Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (15)

by: Eusethadeus

"Love is about how you handle things on your relationship. It is how you balance things just to make what you have work and not making it worst..."

Maraming salamat sa mga patuloy pa ring sumusuporta ng storyang ito kahit na medyo matagal (MATAGAL TALAGA, WAG KA NANG MAGEXPLAIN PA!) ang updates ko. Pero sana magustuhan nyo pa rin 'tong update na 'to... Medyo hindi pinag-isipan kasi. hehehe...


Well, I hope I inspire you and through my work, and I hope you learn some simple lessons na ipinaparating sa inyo ng story ko... Maraming salamat po..

“Ikaw ba 'yan, Lenard?"

Simula nang magsimula ang aming gig sa gabing ito ay wala na akong ibang narinig sa mga suki naming mga customer ng bar kung hindi ang tanong na kung ako nga ba talaga ito. Napakalaki nang pagbabagong nagawa sa akin ni Feona. Sabi nito'y maari ko na raw makita ang tarpaulin na ipapagawa nito kung saan ako ang model, sa makalawa.

Naging maayos rin naman ang aming tugtugan kahit na hindi nakadalo si R-Kei sa aming practice kagabi dahil mga common na tugtugin lamang naman ang dinali namin sa first and second set. Ang hindi ko lang alam ay kung alam ba nito ang first song ko ng third set.

“Opo.” Tugon kong halos mahiya-hiya sa isang nasa early 30s sigurong customer ng bar na 'yon.

“Look at you, ang laki ng pinagbago mo ever since tumugtog kayo dito. Nakadagdag ng sex appeal mo 'yang bago mong hair style.” Nakangiting tugon naman nito sa akin. “Actually, I invited some of my friends para panoorin ka, and they agreed with me na you're an extraordinary performer.” Dugtong pa nitong papuri sa akin na tinanguan naman ng kanyang mga kasama.

Aaminin kong ang mga sinabi nitong papuri sa akin ay sobrang nakakataba ng puso, at kung hindi lamang madilim siguro sa bar na 'yon ay kanina pa akong nahalata ng mga itong namumula na dahil sa papuri ng nauna.

“H.hindi naman po, sir.” Mahiya-hiya ko pa ring tugon dito.

“H'wag ka na mahiya, Lenard.” Singit naman ng isa sa mga kasama nito. “Care for a drink?” Nakangiting alok sa akin nito.

Tatanggi pa sana ako pero agad na ibinigay sa akin ng nag-alok ang isang bote ng San Mig Light at nung ibabalik ko ay ayaw na nilang tanggapin pa. Nakakahiya man ay tinanggap ko na rin ito.

Hinanap ko ng aking mata ang kinaroroonan ni R-Kei at ng iba ko pang kabanda. Agad namang nahagilap ng mata ko kung nasaan si Tristan at ang iba pa, ngunit ang ipinagtataka ko ay wala doon si R-Kei.

“Excuse me for a while, sir. May hahanapi lang ako. Enjoy the rest of the evening po.” Nakangiti kong pagpapalam sa mga ito habang bitbit ko ang isang bote ng beer na iniabot nila sa akin.

Agad kong hinanap si R-Kei sa naturang bar, sa CR, sa ibang table, sa bar counter. Pero wala siya sa kahit saan man doon, kaya napagpasyahan kong puntahan ito sa parking lot.

Nang marating ko ang parking lot ay hindi rin naman ako nahirapang hanapin ito, dahil na rin sa tapat mismo ng entrance ito tumayo na nakatalikod sa kinaroroonan ko. At may kausap itong agad akong napansin kaya kitang-kita kong kinulbit pa ito ng kausap niya bago napaharap sa aking parang gulat na gulat na nakita niya ako doon.

“Babe?” Ang parang gulat na tanong sa akin ni R-Kei nang mapansin akong papalapit sa kinaroroonan nila.

“O, bakit? Para ka namang nakakita ng multo d'yan?” Nakangiti kong tugon dito.

“Ah. eh. Hindi. Tinext kasi ako netong kaibigan mo, nagpapasundo sa akin dito sa labas kasi daw wala siyang kasama.” Tugon sa akin ni R-Kei.

“Kaibigan ko? Eh, bakit hindi sakin nag-text?” Nakangiti ko pa ring tugon dito. “Tara, Missy. Pasok ka sa loob, may isang set pa kami.” Baling ko naman sa kasama nito.

“Ah, last set n'yo na pala, h'wag na, Lenard, gagabihin na rin kasi ako, I just came by to say hello to the both of you.” Halata sa boses nito ang kaba.

“No, I insist.” Sabi ko rito't agad na hinawakan ang braso nito para hindi na makatanggi pa.

Kitang-kita ko pa kung paano ito tumingin kay R-Kei na para bang humihingi ng saklolo pero walang nagawa sa akin ang dalawa kung hindi ang magpa-ubaya. Nang marating namin ang loob ng bar ay agad kaming dumiretso sa table ng mga kasama namin at ibinilin ko sa kanila si Missy. In-order-an ko rin ito ng maiinom para na rin may magawa ito habang nanonood sa amin.

“Guys, 5 minutes.” Si Thep.

“Sige-sige, ayusin 'nyo na ulit stage.” Tugon ko naman dito habang ako'y naka-upo pa't nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin.

“R-Kei, sa drums ka muna sa first song ni Lenard.” Narinig kong sabi ni Thep kay R-Kei. Ngali-ngali ko sanang pigilan ito dahil gusto kong nasa harap ko si R-Kei habang kinakanta ko 'yon.

“Bakit?” Tutol na tanong naman ni R-Kei dito.

Hindi ko na narinig pa kung anong isinagot ni Thep dito dahil lumayo na sila sa akin at dumiretso sa stage. Pero nakita ko pa si Thep na parang iminumustra kay R-Kei kung paano ang gagawin kung siguro ay saka-sakaling si R-Kei ang maggigitara.

“Good evening everyone. Third set na, if you have any request, or if you want to jam, punta lang kayo o kaya naman sabihin nyo sa magigiting nating waiter.” Nakangiti kong bati sa mga customer ng bar.

Laking pasasalamat ko nang nakita kong si R-Kei pa rin ang nasa gitara sa tabi ko. Dahil nga dedicated 'tong kantang 'to sa kanya ay lalo ko pang gagalingan ang pagkakakanta ko rito dahil nasa tabi ko siya.

Nagsimulang tipain ni R-Kei ang hawak niyang gitara, simula pa lang ng tugtog ay alam na kaagad ng mga tao kung ano ang kakantahin ko. Nagsimulang magsitahimik ang mga tao at waring gustong-gustong pakinggan ang kanta.

When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace

And now that I'm stronger, I've figured out
how this world turns cold
And breaks through my soul

And I know, I'll find
Deep inside me!
I can be the one

(Kasabay ng pagtahimik ng lahat ng instrumento ay ang pagpalakpak ng mga tao na bihirang bihira lang mangyari sa amin na sa kalagitnaan ng kanta ay papalakpak ang mga ito)

(Kasabay din ng palakpakang ito ay ang unti-unti kong pagharap sa kinaroroonan ni R-Kei na para bang kinakausap ko ito sa pamamagitan ng kanta at mga lirikong babanggitin ko pa.)

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me in heaven.

It's okay, It's okay, It's okay...

Seasons are changing
And waves are crashing
And stars are falling all for us...

Days grow longer, and nights grow shorter
I can show you,
I'll be the one...

I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me in heaven...

'cause you're my, you're my,
My, my true love,
My whole heart

'cause I'm here for you!!

Please don't throw that away...

And please tell me you'll stay!!!

Stay!!!

(Kasabay ng pagtaas ng tono ay ang pagpikit ng aking mga mata at ang pagkawala ng masaganang luha sa aking mata, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga ito, pero ang alam ko lang ay ito'y totoo.)

(Alam ko nasasaktan ako, may pakiramdam din naman ako, at dahil sa nalaman kong lihim na pakikipagkita ni R-Kei kay Missy sa kung saang lupalop man ng Pilipinas 'yon, lalo lang akong nasasaktan dahil sa katotohanang hindi pa rin sinasabi sa akin ni R-Kei ang bagay na 'yon.)

Use me as you will
Pull my strings just for a thrill...
And I know, I'll be okay!!!

(Gustung-gusto kong itanong sa kanya ang mga bagay na ito pero nagdadalawang isip ako dahil na rin ayaw kong iwan niya ako, hindi ko kakayanin kahit na alam kong may kasinungalingan nang nagaganap. Call me stupid or whatever you want to call me, pero ito ang nararamdaman ko at alam kong may dahilan si R-Kei kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yon.)

Though my skies are turning gray...

I will never let you fall!!

I'll stand out with you forever!!!

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to heaven!!!

“Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo, at kahit kailan, hinding-hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. H'wag mo akong iiwan. At ipagpapalit sa iba.” Parang tanga kong naibulalas habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng masaganang luha sa mula sa aking mga mata.

Namalayan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa gitna ng stage habang yakap-yakap ni R-Kei. Kasabay rin nito ay ang pagpapalakpakan ng mga nag-iinom sa bar na 'yon. May mga maririnig ka pang mga hiyawan, at kantyawan.

Napatingin ako sa gawi ng mga nanonood sa amin at nakita ko ang mga taong nakatayo habang pumapalakpak, ang mga kaklase kong nanonood naman ay kitang-kita ang tuwa mula sa kanilang mga mata.

But there is this one person na kitang-kita mula sa stage, para bang hindi ito natutuwa, hindi ko manlang nakitang pumalkpak ito o ngumiti manlang. Nang humupa na ang hiyawan ay siya namang alis ng taong ito mula sa lupon ng mga manginginom sa loob ng bar na iyon.

Anong problema n'on? Hindi ko napigilang maitanong sa aking sarili habang inihahatid ng tanaw ang naturang tao.

Nagpatuloy pa ang aming tugtog sa bar na 'yon, naging masaya ang buong gabi at ang buong bar. Nagkaron ng napakaraming jammer nang gabing 'yon, at pinakiusapan pa kami ng may-ari ng bar na mag-isang set pa dahil na rin daw gusto pa ng mga taong nag-iinom na may tugtugan pa.

Naging madali naman kaming kausap, dahil na rin sa utang na loob na tinatanaw namin sa bar na 'yon. Dito tayo nagsimula, kaya hindi natin ito pababayaan. Naalala kong sabi pa ni Thep noong panahong nagsisimula palang kami.

“Pano, Tol? Uuna na kami.” Pagpapaalam ni R-Kei sa iba pang kasapi ng banda namin.

“H'wag naman, tol, ang bata n'yo pa ni Lenard.” Biro naman ni Miggy.

“Sige, tol, ingat kayo.” Seryosong tugon naman ni Tristan.

“Beshy, iiwan mo akira?” Si Genina.

“Sumabay ka nalang samin, Genina. Ihahatid ka pa ni Tristan sa inyo.” Nakangiting sabi naman ni Thep.

“Ay!!!!!! Bet ko 'yan!!!!” Agaw pansing sigaw ni Genina. “Sige, Beshy, iwan mo na ako. Isasabay naman pala ako ni Papa Tristan!” Nakangiting baling naman sa akin nito.

“Tara na, Babe.” Yaya sa akin ni R-Kei.

“Sige na, umalis na kayo bago pa langgamin 'tong bar ko sa ka-sweet-an n'yong dalawa!” Sabi naman ng may ari ng bar na ‘yon. Naging kabiruan na rin kasi naming ito simula nang tumugtog kami dito dahil na rin ayon dito ay kami ang nagdadala ng maraming customer sa bar niya.

Agad na rin kaming pumara ng jeep papunta sa apartment namin, napagdesisyonan kasi nito na doon siya matutulog dahil na-miss raw nito ang amoy ng mabaho kong kwarto.

I was just staring at the streets when I felt R-Kei’s embrace from my back. Hindi nito inalintana ang mga kasakay namin sa jeep.

“I love you.” He softly whispered on my ears. “Para sa akin ba ‘yung kanta mo kanina? Ang galing mo ah, napabilib mo nanaman ako.”

“Kung hindi para sayo ‘yon? Para kanino naman? Adik ka ba, R-Kei?” Natatawa kong balik dito.

“Adik na nga yata ako?”

“Saan naman?” Tugon ko rito.

“Sayo.”

At daig pa naming dalawa ang mga kiti-kiting parang baliw na kinikilig sa kabaliwan ni R-Kei. Alam kong pinagtitinginan na kami sa jeep na ‘yon pero wala na kaming pakialam. We were just having fun.

“Maiba ako, babe.” Pagsisimula nito sa isang topic. “I’m just wondering, bakit ka lumuluha kanina nung kumakanta ka?”

“Wala naman, Nadama ko lang talaga ‘yung kanta.” Maikli kong tugon dito.

“Nadama? Edi dapat masaya ka? May problema nanaman ba? If it is me, sabihin mo sakin para I have an idea.” Pag-uusisa pa nito.

“Sinasabi ko naman sayo pag may problema diba?”

“Huh? Kelan na?” Halata sa boses nito ang exaggeration.

“Basta, sasabihin ko naman sayo kung may problema, ang mahalaga ngayon, masaya tayong dalawa.” Sabi ko rito at napansin kong malapit na pala kami sa bababaan namin. “Manong, para.” Baling ko naman kay manong.

Agad na rin kaming bumaba ni R-Kei sa tapat mismo ng aming apartment.

“Kumain na ba kayo?” Tanong sa amin ni Ate Nyebes nang pagbuksan kami nito ng pintuan.

“Opo.” Sabay naming sagot dito.

“Ate Nyebes, ikaw muna ang bahala kay R-Kei, maliligo lang ako saglit, amoy yosi nanaman ako gawa d’un sa bar na tinugtugan namin.” Paalam ko dito na agad naman nitong tinanguan.

“Babe, hindi ako makatulog.”

Matapos kong matulog ay agad ko nang niyaya si R-Kei sa kwarto dahil na rin siguro sa pagod ay gustong-gusto ko nang matulog. Pero si R-Kei ‘tong parang may gusto pang gawin bago kami matulog.

Hindi ko ito pinansin, bagkus ay nagtulog-tulugan nalang ako dahil gusto ko na talagang magpahinga.

It was late when I realized that he’s already on top of me.

“Akala mo makakatulog ka sakin, huh?” Nakangising sabi nito sa akin.

Then his lips touched mine. We shared a fruitful kiss as if it was our last. Nakakatawa lang dahil para bang sabik na sabik kaming dalawa sa isa’t-isa. Hindi na rin namin napigilan ang pagsaluhang muli ang isang masaganang gabi ng kamunduhan dahil sa paninimula ni R-Kei.

“Babe, I have to tell you something.” Si R-Kei.

Nang matapos ang makamundong gawain namin ay parehas kaming hingal na hingal, nagpahinga lamang kami ng kaunti, ako ay naka-ulo sa kanyang matipunong dibdib habang siya naman ay nakahiga lamang ng maayos at hinahagod pababa ang aking buhok. (Of course parang babae ako sa ginagawang ‘yon ni R-Kei sa akin.)

“Ako rin.” Maikli kong tugon dito.

“Sige, ikaw muna.” Pagpapaubaya sa akin nito.

“Nope, ikaw muna.” Pag-iinarte ko.

“No, I insist, ikaw na muna.” Sabi nito sa akin.

Dapat ko na bang sabihin ‘yon sa kanya? I don’t think it’s relevant naman kasi eh. Agad kong tanong sa sarili ko habang tahimik na naghihintay si R-Kei sa isasagot ko.

Go na! Honesty brings a relationship to a stronger hold. Kaya simulan mo na ngayon pa lang. Tugon naman ng isang parte ng aking utak.

“Gising ka pa, Babe?” Tawag-pansin sa akin ni R-Kei.

“Yup.” Sabi ko rito at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago muling nagsalita. “Remember kahapon? When you told me na may aasikasuhin kayo ng mga kuya mo para sa anniversary ng mom and dad nyo?” Panimula ko rito.

Hindi ito umimik at hinintay lang nito na ako’y magsalitang muli.

“I did not believe you. And I’m sorry.” Sabi ko rito.

“It’s okay. Actually, tungkol din d’un ‘yung sasabihin ko sayo.” Mahinahong tugon sa akin ni R-Kei. “Hindi naman naming inasikaso ‘yung anniversary ng mom and dad kahapon, eh.” Panimula ni R-Kei sa iba pa niyang saabihin.

“When you told me that you’ve been raped by Echo, I’ve decided to go there para gumanti at humingi ako ng tulong kina Kuya at sa barkada nito para sa plano ko. But the plan itself was unsuccessful, kasi, nung dumating kami doon ay nahuli namin sila ng mga kabarkada niya na nag-du-drugs.” Sabi nito. “So we just decided na ipahuli nalang sila sa pulis para hindi na rin madumihan ang kamay naming kung magkakaron man ng bakbakan.”

At first I was in a state of shock dahil sa nalaman ko dito, dahil na rin hindi ko akalaing magagawa ni R-Kei na gumanti para sa akin. Pero agad ko ring binawi ang ulirat ko at inayos ang sarili para sa mga sunod kong sasabihin sa kanya which I know will shock him.

“Does your plan includes ang pakikipagkita kay Missy at hindi sabihin sa akin kung ano ang nangyari?” Walang emosyon kong sabi rito.

Panandaliang napatigil si R-Kei sa kanyang sasabihin, now he’s the one on a state of shock. It was as if hindi n’ya alam kung paano magpapaliwanag sa akin. Bahagya pang nanlaki ang mata nito na para bang sinasabing Paano n’ya nalaman?

“It’s not that, Lenard. What happened was just a co-incidence. Nagutom kami nila kuya, at nakita naman namin ‘yung Palmeras. Kaya we decided to pull-over para kumain d’on.” Pagpapaliwanag nito sa akin. “Hindi naman naming expected na doon pala tumutugtog ang banda nila Missy. He invited me to have a session sa banda nila, kasi Echo was not around, kasi nga ipinahuli namin. Pero syempre hindi nila alam ‘yon. Pina-session nila ako d’on kasi daw wala silang mahanap na lead guitarist in the area, kaya they are very thankful nung nakita ako ni Missy sa sight.”

“Teka, sinabi ba sayo ‘to ng daddy mo?” Agad na bawi na tanong sa akin ni R-Kei.

“Bakit? Nand’on ba si daddy kagabi?” Takang tanong ko naman dito.

“Oo, ipinakilala kaya ako ni Missy sa mga nanunuod sa amin doon na closest friend mo dito sa Biñan. Gan’on ka pala kakilala doon noh, kasi nung narinig nila ang pangalan mo, tumahimik ang lahat.” Pag-iiba nito sa atmosphere ng aming usapan.

“Hindi ako tinawagan o itinext ni daddy. Missy called me last night as if she wants me to hear something. Hindi siya nagsasalita, pero narinig kong nag-uusap kayo. Kaya ko nalaman na magkasama kayo kagabi.” Walang emosyon ko pa ring tugon dito.

“Look, Babe, I’m sorry nagsinungaling ako sayo. But I just did that…” Sabi nito sa akin pero agad ko na rin itong pinigilan sa pagsasalita sa pamamagitan ng pag-angkin muli ng kanyang mga labi.

“It’s okay, Babe. I understand. And thank you so much for that.” Sabi ko rito nang maghiwalay an gaming mga labi. “Sleep na tayo, antok na talaga ako ih.” Agad kong tugon dito.

Natulog akong nakayakap sa kanya habang ito naman ay nakayakap rin sa akin habang tinatapik nito ang aking likuran na para bang baby hinehele ako nitong parang isang sanggol.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment