Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (07)

by: Eusethadeus

“Good Morning Lenard, wake up na, ligo na, kain na, malapit na mag-time kaya gumising ka na.” Sagot ng lalaki sa kabilang linya ng telepono.

Ilang araw na din ang lumipas nang mangyari ang pag-amin ni R-Kei sa akin ng tunay niyang nararamdaman. Hindi man ako nakapagsalita noong mga oras na iyon at wala siyang napala sa akin ay patuloy pa din ang pagsuyo nito sa akin na animo’y boyfriend ko siya. Oo, gusto ko ang mga nangyayari at pumapabor sa akin ang lahat, pero hindi pa din maalis sa aking isipan ay ang palaisipang baka pinaglalaruan lamang nito ang aking damdamin sa kabila ng mga pinapakitang sinseridad nito sa akin.


Naging tiga gising ko siya sa umaga sa pamamagitan ng pagtawag nito sa aking cp, taga pagpaalala sa akin ng mga gagawin sa bawat araw. Tagapagtanggol ko sa mga taong nangungutya sa akin. Para akong babae kung ituring ni R-Kei, kung tutuusin ay oo ko nalamang ang kulang at legal nang magiging kami.

Pamula din noong araw na iyon ay naging close na kami ng tuluyan ni Genina. Araw-araw ko na itong kasama at hila-hila sa kung saan man kami pupunta. Sa practice, sa galaan, at sa inuman.

Ito na din ang araw kung saan tutugtog kami sa Lipa mamayang gabi, hindi na ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kabang ipinapabatid sa akin ng mangyayari mamaya. Nagkunwari nalang ako kay R-Kei na bagong gising lamang ako dahil kung malalaman nitong hindi ako nakatulog ng maayos ay kagagalitan ako nito.

“Gu.good morning din R-Kei.” Pagkukunwari kong pautal na sagot kay R-Kei na siyang nasa kabilang linya.

“Bilisan po ang kilos ah, kita nalang tayo sa school after an hour para makapag-breakfast pa tayo.” Sagot nito sa akin.

“Okay.” Napakahabang sagot ko naman dito.

“I love you.”

“Okay.” Tanging sagot ko muli dito at ako na mismo ang nagputol ng linya.

“Honggondo nomon ng kopotid ko!” Si ate Me-an, kanina pa din pala itong gising at nakikinig sa sinasabi ko kay R-Kei. Nakangising aso ito sa akin na para bang tuwang-tuwa siya sa nakikita niya sa akin.

“Oo na, araw-araw nalang eh, maliligo na ako at magbe-breakfast daw kami.” Sabi ko naman dito sabay sara ng pintuan ng banyo sa loob ng aming kwarto.

“HOY! AKO MUNA, MALELATE NA AKO SA KLASE KO!” Narinig kong sigaw pa nito pero huli na ang lahat dahil nakaupo na ako sa trono ko, ang kasilyas.

“Good morning babe. So how was your sleep?” Bungad sa akin ni R-Kei nang makarating ako sa kanyang kinaroroonan.

“Maka-babe ka naman, wagas.” Pagsupalpal ko dito, pero deep inside, kinikilig ako.

Tanging ngiti lamang ang ibinalik nito sa akin at inakbayan na ako nito’t iginaya papunta sa paborito naming kainan sa KFC (Also known as Kanluran Food Court).

“Upo ka na d’yan, ako nalang oorder para sating dalawa.” Tanging sabi nito sa akin nang marating namin ang naturang kainan.

Sanay naman na ako sa ganitong gestures na ipinapakita ni Lenard, pero kahit na sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos na ganito ang ginagawa niya sa akin ay hindi ko mainitindihan ang aking sarili kung bakit pa din ako kinikilig. I could not imagine a guy like him ever do this sa isang katulad ko. 

It’s time to wake up Lenard, totoo na to, kaya kung hindi mo pa siya susunggaban, ako na ang gagawa ng paraan para lalo kang mabaliw sa kanya! Biglang singit ng lalaki sa aking isipan, ang aking konsensya.

Eh pano kung pinaglalaruan lang niya ako? Pano naman ako? Iiwan nalang niya basta-basta? Pano naman yung pride ko? Edi naapakan din niya? Haler, ilang buwan palang kami magkakilala, hindi ko pa alam kung anong likaw ng bituka meron ‘yang si R-Kei noh! Parang baliw kong pagkausap sa aking sarili.

Huwag kasi puro isip ang gamitin Lenard, malay mo it’s the other way around, malay mo sincere pala siya, malay mo...

Eh puro malay mo lang naman pala ang alam mo eh, dun na ako sa proven and tested, kaya hindi ko muna susundin puso ko. Alam na alam mo kung anong pinagdaanan ko WAY BACK my high school days, kaya hindi ko maintindihan kung bakit sayo pa ‘yan nang gagaling?

Okay, okay, I got your point. But let me leave you with a question I know you’ll think about... Lenard, is it worth trying?

“Oh, ang lalim ata ng iniisip mo?” Basag ni R-Kei sa pagmumuni-muni ko.

“Huh?” Parang tanga ko namang balik dito. “Ah. Eh. Wala-wala, okay lang ako.”

“Are you sure?”

“Of course, asan na ‘yung food?”

“Ahh, oo nga pala, regarding the food, sabi ni Kuya Mack, dadalhin nalang daw niya dito.”

“Oh? Bago ‘yun ah? Hindi na ba self-service dito ngayon?” Taka kong tanong dito.

“Self-service pa din, eh sa inaraw-araw ba naman na dito tayo nakain eh, hindi pa ba naman tayo pagbibigyan ni kuya Mack?” Nakangising balik nito sa akin. “Maiba ako, bakit parang hindi ka nakatulog ng ayos kagabi?”

“Huh? Ang sarap kaya ng tulog ko kaya kagabi!” Maang-maangan ko.

“Masarap daw? Eh tingnan mo nga yang mata mo, parang luluwa na oh. Bakit nga? Is there something bothering you?”

“Okay nga lang ako, ano ka ba. Hindi ka pa nasanay sa  mata ko, ganyan lang talaga ‘yan. Wag mo nang intindihin.” Pagsisinungaling ko dito. “Nakagawa ka ban g assignment mo sa Chem 1?” Pag-iiba ko ng usapan, hoping na kakagatin n’ya ito.

“Yup, nakagawa ako.” Panandaliang tumigil ito ng pagsasalita at nagbuntong hininga. “Ayaw pa kasi magsabi ng totoo eh.” Halos pabulong nitong sabi habang nakayuko.

“Pardon me?”

“Wala! Sabi ko malapit nang dumating yung pagkain, magprepare ka na.” Sarkastikong sabi nito sa akin.

Tumahimik sa kadahilanang alam kong bad trip na si R-Kei sa akin. Wala eh, nahuli akong nagsisinungaling, and this is my way of admitting it, ang tumahimik.

Mataman kong pinagmasdan ang mga tao sa paligid namin, parang kanina lamang maraming tao dito, bakit ngayon mangilan-ngilan nalang ang nakaupo sa mga lamesa dito?

Co-incidence lang yan. Kontra ng isang parte ng utak ko.

I have this feeling na may kakaiba sa araw na ito, dati-dati kasi agawan pa kami sa canteen na ito ng mga nakakasabay naming kumain, pero ngayon ambilis naming maka-upo.

“Eto na food n’yo. Enjoy.” Sabi ng isang lalaki na nagbasag muli ng aking pag-iisip sabay abot ng food ni R-Kei, pagkatapos ay ang akin. “Pasensya na natagalan, andaming customer kanina, hindi ko kayo maasikaso.” Dugtong pa ni Kuya Mack.

Walang imikan naming sinimulan ang aming pagkain, kasabay din nito ang pag-aalisan ng mga tao sa paligid namin na hindi nakatakas sa aking paningin. Kasabay din nito ang biglang pagtunog ng speaker ni Kuya Mack na very unusual, sa tinagal tagal kasi na kumakain ako dito ay ngayon ko lang narinig na tumunog ang mga speaker ni Kuya Mack. From this scene, I knew there is something going on.

“Before we go to that gig tonight, gusto ko sanang angkinin ka, gusto ko sanang maging tayo na. Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya, hindi ko alam kung anong magiging resulta ng laban natin mamaya, pero kung i-aasure mo ako na sayo ako at akin ka. Mawawala ang mga nasa isip ko ngayon. I’m afraid of letting you go on that stage at pagtilian ng mga tao sa paligid mo nang hindi pa tayo Lenarad, iniisip ko palang nagseselos na ako. Iniisip ko palang na lalapitan ka ng mga babae, or kahit mga lalake o bading pagkatapos ng tugtog natin mamaya, parang nawawala na ako sa sarili ko. Lenard, call me selfish, pero kung sasabihin mo sa akin ngayon na oo, mahal mo ako, na oo, tayo na. Malaking tulong sakin ‘yon para maiwasan ko ang mag-isip ng kung ano-ano at mailugar ko ang sarili ko mamaya. Dahil alam ko kung tayo na, may karapatan na ako.” Mahabang pahayag ni R-Kei, ramdam sa bawat salita niya ang sinseridad, malambing. Ang kaninang init ng ulo nito’y tila nawala at para akong bulak na nadala sa agos ng hangin niya...

Wala akong maibigay na sagot sa kanya kundi ngiti. Mga ngiting alam kong ngayon ko lang naipakita sa kanya. Mga ngiting kahit ako sa sarili ko’y hindi ko pa din nagagawa sa iba.

“Yan ka nanaman ih... Puro ngiti lang, ano ba talaga?” Parang batang sabi nito sa akin na lalo ikinatawa ko.

“Oo na. Para ka namang timang d’yan, hindi mo naman kailangang magsabi pa ng kung ano-ano d’yan ih. Gusto ko lang namang makita sayo is yung sincerity mo. May kadramahan ka din palang itinatago.” Natatawa kong sabi dito.

“Oo na? As in tayo na?” Pagkaklaro malamang nito sa aking mga sinabi.

“Hindi hindi, kami na ni kuya mack, si kuya mack talaga yung nagtanong sakin kung kami na eh!” Basag ko dito at narinig ko ang malagong at malakas na tawa ni kuya Mack.

“ Ano nga? Napaka naman neto ih. An...”

Hindi ko na pinatapos ng pagsasalita si R-Kei at ginawaran ko na ito ng halik sa kanyang mga labi. Hindi ko na napigilan ang sarili kong gawin ito dahil na din siguro sa tuwa at  matagal na pananabik sa kanyang mga labi. Ewan ko, basta ang alam ko lang ay hindi na uso ang mga maria clara ngayon. SUNGGAB AGAD, WAG NA PURO SATSAT! (AGREE????)

“Siguro naman nasagot na tanong mo?” Nakangising aso kong tanong dito nang maghiwalay an gaming mga labi.

Hindi nakapagsalita si R-Kei sa aking ginawa pero kita mo sa kanyang mukha ang kasiyahan. Parang ako lamang kanina, ngayon ko lang din kasi nakita ang mga ngiting iyon mula sa kanya. Para bang talo pa niya ang nanalo sa lotto which I thought na ako lang ‘yung nakakaramdam ng ganon. Well actually, pamula naman nung inamin niya sa akin mismo na gusto din niya ako ay talo ko pa talaga ang nanalo sa lotto.

“Hoy Kuya Mack! Ano namang nakain mo’t nakipagkunchaba ka dito kay R-Kei!?” Eksahirada kong tanong kay Kuya Mack.

“Wala akong alam d’yan huh.” Nakangsing sagot naman nito sa akin.

“Ahh wala, kaya pala nag-alisan yung mga customer mo kanina at kaya din pala ngayon ko lang narinig na tumunog ‘yang mga speaker mo noh? ‘yon na pala ang bagong WALANG ALAM sa nang yayari ngayon noh?” Natatawa-tawa kong balik kay kuya Mack na tinawanan lang din niya.

“Wala nang bawian ‘yan huh. Official na. Basta tayo na!” Parang batang singit ni R-Kei sa biruan namin ni Kuya Mack.

“Oo na nga, bakit? Gusto mo ba bawiin ko pa?” Paghahamon ko dito na alam ko naman sa sarili kong hindi ko kaya.

“Wag. Wag. Ikaw naman, nagtatanong lang para sure.” Nakangiting muli nitong sabi sa akin. “Kuya Mack, narinig mo ‘yon ah! Kami na daw! So ibig sabihin, malapit ka nang maging NINONG!” Baling nito kay kuya Mack.

“Oo ba! Basta may mabuo, sakin ang batik-batik  ha!” Tugon ni Kuya Mack.

“Anong batik-batik ka d’yan? Akala mo sa anak namin ikaw magnininong? Hindi noh, sa kasal!” Pabiro muling balik ni R-Kei kay kuya mack.

“Aba walang hiya areng batang are, ginawa pa akong matanda! Hoy, etong itsurang ito ba ang mukhang matanda?” Sabi ni Kuya Mack sabay pacute.

Wala na kaming narinig kundi ang tawanan naming tatlo sa loob ng canteen  ni Kuya Mack.

Matapos ang mahabang biruan naming tatlo ay mabilisan na din naming tinapos ang aming pagkain at napagpasyahan na naming pumasok. Nakangiti, masaya, at... BASTA MASAYA! Hehehe.

“Humbah, mukhang masaya ang beks ah!” Pagpansin agad ni Genina sa akin. “Neng, aurang-aura kes may good news ikir.”

“Ano ‘yun?” Sorry, am not used to what the hell she’s speaking. Baka kasi mamaya minumura na pala ako neto.

“Sabi ko, nakikita ko, may good news ka!” Sabi nitong nakangisi.

“Wala nam...”

“Kami na.” Agad na singit ni R-Kei sa aming usapan.

“whhhhhhaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaattttttt????????” As expected from Genina, and agaid, because of her big mouth, ayun, agaw pansin nanaman kami sa room. Pati ang mga kaklase kong nag-aaral ay nabulahaw dahil sa sigaw ni Geninang iyon. “Is it true Lenard? Is it true?” Nang siguro’y nahimasmasan siya sa narinig mula kay R-Kei.

Wala akong naisagot dito kundi ang pagtango-tango lamang.

“Saan? Kelan? Bakit? Buntis ka na ba? Ano? Balitaan mo naman ako?” Langya talaga ‘tong si Genina, pagsatsismisan, kegaling galing.

“Para kang timang,  talagang may buntis ka pang nalalaman? As if namang may matres ako neng. Huwag ka nga!”

“Ay, oo nga pala, beks ka pa nga din pala.” Sabi nito sabay tawa. “Pero kelan pa neng?”

“Kanina lang.” Again, ibinulong muli ni R-Kei kay Genina ang sagot.

“Wag ka nga R-Kei, girls talk to, kaya wag ka makisali.” Pagsusuplada ni Genina kay R-Kei.

“Kanina lang naging kami, nung nag-be-breakfast kami dun kay kuya Mack, Nakisali pa si Kuya Mack sa kalokohan netong si R-Kei.” Kwento k okay Genina.

“So how does it feel neng?”

“Ewan ko? Can’t explain ih. Basta alam ko masaya ako.” ‘yan lang ang namutawi  sa aking bibig na nasabi ko kay Genina.

“Obviously I can see that.” Nakangiting sabi naman sa akin ni Genina.

Matapos ang aming klase ay hindi na kami nag-aksaya ng oras, agad kaming tumulak papuntang Lipa gamit ang sasakyan ni Tristan na si Megatron.

(Mga Laman ni Megatron)

Si Thep- Ang Leader ng banda, siya din ang aming bassist. Musical director dahil siya ang nag-aayos ng lahat, tono ng boses ko, tono ng lahat ng mga instrument at kung kelan papasok ang isa sa isang parte ng kanta, siya lahat ng ‘yon. Physically, sabihin na nating hindi siya ang pinakagwapo sa banda pero base na din sa kanyang mga kakayahan, ‘yon ang nagiging dahilan kung bakit siya nakakakuha ng mga babae at kung bakit siya pinagtitilian ng mga beki.

Si Miggy- Siya ang Rhythm, nothing to say about his talents dahil sunod-sunuran lamang ito kay Thep. He’s just the average guy na akala mo seryosong seryoso sa pag-aaral, pero when you started to know him, talaga namang hahanga ka sa experiences ng taong ito. Lahat na yata naexperience ng mukhang totoy, makinis, maputi, at matangkad na lalaking ito.

Si Tristan- Siya ang drummer ng banda at laging kaaway ni Thep dahil na din sa experiences ni Thep. Dahil na din sa experiences nito sa ibang banda at sa mga gigs nila dati ay nagagawa nitong i-correct most of the time si Thep sa mga ipinapagawa sa amin. But beyond his knowledge about bands, he’s the most quiet among them all. Makikita mo nalang siya sa isang tabi na mag-isa, nakaupo at parang may hinihintay o di kaya naman may iniisip na pagkalalim-lalim. Siya ang pinaka mahirap ispelenging sa kanila. PERO DEFINE GWAPO, siya na ‘yon! Perfect abs, perfect chest, perfect biseps, perfect smile, almost everything is perfect about this guy. Napaka tahimik lang talaga.

Si R-Kei- Lead guitarist ng banda, second to Thep, R-Kei knows everything regarding the tones and he has beautiful voice but messed up stage presence. Matalino si R-Kei, actually he graduated valedictorian when he was in Highschool. Face value? Indescribable. Perfect face ika nga. Those very expressive eyes which can melt me in a moment he stares at me. (Exagge lang. Hehehe) Those lips na talaga namang ang sarap halikan. (I know this dahil nangyari na, nahalikan ko na siya at ke-lambot ng labi!) Ang mga biloy niya kapag ngumingiti, kelalalim! The not so negative part of him (Kasi nga gusto ko ‘yung ganon, pero ewan ko sa inyo kung magugustuhan ninyo. Hehehe) payatot siya, well for me kasi bagay naman yung pagkapayat niya sa hitsura nya. Nakakadagdag kasi sa pagkalalaki n’ya! ONE MORE THING, Basketball? Pucha, ang galing! Hayup! Hindi ko lang alam kung anong posisyon niya sa basketball kasi hindi ko naman talaga alam ang mga posisyon d’on. Hehehe. Pero kapag talaga siya na ang naglalaro, napapanganga nalang ako at ang ibang mga babae sa galing niya.

Then there is me and Genina. (Hindi ko na i-e-elaborate pa kami ni Genina, along the story malalaman nyo din kung anong meron kami ni Genina. Hehehe)

May isang oras at kalahati din ang byahe papunta sa Lipa at talaga namang walang imikan ang nangyari sa sasakyan, siguro dahil sa kaba? O ako lang ang nakakaramdam ng kaba? Ewan basta ang alam ko kumakabog ang dibdib ko. Paminsan-minsan ay nararamdaman kong hinihimas ni R-Kei ang aking mga kamay, siguro ay alam niya kung ano ang aking pinagdadaanan. Ewan ko ba pero parang ako lang ang kinakabahan dahil ako lang sa aming lahat ang hindi makangiti.

Nang marating namin ang lugar ay agad na kaming pumasok sa loob at naghanap kung saan nagpaparegister ng mga kasali, hindi naman kami nabigo at nakita agad namin ito.

“Miss, magpaparegister kami.” Agad na sabi ni Thep nang makalapit kami sa babaeng nakaupo sa registration booth.

“Band name please.” Supladang sagot ng babae sa amin.

“DDS Band.” Supladong tugon din ni Thep sa babae.

Hindi ko na inabala pang pakinggan ang pag-uusap ng dalawa sa halip ay nagmasid-masid na lamang ako sa paligid upang makita kung anong mga hitsurahin ng mga tao sa paligid namin. May mga bata, siguro ay mga highschool pa lamang ang mga iyon. At ang iba naman ay mga matatanda na. Pero ang karamihan ay mga kaedaran lamang namin.

“Lenard is that you?” Isang pamilyar na boses ang narinig kong tumatawag sa akin na agad ko rin namang nilingon. “Oo nga! Lenard, kasali kayo? Damn, ngayon ko lang nalaman bumalik ka nap ala sa pagbabanda?”

“shhhhh! Missy doon tayo mag-usap.” Tugon ko dito nang maaninagan kong ang kabatchmate ko sa dati kong school palang si Missy ang nasa harapan ko ngayon.

Agad kaming lumayo sa kinaroroonan ng aking mga kabanda at saka ko kinausap si Missy.

“Don’t tell me they don’t know that you’re the rockstar of our school before?” Agad na tanong sa akin ni Missy nang makalayo kami.

“Actually they don’t. I’m trying to be in a low profile as much as possible dahil ayokong mangyari ‘yung nangyari sa school dati! Kaya please, ‘wag mo akong bukingin.”

“Ano ka ba Lenard, oo naman noh, maliban nalang kung makita ka ni Echo on stage. I heard Echo is joining the battle with another band just like you, so good luck.”

“Nand’yan ka lang pala babe ih. Kanina pa kitang hinahanap.” Putol ni R-Kei sa usapan namin ni Missy. “Sino siya, ano ba ‘yan, hindi ka pa sumasabak babe, may fan ka na agad.” Biro ni R-Kei sa amin.

“Oh, hi, I’m missy, batchmate of Lenard back in our highschool days. So maybe you’re Lenard’s boyfriend right?” Pagpapakilala ni Missy sa kanyang sarili sabay abot ng kamay nito kay R-Kei.

“Babe, si Missy, batchmate ko noong highschool, missy, si R-Kei, boyfriend ko.” Pagpapakilala ko ng ayos sa dalawa.

“Ahh, okay. Hi Missy.” Tanging tugon ni R-Kei at abot ng kamay nito. “Sabi ni Thep punta na daw tayo sa back stage para maitono na yung mga gitara.” Bulong naman nito sa akin.

“Sige-sige, susunod na ako. Una ka na dun.”

Sumunod naman si R-Kei sa aking sinabi at agad na itong pumunta sa back stage.

“Utang na loob Missy, kung makikita mo si Echo, wag mo naman sana hayaang magkrus ang landas namin.” Sabi ko kay miggy na may himig ng pagmamakaawa.

“Yes Lenard, don’t worry, akong bahala.” Sabi nito at umalis na sa harapan ko.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment