Blog:
joemarancheta.blogspot.com
[11]
Formal
ang birthday party ni Gerald. Lahat ng mga bisita nila ay malalapit lamang na
kaibigan ng daddy niya, malalapit na kamag-anak nila at mga matatalik na
kaibigan niya mula Elementary, High school at college. Kaya nga kahit hindi
niya gusto ay nagiging formal parin ang dating ng birthday party na ibinigay sa
kaniya. Pinasundo niya ako sa driver niya. Asiwa ako noon sa suot kong white
longsleeve at red tie kaya medyo tumagal
muna ako sa loob ng sasakyan. Iyon kasi ang kulay na dapat masunod na isuot ng
mga bisita. Hindi lang naman iyon din ang iniisip kong dahilan, mas naasiwa
akong humarap sa mga mayayamang tao. Hindi ko kasi alam kung paano ako
makihalubilo sa kanila.
Kinatok niya ako sa loob ng Lexus
niya dahil nga parang hindi ko kayaning bumaba doon at pagtitinginan ako ng mga
naroong bisita niya. Siguro dahil naroon parin ang inferiority complex ko na
aking nakuha noong pinagtatabuyan akong makipanood ng betamax nang bata pa ako.
“Bakit hindi ka pa bumababa diyan
bhie?” mahinang bulong niya sa akin.
“Nahihiya ako. Hinintay na lang
kitang puntahan mo ako dito.”
“Basta, ipapakilala kita bilang
special friend at kung alam kong hindi makitid ang utak ng makakaharap natin,
sana huwag kang maasiwa kung aaminin kong lover kita. Pero kay Daddy, matagal
na niyang alam na may kinalolokohan akong lover pero hindi ka pa niya
nakikita.” Nakangiti siyang nakatingin sa mga bisita habang sinasabi niya iyon.
Pabulong nga lamang ang kaniyang pagkakasabi dahil iniwasan din niyang marinig
siya ng iba.
“Alam niyang ganito ako?”
“Naman. Nagulat siya noong una,
hindi ako kinausap ng halos isang Linggo. Pero nang sinabi kong handa akong
umalis at sumama sa iyo kung hindi niya ako maiintindihan kaya siya na rin lang
ang sumuko. Lahat ng sinabi niya mula pagkabata ko ay ginawa ko, ngayon lang
ako susuway at nang 21 years old ako, iyon ang naging deal namin, huwag na
huwag siyang makikialam sa akin pagdating sa usaping puso dahil hindi din ako
makikialam at irerespeto ko kung sinuman ang ipapalit niya kay Mommy.”
Hinawakan ko ang braso niya bilang
pagpapahinto sa aming paglalakad papunta sa napakagarang bakuran nila ng puno
ng mga nagsisiyahang bisita.
“Ganoon ka-open minded ang daddy
mo?”
“Sabi
ko naman sa iyo, walang hindi natatanggap ng taong may pinag-aralan at handang
tumanggap sa pagbabagong dala ng pagbibihis ng lipunan. Nang una, nagalit siya,
pinapadate ako sa kung sinu-sinong magaganda’t mayayamang babae dito pero wala
akong nagustuhan hanggang sinabi kong itigil na lang namin ang lahat dahil
nahanap ko na ang gusto ko at ikaw nga ‘yun. Nang sinabi kong magtatapos ka na
ng medicine at isa ka sa pinakamatalino sa batch ninyo ay tumahimik na lamang
siya. Ang gusto lang niya ay makilala ka at msabihang hindi mo ako sasaktan.
Mabait si Daddy. Sa tingin ko magkakasundo kayo. Tara na at ipapakilala kita sa
mga pinsan ko, barkada at siyempre kay Daddy.”
Sa tulad kong nahihiya ay hanggang
sa pakikipagkamay lang ako, pagsagot kung may tinatanong sila at tagapakinig sa
kanilang mga kuwento. Nakikitawa kung may nakakatawa. Kumuha at kumain ng
paunti-unti. Sip lang ng alak. Dapat may tamang grace ang pagngiti at pagtawa.
Hay ang mga mayayaman talaga. Nakapagod maging plastik. Ngunit nakahanda si Gerald na alalayan ako at
hindi niya ako iniwan.
“Halika ka na. Hayun na si Daddy.
Sabi niya kasi kapag daw makita natin siyang pupunta doon sa bahaging iyon ng
garden ay sumunod tayo. Gusto ka niyang makilala at gusto ka din niyang
makausap ng tungkol sa atin. Siguro naman hindi mo sasabihin sa kaniya na pinaglalaruan
mo lang ako. Ganyan talaga ang karamihan sa mga Daddies, inaalam kung ano ang
pakay ng lover ng kanilang anak. Ito kasi ang gusto niya, ang makilala ka ng
husto at makausap bago muling makipagparty sa lahat.”
“Natatakot ako. Paano kung hilingin
niyang lalayuan kita.”
“Tange! Hindi ko inisip na magagawa
ni Dad yan. Gusto lang niyang sukatin kung gaano mo ako kamahal at kung sakali
mang hilingin niyang layuan mo ako, gagawin mo ba?”
“Magkano ba?” humagalpak ako ng
tawa para lang mawala ang tensiyong nararamdaman ko.
“Ganun? May presyo talaga.”
Nagkukunyarian siyang pikon.
“Bhie naman, alam mo namang
priceless ka sa akin. Kulang ang yaman ninyo na pambili niya ng kalayaan mo
mula sa akin. Kahit walang-wala ako, kaya kong ipaglaban ang nararamdaman ko sa
iyo. Ibibigay ko na sa iyo dito ang regalo kong pinag-ipunan ko talaga.”
“Sweet naman ng baby ko.”
Nilabas ko ang nasa bulsa kong
maliit na kahon at nilabas ko ang bracelet at isinuot sa kamay niya.
“Happy birthday bhie. Isa lang
itong materyal ngunit hindi nito kayang tumbasan ang tunay na pagmamahal ko sa
iyo. Sumpa ko, hindi kita iiwan. Habang-buhay kitang mamahalin.”
Sa sinabi ko ay bigla niya akong
hinila sa tagong lugar at hinalikan ako sa labi. Sa paghalik niyang iyon ay
naramdaman ko ang mainit niyang luha na pumatak sa akin pisngi. Umiiyak na
naman siya.
“Bakit ka na naman umiiyak?”
“Wala ‘to. Masayang-masaya lang ako
at sana pakikinggan ng Diyos ang dasal ko. Sana hindi na magwakas pa ang
pagsasama natin ngunit kung hindi man magtagal ay masaya akong naranasan ang
nagmahal at minahal ako ng husto ng taong minahal ko ng walang kasintindi.”
“Mahal din kita bhie, alam kong
mahirap mapanatili ang ganitong relasyon ngunit gusto kong manatili ka sa buhay
ko hanggang sa huli kong hininga.” Hinalikan ko siyang muli at pagkatapos ay
pinunasan ko gamit ang aking panyo ang luhang bumabagtas sa kaniyang pisngi.
“We should be enjoying my birthday.
Tara na at baka aalis na si Daddy do’n”
Hawak niya ang kamay ko habang
pumunta kami sa daddy niya. Nakatalikod no’n ang daddy niya dahil nakaharap sa
mga nagkakasiyahang bisita. Dumaan kami sa likuran niya.
“Dad, dito na kami.”
Humarap ang daddy niya at ako ang
hindi makapaniwala sa nakita ko. Para akong nanigas at hindi ko alam kung nasa
katinuan pa ako. Nanginginig ang buo kong katawan at hindi ko magawang ngumiti.
Sinikap kong ipinikit at iminulat ang mga mata ko dahil baka niloloko lang ako
ng aking paningin. Gusto kong magising kung ang lahat ng nangyayari ay isang
napakahabang panaginip lang.
“Dad, si Mario Bautista po. Ang
lalaking naging dahilan ng katigasan ng ulo ko sa inyo.” Sinabayan niya iyon ng
tawa. Tumingin ako kay Gerald. Biglang parang gusto kong umalis doon at sabihin
sa kanya ang isang katotohahanang nasa harapan naming dalawa.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko
kahit nanlalamig na ang mga kamay ko. Huminga ako ng huminga ng malalim para
hindi maramdaman ni Gerald ang pagkakaasiwa ko sa mga sandaling kaharap ko na
ang ama kong matagal ko ng hinahanap. Ayaw kong maramdaman niya ang
magkakahalong emosyon na hindi ko na halos kayang pigilan.
“Good evening po, sir.” Nangingig
kong bati.
“Ngayon makikilala ko na din ang
lalaking naging inspirasyon ng anak ko.” Tumitig siya sa akin. Iba ang kaniyang
mga titig ngunit hindi nakaligtas ang kaniyang mapanuring mata sa akin. Gusto
kong maramdaman niya ang bugso ng kaniyang dugo. Gusto kong sa pamamagitan ng
pagtingin niya sa aking mga mata ay maramdaman niya ang koneksiyon ng isang ama
sa kaniyang anak. Nilahad niya ang kamay niya. At kahit alam kong nanlalamig
ang mga kamay ko ay inabot ko ang kamay niya.
“Nice meeting you po.” Garalgal na
ang boses ko. Sasabog na talaga ang dibdib ko.
“Nanlalamig ka. Huwag kang
nerbyosin sa akin. Kung mahal mo si Gerald, mula ngayon dapat mo na ring
ituring ang sarili mong hindi iba sa akin.” Mabait ang kaniyang ngiti at tingin
ngunit para sa akin, hindi. Para sa akin, siya parin ang lalaking nanloko kay
nanang. Gusto kong umalis na noon si Gerald nang masabi ko sa mukha ng lalaking
kaharap ko ang hirap na pinagdaanan naming mag-ina dahil sa sinumulan niyang
hindi niya tinapos.
“So, pano, as what we agreed Dad, I
have to go muna. Alagaan niya baby ko dad at huwag ninyong takutin. Hintayin ko
kayo ni Daddy do’n bhie ha?”
Ngumiti lang ako. Ngiting pilit ko
lang na sinukli sa sinabi niyang baby. Hindi ko alam pero bigla na lang akong
nandiri.
Nang dadalawa na kami ay hindi ko
na alam kung paano ko simulan ang lahat. Wala akong masabi na parang biglang
natuyo ang aking lalamunan.
“Gusto ko sanang sabihin sa iyo,
Mario na sana huwag mong sasaktan si Gerald. Sobrang ipinaglaban ka niya sa
akin. Mahirap sa isang ama na makitang ang anak niya ay sa kapwa niya lalaki
nagkakagusto. Nang una, katakot-takot na mura ang inabot niya sa akin ngunit
kahit anong gawin ko ay talagang ayaw ka niyang isuko at dahil doon ay
pinagbigyan ko na lang siya. Ipinakita kasi niya ang determinasyong ilaban ang
gusto, ipaglaban ang mahal niya…”
“Na hindi mo nagawa noon kay nanang
ko!” sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataong isingit at simulan ang kuwentong
dapat naming pag-usapan.
Para siyang nakakita ng multo.
Tumingin sa akin. Tinitigan niya ako. para siyang binuhusan ng malamig na tubig
dahil nakita ko ang panginginig ng kaniyang labi.
“A- anong sinabi m-mo?”
“25 years ago. May naging katulong
kayo na Loida ang pangalan. Nakipagrelasyon ka sa kaniya at binuntis mo. Dahil
hindi siya marunong bumasa at sumulat, tinakwil mo siya at nang buo mong
pamilya. Pinagtalikuran mo ang responsibilidad mo sa amin ni nanang dahil
mahirap siya at mangmang.”
“Ikaw ang anak namin ni Loida? Ikaw
ang anak kong matagal ko ng hinanap?”
“Hinanap mo ako? Hindi mo alam kung
anong hirap ang pinagdaanan namin ni nanang. Hindi mo alam kung gaano kasakit
ang loob ko sa ginawa mo sa amin. Hindi mo din alam kung gaano kahirap ang mga
pagsubok na pinagdaanan ko habang ikaw ay masaya sa kayamanan mo. Mayaman ka
nga pero wala kang budhi.”
“Hindi mo alam ang buong kuwento. Hindi
mo alam ang tunay na nangyari sa amin ng nanang mo. Kung gusto mo, pag-uusapan
natin iyan sa ibang araw huwag muna ngayon ngunit sana anak, bigyan mo ako ng
pagkakataong ipaliwanag sa iyo at ikuwento ang buong nangyari. Tanging kuwento
ni nanang mo ang alam mo. Kung gusto mong maintindihan ang buong detalye ay
maaring sa ibang araw natin pag-usapan ito, anak.”
“Anak, tinawag mo akong anak? Alam
mo ba kung gaano ko katagal gustong marinig ang salitang anak mula sa isang
tatay? Alam mo din ba kung gaano ko hinangad na sana sa kabataan ko ay masundo
ako at maihatid sa paaralan na isang ama. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang
mabuhay mag-isa. Hindi mo ba alam kung paano abutin ang pangarap na kulang ang
iyong buo kong pagkatao. Wala akong tatay sa 25 years at ngayon madali sa iyong
tawagin ako ng anak?”
“Hindi mo din alam kung gaano
kahirap maghanap ng anak na nawawala. Hindi mo din alam kung gaano magsisi sa
mga nagawa mo sa nakaraan na kahit gustong balikan ay hindi na maari pa. Kaya
nga hindi ko tinutulan si Gerald sa buhay pag-ibig niya ngayon dahil ayaw kong
ulitin niya ang nangyari sa akin noon. Anak bigyan mo ako ng pagkakataong
ipaliwanag sa iyo lahat.”
“Kung ang pakikinig ko sa mga
paliwanag mo ay maibabalik niya ang naipagkait sa aking magandang simula ng
pagkabata, sige payag akong pakikinggan kita. Sabihin mo sa akin, kaya bang
ibalik ng paliwanag mo na iyan ang lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan
naming mag-ina? Alam mo bang nakakulong ngayon si nanang at kung sana naging
lalaki kang ipaglaban siya at harapin ang responsibilidad mo sa aming mag-ina
malayo sanang nagyari sa amin ang mga pagkakamali at dagok na babaunin namin sa
aming alaala habang nabubuhay.”
“Patawarin mo ako anak. Bakit nakakulong si
Loida? Anong nagawa niya? Bigyan mo ako ng panahong ayusin ang pagkakamali ko.
Wala na akong magawa sa kung ano ang nangyari sa nakaraan ngunit sisiguraduhin
kong magbabago ang lahat at maayos ko din ang maling simula natin. Bigyan mo
ako ng sapat na panahon at pagkakataon.”
“Tama na. Nakaya kong bumangon
mag-isa at kaya ko ding magtagumpay na ako lang. Ngayon narinig mo ang lahat ng
hinaing ko. Sapat na sa aking malaman mo ang niloloob ko.”
“Patawarin mo ako, anak. Alam kong
masiyado ka lang nadadala ngayon sa galit mo sa akin ngunit kung handa ka ng
makinig, sasabihin ko sa iyong maiintindihan mo din ang lahat ng nangyari”
“Patawarin? Paano kami ngayon ni
Gerald ha? Hindi namin alam na magkapatid kami, nagkakilala bilang mga
estranghero, nagkamabutihan, nagkaroon ng relasyon, nagkatikiman at ngayon ay
sobrang nagmamahalan. Sabihin mo sa akin ngayon kung paano mababago ng paghingi
mo ng tawad ang kamaliang iyan.” Humahagulgol ako. sobrang napakasakit ng
dibdib ko. Gusto kong tumakas sa lugar na iyon at sana sa paglayo ko ay
tuluyang mabubura ng lahat ang maling simula. Gusto kong takasan ang maling
nabuong relasyon dahil sa hindi naming sapat na nalaman ang tunay na kuwento ng
pagkasino namin ni Gerald.
Tumalikod ako. Binilisan ko ang
paglakad. Gusto kong tumakas at gusto kong lahat ng alaala ng gabing iyon at
buong kuwento naming ni Gerald ay tuluyan ng mabura. Sana kung nailuluha lang
lahat at sa pagpatak nito ay kasama niya ang mga butil ng alaala. Kung sana
ganoon lang din kabilis mawala ang pagmamahal ko kay Gerald dahil sa hindi
katangga-tanggap na pagmamahalan. Dinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko
nang makita niya akong humihikbing dumaan ngunit hindi ko na pinansin pa.
Kailangan ko ng simulan ang paglimot. Hindi na tama bang pahabain ang
pagkakamali. Kahit gaano kasakit, kailangan parin sundin kung ano ang tama at
dapat para sa aming dalawa.
Ngunit akala ko doon matatapos ang
lahat ngunit mas marami pang nakakagimbal na pangyayari ang inyong
matutunghayan.
[12]
Nagmahal
ako, binigyan laya ko ang sarili kong magmahal muli pagkatapos ng mga unos na
nangyari sa akin sa nakaraan. Akala ko iyon na ang tama para sa akin. Iyon na ang
pagmamahal na noon ko pa hinahanap. Lagi akong nagpapasalamat noon sa Diyos
dahil pinagkalooban niya ako ng Gerald na magmamahal sa akin at hiniling kong
sana manatili siya sa aking buhay. Ngunit kung sana kinakausap tayo ng Diyos at
binagbabawalan tayo sa una palang na mali ang taong ating inaangkin. Kung sana
sasabihin niyang isang malaking kasalanan ang pinasok ko dahil incest ang aking
ginagawa ngunit hinayaan niyang mangyari ang lahat at ako ang tanging
makakadiskubre kung saan ang mali sa relasyon namin. Ito ba ang kapalit ng
pagiging sobrang perfect ng aming relasyon? Ngayon ay pinapanalangin ko sa
Diyos na sana ay tuluyan ng mabura ang pagmamahal ko kay Gerald. Sana ay
tuluyan ko na ding makalimutan ang lahat ng nangyari. Kung ang lahat ng sana ay
maging makatotohanan. Kung sana lahat ng hiling natin ay kayang gawin sa isang
kisapmata. Nananatili sa puso at isipan ko si Gerald.
Umiiyak ako sa tuwing naaalala ko
siya. Kahit saan ako mapatingin sa loob ng apartment ay parang nakikita ko siya.
Sa kusina habang kinakantahan niya ako habang nagluluto, sa CR kung
naglalambing siyang magpahilod ng likod o ang hindi na din mabilang na mga
paglalambingan na minsan ay nagiging mas mapusok pa at nagtatapos sa
pagtatalik. Sa sala kung nanonood kami ng pelikula at nakasandig siya sa aking
balikat, sa hagdanan na madalas naming paghahabulan papunta sa kuwarto, sa loob
ng kuwarto na siyang laging saksi sa aming matinding pagmamahalan. Lahat ng mga
ibinigay niya sa akin. Kung lahat ng ibinigay niya ay ibabalik ko sa kaniya,
siguradong wala na halos maiwan sa akin mula paa hanggang ulo. Alam kong
imposibleng makakalimutan ko siya ngunit iyon ang kailangan kong pag-aralan at
gawin. Kailangan kong kalimutang lover ko siya, kailangang tuluyang mabura ang
pagmamahal ko sa kaniya at ang maiwan ay ang katotohanang, magkapatid kami.
Higit isang oras pa lamang ako sa
apartment ay kumakatok na si Gerald sa pintuan ng apartment. Alam kong may susi
siya kaya ginamit ko ang isa pang padlock sa loob para hindi siya makapasok.
Hindi ko siya kayang harapin. Hindi pa ako handang humarap sa kaniya bilang
kapatid kaya imbes na pagbuksan ko siya ay pinatay ko ang ilaw para maitaboy
siya’t umuwi na sa bahay nila. Ngunit dinig ko sa labas ang kaniyang mga
pagmamakaawa.
“Parang awa mo na bhie, kausapin mo
ako. ano bang problema? Anong nangyari sa pag-uusap niyo ni Daddy dahil siya
din ay hindi masabi sa akin kung alin nga ba ang mali at pinahihirapan mo ako
ng ganito ngayon.”
Kung sana madali lang sabihin na
hindi na puwedeng ituloy namin ang nasimulan dahil magkapatid kami. Ngunit
hindi sa akin dapat manggaling ang lahat. Hindi ko alam ang buong kuwento at
dahil ang ama namin ang dahilan ng lahat ng pagkakamaling ito ay siya ang dapat
magsabi sa anak niyang inaruga niya at naging madali ang buhay. Gusto kong
maramdaman niya ang hirap na ayusin ang gusot naming magkapatid. Gusto kong
sisihin din niya ng husto ang sarili na ang dalawang anak niyang lalaki ngayon
ay nagkarelasyon dahil sa kabuktutang ginawa niya sa kaniyang kabataan. Nais
kong maramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon. Iiwas ako hanggang makakaiwas
at alam kong titigil din siya kung malaman niyang magkapatid kami.
“Hindi ako aalis dito bhie hangga’t
ayaw mong makipag-ayos sa akin. Kung may sinabi siya sa iyo, sana sabihin mo sa
akin dahil wala namang gusot ang hindi naayos sa mabuting pag-uusap.”
Naisip ko, hindi na kayang ayusin
ng mabuting pag-uusap ang relasyon naming dalawa bilang kami. Isa itong
pagkakamali na dapat ay tapusin na at hintayin ang tamang panahon kung kailan
matatanggap na ng puso na ang nangyari ay dala lamang ng isang pagkakamaling
hindi dapat pinagpapatuloy pa kundi nararapat lamang na wakasan at pagdating ng
panahon ay muling sisimulan kung tuluyan ng naglaho ang kakaibang sigaw ng
aming mga puso. Kung malalaman niya ang lahat, siguradong katulad ko, tatakas
din siya, gustong kalimutan ang nasimulan at mandidiri siya sa mga nangyari sa
amin. Alam kong darating din siya sa puntong tulad ng ginagawa ko ngayong
pagtakas at pagtalikod.
“Baby naman, kung may sinabi man si
Daddy sa iyo, kailangan bang ako ang nahihirapan? Hindi ko alam kung ano ang
mga sinabi niya sa iyo kung bakit ka nagkakaganyan ngunit gusto kong gamitin mo
ang utak mo, makinig ka sa puso mo, wala akong ginagawa na kasalanan sa iyo
para pahirapan mo ako ng ganito. Pagbuksan mo ako, pag-usapan natin ang
problema. Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako kinakausap, bhie.”
Umiiyak na din ako. Alam kong
nahihirapan siya. Ganoon din naman ako. Ang isa sa mga pinakamasakit na bahagi
ng relasyon ay ang nagmamakaawa sa iyo ang taong mahal mo. Ang pinakamasakit ay
ang mahal mo pa ang isang tao at mahal ka pa din niya ngunit may mga dapat
isaalang-ala at alam mong mali nang ipagpatuloy ang nasimulan dahil.
Bakit
kami? Bakit siya ang minahal ko ng ganito at bakit ako ang minahal niya? Bakit
nahihirapan kami ngayong harapin at tanggapin ang katotohanan. Paulit-ulit kong
tinanong ang Diyos kasabay iyon ng pagluha. Habang siya ay nagmamakaawang
sagutin ko siya at kausapin, ako naman ay nagmamakaawa din sa Diyos na sana ay
umalis na lang muna siya at pabayaan na muna niyang lilipas ang lahat. Habang
siya ay nakikiusap na pagbigyan kong mag-usap kami ay nakikiusap din ako sa
Diyos na huwag na niyang pahirapan pa ang sarili niya at ako. Sa ama namin siya
magtanong dahil kapwa lang naman kami biktima ng mga pangyayari sa nakaraan na
wala naman kaming kinalaman.
“Please, kung mahal mo ako at kung
mahalaga pa ang pinagsamahan natin, kahit bigyan mo lang ako ng ilang minuto
para makapag-usap tayo dahil hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Ikaw lang ang
nagiging lakas ko para lumaban… parang awa mo na bhie, kausapin mo ako.”
May kasama ng iyak at hikbi ang kaniyang
pagmamakaawa at lalo na akong nanghihina na parang nananaig na ang awa ko sa
kaniya at pagmamahal ngunit idinaan ko na lang din sa pagluha. Umakyat na ako
sa taas at doon ko tuluyang inihagulgol ang kanina ay tahimik kong pagluha.
Kinuha ko ang headphone, binuksan ko ang laptap at pinilit kong iwaglit sa isip
kong naroon siya. Gusto kong dugasin ang tainga ko ngunit hindi nito kayang
lokohin ang aking utak at ang sakit ng nararamdaman ko. Oo nga’t hindi ko siya
naririnig ngunit dinig na dinig siya ng aking puso at alam kong hindi siya
tumitigil sa pagmamakaawa na harapin siya.
Kinabukasan. Kahit hindi man ako
nakatulog pa ay kailangan ko ng bumangon. Tinignan ko ang orasan, time to take
a bath na dahil may pasok pa ako sa school. Next week na ang finals namin at
after 2 months, clinical intership ko na at kapag pumasa ay magiging ganap na
akong doctor. Iyon ang pilit kong ipinasok sa isip ko, harapin ang pangarap at
tuluyan munang iwaglit ang usaping puso. Malapit na ako sa finish line, babalikan
ko na si nanang at harapin naming dalawa at lasapin ang bunga ng aking
pagsisikap. Gusto kong ipamukha sa ama ko na kaya kong itaguyod ang buhay
naming mag-ina ngunit bakit si Gerald, si Gerald at si Gerald parin ang
nangingibabaw. Hindi ako nakatulog magdamag dahil si Gerald… paano kami ni
Gerald… paano ko harapinn ang buhay na wala na si Gerald…na hindi na kami ni
Gerald kundi magkapatid na lang… paulit-ulit lang na si Gerald ang paikot-ikot
sa isip ko kahit pilit kong ipinapaunawa sa aking sarili na tapos na ang
kuwentong pag-ibig namin dahil kapatid ko, kadugo’t kalaman ko ang lalaking
minahal ko ngunit ang diyaskeng puso ay ayaw tumigil sa pagtibok… ang utak ay
ayaw maniwalang magkapatid kami…ayaw sumuko…ayaw lumimot at tanging
pagluha…pag-iyak…paghagulgol ang tanging kauuwian sa pilit kong pagpapakatatag.
Wala akong ganang bumangon, walang
ganang kumain, walang ganang maligo ngunit kailangan kong kumilos dahil sa
isang nabitiwang pangako kay nanang. Hindi ngayon ang tamang panahon ng pagsuko.
Ngayon pa na kilala ko na ang ama kong pagpapamukhaan ko na kaya din naming
umahon ng kahit wala pa siya.
Paglabas ko sa pintuan ay naroon
parin si Gerald. Ginamit niyang unan ang mga kamay niya at tulog. Nakita ko ang
sasakyan niya sa di kalayuan. Naisip kong mahusay nga siyang magpaawa kasi
puwede din lang naman siya sa loob ng Lexus niya matulog. Kailangan ko siyang
daanan kaya pagtaas ko pa lamang ng paa ko ay bigla siyang bumangon at
hinawakan ang paa ko.
“Please bhie, huwag kang pumasok na
hindi tayo mag-uusap.”
“Ako ang nakikiusap sa iyo. Tigilan
na natin ito. Tanungin mo ang Daddy mo kung ano ang problema at huwag ako ang
guluhin mo.”
Pilit kong tinanggal ang
pagkakahawak niya sa binti ko at nang matanggal ko ay tinangka kung lumayo
ngunit nahawakan niya uli ang isang paa ko hanggang dumausdos siya.
“Please naman bhie, kahit ilang
minuto lang. Huwag ka naman sanang maging makitid dahil hirap na hirap na ako.”
Bumangon siya at niyakap niya ako.
Mahigpit na mahigpit iyon at alam kong kung hahayaan ko lang ay tuluyan nitong
matutunaw muli ang binuo kong pader sa pagitan namin. Nanalangin ako sa Diyos
na sana bigyan niya ako ng lakas na paglabanan ang lahat. Nilayo ko ang katawan
niya sa katawan ko. Mas malakas ako sa kaniya kaya madali lang sa aking ilayo
siya. Nakita ko ang nag-uunahang luha sa kaniyang pisngi. Nakita ko ang sobrang
pagmamakaawa ng kaniyang mga mata. Nakikusap ang mga iyon. Biglang parang
pumusyaw siya. Parang nanghihina. Napaluhod at bigla na lang napasubsob.
Gusto ko siyang tulungan ngunit
pumasok din sa isip kong kasama iyon ng pagdradrama lang niya. Pagtalikod ko ay
may humintong sasakyan at nagmamadaling lumabas si Joey.
“Anong nangyari sa kaniya? Bakit
hindi mo siya tulungan?” galit at aburidong tanong ni Joey ngunit hindi ko na
pinansin. Binilisan ko ang paglakad at sakto namang may dumaan na jeep. Pinara
ko iyon at kasabay ng pag-upo ko sa likod at tinanaw ang pagbuhat ni Joey kay
Gerald ay ang masaganang pagbuhos na naman ng pinigilan kong luha.
Pagsapit ng hapon ay hindi
nagpakita si Gerald kaya pagkakataon ko na din iyon na mag-empake at makalipat
na ng tirahan. Magbed spacer na lang muli ako. Babalik ako sa dati kong trabaho
at iwan ang mga gamit na ibinigay ni Gerald sa akin. Gusto kong makalimot ng
mabilisan. Gusto kong maayos ang buhay ko at kapag darating na yung panahong
magkikita kaming muli ay tanggap na ng puso at isip kong magkapatid lang kami.
Nag-iwan
ako ng sulat sa kaniya. Ganito ang laman ng sulat.
Gerald,
Hindi
dapat sa akin manggaling ang balitang sumira sa ating nasimulan. Magtanong ka
sa daddy mo dahil siya ang dahilan ng lahat ng kamaliang ito. Nakikiusap ako na
hayaan mo na muna akong lumimot. Alam kong kailangan mo din ito. At kapag
malaman mo ang lahat ay siguradong ikaw din ay nangangailangan ng panahong
mag-isip at lumimot. Magkikita parin tayo at sana kapag dumating ang panahong
iyon ay kapwa natin tanggap ang katotohanan. Maraming salamat sa lahat ng mga
naitulong mo. Masakit man sanang banggitin dito ngunit totoong sa iyo ko lang
naramdaman ang tunay na pagmamahal, pagmamalasakit at pagpapahalaga.
I do appreciate that you give me
everything you have at sobrang nagpapasalamat ako sa lahat-lahat. Minahal din
kita at alam kong naramdaman mo din iyon pero sana ipagdasal natin sa Diyos na
susunod nating pagkikita ay ibang pagmamahal na ang mamamayani sa ating puso.
Masakit man pero kailangan nating gawin ang kung ano ang tama sa mata ng Diyos
at ng tao at kung ano din ang dapat para sa atin. Para sa akin, hindi masamang
minahal kita ngunit nagiging masama na lamang ito sa paningin ko ngayon kung
ipagpapatuloy pa natin ang nasimulan. Hayaan mo na muna ako nagyon. Huwag mo na
muna akong gambalain pa.
Magpapaalam muna ako ngayon at sana
pagdating ng panahon kung kailan handa na tayong harapin ang lahat ay makikita
ko parin ang mga ngiti mo sa labi. Patawarin mo ako kung nasaktan kita pero
gusto kong malaman mo na hindi ka nag-iisa sa sakit na iyan kundi ako din,
kasama mong pinaglaruan ng pagkakataon.”
Mario
May mga araw na hinihintay ako sa
gate ni Gerald. Hinahabol niya ako. humihingi ng pagkakataong mag-usap kami.
Ngunit mas malakas ang mp3 ko sa tainga at mas mabilis akong maglakad palayo.
Kung hihintuan man niya ako gamit ang Lexus niya ay mas magaling akong sumakay
sa mga paparating na jeep. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon. Hindi ko din
hinayaang malaman niya kung saan ako nakatira. Mas lalo na akong nainis nang
isang araw ay ang ama ko ang nakita ko sa gate na nag-aabang. Isang mayamang
tao na naroon at naghihintay sa pinabayaan niyang anak. Ngunit tulad ni Gerald
bigo din siyang kausapin ako.
Minsang pinatawag din ako ng aming
Dean, ang Campus President na harapin ang ama ko ngunit kung talagang ayaw ay
hindi mapilit. Hindi pa ako handang harapin sila. Katulad ng hindi niya pagharap
sa responsibilidad niya sa akin. Katulad ng 25 years niyang pagpabaya sa akin.
Gusto kong maramdaman din niya ang hirap ng alam mong may anak ka ngunit hindi
mo kayang abutin. Katulad kong may amang mayaman ngunit hindi niya ako nakayang
tulungan ng hinihila ako palabas ng bahay kapag nakikipanood, hindi din niya
alam ang hirap nang nagtitinda ng gulay para makapag-aral o masunog ang balat
at maglublob sa putik para lamang sa baryang kikitain para mabuhay. Hindi pa
sapat iyon. Hindi pa niya natutumbasan ang hirap na pinagdaanan ko noon.
Hanggang tuluyan na silang sumuko.
Pati si Gerald ay hindi ko na nakikita pa at hindi na din nagsasabi pa ang
kinaibigan kong guwardiya namin sa campus kung nakita niya si Gerald o ng
pinagtataguan kong ama ko. Ibig sabihin ay tuluyan na silang napagod pagkatapos
ng halos tatlong buwang paghingi sa akin ng panahong makipag-usap. Ngunit hindi
ganoon kadali ang tatlong buwang iyon sa akin. Nakikita kong nalulungkot ang
ama kong nabigo na kausapin ako. Humahagulgol ako sa tuwing nakikita kong
nahihirapan na si Gerald. Nang huling nakita ko ay pumayat na ito ng husto. Ako
man din ay pumayat dahil sa wala na din akong ganang kumain at di narin
nakakatulog dahil kahit anong pilit kong takasan ang lahat ay parang multong
hindi matahimik at gabi-gabi akong dinadalaw. Mahal ko siya. Sa kabila ng
pagiging magkapatid namin, mahal na mahal ko parin siya hindi bilang kapatid
kundi isang karelasyon. Parang hindi ko magawang pandirihan ang mga ginawa
namin noon bagkus ay sobrang namimiss ko parin ang kaniyang mga yakap at halik.
Bakit ganito! Bakit hindi ko siya kayang iwaglit! Anong sumpa ito sa akin!
Anong naging kasalanan ko at kailangan kong mahirapan ng ganito?
Hanggang isang court summon ang
natanggap ko. Inanyayahan akong maging saksi sa pagkamatay ng aking ama. Ako
lang daw ang tanging saksi ng mangyari ang krimen. Muling binuksan ang kaso ni
nanang. Muling pinag-aralan at isang sikat na abogado ang may hawak sa kaniyang
kaso. Pumasok sa aking isipan ang aking ama. Siya nga ba ang nagpabukas sa kaso
ni nanang?
[13]
Umuwi
ako sa aming probinsiya. Sa pag-uwi kong iyon ay taglay ko ang maraming mga
katanungan. Muli kaming nagkita ni ate Champagne na tuwang-tuwa nang makita ang
sobrang pagbabago sa aking hitsura. Lumabas na daw ang tunay kong kaguwapuhan
at panis ang ibang naglalabasang mga artista sa akin. Hindi siya makapaniwala
na ako na yung dating nagtitinda lang ng gulay sa tapat ng parlor niya na hindi
marunong magsukli. Napaiyak siya lalo na nang malaman niyang ilang buwan na
lamang ay tuluyan na akong magtatapos sa medicine at magiging ganap na doctor
na kapag naipasa ko ang board. Tanging buong pusong pasasalamat ang sinasabi ko
sa taong unang nagturo sa akin isulat ang pangalan ko at magsukli. Nang wala si
nanang noong graduation ko ay siya ang tumayong magulang ko at nang nakulong na
si nanang ay sa kaniya ako tumira at itinuring akong hindi iba sa kaniya. Kahit
saan ako dadalhin ng aking mga paa at kahit pa nasa tugatog na ako ng tagumpay,
hindi ko makakalimutan ang mga taong naging tuntungan ko para umangat.
Napag-isip-isip
kong hindi na masamang hayaan ang ama kong bumawi siya sa mga pagkakasala niya
kay nanang. Kung mapapatawad ni nanang ang ama ko ay sino ba naman ako para
hindi din siya patawarin. Nang bigla na kasing hindi nagpakita ang ama ko at si
Gerald ay nakadama ako ng kakaibang kalungkutan. Sobrang naramdaman kong parang
lahat sa buhay ko ay dumating na’t kumpleto ngunit nawala lang na parang bula.
Masyadong sinara ng galit ang tama kong pag-iisip. Masyado pinakitid ng mga
masasakit na karanasan ang aking utak at dahil sa mabilis na pagdagsa ng
katotohanan, nakalimutan kong maging bukas sa mga katotohanan at harapin iyon
ng buong tapang. Ngunit ang susi ay na kay nanang. Kung anuman ang desisyon
niya ay siyang masusunod.
Kinabukasan ay nagkausap kami ng
abogado ni nanang na ayaw sabihin kung sino ang nagbayad sa serbisyo niya.
Kilala siyang abogado sa Pilipinas at alam kong kahit hindi niya aminin ang ama
ko ang tumulong. Self defence daw ang kailangan naming palabasin sa korte.
Gusto niya akong kausapin bago humarap sa husgado para mapag-aralan ang mga
bagay na maglalabas sa katotohanang ipinagtanggol lang ni nanang ang buhay niya
at ako. Wala ng ibang saksi sa pagkakataong iyon kundi ako lamang at ang
tanging alam ng mga tao sa amin ay hindi ako ampon ni tatang kundi anak niya
ako kaya alam nilang sasabihin ko lang kung ano ang aking nakita.
Paliwanag
ng abogado sa akin ay kailangan naming mapatunayan sa hukuman na self defence
lamang lahat at nang marinig niya ang tunay na kuwento ay sinabing si nanang
ang tumulak kay tatang dahil sa walang tigil na pambubugbog sa akin at nakita
naman ng mga kapit-bahay at ang kapitan naming noon ang duguang mukha ko at ang
mga galos ni nanang at ang putok din nitong labi habang si tatang ay tanging
ang tusok sa dibdib niya ang tanging sugat. Ibig sabihin ay hindi namin
pinagtulungan kundi gusto lang ni nanang na ipagtanggol ako at pagtulak niya ay
para lamang matigil ang maaring pagpatay sa akin at hindi niya aakalaing
maaring ikamatay iyon ng aming ama.
Mahusay
ang pagpapaliwanag niya sa kin. Sabi ng abogado... “To prove self-defense, you
and your nanang must show with clear and convincing evidence, that first, she
is not the unlawful aggressor. Second, there was lack of sufficient provocation
on her part; and lastly, she employed reasonable means to prevent or repel the
aggression. It is well-settled that once your nanang had admitted that he
inflicted the fatal injuries on the deceased, it was incumbent upon her, in
order to avoid criminal liability, to prove the justifying circumstance claimed
by her with clear, satisfactory and convincing evidence. We cannot rely on the weakness of the
prosecution but on the strength of our own evidence. Alam kong malaki ang
chance nating mailabas ang nanang mo sa kulungan. Pag-aralan mo lang sabihin ng
diretso ang lahat.”
Sinamahan ako ni ate Champagne.
Biro nga niya na siya daw ang magiging cheerer ko sa korte. Pagkatapos ng court
hearing ay nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap ni nanang. Naluluha siya ng
sinabi ko ang tungkol sa aking pag-aaral at ilang buwan na lamang ay matatapos
na ako.
“Salamat anak at hindi mo ako
binigo. Pero saan ka kumuha ng pera pambayad sa abogado natin?”
Hindi ako nakapagsalita. Noon ko naisip na hindi nagpakilala ang ama ko
sa kaniya at tanging abogado lamang ang kumakausap sa kaniya. Kung sasabihin ko
ngayon na nagkita kami ng ama ko at ikuwento sa kaniya ang lahat, baka nanaisin
na lang niyang makulong muli. Gusto ko na siyang lumaya at makasama siyang
muli. Kung darating ang panahong magharap sila ng ama ko, mabuting ayusin na
muna nila ang kanilang problema bago ko sila harapin at alam kong ayaw
magpakilala ng ama ko sa kaniya dahil gusto niyang mailabas muna sa kulangan si
nanang bago sila magharap. Nirespeto ko ang gustong mangyari ng ama ko.
“Ang importante nang ay makalaya ka
na dito at muli na tayong magkasama. Gusto kong sa graduation ko ay ikaw na ang
naroon. Iyon ang tanging pangarap ko, ang masaksihan mong naabot ko na ang
pangarap nating mag-ina.”
Muli kong nakita ang luha ni
nanang. Umiiyak siya sa saya dahil ang mga luhang iyon ay may kasamang ngiti.
Masaya ang kaniyang mga mata kahit may kasama iyong mga luha.
“Salamat, anak. Hindi mo ako
binigo.” Sapat na ang luha ni nanang para lalong mahugasan ang mga kasalanan ng
ama ko sa amin. Ang mga ngiting iyon ang nagbukas sa puso ko sa kung anuman ang
kuwento sa kanila ni nanang.
Bago kami nagkahiwalay muli ay
ipinakilala ko si ate Champagne kay nanang. Nilahad ko ang buong kuwento mula
nang tinuruan niya akong magsulat hanggang sa siya ang umampon na sa akin nang
makulong siya. Lubos din ang pasasalamat ni nanang. At dahil sa kailangan kong
bumalik sa Manila dahil sa nalalapit na ding mga exams ko ay kay ate Champagne
ko siya ipinagkatiwa.
Bago ako lumuwas ng Manila ay
iniwan ko ang address at celphone number ko kay Ate Champagne para mapuntahan
niya ako o matawagan kung anuman ang magiging hatol kay nanang.
Halos dalawang buwan pa ang nagdaan
at dalawang buwan na rin lang graduation ko na nang sinabi ng roommate ko na
may bisita akong dumating. Nagmadali akong pumasok sa kuwarto at nakita ko nga
si nanang at si ate Champagne na naghihintay sa akin. Lumaya na si nanang. Mas
naunan pang tumulo ang luha ko kaysa sa magsalita sa mga sandaling iyon dahil
hindi na dapat pang tanungin. Hayun na at kaharap ko na si nanang. Nangyari na
ang isa sa mga pinaka-asam asam ko.
“Anak, laya na ako.” maluha-luhang
salubong ni nanang.
Sobrang saya ko ay nayakap ko at
naipaikot-ikot si nanang. Hindi ko talaga maipaliwanag ang saya ko para sa
aming ina. Ngayon ay malaya na siya at nakamit ko na ang isa sa mga pangarap ko
na mailabas siya sa kulungan ngunit bigla akong natigilan. Parang ang lahat ay nagiging maayos na ngunit
alam kong laging may puwang sa puso ko. Parang may mali. Parang hindi buo ang
kasiyahan ko.
“Nang, may sasabihin po sana ako kung
sino po talaga ang tumulong sa iyo para lumaya.”
“Anak, kilala ko na kung sino. Siya
ang sumundo sa amin ni Champagne. Kaya ako narito ngayon para bigyan mo ako ng
pagkakataong ikuwento ang totoong nangyari sa amin. Gusto kong ikuwento sa iyo
ang lahat na hindi ko din alam dati ngunit hindi ko isinara ang puso kong
makinig sa paliwanag ng daddy mo sa akin. Iyon ang gusto niyang ipaliwanag sa
iyo ngunit hindi mo siya binigyan ng pagkakataong.”
“Nang, ano ba kasi talaga ang tunay na
kuwento sa inyong dalawa ng ama ko?”
“Nagsilbi akong katulong sa kanila
noon. Niligawan ako ng Daddy mo at nirespeto niya ako hindi bilang katulong
kundi isang babaeng dapat mahalin. Mabait ang lolo mo dahil galing din siya sa
hirap hanggang sa naging yumaman at napangasawa niya ang lola mo. Ang dati ng
mayaman na lola mo ang malupit at matapobre. Naging patago ang relasyon naming
ng Daddy mo noon at tanggap niya ako kahit ano pa ang kapintasan ko. Sabi nga
niya, matalino daw ako kung sana ay nakapag-aral. Nang una, natatakot akong
mahalin siya, guwapo na, mayaman at matalino pa na noon ay dalawang taon pa
magtatapos na din siya sa pag-aaral niya. Isang taon naming itinago ang aming
relasyon hanggang hindi namin napigilan ang aming mga sarili at may nangyari.
Naulit pa iyon ng naulit hanggang hindi na ako dinatnan ng buwanan kong regla
at doon na nagsimula ang lahat ng problema.”
“Problema? Dahil mahirap kayo at
walang pinag-aralan kaya nang magkabukuhan na ay ayaw harapin ni Daddy ang
nangyari sa inyo.” sabat ko sa seryoso niyang paglalahad.
“Iyon ang dati kong kinuwento sa
iyo anak para wala ng mas mahaba pang kuwento pa. Hindi ko kasi akalain na
magkikita kayong mag-ama. Ang totoo niyan ay ipinaglaban niya ako sa mama niya.
Tanggap ako ng papa niya pero isinusuka ako ng mama niya. Sobrang pagpapahirap
ang ginawa sa akin kapag wala ang daddy mo. Naawa ang daddy mo at inilipat ako
sa isang apartment. Nangako siyang babalikan niya ako doon kahit ano ang
mangyari. Nag-iwan siya ng panggastos ko.
Ang mali niya ay hindi siya nagpaalam sa akin na pumunta siya ng ibang
bansa para daw sa kaniyang pag-aaral. Alam niya kasing kapag ipaliwanag niya ay
hindi ko kayang intindihin kung ano iyon pero sana man lang alam ko na pumunta
siya ng ibang bansa. Naghintay ako ng isang buwan, dalawang buwan at ng
pangatlong buwan ay dumating ang mama niyang may dalang mga litrato ng daddy mo
kasama ang isang babae. Pinalabas ng lola mo na asawa iyon ng ama mo at hindi
na niya ako babalikan pa. Masakit ang loob ko noon kaya kahit pa nangako akong
hihintayin ko siya ay tinalikuran ko na lamang ang lahat at ang tanging alam ko
ay niloko lang ako ng Daddy mo. Pinaasa at pinahintay niya ako sa wala. Umuwi
ako sa bahay at dahil sa galit ng mga magulang ko ay tinakwil nila ako. Noong
panahon namin, kung nabuntis ka, isa na iyong napakalaking kahihiyan at mas
magiging doble pa kung nabuntis ka at wala kang maiharap na ama ng pinagbubntis
mo. Pinalayas ako. Wala na akong ibang matakbuhan noon maliban kay tatang mo.
Ipinagtapat ko sa tatang mo na noon ay naunang kasintahan ko kaysa sa daddy mo.
Nang una ay gusto niyang ipalaglag ka namin at kapag natanggal ka ay
pakakasalan niya ako. Tanggap daw niya ang nangyari sa akin ngunit hindi niya
kayang makita niyang buhay ang bunga ng pagtataksil ko sa kaniya. Sinabi kong
isisilang kita isa pa, anim na buwan ka na noon sa sinapupunan ko at hindi na
ligtas sa akin na ipalalaglag kita kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin ka na
lang. Umalis kaming dalawa sa aming baryo at nagpakalayo-layo. Napadpad kami sa
lugar kung saan ka lumaki at walang nakakikilala sa amin. Ipinagpalit ng tatang
mo ang buo niyang pamilya sa akin ngunit sa pagdaan ng panahon ay nagiging
mainitin na ang ulo niya hanggang nagiging manginginom na at iresponsable.
Galit siya sa iyo. Sa tuwing nakikita ka niya ay bumabalik sa kaniya ang
katotohanang nagtaksil ako. Nagalit din ako sa iyo dahil sa tuwing nakikita
kita ay parang naiisip ko ang daddy mo na nagpaasa at nanloko sa akin.”
Napabuntong hininga ako. “Totoo
bang nag-asawa ng iba si Daddy?”
“Nalaman ko na lamang sa kaniya ang
buong katotohanan nang magkita kami nang lumaya ako at sinundo ako sa atin.
Humingi lang siya ng tulong sa mommy niya na bisitahin niya ako para malaman
ang kalagayan ko ngunit pinalabas ng mommy niya na nag-asawa na siya ng iba
para mapaglayo niya kami at nagkuwento din siyang sumama na ako sa ibang lalaki
at kaya hindi na niya ako naabutan pa sa apartment. Umuwi daw ang daddy mo para
hanapin ako ngunit wala na nga ako sa apartment. Sinundan niya ako sa aming
baryo ngunit nakaalis na kami ng tatang mo doon. Alam kong hindi siya
nagsinungaling anak dahil kilala niya ang mga magulang ko at mga kapatid.
Kilala niya ang buhay sa aming baryo. Tumagal daw siya doon ng dalawang buwan
ngunit dahil hindi na ako bumalik at dahil alam niyang sumama na ako sa tatang
mo ay wala na siyang ibang magawa kundi bumalik na lang sa Manila. Wala siyang
kasalanan anak. Naging biktima lang tayo ng mga pagkakataon. Biktima ng maling
simula. Pupunta siya ngayon dito para hingin ang tawad mo. Anak, alam kong
hindi naging maganda ang paglaki mo. Naghirap ka, nasaktan, dumaan ng mga
pagsubok. Ngunit nakaraan na iyon anak. Matalino ka at alam kong alam mo ang
gusto kong ipakahulugan sa iyo. Pakinggan mo ang puso mo. Napatawad ko na siya
anak. Puwede pa tayong magsimulang muli. Sana kalimutan na natin lahat.
Niyakap ko si nanang. Humahagulgol
ako. Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil hindi ko siya binigyan ng pagkakataong
magpaliwanag. “Oo nang, handa na akong makinig sa kaniya. Gusto ko ding humingi
ng tawad sa nagawa ko sa kaniya sa mga nakaraang buwan.”
“Anak, gusto niyang magpaliwanag ng
tungkol sa inyo ni Gerald. Gusto niyang ilahad ang buong kuwento sa inyong
dalawa dahil alam niyang kapwa na kayo nahihirapan. Alam na ni Gerald ang lahat
at ikaw na lamang ang hindi pa nakakaalam. Sana bago magiging huli ang lahat,
makinig ka sa ama mo. Alam kong hanggang ngayon nalulungkot ka parin. Palayain
mo ang puso mo, matuto kang makinig sa paliwanag ng iba.”
Sasagot pa lamang sana ako nang may
kumatok sa pintuan. Bukas ang pintuan ngunit nagbigay pugay lang na naroon siya
at nakikinig. Lumingon ako at nakita ko si Daddy. Nakangiti sa akin at mabilis
ko ding sinuklian iyon ng buo at mapang-unawa kong ngiti. Pinalaya ko ang aking
puso, kumilos ang aking paa at tumakbo ako papunta sa kaniya. Niyakap ko siya
ng mahigpit na mahigpit. Muling bumulwak ang aking luhang puno ng pag-asa at
saya.
Hinayaan kong mamutawi ng aking
labi ang matagal ko ng gustong itawag sa kaniya…
”Daddy!”
[14]
Hinayaan
kong maramdaman ng matagal ang yakap ng isang ama. Kaytagal kong gustong
maramdaman iyon. Simula ng bata pa ako at hindi ko naranasang hawakan ng isang
tunay na ama. Pumikit ako. Gusto kong punan ang pagkukulang na iyon sa aking
pagkatao at pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ni nanang. May ngiti sa labi na
mula pagkabata ay hindi ko iyon nakita sa kaniya. Masaganang luha din ang
umaagos sa kaniyang pisngi na parang ang dating asiwa at pagod niyang mukha ay
naging kalmado at tuluyang nabura ang hirap na kaniyang dinanas. Tumingin ako
kay Daddy at tumingin din siya sa akin. Nang makita ko ang basa niyang mga mata
at ang pamumula nito ay alam kong pinipigilan lamang niya ang pagbagsak ng
kaniyang luha hanggang nakita ko ang mahina niyang pagtawa.
“Kaytagal kong pinangarap na mabuo
ko ang pamilya ko. Ito ang pangarap ko na dati ay akala ko tuluyan ko ng hindi
pa makakamit. Oo nga’t nasa akin na lahat ng yaman at luho sa mundo ngunit
laging may kulang. Laging may iniisip akong akala ko hindi ko na kayang abutin
at dahil kay Gerald muling nabuo ang pamilya ko.”
“Dad, alam nab a ni Geral na
magkapatid kami?”
“Gusto kong ilahad sa iyo ang buong
kuwento anak.” Sinuklay-suklay niya ang buhok ko na para parin akong bata sa
kaniyang paningin.
“Sige po, makikinig ako.” bumitaw
ako sa kaniya. Hinila ang isang upuan at umupo ako doon. Umupo din siya sa
tapat naming mag-ina. Nanatiling lumuluha si Ate Champagne dahil sa kaniyang
mga naririnig at nakikita. Sobra siyang nadala sa mabilis na pagkabuklat ng
kuwento ng aking buhay.
“Ang ipinakita ni lola mo kay
nanang mo noon na kasama ko sa litrato ay ang mommy ni Gerald. Matalik ko
siyang kaibigan mula pagkabata ko dahil kaibigan ng pamilya namin ang pamilya
niya. Kung may taong nakakaalam sa buong kuwento namin ng nanang mo, walang iba
kundi ang mommy ni Gerald. Nagkaklase kami sa Elementary, High School hanggang
College at nakasama ko siya sa ibang bansa para sa aming international
practicum. Nagpadala ako ng mga pictures namin sa lola mo na hindi ko naisip na
gagamitin niya iyon bilang panira sa binitiwan kong pangako kay nanang mo.
Naniwala ang nanang mo sa kasinungalingan noon ng mommy ko.”
Huminto
siya. Napailing saka niya itinuloy.
“Sumalangit
sana ang kaluluwa ni mommy. Hayun nga, nang binalikan ko ang nanang mo sa
apartment ay wala na siya doon at nang sinundan ko siya sa purok nila ay hindi
ko na siya naabutan dahil ayon sa mga magulang niya, sumamang nakipagtanan sa
iba. Hindi parin ako naniwala noon. Alam kong mahal ako ng nanang mo at hindi
niya magagawang sumama sa ibang lalaki. Dahil walang nakakaalam kung saan sila
nagpunta ay sinikap kong hintayin ang pagbabalik niya. Lagi kong
ipinapanalangin ang kaniyang pag-uwi. Naghintay ako ng dalawang buwan doon na
kahit anong galit ng mommy ko ay wala akong pakialam basta ang lagi kong
iniisip ay sana man lamang ay maipaliwanag ko sa nanang mo kung ano ang totoo.
Ngunit nabigo ako hanggang naisip kong maaring masaya na siya sa piling ng
kaniyang sinamahan at dala ng pagkabigo, bumalik ako ng Manila. Halos isang
taong wala akong ginawa kundi maglasing, mambabae, magwaldas ng pera, bumiyahe
sa ibang bansa para makalimutan ko lang ang nanang mo. Hanggang kinausap ako ng
mommy ni Gerald at binuksan niya ang mga mata ko. Hindi niya ako iniwan. Kahit
mahirap ay ipinaramdam niya sa akin na hindi natatapos ang buhay sa pagkabigo
sa pag-ibig. Kung buhay man ang pag-ibig kailangan hindi ka mamatay sa
pag-ibig. Dapat marunong kang mabuhay ng dahil sa pag-ibig.”
“Naging kayo ng Mommy ni Gerald
Dad? Ibig sabihin ay magkapatid kami ng ama ni Gerald?” tanong ko. Ngunit sa
sulok ng aking isip ay nagdadasal akong sana hindi kami magkapatid. Sana ay
hindi matuldukan ang pag-iibigan namin dahil hanggang sa sandaling iyon ay siya
parin ang laman ng aking puso.
“Hanggang pagkaraan ng isang taon
ay naging maganda muli ang takbo ng buhay ko. Pinagsikapan iyon ng mommy ni
Gerald. May boyfriend noon ang mommy ni Gerald ngunit napabayaan niya at
nagkulang siya sa oras doon sa boyfriend niya ng dahil sa akin. May nangyari sa
kanila noon ng boyfriend niya hanggang dahil sa kaseselos ng boyfriend niya sa
akin at dahil hindi naman ako kayang iwan ng mommy ni Gerald na wala pang
pumapalit kay nanang mo sa puso ko ay naging madalas ang kanilang pag-aaway.
Hanggang isang araw ay hindi na nagpakita ang boyfriend niya at nalaman na
lamang niyang ikinasal na siya sa ibang babae. Ilang lingo din lang mula noon
ay nalaman niyang buntis siya ngunit paano pa niya ipapanagot iyon sa boyfriend
niyang may asawa ng iba.”
“Ang ibig niyong sabihin Dad, anak
ng ibang lalaki si Gerald? Hindi ko kapatid si Gerald?” napatayo ako sa
kinauupuan ko. Naglulundag ako at parang sa sandaling iyon ay bigla akong
nakahinga ng maluwag, tuluyang naglaho ang lungkot sa puso ko at lahat ng mga
aalahanin ng isip ko ay biglang nawala. Napayakap ako kay ate Champagne. Paulit
ulit kong sinabi na habang lumuluha ako na hindi ko kapatid si Gerald..
Nanginginig ang labi ko at gusto kong isigaw sa buong mundo na hindi ko kapatid
ang taong sobra kong minahal. Ilang minuto din akong napapalundag hanggang
napaluhod ako sa katatawa na may kasamang luha. Mga luhang hinayaan kong umagos
sa aking mga mata. Luhang dala ng hindi ko makayanang supilin na ligaya.
“Makikinig ka pa ba sa buong
kuwento anak?” tanong ni Dad na noon ay napapaluha na rin sa nakikita niyang
ligaya sa akin. Si nanang din ay napatawa sa nakita niyang kakaiba kong
reaksiyon.. Tahimik akong umupo ngunit pangiti-ngiti. Ngunit sadyang hindi ko
talaga mapigilan ang tumawa ng tumawa ng tumawa hanggang lahat sila ay nakitawa
na din.
“Sige po. Okey na ako Dad, ituloy
niyo na.”
“Dahil sa natatakot ang mommy ni
Gerald sa istrikto niyang pamilya at dahil alam kong hindi na ako babalikan pa
ng nanang mo, pinakasalan ko ang mommy niya para kapag maisilang si Gerald ay
may masasabi siyang daddy. Hindi mahirap mahalin ang katulad ng Mommy ni
Gerald. Natupad ang gusto ng aming mga pamilya. Naging mabuting maybahay ang
nanay ni Gerald at walang ibang nakakaalam sa buong pagkatao ni Gerald kundi
ako lamang at ang mommy niya. Hindi namin iyon sinabi kay Gerald dahil gusto
kong mahalin niya ako bilang tunay na ama at iyon din kasi ang tanging paraan
ko para lahat ng mga pagkukulang ko sa iyo ay Gerald ko maibigay. Basta ang
alam ko may anak ako sa nanang mo. Gusto kong gumawa ng mabuti sa anak ng iba, ipadama
ang tunay na pagiging ama para makinig din ang Diyos sa panalangin ko na sana
kung sinuman ang umako sa iyo ay ituring ka din bilang isang tunay na anak
niya. Gusto kong sa pamamagitan ng lubos na pagmamahal ko sa mommy ni Gerald at
kay Gerald ay ganoon din ang gagawin ng kung sinuman ang pumalit sa akin sa
puso ng nanang mo. Ngunit nalaman kong hindi pala ganoon ang nangyari. Sobrang
napahirapan ka ng husto ngunit gusto kong lahat ng iyon ay mabubura na ngayong
magkakasama na tayong lahat anak.”
“Nasaan na ngayon ang Mommy ni Gerald?”
paninigurado ko lamang kahit naikuwento na sa akin ng yaya ni Gerald ang
tungkol sa nangyari sa mommy niya.
“Namatay sa sakit na kanser. Ngunit
bago siya namatay ay hiniling niya sa akin na tanggapin ko si Gerald kahit sino
pa siya at irespeto ang lahat ng gusto niya dahil nais niyang maging masaya ang
anak niya. Gusto niyang mabuo ang buhay ng anak niya na naayon sa gusto nitong
mangyari. Basta wala siyang sinasaktan ay hayaan ko daw na magiging masaya
siya. Sinikap ko namang mabago ang pagkatao niya ngunit sadyang lalaki ang
gusto. Dahil sa pagkatao niyang ganun ay napilitan akong magbasa ng mga libro,
mag-internet tungkol sa ganoong pagkatao para lalo ko pa siyang maintindihan.
Hanggang naliwanagan ako at hinayaan siyang magiging masaya sa pinili niyang
buhay. Nang dumating ka sa buhay niya ay nakita ko ang pagpupursigi sa kaniyang
mag-aral. Naging masaya ang bawat araw niya hanggang hiniling ko sa kaniyang
mag-usap tayong dalawa.”
“Tulad ko, hindi din ba alam ni
Gerald ang lahat ng kuwentong ito?”
“Wala siyang alam anak. Nalaman na
lamang niya ang buong kuwento nang inuwi siya sa bahay ni Joey na hinang-hina.
Kinabukasan no’n ay nag-usap kami. Hindi naging malaking isyu sa kaniya ang
katotohanang hindi ko siya anak dahil ayon sa kaniya, higit pa sa tunay na anak
ang naramdaman niya mula sa akin at kahit pa nalaman niyang hindi ko siya tunay
na anak ay hindi nagbago ang pagtingin at pagmamahal niya sa akin. Ang tanging
hindi niya natanggap ay ang bigla mong pagtalikod sa kaniya. Lahat ng paraan
ginawa namin para mapaliwanagan ka ngunit sadyang nagiging mailap ka.
Ipinagkait mo sa kaniya ang pagkakataong magpaliwanag. Hindi mo siya binigyan
ng pagkakataong marinig ang kaniyang hinaing. Hanggang sa siya na mismo ang
nag-ayos sa kaso ng nanang mo para makalayo. Iyon ang tangi niyang inatupag
dahil alam niyang kapag makalaya ang nanang mo at muli kaming magkasama ay iyon
ang magiging susi para makinig ka sa akin. Sabi niya sa akin na hayaan kong
gawin niya iyon para sa akin, sa nanang mo at higit sa lahat ay sa iyo. May mga
gabing nakikita ko siyang umiiyak. Napakalakas ng kaniyang iyak. Ilang gabi
ding isinisigaw ang pangalan mo. Nasaktan siya ng sobra sa pagkawala mo lalo
pa’t hindi niya masabi sa iyo ang kaniyang niloloob. Iyon bang lahat ng gusto
sana niyang sabihin ay hindi niya masabi sa iyo at naiipon lang sa dibdib niya.
Wala siyang ganang kumain ngunit sa pakiusap ko ay pinipilit niyang gawin. Ako
ang nagbibigay ng pag-asa sa kaniya para mabuo ang kaniyang buhay at lagi kong
sinasabing magkakasama din kayong dalawa. Ang laging sagot niya ay…
“Sana nga po Dad. Lahat, lahat ng
meron ako kaya kong ibigay sa kaniya. Lahat ng meron ako ay hindi ako
magdadalawang isip na ihandog sa kaniya dahil alam kong siya ang aking buhay.
Ito na lang ang alam kong huling maibigay sa kaniya at ito lang ang alam kong
kailangan niya sa ngayon, ang mabuo ang pamilya niya. Yung muli kayong
magkakasama, kayo, si nanang at siya. Masaya na ako kapag mangyari iyon kahit
hindi na niya ako babalikan pa.”
Napaluha ako. parang bumabalik sa
akin ang kaniyang pagmamakawa noon sa pinto na mag-usap kami. Ang paghahagulgol
niyang paghingi sa akin ng awa na sana hawak-kamay naming lutasin kung anuman
ang problema. Umiiyak ako dahil sa mga ginawa ko. Hindi niya dapat pinagdaanan
ang ganoong sakit. Hindi siya dapat nasaktan ng ganoon. Naramdaman ko ang hirap
na pinagdadaanan niya dahil ako man din ay ganoon ang sakit na piunagdaanan.
Ang pagkakaiba nga lamang ay alam niyang hindi kami magkapatid pagkatapos ng
gabing nagmakaawa sa akin at ako, ang tanging pumipigil sa akin na kausapin
siya ay dahil gusto kong makalimutan ang pagmamahal ko sa kaniya dahil ang
pagkakaalam ko ay kapatid ko siya.
“Nasaan po siya ngayon Dad?” tanong
ko.
“Nasa bahay. Matagal ka niyang
hinihintay. Gusto kong mula ngayon sa bahay na kayo titira. Iyon ang gusto ni
Gerald. Iyon ang hiling niya. Anak, mahal mo pa ba siya?”
“Opo Dad. Mahal na mahal ko siya.
Pinigilan ko lang dahil ang alam ko kadugo ko siya. Gusto ko naman sanang
magkita kami kung kailan handa na sana akong humarap sa kaniya bilang kapatid
at hindi bilang karelasyon ngunit dumaan na ang ilang buwan Dad pero siya parin
ang mahal ko at hindi nagbago iyon kahit sinikap kong isipin na magkapatid
kami. Mabuti na lamang po at hindi ngunit nasaktan ko na siya. Napahirapan ko
na siya ng hindi ko naman sinasadya.”
“Masakit sana na isiping nagkaroon
ako ng dalawang lalaking anak na hindi nasunod ang damdamin sa ibinigay ng
Diyos nilang pagkatao ngunit kahit baliktarin pa ang lahat at kahit ano pa ang
gagawin ko ay hindi ko matatalikurang anak ko kayo. Mainam ng magkaroon ako ng
anak na katulad niyo ngunit matalino, hindi masamang tao at naipagmamalaki
kaysa magkaroon ng anak na straight ngunit magiging sakit lang ng ulo at kaaway
ng lipunan.”
“Kumusta na po si Gerald ngayon?”
Napabuntong hininga si Daddy.
Tumingin siya sa akin at biglang tumulo ang luha. Alam kong may hindi siya
sinasabi.
“Ayusin mo na ang mga gamit mo
anak. Uuwi na tayo sa bahay. Naghihintay sa atin si Gerald. Matagal na niyang
hinihintay ang pagkakatong ito. Matagal na niyang inaasam na magkakasama tayong
lahat.”
“Bakit hindi niyo sinasagot ang tanong ko?
Kumusta na po si Gerald?”
Yumuko siya at humagulgol. Kung
napigilan niya ang pagluha kanina, ngayon ay hindi na niya nakayanan pa at
natakot ako. Alam kong may hindi magandang nangyari.
[Finale]
Pagkababa
namin sa mga ilang gamit namin ni nanang sa sala ng bahay ay hinanap ko kaagad
si Gerald. Namimiss ko na siya ng husto. Ngayon ko gustong bumawi sa kaniya.
Gusto kong punan ang ginawa kong pagpapahirap sa kaniyang kalooban. Ang ilang
buwan niyang pag-iyak. Ang hindi ko pakikinig sa kaniyang mga pakiusap sa akin.
Ang kaniyang pagmamakaawang hindi ko tinugon. Sa kabila pala ng paglayo ko sa
kaniya ay wala naman siyang ibang ginawa kundi ang ayusin ang pamilya ko. Siya
ang dahilan kung bakit ko nahanap at nakilala ang ama ko. Siya din ang gumawa
ng paraan para lumaya si nanang sa kulungan. Siya din ang humiling na dapat ay
magkakasama na kaming buong pamilya sa iisang bahay. Lahat na ay ginawa niya sa
akin. Lahat na ng meron siya ay buong puso niyang ibinigay kapalit man niyon ay
ang sobrang pagpapahirap ko sa kaniyang kalooban.
“Nasaan si Gerald yaya?” tanong ko
nang makita ang yaya niyang pababa sa hagdanan.
“Nasa kuwarto po niya Sir. Puntahan
niyo na lang. Diretso ho kayo dito at kakaliwa kayo.”
Halos liparin ko ang hagdanan at
nang buksan ko ang pintuan ng kuwarto niya ay nakita ko siyang tulog habang
nakaupo sa may ulunan niya si Joey. Lumapit ako sa kaniya at pinagmasdan siya.
Hindi na siya ‘yung dating Gerald na makulit nang makilala ko siya sa
library…ang guwapong Gerald na humahablot sa notebook ko… ang makisig na Gerald
na tiga hatid-sundo ko, ang mala-Adonis na Gerald na kumakanta habang nagluluto
ako at mapagmahal kong baby na siyang minahal ko ng husto. Pumayat siya ng
husto. Mapusyaw at kalbo. Tulog siya nang dumating ako at ang pagkakita ko sa
ganoong sitwasyon ang tuluyang nagpahina sa akin. Hindi ko naisip na madatnan
ko siya sa ganoong kalagayan. Wala sa isip kong may sakit siya at bago ako
nakapagsalita ay tumulo na ang aking luha. Hinila ako ni Joey sa labas ng
kuwarto.
“Ako ang family doctor nila. Ito
din ang dahilan kung bakit kami pumupunta ng Houston. Ayaw niyang mag-alala ka
sa sakit niya. Gusto niyang manatili siya sa iyo katulad nang nakilala mo siya.
Pinipilit niyang makipagkita sa iyo kahit inaatake na siya ng halos hindi niya
makayanang sakit. Hindi ko siya mapigil na puntahan ka kahit maysakit siya kaya
nga lagi niyang dala ang mga gamot niya kahit saan kayo magpunta. Lahat ay gusto
niyang gawin para sa iyo. Hindi niya inisip ang sarili niya. Ang laging
sinasabi niya kapag nasa Houston kami ay lahat ng ginagawa niya ay para sa iyo.
Gusto niyang gumaling para sa iyo. Ayaw niyang mamatay siya dahil hindi niya
kayang iwan ka.” Nangingilid ang luha ni Doctor Joey.
“Wala na ba siyang pag-asang
gumaling, Dok?” humihikbi kong tanong.
“Malapit ka ng maging doctor. Alam
kong nagkakainitindihan tayo kung sasabihin ko sa iyong Grade IV na ang tumor
niya. Which means the tumor grows very aggressively and it so impossible to
treat lalo na ay kumalat na din ang cancer cells sa utak niya nang maipakita
namin sa Anderson Cancer Center dahil alam kong iyon ang pinakamahusay na
hospital ng cancer sa buong mundo. Sa tuwing umaalis kami noon ay lagi niyang
nirereklamo ang sakit ng pagkakalayo ninyo hindi ang sakit na nararamdaman
niya. Ngunit kailangan niyang gawin iyon para humaba pa ang buhay niya at
magkasama kayo. Puno siya noon ng pag-asa. Lahat ay ginagawa niya gumaling lamang
siya ngunit nang iniwan mo siya, tuluyan na rin niyang pinabayaan ang sarili na
parang wala nang ganang ituloy pa ang kaniyang laban. Mas nagiging pursigido pa
siya sa kaso ng nanang mo kaysa sa pagpapagamot niya dahil ayon sa kaniya,
gusto niyang iwanan ka ng isang buong pamilya at masaya na siyang mamatay kung
makita niyang nagiging buo na kayo.”
“Bakit hindi niyo sinabi sa akin
ang lahat ng ito noong nag-usap tayo dok?” di ko mapigilan ang di mapahagulgol.
“Hiling niyang hindi mo na dapat
pang malaman ang kondisyon niya dahil nga pursigido siyang magpagaling. Tiwala
at buo ang pag-asa niyang gagaling siya dahil sa pagmamahal mo. Ayaw niyang
mag-isip ka ng iba kundi ang pag-aaral mo lang dahil alam niya kung gaano iyon
kahalaga sa iyo. Gusto niyang mapanatili mo ang iyong konsentrasyon sa
pag-aaral.”
“Dok, hindi ko alam ang gagawin ko
kung tuluyan na siyang mawala sa akin.”
“Gano’n din siya sa iyo. Ngayon
lang ako nagkaroon ng pasyenteng kahit sa gitna ng kaniyang paghihirap ay mas
iniisip niya ang para sa mahal niya. Lagi kong naririnig na isinisigaw niya ang
pagmamakaawa niya sa Diyos at ganito ang laman ng lagi niyang panalangin…
“Diyos
ko, ibalato mo na sa akin ang buhay ko para sa baby ko. Kunin mo na lahat lahat
ng kahit pa talino ko, lahat ng material na bagay na mayroon ako…ng kahit anong
magandang kinabukasan para sa akin huwag lang ang buhay ko dahil hindi ko
kayang maihiwalay sa taong mahal ko. Hindi ko siya kayang iwan Diyos ko.”
“Bakit hindi nakinig ang Diyos?
Bakit hinayaan niyang naghihirap parin siya?” pasigaw ko na iyong nasabi.
“May dahilan ang Diyos kung bakit
niya ginawa ito sa inyo. Hindi mo man ngayon nakikita dahil nauuna ang galit at
pagdadalamahati mo ngunit sa pagdaan ng buwan o taon, malalaman mong may
dahilan din ang Diyos sa pagdating ni Gerald at ang tuluyan din niyang paglaho
sa buhay mo.”
“Anak!” boses ni Daddy sa likod ko.
“Dad, bakit ganon? Bakit ito ang
kapalit ng pagkabuo natin. Daddy ayaw kong mamatay si Gerald. Hindi ko
kakayaning mawala siya sa atin. Bakit siya pa Dad? Bakit hindi niyo ito sinabi
sa akin?”
“Dati tinanong ko na rin ang Diyos
tungkol diyan ngunit sa pagdaan ng araw ay natanggap ko na lalo na nang
nakausap ko si Gerald at buong puso na rin niyang tinanggap ang kapalaran niya.
Walang may gustong mamatay si Gerald anak. Napakabuti niyang tao. Kayanin natin
ang maaring pagkawala niya sa atin kahit gaano pa iyon kasakit. Hindi ko alam
kung bakit siya ngunit ayon sa kaniya, siya ang binigyan ng Diyos ng ganoong
karamdaman dahil alam ng Diyos na sa ating lahat, siya ang pinakamatatag at
siya din ang kailangang maghintay sa taas. Hindi ko sinabi ito sa iyo dahil sa
kahilingan niya. Gusto kong gawin mo ang kaisa-isa niyang hiling sa ating
lahat. Walang luluha sa harap niya. Walang magpapakita ng awa, walang
magpapakita ng kahinaan. Irespeto natin ang kagustuhan niyang iyon. Alam kong
hindi mo kaya iyon ngunit nakikiusap akong kayanin mo tulad ng pagsasakripisyo
niyang hindi niya hinayaang maapektuhan ka sa kaniyang karamdaman. Anak, hiling
niya iyon na alam kong mahirap mong gawin ngunit kailangan nating ibigay sa
kaniya. Kung hindi mo pa kaya, pumunta ka muna sa kuwarto mo, isigaw mo doon
ang sakit ng loob mo. Iiyak mo doon ang paghihirap ng kalooban mo at pagbalik
mo sa kuwarto niya, lahat ng naipon diyang sakit ay kaya mo ng pigilin kung
nasa harap mo na siya. Ganyan ang ginagawa ko anak bago ko siya harapin.”
Ginawa ko ang hiling ni Daddy.
Nagbasag ako sa sobrang pagsisisi ko sa mga nagawa ko sa kaniya.
Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko. Sumigaw ng ubod ng lakas. Lumuha, humagulgol,
umiyak ng umiyak ngunit hindi ko kayang ubusin ang sakit. Naroon iyon na parang
bukal na pabalik-balik. Parang dagat na hindi maubusan ng tubig. At noon alam
kong hindi ko maipapangakong kaya kong magpakatibay sa harap ng taong nasaktan
ko ngunit nanatiling tapat sa kaniyang pangako.
Kinahapunan ay kinatok ako ni Dok
Joey sa kuwarto ko. Gising na daw si Gerald at kailangan ko ng ihanda ang aking
sarili sa muli naming pagkikita. Kailangan ko daw patatagin ang loob ko. Hindi
ko alam kung paano ko gawin ang hiling niya. Hindi ako makakapangakong kaya
kong labanan ang pagluha.
Pagpasok ko ay nakita ko siyang
nakasandal sa unan. Taglay nito ang kakaibang ngiti. Walang nakikitang
paghihirap sa kaniyang mukha. Maaliwalas ang kaniyang pagkakangiti sa akin at
nang mabungaran niya ako ay itinaas niya ang dalawang kamay at isinigaw niya
ang katagang…
“Hey baby ko!”
Mabilis akong lumapit sa kaniya at
niyakap ko siya. Pilit kong pinigilan ang pagluha. Niyakap din niya ako. Mahina
ang kaniyang pagkakayakap ngunit sinikap niyang higpitan iyon. Tumuloy ang
pag-agos ng aking luha ngunit ayaw kong ipakita iyon kaya panakaw kong pinusan
iyon sa aking kamay at tinagalan ang pagkayakap ko sa kaniya nang di niya
makita ang basa kong mga mata.
“Patawarin mo ako. Hindi ko po alam
kung papaano ako babawi sa iyo bhie. Sorry…. Sorry…Sorry.
“Shhhh! Tahan na bhie. Huwag mo ng
itago ang pag-iyak mo dahil alam kong umiiyak ka. Iyakin ka kayang baby ka.”
pilit niyang pinasaya ang pag-uusap ngunit kahit kailan hindi ko nakitaan ng
pagkatuwa ang nangyayaring ito sa amin.
“Sorry na po talaga!” tuluyan ng
yumugyog ang balikat ko.
“Sa pagmamahal hindi kailangan ang
salitang patawarin dahil kung tunay kang magmahal kasama nito ang pagtanggap mo
sa kabuuan ng mahal mo hindi lamang ang kaniyang mga kalakasan bagkus mas dapat
pang mahalin ang kaniyang mga kahinaan nang malaman mong siya at katulad mo
ding nagkakamali.”
“Salamat baby. Paano kaya ako
babawi sa iyo?”
“Sige simulan mo ng bumawi ngayon.
Gusto kong ituring mo ako katulad ng dati, iyong baby mong malakas at walang
sakit. Gusto kong lagi kang nakatawa o nakangiti. Sige, puntahan natin sina
nanang at daddy sa garden sa may pool. Sabayan natin sila sa hapunan. Matagal
na akong hindi nakakalabas at ngayong nandito ka na ay gusto kong gawin muli
ang dati nating ginagawa.”
Napakasaya ng hapunang iyon sa
akin. Katabi ko ang mahal ko at kaharap ko ang nagkabalikang mga magulang ko.
Wala ni isa sa amin ang bumanggit tungkol sa karamdaman niya. Tanging mga
masasayang alaala naming dalawa ang naging paksa at ang mga nakaraan nina
nanang at daddy din ang paminsan-minsan ay tinatanong ni Gerald.
“Nang, bukas po baka darating na po
yung magtuturo sa inyo sa mga basics ng pagbabasa at pagsusulat. Huwag po sana
kayo mainsulto pero kailangan po ninyo iyon lalo na kapag gawin kayong Manager
ni Daddy sa isa sa mga shops niya. Nabayaran ko na din kaya huwag na kayong
tumanggi pa.” nakatawang balita ni Gerald.
“Gano’n ba? Salamat anak. Iyan
talaga ang gusto kong gawin.”
Tumitig ako kay Gerald. Naisip kong
bakit lumikha ang Diyos ng katulad niya at kukunin din siya kaagad sa amin.
Napakalupit naman ng kapalaran na kung sino pa ang may mabuting kalooban ay
sila pa ang maagang kinukuha ng Diyos. Ayaw kong lumuha kaya kinuha ko ang
tubig sa harapan ko at inubos ko ang laman niyon.
Nagkatabi kami sa pagtulog ni
Gerald. Nakayakap ako sa kaniya magdamag at sa tuwing nagigising siya ay
haharap siya sa akin at hahalikan ang labi ko sabay sabihing…”Baby naghihilik
ka!”…kahit hindi naman. At kung sakaling makatulog ako at matanggal ang braso
kong nakayakap sa kaniya ay magmamaktol na parang bata. Titigil lamang siya
kung muli kong hihigpitan ang pagyakap sa kaniya.
Kinabukasan ay maaga niya akong ginising.
Kailangan daw magpalit na ako at huli na ako sa intership ko. Pagkaligo ko ay
nasa kusina na siya at hinihintay niya ako para sabayan ng agahan. Kahit medyo
mahina na siya ay pilit parin siyang sumasama na ihatid ako sa clinic na
pinag-iinternan ko at pagdating ng hapon ay naroon din siya para sunduin ako.
Masayang-masaya siya sa tuwing sasakay na ako at yayakapin niya sabay
sabing…”Yeyyyyy dito na mahal kong baby!”
Pagkaraan ng dalawang linggo ay kinausap
ako ni Doctor Joey.
“Bumubuti ang kalagayan niya.
Parang lalo siyang nagiging malakas sa ngayon hindi katulad ng wala ka sa tabi
niya. Kailangan lang nating maghanda dahil magiging palagian na ang pag-atake
ng sakit niya. Pero kung titignan mo siya ngayon, parang lalo siyang lumakas at
sumigla. Tignan mo nga naman talaga ang nagagawa ng pag-ibig ano?” nakangiting
balita niya sa akin.
Dalawang linggo pagkatapos naming
kumain ng hapunan. Sinabi niyang pupunta na kami sa kuwarto para manood ng
paborito naming mga Romantic Comedy movies.
“Bhie, pasuyo lumabas ka muna dito
sa kuwarto kahit ilang oras lang. please!”
Alam kong may mali at inaatake siya
ng sakit niya.
“Bhie, hindi kita iiwan dito lang
ako. Sandali at kukunin ko ang mga gamot mo.”
“Ayaw kong makita mo ako sa
ganitong sitwasyon kaya parang awa mo na. umalis ka na muna
hahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” alam kong hindi na niya makayanan ang sakit ng
kaniyang ulo. Namumula ang buong mukha niya. Hawak niya ang ulo at umiikot-ikot
na siya sa kama niya na may kasabay na pagsipa. Umiiyak lang akong nakamasid sa
kaniya. Pilit kong pinainom ng gamot niya ngunit sumuka lang siya ng sumuka.
Pinakalma ko siya.
“Baby, huminga ka ng malalim. Hinga
ng malalim at kahit sandali lang ay tumigil ka. Kaya mong pigilan yan baby,
Please.”
Kinagat niya ang labi niya. Tumingin siya sa
akin namumula ang mga mata at may mga luha sa gilid nito. Naawa ako sa kaniya
dahil alam kong sobrang sakit na ngunit kailangan niya akong sundin. Tinurok ko
ang injection sa kaniya at pagkatapos no’n habang hinihintay naming umepekto
ang naiturok sa kaniya ay niyakap ko siya ng mahigpit. Alam kong masakit na
masakit ang ulo niya at nagsusuka dala ng kaniyang sakit at hinayaan ko lang na
masukahan niya ako basta hindi ko siya iiwan. Hindi ko siya kayang iwang
mag-isa. Pagkaraan ng ilang saglit ay humina na ang kaniyang pagkakayakap sa
akin at alam kong makakatulog na siya. Muli kong pinagmasdan. Alam kong kahit
ano ang gawin ko, kahit pa doctor ako ay tanging Diyos na lamang ang
makakatulong sa kalagayan niya. Sana maawa ang Diyos sa amin. Sana bigyan niya
kami ng himala. Kahit sa buong buhay namin ay ngayon lang niya kami mabalatuhan
ng kaniyang himala.
Dalawang
linggo pa bago ang aking graduation ay niyaya ko siyang lumabas kami. Dinala ko
siya sa restaurant na unang pinangdalhan niya sa akin. Muling bumalik sa alaala
niya ang araw na naroon kaming dalawa. Lahat ng aming mga napagdaanan at
pagkaraan ng isang oras ay tinawag na ang pangalan ko para alayan ang taong
mahal ko ng isang kanta. Muli kong kakantahin ang kantang inalay niya sa akin.
May boses din naman ako hindi nga lang katulad ng ganda ng boses niya ngunit
alam kong mabibigyan ko ng hustisya ang buong kanta.
Pumailanlang
ang intro ng “Everything I Have” at habang kinakanta ko ay bumabalik ang lahat
sa akin. Hindi ko napigilang hindi maiyak habang kinakanta ko iyon lalo pa’t
nakangiti ang mahal kong nakamasid sa akin. Katulad ko, umiiyak din siya. Alam
kong iyak iyon ng sobrang kaligayahan dahil sa kabila ng pagsubok, buo parin
kaming dalawa.
If
I could be the perfect man in your eyes
I
would give all I'm worth to be a part of your life
I
could promise the world but it's out of my hands
I
can only give you everything I have
Alam
kong ako ang pinakamalaking bahagi ng buhay niya. May mga pagkakamali man ako
ngunit alam kong dama niyang sobrang mahal na mahal ko din siya. Hindi ko nga
lang kayang ibigay at dugtungan ang buhay niya ngunit kung sana puwede lang
ibalato sa kaniya ang kalahati ng buhay ko ay ginawa ko na para sabay din
kaming magbabalik sa hiram naming buhay. Kung sana puwede kong ibigay ang bawat
kalahati ng aking hininga ngunit ang kaya ko lang ibigay ay kung anong meron
ako. Siya…lahat lahat ng sa kaniya ay ibinigay niya sa akin.
I
never dreamed I could ever feel the way I do
I
hope and pray I will always be enough for you
I
can only do my best
I
have to trust you with the rest
Dumating
siya sa buhay ko at hindi ko inaakalang makakatagpo ako ng taong kakaiba kung
magmahal. Ang taong bumuo sa aking pagkatao. Umaasa ako at nananalangin na sana
sapat na ako para sabihin niyang naging masaya siya sa mundo. Dinadalangin ko
na nawa’y naging kumpleto siya sa pagmamahal ko. Inaasahan kong hihintayin niya
ako kung saan man siya tutungo at doon ay muli naming ipagpapatuloy ang naudlot
naming pag-iibigan. Habang narito pa siya, gagawin ko ang lahat para mapaligaya
siya. Hindi ako perpekto ngunit sisikapin kong maging ganoon sa kaniya at ang mga
hindi ko man magawa ay alam kong siya na ang pupuno. Parang hindi ko na kayang
ituloy ang kanta. Sobrang mabigat na ang dibdib ko at hindi na ako makahinga.
Napaupo ako at yumuko na lamang sa kaiiyak nang biglang may tumuloy sa lyrics
ng kanta…
I
promise I will hold you through the changes and fears
when
life seems unclear
and
when I can't be right there with you
I
know there’s an angel by your side
Siya ang nagtuloy sa lyrics na iyon
ng kanta. Nakangiti siya habang kinakanta niya ngunit bumabagtas ang luha sa
kaniyang pisngi. Alam kong nanghihina siya ngunit pinipilit niyang umakyat ng
stage habang kinakanta iyon. at nang matapos ang lyrics na iyon ay hinawakan
niya ang kamay ko at pinisil. Sa sandaling iyon, wala kaming pakialam sa mga
naroon at nanood. Ang tanging mahalaga ay ang sasabihin ng taong mahal ko at
hindi ang iisipin ng iba. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang siya sa
piling ko at gusto kong iparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya sa alam kong tama
lang para sa katulad niya. Hindi ko siya ikakahiya at wala na akong pakialam pa
sa sasabihin ng iba. Sa harap ng madaming tao, habang ang lahat ng mata ay
nakatutok sa amin ay hinalikan ko siya sa labi.
Hiyawan ang mga naroon.
Pumapalakpak. Ang ilan ay may mga luha sa kanilang mga mata. Nadala sila sa
madamdamin naming pagkanta. At ilan sa mga naroon na kasabay naming umiyak ay
mga kakilala niyang nakakaalam sa kalagayan ng taong kayakap ko… ang mahal kong
malapit ng bawiin ng langit sa akin.
Sa pagdaan ng araw ay lalong
nagiging madalas na ang pag-atake ng sakit ni Gerald. Namalagi na si Doktor
Joey sa bahay na katulong ko sa pag-aasikaso sa kaniya. Sa tuwing nakikita kong
namimilipit siya sa sakit ng ulo at nagsisigaw siya habang mahigpit niya akong
niyayakap ay parang ako ang nasasaktan. Sinasabayan ko iyon ng pagdarasal na
sana huwag na siyang pahirapan pa ng Diyos dahil sa katulad ni Gerald na
kabutihan ang ginawa niya sa buong buhay niya ay hindi niya deserve ang ganoong
pagpapahirap. Kung maari lang na ipasa niya ang sakit na nararamdaman niya.
Tanging yakap ko at halik sa kaniyang noo ang tangi kong magawa. Noon ko din
napag-isip-isip na kahit gaano ka pala kagaling na doctor ay may mga sakit ding
hindi mo kayang gamutin at ang lalong napakasakit sa akin ay wala akong magawa
sa karamdaman ng taong sobra kong minahal.
May mga gabing nahuhuli ko siyang
may ka-chat at mga litrato ko ang naka-share. Hindi ko alam kung ginagamit niya
ang mga pictures ko sa pakikipagchat ngunit hinayaan ko na lamang siya dahil
nakikita ko namang nawiwili siya sa ginagawa niya. Bigla niya akong gigising sa
umaga, kukuhanan ng pictures sa ilang mga anggulo. Tatanggalin niya ang damit
ko at tuwang tuwa siyang kunan ako na tanging boxer short lang ang suot ko.
I-upload niya iyon sa Facebook account niya o kaya ay i-share sa kung sinuman
ang ka-chat niya. May mga sandali ding nagtatawagan sila ng ka-chat niya at
nagulat na lamang ako ng bigla niyang ipinasa sa akin ang celphone niya.
“Bhie, kausapin mo siya, kaibigan
ko yan sa Houston. Sa kanila ako namamalagi noong nagpapagamot ako doon. Bryan
ang pangalan niya.”
Para kay Gerald kakausapin ko naman
at makipagkuwentuhan ngunit ginagawa ko lang iyon dahil parang natutuwa siyang
nakikinig sa usapan namin ng kaibigan niya. Tuwang-tuwa siya kung nakikita
niyang natatawa ako sa jokes ni Bryan. May iba akong nararamdaman sa ginagawa
niyang iyon ngunit hinayaan ko na lang gawin niya ang lahat na makapagpapasaya
sa kaniya.
Dumating ang araw ng graduation ko.
Mahinang-mahina na si Gerald ngunit pinilit parin niyang sumama para makita daw
niya akong aakyat sa entablado at tanggapin ang diplomang noon ko pa pinangarap
na makamit. Lahat nasa kamay ko na. Lahat ng pangarap ko ay nasa akin na,
maliban sa taong mahal ko. At siya… siya pa na pinakamalahaga sa lahat ng aking
pangarap ang alam kong napipintong mawawala sa akin.
Pagkatanggap ko ng diploma ko ay
itinaas ko iyon at nakita ko ang pagtayo niya at pagpapalakpak. Nasa mukha niya
ang kakaibang saya. Napapaluha siya sa kakatawa. Masayang-masaya ang baby ko sa
aking pagtatagumpay. Pababa na ako sa entablado at babalik sa aking upuan ng
bigla na lang siyang nakitang natumba sa upuan niya. Nang makalapit ako sa
kaniya ay buhat na siya ni Daddy na walang malay. Lahat kami ay natakot. Ako
man din ay humahagulgol na, pero alam kong buhay siya at nawalan lang ng malay.
Isa iyon sa mga simtomas na malala na nga ang tumor niya, ang pagkawala ng
malay. Dinala na namin siya sa hospital ngunit ilang sandali pa ay nagpilit na
siyang lumabas para daw sa makaattend siya ng party sa bahay.
Nakipag-usap lang siya sandali sa
mga bisita at hiniling niya sa akin na ihatid na siya sa kuwarto niya dahil
pagod na pagod na siya at gusto na niyang matulog.
“Bhie,” hinawakan niya ang kamay
ko. Tumitig siya sa akin. Nakangiti. “Lahat ay nakamit mo na. Lahat ay naibigay
ko na. Lahat ng meron ako, nasa sa iyo na. Pagod na akong lumaban ngunit masaya
akong nasaksihan ko ang lahat ng iyon. Kung anuman ang mangyari sa mga susunod
na araw, gusto kong magpakatatag ka. Alam kong nahihirapan ka na ding nakikita
ako lalo na kapag inaatake ako ng sakit ko. Mas lalo kasing masakit sa aking
nakikita kang hindi alam ang gagawin sa tuwing tinatamaan ako ng karamdaman ko.
Mangako ka sa akin na buksan mo lang ang puso mo na wala na ako. May darating
sa iyo at alam kong mamahalin ka niya tulad ng pagmamahal ko.”
“Hindi ko kaya. Kahit wala ka na,
gusto kong ikaw lang ang huli kong mamahalin.”
“Bata ka pa bhie, gusto kong ienjoy
mo ang buhay mo. Huwag kang matakot magmahal. Oo nga’t masasaktan ka ngunit
kasama iyan kung nagmahal ka. Kakambal ng ligaya ang sakit sa pag-ibig. Lahat
kailangan sumubok sa pag-ibig. Hindi mo alam kung magiging masaya ka o magiging
malungkot, wala ka ding alam kung magtatagumpay ka o mabibigo kung hindi mo
subukang magmahal. Subukin mong magmahal bago mo malalaman ang kahihinatnan.
Ang mahalaga sa pag-ibig ay ang sumubok kang magmahal at ngumiti, hindi yung
sumuko ka na agad na hindi pa sumusubok.”
“Ngunit bhie, ikaw lang ang mahal
ko, wala ng hihigit pa sa iyo, wala ng makakagawa sa mga nagawa mo sa akin.”
“Hindi ko naman sinasabing may
papalit sa akin kung saan mo ako ilalagay sa buhay mo. Mananatili ako doon.
Ngunit subukan mo lang buksan ang ibang bahagi ng puso mo para sa iba. Maaring
may darating na magbibigay sa iyo ng hindi man katulad ng ginawa ko ay ibang
nakakatuwang pagtatapos naman ng pag-ibig ang hatid nito sa iyo. Matatahimik
ako’t masisiyahan kapag makita ko na sa kabila ng masakit na karanasan at
pagtatapos natin ay muli kang magmahal at binuksan mo ang puso mo sa bagong
darating.”
Gusto ko mang tumanggi sa sinabi
niya ngunit hindi ko na siya kinontra pa. Itinaas ko ang kumot niya. Hinagkan
sa labi at muli kong pinalaya ang luha ng pagdadalamhati.
“Kung
may darating hayaan mong magiging handa muna ang puso ko’t isipan bago ko
harapin ang bagay na iyan. Ngunit pangako kong bubuksan ko ang puso ko sa iba.”
“Huwag kang mangako bhie…sumumpa
ka!” pagkasabi niya niyon ay nakita ko ang mabilis na pagpunas niya sa kaniyang
luha na umagos sa kaniyang tainga. Alam kong masakit din sa kaniyang palayain
ako ngunit alam niyang iyon ang dapat at tama.
“Sumpa ko iyan sa iyo bhie. Sumpa
ko ‘yan.”
Kinabukasan ay hinawakan niya ang
kamay ko. Pinikit niya at minulat ang mga mata. Kinabahan na ako sa nakita kong
reaksiyon niya. Alam ko ng mangyayari iyon sa kaniya.
“Bhie, anong oras na? Bakit mo pinatay ang
ilaw sa kuwarto?”
Niyakap ko siya. Mahigpit na
mahigpit. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing pati kurtina sa kuwarto niya
ay nakabukas at sumisilip na ang sinag ng araw sa kaniya. Hindi ko na naman
napigilan ang lumuha dahil alam kong ilang oras na lamang ay mamaalam na siya
sa akin.
“Bhie, magsalita ka naman.”
“Umaga na baby. Nakabukas ang
bintana mo at maliwanag ang araw.” garalgal kong sagot. Sobrang sakit sa aking
makita siya sa ganoong kalagayan. Hindi ko kayang pigilin ang umiyak.
“Alam ko na. Naiintindihan ko na.
baby, huwag mo akong iwan. Gusto kong nahahawakan kita para kahit hindi na kita
makita ay alam kong nariyan ka lang sa tabi ko. At kung sakaling hindi na kita
marinig, kung sakaling hindi ko na kayo makikilala pa at hindi na din ako
makapagsalita, gusto kong yakapin mo lang ako. Gusto kong ihatid ako ng yakap
mo hanggang sa huli kong hininga. Mahal na mahal kita. Naging buo ang buhay ko
dahil sa iyo at sinumpa mo sa akin, sana gawin mo para sa ikaliligaya mo din.
Hihintayin kita bhie. Alam kong muli tayong magkakasama at hihintayin kita
doon.”
Niyakap ko siya… “Mahal na mahal
kita! Salamat sa lahat lahat. Ikaw ang gumawa ng paraan para makamit ko lahat
ng pinangarap ko. Ikaw na pinakamahalaga sa akin ang tuluyan pang mawawala
ngunit gusto kong malaman mo na ikaw ang pinakamalaking bahagi ng buhay ko.
Hinding-hindi kita makakalimutan.”
Ilang oras pa ay dumating na lahat
ang kinatatakutan ko. Tama ang sabi niya kagabi, pagod na siya sa
pakikipaglaban. Gusto na niyang magpahinga at hiniling ko sa Diyos, taimtim
akong nanalangin na ibigay na niya ang hiling ng baby kong magpahinga.
Hanggang nawala na ng tuluyan ang
kaniyang pandinig, hindi na niya maikilos ang kalahating bahagi ng katawan,
hindi na din siya makapagsalita at kahit hindi niya ako marinig ay kinakantahan
ko siya ng Everything I Have… paulit-ulit, hindi ako nagsasawa kahit pa
pinapaos na ako. Lumuluhang nakamasid lang sa amin si Nanang at Tatang.
Nakahiga kaming dalawa sa kama niya. Nakaunan siya siya sa isang braso ko.
Nakadantay ang isang braso niya sa akin habang yakap ko siya. Paulit-ulit akong
kumakanta at alam kong iyon ang gusto niya hanggang naramdaman ko huminga siya
ng ubod ng lalim, nanginginig siya na
parang giniginaw at tuluyang nanigas.
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. Itinigil ko ang pagkanta,
humagulgol ako at para maibsan ang naipong pagdadalamhati sa dibdib ko ay buong
lakas kong isinigaw ang pangalan niya….
“GERAALLLLLLLLLDDDDDDDDD”
Sa
burol walang patid ang pagdating ng mga gustong makita siya. Hindi ko siya
iniwan. Lagi ako sa tabi ng kaniyang kabaong. Hindi ko pansin ang ikot ng
lahat. Hindi ko din pansin ang pagdating at pag-alis ng mga nakidalamhati.
Masyado akong natamaan sa pangungulila. Akala ko kasi kaya ko na. Akala ko din
matatanggap ko ang pagpanaw niya pero hindi pala ganoon kadaling tanggapin ang
sakit na iwan ka ng mahal mo dahil kailangan na niyang mauna.
Ako
din ang huling umalis sa libing. Nagpaalam na sina nanang at tatang. Sinabi
kong susunod na lamang ako dahil gusto kong magpaalam kay Gerald ng ako lang at
siya ang nasa sementeryo. Nakidalamhati ang langit. Bumuhos ang ulan.
Biglang
may nagpayong sa akin. Lumingon ako at isang gwapo at matipunong lalaki ang
nakita ko. Mas matangkad si Gerald ngunit hindi sila nagkakalayo ng hitsura.
Ngumiti siya sa akin. Nakatingin lang ako sa mukha niya. Nagtataka. Madaming
gusting itanong.
“Ako
nga pala si Bryan. Kaibigan ni Gerald. Yung nakausap mo sa celphone from
Houston? Ibinilin ka niya sa akin. Sana hayaan mong tulungan kitang bumangon
muli.”
“Kailan
ka pa dumating dito?”
“Nang
araw na namatay siya, hindi ko na siya naabutan pero sa celphone nakapangako
ako sa kaniyang ako ang mag-aalaga’t titingin muna sa iyo. Sana maging bukas ka
sa pagdating ng mga pagbabago sa iyong buhay. Hindi ako nagmamadali. Handa
akong maghintay. Basta nandito lang ako hanggang handa ka na muling humarap sa
bagong yugto ng buhay.”
Hindi
na ako nagsalita. Naalala ko ang sumpa ko kay Gerald. Pinaghandaan niya lahat.
Ibinigay niya ang lahat ng mayroon siya. Inakbayan ako ni Bryan nang tumalikod
kami sa puntod ni Gerald.
Babalik
ako. Hindi siya mawawala sa aking alaala. May natatangi siyang lugar sa puso
ko't buong buhay. Walang sinuman ang papalit sa kaniya doon ngunit may nakalaan
paring bahagi ng puso ko sa iba. Iyon ang binitiwan kong sumpa sa kanya. Hindi
ako magsasawang bisitahin siya sa kaniyang libingan kasama ang kaibigan niya… kasama ng lalaking pinagkatiwalaan niya para
sa akin.
Ang
kantang “Everything I have” ni Clay Aiken ang theme song namin ng apat na taon
ko ng pag-ibig. Sa kaniya ko iniaalay ang nobela at kantang ito. Hanggang sa
muli nating pagsasama sa isang Nobela namang kikiliti sa inyong
maka-kristiyanong kamalayan. Paano kung ang isang pari ay magmamahal sa katulad
niya ng kasarian?
No comments:
Post a Comment