Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (02)

by: Eusethadeus

“Lenard, wala ng iced tea.” Sabi sa akin ni Thep.

Mahigit tatlong oras na kaming nag-iinuman, kasama namin ang limang kaklase ni Ate Me-an, sila Drin, Jhez, Mercy, Jie at Angie. Sa batch naman namin ay si Thep, Tristan, Apple, Leban, Zai at syempre, si R-Kei. Nakaka pitong bote na kami ng long-neck na matador, pero wala pa samin ni isang gustong sumuko, at lahat ay tila enjoy na enjoy sa company ng bawat isa.


Hindi naman namin napag-usapan sa inuman ang tungkol sa nararamdaman ko kay R-Kei, puro lamang mga nangyari sa Acquaintance Party ang pinag-uusapan. Ang nakakapagtaka lamang ay noong nagsipaghanapan na ng puwesto ang mga ulupong kong kaibigan ay tumabi sa akin si R-Kei, it was unexpected kasi sa panahong kilala ko ito, ay ngayon pa lang ang pangalawang beses na tumabi ito sa akin, ang una ay noong first day of class.

“Sige, bibili kami ni Lenard.” Si R-Kei na ang sumagot dito sabay kulbit sa akin at tinanguan ako bilang tanda nang pagyayaya nito sa akin na bumili.

Wala naman na akong nagawa, maybe out of my feelings for him, sumang-ayon nalang ako dito at tumayo para bumili ng juice. Kasunod ako nitong naglalakad palabas ng apartment namin, kokontra pa sana si ate Me-an pero hindi na nito nagawa dahil mabilis kaming lumabas ni R-Kei.

“May dala ka bang pera?” Tanong nito sa akin habang naglalakad kami sa side walk patungo sa 7 11.

Para naman akong wala sa sarili na napatingin lamang dito, siguro ay tama na din ng alak kaya ganito ang pakiramdam ko, parang ang saya-saya ko na kasama ko ngayon ang hinahangaan kong si R-Kei. Tumingin ito sa akin at tumawa na nagpabalik naman sa akin sa reyalidad.

“May dala ka bang pera?” Pag-uulit nito ng tanong niya sa akin kanina.

“Ah. Eh.” Sabi ko dito sabay kinapa-kapa ko ang aking bulsa, pero wala pala akong bulsa dahil nagpalit na nga pala ako ng shorts na pang bahay bago kami magsimula ng inuman. Nang ma-realize ko na wala pala akong dalang pera ay tumalikod ako dito at akmang maglalakad na sana ako pabalik sa apartment pero hinawakan nito ang kamay ko.

“Kukuha lang akong pera saglit, nawala sa isip ko kasi kanina.” Paalam ko dito.

“Niloloko lang kita, ang tahimik mo kasi, para tuloy hindi ikaw yung kasama ko noong first day of classes.” Nakangiting tugon naman nito sa akin.

“Ah. Eh. Kasi...” Wala akong mahugot na salita sa aking bibig na pwede kong idahilan, kaya naglakad na lamang ako ng mabilis papunta sa 7 11.

“Hoy, teka lang, hintayin mo naman ako.” Sabi nito sa akin at binilisan din nito ang paglalakad para ako’y abutan. “Nahihiya ka ba sa akin Lenard?” Tanong nito nang magkasabay nang muli kami ng paglalakad.

“Huh? Bakit naman ako mahihiya sayo?” Hindi ako makatingin sa gawi niya, alam kong nahihiya ako sa aking pinag-gagagawa, pero kailangan kong magkunwaring hindi dahil ayokong pag-isipan nito ng kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.

“Talaga lang huh?” Sabi nito, and there again, his graced smile, ang ngiti na kahit sinong babae o bakla ay talagang mahuhumaling dahil sa dimples nitong lubog na lubog sa kanyang kanang pisngi na talaga namang bumagay sa lalaking-lalaking imahe nito.

“Maiba ako R-Kei, bakit nga pala hindi ka interesado sa acquaintance party?” Pag-iiba ko nalang ng aming usapan.

“Wala naman, pakiramdam ko kasi plastic-an lang mangyayari doon, alam mo naman siguro na ang mga professors natin ay nagpa-plastic-an lang diba? O ako lang ang nakakapansin non?”

“Well, totoo ‘yan, pero hindi naman sila ang ipinunta namin d’on kundi yung mga higher batch, ‘yun lang din kasi ang oras para makasama natin sila dahil na din sobrang bu-busy na nila diba?”

“Yah, true, pero ayoko pa din, buti sana kung mga estudyante lang ang nand’on, ayoko kasi talaga sa mga plastic, parang kapag kasama ko sila, plastic na din ako.”

Totoo naman ang sinabi ni R-Kei, kung makikisama ka sa plastic, you can also consider yourself plastic. Pero iba kasi sa akin, well, for me, I can be the most honest person you can be with, pero pag pinlastic mo ako, I’ll do the same to you. Mutualism kung baga.

Tumawa lang ako ng pagak dito at pumasok na sa 7 11. Ito naman ay nagpaiwan lang sa labas at tawagin nalang daw siya pag magbabayad na. So I did what he told me, kumuha ako ng sampung Nestle Iced Tea at isang plastic ng yelo, naalala ko kasing wala na ding yelo sa apartment kaya naisipan kong kumuha na din at bayaran ito sa kanya pagkauwi.

“R-Kei.” Pagtawag ko dito at agad naman nitong nakuha ang ibig kong sabihin. Pumasok ito sa 7 11 at binayaran ang nakalagay na kung magkano sa cashier. Lumapit naman ako agad dito at akmang kukunin ko na ang mga binili namin.

“Ako na.” Pagpigil nito sa akin.

“Hindi, okay lang, ka...”

“Sabi ko ako na.” Sabi nito’t hinablot sa akin ang plastic ng yelo at ang maliit na plastic ng mga iced tea. Naglakad na ito palabas ng naturang convenience store, ako naman ay wala nang nagawa kundi ang sumunod.

Walang imikan, ‘yan ang nangyari sa amin habang naglalakad pabalik sa apartment. Naging malalim ang aking pag-iisip, at isa lang ang aking nararamdaman, kilig. Dahil na din sa ipinapakita nitong pagka-gentleman sa akin. Kahit pa man hindi nito alam na may gusto ako sa kanya ay nagawa ko pa ding mag-assume na sinasadya nito na maging gentleman sa akin.

“Ang tahimik mo naman yata d’yan?” Pagbasag nito sa katahimikan naming dalawa. “At may pangiti-ngiti ka pa huh.”

Napatingin naman ako sa gawi nito’t nasilayan kong muli ang ngiti nitong talaga namang nakakatunaw kung iyong titingnan.

“Hala, natulala nanaman siya!” Natatawang sambit muli nito.

“H.hindi noh!” Nag-buckle ako sa hindi mawaring dahilan pero ipinagpatuloy ko pa din ang aking sinasabi at bumawi sa sunod kong sinabi na may paninindigan. “Nakakahiya lang kasi sayo, ikaw na nga ang nagbayad tapos ikaw pa ang nagbitbit.”

“Eh ano naman kung ako ang nagbayad? Gusto ko naman na ako ang magbitbit diba?” Nakangiting balik nito sa akin.

Hindi ko alam kung may tama na ba sa akin ang alak na ininum naming o talagang sa tuwing tumitingin ako dito ay napapatulala ako at wari’y nawawala sa sarili.

“Hoy! Nandito na tayo, wag ka nang tumutulala d’yan!” Pagbasag nito sa aking kahiya-hiyang pinag-gagagawa.

Ilang bote pa ang naubos namin, at ang lahat ay bakas na ang tama ng alak sa kani-kanilang sarili. Punong-puno ng tawanan, kulitan at kung ano-anong mapag-usapan ang namagitan sa aming inuman.

Sila Ate Me-an at ang grupo nito’y nakikipagkulitan na din sa amin, hindi naman bakas sa mga ito ang pagkailang sa bawat isa, para kaming isang barkada lamang na nag-iinuman.

“Lasing ka na?” Sa gitna ng tawanan ay bumulong sa akin si R-Kei. Para akong nakiliti, ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nito sa aking tenga kaya agad din akong umiwas na naging dahilan ng aking pagbalikwas na ikinatawa naman ng lahat.

“Hoy Lenard, wag kang malandi d’yan ha! Nakakahiya sa mga kaklase ko!” Natatawang sigaw sa akin ni Ate Me-an. “Lasing ka na ba?”

“H.hindi pa. Parang timang kasi ‘tong si R-Kei, may pabulong-bulong pa!” Medyo pikon kong balik dito, napakagaling kasing mang buking netong ate ko.

“Chill Lenard.” Nakangiting sabi ni R-Kei. “Upo ka nalang ulit dito sa tabi ko oh.” Sabi nito’t tinapik-tapik ang bakanteng pwesto sa tabi niya.

Para akong naging sunod-sunuran sa sinabi ni R-Kei, agad akong umupo sa tabi niya’t sa hindi malamang dahilan ay inakbayan ako nito na talaga namang ikinagulat ko.

“Si Lenard oh, namumula!” Pagpansin naman ni Tristan sa akin na ikinatawa ng lahat.

“Oy, tigilan nyo nga si Lenard, para kayong mga bata.” Pagsaway ni R-Kei sa mga ‘to.

“Sweet naman, knight in shining armor si R-Kei oh!” Banat ni Leban. “Bakit ba kasi ayaw pang aminin ng iba d’yan yung tunay niyang anyo. Halata naman na!”

Ewan ko ba, pero tinamaan ako sa sinabing iyon ni Leban, ako lang naman ata ang may itinatagong kung ano sa aking dibdib. Ang sikretong ayaw ko sanang ilabas dahil ayaw kong mauwi sa iwasan ang nasimulan naming magandang pagkakaibigan ni R-Kei.

“Lenard, ano ka ba talaga?” Prankang tanong sa akin ni Apple.

“GO SIS!!!!” And there goes my sister! Nakakapikon talaga pero dahil sa pagkakaakbay ni R-Kei sa akin ay hindi ko magawang mag-react.

“It’s okay.” Bulong ni R-Kei sa akin. “Don’t worry, nothing will change.”

Sa sinabi nito’y nagkalakas ako ng loob, ikaw ba naman ang sabihan ng taong pinagtataguan mo na nothing wil change, ikaw pa ba ‘tong magpapakipot at itatago mo pa din ba? Diba hindi na? Go na!

“Am a bisexual.” Bahagyang tumahimik ang lahat maliban sa ate ko na tawa lang ng tawa. Abot kamay ko naman ito kaya agad ko itong nabatukan.

“Alam ko naman.” Bulong ulit ni R-Kei sa akin. “You know what guys, let’s just enjoy the night, hindi komportable si Lenard sa ganyang usapan eh.” Baling naman nito sa mga kasama naming nag-iinom.

“Thank you.” Balik-bulong ko dito at agad sumilay sa akin ang mga ngiti sa aking mga labi. Napalingon sa gawi ko si R-Kei at agad ding sumilay sa kanyang labi ang kanyang mga ngiti.

“Ang cheesy n’yo!” Maya-maya’y pagabasag ni Apple sa katahimikang namuo nang aminin ko ang tunay kong sexual preference.

Para akong naalisan ng tinik sa aking dibdib nang aminin ko sa mga ito ang tunay na ako, pero naging malaking pala-isipan pa din sa akin ang sinabi nitong alam daw niya. Pero ipinagkibit-balikat ko nalang ito dahil na din hindi naman nagbago ng pakikitungo sa akin si R-Kei, at mas naging okay pa kami nito.

Ilang araw at linggo pa ang lumipas ay nakukuha nang makipagbiruan at makipagharutan ni R-Kei sa akin, sumasama na din ito sa amin sa mga break time namin na talagang ikinatuwa naman ng mga kabarkada ko.

Lumaki din ang circle of friends ko dahil sa ginawa kong pag-amin, well actually, wala namang nagbago sa pakikitungo ko sa mga ito, pero naging malaking bagay ang pag-amin ko sa mga kaklase ko. Pero ang malaking kaakibat nito ay ang mga issues.

Isa sa mga issues na agad na sumalubong sa akin, or it’s better na sabihin na sa amin. At ang nakakatawa pa dito ay ang mga professor namin ang nagkalat ng issue. Na partner ko daw si R-Kei.

“Issue lang ‘yan Lenard, wag mo kaisipin.” Si R-Kei, siya ang nagpapalakas ng loob ko na harapin ang mga issues na ibinabato sa akin ng mga magagaling kong professors.

Break time naming ngayon at kasalukuyang kumakain sa paborito naming kainan, ang KFC, also known as Kanluran Food Court. Hindi naman sumama sa amin ang mga kabarkada ko sa kadahilanang kailangan daw nilang tapusin ang mga projects na kailangan  na naming ipasa.

“Pero R-Kei, hindi naman kasi ako sanay sa mga issues na ganito.” May bahid na panghihina kong sabi dito.

“Nandito naman ako eh, wag ka na mag-alala. As long as alam natin ang totoo, wag nalang tayong magpaapekto.” Sabi nito habang hinahagod ang aking likod.

“Salamat ah.” Tanging nasabi ko nalang dahil sa ginawa nitong pag-comfort sa akin. Hindi ko kasi akalaing siya pa itong gagawa sa akin ng ganito, alam naman namin na pati siya ay kasangkot sa issue na ‘to. Siguro ay kung sa iba-iba ay iiwasan na ako nito o magagalit. Pasalamat nalang ako’t iba si R-Kei sa kanila.

“Salamat para saan?” Nakangiting tanong na nito sa akin.

“Para sa lahat. For staying by my side lalo na ngayong may issue.” Simpleng tugon ko dito.

“Kaibigan kita Lenard, kaya hindi kita pwedeng pabayaan.” Tugon nito sabay bigay sa akin ng kanyang pinagpalang ngiti. “And besides...”

“Andito lang pala kayo!” Biglang pagsingit ng kung sino na nagpatigil sa kung ano mang gustong sabihin pa ni R-Kei. “Kanina pa namin kayong hinahanap. Tapos na kasi kaming maggawa ng project, so we decided na kumain na din muna at samahan kayo.” Napagtanto naming si Genina pala ito nang lingunin naming, at kasama niya ang mga kabarkada namin.

“Pare, nasabi mo na?” Si Thep naman.

“Hindi pa nga eh, sasabihin ko na sana, kaso bigla kayong dumating.” Tugon dito ni R-Kei sabay bigay ng ngisi.

Si Thep ang bestfriend ni R-Kei, kasama nito sa kalokohan, inuman at kung ano-ano pang mga bagay.

“Ang hina mo naman pare.” Si Thep muli at nagbigay ito ng makahulugang tingin kay R-Kei. Kung titingnan mo ito ay parang nadismaya ang mababasa mo sa kanyang mukha.

“Am ought to say na nga eh, kaso nga dumating kayo. Alis muna kayo para masabi ko.” Nakangiting balik naman ulit nito kay Thep.

Hindi naman na umalis ang mga ito, bagkus ay kumuha pa ng mga upuan at tumabi na sa amin. Iniwan ang kanilang gamit at pansamantalang umalis para um-order ng kanilang pagkain.

“Ano ‘yung pinaguusapan ninyo ni Thep?” Takang tanong ko dito.

“Ahh. ‘Yon? Malalaman mo din ‘yon when the right time comes.” Tugon naman ni R-Kei sa akin. “Tuloy nalang natin ‘tong kinakain natin.” Sabi pa nito’t nilantakan nang muli ang kanyang kinakain.

Nagtataka man ay sinunod ko nalang din ang payo nito at ibinalik ko na ang aking sarili sa pagkain. Ilang sandali lamang ay bumalik na din ang kolokoy naming mga kaibigan at umupo na ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan.

Nang matapos kaming kumain ni R-Kei ay lumabas kami sa naturang kainan para manigarilyo, though hindi naman naninigarilyo si R-Kei, or is it much better to say na itinigil na nito ang paninigarilyo bago pa man siya magcollege, pero sinamahan pa din ako nito.

“Basta ‘yung advice ko sayo, sundin mo ‘yon, dahil wala namang maitutulong ang mga issue sa pag-aaral mo, kaya ignorahin mo nalang ito.” Maya-maya’y sabi nito habang ako ay nakatingin lamang sa kanya at naninigarilyo.

“Opo sir. Susundin ko po.” Pagbibiro ko dito. Napaka seryoso kasi kung magsalita netong isang ‘to pero pag naman kasama niya ang mga tunay niyang barkada ay lumalabas din ang kakulitan.

Maybe he’s taking me seriously? Biglang sabi ng aking malikot na utak na talaga namang nagbigay sa akin ng kakaibang ngiti. Ewan ko ba, alam ko namang imposibleng maging kami ni R-Kei, pero dahil na din sa kalikutan ng aking utak ay hindi ko mapigilang hindi mag-isip ng kung ano-ano tungkol dito.

“Hala, naisip mo nanaman ako noh? Pangiti-ngiti ka pa d’yan!” Mahanging sabi nito.

“Excuse me R-Kei, hindi noh. Asa ka pang mapasagi ka sa utak ko.” Pikon-pikunan kong tugon dito.

“Nako Lenard, if I know, lagi akong napapasagi d’yan sa utak mo.” Pagbibiro pa nito sa akin.

“Kung ikaw lang din naman ang maiisip ko, ay mabuti pang mamatay nalang ako.” Sabi ko dito at akmang tatalikod na sana ako pero maagap ang mga kamay nito’t agad niya akong nahila pabalik sa pagkakaharap sa kanya.

“Eto naman, hindi na mabiro.” At eto naman ang nagtampu-tampuhan, may pa-pout-pout pa ng labi, hindi naman bagay sa kanya.

Ganyan siya palagi sa akin, ang mga simpleng kulitan ay nauuwi sa pikunan, kapag naman ako na ang napikon ay nagpa-pout ito ng labi na animo’y nagpapaawa. Kaya naman hindi ko masisi ang mga professor minsan pag ini-issue kami dahil sa mga ganitong padali niya, para kasing ang dating ay mag-partners kami kahit naman hindi.

Ito din ang nagiging dahilan ng pagtawa ko kapag napipikon ako, ang pangit talaga kasi niyang tingnan kapag ginagawa niya iyon. Parang nababawasan ang pagkalalake nito. Pero kahit pa man ganon ay hindi pa din ito nagiging hadlang para siya ay magustuhan ko ng tuluyan. Ke-galing kasing mang amo!

Agad na din akong napangiti sa ginawa nitong kakulitan, at parehas nalang kaming nagtawanan sa mga ka-corny-han naming dalawa.

“Ang sweet nyo talaga, ‘yan na ang mga langgam oh!” Biglang singit ni Genina. “Kaya kayo na-i-issue eh! Pati ba naman dito sa labas ng school ay ganyan pa din kayo magkulitan!” Sabi pa nito sa mataray nitong boses.

Well, mataray naman talaga si Genina, at sa pagtataray nito, minsan ay hindi na nito naiisip na wala siya sa lugar para magtaray. Kaya nga madaming galit dito. Pero kahit na ganun pa man ay hindi naming magawang magalit kay Genina dahil na din alam naman namin ang ugali nito. Minsan lang talaga ay na-mi-missunderstood siya ng mga tao.

“Wala na kaming pakialam d’on, ang mahalaga, okay kami. At wala ng makakatalo pa don.” Again, what R-Kei said shooked me. Para kasing kung titingnan mo ang estado ng naming dalawa ay masasabi mong partners talaga kami.

“Eh di kayo na! Hmpft, makaalis na nga! Pati ako nilalanggam sa ka-cheesy-han nyo!” Sabi ni Genina sabay alis sa tapat namin ni R-Kei.

“I could stay awake, just to hear you breathing.”

Breaktime, at wala akong magawa, nasa classroom lamang kami ni R-Kei ng susunod naming klase. Hindi ko alam pero wala kaming mapagusapang matino ni R-Kei, kaya nagsuhestiyon itong kumanta nalang ako. Noong una ay ayaw ko dahil hindi naman talaga ako kumakanta, dalawang kanta lang ang alam ko at saulo ko, iyon ay ang “I Dont Want to Miss a Thing”.

“Tang ina Lenard, simula palang, ang ganda na!” Komento ni R-Kei na nagpatigil sa akin sa pagkanta. “Sige lang, tuloy mo, ang ganda kaya.”

“Ewan ko sayo, nahiya na ko!” Tampu-tampuhan ko dito, para kasing napakaeksahirada kasi ng pagkakasabi nito kaya naisip kong sarcastic siya sa sinasabi niya.

“Hala, nagtampo nanaman siya.” Sabi nito and again, nagpout nanaman siya ng kanyang labi. “Wag na magtampo Lenard. Sige ka, hindi ka na cute n’yan.” Sabi pa nito.

“Ewan ko sayo!”

“Sige, practice ka muna d’yan, punta lang ako saglit sa CR.”

“Bahala ka!”

Umalis ito sa classroom na inokupa namin para daw mag-CR siya, hindi ko din naman alam kung anong pumasok sa kokote ko, pero parang gusto kong maplease ang pandinig ni R-Kei, kaya nagpraktis ako ng nagpraktis habang wala pa ito sa kinaroroonan ko.

“I could stay awake, just to hear you breathing! Watch you smile while you are sleeping, while you’re far away and dreaming. I could spend my life, in this sweet surrender! I could stay lost in this moment, forever! And every moment spent with you is a moment I treasure!”

“I don’t wanna close my eyes! I don’t want to fall a sleep, ‘coz I miss you babe, and I don’t want to miss a thing! It’s even when I dream of you, the sweetest thing will never do, ‘coz I miss you babe, and I don’t want to miss a thing!”

Clap*Clap*Clap*Clap at madami pang Clap!

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment