Monday, January 7, 2013

Nang Lumuhod si Father (06-10)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


[06]
Natuwa si Tito nang dumating ako. Niyakap niya ako dahil parang tunay na anak ang turing niya sa akin. Naiiyak siya sa tuwa dahil binigla ko daw siya sa aking pagbisita ngunit mas nabigla ako sa ibinalita niya sa akin.
“Sayang hindi kayo nagpang-abot ni Aris?”
“Aris? Galing si Aris dito, tito?”
“Oo, akala nga niya dito ka lang sa Tuguegarao nag-aaral kaya sorpresahin ka sanang bisitahin. Pero nang malaman niyang wala ka dito ay umalis din siya kinabukasan.”
“Anong sinabi, tito? Anong hitsura niya ngayon? Tumaba ba, pumayat, pumogi, pumuti na ba siya? Ano…” hindi ko napigilang ihayag ang aking pagkasabik. Natigilan ako ng makita kong parang nagbago ang mukha ni tito. Parang sinusukat niya ang aking pagkatao.
“Bakit ganyan yung mga tanong mo saka reaksiyon mo? Parang…parang…”
“Hayan parang ano? Tito talaga. Siyempre, nakasama ko dito yung tao. Alam niyo namang siya ang pinakaclose sa akin na nakasama ko sa lahat ng mga nakasama ko sa kumbento. Saka namimiss ko na ‘yun no.” mabilis kong paliwanag.
 Mahirap ng mabuking. Alam ko pa namang malakas ang pang-amoy ng tito ko.
“Sabi mo e. May binigay siyang sulat para sa’yo.  Mabuti hindi ko pa naipapadala sa bahay ninyo.”
“Sa’n tito?” atat kong paghingi.
“Naku ikaw umayos ka ha. Parang may iba akong naaamoy sa’yo. Bilin nga niya, ibibigay ko lang daw sa iyo ang sulat na ito kung sakaling uuwi ka dito ngayong bakasyon pero kung hindi ka daw uuwi hanggang matapos ang summer ay ipapadala ko na lang sa iyo sa Manila. Hindi ko alam kung anong kabuktutan ang ginagawa ninyong dalawa at may nalalaman pa kayong ganito. Kaya ikaw, magtapat ka sa akin kung ano ito.”
“Tito talaga, pari pa naman kayo, ta’s andumi ng iniisip ninyo.”
“Siya na nga ipinasok na naman ang pagkapari. Kunin mo do’n sa dating kuwarto mo. Nilagay niya sa drawer mo.”
Dali-dali akong pumasok. Naroon nga ang sobrang balot na balot na sulat. Ilang sobre din iyon. May nakalagay na number 1 at number 2 sa sobre ng sulat. Minabuti kong buksan na lang muna ang unang sulat…
Baby Rhon,
                Kung umuwi ka, baka puwede mong buksan ang susunod na sulat ko sa lugar na pinangako kong iaalay sa iyo. Kung nasa Manila ka naman. Puwede mo na lang buksan ang pangalawang sulat dahil imposible naman yatang uuwi ka pa sa probinsiya para basahin ang sulat ko. Mahal na mahal parin kita. Inihahanda ko lang ang aking sarili para sa muli nating pagkikita.”
                                                                                                                                Bhie Aris
Nagpalit ako. Hindi ko na inisip kumain o magpahinga man lang. Sobrang excited na kasi akong buksan ang pangalawang sulat. Hindi ko na iyon maipagpabukas pa. Nagulat ang tito ko nang nagmamadali akong umalis. Hindi ko na pinansin ang mga patutsada niya. Sa daan palang ay gustong-gusto ko ng buksan ang sulat ngunit kailangan kong sundin ang pakiusap niya. Napakabilis ng aking lakad papunta sa lugar na matagal ko na ding hindi napupuntahan. Namimiss ko na din ang lugar na iyon.
Pagdating ko doon ay nakita ko ang malaking puno na may nakaukit ng pangalan ko at pangalan niya. Halatang bago pa lamang naukit iyon. Aris- tapos may isang malaking puso- Rhon. Sa loob ng puso ay may nakasulat na “Forever”. Napangiti ako. Di ko namalayan ang pag-agos ng aking luha. Mahal parin ako ng baby ko. Mahal na mahal parin niya ako.
Dali-dali kong binuksan ang pangalawang sulat niya sa akin.
Hi baby ko,
               Kumusta naman ang pag-aaral? Pasensiya ka na kung hindi ako nakapunta noong graduation mo hindi ko kasi alam kung anong eksaktong date saka busy din sa trabaho at pag-aaral.
                Ikaw po ang nagbibigay ng lakas para ituloy ko lang ang lumaban. Ikaw at ang lugar na ito ang tanging pangarap kong makamit. Sana makapaghintay ka. Gusto kong magpakita sa iyo kung kailan handa ko ng ibigay sa iyo ang buong oras ko at ang lugar na ito. Gusto kong dito tayo tumira malayo sa pagkutya ng ibang tao. Alam ko hindi nila maiintindihan ang ating pagmamahalan ngunit ang mahalaga ay tayo. Ang importante ay masaya tayo sa pinili nating buhay at wala tayong inaapakan o sinasaktan. Alam kong maiintindihan ng Diyos dahil wala tayong ibang ginawa kundi ang magmahal. Ikaw, ako at ang magandang lugar na ito ang magiging lakas ko para pag-igihan ang pag-aaral. Sa iyo ko iaalay ang lahat ng ito bhie. Bigyan mo lang ako ng sapat pang panahon.
                Masakit sa akin na hindi ka nakakasama sa mga mahahalagang okasyon ng buhay mo ngunit wala akong magawa. Hindi man kita nakakasama ngayon, hindi man kita nayayakap at nahahalikan ngunit gusto kong sabihin sa iyo na hindi ka nawala sa aking isip. Lagi kang nasa puso ko. Para kang kanser na dumikit at ayaw magamot. Pasensiya ka na kung sa sakit talaga kita inihanmbing. Alam mo naman siguro kung gaano katalino ang baby mo. Iyon lang kasi ang abot ng aking utak. Hindi kagaya mo, matalino. Sabagay alam kong maiintindihan mo ang tinutumbok ko. Hindi ko naman sinasabing isa kang sakit na nagpapahirap sa akin kundi isa kang bahagi ng aking buhay na nagbibigay ng tunay na pag-asa at ligaya.
                Hintayin mo sana ang tamang panahon ng ating pagkikita. Gusto kong handa na ang lahat sa ating muling pagtatagpo. Magtiis muna tayo ngayon para sa ating mga pangarap. Alam kong mahihintay mo ako. Alam kong ako parin ang nasa puso mo. Darating ang araw na iyon, bhie. Lahat ng pasakit at luha na wala tayo sa piling ng isa’t isa ay mapapalitan ng saya. Pagdating ng araw na iyon ay hinding hindi na tayo magkakalayo pa. Pangako…sinusumpa ko ‘yan sa iyo.
                Hanggang sa muling pagkikita. Kung darating man ang araw na may mamahalin kang iba at makakalimutan mo na ako, hindi ako magsasawang hintayin kita dito. Narito lang akong maghihintay sa pagdating mo. Gaano man iyon katagal. Gaano man kahirap. Gaano man kalungkot..maghihintay at maghihintay ako dahil malaki ang tiwala kong hinding-hindi mo ako bibiguin.
                I love you so much.       
                                                                                                                                                Aris

                Naramdaman kong basa ang aking pisngi.  Lumuluha ako. Napakasaya ko sa araw na iyon. Parang lalo ako nasabik sa kaniya ngunit kuntento naman ang puso ko. Muli kong binalikan ng alaala ang nakaraan. Siya at siya parin sa puso ko. Mananatiling siya ang aking mamahalin. Hihintayin ko ang araw na ipinangako niya. Kahit gaano man iyon katagal, kahit gaano man kalungkot basta ang importante ay kami ang magkakasama kami hanggang sa huli ngunit paano ang mga umaasa sa akin? Paano na ang aking pagpapari?
          
“Bakit ngayon ka lang?” salubong ni Mama sa akin.
            “Anong ngayon lang e di ba ang paalam ko dalawang Linggo ako mamalagi kay tito?” sagot ko.
            “E, kasi may kaibigan kang pumunta dito. Namalagi nga dito ng isang gabi. Kaibigan mo pa sa Cagayan. Binigay ng tito mo ang address natin dito.”
            “Galing si Aris dito ‘Ma?”
            “Yun nga. Si Aris nga. Mabait at magalang na bata. Umalis din siya kinabukasan dahil nga sa may trabaho siyang iniwan. Di daw kasi siya puwedeng magtagal. Tito mo naman kasi, sinabi ko ng bumili ng celphone e, ayaw naman. E di sana kahit papano natext ko kayo do’n na may bisita ka dito.”
            “Ma naman, di pa po uso ang cellphone sa probinsiya. Saka wala pa pong signal doon ngayon.”
            “Sabagay, ngayong taon lang naman na ito nagkauso ang cellphone. Sige na magpahinga ka na muna at kakain na mamaya.”
            “Wala ba siyang sinabi o binilin ‘Ma?”
            “Wala naman.”
            Marami pa sana akong tatanungin pero ayaw kong makahalata si mama. Tama na yung casual lang na parang kaibigan ko lang ang dumalaw. Hindi ko kasi alam kung matatanggap nila ang pagkatao ko lalo pa’t wala din naman akong kilalang bakla sa amin pamilya. Hindi ko alam kung paano tatanggapin iyon ni Papa.
               Nang gabing matulog ako at nang yakapin ko ang unan ko ay parang may matigas na bagay na nakasuksuk sa unan. Inapuhap ko iyon at isang sobre ang nakita ko.
                Sulat kamay ni Aris. Nawala na naman ang pagod at antok ko kaya binasa ko ang laman ng sulat.
                Baby ko,
                Sayang hindi tayo nagpang-abot sa probinsiya saka dito. Hindi bale, habang buhay naman tayo magkakasama kaya kahit hindi muna tayo nagkakapang-abot ngayon at puro sulat ko na lang ang mga naaabutan mo ay isipin mo lang na lagi naman tayong magkasama sa puso ng bawat isa. Naisipan ko kasing magpakita sana sa iyo dito kasi namimiss na din kita kaso wala ka naman kayang napagpasyahan kong mag-iwan na lang ng picture ko. Huwag kang mag-alala nakakuha na ako ng isang album ng pictures mo na kapalit. Di bale kapag magkita tayo, ibabalik ko din lahat ng mga pictures mo na ninenok ko. Namiss na kasi kita kaya isang album ng pictures mo ang kinuha ko kapalit ng tatlong picture na iiwan ko.
                Pagpasensiyahan mo na munang halik-halikan ito hehe.
                Basta pag-igihan mo ang pag-aaral mo. Ganoon din ako. Sana habang maaga pag-isipan mong mabuti ang pagpapari. Hindi sa gusto kong maging akin ka ngunit paano tayo kung ganap ka ng pari? Paano kita aagawin sa Kanya kung pag-aari ka na Niya. Paano ako kung sakaling hindi na ikaw magiging akin. Ngunit kung iyon ang gusto mo, sana masabihan mo ako. Nakahanda kong tanggapin ang aking pagkatalo. Magkikita pa tayong muli. Hindi man siguro tayo pinagsasadyan ngayon ng pagkakataon ngunit naniniwala akong kung handa na ang lahat ay mas madali na lang natin ituloy ang ating pagmamahalan.
                Mahal na maha na mahal at sobrang miss na miss na kita bhie.
                                                                                                                                                Baby Aris mo.
                Tinignan ko ang mga pictures na iniwan niya. Sobrang namangha ako sa malaking ipinagbago niya. Mas lalong gumanda ang katawan. Kahit sabihin ganoon parin ang kutis niya ngunit parang tumingkad ng konti na lalong bumagay sa kanyang kapogihan. Sa kulay at tindig ng katawan, panis si Jericho Rosales sa kaniya. Siguro dahil mahal ko siya kaya walang panama sa kaniya ang kahit sino pang artista. Lalong kinilig ang puso ko. Lalo ko siyang minahal. Lalo akong nabighani.
                Gustuhin ko mang puntahan siya ngunit hindi niya sinabi kung saan ko siya mahahanap. Maghihintay ako. Habang naghihintay ay pagbubutihin ko ang aking pag-aaral. Wala na sa isip ko ang magpari. Magiging ilaw ako ng pamilya ngunit walang iilawang anak. Magiging asawa ako ngunit hindi ikakasal. Natawa ako sa mga pinag-iisip kong iyon.
                Dumaan ang tatlong taon ngunit wala na akong balita kay Aris. Ang tanging nagpapalakas sa akin ay ang mga pangako niya. Minsan ay napapaiyak na ako ngunit kailangan kong tibayan ang loob ko. Kailangan kong maghintay. Nakakaya ko pa nung unang taon na hindi kami nagkita, yung pangalawa at pangatlo parang nawawalan na ako ng pag-asa. Sobrang parang pinahihirapan niya ako. Mabuti sana kung alam kong nasa ibang bansa siya. Ngunit nandito lang siya sa Manila. Napakaimposibleng hindi niya magawang bisitahin ako ng isang araw? Ang simpleng pagtatampo ko ay nauwi sa sakit ng loob. Ang sakit ng loob na iyon ang paminsan-minsang nagiging lason sa aking pagtitiwala at pagmamahal. Nagugulo ang kinabukasan ko. Hindi ako makapagdesisyon para sa aking sarili dahil binibigyang halaga ko ang pangako niya sa akin. Kung sana magpakita siya kahit sandali lang. Ang mga batas nga, nagkakaroon minsan ng mga revision sa pagdaan ng panahon, ang simpleng pangako pa kaya mula sa taong minahal mo? Lalo pa’t alam kong ang maraming mga sumpa ang patuloy na nasisira. Paano kung ang isa sa mga sumpa niya sa akin ay sira na pala? Paano naman akong umaasa.
            “Malapit ka ng magtapos anak? Nakapagdesisyon ka na bang magpari?” tanong ni papa sa akin.
Hindi ko lang alam kung paano ko sa kanila sasabihin na parang nagbabago na ang desisyon ko. Hindi ko alam kung paano nila maiintindihan kung sasabihin ko sa kanilang nagmahal ako ng katulad ko ng kasarian.
“Bigyan niyo pa ako ng sapat na panahon ‘Pa para pag-isipan lahat. Bata pa naman ho ako.”
“Hindi sa pinipilit ka namin anak. Ngunit alam mo naman na ikaw na lang ang pag-asa ng lahat na susunod sa yapak ng tito mo. Lahat ng mga pinsan mo walang interes magpari. Iba nga nakabuntis na’t nag-asawa. Ang sinasabi ko lang naman ay pag-isipan mo.”
“Sige po ‘Pa, pag-iisipan ko po.”
Gusto ko mang magdesisyon na hindi ko na ituloy ang pagpapari ngunit wala pa si Aris. Tatlong mahabang taon na hindi siya nagparamdam o kahit nagpakita man lang. Alam naman niya ang bahay namin? Kaya minsan hindi ko maiwasang hindi magdamdam. Maanong magpakita sana siya kahit isang araw lang sa isang taon. Ano ba yung trabaho niya at pag-aaral? 24/7? Ngunit pinilit kong inintindi. Nagawa kong maging loyal kahit napakaraming tukso sa paligid. Binusog kasi niya ako ng kaniyang mga pangako. Iyon lagi ang mga pinanghahawakan ko. Ang mga sumpa niya sa akin. Masakit nga lang, hindi ko alam kung mahal pa niya ako hanggang ngayon. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa siya. Mahirap. Sobrang hirap maghintay at umasa lalo pa’t alam kong alam naman niya kung saan niya ako puwedeng puntahan.
Mahal pa kaya niya ako? Yung mga magkasama nga, minsan nawawala nang kusa ang pagmamahal. Lumalamig ang pagsinta. Nauuwi sa hiwalayan ang kahit ilang taon ng pagmamahalan. E, kumusta naman iyong tatlong taon namin na hindi man lang niya nagawang magparamdam. Hanggang saan ako dadalhin ng aking walang katiyakang paghihintay?
                Napalapit na si tito at sa Laguna na siya nadestino. Halos kada Linggo ako sumasama sa kaniya kapag may misa o kasal siyang pinupuntahan.
            “Sama ka  ba sa akin bukas anak?” tanong ni tito na nasa kabilang linya. Sa wakas marunong na siyang gumamit ng cellphone.
            “Saan ho ba tayo? May kasal, binyag o namatayan?”
            “Kasal. Kailangan ko ng mag-aayos sa gamit ko. Iba kasi kung ikaw ang umaalalay sa akin. Hindi ko na kailangang sabihin pa ang mga kakailanganin ko.”
            “Sige po. Sasama ako.”
            Kinabukasan ay pinuntahan ko si tito na abalang tinatapos ang mga ginagawa niya sa simbahan. Marami pang tao kaya halos hindi niya ako maharap lalo pa’t medyo mahuhuli na kami sa kasal.
            “Naku kilalang-kilala mo kung sino ang ikakasal ngayon anak, kaya kita tinawag.”
            “Kilalang-kilala? Schoolmate ko ba dati o kaibigan?”
            “Basta kilala mo siya…” may sasabihin pa sana si Tito pero may lumapit na namang bisita kaya minabuti niya munang harapin. “Iuna mo na ang mga ‘yan sa sasakyan, anak. Susunod na ako. Tignan mong mabuti ha at baka may makalimutan tayo?” bilin niya sa akin bago niya muling hinarap ang kausap.
            Minabuti ko na lang na tapusin ang pag-aayos sa mga dadalhin sa kasal. At sa araw na iyon, tatlong Linggo bago ang graduation ko ng college ay isang trahedyang maituturing ang aking nasaksihan. Isang bangungot na sumira sa aking mga pangarap. Isang napakasakit na kasal ang tuluyang pumatay sa aking mga adhikain. Isang kasal ang tuluyang nagpabago sa aking pasya. Iyon ay ang kasal ng matagal ko ng hinihintay. Ang kasal ng taong labis kong minahal at pinagkatiwalaan. Ang kasal ng taong nangako sa akin. At sa araw na iyon ay para na rin niya akong pinatay. Noon ko sinimulang kinamuhian si Aris.

[07]
Abala ako sa pag-aayos sa mga gagamitin ni tito sa kasal kaya wala sa isip kong tignan ang pangalan kung sino ang ikakasal. Hindi ko na din pa kinulit si Tito dahil abala din siya, basta ang sinabi lang niya ay malapit na kakilala ngunit medyo iba ang ngiti niya sa akin. Kung kakilala, maaring nakilala lang at hindi siya malapit sa akin.
                Paglabas ko para ayusin ang mga iba pang kailangan ay nakita ko ang pagdating ng mga ikakasal. Unang napansin ko ang babae na payat ngunit makikita ang tapang sa kaniyang mukha. Naroon ang kakaibang saya ng isang nagmamahal. Alam kong may kakaiba sa kaniya ngunit napalitaw ng make up ang likas niyang ganda. Palapit na ako sa kanila at sabihing maghanda na dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang kasal nang biglang lumingon sa akin ang lalaking ikakasal na kanina ay nakatalikod dahil kinakausap niya ang mapapangasawa. Halos mabitiwan ko ang aking mga dala-dala nang mapagsino ko kung sino siya.
                “Aris!”
                Iyon lang ang nasabi ko. Parang gumuho ang mundo ko. Nanlambot ang tuhod ko na parang biglang umikot ang aking paningin. Nanginginig ang buo kong katawan sa pagkabigla at para akong binuhusan ng malamig at nagyeyelong tubig. Hindi ako makakilos. Gusto kong magsalita ngunit walang tinig na lumalabas sa aking bunganga.
                “Rhon, alam kong alam mo na tungkol dito. Nag-usap na kami ng tito mo. Sandali lang Angeli ha.” Kaswal niyang pagpapaliwanag. Hindi siya nagulat. Parang walang kahit anong takot sa kaniyang mukha.
                “Ah, siya pala si Rhon. Ipakilala mo naman ako sa kaniya.” Magiliw ding bati ni Angeli na parang kung magsalita ay marami na siyang alam tungkol sa akin. Parang alam niya ang tungkol sa amin.
                “Rhon, si Angeli. Ang mapapangasawa ko. Angeli, si Rhon…nabanggit ko na sa iyo kung sino siya sa buhay ko.”
                Ngumiti si Angeli. Nilahad niya ang kaniyang kamay. Gusto kong tanggapin para kamayan siya ngunit para akong tuod doon. Sa pagkabigla ay hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari.
                “Nice meeting you Rhon, sa wakas nakilala din kita.” Nanatiling nakataas ang butuhang palad ni Angeli ngunit kabastusan mang maituturing ay tumalikod na ako kasabay ng pagbagsak ng aking luha. Sa wakas ay lumabas ang luhang saksi ng kung anong bigat ng aking dinadala. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw sa galit. Lumabas ako sa simbahan. Hindi ako lumingon. Gusto kong lumayo do’n. Sumakay ako sa kotse ni tito. Nilakasan ko ang pagsara no’n at do’n ako humagulgol ng humagulgol. Paulit ulit akong nagmura ng nagmura para maibsan ang bigat ng aking dinadala at mahimasmasan sa pagkabigla…
                “Tang ina niya! Tang-inang manloloko…tang-ina..tang ina.,..”
                Hindi ko napansin ang malakas na katok sa pintuan ng kotse at ang pilit nitong pagpapabukas. Si Aris. Nagmamakaawa ang mukha. Naroon ang lungkot.
                “Bakit mo ginawa ito?” sigaw ko sa kaniya pagkabukas ko ng pintuan ng kotse. Nagmamdali siyang pumasok.
                Niyakap niya agad ako at hinalikan sa labi.
                “I miss you! Sobrang miss na miss na kita bhie!”
            Halos madala ako sa halik niya at yakap dahil sobrang pinangarap ko ang sandaling mahalikan siyang muli at mayakap ngunit hindi sa pagkakataong ganito. Malayong inisip kong hahalikan niya ako sa araw ng kaniyang kasal. Mabuti at tinted ang kotse ni tito ngunt bago tuluyang lumambot ang galit ko sa kaniya ay nagawa kong itulak. Biglang bumalik sa utak ko ang ngayon.
                Isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan ko. Namula siya na parang hindi makahinga.
                “Ano to ha! Anong ginagawa mo?” marami pa sana akong gustong tanungin ngunit alam kong kahit ano pa ang isasagot niya ay wala ako sa katinuan para unawain ang lahat.
            Hindi siya sumagot. Ngunit nakita ko sa kaniyang mga mata na marami din siyang gustong sabihin sa akin. Bumunot siya ng napakalalim na hininga.
“Pinaasa mo ako. Gumawa ka ng desisyon na hindi ko man lang alam?”
                “Anong pinagsasabi mo? Idinaan ko sa tito mo ang lahat para sana lalo mong maintindihan dahil alam kong kung ako ang magsasabi sa iyo ay hindi mo ako bigyan ng pagkakataong tapusin ang lahat ng paliwanag ko. Hindi mo ako bibigyan ng oras para idetalye ang lahat para maintindihan mo.”
                “So, nag assume ka na hindi ko maintindihan kaya ka na lang nagpakasal?”
                “Nangyari na kasi minsan ito. Ayaw mo akong intindihin. Ayaw mong makinig. Ang tanging iniisip mo ay yung ngayon. Sana naman kahit minsan ay bigyan mo ako ng pagkakataong ipaliwanag sa iyo ang punto ko at buksan mo ang isip mo para maintindihan lahat.”
                “Simple lang naman ito di ba? Kailangan pa ba ng mahabang explanation ito. Ikakasal ka, tatalikuran mo lahat pati mga pangako mo sa akin. Ibig sabihin wala na na akong aasahan. Tapos na lahat…dahil nga ikakasal ka na. May mahirap bang itindindihin do’n?”
                “Oo, ikakasal ako ngayon pero naisip mo ba kung ano ang mayroon tayo bukas? Kung ano ang mangyayari sa susunod na taon? Tanungin mo ako kung bakit ako ikakasal? Kung ano ang dahilan? Lahat ng iyon maayos kong ikinuwento at ipinaliwanag kay tito mo. Bakit hindi siya ang tanungin mo dahil siya ang nakinig sa akin ng walang panghuhusga. Kasi ikaw hindi ka marunong makinig. Mas inuuna mo lagi ang galit mo. Sarado ang utak mo pagdating sa mga paliwanag ko.”
            Gusto kong makinig. Gusto ko siyang unawain ngunit binigla nila ako. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat ng ganun-ganon lang. Paano ko tatanggapin ang isang bagay na hindi ko maintindihan? Paano ko maintindihan ang isang bagay na hindi ko matatanggap?
                “Umalis ka na. Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo. Ikakasal ka na, ibig sabihin tapos na tayo. Mabuti naman at mas maaga kong nalaman ito. Tito ko pa talaga napili mo para magkasal sa inyo ‘no. Kailangan pa talagang ipakita mo sa akin ang lahat. Anong ginawa ko sa’yo para saktan mo ako ng ganito? Anong karapatan mong pahirapan ang kalooban ko ng ganito? Di ka na nahiya.”
                “Sinadya kong siya ang magkasal sa amin dahil ayaw kong ilihim sa iyo ang lahat. Gusto kong masaksihan mo para mas madali mong maintindihan ang gagawin kong ito.”
            “Ibang klase ka din ano? Gusto mong saksihan ko ang pag-aasawa mo? Ganun ba ako kamanhid sa tingin mo o ganun ka lang kagarapal para ipakita pa sa akin ang kawalang-hiyaan mo?”
            “Rhon, baby, please?”
            “Huwag mo akong tawaging baby.  Tapos na tayo at huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa akin. Puwede ka ng lumabas.”
                Sakto namang may kumakatok na sa pintuan.
                “Pagkatapos ng kasal, ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat. Alam ko, maiintindihan mo ako.”
                “Hindi na ako interesado pa. Magpapari na ako. Buo na ang desisyon ko, magpapari na ako. Huwag ka ng mag-aksaya pa ng panahon na kausapin ako dahil wala na din patutunguhan ang lahat.”
                “Please huwag mong gawin 'yan. Lalo mong pinapalala ang sitwasyon natin.” Pagsusumamo niya. Hinawakan niya ang kamay ko. Mabilis kong tinanggal iyon.
                “Kapal mong sabihan akong pinapalala ko ang sitwasyon. Sa tingin mo may lalala pa ba sa ginawa mong pagpapakasal?”
                “Makinig ka sa akin…” pagsisimula pa lang niya ngunit makulit na ang inutusang tumawag sa kaniya para sa pagsisimula ng kasal.
                “Kailangan mo ng umalis. Kahit anong paliwanag mo pa, hindi ko maiintindihan. Buo na din ang desisyon ko. Umalis ka na!” humupa na ang iyak ko. Galit! Tama, galit ang bumubuo sa puso ko.
                “Magpapaliwanag ako. Tandaan mo, hindi pa tayo tapos. Babalikan kita. Maghintay ka lang. Babalikan kita.” buo ang loob niyang sinabi sa akin. Titig na titig siya sa aking mga mata. “Walang nagbago sa pangako ko sa iyo. Buong-buo parin iyon. Ipangako mo, hintayin mo ako.”
                “In your dreams! Makakaalis ka na!”
                Umalis siyang may namumuong luha sa mga mata. Alam kong madami pa dapat siyang gustong sabihin ngunit minamadali na siya ng lalaking sumundo sa kanya sa labas ng kotse.  Kahit gaano pa kadami ang sasabihin, kahit pa maghapon siyang magpaliwanag, hindi na uubra sa tulad kong umasa, naghintay at nabigo. Hindi na ako tumulong pa kay tito. Hindi ko kayaning panoorin ang mahal kong ikakasal sa iba. Hindi ko kayang makita siyang nangangako sa harap ng Diyos na tanging kamatayan ang magpapahiwalay sa kanila. Kahit pa siguro gaano katigas ang isang tao ay hindi niya kayaning makita na hahalik ang mahal niya sa iba.
                Parang pakiramdam ko sa sandaling iyon ay naputol ang daang tinatahak ko at naiwan akong mag-isa. Hindi ko na alam kung alin daan pa ang tatahakin ko. Hindi ako puwedeng bumalik at sumuko, kailangan may daan parin akong susundan at tatahakin. Kailangan ko paring may mapupuntahan.
            Umuwi akong namumugto ang aking mga mata. Bago ako nakaakyat sa aking kuwarto ay nakasalubong ako ni Mama sa hagdanan.
            “Umiyak ka anak? Anong nangyari sa iyo?” salubong ni Mama sa akin at wala akong maisip na isagot. Para ngang lalo akong naiyak sa kaniyang tanong dahil ramdam ko na puno ng pagtataka at pang-unawa ang tinuran niyang iyon.
            “Wala po ‘ma. Napuwing lang ako.”
            “Sa dalawang mata?”
Alam kong hindi siya maniniwala. Sinundan niya ako hanggang sa kuwarto ngunit mabilis kong isinara. Kumatok siya.
“Ma, we’ll talk later po. Huwag po muna ngayon please. Gusto ko ho munang mapag-isa.”
“Okey anak. Nandito lang ako ha. Ayusin mo ang sarili mo.”
Nang alam kong nakaalis na si Mama sa harap ng pintuan ng kuwarto ko ay kinuha ko ang mga litrato at mga sulat ni Aris sa akin. Pinunit ko iyon ng pinunit hanggang sa pinakamaliit na piraso. Kasabay ng pagtapon ko sa mga iyon sa basurahan ay ang pagkamuhi sa kaniyang mga pangakong pinaghawakan ko at pinagkatiwalaan ng ilang taon.
                Ilang oras pa ay dumating si Tito sa bahay. Agad niya akong hinanap. Nakahinga ng maluwag si Mama dahil siya din ay naguguluhan sa nangyayari sa akin. Pabalik-balik sa kuwarto ko. Tanong ng tanong kung bakit ako umiiyak. Parang gusto niya akong damayan ngunit hindi niya alam sa kung anong kadahilanan. Nagtanong na siya ng ilang beses ngunit hindi ko siya sinagot. Walang kahit anong maibigay kong dahilan. Nakahiga lang ako sa kama ko. Umiiyak, humahagulgol minsan ay natutulala.
                “Puwede ba tayong mag-usap nang tayo lang dalawa anak?” tanong ni tito. Tumingin siya kay Mama na nakikinig.
                Parang nakahalata din si Mama na hindi muna siya kailangan doon kaya walang imik siyang umalis at sinara ang pintuan ng kuwarto.
                “Kumusta ang pakiramdam mo, okey ka lang ba?”
            Tumingin ako kay tito. Gusto kong timbangin kung kailangan ko na bang mag-open sa kaniya. Kung maiintindihan ba niya ang pinagdadaanan ko.
                “Alam mo na ba lahat ang tungkol sa amin ni Aris tito?”
                “Alam ko na lahat. Hinihintay ko lang na ikaw ang magkuwento sa akin. Lahat alam ko walang nilihim si Aris sa akin. Kahit no’ng nagbibinata pa lang kayo. Naramdaman ko na lahat.”
            “Bakit hindi mo kami sinuway? Bakit hinayaan mo kami?”
            “Ayaw kong husgahan kayo. Pari ako pero wala akong karapatang husgahan ang kahit sino. Kahit pamangkin kita. Gusto kong panghimasukan ang buhay mo pero anong karapatan kong pangunahan ka kung ikaw mismo ay hindi nagsasabi sa akin. Katulad ng Diyos, alam niyang mali at nagkakasala tayo sa ating mga ginagawa ngunit binibigyan niya tayo ng kalayaang gawin ang gusto nating gawin at handang umalalay at magpatawad sa tuwing mauntog tayo at maisip nating humingi sa kaniya ng tulong at tawad. Ngunit sana anak, huwag mong sayangin ang buhay mo dahil nasaktan ka.”
                “Ansakit-sakit po kasi tito.”
                “Alam ko. Pero kung makinig ka sa kaniyang sinasabi, hindi ganyan kasakit iyang nararamdaman mo ngayon.”
             “Please lang tito. Gusto ko nang makalimot. Tulungan mo na lang akong lumimot. Siguro parusa na ito ng Diyos dahil sa kasalanang ginagawa namin.”
            Napabuntong hininga si Tito.
            “Iyon ba ang gusto mo? Nandito ako anak hindi isang pari, nandito ako bilang tito mo. Gusto man kitang pangaralan tungkol sa kung ano ang katayuan namin sa ganiyang relasyon ngunit mas malaki ang tiwala ko sa iyong maayos mo ang buhay mo. Lahat tayo ay dumadaan sa mga ganiyang pagsubok. Hindi maramot ang Diyos anak. Humingi ka sa kaniya ng liwanag para lalo mong maintindihan ang iyong mga pinagdadaanan ngayon. Anong gusto mong mangyari ngayon?”
                “Sa ngayon tito, iyon ang alam kong dapat at tama. Gusto kong kalimutan si Aris at magsimulang muli.”
                “So, ayaw mong makinig sa gusto niyang ipaintindi sa’yo, anak?”
                “Ayaw ko ho. Tama na ho. Gusto ko na magmove on. Niloko niya lang ako. Gusto ko ng harapin kung ano ang dapat. Gusto ko ng tuluyang maglingkod sa Diyos. Gusto ko pong magpari.”
                “Huwag kang magpari ng dahil lang dito. Pangarap ko para sa iyo ‘yan. Lahat kami gusto naming magpari ka ngunit hindi din tama na gawin mo iyan para lang tumakas. Lalo na kapag andiyan ka na, mas magiging kumplikado na lahat. Kaya siguraduhin mo kung iyan ba talaga ang gusto mo.”
                “Ito po ang desisyon ko. Buo na po iyon. Magpapari ako.”
                “Mahal ka ni Aris anak. Alam kong masamang ibuyo kita sa ganitong relasyon at alam kong mariing tinututulan ng simbahan ang relasyon ninyo ngunit nakita ko ang tunay na pagmamahal kay Aris. Isang pagmamahal na mahirap sagupain. Noong una, hindi ako pumapayag sa ganitong relasyon ngunit ng marinig ko ang sa inyo, sinikap kong buksan ang aking kamalayan. Alin ba ang mas masama, ang manakit o ang mag-alaga? Ang magnakaw o ang magbigay ng tamang kalinga. Alin ba ang mas mainam, ang gumawa ng mabuti sa kapwa o ang pumatay, ang magmahal sa kapareho ng kasarian o ang magkaroon ng kabit o ang manakit ng asawa. Kasalanan na kung kasalanan ang pinasok ninyo ngunit kung sa tingin ninyo ay gumagawa kayo ng tama at hindi kayo nakakasakit sa kapwa ay maiintindihan ko ang pinili ninyong buhay.”
                “Tama na tito. Wala ng kinabukasan ang lahat sa amin.”
                “Totoo nga palang ayaw mong makinig sa kaniya.”
                “Ikinasal na siya tito. Wala ng paliwanag pa dun. Ayaw ko ng pag-usapan pa ang tungkol sa kaniya. Tama na po. Tulungan niyo na lamang akong tahakin ang tamang daan.”
                “Okey. Sabi mo e. Bahala ka. Umayos ka. Kung gusto mo ng ganyang buhay, simulan mo ng umayos ngayon at huwag kang magbigay ng kahit anong signs kay Papa mo tungkol sa inyo ni Aris dahil alam kong mahirap niyang intindihin ‘yun.”
                “Tito, salamat. Maraming salamat sa pang-unawa.”
                “Vocation ko iyan anak. Kung sa iba kaya kong intindihin ang mga nagagawa nilang kasalanan at pagkakamali, ikaw pa kayang tinuring ko ng anak?”
                Niyakap ako ng mahigpit ni tito. Isang yakap na nagpagaan sa pakiramdam ko ngunit alam kong matatagalan pa bago tuluyang humupa ang sakit na nilikha ni Aris. Alam kong hindi ko siya makakalimutan kahit kailan ngunit alam ko ding nakakagamot ang paglipas ng panahon. Hindi man ngayon pero sa susunod na mga taon.
                Kinagabihan ay dumating si Aris. Isang kaguluhan ang nangyari. Gulong hindi lamang siya at ako ang kasangkot kundi ng buo kong pamilya. Gulong nagpatindi sa lahat ng pangyayari.

[08]
Bukod kay tito, wala ng iba pang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Sa edad kong 21, hindi pa ako handang iladlad iyon sa aking mga magulang at mga kapatid. Isang pagkataong hindi ko pa napaghahandaang sabihin sa kanila. May balak naman akong ipagtapat sa mga magulang ko ang tunay kong pagkatao ngunit iyon ang araw na sasama na dapat ako kay Aris. Ngunit ngayong wala na kami at may asawa na siya, ay hindi na kailangan pang malaman nila. Magiging sikreto na iyon at kung mabubunyag man, hindi ko sila bibigyan ng kahit anong kahihiyan o dahil sa isang relasyon sa kapwa ko lalaki. Gusto ko na sanang talikuran ang aking pagiging alanganin dahil wala na din lang dahilan para manatili sa ganoong buhay. Hindi-hindi ko na matatakasan ang pagiging ako ngunit alam kong ang pagsilbi sa Diyos ang magiging mabisang paraan para tuluyan akong makalimot sa sakit ni nilikha ni Aris.
                Nagiging maingat ako sa aking kilos, pananalita at mga gamit tulad ng mga litrato ng hubad na mga lalaki na masinop kong itinatago at kinakandado na ni isa sa kanila ay hindi makikita. Sobrang pinakaingat-ingatan kong sabihan ako ng Senior Superintendent  sa PNP na papa ko na bakla ako at ayaw ko ding pagtsismisan sa school ang school supervisor kong mama na bakla ang panganay niyang anak. Isa pa ay may pangalan ang pamilya namin sa lipunan at ayaw kong ako ang unang dudungis sa pangalang iyon dahil lamang sa pagiging alanganin.
                Kaya nga kahit mahal ko si Aris ay ginusto kong makipagrelasyon sa kaniya ng patago at titira kami sa hindi magambala ang reputasyon ng aking pamilya. Sila ang iniisip ko at hindi ako. Ang maaring sasabihin ng ibang tao sa aming pamilya ang pinahahalagahan ko. Gusto kong ituon na lamang ang lahat sa paninilbi ko sa Diyos dahil sa sakit na likha ng una at kaisa-isa kong pag-ibig. Pero kung kailan ko inihahanda ang aking sarili ay saka nagkaroon ng isang kahihiyan ako ang gumawa hindi lang sa akin kundi sa buo kong pamilya.
                Masayang nagsalu-salo noon ang pamilya ko kasama ng mga bisitang pari ni tito, ilang hepe at mga pulis na matagal ng barkada ni papa at ilang kaeskuwela ng kapatid kong nasa college na din. Wala namang okasyon ngunit dahil nalaman ng mga kapitbahay namin na naroon si tito ay nagsidatingan sila sa bahay. Ang hepe din at ilang mga pulis na kasama ni papa sa trabaho ay pumunta doon para samahan ang isang ikakasal na kasamahan nila sa trabaho at makipag-usap kay tito tungkol sa gaganaping beach wedding. Isang nagkataong pagkakatagpo.
                Nasa kuwarto ako noon at dinidibdib parin ang sakit ng pagkabigo. Ayaw kong lumabas. Ayaw kong makipag-usap sa kahit kanino. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong simulan ang paglimot. Isang sunud-sunod na katok sa pintuan ang gumulantang sa akin at nang buksan ko ay si tito ang naroon.
                “Si, Aris nasa labas. Nakainom. Gusto ka daw makausap.”
            Nabigla ako. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon lalo pa’t nakainom pa. Kailan pa siya natutong maglasing?
                “Tapos na kami tito. Sana sinabihan ninyo na ayaw ko ng makipag-usap pa sa kaniya.” Buo na ang loob ko.
                “Sinabi ko na. Hindi raw siya aalis kung hindi ka lalabas para kausapin at pakinggan siya sa kaniyang paliwanag. Lasing siya at bago lumala ito, lumabas ka na muna, anak at kausapin mo siya. Matapang ang mga lasing. Hindi nila kontrolado ang kilos at bunganga. May mga bisita tayo. Kilala ko ang papa mo kapag nagalit.”
Mabait si papa ngunit hindi kapag galit. Wala siyang inaatrasan, wala siyang pinakikinggan kaya natakot ako na baka magkaroon ng hindi magandang mangyari kung hindi ko haharapin si Aris.
                “Magdadamit lang ho ako. Sabihin ninyong maghintay lang siya sandali sa labas.”
                “Pinapasok ko na siya. Nasa malapit lang sa pool. Nakaupo. Malapit siya kina Papa mong nag-iinuman.”
                “Pinapasok niyo na? Bakit? Sana sa labas niyo n lang ho muna pinaghintay.”
                “Taong pumunta siya dito kahit sabihin na nating nakainom siya. Tao mong haharapin at kausapin. Hindi siya masamang tao anak. Kausapin mo siya ng mahusay. Saka lalong maghihinala ang Papa mo kung sa labas kayo nag-uusap.”
                “Galit ako sa kaniya. Hindi na naming sana kailangan pang mag-usap tito. Ngunit dahil nandiyan na siya kaya haharapin ko ho siya.”
                “Mabuti naman. Pride na naman pinapairal mo, ibaba mo kahit konti lang. Hindi iyan nakakatulong. Kung gusto mong magpari, dapat may tainga kang makinig, may utak kang mag-isip ngunit mas malaki ang puso mong umunawa.”
                “Hindi pa ako pari. Tao ako ngayon. Nasasaktan at nagagalit.”
                “Ang mga pari ay tao din, anak. Huwag mong kalimutan ‘yan.”
                “Ako na kasi bahala dito, tito. Sige na at lalabas na ho ako.”
            “Pinapaalahanan lang kita. Kumilos ka ng naaayon sa pagpapalaki ko sa’yo.”
            Hindi na ako sumagot. Minabuti kong ayusin ang sarili ko dahil ayaw kong makita ako ni Aris na nade-depress  sa ginawa niya sa akin. Gusto kong humarap ako sa kaniya na maayos at parang walang pinagdadaanan. Sa paraang ganoon ay makabawi man lang ako. Kung ipakita kong nasasaktan ako, ibig sabihin no’n ay talo ako sa kaniya. Ang tanging alam kong mabisang ganti sa taong nang-iwan at nanloko ay ang ipakita at ipadama sa kanilang masaya ka padin at malakas sa kabila ng kanilang pang-iiwan. Doon ay naipaparamdam mo na hindi mo sila kawalan. Doon ay napapakita mong kaya mong mabuhay at umangat nang kahit wala na sila sa buhay mo.
                Paglabas ko ay nakita ko siyang nakaupo. Tahimik. Malungkot. Ilang dipa lang ang layo niya kina papa. Plano kong hindi na siya patatagalin. Pauwiin ko na siya pagkatapos ng sandaling pag-uusap.
                “Katatapos lang ng kasal mo ah, anong ginagawa mo dito?” casual lang ang pagkakasabi no’n.
                “Pakinggan mo naman ako bhie. Hindi ko na kasi kaya ginagawa mo. Antaas mo. Sobrang taas mo na hindi ko kayang abutin.”
                “Hindi ako nagmamataas. Nagiging ganito ako ngayon dahil sa ginawa mo. Lasing ka pa talagang pumunta dito. Ang lagi kong pinagtataka, alam mo naman pala kung saan ako nakatira ngunit sa tatlong taon, ni hindi mo ako nagawang bisitahin? Ni hindi ka man lang nag-alala? Ni hindi mo man naisip kung buhay pa ako o patay na? At ngayong pag-aari ka na ng iba ay saka ka pupunta dito na nakainom pa?”
                “Naglasing ako dahil hindi ko kaya ang ginagawa mo sa akin. Gusto kong magkaroon ng lakas ng loob. Uminom ako dahil gusto ko munang kalimutan ang sakit pero kahit pala nakainom na ako, hindi parin kayang tanggalin ka sa isip ko. Isa lang ang gusto ko naman ngayon e, ang makipag-usap sa iyo. Yung maipaliwanag ko ang dahilan kung bakit kami ikinasal ni Angeli.”
                “Wala na tayong kailangan pang pag-usapan. Di ba, malinaw ko naman sinabi iyon sa’yo sa simbahan? Tapos na tayo. Wala na tayong dapat ayusin kasi nasira mo na. Nakapagdesisyon na ako na magpari ako. Tapos na tayo.”
                “Gano’n na lang iyon! Magpapari ka? Tapos na tayo. Gano’n na lang sa iyo kadali iyon ha!” malakas ang pagkakasabi no’n. Ngunit sa tulad kong galit din, naguguluhan at bigo, nawala sa isip ko kung nasa’n kami ng oras na iyon.
                “Gano’n nga lang din yun. Dahil ganun din lang kadali sa iyo ang mangako at magpahintay. Ang mag-asawa ng babae at talikuran ako. Sa tingin mo ba ganoon din lang kadali na sinikap kong magmahal ng isa lang at talikuran ang pangarap ng pamilya ko sa akin at ang pangarap kong sundan ang yapak ng tito kong maging pari? Sa akala mo ba madaling maghintay at maniwala sa pangako kahit ilang taong hindi na nagpapakita at nagpaparamdam ang taong inaasahan mo at minahal? Nasa’n ang madali sa ginawa mo?”
                “Hindi ako pumunta dito bhie para makipag-away. Pumunta ako ditto para magkaliwanagan tayo. Nasaan ang tito mo? Sinabi niya sa akin na bago ang kasal ay maipapaliwanag na niya sa iyo ang lahat. Sinabi niyang magiging ayos lang lahat. Nangako siya sa akin na hindi magkakaroon ng gulong ganito kaya nga itinuloy ko ang pagpapakasal dahil sinabi niyang sa tulong niya ay maiintindihan mo ako.”
                “Huwag kang mandamay ng ibang tao sa ginawa mo. Paulit ulit lang naman tayo eh! Kung anuman ang sasabihin mo ngayon, hindi na magpapabago pa ang desisyon ko. Tapos na tayo. Wala na akong papaniwalaan pang sasabihin mo. Kung anuman ang paliwanag mo, wala na din lang silbing pakikinggan ko kasi nakapagdesisyon na ako. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ma-pride ako, di ako marunong makinig…kahit ano…pero nakapagdesisyon na ako. Makakaalis ka na.”
                “Bakit ka ganyan sa akin? Mahal kita! Mahal na mahal kita at alam kong mahal mo din ako! Pero bakit mo lalong pinahihirapan ang sitwasyon. Bakit hindi mo ako kayang pagkatiwalaan!”
                “Tama ka, kaya nga ako nagkakaganito dahil mahal kita e. Mali ka kung sinabi mong hindi kita pinagkatiwalaan, kaya ako ganito ngayon dahil nagtiwala ako sa iyo ngunit sinira mo lang kahapon. Umasa ako! Naghintay ako! Naniwala sa mga pangako mo! Ngunit anong ginawa mo? Niloko mo lang ako. Pinaasa mo lang ako sa wala.”
                “Hindi, Rhon, hindi ka nagtiwala sa akin. Siguro mahal mo lang ako ngunit hindi buo ang tiwala mo sa akin. Kaya tayo nagkakaganito dahil hinding-hindi mo ako binibigyan ng pagkakataong sabihin ang lahat-lahat ng niloloob ko. Hindi ka nagtitiwalang lahat ng ginagawa kong ito ay para sa atin. Hindi ka nagtitiwalang matutupad ko lahat ang pangako ko sa iyo. Kung hindi kita mahal at kung walang sapat na dahilan ang pagpapakasala kong ito sa’yo, sa tingin mo ba, pupuntahan pa kita dito at hingin ang iyong pang-unawa at pagtitiwala? Sa tingin mo ba magpapakababa ako sa iyo ng ganito. Sa tingin mo ba, tito mo pa ang magkakasal sa amin? Kung niloko kita, kung hindi ko na tutuparin ang pangako ko sa iyo, sana wala na ako dito ngayon, sana sinunod ko ang kagustuhan mong kalimutan na lang ang lahat.”
                “Hindi pa ba malinaw sa iyo! Isang pagkakamali ang mahalin ka at pagkatiwalaan. Tapos na tayo makakaalis ka na!” tumayo ako at tinuro ang gate.
                “Mahal kita! Magtiwala ka naman sa akin! Makinig ka naman kahit ngayon lang!” sigaw din niya.
                “Rhon!” sigaw iyon ni Papa.
 Napalingon ako sa kanila. Lahat ng bisita nakatingin sa amin. Hawak ni Mama si Papa. Mukhang pinapakalma. Si Tito naman ay nakayuko. Lahat ng mga bisita ni Papa ay parang gulat na gulat na nakatingin at nakikinig sa palitan namin ng salita na alam kong dinig nilang lahat. Para akong nahimasmasan. Para akong bumalik sa katinuan. Ang gusto ko sa sandaling iyon ay biglang malusaw nang matakasan ang kahihiyan. Umatras ako at nang makakuha ng tiyempo ay binilisan kong maglakad palayo do’n. Wala akong nilingon. Parang wala akong nakikita. Blangko ang lahat ng mukha ngunit dinig ko ang sigaw ni Aris!
                “Hindi mo kailangan magpari dahil lang sa ginawa ko! Mahal kita alam mo ‘yun. Gusto ko lang ng tiwala mo. Hinding-hindi ako mawawala sa iyo. Hihintayin kita Rhon, tandaan mo yan. Hihintayin k…”
                Papasok ako ng bahay ng marinig ko ang sigaw ni Mama. Dinig ko ang pagkakagulo nila at kalabog. Paglingon ko ay nakita kong ginugulpi ni Papa si Aris. Kitang-kita ko ang pagsuntok nito sa kaniyang mukha at ang mga tadyak. Parang hindi ako nakakilos. Napakabilis ng mga pangyayari. Parang lahat tuod na hindi na makakilos dahil lahat ay nagulat. Ako man din ay parang naitali. Ngunit nang makita kong duguan na ang mukha ni Aris ay parang kidlat ang bilis kong saklolohan siya.
                “Pa, tama na, maawa kayo sa kaniya!” tumayo ako sa harapan niya.  Inihanda ko ang aking sarili na kung sasaktan ni Papa si Aris ay sa akin dadapo ang kaniyang suntok at sipa.
                Noon ko lamang nakita si Papa na nagalit muli. Hindi na siya iyong mapagmahal na ama, hindi na din siya yung kalmadong nakilala ko.
                “Umalis ka dito sa bahay! Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!”
                Napalunok ako. Hinding hindi ko inaasahang maisigaw ni Papa sa akin iyon.  Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na sisigawan niya ako sa harap ng mga ibang bisita at palisin sa bahay namin.
                “Kinakahiya kita! Hinding hindi ko matanggap ang ganitong kahihiyang ginawa mo sa pamilya natin! Lumayas ka sa pamamahay ko at kahit kailan huwag na huwag ka ng magpapakita sa amin!”
                Nakita ko ang luha sa mata ni Papa. Galit siya ngunit alam kong nasasaktan din siya sa ginagawa niya. Alam kong tinutulak siya ng galit para sabihin ang mga masasakit na namutawi ng kaniyang labi.
                “Pa, aalis ako. Huwag kayong mag-alala, aalis ako pero pakiusap lang na huwag na ninyong saktan si Aris dahil kahit kailan ay wala kayong karapatang pagbuhatan siya ng kamay.”
                “Kinakampihan mo ang lalaking ‘yan. At ano ang tawag ko sa kaniya? Boyfriend mo? Nobyo mo?”
                “Noon ‘yun ‘Pa. Hindi na kami ngayon. Patawarin po ninyo ako kung hindi ako yung inasahan ninyong ako. Kung nabigo ko kayo. Pero sana hindi dahil ganito kami ay may sapat na kayong dahilan para saktan niyo ako o siya. Sabihin na nating bakla ako, wala parin kayong karapatang saktan ako o sinuman man sa aming dalawa. Hayaan ninyo, aalis po kami.”
                “Para ano ha? Aalis kayong dalawa? Magsasama kayo?”
                “Hindi Pa! Babalik siya sa asawa niya. At ako, hayaan ninyo akong hahanap sa talagang kalulugaran ko. Kung hindi ninyo ako matanggap bilang ako, ang Diyos ‘Pa hindi siya nanghuhusga ng anak niya.”
                Natigilan si Papa. Nakatingin sa amin. Inalalayan ko si Aris na bumangon. Hinatid ko siya sa gate. Nakatingin lahat sila sa amin. Umiiyak ako. Sobrang sakit ang nararamdaman ko. Nag-asawa ang lalaking pinakamamahal ko at ngayon naman ay isinusuka na ako ng sarili kong pamilya. Parang lahat ng daan na puwede kong tahakin ay biglang dumilim. Pagkalabas namin sa gate ay humagulgol na ako.
                “Huwag kang umiyak lalo akong nasasaktan.” Iyon ang sabi ni Aris na noon ay parang nahimasmasan sa kalasingan. Hawak niya ang kamay ko. “Sumama ka na lang sa akin. Handa kong iwan ang lahat.”
                “Please lang Aris. Nawala ka na sa akin, ngayon naman ang pamilya ko. Nabuhay ako ng ilang taong umasa at maghintay sa iyo. Sa iyo umikot ang pangarap ko. Sa’yo lang puso’t isipan ko. Nakalimutan kong mangarap para sa sarili ko. Nakalimutan kong magmahal ng iba bukod sa iyo. Ngayon naman, hayaan mo na lang akong isipin naman ang sarili ko na hindi ka kasama. Iyon lang hinihiling ko ngayon. Kung talagang mahal mo ako, palayain mo na ako.” Tinanggal ko ang kamay niya sa aking kamay. Gusto niyang hawakan muli ang mga ito ngunit mas mabilis ang ginawa kong pag-iwas.
                “Sorry. Hindi ko gustong sa ganito aabot lahat. Sobrang nasasaktan ako ngayon.”
                “ Hiling ko lang, hayaan mo na lang ako. Kung tayo para sa isa’t isa, darating yung araw na iyon. Pero kung hindi, kahit anong gawin nating pakikipaglaban tulad ngayon, hindi iyon mangyayari. Ang mali lang natin, sobrang nangarap tayo, nag-expect ng malaki sa pangarap na iyon at hinayaan nating doon na umikot ang buong buhay natin kaya nang mangyari ito, hindi na natin napaghandaan pa dahil masyado nating pinangarap ang mga magagandang puwedeng mangyari sa ating dalawa.”
                “Babawi ako sa iyo, bhie. Hindi man ngayon ngunit tandaan mo, babawi ako sa sakit na pinagdadaanan mo ngayon.”
                “Huwag ka na lang mangako. Napakasakit maghintay sa pangakong hindi natutupad.”
                “Sumama ka na sa akin ngayon.”
                “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hayaan mo na ako. Sige, umalis ka na. mag-eempake pa ako. Huwag mo na akong guluhin ngayon. Bahala na ako sa buhay ko. Nakikiusap ako sa iyo. Huwag mo na akong guluhin pa. Gusto ko nang matahimik.”
                Pagkatapos no’n ay tumalikod na ako. Naka-ilang hakbang palang ako ng di ko matiis na hindi siya lingunin, binubuksan na niya ang kaniyang kotse ngunit nakatingin sa akin. Pinagpatuloy ko ang mabigat na paghakbang ng aking paa ngunit parang may gusto akong gawin sa huling sandali at paglingon kong muli para balikan siya ay nasa likod ko na siya yumakap siya sa akin. Sobrang higpit. Iyon din sana ang gusto kong gawin, ang mayakap siya sa huling sandali para maramdaman niyang pintig ng puso niya at ang pintig ng puso ko ay iisa ngunit kailangan na naming magpaalam sa isa’t isa. Masyado nang magulo ang lahat. Naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako. Ninamnam ko ng husto ang tamis ng huling halik na iyon. Gusto kong ikulong ang halik na iyon sa aking alaala. Tumagal ang halik na iyon. At nang magmulat ako ay nakapikit parin siya. Tulad ko, alam kong ayaw na din niyang matapos ang halik na iyon. Nang ilayo ko ang labi ko sa labi niya, nakita ko ang luha na bumabagtas sa duguan niyang pisngi. Gano’n din ako, nadagdagan ang luha sa basa kong pisngi.
                Muli niya akong niyakap. At tulad ng dati niyang ginawa, paanas niyang binulong sa puno ng aking tainga ang kaniyang huling bilin…
”Bhie, hindi kita hahanapin ngunit alam mo kung saan mo ako babalikan. Alam mo kung saan ako maghihintay. Doon wala akong sawang maghintay sa iyo. Kahit gaano pa kasakit…kahit gaano pa katagal..maghihintay ako sa iyo.”
                Kasabay ng pagbitaw niya sa akin ang malungkot niyang paglayo sa akin. Pagsakay niya sa dala niyang kotse ay napaupo ako at pinagmasdan ang kaniyang pag-alis. Umiyak ako. Gusto kong pagpasok ko sa gate namin ay maibuhos ko na lahat ang sakit na aking nararamdaman. At sa pag-alis ko sa bahay, sisikapin kong baguhin ang aking mga pangarap…ang buhay na hindi na kulong ng pangarap namin ni Aris. Ang buhay na hindi na umiikot sa paghihintay. Hindi ko sigurado kung paano ko sisimulan ngunit kailangan. Ngayon pa na pati pamilya ko ay iniwan na ako…ngayon pa ba ako padadaig sa tunay na hamon ng buhay?

[09]
Tahimik akong pumasok sa gate. Nakayuko lang ako ngunit alam kong lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin. Alam kong madami silang gustong itanong ngunit nanatiling tikom ang kanilang labi. Alam kong ipinasok na si Papa sa kanilang kuwarto ni Mama dahil wala na akong naririnig na mga bulyaw niya. Lasing si Papa. Hindi ko alam kung sapat ng dahilan iyon para intindihin siya sa ginawa niyang pagpapalayas sa akin. Hindi ko din alam kung kailangan ko ngang umalis pero kilala ko siya. Batas siya sa bahay na iyon. Kung may sinabi siya, lasing man o hindi, sinusunod niya.
Pumasok ako sa kuwarto ko.
                Kanina lamang kahit papaano ay buo ang aking pagkatao. May sariling pamilya na alam kong matatakbuhan ko. Ngayon, lahat nawala na. Parang isang iglap, lahat naglaho kasama ni Aris. Ngunit mas mabigat ang dinadala ng puso ko. Alam kong kaya kong simulan ang pagtahak ng sarili kong buhay ngunit ang bumuo ng panibagong pangarap na hindi kasama si Aris ay sa tingin ko, isa sa mga dapat kong gawin na mahihirapan kung hindi man imposible kong magawa.
                Sinimulan kong kunin lahat ang mga damit ko at inilagay sa malalaking maleta na ginagamit ko sa tuwing naglilipat kami ni tito ng kumbento. Alam kong kaya kong mawalay sa pamilya ko dahil mula pagkabata sanay naman akong hindi sila ang kasama ko. Ang masakit lang ay yung dahilan ng pagkakawalay ko sa kanila. Ang kinaiiyak ko lang ay yung alam kong galit sila sa akin dahil sa isang pagkataong hindi ko naman hiniling o kagustuhan. Ngayon ko naramdaman yung hirap kung ikaw ay alanganin at hindi ka buong tanggap ng isa sa mahal mo sa buhay. Para bang kagustuhan mong maging isang bading. Sino ba sa amin ang pinilit ang sariling maging ganito? Hindi naman ito isang pelikula lang na dahil isa akong artista ay pipilitin ko ang sarili ko sa isang karakter na hindi naman talaga ako.
      Mahinang katok ang narinig ko sa pintuan. Hindi ako kumikilos. Wala akong mukhang ihaharap sa kung sinuman ang naroon sa pintuan ngunit ipinagdadasal kong sana si tito ang naroon. Kailangan ko ng makausap. Kailangan ko ng taong tutulong para sabihin kung saang landas ko hahanapin ang gulung-gulo kong buhay.
        “Aris, buksan mo ito, anak. Mag-uusap tayo.” mahinang boses ni tito. Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan siya. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagkaawa sa akin. Alam kong naiintindihan niya ako. At alam kong nasa akin parin ang simpatiya niya.
      “Tito, ansakit po. Bakit sabay-sabay naman kung dumating ang ganitong problema.”
      “Anak tulad ng sabi ko sa iyo, ang Diyos naghihintay lang na itama mo ang mga pagkakamali mo. Ikaw ang susi ng lahat ng pagbabagong iyon. Humingi ka sa kaniya ng tulong upang mas maintindihan mo ang dahilan ng pagpasan mo ng krus ng iyong pagkatao. Lahat tayo anak ay may mga pasan na krus, nagkataon lang na mas mahirap ang pinapasan mo dahil buong pagkatao mo ang nakasalalay at maaring habang-buhay mo itong dadalhin. Doon ako humahanga sa mga katulad mo. Alam kong mahirap maging kagaya mo ngunit nagagawa ninyong dalhin ang mga pasan ninyong krus kasabay ng ilan na pasanin ang responsibilidad para sa buong pamilya at minsan pa nga pamilya ng kanilang minamahal. Karamihan sa inyo anak ay may mapagpatawad na puso, hindi makasariling pag-ibig at pusong maawain. Ngayon mo higit na kailangan ang mga ito. Patawarin mo ang papa mo at si Aris, palayain mo si Aris sa puso mo at maawa ka sa mga taong mas nangangailangan ngayon sa atensiyon at pagmamahal ng lalaking minahal mo.”
      “Tito, kahit hindi niyo sabihin sa akin ay alam ko ang dahilan ni Aris. Kung hinihingi niya ang pag-unawa ko at pagpapatawad, hindi ko maipapangakong maibigay ko sa ngayon ngunit alam kong sa paglipas ng panahon.”
        “Tignan mo nga niyan anak, sa gitna ng mga pinagdadaanan mo ay nakuha mo pa ding isipin ang tungkol sa inyo ni Aris. Gano’n nga yata talaga kayo magmahal. Hindi kayang daigin ng kahit sinong babae ang wagas at totoong pagmamahal ng kagaya ninyo.” Hinaplos ni tito ang balikat ka. Nakatulong iyon para maibsan ang hirap na dinadala ko.
“Anong balak mo ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.
        “Hindi ko po alam. Basta ang alam ko po, kailangan ko ng umalis dito sa bahay ngunit hindi ko alam kung saan po ako pupunta.”
        “Nakalimutan mo na bang nandito ako? Di ba papa mo ako? Anak kita? Kaya huwag kang mag-alala, hindi naman kita pababayaan. Hindi naman kita itatakwil. Ihanapan kita ng matitirhan mo malapit sa university na pinapasukan mo. Pagkatapos ng graduation mo, saka kita tatanungin kung ano ang balak mo. Magtratrabaho ka na ba, magmamasteral o papasok ka sa pagpapari. Hindi kita puwedeng tanungin ngayon. Magulo ang isip mo at hindi mo pa napag-iisipan ang papasukin mo. Ang taong galit, malungkot o kahit masaya ay hindi dapat nakakapagbitiw ng isang desisyon dahil nakakaapekto ang mga malalalim na emosyong ito para mapag-isipan ng tama ang kanilang mga gagawin sa hinaharap. Ayusin mo na ang mga gamit mo at bukas ay maayos kang magpaalam sa mama, papa at mga kapatid mo.”

        Hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Hindi nawala si Aris sa isip ko. Kasabay din nito ang pag-iisip ko sa sitwasyon namin ng aking pamilya. Paano kung hindi nila ako tanggap. Sa mga katulad ko, pamilya ang pinakaimportanteng mga mahal sa buhay dahil sa kanila dapat nahahanap ang tunay na pagmamahal na minsan ay mahirap mahanap sa mga lalaking inaasam. Nandiyang iiyak ako, mapapahinga ng malalim at biglang tatayo ngunit hindi naman alam kung saan pupunta. Diyos ko! Nababaliw na ba ako?
        Kinaumagahan ay nakaempake na ako ngunit hindi ko alam kung kailangan ko ng lumabas sa kuwarto ko. May kumatok sa pintuan. Hindi ko alam kung bubuksan ko o hindi. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses ng kumakatok sa pintuan.
        “Anak, buksan mo ito, mag-usap muna tayo?” si Mama.
      Sandaling nag-isip. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin lalo pa’t naiiyak na naman ako. Bakit ba kasi ambabaw ng luha ko?
        Pagbukas ko ay niyakap niya ako. Nakatingin siya sa akin. Hininhintay ko siyang magsalita.
      “Kumusta ang pakiramdam mo, anak.”
      Gusto kong sagutin siya ngunit nang tumulo ang aking luha ay parang iyon palang ay alam na niyang mabigat ang dinadala ko. Ikinulong niya ako sa kaniyang dibdib at doon ay iniluha ko ang bigat ng aking dibdib.
        “Sa’n ka titira ngayon?” malayo ang sinabi niya sa iniisip ko. Hindi pala niya ako pipigilan.
        “Hindi po ako pababayaan ni tito, ‘Ma.”
        “Pasensiya ka na anak. Nabigla lang ang Papa mo dahil ngayon lang nagkaganito ang pamilya natin at sa mismong anak pa niya. Balang araw, matatanggap ka din niya.”
        “Hindi kayo galit sa akin Ma?”
        “Hindi ka pa umaamin, alam ko nang ganyan ka. Hinihintay ko lang na ikaw mismo ang magtapat. Anak kita, galing ka sa akin kaya malakas ang kutob kong ganiyan ka ngunit may mga gabing nagdadasal ako na sana nagkamali ako ng hinala sa pagkatao mo. May nabasa akong sulat ni Aris sa iyo noong  nasa probinsiya kayo. Yung sulat niya nang iniwan ka niya na hindi nagpaalam sa iyo. Hindi ko na noon natapos basahin ngunit mas pinili kong solohin ang pagkabigla kahit ilang beses kong tinangkang kausapin ka.”
      “Matagal na pala ninyong alam ang tungkol sa amin ni Aris Ma? Pa’no ninyo nagawang pakialaman ang mga personal kong sulat at mga gamit?”
      “Hindi ko sinasadya anak. Inaayos ko noon ang mga bagahe mo nang umuwi ka dito. Nasama sa mga madudumi mong damit na ipalalaba ko sana. Hindi ko na tinapos basahin pero hindi ko na nakalimutan ang pangalan ni Aris.”
      “Ibig sabihin pala, noong pumunta siya dito ay alam na ninyo kung sino siya sa buhay ko? Bakit parang hindi niyo matandaan ang pangalan niya noong dumating ako galing probinsiya para magbakasyon kay tito.”
      “Ayaw ko sanang magpahalata sa iyo. Nang pumunta si Aris dito, kinausap ko siya. Ngunit pinakiusapan ko si Aris na magiging lihim lang naming dalawa ang pagtatanong ko sa kaniya at ang pagtatapat niya sa akin. Hindi siya umamin noong una ngunit nang sinabi kong alam ko at nabasa ko ang sulat niya sa iyo ay hindi na siya nagsinungaling pa. Hindi niya maidiretsong tignan ako ngunit inintindi ko kahit mahirap tanggapin na bakla ang panganay ko at nasa harap ko noon ang lalaking kinalolokohan niya. Alam ko na noon na tagilid na ang pangarap naming pagpapari mo ngunit umaasa pa din ako na madadaan ko sa mabuting pakiusap kay Aris. Pasensiya ka na anak.”
      “Pasensiya? Saan ‘Ma?”
Nagkaroon na ako ng hinala kung bakit hindi nagpakita si Aris mula noon. Ngunit gusto kong marinig mismo kay Mama kung ano ang ipinakiusap niya.
      “Ako ang dahilan kung bakit hindi na siya muling nagpakita sa’yo. Hiniling ko na sana patapusin ka muna niya sa kinukuha mong kurso. Na sana kahit tatlong taon lang muna siyang lumayo sa iyo para hindi ka lalong maguluhan. Sinabi ko sa kaniyang mga bata pa kayo. Kung mahal ka talaga niya, kailangan ninyo munang harapin ang mga mas una ninyong dapat harapin kasi nakikita ko sa iyong masyado mong naitutuon ang utak at puso mo sa kaniya. Kaya alam kong ang panadalian niyang pagdistansiya sa iyo ay makakatulong para mas maituon mo ang iyong isip sa pag-aaral mo.”
      “Pumayag siya?” naguguluhan kong tanong.
      “Hindi nang una. Kaso sabi ko, ina akong nakikiusap sa kaniya. Gusto ko lang makita ang anak kong magiging maayos ang buhay bago papasok sa relasyong hindi ko alam kung saan ka nito dadalhin dahil alam kong alam mo na sa lipunan natin, hindi pa iyan lubusang tinatanggap. Mabuti at iginalang niya at sinunod ang gusto ko.”
“Sobrang hirap nu’n Ma. Alam ba ninyo iyon? Ni hindi ko alam kung paano ko siya makausap o lagi ako nag-iisip sa kalagayan niya. Kayo pala ang dahilan kung bakit lumayo muna siya sa akin.”
“Akala ko sa paraang ganoon ay makakalimutan mo siya at mas maituon mo ang isip at puso mo sa paglilingkod sa Diyos. Hindi ko alam na sa mga panahong hindi mo siya nakakausap at nakikita ay mas pinasidhi nito ang kagustuhan mong mahalin siya. Hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan ng ganiyan.” Namuo ang luha ni mama.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi ako nagsalita. Pinilit kong intindihin na gusto lang ni mama na maging maayos ang buhay ko.
 “Mahal ka niya anak. Ramdam ko iyon. Kaya nagiging panatag akong tanggapin na mahalin ka niya dahil ramdam ko ang sinseridad niya. Ngunit nang malaman ko na nag-asawa siya, gusto kong damayan ka, hinintay kong buksan mo ang loob mo sa akin ngunit hindi mo ginawa. Pero lahat anak, naiintindihan ko. Gusto ko lang malaman anak kung ano ang plano mo ngayong may asawa na si Aris?”
        “Balak kong ituloy ang pangarap ninyo ni Papa sa akin.” Walang kagatol-gatol kong sagot. “Balak ko hong pumasok sa seminary. Gusto kong magpari.”
        “Suportado kita anak kung alin ang gusto mong gawin sa buhay mo. Lagi mo lang tandaan na nandito ako lagi. Hayaan mo, palalambutin ko ang puso ng Papa mo. Unti-untiin kong ipasok sa utak niya ang pagtanggap sa katulad mo.”
        “Salamat Ma.” Muling dumaloy ang luha ko. Lumapit siya sa akin. Mainit at puno ng pagmamahal ang yakap niya sa akin. Hinaplos niya ang likod ko. Tulad ng ginagawa niya kapag may nararamdaman akong sakit noong bata ako. Ilang haplos lang, mawawala na yung sakit ko dati. Hinihipan lang niya ang dulo ng daliri ko, parang magic, nawawala ang sakit ngunit ngayon alam kong kahit ilang buwan niyang haplusin ako, kahit gaano pa katagal niyang ihipan ang sugat na likha ni Aris ay mananatili ang sakit ng kahapon.
        Hindi ko nakita si papa nang umalis ako ngunit nakakaluwag ng loob ang ginawa ni Mama at ng mga kapatid ko. Noon ko naramdaman ang tunay na pagtanggap. Noon ko napagtanto na ang hindi nawawala sa buhay ng isang alanganin ay ang pagmamahal ng isang pamilya. Sana matatanggap din ako ni papa. Sana maipagmalaki din niya ako kahit sabihing binigyan ko siya ng kahihiyan. Hindi naman talaga kahihiyan ang pagkatao ko, ang nakahihiya ay ang ginawa ko. Hindi ko kasalanan ang pagiging bakla ko, ang alam kong naging kasalanan ko lang ay ang pagkakalat ko sa harap ng aming mga bisita. Kaya naiintindihan ko kung nagalit si papa. Pinaglihiman siya’t hindi iginalang sa harap ng kaniyang mga bisita.
Matuling lumipas ang ilang araw. Naroon pa din ang sakit ng nangyari sa amin ni Aris ngunit matiyaga akong naghihintay na tuluyan nang maging pilat ang sugat sa pagdaan ng panahon. Ayaw kong madaliin ang paglimot. Ayaw ko din namang takasan ang sakit dahil sa mga nararamdaman kong sakit ngayon ay pinatitibay niya ang buo kong pagkatao. Alam kong sa mga sandaling bigo ako at nasasaktan ay may mga aral akong matututunan. Doon ako humuhugot ng lakas.
Hanggang sa dumating ang araw ng aking pagtatapos. Dumating si Mama at mga kapatid ko. Ngunit wala si Papa. Naroon din si tito at kahit kulang ang aking pamilya ay sinikap kong intindihin ang lahat. Palabas na kami noon nang mapansin ko si Angeli. Ang asawa ni Aris. Ang babaeng umagaw sa pangarap ko. Sa unang tingin palang ay alam mong maysakit siya. Hindi na iyon kayang itago ng kaniyang magarang suot at mamahaling make-up. Nakangiti siya sa akin. Iiwas sana ako ngunit mabilis niyang hinawakan ang palad ko.
        Nilingon ko siya. Nakita ko ang nakakaawa niyang mukha. Mukhang nakikiusap. Mukhang madaming gustong sabihin.
        “Bigyan mo sana ako ng sandaling makausap ka.”
        “Para ano pa? Kasal na kayo ni Aris. Hindi pa ba sapat iyon? Nakikiusap ako, patahimikin niyo na ang buhay ko. At ano ang ipinunta mo dito? Kausapin akong tigilan ko kayo? Kausapin mo ako para layuan ang asawa mo?”
        “Hindi, Rhon. Gusto ko nga magkaayos sana kayo. Nahihirapan siya? Nahihirapan din ako.”
        “Ahh, gusto mo naman ngayon, tatlo magkasalo!” gusto ko siyang inisin para tuluyan na siyang lumayo. Sa paraang ganoon kasi ay alam kong mas matatanggap niya ang katotohanang ako na ang kusang lumayo sa kanila.
        “Di ba edukado ka na? Di ba dapat marunong kang rumespeto kung taong nakikipag-usap sa iyo ang tao.”
        “Oo, edukado ako. Ngunit lahat ng edukado ay tao. Sinaktan ninyo ako kaya natural na ganito ang trato ko sa inyo. Paggalang ba gusto mo? Tanungin mo ang asawa mo kung mayroon siya no’n. Importante sa tao ay ang may paggalang siyang tuparin sa mga binibitiwan niyang pangako.”
        “Alam ko lahat iyon. Kaya nga ako naparito para sabihin sa iyo lahat.”
        “Tigilan niyo na ako. Nagmamadali ako. Kita mo pamilya ko? Hinihintay nila ako.”
      “Maysakit ako Rhon at hindi ko na alam kung magtatagal pa ang buhay ko.”
       Alam ko na dati pa iyon. At iyon ang iniiwasan kong marinig mula kay Aris at kay tito. Ngunit mas nanaig sa akin ang kagustuhang kong harapin ang buhay ko. Pakiramdam ko nakalayo-layo na ako sa sakit. Nakapag-ipon na ako ng tamang lakas para ituloy ang buhay ko na hindi na kasama si Aris. Buo na ang desisyon ko. Ilang gabing umiyak ako at ayaw ko nang bumalik pa sa ganoong kalagayan. Natuto na akong ngumiti at mangarap para sa sarili ko. Ngayon ko lang naranasang mangarap na hindi na kasama si Aris. Sa sinabi niyang iyon ay wala akong maisip isagot. Ano  naman ang sasabihin ko? “ayy kaya pala ganoon ang ginawa ninyo”, “nakakaawa ka namana pala, malapit ka ng mamatay?” o kaya “Huwag kang mag-alala naiintidnihan ko at hihintayin ko na lamang na mamatay ka para maging kami na ni Aris sa huli.” Nasaan ang kinaganda ng sagot ko kung sasagutin ko siya. Pinili kong manahimik.
        “Rhon, buntis ako. Sana pagdating ng araw matatanggap mong anak namin ni Aris.” Pagpapatuloy niya.
      “Then, you deserve Aris. Angeli, hindi ako bobo, hindi ako tanga. Pinakasalan ka ng taong mahal ko dahil may taning na ang buhay mo o kaya ay gusto mong maging masaya bago mamatay. Kahit ano pa ang rason ninyo, gusto kong maging fair sa inyo. Hindi lang kasal-kasalan ang nangyari. Nagsumpaan kayo sa harap ng Diyos at sa mata ng tao at batas, kayo ang legal na mag-asawa. Nasaan ang papel ko doon sa inyo. Wala! Kaya sana gusto kong maging fair sa iyo na kung sakali mang kinasal kayo dahil may sakit ka at hindi ka na magtatagal, you deserve Aris attention more than mine. Ayaw kong maging unfair sa iyo na nagpakasal ka doon sa tao pero may iba pang sumisingit sa inyo. Kung sandali na lang ang buhay mo, siguro you deserve much of his attention at ayaw ko nang makihati pa doon. Kahit hindi sabihin ni Aris ang gusto niyang tumbukin, kahit hindi mo sa akin ipaliwanag. Hindi ako tanga. Ngayon, hindi dahil hindi ko binibigyan si Aris na magpaliwanag ay hindi na ako marunong makinig. Mas maraming naririnig ang puso ko kaysa sa tainga ko. Masakit para sa aking agawan ng kaligayahan ang taong kagaya mo. Mas masakit sa aking nakikitang sa sandaling panahon na nabubuhay ka ay narito pa akong nakikipag-agawan sa atensiyon na dapat para buong sa iyo. Tungkol diyan sa dinadala mo. Congratulations. Mas lalo na ako ngayon may dahilang bigyan kayo ng kalayaan. Diyos ang may karapatang tumaning ng buhay. Dasal ko na sana kung anuman ang karamdaman mo ay tuluyan nang gumaling para mas hahaba pa ang pagkakataong makasama mo ang anak mo at ng lalaking kaisa-isa kong minahal.”
        “Patawarin mo ako Rhon. Ako ang may kagustuhan nito”
        “Angeli, hindi mo kayang gumawa ng bata na ikaw lang. Hindi ka puwedeng ikasal na solo mo lang. Huwag mong sabihing ikaw lang ang may gusto ng lahat ng nangyaring ito. Alam ko kagustuhan din ni Aris ito at dahil ikinasal na kayo, siguro naman hayaan niyo na muna ding manahimik ang buhay ko. Pakisabi sa asawa mo na hindi ako nakinig sa paliwanag niya dahil nakikita pa lang kita alam ko na marami kang sakit na pinagdadaanan at ayaw kong marinig sa kaniya na dahil lang sa awa at dahil malapit ka ng mamatay ay nagawa niya ang pagpapakasal sa iyo. Tao ka Angeli. Mas higit mong kailangan ang kaniyang pagmamahal kaysa sa akin!”
        “Paano si Aris.”
        “Pinasok niya ito kaya tiwala akong kaya niyang lagpasan. Ingatan mo ang kalusugan mo at ng batang dinadala mo.”
“We’re sorry, Rhon.”Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata.
“Napatawad ko na kayo. Masakit lang ang nangyari sa akin. Ano nga ba naman kasi ang laban ko sa’yo. Buntis ka, pinakasalan ka niya. Ang pinagtataka ko lang, bakit pa ako gustong isali ni Aris sa buhay ninyo. Gusto kong ibuhos na lang niya ang pagmamahal niya at panahon sa iyo. At hindi Diyos ang doctor para sabihin kung hanggang kailan na lang ang buhay mo. Sana madugtungan, magkaroon ng himala galing sa taas.”
“Iwan ko lang itong regalo ni Aris sa iyo. Sana basahin mo ang sulat na laman niyan para maintindihan mo lahat.”
        “Sorry hindi ko na matatanggap ang kahit anong galing sa kaniya. Ibalik mo na lang sa kaniya yan at nakikiusap ako! Tigilan na niya ako. Kung anuman ang napag-usapan natin ngayon, sana sa’yo na lang. Sabihin na niyang mababaw ako, hindi marunong makinig ngunit sana maintindihan niya na kahit hindi ko na sabihin pa ay hindi ko kayang makipag-agawan ng atensiyon sa isang asawa na mas may karapatan na sa kaniya. Hindi ko masikmurang naghihintay na magiging single siya na para bang hinihintay ko o minamadali ko ang iyong kamatayan para lang muli siyang makuha sa iyo. Hindi ako pinalaki ni tito na ganu’n at lalong hindi ko kayang maging makasarili dahil lang sa nagmamahal ako.”
      “May magagawa pa ba ako para hindi mo lang siya iwan o kalimutan? May magagawa ba ako para magbago ang desisyon mong magpari?”
      “Isa lang, Angeli. Iyon ay ang pagbibigay na muna niya ng katahimikan sa akin. Tungkol sa pagpapari ko, mali na kung mali ngunit ito lang ang alam kong pinakamabisang paraan para tuluyang makalimot at sana sa gagawin kong ito ay matakasan ko ang maling nararamdaman ko sa kapwa ko lalaki. Sana makatulong sa akin ang gagawin kong ito para mailayo ako sa tawag ng makamundong laman. Ngunit kung hindi man nito kayang baguhin ang aking pagkatao, alam ko sa puso ko na sinikap kong magbago, na ginawa ko ang lahat para tuluyang mabura ang pagiging alanganin ko.”
      Tumingin siya sa akin. Alam kong nanlulumo siya. Alam kong nabigo siya sa gusto niyang pag-aayos namin ng asawa niya ngunit sa sandaling iyon ay alam kong kailangan kong tumahak ng tamang daan para sa pagbabago. Ngunit gusto iyon ng utak ko. Gusto kong pairalin ang sinisigaw ng aking utak kaysa sa kagustuhan ng aking puso. Hindi ko lang alam kung kakayanin bang gapiin ng utak ang tunay na nararamdaman ko. Walang kasiguraduhang tuluyang maiayos ng pagpapari ko ang pagiging alanganin ko ngunit gusto kong sumugal. Gusto kong isiping kakayanin ko. Ngunit sa sulok ng aking puso may sandaling pinanghihinaan ako.
      “Sana palagi kayong masaya ni Aris. Sana magiging malusog ang isisilang mong sanggol. Paalam Angeli. Mag-ingat ka”
      Hinawakan ko ang kamay niya. Pinisil ko iyon at nakita ko ang mabilis na pagbagtas ng kaniyang mga luha. Mabilis akong naglakad palayo doon. Muling nangilid ang luha sa aking mga mata ngunit hindi na… tama na…hindi na ako muling iiyak sa lalaki. Hinding-hindi ko na iiyakan si Aris pa.

[10]
Mula noon ay hindi na muli pang nagpakita o nagparamdam ang dalawa sa buhay ko. Masakit na masakit na parang sa pagdaan ng araw ay mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal ko kay Aris ngunit pinipilit kong paglabanan ang lahat. Minsan, gusto kong ituloy na namin ang aming pag-iibigan. Gusto kong ipaglaban siya at agawin kay Angeli ngunit iniisip ko ang kalagayan ni Angeli at ang katotohanang wala na akong karapatan. Pinagtabuyan ko na siya. Nagdesisyon na ako at umaasa na ang mga tao sa paligid ko na ituloy ko ang pagpapari. Hindi na nagiging maayos ang takbo ng aking pag-iisip. May mga sandaling gusto kong makipagbalikan pero mas madalas naman ay gusto kong ituloy na lang ang pagpapari. Alam kong dumadaan ako sa mga stages ng break up. Napagdaanan ko na ang sinasabing unang yugto nito na shock stage. Iyon yung panahong ayaw kong makinig sa kahit anong paliwanag.  Si Aris ang dumaan sa Denial Stage na kung saan ay hindi niya matanggap ang nagyaring paghihiwalay namin kaya ginawa niya ang lahat ng paghahabol para lang sana maayos kaming dalawa ngunit madali akong sumuko. Naging dahilan iyon ng kaguluhan sa aking pamilya.
 Tuluyan akong ikinulong ng pagkagulat sa nangyari na ayaw ko ng marinig pa ang sasabihin niya, Ayaw ko nang lalo akong masaktan o kaya muling maniwala sa mga pangakong mauuwi din lang sa wala. Natapos ko na din ang Isolation stage. Iyon yung mga panahong gusto ko laging nagkukulong sa kwarto. Gusto kong walang kakausap sa akin. Dahil sa paraang ganoon ay maisip ko kung ano nga ba ang dahilan ng lahat nangyari at ang dapat kong gawin ngayong sarili ko na lamang ang tangi kong iisipin. Iyon bang, kailangan kong baguhin ang mga pangarap ko sa buhay at tuluyan ng ibaon sa limot ang pangarap naming dalawa ni Aris. Alam kong dumaan na din ako sa pang-apat na yugto, ang anger stage. Galit ako sa kaniya, kaya ako nakapagdesisyon para sa alam kong ikakatahimik ko. Ito lang kasi ang paraan ko para sana tuluyan nang makalimot. Ang galit ko kay Aris ang tuluyang nagtulak sa akin para pumasok sa seminaryo.
Ang kinatatakot ko ay pagkatapos nang halos dalawang buwan, kung saan nasa pang-anim palang ako ng stage ng break up na pinakamahirap sa lahat ay siya ko namang pagsisimula na sa pinili kong bokasyon. Inaamin kong nasa depression period palang ako at hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nga pinagdadaanan kong ito sa loob ng seminary. Dinadalangin ko na lamang na sana sa loob ay tuluyan maging maayos na ang dinadala kong problema sa pag-ibig. Umaasa ako na pagkaraan ng ilang buwan ay matatapos ko din ang pitong yugto ng paghihiwalay. Sobrang hinihitay ko yung acceptance stage, na ang lahat ay nangyari dahil mas may magandang plano ang Diyos para sa akin.
 Sa pagpasok ko sa seminary ay madami akong natuklasan sa mga kalakaran sa loob. Mga nangyayaring hindi ko man lubusang naiintindihan ngunit nasa nagpapari naman kung hayaan niya ang sariling magumon sa masarap ngunit masamang kalakaran o kaya ay mahirap ngunit maluwalhating patutunguhan ng kaluluwa.
 Naturuan kaming sundin ang utos ng Diyos. Pag-aralan ang lahat ng katusan Niya sa bibliya, mga doktrina na maari naming maibahagi sa iba kapag kami ay lubusang handa na. Pinaghandaan din namin kung paano ipagtanggol ang simbahan at ang mga taong bumubuo nito.  Umiikot ang buong buhay namin sa araw-araw sa halos paulit-ulit na takbo ng buhay. Hindi madali ang isang seminaryan. Ang araw ay magsisimula sa pagtunog ng kampana sa alas sais ng umaga. Kapag Alas sais y medya, magtitipon-tipon na kami para i-recite ang morning Office of Prime sa main chapel. Pagkatapos no’n ay meditation na 25 minutes at Holy Mass sa oras ng alas-siyete a kinse. Sa dulo ng misa, ang sampung minuto na thanksgiving din ang gagawin at muling tutunog ang kampana para naman dasalin naming ang dasal sa St. Joseph.

Pagkatapos ay muli kaming magtitipon-tipon para sa mabilis na agahan. Lahat ay may nakaatang na gawain. May maghahanda ng hapag-kainan, maghuhugas ng plato, maglinis ng palikuran, maglinis sa buong kumbento at mga silid aralan at lahat dapat ay malinis na bago magsimula ang aming klase. Lahat ng mga gawain namin sa buong Linggo ay mababasa sa aming notice board. Umiikot ang lahat ng mga trabahong ito para lahat kami ay matuto sa lahat ng gawain.
Ang umagang klase ay magsisimula ng ika-siyam ng umaga at matatapos ng alas-onse y medya. Kapag tumunog na ang kampana, ang kalahati sa amin ay maghahanda para sa tanghalian namin at ang kalahati naman ay pupunta sa chapel para sa midday Office of Sext.  Pagkatapos noon ay ang pagdasal naman ng Angelus at ang hinihintay ng lahat ng gutom- ang tanghalian.
Binibigyan naman kami ng isang oras para sa aming recreation, iyon ay para sa mga tapos na ng kanilang trabaho o sa mga hindi nabigyan ng gawain sa buong Linggong iyon. Ilan ay kumakanta at naglalaro pero karamihan ay mas piniling makipagkuwentuhan sa kani-kanilang mga barkada.
Pagtuntong ng alas-dos ay muli kaming papasok para sa ilang mga subjects namin. Ang mga  Humanities o pre-seminarians ay dapat nakahanda na para sa naatasan nilang trabaho. Sa tulad naming mga first year palang, kami ay tinuturuan ng mga malapit nang matapos na seminarian. May labinlimang minute na break kami para gawin ang mga personal naming gustong gawin. Pagdating ng alas-sais ay mag-Rosary naman kami. Tuwing Huwebes naman ay ang Benediction of the Blessed Sacrament na sinasagawa namin ng pribado.
Ang panggabihan naming ay sa alas-sais y medya . Pagkatapos no’n ay ang apatnapung minutong recreation at sinasamantala namin ni Alden ang sandaling iyon na maglalakad-lakad habang pinag-uusapan ang mga naging buhay namin sa labas.
Sa bandang  7:45 ng gabi ay muling madidinig ang kampana bilang hudyat ng pagsisimula ng pag-aaral. May ilang pari na naroon para tulungan ang mga nagrereview at hindi naintindihan ang ilang bahagi na napag-aralan ng mga mag-aaral sa umaga at hapon.  Pagkaraan ng ilang oras na review, ang Office of Compline ay kinakanta para pasalamatan ang Diyos sa lahat ng basbas at biyaya niya sa maghapon at ang araw araw na proteksiyon mula sa Kaniya.
Pagsapit ng 9:05 ng gabi, kailangan ng maghanda ang mga seminaryan para sa kanilang pagtulog. Maari ng gawin ang mga personal na gawain tulad ng pagsisipilyo, paliligo at iba pa. Sa oras na alas-diyes, ang mga seminarians ay kailangan nang pumasok sa kani-kanilang mga kuwarto para matulog. Sa mga oras na ito, lahat ng ilaw ay nakapatay na at mahigpit ng ipinagbabawal ang paggawa ng kahit anong ingay.
                Ganoon ang araw-araw na buhay ko sa loob. Nagiging masaya nang dahil sa isang bagong kaibigan na nakilala ko. Isang kaibigang muling nagpaigting sa aking pagiging alanganin. Sa kaniya umikot ang buhay ko sa loob. Ngunit ang tanging sakop ng puso ko ay si Aris parin sa mga panahong iyon. Ang bagong kaibigan ang gumamot sa panlabas na sugat ng puso ko ngunit ang laman parin ng pusong iyon ay ang lalaking nanakit sa akin. Dahil sa bago kong kaibigan, natuto akong naging malakas at walang takot sa puwedeng kalalabasan ng mga ginagawa. Sa kaniya ako natutong ipaglaban ang gusto mo’t pinangarap. Hindi ko iyon nagawa sa labas. Ngunit kung gaano kadaming pagsubok at tukso sa labas ay marami din naman sa loob. Napag-uusapan na din lang siya, kaya mas mainam sigurong simulan ang lahat nang unang araw na makilala ko siya.
        Paano ko nga ba siya nakilala?
Sa tulad kong  dumadaan palang depression period, lahat ng puwedeng gawin para kahit sandali ay mawala si Aris sa utak ko ay aking sinubukan. Dalawang buwan ang bakasyon bago ako pumasok sa seminary pero hindi parin nabubura ang alaala at pagmamahal ko kay Aris. Ngunit desidido na akong kalimutan siya. Pero sa tuwing pinipilit natin ang sarili nating kalimutan ang isang mahalagang tao sa buhay natin ay siya naman nitong pilit pumapasok sa ating alaala at sa tuwing pinipilit natin siyang tuluyang tanggalin sa ating isip ay siya namang sakit ang ating nararamdaman. Kapag may naririnig na kanta, sa tuwing may nakikita akong paborito niya, kulay ng damit, pabango, o kahit anong may koneksyon sa kaniya ay pilit kong kinaiinisan. Sinubukan kong ipagdasal ang lahat. Ituon ang aking oras sa pagbabasa ng bibliya, pagdarasal sa tuwing nabubuhay ang kagustuhan kong makita siya ngunit nanatiling mailap ang paglimot. Hindi ako nailalayo ng mga binabasa ko at mga hinihiling ko sa Diyos. Hangang naisip ko na kaya ako hindi nakakalimot sa mga nakaraan namin ni Aris kasi wala akong kaibigan at kakilala na tutulong sa akin para malimutan ang aking nakaraan. Kailangan ko ng bagong karanasan para tuluyan nitong takpan ang dating karanasan ko. Iyon lang ang alam kong paraan para tuluyang mawala siya sa aking alaala. Noon ay pumasok si Alden sa buhay ko.
        Roommate kami ni Alden. Napansin ko siya sa una palang dahil pareho sila ng hugis ng mukha at mata ni Aris. Ang korte ng ilong ay hindi nagkakalayo pati ang ilang mga kilos at pananalita. Sa tangkad at pananamit pati ang tindig at laki ng katawan ay kawangis sila. Maliban sa kulay ng balat at ang kulay ng labi. Mapula ang labi ni Alden, makinis at maputi na may mahahaba ngunit pinong balbon. Nang unang araw ay hindi siya namamansin at sa tulad kong broken hearted ay hindi din agad nahuhuli ang loob ko para makipag-usap.
        Dumaan ang isang araw na hindi kami nagpansinan. Kinaumagahan na lamang niya ako kinausap ng magtanong kung puwede niyang magamit ang suklay ko dahil hindi daw siya nakapagdala. Nakatapis lang siya noon ng tuwalya at basa pa ang buong katawan. Napalunok ako ng makita ko ang manipis niyang balbon sa dibdib at medyo kumapal na maninipis na buhok sa maporma niyang abs. Matagal akong napatitig doon na alam kong napansin niya kaya patay-malisya niyang tinakpan iyon ng kaniyang kamay.
        “May suklay ka…ano nga pala pangalan mo dre?”
        “Ahh, Rhon. Sandali, titignan ko. Kung nadala ko, sa iyo na lang ‘yun kasi tignan mo naman ang buhok ko, hindi ko sinusuklay. Konting gel lang, ayos na.”
        “Buti nga maganda ang buhok mo eh, ako kasi may pagkakulot kaya kailangan suklayin ng medyo umayos tignan. Alden pala pangalan ko dre.”
        Nang inabot niya ang suklay ay hindi ko maiwasang magtaka kung bakit pati kamay ko ay hinaplos niya at naramdaman ko ang pagpisil niya sabay kindat sa akin.
Iniwasan kong bigyan ng malisya iyon. Gusto kong isipin na naroon kaming lahat dahil gusto naming maglingkod sa Diyos at habang maaga ay kailangan umiwas sa tukso na tawag ng laman. Gusto kong magkaroon ng kaibigan at hindi ng karelasyon. Mga kaibigang kasangga sa bawat araw na puno ng makasalanan at makamundong tawag ng tukso.
        Nagpapalit na ako at siya naman ay parang wala lang na naglalakad habang nakabrief. Tuloy hindi ko maiwasang hindi siya tignan at hindi tuloy ako makaharap dahil tinigasan ako. Tao lang akong natutukso sa mga nakikita. Naisip ko mang kasalanan pagnasaan ang kasama ko sa kuwarto ngunit hindi nakakayanan ng aking pagpipigil ang silakbo ng aking damdamin.
 Paano naman kasi ako hindi titigasan. Bukod sa maganda ang hubog na katawan at makinis, sobrang laki pa ang bumubukol doon. At sa tulad kong ilang taon na ang binilang dahil sa walang sex kundi pagsasarili lang ay matagal ko na talagang inasam na mailabas ko ang init sa aking katawan. Muli pumasok sa isip ko si Aris. Nang dahil sa kaniya, nadiyeta ako sa sex. Napabuntong-hininga ako.
        “Dre, palagay naman ng kuwintas. Hindi ko kasi matsambahan baka puwedeng pasuyo na ikaw na lang maglagay.”
        “Ha, sige, lumapit ka dito.” Palusot ko dahil nga ayaw kong mahuli niyang tigas na tigas ang alaga ko. Kung bakit kasi hanggang ngayon hindi pa siya nagdadamit. Hindi ko alam kung pinapatakam niya ako o dahil proud lang siyang ibuyangyang ang maganda niyang katawan.
        “Heto, pasuyo na lang dre ha.” Sobrang lapit niya sa akin at hindi naman na ako makausog dahil lapat na lapat na ang likod ko sa kama ko. Kaya nang humarap ako ay hindi maiwasang inabot ng alaga ko ang bandang likuran niya. Alam kong naramdaman niya iyon.
“Sorry.” Nahihiya kong sagot. Nanginig tuloy ang mga kamay ko at para akong nanlamig sa pagkapahiya.
“Ah…ok na. Ako na lang dre. Mahirap na.” humarap siya sa akin. Kinuha niya ang kuwintas sa kamay ko. Sapol ang pagkakatapat ng ari ko sa ari niya at lalo akong nag-init. Amoy ko ang amoy toothpaste niyang hininga. Mapula ang kaniyang mga labi na sobrang lapit lang niya sa aking labi. Nakatitig siya sa akin. Tumitig din ako sa kaniya. Seryoso ang mukha. Bigla akong nawala sa aking katinuan. Napapikit ako. Umasa akong mauuwi sa halikan ang lahat.
“Sabi ko na nga ba alanganin ka dre. Hindi ako nagkamali sa amoy ko sa iyo. Bakla ka ano?”
Para akong nahimasmasan. Hindi ako makapagsalita. Para akong napahiya sa narinig ko. Mabilis siyang nagdamit. Hindi niya ako tinitignan. Pakiramdam ko ay nangyari sa akin ang ginawa ko kay Aris noon. Parang sa akin ginawa ang ginawa ko sa kaniya. Kung gaano siya kabilis na nagbihis ay ganoon din siya kabilis lumabas. Ako naman ay napaupo dahil sa pagkapahiya lalo na ay mga seminarista kami. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kapag ikalat niya ang nangyaring iyon sa amin? Paano pa ang pagpapari ko kung malalaman ang pagiging bakla ko ng mga nasa taas? Hindi ko alam kung lalabas ako sa kuwarto dahil parang bigla akong bumalik sa aking katinuan.
Nakita ko siya sa labas. Parang wala siyang nakikita. Hindi din siya nakikipag-usap sa iba. Tahimik lang siyang nakatingin na parang pinag-aaralan niya ang lahat ng kilos ng mga naroon. Ako naman ay panakaw ko siyang sinusulyapan. Iniingatan kong magkasalubong ang aming paningin dahil siguradong malulusaw ako sa hiya. Magkaklase lang kami. Maghapon ko siyang iniwasan. Maghapon ding pinigilan ko ang sarili kong tignan siya. May mga panakaw akong sulyap nga lamang na nakakalusot.
Kinagabihan no’n ay naabutan ko siya sa kuwartong nagbabasa ng bibliya. Humiga na din ako at pinilit makatulog. Nakakabinging katahimikan ang namamayani sa aming kuwarto. Tanging mga paghinga lang namin at langitngit sa kama ang bumabasag sa katahimikang iyon. Nang  napatay na ang ilaw at tahimik na ang buong paligid ay pansin kong hindi siya mapakali sa kaniyang higaan. Hindi ko siya matanong kung bakit dahil nakakaramdam padin ako ng pagkapahiya sa nangyari. Hindi ko alam kung kailangan kong humingi ba ng tawad sa nasaksihan niya o kaya ay basta na lang makipag-usap sa kaniya na hindi na ungkatin pa ang nangyari kaninang umaga. Ngunit ano naman ang pag-uusapan namin? Hindi ko naman kilala ang taong ito. Hindi ko alam ang kaniyang mga hilig maliban dun sa hawig niya si Aris ay wala na akong alam pa.
Para makatulog ay hinayaan ko na lang na mapagod ang utak ko sa pag-iisip sa mga nakaraan naming ni Aris. Ang kaniyang mga yakap, ang kaniyang halik at ang paanas niyang pagsabi ng “I love you” sa aking tainga na nagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyon.
Nag-aagaw tulog na ako at ang nasa isip ko ay ang madaling araw na pagpunta ni Aris sa kuwarto ko at yayakapin niya ako at sasabihing tulog ka na uli baby..namimiss lang kita…ngunit iba, iba ang naririnig ko. Naramdaman kong parang may umupo sa gilid ng kama ko.
”Sorry… Sorry Rhon.” Paanas ang pagkasabi no’n.
Napabalikwas ako sa pagkabigla dahil akala ko ay si Aris iyon kaya pati si Alden din na tanging boxer short ang suot ay nagulat sa ginawa kong pagbalikwas at ang pagsigaw ng taong nagulat. Hindi naman kalakasan ang sigaw ko.
“Bakit? Nagulat ka? Sorry sa sinabi ko kaninang umaga.”
Hinintay ko munang mahimasmasan ako. Tumingin ako sa kaniya. Ngumiti. Inabot ko ang kamay ko para makipag-shake hand lang.
“Wala yun. Kalimutan mo na iyon. Mabuti naman at maaga palang alam mo nang ganu’n ako para hindi ka na kampanteng nakabrief lang. Ngayong alam mo na, siguro naman, takpan mo na lahat ng di na kita masisilipan.” biro ko.
Ngunit nagulat ako sa ginawa niya. Ibinaba niya ang boxer short niya at ibinato iyon sa kama niya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko kailangan kumilos dahil baka sinadya na naman iyon para i-test ako kung hindi ko siya pagnanasaan. Humiga ako at nilagay ang unan sa aking mukha.
Naramdaman ko ang kaniyang palad sa aking dibdib. Ipinasok niya ang kaniyang mainit na palad sa aking dibdib at marahan niyang nilaro-laro ang aking maliliit na utong. Napalunok ako ngunit hindi parin ako kumikilos. Hindi ko siya sinuway at hindi rin ako nagpakita ng kahit anong sign na gusto ko ang ginagawa niya sa akin. Pilit kong pinapasok sa isip ko na sinusubukan lang niya ako. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang mainit niyang dila sa isa ko pang dibdib. Doon ko na hindi makayanan ang kakaibang sensasyon lalo pa’t ang kamay niyang isa ay unti-unting bumababa sa aking tiyan hanggang pilit na niyang isinuksuk sa aking brief. At sa isang iglap ay hawak na niya ang galit kong kargada. Hinimas himas niya iyon at doon ay alam kong totoong-totoo na ang lahat kaya tinanggal ko ang unan sa aking mukha at lumakbay ang bibig niya mula sa dibdib…leeg at saka ko sinalubong ang kaniyang labi sa labi ko. Marahas ang aming halikan na parang sabik ngunit may sensasyon… mapusok ngunit may ritmo. Hanggang ang mainit na hubad niyang katawan ay nagkaisa sa hubad ko na ding katawan. Galing sa galing… Init sa init… indayog sa indayog hanggang kapwa naming narating ang langit na sa tulad naming nagpapari ay  hindi dapat abutin. Ninamnam namin ang kakaibang langit na kung malaman ng karaniwang tao ay isang kasalanan na hindi dapat ginagawa ng tulad namin. Isang hindi tamang sinimulang gawain na alam kong bawal ngunit sobrang masarap. Ngunit nang mga sandaling ginagawa namin ang lahat ay hindi si Alden ang nasa isip ko…hindi siya ang laman ng imahinasyon ko…si Aris. Ginamit ko ang katawan niya para pisikal ko lang na mayakap at makasiping si Aris sa aking utak.
“Mali yata ‘to.” Mahinahon ang pagkakasabi ko no’n.
Napabuntong-hininga siya. “Bakit ka nga pala pumasok sa pagpapari?” tanong niya.
“Pangarap ng pamilya ko ito para sa akin? Noong bata ako, sinasabi na nilang magiging pari ako. Inihanda nila ako sa murang edad ko pa lamang kaya siguro dahil kinalakhan kong naririnig sa kanila iyon kaya iyon na din ang ginusto ko. Isa pa, may gusto akong kalimutan? At siguro kasi gusto kong maiwasan ang ginagawa ng isang alanganin.”
“Pano ngayon ‘yan. May nagyari na agad, pagpasok na pagpasok mo pa lang dito. Paano mo pa maiiwasan ang nangyari sa labas na gusto mo sanang baguhin dito sa loob.”
 “Ikaw, bakit ka pumasok sa seminary?” tanong ko sa kanya. Ayaw ko kasing sagutin ang sinabi niya tungkol sa katatapos lang na mangyari. Nagiguilty ako.
“Wala lang.” matipid niyang sagot. “Wala ka bang signs na nakita o naramdaman na ito talaga ay calling para sa iyo?” balik tanong niya para maiba din ang pag-uusapan at hindi ang tungkol sa tanong ko sa kaniya.
“Signs? Wala e. Kailangan ba talaga may sign sa taas para malamang ito talaga ang para sa iyong bokasyon?”
“Not necessarily. Sabi ng iba. Dapat daw bukal sa kalooban at isip ang pagpapari. Hindi daw dahil sa gusto mo lang o kaya dahil may tinatakasan. Dapat daw mahal mo at ang pagsilbi sa Diyos ang laman ng puso mo. Ikaw ba iyon ang motivations mo kaya gusto mong magpari?”
Niyakap ko siya. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kaniya. Pumikit na lang ako. Sinubsub ko ang mukha ko sa dibdib niya at masuyo niyang sinuklay-suklay ang buhok ko.
“Do you mind kung tatanungin kita about sa ‘tin?”
“Anong tayo?” tumingin ako sa kaniya. Bumitaw ako sa pagkakayakap.
“Itong ginagawa natin?”
“Ewan ko? Bahala na. Di ako handa for any commitment. Saka nag-aaral tayo para maging pari.  Sa tingin ko, let’s just enjoy what we have now, no label, no expectations.”
Napabuntong hininga siya. “Sige, balik na ako sa kama ko. Thanks.”
“Welcome.” Maikli kong sagot. Iniisip ko, sa’n siya nagpapasalamat? Sa pagpapatawad ko o sa sex?

Doon na nagsimula ang patagong pagtitinginan namin. Wala akong masabi kay Alden, napakabait niya, maalahanin, handang makinig at umunawa at naramdaman kong may pagtatangi siyang nararamdaman para sa akin. Sa mga panahong iyon, hindi ko alintana na nagkakasala ako. Siguro pumasok sa isip ko pero hindi ko binigyan ng kahit katiting na pansin. Ang mahalaga noon ay nakakatulong si Alden sa unti-unting kong paglimot.
Ngunit sa tulad naming seminarista, kailangan naming mag-ingat. Kailangang hindi namin iparamdam sa lahat na may espesyal na namamagitan sa amin. Hindi kami dapat sabay lumabas ng kuwarto. Iba ang grupo ng kaibigan niya sa kaibigan ko. Hindi kami magkakampi sa mga laro, hindi din halos kami magkatabi ng upuan sa classroom at bihirang-bihira lang kaming mag-usap at magbiruan sa labas. Ngunit sa loob ng aming kuwarto ay halos madaling araw na kami matulog. Sobrang namimiss namin ang isa’t isa sa maghapon. Sa buong araw ay hanggang tanaw ko lang siya. Hanggang tinginan lang kaming dalawa ngunit may mga tanghaling kapag tapos na ang aming tanghalian ay halos hindi namin kayanin ang pagkamiss sa isa’t isa. Kapag kumindat ang isa sa amin sabay punas ng nguso ay may ibig sabihin na iyon.  Kailangang sumunod sa kuwarto ang kinindatan at doon ay buong pagmamahalang magyayakapan kami at maghahalikan. Kapag ang isa naman ay nagseselos at may gustong itanong o may ayaw na ginawa ng isa, sesenyas lang ito ng kindat sabay kamot sa ulo. Isa ang susunod at papasok sa kuwarto. Doon kami maghihiyawan. Doon magpapaliwanagan ngunit nauuwi din sa mainit na halikan.
Ngunit alam kong may mali. Dahil hindi siya yung mismong mahal ko. Parang nakikita ko si Aris sa kaniya. Para sa akin, hindi siya si Alden kundi siya si Aris. Mali na kung mali ngunit ako man sa sarili ko ay sobrang naguguluhan. Siguro hindi ko binigyan ng sapat na panahon ang sarili kong pag-isipan ang lahat. Unti-unti akong nilalamon ng mga multong ginawa ko. Hindi ito ang pinangarap ko nang nagdesisyon ako at pumasok sa pagpapari. Sinubo ako ng buum-buo ng makamundong kasalanan.
 Kadalasan, kung ano ang laman ng iyong puso, siya ang lagi mong bukambibig. Siya ang laging gusto mong pag-usapan o laging naisisingit sa mga kuwentuhan. At alam kong mali ako doon lalo pa’t gusto ko sanang lumimot na ngunit anong meron ang diyaskeng puso at isip na ito na di basta-basta natuturuang lumimot at tanggapin kung ano ang ngayon. Hindi ko alam na sinasaktan ko na nang madalas ang taong gustong pumasok sa buhay ko. Ang taong gustong maging bahagi nito.
“Alam mo yung ginagawa mong paghalik sa akin at paggising sa madaling araw habang yakap mo ako at paanas mo akong patutulugin? Ginagawa din ni Aris iyon sa akin?”
“Alam mo yung suot mo ngayon na kulay na damit at iyong porma mo, katulad ng katulad ni Aris.”
“Gusto ko yung ngiti mo sa picture na ito…parang hawig na hawig ka kay Aris…”
“Ganda talaga ng katawan ah…parang kay Aris…”
Ganoon lagi ang mga nasasabi ko sa kaniya. Mula nang may nangyayari sa amin, hindi lilipas ang isang raw na hindi ko naisisingit ang pangalan ng lalaking minahal ko sa nakaraan. Nakikinig naman siya at interesado noong una hanggang pagkaraan ng ilang buwan ay nakikinig na lang siya at napapangiti…pagkaraan ng ilang buwan pa ay hindi na nakikinig na parang umiiwas na siya. At isang umaga, nang nagsusuklay siya ay may nasabi ako…
“Uyy! Ang gara naman ng ayos ng buhok at porma…katulad na katulad talaga…”
“NI ARIS!” sigaw niya sa mukha ko. Iyon talaga dapat ang sasabihin ko ngunit inunahan na niya ako sa pagbanggit sa pangalan iyon.
At nakita ko ang nagpupuyos niyang galit. Sumambulat sa akin ang kinikimkim niyang sakit ng loob at lumaki ng lumaki ang hindi pagkakaintindihan. Nasaktan ako sa mga sumunod na mga nangyari ngunit alam kong lahat ng mga sumunod na kalbaryo ko sa buhay ay walang ibang sisihin kundi ang mali kong mga desisyon. Nagiging domino effect na lahat ay magkakasunuod-sunod na bumulusok sa kawalan.

No comments:

Post a Comment