Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (09)

by: Eusethadeus

Hello po, kamusta kayo?

Sana po magustuhan nyo 'tong part na 'to... thank you po sa mga nagbibigay ng kani-kanilang komento, sana yung iba din magcomment na... hehehe... thanks ulit nin advance...

“Guys, tinawagan ako ng Big Cha kagabi, kung okay lang daw na tayo muna ang tumugtog sa bar nila.” Bungad sa amin ni Thep habang kami ay nakain sa paborito naming kainan, ang kainan ni Kuya Mack.


Tatlong araw matapos ang gabi ng battle of the bands sa Lipa ay nagkaroon na kami ng kung saan-saang offer ng kung sino-sinong bar. Pero wala pa kaming tinanggap dahil na rin malalayo ang mga ito. Napag-usapan rin kasi ng banda na hindi muna kami tatanggap ng mga gig na katulad ng nauna dahil na rin sa kakulangan sa oras.

“Try natin 'to guys, sayang naman kasi, d'yan lang naman 'to sa pacita.” Dugtong pa nitong sabi sa amin.

“Sakin okay lang.” Agad na tugon ni Miggy dito. Malamang kasi taga doon siya kaya okay lang sa kanya.

“Kelan ba 'yan?” Tanong naman ni Tristan dito.

“Mamayang gabi na.” Nakangiting balik dito ni Thep.

“Out kami ng babe ko d'yan.” Nakangising wika naman ni R-Kei. “May gagawin kasi kami mamaya.” Dugtong pa nito kasabay ang nakakalokong ngisi.

Nang makauwi kami noong isang araw ni R-Kei sa apartment ay doon na rin siya natulog, at sa kauna-unahang pagkakataon ay pinagsaluhan namin ang pagmamahalan naming dalawa. Simula rin nang gabing 'yon ay halos kinaadikan na nito ang kamunduhang nabuo sa aming mga katawan dahil halos gabi-gabihin ako nito bago siya umuwi sa kanila.

Hindi ako magsasawang paligayahin ka araw-araw at iparamdam sayo ang aking pagmamahal. Basta h'wag na h'wag mo akong iiwan Lenard. At haharapin nating magkahawak ang kamay lahat ng problemang dadating sa atin. Those words of R-Kei secured my feelings for him. Sincerity can be seen in his eyes at doon din tuluyang nawala ang alinlangan kong pinaglalaruan lamang nito ang aking damdamin.

Ang mga barkada naman namin slash kabanda ay hindi na nagtatanong sa amin kung ano mang namamagitan sa aming dalawa. Kung baga sa kanila ay what you see is what you get. At hindi rin naman namin kailangan itago sa kanila ang aming nararamdaman para sa isa't-isa dahil walang panghuhusgang mababakas sa mga ito.

“Hoy R-Kei, ipagpaliban n'yo muna 'yang libog mo sa katawan, sayang din kasi 'to.” Nakangising baling muli ni Thep sa amin ni R-Kei.

“Bakit? Ano namang sayang d'yan?”

“1k per head lang naman kasi ang offer nila sa atin kapag tumugtog tayo do'n.” Pagsasabi sa amin ni Thep na parang ikinalaki ng mata ng iba naming kabanda katulad nalang ni Miggy at ni Tristan. “Di'ba gusto n'yong makapagpagawa tayo ng sarili nating studio para na rin hindi na tayo magbabayad pa ng rent fee pag magpa-practice tayo? This is a big help for us guys.” Mahabang paliwanag pa ni Thep.

“Walang kaso naman sa'kin Thep, kaso, mamayang gabi na kaagad, Hindi ba magiging parang tanga lang tayo do'n? Wala tayong practice.” Paliwanag naman ni R-Kei.

“Alam ko naman 'yon, Tol. Pero pwede naman nating gawin do'n yung mga naka-line up natin na pinagpilian bago tayo sumabak nung battle diba?”

“Sakin okay lang.” Maikling singit ni Tristan.

“Pare, sayang 'yung pera at exposure. Sisikat tayo, pare.” Parang baliw namang singit ni Miggy habang ako ay patuloy lamang sa pakikinig sa kanila.

“Eh p'ano si Lenard? Wala s'yang practice.”

Sa sinabing iyon ni R-Kei ay agad nagtinginan ang mga ito sa akin na para bang sinasabi ng mga mata nito na pumayag na ako.

“Okay lang, kaya 'yan.” And there goes my 'pahamak' na dila. Pamula rin kasi nang aminin ko sa mga ito ang aking nakaraan ay parang tumaas ang expectations ng mga ito sa akin.

“Ayun naman pala eh, ano, tetext ko na ba ang Big Cha?” Tanong sa amin muli ni Thep.

Tanging nagkakaisang tango lamang ang naibalik namin dito na siya namang hugot ng cellphone ni Thep.

Matapos ang klase namin sa araw na 'yon ay nagpahinga muna ang iba sa aming apartment at si Thep at Tristan naman ay pumunta sa bahay nila Tristan para kuhain ang mga gamit namin sa pagtugtog at pati na rin ang isa pang sasakyan nila Tristan na si Bumblebee. Mas trip daw kasi nitong gamitin ngayon si Bumblebee kesa kay Megatron.

Habang kami naman ay abala sa pagpapahinga (LOL) ay napagpasyahan ni R-Kei na gumawa ng line-up namin sa bawat set. Accoustic lamang ang titirahin namin ngayon kaya't hindi namin kasama sa entablado si Thep at ito lang ang magma-manage sa amin habang kami ay tumutugtog, mabuti na rin 'yon para may kasama si Genina habang nanunuod sa amin.

“Teka, na'san nga ba ang babaeng bakla?” Bigla ko nalang naibulalas nang maalala ko itong hindi pala namin kasunod nang magpunta kami dito.

“Oo nga 'noh? Na'san si Genina?” Sambit naman ni R-Kei.

“Paulit-ulit? Tanong ko, balik-tanong mo?” Pambabara ko naman dito na siyang ikinatawa ni Miggy.

“Ang sweet n'yo talagang dalawa!” Hindi ko alam kung nang-iinis rin ba ang isang 'to o talaga lang nakakakita siya ng kasweetan sa pambabara ko kay R-Kei.

“Hindi, seryoso, na'san nga si Genina? Akala ko ba kasunod na natin siya dito?” Pagbabalik ko sa usapan.

“Hindi ko alam, text mo kaya.” Walang emosyong balik naman sa akin ni R-Kei.

“Galit?”

“Ay hinde!” Eksahiradang sambit nito sa akin. “Ikaw kaya ang barahin ko kung hindi ka mainis!”

Hala, nagalit nga si kamote, NALINTIKAN NA! Piping sambit ko naman sa aking sarili.

Imbis na patulan pa ito ay agad ko nalang kinuha ang aking cellphone para itext si Genina.

San k? Text ko kay Genina.

Sa puso mo! Reply naman nito sa akin.

San nga? Paalis na kmi, ssama ka ba?

Jampong akira! Jiniwan nyo akis!

Anong iniwan? Akla nmin ksunod k n nmin! Nsan k b? Su2nduin kta. Reply ko dito.

Cge, dto na akis sa shubuyawey! Junduin nyo akira! :(

O, bkit njan k n? Bka hndi pumyag si Tristan, bkit b ksi umuwi k agad?

K. Bye!

'yan ang naging takbo ng usapan namin ni Genina sa text at alam kong nagtatampo nga talaga ito dahil na rin sa pag-a-akala niyang iniwan nga namin siya. Pero walang oras ngayon para isipin ko pa ito dahil dumating na sila Thep at nagmamadali nang nagyayaya papunta sa naturang bar.

“Tara na, guys! Hinahanap na tayo d'on.” Hingal-kabayong sabi ni Thep nang makarating ito sa pinto ng apartment.

Agad na nga kaming nagsipagkilos at nagpatiuna na rin si Thep na pumunta sa sasakyan. Kami naman ay sumunod na rito at mabilisang lumisan sa lugar.

“Guys, 3 sets ang gagawin n'yo dito. 10 songs each set plus 5 songs for the jammers each set. Swerte n'yo kung walang makikijam sa inyo dahil hindi na kayo mahihirapan. Pero kung sakaling meron, dapat prepared kayo at alam n'yo 'yung ipapatugtog sa inyo ng jammers. There are no rules on this bar regarding the choice of songs, kayo na ang bahala kung anong gusto n'yong tugtugin habang nasa stage. Basta ang mahalaga lang sakin ay hindi ma-bore ang mga tao sa loob.” Mahabang paliwanag sa amin ng may ari ng naturang bar.

Nang marating namin ang lugar ay agad kaming kinausap ng may ari at in-orient kami ng bahagya kung paano ang magiging set-up namin.

“Galingan mo ulit mamaya ah. Para mainspired ulit ako.” Nakangiting bulong sa akin ni R-Kei.

Napangiti nalang din ako sa itinuran nito sa akin. Talaga ngang nakakatuwang isipin at maramdaman mula sa taong mahal mo na ikaw ang dahilan ng kanyang pagka-inspire. Oo, aaminin kong kinikilig ako sa tuwing bigla-bigla nalamang itong magiging sweet sa akin at hindi iyon maitatago ng aking pisngi, dahil sa bawat banat nito'y iyon din nman ang pagpula ng nauna.

“You can now prepare for your first set.” Maya-maya'y sabi ng may ari ng bar na iyon at agad na rin naman kaming nag-ayos ng aming mga gagamitin.

Nang masimulan na namin ang first set ay siya rin namang dagsaan ng mga tao. Hindi pa man natatapos ang unang kanta ay siya ring ikinagulat naming lahat. Unexpectedly, ang mga kaklase namin ay nagsidatingan sa naturang bar, sa pamumuno ng aking BFF na si Genina.

Doon din nabuo sa aking isipan na nagbibiro lamang ito kanina nang sabihin nito sa akin na umuwi na siya. Masaya nilang inokupa ang isang mahabang table sa harap mismo ng entabladong pinag-pe-perform-an namin.

Naging masaya ang unang set namin ng pagtugtog dahil na rin mga kakilala namin ang mga nanunuod sa amin. Aminado kaming lahat sa banda na nawala ang kabang kanina'y dumadaga sa amin dahil na rin sa presensya ng mga ito. Dahil din doon ay nakuha naming makapag-perform ng maayos.

“Ang galing mo palang mag-perform Lenard!” Panimula sa akin ni Nina.

“H.hindi naman.” Maikli't mahiya-hiya kong tugon dito.

“Hambog!” Patutsada nito sa akin. “Nakakatampo ka na Lenard ah! Pamula nang maging CLOSE kayo ni R-Kei ay hindi ka na sumasama sa akin. At may bago ka na talagang BFF ngayon ah!” Tampong dugtong pa nito nang may pagbibigay diin sa salitang close.

Oo nga pala't itong si Nina ang kauna-unahan kong ka-close sa klase dahil na din sa kaklase ito noon ng ate ko.

“Busy lang, pasensya na.”

“Busy? Sabihin mo, kayo na ni R-Kei kaya kung makadikit ka sa kanya akala mo aagawan ka!”

“Oo Nina, kami na ni Lenard, may problema ba d'on?” Singit naman ni R-Kei sa aming usapan. Napakahilig talaga ng lalaking ito na sumingit sa mga usapan.

“Wala naman R-Kei, nakakatampo lang tong Gir... Ay Boyfriend mo pala, kasi hindi na ako sinasamahan.” Tampong tugon naman nito kay R-Kei.

“Pasensya na talaga Nina.” Paghingi kong muli ng pumanhin dito.

“Ang sabihin mo, pinoprotektahan mo lang ang ulo ni R-Kei, baka kasi mauntog.” Singit naman ng kinaiinisan kong si Caree. “Ingatan mo talaga 'yang boyfriend mo dahil baka mamaya, pag nauntog 'yan, malaman nalang n'ya sa sarili n'yang ako ang gusto n'ya.” Sabi pa nito't narinig kong nagtawanan sila ng mga katabi niya.

There's no point kung papatulan ko pa ang isang 'to. Ang mahalaga ay nagpakita sila kahit papaano ng suporta sa banda namin.

“Next round, taya namin!” Sigaw naman ni Miggy na naging dahilan para pagtinginan siya ng mga kasama namin. “Di'ba Thep?” Nakangising dugtong nito, halata mong nagpapasikat lamang sa mga kababaihang kaklase namin.

“Yeah!” Sabi ni Thep at nakita kong sunod-sunod na natuwa ang aming mga kaklase.

“Guys, prepare muna tayo ng next set natin.” Singit muli ni R-Kei sa masayang kakulitan ni Miggy at ni Thep.

Lumayo kami sa umpukan ng aming mga kaklase at umupo sa isang bakanteng table doon.

“Babe, okay lang ba? Hindi ka muna kasama?” Tanong sa akin ng aking irog na si R-Kei.

Halata sa mukha ng mga kabanda namin na nagulat ang mga ito sa itinuran ni R-Kei. Kahit din kasi ako ay hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni R-Kei. Wala kasi kanina sa usapan namin na hindi ako kakanta. Pero pabor naman sa akin kung hindi ako kakanta dahil na rin gusto ko munang uminom kasama ang aking mga kaklase at makabawi kahit papaano kay Nina.

“Okay lang, babe.” nakangiti kong tugon dito. “Dun na muna ako kila Genina para makapag-ayos na kayo.” Dugtong ko pa't nagpatiuna na akong umupo sa table nila Genina.

“Oh? Bakit nandito ka? Magsisimula na kayo di'ba?” Agad na tanong sa akin ni Genina.

“Nope, si R-Kei muna ata ang kakanta.” Nakangiti kong tugon dito.

“Bago 'yon ah? Buti pumayag si Thep?” Balik-tanong sa akin ni Genina.

“Okay lang naman 'yon. Tsaka pabor nga sakin ih, para makasama ko kayo ng ayos.” Tugon ko rito. “Di'ba guys?” Baling ko naman sa iba pang nandoon din sa table namin.

Nasa ganoong lagay ako nang may makita akong pamilyar na mukha na papasok sa naturang bar na iyon. At may mga kasama itong kung hindi ako nagkakamali ay mga kagrupo nito rin sa banda.

“Wait lang guys ah, may sasalubungin lang ako.” Paalam ko sa mga kasama ko.

Naglakad na ako papunta sa aking nakita at hindi nga ako nagkamali, nang makalapit ako rito'y sinalubong ko ito ng ngiti.

“Missy!” Parang tanga kong tawag dito't niyakap ito.

“Lenard!” Tawag din nito sa akin at niyakap din ako. “My friends told me that your band ang tutugtog dito kaya we decided to go here.” Nakangiting pagkukwento naman nito sa akin.

“Are you spying on us?” Pabiro kong turan naman dito.

“Kinda!” Pagsakay naman nito sa aking biro. “Oh, nagpe-prepare na pala ang banda mo for your next set ah, bakit nandito ka pa?”

“Boyfriend ko muna ang kakanta kaya nandito pa ako. Teka, kuha ko muna kayo ng table malapit sa amin.” Sabi ko naman dito.

Tinawag ko ang waiter na nag-a-assist sa mga customer at sinabihan na ipag-prepare ako ng table malapit sa stage na agad naman nitong sinunod. Konting kwentuhan pa't naglakad na rin kami papunta sa sinabi ko sa waiter na table.

“This would be interesting.” Narinig kong sabi ni Missy bago ko sila tuluyang iwan sa table na ako mismo ang nagpaayos para sa kanila.

Sanay naman na kami sa mga ganitong tagpo ng mga dati kong kasama sa banda. Natutog rin kasi kami noon sa kung saan-saang mga bar na malapit sa San Pablo kaya ipinagkibit-balikat ko nalang ang narinig mula rito.

“Diba sila 'yung nakalaban n'yo sa Lipa?” Agad na tanong sa akin ni Genina nang makabalik ako sa kanilang kinaroroonan.

“Yup.” Nakangiting tugon ko naman dito.

“Eh anong ginagawa nila dito?” Pag-uusisa pa nito.

“Mag-iinom, nabalitaan daw kasi nila na tutugtog kami kaya sinadya nila talaga na dito pumunta.”

“This next set is dedicated to the reason kung bakit kami nabuo. At dahil iyon sa kanya.” Narinig kong sabi ni R-Kei sa mic. Agad kong nilingon ang kinaroroonan nito't nakaturo pala siya sa akin. “Babe, this is for you, and thank you for making me happy.” Dugtong pa nitong sabi.

Tunog ng gitara, 'yan ang una kong narinig mula sa aming banda na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa kantang 'yon dahil isa iyon sa mga paborito kong kinakanta noon pa man, ang Wherever You Will Go.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa aking boyfriend na siyang ngayon ang nakanta. Damang-dama ko ang emosyon sa bawat lirikong binibitawan niya, ang pagiging sinsero ng tinig nito na animo'y hinaharana ako.

Parang dumilim ang paligid, wala akong ibang naririnig kundi ang boses ni R-Kei, ang musikang kinakanta nito'y paulit-ulit na tumatatak sa aking isipan. Ang tono nitong perpektong-perpekto para sa kanyang boses. Ang pagbigkas nito sa bawat salitang talagang masasabi mong parang orihinal na bersyon nito ang kumakanta ngayon ang aking naririnig.

Napakagaling.

Nawala lang ako sa ganoong pag-iisip nang bumaba si R-Kei ng stage at nilapitan ako. Hindi ito nahihiyang ipakita sa ibang tao ang kung anong meron kami. Inilanhad niya sa akin ang kanyang kamay na para bang inaaya akong sumayaw. Wala akong naging pagtugon dito at tanging pagkatulala lamang ang aking naging tayo.

“ANAK NG...” Narinig kong naibulalas ng isa sa mga babaeng customer ng bar na iyon na naging dahilan ng paggising ng aking ulirat. “Beki pala s'ya!” Dugtong pa nitong sabi sa halatang dismayadong boses.

Hindi iyon pinansin ni R-Kei, bagkus ay kinuha nito ang aking kamay at agad na itinayo na sakto naman sa adlib ng kanta.

“Itong taong 'to ang dahilan kung bakit kami nabuo. At ito ring lalaking ito ang dahilan kung bakit natuto akong magmahal ulit.” May pagmamalaking sabi ni R-Kei sa mga nanuod sa kanya.

Ako pa itong nahiya sa kanyang ginawa, hindi ako sanay sa ganitong eksena. Na ito'y taliwas naman sa gusto kong mangyari noon, nang kami pa ni Echo. Pero ngayong nangyari na ang bagay na noon ay inaasam-asam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Mixed emotions, kilig at hiya. Kilig dahil hindi man lang nahiya ang isang ito na ipakita ang kanyang nararamdaman para sa akin sa harap ng ibang tao. Hiya naman sa kadahilanang alam kong maraming mapanghusgang mata ang ngayon ay nakatingin sa amin.

Ipinagpatuloy ni R-Kei ang pagkanta niya at ng iba pang kantang sabi nito'y sa akin niya idi-ne-dedicate. Talaga nga yatang masasabi kong maswerte na ako kay R-Kei dahil sa mga nagawa nito kahit pa man may hiya sa aking damdamin.

“ANG HOBO NG HAIR!” Sabay-sabay na sabi ng mga kasamahan ko sa table na mga kaklase ko rin.

Nilingon ko ang mga itong may ngiti sa mga labi. Oo, kinikilig na ako sa mga oras na ito't hindi ko na maitago ang tunay kong nararamdaman. Para akong inihehele habang paulit-ulit pa ring tumatakbo sa aking isipan ang kani-kanina lamang ay nangyari.

Naramdaman ko nalang ang pagdikit ng aking pisngi sa isang malambot na bagay, at nang lingunin ko ito'y nanakawan na pala ako nito ng isang mabilis na halik sa aking pisngi. Parang ambagal ng oras, kung pwede lang sanang patigilin ang oras na iyon ay ginawa ko na dahil nakita ko ang malaanghel na mukha ng aking boyfriend na nakangiti sa akin.

“Nagustuhan mo ba?” Nakangiting tanong nito sa akin.

Wala akong naging tugon dito kung hindi ang mga ngiti ko at pagtango-tango.

“Mamaya may duet tayo, kaya be ready ah.” Sabi pa nito.

Duet? Kaming dalawa? Hindi ko napigilang maitanong sa aking sarili dahil hindi pa ako kahit kelan nakikipagduet sa kahit na sino dahil nadadala ako sa tono at blending, hindi ko kaya.

Oo timang, huwag ka ngang malag d'yan! Kanina ka pa! Sagot naman ng kontrabida kong konsensya.

Bakit? Hindi ka ba kinilig kanina? Parang baliw kong pagkausap dito.

“Lenard, you must be so proud of your boyfriend.” Nang lingonin ko kung sino ang nagsalita ay nakita kong si Missy pala ito na lumapit pa sa aming kinaroroonan. “Hey handsome, how I wish someone would do that to me.” Baling naman nito kay R-Kei sa kanyang malanding boses.

Mga ngiti lamang ni R-Kei ang naging tugon niya rito.

“Don't get me wrong ah, but you were amazing on stage, bakit hindi pa ikaw nalang ang naging vocalist ng banda n'yo?” Tanong pa dito ni Missy.

“Kasi ang kondisyon ko ng pagsali ng banda ay kung sasali si Lenard, kaya siya ang vocalist namin.” Ito naman talaga ang dahilan kung bakit rin ako sumali ng banda, dahil kung hindi ako sasali noon ay hindi rin sasali itong si R-Kei at paniguradong sa akin naman magagalit noon ang kanyang mga kabarkada.

“Ahh, talaga palang mahal mo 'tong kaibigan ko.” Nakangiting tugon naman ni Missy dito, but upon seeing those smiles, alam kong may mali. Alam ko sa sarili kong hindi ngiti ng katuwaan ang ipinapakita ni Missy kundi ngiti ng inggit.

That smile is familiar to me, kaparehas iyon ng mga ngiting ibinigay niya sa amin ni Echo noon nang malaman niyang kami na. Pero ipinagkibit-balikat ko nalang itong muli, ayaw kong usisain ang kung ano mang dahilan meron sa kabila ng mga ngiting iyon. Nakisali nalang ako sa usapan ng iba pa naming mga kasama't hinayaan ang dalawang makapag-usap kasama pa ang iba kong mga kabanda. Isinasama pa sana nila ako pero ako na ang tumanggi dahil gusto ko talagang makabawi kay Nina.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment