by: Eusethadeus
Pasensya na po kayo kung mabagal ako
mag-update, sobrang busy lang talaga sa work, isinisingit ko lamang po ito pag
medyo walang ginagawa. Yaan nyo, I will try my very best para pabilisin pa ang
pag-uupdate. and sana magustuhan n'yo tong update ko ngayon... thanks guys...
“Is there something bothering you,
babe?” Untag ni R-Kei sa akin nang siguro’y mapansin nitong hindi ako mapakali
at malalim ang iniisip.
I know what Missy told me should bother me
dahil sa matagal kong tinakasan ang taong dahilan kung bakit ko itinigil ang
pagkanta ko dati. Hindi ko alam ang aking gagawin sa mga oras na ito sa
kadahilanang alam kong maaring mabuking ng mga kasama ko ngayon ang tunay na
ako.
I know that it is my fault kung bakit
ako naiipit ngayon at alam ko din na dapat ko nang sabihin sa kanila ang totoo,
pero pa’no?
Eh kung sinisimulan mo kaya sa
boyfriend mo? Biglang singit ng kontra bida sa buhay ko, ang aking konsensya.
Maiintindihan ka n’ya kung mahal ka talaga n’ya Lenard kaya go na!
“Hey.” Basag muli ni R-Kei sa akin.
“Kanina ka pa tulala, stay focused.” Dugtong pa nitong nilakipan niya ng
mabilisang halik sa aking pisngi.
“H-hindi, o-okay lang ako.” Nauutal
kong balik dito.
“Care to tell me what’s bothering
you?” Sa halip na pagpansin nito sa
sinabi ko.
“Ah. Eh. Kasi.” Ang naibulalas ko
nalang nang biglang nagsalita si Thep.
“We’re next guys. Be ready.”
“Sige-sige, punta na kami d’yan.”
Sambit naman ni R-Kei at nagpatiuna nang pumunta sa kumpulan ng aming banda.
Bahala na. Piping nasabi ko nalang sa
aking sarili at sumunod na ako sa mga ito.
Nang tawagin an gaming banda sa stage
ay agad na nag-ayos ang mga ito ng kani-kanilang mga gamit at konting pagtono
pa sa mga ito na wari mo’y nagpapasikat sa mga madlang nanunuod sa baba. Hindi
ako sumabay sa kanilang bumaba ng stage dahil iyon naman ang nakasanayan ko
noon pa man, ayokong magmukhang tanga sa stage habang inaayos nila ang
kani-kanilang instrument.
Wala akong marinig na ingay ng
pagtanggap mula sa mga taong nanonood sa mga kabanda ko sa pag-aayos hindi
katulad ng ilang nauna sa amin ay habang tinatawag palang ang pangalan ng mga
banda nito’y naghihiyawan at nagtitilian na ang mga ito. Hindi naman na ako
nagtaka dahil ito ang kauna-unahang beses na sasali ang mga ito at hindi pa
kilala ang banda namin kaya ganoon nalang.
Nang sa wakas ay mapansin kong tapos
na ang mga ito sa pagkukumpuni ng mga instrumento nila’y doon ko napagpasyahan
na lumabas at ipakita na ang aking sarili sa mga taong kanina pang naghihintay
na magsimula an gaming banda.
“Si Lenard!” Narinig kong sigaw ng isa
sa mga nanonood na naging dahilan para lingonin ko ito, hindi ko siya kilala
pero nang marinig ito ng kanyang mga katabi ay napukaw ng lalaking ito ang
atensyon ng iba na nagsimula na ring tingnan ang lumalakad na akong papunta sa
gitna ng stage.
“Si Lenard nga. Guys si Lenard pala
vocalist nila.” Narinig kong sigaw pa ng isa na ipinagkibit-balikat ko nalang
dahil sa pag-aakalang hindi naman ito naririnig ng aking mga kabanda.
Nang marating ko ang gitna ng stage ay
siya rin namang pag-aakala kong magsisimula na ang aking mga kabanda sa
pagtugtog, pero ako’y nagkamali kaya agad kong binalingan ang mga ito para sana
sabihan sila na magsimula na pero nang makita ko ang mga titig nilang may
pagtatakang mababakas sa bawat isa’y nakaramdam ako ng kaba at hiya para sa
aking sarili.
“Mamaya na ako magpapaliwanag, let’s
just start this game.” Ang tanging nasabi ko nalang sa aking mga kabanda para
mapalis na rin ang kanilang pagtataka.
“Bakit ka nila kilala?” Agad na tanong
sakin ni Tristan nang matapos kaming tumugtog. “At bakit parang sanay na sanay
ka sa stage?” Dugtong pa nito.
“Guys, ‘wag na nating kuyugin si
Lenard, ang ganda naman ng performance n’ya kaya good na ‘yon.” Sabat naman ni
Miggy.
“Hindi kasi guys.” Panimula ko sana sa
pag-amin sa kanila nang may bigla akong narinig na boses. Ang boses na alam na
alam kong sa iisang lalake lamang nagmula.
“Lenard!” Tawag sa akin ni Echo. “I
know I will see you here.” Hindi pa man nakakalapit ito sa akin ay naibulalas
na niya.
Hindi ko ito nilingon sa
pagkukunwaring hindi ko siya narinig at yayayain ko na sana ang aking mga
kabanda pero huli na ang lahat.
“Hei, hindi mo ba ako narinig? I said
I know I will see you here.” Pag-uulit nito sa kanyang sinabi na sinamahan pa
nito ng pagkulbit sa akin.
Nagpakawala muna ako ng isang
buntong-hininga bago ko ito nilingon.
“Oh, ikaw pala.” Tanging sabi ko rito
at nagplastar sa aking mukha ng isang pilit na ngiti.
“Wala man lang ba akong kiss d’yan?”
Mahanging sabi nito sa akin.
“Bakit, pare? May problema ba?”
Narinig kong singit ni R-Kei sa amin ni Echo.
“Woah. Take it easy man; I just missed
Lenard, that’s all.” Sabi ni Echo na sinamahan pa nito ng pagtaas ng dalawa
nitong kamay na animo’y sumusuko.
“Kilala mo ba ‘to, babe?” Narinig ko
naman si R-Kei pero hindi ko rin maintindihan ang aking sarili kung bakit hindi
ko ito nasagot.
“Babe? Did I hear it right?” Sabi ni
Echo at binigyan ako ng nagtatakang tingin.
“There’s no good in staying here,
let’s go guys.” Marahil ay nakaramdam na ng tensyon si Tristan at ito na ang
nagyaya sa aming umalis sa eksenang iyon.
Hinigit ako ni R-Kei sa aking braso
para na rin makaiwas siguro sa nakaharang sa aking si Echo. Ang higit nito’y
hindi na tulad ng dating marahan, ngayon ay ramdam ko sa pagkakakapit nito sa
akin ang sakit.
“R-Kei, n-nasasaktan ako.” Sabi ko
rito nang makalayo kami kay Echo.
Sa halip na pansinin ako’y lalo pa nitong
hinigpitan ang pagkakakapit sa akin na para bang kinakaladkad na ako nito.
“R-Kei, nasasaktan na si Lenard, tama
na ‘yan.” Pagpigil pa dito ng kanilang kaibigan na si Miggy at akmang aakbayan
sana niya ito pero...
“Tama lang ito sa kanya kaya h’wag kang
mangealam.” Sabi bi R-Kei sa boses na alam na alam kong sa sarili kong galit
ito. “Ano pa bang hindi namin alam sa’yo Lenard?” Baling naman nito sa akin na
ang noo ay nakakunot.
“Madami.” Halos pabulong kong sabi.
There is no point in lying about the real me and my past. Ang hindi ko lang
alam ay ang paraan kung paano ito tatanggapin ng aking mga bagong kasama at ng
boyfriend kong ngayon ay kitang-kita ko na ang galit sa mga mata.
“Let’s just forget it for now, bukas
na natin pag-usapan ‘yan dahil nandito tayo para lumaban, hindi para tayo ang
mag-away-away.” May awtoridad na sabi ni Thep. Being the leader of this band, I
know he’s just doing his job para hindi matuloy sa pag-aawayan ang komosyon na
ito. “And besides, Lenard did a great job, so what is your problem R-Kei, ‘wag
kang OA.”
Maybe Thep’s words hit R-Kei kaya
binitawan na ako nito’t naglakad papalayo sa kinaroroonan namin. Ganito naman
ito pag masama ang loob, bigla-bigla nalamang lalayo at pagbalik ay okay na
itong muli.
“Ang galing mo Lenard! Parang sanay na
sanay ka sa stage!” Ang biglang dating naman ni Genina sa kinaroroonan namin na
walang kaalam-alam na may naganap na komosyon kani-kanina lamang.
“T-thank you.” Nabubulol kong balik
dito at binigyan ito ng isang pilit na ngiti.
“Oh, may problema ba beks?” Pag-uusisa
nito nang marahil ay napansin nito ang malungkot na aura ng aking mukha.
<!--[if
!supportLineBreakNewLine]-->
<!--[endif]-->
Tanging iling lamang ang naisagot ko
rito.
“Nag-away ‘yung magjowa.” Pabirong
singit naman ni Miggy sa aming usapan.
“Miggy...” Narinig kong saway ni
Tristan at nang lingunin ko ito ay sa akin rin pala ito nakatingin at kung tama
ba ang aking iniisip ay awa ang nakita kong nasa mga mata nito.
“Ay nako, beks, okay lang ‘yan.
Anditey naman akira, akis ang bahala sa iyis, ano pa’t naging BFF kita di’ba?”
Sabi nito’t inakay ako at iginaya papunta sa isang bench na malapit sa amin.
“I’m sorry.” Mahina ngunit sapat na
iyon para marinig ko ang sinabing ito ni R-Kei.
Matapos ang naging tagpo namin kanina
ay kinulit nalang ako ng kinulit ni Genina, marahil ay para mapagaan kahit
papaano ang loob ko kahit pa man hindi alam nito kung anong dahilan ng
pag-aaway namin ni R-Kei. Ipinagpasalamat ko naman na isinama namin ito dahil
kahit papaano ay nagawa nitong mapalis ang sakit na naramdaman ko nang magalit
sa akin si R-Kei.
Aminado naman akong kasalanan ko ang
mga nangyari kanina dahil hindi ko sinabi ang katotohanan sa kanila bago pa man
kami magsimula sa mga pagpa-practice namin, ngunit ito ay sa kadahilanang ayoko
lamang na maging mayabang sa paningin nila at pangalawa ay ayaw ko rin na
maalala pa ang mag masasakit na alaala ko sa pagtugtog noong ako ay nasa
highschool pa.
Pero sadya nga yatang mapaglaro ang
tadhana dahil eto ako ngayon at muli nanamang tumapak sa entablado para gawin
ang noo’y para sa akin ay isa sa mga nagpapasaya sa akin, ang pagkanta. At
dahil din dito ay hindi maiwasang maglapit muli ang landas namin ni Echo.
Echo was my ex way back highschool
days, he was my firsts. (Alam nyo na yung mga first na yun. Hindi ko na
kailangang i-elaborate pa.) Siya rin ang dahilan para mabulag ako noon sa mga
bagay na napakababaw tulad ng kasikatan. He is also the reason kung bakit ko
ito tinalikuran, dahil noong kasagsagan n gaming kasikatan ay siya namang
paglaki ng ulo nito na nauwi sa aming paghihiwalayan.
I promised myself not to join any of
this pamula nang talikuran ko si Echo. Masakit para sa akin ang iwan ito noon,
pero I had to make a choice. At mas pinili kong saktan ang aking sarili para na
rin sagipin kaming dalawa sa mas matindi pang sakit na mararamdaman namin kapag
ipinagpatuloy pa namin ang relasyon naming dalawa.
At heto ako ngayon, nauwi nanaman sa
pagbabanda dahil na rin sa aking bagong dahilan para mabuhay at ngumiti, ang
aking bagong dahilan para maging masaya sa aking buhay. At ang aking bagong
dahilan para magmahal muli, at iyon ay si R-Kei. God knows how much I love
R-Kei kahit pa man kanina lamang umaga nang maging kami. Matagal ko nang nabuo
iyon sa aking puso’t isipan bago pa man ito umamin kanina na mahal rin ako
nito, at iyon ang panghahawakan ko para lampasan ang lahat ng bagay na aming
haharapin.
“Okay lang, kasalanan ko naman.” May
bahid kong lungkot na sabi dito.
“Nope, it’s my fault, dahil kung hindi
ako nag-OA kanina, hindi mawawala ang pagka-good mood mo kanina.” Balik naman
sa akin nito, halata sa boses na sinisisi niya ang kanyang sarili na lihim ko
namang ikinatuwa dahil na rin alam kong sinusuyo ako nito. But this is not the
time para matuwa ako ng lubusan dahil alam kong may dapat akong aminin sa
kanila, iyon ay ang aking nakaraan, at sisimulan ko it okay R-Kei.
“Alam mo ba kung sino si Missy at si
Echo sa buhay ko noon R-Kei?” sa halip na pansinin ang paninisi nito sa kanyang
sarili ay sinimulan ko na ang pag-amin na dapat naman niyang matanggap mula sa
akin. “They are both my band mates noong highschool palang kami, Si Missy, siya
ang isa sa dahilan kung bakit kami noon sumikat, sino ba naman ang hindi
hahanga sa kanya dahil sa galing nitong magdrum kahit pa man babae ito.” Mahaba
kong turan dito.
“Drummer? Babae? Astig.” Amazement was
in R-Kei’s eyes.
“Yup, sa bawat palo nito noon sa drums
ay siya namang palakpak ng mga tao sa kanya. She always win the best drummer
award tuwing sasali kami sa mga battle of the bands katulad nito.” Dugtong ko
pang pagmamalaki patungkol kay Missy. “Si Echo naman, katulad mo siya. Lead
guitarist siya ng banda namin noon.” Panimula kong naman na pagpapakilala kay
Echo.
“And his ex na iniwan niya nalang
basta-basta sa ere!” Parehas kaming nagulat ni R-Kei sa lalaking biglang
nagsalita mula sa aming likuran.
“Ano bang problema mo, Pare?” Nasabi
nalang ni R-Kei dito nang makatayo ito’t maharap ng ayos si Echo.
“’yang jowa mo ang tanungin mo kung
anong problema ko!” Bakas ang galit at pighati sa mukha ni Echo. “I loved you
Lenard! Pero pinili mong iwan ako! Bakit? Anong meron ‘tong lalakeng ‘to na
hindi ko kayang ibigay? Pucha! Lenard, I want to win you back! At hindi na ako
titigil ngayon para lang maging akin ka ulit!” May pagbabanta sa boses nitong
sabi.
“Eh gago ka pala eh!” Narinig ko
nalang na sabi ni R-Kei.
Naging mabilis ang mga pangyayari,
nagulat nalang ako nang makita kong nagsusuntukan na ang dalawa sa harap ko’t
parang wala silang pake-alam sa mga nakakakita sa kanila. Kasunod noon ay ang
mga pagbabanta nila sa bawat isa na ikinatakot ko naman para kay R-Kei. Echo is
the type of person na alam kong pagsinabi nito ay talagang gagawin nito.
Agad na rin namang napansin ng aking
mga kabanda ang nangyayaring sagupaan sa pagitan ni Echo at R-Kei kaya agad din
nila itong inawat. Agad ring dumating ang mga kabanda ni Echo at inawat rin
ito. Naging malaking bulong-bulungan ito sa buong lugar dahil na rin
napakaraming nakakita ng pangyayaring ito.
“Ano bang problema sa’kin, Lenard?!”
Sabi ni Echo sa akin habang hawak-hawak siya ng kanyang mga kabanda.
“You loved your music more than you
loved me, Echo!” Ang hindi ko na napigilang nasabi rito, alam kong ito ang
kailangan naming dalawa na noon ay hindi ko naibigay sa kanya.
Malaki ang kompyansa kong dahil sa
ibinigay kong closure kay Echo ay titigilan na ako nito. Nang masabi ko sa
kanya kanina ang dahilan ay umalis na ito sa aming harapan at hindi na rin nito
tinapos ang programang aming dinaluhan. Kasama ang kanyang mga kabanda ay
umalis na ito sa naturang lugar.
Kahit pa man naging magulo ang aming
unang beses na pagtugtog sa aking bagong mga kabanda ay nagawa rin naming umuwi
ng masaya dahil nakamit namin ang pangalawang pwesto.
Katulad ng inaasahan, si Missy ang
nakakuha ng best drummer award. Ang best bassist naman ay ang kabanda nitong
hindi ko kilala. Ito marahil ang dahilan kung bakit sila rin ang nanalo sa
naturang kompetisyon.
Hindi rin naman nagpahuli si R-Kei sa
mga award dahil siya ang nanalong Best Lead Guitarist. At ako naman sa best
vocals. Pero sadya lang talagang magaling ang naging performance nila Missy
dahil walang tuod sa buong banda nila unlike sa amin. Hindi ko rin inaasahan
pero inamin naman ni Miggy sa amin na naging tuod siya habang nakaharap sa mga
tao.
Kasalukuyan naming binabaybay ang daan
pauwi nang maisipan ni Tristan na mag-stop over muna kami sa isa sa mga
gasolinahan sa SLEX. (South Luzon Expressway)
“Guys, kain muna tayo, napagod ako sa
pagda-drive.” Sambit ni Tristan nang maiparada niya si Megatron.
“Dito nalang muna kami ni Lenard, kain
na kayo.” Nakangiting sambit naman ni R-Kei.
“hontoroy! MAGKAKAINAN ‘yung dalawa.”
Walang pakundangang sambit naman ni Genina na ikinatawa naming lahat.
Nagsipagbabaan ang lahat kay Megatron
maliban sa amin ni R-Kei, nakita ko pang dumiretso silang lahat sa KFC,
malamang doon sila kakain.
“I’m sorry ulit.” Sincerity, yan ang
mababakas mo sa boses ni R-Kei nang sambitin niya ang mga katagang iyon.
“Wala na ‘yon, let’s just be happy
R-Kei. At isa pa, ako nga dapat ‘tong mag-sorry diba? Kasi hindi ako nagsabi ng
totoo sa inyo.” Pagsuyo ko rin dito.
“I know that you just did what you
think is right kasi may tinataguan ka noon. Kaya naiintindihan kita at alam
kong naiintindihan ka rin nila.” Paliwanag nito sa akin. “Halika nga dito.”
Sabi nito sabay kabig ng kanyang braso sa aking batok at mabilis pa sa
alas’kwatro akong hinalikan nito.
“Thank you.” Sabi nito nang maghiwalay
ang aming mga labi.
Hindi ko ito sinagot bagkus ay
binigyan ng nagtatakang tingin.
“Thank you kasi kung hindi dahil sayo,
hindi ko mapapanalunan ‘yung award ko.” Nakangiting sabi nito sa akin.
“Huh? Bakit dahil sakin?” Takang
tanong ko naman dito na sinamahan ko pa ng pangungunot ng aking noo.
“Kasi, you inspired me noong kumakanta
ka na.” Nakangiti pa rin nitong sabi.
Agad akong pinamulahan ng aking
magkabilang pisngi tanda na kinilig ako sa sinabi nito.
“Mambobola!” Nakangiti kong balik
dito.
“Hindi ah, totoo ‘yon.” Sagot naman
nito sa aking paratang.
“Ewan ko sayo!” My way kung paano ko
itago ang kilig na nararamdaman ko, ang pagsusuplado. Pero nahuli pa rin ako
nito dahil sa pamumula ng aking mga pisngi.
“Ewan pala huh, kaya pala namumula
‘yang pisngi mo.” Nakangising balik naman nito sa akin. “Halika nga dito.” At
muli niyang kinabig ang aking batok at pinasandal sa kanyang dibdib. “I love
you.” Mahina ngunit sinserong sabi nito sa akin.
“I love you too.” Sagot ko naman rito.
And again, my lips reached his lips at
parehas naming pinagsawa ang isa’t-isa sa ganoong posisyon.
“Sabi na nga ba’t magkakainan kayo
dito eh!” Biglang sulpot ni Genina na ikinagulat naman namin. “Sabi ni Thep,
pumunta na daw kayo doon para makakain. Sayang naman daw kung hindi n’yo
matitikman ang panalo n’yo!” Nakangisng dugtong pa nito.
“Sige-sige, susunod na kami, thanks
Genina.” Sagot naman ni R-Kei rito.
“Sabihin ko nalang sa kanila busog na
kayo kasi nagkainan na kayo dito!” Basag muli nito sa amin at nagmamadaling
lumayo sa sasakyan at bumalik sa KFC.
“Ano? Let’s go?” Agad na tanong sa
akin ni R-Kei.
“Ayaw ko pa.” Lambing ko rito at lalo
kong idiniin ang aking ulo sa pagkakahilig ko sa kanyang dibdib.
“Mamaya na tayo magkainan pagdating sa
inyo.” Pabiro naman nitong balik sa akin na ikinatawa lang naming dalawa.
“Pakainin muna natin mga babies natin sa tiyan dali, nagwawala na ih.” Dugtong
pa nito.
“Babies ka d’yan. Hindi ako binubulate
noh! Baka ikaw lang!” Pabiro ko ring bara dito.
Lumabas na kami sa sasakyan at sumunod
na rin sa kinakainan ng aming mga kabanda slash kabarkada.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment