila Mama.” Sabi
ni Ate Me-an sa akin na sinagot ko naman ng tango at umalis na ang mga ito.
“Hala, nandon pala ang sophomores,
nakakahiya namang makisali sa kanila.” Biglang komento ni Genina sa narinig.
Likas yata talagang tsismosa ang isang ito, kaya mabilis niyang nalalaman ang
mga bagay-bagay.
“Oo, nandon sila, pero okay lang ‘yon,
para na din makaclose natin sila.” Tugon ko naman dito pero sa loob-loob ko’y
parang ayoko nang isama ang mga ito sa apartment at solohin nalang si R-Kei.
“Next time nalang kami Lenard, madami
pa namang pagkakataon, tsaka gabi na, may susundo din kasi sa amin mamaya.” Si
Kaith.
Halos pumalakpak ang tenga ko sa
naririnig mula sa mga ito, dahil sa wakas ay makakasama ko din si R-Kei, kahit
na kasama pa din namin ang iba pa naming kaklaseng lalake. Ito lang kasi ang
siguradong mga makakasama sa after party na pinagplanuhan namin.
“Guys, let’s go na, bili muna tayong
alak.” Sabi ko naman sa mga kalalakihang naghihintay lamang ng cue ko para
makaalis na.
“Sige, and’yan na din si R-Kei sa
baba, kanina pa tayong hinihintay.” Si Thep.
“Ay? Nand’yan na, bakit hindi nyo
manlang sinabi sa’kin?” Ewan ko ba, pero parang naexcite kasi ako nung marinig
ko ang balita ni Thep.
“Excited makita si R-Kei?” Pangbabara
naman sa akin ni Tristan, isa din sa mga kabarkada ni R-Kei.
“Hindi naman, sabi nyo kasi...”
“Don’t explaine Lenard, halata kaya.
Pero okay lang ‘yan.” Singit ni Tristan sa sinasabi ko.
Para naman akong binuhusan ng malamig
na tubig sa sinabing iyon ni Tristan, nanlamig ako bigla at hindi alam kung
anong gagawin.
Siyet Lenard? Alam na ba nila lahat?
Ano ba naman ‘yan! Baka iwasan na ako ni R-Kei! Waaaaaaaaah. Sigaw ko sa aking
isip.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment