by: Eusethadeus
“Good morning, Bull!” Paggising sa
akin ni R-Kei na sinamahan pa nito ng pagkalabit sa aking pisngi.
Nang imulat ko ang aking mata ay
nakita ko kaagad ang pinagpalang mukha ni R-Kei, parang anghel lamang ang
nabungaran kong nakangiti sa akin at wari mo’y nagkikislapan ang kanyang mga
mata sa kanyang nakikita.
Nginitian ko lang ito bilang tugon.
“Wala man lang ba akong good morning
din?” Sabi niya na sinamahan pa nito ng pag-pout ng labi na parang
nagtatampu-tampuhan.
“Hala, nagtampo ang bata.” Natatawa
kong balik dito. “Good morning din R-Kei.” Sabay ngiti ng wagas.
“Napilitan ka lang ih.” Sabi nito at
akmang tatalikod na sana sa akin. Hindi nito nagawang makatalikod sa akin dahil
nakahiga pa din pala ako sa kanyang braso.
“Wag na magtampo. ‘kaw naman. Teka
nga, anong oras na ba?” Tanong ko dito, hindi ko pa din tinanggal ang kamay
nito sa aking batok, at diniinan ko pang lalo ang pagkakahiga dito.
Gusto kong sulitin ang oras na nandito
kami sa ganitong posisyon ni R-Kei, hindi ko alam kung hanggang kelan kami
ganito, kaya hangga’t ganito siya sa akin ay sabi ko sa sarili kong susulitin
ko nalang ito at magpapakasaya. Hindi ako mahal ni R-Kei kaya parang
imposibleng maging kami. Kaibigan lang ang tingin sa akin nito.
“Late na tayo sa third and last
subject natin for this day, 4 na po ng hapon.”
Sa sinabi nito’y napabalikwas ako sa
kama, hindi ko akalaing makakatulog ako ng ganoon kahaba, kahit naman noong una
ay nakakagising ako kahit isang oras lang ang tulog ko. This is the first time
na hindi ako nagising ng maaga.
“Bakit hindi mo ko ginising?
Kakagising mo lang din ba? Asan ba si Ate Nyebes? Patay tayo sa mga prof natin
neto!” Sunod-sunod kong tanong dito nang makatayo ako sa kama.
Walang naging sagot ito sa akin kundi
ngiti lamang, ngiting may ibig sabihin.
“Anong nginingiti-ngiti mo d’yan?”
“Wala naman, sarap kasi pakinggan ng
pangalan ko.” Sabi nitong parang kinikilig-kilig pa.
Hindi ko alam kung anong ibig netong
sabihin kaya binigyan ko lamang siya ng nagtatakang tingin. Tingin ng
pagsusuri, pero wala akong makuhang sagot sa mukha neto kaya tinanong ko
nalamang siya.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko
dito.
“Nagsasalita ka pala habang tulog,
no?” Nakangiting tugon naman nito sa akin at inayos pa ang kanyang pagkakahiga,
inilagay niya ang kanyang dalawang kamay pang sapo sa kanyang ulo.
Hindi ako nakaimik sa sinabi nito,
alam kong kapag ako’y nakakainom ay nagsasalita ako habang tulog, pero hindi ko
naman kasi in-expect na mauunang magising ito sa akin. Agad umakyat ang dugo sa
aking mukha, alam kong namumula na ako sa mga oras na ‘yon kaya’t lumabas
nalang ako ng kwarto at tinungo ang kusina. Alam ko kasing sa mga ganitong oras
ay nandito lamang si Ate Nyebes at nagluluto ng aming miryenda.
“Bakit hindi mo kami ginising Ate
Nyebes?” Agad kong tanong dito kahit nakatalikod ito sa akin.
Magugulatin talaga si Ate Nyebes kaya
napabalikwas ito sa lababo, may ginagayat ata ang matanda at nagulat sa aking
pagdating, kaya imbes na ituloy ko ang pagtataray ko’y napatawa na lang din
ako.
“Hindi ka talaga maalam magsalita ng
ayos na bata ka no!!!” Iritang balik naman sa akin ni Ate Nyebes.
“Ako ang nagsabing ‘wag ka ng
gisingin, kanina pa akong 9 ng umaga gising, eh ang sarap pa ng tulog mo, kaya
hinayaan nalang kitang mahiga sa dibdib ko.” Rinig kong pagsingit ni R-Kei sa
usapan namin ni Ate Nyebes, alam kong nasa likod ko na ‘to. “Ate Nyebes, luto
na ba ‘yung pinaluto ko sayo?”
“Oo tutoy, sinarapan ko talaga para sa
inyong dalawa.” Tugon nit okay R-Kei.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman
ko, basta ang alam ko lang ay sa loob-loob ko’y kinikilig ako sa mga
nangyayari. Pumapabor sa akin ang panahon. Pero hindi ko ‘to dapat ipahalata
dahil na din baka nga umiwas pa sa akin si R-Kei na ‘yun namang iniiwasan ko.
“Mamaya ko nalang po babayaran sa inyo
Ate Nyebes ah, salamat po ulit. Pwede na po ba tayong kumain?” Balik neto kay
Ate Nyebes.
“Oo naman, teka lang, ipaghahain ko
lang kayo. Umupo na kayo d’yan sa mesa.
Nang marinig ko ang katagang iyon ni
Ate Nyebes ay agad kong tinungo ang daan paalis sa kusina, pero maagap si R-kei
at agad niya akong napigilan sa aking balak na pagbalik sa kwarto. Hinarangan nito
ang daan palabas ng kusina.
“Ooops, saan ka pupunta?” Nakangiting
tanong sa akin ni R-kei habang parang nakikipagpatintero ito sa daan.
“Teka lang, may kukunin lang ako sa
kwarto.” Nakayuko kong tugon dito, ayaw ko kasing makita niyang kinikilig ako
sa mga nangyayari.
“Hindi pwede, dito ka lang.” Pagpigil
neto sa akin.
“Oo nga naman Lenard, dito ka lang.
Luto na din naman ang pagkain ‘nyo, hintayin mo na, naghahain na ako.”
Nakangiting sabi naman ni Ate Nyebes.
Wala na nga akong nagawa kundi ang
magpaubaya sa dalawang nagkuntsaba pa ata sa kanilang pinaplano. Iginaya ako ni
R-Kei na makaupo sa upuan sa may hapag at para akong babaeng pinaupo ng isang
gentleman dahil iniayos pa nito ang upuan ko bago ako tuluyang nakaupo rito.
Mabilis na nakapag hain si Ate Nyebes
at nakita kong paborito kong Adobo pala ang niluto nito. Ang bango, dahil sa
laurel na kasama nito, ang sarap tingnan dahil na din sa makikita mo ang
mantikang lumabas sa karne na nagmistulang sabaw nito. (Pasensya na, hehehe,
ganyan talaga ang gusto kong luto ng Adobo, hehehe)
Nagsimula na kaming kumain at talaga
namang hindi ako nagkamaling masarap nga ito, takam na takam ako at para akong
ngayon lang muli nakakain ng ganito, para akong patay gutom na nilalantakan ang
nilutong putahe ni Ate Nyebes.
Nakailang sandok pa ako ng kanin dahil
sa sarap ng aming ulam, napansin kong tapos na si R-Kei sa kanyang pagkain pero
hindi pa din ito umalis sa aking harapan, bagkus ay tinitigan lang ako nito
habang nakangiti na para bang natutuwa sa kanyang pinapanuod. Nahiya naman ako
bigla.
“Anong problema?” Hindi ko maiwasang
maitanong dito.
“Wala naman, ang sarap mo kasing
kumain, maganda ‘yan, tataba ka.” Balik naman nito sa akin.
“Hoy R-Kei, tigilan mo ako ha, ikaw
nga d’yan ang dapat magpataba eh, tingnan mo nga yang katawan mo, para kang
skeletal system.” Pabiro kong balik dito sabay lagay ng kanin at ulam muli sa
kanyang pinggan.
“Ayoko na, hindi naman talaga ako
malakas kumain.”
“Kapag hindi mo kinain yan, wag ka ng
tutuntong dito sa apartment.”
Kahit may pag-aalinlangan sa kanyang
mata ay kinain na din niya ang nilagay kong pagkain sa kanya. Sa isip-isip ko’y
natatawa ako, pero hindi ko ito ipinakita sa kanya dahil gusto ko talagang
maubos niya ang ga-bundok na kanin na inilagay ko sa kanyang plato.
“Hoy Lenard!” Salubong ang kilay ni Genina nang magkasabay
kami sa pathway. “Bakit kayo absent ni R-Kei kahapon ha? May nakakita sa inyo
sa bar kagabi. Kayo na daw?” Parang
tsismosang-tsismosa ang dating ni Genina sa kanyang pagtatanong.
Hindi ako agad nakasagot sa tanong na
iyon ni Genina, napatigil din ako sa paglalakad dahil sa pagkabigla sa itinuran
nito.
“Oh, bakit ka napatigil d’yan?
Ibigsabihin totoo?” Nakangising lingon nito sa akin.
“Huh? Ah, eh, hindi no’! Bakit naman
magiging kami? Hindi napatol ang isang ‘yon noh!” Naibulalas nalang ng aking
bibig. Pero ramdam ko pa din ang bilis nh tibok ng puso ko dahil sa kaba sa mga
tanong ni Genina.
“Andito ka na pala!” Biglang singit ng
isang boses mula sa aking likuran. Umakbay pa ito sa akin at nalaman kong si
R-Kei pala ang isang ito. “Bakit hindi ka manlang nagtext na papasok ka na pala
para sumabay na ko sayo.” Malambing pa nitong dugtong.
“Sabi na tama ako eh!” Biglang sambit
naman ni Genina.
“Oi Genina, nandyan ka pala, Good
Morning.” Magiliw na bati ni R-Kei dito.
“Good morning din. Tsismisan ‘nyo
naman ako!”
“Wala namang dapa...”
“Ah, eto? Wala naman, masaya lang ako
talaga ngayon dahil dito kay Lenard.” Pagbusal ni R-Kei sa aking sinasabi.
“Tara na nga, baka ma-late pa tayo!
Alam nyo naman kay babalina, bawal malate!” Pagsingit ko nalang sa kung ano
pang sasabihing hindi matino pero nakakakilig ni R-Kei.
Agad na nga naming tinungo ang
classroom namin para sa subject namin at umupo na sa sitting arrangement na
ibinigay sa amin ni Babalina, (kaya babalina kasi mahaba ang baba. Hehehe).
Syempre, dahil magkasunod ang apelyido namin ni R-Kei ay magkatabi nanaman kami
ng upuan. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ng mga kaklase namin ang pagiging
malapit namin ni R-Kei sa isa’t-isa. Pero hindi na namin ito binigyan pa ng
pansin dahil wala namang katuturan kung papatulan pa namin ang mga issue na
ipinupukol nila sa amin ni R-Kei, tutal, alam namin ang totoo.
“Pare, ano, kakanta ka ba? Malapit na
ang battle of the bands sa Lipa.” Si Thep, tinatanong si R-Kei.
“Di’ba sabi ko sa inyo, yayain nyo
‘tong si Lenard, siya ang papakantahin natin, hindi ako, mag-lead lang ako.”
Balik naman dito ni R-Kei.
“Oy, teka, hindi ko alam ‘yan ah.
Anong ako ang papakantahin? Tigilan!”
“Oo nga Lenard, ikaw nalang ang
magvocals sa amin. Para naman mabuo na ang banda, 2 weeks to prepare nalang
kasi yung sa Lipa, at this Friday na ang last na pagpapalista.” Si Thep ulit.
“At ngayon nyo pa sinsabi sakin yan,
kung kelang ngaragan na!” Papilit effect lang. Hehehe
“Sinabi na namin ‘to kay R-Kei nung
isang araw na siya ang pumilit sayo. Hindi ba ‘nya nasabi sayo?”
“Sinabi ko d’yan, hindi lang siguro
iniintindi.”
Ay siyet! Nakalimutan ko! May nasabi
nga pala si R-Kei tungkol d’on! Sigaw ko sa aking utak.
“Bakit naman ganon kabilis? Hindi ba
pwedeng sa susunod nalang ako?”
“Eh sinong papakantahin namin? Si
R-Kei?”
“Ayoko ngang kumanta! At kung hindi
kasali si Lenard, hindi na din ako sasali, next na battle nalang kaming
dalawa.” Tugon naman ni R-Kei kay Thep.
“Pare naman, bago pa natin
na-conceptualize ‘to, ganun-ganon nalang?” Parang nagalit ata si Thep sa
itinuran ni R-Kei pero wala akong magawa kundi ang makinig lamang sa sinasabi
nito hanggang sa bumaling ito sa akin ng tingin. “Lenard, please, kumanta ka
na. Wala namang sisihan ‘to, tol. Gusto lang naming magperform, that’s all.
Now, kung magugustuhan tayo ng crowd, ituloy natin ang pagbabanda, kung hindi
naman, okay lang ‘yon. Ang mahalaga lang ngayon, makatugtog tayo. Sige na,
tol!” Mahabang pagpilit sa akin ni Thep.
Isang malakas na buntong hininga muna
ang aking pinakawalan bago ako sumagot ng oo sa kanila. Wala naman akong
magagawa eh. Kung hindi ako papayag, hindi sasali si R-Kei, at kung hindi naman
sumali si R-Kei, sakin magagalit ang buong barkada nila Thep na ayokong
mangyari dahil napalapit na din sa akin ang mga ito.
“Sasali kayo sa battle?” Dumali
nanaman ang chismosang si Genina.
“Oo baby girl, sa Lipa, nuod kayo
huh.” Agad na tugon ni Thep dito.
“May caru ba? Kung may caru, gora
akes, wang kung anek-anek na kaartehan pa nuh!” ‘yan ang dahilan kung bakit
naging close ng lahat si Genina, napakagaling kasi netong magsalita ng salitang
bading kahit babae naman siya. Naalala ko bigla ang pagpapakilala neto sa buong
klase noong unang araw ng pasukan.
Good morning, am Genina San
Buenaventura, currently 18 years old, single but never available, may pepe pero
berde ang dugo, and I’m from the City of Fireworks, Marijuana and Shabu! That’s
all, thank you!!! Nga pala, yung City namin ay shubuyawey!!!! Yan ang paraan ng
pagpapakilala sa amin ni Genina.
“Oo baby girl, si Tristan dala si
Megatron doon, kaya kerimbels na jumoining ka!” Dahil din sa kakulitan ni
Genina at sa pagiging miss congeniality neto ay nakuhang mahawa na din ng iba
naming kaklase sa pananalita nito, kahit mga lalake na talaga namang kasundong
kasundo neto ay ginagaya na din siya.
“Ay!!! Winner!!! Papa Thep, knowsung
na ang pagbubulitattra kes! Jumoining ka na kaya sa federasyon!” Sabi neto
sabay tawa ng wagas. “ Ay ayan na pala si Barbie!” Dugtong naman neto’t agad na
bumalik sa kanyang pwesto.
Barbie ang tawag ni Genina sa
professor namin, code niya ‘yon sa babalina na na-adopt naman ng mga kaklase
ko, ewan ko, pero ako hindi ko magawang ma-adopt ang way ng pananalita ni
Genina.
Isang napakahabang araw na walang
break time ang nangyari sa aming buong maghapon, dahil na rin sa mga
experiments at paper works ay hindi na kami nakapagbreak time. Ang iba naming
kaklaseng mga lalake ay palabas-labas ng laboratory kahit na pinagbabawalan
sila ni Babalina na lumabas ay pilit pa rin nilang nagagawa ng malaya ang
paglabas at pagkain. At syempre, dahil ako ang presidente ng klase ay hindi ko
magawang suwayin angaming professor.
“Kain ka muna.” Bulong sa akin ni
R-Kei, kababalik lamang nito sa galing sa labas at may dala siyang paborito
kong lumpiang shanghai na mabibili sa aming canteen na babad na babad sa sweet
and sour sauce.
“Ma’am! Si R-Kei, may dalang food para
kay Lenard!” Narinig kong sigaw ng isa kong kaklase sa prof namin na sinundan
naman ng kung ano-anong sigawan na para bang kinikilig na na-iinis.
“Ma’am gusto nyo rin?” Pabirong sabi
ni R-Kei kay babalina. “Bili kayo sa baba ma’am.” Dugtong pa neto habang
tumatawa.
Namula ako’t hindi nakapag-react sa
biglaang mga pangyayari, para akong naestatwa. Oo, kinilig ako sa ginawa ni
R-Kei na pagbili ng pagkain para sa akin pero agad ding napalitan ng inis dahil
na din sa pagsigaw ng aking kaklase.
“’wag ka na magalit, okay lang ‘yon
no’. Eh anong magagawa natin, namumutla ka na sa gutom kaya naisipan kong bilhan
ka nung palagi mong binibili sa canteen.” Masuyong sabi sa akin ni R-Kei.
“T-thank you.” Sabi ko nalang dito
sabay kuha sa kanyang binili para sa akin at silid sa aking bag.
“Ang pagkain, kinakain. Hindi
itinatago. Ano ba naman ‘yan Lenard.” Sabi neto at inabot niya ang aking bag.
“Nakakahiya ka...”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko
pa sana dahil isinalampak ni R-Kei ang binili niyang pagkain sa aking bibig
kaya wala na muli akong nagawa kundi ang kainin ito. Hindi umalis sa tabi ko si
R-Kei hanggang sa matapos kong kainin ang 5 lumpiang shanghai na binili niya
para sa akin.
Nagpatuloy lamang ang aming experiment
hanggang sa matapos ang aming klase. May limang oras din kami sa klaseng iyon
na talaga namang nakakapagod. Buti nalang at iyon lamang ang klase namin sa
buong maghapon.
Matapos ang klase ay dumiretso na kami
ni R-Kei sa apartment para makakain. Pagdating naman namin doon ay may nakahain
ng pagkain na luto ni Ate Nyebes. May pagtataka man pero ipinapasawalang bahala
ko nalamang ito dahil na din sa sobrang gutom na nararamdaman ko.
“Kung ayaw mo namang sumali, pwede
naman ih. Hindi kita pipilitin.” Pagbasag ni R-Kei sa katahimikan naming dalawa
habang kumakain.
Tiningnan ko lamang ito dahil hindi ko
agad nakuha ang ibig netong sabihin.
“I mean, ‘yung sa banda. Pwede namang
hindi na tayo sumali kung ayaw mo talaga.” Sabi nito sabay subo sa pagkain
niya.
“Okay lang ‘yon. Kesa naman magalit
sayo o sa akin sila Thep diba. Basta pag napahiya tayo, walang sisihan huh.”
Nakangiti kong tugon dito.
“Sure ka ba? Okay lang naman talaga sa
akin kung hindi tayo tutugtog ih.”
“Okay lang ‘yon basta ba hindi
maaapektuhan ‘yang pag-aaral natin eh.” Balik tugon ko dito.
“Sige, promise, kapag may quizzes
tayo, walang praktis. Salamat Lenard, you made me happy.” Nakangiting tugon
nito sa akin.
Gusto ko pa sanang usisain kung pano
ko siya napasaya pero minabuti ko nalamang na huwag dahil na rin baka madismaya
din ako sa isasagot nito. Alam kong mabait lamang siya sa akin dahil na din
mabait sa kanya ang mga kasama ko sa bahay. He’s just returning the favour.
Nang matapos kaming kumain ay minabuti
nitong siya na ang maghugas ng aming pinakainan dahil na din nahihiya na daw
siya kay Ate Nyebes, tinanong ko siya kung bakit pero hindi na nito sinagot pa
ang aking tanong bagkus ay nagdire-diretso na siya sa lababo upang maghimpil.
Magbibihis na sana ako ng pang bahay
kong damit nang may magtext sa cellphone ni R-Kei na ako ang may hawak.
“R-Kei, may nagtext sayo.”
“Buksan mo na, Bull.” Agad na tugon
nito sa akin.
“Si Thep, asan na na daw tayo? Bakit?
Anong meron?”
“Practice, diba um-oo ka na? Kaya
magpapractice na daw tayo sabi nila. Pakipareplayan bull, hindi pa kasi ako
tapos maghugas netong pinagkainan naten. Sabihin mo nandito pa tayo sa inyo.
Thank you, bull.”
Agad kong itinayp sa CP ni R-Kei ang
pinapasabi niya at sinned ito. Umupo nalamang ako sa sala habang hinihintay ko
si R-Kei na matapos sa kanyang ginagawa.
“Saan kayo pupunta?” Usisa ni Ate
Nyebes sa akin.
“May practice daw kami ate, baka
gabihin kami pag-uwi.” Tugon ko naman dito.
“Basta sabihin mo kay R-Kei, ihatid ka
dito ha!”
“Bakit naman ako magpapahatid? Lalake
ako Ate Nyebes, kaya kong umuwi mag-isa dito.”
“Alam ko naman ‘yon Lenard, pero para
na din sa safety mo kaya dapat kang ihatin ni R-Kei.”
“Oo Ate Nyebes, ihahatid ko ‘yan, ‘wag
kang mag-alala.” Singit ni R-Kei sa usapan namin ni Ate Nyebes. “Leggo, bull.”
Baling nito sa akin.
Agad na akong tumayo sa kinauupuan ko
at sumunod na kay R-Kei palabas ng apartment.
“Kahapon ko pa napapansin ‘yang tawag
mo sakin ah, bakit ba bull?” Usisa ko dito habang naglalakad kami pabalik sa
school. Doon daw kasi ang kita-kita namin bago pumunta sa studio.
“Trip ko lang, lagi mo kasing
binubully yung puso ko kaya nagreregudon.” Sabi nito at nasilayan kong muli ang
kanyang unique smile na talaga namang nakakatunaw.
Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi
nito, para akong natulala sa kanya habang naglalakad, napangiti nalang din ako
sa narinig kong sinabi nito sa akin, parang biglang pumalakpak ang aking tenga
sa narinig, kaya nagsimula ding magregudon ang puso ko.
“Andito na pala ang magsyota ih. Tara
na.” Basag ng isang lalaki sa aking pag-iisip at kakiligan ng aking pakiramdam.
Nasa school nap ala kami.
“Hi Lenard.” Si Genina nanaman, kasama
pala siya sa practice namin. “Kayo huh, lagi na kayong magkasama huh.”
Malanding sabi nito sa akin.
Hindi ko ito pinansin bagkus ay
nagdire-diretso nalang ako sa aking paglalakad pasunod sa barkada nila Thep.
Sinabayan ako ni Genina sa paglalakad gayon din naman si R-Kei.
“May dapat ba akong malaman R-Kei?”
Tanong ni Genina kay R-Kei.
“Wala naman Genina, tanungin mo nalang
si Lenard tungkol d’yan sa kuro-kuro mo sa isip mo, para naman malinawan ka.”
Sabi ni R-Kei at naglakad na muna ng mabilis para mahabol niya ang tropa niya.
Kaya naiwan kami ni Genina sa likuran nila.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment