by: Eusethadeus
“Akin ka lang, Lenard. Akin ka lang!”
Parang nasapian ng demonyong asik ni Echo.
Hawak-hawak nito ang aking magkabilang
braso habang mapusok na ipinagduduldulan
niya ang kanyang sarili sa aking mukha. Parang hayok na hayok ito sa laman at
alam kong nilamon na ito ng kanyang katinuan. Hindi ko mapigilang mapasigaw at
magpumiglas dahil sa sakit na nararamdaman.
“Echo, tigilan mo na ako! Utang na
loob. I just made a choice para sa ating dalawa.” Nagmamakaawa kong balik dito.
Tumawa itong parang demonyo at saka
nagsalita. “You made a choice without consulting me, Lenard! Hindi mo ako
binigyan ng pagkakataong magbago o magpaliwanag man lang!! I deserve a second
chance! But you did not give it to me! You made a choice on your own! Alam mong
nasa relasyon tayo, pero hindi mo ipinaramdaman sakin ‘yon!”
“Binigyan kita ng pagkakataon, Echo.
But you just messed it up!” Hindi ko na napigilan ang magpakawala ng luha dahil
sa sakit at sa muling pagpapaalala sa akin ng mga bagay na kinalimutan ko na
dahil na rin kay R-Kei.
Parang hindi ako nito narinig, bagkus
ay ginawaran ako nito ng mapupusok at madidiin na halik sa aking labi at sa
aking leeg.
“If I can’t have you, no one has the
right to own you!” Maya-maya’y sabi nito’t ipinagpatuloy ang kaninang mapupusok
na halik nito.
Napakahigpit ng pagkakahawak ni Echo
sa aking magkabilang braso, dahil din dito ay hindi ko magawang makawala sa
kanya. Ilang paghalik pa’y naramdaman kong parang umaangat ako sa lapag at
naramdaman ko nalang na inihagis ako ni Echo sa mahabang upuan sa sala.
Lumapit ito sa akin at marahas na
pinunit ang aking damit. From this moment, alam kong rape na ang ginagawa nito
sa akin. Tinadyakan ko siya sa kanyang sikmura pero hindi nito inalintana ang
lakas ng aking pagkakasipa. Napaurong lamang ito ng kaunti’t bumalik nanaman sa
kanyang ginagawa, hanggang sa wala na akong saplot na natira kundi ang aking
pangloob na salwal.
Muli nanamang inangkin ni Echo ang
aking labi, pilit niyang ipinapasok ang kanyang dila sa aking bibig, ngunit
hindi ko ito hinayaan. May tatlong beses din nito akong sinampal dahil ayaw
kong bumigay sa kanyang gusto pero naging dahilan lamang ito ng lalo kong
pagsuway sa kanyang mga mithiing gawin sa akin.
“Ayaw mo ha!” Sabi pa nito’t ang pinagtuunan
naman ng pansin ay ang aking leeg.
Mapusok, masakit at walang romansa.
Ganyan ang paraan ni Echo ng inaakala niyang makakapagpaligaya sa akin. Ngunit
nagkamali ito dahil imbis na ito’y ikasarap ko’y lalo ko lang naramdaman ang
hinanakit at mga lalo din lamang nagpuyos ang aking galit sa kanya.
Patuloy pa ring umaagos ang mga luhang
kumakawala sa aking mata. Hindi ko na maitago ang sakit sa aking mukha, at
hindi ko rin akalaing sa unang pagkakataon ay magagawa akong bastusin ng ganito
ng isa sa mga taong pinahalagahan ko noon. Ilang hikbi at pagsaway pa ang
ginawa ko rito ngunit hindi talaga ito nagpapatinag sa kamunduhan na kanyang
ginagawa sa akin. Dahil sa lakas rin nito’y hindi ko magawang kumawala sa
kanyang katawang ngayon ay nakapatong na sa akin.
“Ano Lenard? Sabihin mo? Sinong mas
masarap sa amin n’yang R-Kei mo! Putang ina, sabihin mo!” Parang demonyo pa
ring sabi nito sa akin.
Nang siya siguro’y nagsawa na sa aking
leeg ay mabilis niyang hinubad ang kanyang damit gamit ang isang kamay at ang
isa nama’y nakatuon sa aking dibdib. Naging pagkakataon para sa akin ito na
maitulak siya papalayo sa akin at nagtagumpay naman ako. Nang maitulak ko ito’y
nagtatakbo ako papunta sa aking kwarto para kuhanin ang aking cellphone.
Nang marating ko ang aking kwarto ay
akmang isasarado ko na sana ang pintuan ngunit maagap akong napigilan ni Echo.
Marahas niyang itinulak ang pintuan at saka ako ibinalibag sa kama. I’m cornered,
alam kong wala na akong kawala ngayon sa kanya.
Habang papalapit ito ng papalapit sa
akin ay siya rin namang pagkapa ko ng aking cellphone sa kama. Kitang-kita ko
ang dati kong minamahal, ibang-iba na ang hitsura nito. Ang dati’y maamong
mukha nito’y hindi ko na maaninag. Para siyang sinapian ng kung sinong demonyo
sa kanyang hitsura. Nakangiti itong animo’y asong ulol na handang-handa ka nang
kagatin anong oras man nito gustuhin.
“Hindi mo na ko matatakasan ngayon,
Lenard. Akin ka lang!” And again, that terrifying voice made me feel scared.
Nagpumiglas pa ako at sinubukang
muling makawala sa kanya, pero sadyang malakas ito ng di hamak sa akin kaya’t
wala rin akong nagawa. Agad akong nagpipindot sa aking CP at umaasang kahit
papaano ay may matawagan sana at makahingi ng tulong. Hindi ko man kita ito
dahil pilit ko paring itinatago ito kay Echo ay gumawa nalang ako ng paraan na
kahit na sino ay matawagan ko.
“You can have my body, Echo. Pero
hindi mo na ulit mahahawakan ang puso ko.” Sambit ko rito nang wala na talaga
akong magawa at alam kong wala na akong laban sa demonyong sumanib sa dati kong
minahal at hinangaan.
Walang kibo-kibo akong nagpaubaya
nalamang kay Echo, wala na akong lakas para lumaban pa. Kitang-kita ko ang mga
pambababoy na ginawa sa akin nito habang ang aking mga luha’y patuloy pa rin ng
pagbagsak sa aking mga pisngi. Wala na akong ibang maisip at magawa. Unti-unti
ko nalang naramdaman ang pagbagsak ng katawan ni Echo sa aking katawan at siya
rin namang pagbagsak ng huli kong luha at ako’y nawalan na ng malay.
R-Kei
Bakit ba hindi mo sinasagot tawag ko?
Piping sambit ko sa aking isipan.
Kanina ko pa sinusubukang tawagan ang
cellphone ni Lenard, ngunit nakapatay ito. Sinubukan ko siyang puntahan sa
apartment niya pero sabi ni Ate Nyebes ay nakapasok na daw ito dahil umalis
itong naka-uniporme. Pero ang ipinagtataka ko’y bakit hindi man lang ako nito
nakuhang i-text na maaga siyang papasok.
Sinubukan ko siyang puntahan kina Kuya
Mack pero wala siya rito. Pangalawang subject na ngunit wala pa ring text mula
sa mga kaklase namin kung pumasok ba ito o hindi. Sinubukan ko rin siyang
hanapin sa mga madalas naming puntahan. Kahit mga liblib na inuman dito sa
lugar namin ay pinuntahan ko na ngunit walang bakas ni Lenard ang nakita ko,
kahit anino pa nito.
Naghalo-halo na ang aking
nararamdaman. Inis dahil sa kanina ko pang tinawagan ito ng tinawagan ay hindi
ko makontak ang cellphone nito. Galit dahil na rin sa hindi pagpapaalam sa akin
nito na may pupuntahan pala siya. At kaba dahil wala ring kaalam-alam ang mga
taong malalapit rito sa whereabouts ni Lenard.
Nang ako’y mapagod na kakahanap ay
napagpasyahan ko nang pumunta sa classroom namin para sa susunod naming
subject, hindi para um-attend kundi para makibalita sa mga kaklase namin kung may
nai-text na ba si Lenard sa mga ito.
Nang marating ko ang classroom ay siya
rin namang sulputan ng aking mga kasamahan sa banda.
“Pare, hindi ba nag-te-text sa inyo si
Lenard?” Bungad ko sa mga ito.
Mg ailing lamang ang natamo kong sagot
mula sa mga ito, ngunit may iba akong nararamdaman, parang may hindi tama.
Parang may itinatago sa akin ang mga ito kaya’t agad ko silang kinompronta.
“Wala namang gaguhan, pare. Alam kong
may alam kayo kung nasaan si Lenard, kaya sabihin n’yo na! Pucha naman oh! ‘wag
nyo akong tripin!” Nasabi ko na sa mga ito dahil na rin sa pagkabalisa.
“Pare, wala kaming alam. Hintayin mo
nalang si Genina.” Nasabi naman sa akin ni Tristan.
Binigyan ko ang mga ito ng nagtatakang
tingin, from this point, alam kong may hindi na magandang nangyari kaya lalo
lamang bumilis ang tibok ng aking puso dahil na rin sa ibayong kabang
ipinapabatid ng pagkakataon.
Nang sa wakas ay dumating na si Genina
ay agad ko itong nilapitan. Lalo lamang bumigat ang aking pakiramdam dahil na
rin wala sa hitsura ni Genina ngayon ang masayahin nitong aura, hindi katulad
sa tuwing papasok ito sa bawat subject namin sa araw. Lalo lamang nitong
pinagtibay ang aking nasa isip na may nangyari nga talagang masama.
“N’asan si Lenard?” Basag ko sa
pananahimik nito nang makaupo ito sa isang bakanteng upuan sa classroom.
“H.hin...”
“’wag mong sabihin sa’kin na hindi mo
alam, Genina. Na’san nga si Lenard?” Me raising up my voice to her dahil alam
kong hindi magsasabi ng totoo ito, at ito ang paraan ko kung papaano ko
makukuha ang gusto ko rito.
“H’wag mo akong sigawan, R-Kei! Hindi
ko alam kung nasaan si Lenard, basta ang sabi lang nito sa’kin ay papasok daw
siya sa last subject natin!” Iritadong sambit naman nito sa akin. “Alam kong
may hindi magandang nangyari sa bestfriend ko! Kaya huwag ka na munang sumawsaw
R-Kei! ‘wag mo ka nang dumagdag pa!” Bulyaw pa nito sa akin.
Napatanga nalang ako sa sinabi ni
Genina, alam kong tama ito. Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi ako
ang sinabihan nito eh ako ang boyfriend niya.
Bakit hindi mo sa’kin sinabi? Ano bang
nangyari? Maayos naman tayong naghiwalay kagabi ah? Bakit biglang magulo
ngayon? Mga katanungan sa aking isipang gusto kong iisan-tinig kay Lenard
Nabasag lamang ang aking pag-iisip
nang biglang dumating ang aming prof.
“Good morning class, where is your
class president?” Bungad ni Mrs. Trinidad sa amin.
“Ma’am, may pinagdadaanan.” Pabirong
sagot naman dito ni Caree. “May ibang nakadale yata kagabi kaya hindi masabi sa
boyfriend n’ya na mas masarap yung kagabi!” Patuloy pa nitong tinawanan naman
ng iba naming kaklase.
“H’wag na h’wag kang magsasalita ng
katarantaduhang hindi mo naman nalalaman!” Inis kong asik dito, hindi alintana
na nasa harap lamang namin ang professor namin.
“Bakit R-Kei? Pa’no ka nga ba sa
kama?” Nang-aasar pa nitong turan.
“Aba’t gago ‘to a!” Sabi ko naman at
akmang lalapitan ko na ‘to para sapakin ng mabilis akong mapigilan ni Genina.
“Mr. Cojuangco, Mr. Sy! Stop fighting
inside my class, kung gusto n’yong mag-away, sabihin n’yo lang para madala ko
kayo sa SAO!”
“He started it ma’am! I was just
joking!” Agad na depensa naman ni Caree.
“Your joke is too personal, Mr. Sy.”
Saway naman ulit dito ni Mrs. Trinidad.
Pinaupo akong muli ni Genina para
siguro pakalmahin, pero nagpupuyos na galit na ang aking nararamdaman. Galit sa
aking sarili dahil hinayaan kong patulan ko ang gagong si Caree sa kanyang mga
biro.
Eh bakit ka nga ba kasi nagagalit? Low
performance ka nga ba sa kama? Pampipikon pa sa akin ng aking maligalig na
utak.
Nang humupa na ang tensyon ay agad na
ring nagsimula si Mrs. Trinidad ng aming klase.
“Look oh, nag-iisa siya. Nakakaawa
naman, let’s tell him the truth na guys.” Narinig kong sabi ng isa sa mga
kabarkada ni Caree.
Kasalukuyan akong nasa canteen at
kumakain mag-isa, nakaramdam na rin kasi ako ng gutom dahil hindi ko namalayan
ito kanina nang busy ako paghahanap kay Lenard.
“Anong totoo?” Baling ko sa mga ito.
“Ah. Eh, kasi R-Kei...” Nabubulol na
sabi naman ng kaninang nagsasalita.
“Ano nga?!” Galit ko nang balik dito
na sinamahan ko pa ng paghampas sa lamesa kung nasaan ang aking mga pagkain.
“Eh kasi, yung boyfriend mo lang
naman, may bisita kagabi!” Mabilis na turan naman ni Caree.
“Bisita? Hoy Caree, kung maggagawa ka
lang ng kwento, ‘wag mo nang ituloy! Kaming dalawa lang ang magkasama kagabi!
Inihatid ko siya sa kanila!”
“Alam namin. Pero just a minute after mong makaalis sa
apartment nila Lenard, may pumasok naman na isa pang lalaki!” Agad namang balik nito sa akin. “Look R-Kei,
kung hindi ka maniniwala sa’min, it’s your choice. Sinasabi lang namin sayo ang
totoo. Bakla rin ako R-Kei, tingin mo ba, pag may pumasok sa bahay ko na gwapo
at isasarado kaagad ang pintuan ko, maglalaro lang kami ng scrabble sa bahay?”
Sabi pa nito na naging dahilan ng panlalaki ng mata ko. “Let’s go girls! Baka
masigawan nanaman tayo dito!” Baling naman nito sa kanyang mga kaibigan.
Para akong binuhusan ng napakalamig na
tubig dahil sa mga sinabi ni Caree. Pano nga kaya kung totoo ang sinabi nito sa
akin? Hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Lenard kung saka-sakaling totoo
man ang sinabi nito sa akin. Hindi ko matatanggap sa sarili ko ang pinupunto
nitong nangangaliwa si Lenard sa akin.
I need to know the truth! Piping
sambit ko naman sa aking isipan.
Agad kong tinapos ang aking pagkain at
tinungo ang classroom ng huling klase namin sa araw na ito. Kagaya ng sinabi ni
Genina ay nan’doon na nga si Lenard. Pero tahimik lang itong nag-iisa sa isang
tabi ng classroom at nakatingin sa malayo. Gusto ko siyang salubungin ng maayos
at yakapin kahit pa man pinag-alala ako ng husto nito, pero nang sumagi ulit sa
aking isipan ang mga sinabi kani-kanina lamang ni Caree ay napalitan ang
pananabik ng hindi ko maintindihang pakiramdam. Selos? Siguro.
Agad kong nilapitan ito at tumabi sa
kanyang pagkakaupo. Hindi ko ito kinibo, bagkus ay nakipagpakiramdaman lamang
ako dito, gusto kong ito ang maunang magsalita sa akin at sa kanya ko mismo
marinig ang mga sinabi sa akin nila Caree.
“I need space.” Mahina man ang
pagkakasabi nito pero naging sapat naman ‘yon para marinig ko.
“Bakit?”
“Dahil kailangan ko ‘to R-Kei.” Hindi
ito makatingin sa akin ng diretso.
“Bakit mo nga kailangan?” Wala pa ring
emosyon kong tugon dito. “Dahil ba mas magaling siya kesa sa’kin?”
Tumingin ito sa gawi ko, kunot ang noo
nito’t parang tinatanong ako kung paano ko nalaman, kaya’t hindi pa man ito
nakakasagot ay agad na rin akong nagsalita.
“Silence means yes, right? So, be it!”
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at lumabas na ang hindi inaasahang mga
salita mula sa akin.
Nakita ko pang tumulo ang luha ni
Lenard sa harap ko’t agad itong nagtatakbo papalabas ng classroom namin. Nang
makita ito ng aking mga kabarkada ay agad nila itong sinundan. Nakita ko namang
papalapit sa gawi ko si Genina.
“Dapat pinakinggan mo muna siya bago
mo siya hinusgahan! Ang kitid mo R-Kei!” Sabi nito saka niya sinundan ang
kanyang kaibigan.
The hell? Dapat pa bang pakinggan ang
mga gan’ong tao? Pucha! Ako na nga ‘tong niloko! Ako pa ‘tong kailangang
makinig! Ano ko, tanga? Mga ulol! Sige, d’yan kayo, kaya kong humanap ng mga
kaibigang mas totoo pa sa inyo! Mga gago! Mga salitang namayagpag sa aking
isipan.
Aaminin kong nasaktan ako sa
sunod-sunod na nangyari ngayong araw na ito, hindi ko mai-compose sa sarili ko
kung paano ko tatanggapin ang mga bagay-bagay. Isa lang ang naisip kong paraan
para panandaliang takasan ito, at iyon ay ang pairalin ang pagiging manhid na
matagal ko nang kinalimutan dahil na kay Lenard.
Hindi ko akalaing kayang gawin sa akin
ni Lenard ang lokohin ako, sa kabila ng pagiging totoo ko sa kanya. Knowing na
ngayon lang ako pumatol sa katulad n’ya! Ibinigay ko sa kanya lahat! Pero ito
pa ang igaganti n’ya sa akin!
This will be the first and the last
time na sasaktan ako ng katulad mo, Lenard! Tandaan mo ‘yan! Nagngingit-ngit sa
galit kong sabi sa aking isipan.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment