Wednesday, December 26, 2012

Blinded by the Spotlight (16)

by: Eusethadeus

“Hi, Babe. Happy Monthsary!” Usal ng isang babae habang pilit ko pang inaarok kung sino ba ang nagsasalita.

“Happy Monthsary din, Babe.” Sambit naman ng isang pamilyar na boses ng lalake.

Namulatan ko nalang ang sarili kong nasa isang kilalang restaurant dito sa Biñan na matamang pinapakinggan ang usapan ni R-Kei at ni Missy. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata, kasabay nito ay ang sunod-sunod na pagregudon ng aking puso na animo’y tinutuhog ng kung anu-anong panusok.


Kahit na ako’y nasasaktan ay pilit ko pa ring pinapakinggan ang mga pinag-uusapan ng dalawa dahil na rin gusto kong malaman ang katotohanan sa pagitan nila. Kahit na masakit ay pilit ko pa ring pinapakalma ang aking sarili para hindi na ako makagawa pa ng kahit na ano mang eksena.

Masakit na malaman mo na may kalaguyong iba ang taong minamahal mo, pero ang mapakinggan pa ang katotohanan na sa bibig mismo nila nanggagaling ang lahat ng ito. Pero ano bang magagawa mo? Eh bakla ka lang, dapat nga maging masaya ka pa eh, kasi kayo pa rin at hindi ka nya iniiwan ng boyfriend mo kahit na may kalaguyong babae ‘yan, naipapakita pa rin niya sayo na mahal ka niya.

“Kaylan mo ba balak sabihin kay Lenard ang tungkol sa’tin, babe?” Ang narinig ko pang sinabi ni Missy kay R-Kei.

Those words of Missy, ‘yon ang naging dahilan ng pagbuhos ng todo ng aking mga luha, masagana’t matatabang luha mula sa aking mga mata.

“Just give me time, aayusin ko muna ang sa amin, alam kong mahal na mahal ako ni Lenard, hindi ko naman pwedeng iwan nalang siya basta-basta.” As if he is assuring Missy na sasabihin nga sa akin nito ang tungkol sa kanila at sa kalaunan ay makikipaghiwalay ito sa akin.

Doon na din tuluyang kumawala ang aking mga luha kasabay ang isang atungal na gumambala sa mga kalapit na mga table sa kinauupuan nila R-Kei at Missy, ito rin ang naging dahilan ng pagtingin sa akin ng mga tao kasama na doon sina R-Kei at Missy.

“Babe?”

“Babe!”

“Babe, gising.”

Nagising nalang ako dahil sa malakas na pagtawag sa akin ni R-Kei, isang panaginip lamang pala ang aking nasaksihan, pero parang totoo ang mga nangyari. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip.

“Babe, gusto mo ng tubig?” Narinig ko pang tanong sa akin ni R-Kei na tanging tango lamang ang aking naging pagtugon.

Agad itong tumalima palabas ng aking kwarto para ikuha ako ng tubig, ako naman ay naiwan lamang sa aking kama nang biglang may pumatak na luha mula sa aking mga mata. Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng kahit anong kirot sa aking mga nasaksihan. Lalo na ang katotohanang ako’y isa lamang hamak na bakla at kahit na anong oras ay pwedeng-pwedeng ipagpalit sa iba.

That fact reminds me of what Echo did to me, after he had the spotlight. He left me empty handed dahil na rin mas pinili nito ang kanyang kasikatan over me. We all have a choice, and this time, my choice is not to let go. At ipaglalaban ko kung ano ang nararapat para sa akin. At ‘yon ay si R-Kei.

Nang makita ko si R-Kei na papasok na ng aking kwarto ay mabilis pa sa alas’kwatro kong pinahid ang mga luha mula sa aking pisngi.

“Tahan na, Babe, it was just a bad dream.” Paglalambing sa nito sa akin.

Beks, I have a surprise for you. Gora kayey dtei sa nyarlor kis, may ipapasight akira sa inyis. Ijoma mir si anechiwa mir at si anes. Okay? See you latur... Text sa akin ni Feona.

Dalawang araw matapos ang masamang panaginip ko’y naging mailap ako sa mga tao, lalong-lalo na sa mga taong gustong lumapit kay R-Kei. Napapansin ito ng aking mga kasama sa banda, ni Genina at ni R-Kei, pero hindi ko sila binibigyan ng pagkakataong matanong ako kung bakit ko ito ginagawa.

Kahit sa mga simpleng lakad ni R-Kei ay palagi akong sumasama, kung maaari nga lamang na pati sa kanila ay sasama ako’t doon na matutulog para lang mabantayan ito’y gagawin ko. Hinahayaan naman ako ni R-Kei na gawin ito kahit na ako sa sarili ko’y alam kong nakakasakal kung sa akin gagawin ang bagay na ito.

Agad ko rin namang sinabi kay Genina at kay R-Kei ang lakad na ti-next sa akin ni Feona, noong una’y nag-aalangan pang sumama si R-Kei ngunit napilit ko rin ito. Um-attend muna kami sa aming klase sa araw na ‘yon, naging nakakapagod man ang aming klase ay hindi naman ito naging hadlang para mapuntahan namin ang mga dapat naming puntahan sa araw na ‘yon. At ang huli nga ay ang surpresa daw ni Feona.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa mall na kinatatayuan ng salon ni Feona nang mapansin kong medyo balisa si R-Kei.

“Babe, may problema ba?” Tanong ko rito.

“Ah, eh, wala naman. Iniisip ko lang ‘yung quiz natin bukas.” Malamang ay palusot lamang nito ‘yon dahil na rin pagala-gala ang mga mata nito at nakatingin sa mga taong nakakasalubong namin.

“Are you expecting someone, papa R-Kei?” Singit naman ni Genina.

“W.wala.”  Tugon naman nito rito na para bang may itinatago sa amin.

“Don’t mind him, Beshy. Mahaba ‘yung quiz natin bukas, alam mo naman ‘yan, gusto lagi almost perfect.” Pagsakay ko kunyari sa mga palusot nito para lang hindi masira ang araw namin pare-pareho.

“Eto pala ‘yung pagupitan nung kaibigan n’yo eh. Pasok na kayo.” Si R-Kei.

“Anu ka ba, babe? Dapat kasama ka, diba napag-usapan na natin ‘to.” Tugon ko naman dito sa malandi kong boses.

Pumayag naman din ito kaagad at agad na sumama sa loob ng salon ni Feona. Pagkapasok na pagkapasok namin ay agaw pansin agad ang isang malaking lugar sa naturang salon na nakatakip ng kulay pulang malaking tela.

Sinalubong naman kami ni Feona ng maayos, nakangiti ito at nakipagbeso pa sa amin ni Feona. Waring lalapit pa it okay R-Kei nang mabilis ko itong napigilan.

“Ooops, off limits ka d’yan, Neng.” Nakangiting sabi naman ni Genina dito. “’yan ang jowa oh, bukas na ang landi.” Natatawang dagdag pa nito.

“Ay, oo nga pala, boyfriend mo nga pala ‘to, Beks.” Nakangiting biro naman nito sa akin. “Oh eh ano pang ginagawa n’yo dito? Wala naman pala kayong dalang lalake para sa akin?”

“May sinabi ka bang magdala kami ng boys?” Natatawa ko namang biro dito. “Edi sana isinama ko pa ‘yung mga kasama namin sa banda dito.”

“Oh, eh bakit hindi n’yo isinama? Panira naman kayo ng araw oh!” Parang seryosong tugon naman ni Feona sa amin.

“Wala ka nga kasing sinabi!” Si Genina.

“Instinct ‘yon, neng. Beki rin akir, dapat knowledge n’yo na ‘yun!” Usal naman nito sa amin na akala namin ay seryoso na.

Marahil ay hindi na rin nito mapigilan ang matawa, dahil na rin siguro sa takot na rumehistro sa aming mga mukha. Eksahiradang tawa ang ipinakita nito sa amin na hindi na rin namin napigilan na sabayan.

“Neng, eto talaga business natin dito ngayon.” Umpisa ni Feona sa amin habang papalapit siya sa nauna ko nang mapansin na pulang tela sa isang parte ng salon na ‘yon. “Akala ko kasi matatagalan pa ang pagpapagawa ko dito, kaso nung pinakita ko sa iba kong customer ‘yong picture na kinuha ko sayo, parang gusto na daw nilang makitang nakadisplay to dito sa salon ko, kaya mabilis ko nang ipinagawa.” Mahabang paliwanag pa nito sa amin habang hindi pa nito naibababa ang telang nakataklob sa sinasabi nito.

“Ipakita mo na, neng.” Sigaw naman ni Genina habang ako naman ay parang tangang naghihintay lamang sa ipapakita nito sa amin.

“Excited lang? Pwedeng konting suspense muna?” Natatawang turan naman nito kay Genina.

“Oo, tingnan mo nga si Beshy oh, hinihintay ka nang ibaba ‘yang picture nya.” Sambit naman ni Genina dito.

Bago ko pa man tingnan ang pagbababa ni Feona ng tela ay tiningnan ko muna si R-Kei dahil kanina ko pang hindi naririnig ang boses nito. Nang malingunan ko ito’y nakatingin nanaman ito sa labas na animo’y hindi mapakaling baka may sumusunod sa kanya.

“Babe, okay ka lang ba talaga?” Nag-aalala ko nang tanong dito habang hinihimas ang kanyang hita.

“Oo, teka lang babe ah, punta lang ako saglit sa CR.” Pagpapaalam nito sa akin at agad nang tumalima palabas ng naturang salon.

Nang makalabas na ito’y ipinakita na sa amin ni Feona ang tarpaulin na ipinagawa nito, gusto ko sana itong biruin na saan n’ya ipinaayos ang aking mukha dahil napakakinis nito, pero nang makita ko ang mukha nito’y parang may seryoso itong gustong pag-usapan. Kaya hinintay ko nalang itong siya mismo ang magbasag ng katahimikang nabuo matapos ang kamanghaan na ipinakita namin ni Genina habang tinitingnan ang picture ko sa tarpaulin.

“Neng, may problema ba kayo ng boyfriend mo?” Tanong nito sa akin na talaga namang ikinagulat ko.

“Wala naman, bakit?” Tugon ko rito.

“Eh bakit kanina pang hindi mapakali ‘yung isang ‘yon. Pagkarating n’yo pa lang dito, hindi na maipinta ang mukha.”

“Actually, Neng, hindi lang ikaw ang nakapansin. Kami din.” Singit naman ni Genina. “Ano nga bang problema ni fafa R-Kei, Beshy? Baka naman masyado nang nasasakal sayo?”

“Hindi n’yo naman ako masisisi kung bakit ko ginagawa ‘yon sa kanya eh, masyado lang akong natatakot siguro na mawala s’ya sakin.” Pagsasabi ko sa mga ito ng totoo.

“Neng, h’wag mong pangunahan ang mga mangyayari, minsan nakakasama sa relasyon ‘yang paghihigpit sa boyfriend, lalo na sa kaso natin. Bakla lang tayo at walang karapatang magdemand.” Si Feona.

“Walang karapatang magdemand? Bakit? Porke ba bakla tayo, dapat sunod-sunuran lang tayo sa kanila? In the first place, hindi ko naman dapat siya boyfriend kung hindi lang dahil sa mapangahas niyang pagsugal na aminin sa akin na gusto nya rin ako. Alam ‘yan lahat ni beshy.”

“Alam ko naman ‘yon, neng. Ang akin lang, h’wag kang masyadong demanding, in the first place din, being R-Kei’s jowa, dapat matuwa ka na dun, kasi trophy si R-Kei. Pero once kasi na nasakal ‘yan, iiwan ka na n’yan.” Sa sinabing ‘yon ni Feona ay napaisip ako.

Alam ko namang mali ang ginagawa k okay R-Kei, na dahil lamang sa isang panaginip ay magkakaganito ako. Marahil ay dahil na rin sa takot, pero mali nga namang pangunahan ko ang mga mangyayari pa. Malay ko nga naman kasi kung anong nararamdaman nung isa sa mga ginagawa kong paghihigpit rito.

“Ano, neng? Na-realize mo na? Mali kasi talagang maghigpit ka, lalo na sa lalake. Ang lalake ngayon, masyadong mabilis makaramdam ng pagkabagot na minsan, pag pinaghigpitan mo, lalo pa nilang gagawin ang mga bagay na ayaw mo.” Pangaral sakin ni Feona.

“Tama s’ya, Beshy. Alam mo, since nagbago ka ng pakitungo at paghandle ng relasyon ninyo ni R-Kei, parang lahat na ipinagdamot mo. Don’t get me wrong, Beshy, but what you are doing is too much, at kahit siguro ako ang boyfriend mo, masasakal din ako.” Si Genina naman.

Tama naman talaga sila eh, siguro ay hindi ko lang matanggap sa sarili ko na masyado na akong nagiging overprotective sa relasyong meron kami ni R-Kei, kaya bago pa man lumalim ang usapan namin ay agad ko nang iniba ang usapan.

“Maiba ako, saan mo pala i-di-display ‘yang tarp ko?” Tanong ko kay Feona.

“Sa apartment mo, para walang matatakot sayo kundi ang mga ipis sa inyo!” Bulyaw nito sa akin. “Ang bilis ng shifting! Ang galing umiwas, masama ‘yan, neng. Wag mong iwasan ang problema kung ayaw mong sa huli, magpatong-patong lahat ng problema mo!” Sabi pa nito sa akin at tumayo ito at tumalikod na sa amin na animo’y nagalit sa aking iniasta.

“Nasaan nab a ‘yung boyfriend mo? Ang tagal naman yatang mag-CR nun?” Si Genina naman.

“Teka, susundan ko na.” Paalam ko naman dito.

Agad kong tinungo ang daan patungo sa CR ngunit hindi ko man lamang ito nakasalubong, kaya napagpasyahan kong puntahan na ito sa loob. Ngunit nang makapasok ako ay walang bakas ni R-Kei o kahit na sinong tao sa loob ng CR ang nandoon kaya lalong nagregudon ang aking puso sa kaba.

Dali-dali akong bumalik sa salon na para bang may humahabol sa akin, tiitingnan ang bawat kasalubong nagbabakasakaling makakasalubong ko ito. Ngunit ako’y bigo, dahil na rin nasa tapat na ako ng salon ni Feona ay hindi ko manlamang nakita kahit na ang anino nito.

Nang makapasok ako sa loob ng salon ay laking gulat ko nang makita ko ito sa loob. Ang pinakamalapit na CR ay nasa kabilang parte lamang ng building na ito, at kung baba-ba ka pa ay doon din ang daan mo kung saan makikita ang naturang CR. Kaya ang laki ng pagtataka ko na hindi ko man lamang ito nakasalubong nang ako’y papunta sa CR.

“Saan ka galing, babe?” Ang bungad sa akin ni R-Kei.

“Sa CR, susundan ka sana, kaso nandito ka na pala.” Inis kong turan dito. “So, I guess we’re done here right, Feona? Pwede na ba kaming umuwi?” Paalam ko kay Feona na tinugunan naman nito ng pagtango-tango.

Agad na rin kaming lumabas ng naturang salon, pero hindi pa man kami nakakalayo sa aming pinanggalingan ay may nakita na akong isang pamilyar na babae.

“Missy!” Tawag-pansin ko rito.

Lumingon ito sa aming kinaroroonan at para bang nakakita pa ito ng multo nang magpagtantong ako ang tumatawag sa kanya.

Napaka-coincidental naman nito, una sa bar three days ago, ngayon naman dito sa mall, sinusundan ba kami nitong babaeng ‘to? O talagang nagkikita lang sila ng boyfriend ko behind my back? Mga kataga ng aking konsensya nang mapagtantong this is the second time this week na makita ko ito dito sa Biñan.

Agad kong tiningnan si R-Kei kung may makikita ba ako ritong reaksyon. Para bang nanlaki pa ang mata nito nang tawagin ko si Missy.

“Why, babe? Is there a problem?” Mapang-asar kong tanong dito.

“W.wala naman, babe.” Nabubulol na tugon naman nito sa akin.

“Missy!” Baling ko rito. “Nagugutom ako, would you care to join us? Para kasing gusto kong kumain ngayon ng mga exotic, parang gusto kong kumain ng AHAS. Alam ko may alam kang makakainan dito diba? Samahan mo naman kami ng BOYFRIEND KO at ni beshy.” Pasaring ko rito.

“May lakad pa kasi a...” Hindi na nito natapos pa kung ano man ang sasabihin niya dahil agad ko na itong hinila papunta sa isang kilalang restaurant sa mall na iyon.

“Ngayon nalang ulit tayo kakain ng magkasama, tatanggi ka pa ba?” Eksahirada kong tanong dito.

Wala na nga siyang nagawa kundi ang magpaubaya sa akin. Agad rin naman kaming nakahanap ng puwesto sa restaurant na ‘yon at mabilisang naka-order. Tahimik kaming naghihintay ng aming order habang mataman ko namang inaabangan kung ano ang mga reaksyon ni R-Kei at ni Missy.

Nagkakatinginan lamang ang dalawa na animo’y gusto nang umalis ng isa. From this point, I know there is something going on between them. Pero kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang confrontation. Hindi ako maalam, at takot ako sa kung ano pa man ang aking malalaman. Gusto kong umiyak dahil sa mga napapansin ko sa kanilang dalawa ngunit hindi ko magawa because I don’t want to make a scene.

Alam kong napapansin ni Beshy na there is a tension in the table kaya siya na mismo ang bumasag ng katahimikan at pinilit na ibahin ang atmosphere ng lugar. Sa palagay ko’y naging matagumpay naman ito dahil napatawa nito si R-Kei at si Missy, ngunit ako itong parang seryoso sa buhay at hindi man lamang nagawang matawa sa kahit anong sabihin ni Beshy.

Hanggang sa dumating na ang aming mga in-order.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment