Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (17)

by: Eusethadeus

“Kamusta ka naman, Missy?” Kaswal kong tanong kay Missy habang nilalantakan namin ang pagkaing aming in-order.

“Okay naman ako. Actually, I'm superb, ngayong nagsisimula nang mag-boom ang career ko as drumer, at ang unti-unti kong pagbuo ng dream band eh natutupad na rin.” Masayang pagbabalita nito sa amin. “Eh kayo? Okay pa ba kayo?” Dugtong naman nito.


The word 'pa' stays on my ear as if telling me na may alam ang babaeng 'to. But I don't have plans on stepping down to her level. Hindi ako para mag-eskandalo lalo na sa harap ng maraming tao.

“Of course. Does it look like may problema kami?” Nakangiti ko namang tugon dito sabay ang pagkuha ng kamay ni R-Kei mula sa aking tabi. “Actually, we're great. Our relationship puts us in a deeper level. You know, pero siyempre, may mga tao D'YAN sa tabi-tabing GUSTO KAMING SIRAIN, as if namang we will allow that to happen.” Nakangiti ngunit nagbibigay diin sa ilang salita kong sabi dito sabay baling kay R-Kei. “Right, Babe?”

Sa sinabi kong 'yon ay parang nabilaukan si Missy at inubo.

“Napaka swerte n'yo namang dalawa sa isa't-isa. Nakakainggit.” Si Beshy, halos nakalimutan na namin na kasama pala namin ito dahil sa tensyong nabuo sa pagitan naming tatlo nila Missy at R-Kei.

“Of course, I have the man of my dreams, sino pa bang hindi magiging thankful dun di'ba?” Nakangiti ko namang tugon kay Genina. “By the way, Missy. Sabi mo kanina na bumubuo ka ng bagong banda, your 'dream band', saan ka naman nakakuha ng mga kasama mo? And make it sure na magagalingan nila si R-Kei when it comes to lead guitar.”

“It's a surprise.” Ang may laman naman nitong tugon sa akin. “And besides, hindi naman namin kailangang galingan si R-Kei.” Sabi pa nito sabay baling ng tingin kay R-Kei. “Right, R-Kei?”

“Ako naman kasi, I'm not into competitions, ang akin lang is makapagperform. I know there are lots of guitarist out there na mas magagaling pa sa'kin. So I think, magpapaka-low profile nalang ako.” Nakangiting pagsali naman ni R-Kei sa aming usapan.

From this point, medyo nakakadama na akong may something talaga between R-Kei and Missy.

“If my memory serves me right, ganyan din 'yung sinabi mo sa amin noong umalis ako ng banda natin noon di'ba? Sabi mo, bubuo ka ng bagong banda, and that band is your 'dream band' back then, right?” Pag-alala ko sa mga nangyari noong panahon na nasa iisang banda palamang kami ni Missy. “Tapos, nalaman ko nalang na ang banda palang binubuo mo is 'yung dati pa rin and you made Echo your star. Tama ba?” Pagpapatuloy ko pa.

“Oh gosh, I thought you'd not remember. But that was way back highschool days. Napakapangit pa ng taste ko nun noh. I know this time I'll win the next battle.” Nakangiting pagmamalaki naman nito sa amin.

“Missy, just to warn you, if you are planning to take R-Kei out of my band, then piss off! Ganyang-ganyan ka noon, kaya nabulag si Echo sa kasikatan n'ya noon.” This testimony of mine made the conversation turn upside-down. Si R-Kei naman ang parang nabilaukan sa sinabi ko kaya't agad ko itong nilingon. “Are you okay, babe?” Tanong ko rito habang himas-himas ko ang kanyang likod.

“O.oo, okay lang ako.” Tugon naman nito sa akin.

“Lenard.” Tawag-pansin sa akin ni Missy. “Kung kukuhanin ko si R-Kei sa banda n'yo, it's his choice kung magstay s'ya sa inyo o hindi na. At discretion n'ya 'yon, hindi n'yo dapat hinahawakan sa leeg ang mga kabanda n'yo, just like what we did to you three years ago.” Seryosong dugtong pa ni Missy sa akin.

“Bakit? Kaya ba kayo nagkikita ni R-Kei behind my back? To discuss things like this?” Nagugulomihanan kong tugon dito.

“You should ask your boyfriend, not me.” Nakangiting tugon nito sa'kin sabay inom ng tubig. “I should keep going guys, marami pa akong aayusin. At alam kong may pag-uusapan pa kayong dalawa. Nice meeting you, Genina. And pasensya na, I really have to go.” Ang parang nagmamadali na nitong sabi.

Hindi ko na ito pinansin pa, pinukol ko nalang ng tingin si R-Kei na ngayo'y hindi nakatingin ng diretso sa akin. Para akong ginisa sa sarili kong mantika dahil sa mga nalaman ko kay Missy at nakumpirma ko ito sa mga iniaasta ni R-Kei.

All this time, niloloko n'yo na pala ako! Mga walang hiya kayo! Ang gusto ko sanang maisangtinig ngunit inisip ko pa rin ang mga taong maaaring makarinig nito.

Pumikit nalang ako't nagpakawala ng isang luha, luhang masasabi kong naglalaman ng lahat ng sama ng loob ko sa nalaman ko. Luhang nagsasabing talo nanaman ako, at hindi ko nanaman maaaring magawan ng paraan na pigilan ito. Isang butil ng luhang humihingi ng paliwanag.

“Beshy!” Narinig ko pang sabi ni Genina.

“Ano nanaman ba kasing away meron kayong dalawa?” Narinig ko nalang na sermon ng aking Ate.

Nagising akong nasa aking sariling kama, hindi ko alam kung paano pero alam kong hindi ko panaginip ang mga naganap. Alam kong totoo na 'yon at kailangan kong malaman ang dahilan ni R-Kei kung bakit niya ako pinaglihiman ng gano'n.

I was listening eagerly to what my sister and to him she is talking to nang marinig kong nagsalita si R-Kei.

“Ate, it's just a simple misunderstanding. Hindi ko naman alam na mahihimatay si Lenard kanina, eh.” Paliwanag nito.

“Misunderstanding? The last time this happened to Lenard, nung may pinroblema siya ng malaki! No tell me, may problema ba kayong malaki ni Lenard!?”

“Ate, wala naman kaming problema. Hindi ko talaga alam, baka may iniisip nanamang kung ano si Lenard kaya siya nagkaganyan. I'm sorry, ate.” Tugon naman ni R-Kei dito.

“'yan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Kung hindi mo kayang alagaan ang alaga ko, hiwalayan mo nalang!” Si ate Nyebes naman. Parang hi-na-hot seat ng dalawa si R-Kei.

Nang marinig ko 'yon kay Ate Nyebes ay muli nanaman akong napaluha. Unang-unang pumasok sa aking kokote ay ang pakikipaghiwalay sa akin ni R-Kei.

Panandaliang tumahimik ang tatlo, hindi ko alam kung ano ang nangyayari, gusto kong sumilip ngunit ayaw kong malaman nila na ako'y gising na. Gusto ko lang marinig kung ano ang magiging sagot ni R-Kei ukol dito.

“H.hindi ko naman po kayang mawala si Lenard sa buhay ko.” Maya-maya'y mahina't sinserong tugon ni R-Kei sa dalawa.

“Eh, ayon naman pala! Edi ayusin n'yong dalawa 'yan!” Tugon naman ni Ate Me-an dito. “Ayusin n'yo na 'yan bago pa dumating sila daddy. I already told them what happen and they're already on their way here!”

Naalarma ako sa sinabing 'yon ni Ate Me-an, hindi ko rin kasi akalaing magiging gano'n kabilis ang response nila daddy dahil na rin this is not the first time na nangyari sa akin ang bagay na 'to. Kaya malaking palaisipan sa akin kung bakit kailangang pumunta dito nila daddy.

Ano nanamang sinabi mo Ate Me-an!? Sigaw ko sa aking utak.

Agad akong tumayo at akmang lalabas pa lamang ako ng aking k'warto nang bumulaga si R-Kei sa aking pintuan. Waring nagulat pa ito nang makita akong nakatayo sa likod ng pintuan.

“B.babe?” Ang tila nakakita ng multo nitong naisambit.

Tiningnan ko lamang ito, hindi ko alam kung anong rumehistro sa mukha ko, kung katarayan ba o ang nakakaawang ako. Hindi ko na alam, hindi ako makapag-isip ng matino, dahil naaalarma pa rin ako sa sinabi ni Ate Me-an na parating raw ang aking ama at ina.

“B.babe, can we talk?” Tanong pa sa akin nito.

Bagkus na kausapin ito'y nagpumilit nalang akong lumabas ng aking k'warto upang harapin si Ate Me-an. Hindi naman ako nito napigilan o mas tamang sabihin ni nagparaya nalamang ito nang mapansin siguro na wala pa akong panahong makipag-usap sa kanya.

“Anung oras dadating sila mommy?” Diretsahang tanong ko kay Ate Me-an nang makaharap ko ito sa sala ng aming apartment.

“Hindi ko alam, basta ang sabi nila they're on their way.” Kaswal na tugon naman nito sa akin.

“Bakit ba kasi kailangan mong sabihin sa kanila? Ate naman, alam mong hindi na bago sa'kin ang nagkakaganito!” Maktol ko rito. “Ano pa bang sinabi mo sa kanila? Bakit sila biglang susugod dito?”

“Alam mo, Lenard, imbes na nagkakaganyan ka, ayusin n'yo nalang muna ni R-Kei kung anong problema n'yong dalawa! Ang dami mong sinasayang na panahon, eh! Para mamaya, pagdating nila mommy, kakain nalang tayo at wala nang masesermonan pa!”

“I don't have time listening to his lame reasons!” Matigas kong tugon rito na talagang ipinaparinig ko pa kay R-Kei ang sinasabi ko.

Nang lingunin ko ito'y nakita ko nalang itong lumuluhang nakatayo pa rin sa pintuan ng aking kwarto, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, kung ito ay awa ba? Pero parang may tumutusok sa aking puso habang pinagmamasdan ang mga luhang dumadaloy sa magkabila nitong pisngi.

“And besides, he already made his choice. A choice not to tell me everything!” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang ito pero sa kabila ng aking nararamdaman ay nagawa ko pang sabihin ito na nakaharap sa kanya.

Tumalikod ako kay R-Kei at pumunta sa kusina. I know na susundan ako nito, at hindi nga ako nagkamali dahil habang naghuhugas ako ng kamay para maghilamos ay naramdaman ko nalang ang mga bisig nitong yumayakap sa aking baywang.

“Will you please! Can't you see I'm doing something!” Mataray at pasuplado kong sabi rito.

Ngunit hindi ito nagpatinag, bagkus ay lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakapulupot ng kanyang kamay sa aking baywang. Paulit-ulit nitong binabanggit ang salitang 'sorry' habang ramdam ko naman ang kanyang mga luhang pumapatak sa aking kaliwang balikat.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng habag dahil sa ipinapakita ko ritong kahangalan, pero gusto ko lamang naman itong matuto ng leksyon, at ayaw kong matulad ang relasyong kinaiingat-ingatan naming dalawa sa hiwalayan.

Kung noo'y naging maluwag ako kay Echo at hinayaan ko lamang itong sundin kung ano ang sinasabi sa kanya ng ibang tao, na naging dahilan naman ng hiwalayan namin at tuluyang pagtalikod ko sa kanya. Ngayo'y hindi ko na hahayaang mangyari pa 'yon sa amin ni R-Kei.

“Do you have plans on telling me your secret agenda with Missy?” Maya-maya'y tanong ko rito sa malumanay kong tono.

Hinarap ko ito't hinawakan sa magkabila niyang braso, nakayuko itong parang ayaw ipakita sa akin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Alam kong lumuluha pa rin ito dahil sa paminsan-minsang paghikbi.

Tumango lamang ito bilang pagtugon sa aking tanong.

“WHEN!?” Pasigaw ko nang tanong sa kanya.

“H.hindi naman na mahalaga kung sabihin ko man sayo o hindi, 'cause I already made my decision, babe.” Madamdaming pahayag nito sa akin.

“And your decision?” Mataray ko pa ring tanong dito.

“My decision is not to join and not to be part of any Missy's ideas.” Tugon naman nito sa akin. “I'm sorry I did not told you, wala naman kasi akong balak na pagbigyan si Missy sa mga sinasabi n'ya. Ine-entertain ko lang siya 'cause I thought she's your friend. But when I saw what happen kanina sa resto, lalo lang lumakas ang loob kong tanggihan ito.” Pagpapaliwanag sa nito sa akin.

“KAHIT NA! Anak ng tinapa! R-Kei, ano mo ba ako!? Di'ba dapat wala tayong nililihim sa isa't-isa! Pero pang ilan na 'to!?” Pasigaw kong tanong dito't nagpakawala muna nang isang malalim na buntong hininga bago muling nagsalita. “Ilang beses na kayong nagkita nang hindi ko alam?” Mahinahong tanong ko rito.

Hindi ito agad nakasagot, waring walang balak sagutin ang aking tanong rito. Bumibilis nanaman ang tibok ng aking puso, alam kong hindi maganda ang susunod pang mangyayari, kaya bago ko pa muling masigawan ito'y ako na mismo ang umalis sa eksena naming 'yon.

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto'y nakasalubong ko pa si Ate Nyebes, pero dinaanan ko lamang itong parang hangin.

“Mamaya n'yo na ituloy ang usapan n'yo, parating na sina Madame. Nasa may pavilion na daw.” Narinig ko pang sinabi ni Ate Nyebes pero wala na akong panahong usisain pa ito.

Ilang minuto lang ang lumipas matapos ang aming tagpo ni R-Kei ay siya namang dating ng aking mga magulang. Agad na pinagbuksan ito ng gate ng aking ate. Nang makapasok ito sa aming apartment ay siya rin namang pagkagulat namin pare-parehas nila Ate Me-an.

Kasama nitong pumasok sa aming apartment si Echo at si Missy.

I thought, nakakulong ngayon si Echo? Agad na tanong na pumasok sa aking isipan nang makitang papasok ito sa aming apartment kasama si Mommy at si Daddy.

“You have lots of things to explain young man.” Agad na bungad sa akin ng aking tatay sa mahinahong nitong tono.

Si mommy naman ay agad na dumiretso kay Ate Nyebes at inilayo pa ito sa aming kinaroroonan na para bang may gusto itong malaman mula kay Ate Nyebes.

Hindi ko na pinansin pa ang kung ano mang pag-uusapan ni Ate Nyebes at ni Mommy, nagpupuyos na galit ang ngayo'y nananalaytay sa aking katawan. Nang makita kong muli si Echo ay parang ang lahat ng aking dugo ay nagpuntahan sa aking ulo na para bang gusto nitong sumabog. I know I'm missing something, and I need to know that, FAST!

“Kamusta naman ang pag-aaral n'yo?” Panimula ni Daddy sa aming usapan.

Kasalukuyan kaming kumakain sa, kailan lang ay aking napanaginipang kilalang restaurant dito sa Biñan. Isang kubo rito ang inokupa namin. Ako, si R-Kei, Ate Me-an, Ate Nyebes, Missy, Echo, at sina Mommy at Daddy. Nagtataka man dahil hindi ako kinakausap ni Mommy maliban sa pagmamano ko sa kanya kanina nang dumating sila ay hindi ko nalang rin muna ito pinansin.

“Okay naman po, dad.” Tugon naman ni Ate Me-an.

“Eh, ikaw, Lenard?” Baling naman nito sa akin.

“O.okay naman din po.” Nakayuko kong tugon rito.

“Care to introduce us to your guest? Kanina pa yatang tahimik 'yang kasama mo ah.” Doon ko lang muling narinig si Mommy na magsalita.

“Siya 'yung kinukwento ko sayo na magling kumanta, honey.” Singit naman ni Daddy. “Missy introduced him to me nung nasa Palmera's kami at sakto naman na dating banda netong si Lenard ang tumutugtog nung mga oras na 'yon.”

“Unfortunately, sir, ako dapat 'yung tutugtog no'n. Kaso, may NAGPAKULONG sa amin ng mga kabarkada ko noon without any evidence sa ibinibintang sa amin.” Singit rin naman ni Echo.

Echo is acting as if may pinaparinggan ito sa mga sinasabi niya. I know si R-Kei ang nagpakulong sa kanila, pero hindi naman siguro ilalabas ng mga pulis na ang nagsuplong sa kanila ay ang mga dayo from Biñan.

“What a coincidence na nando'n ka rin sa San Pablo no'n R-Kei.” Pagpapatuloy pa rin nito sa kanyang sinasabi.

Hindi ito pinansin ni R-Kei, bagkus ay tumahimik lamang ito sa isang tabi habang mahiya-hiya pa siguro ito na kainin ang mga nakahaing pagkain sa kanyang harapan.

“I'm talking to you R-Kei. Bakit ka nga ba nando'n sa San Pablo noon?” Seryosong pangungulit pa ni Echo rito.

“May problema ba, pare?” Siguro ay hindi na rin nakapagtimpi si R-Kei at 'yan ang nasabi niya.

“Guys, take it easy. Mahaba pa ang gabi, I know tito will agree na kahit dito muna tayo magstay sa Biñan just for this night.” Singit naman ni Missy na nakangising aso pa, halata mong may binabalak. “Di'ba tito?” Baling naman nito kay Daddy.

“Actually, that's a great idea, since we have newbies here, why don't you two stay here just for the night. Alam ko rin namang hindi nanaman kayong dalawa papasok bukas.” Tugon naman dito ni Daddy.

“But, dad. Me and Ate have classes tomorrow.” Simpleng pagtutol ko sa gusto ni Daddy.

Echo and Missy was one of my closest friends before, at dahil din dito ay nakakapaglabas-masok sila sa aming bahay. Dahil rin dito ay naging close na sila sa aming mga magulang, kaya lahat ng sabihin ng dalawa ay pinagbibigyan nito. Hindi man alam ni Daddy at ni Mommy ang nakaraan namin ni Echo.

“I'll talk to your professors tomorrow young man, babalik rin kami dito bukas ng mommy mo to talk to you and you adviser. For now, mag-enjoy ka muna dahil bukas ka namin gigisahin.” Sa simpleng birong 'yon ni Daddy ay kinabahan ako ng todo at hindi na nakapagsalita.

Naalarma nanaman ang aking utak sa kung anong nalaman at malalaman pa nila daddy bukas. Kahit na wala ako ni isang ideya sa kung ano man ito.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment