by: Eusethadeus
LENARD
“May problema ba?” Untag sa akin ng
aking ate habang mataman akong nakatinging sa kisame ng aking kwarto.
Kanina pa ako nakapagtext kay R-Kei na
ako'y matutulog na ngunit parang may kakaiba akong nararamdaman sa gabing ito.
Parang may hindi tama pero hindi ko ma-arok kung ano man ito.
Oo't, hindi ako kumbinsido sa sinabi
ni R-Kei na may aasikasuhin lamang daw sila ng kanyang mga kapatid para sa nalalapit
na anniversary ng kanilang mga magulang. Pero hindi ko na ito nagawa pang
tanung-tanungin dahil na rin sa ayaw kong mag-away nanaman kami dahil kaayos
lamang naming kaninang umaga.
“W.wala.” Maikli't nabubulol kong
sagot kay Ate Me-an.
“Wala, pero hindi ka makapagsalita ng
ayod d'yan.” Sabi nito't nakita ko nalang itong unti-unting lumalapit sa aking
hinihigaan. Umupo ito sa aking kama paharap sa akin. “Mahal ka n'on, Lenard, it
is very evident naman eh. Hindi man lahat ng ginagawa n'ya ay nagugustuhan mo,
pero there comes a point na pasasalamatan mo pa siya dahil ginawa niya ang
bagay na 'yon.”
My sister sounded like she knows
something. Para ring nabasa nito ang aking nasa isipan na lalo lamang nagpagulo
ng aking utak kaya sinuklian ko ito ng kunot na noo at nagtatakang tingin.
“Alam mo kasi, Lenard. Tayong mga
nagmamahal, akala natin lagi tayong talo when it comes on showing our love.
Lagi nating sinasabi na mas higit nating naipapakita sa kanila kung gano natin
sila kamahal. Well that's love, everybody goes crazy.” Sabi pa nito at natawa
muna bago pa niya ipinagpatuloy ang kanyang litanya. “Pero kasi Lenard, hindi
dapat gan'on, hindi dapat natin sinusukat ang pagmamahal natin para sa kanya,
dahil at the end of the day, magkakaron ng comparison. Which is, 'yon ang
nagiging simula ng problema sa isang relasyon.” Mahabang dugtong pa nito.
“Anong nakain mo?” Sa halip na gawing
seryoso ang sinabi nito.
“Ewan ko sayo. Parating na sila Jie,
mag-iinom daw tayo.” Sagot naman sa akin ni Ate Me-an na para bang napikon sa
itinuran ko.
“San si R-Kei?” Basag ni Jie sa aking
pananahimik.
May ilang minuto, oras at bote na rin
ang naubos namin sa pag-iinom. Napakasaya nilang magkwentuhan habang ako'y
tahimik na nakikinig sa kanilang usapan. Gustuhin ko mang makihalibilo sa
kanila'y hindi ko magawa dahil na rin sa gumugulo sa utak ko. Katulad nalang ng
hindi pagtetext sa akin ni R-Kei at ang hindi ko malamang lugar kung saan ito
pumunta.
“Huh?” Parang tanga kong tugon dito.
“Sabi na nga ba hindi ka nakikinig sa
pinag-uusapan namin, eh.” Iiling-iling na sabi nito sa akin. “Sabi ko, nasaan
si R-Kei? Bakit hindi mo kasama?” Pag-uulit pa nito sa tanong n'ya kanina.
“Ahh, may inaasikaso daw sila ng mga
kuya n'ya, malapit na daw kasi ang anniversary ng nanay at tatay n'ya.”
“Sinong sinusubukan mong i-convince?
Kami o 'yang sarili mo?” Si Drin naman.
Totoo naman, I sounded like hindi ako
sigurado sa sinasabi ko. Kahit ako sa sarili ko, hindi ako naniniwala. Para
kasing may mali, at gusto kong malaman kung ano man 'yon. Pero pano?
Sa sinabing 'yon ni Drin ay hindi na
ako muling nakaimik pa, hindi ko rin kasi ma-convince ang sarili kong
paniwalaan ang mga sinabing 'yon ni R-Kei. At kung totoo man 'yon, bakit ako
kinakabahan ng ganito?
“Ano ba kasing nangyari sa inyo,
Lenard?” Muling pagbasag ni Jie sa aking pananahimik.
“W.wala nga. Kung meron naman
sasabihin ko sa inyo, eh. Pero wala talaga.” Pagsisinungaling ko sa mga ito.
“Teka.” Pagsingit ng ate ko. “Ano
'yang nasa braso mo, Lenard?” Tanong pa nito habang ang mga mata nito'y
nakapako lamang sa aking braso.
“Alin?”
Tumayo ito't itinaas ang manggas ng
suot kong T-shirt, at doon nila nakita ang mala-ubeng pasa dahil sa nangyaring
panggagahasa sa akin ni Echo may ilang araw na ang nakakaraan. Agad kong
iwinasiwas ang aking mga braso para matanggal ang pagkakahawak ng ate ko at
ito'y aking napagtagumpayan.
“Wala 'yan.” Inis kong turan sa mga
ito.
“Wala?” Lenard, magsabi ka nga ng
totoo! Sinasaktan ka ba ni R-Kei!?” Nakasigaw na tugon sa akin ng ate ko.
“Hindi.”
“Hindi?! Eh, ano 'yan?!”
“Kung sinasaktan ako ni R-Kei, ako na
mismo ang makikipaghiwalay sa kanya! Hindi ako kayang kantiin ni R-Kei, kaya
'wag kayong mag-alala!” Niinis kong turan sa mga ito.
Hindi ko pwedeng sabihin sa Ate ko at
sa mga kabarkada nito ang tunay na nangyari, dahil kilala ko ang mga ito, at
gagawin nila ang lahat para lang makaganti kay Echo. Ayaw ko na ng mas malaking
gulo. Alam kong ang pakikipagbalikan ko kay R-Kei ay malaking gulo na at ayaw
ko nang dagdagan pa 'yon.
“Kung hindi ka sinasaktan ni R-Kei!
Sinong nambugbog sayo!?” Si Ate Me-an ulit.
“Nahulog ako sa hagdan sa school!
Hindi mo ba nabalitaan kina Ma'am Trinidad?” Pagsisinungaling ko na dito na
sinamahan ko pa ng pagngiti para patotohanan ang aking sinasabi.
Sasabihan ko nalang si Ma'am Trinidad
bukas na kapag nagtanong ang Ate ko, 'yon ang sabihin. Tutal, close naman kami,
mapapakiusapan ko naman na siguro 'yon. Bulong ko sa aking sarili.
“Siguraduhin mo lang, Lenard!” Sabi
nalang ng Ate ko.
“Ayaw mo pang maniwala? Gusto mo
pakita ko pa sayo 'yung iba kong pasa?” Nakangiti kong pangungumbinsi dito.
“Madami kang pasa?” Parang tangang
singit naman ni Jie.
“Oo, eto pa oh.” Sabi ko sabay taas ng
suot kong shorts para ipakita pa ang iba kong pasa.
Tiningnan lamang ako ng ate ko, wari'y
inaarok kung totoo ang aking mga sinasabi. Nang siguro'y mapaniwala ko na ito'y
inisang lagok na nito ang tagay na nasa harapan niya.
“Next time kasi, mag-iingat. H'wag
tatanga-tanga.” Nakangising sabi sa akin ni Jie.
“Lenard.” Pagtawag pansin sa akin ni
Ate Nyebes. “Kanina pa tunog ng tunog 'tong cellphone mo.”
Agad ko itong nilapitan at tiningnan
kung sino ang tumatawag. “Si Missy.” bulong ko sa sarili ko.
“Hello?” Pagsagot ko sa taong nasa
kabilang linya.
Hindi ako nakatamo ng kahit na anong
tugon mula sa tumawag sa akin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga tawanan
ng mga lalaki at mga babae, waring nagkakasiyahan. Ibababa ko na sana sa
pag-aakalang napindot lamang ni Missy ang kanyang cp.
”R-Kei!” Ang pumigil sa akin sa
pagputol sa linya.
R-Kei? Si R-Kei ba 'yon. Pero bakit
sila magkasama ni Missy? Agad na pumasok sa makulit kong kokote.
Baka naman nagkataon lang. Posible naman
'yon diba? Tugon naman ng isang parte ng aking utak.
“Ano bang ginagawa mo, R-Kei?” Sabi ng
isang babae sa nanlalandi nitong boses. “'wag d'yan R-Kei. 'wag d'yan!”
Natatawang narinig kong sabi pa nito.
“Eh saan?” Doon nagsimulang maglaho
ang lahat, alam kong boses ni R-Kei 'yon at hindi ako pupwedeng magkamali.
“Tama na 'yan, Lenard. Lasing ka na.”
Narinig kong sabi ni Ate Me-an sa akin habang hinihimas nito ang likuran ko.
Nang matapos kong marinig ang halos
lahat nang pinag-uusapan ni Missy at R-Kei hanggang sa maputol ang linya ay
dumiretso nang muli ako sa lamesa kung saan kasalukuyan pa ring nag-iinuman ang
aking kapatid kasama ang kanyang mga kabarkada.
Binilisan ko ang pag-inom ng alak at
kahit hindi ko pa tagay ay tinataggay ko pa rin. Binigyan lamang ako ng ate ko
at mga kasama nito ng nagtatakang tingin na sinagot ko naman ng pilit na ngiti.
Hinyaan ako ng mga itong ubusin ang halos kalahati pang laman ng alak na binili
namin at hindi pa nakuntento dahil nagpabili pa ako ng isa pa.
“H.hik.hindi p.pa.” Dahil na rin
siguro sa espirito ng alak sa aking katawan ay hindi ko na maidiretso ang aking
pananalita.
“Me-an, okay lang 'yan. Mas maganda
'yan mamaya para makapaglabas na s'ya ng saloobin n'ya. 'diba 'yon naman ang
gusto mo?” Singit naman ni Drin.
“H'wag kang mag-alala Me-an, ako na
ang bahala sa kanya mamaya.” Narinig ko namang sabi ni Jie.
“H.hik.hi.n.di nga a.ako
m.mala.lashing. Hanghunti p.pa n.nung na.i.i.inom n.natin e.eh! T.tagay p.pa!”
Asik ko sa mga ito.
“Oo, tatagay kami. Chill ka lang
Lenard.” Natatawang sambit ni Jhez sa akin.
“Ano bang problema, Lenard?” Si Jie,
mababakas mo sa tono ng kanyang pananalita ang pag-aalala.
“P.problema? W.wala!
N.na.nag-e.e.enj.oy l.lang a.ako. Hekasi, n.ngay-on ko l.lang hulit k.kayo na.nakasama.”
Nabubulol ko pa ring balik dito.
“Ang cool pala ng kapatid mo Me-an,
nagiging pampangeño kapag lasing. Puro H- ang salita.” Nagpapatawang singit ni
Drin, pero walang natawa sa sinabi nito. Marahil na rin ay kinakabahan ang mga
ito sa mga susunod ko pang gagawin o di kaya nama'y hinihintay na lumabas sa
bibig ko ang problemang kanina ko pang kinikimkim.
“Uhh.”
Naalimpungatan nalang ako dahil sa
pagkakasamid. Uhaw na uhaw akong parang hapong-hapo at hindi makahinga ng
maayos. Tatayo na sana ako ngunit nakaramdam akong bigla ng pagkahilo.
“Uhh.” Muli kong pagdaing dahil hindi
ako makatayo at makagalaw ng maayos dahil bawat galaw ko’y ako ay nahihilo.
“Okay ka lang?” Nagulat nalang ako
nang biglang may nagsalita sa aking aking tabi.
Agad ko itong nilingon at dahil na rin
sa pagkahilo ay hindi ko ito nagawang matingnan ng matagal.
“Wag ka na kasing gumalaw, ano bang
gusto mo? Ako nalang ang kukuha.” His voice is very charming; para bang
nilalambing ako nito in some sort of ways.
“T.tubig.” Nabubulol kong maikling
tugon ditto.
“Sige-sige, wait lang, ikukuha kita.”
Narinig kong sabi nito at ang kasunod na ay ang pagbubukas at pagsasarado ng
pintuan ng aking kwarto.
Sino ba ‘yun? Imposibleng si R-Kei
kasi it doesn’t sound like him. Agad kong tanong sa aking sarili. Teka,
nakahubad ba ako?
At doon ko na napagtanto na ang
tanging nagtatakip lamang sa aking katawan ay ang manipis na kumot na paburito
kong gamitin dahil na rin sa kapreskuhan nito.
Sinong naghubad sa’kin?
“Ito na tubig mo.” Pagbasag sa akin ng
lalaking kanina pang palaisipan sa akin kung sino.
Inalalayan ako nitong makaupo para
makainom ako ng tubig, habang ginagawa niya ‘yon ay pilit ko namang ibinuka ang
mata ko para makita kung sino ito kahit na sa tuwing gagawin ko ito ay parang
umiikot lamang ang paningin ko.
“Jie?” Ang hindi makapaniwala kong
naibulalas nang mapagtanto kong si Jie pala ang lalaking nag-aalaga sa akin
ngayon.
“Oo, lasing na lasing ka na kanina
kaya natumba ka na. Nag-volunteer na ako sa ate mo na ako nalang muna ang
magbabantay sayo.” Nakangiting tugon nito sa akin.
“B.bakit?” Parang tanga ko naming
tanong dito.
“Eh kasi po, ako lang naman ang may
kayang bumuhat sayo kanina. Sa payat ni Jhez na ‘yon at sa tamad ni Drin,
tingin mo ba makakaya ka nilang buhatin?” Pamimilosopo naman nito sa akin.
“Kung ano-ano pang tanong, ayaw nalang magpasalamat.” Halos pabulong nitong
tinuran pero naging sapat pa rin ‘yon para marinig ko ito.
“Uhh.” At kumirot nanamang muli ang
aking ulo.
“Mahiga ka na ulit, para mawala na
‘yang sakit ng ulo mo.” Parang nag-aalalang sabi nito sa akin.
“S.salamat.” Tugon ko dito at akmang
hihiga na akong muli pero inalalayan pa rin ako nito.
Agad na inilabas ni Jie ang
pinag-inuman ko habang ako’y abala naman sa paghahanap ng maayos na p’westo
upang makatulog ako ng hindi nakakaramdam ng hilo. It was just a bit
second nang makahanap ako ng pwestong
nakaharap sa bintana na hindi ko nararamdaman ang hilo nang narinig kong
magsarang muli ang pintuan ng aking kwarto.
Naramdaman kong bumaba ang kutson na
naging senyales para sa akin na tumabi nang muli si Jie sa akin sa higaan.
Nakiramdam lang ako sa bawat galaw
nito at hindi na muling umimik pa, hindi ako sanay matulog na may katabi,
nakainom man o hindi. Si Echo at si R-Kei pa lang ang nakakatabi ko sa pagtulog
ng maayos, there is this feeling on me kasi na para bang napaka uneasy kapag
may katabi ako sa pagtulog.
May katagalan na rin akong nasa
ganoong posisyon nang maramdaman ko ang bisig ni Jie sa aking katawan. He gave
me a hug. Pero naghihilik na ito, kaya paniguradong tulog na rin ito.
Hindi ko na inabala pang tingnan ang
hitsura nito at nag-concentrate nalamang ako sa aking paggawa ng tulog, hindi
rin naman nagtagal ay nakaramdam na ako ng antok at nagtuloy-tuloy sa pagtulog.
“Dre, uuwi muna kami, kita-kita nalang
sa Big Cha mamaya.” Si Thep, nagpapaalam sa amin ni R-Kei.
Katatapos lamang ng klase naming sa
buong araw, at napagpasyahan namin ni R-Kei na sa apartment ko na kami
magpapatama ng oras bago pumunta sa naturang bar para tumugtog.
Nang magising ako kaninang umaga ay
gumawa na ako ng desisyon, isang desisyon na kailangan kong pangatawanan, at
‘yon ay ang pag-ignora sa aking mga narinig kagabi sa cellphone ng aksidente
sigurong mapindot ni Missy ang kanyang telepono at mapa-dial sa akin.
Wala naman kasi akong narinig na
kabastusan kaya napagpasyahan ko nalang na kalimutan ito at hintaying si R-Kei
mismo ang magsabi sa akin na naki-session siya sa banda nila Missy kagabi.
Oo’t nakakaramdam ako ng selos at
tampo dahil sa aking nadiskubre, pero hindi naman siguro ‘yon dahilan para
awayin ko pa si R-Kei dahil lang sa walang kwentang bagay na ‘yon. At nararamdaman
ko namang sasabihin rin sa akin ito ni R-Kei siguro ay bumebwelo lamang.
“Sige, Tol.” Sagot naman ni R-Kei
dito.
“Beshy! Beshy!” Tawag pansin sa akin
ni Genina habang kami ni R-Kei ay papalabas na sa naturang classroom. “Beshy,
ganyan na itsura mo mamaya?”
“Hindi, haler, tutugtog kami mamaya
diba, beshy? Magpapalit pa ako.” Tugon ko naman dito.
“No, I mean, ‘yang buhok mo?”
“Oo naman, bakit? May problema ba sa
buhok ko?”
“Haynako, sumama ka na nga muna sa
akin. Ako na ang bahala sayo, may ipapakilala ako sayo.” Sabi nito’t kasabay
ang paghigit sa aking mga braso na para bang kinakaladkad ako nito.
“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko
dito.” A.aray, beshy. ‘yung mga pasa ko beshy, masakit.” Reklamo ko dito dahil
na rin sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso ko ay nadadanggil nito ang mga
pasang natamo ko.
“Ay, sorry, Beshy.” Nakangiting tugon
nito sa akin, ngunit sa halip na luwagan nito ang pagkakakapit sa akin ay lalo
pa nitong hinigpitan, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama dito.
Habang si R-Kei naman ay abala lamang sa pagsunod sa amin ni Genina kung saang
lupalop man ako nito dadalhin.
“S’ya ba?” Sabi ng isang bakla sa
isang kilalang parlor sa isang mall dito sa Biñan habang nakaturo sa akin.
“Oo, kumare. ‘yan ‘yung bestfriend ko
na lagi kong kinukwento sayo.” Tugon naman dito ni Genina.
“Beshy, si Feona nga pala. Feona,
beshy ko, si Lenard. Tapos ‘yung alalay namin na sa kasamaang palad ay
boyfriend niya, si R-Kei.” Pabirong pasaring ni Genina sa baklang nagngangalang
Feona.
“Keri ‘to ng powers ko, neng.”
Pagkausap ni Feona kay Genina habang ang atensyon nito ay ang parang
pag-iinspeksyon sa aking buhok. “Libre na ‘to, pero sa isang kondisyon. Dapat
pumayag ‘tong bestfriend mo na ipalagay ang picture n’ya dito sa salamin na
ito.” Dugtong pa nito habang nakaturo sa salamin sa may entrance ng naturang
parlor.
“May pang bayad ‘yan, kumare.”
Natatawang tugon naman ni Genina dito.
“I don’t care kung may pang bayad s’ya
o wala. Kung hindi s’ya papaya na mailagay ang picture n’ya dito, hindi ko rin
s’ya gugupitan. Ipagupit mo nalang s’ya dun sa matandang hukluban sa loob.”
Tugon naman nito sa akin.
“Beshy, pumayag ka na, kesa dun ka sa
sinasabi n’ya mapunta, masisira lang ang buhok mo d’on.” Bulong na sabi ni
Genina sa akin.
“Nakakahiya, Beshy.” Balik-bulong ko
naman dito.
“’yan, Feona. Payag na, sabi naman
sayo medaling kausap ‘tong bestfrind ko ‘eh.” Ang naging sagot dito ni Genina
na talaga namang ipinagtaka ko.
“Okay then, we’re settled. Kayong
dalawa ng boyfriend netong lalakeng ‘to ay umalis muna, bumalik nalang kayo
after nga 30 minutes, para siguradong tapos na ‘to.” Ang parang utos na sabi ni
Feona kay Genina na agad namang sinunod ng dalawa.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment