Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (10)

by: Eusethadeus

Kamusta na po, eto nanaman ako ulit, pasensya na kung medyo matagal mga updates ko. Sobrang busy lang sa work... Pero I still hope you like this story...

Paalala po guys: Eto po ay kathang isip lang... kung meron mang pagkakatulad sa tunay na buhay ay ipagpasensya nyo na po dahil hindi ko sinasadya.. hehehe... maraming salamat ulit and please leave your comments... para sipagin na akong magsulat.. hehehe... thank you...


“Mahal na mahal kita, Lenard. Huwag mo akong basta-bastang itapon na parang basahan lang! Hindi mo 'to pwedeng gawin sakin!”

“Hindi ko alam kung ikaw pa rin ba ang taong minahal ko noon.” Maikli kong tugon rito.

“Pero mahal mo pa din ako di'ba? Magsabi ka ng totoo, Lenard! We can still work this out.” Mangiyak-ngiyak nitong tugon sakin.

“H.hindi na.” Nakayuko't mabulol-bulol kong balik naman dito.

“Tell me you're lying! That's not true, Lenard! That's not true!” At tuluyan nang kumawala sa mga mata nito ang mga luhang palagay ko'y kanina pa nitong pinipigilan!

“I'm sorry, if you did not love your music over me, this will not happen, Echo. Dapat lang satin 'to, ayokong mas saktan ka pa kapag pinatagal ko pa 'to.” Pagpapaliwanag ko dito habang ako ay nakayuko at pilit na itinatago ang mga luhang hindi na rin napigil ng aking sariling mailabas.

“Pero sinasaktan mo na rin ako ngayon, Lenard! 'wag mo akong iwan ng ganito lang lenard. Hindi ko kayang mawala ka!” Nakasigaw na nitong balik sakin.

“Pero hindi mo rin kayang mabuhay nang wala ang musika mo, Echo.” At tuluyan na akong umalis sa tagpong iyon namin ni Echo.

“Babe.” Naririnig ko ito ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko maimulat ang aking mga mata. “Babe, gising. Babe, nananaginip ka!” Sinamahan pa nito ng pagyugyog ng aking katawan.

I remember that seen from my dream. 'yon ang panahon kung saan ko hiniwalayan si Echo halos isang taon na ang nakakaraan. Ang tagpong akala ko noo'y pagsisisihan ko, dahil na rin sa pag-aakalang ito na ang huling taong mamahalin ko ng sobra pa sa buhay ko.

Pero doon pala ako nagkamali, dahil nandito ako ngayon, katabi ang pinili ng puso kong mahaling muli. Si R-Kei na gumising ng puso kong natulog ng mahabang oras.

Nagising nalang akong hapong-hapo at habol-habol ang aking hininga. Nagising ako sa pagyugyog na ginawa sa akin ni R-Kei. Ngayon ko lang ulit napanaginipan ang tagpo kung saan ako nakipaghiwalay kay Echo. Noon kasing bago-bago sa akin ang tagpong iyon ay siya namang paulit-ulit nitong pagsagi sa aking mga panaginip na halos naging dahilan noon ng aking pagpapakamatay.

“Okay ka lang? Gusto mong tubig? Teka, kukuha ako.” Narinig ko pang sabi ni R-Kei.

“W.wag na. D.dito k.ka lang.” Hindi pa man nakakabawi sa pagkahingal ay nasabi ko dito at agad itong niyakap. “Dito ka lang sa tabi ko, please.” Sabi ko pa at bigla nalang tumulo ang aking mga luha sa aking magkabilang mata.

“Shhh. Bad dream lang 'yon, Lenard. Don't worry, hindi kita iiwan. Tahan na.” Pag-aalo nito sa akin kasabay ang pagyakap nito sa akin.

Hindi ko nagawang makasagot sa itinuran nito't tiningnan ko lamang ang kanyang mukha. Agad nitong pinahid ang aking mga mata gamit ang kanyang kaliwang kamay habang ang kanan naman ay abala sa paghagod sa aking likod. Kasunod nito'y ang paglapat ng kanyang labi sa aking mga mata at hinalikan ito.

“Hindi kita iiwan, Lenard. Mahal na mahal kita.” Nakangiti nang tugon nito sa akin.

“Mahal na mahal din kita, R-Kei.” Dahil sa itinuran nito'y bahagyang gumaan ang aking pakiramdam at yumakap ako rito ng mahigpit. “S.salamat.”

“Shhh, tahan na, babe.” Pag-aalong muli nito sa akin.

Doon na akong muling nakatulog sa mga dibdib nito dahil na rin marahil sa pagkakaiyak ko.

Natapos ang aming tugtog kagabi ng matiwasay, halos walang pagsidlan ng kasiyahan ang aking mga kasamahan sa banda dahil na rin sabihin na nating ito ang daan patungo sa katuparan ng kani-kanilang mga inaasam na kasikatan.

Ang may ari naman ng bar na iyon ay natuwa sa ipinakita naming performance at kinuha na kami nitong regular na bandang tutugtog sa kanyang bar tuwing Thursday at Friday na sinang ayunan naman namin.

Umalis din kaagad noon sila Missy bago pa man magsimula ang third set namin. Hindi ko man alam kung anong pinag-usapan nila ng aking mga kabanda ay hindi ko nalang ito inabalang alamin pa. Nagkakatawanan lamang naman kasi ang mga ito sa tuwing tinitingnan ko sila kaya sa tingin ko'y tungkol lamang iyon sa battle of the bands na parehas naming sinalihan.

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, at katulad ng inaasahan ay wala noon si Ate Nyebes at ang aking kapatid na si Ate Me-an dahil umuwi ang dalawang ito sa San Pablo, Linggo ngayon at walang pasok, gustohin ko mang umuwi ay naiwan na rin ako ng mga ito dahil tanghali ako nagising. Ito rin ang kauna-unahang beses na nauna akong magising kay R-Kei kaya nabigyan ako ng pagkakataong mapagmasdan ang mala-anghel nitong mukha habang natutulog.

Ang gwapo mo talaga! Pakiss nga! Mga katagang pipi kong nasabi sa aking sarili.

Agad kong ninakawan ng halik si R-Kei sa kanyang mga labi. Akala ko'y dahil doon ay nagising ko siya dahil bahagyang nangunot ang noo nito't umayos ng pagkakahiga mula sa pagkakayakap sa akin at doon muling nanamang nahimbing ng kanyang pagkakatulog.

Nagluto ako ng umagahan para sa amin ni R-Kei. Omelet at sinangag ang niluto kong pagkain dahil wala namang ibang mailuluto mula sa aming ref. Bukas pa mamimili si Ate Nyebes pagbalik nito galing sa San Pablo.

Nagtimpla din ako ng kape para sa aming dalawa dahil paniguradong masakit ang ulo ni R-Kei pag ito'y ginising ko dahil na rin sa alak na inubos nito kagabi.

“Ambango naman ng niluto ng asawa ko.” Nagulat pa ako ng bahagya ng biglang sumulpot si R-Kei sa lagusan ng kusina. “Pakiss nga muna.” Lambing pa nito sa akin.

“Ayoko nga, ambaho pa ng hininga mo oh, mag-toothbrush ka muna.” Tugon ko naman ditong nakangiti.

“Anong mabaho ang hininga? Eh laway mo din naman 'tong napanis sa bibig ko kagabi ih!” Nakangisi naman nitong balik sa akin. “Sige na, pa-kiss na, Babe.” May pagsusumamo na nitong dugtong pa.

“Ambaho nga ng hinga mo.” Pagbibiro ko pa dito na sinamahan ko pa ng pagkuha ng toothbrush nito at akmang lalagyan ko na ng toothpaste nang mabilis ako nitong mapigilan at agad na naiharap sa kanya at hinalikan nito. Hanggang sa wala na akong nagawa kundi tugonin ang kanyang mga halik.

“Mabaho pala huh! Kaya pala enjoy na enjoy kang makipaglaplapan!” Nakangisi nitong sambit nang maghiwalay ang aming mga labi. “Kain na tayo, babe.” Dugtong pa nito't nagpatiuna nang umupo sa hapag.

Agad kong inayos ang aming pinagkainan ni R-Kei, gusto pa sana nitong siya ang mag-ayos ng aming pinagkainan at maghimpil pero pinigilan ko na ito dahil na rin sa hiya. This is my apartment at siya ay bisita ko dito kahit pa man ilang beses na nitong nagagawa ang bagay na 'yon dito. Hindi na ito nagpumilit pa't nanuod nalang ng TV sa sala.

Habang naghuhugas ng pinggan ay narinig kong may kumakatok sa front door ng apartment na siya namang dahilan ng aking pagtataka. Wala akong ine-expect na bisita ngayon at hindi rin naman pupunta rito ang aking mga magulang dahil umuwi si Ate Me-an.

Agad akong naghugas ng aking kamay para mawala ang mga sabon rito't pumunta sa pintuan para malaman kung sino ang kumakatok. Sinenyasan ko nalang si R-Kei na pumunta muna sa kwarto at mag-ayos ng sarili dahil na rin kung magulang ko ito'y magugulat sila dahil sa ayos ni R-Kei na naka-boxer shorts lamang at nakasando.

Nakailang katok pa ang tao sa labas bago ko ito tuluyang napagbuksan ng pintuan.

“Hi.” Bungad ng lalaking kanina'y kumakatok sa pintuan.

“What the hell are you doing here?” Ang naibulalas ko nalang dahil sa iritang naramdaman ko dahil sa taong ito.

“Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa apartment mo? Ang hirap hanapin nito ah.” Sabi pa nito.

“You are not welcome here, Echo. You can now leave.” Iritang tugon ko pa rin dito at akmang sasaraduhan ko na sana ang pinto nang mabilis ako nitong pinigilan.

“Take it easy, Lenard. Hindi ako nandito para manggulo.”

“I don't care about your purpose on going here, ang akin lang, ayoko ng gulo.”

“Ayoko rin naman ng gulo, gusto lang kitang makausap.” Dismayadong tugon naman nito sa akin.

“Lenard, sino 'yan?” Caswal na narinig kong tanong ni R-Kei.

“Nandito si R-Kei, umalis ka na, Echo. Please lang.” Pakiusap kong pabulong na sabi dito dahil ayokong makita pa ito ni R-Kei. I have nothing to hide, ayoko lang talagang may magkagulo pa, at ito ang paraan ko para hindi makita ni R-Kei si Echo.

“Babalik ako mamaya, pag wala na s'ya riyan!” Sabi naman nito't nakinig sa'kin.

“Babe, sino 'yon?” Halos magkapanunuran lamang ang dalawa, nang mawala na sa pintuan si Echo ay siya rin namang paglabas ni R-Kei mula sa pintuan ng kwarto. “Oh? Para kang nakakita ng multo?” Dugtong pa nito.

Agad ko namang isinara ang pintuan dahil alam kong titingnan pa ni R-Kei kung sino ang dumating at hindi ko na para hayaan pang makita niya itong papalabas ng gate.

“Ahh, w.wala. Nagtatanong lang kung pwede daw maki-share ng renta.” Pagsisinungaling ko rito.

What a lame reason, Lenard! Para namang first time mo magsinungaling n'yan! Tingnan naten kung maniwala. Agad na sabi ng aking utak.

Tiningnan ako ni R-Kei as if he's checking if I'm telling the truth. Nang siguro'y napaniwala ko na ito'y saka ito nagsalita. “Ahh, okay.”

Walang sali-salita akong nagpuntang muli sa lababo ng kusina at wala sa sarili kong hinugasan ang mga pinggan.

Babalik ako mamaya, pag wala na s'ya riyan! And again, I heard those words from Echo ringing in my ear. Hindi ko naiwasang matakot dahil alam kong gagawin 'yon ni Echo.

Bakit ba kasi nagsinungaling ka pa kay R-Kei? P'wede mo namang sabihin sa kanya 'yung totoo di'ba? Maya-maya'y sabi ng aking utak.

Eh kung sinabi ko sa kanya ang totoo, hinabol ni R-Kei ang isang 'yon! Edi kagulo nanaman? Pagkausap ko naman dito.

At least, that way, hindi ka magsisinungaling sa kanya at hindi ka matatakot ng ganyan! Dahil for sure, kung hinabol 'yun ni fafa R-Kei, hindi na 'yon babalik dito!

Para namang hindi mo kilala si Echo!

“May problema ba, Babe?” Basag ni R-Kei sa aking pag-iisip.

“W.wala naman.” Nabubulol kong balik dito.

“Wala? Eh bakit mo d'yan nilalagay sa basurahan 'yung mga nasabunan mo na?”

Agad kong nilingon ang sinasabi nitong basurahan, at nakita ko ang mga may sabon pang kutsara at tinidor dito. Magsisinungaling pa sana ako kay R-Kei at dadaanin sa biro ang lahat, pero nang lingunin ko ito'y malapit na ito sa akin.

“Ako na nga d'yan, maligo ka nalang at magsisimba tayo mamaya.” Pag-aalala, 'yan ang naririnig ko mula sa tono ng pananalita ni R-Kei. I know from this point na alam na ni R-Kei na may iniisip ako. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang sa tingin nitong bumabagabag sa akin.

“O.okay.” Nabubulol ko pang maikling tugon dito.

Agad akong pumunta sa kwarto ko upang mag-ayos-ayos dito kahit papaano.

Babalik ako mamaya, pag wala na s'ya riyan! At muli ko nanamang narinig ang mga salitang iyon. Napataas pa ng kaunti ang aking balikat na para bang naririnding kinakabahan sa paulit-ulit na pumapasok na huling kataga ni Echo sa aking tenga.

“Tumigil ka na!” Mahinang sabi ko sa aking sarili. Para akong baliw na naiinis.

Nang matapos kong ayusin ang kama'y agad na akong dumiretso sa cr para maligo.

“Babe, kanina ka pang tahimik. May problema ba?” Untag ni R-Kei sa aking malalim na pag-iisip.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa jeep at binabaybay ang daan papunta sa simbahan. Pamula nang matapos akong maligo ay hindi na ako muling umimik pa at pilit na iniisip ang mga mangyayari mamaya.

How I wish hindi na s'ya bumalik mamaya. O 'di kaya naman, sana wala na si R-Kei sa apartment pagdumating s'ya. Sabi ko sa aking sarili.

“W.wala naman.” Tugon ko rito habang ang tingin ko naman ay nasa malayo.

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni R-Kei sa aking mga kamay at pinisil-pisil ito na naging dahilan rin ng pagtingin ko dito.

“Everything will be okay, Babe.” Sabi nito sa akin at nagbigay ng isang pilit na ngiti na 'yon din ang naisagot ko sa kanya.

Upon seeing R-Kei's eyes, I know that what's happening to me bothers him. Kaya pinilit ko munang iwaglit sa aking sarili ang mga pangyayari kanina at pilit na pinasaya kahit papaano ang aking sarili hanggang sa makababa na kami sa tapat ng gate ng isang subdivision kung saan nasa loob ang simbahan.

Hinawakan ni R-Kei ang aking kaliwang kamay gamit ang kanyang kanan. That simple gesture of R-Kei made me feel secured. Nang maiayos ko na ang aking sarili ay pinisil ko ang kamay ni R-Kei.

Lumingon ito sa akin at nagbigay ng ngiti.

“Okay na ko, don't worry na.” Nakangiti ko namang sabi rito.

“Sure ka ah?”

May pag-aalangan man ay agad ko na ring tinugon ito ng tango at ngiti, at sa pagkakataong iyon ay nasilayan kong muli ang ngiti ni R-Kei.

Nang marating namin ang simbahan ay halos magsisimula na ang misa. Sa dami ng tao rito'y hindi na namin nagawang makakuha ng pwestong mauupuan ni R-Kei kaya't pumwesto kami nito sa pinakalikuran at nakatayo.

“Peace be with you.” Bati ko kay R-Kei.

“Peace be with you too. I love you.” Nakangiting balik naman nito sa akin at mabilisan akong ninakawan ng halik sa labi.

“Baka may makakita.” Mahiya-hiya kong balik dito.

“Eh ano naman. Masama na bang i-kiss ngayon ang taong nagpapasaya sayo?”

“Hindi naman sa ganon, pero...” May pag-aalinlangan kong pagtutuloy sa aking sasabihin pa.

“Okay lang 'yan. Masanay ka na, Babe. There is no reason for me para ikahiya ka. Kaya walang dahilan din para hindi ko ipakita sa ibang tao kung gaano kita kamahal.”

Those words of R-Kei ay talaga namang nagdala ng ibayong kilig sa aking damdamin. Ito ang bagay na hindi noon nagawa sa akin ng kung sino man, mapababae o lalake. Ang maging proud man lang sila na ako ang karelasyon nila.

Dahil din sa sinabing iyon ni R-Kei ay nakalimutan ko na ang bagay na kaninang sa akin ay bumabagabag. Napalitan ng tuwa at kilig ang aking nararamdaman kaya't kahit tapos na ang “Ama namin” ay hinawakan ko pa rin ang kamay nito habang kumakanta ng “Kordero”.

Nang matapos ang misa ay hindi na maalis sa aking mga labi ang ngiting hatid ng peace of mind at ng pagmamahal ni R-Kei sa akin.

“Kain muna tayo bago kita ihatid sa apartment, babe.” Yaya nito sa akin.

“Ikaw bahala.” Nakangiti ko namang balik dito. “Oo nga, kailangan mo na rin munang umuwi sa inyo. Baka naman sabihin ng nanay at tatay mo na boarding house mo nalang 'yung bahay nyo.” Nakangiti ko pang biro dito.

“Boarding house?”

“Eh kasi po, halos araw-araw ka ng natulog sa apartment at uuwi lang sa inyo para kumuha ng damit!” Natatawa ko namang balik dito na tinawanan lamang din ni R-Kei.

“Sa'n mo gustong kumain?” Tanong nito sa akin habang nilalakad ang daan patungo sa sakayan ng jeep na magkahawak ang kamay.

“Kahit saan, babe. Ikaw ang nagyaya kaya ikaw po ang bahala.” Sagot ko rito.

“Sige, may alam akong masarap na kainan sa may Pacita, doon nalang tayo.”

“Pacita? Ang layo naman ata. Bakit hindi nalang kina Kuya Mack? Bukas naman 'yun nang Linggo ah.”

“Medyo nagsasawa na kasi ako kay kuya Mack, kaya dun muna tayo sa Pacita para maiba naman. And besides, wala naman tayong gagawin sa school bukas kaya okay lang na gabihin ka umuwi kahit konti di'ba?” Paliwanag naman nito.

“Okay, kaw bahala. Basta ba siguraduhin mong mapaparami mo ako ng kain doon huh, nagugutom na kasi mga baby mo sa loob ng tummy ko.” Panlalambing ko naman dito na ikinatawa naming dalawa.

Nang matapos kaming kumain ay tulad ng sinabi nito'y inihatid niya ako sa apartment. Mag-a-alas'siete na ng gabi ng kami'y nakarating sa apartment. Gustohin pa man ni R-Kei na tumigil pa kahit kaunting oras sa apartment ay hindi ko na rin ito pinayagan dahil na rin baka mapagalitan na ito ng kanyang magulang.

Ilang minuto nang makaalis si R-Kei ay may kumatok sa pintuan ng apartment na aking ikinatuwa dahil alam kong si R-Kei ito't may nakalimutan lamang at binalikan. Pero nagkamali ako, dahil nang pagbuksan ko ay iniluwa ng pintuan si Echo.

“A.aray, Echo. N.nasasaktan ako!”

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment