by: Eusethadeus
Hanggang ke'lan ka ba magiging ganiyan
Renz Kristof? Untag sa akin ng aking utak.
May tatlong araw na rin ang
nakakalipas nang malaman ko sa pamamagitan ng pananahimik ni Lenard ang
katotohanang niloko lamang ako nito. Masakit para sa akin ang aking nalaman. Sa
tatlong araw na lumipas ay wala akong ginawa kung hindi ang mag-inom. Aalis ako
sa bahay ng naka uniporme pero didiretso sa mga tagong bar na malapit sa aming
unibersidad.
Oo, gabi-gabi akong umiiyak dahil sa
katangahan ko at sa pananakit sa akin ng taong pinaglaanan ko ng lahat sa mga
nakalipas na araw at linggo. Akala ko kasi ay siya na, akala ko ay maibibigay
niya sa akin ang hinahanap kong pagmamahal noon pa man. Pero nagkamali ako sa
pagpili ko sa kanya, dahil wala siyang pinag-iba sa mga babaeng minahal ko
noon, katawan ko lang ang habol nila.
“Hanggang makalimutan ko siya.” Dahil
na rin sa sakit na aking nararamdaman ay hindi ko naiwasang naisantinig.
“May problema po ba, sir?” Out of the
blue na pagkausap sa akin ng isa sa mga tagapangasiwa ng bar na iyon.
“Tingin mo?” Maangas ko namang balik
dito.
“Sabi ko nga po itutuloy ko nalang ang
ginagawa ko, eh.” Balik naman nito sa akin na animo'y natakot sa kung anong
kaangasan kong ipinakita rito.
Nasa ganoong lagay kami nang marinig
ko ang isang grupo ng kalalakihan na papasok sa naturang bar.
“Hey, guys, si Renz 'yon diba?” Nang
siguro'y magawi sa akin ang tingin sa isa sa mga 'to.
Pilit ko pang inaarok sa aking isipan
kung sino-sino nga ba ang mga ito, nakita ko pang papalapit na sa kinaroroonan
ko ang mga ito at nang mamukaan ko ang isa sa kanila ay doon na ako nagsimulang
kabahan.
“Hey little brother, bakit ka
nandito?” Si Kuya Rick, ang panganay kong kapatid.
Hindi pa man ako nagkakapagsalita ay
agad nang nagsalita ang isa sa mga kasama nito.
“Malamang katulad mo, may problema sa
puso.” Sabi ni Kuya Lei, ang barkada at bestfriend ni Kuya Rick.
Agad na nagtawanan si Kuya Lei at ang
isa pa nilang kasama na kung hindi ako nagkakamali ay si Kuya France. Kita ko
namang napakunot ang noo ng aking Kuya at agad na umupo sa bakanteng upuan sa
aking kaliwa.
“Don't worry little bro, tutulungan
kita d'yan sa problema mo.” I can hear sincerity and seriousness in his voice.
Nakaramdam naman ako ng comfort sa sinabi nito't parang gusto ko nang sabihin
sa kanya ang aking problema pero pinigilan ko pa rin ang aking sarili dahil na
rin alam kong hindi maiintindihan ng mga ito ang pinagdadaanan ko.
Ang mga ito kasi ay kilala sa school
namin noong highschool na kilabot ng mga babae, at mga galit sa mga bading,
kaya't I better shut my mouth dahil alam kong hindi ko kakayanin ang mga
pwedeng sabihin ng mga ito sa akin pag nalaman nila kung ano ba talaga ako.
Agad na um-order sila Kuya ng
kani-kanilang inumin, akala ko ay kukulitin pa ako ng mga ito tungkol sa aking
problema, pero nagkamali ako, dahil din sa kanila ay pansamantala kong
nakakalimutan ang aking problema dahil sa kulit na ipinapabatid sa akin ng mga
ito.
Nakakailang rounds na kami nang
biglang naging seryoso ang aming usapan.
“So, Renz, ano bang problema mo at
hindi ka pumapasok ngayong mga nakaraan?” Si Kuya Rick.
“Ah, eh, wala naman kuya, okay lang
ako.” Pagsisinungaling ko dito akala ko ay uubra.
“Nah, kung hindi kita kilala, siguro
maniniwala ako sayo.” Nakangising balik nito sa akin.
“Kasi nga pare, sa puso ang problema
n'yang kapatid mo, tingnan mo oh, katulad na katulad mo siya.” Nakangisi rin
namang pagsingit ng isa niyang kasama na si Kuya Lei.
“So who's the lucky girl, Toff?”
Singit din ng isa pa na si Kuya France.
Lalo lang akong nakaramdam ng kaba
dahil sa mga tingin nila sa akin, mga tinging akala mo'y excited malaman kung
sino mang BABAE ang naging dahilan ng pagiging ganito ko.
“Wala na nga eh, lucky pa.” Sa halip
na sagutin ay yumuko nalang ako't itinuran ang mga katagang 'yon.
“Ano bang nangyari?” Seryosong balik
naman sa akin ni Kuya Rick, as if he's comforting me na talaga namang
nagbibigay sa akin ng lakas ng loob.
Kuya Rick has never been so supportive
to me since the very start, dahil na rin siguro sa sobrang layo ng agwat ng
edad namin kaya ganoon nalang siguro ang pakiramdam ko sa kanya, Kuya Rick is 6
years older than me, I'm on my 17th year, while he's on his 23rd na.
Sa bahay, since laging wala si Daddy,
lagi siyang nasusunod, and make us feel ang authority niya pagdating sa mga
bagay-bagay. Kaya ang ganitong klaseng usapan sa pagitan naming dalawa ay
napaka-unusual and nakakapanibago.
“Sige Kuya, ganito nalang, I'll ask
you questions, then answer me if tama ba 'yung ginawa ko?”
Agad namang tumango ang mga ito kaya
sinimulan ko na ang pagtatanong.
“Halimbawa nasa isang relasyon kayo,
tapos nalaman ninyo na may nakaKAMAng iba 'yung mga girlfriend n'yo? Would you
rather hear her explanations than showing her what you really feel? O iiwan nyo
nalang siya basta-basta?” With that fact, hindi ko maiwasang maalala kung ano
ba ang sinabi sa akin ni Caree, kaya't hindi ko rin naiwasan ang muling
pagpatak ng aking mga luha.
“Na-confirm mo ba?” Instead of
answering my question, 'yan ang ibinalik na tanong sa akin ni Kuya Rick.
“Tumahimik nalang siya nung tinanong
ko s'ya.” Nangingiyak ko pa ring tugon dito, as if nagsusumbong ako sa kanya.
“Pero nagpaliwanag ba s'ya sayo?”
Seryosong tanong naman ni Kuya Lei sa akin.
“Hindi.” Nakayuko't humihikbi ko pa
ring balik dito.
“Hindi? Hindi kasi ayaw niya? O hindi
kasi hindi mo na hinayaang magpaliwanag siya?” Si Kuya France naman.
Ayoko ng ganitong feeling, 'yung
tipong parang ini-interrogate ako ng aking mga kasama, pero wala na akong
magawa dahil parang nahulog na ako sa patibong na ako mismo ang gumawa. I just
caught myself telling them all. Ikinwento ko sa kanila ang lahat pati na rin
ang tungkol kay Lenard.
Nang matapos ko ang aking salaysay ay
walang panghuhusga akong nakita mula sa kanila, kahit kay Kuya Rick. Na animo'y
natuwa pa ito sa mga narinig sa akin. Nakangiti itong nakinig sa bawat sinabi
ko.
“Alam mo kasi, Renz, not all silence
means yes, although that's the golden rule. Pero kung lagi kang magiging
masunurin sa golden rule na 'yan, nako. Matutulad ka lang sa akin.” Si Kuya
Rick.
“TAMA!” Nagkakaisang komento naman ni
Kuya Lei at Kuya France.
“At, Renz, kung lagi kang mag-aalala
sa kung ano mang sasabihin ng ibang tao d'yan, lalo ka lang matutulad sa Kuya
mo.” May lamang sabi ni Kuya France.
Nagtataka man ay nakinig nalang din
ako sa kanilang mga sinasabi.
“Dapat kasi hindi ka masyadong
nagpapaniwala sa mga tao sa paligid mo, kahit samin.” Nakangising sabi naman ni
Kuya Lei, halata mo sa kanyang iniiba ang ambiance sa aming pag-uusap.
“Seriously, Lenard I think is a good guy, nakikita ko siya sa school na lagi
mong kasama, and I can see happiness in both of you. Actually, alam ko na noon
pa man na kayo nung Lenard na 'yon, remember, prof ako ng med tech. Kaya maliit
lang ang mundo natin Renz. I know Lenard has good reason kung bakit niya nagawa
'yon sayo. Ang dapat mo lang gawin ay makinig, katulad ng pakikinig mo sa
amin.”
“Maraming tao d'yan, mga gustong
mahalin ng iba, pero ayaw sila pagbigyan kasi hindi pa maka-move-on doon sa
dati nila. Gusto mo bang mangyari 'yon sayo? Or sa kanya, Renz? Hindi sa lahat
ng oras ay kailangang pairalin ang pride, at hindi rin sa lahat ng oras ay
kailangang magmukmok. Sabi nga ni Lei, mabait si Lenard, kaya kung ako sayo,
pupuntahan ko s'ya at magso-sorry.” Si Kuya Rick.
“Pano kung huli na pala ang lahat,
Kuya?”
“It is never too late unless ikaw na
mismo ang sumuko. Walang salitang late sa taong nagmamahal. Lalo na sa taong
gustong makipagbalikan.” Seryosong sabi nito, pero napalitan ng ngisi nang
dinugtong niya ang mga katagang: “Meron nga d'yan, 7 years nagkahiwalay, pero
sa huli, sila pa ring dalawa.”
“R-Kei, bukas na tayo ulit tutugtog,
ano, go ka ba?” Yan ang text sa akin ni Thep na nabungaran ko nang gumising ako
kaninang umaga.
Hindi ko ito sinagot dahil na rin sa
kalituhan ng isip, hindi ko alam kung dapat pa ba akong sumama sa kanila gayong
nasaktan ko na ang isa sa mga taong pinahalagahan ko at alam kong pinahalagahan
din ako, si Lenard.
Naging masaya na ang inuman namin
kagabi nila Kuya Rick, hindi na muling nabaling pa ang usapan tungkol sa
problema ko dahil na rin sa kakulitan ni Kuya Lei at Kuya France, pero hindi ko
man sabihin sa kanila ay malaki ang pasasalamat ko sa kanilang tatlo dahil na
rin sa tulong na ibinigay nila sa akin.
Nabuo sa isip ko na kailangan ko nang
kausapin si Lenard sa lalong madaling panahon, dahil na rin sa mga riyalisasyon
ko kagabi ay napagtanto ko na hindi ko pala kayang mawala ng tuluyan sa akin si
Lenard.
Pero pa'no? Agad na tanong na
pumapasok sa aking isipan sa tuwing maiisip ko na kailangan ko nang kausapin si
Lenard.
Maaga pa lang ay naligo na ako at
nagluto ng umagahan sana namin ni Lenard pagpunta ko mamaya at pagsundo sa
kanya. Niluto ko ang paburito niyang tocino at nag sangag ako ng kanin. Time
check: 5:30 am, may 30 minutes pa ako para sa oras ng nakasanayan naming
pagkikita ni Lenard noon, pero umalis na kaagad ako sa aming bahay para kung
saka-sakali mang paalis pala ito ng maaga ay masabayan ko ito.
Disidido na ako, hindi ko man ma-win
back si Lenard ay mapakinggan ko man lang ang kanyang paliwanag kung bakit niya
nagawa sa akin ang bagay na 'yon.
Kasalukuyan na akong nasa 7 11 sa
tapat ng school namin nang bigla akong makaramdam na dina-daga ako. Parang
ayoko nang tumuloy, kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Lenard pag nakita
niya ako At baka ipagtabuyan ako nito.
Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa
naturang lugar bago ko pa napalakas ang loob ko at tumalima na sa daan patungo
sa apartment ni Lenard. Nang marating ko ang gate ay agad akong nag-door bell.
Agad ko rin namang nakita si Ate Nyebes na papalapit sa gate para buksan ito.
Siguro ay dahil sa pagkagulat ay
nanlaki ang mata ni Ate Nyebes nang makita ako nito, gayun pa man ay pinapasok
pa rin ako nito at malugod na tinanggap sa apartment nila. Tulog pa raw si
Lenard at masama ang pakiramdam.
Napagalaman ko rin mula rito na
pangalawang araw na ngayon na nagsasakit-sakitan si Lenard. (oo,
nagsasakit-sakitan lang daw ito ayon na rin kay Ate Nyebes dahil daw ayaw lang
nitong pumasok, ang dahilan? Hindi daw nila alam.) Kahit daw ang Ate Me-an nito
ay hindi malaman kung anong gagawin sa kapatid dahil ngayon lang daw nila ito
nakitang ganito.
Nagpasya akong ako na mismo ang
pupunta at gigising kay Lenard na agad namang sinang-ayunan ni Ate Nyebes dahil
na rin sa katotohanang hindi nila ito mapakiusapan. Agad ko nang tinungo ang
kwarto nito at kumatok, pero hindi nito sinagot ang aking pagkatok kaya
sinubukan kong pihitin ang siradura ng pintuan.
Nakabukas ito kaya nagtuloy-tuloy na
ako papasok sa naturang kwarto, nakita ko si Lenard na nakahigang nakatalikod
sa pintuan. Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang kanyang likod.
“Lenard, gising na, nagluto ako ng
breakfast natin.” Maamo kong simula dito ngunit ako'y bigo na makakuha ng kahit
anong pagtugon mula rito.
Hinagod ko ng aking kanang kamay ang
kanyang ulo pababa sa kanyang likod, pagkatapos ay inilapit ko ang aking mukha
sa kanyang pisngi kasabay ang paggawad dito ng isang halik.
“Babe, gising na, na-mi-miss na kita,
pasok na tayo.” Paglalambing ko dito. Doon ko lang nakitang lumingon ito sa
akin na pupungas-pungas pa ang mga mata.
Nang siguro'y mapagtanto niya na ako
ang gumigising sa kanya ay agad siyang napabalikwas sa pagkakahiga.
“Anong ginagawa mo dito?” Nang
makabawi ay naituran niya. “Ate Nyebes, diba sabi ko 'wag kang magpapapasok ng
kung sino-sino sa kwarto ko!” Asik na sigaw niya kay Ate Nyebes na kasalukuyang
nasa labas ng kwarto.
“Let me explain, Lenard. Please.” May
pagsusumamo ko namang paghingi ng pansin dito.
“Let me explain, Lenard.” Pag-uulit
nito sa sinabi ko. “Bakit R-Kei, ako ba pinakinggan mo? Jees, mas malala ka pa
kay Echo!” Asik nito sa akin.
“Kaya nga ako nandito eh, para makinig
sa paliwanag mo. Please naman, Lenard, hirap na akong takasan ang problema ko,
at alam kong ikaw din. Pwede naman nating pag-usapan ng ayos 'to eh.”
“Ano pa bang gusto mong marinig,
R-Kei? Na patotohanan ko ang mga sinabi sayo nila Caree?” Taas ang kilay na
turan nito sa akin pagkatapos ay bumuntong hininga muna bago muling nagpatuloy.
“Oo, nagpagamit ulit ako kay Echo! At oo, noong gabing 'yon, nandito siya! At
may nangyari sa amin! Ano, masaya ka na? Masaya ka na na napatunayan mo na isa
akong walang kwentang karelasyon? Na ganon-ganon nalang ako basta-bastang
makakalimot sayo! Kahit na alam kong may karelasyon akong tao, nagawa ko pa
ring magpagamit sa iba! Ano pa? Tama na R-Kei!” From this point, nakita ko ang
pagguhit ng luha sa kanyang magkabilang pisngi. “Tama na... Tama na...”
Agad ko itong niyapos, sa kabila ng
mga sinabi niya sa akin ay hindi ko nagawang magalit man lang sa kanya, I know
there's a reason behind all this. At 'yon ang aalamin ko.
“Shhhh, tahan na. Nandito na ulit ako,
Lenard. Tahan na...” Pag-aalo ko rito na hindi ko na rin napigilan ang sarili
kong luha na pumatak.
Pinagpapalo nito ang likod ko habang
uiiyak, punong-puno ng hinanakit ang nararamdaman nito ayon na rin sa mga
hampas nito sa likod ko.
“Na'san ka R-Kei? Na'san ka noong
panahon na kailangan kita? Na'san ka noong ginusto kong magpaliwanag sayo?
Tinakbuhan mo lang ako R-Kei! Wala kang kwenta! Napakawalang kwenta mong
boyfriend!” Pagpapatuloy niya habang hinahampas pa rin ang likod ko at umiiyak
sa balikat ko. “Gusto kong magsumbong sayo na ni-rape ako! Pero na'san ka?
Hindi mo ako pinangatawanan! Binasura mo lang ako! Binasura mo ako! Binasura mo
ako R-Kei!”
Dahil sa narinig mula rito ay
nakaramdam ako ng panliliit para sa sarili. Totoo naman ang sinabi nito na
napakawalang kwenta ko dahil na rin hindi ko siya pinangatawanan. Ni hindi ko
nagawang makinig sa paliwanag niya at hinusgahan ko kaagad siya dahil sa mga
sinabi ng ibang tao.
Hindi ko alam kung deserve ko pa ba na
balikan niya, pero alam kong kailangan niya ako ngayon, kaya hindi ko na
uulitin sa pangalawang pagkakataon ang ginawa ko rito. Ngayon ko lang nalaman
na kabaliktaran pala ang gusto niyang mangyari nang sinabi niya sa akin na
gusto niya ng space. Kaya ngayong ipinagtatabuyan niya ako'y hindi ko na ito
ulit iiwan.
Niyakap ko ito ng mahigpit.
“Nandito na ulit ako, Lenard. Hindi na
mangyayari ulit 'yon sayo. Shhh, tahan na.” Pag-aalo ko pa dito.
Ang paghampas niya ay natigil, pero
ramdam ko pa rin ang paghikbi nito. Alam ko dahil sa ginawa ko, kahit papaano'y
napagaan ko ang loob niya. Hindi na ito muling nagsalita pa.
“Gusto mo ba dalhin ko na dito 'yong
pagkain na niluto ko?”
Wala akong narinig na sagot mula rito,
bagkus ay pagtango nalang nito ang nakuha ko. Kaya agad kong binitawan na ang
pagkakayakap sa kanya at tumalima na papunta sa kusina kung saan ko iniwanan
ang niluto kong tocino.
Bago pa man ako makarating sa kusina
ay hinugot ko na ang cellphone ko at i-tin-ext si Kuya Rick.
“Kuya, need help. Usap tayo later.”
Ang laman ng message ko kay Kuya.
Anak ng tinapa! Ni-rape si Lenard,
kailangan makaganti ako! Hayop na 'yon! Mata lang ang walang latay sayong hayop
ka! Kahit na'sang lupalop ka pa ng Pilipinas! Mahahanap kitang hayop ka! Dahil
sayo maghihiwalay kami ni Lenard! Gaganti ako! Hindi mo alam kung sino
binabangga mong hayop ka! Mga bantang tumatakbo sa isip ko habang inaayos ko
ang mga dadalhin ko sa kwarto ni Lenard.
Nang lahat ay nasa ayos na ay agad na
akong tumalima papunta sa kinaroroonan ni Lenard. Iniayos ko sa study table sa
loob ng kwarto nito ang mga pagkain.
“Halika na, Lenard. Kain ka na.”
Agad naman itong tumayo. Dahil
nakashort ito'y hindi ko sinasadyang makita ang siguro'y itinatago niya sa akin
kaya siya nakakumoy kanina. Ang mga pasa niya sa hita na talaga namang
ke-la-lake. Agad nanlaki ang mata ko sa nakita.
“Sino may gawa niyan?” Hindi ko
naiwasang maitanong.
Hindi ito sumagot, bagkus ay parang
nahiya pa dahil agad itong kumuha ng unan para takpan ang mga pasa, pero huli
na ang lahat, muli nang nabuo sa aking isipan na si Echo pa rin ang may
kasalanan nito, at dahil na rin marahil iyon sa pang-re-rape nito may apat na
araw na ang nakakaraan kay Lenard.
Nang mapilit ko ito'y nagawa niyang
maipakita sa akin ang iba pa niyang pasa, at talaga namang napakarami nito. Sa
hita, likod, dibdib at braso. Wala na akong ibang naramdaman kung hindi ang
galit. Mali, nagpupuyos na galit kay Echo at sa aking sarili dahil na rin sa
kapabayaan ko noong gabing 'yon kay Lenard.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment