by: Eusethadeus
“R-Kei, gabi na. Baka mapagalitan ka
sa inyo pag hindi ka pa nakauwi?” Pag-gising ko kay R-Kei na sinamahan ko pa ng
pagyugyog sa kanya.
Hindi pa man ito namulat ay mabilisan
nito akong hinila at niyakap.
“Mamaya na, gusto ko muna dito, dito
ka lang. Dito sa tabi ko.” Halata sa boses nitong antok na antok pa ito kaya’t
mabilisan kong tinanggal ang pagkakayakap nito sa akin.
Oo’t nagustuhan ko ang ginawa niya,
but knowing his past, baka maging dahilan lang ito ng hindi namin
pagkakaunawaan at mauwi sa pigging F.O (friendship over) naming dalawa. Am
fully aware that R-Kei has no feelings for me, he is just the kind of person na
sobrang sweet sa mga taong maganda ang pakitungo sa kanya. I don’t want to
assume nor presume sa mga ipinapakita nitong kabutihan sa akin.
“Baka mamaya mapagalitan ka ng mama mo
pag hindi ka pa umuwi.” I told him as if I have the rights na pagsabihan siya.
“Ayoko pa, mas komportable po ako
dito. Kaya please let me stay.” Sa pagkakataong ito ay ipinakita na niya sa
akin ang kanyang puppy eyes, grabe talaga, nakakatunaw kapag tinitingnan niya
ako ng ganon.
Pero imbes na tumitig pa dito ay
tumalikod nalang ako sa kanya.
“Bahala ka nga!” Sabi ko dito’t
nagpatiuna na papunta sa kwarto ko.
Nang marating ko ang aking kwarto ay
isinara ko nang bigla ang pintuan at sumandal sa likuran ng pinto sabay hawak
sa aking dibdib na kanina pang mabilis tumitibok. As if I am having series of
palpitations sa bilis nito.
Kasabay nito’y ang unti-unti kong
pagpapadausdos pababa hanggang sa makaupo na ako sa sahig.
“Hoy Lenard!” Basag sa akin ni Ate
Me-an na kanina pa palang nakatingin sa katangahang ginagawa ko. “Para kang
bading! Umayos ka nga! Be discreet okay?!”
“Si Ate naman!” Reklamo ko naman dito.
“Anong ate, ate ka d’yan! Umayos ka
kung ayaw mong napagsasabihan ka! Landi mo kasi!”
“Shhhh, baka marinig ka naman ‘te!”
Pagpigil ko rito.
“Hala, umalis ka nga d’yan sa pinto!
Lalabas ako, mag-iinom daw kami nila Jhez, baka gusto ‘nyong sumama ng boyfriend
mo!”
“Hindi ko sya boyfriend, correction!
Try mong yayain, pagsumama sya, sasama ako.” Tanging tugon ko dito at ako na
mismo ang nagbukas ng pintuan.
Laking gulat ko nang makita kong
iniluwa ng pinto si R-Kei. Parang kanina pa itong nakatayo sa labas ng pintuan
at nakangiti.
“Oo, sasama kami ni Lenard. Diba
Lenard?” Nakangiting sabi ni Jeck.
Ramdam kong nangapal ang aking mukha
na senyales na namumula ang aking pisngi. Para akong naestatwa nang maisip kong
baka narinig nito ang mga pinag-usapan namin ni Ate Me-an. Pero mukhang oo,
narinig niya. Kinompirma nito ang aking haka-haka ng bigla nalang itong
magsalita na sasama raw kami sa inuman nila Ate Me-an.
Wala na akong nagawa kundi ang
mapatango dito at sumama sa inumang sinabi ni Ate Me-an.
“Alam mo pare, kung mahal mo, sabihin
mo! Hindi ‘yang ganyan ka, masyado kang na-de-depress!” Si Jhez, pinagsasabihan
si Jie, mukhang broken-hearted ang isang ‘to.
Isang oras palang kaming nag-iinuman
at heto, parang mauuna nang malaglag si Jie na very unusual, dahil na din
kilala ang isang ito na kilabot sa inuman at ngayon ay tumitiklop sa isang
boteng Matador na naiinom namin.
“Pare, kung ikaw ba ang nasa kalagayan
ko? Sasabihin mo din? Lalu na’t alam mong hindi pwede? Kasi...” Halata sa tono
ni Jie ang tama ng alak, nakakapanibago talaga.
“Sige pare, ibuking mo ang sarili mo!”
Makahulugang pahayag naman ni Drin.
“Hayaan mong marinig no’ng dalawa,
ayos lang ‘yan, baka katulad mo din sila!” Nakangising komento naman ng ate ko
na naging dahilan ng parehas naming pagkamot sa ulo ni R-Kei.
“O’sige, tatanungin ko nalang kayo.”
Si Jie nanaman. “Halimbawa ba, ikaw R-Kei, nagkagusto ka kay Lenard, sasabihin
mo ba or o kikimkimin mo nalang?”
Sa sinabing iyon ni Jie ay napatulala
nalang ako, parang gusto kong marinig na hindi ang isasagot ni R-Kei, para
akong lulubog sa kinauupuan ko dahil na din hindi naman lingid sa kaalaman ng
mga ito na gusto ko si R-Kei.
Pati si R-Kei ay napatahimik sa tanong
na iyon ni Jie, parang nangangapa sa kung ano mang sasabihin niya, parang
iniisip kung ano ba ang mas makakabuting sabihin nito. Dun sa tipong walang
masasaktan. Parang ganon ang nababasa ko sa kanyang mga mata nang lumingon ito
sa gawi ko.
“Gusto ko siya, actually.” Maya-maya’y
sabi nito habang nakatingin sa akin.
Sa sinabi nito’y agad pumunta ang
aking mga dugo sa magkabilang pisngi ko.
“Does that answer your question?”
Seryosong baling muli ni R-Kei kay Jie.
Hindi agad nakasagot ang mga kaibigan
ng ate ko, maging ako ay natulala sa sinabi nito at hindi agad nakaimik.
“Oh guys, kampay!” Pagbasag ni Ate
Me-an sa namuong katahimikan dahil sa sinabing iyon ni R-Kei.
Agad namang nagsitaasan ang baso ng
lahat maliban sa akin na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get-over sa
sinabing iyon ni R-Kei. Parang gusto kong ulitin niya sa akin ang sinabi niya.
Parang gusto kong muling marinig sa kanya ang mga katagang iyon para masigurado
ko kung totoo ba ang sinabi nito.
“Totoo ba ang sinabi mo kanina tungkol
sa kapatid ko?” Si Ate Me-an.
Nandito pa din kami sa Bar na
pinag-inuman namin, ang lahat ay bangag na at natutulog, ako naman ay nagpunta
sa CR at nang pagbalik ko ay ‘yan ang narinig kong tanong ng aking ate, marahil
ay kay R-Kei. Kaya tumigil muna ako sa paglalakad at pinakinggan ang sunod na
sasabihin nito.
“Can you keep secrets Ate Me-an?”
Hindi nga ako nagkamali, kay R-Kei na boses ang naririnig ko.
“Sure. Ano ba ‘yun?” Agad na sagot ni
Ate Me-an.
“I like your brother, kaso, takot ako
sa issues.” Walang kaabog-abog na sambit ni R-Kei.
Para akong binuhusan ng malamig na
tubig sa narinig ko mula rito, hindi ako makapaniwala. Oo, natutuwa ako, pero
may isang parte ng aking damdamin na kumukurot dahil na rin siguro sa
katotohanang kapag pinasok namin ang gusto kong mangyari ay maraming issue ang
ipupukol sa aming dalawa. Katulad nalang ng nangyari kanina sa office ng isa sa
pinakamataas na sangay ng aming paaralan.
“What kind of issue R-Kei?” Pag-uusisa
pang lalo ni Ate Me-an. Napalingon itong saglitan sa aking kinaroroonan at
sinenyasan ko nalang itong manahimik sa pamamagitan ng paglagay ng aking
hintuturo sa tapat ng aking bibig.
“Hindi naman kasi ako sanay sa mga
issue na tungkol sa same sex relationship ate, pero hindi ko alam, nang
makilala ko si Lenard, pamula pa noong una ko itong makita sa pathway ng school
ay nakaramdam na ako dito ng kung anong pagbilis ng tibok ng puso ko. Lalo na
noong nalaman ko na kakurso ko si Lenard. Ate, honestly speaking, hindi ko alam
kung anong gagawin ko pag hindi ko makita si Lenard, na-paranoid ako noong
acquaintance party na baka kung sino-sino ang lumapit kay Lenard, na baka sa
isang iglap, mawala nalang ang nararamdaman nya sakin. Doon ako takot.”
Mahaba’t malinaw na paliwanag nito kay Ate Me-an.
Doon ako nagpasyang kunwari’y
katatapos lamang mag-CR, lumabas ako sa kinaroroonan ko habang wari’y itinataas
pa ang zipper kuno ng pantalon na suot ko. Nanahimik naman ang dalawa at
ipinagpatuloy nalang ang pagtagay.
“Ang tagal mo naman mag-CR.” Komento
ni R-Kei nang marating ko ang kinauupuan naming dalawa.
“Pasensya na, ang daming lumabas ih.
Ano namang napag-usapan ‘nyo ng ate ko?”
“Wala naman, she’s just asking me kung
ano na daw ba ang ginagawa mo sa klase. And I told her that you’re doing well.”
Pagsisinungaling neto sa akin.
“Ahh. ‘yun lang?” Pagsubok ko dito
kung sasabihin nito ang tungkol sa aking mga narinig.
“Yup.” Masiglang balik naman nito sa
akin matapos ay nilagyan niya ng alak ang aking baso.
“Ahh. Okay. Sabi mo e. By the way,
it’s getting late na oh, baka mapagalitan ka na sa inyo?”
“Nagtext na po ako kay Mama, sabi ko
makikitulog nalang ako sa apartment ‘nyo.”
“Hala! Teka nga! Nagpaalam ka na ba sa
amin kung pwede ka sa amin matulog?” Agad kong pagpranka dito.
“Nagpaalam na ko kay Ate Me-an
kanina.” Masiglang sagot naman nito sa akin. “Di’ba ate?” Agad na baling nito
kay Ate Me-an na nilakipan pa nito ng pagkindat niya dito.
“Huh!? H’wag mo nga akong idamay d’yan
R-Kei!” Agad na sabi ni Ate Me-an dito na sinamahan pa nito ng nakakalokong
tawa.
“Bakit ba kasi dito mo pa naisipang
matulog?” Inis kong wika kay R-Kei.
Ilang oras na din kaming nakahiga sa
kama at parehas kaming hindi makatulog sa hindi malamang dahilan. Mag-alas
singco na ng umaga at gising pa din kami at ramdam ko pa din ang tama ng alak
sa aking katawan.
“Natatakot kasi ako.” Out of this
world netong tugon sa akin.
“Huh? Natatakot saan?” Kunot noo kong
tugon dito.
“Natatakot na ma...” Sabi nito pero
bago pa niya naituloy ang sasabihin niya ay nagsuka na ito sa aking kama.
Naging mabilis ang mga pangyayari,
agad kong kinuha ang planggana para dito siya magsuka. Tila nawala ang tama ng
alak sa akin, parang bigla akong nahulasan.
“Ano ba naman ‘yan R-Kei! Yung kama
ko!” Singhal ko dito.
Patuloy lang ang pagsusuka nito sa
plangganang isinuba ko sa kanya, pero napakakulit nito sa kanyang posisyon kaya
hindi niya mai-shoot ang suka niya sa planggana.
Agad kong tinanggal ang damit nito
hanggang sa boxer shorts nalang ang natira, suka pa din ito ng suka kayat
hinagod ko nalang ang likod nito, naisipan kong mamaya nalang ayusin ang suka
nito pagkatapos kaya hinayaan ko nalang muna siya.
“M.m.ma.h.hal k.k.i.kita.” Wala sa
huwisyong sabi nito at nakatulog nalang ito sa kanyang posisyon.
Hindi ko na inisip pa ang narinig kong
sinabi nito, bagkus ay inayos ko nalang ang suka nitong nagkalat sa aking kama,
sahig at sa kung saan-saan pa. Iniligpit ko rin ang damit nitong nasukahan niya
at ibinabad sa tubig na may sabon para malabhan maya-maya at may maisuot ito sa
klase namin kinaumagahan.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis
nang tumayong muli si R-Kei at waring magsusuka nanaman, naging maagap naman
ako at kinuha ko agaran ang planggana at doon siya pinasuka. Maging ang yaya ko
na si Ate Nyebes ay nagising na din at tinulungan na ako sa paglilinis ng suka
ni R-Kei. Siya ang naging abala sa paglilinis habang ako naman ang naging abala
sa pag-aalaga kay R-Kei.
“Ate Nyebes, paki labhan naman po
noong mga damit neto para maisuot pa niya mamaya pagpasok namin.” Agad kong
sabi kay Ate Nyebes habang hinahagod ko ang likod ni R-Kei.
“H’wag na kayong pumasok mamaya
Lenard, hindi paniguradong puyat ka at magkaka-hang over pa ‘yang kasama mo,
kaya magpahinga nalang kayo.” O diba, konsintidora.
“Bahala na Ate Nyebes, kapag okay
naman kami mamayang alas syete, papasok kami. Pag hindi naman, edi hindi, kaya
pakipalabhan pa din. Please.” Pagmamakaawa ko dito.
“Osige na po, lalabhan ko na,
paplantsahin ko na din para sa inyo kamahalan!” Eksahiradang sabi ni Ate Nyebes
at nagpatiuna na ito sa paglabas ng kwarto, tapos na din kasi niyang ayusin ang
mga linisin sa kwarto.
Hagod lang ako ng hagod sa likod ni
R-Kei, kahit pa man nakikita kong wala na itong isinusuka ay patuloy pa din ang
duwak neto.
Nang mahinto ito sa pagsusuka ay agad
ko siyang inalalayan na makahiga. Isinaayos kong muli ang mga suka neto sa
planggana, itinapon ko sa bowl at binuhusan ang mga nagkalat, matapos nito ay
ipi-nlush ko ang suka neto sa bowl.
Nang masiguradong nalinis ko na ang
lahat ay nagsimula na din akong maglinis ng aking sarili.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay
dumiretso na akong tumabi at humiga sa kamang hinihigaan ni R-Kei. Naramdaman
kong gumalaw pa ito pero ipinagkibit balikat ko na lamang at naghanda nang
matulog.
“Dito ka.” Biglang sabi ni R-Kei na
naging dahilan ng pagtingin ko dito kung gising pa ba ito o nagsasalita lamang
habang tulog.
Nakita kong nakamulat ito at
nakatingin sa akin.
“Saan?” Maikling tugon ko dito.
“Dito sa tabi ko. Pa hug.” Sabi nito
na ginamitan pa niya ng kanyang malalalamlam na mga mata, animo’y sinserong
sinsero sa kanyang sinasabi.
Tao lamang din naman ako’t natutukso
din kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niyang mangyari, tumabi ako sa kanya at
tumalikod dito para mayakap niya akong mabuti. Sa loob-loob ko’y napakabilis na
ng tibok ng aking puso.
Naramdaman ko nalang ang pagpulupot ng
mga bisig nito sa aking katawan. Kilig, ‘yan ang naramdaman ko nang magdikit an
gaming mga balat.
“’wag kang aalis sa tabi ko. Dito ka
lang Lenard, dito ka lang.” Maya-maya’y sambit neto nang makayakap na siya at
siguro’y maging komportable sa pwesto nito.
Hindi ako makahapuhap ng sasabihin,
hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ituran sa kanya. Speechless, siguro
dahil na din sa mga narinig ko kanina’y ngayon ko napagtatanto kung ano ba
talaga ang ibig sabihin nito. Pero hindi ako pwedeng mag-assume, ayokong
masaktan. I don’t have the guts to take risks dahil na din sa nangyari sa past
relationships ko.
Nakatulog nalamang kami sa ganoong
posisyon.
...itutuloy...
...pasensya na po kung maikli, at kung
matagal ang pag-uupdate ko, tatapusin ko ‘tong storyang ‘to, pero bigyan nyo
lang po muna sana ako ng panahon para sa sarili ko. Medyo marami na din po
kasing nangyari. Please give me at least 3 weeks para ayusin at icompose ang sarili
ko. Para pagharap kong muli sa inyo ay iba na ang makikita nyo. Pati po sa
chatbox, mawawala po ako ng matagal, sana maintindihan nyo guys, and I’m sorry
po. Basta sana pagbalik ko, nakasuporta pa din po kayo sa gagawin ko. Pati po
yung Can it be Love, bibitinin ko muna kayo, yung finale, matatagalan po ‘yon
bago ko masulat lahat. And yes, kung tatanungin nyo ko kung ako din si James,
opo...
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment