By: Inaro Marcelo
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail:
avanon1988@gmail.com
[06]
LOVE AT FIRST KISS
CHAPTER 6
January 2010, 4:35pm
Parang may kakaiba sa kwento ni
Jek-jek, kasi napansin ko sa tuwing mababanggit nito ang pangalan ni Ton-ton
parang kumikislap ang mga mata niya kasabay ang isang matamis na ngiti. Parang
alam ko na kung saan patungo ang kwento niya.
“Ahm…Jek-jek muhka atang espesyal
sayo ang Ton-ton na yan..” pahaging ko sa kaniya dahil hnd ko masabi ng diretso
sa ang hinala ko.
Ngumiti nanaman si Jek-jek na para
bang tinugon ang hinala ko. Sa pagkakakilala ko sa kaniya noong high school
mapili ito sa mga kinakaibigan niya lalo na sa mga babae kasi halos lahat ng
babaeng kinakaibigan ay umiibig sa kaniya. Grumadweyt nga kami na wala man lang
itong nakarelasyon.
“His my first love….. Inaro, I’am
gay..” nakangiting pag-amin ni Jek-jek.
Sobra akong nagulat sa rebelasyon
niya. Ni sa hinagap hindi ko nakakitaan ng kabaklaan si Jek-jek. Sa kilos o sa
salita man hindi mo mahahalata na kasapi pala ito ng federasyon. Andami tuloy
tanong ang pumasok sa isip ko.
“Anong nangyari Jek-jek?....anong
nangyari sa mahigit na tatlong taon na nawala ka?” ang naitanong ko sa kaniya.
His first love and their love story
continue….
--------------------------------------------------
March 2006, 10:00 pm,
Monday
“I’m sorry…” mga katagang hindi ko
malilimutan na sinabi ni Sir Ton-ton. Mahina man ito pero ramdam ko ang
sinseridad.
Napadilat tuloy ako ng mata, noong
una ay inisip ko lang na baka mali ako ng rinig na baka hindi si Sir Ton-ton
ang nagsasalita.
“I’m sorry…” mahinang sabi at
pag-ulit ni Sir Ton-ton.
Doon ko nakumpirma siya ang
nagsasalita. Tama ang naririnig ko at hindi ako nabibingi. Mula sa pagkakahiga
ay bigla akong tumayo sa higaan upang balingan si Sir Ton-ton at tanggapin ang
sorry nito.
“Wala po yun bo-…” ngunit napahinto
ako sa pagsasalita. Alam ko sa mga oras na iyun ay pulang-pula na ang mukha ko
sa hiya.
Nakahiga pala si Sir Ton-ton habang
yakap-yakap nito ang nasira kong bag niya at kinakausap. Napatitig sa akin si
Sir Ton-ton na magkasalubong pa rin ang kilay.
“Ano yun?..” iritadong tanong niya
sa akin. Naistorbo ko ata ang pakikipag one on one niya sa pobreng bag kaya
hayun at nagsusungit nanaman.
“Ah….eh…..wala…” ang nahihiya kong
sabi. Hindi ako maka-isip ng palusot dahil sa sobrang hiya. Agad-agad akong
bumalik sa kama at humiga patalikod sa direksyon ng kama ni Sir Ton-ton.
“Hayz…ano bang nasa isip mo
Jek-jek… assuming ka masyado.” Paninisi ko sa aking sarili. Hindi ko naman kasi
akalain na yung pagsosorry ni Sir Ton-ton ay para sa bag.
Pinilit ko na makatulog kahit na
ginugulo ni Sir Ton-ton ang buong diwa ko. Sa buong magdamag ilang beses akong
pagising-gising sa hindi ko malamang dahilan. At sa tuwing magigising ako ay
pinagmamasdan ko si Sir Ton-ton na mahimbing naman na natutulog.
March 2006, 7:10 am,
Tuesday
Maaga akong nagising kinabukasan
dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Hindi nga pala ako nakakain ng hapunan kagabi
kaya ganun na lang ang gutom ko pagkagising. Bumaba ako sa sala at naabutan ko
na nag-aalmusal sila King at Noel. Matapos ko silang batiin ng good morning ay
dumiretso na ako sa kusina para magtimpla ng kape at nagluto ng instant
noodles.
Pagkatapos ko magluto ay sumabay na ako kila
King at Noel na kumain sa sala.
“Jek-jek pasensya ka na nga pala sa
pinsan ko.” pagbubukas ng topic ni King.
“Ok lang, wala sa akin yun..”
nakangiti kong tugon sa kaniya.
“Mabait naman si Ton-ton eh, siguro
masyado lang niyang dinamdam yung
pagkakasira mo doon sa bag niya….” Sabi ni King.
Bigla naman akong nagtaka sa sinabi
ni King.
“Ha?....bakit ano bang meron sa bag
niya?..”
“May sentimental value kasi yun kay
Ton-ton..” si Noel.
“Anong sentimental value?..”
pagtatanong ko pa.
“Yung bag kasi na yun ang huling
regalo ng tatay ni Ton-ton sa kaniya bago ito namatay…” pagkwento ni King.
Hindi ko akalain na ganoon pala
kahalaga kay Sir Ton-ton ang bag niya. Kaya siguro ito humuhingi ng sorry sa
bag kagabi ay dahil nasira ito.
“At saka alam mo naman kung gaano
kasinop at ka-alaga sa gamit si Ton-ton, hanggat maari ayaw niyang may nasisira
o nawawala sa mga ito..” dagdag pa ni Noel.
“Bakit nga pala nagbakasyon si Sir
Ton-ton?..” inosente kong tanong kila King at Noel sabay higop ng mainit na
kape.
Sa nakita kong reaksyon sa dalawa
ay tila nagdadalawang isip pa ang mga ito kung sasabihin ba sa akin ang
dahilan.
“Okay lang kung ayaw niyong sabihin
sa akin…” pag-agap ko sa aking tanong.
“Ayos lang Jek-jek, basta kung ano
man ang malalaman mo huwag mo na lang mababanggit kay Ton-ton ah…” sabi ni
King. Tumango ako bilang pagtugon sa sinabi niya.
“Sobrang malapit iyang pinsan ko sa
kaniyang ama. Iniidilo nga niya ito sa lahat ng bagay. Sobrang bait at walang
bisyo, kaya lang noong nakaraang taon ay nagkasakit ang ama ni Ton-ton. Nang
mapacheck-up nila ito ay malala na pala ang sakit. At noong nakaraang buwan nga
ay namatay ang ama niya. Sobrang na depressed si Ton-ton, halos gabi-gabi
umiinom ito ng alak at laging nagwawala. Dati kaya pa niyang magpasensiya pero
ngayon kahit sa simpleng pagkakamali madali ng mag-init ang ulo niya. Pati nga
trabaho niya na apektuhan ng matindi. Kaya naman nag decide ang management ng
Pizza Resto na tanggalin si Ton-ton pero hindi pumayag ang manager niyo dahil
napakagaling nga naman na supervisor si pinsan. Ang naging resulta,
napagpasyahan na lang na bigyan ng two weeks vacation ito. Sa nakita naming
sigla ni Ton-ton kagabi mukhang kahit paano ay nakatulong ang bakasyon niya
para makapagmove-on sa kamatayan ng ama niya.” Mahabang kwento ni King.
Sa mga nalaman ko ngayon parang
unti-unting nawala ang anumang inis o galit ko kay Sir Ton-ton.
Napatango nalang ako
sa mga sinabi nila. Bigla akong nakonsensya sa nangyari sa bag. Ngayon
naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang pagkadisgusto sa akin ni Sir
Ton-ton. Hindi pala talaga sapat ang paghingi ng tawad, kailangan ko makaisip
ng paraan upang makabawi man lang sa kaniya at sa bag.
Pagkatapos ko mag almusal ay
gumayak na ako para sa trabaho. Paalis na ako ng boarding house ng magising si
Sir Ton-ton. Tulad ko ay namamaga rin ang mukha niya dahil sa naganap na
suntukan kagabi.
March 2006, 9:30am,
Tuesday
10am ang pasok ko sa
Pizza Resto, samantala 11am pa ang pasok ni Sir Ton-ton. Nangako ako kay Ma’am
Akiko na hindi na ako mala-late. Sa ngayon, medyo bad shhot ako sa maganda
naming manager kaya kailangan kong magsipag sa trabaho at magpa-impress.
Nakarating ako sa restaurant,
tatlumpong minuto bago ang duty ko. Matapos kong magpalit ng uniform ay
agad-agad akong tumungo sa kusina ng Pizza Resto. Tulad kahapon ay nag-observe
lang ako habang hinihintay ko ang trainor ko, si Sir Ton-ton.
Paminsan-minsan ay tumutulong din
ako sa mga crewmates namin kapag marami ang order. Busog na busog ang aking mga
mata sa mga nakikita ko sa loob ng kusina. Hindi ko nga akalain na mapapasok
ako sa ganitong trabaho. Nakakatuwa talagang pagmasdan ang mga crewmates ko
kasi mababanaag sa kanilang mga mukha ang kasiyahan sa kanilang ginagawa.
“Uy Jek-jek, tawag ka sa office ni
Ma’am…” tawag sa akin ni Dimples.
Si Dimples ang isa sa mga masasabi
kong ka-close ko na sa Restaurant. Napakabait niya, isa siya sa mga tumutulong
sa akin sa mga bagay-bagay na hindi ko alam sa Pizza Resto.
“Bakit daw Dimples?...” tanong ko
sa kaniya.
“Hindi ko alam eh, pero kausap niya
ngayon si Sir Ton-ton..” sagot ni Dimples.
“Ganun ba, sige salamat…”
“Ayos lang…ahm…ang cute mo pala kapag may
black eye…uso ba yan? Si Sir Ton-ton kasi meron din ahaha..” pagpansin ni
Dimples sa aking mukha.
“Hehehe…nadulas kasi ako sa
hagdan…” pagsisinungaling ko sa kaniya.
“Kawawa naman yung hagdan
ahahaha..” pagbibiro pa ni Dimples na talagang ikinangiti ko ng sobra.
“Hanep, sa hagdan ka pa talaga
naawa.” Tampo-tampuhan ko namang sabi.
“Joke lang, ito naman…hehehe… sige
na pumunta ka na sa office.” Natatawa na ring sabi ni Dimples.
“Sige..” paalam ko sa kaniya.
Umalis ako sa station namin at
dumiretso sa office. Hindi ko namalayan ang oras, dumating na pala si Sir
Ton-ton.
“Sana naman hindi na magsungit sa
akin si bossing..” bulong kong hiling sa aking sarili habang palapit ako ng
palapit sa office.
Pagdating sa tapat ng office ni
Ma’am Akiko ay kumatok ako agad at pumasok. Pagbungad ko pa lang sa loob ng
kwarto ay todo ngiti si Ma’am Akiko pagkakita sa akin pero kabaligtaran naman
noon ang makikita kay Sir Ton-ton, walang emosyon ito, hindi nakangiti pero
hindi rin nakasimangot.
“Good morning po Ma’am…Sir..” bati
ko sa dalawa. Umupo ako sa harap ng lamesa ni Ma’am Akiko paharap naman sa
kinauupuan ni Sir Ton-ton.
“Good morning din Jek-jek..”
nakangiti pa rin si Ma’am Akiko. Wala naman akong nakuhang tugon mula kay Sir
Ton-ton.
“Oh well, I presume you already
know each other better as I can see in your face…ahaha..” pagbibiro ni Ma’am
Akiko.
Napayuko naman ako bigla sa sinabi
nito. Siguradong may ideya na si Ma’am Akiko kung bakit may black eye at maga
ang mukha namin ni Sir Ton-ton.
“Balita ko magka-roomate na kayo sa
boarding house…” dagdag pa ni Ma’am Akiko.
“Po?..” gulat kong sabi.
“Sino naman nagsabi sa iyo
niyan?..” gulat din na tanong ni Sir Ton-ton.
“Sa pinsan mo…kay King..” sagot ni
Ma’am Akiko na hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi.
“Kay king?!!..” sabay naming tugon
ni Sir Ton-ton.
“Kilala ni Ma’am si King?..hmmm” sa
isip ko lang.
“Relax guys ok?... ka-txt ko si
King kagabi he told me everything, tawa nga ako ng tawa sa kuwento niya..”
pahayag ni Ma’am Akiko. Napapailing na lang si Sir Ton-ton sa narinig.
“Anyway, gusto ko lang sana
i-remind na hangga’t maaari ay cease fire muna kayo kapag nandito sa Resto, ist
that clear Jek-jek?..” baling sa akin ni Ma’am
“Yes Ma’am…” sagot ko.
“How about you babe, is that
clear?...” baling naman ni Ma’am Akiko kay Sir Ton-ton.
“Teka…. Ano raw?... babe?” tanong
ko sa aking isip.
“I heard you babe…” sagot naman ni
Sir Ton-ton.
Sa sagot ni Sir Ton-ton, nakumpirma
kong may relasyon sila ni Ma’am Akiko. Kaya pala kilala ni Ma’am Akiko si King
dahil nobyo niya ang pinsan nito. Bagay na bagay silang dalawa. Isang gwapo at
isang maganda, perfect couple kung baga. Pero sa isang banda, hindi ko malaman
kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang.
“Alright then, back to work guys…”
pagkuwan ay sabi ni Ma’am Akiko.
Tumayo at naglakad ako palabas ng
office na para bang kay bigat ng damdamin ko. Hindi ko maintindihan ang
nararamdaman, para akong nalulungkot sa hindi malaman na dahilan. Ang weird.
Gayunpaman nag-focus pa rin ako sa mga tinuturo sa akin ni Sir Ton-ton sa kusina. Mula sa preparation, cooking,
garnishing at serving ng food ay itinuro niya sa akin.
Sa buong araw ng duty namin hindi man lang
nag-abalang makipagkwentuhan sa akin si Sir Ton-ton. Kahit sa iba ko pang
crewmates kapag binabati siya ay wala itong reaksyon. Pero hindi ako
nagpa-epekto sa kasupladuhan ni Sir Ton-ton dahil ang mahalaga sa akin ngayon
ay makabawi sa kaniya at sa nasira kong bag.
Nauna na akong umuwi kay Sir
Ton-ton matapos ang duty ko. Pagdating sa boarding house ay dumiretso na ako sa
kwarto at nahiga sa kama. Marahil sa sobrang pagod ay agad akong nakatulog.
Hindi ko makita ang daan
dahil sa mga luhang nag-uunahang lumabas
sa aking mga mata. Nakakakilabot ang katahimakan ng gabi, tanging paghikbi at
kalampag ng tibok ng aking puso ang aking naririnig. Napakadilim, sa sobrang
dilim halos madapa na ako sa aking pagtakbo. Oo, tumatakbo ako sa mga oras na
iyon na hindi alam ang patutunguhan.
Isang lalaki ang humahabol sa akin
na may hawak na patalim. Nakakatakot ang kaniyang anyo na tila sinapian ng
dimonyo. Ang mga mata ay nanlilisik sa sobrang galit. Galit na galit ito na
parang gusto akong katayin tulad sa isang baboy ramo at himay-himayin ang aking
kalamnan.
Sobrang gulo ng pangyayari, hindi
ko siya kilala at hindi ko rin maintindihan kung bakit ibig niya akong patayin.
Pumasok ako sa madilim na eskinita.
Huli na ng malaman kong wala na pala akong lulusutan doon. Naabutan ako ng
lalaki at palapit na ito ng palapit sa kinatatayuan ko. Natuliro ako sa mga oras
na iyon. Gustuhin ko man lumaban ngunit siguradong ako lang din ang
mahihirapan. Lumingon ako sa paligid upang makahanp ng kahit katiting na
pag-asa ngunit bigo ako. Napaluhod ako at pilit na kinausap ang lalaki. Hindi
ko na pinansin ang magkahalong luha at sipon sa aking mukha. Nagmakaawa ako sa
kaniya ngunit tila nabingi na ang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko sa takot ng
akmang itutulos na niya sa akin ang patalim.
“ HUWAAAAAAAG!!!!!” sigaw ko sa
katahimikan ng gabi.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses bumaon sa aking
katawan ang patalim na hawak niya. Napahandusay ako sa eskinitang iyon na puno
ng sarili kong dugo. Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unting nilamon ng
kadiliman ang aking kamalayan.
Patay na ba ako? Hindi ko alam.
Basta nagising na lang ako ng dahil sa isang halik.
-itutuloy
[07]
LOVE AT FIRST KISS
CHAPTER 7
January 2010, 4:40pm
Ubos na ang slice cake at espresso
ko, pati na rin ang muffins at fruitshake ni Jek-jek.
“Sleeping Beauty ikaw ba yan?...”
pagbibiro ko sa kaniya.
“Adik…. Ahahaha…” pagtawa niya sa
biro ko.
“But seriously… a kiss?..” tanong
ko sa kaniya.
Huminto sa kakatawa si Jek-jek,
bigla itong tumingin sa akin ng seryoso bago ulit nagsalita.
“Yeah…. That special kiss… wala
akong matandaan sa…” pagpapatuloy niya
Jek-jek continue the story….
--------------------------------------------------
March 2006, 2:00am,
Wednesday
Nagising akong umiiyak at aligaga.
Ngunit wala akong matandaan kahit isa sa masamang panaginip na iyon. Pinilit ko
ang sarili na alalahanin ang mga nangyari ngunit sumakit lang ang ulo ko. Pero
hindi ko alam kung bakit, bigla ko na lang hinawakan ang aking mga labi. Isang
eksena ang pumasok sa aking isip. Isang halik, hinalikan ako sa aking
panaginip. Niligtas ako ng halik na iyon mula sa isang bangungot.
“Sino kaya siya?....” tanong ko sa
aking sarili at nagpakawala ng isang buntong hininga.
Pinilit kong balikan ang mga eksena
pero wala talaga akong maalala. Napatingin ako sa buong paligid ng kuwarto
hanggang sa nagawi ang mata ko sa kama ni Sir Ton-ton. Wala siya. Nag-iisa lang
ako sa silid na iyon.
Tumayo ako at lumabas. Bumaba ako
sa hagdan at dumiretso sa kusina para uminom. May ilaw sa bahagi ng boarding
house namin na iyon, nagpapahiwatig lang na may tao sa kusina. Si Sir Ton-ton
pala, naabutan ko siyang naghihilamos. Wala itong damit pang-itas at naka boxer
short lang siya.
“Ehem….”pagsamid ko sa kaniyang
likuran.
Nagulat ito sa aking ginawa.
Humarap ito sa akin na parang balisang-balisa. Nanginginig siya na para bang
nahuli sa aktong may ginagawang masama. Nagkatitigan kami, pagkalito ang
nakikita ko sa mga mata niya. Ilang minuto din yun at ako na ang bumasag sa
katahimikan naming dalawa.
“Sorry, nagulat ba kita?....”
pagpapaumanhin ko.
Ngunit ako naman ang nagulat sa
naging tugon niya.
“Sa susunod wag kang matutulog ng
nakatihaya para hindi ka bangungutin..” pagkatapos niyang magsalita ay
dali-dali itong umalis at umakyat na sa aming kuwarto.
Naiwan ako sa kusina na litong-lito
sa inasta ni Sir Ton-ton. Alam pala nito na binabangungot ako pero hindi man
lang niya ako ginising. Minsan tuloy hindi ko na maintindihan ang pagiging
masungit nito.
Uminom na ako ng tubig at bumalik
sa kuwarto. Nakahiga na si Sir Ton-ton marahil ay natutulog na ito. Humiga na
rin ako at bumalik sa pagkakatulog. Tulad ng sinabi ni Sir Ton-ton, hindi na
ako natulog ng nakatihaya.
Lumipas ang ilang araw at gabi na
paulit-ulit akong binabangungot hanggang sa maalala ko na ang bawat eksena sa
masamang panaginip na iyon. Ang pagtakbo ko, pag-iyak at pagmamakaawa ko. ang
lalaking humahabol sa akin, ang patalim, eskinita at ang dugo. Ngunit ang lubos
na aking pinagtataka ay sa tuwing mapapaginipan ko ito ay magigising na lang
ako sa isang halik sa aking panaginip. At sa bawat pag-gising ko
pinagkikibit-balikat ko na lang ang mga ito.
Lumipas din ang ilang araw at
marami-rami na rin ang natutunan ko kay Sir Ton-ton sa pagtratrabaho sa Pizza
Resto. Walang imikan at walang pakialamanan, yan ang samahan na meron kaming
dalawa. Hindi mo aakalain na iisang bahay at kuwarto ang aming tinutuluyan.
Isang malaking gap ang nabuo sa pagitan naming dalawa. Sa tuwing tatangkain ko
na kausapin o makipagkwentuhan sa kaniya ay bigla itong iiwas at susupladuhan
ako. Kinakausap lang ako ni Sir Ton-ton kapag tungkol sa trabaho.
At sa mga ilang araw din na lumipas
ay nasaksihan ko rin ang pagmamahalan nila Sir Ton-ton at Ma’am Akiko.
Napakasuwerte nila sa isa’t-isa. Kitang-kita ko ang sweetness nila, mga
simpleng holding hands, yakapan at mga nakaw na halik. Isang taon na silang may
relasyon. Sa loob ng isang taon na iyon, sabi ng mga crewmates ko hindi man
lang nag-away ang supervisor at manager namin. Galing sa mayaman na pamilya si
Ma’am Akiko, ginagalang at tinitingala ang angkan nila, pero hindi naging
hadlang ang mga ito sa relasyon nila ni Sir Ton-ton kahit galing naman ito sa
mahirap na pamilya. Minsan tuloy hindi ko mapigilan ang ma-inggit sa kanila.
Ngunit mapagbiro talaga ang
tadhana, sa bawat saya ay may katumbas na kalungkutan. Ang masayang relasyon
nila Sir Ton-ton at Ma’am Akiko ay biglang nagbago.
April 2006, 7:00pm,
Saturday
Araw ng Sabado noon, sobra akong
napagod sa buong duty ko dahil sa dami ng customer. Day-off ni Sir Ton-ton.
Nakakapanibago ang araw na iyon, dahil noon kahit day-off siya ay pumupunta pa rin ito sa restaurant para
yayain mag dinner or mag date sila ni Ma’am Akiko pero ni anino niya hindi ko
nakita. Samantala si Ma’am Akiko ay buong araw na nagkulong sa kaniyang office.
Palabas na ako ng Pizza Resto ng
pinatawag ako ni Ma’am Akiko. Agad naman akong nagpunta sa kaniyang opisina.
Pagpasok ko roon ay bumungad sa akin ang amoy ng alak sa buong silid. Nakaupo
si Ma’am Akiko sa swivel chair na
halatang lasing na ito. Pinaupo niya ako sa harapan ng lamesa at kinausap ng
seryoso. Nagtagal din ako roon ng mga sampunong minuto bago tuluyang umuwi.
Hindi ako mapakali sa loob ng jeep
na sinasakyan ko dahil sa mga sinabi ni Ma’am Akiko. Hanggang sa mga oras na
iyon ay nakatatak pa rin sa akin ang itsura niya habang nagsasalita. Wasted, iyon
ang nakikita ko.
Nakarating ako sa boarding house at
agad na hinanap si Sir Ton-ton ngunit wala ito. Tinanong ko ang mga kaboardmate
namin ngunit wala din silang alam kung nasaan si Sir Ton-ton.
Alas-diyes na ata ng gabi ng
dumating si Sir Ton-ton, amoy alak din ito. Agad ko siyang kinausap dahil
talagang nag-aalala ako sa mga nangyayari sa kanila ni Ma’am Akiko.
“Kanina pa kita hinihintay….san ka
ba galing?..”tanong ko kay Sir Ton-ton
“Wala kang pakialam….” Asik naman nito sa
akin.
“Kinausap ako ni Ma’am Akiko
kanina….” Pagbabalewala ko sa kasungitan niya. Napatingin naman ito sa akin ng
diretso na magkasalubong ang kilay.
“Anong pinag-usapan niyo?...” seryoso
nitong sabi.
“Sabi niya…” ngunit hindi ko
naituloy ang sasabihin ng biglang tumunog ang cellphone ni Sir Ton-ton. Hinugot
niya sa bulsa ang cellphone at agad na sinagot.
Kitang-kita ko ang pagbabago sa
ekspresyon ng mukha ni Sir Ton-ton. Magkahalong kaba at takot ang mababanaag sa
maamo niyang mukha.
“Saang hospital?....” rinig kong
tanong niya sa kabilang linya.
“Sige salamat…” pinutol na ni Sir
Ton-ton ang tawag at agad na lumabas ng boarding house.
Litong-lito naman ako sa nagyayari
hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili na sumusunod kay Sir Ton-ton.
Naabutan ko siyang nag-aabang ng tricycle.
“Ano bang nangyayari?...” nalilito
kong tanong sa kaniya.
Ngunit hindi niya ako sinagot.
Sumakay din ako sa tricycle na pinara niya. Balisang-balisa naman si Sir
Ton-ton. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Ilang minuto pa ang lumipas
at nakarating din kami sa hospital na sinabi ng kausap niya kanina. Hindi ko malaman
kung bakit naroon kami sa lugar na iyon. Dirediretso kami sa emergency room.
Nakita namin si Dimples at iba pa naming mga kasamahan sa trabaho.
“Asan siya?...” tanong agad ni Sir
Ton-ton
“Nasa loob pa po Sir…” sagot naman
ni Dimples.
“Ano ba ang lagay ng Ma’am
niyo?...”
Nagulat ako. Si Ma’am Akiko pala
ang naroon. Sa sobrang kalasingan raw ni Ma’am Akiko ay na aksidente ito sa
pagmamaneho. Pinilt daw nila na wag na itong mag drive pero matigas daw talaga
ang ulo nito. Sobrang bilis daw ng takbo ng kotse niya at nawalan ito ng preno.
Pagsasalaysay ng mga kasama namin sa trabaho.
Hindi ko akalain na aabot sa
ganito. Lahat kami ay hindi mapakali kahihintay sa paglabas ng doctor. Iba sa
mga kasama namin ay pinauuwi na ni Sir Ton-ton dahil maaga pa ang pasok bukas.
Naiwan kaming dalawa. Tahimik.
Makalipas ang isang oras pa ay
lumabas na rin ang doctor mula sa emergency room. Agad itong sinalubong ni Sor
Ton-ton.
“Doc..kamusta na po siya?...”
balisang tanong ni Sir Ton-ton.
“Im sorry to tell you this but
she’s in coma…. Medyo malala ang head injury ng pasyente. Masyadong nabugbog
ang ulo niya dahil sa pagkakabangga. Pero may mas malaking problema pa dito…” pambibitin
ng Doctor.
“Ano po yun Doc?....” kinakabahang
tanong ni Sir Ton-ton. Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila.
“Tinamaan ng tubo ang atay ng
pasyente at nadamage ito, kailangan siyang dalhin sa Germany as soon as possible
to undergo stem cells or liver transplant….” Pagbubunyag ng Doctor.
Doon na parehong tumulo ang luha
namin ni Sir Ton-ton, hindi mapakapaniwala na may mga ganoong pangyayari sa
tunay na buhay. Sobra talaga akong naawa sa kalagayan ni Ma’am Akiko.
Kitang-kita ko ang panlulumo sa inasta ni Sir Ton-ton alam kahit hindi niya
sabihin ay naguiguilty siya sa nangyayari.
Ilang oras pa ang
lumipas at dumating na ang pamilya at kamag-anakan ni Ma’am Akiko at agad-agad
na inasikaso ang mga papeles para dalhin si Ma’am Akiko sa Germany. Hindi raw
alam ng mga Doctor kung hanggan kailan aabutin ang recovery nito.
Umuwi kami ni Sir
Ton-ton sa boarding house na pasikat na ang araw. Pareho kaming walang imik at
tulala. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kuwarto namin ay agad ko siyang
binalingan.
“Bakit?.... bakit ka
nakipaghiwalay sa kaniya?...” seryoso kong tanong kay Sir Ton-ton.
“She does’nt deserve
me….” Walang emosyon na sabi niya.
“And do you think she
deserves this?.... ang maaksidente at mag-agaw buhay?..” sigaw ko na sa kaniya.
“Gusto ko lang siyang
palayain at maging totoo sa sarili ko…”
“Ang selfish mo,
maging totoo sa sarili mo?... sana nagging totoo ka rink ay Ma’am Akiko, sana
sinabi mo sa kaniya kung bakit ka nakipaghiwalay, sana naman naisip mo na
puwedeng mangyari ang ganito…” paninisi ko sa kaniya.
“Don’t blame me as if
you know everything….”
“ Kahapon bago ako
mag-out sa work kinausap niya ako, sabi niya sabihin ko raw sa’yo na mahal na
mahal ka niya paulit-ulit niyang sinasabi sa akin yun. Sobrang sama ng loob
niya dahil sa isang iglap bigla kang nagbago and worst nakipaghiwalay ka pa sa
kaniya… ano pa?...ano pa ang hindi ko alam?!!!!...”
“It’s none of your
business!!... bakit ka ba nakikialam?....bakit ba ang hilig mong guluhin ang
buhay ko..” pag-sigaw pa niya sa akin. Tuluyan ng umiyak si Sir Ton-ton.
Napatitig ako sa
ginawa niyang pag-iyak. Sobrang hopeless
nito. Nayanig naman ako sa mga huling salitang binitawan niya. Guluhin ang
buhay niya? Hindi ko maisip kung paano ko ba nagulo ang buhay niya.
Hindi ko alam kung
bakit parang may nag-udyok sa akin na lapitan siya at yakapin.
Niyakap ko siya ng
mahigpit upang ipadama sa kaniya na andoon ako para makiramay sa mga
pinagdadaanan niya. Marahil sa pagod ka-iiyak ay nakatulog ito sa aking mga
bisig. Ako naman ay pinagmasdan ang kaniyang mukha.
“Ano bang meron ka at
lagi na lang ganito ang nararamdaman ko sa tuwing ganito ka kalapit sa
akin?....bakit ba hindi ko magawang magalit o magtampo man lang sayo… ano bang
meron ka Ton-ton?” pipi kong tanong sa aking sarili.
Ilang minuto pa ang
lumipas at hindi ko na namalayan na ako ay nakatulog na kayakap ang taong
nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
-itutuloy
[08]
LOVE AT FIRST KISS
CHAPTER 8
January 2010, 4:45pm
Ramdam ko ang kalungkutan ni
Jek-jek sa parte ng kuwento niyang iyon. Pagkaawa rin ang naramdaman ko sa
sinapit ni Ma’am Akiko samantalang nainis ako ng bahagya sa inasta ni Sir
Ton-ton.
Sa gitna ng kaniyang
kuwento ay biglang tumunog ang cellphone ko, paghihiwatig na may nag-txt sa
akin na galing sa isa sa mga katrabaho ko. Natawa ako ng bahagya sa message
nito.
“Girlfriend mo?....”
tanong sa akin ni Jek-jek patungkol sa binabasa kong txt.
“Ha?... ah hindi…
officemate ko…” sagot ko.
“Weh?... eh bakit
parang kinikilig ka diyan?...”
“Hindi nga… medyo
natawa lang ako sa txt niya.” Sagot ko ulit.
“Tungkol naman
saan?...” pangungulit pa nito.
“Sa lapis at eraser…”
sabi ko sabay ngiti.
“Lapis at
eraser?...hmmm…” biglang napa-isip si Jek-jek.
“Oh bakit napapatango
ka diyan?... alam mo yung istorya ng lapis at eraser?” namamangha kong tanong.
“Yeah, so long time
ago…” sagot ni Jek-jek na parang siya naman ang kinikilig.
“Wait, what happens
next?...” tanong ko tungkol sa nabitin na kuwento niya.
Jek-jek paused a
while, then he continue the story with full of excitement in his voice…
--------------------------------------------------
Pagkatapos ng
pangyayari na iyon, ang pagkaka-aksidente ni Ma’am Akiko ay nagdulot ng
maraming pagbabago kay Sir Ton-ton.
Napansin ko na mas
lalo pa itong naging tahimik at parang ayaw na makisalamuha sa ibang tao. Kahit
ang pinsan niya na si King ay wala ring nagawa. Oo nga at hindi na ito
masyadong nagsusungit pero mas ikinabahala namin ang pagiging mapag-isa nito at
paminsan-minsan ay nahuhuli naming nakatingin sa kawalan at bigla-bigla na lang
ito iiyak.
May 2006, 9:00pm,
Sunday
Ginabi na ako ng uwi
dahil nag-overtime pa ako sa restaurant. Sobrang bigat ng pakiramdam ko
pagpasok na pagpasok ko sa boarding house. Ang totoo ay kanina pa ako hindi
mapakali dahil nabalitaan ko na nag-resign na si Sir Ton-ton sa trabaho niya.
Naabutan kong
nag-iinuman ang mga ka boardmate ko na sila King, Noel, Andrew, Jay-ar at Sir
Ton-ton. Munting salo-salo raw iyon dahil bukas ay aalis na rin pala si Sir
Ton-ton sa boarding house at uuwi na ito sa probinsya nila. Lalo tuloy ako
nakaramdam ng kalungkutan sa balitang iyon. Nakisali na ako sa umpukan nila.
“So pinsan anong
gagawin mo sa probinsya pag-uwi mo?...” si King.
“Hindi ko pa alam
pinsan…” walang ganang sagot ni Sir Ton-ton.
“Babalik ka pa
ba?...” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman sa akin ang mga kaboardmate namin
sa aking tanong. Kahit ako ay nabigla kung bakit ko ba nasabi iyon. Tumingin ng
diretso sa akin si Sir Ton-ton. Mata sa mata.
“Hindi ko pa rin
alam…” seryoso niyang sagot sa akin. Sa unang pagkakataon sinagot ako nito ng
matino na walang pagsusungit.
“Ano ba iyan, lahat
naman ng tanong namin puro hindi mo alam
ang sagot ehe…” si Noel.
“Hon naman
pagpasensyahan mo na itong si pinsan at wala nga sa tamang katinuan yan tsk
tsk…” si King
“Pasensiya na kayo sa
mga pinag-gagawa ko… alam ko nagiging pabigat na rin ako sa inyo..”
pagpapaumanhin ni Sir Ton-ton.
“Naku ito namang si
Ton-ton, sus wala yun pare basta hangga’t kailangan mo ng tulong andito lang
kami…” si Jay-ar naman ang sumabat.
“Salamat mga pare…”
si Sir Ton-ton.
Sa mga oras na iyon
ay umaatikabong kuwentuhan ang nangyari sa kanila habang ako ay nakikinig lang
sa mga pinag-uusapan nila. Hindi ko maintindihan ang sarili noong gabing iyon
parang gusto kong ma-iyak na hindi ko naman magawa. Masayang-masaya ang mga ito
sa biruan nila, noon ko lang ulit nakitang tumawa si Sir Ton-ton.
Habang nasa gitna ng
tawanan ay biglang hinablot ni Jay-ar ang cellphone ni Andrew na lubos naming
pinagtaka.
“Ibalik mo nga sa
akin iyan…” naiinis na wika Andrew. Ngunit imbes na ibalik ay nagbasa pa ng txt
si Jay-ar at matapos basahin ang mensahe ay tumawa ito ng tumawa na parang ba
wala ng bukas.
Kinabig ni Andrew si
Jay-ar at binatukan sabay hablot sa cellphone niya, tumawa na rin kami sa
eksenang nakita.
“Ano ba yung nabasa
mo Jay-ar at wagas ka kung makatawa?…” tanong ni Noel.
“Yung txt kasi kay
Andrew apaka corny…” natatawang sabi ni Jay-ar.
“Ano ba yun
Andrew?...” curious na rin si King habang kami ni Sir Ton0ton ay naghihintay na
rin sa sagot ni Andrew.
“Tungkol lang sa
lapis at eraser…” sagot ni Andrew at kinuwento nga nito ang istorya ng Lapis at
Eraser.
Lapis: sorry!
Eraser: para saan?
Lapis: kasi sa tuwing
nagkakamali ako binabawasan mo ang parte nang sarili mo para lang maitama ako.
Eraser: ayos lang
yun, ginawa talaga ako para sa’yo, at sana kapag nawala ako, mahanap mo ang
bagong magtatama nang mga pagkakamali mo.
Lapis: sige,
sisikapin kong hindi na magkamali, huwag ka lang mawala sa akin.
Matapos ang maikling
kuwento na iyon ay parang sobra akong na-apektuhan sa naging pag-uusap ng lapis
at eraser. Napatingin ako kay Sir Ton-ton at nakita kong nakatingin rin ito sa
akin. Para akong malulusaw sa ginawa niyang pagtitig. Nakaramdam ako ng
kakaibang init sa aking katawan, dahil doon ay yumuko ako at hindi na muling
tiningnan si Sir Ton-ton.
Hating-gabi na ng
matapos ang simpleng salo-salo na iyon. Nagpresinta na ako na ang maglilipit ng
sala dahil hindi naman ako nakainom. Isa-isa nang pumasok ng kuwarto sila
Andrew, Jay-ar, King at Noel. Naiwan kami ni Sir Ton-ton sa sala.
“Tulungan na kita…”
sabi ni Sir Ton-ton sabay kuha ng mga plato sa mga kamay ko.
“Sige na magpahinga
ka na Sir Ton-ton, ako na ang maglilinis ng mga ito, lasing ka na…” pagtanggi
ko.
“Hindi naman ako lasing,
nakainom lang… sige na tulungan na kita” hindi na ako tumanggi pa sa
pangungulit nitong tumulong.
Matapos malinis ang
sala ay umupo pa muna kami sa sofa bago umakyat sa aming kuwarto. Pareho kaming
tila nangangapa pa ng sasabihin noong una ngunit hindi ko na talaga napigilan
ang sarili ko at ako na ang unang nagsalita.
“Anong balak mo
pag-alis dito?...” tanong ko sa kaniya.
“Gusto kong
makalimot…” sagot nito sa akin.
“Pagkatapos?...”
“Gusto kong hanapin
ang sarili ko…” sobrang seryoso ng sagot na iyon ni Sir Ton-ton. Hindi ko
masyadong naintindihan ang mga naging sagot niya.
“Pasensiya ka na sa
mga kapalpakan ko…” sabi ko.
“Sorry rin sa
kasungitan ko…” sabi naman ni Sir Ton-ton.
Nagkatawanan kaming
dalawa. Sa isang iglap parang nawala ang anumang pader na nakaharang sa aming
dalawa. Nakakapanghinayang lang na kung kailan ito aaliis ay saka lang kami
nagkaroon ng pagkakataon na magka-kwentuhan ng ganito.
“Hindi ka na ba
babalik?...” pagkuwan ay tanong ko sa kaniya.
“Bakit hihintayin mo
ba ako?...” naging tugon naman ni Sir Ton-ton. Aaminin ko hindi ko napaghandaan
ang tanong niyang iyon. Hindi ako nakasagot. Nagkatinginan lang ulit kami at
maya-maya pa ay para kaming baliw na nagtatawanan.
Tumatak ng sobra sa
isipan ko ang huling gabi na iyon ni Sir Ton-ton sa boarding house. Ilang
minuto pa ang lumipas at umakyat na rin kami sa kuwarto para matulog. Pagkahiga
ko ay agad kong pinikit ang mga mata ko at natulog ng may mga ngiti sa labi.
May 2006, 10:00am,
Monday
Kinabukasan ay
tanghali na ako nagising. Wala akong pasok sa araw na iyon. Agad akong bumangon
at unang hinanap ng aking mga mata si Sir Ton-ton. Wala na ito sa kama niya.
Bumaba ako sa sala ngunit wala siya, sa kusina ay wala rin siya. Napaupo ako sa
isa sa mga baiting ng hagdan. Hindi ko na naabutan si Sir Ton-ton. Umalis na
siya ng hindi man lang ako nakapagpaalam.
Upang hindi ko maisip
masyado ang pag-alis ni Sir Ton-ton ay sinikap kong maging busy sa buong araw.
Naglinis ako ng sala, kusina, at banyo. Naglaba ako ng mga maruruming damit
kasabay ang mga kumot at punda ng unan ko.
Nilinis ko rin ang
kuwarto namin ni Sir Ton-ton. Ang kuwartong naging saksi sa mga pinagdaanan
namin ni Sir Ton-ton. Humiga ako sa kama niya. Pilit kong iniisip na sana ay
hindi na lang umalis si Sir Ton-ton. Nagawi ang tingin ko sa cabinet niya.
Binuksan ko ito ngunit wala ng laman ang loob nito maliban sa isang nakatiklop
na puting papel.
Kinuha ko ang papel
at binuklat. Nanginginig ang mga kamay ko habang binabasa ito. Para sa akin ang
sulat. Hindi ko malaman ang mararamdaman matapos basahin ang sulat na iyon.
Jek-jek,
Sa mga oras na ito ay
siguradong nasa biyahe na ako pauwi ng probinsya habang binabasa mo ang sulat
na ito. Gusto ko sana humingi ng paumanhin kung hindi na kita ginising at
nakapagpaalam. Pasensiya na rin sa kasungitan ko, hindi ko man nasasabi sa iyo
noon pero gusto kong malaman mo na bilang trainor mo ay ay sobra akong proud sa
iyo dahil napakadali mong matuto. Lagi mo sanag iingatan ang sarili mo, ikaw na
ang bahala sa kuwarto natin.
Sayang at hindi man
lang tayo masyadong nakapag-bonding at nagkakilala ng lubos. Sa pag-alis kong
ito ay sana hindi mo ako makalimutan. Sana sa oras na mahanap ko na ang lahat
ng mga kasagutan sa mga gumugulo sa isip ko ay nandirito ka pa rin sa boarding
house at sana kapag nahanap ko na ang sarili ko mahintay mo pa ko sa pagbabalik
ko.
Ton-ton
Matapos basahin ang sulat niya ay
walang humpay na pag-iyak ang ginawa ko. Sa mga oras na iyon ay mlinaw na sa
akin ang lahat. May kung anong puwang sa puso ko si Sir Ton-ton kaya ako
nasasaktan sa kaniyang pag-alis.
-itutuloy
[09]
LOVE AT FIRST KISS
CHAPTER 9
January 2010, 4:50pm
“Naniniwala ka ba sa
love at first kiss?” pagkuwan ay tanong sa akin ni Jek-jek.
“Ha?.... baka love at
first sight ang ibig mong sabihin…” nagtataka kong turan sa tanong niya.
“Hindi… love at first
kiss nga..” pamimilit pa rin nito.
“Hanep, ano ba yun? Nahalikan
ka lang, na-inlove na agad? Parang one night stand, ganoon ba?” naguguluhan
kong tanong sa kaniya.
“ahahahaha…” tumawa
na ito habang ako ay gulong-gulo sa mga sinasabi niya.
“Linawin mo kaya yang
love at first kiss na sinasabi mo..” naiinis kong sabi.
And beyond his laugh,
hid story continued….
---------------------------------------------------
June 2006, 6:00pm,
Monday
Mahigit isang buwan
ang mabilis na lumipas, simula nang umalis si Sir Ton-ton, ay para akong tanga
na naghihintay sa kaniyang pagbabalik. Wala man kasiguraduhan ay umaasa pa rin
ako na babalik siya tulad ng sinabi niya sa sulat. Walang gabi na hindi ko
pinapanalangin sa Maykapal na sana ay bumalik na ito.
Sinubukan kong
labanan ang anumang nararamdaman ko para kay Sir Ton-ton pero hindi ko rin iyon
nagawa sa halip ay parang lalo pang tumindi ang pagmamahal ko para sa kaniya.
Minsan nga naiinis na
ako sa sarili ko dahil kahit sa oras ng trabaho ay laging sumisingit ang mga
alaala namin ni Sir Ton-ton. Oo nga at nagsimula kami sa isang cold war ay
nahulog pa rin ang loob ko sa kaniya. Gustuhin ko man na kalimutan siya ay
hindi ko nagawa dahil mapa noarding house o sa restaurant ay parang nakikita ko
si Sir Ton-ton.
Ewan ko ba, kung
tutuusin wala naman kaming magandang alaala sa isa’t-isa maliban noong huling
gabi na nagkausap kami at kahit paano ay nagka-ayos,
Tulad din sa sinabi
ni Sir Ton-ton sa kaniyang sulat ay sobra-sobra rin ang panghihinayang ko dahil
hindi nga kami nabigyan ng pagkakataon na makapag-bonding man lang, kung sakali
man na bumalik ito ay ipinangako ko sa aking sarili nagagawin ko ang lahat
maging magkaibigan lang kami.
“Magkaibigan nga lang
ba?....” minsan ay naitatanong ko sa aking sarili. Oo, hanggang magkaibigan
lang kami. Hindi naman ang tipo ni Sir Ton-ton ang papatol sa kapwa niya
lalaki. Kaya hangga-t maaari ay sinusubukan ko siyang kalimutan.
Naaalala ko pa noong
unang sahod ko, bumili ako ng bag na katulad ng bag ni Sir Ton-ton na nasira
ko. Ibibgay ko iyon kung sakali man na bumalik ito.
Minsan sa sobrang
pagka-miss ko dito hinihiram ko ang cellphone ni King at susubukan na tawagan
si Sir Ton-ton pero hindi ko ito makontak. Sabi ni King mahina raw ang signal
sa probinsya nila dahil nasa kabundukan ang tahanan ng mga ito. Kaya
ipinagdarasal ko na lang na sana ay nasa mabuti itong kalagayan.
Araw ng lunes, pauwi
na ako galing trabaho. Unang araw ng pasikan sa school, sa liit ng naipon ko ay
hindi iyon naging sapat upang makapag-enroll ako sa college kaya napagpasiyahan
ko na lang na mag-iipon pa ako. Nakasakay ako sa jeep katabi ang mga ilang
estudyante na marahil ay nag-mall muna bago umuwi. Pagka-inggit ang naramdaman
ko sa mga oras na iyon. Sobrang saya nila habang nagkwekwentuhan tungkol sa
nagdaang bakasyon. Kung hindi lang huminto ang jeep na sinasakyan ko sa kanto
na bababaan ko ay baka nabatukan ko ang mga ma-iingay na estudyante na iyon.
Naglalakad na ako
pauwi ng boarding house. Sa loob ng isang buwan puro kalungkutan ang
nararamdaman ko sa tuwing uuwi dahil hinahanap-hanap ko ang presensiya ni Sir
Ton-ton. Mas ok pa yung dati kasi kahit sinusungitan at sinusupladuhan niya ako
eh ayos lang atleast nakikita ko siya at nakakasama, hindi tulad ngayon na
nagkakasya na lang ako sa mga alaala niya.
Ipinilg ko ang aking
ulo para maiwaksi sa aking isip si Sir Ton-ton bago tuluyang pumasok sa gate ng
boarding house.
“Pssst… Jek-jek..”
pagtawag sa akin ng landlady namin.
“Ay tikbalang ng ina
mo..” gulat kong sabi sa biglaang pagsulpot nito.
“Pasensiya ka na
hijo… nagulat pa ata kita…” natatawang sabi ng landlady namin.
“Okay lang po,
pasensiya na rin kayo,…eh ano po ba atin?..” tanong ko.
“Gusto ko lang sana
sabihin sayo na may bago ng uupa sa kuwarto niyo ni Anthony…” balita niya sa
akin.
“Eh babalik pa po si
Anthony..” sagot ko sa kaniya.
“Kailan pa?... aba eh
malulugi naman ang negosyo ko..” reklamo ng landlady namin.
Matapos noon ay
iniwan na nito habang ako ay nagmamaktol at hindi makapaniwala na may bago na
akong roomate. Mabibigat na paa ang humakbang papasok sa loob ng bahay. Agad
akong sumalangpak sa sala na para bang pagod na pagod.
“Anong nagyari sayo?”
salubong na tanong sa akin ni Jay-ar.
“Wala…” walang gana
kong sagot.
“Wala?...eh bakit
parang pasan mo ang daigdig kung makasimangot ka diyan?” gatong pa ni Andrew.
Napabuntong-hiniga
ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang pinagdaramdam ko. Alangan
naman sabihin ko na ayoko ng may roomate siyempre magtataka sila kung bakit eh
hindi ko naman puwedeng sagutin iyon na para sa amin lang ni Sir Ton-ton ang
kuwarto baka kung ano pang isipin nila.
“Nasaan sila King at
Noel?” tanong ko para ilihis ang tanong ni Andrew.
“Naroon sa kuwarto
nila, naglalampungan.” Sagot ni Jay-ar.
“Ganoon ba, sige
akyat na ako sa kuwarto.” Sabi ko sabay tayo.
“Ahm Jek-jek, may
kasama ka-…” pinutol ko ang sasabihin ni Andrew.
“Yeah I know… sinabi
na sa aking ng landlady natin… sige akyat na ako gusto ko na magpahinga…”
pinutol ko na ang sasabihin ni Andrew dahil alam ko naman na may kasama na o
kahati na ako sa kuwarto. Iniwan ko na sa sala ang dalawa bago pa ako tuluyang
kulitin baka mapa-amin ako ng di-oras.
Pagbungad ko sa pinto
ng kuwarto ay dahan-dahan ko itong binuksan. Walang tao, isang maleta lang ang
naroon sa gilid ng kama na dating ginagamit ni Sir Ton-ton. Totoo nga na may
bago na akong roomate. Hindi ko magawang pumasok, parang ayaw i-absorb ng utak
ko na may iba na akong kasalo sa silid naiyon kung hindi lang rin si Sir
Ton-ton.
“Ehem…” pagtikhim ng
tao sa likod ko. Dahil sa gulat ay agad akong pumasok sa kuwarto at umupo sa
kama ko. Hinintay kong pumasok ang roomate ko. Nakayuko lang ako, ayokong
makita ang roomate ko baka mapansin niya sa aking mga mata ang pagkadisgusto ko
na may kasama ako sa silid na iyon.
“Ehem…” pagtikhim
ulit nito. Doon na ako nag-angat ng mukha.
Isang malaking
pagkakamali ang ginawa kong iyon. Tila isang anghel ang mukha ng taong kaharap
ko. Automatic na napatayo ako. Wala na akong pakialam kung nakanganga ako, kasi
naman umaapaw ang pagkamangha at paghanga ko sa lalaking ngayon ay nakangiti na
sa akin. Ang kaniyang ngiti, literal na nagpahinto sa tibok ng puso ko, parang
kakapusin ako ng hininga sa mga ngit niyang iyon.
“Hi!..” pagkuwan ay
masiglang bati nito, sabay lahad ng kaniyang mga kamay.
Ang simpleng Hi niya
ay nagpatayo ng balahibo ko. Ang kaniyang boses ay tila musika sa aking
pandinig. Ano bang meron sa taong ito at tila nagmukha akong tanga sa harap
niya. Panaginip lang ba ito?
“Hi… i-ikaw ba ang
ro-roomate ko?” pautal-utal kong sabi sabay-abot ng kaniyang kamay.
Nagdulot ng kakaibang
kuryente ang nangyaring pagdadaupan ng palad namin.
“Yeah… I’m Anthony
Lacsamana…” nakangiting pagpapakilala nito. Natameme ako, hindi ko alam ang
sasabihin.
“Ahm..ako si…Jericho…
Jericho Sta.Maria”
Matapos kong
magpakilala ay bigla niya akong kinabig at niyakap ng pagkahigpit. Nanghina ang
tuhod ko, kunti na lang ay baka himatayin na talaga ako sa mga oras na iyon.
Mula sa pagkakayakap
niya sa akin ay bumulong ito.
“Na-miss kita
Jek-jek…” sapat na ang mga salitang iyon ni Sir Ton-ton para mawalan ako ng
malay at magdilim ang paligid ko.
Joke lang, hindi
talaga ako hinimatay medyo nag over-react lang ako sa aking pangarap. Kasi
naman kung makayakap itong si Sir Ton-ton akala mo ganoon na kami ka-close.
Amoy na amoy ko ang pabango nito, lintek parang ayoko ng kumawala pa kaniyang
mga yakap.
“Na miss talaga kita
Jek-jek…” nagsalita muli ito. Ano bang problema ng taong itp, hindi ba niya
alam ang epekto ng ginagawa niya sa akin.
“Ha?.....ano?....
ikaw lang pala….” Ang wala sa huwisyo kong sagot. At sa mga oras na iyon, totoo
na ito, hinimatay na ako sa sobrang kilig.
[10]
LOVE AT FIRST KISS
CHAPTER 10
January 2010, 4:55 pm
“Na-inlove ka na ba Inaro?”
seryosong tanong sa akin ni Jek-jek. I’m caught off guard, hindi ko alam ang
isasagot.
“Oo naman na-inlove
na ako…” sabay ngiti sa aking naging sagot.
“Yung true love?”
tanong pa niya.
“Oo nga, true love,
first love, puppy love…oo lahat ng iyan naranasan ko na…” parang timang kong
sagot sa kaniya.
“Weh?....” ang hindi
makapaniwalang tugon naman nito.
“Ewan ko sa iyo,..
teka anong connect ng love at first kiss sa…sa… saan na nga batayo sa kuwento
mo?” naguguluhan kong tanong kay Jek-jek.
“Hinimatay ako.”
Sagot niya na parang kinikilig. Hindi ko ine-expect na ganito ka in-love ang
kaibigan ko.
“Hayun hinimatay ka,
tapos?..”
“Nagising ako sa
isang halik…” pagpapatuloy niya.
Jek-jek continue the
story with full of love in his voice….
----------------------------------------------------
June 2006, 1:00 am,
Tuesday
Nagising ako sa isang
halik nanaman. Ganito ang laging ending kapag dinadalaw ako ng mga masasamang
panaginip. Nagmulat ako ng mga mata at napansin kong nakahiga na ako sa aking
kama at ang unang taong nasilayan ko ay si Sir Ton-ton na may naka-plaster na
ngiti sa kaniyang mukha. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at sabay tapik sa
magkabilang pisngi ng mukha ko, pakiramdam ko kasi nananaginip pa rin ako sa
mga sandaling iyon.
“Okay ka na ba?...”
tanong sa akin ni Sir Ton-ton.
“Ha?...anong
nangyari?..” nalilito kong tanong sa kaniya.
“Nawalan ka ng malay
kanina, buti na lang naroon ako at na alalayan ka.” Ewan ko ba parang may kung
anong malisya ang biglang sumingit sa aking isip. Kinikilig ako na sa kaniyang
bisig ako bumagsak. Pinilig ko ang aking ulo at pilit na iwaksi ang mga
nararamdaman ko para sa kaniya.
“Salamat ha… okay na
ako, mrdyo nahilo lang ako kanina…” pagpapasalamat ko sa kaniya.
“Buti naman at okay
ka na, hindi ka pa siguro kumakain kaya ka nahilo….. teka lang huwag ka muna
babangon may kukunin lang ako…” matapos magpaalam ay lumabas si Sir Ton-ton ng
kuwarto namin at dali_daling bumaba ng hagdan. Sobra naman akong nagtaka sa mga
ikinikilos niya.
Sa totoo lang
hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagbalik na
siya. Hindi ko akalain na halos ilang buwan lang siyang nawala at nagbalik
agad. Ayokong isipin na nagbalik siya ng dahil sa akin tulad ng sinabi niya sa
sulat. Masyado naman akong magmumukhang assuming noon.
Wala pang sampung
minuto ay nakabalik na ng kuwarto si Sir Ton-ton. Sobra naman akong nagulat sa
mga dala niya. Isang malaking tray na may napakaraming pagkain at isang pitsel
ng paborito kong Pineapple juice. Hindi ako makapaniwal na pagdadalhan pa niya
ako ng pagkain at halos lahat ng mga ito ay talagang paborito ko.
“Pasensiya ka na
Jek-jek yan na lang ang natira, kasi naman napakalakas kumain ng mga kapre sa
ibaba…” pagbibiro nni Sir Ton-ton at humingi ps tslsgs ito ng paumanhin.
“Sobra-sobra na nga
ito Sir Ton-ton, nakakahiya na sa iyo at na abala pa kita.” Nahihiya kong tugon
sa kaniya habang tinutulungan siyang ihain ang mga dala niya sa lamesita sa
silid namin.
“Puwede ba Ton-ton na
lang ang itawag mo sa akin?... hindi mo na ako boss Jek-jek.” Nakangiting sabi
niya sa akin.
Napatingin at
napangiti na lang ako sa mga sinabi ni Sir Ton-ton este Ton-ton pala. Matapos
ma ihanda ang pagkain ay sinimulan ko na kumain.
“Ikaw hindi ka ba
kakain?” tanong ko sa kaniya matapos kong mapansin na nakatungangalang siya at
pinapanood akong kumain.
“Kumain na ako, at
talgang para sa iyo lahat yan..” masigla nitong sabi.
Wala na akong nagawa
at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Medyo na ilang naman ako sa ginagawang
panonood ni Sir Ton-ton kaya habang kumakain ako ay minabuti kong
makipagkwentuhan sa kaniya, tungkol sa naging bakasyon niya.
“Kamusta ang bakasyon
sa inyo?...” tanong ko habang kumakain.
“Ayos naman, masaya
na malungkot..” sagot nito.
“Masaya na malungkot?...bakit
naman?” taka kong tanong sa naging sagot niya.
“Masaya kasi sa
nakasama ko yung pamilya ko kahit paano. Sila kasi ang inspirasyon ko kaya
kahit ano gagawin ko para lang sa kanila lalong lalo na ang inay. Malungkot
kasi nami-miss kita.” Nabilaukan naman ako sa mga huling sinabi niya.
“ugh…..uh” inabutan
ako ni Ton-ton ng tubig at muling nagsalita ito.
“Ahh ibig kong
sabihin na miss kita at yung mga iba nating ka boardmate..” paglilinaw niya sa
kaniyang sinasabi. Napatango na lang ako sa mga sinasabi niya.minabuti ko na
lang na ibahin ang topic para hindi maging awkward ang usapan namin.
“Eh anong plano mo
ngayon?... may trabaho ka na ba ulit dito?” tanong ko kay Ton-ton.
“Wala pa, pero bukas
na bukas maghahanap n ulit akong ng trabaho.”
“Sigurado ka bang
kaya muna ulit magtrabaho?” nag-aalala kong tanong sa kaniya.
“Oo naman,
kayang-kaya ko na.” nakangiti pa rin
niyang tugon.
“Good Luck sa
paghahanap…hehe..” nakangiti ko na ring sabi sa kaniya.
“Ahm Jek-jek may
ipapakiusap pala sana ako sa iyo..” si Ton-ton.
“Sure, ano ba
yun?...” taka ko namang sagot sa kaniya.
“Kasi bukas darating
yung kapatid ko at baka magtagal siya ng isang linggo dito sa bahay. Okay lang
ba na dito muna siya sa kuwarto natin?...” pakikiusap ni Sir Ton-ton.
“Haysus yun lang
pala, oo naman ayos lang sa akin.” Masigla kong pagpayag sa kaniya pero
kalahati ng isip ko ang naghihimutok kasi hindi ko rin pala masosolo agad si
Ton-ton ahahaha.
Niyakap nanaman niya
ako sa naginng pagpayag ko. Ewan ko ba hobby na ata ng taong ito ang pagyakap
at pakiligin ako ng matindi simula ng magbalik siya. Matapos ang saglit na
yakapan na yun ay nakaramdam nanaman ako ng pagka-ilang sa pagitan namin.
Minadali ko na ang pag-ubos ng kinakain ko at talagang tinulungan pa niya ako sa
pagliligpit ng mga pinagkainan ko.
Matapos makapagligpit
at naghanda na kami sa pagtulog. Ngunit bago pa ako matulog ay minabuti ko
ng ibigay sa kaniya ang bag na binili ko
sa una kong sahod.
“Ton-ton….”
“Ano yun Jek-jek”
“Naaalala mo pa ba
yung una nating pagkikita?...”
“Oo naman, hindi ko
ata makakalimutan yun….yung pagpatong mo sa ibabaw ko? Ahahahaha” pagbibiro
nito. Nakaramdam naman ako ng kunting hiya sa sinabi niyang yun.
“Hindi yun,….. yung
pagkakasira ko sa bag mo..” pagtatama ko sa iniisip niya.
“Yun ba…. Hamu na
yun, wala na sa akin yun.” Hindi pa rin naaalis ang mga ngiti nito sa labi.
“Pasensiya ka na ah,
sa sobrang careless ko sa araw na yun nasira ko tuloy ang kaisa-isahang alaala
ng ama mo sa iyo….kaya naman sinabi ko sa sarili ko na sa unang sahod ko
papalitan ko ang bag na yun.” Kinuha ko ang bag at inabot sa kaniya. Naging
seryoso naman ng bahagya si Ton-ton ng makita ang bag na halos katulad ng bag
na nasira ko.
“You don’t have to do
this Jek-jek…” seryoso niyang sabi.
“Hindi Ton-ton. Sobra
kasi akong na-guilty dun sa bag.” Sa mga sinabi kong iyon ay nginitian na lang
ako ni Ton-ton.
“Salamat…” matapat
niyang sa bi sa akin.
Sabay na kaming
nahiga at natulog. Sobra sarap sa pakiramdam na tinanggap niya ang bag at
nagbalik na siya sa bording house.
June 2006, 10:00 am,
Tuesday
Nakaramdam ako ng
kakaiba sa aking pagtulog, parang may kung ano na dumikit sa aking mga labi na
ikinagising ko. Pagmulat ko ng mata ay parang may kakaiba sa loob ng kuwarto.
Wala na si Ton-ton sa kama niya, ibang tao ang nakahiga doon. Kinabahan naman
akong bigla sa aking inisip.
“Nananaginip lang ba
ako kagabi?... si Ton-ton ba ang kausap ko?.. sino itong nasa kama niya?” bigla
akong bumangon upang tingnan ang lalaki sa kama ni Ton-ton. Medyo kahawig ni
Ton-ton pero mas batang tingnan.
“Ehem…” pagtikhim ng
isang tao sa aking likod. Paglingon ko ay si King lang pala.
“Si Albert yan,
kapatid ni Ton-ton, sumunod sa kaniya..” pagpapakilala ni King sa lalaking
nakahiga ngayon sa kama ni Ton-ton. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni
Ton-ton kagabi na doon muna mag-stay ang kapatid niya.
“Si Ton-ton
nasaan?...” paghahanap ko sa pinsan niya.
“Ka-aalis lang ah,
maghahanap ng trabaho kaya maagang umalis.” Sagot ni King. Akala ko panaginip ko
lang ang lahat kagabi. Nagbuntong-hininga ako at bumaba na rin kasabay ni King
upang mag almusal.
Habang nag aalmusal
kami kasabay sila Noel, Jay-ar at Andrew ay pinaliwanag nila ang mga nangyari
kagabi. Isang linggo bago ang pagbabalik ni Ton-ton ay alam na pala nilang
lahat na magbabalik na siya. Gusto raw ni Ton-ton na sopresahin ako kaya pati
ang landlady namin dinamay nila sa kalokohan. Noong tinanong ko naman sila kung
bakit naman ako sosopresahin ni Ton-ton ay wala itong na-isagot. Nagkibit-balikat
lang ang mga ito. Naging malaking palaisipan naman sa akin ang ginawang iyon ni
Ton-ton.
Sabi pa nila na si
Ton-ton din ang nagluto ng mga pagkain kagabi., at kinukulit daw silang lahat
kung ano raw ang mga paborito kong kainin. Si Ton-ton din daw ang nag-alaga sa
akin kagabi noong hinimatay ako. Sobra akong na touched sa mga narinig mula sa
kanila. Dumoble tuloy ang paghanga ko kay Ton-ton.
Samantala si Albert
ay baka magtagal lang ng isang linggo sa boarding house dahil may ojt ito sa
isa sa mga hotel sa bayan ng Dasmariñas. Mamayang gabi pa ang pasok nito kaya
natutulog ito ng umaga. Matapos ang ojt na iyon ay uuwi na rin ito sa probinsya
nila.
Dahil restday ko sa
araw na iyon ay inabala ko ang aking sarili sa paglilinis ng bahay at kuwarto.
Naglaba na rin ako. Pagdating gabi ay wala pa rin si Ton-ton, si Albert naman
na kapatin ni Ton-ton ay naghahanda na para sa kaniyang pagpasok sa Hotel.
Pinagluto ko ang magkapatid ng hapunan. Ng maka-alis na si Albert ay umakyat na
ako ng kuwarto at nahiga sandali upang ipahinga ang aking katawan. Marahil sa
sobrang pagod ay nakatulog ako.
Wala na akong kawala,
palapit na siya ng palapit. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking gusto akong
patayin. Sigaw ako ng sigaw upang humingi ng saklolo ngunit wala atang nakatira
sa lugar na iyon.
Nagmamakaawa ako sa
kaniya, halos maglumuhod ako sa kaniyang harapan. Nagkalat na ang luha at sipon
sa aking mukha ngunit hindi pa rin niya ako pinakikinggan. Itinaas nito ang
kamay niya na may hawak na patalim. Wala na akong nagawa sa sobrang pagod ko sa
pagtakbo hindi na ako nanlaban at hinayaan na lang siya na itulos ng ilang
beses ang patalim sa aking kawawang katawan.
Matapos ang madugong
eksenang iyon, naramdaman ko na lang ang labi na sobrang nasasabik sa aking mga
labi.
Matapos ang bangungut
na iyon, natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa isang halik.
Sobrang bilis ng halik na iyon. Parang hinahanap-hanap na ito ng aking mga labi
at puso. Nagmulat ako ng mata at nakita ko siya…. Si Ton-ton.
-itutuloy
No comments:
Post a Comment