Monday, January 7, 2013

Exchange of Hearts Finale

By: Gelo
Source: michaelsshadesofblue.blogspot.com


Naalimpungtan ako sa isang kalabog na narinig ko malapit saking tabi, unti-unti kong binuksan ang aking mata. Mula sa malabo hanggang luminaw ang paningin ko sa paligid, hinanap ko ang pinanggalingan ng ingay na gumising sa mahimbing kong tulog. Nakita ko ang pinsan ko nakatingin sakin at parang my pinupulot na kung anong bagay sa sahig at parang ingat na ingat sa pag pulot ng bagay na nahulog.

“kuya!! Gising ka na !!” mukang sabik na sabik syang Makita akong nagising. Sinuklian ko lamang sya ng isang pilit na ngiti.


“teka kuya tatawagin ko ang lola!” nagmamadali syang lumabas ng pinto at kumaripas ng takbo palabas.

Pinagmasdan ko ang paligid, napakaaliwalasn ito. May bintana malapit saking tabi at rinig ko ang mga ibong humuhuni at parang nag kakantahan. Sumasabay naman ang mga puno sa ihip ng hangin para silang nag sasayawan. Sinibukan kong tumayo ng bigla akong nakaramdam ng hapdi sa dibdib ko. Hinawakan ko ang dibdib ko ng malaman ko nakabalot ito ng gasa. Biglang kong naalala ang lahat, may sakit nga pala ako sa puso. Malamang tapos na ang operasyon sakin at hinawakan ko ang dibdib ko at napangiti ako dahil ligtas ako. Napasulyap ako sa Birhen na santoninyo malapit saking mesa, sinibukan kong tumayo ng dahan dahan upang lapitan ang Birhen at mahipo man lang upang magpasalamat. Tumulo ang luha ko sa sobrang pagpapasalamat at saya na binigyan muli ako ng Diyos ng pagkakaataon upang mapagsilbihan ko Sya.

Lumapit ako sa bintana upang dumungaw, napakaganda ng paligid doon ko lamang napagtanto napakasarap mabuhay sa mundong ibabaw. Ng subukan kong muling bumalik saking higaan, napasulyap muli ako sa mesa ko at doon ko nakita ang isang litrato na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. Sobrang lakas tipong buong katawan ko ramdam ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko. Napahawak ako sa dibdib ko upang kontrolin ang pagkabog ng dibdib ko. Napaupo ako, unti-unti humupa ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Inabot ko ang litrato sa mesa, hindi ko mawari kung bakit ganun nalang kalakas ulit ang pagkabog ng dibdib ko unti-unting tumulo ang luha ko tuloy tuloy sa litratong hawak ko. Ang litrato namin ni louie. Hindi ko alam bakit ako naiiyak noong oras na hawak ko ang litrato naming, napakasaya naming sa litrato na iyon. Parang wala kameng problema noon at napakasaya ng lahat nakaakbay sya sakin samantalang ako naman ginugulo ang buhok nya.

Biglang bumukas ang pinto at naputol ang momento ko sa pag-iyak, dali dali kong pinunasan ang luha ko at nilapag ang litrato sa mesa.

“nak?” sabi ni mama ng may alinlangan.

“ma..” sabi ko ng may ngiti saking labi. Lumapit bigla ang mama ko sakin at niyakap ako ng marahan.

“nak salamat sa Diyos at gising kana.” Umiiyak ang mama ko habang binibigkas ang mga salita nya. Nasa likod naman ang lola at pinsan ko na nag pupunas lamang ng luha habang nakatitig sakin. Ako naman ngiti ang sukli sa kanila.

“alam mo bang halos isang lingo kang walang malay anak? At araw araw nag dadasal ako na magising ka na anak.” Umiiyak parin si mama.

“kuya alam mo ba, nagpamisa pa sa school ninyo upang maging successful lang ang operasyon mo, ang daming nakasali upang mag dasal sa kaligtasan mo.” Singit pa ng pinsan ko. Natuwa naman ako sa narinig ko ang dami palang sumuporta sakin.

“salamat sa Diyos at binigyan pa nya ako ulit ng pagkakataon upang makasama kayong lahat.” Sabi ko ng may ngiti sa mga labi ko.

“asan ang papa?” tanong ko ng may pagtataka.

“ahmm. Bumalik muli sya sa abroad nak inaayos ang papeles nya para mag resign sa trabaho nya at mag stay dito sa pilipinas for good.” Sabi ni mama ng may ngiti sa labi. Natuwa naman ako sa narinig ko. May gusto pa sana akong hanapin kaso bigla kong naalala ang nakaraang galit ko at pumigil sakin na bigkasin ang susunod kong sasabihin. Ang hanapin si louie.

“ahmm..” magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto. At pumaosk si Doc Sanchez at isang nars.

“Good morning Andy!” bungad ni Doc.

“Good morning Doc.” Sagot ko ng may ngiti.

“I know you’ll be okey as expected, cause you’re so strong. Kamusta ang pakiramdam? Wala abng nararamdamang sakit?” pangungusisa ni Doc.

“wala naman po medyo may konting hapdi lang po sa sucat ko sa dibdib.” Sabi ko.

“good! Wala ka namang nararamdamang kakaiba sa pakiramdam mo?” tanong ni Doc.

“wala naman po, everything is normal.” Sagot ko.

“Good!! Napaka successful ng surgery at sa tingin ko magiging mabilis ang recovery mo andy.” Sabi ni Doc.

“ahmmm Doc, tanong ko lang po san po galing ang puso na pinalit sakin?” tanong ko ng may pag-aalinlangan. Pansin ko biglang nagbago ang aura sa buong kwarto at namuo ang tension at nag titinginan silang lahat hindi alam kung sino ang mag sasalita.

“ano!” “ahmmm” “si!” sabay sabay silang nag salita at hinid ko alam kong sino ang papakinggan.

“pwede bang si Doc nalang mag sasabi?” sabi ko.

“may isang pamilya na namatayan ng isang Binatang anak dahil sa aksidente at pumayag na idonate ang puso sayo.” Sagot ni Doc. Derederetso ang sagot ni doc kaya nainiwala naman ako agad.

“pwede ko bang maka-usap ang pamilya? Upang mapasalamatan ko ng personal?” sabi ko.

“ahmm nak, ang pagkakaalam ko umalis na sila palabas ng bansa dahil sa nangyari gusto daw nilang mag simula muli ng bagong buhay duon dahil iisang anak lamang ang nag donate ng puso sayo kaya medyo masakit sa mag-asawa ang nangyari kaya pinili nilang mangibang bansa na nalang.” Sabot ni mama. Nalungkot naman ako narinig ko.

“sayang naman kung ganun, hinid ko man lang sila napasalamatan ng personal.” Sabi ko ng may halong lungkot sa aking mga mata.

“oh! Andy just to remind you bawal ang maging malungot ok? Bawal din ang sobrang pagtawa at heavy works, BAWAL ANG UMIYAK!” pag babawal sakin ni Doc Sanchez.

“ok po Doc.” Sinuklian ko lamang ng isang matamis na ngiti.

“oh sya Andy magpakagaling ka ok? Continue parin natin medications mo, for observations ka parin ok? Pag kaya mo na Discharge na kita.” Sabi ni Doc.

“Salamt po ng marami Doc.” Sabi ni mama.

“bumisita dito kahapon ang tatlo mong classmate kahapon ang sabi nila bibisita sila ulit dito ngayong araw.” Sabi ni mama. Napa-isip naman ako kung sino sino yung tatlong iyon. Malamang sila faye, aldrin at joner. Napabuntong hininga lamang ako. Hinid ko maintindihan gusto kong hanapin s louie sa kanila kaso hinid ko mabigkas bigkas ang pangalan nya, ito nga siguro yung tinatawag na PRIDE!

Ang dami naming napag usapan ng araw na iyon, mga alaala ng mga nakaaraan, balita sa probinsya naming at mga plano sa mga kinabukasan. Nabalitaan ko na may trabaho na pala nag kuya ko at nag sisiskap na hindi na tulad ng dati na batugan at walang ibang alam gawin kundi ang lumamon. Samantalang ang isa ko naming kapatid nag-aaral ng mabuti upang maging isang Sea Man nakakatuwa dahil dati tatahimik tahimik lang at laging walang kibo at ngayon pinapatunayan ang kanyang pagkalalaki. Nakakatuwang marinig ang mga ganung balita lalo na’t sa sitwasyon kong ito malaking tulong upang maka recover ako agad sa pinanggalingan kong karamdaman.

Hindi namin napansin ni mama na sobra na pala kameng nawili saming pag-uusap at hindi naming napansin ang oras ng araw na iyon. Mag hahapon na din pala, maya maya din dumating ang mga classmate kong sila faye, aldrin at joner.

“teh..” bungad ni faye na parang hindi ma express ang sarili na nakita na akong magaling na.

“it’s been a long time?” biro ko.

“ang O.A mo ha! Isang lingo lang naman!” sabay lapit sakin at yapak.

“namiss ka namin lahat sobra! Salamat sa Diyos at pinakinggan nya lahat ng dasal namin.” Sabi ni faye na nag babasag ang boses sa pag pigil ng luha.

“teh ang O.A mo iiyakan mo pa ako! Ano namatay lang.” biro ko na tawanan naman ang lahat.

“kala ko pa naman ako ang tatangap ng medal mo bilang Cum Laude eh .” banat ni aldrin.

“grabe ka naman drin parang sinabi mo naman na sana hindi na ako nagising para ikaw nalang tumangap ng medal!” tawanan ulit ang lahat.

“at saka may isang sem pa naman eh hindi pa natin masasabi malay mo may ibagsak akong isang subject? Lalo pa’t hindi pa ako masyadong magaling ngayon.” Sabi ko.

“sows!! Parang hindi ka namin kilala!! Kaya mo habulin lahat yun basahan mo lang iyon ng isang gabi kaya mo lahat ipasa ang mga examinations at hindi lang basta pasado!! Highest pa!” pagpuri sakin ni aldrin. Sunuklian ko lamang sya ng isang ngiti.

“ahmm.. miss ka na ng banda, at hinahanap ka na ng mga suki mong costumer. Sabi ng pala ni daddy regards daw pag nagising ka na.” sabi ni joner, natuwa naman ako sa nalaman ko. Ang dami palang naka-alala sakin.

“soows!!! Ang banda nga lang ba nakamiss sa kanya?” pag singit ni faye.

“ha?” sabi ni joner.

“baka ikaw talaga yung nakamiss?” banat ulit ni faye. Tawanan naman ang lahat.

“teh naman! Matagal na issue yan laos na!” sabi ko.

“laos na nga! Bat namumula ka!?” tawanan ang lahat.

“teka mga iho iha ha! Mataong ko lang anong banda at suki na nabanggit itong si joner? Hindi ko maintindihan.” Nagkatinginan kameng lahat, hindi ko kasi nasabi kay mama ang tungkol sa pag member ko sa banda at tumutugtog kame every week ends.

“ay! Oo nga pala! Ma hindi ko nasabi sayo na kasali ako sa banda isa ako sa lead singer ng banda kasama si joner tumutugtog kame sa RestoBar na pag mamay-ari ni daddy ni joner.’ Pagpapaliwanang ko.

“may pinagmanahan ka nga.” Sabi ni mama.

“ha? Pinagmanahan kanino ma?” pag tataka ko.

“dati sumali din ako sa banda dito din sa manila, dalawa din kameng lead singer noon hindi ko din sinabi mga mga lola at lolo mo na tumutugtog ako.” Hindi naman ako masyadong nagulat dahil magaling naman talaga kumanta ang mama kaya kapanipaniwala.

“ganun po ba? Minsan tita invite ka namin sa play namin sa RestoBar kung gusto nyo po.” Sabi ni joner.

“hmmm depende sa bayad, may kalakihan kasi TF ko eh!” biro ni mama na nagpatawa sa lahat.

Habang nasa gitna kame ng kasiyahan naputol ang momento sa isang pagbagsak ng isang bagay mula saking mesa. Ang picture naming ni louie. Pinulot ni mama ang picture ngunit hinid naman nabasag ang salamin nito. Nagkatinginan lahat, hindi alam kung anong sasabihin. Hindi ko din mawari bakit ni isa sa kanila walang gustong magbanggit sa pangalan ni louie. Ayaw ko din simulan ang usapan tungkol sa kanya alam kong alam na ng lahat ang huling pangyayaring hindi pag kakaunawaan namin ni louie kaya siguro ayaw din nilang simulan ang usapan tungkol sa kanya. Ako nalang nag bumasag sa katahimikan ng lahat.

“oh? Parang may dala kayong pagkain ha? Siguro alam nyong magigising na ako sa araw na ito noh?” sabi ko upang basagin ang katahmikan.

“pinsan mo kasi nagtext kay joner na nagising ka na daw kaya ito nag dala kame ng paborito mo! Ito oh carvonara at fruit salad!” parang nanlaki naman ang mga tenga ko sa narinig ko at parang gusto ko lundagan ang pagkain sa pagkasabik feeling ko isang taon akong hindi nakakain.

“wooooooooow namaaaaan!!!” wala akong nasabi kundi ma amaze sa dinala nilang paborito kong pagkain!

“simulan na natin yaaan!!” sigaw ko sa kanila.

Halos hindi ako magkanda ugaga sa pagkain ng paborito kong pagkain, sa sobrang pag-aasam kong makain mas inuna kong kainin ang fruit salad hahaha! Matapos binanatan ko naman ang carbonara na dala nila. Madami kameng napag usapan noong oras na iyon, balita sa school sa banda at kung ano ano pa. ang saya ng lahat noong oras na iyon parang walang nangyaring kalbaryo at simula muli ng isang masayang buhay ang pakiramdam ng lahat. Ngunit sa dami dami ng napag-uusapan naming pansin ko maingat sila sa bawat salita na binabanggit nila sakin. Hinid ko mawari kung may iniiwasan silang mapag-usapan o ayaw lang nila na may masabi sila na pwedeng ikasama ng loob ko. Ni hindi man lang nila nabangit ang tungkol kay louie parang iwas na iwas silang mapag-usapan ito. Ayaw lang siguro nila sumama ang loob ko. Kaya hindi ko na din sinubukan mag tanong tungkol sa kanya.

Hindi man lang naming napansin na alas 10 na ng gabi sa dami ng napag-uusapan naming. Nag simula na din silag mag paalam sakin at nangakong babalik muli bukas para sa isang masayang usapan.

“teh mauna na kame ha?” sabi ni faye.

“magpagaling ka na! dapat sa pasukan magaling ka na ha? Wala kameng makokopyahan!” biro ni aldrin.

“pagaling ka andeng! Miss ka na ng lahat.” Matapos nilapit nya ang labi nya sa tenga ko. “lalo na ako.” Nakarramdam naman ang ng kiliti sa tenga ng marinig ko iyon. Tinukso naman kame ng lahat sa kwarto sa ginawa nyang iyon. Minsan pilyo din itong si joner eh.

“oh sige! Bukas ulit ha! Pag walang pasalubong NO ENRTY!” sabi ko.

“pwede i.d nalang dalhin namin?” sabi ni faye.

“HINDEEEEE!” sigaw ko! Tawanan naman ang lahat.

Naging masaya ang araw na iyon, ramdam ko ang suporta ng lahat sakin na nag bibigay lakas sakin upang gumaling agad. Nag daan ang ilang araw ay naging madali sakin ang pag papagaling, Salamat sa Diyos at wala naming na detect na komplikasyon sakin madalas daw kasi pag dating sa heart surgery maaring sa unang mga araw ay magiging okey pero darating ang araw na mag rereeact ang katawan ng tumangap ng puso at i-rereject ng katawan ang puso. So far, wala naming nagyayari sakin ganon. Limang araw lamang ang tinagal ko sa hospital at pinayagan ako ni Doc Sanchez na umuwi na.

Habang nasa daan kame pauwi, tinititigan ko ang bawat lugar na nadadaan naming pakiramdam ko kasi napakatagal kong nawala at sobra akong nawiwiwli sa bawat tanawin ng dinadaan namin pauwi. Naging madali sakin ang pag adjust sa kalagayan ko, dahil isa din akong medical practitioner madali lang sakin ang alagaan ang sarili ko kahit hindi ako i-close monitoring ng mama.

Dalawang araw palang ako sa bahay hindi na ako mapakali at gusto ko na lumabas at pumunta ng school, ewan ko ba hindi ako mapakali sa bahay parang may humahatak sakin palabas. Sa totoo lang kaya gusto ko lumabas, gusto ko Makita si louie, gusto ko sya maka-usap at mag tanong kung anong nangyari habang wala ako, gusto ko sya ma nya ako. hawakan, mahagkan at masiil ang kanyang labi. Sabi ko sarili ko pag nakita ko sya kakalimutan ko na ang mga nangyari lahat! Gusto ko mag simula kame muli na parang walang nangyaring trahedya samin.

Nag desisyon na akong pupunta ng school kinabukasan ng araw na iyon, nag paalam na ako kay mama sa una ayaw nya ako payagan pero nag pumilit ako at sinabi ko naman na kasama ko si faye sa pag punta sa school kaya pumayag na din si mama alam nyang bawal sumama ang loob ko kaya pinayagan na din ako. Gabi bago ang araw na pupunta ako ng school, nag mumuni muni ako sa kwarto ko bago matulog tumayo ako at hinalungkat ko lahat ng gamit ko sa damitan, inisa isa ko ito tinitignan ko kung ano ang gagamitin ko kinabukasan. Lalo tuloy akong nasabik sa pag sikat ng araw kinabukasan sa mga nakita ko, halos kalahati ng mga damit ko pag mamayari ni louie, inipon ko lahat ng damit nya at hiniwalay ko ito sa mga damit ko matapos tinitigan ko lang ang mga ito, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko hindi ko maintindihan kung bakit. Nagulat ako sa naging reaksyon ng puso ko parang gustong kumawala at parang may sinisigaw ito pakiramdam ko may sarili itong buhay. Napaupo ako saglit dahil nabigla ako pero kaya ko naman ito kontrolin napabuntong hininga nalang ako dahil dito.

Dumating ang kinabukasan at maaga ako nagising upang mag ayos at pumunta ng school, ang dami kong expectations ng araw na iyon. Pero isa lang talaga ang inaasahan ko ang makita at makausap ko si louie. Nakakasabik talaga ang bawat eksena mula sa pagsakay ko ng pedicab hangang pagsakay ko ng jeep lahat ito ginagawa namin ni louie papasok ng school bawat tanawin na dinadaan ko sa byahe nilalasap ko bawat detalye. At para akong tanga at napapangiti ako sa bawat lugar kung san meron kameng memories ni louie. Hangang sa nakarating ako ng school, ang saya saya talaga sobra! Parang gusto kong mag tatalon sa galak di ko aakalain na makakabalik pa ako sa lugar na ito. Sinalubong naman ako agad ni faye. Sabay kameng pumasok ng school, at habang nag lalakad kame ang daming pumupuna sakin at pumapansin lahat sila masaya ang bati sakin talagang nakakatuwa at nakakaaliw.

Pati mga guro namin tuwang tuwa nang nakita ako halos silang lahat gusto ako kausapin at tanungin kung kamusta ang kalagayan ko, nakakatuwa naman talaga pakiramdam ko isa akong artista na nagbalik eksena.

“teh kaloka! Feeling ko artista ako nito!” sabi ko kay faye habang naglalakd kame paakyat papuntang college naming upang kopyahin ang mga schedules namin for the next semester.

“sino ka naman?” tanong ni faye na kunwari seryoso habang binabasa ang mga code ng subjects.

“hmmmm Angel Locsin?” sabi ko ng seryoso.

“sabi mo eh!” wala naming kontra si faye ewan parang biglang nagbago ang aura nya siguro busy lang talaga pag mamatch ng code ng subjects at time.

Nakarating na kame sa taas at sinusulat na namin ang mga subjects at rooms nito nakasabay naman naming si ate jen na kinaiinisan ng lahat dahil masyadong epal at walang preno kung mag salita, laking states kasi kaya ganun pero ako nasasakyan ko naman ugali nya kahit papano.

“Uy! Andy! How are you?! I have heard things about you and im glad you are ok now.” Bati sakin ni ate jen.

“ah opo, thank you! Kaw ate jen? How are you? You look fresh ha galling ka ba sa vacation?” sabi ko.

“actually, I have just arrived yesterday from New York, well anyways, im glad you’re fine now.” Sabi nya na sabay tipong aalis na.

“ah thank you ate jen.” Sabay sukli ko ng isang ngiti. Nakatalikod na sya ng biglang huminto at bumalik.

“oh! I have heard about louie.” Same old feeling na biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko na hindi ko pinahalata.

“ah!” hinhintay ko lamang ang susunod nyang sasabihin habang pasimple akong lumilingon kay faye, at si faye naman na parang binuhusan ng malamig na tumig at natulala kay ate jen.

“at louie?! Yes! His good too.” Singit agad ni faye na parang na-uutal pa sa sinasabi.

“oh really?! That’s good, kasi I have heard the tragedy bout him.” Parang gusto kong tumumba sa ikinatatayuan ko ng oras na iyon sa narinig kong tragedy.

“oh well anyways guys, be good ok? This is the last sem. See you on class days.” Wala na ako sa tuliro! Kung ano ano na pumapasok sa isip ko ng oras na iyon, palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.

“teh!? Hoy! Ano nangyayari sayo? Ok ka lang? gago to namumutla ka oh!! Umupo nga muna tayo!” sabay hila sakin ni faye sa braso upang umupo. Sinubukan kong huminga ng mabuti at mag relax upang kontrolin ang malakas na kabog ng dibdib ko. Tahimik, walang nag sasalita samin ni faye ramdam ko din na kinakabahan sya alam kong may hindi sinasabi sakin si faye. Huminga muna ako ng malalim at binuga ito ng dahan dahan at sinumulan kong basagin ang katahimikan.

“faye anong nangyari?” hindi ko na sya tinatawag na “teh” alam nyang pag ganon ang tono ng pananalita ko seryoso ako sa usapan. Hinid ko man lang sya matitigan at kinakabahan ako sa pwede kong malaman.

Napalunok laway si faye bago mag salita. “teh, hindi ata ako ang dapat mag sabi nito.” Sabi ni faye na malumanay.

“sino?” iba na nararamdaman ko hindi ko maintindihan parang sasabog na ako at gusto ng bumulusok ng luha ko. Tinignan lang ako ni faye at hindi alam kung anong sasabihin.

“faye sino? Ako nalang ba ang walang alam?” nag simula ng tumulo ng luha ko.

“teh relax please! Hindi pwedeng sumama ang loob mo please relax lang.” halatang natataranta na si faye sa sitwasyon.

“umuiw na tayo.” Sabay tayo ko upang ihanda ang sarili sa pwedeng malaman.

Habnag nasa byahe pauwi lutang na lutang ang utak ko, ang daming pumapasok sa isip ko patungkol kay louie. Hindi ko man lang namalayan nakarating na pala kame sa babaan. Naglalakad kame papunta bahay naisip kong daanan ang bahay nila louie ngunit napakatahimik ng paligid nito parang wala tao. Lumapit ako sa pinto sinubukan kong makiramdam kung may tao ba sa loob pero wala akong narinig kahit kaluskos man lang. mas lumakas ang kabog ng dibdib ko, nagkatinginan kame ni faye na may halong namumuong luha saking mata niyakap nalang ako ni faye upang humupa ang namumuong kaba saking isip. Nakauwi na kame at nakasalubong naming agad si mama sa baba ng bahay. Nagkatitigan si mama at si faye parang nag-uusap ang mga mata nila. Hinawakan ako ni mama sa kamay at niyayang umupo.

“nak.” Malumanay na sabi ni mama. Tinignan ko lamang sya sa mata ng may halaong lungkot at kaguluhan sa ano ba talaga ang nangyari.

“sa tingin ko hindi ito ang tamang oras upang sabihin sayo ang lahat anak pero alam kong nakaka halata ka at hindi ka titigil hanggang hindi mo nalalaman ito.” Mas humighigpit ang kapit ni mama saking kamay.

“nak, ipangako mo sakin na..” nag sasalita pa si mama pero nag salita na ako agad.

“ma, asan si louie?” halos ibulong ko nalang ang sinabi ko dahil nag simula ng bumuhos ang luha sa mata ko. Nagkatinginan si mama at faye parag naghihintayan sila ng signal kung pano sisimulan ang dapat nilang sabihin.

“sabihin nyo na, mas hinid makakabuti sakin kung pag-iispin nyo ako ng kung ano-ano kakayanin ko kung ano man iyon.” Patuloy parin ang agos ng luha saking mga mata. Tumingin muna si mama kay faye at yumuko lamang si faye.

“kay louie galing ang puso mo ngayon.” Inangat ko ang muka ko upang tignan si mama sa muka at nakita kong namuo ang luha sa kanyang mata, napapikit ako sa narinig ko. Parang pakiramdam ko lumulutang ako sa kalawakang walang hanggan at parang naging plain ang buong paligid. Hindi ko alam pano ako mag rereact sa nalaman ko. Pakiwari ko nawala lahat ng senses ko, wala akong makita, marinig o maramdaman. Ang tangi ko lamang naririnig ay malakas na kabog ng aking puso, ang puso ni louie duon ko lamang naramdaman ang bawat daloy ng dugo saking mga ugat na nagbibigay buhay sakin buong katawan bawat tibok nagsasabi kung kano nya ako kamahal sa pag bigay ng sarili nyang buhay sakin. Noong oras na iyon ayaw ko ng makarinig ng anuman, tumayo ako ng walang sinasabi at tinatanong nakikita kong nag sasalit si mama at faye pero wala akong marinig, Gusto ko mapag-isa.

Narating ko ang kwarto ko agad ko naming sinarado ang pinto, naupo ako sa kama. Inikot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng kwarto ko, bawat sulok may alala ni louie. Bawat bagay sa kwarto ko nag bibigay alala kay louie. Ang cabinet ko ng halos kalahati ng damit ko pagmamay-ari nya, ang tukador ko na naglalaman ng mga ilang gamit nya, ang bawat pader sa kwarto na may mga litrato naming dalawa na sobrang saya namin, ang ilang unan sa kama ko na pag sa kwarto sya natutulog sya ang gumagamit kahit ang carpet sa kwarto ko na nagbibigay naalala na sinabi ko sa kanya ipahid nya ang sipon nya duon, lahat ng ito nagbibigay alala sa kanya, saming dalawa. Duon ko lang naramdaman ang sinasabi nilang “BREAKDOWN AND CRY” wala na, bumigay na ang buong kong katawan at namalayan kong nakabagsak na ang katawan ko sa carpet ko at duon nag buhos ng sakit na nararmdaman ko.

Ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko ang ganitong sakit, mas masakit pa sa mga dinaanang sakit ko parang pinag halo halong sakit sa puso, isip at katawan. Hindi ko mawari, para akong nawala sa ulirat ko. Tumayo ako at nilapitan ko ang bawat bagay na nagbibigay alala saming dawala ni louie, gusto ko maramdaman ang lahat bawat piraso at bawat sulok nito. Gusto ko maramdaman ang bawat sakit ng alala nito dahil bawat sakit andun ang alaala at sa alaala ramdam ko na kasama ko sya. Lumabas ako ng kwarto ko magang maga ang mata ko. Nadatnan ko si mama sa harap ng pinto nakaupo parang hinihintay ang aking pag labas.

“nak! Ok ka lang ba?” kitang kita ang pag-aalala sa mata ni mama. Binawian ko lamang si mama ng isang ngiting pilit. Sabay lumalakd muli pababa.

“nak san ka pupunta bawal kang lumabas mag-isa.” Sabi ni mama.

“hayaan nyo muna ako ma please, alam ko ang gagawin ko hindi ko sasayangin ang buhay na pinagkaloob muli sakin.” Sagot ko kay mama na sa tingin ko nagpakontento kay mama.

Lumakad ako palabas, gusto ko puntahan ang lahat ng lugar na pinupuntahan namin ni louie. Nilakad ko lamang ang palabas sa sakayan ng jeep na usually sumasakay ako ng pedicab. Gusto ko makita ang bawat detalye ng lugar na dinadaanan namin kahit may kalayuan hindi ko ininda iyon. Sa labas sa kalye sakayan ng jeep may malapit na mcdo at chowking duon kung saan madalas kameng kumakain pag trip naming kumain kahit 12 pa ng madaling araw. Pinasok ko ang dalawang fast food restaurant umupo ako sa loob. Tinignan ko ang bawat sulok nito, inaalala ko ang mga ginagawa namin duon habang kumakain kame parang nakikita ko ang imahe nya sa harap ko na kumakain habang may ngiti sa kanyang mga labi hindi ko mapigilang umiyak, wala na akong pakelam sa mga taong makakakita sakin ito lang ang paraan ko para makasama ko sya sa sarili kong paraan. Muka na nga akong nasisiraan ng bait pero alam ko sa sarili ko paraan ko ito para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Naglakad muli ako, papuntang school namin. May kalayuan pero muli hindi ko ininda ang layo nito. Naalala ko muli yung araw na nilakad namin ito ni louie pauwi at nag tampisaw kame sa ulan at kinukutsa ko sya dahil kakot na takot sya sa bawat kulog at kidlat ng ulan. Muli dumaloy ang luha saking mga mata. Nakarating na ako sa school, naupo ako sa harapan ng school kung san madalas nag hihintay kame ng jeep upang sumakay pauwi. Naaalala ko din yung unang beses kameng sumakay ng jeep ng sabay pauwi na hinintay nya ako mismo kung san ako naka upo napapikit na lamang ako at napabuntong hininga. Pumasok ako sa loob ng school, medyo may kadiliman na ang paligid at may mga tao parin naman sa loob ng school ngunit bilang na lamang. Naupo ako kung san kame madalas tumatambay nila faye,joner at aldrin kasama si louie. Pinikit ko ang mata ko at inalala ko ang araw na magkakasama kameng tatlo na masaya. Napayuko ako sa mesa at duon ko binuhos ang luha na aking pinipigil bago pumasok ng school. Ang lungkot ng paligid parang nakakaramay ito sa sakit ng nararamdaman ko pati ang ihip ng hangin napakamalumanay at malamig.

Habang nasa ganong pagluluksa, biglang pumasok sa isip ko ang banda. Tumayo ako at nagdesisyong tahakin ang restobar. Nang marating ko ang restobar, demeretso ako sa likod nito kung san dressing room bago ang tugtugan. Kumatok ako ng dalawang beses, sa labas pa lamang rinig na ang ingay gawa ng kanilang tawanan at usapan. Ng pumasok ako biglang silang nahinto sa kanilang ginagawa at tawanan.

“andeeeennng!!!” sigaw ni lovely.. bigla naman silang naglapitan sakin at galak na galak sa aking presyensya.

“huy! Dahan dahan kayo baka mabinat yan!!” sigaw ni joner.

“kamusta kana?!! Grabeh!! Isa kang patunay na may MIRACLE!” sabi ni lovely. Sinuklian ko lamang ng isang pilit na ngiti.

“ano tutugtog ka ba ngayon? Madami nag hahanap sayo.” Singit ng isa pa naming miyembro.

“oo tutugtog ako.. for last..” biglang nanahimik ang lahat..

“bakit? Anong problema?” tanong ni joner na malumanay.

“kailangan ko bang sabihin sayo? O ikaw ang magsasabi sakin?” natahimik si joner na parang nabilaukan at hindi alam anong isasagot.

“kung ano man iyon andy nireresto namin ang iyong desisyon, alam namin na mabigat ang pinag dadaanan mo ngayon. Kung ito ang paraan para matulungan ka namin hindi ka namin pipigilan.” Sabi ni lovely.

“maraming salamat..” napayuko ako at nagsimulang lumuha. Niyakap naman ako ni joner sunod ay si lovely hangang ang lahat ay nakayakap na sakin.

“maraming salamat sayo andy.. you have been a big part of the band, you are always welcome to be back if maayos na ang lahat.” Sabi ni joner.

Nag ayos na ang lahat para simulan ang gig, masayang tugtugan ang simula ng play. Ang daming tao ng orsa na iyon sabado kasi. Nakaupo lang ako sa bandang harap pinipilit makiindak sa saya ng tugtog. Maya maya biglang my lumapit sakin, mukang pamilyar ang mama.

“buti naman nakabalik ka na.” sabi nya sakin habang nakatayo sa bandang harap ko.

“ah.. opo.” Pinilit kong ngumiti.

“pwede bang maki upo?” tanong mama.

“sure.” Sabi ko.

“naalala mo ba ako?” tanong nya.

“muka pong pamilyar.” Tugon ko.

“ako yung dating nagrequest sayo ng kanta at nagbayad ng may kalakihang halaga.” Pagbunyag nya. Naalala ko naman agad sya nga pala yung mama na kauna-unahang taong nag request sakin nung pangalawang araw ko sa banda.

“ah, oho alala ko na kayo.” Sinabayan ko ng ngiti.

“buti naman kung ganun, tutugtog ka ba?” tanong nya sakin.

“ahmm opo, last play ko na po ito.” Nakita ko na nalungkot sya sa sinabi ko.

“ganun ba? Pwede bang humingi ng pabor?huli na pakiusap.” Nagmamakaawa sya at hinawakan ang kamay ko.

“ahmmm..” alam kong mag rerequest syang muli, gusto kong tanggihan dahil hindi naman ako handa at matagal din akong hindi nakakanta simula nung mag kasakit ako.

“ano po ba iyon?” tanong ko, nag kukunwaring walang idea sa gusto nyang mangyari.

“ipagkanta mo naman ako ng isang kanta.” Tulad ng aking inaasahan.

“kasi po eh..” hindi ko alam pano ko sasabihin ayaw kong makasakit ng damdamin ng iba.

“please.. huling beses na.” biglang lumapit si joner at nakikinig pala sa aming usapan hindi ko man lang namalayan na tapos na ang 1st set ng banda.

“sir, sorry po.. sa ngayon po hindi tumatangap si andy ng request kung gusto nyo po ako nalang ang kankanta.” Paliwanag ni joner. Halatang nalungkot ang mama sa sinabi ni joner.

“sige po mamaya po lapitan nyo ako para sa request nyo.” At tipong tatayo na ako para sumama kay joner papunta back stage napaupo ako muli sa pahabol ng mama.

“pag nagboboses babae ka kasi naalala ko ang asawa ko halos katunog mo sya kung kumanta.” Napalingon ako at nakita ko sa mga mata nya ang namumuong luha. Sobra akong nakonsyesya at parang may humatak sakin upang umupo muli. At nag simulang syang mag kwento.

“56 years old na ako ngayon,mag-isa lang akong namumuhay. Simula ng mawala ang pinakamamahal ko. Dapat Masaya ang buhay ko ngayon at may masayang pamilya, kaso sadyang madaya ang panahon at pinag kait sakin ito. Isang cancer patient ang asawa ko, 13 years na kameng mag syota at nag plano na kameng magpakasal habang sa kalagitnaan ng kanyang pagpapagamot. Alam kong mahinang mahina na ang katawanan nya at anytime pwede na syang bumitaw pero kinakaya nya hangang sa umabot ang araw n g aming kasal. Isang araw bago kame ikasal, hindi na nya kinaya at binawian na sya ng buhay pero kahit ganon tinuloy namin ang kasal naming kahit wala ng buhay ang kanyang katawan. Halos mamatay na din ako sa sakit, kinasal nga kame hindi ko naman sya makakasama. Mula noon pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako mag hahanap ng iba magtitiis ako hanggang makasama ko sya muli.”

Hindi ko kinaya at naluha ako sa kwento ng mama, duon ko napagtanto na hindi lang pala ako nag-iisa sa mundong ito may mga tao din palang mas mahirap at dinadanas kaysa akin. Biglang muling nagbalik ang lahat ng alala na meron kame ni louie, ang hirap ng ganto pakiramdam ko buhay ako pero walang silbi ang lahat para sakin.

“pasyensya na kayo ha! Ang drama ko.”Habang nagpapahid sya ng luha.

“kakantahin ko na po.”

Matapos ang 30 minutes nag balik muli ang banda sa stage.Ngayon classic songs naman ang mga patutugtugin ng banda kasama ako.

“Once again, good evening everyone.. kung kanina po ay nag indakan at napasayaw kayo saming 1st set ngayon naman po ay puro classic songs ang patutugtugin natin at later on saming 3rd set ay papasayawin naming kayong lahat muli.” Sabi ni joner. Nag simula ng mag play si joner ng mga songs sinimulan nya ito sa R&B type music. Ng halos maka 5 na syang kanta hindi na ata nakatiis at pinutol nya ang momento sa isang anunsyo.

“before we play the next song! Im sure you miss this one fabulous artist of Maforsims band. Im very glad to present to you ladies and gentlemen the come back of my partner lead singer no other than ANDY!!” palakpakan ang lahat ng marinig nila ang pangalan ko. natuwa ako at mainit ang salubong sakin ng mga tao at iba pa nga ay nag hihiyawan at sumisipol ng ako’y paakyat ng stage.

“thank you very much Mr. joner for that warm words of welcome as well as my beloved audience na miss ko po kayong lahat.” Tahimik naman ang lahat ng magsimula akong mag salita.

“ahmmm.. a while ago habang nakaupo po ako dun sa bandang harap, someone approached me and requested for a song. I actually don’t accept some request for certain reasons, but then nung nagsimula po syang magkwento I was touched by his story. Kaya ito pinagbigyan ko sya. Sir I hope magustuhan nyo po itong kakantahin ko para sa asawa mo.” At nagpalakpakan ang mga tao at nag simula akong kumanta.



Will you wait for me

I need to talk with you again,
Why did you go away?
All our time together still feels like yesterday
I never thought I'd see
A single day without you,
The things we take for granted,
We can sometimes lose
And if I promise not to feel this pain,
Will I see you again?
Will I see you again?
'Cause time will pass me by,
Maybe I'll never learn to smile,
But I know I'll make it through,
If you wait for me...
And all the tears I cry,
No matter how I try,
They'll never bring you home to me
Won't you wait for me in heaven?
Do you remember how it was?
When we never seemed to care,
The days went by so quickly,
'Cause I thought you'd always be there...
And it's hard to let you go,
Though I know that I must try,
I feel like I've been cheated,
'Cause we never said goodbye...
And if I promise not to feel this pain,
Will I see you again?
Will I see you again?
'Cause time will pass me by,
Maybe I'll never learn to smile,
But I know I'll make it through,
If you wait for me...
And all the tears I cry,
No matter how I try,
They'll never bring you home to me
Won't you wait for me in heaven?
'Cause I miss you so, and I need to know...
Will you wait for me?
'Cause time will pass me by,
Maybe I'll never learn to smile,
But I know I'll make it through,
If you wait for me...
And all the tears I cry,
No matter how I try,
They'll never bring you home to me
Won't you wait for me in heaven?
And time will pass me by,
Maybe I'll never learn to smile,
But I know I'll make it through
If you wait for me...
Hindi ko alam kung sinadya ba ito o nagkataon lang ang bawat lyrics nito at tumatagos sa puso ko, lahat ito may kaugnayan din sa pinagdadaanan ko, halos maluha luha din ako habang kumakanta. Palakpakan ang mga tao, kita ko nakangiti sakin ang mamang nag request sana napasaya ko sya sa huling gabi ko dito sa banda.
“Thank you guys.. I would like to take this opportunity to thank all of you for coming tonight at ofcourse sa mga suki ng bar maraming maraming salamat, sa mga nagging kaibigan ko dito sa bar I hope I have made you smile during those times na nakasama ko kayo. Syempre kay sir(dad ni joner) for having me here as one of the lead singer. To my bandmates who tought me how to be more a good singer, for the friendships we had! Syempre kay joner for bringing me here for introducing me to these wonderful people we have here without him wala ako dito. Actually guys this would be my last play..” seryoso ang lahat habang ako’y nagsasalita. “ahmmm may mga bagay talagang kailangan mong tapusin upang mag simula muli, I hope na maging tama desisyon ko. Mahirap sakin ang gawin to, because I love doing this and I love the people behind this. But I have to do this for myself. Once again thank you po ng maraming marami!!! At sana dumating ang panahon na babalik ako dito to make everyone smile again. My last song will be the fisrt song I ever play here its called Exchange of Hearts”
Nagsimulang tumugtog ang piano at nakaramdam ako ng matindi kilabot sa buo kong katawan at kasabay nito ang sobrang hinagpis na aking pinag dadaanan.
E
EXCHANGE OF HEARTS
One-sided love broke the see-saw down
I got to get rough when I hear the grudge
And you went your way and I went wild
And girl, you'd understand if your heart was mine
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
I'd never wished a lonely heart on you
It's not your fault, I chose to play the fool
One day may come when you'll be in my shoes
Then your heart will break and you'll feel just like I do
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
When time turns the tables and soon I'll be able
To find a new romance
And then you'll remember my love warm and tender
Too late for a second chance
(Instrumental)
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
If we had an exchange of hearts
“hnd ko napigilan umagos ang luha saking mga mata, siguro kasabay na din ang sakit na aalis na ako sa banda na alam ko sa sarili ko na mahal ko ang pag kanta kaso kailangan ko gawin ko dahil sa tuwing kumakanta ako naalala ko ang bawat sakit na pinag dadaanan ko sa buhay bawat liriko sa kanta ay binibigyan ng kahulugan ng aking puso na nagdadagdag sakit saking nararamdaman. Alam ko darating ang panahon at ibabalik ako ng aking mga yapak dito sa harap ng entablado upang mag bigay ngiti muli sa mga tao”
Pinilit akong ihatid ni joner umuwi pero nagpumilit akong tumanggi sa gutso nya. Mas gusto ko kasing mapag isa, halos 12am na ng madaling araw nuon ng maka uwi ako. Pag dating ko ng bahay gising pa nag lahat ng nasa bahay. Nadatnan ko si mama, lola at pinsan ko sa sala mukang inaantay ang aking pag dating. Ng makita nila ako agad silang tumayo at lumapit sakin.
“anak! San ka ba galing? Papatayin mo naman ako sa sobrang pag-aalala! Tumatawag ako sa cellphone mo pero nakapatay naman!” halos maluha luha si mama habang nag sasalita.
“ma.. pagod po ako gusto ko na mag pa hinga..” hindi ko man lang nagawang sagutin ang lahat ng tanong nya.
“teka kumain ka na ba ha?” pag-uusisa pa nya.
“opo..” sagot ko habang naglalakd papasok ng aking kwarto. Balisang balisa ako sa mga pangyayari, maski sila hindi nila ako maka-usap ng maayos alam nila ang aking pinag dadaanan.
Pagkahiga na pagkahiga ko sinalubong ko agad ang aking unan at nag buhos ng luha duon. Pakiramdam ko mauubusan na ata ako ng tubig sa katawan sa kakaiyak buong mag araw hindi ko pa ito nagagawa sa buong buhay ko na umiyak ng buong araw. Hindi din ako nakatulog ng gabing iyon puro iyak at pag-mumukmok ang ginawa ko buong gabi. Si mama din ata hindi din nakatulog dahil nakikita ko pabukas sindi bukas sindi ang ilaw nya sa kabilang kwarto natatanaw ko kasi ito mula sa butas ng exhaust fan sa dingding ng aking kwarto. Habang nag brabrowse ako sa cellphone ko ng mga pictures namin ni louie biglang nakita ko ang mga pictures naming nung umuwi kame ng probinsya nila at nakita ko duon ang bahay bahayan na ginawa naming dalawa na sinabi niyang magiging bahay naming iyon tuwing uuwi kame ng probinsya nila. Hindi ko alam kung anong sapak ang dumaplis sa utak ko at bigla akong tumayo at mag impake ng mga gamit ko. Nag babakasakaling sa pag balik ko sa lugar kung san naming pinaramdam sa isa’t isa kung gano naming kamahal ang bawat isa, baka dun maibuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko upang mailigtas ko ang sarili ko sa trahedya na dala ng aking sakit na nararamdaman.
Pasekreto akong umalis ng bahay, buti nalang nakatulog na si mama. Mga 5am ako umalis ng bahay at may dala lang akong sapat na pera upang makarating at makauwi galing sa probinsya nila. Tandang tanda ko pa ang lahat ng daan at lugar papunta sa kanila. Saktong 7am nakarating na akong pier at bumili na din ako agad ng ticket. Ang Bait talaga ng Diyos at sa araw ding iyon ay may byahe papunta sa kanila. 9am nagsimula ng umandar ang barko at naka pasok na din ako sa loob. Pinag mamasdan ko lamang ang tanawin habang umaandar ang nasa isip ko parang kelan lang nung naalala ko na pumunta ako ng probinsya nila at napakasaya naming dalawa. Di kalaunan dinalaw din ako ng antok habang nag mumuni muni sa byahe.
Bigla nalang akong nagising ng naramdaman kong maingay ang paligid at nag-aayos na ang mga tao para bumaba ng barko, ang ilan nga ay naka baba na. hindi na ako nahirapan pumanik papuntang bahay nila tiya elsie at tiyo albert dahil nga nakarating na din ako duon. Saktong 6pm nakarating ako sa bahay, nadatnan ko si tiya at tiyo na sinasako na muli ang binilad ng palay sa kalsada. Pagkaba na pagkababa ko nasilayan agad ako ni tiya at mukang tinatanaw ako sa hindi kalayuan at inaaninag kung sino ba ako at nakita kong kinalabit nya si tiyo albert upang tanungin kung sino ang papalapit sa kanila. Ng makompirma nila bigla naman itong sumigaw si tiya elsie.
“aba si andeng!!” kumaripas naman ng takbo itong si tiya elsie sakin upang salubungin ako, napangiti naman ako dahil naaalala pa pala nila ako.
“aba!! Sino kasama mo ha? Bat mag isa ka lang? asan si aweng ha? Kaputi mo na namang bata ka!” galak na galak si tiya elsie sa pag kakita sakin, bigla naman akong natameme ang hindi alam ang sasabihin tungkol sa tanong niya kay louie malamang ilang lingo palang ang nakakalipas matapos ang trahedsya wala pa silang alam tungkol sa nangyari at mahirap din ang komunikasyon dito gawa ng walang signal.
“alberto!! Halika dito at tulungan mo ako sa mga bagahe ni aweng, ano ba mga ito at may karamihan ata anak?” tanong ni tiya.
“at may mga pasalubong kasi ako jan sa inyo tiya kaya medyo napadami.” Sabi ko.
“ay ganon ba? Ay tara na at pumasok na tayo.” Lumapit naman agad si tiyo at nagbigay galang naman ako sa pamamagitan ng pag mano.
“ang puti mo na naman ay tiyak iitim ka na naman dito.” Sabi ni tiyo napangiti nalang ako.
Ng makapasok na kame ng bahay inikot ko ang buo kong paningin sa buong bahay, at sa oras na iyon bumalik muna ang mga magagandang alaala namin ni louie sa bahay na iyon. At bigla nalang naputol ang aking momento sa tanong ni tiyo.
“asan ba si aweng at ikaw lang mag-isa?” hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanila at parang nabibilaukan ang ng oras na iyon at tila walang lumalabas sa aking bibig.
“ay sya alberto mamaya mo na interbyuhin iyang si andeng sigurado akong gutom iyan! Halika na dito anak at maghapunan na tayo dito na tayo mag kwentuhan. Dumeretso naman kame agad sa hapag kainan.
“sobra kong namiss ito tiya..” sabi ko habang kumain ng nakakamay.
“nakoo! Mas namiss namin kayo simula nung umalis kayo kame nalang muli ng tiyo mo dito nakakalungkot lagi ko nga sinasabi na sana bakasyon na kayo muli dito. Sya nga pala si aweng ba susunod?” tanong ni ninang, at ito na naman hindi ko na naman alam anong isasagot. Dahan dahan kong ibinaba ang aking kamay sa pagkakasubo at iniangat ang ulo at tignan sila sa mga nila. At nag hihintay sila sa salita sasabihin ko.
“ahmm..” napabuntong hininga ako.
“susunod po daw sya.” Para naman akong nabunutan ng malaking tinik sa aking lalamunan ng masabi ko iyo.
“ah! Ganun ba! Bakit naman nauna ka! Grabeh talaga itong si aweng pinabayaan kang mag isa makakatkikim iyon sakin pag dating.” Sabi ni tiyo.
“ah, kasi po eh inasikaso ni yung enrollment namin kaya pinauna na nya ako sayang kasi daw yung araw na andun pa kame kung pwede naman mauna ako.” Palusot ko.
“ganun naman pala eh, ikaw talaga!” sabi ni tiya at sabay hampas nito kay tiyo.
Natapos na ang hapunan at ang dami naming napag usapan. At sinamahan na din ako ni tiya umakyat sa kwarto ni louie kung san kame dati natutulog. Sabi ni tiya sya na daw ang mag lilinis pero nag pumilit akong ako nalang kaya bingay na lamang ni ang mga sapin at punta sakin pamalit. Nung ako nalang mag-isa sa kwarto natulala lamang ako, nag simula na naman akong balutin ng kalungkutan at mag buhos ng luha. Pinikit ko ang aking mga mata at inalala ang bawat sandal na magkasama kame ni louie magkatabi sa kama at mahimbing ang tulog. Sinimulan ko ng palitan ang mga punda at kombre kama. At dali daling humiga dito, ramdam ko kasama ko sya ng mga oras na iyon ramdam ko hindi ako nag iisa sa kama na iyon ramdam ko yakap yakap nya ako ng oras na iyon.
Maya maya may kumatok sa pinto, at dali dali akong nag punas ng luha at tumayo at binuksan ang pinto.
“andeng nakalimutan kong ibigay sayo ito oh.” Inabot sakin ni tiya ang isang maliit na susi.
“ano ito tiya?”
“bilin sakin yan ni aweng pag may pumunta ni isa sa inyo iabot ko daw ito. Susi yan nung bahay bahayan na ginawa ninyo nung huling bakasyon niyo dito. Nung umalis ka kasi inayos pa nya iyon ang dami nyang dinagdag halos bahay na nga iyon eh pwede ng tirahan.” Nakatingin ako sa susi hindi ko napigilan ang pagbugso ng luha ko sa mata.
“oh bakit anak?” pagtataka ni tiya sa aking pag luha.
“eh kasi ang sweet ang gagong iyon na touch lang po ako.” Pagpapaliwanang ko na taliwas naman sa dapat ko talagang sabihin.
“ah ikaw talaga! Gusto mo ba samahan kita duon? Medyo madilim na. my ilaw na naman dun sa loob eh kinabitan nya iyon.” Alok ni tiya.
“hindi na po tiya anjan lang naman po iyon eh malapit na malapit lang tanda ko parin naman po.” Mas pinili kong puntahan nalang iyon ng mag-isa.
Habang nag hahanap ako ng flash light sa bag ko may nadampot ako sa bag ko na isang cellphone. At nagulat ako dahil cellphone ito ni bayag at hindi ko inaakalang nadala ko iyon dahil siguro sa pagmamadali ko sa pag impake nadala ko ito. Dinala ko na din ito papuntang kubo at duon ko naisipang busisiin ang loob nito matagal ko ng nakikita ang cellphone nya sa tokador ko ngunit hindi ko binibigayn pasin gawa ng ang buong akala ko ay sira ito.
Ng marating ko na ang kubo pansin ko may yari na itong bintana sa labas kompara dati na puro dingding lang ang meron. Binuksan ko na ang padlock nito at hinanap ko ang switch ng ilaw nito sa loob. Pagkabukas ko ng ilaw tumambad ang loob ng kubo. May isa na itong mallit na kama na wala pang kutson, isang malit na bintana at mesa na may kasamang dalawang upuan. Inikot ko ang bawat sikot ng kubo kahit maliit lamang ito at dinampi ko ang mga daliri ko sa bawat bagay na meron duon at nag nakaagaw pansin sakin ang isang maliit na litrato naming ni louie nung first year collge palang kame magkadikit ang mga muka naming duon at halos isang muka nalang meron kame at gawa sa kawayan at frame nito halatang selfmade lamang napaupo ako sa upuan at duon nag pahid ng luha habang pinagmamasdan ang aming litrato. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang buong kabahayan sobrang wala akong masabi pagdating sa kasweetan ni louie sobra! Ngayon lang puamapasok sa isip ko kung gano ako kamahal ni louie sobra pa ito sa pwede niyang ilalay para sa isang babae.
Muli naalala ko ang cellphone ni louie at duon ko naisipang buksan ito at busisiin. Pagkabukas ko nito buti nalnag kahit papano my battery pa ito. Pagkabukas na pagkabukas ko nito bumungad sakin ang wallpaper na magkahawak ang kamay alam kong kamay ko at kamay ni louie ang nasa picture pero hindi ko maalala kung kelan ito nakunan. Binuksan ko ang inbox walang kalaman laman pati ang folders at sent items. Pumunta ako ng multimedia wala din laman bukod lamang sa image na nasa wallpaper at isang ifle sa video kaya agad agad kong binuksan at ang name pa ng file ay “for pwet!”.
Hindi ko maintindihan sobrang kumakabog ang dibdib ko habang binubuksan ko ang video, pag bukas ko nito tumambad agad si louie na nakaupo.
“hello pwet!!!” pasigaw nyang sinabi iyon na parang bata.
“salamat naman at magaling ka na! oh oh!! Wag mo ako sisimulan ng iyak ititigil ko ito!” napapakagat naman ako ng labi habang nakadampi ang kamay ko duon upang pigilan ang pag iyak habang tumutulo ang luha.
“ahmmm.. haaaay!!” napabuntong sya.
“hindi ko alam pano ko sisimulan ito eh..” pansin ko nagsisismula ng mabasag ang kanyang boses habang nagsasalita.
“pwet.. sorry..” napayuko sya. Ang tagal nya bago magsimulang mag salita muli pinipigil nya ang kanyang pag-iyak.
“sorry alam kong hindi ito ang gusto mong angyari sakin, satin..” pigil pa rin sya sa bawat salita nya.
“wala na akong ibang alam na paraan eh.. kaya ko naisip iyon.. mas hindi ko kakayanin ang mabuhay ng wala ka parang pinatay na din ako kung ganun man lang kaya mas mabuti ng ikaw ang mabuhay kesa sakin dahil alam kong mas kakayanin mo mag-isa kesa sakin alam kong malakas ka at mas maraming nag mamahal sayo at as malayo ang mararating ng buhay mo kesa sakin.” Sa oras iyon hindi ko napigilan bumuhos ana aking pag hihinagpis para akong hinihika habang umiiyak.
“alam kong masama ang loob mo ngayon sa aking nagawa pero sana dumating ang panahon na mapatawad mo ako mula sayong puso, sa puso ko..”
“siguro ito na din ang tamang oras na aminin ko sayo ang lahat, ang tungkol sa pag kahulog mo sa building ni kim, ikaw ang una kong sinagip ngunit hinila lamang ni kim ang kamay ko habang ikaw ay hawak hawak ko. Ganun man sobra parin ako nakokonsensya sa nagyari kahit alam kong wala akong kasalanan pero nag dulot ito ng matindi epekto sayo kaya humantong tayo sa gantong sitwasyon. At ang tungkol kay kim? Hindi ko talaga sya minahal naging girlfriend ko sya dahil sayo.” Napahinto naman ako sa rebelasyon na iyon at napahinto ako sa pag-iyak ng sandali at pinunasan ko ang luha ko at inayos ang upo.
“kaya ko naging syota si kim ay dahil din sayo, pinadampot ako ng mga ka brad ni kim sa praternity at na blackmail nila ako. Bubugbugin ka daw nila sa school kung hindi ko daw syosyotain si kim. Labag sa kalooban ko ang ginawa kong iyon wala akong magawa kesa naman saktan ka nila.. ilang buwan din ako nag tiis ng ganun pero hindi ko na din kinaya dahil alam kong nasasaktan kita. Mas hirap ako sa sitwasyon ko noon at pag nagtatabi tayo matulog umiiyak ako dahil alam kong hindi mo lang binabanggit sakin kung gano kita nasasaktan sa pagsasama namin ni kim bukod sa nasasaktan na kita hindi ko pa gustong kasama ang isang tulad ni kim na sakim at masama ang ugali. Hindi lang ikaw ang nahihirapan andy kung tutuusin mas mahirap ang mga pinag daanan ko sayo at mas mamarapatin ko na na mas masaktan kesa ikaw ang masaktan. Kaya ito ngayon.. anjan ka ngayon humihinga at buhay at dito mo nalang ako makikitang buhay sa video na ito.” Hindi ko lubos isipin, sobrang hirap ng pinag daanan ni louie kung ikukumpara sakin kung nasaktan ako sya halos namamatay araw araw para lang protektahan ako. At sa tingin ko ito ang nag nagpapatunay ng tunay na pagkalalake ni louie wala ito sa kilos, pananalita, pananamit kung di sa mga kaya nitong gawin para sa minamahal nya.
“ngayon ko lang sasabihin sayo ito andy, at wala ng ibang pagkakataon.. ginawa ko iyon dahil..” huminto sya at napayuko at nagtakip ng mata gamit ang isa nyang kamay. Napapikit naman ako habang tumutulo ang luha saking mga mata at hinihintay ang susunod nyang sasabihin.
“dahil mahal kita..” nasa ganung sitwasyon parin syang nakayuko at nakatakip ang mga mata gamit ang isa nyang kamay.
“oo andy!! Mahal kita!! Higit sa inaakala mo o inaakala ng iba!! Lahat ng hirap tiniis ko!! Pag question ko totoo kong pagkatao!! Pag husga ng ibang tao pag kasama kita! Hirap ng dinanas ko sa kamay ni kim, ang makita kang nakahiga sa kama at naghihirap sa sakit mo at pag bigay ng sarili kong puso para mabuhay ka! Lahat iyon dahil mahal kita!! Mahal na mahal sobrang mahal!!!” sinigaw nya iyon na parang gusto nyang marinig ng buong mundo kung gano nya ako kamahal. Ito ang unang beses na narinig ko na sinabi nyang mahal nya ako ng seryoso at ramdam na ramdam ko iyon. Napasandal na lamang ako sa dingding at pinikit ang mga ata habang dumadaloy ang luha sakin mga mata. Hindi ko maintindihana ang aking nararamdaman kung dapat ba akong matuwa kasi ngayon at alam ko na at lumabas sa kanyang bibig kung gano nya ako kamahal o dapat akong malungkot dahil iyon na ang una at huli kong maririnig sa kanya na mahal nya ako.
“pwet.. alagaan mo sarili mo, alagaan mo ang puso ko na tulad ng pag-aalaga ko sayo.. habang tumitibok iyan sa iyong katawan lagi nyang ipapaalala sayo ang aking pagmamahal para sayo. Alam kong magiging ok din ang lahat naniniwala ako sa kakayahan mo at katatagan mo at wag na wag mong kakalimutan ang pinakilala ko sayo na walang humpay na tutulong sayo lalo na sa sitwasyon mong iyan ANG DIYOS. Wag na wag mo kalimutan na mahal na mahal kita ha? Paalam na mahal kong pwet..” matapos huminto ang video sabay ng paghinto ng ikot ng mundo ko.
Humiga ako sa kama na ginawa ng mahal ko para samin, di alintana ang mga alikabok duon. Duon ko bunuhos ang lahat ng luha na meron ako nung gabing iyon. Sabi ko sa sarili ko ito sa bahay na ito ko ibubuhos lahat ng sama na nararamdaman ko at sakit at pagkalabas ko ng bahay namin isang bagong umaga, umaga na nagsisilbing panibagong buhay na kahit wala man ang pisikal na kaanyuan ni louie lagi ko naman sya kasama saking puso, ang puso nya na nasa katawan ko.
Biglang akong nagising gawa ng liwanag na mula sa labas na nakatapat sa muka ko, pag mulat ng mata ko, tumingin ako sa paligid hanggang nakita ko muli ang cellphone ni louie at biglang naalala ko muli lahat ng nangyari noong huling gabi. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako sa sitwasyon kong iyon siguro dala na din ng sobrang pagod pag pag-iyak kaya hindi ko na namalayan at nakatulog na ako. Tumayo ako at bahagyang inayos ang sarili upang bumalik sa bahay, nilibot ko muli ang tingin ko sa buong kabahayan bago ko lisanin ang bahay. Ngunit nung ako ay lalabas na may biglang pumukaw ng aking atensyon at natigil ang pag mumuni muni ko sa loob ng bahay. Isang tunog na hindi ko mawari kung saan galing, at pamilyar ito at mukang tunog mula sa piano. Lumabas agad ako ng bahay upang hanapin kung saan galing ang musikang iyon. Nilibot ko ang tingin ko sa lawa ung saan malapit ang bahay ngunit walang ibang nanduon. Muli nilingon ang tabing dagat at nasilaw ako sa haring araw na kakasikat pa lamang kaya tinakpan ko ang mata ko para umiyas sa matinding silaw na gawa ng araw.
Noong unti-unti na akong nakakaaninag mula sa tabing dagat, may nakita akong isang piano at lalakeng nakaupo duon ngunit hindi ko makita ang buo nitong postura gawa ng natatakpan niya ang sinag ng araw kaya mukang isang itim na anino lamang sya. Di naman kalayuan ang tabing dagat kaya naaninag ko ang bawat galaw niya. At nagulat ako ng bigla nyang itinaas ang kanyang kamay at mukang nakatingin sakin. Kaya sinubukan ko ng lumapit upang alamin kung sino nga, at muling nyang pinatugtog ang piano habang nag lalagad ako. Habang naglalakd ako nakatakip parin ang aking braso saking mga mata upang proteksyonan ito mula sa sinag ng araw, nanlaki ang aking mga mata ng marinig ang kanyang pinapatugtog. At walang ibang kaya tumugtog noon sa probinsya kundi si louie lamang. Ang “Exchange of Heart” lumakas ang kabog ng puso ko hindi ko mapigilan parang kakawala ito saking dibdib. Noong maka lapit na ako mga 20 na hakbang na lamang ay huminto ako at biglang unti-unting nawala ang sinag ng araw gawa ng natakpan ito ng isang malaki ulap.
At nagsimula na syang kumanta.

One-sided love broke the see-saw down
I got to get rough when I hear the grudge
And you went your way and I went wild
And girl, you'd understand if your heart was mine
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
Habang kumakanta sya tumutulo ang luha ko habang nakatakip ang dalawa kong kamay saking bibig. At matapos nyang kantahin ang chorus tumingin sya sakin at ningitian ako, ngiti na matagal kong hindi na nakita, ngiti kung saan nagsimula ang lahat. Kaya sinimulan ko na din tugtungan ang kanta kahit bumubuhos ang aking mga luha sa mata.
I'd never wished a lonely heart on you
It's not your fault, I chose to play the fool
One day may come when you'll be in my shoes
Then your heart will break and you'll feel just like I do
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
When time turns the tables and soon I'll be able
To find a new romance
And then you'll remember my love warm and tender
Too late for a second chance
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
At sa huling linya ng kanta ay sinabahan nya ako. At tumigil ang piano at ang tahimik ng lugar ingay lang mula sa hampas ng alon at hangin ang naririnig ko. Tumayo sya at lumapit sakin habang ako nakayuko at tinatakpan ang aking muka upang itago ang sobra kong pag iyak. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko parang ang lahat ay panaginip lamang. Sa wakas nag nakita muli kame ng aking mahal.. ang bayag ng buhay ko. Si louie..
“hi pwet!” nagsalita sya na parang normal naming pag-uusap.
“oh! Pwet! Sabi ko naman sayo eh!! Yan ang pina-ayaw ko diba? Ang makita kang umiiyak!” pagalit nyang sabi. Ngunit hindi parin ako sumasagot.
“hoy ano ba! Tama na yan!! Nagagalit na si bayag mo!” pag sermon nya muli.
“eh gago ka pala eh!!” kitang kita ko nanlaki ang mata nya sa gulat sa sinabi ko.
“pano ako hindi iiyak!! Ha!! Ang buong akala ko wala ka na!! ang buong akala ko iniwan mo na ako!! Ang buong akala ko wala na yung bayag ng buhay ko!! Ang BUONG AKALA KO WALA NA YUNG PINAKAMAMAHAL KOO!!” sinigaw ko iyon sa muka nya at unti-unti napalitan ng ngiti ang kaninang nagagalit na si bayag.
“pwes mali ang inaakala mo.. andito na ako oh! Andito na ang pinakamamahal mo.. at ang pinaknagmamahal din sayo..” mahinahon ng sabi. Matapos hinawakan nya ang dalawa kong kamay at sinubukang alisin ito sa pagkakatakip saking muka. Nagtagumpay sya sa ginawa nyang iyon, ngunit naka yuko ang ulo at at hinawakan nya ang aking baba ng dalawa nyang daliri at unti-unti nya itong inangat. At muli nasilayan namin ang muka ng bawat isa, ang muka na dati ay nag bibigay ligaya sa bawat isa, ang mukang minahal ng bawat isa. Isang maaliwalas na muka ang nakita ko. Ang kinis ng muka nya at mukang pumuti ata sya. Ang ngiti at labi nya na sadyang nagpapabighani sakin.
“miss mo bayag?” hindi ako sumagot sa halip tinititigan ko lang sya bahang lumuluha.
“huy! Miss mo ba bayag? Miss mo ako?” muli inulit nya. Ngunit hindi muli ako sumagot sa halip ay hindi ko napigilan ang sarili na siilin sya ng halik. At bigla kong nilapat ang ang labi sa kanyang labi di alintana kung nakapagmumog ba ako o hindi mabango ba o mabaho. Mapusok ang aming halik at nag aalab ito dahil sa sobrang pananabik sa isa’t isa at sobrang pagmamahal habang napapahawak sya sakin muka habang ginagawa namin iyon. Matapos ng isang romantikong halikan tinitigan ko sya muli at sinabi.
“totoo nga, buhay ka at hindi ako nanaginip.” Sabi ko ng seryoso.
“ha? Pano mo naman nasabi na hindi ka nanaginip?” laking pagtataka nya.
“eh ramdam ko eh, ang sarap nung halik.” Seryoso kong sabi. Na nagpatawa sa kanya ng lubusan.
“kahit kelan! Joker ka talaga kaya mahal na mahal kita eh!” ngumiti muli ako at niyakap sya.
“wag mo ng uulitin yun please.. ikakamatay..” marahan kong sinabi iyon at sinandal ko ang aking muka sa kanyang dibdib..
“opo! Mula ngayon! hindi na kita iiwan, hindi na..” nagtagal kame sa ganung sitwasyon at bigla syang humiwalay ng yakap at nagsalita.
“hoy! May kasalanan ka sakin ha!!” nagulat naman ako at nagtaka!
“ngayon lang tayo ulit nag kita may kasalanan agad?’ tanong ko.
“oo!! Sino nag sabi sayo pumunta ka mag-isa dito ha!! Ikaw na bata ka!! Ang tigas ng ulo mo!! Alam mo ng hindi ka pwede mapagod at mastress tapos lumalayas ka ng walang paalam sa mama mo ha!! Patukan kaya kita?” sabi nya ng seryosong hindi ko maintindihan kong matatawa ba ako o maiinis.
“aba! Aba! Aba! Eh gago ka pala eh kung sana matagal ka ng nagpakita sakin hindi an sana ako aabot dito diba??!!” bulyaw ko. Napangiti lamang sya at kamot sa ulo.
“teka nga!! San ka ba galing at ipaliwanag mo sakin ang lahat!!” pag sigaw ko!
“easy ka lang!! ang puso mo! Ay este ang puso ko bawal mapagod yan sige ka babawiin ko yan! Tara dun tayo sa bahay mag-usap andun silang lahat.” Pagpapaliwanag niya. At inakbayan nya ako para mag simulang takayin ang bahay.
“pero yung totoo? Effort ha! Binuhat mo yung piano papunta dito?”sabi ko habang naglalakad kame pauwi ng bahay.
“syempre hindi nagpatulong ako! Bigat nga eh!” tapos tawanan kameng dalawa.
At pagkarating na pagkarating ko ng bahay sinalubong ako ng lahat! Si mama, papa, lola ko, pinsan ko, ninong, ninang na parents ni louie at mga kapatid nya at andun na din si tiyo albert at tiya elsie. Ang daming handang pagkain at talagang pinaghandaan nila ang araw na ito! Siguro habang naglulupasay ako sa kakaemote sa bahay kubo sila nag hahanda na para sa kinabukasan. Hinid ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito mukang planado ang lahat.
At duon din mismo pinaliwanag nila sakin ang lahat ng nangyari. Noong oras na inooperahan kame ni louie at huminiling si louie na ipangpalit nag puso kong mahina sa kanya at ang puso nya may isang mirakulong naganap. Noong inilipat na ang puso ko kay louie bigla itong tumibok ng mabilis at parang nagwawala sa lakas ng tibok nito na kinagulat lahat ng surgeon kaya nag desisyon ang mga doktor na ituloy ang operasyon kay louie. At ang sabi pa nila sakin na broadcast daw ang pangyayari iyon saming dalawa dahil isa daw itong katunayan na may miracle! At sobra akong namamangha sa mga sinasabi nila. Dalawang araw matapos ang surgery inilipat si louie sa heart center for close monitoring at mas high tech daw ang lahat ng gagamitin duon para sa puso nya na puso ko. At gulat ang lahat ng malaman na ang dating 40% na patay na tissue sa puso ko ay halos nasa 5-8% na lamang! At kaya sumabak muli si louie sa isa pang surgey kung saan paplitan ang isang maliit na parte ng puso ng artificial na device upang maging fully functional ang puso. At salamat sa Diyos naging successful ang surgey nya.
Kaya pala walang tao noong pumunta ako ng bahay nila ay lahat sila nasa heart center noong oras na iyon upang bantayan si louie. Hindi naman daw sinabi sakin agad nila mama ang tungkol duon dahil hindi pa naman sure mag susurvive si louie at ayaw nila akong paasahin at baka dumagdag lamang ito sa mga sama ng loob ko na pinag babawal ng doktor.
Sobrang saya ng araw na iyon, at alam ng lahat ang tungkol sa pagmamahalan namin ni louie at tangap nila ito at ang iba sa kanila ay matagal ng alam at si louie mismo ang umamin sa kanila tulad ni ninang, tiyo albert, tiya elsie, papa at mama. Ang sarap sa pakiramdam sobra!! Matapos ng isang trahedya, ito.. isang walang katapusang ligaya at saya ang nakakamtam namin ngayon ni louie.
Pinagsaluhan namin ang buong gabi iyon na magkasama kame(actually hindi kame natulog hangang sumikat ang araw! Ahahaha!) naging maganda ang takbo nga lahat na naayon sa mga plano namin ni louie. Madalas parin kameng nag-aaway ni louie ngunit nagkasundo kame na ang away ay dapat maayos bago matapos ang araw madalas sya ang nagpapakumbaba sakin na hindi tulad dati. Sabay kameng lahat nag graduate at ako ay CUMLAUDE masaya na din kesa sa naasahan ng lahat na SUMA CUMLAUDE. Aarte ba pa ako? Nasa akin na ang lahat?
Siguro nga sinasabi ng lahat IMPOSIBLE daw na mahalin tayong mga bakla ng isnag tunay na lalake. Tama iyon napakaIMPOSIBLE.. ngunit hindi ibig sabihin noon HINDI PWEDE! At naniniwala ako na lahat ng ito’y ibinalak ng Diyos sakin. Nagmahal ako at minahal ako, tulad ng sabi sa BIBLIYA may “may tatlong pinakabanal na nilikha ang Diyos sa mundo ang KAPAYAPAAN, PANANAMPALATAYA AT PAG-IBIG ngunit sa tatlong ito ang PAG-IBIG ang nagmumukod tangi sa lahat dahil ang PAG-IBIG ANG PUNDASYON ng KAPAYAPAAN AT PANANAMPALATAYA .” At sa tingin ko wala nasa tamang landas ako.. DAHIL UMIBIG AKO NG TUNAY .
Muli Maraming salamat.. at ang kwento ni BAYAG AT PWET.

No comments:

Post a Comment