Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (06)

by: Eusethadeus

“Ano nga bang dapat kong malaman Lenard?” Malokong tanong ni Genina sa akin.

Bagkus na sagutin ito ay tiningnan ko nalang ito ng matalim para malaman niyang hindi ko nagugustuhan ang kanyang tinatanong. Alam ko naman kasi na walang patutunguhang maganda ang pinupunto ni Genina sa kanyang mga tanong kaya’t hindi ko na ito pinansin pa.

“Okay!!!” Eksahiradang sabi nito nang mapansin sigurong hindi ko nagugustuhan ang kanyang itinuturan. “Sure ka ba na ikaw ang kakanta sa kanila? Baka naman mapahiya ka lang.” Pag-iiba nito ng usapan namin.


“Bakit ba palagi mo kong inaasar Genina?!” Galit kong tanong dito pero sa kalmadong lakas lamang.

“Hindi kita inaasar. Neng, bakit ba kasi wis ka pa mag-out! Knowing naman ng lahat na tripalou ka ni otoko, nyoket boyaw mo pang aminin na kayey na?” At nagsimula nanaman siyang mag’beki’-talk.

“Dahil wala naman akong dapat aminin sayo! And are we friends? Ikaw lang ‘tong lapit ng lapit sakin! Kaya please! Tigilan mo ko sa mga ganyan mong tanong kung gusto mong magkapalagayan pa tayo ng loob, ‘coz right now! Am telling you, the way you are approaching me is annoying!” At ‘yun, hindi ko na napigilan ang sumabog. Kung dati-rati’y pinagtatawanan ko siya pag ganun ang sinasabi niya, ngayon ay parang napikon ako.

Eh bakit ka ba kasi napipikon? Gustong makipagkaibigan sayo nung tao tapos ganyan kung tratuhin mo! Mag-isip ka nga Lenard! O hindi kaya, kaya ka nagkakaganyan ay dahil naiinis ka sa katotohanang wala naman talagang kayo ni R-Kei na kapag tinatanong niya ay paulit-ulit mong sinasabi at napipikon ka dahil gusto mong mangyari ang bagay na ‘yon! Out of the blue, biglang sabi ng aking isipan.

Namalayan ko nalang ang isang Genina na nakatingin sa akin at nakangiti. Imbis na mainis ako sa mukha nitong nakatitig sa akin ay parang may kung anong kumiliti sa aking tagiliran at nag-iba ang aking mood, napatawa nalang ako sa itsura nito ngayon.

Genina has this charisma na kapag napipikon ka sa kanya ay hindi mo magagawang maituloy. Ewan ko ba pero sa titig n’yang ‘yon ay nakuha niya ang loob ko at napatawa akong mabuti.

“Oh diba! Look at you Lenard, you’re too defensive! Kaya nahahalata ka ih! ‘wag ganon, dapat chill lang, kung wala namang dapat itago bakit kailangang mapikon? Pero naniniwala naman ako sayong walang kayo ni R-Kei. Am just trying to test your temper.” Nakangiting paliwanag pa nito sa akin.

“S.sorry sa mga nas.sabi ko. And thanks for believing.” Sabi ko dito

“Pero ‘yung totoo? Meron nga ba?” Sabi nito kasabay ang isang malakas na hagalpak.

“Okay guys, nice practice. Bukas ulit.” Si Thep, ang bassist ng banda namin na siya ding tumatayong leader namin. “Lenard, magaling ka, huwag kang mahiya, just enjoy every performance and we’ll be okay.” Baling neto sa akin.

Wala akong naging sagot sa kanya kundi ang pagtango-tango dahil nahihiya pa din ako sa aking pagkanta. Alam ko sa sarili kong hindi ako magaling kumanta at hindi ako magugustuhan ng crowd kung saka-sakaling sasabak kami sa mga tugtugan. Pero nandito na ako, at naka-commit na ako sa kanila kaya nakakahiya namang mag-back-out.

“Ano nanamang iniisip mo?” Agad na sabi sakin ni R-Kei nang makalapit ito sa akin.

“Ah. Eh. Wala, wala, wag mo na akong intindihin. Okay lang ako.” Sabi ko dito.

“Are you sure?” Tanong muli nito sa akin na sinamahan pa niya ng paghagod-hagod sa aking likuran. It made me feel comforted but when I saw those people sa paligid namin ay nahiya akong bigla kaya agad kong iginalaw ang aking balikat para maalis ang pagkakahagod ni R-Kei sa aking likuran.

“Ako ang kinikilig sa inyong dalawa ih! ‘yan ba ang walang relasyon?” Si Genina na wala na yatang ibang ginagawa sa buhay kundi sitahin kaming dalawa ni R-Kei.

Agad akong tumayo at lumabas sa studio na pinagpa-praktisan namin at humugot ng sigarilyo sa aking bulsa sabay sindi nito.

“Kung ako sayo, titigilan ko na ‘yan.” Isang boses ng lalake mula sa aking kaliwa ang nagsalita.

“Oh, Tristan, ikaw pala.” Ang nasabi ko lamang dahil sa pagkabigla ko nang makita ko siya.

Si Tristan ang aming drummer, sa unang tingin ay makikitaan mo agad siya nang kagwapuhang alam mong sa kanya mo lamang makikita. Kahit na sa edad nitong disi nueve ay mukha pa din siyang bata sa kanyang hitsura, baby face ika nga. Kung sa mukha ay para siyang bata, kabaliktaran naman ang meron sa hubog ng kanyang katawan, maskuladong-maskulado ang tindig nito na halata mong alaga niya ito sa gym.

“Sabi ko tigilan mo na ‘yan. Makakasira kasi ‘yan sa boses mo.” Sabing muli nito habang nakatingin sa alapaap.

“Eh bakit ba kasi ako ang kinuha nyo, eh naninigarilyo ako, tsaka hindi din naman kagandahan ang boses ko, walang-wala ako sa boses ni R-Kei, dapat si R-Kei nalang kasi ang kinuha ‘nyo.” Sabi ko rito sabay hithit sa sigarilyong hawak ko.

“Wala kasing stage presence si R-Kei.” Maikling pahayag nito.

Nawiwirduhan talaga ako sa kanya kahit gwapo s’ya. Parang laging may malalim na iniisip. Kahit ano papansinin niya, pero pag nakipag diskusyon ka na sa kanya ay “isang tanong isang sagot” lamang ang gagawin niya sayo. Hindi talaga tumatagal ang usapan nila ng kahit na sinong kumausap dito maging ang mga professor namin ay napapanisn iyon.

“Eh lalo na ko, this would be the first time na makikipag tugtugan ako sa harap ng ibang tao na hindi ko pa naman kilala.”

“Ahh...”

“Pare, meeting daw muna sa loob.” Si Miggy, ang aming rhythm guitarist sa banda.

“Sige, susunod na ako, tapusin ko lang ‘to.” Tugon ko dito at nakita kong papatayo na sana si Tristan ngunit umupong muli ito at parang naghihintay ng kung ano.

“Oh, bakit hindi ka pa pumasok?” Tanong ko agad kay Tristan.

“Hintayin nalang kita, masarap kasing pagmasdan ang ulap eh.” And again, lumabas nanaman ang kawierduhan neton si Tristan.

“Bakit sabay kayong pumasok ni Tristan kanina dun sa studio?” Agad na tanong sakin ni R-Kei nang kami ay makauwi na sa apartment.

“Sabi ‘nya kasi hihintayin na daw ‘nya akong matapos manigarilyo.” Tanging tugon ko dito.

“At nagpahintay ka naman?” Parang nag-iimbestigang tanong sa akin nito.

“Bakit? Masasabihan ko ba si Tristan na wag akong hintayin? Teka nga R-Kei, bakit ka ba nagkakaganyan? May masama ba dun sa paghihintay sakin ni Tristan?”

“Ah.. eh.. W.wala!” Pasigaw nitong tugon sa akin sabay labas ng pintuan ng kwarto ko.

Ano nanaman kayang pumasok sa kokote ng isang ‘yon? Agad na tanong ko sa aking isip.

As usual, pagkauwi ko ay palagi akong naliligo at nagbibihis. Pagkatapos nito ay tumungo na ako sa kusina upang tingnan kung anong makakain.

“Ate Nyebes, anong meron?” Pasigaw kong tanong kay ate Nyebes habang naglalakad papunta sa kusina.

“Wala pa, hindi pa ako nakakapag grocery eh, kain nalang kayo ni R-Kei sa labas. Mamaya pa ang uwi ng ate Me-an mo eh.” Mahabang tugon ni Ate Nyebes.

Nakita ko si R-Kei  na matamang nanonood ng TV, kitang-kita mo sa kanyang mukha ang pagkadismaya, galit o (kung tama ba ang nasa utak ko?) selos. Haler Lenard, hindi magseselos ‘yan noh. Asa ka! Pagkontra naman ng maligalig kong utak.

“Kain tayo sa labas?” May himig ng pagsuyo kong tanong kay R-Kei.

“Hindi ako nagugutom.” Malamig na tugon nito sa akin.

“Sige, iwan muna kita dito?” Sabi ko habang umuupo patabi sa kanya.

“Bahala ka.” Tanging tugon sakin nito.

“Sure ka? Bakit ka ba ganyan? Bati na...” kasabay ang pagyugyog ko sa kanya. (My way of paglalambing)

“Ano ba? Tigilan mo nga muna ako!” Sabi nito.

“Bati na kasi, wag ka na magalit please. Ano ba kasing nagawa ko’t nagkaganyan ka bigla?” Pangsusuyo ko dito.

“Wala!” Matigas nitong tugon sa akin.

“Eh kung wala, bakit ka nagkakaganyan?”

“Basta! Pwede ba ‘wag kang makulit!” Inis na wika na ni R-Kei.

Wala na akong nagawa kundi ang pabayaan muna si R-Kei upang lumipas ang galit nito sa kung saan man niya hinuhugot ito.

“Ate Nyebes, kakain muna ako sa labas, nandito si R-Kei, ayaw sumama sakin, ikaw na muna bahala sa kanya huh.” Pagpapaalam k okay Ate Nyebes.

“Sigurado kang hindi mo ko sasamahan?” Tanong k okay R-Kei nang mapadaan muli ako sa kanyang kinaroroonan ngunit wala man lang akong natamong sagot mula rito.

Mula sa apartment namin ay nilakad ko ang daan papunta sa school dahil nandoroon ang mga kainan. Nang marating ko ang paborito naming kainan ni R-Kei ay agad ko itong pinasok at sa loob ay nakita ko si Genina.

“Genina, bakit hindi ka pa umuuwi?” Tanong ko dito.

“Umorder ka muna ng food mo para hindi maudlot ang pagtatanong mo sakin at mga pagtatanong ko din sayo.” Sa halip na sagutin ang aking tanong ay ‘yan ang sinabi niya sakin kasabay ang paghagikhik nito.

Agad din naman akong umorder ng aking kakainin.

“So, bakit hindi kayo magkasama ni R-Kei ngayon?”

“Kailangan ba parati ko siyang kasama?” Balik-tanong ko dito.

“Sa school nga hindi kayo mapaghiwalay eh!” Nakangiting tugon nito sa akin. “I can sense, something is wrong.”

“Nako Genina, tigilan mo ako sa pagiging madam auring mo, hindi nakakatuwa.”

“Ay wis, witi akira si madam auring noh, may nabanggit lang sakin si R-Kei kanina.” Nakangiting tugon sa akin nito.

“Subukan mong sabihin Genina, wala nang papansin sayo sa barkada namin!” Kapwa kami nagulat ni Genina nang marinig namin ang boses ni R-Kei mula sa entrance ng kainan na ‘yon.

“Oh, ayan na pala ang love life mo, sige, dito na kayo, may hinihintay din kasi ako.” Agad na pagpapaalam ni Genina sa amin nang lumapit si R-Kei sa kinaroroonan namin.

“Akala ko ayaw mong kumain?” Agad kong tanong kay R-Kei pero ako’y sawing-palad pa din dahil wala akong natamong sagot mula sa kanya.

Nang dumating na ang order ko ay agad ko itong kinain. Nakakaramdam man ng tensyon sa pagitan naming dalawa ay ipinagkibit-balikat ko nalamang ito.

Ano nga kaya problema netong si R-Kei? Nakakainis naman, hindi pa naman ako sanay na makita s’yang nagkakaganyan, is it about Tristan? Pero imposible naman yatang magselos ‘to. Not for me. Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. At alam kong hindi ako papatulan ni R-Kei. Kaya tigilan mo na ang pag-iilusyon Lenard. Matuto kang lumugar. Ang aking nasa isip habang kinakain ko ang pagkaing aking in-order.

Agad ko ring binayaran ang aking kinain at tumayo sa kinauupuan namin ni R-Kei naglakad na palayo sa naturang kainan.

Hindi pa ako nakakalayo nang may biglang humigit ng aking kamay.

“I’m not yet done eating! Bakit ka biglang umalis?!” Galit na galit na pagsita sa akin ni R-Kei.

“Ano bang problema mo!?  Kanina ka pa ha!”  Pikon kong balik dito.

“Ikaw ang problema ko! Bakit ba napaka manhid mo Lenard!? Ang tagal ko nang ipinaparamdam sayo na gusto kita! Bakit kailangan mo pang sumama kay Tristan! Maninigarilyo ka lang kailangan hinihintay ka pa nya! Ano bang wala ko na meron sa kanya?!” Nakasigaw nang sabi nito sa akin na naging dahilan ng aking pagkakatulala at hindi kaagad nakabawi para sumagot sa mga paratang nito sa akin.

Dahil sa malakas nitong boses ay nakapukaw ito ng madaming tao, ngayon ay nagtitinginan na sa amin ang mga estudyanteng kanina’y naglalakad lamang papunta sa kung saan. Nakakatakaw pansin din sa kanila ang pagkakahawak sa akin ng mahigpit ni R-Kei sa aking braso.

Ang iba sa kanila ay mukha ng panghuhusga ang makikita mo, ang iba naman ay gulat marahil ay hindi nila ineexpect na manggagaling sa bibig iyon ni R-Kei dahil na din siguro sa hitsura nitong talagang lalakeng-lalake.

“Let’s go.” Maya-maya’y mahinang sabi ko dito dahil sa hiya sa mga nakakakita sa amin.

“No, I want this finished before we go to your apartment! Isang tanong isang sagot, gusto mo din ba ako o hinde?” Diretsahang tanong nito sa aking walang paki-alam sa iba pang nakakarinig nito.

Inilibot ko ang aking mata sa paligid, pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Nang magawi ang aking tingin sa parte ng kainan na kinainan ko ay nakita kong nakatayo doon si Genina at nakangiti sa akin.

Imbes na sagutin ang sinabing iyon ni R-Kei ay nagpumiglas nalamang ako at pumunta sa kinaroroonan ni Genina, saka ko ito hinila papalayo sa lugar kung saan naganap ang hindi ko akalaing magaganap ngayong araw na ito.

Lumakad ng mabilis, ‘yan ang paraan ko ng pagtakas sa kahihiyan na dinala sa akin ni R-Kei sa mga oras na iyon. Parang hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil gusto din ako ni R-Kei o dapat ko nalang pigilan ang sarili kong mahalin ito dahil na din sa mga possibly issues na ipupukol sa akin ng mga tao.

Napatigil lamang kami ni Genina nang marating namin ang oval kung saan dito’y lagi na kaming tumatambay ni R-Kei pamula noong pinakanta niya ako dito.

“Kagulat ka beks! Hindi ko kinaya ang powers ni papa R-Kei sayo!” Ang panimula ni Genina nang marating namin ang oval.

“Kahit naman ako nagulat din ih! Pero napahiya ako noh!” Tugon ko dito.

“You should be proud friend. Bihira lang sating mga beks ang ginaganyan ng mga lalake, kaya be proud!  Isa lang ibigsabihin niya friend, HONGGONDO MO!”

“Tigilan mo nga ako Genina, hindi ‘yun ‘yon no. Hindi ang tipo ko ang magugustuhan ni R-Kei, imposible ‘yan. Baka pinagtitripan lang ako ng isang ‘yon!” Hindi ko talaga maamin sa aking sarili na magkakagusto sa akin si R-Kei kaya itinatanggi ko ‘to sa aking isipan kahit na ang puso ko’y halos tumalon na sa tuwa dahil sa pangyayari kanina.

“Lenard, mag-isip ka nga! Kung hindi ka gusto ni R-Kei, bakit niya ipapahiya ang sarili nya sa madlang pipol? Look on the brighter side beks, ang hobo na ng hair mo oh, natatapakan na ng mga nagjojogging d’on oh.” Sabi nito sabay turo sa mga kalalakihang nag-jo-jogging. “Beks ‘yun oh, gwapo.” Biro pa nito.

“How can you be like that Genina? Kita mo namang ganito na yung sitwasyon ko, nakukuha mo pang magbiro d’yan!”

“Kasi, hindi naman ako ‘yung nasa ganyang sitwasyon. And am just trying to make you laugh.” Sabi nitong muli sabay ngiti.

“Hala ewan, bahala na. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay R-Kei. Genina, help me naman oh.”

“Eh hindi ko din naman alam kung paano ka tutulungan beks, unang una, hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo, pangalawa, wala pang gumagawa sakin nung ganyan kaya hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko if ever man. Ngumiti ka nalang kaya at i-feel ang pagiging maganda mo, nuh ka ba, sa gwapong ‘yun ni R-Kei, dapat maging proud ka kasi merong may gusto sayo na ganoon ka kgwapo! Neng! TROPHY yun!” Mahabang paliwanag nito sa akin.

Kung tutuusin ay totoo naman ang sinasabi ni Genina. Oo’t narinig ko noong nag-uusap si ate Me-an at si R-Kei tungkol sa nararamdaman ni R-Kei sa akin pero ang buong akala ko noon ay dala lamang ng kalasingan nito noong mga panahong iyon kaya niya nasabi ang mga bagay na ‘yon. Ngayon ay hindi nakainom si R-Kei at nasasabi pa rin niya ang mga bagay na ‘yon.

“Bakit ba kasi ayaw mong maniwala kay R-Kei tungkol sa nararamdaman nya sayo?” Pang-uusisa pa ni Genina.

“Hindi ko alam Genina, baka kasi tinitrip lang ako ni R-Kei, ‘yon naman kasi ang kinakatakot ko.” Tugon ko rito.

“Eh kung malalaman mo ba na hindi ka niya tini-trip at totoo ang nararamdaman niya sayo, sasabihin mo din ba sa kanya na gusto mo s’ya?” Muling tanong nito sa akin.

“Hindi ko alam Genina, basta ang alam ko ngayon natatakot ako.”

“Hayaan mong tanggalin ko ang takot d’yan sa puso’t isip mo.” Ang biglang sabi ng isang lalaki mula sa aking likuran. Kasabay nito’y naramdaman kong unti-unting binibihag ng mga bisig nito ang aking katawan at naramdaman kong lumapat ang aking likod sa kanyang katawan.

Ang sumunod ko nalang narinig ay ang irit ni Genina. ‘yon din ang dahilan ng paggising ng aking ulirat. Kilig, siguro? Siguro ‘yon ang naiisip ni Genina nang mga oras na iyon kaya siya napa-irit ng pagkalakas-lakas at naging dahilan muli ito ng pagtingin ng mga tao sa paligid namin. Buti nalamang at may kadiliman na nang mga oras na iyon sa oval at hindi na kami gaanong makikilala ng mga tao.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment