By: Rogue
Mercado
Blog:
roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com
[Prologue]
"Ang
ganda naman niyang tinutugtog mo." sabat niya sa lalaking nakasuot ng puti
habang tumutugtog ito ng piano.
Umanagat ang
ulo ng lalaking kanyang tinutukoy. And the guy flashed his killer smile. Yung
tipong lahat ng babae o pusong babae na makakakita noon eh panghihinaan ng
tuhod at kakabog ang dibdib. Sa tantiya niya ay nasa gulang 25 ito. Ang
kabataan at kakisigan nito ay hindi maitatago sa kung anong kundisyon meron ang
lalaking kaharap niya.
After that
smile was a sudden shift of mood. Hindi na ulit ito nagsalita ngunit mababakas
mo sa mga mata nito ang kalungkutang pumuno sa malamlam nitong mata. Humakbang
siya papalapit dito para mas mapagmasdan pa ang mukha nito. Nakatitig lang ito
sa kanya. When he first me the guy eh talagang natakot siya. There is something
on the way he looks, the way he stared to be exact. Para siyang may hinahanap
sa katauhan ko na matagal na niyang pinananabikan. But now, everytime he does
that is something ordinary. Sa di niya malamang dahilan ay gusto niyang
magpaubaya. Ito ay sapagkat sa bawat araw na magkakasama sila ay napagdudugtong
niya ang kwentong kahit sino ay hindi maniniwala.
Nagsimula
ito sa simpleng pagbanggit niya ng Eyeliner. Hanggang sa tinawag siyang
"Moks". Hanggang sa iisang salita ay unti-unti nagkakaroon ng
kahulugan, sa bawat salitang nabubuong pangungusap at sa bawat pangungusap na
bumubuo ng isang kwento. At ayaw niya mang magkaroon ng interes ay nakita na
lang niya ang sarili niya na matamang nakikinig sa bawat sasabihin ng
misteryosong lalaki. Sa bawat putol-putol at palasak na mga pangungusap nito.
At ayaw niya mang aminin ngunit gusto niyang makinig. Dahil naniniwala siya sa
kuwento nito. Naniniwala siya sa kuwento ng isang.... baliw.
"Kanina
ka pa pala diyan Moks, kantahin natin yung paborito nating kanta" bungad
nito sa kanya ng matapos ang animo'y isang oras na titigan.
"Oo,
ang ganda nga eh"sakay ko sa sinasabi niya. Araw-araw ay lihim niyang
pinapagalitan ang sarili na kung bakit ay kailangan niyang sumagot sa walang
kabuluhang mga tanong nito.
"Pero
alam mo Moks, swerte ako sa iyo" saad nitong nakangiti habang tinitipa
ulit ang piano.
"Bakit
naman?" natatawang sagot niya dito.
"Kasi
naka eyeglasses ka." sagot uli nitong nakangiti.
Yes he was
right naka-eyeglasses siya pero ilang beses na siya nitong nakitang naka-eye
glasses at ilang beses na rin nitong sinasabi sa kanya na swerte ito dahil
nakasuot siya ng eyeglasses.
"Baliw
ka tlga Balik-Pagibig" ngiting tugon niya. Hindi niya alam kung literal ba
dapat ang ibig sabihin nun.
"Sabi
ng Moks eh!' bigla nitong maktol ng marinig ang pangalang 'Balik-Pagibig' na
siyang palayaw niya dito. The guy is so divine when he does that. Para itong
nagseselos na gustong makatanggap ng yakap. But he controlled himself to do
that.
'Ok... Ok
fine" pagsang ayon niya dito
"Yan!
Good, Baliw ka kasi. Lagi mo kong tinatawag ng Balik-Pagibig"
ngi-ngiti-ngiting ulit ito.
At siya pa
ngayon ang baliw? sigaw ng utak niya. Pero hindi naman niya iyon ikinagalit sa
halip ay natutuwa siya na naaasar niya ito kahit sa ganoong kalagayan.
"Bakit
ayaw mo ba kasi ng Balik-Pagibig?" tanong niya dito na tila naubusan ng
sasabihin. Para kasing gusto niya pa itong asarin lalo.
"Bakit
naniniwala ka pa ba sa Pagibig?" balik tanong nito.
Hindi yata
siya nagtagumpay. Sa bawat pagkakataon ay laging nagbibigay ng kakaibang
pakiramdam ang mga tanong nito. Na para bang ang bawat salita at paghinga nito
ay may kaakibat na lungkot at hinagpis.
"Oo
naman bakit hindi?" sa wakas ay nakaipon na rin siya ng lakas ng loob para
dayain ang kanyang ngiti nang dahil sa kakaibang kabog ng kanyang dibdib.
"Sinungaling"
salungat nito sa kanya at matapos sabihin ito ay itinuloy ang pagtipa ng piano.
Hindi siya
nakasagot. Gusto man niyang ipagpilitan ang kanyang sagot ay wala rin naman
itong saysay.
"Hindi
ka naniniwala sa pagibig kundi umaasa ka dito..." binigyan siya nito ng
hungkag na ngiti at pagkatapos ay dahan dahang pinatugtog ang isang musika.
"...Umaasa
ka na sana mangyari sa iyo ito. Tulad ng hangin na hindi mo man nakikita ngunit
alam mong binubuhay ka sa iyong bawat paghinga. Umaasa kang sana.... Sana may
totoong Pag-ibig ....yung kahit minsan gusto mong maranasan na tumitibok ang
puso mo hindi dahil sa bawat paghinga kundi dahil may iisang taong bumubuhay
dito" pagpapatuloy niya na nagsisimula ng lumuha.
"...Alam
mo Moks ikaw na sana yun eh.... kasi walang silbi yung huminga at mabuhay para
sa sarili kung sa bawat pintig ng puso ko sinisigaw nito ang pangalan mo.. Ang
sakit... sobra." nangingig na ang boses nito na sa wari niya ay tumulay
papunta sa mga kamay nito ngunit tila may isang pwersang nagtutlak dito na
ipagpatuloy ang nasimulang musika.
Nanatili
siyang nakatulala sa kanyang kinatatayuan at nakuntento na lamang siya sa
tanawing nakikita itong umiiyak habang tinutugtog ang musika sa piano. Kung
tutuusin ay dapat hindi siya nagpapa-apekto, trabaho niya ang obserbahan ang
kung anomang senyales na bumubuti na ang kalagayan nito. He is getting a
positive result from the patient pero kabaliktaran naman ata sa nararamdaman
niya ang bawat salita na parang palaso na tumatagos sa kanyang puso. Parang may
kung ano sa kanyang konsensiya na na nagpupwersang maawa at magalit sa sarili.
Paulit-ulit
ang mga sinambit nito sa kanyang utak. Lalo na ang mga huling salita nito.
"kasi walang silbi yung huminga at mabuhay para sa sarili kung sa bawat
pintig ng puso ko sinisigaw nito ang pangalan mo.. " Gusto ng rumagasa ng
kanyang mga luha sa bawat pagkakataon na naririnig niya itong magsalita ng mga
bagay-bagay.... mga bagay-bagay tungkol sa pagibig. Ito rin marahil ang dahilan
kung bakit tinagurian itong "Balik-Pagibig". Laging namumutawi dito
ang mga katagang patungkol sa pagsisisi, mga kuwento ng pagkabigo at mga
salaysay ng kaganapang siya ring dahilan kung bakit tinakasanan ito ng sariling
katinuan.
"Umiiyak
ka ba?" basag nito sa kanyang pagkatulala.
"Ano
iyon Moks?" balik tanong niya dito na siya niyang ikinabigla. Ngayon niya
lang kasi tinawag na Moks ito kahit na anong pilit nito sa kanya na huwag niya
dapat tawagin itong Balik-Pagibig.
"Moks
alam mong ayokong umiiyak ka." seryosong nakatingin ito sa kanya. Hindi
niya alam kung matatawa siya sa sarili kung bakit sinasakyan niya ang isang
baliw. Kung bakit kailangan niya makiiyak sa hinagpis na nararamdaman nito.
Ngunit ang kanyang mga katanungan ay hindi sapat para tumigil siya sa
responsibilidad na pangalagaan ito, kahit na ang ibig sabihin nito ay kailangan
niya pang sakyan kung ano ang lumalabas na mga salita rito.
Dahan-dahan
naman itong tumayo at humakbang papalapit sa kanyang kinatatayuan. Ang bawat
paghakbang nito papalapit sa kanya ay parang kaakibat ng pagtaas baba ng
kanyang dibdib para huminga ng malalim. Nang makarating ito sa kanya ay
unti-unting lumapit ang katawan nito sa kanyang katawan. Ang lungkot na kanyang
nararamdaman ay biglang napalitan ng matinding kaba na nag-aabang ng mga
susunod na mangyayari sa bawat pagtakbo ng segundo.
Nabigla siya
ng bigyan siya nito ng isang yakap. Yakap na sobrang init at madiin. Ang
p[anandaliang pananahimik nito ay nawala ng tinangka nitong magsalitang muli.
"Kakantahan
na lang kita..." tila inosenteng wika nito habang yakap yakap siya.
Napilitan na rin siyang tugunin ang yakap nito. Nararamdaman niya ang init ng
mga braso nito sa kanyang katawan.
At nagsimula
na nga itong kumanta. Isa ito sa mga unang pagkakataon na maririnig niya itong
umawit.
"I've
been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my
bed,
I've been
lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on "
bungad nito habang kasalukuyan pa rin siyang niyayakap.
Sa di
malamang dahilan ay namalayan niya ang sariling sumasabay sa himig ng awitin at
matapos nitong kantahin ang unang parte ng kanta ay nagawa niyang ituloy ang
mga susunod na liriko.
"I've
been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again
someday,
I've been
setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"
tugon niya rito at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigil.
Sobrang sakit ng nararamdaman niya. At hindi niya alam kung bakit nagagawa
niyang umiyak dahil lang sa iisang kanta at sa iisang taong hindi naman talaga
sinasadyang sabihin ang mga iyon.
Nais pa sana
nitong magpatuloy ng bigla niya siyang kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya at
mataman niya itong tinitigan. Sa wari niya ay nabigla rin tio sa kanyang ginawa
ngunit mas maganda ng bumalik siya sa kanyang sariling bait bago pa man siya
masadlak sa kung anong hiwaga mayroon ang kantang iyon.
"Moks?
Bakit? May nagawa ba akong masama?" tanong nito sa kanya.
"Hindi
ako si Moks, ako si Nurse mo diba? Yung nag-aalaga sa iyo." kinuha na niya
ang bitbit niyang medical papaer para isulat ang mga naobserbahan niyang
ikinilos nito.
"Paano
mo aalagaan ang isang taong matagal ng sumuko sa buhay niya Moks?" naupo
ulit ito sa harao ng piano at tinugtog ang kaninang inaawit nito.
Nabigla siya
sa tanong nito na para bang normal na taong kinukwestiyon ang kanyang trabaho.
Kaya mas pinili niyang sagutin na lang ang huling sinambit nito.
"Hindi
ako Si Moks.. Ako si Nurse Rico"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.
[01]
"Ang
ganda naman niyang tinutugtog mo."
Umanagat ang
ulo ng lalaking kanyang tinutukoy. And the guy flashed his killer smile. Yung tipong
lahat ng babae o pusong babae na makakakita noon eh panghihinaan ng tuhod at
kakabog ang dibdib.
"Moks
kanina ka pa ba diyan?" tanong nito
"Hindi
naman Moks" tugon niya dito.
"Halika
kantahin natin ng sabay?" mungkahi ng lalaki sa kanya.
"Haha.
Kahit kailan... Red Antonio.. hindi ka talaga nagsasawa sa kantang iyan"
pang-aalaska niya sa matalik na kaibigan.
"Adrian
Dela Riva slash... Moks... Kahit kailan hindi ako magsasawa sa kanta na to.
Alam mo yan" pagsalungat naman ni Red sa kanya
"I Know
Right? Eh yan na yata ang Lupang Hinirang ng buhay mo eh? Sabi mo sa akin Theme
Song natin yan tapos nalaman ko na lang yan rin pala theme song niyong dalawa
ng girlfriend mo" kunwari ay nagtatampo siya dito pero alam naman niyang
paboritong talagang awitin ni Red ang kantang iyon. Samakatuwid eh ito pa nga
ang nag mungkahi na iyon na ang official theme song nilang magbest friend.
Tulad niya ay musically inclined rin itong si Red. Nakahiligan na nilang
kumanta dahil simula bata pa sila, itong si Red ay sumasali sa amateur singing
contests sa barangay nila samantalang siya eh member ng choir. Divine Diva lang
ang peg. Char.
But
seriously, musika talaga ang nagbond sa kanilang dalawa bukod sa pagiging
magkapit bahay nila at hindi maitatangging close ang pamilya nila. Kaya nga ito
rin mismo ang pinaka unang taong nakatanggap ng sekswalidad niya. Si Red, ang
kanyang bestfriend ang siyang pinaka unang taong sinandalan niya when he
decided to come out of the closet. High school siya noon and that was a critical
phase of his life dahil saka niya naamin ang katotohanan sa sarili niya kung
kailan pa alam ng lahat na straight siya. Pero hindi niya pinagsisisihan iyon
at laking pasasalamat niya na nandyan ang matalik na kaibigan niya para damayan
siya... sa hirap o ginhawa.
"Nagseselos
ka Moks?" biglang pagbasag nito sa kanyang pagbabalik tanaw. Itinigil nito
ang pagtugtog ng piano at bumaling sa kanya. At ang loko ngising demonyo lang
talaga.
Bigla naman
siyang namula ng todo sa sinabi nito. Paano naman kasi eh simula ng inamin
niyang hindi siya straight ito talaga mismo ang nang issue na baka nagka gusto
na siya rito. Dun siya nahihiwagaan kay Red. Inaasahan niya kasi na bigla na
lang tong iiwas o kaya pandidirihan siya pero ito mismo ang nagsabi na tanggap
siya nito kahit sino pa man siya at siya lang ang Moks niya. Pwede siyang
kiligin. Pero alam niyang hindi pwede dahil una sa lahat straight ito at walang
posibilidad na magkagusto ito sa tulad niya. Sadya lang talagang alaskador tong
best friend niya.
"Alam
mo Mr. Red Antonio.. Ngayon ko lang napatunayan na ang kapal talaga ng
pagmumukha mo" pagtataray niya dito sabay irap ng mata niya. Sa totoo lang
yung tawagan nila ng Moks, eh galing sa expression niya na makapal ang mukha.
Ok din naman
si Red if you have to exclude his gender preference. Sa edad 17 eh di
maikakailang matipuno na ang pangangatawan nito. Kayumanngi ang balat nito at
ang katamtaman ang iksi ng buhok, lalaking lalaki kumbaga.
"Nagseselos
ka eh..." pilit pa rin na Red na ngayon ay nagsisimula ng humakbang papalapit sa kanya.
"Hindi
ah!" pinagsalikop niya ang kanyang dalawang braso para lang ipakita na
hindi siya interesado sa pangaalaska nito.
"Moks
alam ko... Nagseselos ka eh" wika nito na kanina pa pala nakalapit na rin
ito sa kanya.
At sa puntong
ito eh nakatitig sa kanya ng mariin si Red. This is what he hates the most,
yung tititigan siya nito na parang wala ng bukas! Sa lahat ng taong nakilala
niya si Red lang kasi yung alam niyang may matang ganun yung tipong pag masaya
ito o malungkot sobrang expression ang makikita mo sa mata nito. Kaya sinisikap
niyang iwasan ang mga titig nito just to avoid sending him a message. Ayaw niya
namang isipin na totoo nga ang hinala nito na nagkakagusto siya dito.
"Assuming
much lang? Sabi ng hindi eh" tinalikuran niya to para hindi niya
salubungin ang mata nito.
"Eh
bakit hindi ka makatingin sa kin ng diretso?" nanunukso pa rin ang boses
nito.
Hindi na
siya nagsalita dahil totoo naman eh. Sa hindi maipaliwanag na dahilan eh ayaw
niyang tumingin dito ng diretso kapag nanunukso ito ng ganun. Pumunta ito sa
harapan niya at nangiinis na naman na tinititigan siya.
"Sabi
ko na nga ba nagseselos ka eh... Sige ibahin na lang natin ang theme song natin..
Ahm Bawal na Gamot na lang kaya" sinabayan nito ng nakakalokong tawa ang
nakakatwang suhestiyon nito.
Hindi niya
napigilang tumawa na rin sa pinagsasasabi nito. Bestfriend niya nga talaga si
Red. He never fails to make him laugh kaya nga ganun na lang ang pagpapahalaga
niya sa kaibigan.
"Oh eh
bakit naman Bawal na Gamot?" tuloy pa rin ang pagtataray niya kahit natawa
na siya sa sinabi nito
"Kasi
ako iyong Bawal at ikaw ang Gamot ko Hahaha.... O tingnan mo kahit sa kanta
perfect match tayo... tayo na lang kaya?"
Biglang
lumakas ang kabog ng dibdib niya ng marinig ang mga huling sinabi nito. Hindi
niya naiwasang pamulahan ng mukha sa sinabi nito. Sa tagal ng panahon na lagi
siyang inaalaska nito ng ganun eh noon lang nito sinabi ang mga katagang iyon.
Kumbaga sa musika para siyang na LSS sa sinabi nito "tayo na lang
kaya?"...tayo na lang kaya?"...
"Whatever
that is so illogical.. Ano naman kaya yun? Bawal tapos Gamot.. Anong konek?
Nakatira ka yata ng Marijuana." singhal niya dito kahit sa totoo eh kilig
na kilig yata siya sa pinagsasasabi nito. Ito ang kauna-uanahang pagkakataon na
lumakas ang pagkabog ng dibdib niya sa pangaalaska nito.
"Ah
illogical pala ah.. Eh bakit ka namumula? Saka bakit hindi ka makatingin sa kin
ng diretso Moks?" hinahawakan na nito angmukha niya at pilit na na
pinupwersa na ilihis patungo sa mga mata niya
"Aray!
Red Antonio Ano ba! hindi ka na nakakatawa!" nagsisimula na siyang mairita
sa pang aalaska nito.
Pero hindi
natinag si Red at talagang pinihit ang ulo niya.
"Ayan nakatingin
na siya sa akin tapos nagba blush pa" tawang demonyo ni Red habang
tinititigan siya.
"Moks
naman kasi eh!!!" para siyang kawawang sisiw na nagmamaka-awang palayain
ng lawin. Syempre kung pisikalan ang usapan, talo talaga siya dito.
"Wag mo
ng pilitin kumawala... Ayaw mo talaga akong tingnan Moks? Sayang o ganda ng
view" sabay kindat sa kanya ni Red na talagang nagpapa torete na sa
pagkabog ng dibdib niya.
"Ayaw
nga Moks eh... Please ayoko ngang tingnan ka.. Nasisira kinabukasan
ko" nagmamaka-awang nagtataray lang
siya ng mga oras na iyon.
"Ah
ganun pala ah sige mas lalo kung sisirain kinabukasan mo!" giit nito sabay
hapit sa kanya sa baywang at yakap sa kanya.
Nagulantang
siya at hindi niya napigilang manlaki ang mata. Sa tinagal tagal ng pagiging
magkaibigan nila eh ngayon lang siya nakalapit ng ganito sa katawan ni Red. And
he can feel his warmth.
"O
ayan.. ayaw mo pa kong tingnan?" seryosong bulong ni Red na ngayon ay
titig na titig sa kanya. Sa di maipaliwanag na dahilan eh alam niyang parang
kinakapos na rin Si Red sa paghinga. Nararamdaman niya ang init ng hininga
nito.
"Ayaw!!!'
sumigaw siya para madistract ito.
"Eh
yung bawal na gamot ayaw mo yun?" si Red
"Ayaw!"
simangot niya dito
"Eh ako
Moks?... ayaw mo na sakin?" tila naglalambing lang ito sa kanya na para
bang magkarelasyon sila. Kung hindi lang proven na straight itong si Red eh
matagal na niya itong pinaghinalaan. Lalo na ngayon na kakaiba ang
pinag-gagagawa nito.
Nagdalawang
isip na tuloy siya kung anong sasabihin niya.
"Moks
naman eh... Naiinis na ko!!!" sigaw niya ulit dito. Talagang para lang
silang tanga sa ayos nila. Ang braso nito ay nakayapos sa kanya kaya at isa
naman ay nakahawak naman sa likod ng ulo niya.
"Ok...
Relax.. To naman para naglalambing lang eh. Ang sungit pero ang sarap"
tatawa-tawang sabi nito sa kanya sabay bitiw sa katawan niya
"Anong
sarap pinagsasasabi mo?" baling niya dito
"Ang
sarap asarin? bakit anong sarap ba iniisip mo Moks?" balik tanong nito sa
kanya.
Napatingin
siya dito at hindi siya nagkamali. Ngiting demonyo na naman ang loko.
"Ewan
ko sa iyo aalis na ko... Una na ako sa school." tinalikuran niya ito at
akmang kukunin na niya ang bag nang pigilan siya nito.
"Oh
sandali....sandali.. Relax.. Sus... Hindi ka na malambing Moks ah.. tatanda ka
ng mabilis niyan sige ka" pagpigil ni Red sa kanya ng tangkang hahablutin
na niya ang bag sa ibabaw ng piano.
Talagang
hindi kumpleto ang araw ni Red pag hindi niya naaalaska si Adrian. Kahit ganun
ito ay kumportableng kunportable siya sa rito at sa sekswalidad nito. Noong mga
panahong inamin nito sa kanya ang tunay na pagkatao nito ay hindi niya
maitatangging nabigla siya, akala niya kasi eh ang pagkalampa at pagkalamya ni
Adrian eh pansamantala lamang. Hindi niya akalain na pusong babae talaga ito.
Hindi niya rin maikakaila na isang bahagi ni isip niya ay gusto ng mailang dito
ngunit nananaig pa rin ang pagiging matimbang nito sa puso niya. Hindi na yata
siya makakahanap ng sobrang bait as in sobrang bait na kaibigan tulad ni
Adrian.
Noong niligawan
niya ang girlfriend niya eh si Adrian ang ginawa niyang mastermind ng lahat ng
plano sa panliligaw. Kung tutuusin mas lalaki pa ito sa kanya pag dating sa mga
bagay na ganun. Ito ang nagturo sa kanya ng maaari niyang gawin para mahulog sa
kanya si Sabrina, ang girlfriend niya ngayon at syempre si Adrian din ang
dahilan bakit napasagot niya ito. May mga pagkakataon pa na hinarana niya sa
isang restaurant ang girlfriend niya at si Adrian ang pinag gitara niya. Pareho
kasi silang mahilig tumugtog ng kung ano-anong musical instruments at higit sa
lahat mahilig silang kumanta. Naaalala niya rin yung isang punto na pinag suot
niya ito ng Santa Claus costume noong nakaraang pasko at alam niya ang dinanas
nitong hirap para magsuot ng patong patong na damit at sumayaw sayaw sa harap
ni girlfriend niya. Kaya pinagpapasalamat niya na sa dinami dami ng tao sa
mundo si Adrian yung ibinigay ng Diyos sa kanya na maging matalik na kaibigan.
Pinagmasdan
niya ng maigi ang matalik na kaibigan habang umuupo ito sa sa harap ng piano.
Sa totoo lang, hindi naman magpapahuli ang kaibigan niya kung hitsura din lang
ang paguusapan, yun nga lang napaka -conservative ng hitsura nito. Yug
buhok,nahati sa gilid at kung hindi niya alam na wax ang ginagamit ni Adrian eh
baka napagkamalan niyang pomada ang gamit nito. Suot suot nito yung oversize
sigurong eyeglasses gawa ng may sira ito sa mata. Ilang beses na niyang
kinumbinsi na mag contact lense na lang ngunit tumanggit ito. Mas komportable
daw ito sa eyeglasses niya. Tinatawag niya nga itong "Ninoy" minsan
dahil sa magkaparehong magkapareho ang sukat at hugis ng salamin nito sa
yumaong senador.
Sa tuwing
magkakasama sila nito, pinaka paboritong bonding nila ang kumanta habang
tumutugtog ng piano o kaya naman pag lalabas sila at yayayain niya ito eh mag
vi-videoke sila. Masaya siya pag kasama niya ang matalik niyang kaibigan at
hindi siya mapakali kapag hindi niya makita kahit anino man lang nito.
"O ano
na?" agaw atensyon nito sa pagmumuni-muni niya
"Anong
ano na?" balik tanong niya kay Adrian.
"First
day natin sa college? Ayaw ko naman malate tayo Moks no.. Tara na!"
pangungulit nito sa kanya.
"Moks
naman, may 10 mins pa tayo isang tricycle lang naman yun. Excited ka lang? o
Excited kang makita siya?" may halong konting pagdaramdam ang tanong niya
dito.
Sa totoo
lang ewan ba niya kung bakit nagagawa niya ang mga bagay bagay na ganun pag
nandiyan na ang best friend niya. Minsan nga nagdududa na rin si Sabrina sa
attachment niya kay Adrian at pinagselosan ito. Hindi pa naman umabot sa punto
na nag away sila ng gf niya pero ang alam niya ay masaya siya pag naaasar niya
ito. Pano hindi niya matiis, ang cute
kasing tingnan lalo na pag umuusok na ang ilong nito sa galit.
Nabigla
naman si Adrian sa tanong ni Red ngunit pinili niyang ipagkibit balikat ang
nais tumbukin ng tanong nito kaya pinagpasyahan niyang ipagpilitan na umalis
sila.
"Ang
gusto ko lang naman Moks eh seryosohin natin ang college kasi ibang iba siya sa
high school diba?"paglilihis niya rito.
"Ok
fine, Mr Dela riva este Moks ko... Ikaw na ang boss punta na tayo pero..."
pambibitin nito sa kanya.
"Pero???"
taas kilay na tugon niya dito
"Syempre
Bonding muna!" sagot ni Red habang pinatugtog ng daliri ang piano.
Napapangiti
siya tuwing ito ang nakaka-alala ng 'bonding'. Yun yung tawag nila sa sabay
nilang pagkanta bago pumasok sa eskwela. Ritwal na yata nila yan. Ewan. Siguro
sanay lang sila ni Red na pinapagaan ng musika ang buhay.
"Ok
pero punta na tayo after? Ok?"
"Ok
sure!" excited na sagot nito at agad na tinipa na ang piano. Sinimulan
niya ang kanta.
"I've
been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my
bed,
I've been
lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on "
Tumingin si
Red sa kanya at pagkatapos ay nagpakawala ng isang ngiti.. Sinuklian naman niya
ito at kapagdaka ay sinimulan naman nito ang susunod na mga liriko.
"I've
been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again
someday,
I've been
setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"
At
pumailanlang ang boses nila at ang tugtog na galing sa piano.
"All I
wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way
back into love. Ooo hooow "
"I've
been watching but the stars refuse to shine,
I've been
searching but I just don't see the signs,
I know that
it's out there,
There's
gotta be something for my soul somewhere"
"I've
been looking for someone to she'd some light,
Not somebody
just to get me through the night,
I could use
some direction,
And I'm open
to your suggestions. "
"All I
wanna do is find a way back into love.
I can't make
it through without a way back into love.
And if I
open my heart again,
I guess I'm
hoping you'll be there for me in the end!"
"There
are moments when I don't know if it's real
Or if
anybody feels the way I feel
I need
inspiration
Not just
another negotiation"
"All I
wanna do is find a way back into love,
I can't make
it through without a way back into love,
And if I
open my heart to you,
I'm hoping
you'll show me what to do,
And if you
help me to start again,
You know
that I'll be there for you in the end"
Natapos ang
kantang napangiti silang dalawa. Ngunit biglang sumeryoso ang mukha ni Red
habang nakatitig uli sa kanya.
"O
anong meron Moks? Ayan ka na naman ah, may dumi ba sa mukha ko?" sabad
niya dito na titig na titig pa rin sa kanya.
"Kasi..."
"Kasi?..."
tanong niya dito
Hindi siya
nakakuha ng sagot ngunit nakatitig pa rin ito sa kanya na waring tinitimbang
ang kanyang susunod na reaksyon kapag itinuloy nito ang sasabihin niya.
"Kasi
Ano Red Antonio?" pagpupumilit niya dito ng walang nakuhang sagot
"Kasi
Moks pag kinakanta mo yung theme song natin.. Gu..gusto kong kalimutan na best friend kita... kahit
sandali lang" seryosong
pagpapatuloy ni Red sa sinabi niya.
Hindi siya
makakilos sa kinauupuan at ang pagkabog
ng dibdib niya ay unti -unti bumalik. Nakatulala siya at ngayon ay sinasalubong
ang titig ng best friend niya. Parang inaarok nila ang gustong sabihin ng
isat-isa hanggang sa namamalayan niyang pilit tinatawid ni Red ang distansiya
sa pagitan nila. Titig na titig pa rin ito sa kanya at ng akmang bababa na ito
para gawaran siya ng isang bagay na ni sa hinagap ay hindi niya akalaing
posibleng mangyari sa pagitan nila.
"Ahem!"
basag ng isang baritonong boses sa tensyon na namamagitan sa kanila.
Para siyang
binuhusan ng isang baldeng yelo. At nang tingnan niya si Red ay alam niyang
bigla itong namula at parang hindi alam ang gagawin.
"Ah bro
nandito ka na pala... Papunta na rin sana kami ni Moks sa school.. Tamang tama
sabay na tayo" wika ni Red sa kakapasok na lalaki.
Humakbang
ang kakapasok na lalaki papunta sa kinaroroonan nila. Nalilisik ang mata nito
at hindi man lang nagaksaya ng panahon na sagutin ang sinabi ni Red.
Pagkarating na pagkarating sa kanilang kinauupuan ay agad na hinablot nito ang
kamay na Adrian at pwersahang pinatayo.
"Get
you ass up there at pumunta na tayong school. I went to your house para daanan
kita pero nandito ka lang pala....... hon" malamig na bati nito sa kanya.
Halatang naiinis sa naabutan niya
"Ahm
Jake kasi.." nauutal niyang tugon dito
"Jake?"
putol nito sa paliwanag niya
"Im
sorry hon... nakalimutan ko lang kasi na
pupunta ka pala sa bahay"
"Enough
of your excuses lets go...... bago mo pa makalimutan na may boyfriend ka"
singhal nito sabay marahas na hatak sa kamay niya.
Walang
nagawa si Adrian kundi ang magpahila kay Jake. Panandalian niyang tinanguan si
Red tanda ng pagpapa-alam dito. Sinuklian naman nito iyon ng isang pagtango
ngunit mababakas sa mukha nito ang kalungkutan.
Kinuha na
rin ni Red ang kanyang bag at pumunta siya sa terrace ng kanilang bahay para
tanawin ang papalabas na magkasintahan. Huminga siya ng malalim at may
ibinulong sa sarili.
"There
goes my life and my everything"
Itutuloy...
[02]
Mabibigat
ang yabag na nagsimula nilang lakarin ang daan papunta sa kanilang unibersidad.
Hindi pa nga nagsisimula ang klase eh para atang sira na ang araw nilang
dalawa. Jake Marcos is their high school campus crush, lahat ng babae at bakla
nagkakandarapa na yata dito. Masyado siyang matangkad at matipuno sa kanyang
edad at kung tutuusin eh magkakasing gulang lang sila nila Red, ang kanyang
bestfriend. But the yummy beefcake was revealed to be a bisexual. Sinong
mag-aakala na ang notorious na womanizer eh magkakagusto sa kagaya niya, sa
kagaya niyang nerd daw at parang may sayad ang utak. Pero sinong mag-aakala na
ang fairytale eh nagyayari sa totoong buhay. Kung saan ang damsel in distress
eh nakasuot ng oversized na eyeglasses, laging naka loose na maong at walang
korona samantalang ang knight and shining armor eh laging nakasuot ng V-neck na
tshirt at spike ang buhok. Nasa ganoon siyang pagiisip ng unti-unting tangayin
ng nakaraan ang kanyang pag-iisip.
"Hoy
baklang ladlad, musta na buhay" bati sa kanya minsan ng isang estudyanteng
siga sa kanilang eskwelahan.
Hindi niya
ito pinansin at patuloy na naglakad. Kung bakit kasi eh hindi niya kasama si
Red ngayon. He was the President of Supreme Student Council at kahapon lang
siya naiproklama. When he won, he gave his thank you speech at kasabay niyon
ang pag amin sa kanyang sekswalidad. Gusto niya kasing magbigay inspirasyon sa
mga kagaya niya na hindi hadlang ang sekswalidad ng isang tao sa kanyang
pangarap sa kahit anumang larangan.
Marami ang
nadismaya syempre, akala nila kasi isa lang siyang mukhang lalampa lampa lang
na naging Presidente ng campus dahil sa talino at pagpupursige yun pala may iba
siyang pinaglalaban. Sa kabila nito, mas matimbang ang mga taong nagpakita pa
rin ng supporta. At ang ibang kaibigan niya, ayun tinalikuran siya maliban na
lang siguro kay Red, yung matalik niyang kaibigan na unang nakaalam ng lahat.
"Hoy
bakla kinakausap kita!" sigaw ng barumbadong estudyante at hinawakan siya
sa braso. Tantiya niya eh 4th year student ito kaya ganun kaangas.
"Excuse
me but this is not my thing if you have a complain about me lets talk in my
office" malumanay niyang tugon dito. Hindi siya eskandaloso para patulan
ito.
"Hanep
ka pala ah, tangina mo tinalo mo yung kapatid ko sa presidency eh kung tutuusin
wala naman magagawa ang baklang katulad mo sa school eh. Ano bang pinagmamalaki
mo ah" umuusok sa galit na turan na lalaking kaharap niya. Kaya naman pala
ganun na lang ang galit nito sa kanya dahil siguro sa pagkatalo ng rival niya
sa kandidatura.
"You
can always ask for a recount and I believe that the results are valid"
giit niya dito ngunit sa malumanay pa ring boses
"Ah
recount pala ah, recount mo yung mukha mo!!" sigaw nito sabay igpaw ng
kamao sa mukha niya.
Naginit ang
kanyang pisngi at nararamdaman niyang parang mahihilo na siya. Medyo nagdidilim
na ang paningin niya nang maaninag niya ulit ang lalaki na pumatong sa ibabaw
niya and was ready to give him again a punch on his face. Pumikit na lang siya,
waiting for the next thing to happened.
At ng ilang
segundo ay nakita niyang bumagsak ang lalaki sa katawan niya. Naaaning niyang
may dalawang kamay na bumuhat sa lalaking sumuntok sa kanya na ngayon ay nasa
ibabaw niya at napahiga.
He heard a
conversation.
"Pagbabayaran
mo ng malaki ang suntok na ginawa mo sa kanya"
"Tangina!
sino ka ba? huh?"
"Boyfriend
niya! At tangina mo hindi mo alam ang kinakalaban mo" sigaw nito sa lalaki
sabay suntok dito.
Yun lang ang
natatandaan niya and the next thing he knew, nagising siya sa school clinic
na may pasa sa mukha. And someone is
holding an ice bag and pressing it to his face.
"Aray!
Red dahan-dahan!"sigaw niya sa matalik na kaibigan, alam niyang ang
matalik kaibigan niya ito pero ang weird lang kasi bakit kaya nagpakilala itong
boyfriend niya. He remembered the last conversation
"Sorry!
Ok ka lang ba? Masakit pa ba yung tama sa iyo?" sagot nito sa kanya.
And he was
stunned when he realized na hindi si Red ang kausap niya kundi ang kaklase
nilang si Jake. Jake Marcos is a silent student, sobrang tahimik nito sa klase
nila and everyone regarded him as an anti social. Gwapo daw sana pero suplado.
"Ah
yeah Ok na ko... Nandiyan ka na eh" mabilis niyang sagot.
Saka lang
niya na realize na he said a flirting line. Siya lang siguro ang may pasa na
nagagawa pang makipag landian.
"Haha
Yeah and Im glad na nakita ko yung mokong na sumuntok sa iyo, Mr.
President" and he chuckled.
Yun na
siguro yung pinaka magandang tawa na narinig niya. There is something in his
laughter na parang ang gaan gaan sa pakiramdam.
"Ano na
pala nangyari sa kanya?"
"Well,
he was sent to the guidance's office, I reported him"
"Hindi
ka na sana nag abala Jake, saka naiintidihan ko, galit siya kasi natalo yung
kapatid niya sa Presidency, Im really thinking to withdraw on my post"
"Nagpapatawa
ka ba? Eh di kung magreresign ka sa pagkapresidente sinayang mo boto ko"
pangongonsesnya nito sa kanaya
Lihim naman
siyang kinilig sa pag amin nito.
"Well
thanks at least nakilala ko yung isa sa mga bomoto sakin. Im lucky enough na
niligtas pa niya ako"
"Wala
yun" pagpapakumbaba nito
Katahimikan.
Parang
tinantantiya nila ang isa't isa nang may ilang segundong nakayuko ito at nang
mag-angat ang mukha ay nagtama ang kanilang mata.
"May
tanong sana ako sa iyo Mr. President"
"Mr.
President ka ng Mr. President... Adrian na lang.. Parang hindi naman tayo
magkaklase" tugon niya dito para maging kumportable sa kanya.
"Sorry
hehe... Adrian may tanong sana ako"
"Sure
ano yun?"
"Narinig
mo ba ang lahat ng sinabi ko kanina bago ka nawalan ng malay?"
Naalala niya
ang huling usapan bago siya mawalan ng malay. "Boyfriend niya! At tangina
mo hindi mo alam ang kinakalaban mo" .... Sasabihin niya kaya dito? Maybe
not. Nakakahiya baka naman iba lang talaga pagkakadinig niya.
"Ahm
Wa... Wala naman. Sobrang sakit na nung ulo ko nun eh" pagsisinungaling
niya.
"Ah
sayang naman.." sagot nito na medyo malungkot ata sa tugon niya
"Bakit
ano ba iyon?" tanong niya dito
"Ah?
Wala... Wala ... nevermind" sagot ni Jake at pagkatapos ay ngumiti ng
makahulugan.
"O,k
ako may itatanong sana ako" wala sa sarili na wika niya rito. Lihim nga niyang
pinagalitan ang sarili dahil wala naman talaga siyang itatanong.
"Sure
basta ikaw"
Namula ang
mukha niya sa tinuran nito at mas lalo siyang kinabahan. Ano ba ang itatanong
niya talaga, eh wala naman siyang maisip. Number ba? Fb account? Bago pa siya
sa mundong ganito at hindi niya alam kung anong gagawin sa sandaling kinikilig
siya.
"Ah
eh...Ahmmm ehh.." nauutal na sagot niya. 'Patay ... nahihilo pa ata ako'
bulong niya sa sarili
Nakita
niyang nakakunot lang ang noo nito na nagaabang sa susunod niyang sasabihin.
"Ahm...
Naniniwala ka ba sa fairytale?"
Huli na ng
marealize niya ang pinagsasasabi niya. Tanga-tangahan lang. Epekto siguro ng
sobrang hilo at sobrang review niya sa World Literature nila. Kakainis. Kaya
kinakabahan na inaabangan niya ang magiging reaksyon nito.
Tumawa to ng
malakas. He seems amused sa sinabi niya. Samantalang siyang pulang pula sa
sobrang hiya.
"Oh
huwag kang magblush and yes naniniwala na ko sa fairytale and I think nakita ko
na yung makakasama ko sa happy ever after" seryoso nitong sagot sa kanya
at bigla siyang kinindatan.
Kung sound
system lang ang pagtibok ng puso niya malamang pwede na siyang magpatayo ng
disco bar. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Gusto niyang sumigaw sa kilig
ngunit tanging pamumula lang ng mukha ang senyales na tuwang tuwa siya sa
sinasabi nito.
"Ahem!"
Nasa ganoon
silang tagpo ng pumasok si Red sa clinic. Kahit kailan talaga panira lang ng
moment ang best friend niya. Lihim niya itong inirapan ng pumasok ito.
Magkakaklase rin sila at nasa iisang section.
"Moks
Ok ka lang ba" nagaalalang tanong nito sa kanya ng makalapit sa kama niya.
"Yeah
Ok lang ako, ahm buti dumating si Jake" sagot niya dito
"Masakit
pa rin ba Moks?" tanong ulit nito na hindi pinansin ang sinabi niya. Sa
eksenang iyon para ngang naa-out of place si Jake. Tiningnan niya ito at
seryoso lang nakamasid sa kanila.
"Ok na
ako, actually dapat pumunta na tayo sa klase natin at..." hindi niya na
naituloy ang sasabihin niya ng akmang tatayo siya ay bigla siyang natumba.
Sinalo siya ni Jake at akma naman sanang sasaluhin siya ni Red ngunit naunahan
lang nito. Nagkatitigan sila ni Jake ng matagal. Sa di maipaliwanag na dahilan
eh parnag kanina pa namamagneto ang mata nila sa isa't isa.
"Huwag
mo ng pilitin kung di mo pa kaya" nagaalalang wika ni Jake sa kanya.
Pagkatapos ay inalalayan siya nitong humiga ulit. Pinili na lang niyang maupo
kaysa ang humiga. Pakiramdam niya kasi eh mas lalo lang siyang mahihilo pag
ganun ang ayos niya.
"Kaya
ko naman siguro.. Ahm inom na lang siguro akong tubig.. Mawawala rin to"
Nakita
niyang pumunta si Red sa water dispenser para kumuha ng tubig at si Jake naman
ay binuksan ang bag niya.
"Ito
Moks oh" alok ni Red sa basong may tubig
"May
energy drink ako dito kung gusto mo" nakangiting alok din ni Jake sa kanya
"Pre,
tubig nga raw diba" baling ni Red kay Jake
"Bka
naman kasi Pre mas gusto niya talaga ng energy drink" sagot nito kay Red.
"Bat,
ano ba magugustuhan niya sa Energy Drink kung hindi naman iyon ang kailangan
niya?"
"Sa
tingin mo ba mapupunuan ng tubig lang ang pangangailangan niya?"
Nakita ni
Adrian na pareho ng nakapwesto ang kamao ng dalawa. Halatang kanina pa
nagpipigil sa isa't isa. At maling galaw lang ng isa sa kanila eh alam niyang
gulo na ang kasunod.
"Tama
na nga iyan, hindi na lang ako iinom. Maybe mamaya na lang ako lalabas. Pahinga
na lang ako" tumagilid siya ng higa at hindi niya alam kung matatawa siya
o hindi sa mga narinig niya. Parang baliw lang talaga tong si Red at kailangan
pa talagang makipag away. Kung tutuusin nga eh hindi naman ito ganun ka over
protective noon. Simula lang nung umamin siya sa kanyang kasarian. Sabi nito eh
kailangan daw eh pag may manliligaw sa kanya kailangan pasado muna sa kanya.
And that was
the start of it. Yun yung Once Upon a Time ng fairy tale niya. He and Jake have
been in a relationship since 3rd year until now.
"You
seemed enjoying kanina" basag ni Jake sa pagbabalik tanaw niya.
"Huh?"
wala sa sariling tugon niya.
"I mean
you and Red?" balik tanong nito
"Hon?
Nagseselos ka ba?" tanong niya rin dito. Naglalakad sila papuntang school
imbes na mag tricycle, sabagay malapit
lang naman medyo mabilis lang pag nag tricycle sila
Hindi ito
sumagot at mabilis na lumakad. Humabol naman siya para maabutan ito.
"Uy
hon!"
Tumigil ito
at tinitigan siya sa mata.
"Yun na
nga eh..." simula nito at sinabayan ng buntong hininga. "Alam kong
best friend mo si Red pero hindi ko maiwasang magselos" pagamin nito
habang nakatingin ito sa malayo.
"Hon
naman" medyo natatawa siya sa ikinikilos nito. Pag nagseselos kasi ito at
inaamin sa kanya eh hindi makatingin ng diretso at parang nahihiya. Kaya
hinawakan niya ang kamay nito at pinisil tanda na wala siyang dapat ipagalala.
"Ikaw
kasi..." pinisil na rin ni Jake ang kamay niya..
"Wag ka
naman magselos sa taong walang laban sa iyo" paninigurado niya dito
"Kung
hindi lang kita mahal eh" ngiti ni Jake ng marinig ang sinabi niya.
"So
tara na?" yaya niya dito.
Wala siyang
nakuhang sagot dito at tinitigan lang siya nito ng marrin.
"Hon
naman eh, alam mo namang ayaw ko ng tinititigan ako"
"Naniniwala
ka ba sa fairytale?" bigla na lang tanong ni Jake sa kanya.
Hindi niya
alam kung matatawa siya sa biglaang tanong nito o maguguluhan siya. Biglang
bigla ay bumalik ulit ang eksena noong siya ang nagtanong ng ganun.
"Bat mo
naman natanong at saka bakit ganyan ka makatitig hon?" tanong niya dito
"Gusto
ko lang kasing i-ukit ang mukha mo sa isip ko para lagi kong maiisip na hindi
lang Once Upon a time nagkita tayo at magkakatotoo ang happily ever after"
sabay kindat nito sa kanya.
Sa isang
sulok ay lihim na nagmamasid si Red at kung maaari lang sana niyang sabihin ang
isang bagay tungkol kay Jake eh matagal na niyang ginawa. Lihim siyang
napabuntong hininga.
Itutuloy....
[03]
"Music
is not a just a utility when you had your stupid break up or when you want to
play a song along with your drunkard buddies. Music is a way of expression.
Whether your sad, feeling dull, excited, exaggerating, stupid, wants to be a
murder or perhaps horny. Music finds a way. Music is an art, literature and
science in one. Music contains evolution on how the history has been."
mahabang litanya ng propesor nila.
They took
Conservatory of Music in a prominent University in their place. Ngayong first
year pa lang sila eh wala pa silang majors. Red would like to major in Piano
dahil gusto pa nitong hasain ang galing sa pagtugtog nito while Jake would
major in Voice. Napagusapan na rin nila ito bago pa sila tumuntong ng kolehiyo.
"Hon
anong balak mong kunin pag ka graduate natin" minsang tanong ni Jake sa
kanya ng sila ay magrecess.
"Ahm...
Hindi ko pa alam hon, ikaw?" tanong niya ulit dito.
"Gusto
ko sanang kumuha ng Conservatory of Music hon.. pero mas gusto kong kunin kung
anong course ang gusto mo?" seryosong saad nito.
"Huh?
Bakit naman hon? Kung ano yung talagang gusto mo then you need to follow your
heart"
"Well,
alam mong utang na loob ko sa iyo ang lahat kaya natutunan kong kumanta. Ang
galing kasi ng voice coach ko"wika ni Jake sa kanya sabay kindat at yakap.
Nasa open field sila ng oras na yun at naglatag lang sila ng kapirasong tela
para mahigaan.
"Bola!"
saway niya dito habang itinatago ang pamumula ng mukha. Noong naging sila kasi
ni Jake ay nadiskubre niyang magaling pala itong kumanta. Minsan pag
tinatawagan siya nito sa telepono ay kinakantahan siya nito. And unexpectedly,
laging "Way Back Into Love" ang kinakanta nito sa kanya.
And when he
knew about this hidden talent eh kinumbinsi niya si Jake na sumali sa mga
programs. From a single intermission eh unti-unti itong nakilala as
"Singing heartrob" lumalakas kasi ang appeal nito kapag kumakanta.
Minsan nga eh nagkakanda putol na ang ugat ng mga babae at baklang humihiyaw sa
pangalan nito kapag nagsimula na itong kumanta sa entablado.
At siya
naman, ayun. Kabilang sa mga audience at kapag napapadako ang tingin nito sa
kanya eh bigla itong kikidat at ngingiti ng todo. Pag tapos nito ay pupunta
siya sa back stage at siya ang taga dala ng tubig, taga punas ng pawis at taga
dala ng kung anong kailangan nito. May isang beses nga rin na hindi ito nag
perform sa isang programa nila sa paaralan dahil lang sa hindi siya naka
panood. Isa yata yun sa matinding pinag awayan nila. At kapag ganung galit na
ito ay tatahimik na lang siya dahil once in a blue moon lang talaga ito
magalit.
"Alam
mong pagdating sa iyo lagi akong seryoso" giit nito at saka siya niyakap.
"Salamat at dumating ka sa buhay ko Adrian. Salamat at totoong may
fairytale" pagpapatuloy nito na sinabayan pa ng kaunting hagikhik.
"Hon
baka may makakita sa tin" asiwa niyang tugon dahil nasa open field sila at
hindi naman yata nararapat na para silang normal na magkasintahan na nag P-PDA
lang sa isang beach.
"Hayaan
mo sila hindi sila kasali sa kwento natin" pagpupulilit nito na hinigpitan
ang yakap sa kanya.
"Hon
naman eh" reklamo niya.
"Wala
naman tayong ginagawang masama hon diba?" tanong ni Jake sa kanya na
kumalas ng konti.
"Eh
kasi...." namumula na siya. Sa sobra ba naman kasing titig nito sa kanya.
"Oh baka
gusto mo gumawa tayo ng masama hon? haha" makahulugang tugon nito at
sinabayan pa ng nakakalokong tugon.
"Nakakapikon
ka na Jake Marcos" kunyaring singhal niya dito at tumayo na akmang aalis.
Ngunit
mabilis ang mga kamay nito na humila sa kanya para mapaupo siya ulit.
"Aray!
ang sakit nun ah" wika niya dito
"Alam
mong nagiging Hitler ako hon pag gusto kong gumawa ng masama" kinindatan
ulit siya nito at niyakap ng mahigpit.
Kinakabahan
siya sa susunod na mangyayari. Paano na lang kung may gawin ito doon at makita
ng ibang tao?
Dahan-dahang
bumaba ang ulo nito para tawirin ang munting distansiya sa pagitan nila.
Nakapikit ito. Napapikit na rin siya. Nahihintay sa kung anong gagawin nito.
"Moks!
Time na. Balik na tayo sa room" biglang singit na Red na hindi niya
namalayang nasa tapat na pala nila. Nakangiti itong naka nakatingin sa kanilang
dalawa. Nakita naman niyang parang nadismaya si Jake. Ewan ba niya kung
magpapasalamat siya kay Red sa panahong ito. Simula nung naging sila eh hindi
naman siya nakarinig ng kahit anong pagtutol kay Red. Basta lang ito ngumiti at
sinabi niyang masaya siya para sa kanilang dalawa ni Jake.
Dahil sa
nakaugalian nilang pagbanggit sa fairy tale na yan eh minsan tinuturing na
niyang witch itong si Red. Paano ba naman kasi eh saka lang susulpot bigla yan
sa mga panahong nagsasarili sila ni Jake. Pambwisit lang eh. Ngunti sa kabila
nito ay hinid niya minamasama ito dahil alam niyang kapakanan lang niya ang
iniisip ng matalik na kaibigan.
So ngayon,
narito na sila sa isang pamantasan para tuparin ng unti-unti ang kani-kanilang
pangarap. Sinabi niyang Conservatory of Music rin ang gusto niyang kunin kahit
na may isang parte ng katauhan niya ang gustong maging isang Nurse. Hindi niya
alam kung bakit ngunit parang gusto niyang tahakin ang landas na hindi kasama
ang musika. Ngunit taliwas sa kagustuhan ay una sa kanyang prioridad si Jake at
dahil may alam naman siya sa musika eh yun na rin ang kinuha niyang kurso.
Ngunit gaya
ng ibang mga mag aaral na nakakaranas ng krisis sa kursong pinili nila ay hindi
niya maitatangging nag-aalala rin siya sa sariling kapakanan. Gusto kasing mag
major in Voice ni Jake at hindi niya ata kakayanin iyon. Siguro nga ay
nabiyayaan siya ng boses ngunit hindi siya nabiyayaan ng kapal ng mukha para
magpamalas ng galing sa harapan ng libo libong tao.
Ayon sa
kaniyang propesor, na siya ring adviser ng NASUDI, grupo ng mga mang aawit.
Iniluluwal daw sa kanilang klase ang mga susunod na tagapag tanghal, mga
susunod na titingalain sa campus, mga susunod na babansagang the next big
thing. Marahil ay totoo, dahil nung acquaintance party lang nila ay nagtanghal
sa harap ng mga freshman ang isang graduating member ng NASUDI at para lang
talaga itong artistang hinihiyawan dahil na rin sa kalibre ng boses nito.
Napag-alaman niya rin na may nag alok na palang kumpanya para kunin itong
talent at maging professional singer.
Naputol ang
kanyang pagninilay nilay ng may lumapit sa kanyang grupo ng mga lalaking
nakasuot ng pink na T-shirt. Kasalukuyan siyang nasa isang bench sa canteen.
"Ikaw
ba si Adrian Dela Riva?" tanong ng isa sa kanila. Sa tantiya niya ay
senior ito at isa ring binabae. Gayunpaman ay hindi mo mahahalata ito sapagkat
napakalalaki itong kumilis. Yun nga lang malakas lang talaga ang pang amoy
niya. Call it gaydar. sigaw ng isip niya. Ngunit ang mas malaking katanungan ay
kung bakit nito alam ang pangalan niya at anong kailangan nito.
"A...
ako... nga po" tugon niyang kinakabahan
"And
you are GAY?" tila may halong sarkasmo ang tinig nito
"Yes"
maikli ngunit sigurado niyang sagot. When he came out of the closet, he had
never been sure in his life like this before. Kaya pinapanindigan niya ang
sagot niya sa tanong na iyon.
"Ok
great sumama ka sa amin para huwag ka ng masaktan" mabilis na sagot nito
at saka siya pintalikod at pinosasan.
"What?"
naguguluhang tanong niya ng sunggaban siya ng mga lalaking kasama nito at
hawakan sa braso para hindi siya makagalaw. Matapos nun ay piniringan siya sa mata para hindi niya
makita kung saan man siya dadalhin.
"Saan
niyo ko dadalhin" mangiyak ngiyak na sigaw niya rito.
"Basta"
At nakarinig
siya ng tawanan sa ibat ibang sulok ng school canteen. Is this some kind of a
joke? Or perhaps this is what they called bullying in college? tanong niya sa
sarili habang lumalakad ng paunti-unti at inaalalayan ng dalawang kamay.
Makalipas
ang ilang minuto ay pinahinto siya sa isang lugar. Pakiramdam niya ay parang
maraming tao at malamig ang hangin na humahaplos sa kanyang balat.
Unti-unting
kinalag ang posas sa kanyang kamay ngunit nanatiling siyang nakapiring ng
panyo.
Ok guys,
before I proceed I would like to welcome both of you to Pink Party.
Guys? Both?
So hindi siya nagiisa dito? Sino na naman kaya tong tulad din niyang nabiktima
ng kalokohang ito? sigaw ng isip niya.
"Guys..."
agaw atensyon uli ng nagsalita kanina na siya ring hula niya na humuli sa
kanya.
"Guys
Pink Party is a Gender Sensitivity day which means celebrating the
individuality of each student. Kaya naman we are here to witness a wedding as
part of this celebration"
What?
Wedding? At sino naman kaya ang papakasalan kuno niya? sigaw ulit ng isip niya. Ngayon alam niyang
isa itong mock wedding at ang lahat ay kunwa-kunwarin lang bilang parte ng
selebrasyon Pink Party, isang university wide event kung saan ginigising ang
indibidwalismo ng bawat kasarian lalo na ang Third Sex.
"Tang
ina nyo makawala lang ako dito! lagot kayo sa akin!" boses na ito ng
lalaki. Siguro ay gayan rin niya ay basta na lang hinuli tio at piniringan.
Tanging mga halakhakan naman ang sinagot ng mga taong sa tingin niya ay
nakapalibot sa kanila.
"Easy
man! if you dont want this to be hard for both of you and would like to get out
of this you need to finish the ceremony" boses ulit ito ng lalaking
nagposas sa kanya. Waring kinakausap nito ang lalaking sumigaw kanina.
"So if
you want to see what we have prepared for both of you, you can help each other
to remove the scarf" pagpapatuloy ng lalaki kanina at iginiya ang mga
kamay nila sa isa't isa. Nahahawakan na niya ngayon ang panyong nakapiring sa
isang lalaki at ganun din ito sa kanya. Lumakas ang pagtibok ng dibdib niya.
Syet ano ba
tong pinasok ko? sigaw ng isip niya. Kanina pa nga siya natuturete kung sino
ang lalaking kaharap niya. At dahan dahan ay ibinababa na ng estrangherong
lalaki ang panyong nakatabing sa mata niya. Kaya napilitan na rin siyang
gumalaw para tanggalin ang panyo na nakatakip sa mata ng kaharap niya. Kasabay
nito ay biglang pumailanlang ang isang kanta sa background:
Its a Colbie
Caillat Song.
Take time to
realize.... that your warmth is crashing down on in
Take time to
realize.... that I am on your side didnt I, Didnt i tell you?
At unti-unti
ay naaninag na niya ang misteryosng lalaking papakasalan niya.
"Moks?"
pagkumpirma ni Red sa kanya.
"Moks?"
sabay niyang tanong
Ilang munton
rin silang tulala sa isa't isa habang ang mga tao ay nakapalibot sa kanila ay
nagkakantiyawan. Lahat ng mga ito ay naka suot ng t-shirt na kulay Pink na may
kanya-kanyang tagline lahat ay patungkol sa Gender Equality. Sa harap nila ay
isang munting altar at may isang pekeng pari na nakangiti sa kanilang dalawa.
Habang patuloym pa rin ang musikang maririnig sa kapaligiran.
If you just
realize what I just realized....
Then we'd be
perfect for each other...
And we'll
never find another ....
Just realize
what I just realized ...
We'sd never
have to wonder if we missed out on each other now...
Lumapit ang
lalaking sa may pakana ng lahat at ibinigay ang bouquet ng rosas kay Red.
"O pre
ano pang hinihintay mo, ibigay mo na sa kanya" kantiyaw ng lalaki kay Red.
Dahan
dahanng ibinigay ni Red ang bulaklak sa kanya. Naguguluhan man sa nararamdaman
ay tinaggap niya ito.
"O Red
anong masasabi mo kay Adrian" bungad ulit ng lalaki.
Kinuha ni
Red ang microphone at nagsimulang magsalita.
"Ahm....
Moks.. Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay ang araw na to. Kahit alam
kong pagkatapos nito masasaktan lang din ako" pagtatapos nito.
Namumula ang
mga mata ni Red na nakatingin sa kanya samantalang hindi magkamayaw ang mga tao
sa pagsigaw sa sobrang kilig.
"Ok so
wag na nating patagalin pa, seems like this is not a mock wedding after
all" singit ng lalaki kanina at saka bumaling sa kunwa-kunwariang pari na
nasa harap nila. "Father please proceed" pagbibigay senyales nito sa
pari.
"Before
I start this ceremony, Gustong kong malaman kung may nasasagasaan ba tayong tao
dito? At kung sino man ang tutol ay maari ng magsalita at humakbang palapit
dito' panimula ng pari na parang totoong kasal ang magaganap.
"Ako!"
sigaw ng isang lalaki.
At
unti-unting naaaninag ni Adrian ang taong tumatakbo papalapit sa altar.
Si Jake.
Itutuloy.....
[04]
"Jake?"
sigaw ko nang lubusang makita siyang humahangos. Nakasuot ito ng Pink T-shirt
na may nakasulat na 'Will you marry me?'.
"Nakita
kasi kita sa plasma TV kanina, hindi ko akalain na ikaw yung maisasali sa mock wedding"
paliwanag nito ng tuluyang mabawi ang hininga matapos ang pagtakbo. "Hon,
hiniram ko pa tong shirt makapasok lang dito sa venue ng Pink Party"
pagpapatuloy nito.
Kasalukuyan
silang nasa Del Pilar Bldg kung saan ang buong bulwagan ay nabahiran ng kulay
Pink, pink balloons, pink curtains pati ata yung wedding cake ay kulay pink na
nakahanda pa mismo sa loob ng bulwagan. Para talagang reception sa isang kasal.
Hindi niya rin akalain na makikita pa yung event sa plasma TV. Siguradong
bulong bulongan na ito sa unibersidad kinabukasan.
"Excuse
me, pwedeng malaman kung sino ka? Ginugulo mo ang selection process namin.
Napili namin tong dalawang to when we spotted them during the enrollment"
singit ng lalaking may pakana ng lahat.
"My
name is Jake Marcos ako po ang boyfriend niya"pag amin nito.
Nagsigawan
ang lahat, dumami ang bulong bulungan at noon lang niya napagmasdan si Red na
nakatitig sa kanya na parang nagmamakaawa ng sobra.
"So why
are you here? That doesnt make any sense. This is only a mock wedding. Bakit
sobra kang apektado?" sarkastikong tanong ng lalaki.
"Kasi
po... ayokong palampasin ang pagkakataon na masabi ko sa kanya, sa harap ng
maraming tao... na mahal na mahal ko siya at sa araw araw na nakikita ko siya,
lalo akong naniniwala na totoo talagang may fairytale" sagot ni Jake sa
lalaki.
Tila naman
dumagundong ang buong bulwagan sa sigawan ng mga tao. Hindi siguro akalain ng
mga ito na mas lalong magiging kumplikado ang sitwasyon sa pagdating ni Jake.
"Well I
guess this is the most exciting mock wedding Ive ever seen" ngiting wika
ng lalaki
"What
can you say father?" baling ulit nito sa pekeng pari.
"Kung
ganun eh sundin natin ang tradisyon sa ganitong kasal. Adrian, sino nga ba ang
pipiliin mo? " malumanay na tanong ng pari.
Sa
pagkakataong iyon ay gustong gusto niyang batukan ang pari. Kung pwede lang
sanang mag walk out sa event na iyon na hindi siya nagmumukhang bastos sa harap
ng ibang tao. Pero bakit kailangan siyang mailagay sa posisyong ganito? Kung
saan kailangan niyang pumili sa pagitan ng best friend at ng boy friend niya.
Kung tutuusin ay dapat hindi siya mahirapan ngunit parang dinudurog ang
kalooban niya kapag nakikita niya si Red, na sobrang lungkot at parang alam na
alam na ang susunod na sasabihin niya.
Lumingon
siya kay Jake at bakas sa mata nito na nagaantay rin ito ng sagot. Lumingon
ulit siya kay Red at nakatitig pa rin ito sa kanya. Mistulang pinasakan ang
bibig ng lahat ng mga tao sa Building at lahat nakatuon sa kanya ang atensyon.
Naghihintay sa kung ano ang unang lalabas sa bibig niya.
"Im
sorry" wika niya kay Red.
Yumuko ito
at pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya. Ngumiti halata mong napipilitan lang.
Napansin niya ring namumula na ang mata nito.
"Sabi
ko na nga ba masasaktan lang din ako kasi.... kasi best friend mo LANG
ako" pagbibigay diin nito sa sinabi sa kanya.
Lumapit ito
para yakapin siya ngunit parang namanhid ang kanyang katawan sa mga sinabi
nito. Niyakap siya nito ng sobrang higpit... sobrang higpit na akala mo ay iyon
na ang huling pagkikita nila. Pagkatapos ay bumulong ito.
"Nga
pala Moks... Naniniwala rin ako sa Fairytale.. pero ayokong maging kontrabida
ng happy ending mo.." wika ni Red sabay alis sa kinatatayuan niya. Nakita
naman niyang tinanguan ni Red si Jake na parang tanda ng pagpaparaya.
Masyado na
siyang naguguluhan, parang may malabo. Hindi kay Jake kundi sa kanilang dalawa
ni Red.
"Hon"
agaw atensyon sa kanya ni Jake na abot tainga ang ngiti. Ngayon lang niya
napagmasdan ang hitsura ni Jake kapag naka Pink na T shirt ito. Gwapong-gwapo.
Nasanay kasi siya na lagi itong naka polo at kalimitang kulay gray lang ang
kulay halos ng mga damit nito.
"Hon.."
pinilit niya tumbasan ang ngiti nito. Ayaw niyang palabasin na parang nagsisisi
siya sa desisyon nito.
Nagpalakpakan
ulit ang mga tao, yung iba naman ay sumisigaw ng Aaaaawwww, tanda ng
nakikisimpatiya kay Red. Gayunpaman, ay tinutukan pa rin ng lahat ang mga
susunod na pangyayari.
Nakakatawa
ngunit dapat sana ay masaya siya sa naging kinahinatnan. Una, straight ang best
friend niya at may girlfriend. Pangalawa, boyfriend niya si Jake at Pangatlo,
there's nothing romantic in between him and Red, sadya lang sigurong masyado
siyang na-attach kay Red kaya naghahallucinate na tuloy siya na baka.... baka
higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman nito. pagninilay nilay niya.
"Tang
Ina!" sinuntok ni Red ang dingding ng makarating sa isang sulok na bahagi
ng campus.
Anong
nangyayari sa sarili niya. Hindi naman siya dating ganito. May girlfriend siya
at si Adrian naman ay may boyfriend. Boyfriend nga ba? Aaaaaaarrgh! Bakit kasi
hindi niya pa sinabi noon. para siyang tangang pinapagalitan ang sarili
At unti-unti
ay tinangay ulit ng nakaraan ang kanyang diwa. Ilang taon na ang nakakaraan.
Sinundan
niya si Jake ng lumabas ito sa clinic. Alam niyang gusto lang naman tumulong ng
tao kay Adrian at ito pa nga ang nagligtas ng buhay ng matalik na kaibigan.
Nandoon na sana siya ng mga oras na iyon, nahuli nga lang ng dating. Nakita na
lang niya na buhat buhat ni Jake si Adrian. Marahil ay nawalan na ito noon ng
malay. Kaya naman nagdesisyon siyang sundan ito para makapagpaumanhin sa inasal
at pasalamatan sa kabaitan nito at pagligtas kay Adrian.
Nagtungo sa
CR si Jake at tuloy tuloy na pumasok sa cubicle. Nagtangka sana siyang tawagin
ang pangalan nito ngunit nauilinigan niyang kinuha nito ang isang cellphone at
parang pasikretong tumawag kaya pumasok sa cubicle. Napagpasyahan niyang
pumasok sa katabing cubicle nito. Dahan dahang idinikit niya ang tainga sa
dingding at nakinig sa usapan ni Jake at ng tao sa kabilang linya. Ngunit dahil
na rin siguro sa ingay sa labas ng banyo eh tanging boses lamang ni Jake ang
naririnig niya.
"Oh
Bakit ka napatawag.......?" bungad ni Jake sa kausap
".....Oo,
nagawa ko na yung pinapagawa mo.. Sana naman maganda ang kalalabasan nito for
both of us.....
....Makikinabang?
Sigurado ka? Tingnan mo nga yung hitsura nung baklang iyon? Ang baduy pumorma,
hati ang buhok sa gilid na parang si jose Rizal!" natatwang insulto ni
Jake na patungkol kay Adrian.
"You
better know what you are doing at hindi ko lang talaga alam kung makikinabang
ako sa baklang iyan.. Tang ina .. Ano ako papatol sa kapwa ko.. Nakakdiri na
nga lang tingnan yung pagmumuka niya at kung makikita mo lang kung paano
namumula iyong mukha niyan kapag kilig na kilig sa kin. Sus... Matatawa ka na
mandidiri" pagpapatuloy nito
"Sige..
sige, I'll call you for more updates. Bye babe"
Yun lang ang
narinig niya mula rito at lumabas na ito sa banyo. Mula noon ay sumisidhi lalo
ang pagnanasa niyang sabihin ang lahat ng narinig kay Adrian ngunit huli na ang
lahat. Nalaman niyang nahulog na ng tuluyan sa bitag ni Jake ang matalik na
kaibigan. Naging sila ng hindi siya tumututol. Muli ay unti-unti niyang naalala
ang sinabi nito isang araw na pumunta ito sa bahay nila.
"Moks!!
Moks!!" sigaw nito sa kanya.
"Oh
Adrian Dela Riva! Anong problema!'" bati nito sa kanya
"Hoy!
Red Antonio, hindi ako sanay na tinatawag mo ako sa buong pangalan ko ah!"
singhal nito sa kanya
"Sorry
naman Moks, gusto ko lang malaman kung hinahanap hanap mo yung lambing ko
eh" nakangitng turan niya dito sabay kindat.
Pinamulahan
ng mukha si Adrian. And he loves seeing his best friend like that. Gustong
gusto niyang apektado ito lalo na kapag ganung nilalandi niya ang best friend
niya. Simula nung nalaman niya ang lihim na plano ni Jake kay Adrian ay
sinimulan niyang mas lalong lumapit kay Adrian para protektahan ito. Noong una
ay gusto iya lamang ilayo ito kay Jake ngunit natagpuan niya ang sarili na
nasasaktan sa bawat oras na magkasama ang dalawa at sa bawat atensyon
ipinupukol ni Adrian kay Jake. Kung selos ang tawag dun hindi niya alam at ayaw
niya nang malaman. Sapat na sa kanya ang pakiramdam na sobrang saya kapag nasa
tabi niya ito.
"Nakakainis
ka naman Moks eh" inirapan siya nito
"Biro
lang! to naman eh, kinikilig ka na naman" tawang tawa siya habang inaasar
ito
"Hindi
na nakakatawa Red Antonio, bahala ka sa buhay mo aalis na ko, may importante pa
naman sana akong sasabihin!" galit na sagot nito sa kanya.
Hinabol niya
ito at niyakap. Nang nagpupumiglas pa rin si Adrian ay talagang kinarga na niya
ito at itinapon sa sofa.
"Araykop....
Arrrrgggghh!! Nakakainis ka na Red Antonio!!!!' sigaw nito sa kanya at umuusok
na ang ilong sa galit.
"Lambing
ko lang naman iyan Moks" sagot niya dito sabay mabilisang pumunta sa
sofabed at niyakap ito. "Wag ng magagalit ang Moks ko" patuloy niyang
pagaalo dito.
"Ikaw
kasi eh!" simangot nito sa kanya habang nakakulog sa mga bisig niya.
"O ano
na ba kasi ang sasabihin mo Moks ko?" tanong niya kay Adrian.
"Paano
ko masasabi ng maayos eh nakayakap ka sakin?" pagtataray nito sa kanya.
"Wag ka
na nga choosy, swerte ka nga at may gwapong nakayakap sa iyo." wika niya
dito at mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya dito
"Moks,
seryoso na nga!" pikon nitong sagot sa kanya
"Eh
seryoso naman akong nakayakap sa iyo ah"
pamimikon niya pa kay Adrian.
"Moks..."seryoso
at matipid na sagot ni Adrian sa kanya
"Bakit
Moks ko?" tanong niya dito
"Kami
na ni Jake" pagamin nito sa kanya
Para siyang
sinabuyan ng isang baldeng tubig sa narinig. Gustuhin niya mang kontrolin ang
katawan ay bigla siyang kumalas sa pagyakap nia kay Adrian. Hindi niya
napigilan ang sariling madismaya. Gustong gusto na niyang sabihin kay Adrian
ngunit hindi niya magawa dahil simula ng makilala na nito si Jake ay kay Jake
na umikot ang mundo nito, yung tipong lahat talaga ay ginawa nito para kay
Jake. Mula sa pagpupurisge nito na maipasok si Jake sa bawat program para
kumanta eh ginawa nito. nakinabang din ang moko dahil naging sikat ito sa
campus nila. Kapag may mga assisgnments sa klase eh si Adrian na rin ang
gumagawa. At tuwing recess, si Adrian ang bibili ng pagkain para sa kanila. May
isa pang pagkakataon na nagkasakit na at
lahat si Adrian sa sobrang kapaguran, pinagsasabay sabay nito ang pagiging
Presidente ng campus, pagiging top student at pagiging karelasyon ni Jake. At
ng maospital ito, wala si Jake at kumanta daw sa kung saan. Ngunit
naiintindihan ito ni Adrian at wala man lang siyang makitang bahid ng pagdududa
kay Adrian. Dahil alam niya at nakikita niya, na mahal na mahal nito si Jake.
Hindi siya
nakapagsalita ng marinig ang rebelasyon ni Adrian tungkol sa kanilang dalawa ni
Jake. naumid ang dila niya at tila bigla siyang nawalan ng gana ng araw na
iyon.
"Uy
Moks.... Bat natahimik ka? Hindi ka ba masaya para sa akin?"
"Masaya"
wala sa loob na sagot niya dito.
"Parang
labas naman sa ilong iyan Moks? Uyyy... Moks..."
"Mahal
mo ba talaga si Jake?" paninigurado niya dito
"Oo
Moks.. Mahal na Mahal.. Sa kanya na umiikot ang mundo ko"
Tagos sa
buto lahat ng pinagsasasabi ni Adrian noong araw na iyon. Mahal na Mahal.
Nakaramdam siya ng sobrang kalungkutan. Para siyang naputulan ng hininga.
"Hindi
ko talga alam ang sasabihin Moks"
"Ang
daya mo naman Moks eh... Ako nga todo suporta nung naging kayo ni Sabrina"
maktol nito sa harapan niya
"Iba
naman kasi kami Moks.. iba kayo" pagsalungat niya dito
"Ang
labo mo naman Moks... Natitiis mo na ko ngayon" wika ni Adrian sabay simangot
sa kanya
Tiningnan
niya si Adrian ng araw na iyon at daig pa niya ang namama-alam dito habang
inuukit sa memorya niya ang bawat detalye ng mukha nito.
'Halika nga
dito" yaya niya kay Adrian papunta sa tabi niya
Sumunod
naman ito at tumabi sa kanya ngunit nanatili lang itong nakasimangot. Niyakap
niya uli ito at ihiniga sa kanyang dibdib. Hugging Adrian satisfies him. Yung
tipong gusto na niyang patigilin ang ikot ng mundo kapag magkasama sila.
Sumunod naman ito sa gusto niyang mangyari ngunit alam niyang malungkot pa rin
ito.
"Mahal
mo ba talaga siya?" tanong niya ulit kay Adrian.
"Mahal
Moks.. sobra" pagkumpirma nito.
"Sige
na nga.. You have my blessing" tugon niya dito
"Talaga
Moks? Yes! Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh " wika nito sa kanya
at napahigpit ang yakap nito.
"Yun na
nga ang masama Moks eh... Hindi kita matiis" malungkot niyang tugon
Natapos na
ang seremonya sa Pink Party kanina at talagang sobrang saya niya. Ikinasal na
siya kay Adrian. At kahit pa peke ito ay hindi niya alam kung bakit ganun siya
kasaya. Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni ng tumunog ang kanyang
cellphone.
"Jake"
boses ng babae ang unang sumalubong sa kanya.
"Oh
napatawag ka?" sagot niya dito
"Nagustuhan
ko iyong ginawa mo kanina. Ipagpatuloy mo lang iyan. Dahil mas magandang
durugin mo ang puso niya sa pinaka masakit na paraan."
"Nakokonsensya
na ko.." nagpakawala siya ng buntong hininga pagkasabi nito
"Oh
cmon Jake, you dont play the game here... You know how much you will lose if
you withdraw the contract besides wag mong sabihing nainlove ka na sa baklang
iyan.. Alam nating dalawa na halos isuka mo siya noon"
Pinindot
niya ang End button.
Itutuloy...
[05]
"Best
Wishes!!!" bati sa kanya ng mga estudyanteng nakakasalubong niya nitong
umaga.
Marahil ay
talagang na-ibroadcast ang nangyaring mock wedding kahapon sa mga plasma TV
sa unibersidad. Ang weird nga lang ng
pakiramdam niya dahil sa halip na lumulutang siya sa saya ay may nakakapa
siyang lungkot sa puso niya. Ngunit napapangiti pa rin siya tuwing maaalala ang
naganap na kasal kahapon, ang palitan nila ng I do, yung pagsuot ng singsing ni
Jake sa kanya at ang nakakabinging palakpakan ng mga tao matapos ang seremonya. Sa audience, marami
siyang nakitang umiiyak marahil ay sobrang nakarelate ang mga ito o naantig sa
kasal-kasalan.
Kinuha niya
ang cellphone at pumunta sa contacts menu. He wanted to call the number
registered as 'Moks'. Ngunit masyadong takot ang kamay niya para pindutin ang
call button. Matapos ang nangyari kahapon ay hindi niya alam kung paano
haharapin si Red. Gusto niyang sabihin sa sarili na ayos lang ang lahat,
straight si Red at alam nitong boyfriend niya si Jake. Normal lang ang nangyari
kahapon at alam niyang suportado siya ni Red dito. Ngunit sa tuwing bumabalik
sa memorya niya ang anyo ni Red kahapon ay hindi niya maiwaksi ang isang parte
ng isipan niya na nagui-guilty sa nangyari.
Napatigil
siya sa harap ng isang bulletin board. Ito marahil ang opisina ng BABAYLAN,
isang organisasyon sa loob ng kanilang campus na nagtataguyod sa karapatan ng
mga Third Sex. Isang state university ang pinasukan nilang pamantasan kaya
hindi maikakailang tadtad ng clubs, organizations, fraternities and sorrorities
ang naturang unibersidad. Sila rin ang may pasimuno ng Pink Party kahapon at
syempre ang nanguna sa mock wedding. Tiningnan niya ang mga larawan sa bulletin
board at sa pinaka gitnang parte nito ay ang larawan ng naganap kahapon. The
picture was captioned with "Just Married".
Lihim siyang
napangiti, sa larawan kasi naka angkas siya sa likod ni Jake na dala-dala ang
mga rosas. Ang isang larawan naman ay nakuha ang eksenang nagsusubuan sila ng
cake. The moment was perfect. Sinabayan pa ito ng Way Back Into Love na
kanilang theme song. Napadako ang kanyang mga mata sa isa pang larawan, dito
naman ay katabi nila ang Pangulo ng BABAYLAN, si Lloyd dela Cruz. Siya rin yung
lalaking nagposas sa kanilang dalawa ni Red at nagdala sa venue. Naikwento nito
sa kanya na sila ang naging subject ng mock wedding dahil nakita sila as
perfect subject noong enrollment. Natatandaan niya rin na magkasama sila ni Red
na nagpa-enroll dahil hindi nakasama si Jake. Kumanta raw kasi ito sa isang
wedding ceremony kaya nagpasama na lang siya kay Red. Ito rin yung panahon na
nabigla si Red dahil nagpalista na rin siya sa mga estudyanteng kumuha ng
Conservatory of Music, ang buong akala kasi nito ay sa Nursing department siya
pupunta.
Aalis na
sana siya sa kinatatayuan niya ng may pares ng mga kamay na tumakip sa kanyang
mga mata.
"Ready
for the honeymoon?" boses ng isang lalaki.
"Hon?"
Unti-unting
natanggal ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga mata. Pumihit siya paharap
sa pinagmulan ng boses at hindi nga siya nagkamali ng hinala.
"Alam
na alam mo talaga ang amoy ko no?" tudyo ni Jake sa kanya.
"Hindi
kaya ang gaspang lang kasi" pang aasar niya rin dito
"Paanong
hindi gagaspang eh nagkaka-kalyo kamay ko pag hinahawakan mo" pang aasar
pa rin ni Jake sa kanya.
"Haha.
Adik!" sagot niya dito
Tiningnan
niya ng maigi ang kamay ni Jake ngunit wala ang singsing na ibinigay niya rito
kahapon sa mock wedding.
"Ahm..
hon.. yung..." hindi niya natapos ang sasabihin habang nakatingin ang mga
mata niya sa kamay ni Jake
"Ah
yung singsing ba hon? Tinanggal ko kasi bago ako matulog hindi ko naibalik
kahapon" depensa ni Jake
"Ah
Ok." matipid na sagot niya.
"Hon
mamaya ah" si Jake sabay kindat sa kanya.
"Mamaya
ka diyan. Kahit kailan Jake talaga.. Hindi ko na gusto ang takbo ng isip mo.
Pekeng kasal lang iyon tapos humihingi ka ng honeymooon!" singhal niya
dito at tumingin sa malayo. Hindi kasi siya makatingin ng diretso dito.
"Hon,
hindi naman yung honeymoon ang tinutukoy ko eh, yung audition natin sa
NASUDI" natatawang sagot ni Jake sa kanya.
Pinamulahan
siya ng mukha. Nakakainis lang. Bakit ba kasi honeymoon ang iniisip niya?
Mamaya na nga pala ang auditions sa NASUDI ang tanyag na music club sa
unibersidad. Pangarap kasi ni Jake na makapasok dito dahil na rin sa naging
resulta nga mga dating miyembro nito. Ang NASUDI kasi ang nagsisilbing daan
para sa mga estudyanteng magaling kumanta na nagbabalak maging propesyunal sa
larangang ito.
"Pero
hon pwede rin naman yung iniisip mo" si Jake ulit na nakangiti ng
nakakaloko
Before he
can react, Jake pinned him on the wall. Kabadong-kabado siya dahil baka may
makakita sa kanila sa ganoong ayos.
"Hon...."
singhap niya ng makitang halos dikit na dikit na ang katawan at mukha nila sa
isa't isa.
Hindi
sumagot si Jake ngunit nakita niyang bumababa na ang ulo nito. He closed his
eyes waiting for what will happen next ngunit bigla silang nabulabog ng tumunog
ang cellphone ni Jake.
"Im
sorry hon have to take this call" wika ni Jake ng bigla itong kumalas sa
pagkakaipit sa kanya sa pader.
Tumango lang
siya dahil hindi niya alam ang isasagot dito. Nginitian naman siya ni Jake ng
makitang parang kabadong kabado pa rin siya. Lumayo ng konti si Jake mula sa
kinatatayuan at dumistansiya upang hindi siya marinig ni Adrian.
"Hello?"
bungad ni Jake sa kausap
"Its
actually extra ordinary when you always say hello even if you know that Im the
one calling" sagot ng babae sa kabilang linya.
Naihilamos
ni Jake ang kamay sa mukha ng marinig na naman ang boses ng babaeng iyon.
Siguro noon, hearing her voice would be divine pero ngayon para itong musika ng
kamatayan.
"What
do you want?" iritableng tanong niya dito
"Jake...
Jake... dont be too obvious na parang iritado ka sakin pag tumatawag ako. You
wont like it if its my turn to be irritated to you"
"Wala
akong panahon makipaglaro sa iyo, sabihin mo na ang gusto mong sabihin"
"Ikaw
naman bat masyado kang nagmamadali? dati rati you would beg me to stay on the
line while we are having... you know... sex on phone" boses uli ng babae
na sinabayan pa nito ng demonyong halakhak
"Just
tell me what do you want?"
"I
always want you to do the same thing. That fag, Adrian. I just want to make
sure that you will do the plan as instructed"
"What
if makipagkalas na lang ako sa kanya and why do I need to do all those
things?"
"Because
you dont have a choice my dear Jake. I want an epic downfall for Adrian. yung
tipong mas gugustuhin niyang magpakamatay kaysa ang mabuhay. You.... Breaking
up with him is so elementary. Its only 5% of the actual plan. Of course you
will need to break up with him nandun na tayo but wouldnt it be sweet kung
mawala lahat lahat sa kanya?"
Mas pinili
ni Jake na huwag sumagot. He glanced at Adrian. Nakaupo ito at tinitingnan
siya. Nang makita nitong lumingon siya ay ngumiti ito. He looks so innocent, so
fragile and so vulnerable. The thoughts of seeing him cry makes him weak. Hindi
niya alam ang gagawin sakaling umiyak ito.
"Are
you still there Jake? Dont worry makukuha mo na yung ultimate dream mo, you
will be part of NASUDI, be famous singer in the University and eventually be a
famous singer in the country. Diba yun naman ang gusto mo? You will do
aaaanything for fame. At saka unfair naman siguro kung mag ba-back out ka sa
contract natin. Besides, nakinabang ka na ng husto sa baklang iyon and I also
included my body in the deal."
"Ok. I
will do whatever you want. Pero wag ngayon please. Nakikiusap ako"
nagmamaka-awang sagot ni Jake and he glanced again at Adrian's direction.
"Jake...Jake..
That is the reason why I called. Start the plan. Break the faggot's heart and
that's it we're done'
"Please"
hopeless niyang sagot
"No.
You need to do it now if you dont want me to shatter your dreams to pieces.
Remember, NASUDI."
"Ok."
tanging naisagot niya
"Good
boy. Galingan mo mamaya ah" at sinundan nito ng tawa ng demonyo
And the call
ended. Bumalik siya sa kinatatayuan ni Adrian and he cant even dare to look at
him straight in the eyes.
"Hon ,
may problema ba? Namumutla ka ata?" tanong ni Adrian sa kanya
Nagpakawala
siya ng buntong hiniga bago sumagot. "Ok lang hon pressured lang siguro
mamaya"
"Hindi
ka nag iisa hon, pressured din ako eh" simpatiya nito sa kanya
"Hon.."
hindi niya naituloy ang sasabihin
Bakit
hon?"
"Payakap
naman ako oh." wika niya dito
"Dito
hon?" nagaalangang sagot ni Adrian sa kanya siguro ay nagaalalang baka may
makakita sa kanilang estudyante gayung nasa hallway pa naman sila.
Truth is,
wala siyang pakialam. Gusto niya lang tong mayakap sa pagakakataong iyon.
"Please
hon" pagsusumamo niya dito.
Agad naman
itong tumalima. At niyakap niya ito ng mahigpit.. sobrang higpit na ayaw na
niya itong bitawan. Hirap na hirap na siya sa sitwasyon niya.
"Hon"
tawag niya ulit dito habang nakayakap ito sa kanya
"Hmm??"
si Adrian.
"Wag ka
ng maniwala sa fairytale" sagot niya dito
"Bakit
naman hon?" malambing nitong tanong sa kanya habang nakayakap pa rin ito.
"Kasi
may mga kwentong ang sarap paniwalaan ngunit sobrang layo sa katotohanan"
sagot niya
He was
praying that Adrian would react violently. Gusto niyang kumalas ito sa
pagkakayakap sa kanya and ask him again what's wrong?. Gusto na niyang sabihin
lahat-lahat dito. But Adrian did not dare to move, sobrang higpit pa rin ng
pagkakayakap nito sa kanya.
"Ang
lungkot nga ng ganun noh, yung tipong pagsapit ng alas dose si Cinderella at si
Prince Charming natapos ang pagsasayaw dahil kailangan na ni Cinderella na
bumalik sa katotohanan" sagot nito sa kanya na tila itinuring lang na
isang biro ang sinabi niya kanina
"Sana
nga hindi na tumakbo ang oras ngayong yakap kita Hon. Para hindi na bumalik sa
katotohanan si Prince Charming at para hindi na niya masaktan si
Cinderella." mahinang bulong niya dito
Kumalas ito
sa kanya ngunit ang mga mata ni Adrian ay hindi nagtatanong kundi natatawa.
"Hon
naman, parang baliktad naman yata yung sinabi mo ah" natatawang sagot ni
Adrian.
Nginitian
niya ito. It didnt worked. Gusto na niyang sabihin direkta dito na masasaktan
lang siya kapag pinagpatuloy pa nitong mahalin siya. Pero wala siyang lakas ng
loob para sabihin dito ang lahat dahil alam niya ang magiging kapalit ng
pinaplano niyang pagbubulgar.
"Hon?
Umiiyak ka ba?" inosenteng tanong nito sa kanya. Marahil ay napansin
nitong namumula na ang mata niya. Tila naman may isang bagay na bumabara sa
lalamunan niya sa tuwing makikita niya kung gaano kainosente ito magtanong. Sa
tuwing maiisip niya kung gaano ito masasaktan pag unti-unting naisakatuparan
ang plano.
Niyakap niya
ulit si Adrian. Hinimas niya ang buhok nito
at saka hinalikan sa noo.
"Hon.
Lagi mo lang tatandaan na Mahaaaal na Mahal na Mahal kita. Sobra." wika
niya dito habang mariin na pinipikit ang mata para mapigilan ang luhang
nagbabadyang malaglag.
"I love
you too hon" marahang sagot ni Adrian sa kanya.
"Sige
na hon. Ihahanda ko na yung minus one natin mamaya sa Auditons"
"Ok hon
kita na lang tayo dun" si Adrian.
Pinagmasdan
ni Adrian na lumayo si Jake. Napakasuwerte niya talaga dito, paano kasi
sinasakyan talaga nito ang kabaliwan niya lalo na kapag paulit-ulit nitong
binabanggit ang salitang fairytale. Hindi nga siya makapaniwala na may lalaking
kagaya ni Jake na magmamahal sa kanya. Kaya naman ipinangako niya sa sarili na
kung anong kurso ang kukunin nito ay yun din ang kukunin niya at kung anong
gusto nito ay yun din ang susundin niya. Kaya kinakabahan man ay pipilitin
niyang mag-audition sa NASUDI at kung tutuusin ay pagkakataon na rin niya ito
para ipakita niya sa ibang tao ang talento sa pagkanta.
Nagpasya
siyang maglakad-lakad ultit at maaga pa naman para sa Auditions ng Club,
mamayang 10 pa ito at habang alas 7 pa lang ay sasagap muna siya ng preskong
hangin at magmumuni-muni. Napiling piece ni Jake ang The Man Who Cant be Moved
ng The Script. Bagay naman dito cause Jake has a husky voice. Ngunit
kinakabahan man ay naglakas loob na lang siyang piliing kantahin ang Stronger
ni Kelly Clarkson. Nagtaka nga rin si Jake kung kaya niyang kantahin iyon
ngunit kumpiyansa naman siya boses niya. May narinig rin kasi siya na mas
pumapabor ang director ng NASUDI sa mga pop singer.
Nasa malalim
siyang pagiisip ng kakantahin niya ng may narinig siyang sumigaw ng pangalan
niya.
"Adrian!!!"
boses ito ng babae
Napalingon
siya sa direksyon ng boses nakita niya si Sabrina at Red na nakaupo sa isang
bench. Nagdalawang isip pa siya kung lalapit o hindi lalo na ng makita niya si
Red na nakatitig ng seryoso sa kanya. Napagpasyahan na lang niyang lapitan ang
dalawa.
"Adrian!"
sigaw ni Sabrina ng makalapit siya sa dalawa. Si Sabrina ang long time
girlfriend ni Jake at dito na rin ito nag-aaral.
"Oh
Musta Sabrina?" sagot niya sa mainit na pagtanggap nito. Sinadya naman
niyang huwag munang pansinin si Red.
"Ay
naku ito problemado sa Moks mo.. Paano naman kasi kanina pa yata bad trip. buti
na lang nakita kita kasi iiwan ko muna yan may mahalaga lang akong lalakarin
baka naman sakaling magsalita na mamaya ngayong makakausap ka na" masayang
tugon sa kanya ni Sabrina
Si Sabrina
siguro ang pinaka maunawaing girlfriend ni Red. Paano naman kasi eh nasasakyan
rin nito ang mood swings ni Red. At kahit naba-bad trip minsan si Red eh hindi
nito sinasabayan bagkus ay inuunawa nito ang kasintahan. Kaya naman ng
ibinalita ni Red na sila na ni Sabrina ay wala siyang patumpik tumpik pa na nag
thumbs up dahil alam niyang si Sabrina ang pinaka perpektong girl friend para
sa best friend niya at alam niyang magiging masaya ang dalawa.
"Oo
sige ba... Teka san ka ba pupunta?" tanong niya kay Sabrina
"May
aasikasuhin lang akong importanteng plano" si Sabrina sabay kindat kay
Adrian.
"Ok!
hehe. Tiyak magugustuhan yan ni Moks" natatawang sagot niya dito.
Binalingan niya ulit si Red ngunit hindi man lang ito ngumingiti at seryoso pa
ring nakatitig sa kanya.
"Sige
Adrian, maiwan muna kita saglit" pagpapa-alam ni Sabrina sa kanya.
"Sure"
tinanguan niya ito
"Bye
babe" nagpaalam si Sabrina kay Red at humalik sa pisngi para namang tuod
na walang pakiramdam itong si Red
Humakbang
papalayo si Sabrina sa dalawa at dinukot ang cellphone.
"Jake..
Do the plan as instructed. The fag is getting on my nerves" at pagkatapos
ay ibinaba niya ang cellphone. Nilingon niya ulit ang dalawa at kumaway kay
Adrian, she flashed her sweetest smile to her long time rival.
"Smile
until you can bitch" bulong niya sa
sarili habang patuloy na ngumingiti sa direksyon nila Adrian.
No comments:
Post a Comment