by: Eusethadeus
“Daddy?” Pagtawag pansin ko sa aking
daddy habang ito'y naninigarilyo sa parking lot ng naturang restaurant.
“Lenard.” Bati rin naman nito sa akin.
“Tanong lang po, bakit po kayo pumayag
na dito matulog sila Missy?” Direct to the point kong tanong dito.
“Anak” Panimula nito at humithit muna
sa kanyang sigarilyo bago muling nagsalita. “Hindi mo naman pwedeng takasan ang
problema ninyong magkakaibigan, ang tatagal na ninyo nila Missy at Echo na
magkakaibigan, ngayong nag-college lamang kayo nagkasira.” Paliwanag naman nito
sa akin at muling humithit ng kanyang sigarilyo.
“Pero, Dad. You don't understand
kasi...” May sasabihin pa sana ako ngunit nagsalita nang muli si Daddy.
“Anak kita, hindi mo pa sinasabi
sakin, alam ko na. Alam ko naman ang lahat ng tungkol sayo, Lenard. You don't
have to hide things from me. Masyado nga lamang siguro akong naging mahigpit sa
inyo ng ate mo kaya hindi ninyo nagawang mag-open sa akin.” Nakangiting sambit
naman ni Daddy at muling humithit sa kanyang sigarilyo.
Dahil sa hindi ko maintindihan ang
sinasabi ni Daddy ay napakunot ako ng noo na siya namang ikinatawa nito.
“Ganyang-ganyan ang itsura ko nang
malaman ko ang tunay na katauhan mo anak.” Natatawang turan nito. “Hindi ako
galit sayo, actually, I'm more than proud. Kasi kahit na itinatago mo sa amin
ang tunay na ikaw, nagawa mo pa ring itayo ang sarili mo at mabuhay ng
matiwasay. Siyempre noong una hindi mo maiaalis sa amin ang magalit, pero hindi
sa'yo. Kundi sa amin, dahil hindi ka namin matulungan dahil na rin siguro ay
nahihiya kang sabihin sa amin ang tunay mong pagkatao. Pero okay lang 'yon.
Basta ngayong alam mo na na alam na namin, huwag kang mahihiyang magsabi kung
mayroon mang problema.” Mahabang pahayag na nito sa akin.
Hindi ko na namalayan ang sarili kong
lumuluha sa harap ni Daddy. Hindi ko akalaing hinihintay lamang pala nila akong
magsabi sa kanila. Tuloy-tuloy ang aking pagluha habang si daddy naman ay
kinabig ako papalapit sa kanya. Niyakap ako nito't ginulo ang buhok na para
akong bata.
“H'wag ka nang umiyak d'yan, hindi
bagay sayo.” Nababasag na tono ng pananalita ni Daddy, halata mong konti nalang
ay papatak na rin ang luha nito.
“Thank you po, dad.” Mangiyak-ngiyak
ko pa ring tugon dito. “Hayaan n'yo po, aayusin ko 'yung gulo sa amin nila
Missy.”
Mahina kong turan naman dito at ako na
mismo ang kumawala sa pagkakayakap nito sa akin.
“Oo nga pala, anak. 'yung lalaki bang
kasama mo ngayon ay 'yon na ang boyfriend mo?” Ang parang nang-iintrigang
tanong naman nito sa akin na naging dahilan ng aming pagtawa.
Bumalik ako sa kinaroroonan nila Mommy
na may ngiti sa mga labi. Maging si Mommy ay ngumiti na rin sa akin. Alam ko na
kung bakit ito parang naggagalit-galitan kanina ay para ma-provoke akong ilabas
ang tunay kong saloobin. Ganito ako nito pinalaki, na kapag may gusto itong
malaman tungkol sa akin o para ako'y paaminin ay maggagalit-galitan lamang ito
hanggang sa ako'y makonsensya.
“Nakausap mo na si Daddy mo?” Agad na
tanong sa akin ni Mommy nang makalapit ako sa kinaroroonan nila.
“Opo.” Nakangiti at masigla kong sagot
dito.
“Umamin ka na?”
Tumango-tango lamang ako bilang
pagtugon sa kanya. Niyakap ako nito't hinalikan sa aking mga pisngi, waring
tuwang tuwa ito sa kanyang nalaman. Nakita ko naman si Ate Me-an na nakatingin
sa amin na tatawa-tawa pa.
Parang alam ko ang tawa na 'yon!!!
hmmmmm, patay ka sa akin mamaya ate!!!! Bulong ko sa aking sarili.
“So what's your plan?” Tanong sa akin
ni R-Kei.
Nang maihatid kami nila Daddy sa
apartment ay umalis muna kami ni R-Kei para magpalamig sa oval ng unibersidad
na aming pinapasukan. Ikinuwento ko na rin sa kanya kung ano ang napag-usapan
namin ni Daddy. Mangging ang nasabi ko kay Daddy na aayusin ko ang gulo namin
ni Missy at Echo.
Alam kong tutol si R-Kei sa naging
desisyon ko dahil na rin sa ekspresyon ng mukha nito habang ikinukwento ko sa
kanya ang mga bagay na 'yon. Pero nakapagbitaw ako ng salita kay Daddy kaya kailangan
ko itong tuparin. And besides, alam ko naman na malalim din ang pinagsamahan
namin nila Missy kaya I think it's better na ayusin ko na kung ano mang gulo
meron sa pagitan namin.
“Hindi ko alam, babe.” Sambit ko rito
at napahigpit ang kapit ko sa kanyang kamay na sinamahan ko pa ng paghilig ng
aking ulo sa kanyang balikat.
“If you think, it is the right thing
to do, makipag ayos ka, babe. H'wag mong pahirapan ang sarili mong mag-isip.
Hindi naman ako tututol sa magiging desisyon mo. I'll support you all the way.”
Tugon nito sa akin.
His voice assures me everything, kahit
na alam kong matindi ang galit nito kay Echo dahil na rin sa ginawa nitong
pambababoy sa akin.
Hindi ko rin naman nakakalimutan ang
bagay na 'yon, pero kung magpapadala ako sa emosyon at sakit na dala ng
pangyayari'y hindi ko magagawang makapag-move on sa aking buhay, kaya tama rin
si Daddy na dapat hindi ko takbuhan ang problema. Kailangan ko itong harapin at
bigyan ng maayos ng closure ang mga bagay-bagay.
“Thank you, babe.” Naging tugon ko
nalang dito.
“Thank you for what?” Balik-tanong
naman nito sa akin.
“Thank you for the support, and sa...
basta, alam mo na 'yon. Thank you sa lahat.” Seryosong tugon ko naman dito.
“Babe, you don't need to thank me,
it's my responsibility to support you. Boyfriend mo ako at boyfriend din kita.
Kaya ko ginagawa ang mga bagay na 'to dahil mahal na mahal kita.” Sincerity can
be heard and starts ringing in my ear. With those words of R-Kei, para akong
hinehele nito gamit ang kanyang boses.
“I love you.” Tanging nasabi ko nalang
sa kanya.
Iniangat nito ang aking mukha at
itinapat sa kanya, unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang
sa magtama ang aming mga labi. Pinagsaluhan namin ang marubrob at punong-puno
ng emosyong halik mula sa isa't-isa. Siya na rin mismo ang nagtapos ng aming
paghahalikan.
“I love you too, babe.” At mabilis pa
sa alas-quatro ako nitong ninakawan ng halik.
Saktong labin-limang minuto matapos
ang tagpong 'yon namin ni R-Kei ay nagpasya na kaming umuwi sa apartment dahil
na rin nagtext na si Ate Me-an at hinahanap na kami dahil mag-iinom daw dahil
dumating ang mga kaibigan nito.
Nag-ayos lamang kami ng kaunti ng
aming mga sarili ni R-Kei sa aking kwarto at nagpasya na kaming lumabas para
makisali sa inuman na pinamunuan nanaman ng mga kabarkada ni Ate Me-an na sila
Jie, Drin at Jhez.
Sina Echo at Missy nama'y nakuha na
ring sumali sa inuman at nakuha pang makipagbiruan ng mga ito sa mga bagong kilalang
mga kaibigan ni Ate Me-an.
“Ayos pala 'tong mga kaibigan mo,
Lenard.” Komento naman ni Drin habang nagtatawanan sila at nagbibiruan ni
Missy.
“Oo naman, may kaibigan ba naman akong
KJ?” Natatawa ko rin namang komento dito.
Alam kong sa sinabi kong 'yon ay
natigilan si Missy at Echo dahil this is the first time na pinuri ko sila at
tinawag muling kaibigan matapos ang ilang araw na batuhan ng kung anu-anong
salita sa bawat isa.
Napatingin sa akin ng matagal sa Echo,
waring inaarok nito kung totoo ang aking mga sinasabi, nginitian ko lamang ito
na lalo namang nagpakunot ng kanyang noo.
“Alam mo, Lenard, mas maayos mag-inom
kung walang hawak na kamay. Hindi naman siguro aalis sa tabi mo 'yang boyfriend
mo kapag binitawan mo ang kamay noh.” Komento naman ni Ate Me-an sa magkaumpok
na kamay namin ni R-Kei na tinawanan naman ng iba pa naming kasama maliban kay
Echo at Jie.
Nagpatuloy pa ang inuman naming lahat
hanggang sa unti-unti nang tumama sa amin ang espiritu ng alak. Si Ate Me-an ay
mabilis nalasing at dumiretso na sa kanyang kwarto para matulog habang si Drin
at Jhez naman ay nagpaalam na rin na makikitulog sa kwarto ni Ate Nyebes na
sinang-ayunan ko naman dahil alas'dos na ng madaling araw at delikado na sa
daan.
Ngunit may natitira pang dalawang bote
na tig isang litro ng matador at hindi pa rin naman malakas ang tama sa akin.
Akmang tatayo na sana si Missy at Echo
nang pigilan ko ito.
“Missy, Echo.” Pagtawag pansin ko sa
mga ito. “Gusto n'yo pang uminom?” Nakangiti kong tanong sa dalawa.
Binigyan lamang ako ng nagtatakang
tingin ni Echo habang si Missy naman ay ngumiti sa akin.
“Of course, ngayon na nga lang tayo
nag-inom ulit tatanggi pa ba naman kami.” Tugon naman sa akin ni Missy.
“Ako ba, hindi mo yayayain?”
Tampu-tampuhang tanong sa akin ni Jie na halata mo nang may tama na ito ng
alak.
“Alam ko namang mag-iinom ka pa kahit
hindi kita tanungin, kaya umupo ka nalang d'yan.” Natatawa ko namang balik
dito.
Binuksan ni R-Kei ang isang bote ng
matador habang si Jie naman ay awtomatikong tumayo para magtimpla ng juice pang
chaser namin.
“Uhm, Lenard.” Tawag pansin sa akin ni
Missy at agad ko rin naman itong nilingon. “I'm sorry.” Nakayuko na nitong
sabi.
“Mamaya na 'yang drama. Inuman muna.”
Papansin naman ni Jie sa nagsisimula na sanang usapan namin ni Missy.
'yon naman talaga ang plano ko, kaya
ko sila niyayang mag-inom pa ay para mapag-usapan na sana ang problemang
namamagitan sa aming apat at kung posible ay matapos na rin dahil na rin gusto
kong tuparin ang sinabi ko kay Daddy.
Alam ko namang madali lamang kay Missy
na ayusin ang bagay na ito, ngunit kay Echo, I doubt it. Dahil na rin sa banta
nito dati na kapag nabalitaan nitong maging kaming muli ni R-Kei ay may gagawin
siyang masama. Isama mo pa rito na parang may alam na ito kung sino ba ang
nagpahuli sa kanila ng kanyang mga kabarkada.
Nagsimulang umikot ang tagay ni R-Kei,
nakuha namang makipagbiruan ni Jie at ni R-Kei kay Missy, habang si Echo naman
ay tahimik lamang at nakikinig at minsanang ngumingiti sa mga banatan ng tatlo.
Ako nama'y nakikitawa lamang sa mga ito at nagpasya na hindi nalang muna
mag-open ng tungkol sa problema.
“Lenard, pano mo ba naging kaibigan
'tong mga 'to?” Hindi pa nakaka-recover sa pagtawang tanong sa akin ni Jie.
“Mga kabanda ko sila noong highschool
pa ako.” Simpleng tugon ko naman dito na nilakipan ko pa ng isang ngiti.
“Anak ng, ako lang pala ang hindi
nagbabanda dito ah. Hindi pala ako welcome dito.” Parang tanga naman nitong
tugon na halata na ang tama ng alak dito.
“Buti naman alam mo.” Biro naman ni
R-Kei dito na naging sanhi ng tawanan naming lahat.
“Mga kabanda mo nga lang ba kami?”
Biglang seryoso namang tanong ni Echo.
Sa tanong na 'yon ay hindi ako
makasagot, o mas tama siguro na mas pinili ko nalang na huwag sumagot, dahil na
rin alam ko na ang pinupunto nito. At 'yon ay ang dati naming relasyon.
“R-Kei, shot ko na ah.” Basag naman ni
Missy sa kaseryosohan ni Echo.
“Sige-sige.” Sagot naman ng boyfriend
ko.
“Kabanda nga lang ba ako sayo,
Lenard?” Pag-uulit muli ni Echo ng kanyang tanong.
“Pare...” Si R-Kei.
“H'wag na nating ibalik ang dati Echo,
h'wag mo nang pahirapan ang sarili mo. At h'wag mo na akong ikulong sa
kamiserablehan mo. Please, I just want to be friends.” Kalmado kong singit sa
kung ano mang sasabihin ni R-Kei.
“P.pero, pero mahal kita, Lenard.”
Now, sincerity is on Echo's voice. “Kaya na kitang pangatawanan ngayon, Lenard.
Hindi na ako mabubulag pa. H'wag ka lang mawala sa akin.” Then Echo's tears
fell from his eyes. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nito.
“Minahal kita, Echo. Pero tapos na.
H'wag na nating ipilit ang mga bagay na hindi pwede.” Tumayo ako't lumapit sa kanya.
Pinahid ang mga luha nito't yumakap. “H'wag ka nang malungkot, everything will
be better if we stay friends.”
“I'm sorry, I'm sorry for what I did.
Alam kong mali 'yon pero natukso ako. Alam kong mali ako dahil nagawa ko 'yon
sayo. At alam kong marami akong kasalanan sayo at ngayon, nagsisisi na ako.”
He's acting like a child na nagsusumamo. Umiiyak ito, basag na ang boses nito
dahil sa pag-iyak nito at dahil na rin sa alak.
“Shhhhh, tahan na, Echo.” Pag-aalo ko
rito kasabay ang paghagod-hagod ko sa kanyang likuran. “Napatawad na kita,
matagal na. Pero hindi ko pwedeng ibigay sayo 'yung gusto mo. Mahal ko si R-Kei
at mahal din niya ako. Please just be happy for us.”
Hindi ko alam kung nakatulong ba ang
sinabi ko rito, ngunit lalo lamang itong umiyak. Lumalim ang paghikbi nito at
lalong nabasa ang balikat ko. Mas pinili nalang siguro nitong tumahimik at 'yon
din ang ginawa ko.
Hinayaan ko lamang siyang umiyak sa
balikat ko at ilabas ang lahat. Naririnig kong nagtatanong si Jie kay R-Kei ng
tungkol sa amin ni Echo ngunit hindi ko naman narinig na sumagot ito sa kanya.
Si Missy nama'y Nakatingin nakikita kong nakatingin lamang sa amin ni Echo.
Naramdaman ko nalang na parang
bumibigat ang pagkakasaklang ni Echo sa akin, kaya't pinalo ko ng mahihina ang
kanyang likuran ngunit bigo akong makakuha rito ng tugon.
Patay, nakatulog na! Sa isip-isip ko.
“Jie, patulungan naman ako.” Mahinang
tawag ko kay Jie.
Agad namang itinayo ni Jie si Echo at
siya na rin ang nagbuhat rito papunta sa aking kwarto.
“Iinom-inom, hindi naman pala kaya.”
Agad na komento ni R-Kei, halata ang inis sa kanyang boses.
“Babe, hayaan mo na. At least may
closure na kami di'ba?” Pagsaway ko rito.
“Kahit na, may payakap-yakap ka pang
nalalaman d'yan.” Now R-Kei's voice started to sound like he is jealous.
Hindi ko ito sinagot, bagkus ay
ngumiti nalang ako sa kanya at tumitig.
“Anong ngini-ngiti mo d'yan?” Inis na
tanong nito sa akin.
“Eh kashi, nagsheshelosh ka ih.”
Nakangiti at natatawa kong tugon dito, hindi ko napigilan ang mamula dahil sa
pag-init ng magkabila kong pisngi.
“Ako? Magseselos? Kanino? Kay swimmer
slash lead guitarist slash ex mo? Bakit naman ako magseselos d'on?” He sounded
so defensive.
“Nagseselos nga, Lenard.” Natatawang
singit naman ni Missy.
“Hindi ako nagseselos noh. Hindi
pwede!” Galit ng tugon ni R-Kei sa amin na tinawanan lamang namin ni Missy.
“Ganito dapat R-Kei.” Biglang singit
ni Jie. “I'm not jealous! I cannot be jealous! Ngayon lang!”
“John Lloyd?” Si Missy naman.
At wala ka nang maririnig sa amin
kundi tawanan. Umamin din si R-Kei na nagselos nga siya sa ginawa kong pag-aalo
kay Echo, nagpaliwanag naman ako rito at tinanggap naman niya 'yon. Natapos ang
aming inuman at siyempre, dahil hindi pa ako lasing ay ako nanaman ang
magliligpit ng aming pinag-inuman.
Si Jie ay pumunta na sa kwarto ni Ate
Nyebes para doon matulog habang si Missy naman ay pagewang-gewang nang pumasok
sa aking kwarto, tatabihan nalang daw niya si Echo matulog. Hinayaan ko nalang
ito dahil may bakante pa namang kutson na pwede kong ilatag sa may sala para
doon kami ni R-Kei.
Natapos ko nang hugasan ang mga
ginamit naming baso sa inuman at ang isinunod ko naman ay ang pagwawalis ng
aming mga kalat nang makita kong nakatitig lamang sa akin si R-Kei.
“Mr. Renz Kristoffer Limliman
Cojuangco! Imbes na nakatingin ka lang d'yan at pinagmamasdan akong magwalis
dito, bakit kaya hindi mo nalang ako tulungan?”
Ngumiti ito sa akin at tumayo. Akala
ko'y kukuhanin na nito ang walis sa aking mga kamay at ipagpapatuloy ang aking
ginagawa, ngunit nagkamali ako. Yumakap ito sa akin mula sa likuran.
“Mamaya na kasi 'yan.” Sabi nito sabay
pag-alog-alog ng aking kamay para mabitawan ang walis.
“R-Kei ha, hindi ko gusto 'yang
binabalak mo! Hindi pa tayo bati! Akala mo ba nakalimutan ko na 'yung ginawa
mong paglilihim sa akin?” Natatawa sa kilig kong tugon naman dito.
“Talaga lang huh?!” May bahid ng
pagbabanta nitong tugon sa akin at dahil na rin sa lakas at tuloy-tuloy na
pag-alog nito sa aking kamay ay nabitawan ko ang walis.
Iniharap ako nito sa kanya at mabilis
na inilapat ang kanyang labi sa akin. Masarap, matamis, at punong-puno ng
pagmamahal na halik ang muli ay napagsaluhan namin. This time it is a true one,
true because wala na kaming ibang iniisip at napakawalan na namin ang mga bagay
na dapat ay noon ko pa naisara ngunit dahil sa takot kong harapin ang mga
problema ko noon ay hindi ko nagawa.
Sa gabing 'yon rin ay pinagsaluhan
namin ni R-Kei ang pagpapaligaya namin sa isa't-isa. Matamis, masarap at
punong-puno ng pagmamahal ang bumalot sa buong sala namin. Hindi namin alintana
kung mayroon mang lalabas sa mga kwartong tinutulugan nila, nagawa pa rin namin
ang paligayahin ang isa't-isa.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment