Monday, January 7, 2013

Way Back Into Love (26-Finale & Epilogue)

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com

[26]
Pupungas-pungas siya ng magising siya mula sa kanyang pagkakahimbing. Sa unang pagkakataon ay hindi siya nagising na parang ibang tao. Na parang may nagbago. Nakakatawa ring isipin na nawala na ang mga panaginip, yung lalaking nakasalamin, yung lalaking nagngangalang Jake at yung isa pa na nagngangalang Red. Wala na rin ang apoy.

Kinuha niya ang kanyang cellphone. Naka flight mode pa rin ito. Ayaw niyang magcheck ng mga bagong mensahe sapagkat natatakot siya na baka mayroon siyang mabasa na magpapabalik ng mga masasakit na ala-ala. Gusto niya munag ihanda ang sarili sa mga desisyong sunod sunod niyang gagawin para sa ikabubuti ng lahat.


Pumikit siya ng mariin. Hinahagilap niya uli ang boses na nasa loob niya. Ang boses na laging umiiyak. Laging sumisigaw ng “mama”. Laging nagpapaalala sa kanyang huwag ng magmahal.

Ngunit wala na.

Iminulat niya uli ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa bintanang katabi ng kanyang kama. It was a bright sunny day. Parang nagbibigay ng pag-asa na mabuhay... na magsimula muli. Nakakita siya ng mga paru-paro na lumilipad sa mga bulaklak na kanilang nakikita. He saw the black butterfly. Nakita niyang ang itim na paru-paro ay lumapit sa puti. They  both flew na parang walang bukas, Na parang walang makakapigil sa kanila na sumaya.

Butterflies had the shortest life span. Ngunit sa nakikita niya, their happiness are eternal.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Tinahak niya agad ang salaming nakapako sa dingding. For the very first time, nakilala niya kung sino siya. Kung sino talaga siya. Hindi niya kailangan ng pangalan sa mga pagkakataon na iyon. In front of him was that person he used to be. May kaunti nga lang pagbabago. But it felt good. Ngumiti siya sa isiping ito.

Now its another change. He thought. Kailan pa siya natutong ngumiti? But again, it felt good. Kailangan talaga siguro ngumiti ng tao kahit nasaktan siya ng sobra kasi laging magkakaron ng rason para sa mga ngiting iyon.

Pinagmasdan niya ang kabuuan. Hindi niya napansing mayroong kaunting pagbabago sa hubog ng kanyang katawan. Medyo tumaba siya. He used to be slim pero ngayon nagkakalaman na ng kaunti ang kanyang katawan. Talk about changes.

Tinungo naman niya ang closet na katabi rin ng salamin. Nang mabuksan ito ay nakahain sa mga mata niya ang iba-ibang kulay ng damit. Napangiti siyang muli. Kinuha niya ang isang pink na T-shirt. It had a batman print. Noon hindi niya gugustuhing magsuot ng damit na may kulay. Ha hate colors. Gusto niya ng itim....ng dugo..ng madilim. Kapag pelikula naman ang pinaguusapan, he wants massacre movies.  Noon kasi ay parang nagbibigay ito ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Yung tipong namamatay ang mga tao ng walang kalaban laban. They are being killed by  monsters who were trashed by society or those who seek revenge because they were hurt.

Naisuot na niya ang pink na T-shirt. Tinernuhan niya ito ng piting shorts. He also wore white shoes. Buti na lamang at naroon pa rin pala ang mga damit na pinamili sa kanya ni Max at hindi na niya kailangan na mamili pang muli. Soon he will leave this house. Nakapagdesisyon na siya.

Sa huling pagkakataon ay tumingin siyang muli sa salamin. His skin is glowing. Nakaladlad pa rin ang pula niyang buhok. Ngunit nawala na ang mga eyeliners. Dahil siguro sa matindi rin niyang pagiyak kagabi at sa paghilamos niya. His eyes are still swelling though naroon at walang bahid ng kulay ang kanyang mga mata. Tinungo niya muli ang drawer. Nakakita siya ng isang sunglasses. Agad naman niyang ipinantakip ito sa mga mata. It was also a white edgy sunglasses. Bumagay sa get-up niya ngayon.

Lumabas na siya ng pinto. Katahimikan ang sumalubong sa kanya. Sa lawak ba naman ng bahay na iyon ay talagang parang aalog-aalog lang sila ni Max noon. Nakarinig siya ng kaluskos sa terrace na malapit rin sa kuwarto niya. Humakbang siya papalapit dito.

Tama nga at naroon si Max. Kasalukuyan itong nagbabasa ng dyaryo at nagkakape. For a while, ay tiningnan niya itong muli. Ito ang buhay na paalala na may mga taong handang tumulong sa iyo kahit hindi ka nila kilala. May mga tao pang katulad ni Max na tumutulong ng walang kapalit.

Nag-angat ito ng ulo at nginitian siya nito. Napansin niyang bahagyang maitim ang ibabang parte ng mga mata nito. Halatang hindi sapat ang tulog nito. Kaagad siyang humingi ng paumanhin.

“Im sorry hindi na ako nakagising kagabi” panimula niya

Ngumiti pa rin ito. He smiled back.

“Wala yun.. saka ayaw ko ring gambalain tulog mo kagabi.. but I stayed awake here gusto kong bantayan ka” sagot ni Max sa kanya

“You dont have to Max.. Im sorry for the second time kinailangan kong maki-gate crash dito sa bahay niyo”

“You are always welcome here”

“Thank You”

Hindi na ito sumagot at lumagok muli ng kape. Humakbang naman siya ng malapitan at tiningnan ang view mula sa terrace. Makikita mo ang kalsada ng  subdivision.. mga batang naglalakad... mga nagjo-jogging at iba pa. Sana ganoon lang kasimple ang buhay.

“Wala na bang itim na damit doon sa closet mo? Im sorry hindi ako naka bili at...” hindi na naituloy ni Max ang sasabihin niya nang bigla siyang sumingit

“Dont bother Max... OK na ako dito.. this is much comfortable” pag-assure niya dito

Kilalang-kilala nga siya ni Max. Nang tuluyan siyang gumaling ay ito mismo ang nagspoil sa mga gusto niya. Ito ang nagpamili sa kanya ng mga itim na damit. The accessories that goes into it. Pati nga eyeliners ay ito rin ang namili para sa kanya which is a rare thing for a guya nd a psychiatrist to be exact. Parang kuya na ang turing niya dito.

“Jude ikaw ba yan?” namamanghang tanong nito sa kanya

“Yeah ako to.. sino pa nga ba?” biro niya rin dito

“Nakakapanibago lang” tipid nitong sagot sa tanong niya

“I understand... diba sinabi ko sa iyo kagabi na may sasabihin ako sa iyo” pagiiba niya ng paksa

“Yeah.. are you ready to talk ? ano ba ang nangyari? Last night.. bakit ka umiiyak?”

“Hindi yan ang gusto kong pagusapan... I just want you to know na baka bukas makalawa aalis na ako dito.. I will just have to settle some things”

“Jude... you dont have to....”

“Narinig ko ang paguusap niyo kagabi..nung kapatid mo.... alam ko na ang lahat Max”

Pagkasabi niyon ay napalingon siya rito. Kita naman sa mukha nito ang pagkabigla. Ngunit hindi siya nagagalit kay Max. Siya man ang nasa posisyon nito ay hindi rin niya alam ang pipiliin. Sa huli ay alam niyang ginusto lang siya nitong tulungan.

“Im sorry...” malungkot na nasabi nito

“Hindi mo kailangan magsorry Max.. sa paguusap niyo kagabi.. doon ako naliwanagan ng lahat. Kung bakit nga ba biglang sasakit ang ulo pagkatapos... there will be a black out.. pag gising ko parang ibang tao na ko... biglang lalabo ang paningin ko at pagkatapos sasakit na naman ang ulo and then the next thing I knew.. im craving for eyeliners and dark stuff.. parang kwento ng pelikula lang eh.... pero may MPD pala ako.. now I understand”

“Im really sorry I preferred Jude over Adrian”

“Hindi nawalan si Adrian....Max.. bumabalik pa rin siya sa akin.. and now I really dont know kung siya ba ako o ako ba siya ngayon... I just felt that I am complete”

“Imposible ang sinasabi mo Jude...”

“Hindi ko alam kung meron pa nga bang posible at imposible pero ngayon gusto kong itama ang lahat ng pagkakamaling ginawa ko bilang si Jude” nakangiti pa rin siyang nagpapaliwanag dito

“It will take a lot of hypnotic session para mapagisa ka Jude... sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong muli ni Max sa kanya

Tumango lamang siya bilang sagot. Maybe he wont need another hypnotic session. Sa mga oras na iyon ay sigurado na siya kung sino siya. He wont need another label.

“Ano naman ang balak mong gawin ngayon?” tanong ni Max sa ikatlong pagkakataon

“Well...”natatawa siya na i-enumerate ang mga gagawin niya ngunit Max deserves to know what he is about to do.

“... siguro I’ll start by going to a salon today.. magpapakulay ako ng itim.. then I’ll buy some pair of eyeglasses.. hindi naman malabo mata ko but I feel like wearing one hehe... At pagkatapos siguro I’ll go to Enchanted ball tonight, Im gonna have to sing my last performance... Im dropping out at school afterwards” paliwanag niya dito

“why? bakit ayaw mong ipagpatuloy ang studies mo man lang? You can shift to conservatory of music if you want.. kung ayaw mo na ng nursing” tutol ni Max sa desisyon niya

“Im dropping out of school dahil susuko na ako sa mga pulis Max” tuloy-tuloy na rebelasyon niya dito

“I really dont understand.. bakit kailangan mong sumuko sa mga pulis... HIndi mo kasalanan ang pagpatay Jude... wala ka sa tamang huwisyo ng ginawa mo ang mga iyon... you cant just do that.. you cant plead guilty,, alam mo ba ang haharapin mo? It could be a life imprisonment”

“Lahat ng kasalanan pinagbabayaran... at tama ang kapatid mo kagabi... there should be someone na aako sa mga krimen na iyon.. nakakalumgkot lang na nadamay pa sila sa hinanakit ko sa mundo.. but ill try to fix things somehow”

Pagkasabi niyon ay naghanda na siyang gumayak palabas. Hindi na niya tiningnan si Max dahil alam niyang tutol ito sa gagawin niya. Walang dapat ibang sisihin sa mga nangyari. It should be him.

“Bakit bigla kang nagbago Jude? Ano ang rason ng lahat ng ito? If dahil ito sa mga narinig mo kagabi, just dont mind Arthur hindi niya alam ang piangdadaanan mo”

“Hindi ito dahil kay Arthur Max... ibang tao ang dahilan kung bakit gusto kong maging mas  mabuting tao...and by the way.. Its Ok to call me Adrian”

Iyon labg tuluyan na siyang lumabas at humakbang palayo sa terrace.

Max was dumbfounded. Kagabi lang na nagtatalo ang isip niya kung gagamutin niya muli si Jude. If he would make him and Adrian into one. Kaso mas gusto niyang si Jude ang mabuhay. Dahil si Jude ang minahal niya. He always go for someone na matapang..palaban. And his not scared by the fact that Jude is capable of murder.

“Hayaan mo na siya” pukaw muli ng boses sa kanya.

Napalingon siya sa pagaakalang si Jude ito.

It was his brother... Arthur.

“Alam mo ba ang ginawa mo? Narinig niya ang usapan natin kagabi” galit niyang tugon dito

“Alam ko... I saw him peeking on us kagabi so I purposely initiated the conversation... He has to know Kuya... kung hindi ko pa pala ginawa iyon ay hindi niya alam na abnormal siya”

“Watch your words Art....You made enough damage... Leave Jude alone”

“Kuya bakit di mo kasi matanggap?? Kuya he is not a replacement to Justine... Alam kong ang mga oras na iyon ay mga oras na nangungulila ka sa kanya... But he is dead!... Hindi por que kamukha siya ni Jude eh heto ka at mamahalin din ang isang mamamatay tao!!.. Wake Up Kuya!!”
Dun na nasagad ang pasensya niya at sinugod niya na si Arthur. Binigwasan niya ito sa mukha at nakita niyang gulat na gulat ito sa kanyang ginawa.

“Sinabi kong tumigil ka na...” humihingal na wika niya matapos masuntok ang kapatid.

Idinura naman nito ang dugong nasa bibig bunga ng pagkakasuntok. Medyo hindi makatayo ang kapatid niya sa pagkakasuntok niya.

“I really cant believe it... sana lang talaga at sumuko yang abnormal na yan sa mga pulis... dahil kung hindi? Ako mismo magpapapulis sa kanya” matigas pa rin na tutol nito

Singbilis ng kidlat na inatake niya muli ito at akmang sasakalin. Namimilipit na hinawakan nito ang kamay niyang nakasakal sa leeg nito.

“Hi...hi...hindi...aa...ako....maka...hinga kuya...”

“Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin pag tinuloy mo ang balak... Kaya kong maging masama kapag si Jude ang pinaguusapan” wika niya rito sa mahinahong paraan ngunit nakasakmal pa rin ang mga kamay niya sa leeg nito.

Marahas niya itong binitawan at iniwan ang kapatid niyang hinahabol ang hininga.

“Ok na ba to teh?” natatawang wika sa kanya ng baklang nasa parlor.

“Hehe Ok na po iyan...” pagtango niya rito.

Sandali niyang tiningnan ang repleksyon niya sa salamin. Hindi siya tuluyang nagpakulay ng itim na buhok. He chose an alternative. The color was ash black. Parang kulay talaga ng abo. Hinubad niya ang puting sun glasses at pinalitan ito ng salaming nabili niya kanina. Wala naman itong grado kaya tama lang na maisuot.

Madalian lang siyang nagbayad at lumabas ng salon. Nang makalabas siya ay parang masaya niyang hinarap uli ang mundo. Naroon uli ang mga tao na naglalakad. Mga batang naglalaro. Mga taong may kanya kanyang ginagawa para mabuhay.

Naglalakad-lakad siyang muli. Dinala siya ng kanyang mga paa sa malapit na parke. May mga bata na naulinigan niyang naglalaro.

“Ikaw daw si Juliet ako naman si Romeo”

“Ok... tapos dapat ililigtas mo ko sa mga bad guys”

“Oo naman syempre...”

Napangiti siya sa narinig. Mga bata nga naman talaga. Kahit pala Romeo and Juliet eh alam na nila. Siguro ito yung exception sa lahat ng fairy tale like story. Romeo and Juliet is somehow different. It ended tragically. Parehas silang namatay. Wala yung usual happily ever after.

Bigla niyang naalala ang kantang ipe-perform nila sa Enchanted Ball.

“Taylor Swift’s love story” naibulong niya sa sarili.

Ang kanta ay tungkol sa maalamat na kuwento ni William Shakespeare. Tungkol kay Romeo Montague at Juliet Capulet. It was a right love at the wrong time.

Hindi niya namalayan na kinakanta na pala niya ang Love Story. Ini-imagine niya kung paano nila kakantahin iyon sa mismong Enchanted Ball.

“We were both young when I first saw you...I close my eyes...And the flashback starts..I'm standing there...On a balcony in summer air”

“See the lights...See the party, the ball gowns...See you make your way through the crowd..And say hello, little did I know”

Nagulat naman siya ng may dumugtong sa kinakanta niya mula sa likuran. Pamilyar na boses na noon pa niya narinig.

“Cause I was Romeo, I was a scarlet letter..And your daddy said stay away from Juliet
But you were everything of me....I was begging you please don't go...”

Nang lumingon siya ay nakita niya si Jake na nakangiti sa kanya.

“Nagpa-practice ka rin pala” wika nito sa kanya at tumabi sa kanya.

Hindi naman siya nakasagot. Waring kinailangan pa ng kanyang utak na iproseso lahat ng nangyayari.

“I was also thinking kung anong mangyayari sa Enchanted ball mamayang gabi.. and I was wondering paano nating kakantahing tatlo yung kanta... It really felt awkward” nakangiti pa rin si Jake habang kinakausap siya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagisip ng isasagot.

“Napadaan ka rin pala dito”

“Sa totoo lang lagi naman talaga ako nandito.. Whenever Im free binabalikbalikan ko tong lugar na to.. We usually took our photos here remember? Naalala ko pa nga eh... hihilahin natin ang mukha ng isa’t isa saka panakaw na kukunan ang isat isa ng litrato”

Natawa rin siya ng maalala ito “And how we budget our baon para may maibili tayong kwek-kwek na official pagkain natin pag pumupunta tayo dito? Haha”

“Nakakamiss yung mga araw na iyon.. Tanga ko kasi sinaktan pa kita” biglang seryosong tugon nito sa kanya.

“Jake...” marahan niyang saway dito ng bigla na naman itong maging seryoso.

“Alam mo nung tumawag ka kagabi... Yun yung nagbigay sa akin ng panibagong lakas ng loob para huwag buksan yung alak na hawak ko.. Salamat nagawa mo pa rin akong patawarin kahit sobrang laki ng kasalanan ko sa iyo” medyo gumagaralgal na ang boses nito.

Hindi siya nakasagot ng makita niya itong parang pinipigilang umiyak.  Hinayaan niya na lang muna ito ng ganoon. Baka kasi pag sumagot siya ay pati siya ay umiyak na rin.Saglit niyang tiningnan ang mukha nito. Hindi na niya matandaan ang huling pagkakataon na napagmasdan niya ang mukha nito. Jake still had those bad boy aura. Bahagya ng humaba ang buhok nito.

“Ganda ng porma natin ngayon ah.. gwapong gwapo” wika ulit nito sa kanya

Ngumiti lang naman siya sa papuri nito. Hindi niya pa rin mahagilap ang tamang salita sa sitwasyon nila ngayon. Parang ang bilis ng pangyayari. Ngunit nagising na lang siya isang araw na kailangan niyang ayusin ang gulong ginawa niya.

“I miss the days that you were mine”  biglang nasabi nito sa kanya.

Nakita niyang lumuluha na ito. Ilang beses niya man itong nakitang lumuha ng hinihingi nito ang kapatawaran niya ay nakakapanibago pa rin sa pakiramdam ang makita itong umiiyak. Parang may sariling buhay na ipinahid niya ang kanyang mga kamay sa luhang naguunahang bumaba sa pisngi nito.

Nagulat naman siya ng hawakan ni Jake ang dalawa niyang kamay at idiniin pa ito lalo sa pisngi niya. Na para bang dinarama nito ang init na nagmumula sa palad.

“Kung di kita sinaktan... ako pa rin sana ang humahawak sa kamay mo..”  wika pa rin ni Jake.

“Bakit mo nga ba ako sinaktan?” bigla niya na ring naitanong dito.

Siguro nga ay tama lang na tanungin niya na ito ng katanungang iyon. Ang katanungang ito lamang ang makakasagot.

“Kasi akala ko mas importante yung kagustuhan ko kaysa pagmamahal ko sa iyo. Kasi akala ko hindi kita mahal.. na ang mahal ko lang ay ang sarili ko...”

Napaluha na rin siya sa narinig. Baka nga ito lang ang hinihintay niya para makalaya siya sa sakit na nararamdaman na umalipin sa kanya sa mahabang panahon.

And then they Jake kissed him.

“Bakit naglalasing ka? Kauma-umaga alak na ang kaharap mo?” galit na wika sa kanya ng Ate ng pasukin siya nito sa kuwarto.

“Ate bat ganun... ginawa ko na lahat!... lahat ate..lahat!!!.. bakit kulang pa rin... bakit siya pa rin ang pinili niya... ang sakit... putangina!!!” sigaw niya at ibinato ang bote sa dingding.

Kaninang tanghali ay nakita niya si Adrian. Lalapitan niya na sana ito para ibalita na umuwi na si ang Ate Karma niya. Na kailangan niyang malaman ang totoo niyang kundisyon. Na maayos pa ang lahat.

Ngunit nakita niyang lumapit si Jake dito and what’s worst.. nakita niyang naghalikan ang dalawa sa harap niya.

“May enchanted ball pa kayo” yun lang ang narinig niyang sinabi ng ate niya. Masyado na siyang lango sa alak.

“Hindi na ako pupunta..kasi wala na yung nagiisang rason para pumunta ako doon”

“Kung mahal mo ang isang tao... ipaglalaban mo to” matigas na wika sa kanya ng kanyang ate ng maisip siguro nito ang dahilan kung bakit siya naglalasing.

“Paano ko ipaglalaban iyo … tangina.. paano ko ipaglalaban iyong pagmamahal na hindi naman naging akin..” naibulalas niya.

Kahit kailan hindi niya narinig na sinabi ni Adrian na mahal siya nito.

Narinig niyang lumabas ang kanyang ate. Andun na naman siya.. naiwang magisa.

Tatagay na sana siya ng marinig ang cellphone na nagring. Nang makuha ito ay isang unregistered number ang nakalagay.

“Sino to? Istorbo ko sa paginom ko ah”

“Hindi na mahalaga kung sino ako.... You need to attend the ball tonight... may kailangan kang malaman sa pagkamatay ng ina ni Adrian dahil hindi lang siya basta nasunog.... may pumatay sa kanya.”

At namatay ang linya sa kabila.

Para siyang nahimasmasan sa narinig. Agad niyang idinial ang numero ngunit out of reach na ito. Nangtawagan naman niya ang numero ni Adrian ay out of reach pa rin ito. Marahil ay kasama pa rin nito si Jake.

Sa isiping iyon ay naibato niya ang cellphone.

“Nagawa mo na ba?” tanong ni Sabrina sa kaharap

“Yeah... I called him at sinabi ko ang sinabi mo... Buti na lang at may voice modulator ang cellphone ko”

“Thanks Tito lee maaasahan ka talaga” sagot ni Sabrina sa Director.

“Hija I think this is a bad idea... Pwede ko namang tanggalin na lang si Jude o Jake sa NASUDI.. bakit kailangan pa to”

“Shut Up tito!!!... Gagawin mo kung ano ang ipagagawa ko... may utang ka pa sa amin... baka nakakalimutan mo na utang mo sa magulang ko kung ano ka ngayon”

“I know hija but dont you think masyadong brutal ang gusto mong mangyari...”

“Wala akong pakialam... Hindi sila pwedeng maging masaya habang ako nandito at nagmumukmok dahil baog ako... Hindi pwedeng maging masaya ang baklang iyon!!!!”

“Hija please stop this non sense thing... bakit ka ba nagkakaganyan dahil lang sa isang lalaki?”

“Hindi sila pwedeng maging masaya naiintindihan mo??? Hindi!!!”

Pumunta si Sabrina sa sulok ng kanyang kuwarto.. Iniwan naman niyang nakaupo ang kanyang Tito sa loob. Maya-maya pa ay ipinakita niya dito ang susuoting gown sa Enchanted Ball. It was a bloody red coloured gown

“Ang ganda Tito no? This will be my murder uniform Hahahaha...” tawang demonyo niya

“Hija you need to get a rest.. tingnan mo ang nangyayari sa iyo.. you are so wasted.. ang laki pa ng eyebags mo..”

“Nasabuyan na ba ng gasolina?” pambabalewala niya sa sinabi ng kanyang Tito

Tumango lamang ito.

“Gusto nila ng fairytale.. Ibibigay ko iyon sa kanila but not the happy ending. I dont play with poisonous apples... I play with fire.. Makikita na ni Adrian ang Ina niya soon” at pagkatapos ay nababaliw na tumawa siya ng malademonyo.

Itutuloy..

[27]
Magang-maga ang kanyang mga mata ng makarating sa Barangay Del Pilar ng Angeles, Pampanga. Isa ito sa pinakadulong barangay ng kanilang lugar. When everybody seems distraught on the idea na nawawala si Adrian Dela Riva, dito siya nagkubli. May isang subdivision na nakalatag doon kung saan isa itong pinaka eksklusibong tirahan ng mga may pangalan o di naman kaya ay may kaya sa Angeles. Sariwang sariwa pa ang nangyari ilang buwan na ang nakakaraan.

Nagising siya kasama ng isang lalaking hindi man lang niya kilala. Sa hula niya ay nasa hospital siya ng mga panahong iyon. Nang tingnan niya ang kanyang katawan ay parehas silang walang saplot ng estrangherong lalaki. Pinili niyang bumaba sa kanyang kinahihigaan. Nang itukod niya ang kanyang kanang kamay ay bigla itong kumirot. Nakita niya ang benda sa kanyang bahaging ito.

Pinagmasdan niya ang kabuuan ng silid. Nang dumako ang kanyang mga mata sa sahig ay nakita niya ang nagkalat na mga damit. Nakita niyang may isang kasuotan na sa hinuha niya ay pang hospital at ang ilan naman ay isang shot at isang sando na parehong kulay itim. Mas pinili niya ang huling nakita dahil parang nadagdagan ang lakas niya sa kulay na na namanlas ng kanyang mga mata.

Maya-maya pa ay umalis siya sa kinaroroonan. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya alam kung sino siya. Hindi niya alam kung bakit naroon siya. Ang mahinang paglalakad niya ay waring bumilis ng bumilis hanggang sa namalayan niyang tumatakbo na pala siya. Sa pagtakbo niyang iyon ay iba-ibang imahe ang rumerehistro sa kanyang utak. Isang bangkay na sunog na tinatawag niyang "Mama"... Isang lalaking hinahabol niya ngunit ipinagtulakan lamg siya... Mga tawa at bulong na hindi niya alam kung saan nangagaling.

Nakalabas siya ng hospital ng hatinggabi na rin na iyon at nagpaling linga siya sa paligid. Waring mas ligtas ang malawak na lugar na nadatnan niya. Sa di kalayuan ay may nakita siyang usok. Sinugod niya ito. Nagsilayuan ang mga tao ng dumating siyang parang galit na galit. Winasak niya ang nasabing lugar. Sigaw siya ng sigaw ng "Mama.. ililigtas ko kayo". Nang tuluyan niyang tapakan ang sunog ay napansin niyang lapnos ang balat ng kanyang mga paa. Ngunit hindi matutumbasan ng sakit nito ang sakit na nararamdaman niya. Na unti-unting pumapatay sa kanya

"Hoy bakit sinira mo ang ihawan namin!!!"

"Loko to ah!! Sino ka ba bata!?"

"Padampot niyo na yan!!"

"Hoy boy!  Hindi mo ba alam na pwede ka naming ipapulis!!'

"Ay naku pati ba naman tong tindahan ng barbeqeu eh kailangang sirain?"

"Pinatay niyo ang Mama ko!!! Pinatay niyo siya!!!" sigaw siya ng sigaw na halos mapatid ang mga ugat sa kanyang leeg. Ang bawat palahaw niya ay may kaakibat na sakit at luha. Panaghoy na hindi niya alam kung saan nangagaling ngunit kailangan niyang ilabas.

Ilang sandali ay namalayan niyang uminit ang kanyang kanang pisngi. Binigyan pala siya ng isang suntok ng isang nakatambay dito. Maya-maya pa ay naging dalawa ang isa, hanggang sa tatlo... apat... lima.. Limang tao ang pinagtulong-tulungan siya. Minumura siya habang binibigwasan ng suntok. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang mga ito. Bigla lamang itong natigil ng may sumigaw sa di kalayuan.

Nagsitakbuhan naman ang mga sumuntok sa kanya at iniwanan siyang latang-lata. Wala na ulit siyang lakas. Ngunit mas nagustuhan niyang masaktan siya sa ganoong paraan. Dahil lubhang masakit ang mga sugat na hindi nakikita ng mga mata. Naramdaman niyang may bumuhat sa duguan niyang  katawan. Iyon lamang ang nararamdaman niya at nilukob ng kadiliman ang kanyang paningin.

Marahan siyang kumatok sa pintong nasa harapan niya. Ang tanging dala niya lang ay ang kanyang cellphone at ang suot niya kanina. Hindi na siya nagabala pa na kunin ang mga maleta niya sa compartment ng kotse ni Red. Nakarinig siya ng ilang kaluskos na nagmumula sa loob. Buti naman at may tao na. Ibig sabihin nito ay nakauwi na si Max.

Ilang segundo lang ang kanyang hinintay at nang bumukas ang pinto ay iniluwa nito ang lalaking tinutukoy ng kanyang ala-ala.

"Jude is that you?" gulat na tanong ng lalaki

Walang salitang gustong lumabas sa kanyang bibig. Ni pagtango ng ulo ay hindi niya magawa. Waring naubos ang lakas niya kakaiyak sa taxi kanina. Hindi na nga niya alam kung nagbayad ba siya o sobra ang naibayad niya. Ang tanging alam niya lang sa pagkakataon na iyon ay gusto niyang makalayo kay Red.

Inalalayan siya nito na makapasok sa loob ng bahay. Pinaupo siya nito sa sopa na nasa living area.

"Sandali kukuha lang ako ng tubig"

Panandalian siyang naiwang magisa habang nagtungo ang lalaki sa kusina. Sandaling nilibot ng kanyang paningin ang bahay. Ito ang nagsilbing kanlungan niya ng mga panahong 'ginagamot' siya. Dito niya nakilala kung sino si Adrian. Dito niya nakilala kung sino ang mga taong naging kaakibat ng buhay nito. Dito rin niya napagtanto kung ano ang nangyari dito ilang buwan na ang nakakaraan.

Mula sa pagpapakilalang iyon ay may isang taong nagdesisyon na mabuhay. Mabuhay para pumatay. Dahil dun niya lang nararamdaman na walang kayang manakit sa kanya. Na walang taong makakagawa sa kanya ng mga nangyari sa kakilala niyang si Adrian.

Bumalik ang lalaking na may dala-dalang tubig. Hindi pa man ito naabot sa kanya ay siya na mismo ang kumuha para inumin iyon. Ilang lagok lang ay naramdaman niyang bumaba na sa kanyang tiyan ang lamig ng tubig. Waring pinuno ulit nito ang kakulangang naganap ng siya ay umiyak ng umiyak kanina.

"Jude ayos ka lang ba?" tanong muli nito sa kanya.

He stared at this guy. He was in his early 30's. Ang taong tumulong sa kanya at nagluwal sa kanyang pagkatao. He was a psychiatrist. And his name is Max Albano.

"Max... gusto ko lang magpahinga please..." pagsusumamo niya dito. Hindi pa siya handang ipaliwanag ang lahat. Hindi niya rin inaasahan na ganito ang mangyayari sa kanya.

"Sige.. aalalayan na kita pataas"

"Hindi.. kaya ko na... gigising na lang ako mamaya.. I hope we could talk"

"Certainly Jude... I'll stay awake" paninigurado naman nito sa kanya.

Pinilit niyang tumayo kahit na ayaw sumunod ng mga paa niya sa kanyang utak. Animo'y hirap na hirap siya ng araw na iyon. Gusto niyang humanap ng makakapitan.

"So that's him" pukaw ng isang boses mula sa likuran ni Max.

Awtomatiko naman siyang napalingon at nakita ang kanyang kapatid. Sa katunayan ay kakauwi lang nila galing Manila. Semestral Break na ng kanyang nakababatang kapatid. Habang siya naman ay natapos na ang kanyang appointment.

"Yeah.. his name is Jude.. Nasabi ko na sa iyo diba?" sagot niya sa kapatid

"Jude? Wow.. what a great name for a murderer" sarkastikong sagot nito sa kanya at tuluyan nitong ibinagsak ang katawan sa sopa.

"Pwede bang hinaan mo ang boses mo Arthur? Kararating lang nung tao... Can you at least shut up kung wala kang magandang sasabihin"

"Kuya... binalaan na kita tungkol dito... You exercised psychohypnotheraphy sa isang taong hindi mo obligasyong tulungan. You know, I cant believe na kinargo mo ang isang tao dahil lang sa awa."

"This conversation is not going anywhere... magpahinga ka na.. " saway niya sa kapatid

"Kuya... sisirain mo ang reputasyon mo sa psychiatric arena. Ano na lang ang sasabihin ng mga kasama mo kapag nalaman nilang ginamot mo ang isang tao para pumatay? Kuya... I also took psychiatry dahil idolo kita.. But what you just did... only proves that I made the wrong decision" pambabalewala nito sa kanya

Biglang nagdilim ang paningin niya at dali-dali niya itong sinugod at kinwelyuhan. Napansin niyang kahit ang kanyang kapatid ay nabigla rin sa ginawa niya.

"Ano? Sasaktan mo ko? Impluwensiya din ba niya ito sa iyo Kuya? Nalason na ng taong iyon ang utak mo" singhal pa rin ng kapatid niya kahit nahihirapan na itong huminga sa ginagawa niya.

Bigla naman siyang natauhan sa sinabi nito at naihilamos ang kamay sa kanyang mukha. Lubha ng kumplikado ang sitwasyon. Kung tutuusin ay hindi niya ito masisisi sa mga sinabi nito. May punto si Arthur.. may mali siyang nagawa. Ngunit iyon na lang ang tangi niyang paraan para mailigtas si Adrian... naibulong niya sa sarili.

"Bakit hindi ka makasagot Kuya?" matigas pa ring paguusisa ng kapatid niya sa kanya

"Oo!... oo nagkamali ako.. pero iyon lang ang tanging paraan Art.. Iyon lang ang paraan para maisalba ko siya sa suicidal tendency niya... Kailangan kong pumili Art... mahirap din sa akin ang desisyon na iyon. But tell me...  would I save someone who already lost hope to live or someone who choose to live in his own ways.. Art wala ng pag-asang mabuhay si Adrian.. Kung siya ang pinili kong maging dominante.. lagi ko na lang siyang itutulak sa wheel chair at parang lantang gulay na sasaksakan ng suwero.. While Jude.. he is determined to live.. at kung ano man ang ginagawa niya.. that is his mechanism to overcome the pain that Adrian is bringing to him"

"The end doesnt justify the means kuya.. so what now? Tatanga na lang tayo dito habang alam natin ang katotohanan behind those murder crimes na nangyayari sa Pampanga.. Kuya, you created a criminal"

"No Art... the people who made him that way created the monster inside him.. Sa mundong ito mahirap na magpakabait.,. especially when the people around provokes the demon inside you"

"And you think what you did really cured him? You know that hypnosis is not enough.. Sa tingin mo ba tuluyan mo ng nabura si Adrian sa pagkatao ni Jude? It is not a 100% guarantee Kuya. Ang taong may multiple personality disorder ay maaring makaranas ng pagpapalit palit ng katauhan kahit na nagamot siya ng hypnosis. MPD itself is very vague. There's no exact cure on this. Nakadepende sa tao kung magagamot siya. MPD is the psychiatric version of cancer."

"Just stop this non sense argument.. Maayos din ang lahat. I know what Im doing at huwag mo kong papangunahan sa mga desisyon ko because I dont need second opinion. Im a psychiatrist and I know my field better than you are"

"This is not just about being a good Samaritan Is it? ... May iba pa bang dahilan kaya ginawa mo ito Kuya? Hindi naman siguro tama ang hinala ko na may gusto ka sa kanya"

Natahimik siya.

Hindi niya alam kung psychiatrist nga ba talaga ang kapatid niya o isang psychic. Dahil eksakto ang nabasang damdamin nito sa damdamin nya. Sa kawalan ng masasabi ay ang kapatid na lang niya ang nagsalita ng nagsalita.

"I just hope na magising ka na sa katotohanan kuya.. You cant have the best of both worlds... Hindi por que nagawa mong manipulahin ang isip ng isang tao ay kaya mo ring manipulahin ang puso nito." huling pangungusap ng kanyang kapatid at narinig na lang niya ang mga mabibigat na yabag nito palayo sa kanya.

It was a bad idea na isama ang kanyang kapatid sa pagbakasyon dito sa bahay nila sa Pampanga. But its too late. Ayaw naman niya kasing pumili sa dalawa. He wants to spend time with his brother as much as he terribly miss Jude na gustong-gusto na niya itong makita. Nagaalala na siya rito lalo na sa tuwing binabalita nito kung sino ang bago nitong napatay. But all he can do is to silently listen and push him to do so. Dahil isa iyon sa mga proseso na kailangan upang mabura ng tuluyan si Adrian. Biglang bumalik ang sa kanyang gunita ang mga pangyayari... Sa kanilang pinakahuling sesyon.

"Adrian ito si Max.. Naririnig mo ba ako?" tanong niya ng masiguradong boses na lamang niya ang nangingibabaw sa utak nito.

Kasalukuyan silang nasa isang espesyal na kuwarto. Wala itong kagamit-gamit at napipinturahan ng purong puti. Sa gitna ay matatagpuan lamang ang isang bangkong pahalang na yari sa bakal. Nakahiga dito si Adrian na malapit na ring mawala kung magiging matagumpay ang pinakahuli nilang sesyon. Maya-maya pa ay sumagot na ito sa katanungan niya

"Oo naririnig kita" malumanay na sagot nito habang nakahiga pa rin at nakapikit

"Ano ang gagawin mo kung bibigyan kita ng kutsilyo ngayon?"

"Gusto ko ng tapusin ang paghihirap ko... Gusto ko ng mamatay"

"Gusto mo na bang mamatay?"

"Akin na ang kutsilyo... Parang awa mo na... Kailangan ako ng nanay.. Susundan ko na siya.. Sila ni Papa" nagsimula na namang umiyak ang pasyente niya

"Sige mangyayari iyan ngunit bago ang lahat may gusto akong ipakilala sa iyo"

Nakita niyang tumango lamang si Adrian.

"Gusto kong pumikit ka at sa pagpitik ng aking kamay. Makikilala mo siya"

Pinakiramdaman niya si Adrian kung nagawa ba nito ang pinapagawa niya. Nang masiguradong nakapikit ito ng mariin. Bigla niyang ipinitk ang kanyang kamay at nakita niyang nagmulat bigla ang mata nito na parang nagising sa pagkakatulog.

"Adrian naririnig mo pa ba ako?"

"Hindi ako si Adrian" malamig na sagot nito sa kanya

"Kung ganun sino ka?"

"Ako si Jude... Jude Dela Riva"

"Nasaan na si Adrian?"

"Mas pinili niyang mamatay... Pinili ko namang patuloy na mabuhay"

Lihim siyang napangiti ng marinig ang sinabi nito. Isa lang ang ibig sabihin noon. Nagtagumpay ang pagpapalit nito ng katauhan.

"Kung bibigyan kita ng kutsilyo ngayon ano ang gagawin mo?"

"Papatayin ko ang mga taong nanakit kay Adrian"

Napangiti siyang muli.

Akala ni Jude ay makakatulog siya kanina ng tuluyan siyang makapasok sa kanyang silid. Ngunit nagkamali siya. Dahil ng siya ay mapagisa muli ay bumuhos na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Wala na ang mga ala-alang pilit na bumabalik. Ang tanging paulit-ulit sa kanyang memorya ay mga sinabi ni Red bago sya nagtatakbong palayo.

"Moks aalis ka na ba talaga?"

"Pipigilan mo ba ako?"

"Magpapapapigil ka ba?"

Nakapa niya ang kanyang bulsa. Naroon pa rin ang larawan na nakuha nila sa photo booth. Pinagmasdan niya muli ang hitsura nito.  Nakangiti ito sa harap ng kamera habang yakap-yakap siya. nang akalain niyang mukha itong katawa-tawa sa suot na batman costume ay naging kabaliktaran naman nito ang epekto sa kanya. Pinagmasdan niya rin ang kanyang hitsura sa larawan. Bigla siyang namagneto sa napagtanto. Siya pa rin si Jude Dela Riva sa larawan. Ang kaibahan nga lang ay ang salamin na dating suot suot ni Adrian.

Ngayon ay mas komportable na niyang bangitin ang pangalang Adrian. Hindi kaya mas komportable na rin siyang tawaging Adrian? bulong niya sa sarili. Hindi niya alam ang sgaot sa sariling katanungan. Napabuntong hininga siya at napagdesisyunan niyang kunin ang cellphone na nasa kabilang bulsa.

Habang idina-dial ang numero ay lumapit rin siya sa ng dahan-dahan sa salamin. Narinig niyang sumagot ang kabilang linya. Hindi niya rin alam kung bakit niya kailangang tawagan ang taong iyon. Ngunit naramadaman niyang kailangan niya. Sa wakas ay sumagot ang taong nasa kabilang linya.

"Hello?" tanong ng boses lalaki sa kanya

"Hello Jake" wika niya

"Doc what's the result?" nagaalalang tanong ni Sabrina sa duktor na kaharap niya

Gabi siyang nagpunta sa kanilang family doctor at sa sarili nilang hospital. She still wants the appointment to be discreet. Ayaw niya ring gumawa ng eskandalo o tsismis.

"Im afraid the result is not yet that sure hija"

"What do you mean Doc?"

"Tatapatin na kita hija.. mababa ang tsansa mo na mabuntis.."

"You dont mean that I am infertile right?"

"Can i ask you what's your idea of fertility?"

"Im feeling horny that day doc... hindi ako pwedeng magkamali.,.. I know that Im fertile"

Bahagya namang napatawa ang duktor sa sinabi niya. Mas lalo naman siyang nanggagalaiti ng makita ang reaksyon nito.

"Hija.. that's the traditional way of confirming whether or not you are fertile...  I will run some tests and will keep you posted pero tatapatin kita na mababa ang tsansa mo na mabuntis"

"Punyeta kang duktor ka!!!! Wala kang silbi...!" bigla niyang naibulalas sa sobrang galit.

"Hija.. Im doing my best... By the way alam ba ng mga magulang mo tungkol dito?"

"Dont tell them you asshole dahil oras na malaman nila itong pagkonsulta ko sa iyo.. without even confirming if I am indeed pregnant or what.. Ipapasesante kitang walang kwenta kang duktor ka!!!"

Lumabas siya ng kuwarto nito at tulirong pumunta sa unang CR na nakita niya. Hindi niya na alam ang gagawin. Napakapit siya sa lababo ng CR at namalayan niyang nagsisimula ng tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakipagkalas na sa kanya si Red at ngayon.. hindi pa sigurado kung mabubuntis siya. Isang sanggol lang ang kailangan niya para mabalik uli si Red sa kanya ngunit wala pa rin palang kasiguruhan ang tsansang iyon.

"No!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw niya sa loob ng CR.

Buti na lamang ay walang nakarinig sa kanya dahil sa magisa lamang siya doon. Para siyang tanga na pumapalahaw sa iyak. She cant stand the fact na nawala ang lahat ng pinanghahawakan niya ng parang bula. She cant stand the fact na hindi mapupunta si Red sa kanya. Biglang tumimo ang isang ideya sa kanyang isip.

Nanginginig na kinuha niya ang kanyang cellphone. Tatawagan niya ang ang kaisa-isang tao na makakatulong sa kanya.

Ibinaba ni Jake ang cellphone matapos ng ilang minuto na kausap ang tao sa kabilang linya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig.

"Hello?" pupungas-pungas na tanong niya sa taong nasa kabilang linya. Wala lang siyang ginawa kundi matulog. Hindi pa rin siya makagalaw ng maayos dahil paulit-ulit sa kanyang utak ang nangyari sa Glifonea's

"Hello Jake?"

Bigla siyang napabalikwas ng makilala ang boses na nasa kabilang linya. Walang duda na boses iyon ni Adrian.... Jude.. Iyon nga pala ang gusto nito itawag sa kanya.

"Im sorry" mahina at halos pabulong niyang tugon dito.

Wala siyang maapuhap na mga salita. Gustuhin man niyang magpaliwanag dito ay hindi niya magawa dahil siya at siya pa rin anglalabas na may kasalanan. Gusto niyang aminin na noong una ay nakipagsabwatan lamang siya kay Sabrina at diring-diri siya rito at ginamit niya lamang ito para maging popular noong high school sila. Gusto niyang aminin na ang babaw niya para saktan ito. Gusto niyang aminin na siya ang sumabotahe sa performance nito sa NASUDI auditions. Gusto niyang aminin na si Sabrina ang may pakana ng lahat. Higit sa lahat gusto niyang aminin na nahulog na siya rito ng makilala niya kung sino nga ba si Adrian.

"Wala na yun"

Nagulat siya sa sagot nito. Pinapatawad ba siya nito? Maya-maya pa ay narinig niya itong magsalita muli ng namayani ang ilang segundo ng katahimikan.

"Jake.. hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin.... pero gusto kong lumaya.. lumaya sa anumang sakit na nararamdaman ko.. mahirap man na ibigay sa iyo to pero buong puso kong ibibigay ang pagpapatawad ko dahil kailangan... kailangan nating lumaya sa sakit na umaalipin sa ating dalawa"

Narinig niyang umiyak ito. Parehas na iyak na narinig niya ng ito pa si Adrian. Noong gusto pa nitong matawag na Adrian.

"Jude... sorry... naging mahina ako..." hindi niya rin namalayan na pumapatak na ang luha sa kanyang mga mata. Parang may isang malaking tinik na nabunot sa kanyang dibdib ng marinig ang mga sinabi nito.

Naalala niya ang mga panahon na yakap niya si Adrian. Na yakap niya yung taong sobrang bait, sobrang lambing at sobrang inosente. Those eyeglasses that became a trademark. Ang malamlam nitong mata. Hindi siya makapaniwala na pinagpalit niya ito sa kasakitan.

"I have to go Jake.. nasabi ko na ang gusto kong sabihin.. See you at the Enchanted Ball then" wika nito sa kanya

Akma na siguro nitong ibababa ang cellphone ng mabilis niya itong pinigil.

"Jude sandali!!!" pigil niya rito

"Ano iyon Jake?" mahinahon namang tanong sa kanya nito

Sasabihin niya ba? Sasabihin niya ba na si Sabrina ang pumatay sa Ina nito. Tila may bara sa kanyang lalamunan na iba ang namutawi sa kanyang bibig na taliwas sa kanyang iniisip.

"Ah wala.. and yeah.. see you at the enchanted ball Jude"

Sa unang pagkakataon ay narinig niya itong tumawa. Napangiti na rin siya. Ngunit mas lalo siyang napangiti sa sinabi nito bago ito nawala sa linya.

"Sige Jake... and by the way its not Jude anymore... its Adrian"

Parang panaginip ang lahat. Ilang araw siyang naglasing matapos ang pangyayari sa Glifonea's. Matapos na umalis si Adrian sa restaurant. Akala niya ay mapapatawad siya  ni Adrian sa ginawa niyang sorpresa. Akala niya na noong araw na iyon ay magagawang lumambot ni Adrian sa sorpresa niya. Ngunit nagkamali siya. Mismong araw na rin na iyon ay nakita niya kung gaano kagalit si Adrian. Kung gaano kagalit si Jude. Nakita niya sa kanyang harapan ang epekto ng ginawa nila kay Adrian.

Matapos ang pagkatulala sa bilis ng pangyayari ay kinuha niya ulit ang cellphone. Adrian deserves the truth kaya kailangan niyang malaman ang buong katotohanan sa sunog. Ngunit naputol ang pagdial niya ng numero ng makatanggap uli siya ng tawag.

Si Sabrina.

"Bakit ka napatawag?" galit niyang singhal agad dito

"Jake please... you should help me on this" nagsusumamong boses nito.

Hindi niya man ito nakikita ay alam niyang umiiyak ito. Base sa pag-garalgal ng boses nito ay tiyak niyang umiiyak ito.

"Ano bang dahilan at napatawag ka" galit niya pa ring wika rito

Sabrina is Sabrina. Sa ilang buwang pagsasama nila mapausapan lang ito o sa kama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Alam niya na kung paano maglaro ang isang Sabrina Malvarosa. Maaring inaartehan lamang siya nito para mapapayag siya ng gawin uli ang isang pabor

"Jake... I need Red back... please help me.. I promise na ibabalik ko rin sa iyo si Adrian.. o kahit ano.. name your price.. please help me!"

Sa tono nito ay halatang desperada na ito sa tulog niya. Hindi siya sanay na lumalapit ito ng ganoon. Noong mga nakaraang panahon ay siya ang laging nakikusap at iilan lamang sa mga ito ang pinagbbigyan ni Sabrina. Dahil sa bawat pagtulong nito ay may kalakip na kapalit.

"No... tapos na ako sa mga laro mo Sabrina.. mula ngayon ay pinuputol ko na ang ugnayan na meron tayo" mariin niya wika dito

Biglang-bigla ay nabago ang tono ng boses nito. Ang kaninang nagmamaka-awa ay bumalik sa pagiging mapagmataas.

"Hayop ka!! Pagkatapos kitang tulungan sa naabot mo ngayon at matapos kong ipagamit ang katawan ko sa iyo gagaguhin mo ko... Sa ayaw mo at sa gusto kailangan mo kong tulungan dahil kung hindi ay malalaman nila na ikaw ang pumatay sa nanay ni Adrian"

Bigla naman nagpantig ang tainga niya at sinalubong na rin niya ang galit nito

"Hindi sabrina... Ikaw.. Ikaw ang pumatay sa nanay ni Adrian. May recording ako ng huling tawag na inamin mo na ikaw ang pumatay sa nanay ni Adrian. This is not your game anymore Sabrina... Kasama ka na rin sa mga manlalaro ng larong ginawa mo and your game will be over soon.. trust me malalaman nila Red at Adrian ang lahat-lahat.."

Bago niya pinindot ang End Button ay narinig niyang nagsisisigaw ito sa kabilang linya.

Pasado alas dos ng maguumaga na ng makarating si Karma sa Angeles. Maari naman sanang ipagpabukas ang biyahe niya ngunit kailangan niyang magmadali. Hindi na niya nagugustuhan ang mga nababalitaan. Tumawag siya kanina sa bahay nila at ang kasamabahay nila ang nakasagot, wala daw ang kaniyang Mama at may pinuntahan daw itong meeting. Samantalang, wala rin daw si Red dahil kasama nito Jude.

Napabuntong hininga siya ng maalala ulit ang pangalang Jude. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan o magalala sa isiping magkasama ang kanyang kapatid at si Jude. Ngunit ang dahilan ng kanyang pagpunta sa Manila ay para kay Adrian.

Kumatok siya sa pinto ng kanilang bahay. Maya-maya pa ay binuksan ito ng kanilang kasambahay.

"Nasaan si Mama?" tanong niya kaagad

"Wala pa po ... pinasabi niya po na baka bukas ng umaga na raw po siya makauwi"

"Ganun ba.. Si Red? Nandito na ba siya?"

"Ah opo nasa kusina... pero mukhang lasing ata nung makarating..kaya pinagtimpla ko po muna ng kape.... Hindi na rin po niya kasama si Jude nung umuwi sila"

"Sige ako na ang bahala sa kanya.. Pwede bang paki-akyat na lang tong maleta ko sa kuwarto"

"Oho sige po.."

Kinuha na ng kasambahay ang maleta niya at maya-maya pa ay nawala na ito sa kanyang paningin. Agad niyang tinahak ang kusina at gaya ng nasabi ng kasambahay ay nandun nga si Red. Kaharap nito ang laptop at isang tasa na batay sa nasabi ni manang ay kapeng ipinainom nito.

Magulo ang buhok nito habang magang-maga ang mga mata. Kahit di man nito sabihin ay halatang nanggaling ito sa pagiyak.

Umupo siya kaharap nito at pagkatapos ay nakita niyang nag-angat ito ng ulo.

"Kumusta na?" malumanay niyang tanong sa kapatid.

"Nandyan ka na pala ate" maikling sagot nito. Waring wala ito sa tamang mood para makipagusap sa kanya.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at pinuntahan ito. Nang tuluyan siyang makalapit dito ay nakita niyang nakabukas ang facebook account nito. Ngunit ang pangalang "Jude Dela Riva" ang nakita niya.

"Kumusta na siya?" tanong ulit niya rito. Hindi siya sigurado kung tama bang tanungin niya si Red tungkol kay Adrian.

"Ate bakit.. bakit nagkaganun si Adrian? Ate hirap na hirap na ko... hindi ko alam kung anong gagawin ko..."

"Nakilala mo na ba si Jude?" tanong niya rito at humakbang siya ng kaunti palayo

"Pati ba naman ikaw ate? bakit kailangan niyong ituring na dalawang tao si Adrian at Jude? Diba iisa lang sila? Bakit kailangan sabihin ni Adrian na iba siya na si Jude at wala na ang dating Adrian.. ate gulong gulo na ko"

Pinagmasdan niya ang kapatid. Naawa siya sa kalagayan nito. Wala man itong dinaramdam na kung ano sa pisikal ngunit alam niyang anumang sandali ay susuko na rin ito sa nararamdaman para kay Adrian. Huminga siya ng malalim at nagtanong muli.

"Sinasabi ba ni Jude na kilala niya si Adrian?"

"Hindi ko maintindihan bakit kailngang ituring ni Jude na ibang tao si Adrian"

"That's a good sign"

"How can you even call it a good sign ate?" galit nitong tanong sa kanya

Bago niya sagutin ang tanong nito ay kinuha niya ang folder na nasa kanyang shoulder bag. Files ito ni Adrian mula ng obserbahan niya ito sa bahay nila at ang patuloy na developments nito.

"You need to see this" wika niya kay Red sabay abot sa itim na folder.

Kinuha ni Red ang itim na folder na iniabot ng ate niya sa kanya. Kung ito ba ang magiging susi para maintindihan niya ang lahat ay kailangan niyang matuklasan kung ano ang nasa loob ng folder na iyon.

Nang mabuksa niya ang folder ay tumambad sa kanya ang dalawang larawan ni Adrian. Ang bawat larawan ay may kanya-kanyang impormasyon na nakalakip.

Patient's full name: Adrian Jude Dela Riva
Mental Illness: Dissociative identity disorder (DID)
Degree: Severe

Adrian Dela Riva

-Claiming that his father dies of cancer and her mother died in a fire
-Claiming that his boyfriend broke up with him
-Suicidal

Jude Dela Riva

-Claiming that his father died when he was seven and her mother died because of an arson
-Capable of Murder

"Hindi ko lubos akalain na ang isang pinaka kontrobersyal na paksa ng sikolohiya ay maaring mangyari sa totoong buhay. Akala ko hindi totoo. Tulad ng karamihan ay maniniwala lang din ako kapag nakita mismo ng dalawang mata ko. Ngunit totoo.. totoo ang sakit na DID. Commonly known as Multiple Personality Disorder" paliwanag ng Ate Karma niya sa kanya

Tila naumid ang dila niya sa kanyang narinig. Hindi niya alam ang isasagot. Pamilyar siya sa sakit na iyon. Ngunit hindi niya alam na ang taong pinakamamahal niya ay ang taong dadapuan ng ganitong sakit.

"In most cases, nagsisimula ang DID sa isang traumatic experience. Noong una, buong akala ko ay isa lamang normal na kaso lamang ito ng Post Traumatic Stress.. ngunit nagkamali ako.. ng isa-isahin ko ang mga pangyayari batay sa kwento ni Adrian. Doon ko lubos na naintindihan na lubhang masakit ang napagdaanan niya. He is madly inlove with someone and he finds out na buong buhay niya ay pinaikot lamang pala siya. Hindi pa man siya nakaka-recover sa pangyayaring naganap sa restaurant ay nasunog ang kanilang bahay. Nasunog ang mga ala-ala ng kanyang ama na hindi niya nakasama ng matagal. At kasabay nito ay nasunog ng buhay ang kanyang Ina. Sinong anak ang makakasimura na makita ang kanyang ina na nalapnos ng apoy o natusta. Kahit ako... hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kapag mangyari sa akin iyo o sa Mama....

...Hindi kinaya ni Adrian ang sakit. Ang sunod sunod na sakit.. Sa araw araw na inoobserbahan ko siya ay tila nawalan siya ng lakas. Hanggang sa nawalan siya ng ganang kumain. Hanggang sa kahit pagkilos ng katawan o pagsasalita ay hindi niya na nagawa. Iyon ang mga panahon na kailangan na siyang mag wheel chair. Walang pisikal na karamdaman si Adrian noon ngunit dahil lahat ng bahagi ng katawan ay kunektado sa nervous system ng isang tao at pag napagdesisyunan ng utak na huwag mag-function ay hindi gagalaw kahit anong parte ng katawan natin.. Kaya para siyang lantang gulay na nakasalampak sa wheel chair...."

Mariin pa rin siyang nakinig sa kanyang Ate habang pinipilit na pagkasyahin lahat ng impormasyon sa kanyang utak.

"Akala ko rin ay wala ng pag-asa ngunit isang araw na may ginugupit ako sa kuwarto kung saan siya natutulog ay nakita ko sa unang pagkakataon na humakbang papalapit sa akin si Adrian. namangha ako sa nakita. Kinuha niya ang gunting sa akin at nagulat na lamang ako ng akma niya akong sasaksakin. Nang binanggit ko ang pangalan niya at sinabing itigil niya ang kanyang ginagawa. Doon ko narinig na sinabi niyang 'Jude' ang pangalan at hindi 'Adrian'.. Bilang depensa sa nangyari ay nasaksak ko ang gunting sa bandang pulso niya... Iyon ang panahon na dinala ko siya sa hospital.....

....I thought of bringing him to a mental asylum that time but it wont do good. Hindi magagamot si Adrian doon at  mahirap din para sa isang tao na may DID ang isama sa mga ibang mga baliw. Iniisip ko ang mga consequences na maaring mangyari kapag biglang lumabas si Jude at patayin ang unang taong makita niya. I also felt sorry dahil kulang ang kakayahan ko bilang psychiatrist na gamutin si Adrian. I was never familiar of DID until I diagnosed Adrian"

"Bakit ganoong pagkatao ang lumabas kay Adrian?" bigla niyang tanong na lubusang maunawaan ang lahat.

"Kinailangan ni Adrian si Jude dahil sumuko ng mabuhay si Adrian.. si Jude ang nabuhay para sa kanya.. It was his way of coping up with the stress and pain he felt. Noong una akala ko it is only a borderline personality disorder commonly referred as black and white thinking but no... may kakayahan ang nabuong personalidad ni Adrian na si Jude na tumagal sa katawan ni Adrian. And it was clear na pwedeng siya na ang tuluyang mabuhay at mawala ng tuluyan si Adrian....

...Napakaseryoso ng kasong ito lalo na at alam kong may kinalaman si Adrian o Jude sa patayang nabalitaan ko mula sa NorthEast... Hindi madaling patunayan sa korte na may DID si Adrian kung sakali mang makulong siya pag nalaman ng lahat siya ang nasa likod ng patayang naganap"

"Alam mo rin ate?" hindi makapaniwalang tanong niya

"Yeah.. I also thought of telling this to you over the phone but no... sa tingin ko naman ay hindi ka sasaktan ni Jude. Kung meron mang tanging tao na magpapa-alala kay Jude na siya si Adrian ay ikaw yun Red and I know that it's a good idea na masama kayo"

"Ano ang gamot sa DID? P..p..paano na si Adrian tuluyan ba siyang mawawala? Kailangan bang mawala ni Jude para mabuhay uli si Adrian?" sunod sunod niyang tanong

"Hindi kailangang mawala ni Jude.. dahil naging parte na siya ng pagkatao ni Adrian. Well, in fact matagal na siyang parte ng pagkatao ni Adrian. It just took him a painful break up and an arson to unleash that particular side. Everybody has that dark side nagkataon nga lang na literal na nahati sa dalawa si Adrian. His alters are literally the angel and the devil. Hindi kailangang mawala ng isang katauhan niya. Kailangan lang pagisahin silang muli... Kailangan lang nilang ipakilala sa isa't isa. At higit sa lahat kailangan matutunan ni Jude mula kay Adrian ang magpatawad unang una sa lahat ay ang pagpapatawad sa sarili...

...Sadly ng mga panahong iyon, hindi ko pa alam ang gagawin ko kaya wala akong nagawa para makontrol ang dalawang katauhan ni Adrian. Kulang pa ang kakayahan ko kaya nagpasya akong pumunta ng Manila para magkaroon ng pagsisiyasat at masuring pagaaral sa DID at Hypnosis na isa sa pinaka epektibong paraan para magamot ang pasyenteng may DID. Of course, it cant guarantee a total cure pero iyon ang huling pag-asa para mapagisa si Jude at si Adrian"

"Ano ang nangyari sa pagpunta mo sa Maynila ate? Nagawa mo ba ang ipinunta mo doon?"

Tumango ang kanyang ate na siya naman niyang ikinagalak. Isa lang ibig sabihin nito. Magagamot na si Adrian. Mapagiisa na sila ni Jude. Nakinig naman siya sa mga susunod pa nitong sasabihin.

"I went to Manila to study hypnosis I was introduced to this young professor. His name is Dr. Max Albano.."

Itutuloy...

[28]
Malapit ng magbanta ang oras. Tiningnan niya ang kanyang relo. Ilang oras na lang ay malapit ng gumabi. Isa lang ang ibig sabihin nito. Malapit na rin ang Enchanted Ball. Akala niya noong una ay hindi naman masyadong magarbo ang inihandang palatuntunan ng unibersidad. Ngunit sa lokal na channel ng Pampanga ay napanood niyang naibalita ang Enchanted Ball. It was a scapegoat to a crisis sabi nga nila. Gusto pa ring ipaniwala ng NorthEast na walang dapat ikabahala sa unibersidad sa kabila ng napapabalitang patayan.

Na siya ang may gawa.

He felt sorry. Pero huli na ang lahat para maibalik ng sorry niya ang mga nangyari. Ang tanging magagawa na lang niya ay akuin ang kasalanan. Pagkatapos ng gabing ito ay matatapos na rin ang paghihirap ng ibang taong naghahanap ng hustisya. Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang lahat. Yung kailangan niya pang kumitil ng buhay para maramdaman niyang may buhay rin siya.

Sariwa pa rin sa ala-ala niya kung gaano niya undayan ng saksak ang lalaking nagigisnan niya sa kama matapos ang kanilang pagtatalik. Sariwa pa kung gaano niya ipatikim ang sarili sa iba at pagkatapos ng sarap ay lingid sa kaalaman ng mga ito na kasunod na ang sakit ng pagpatay.

He will sing Taylor Swift’s Love Story. How ironic na kailangan ng mga taong magdusa o mamatay ng dahil lang sa pagmamahal. He again reminisced the theme of the story. The not-so-fairytale-like story of Juliet Capulet and Romeo Montague. He wondered kung ganun rin ba ang kahihinatnan niya.

“Malalim ata ang iniisip mo” boses sa kanyang likuran.

Nang nilingon niya ito ay nakita niya si Max na may dala-dalang kape. Max is a certified caffeine addict, noong ngang medyo gumaling na siya ay lagi niya itong ipinagtitimpla ng kape. Max didnt want to but he always insisted. Gusto niya kasing sa simpleng paraan ay makabawi siya sa pagtulong nito.

“Hindi naman.. Im just skeptical.. Kung pupunta pa ba ako sa...” hindi niya na naituloy ang sasabihin.

“Sa Enchanted ball? Why shouldn’t you, besides.. Sinabi mo sa akin na that would be your goodbye performance” seryosong saad ni Max sa kanya.

“I received a text from Red...” hindi pa rin niya maituloy ang sasabihin. Sa puntong ito ay natahimik na rin si Max sa pagbanggit niya ng pangalan nito.

Namagitan ang kaunting katahimikan. Pagkatapos ay ito naman ang nagsalita.

“Do you...love..him?” bakas sa boses ni Max ang pagaalinlangan sa tanong nito

Hindi siya sumagot. O mas tamang sabihin na ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon.  Bumuntong hininga lamang siya at napatitig sa kawalan ng nagbabadyang dilim.

“Is he the reason kung bakit... kung bakit pinili mong baguhin muli ang sarili mo”

Siya naman ang napalingon dito. Max was staring at him seriously. Siguro ay sadyang nanibago ito sa inaakto niya magmula pa kaninang umaga.

“Wala naman siyang binago sa akin... Mayroon lang siyang pinaalala.”

“Naririnig mo pa rin ba ang boses?”

“Hindi.. Siguro ay dahil hindi na siya takot mabuhay.. Dahil napagalaman niya na may isa pa ring taong handa siyang protektahan at bigyan ng pagasang mabuhay”

“Si Red ba iyon?”

Tumango siya.

“He is one lucky guy that he had you”

“Im luckier that I had him... mula pagkabata hanggang ngayon but some things are bound to be apart cause changes do happen.”

“Do you still believe in fairytales?” agaw tanong ulit ni Max sa kanya.

Kailan ba siya huling natanong ng ganitong klaseng tanong? Ngunit ngayon ay mas kumportable na siya sa tanong na iyon. It sounded like a music in his ears.

“Dahil kay Ariel? Oo.. Haha” bahagya siyang natawa sa sagot niya. Naalala niya ang tagpong nanood sila ni Red ng sabay sa kuwarto nito habang yakap siya.

Hindi naman nito pinatulan ang sagot niya. Nakita niyang seryo lang ito sa pagsimsim ng kapeng iniinom. He thought that Max might be thinking of another question. Bago pa man ito makapagtanong ay inunahahan niya na ito.

“Ikaw Max? Wala ka bang naging bestfriend?”

“Huh? Ako?” gulat na tanong ni Max sa itinanong niya

“Oo ikaw...”

Nakita niyang tumingin na rin ito sa kanya.  Ibinaba ni Max ang tasa ng kape at ito naman ang tumingin sa malayo.

“Yeah.. I used to have one.. His name is Justine.. He was a brother from a frat. Ayun nagkaiba ang landas namin eh. He was a vocalist of a rockband at ako naman nun.. busy maging psychiatrist... Then all of a sudden.. He died because of colon cancer..”

“Im sorry”

“Its OK. Matagal ko ng natanggap ang pagkawala niya.. Nung oras na tinulungan kita sa pambubugbog sa iyo. Katatapos lang din ng libing ni Justine noon. I decided to go here at Pampanga para makapg isip isip and then I met you. And I thought..”

“Ibinalik si Justine sa iyo.. sa katauhan ko?” siya na mismo ang nagtuloy sa sasabihin nito

“Im sorry.. Im really sorry Jude...”

Narinig niya ang pagtatalo ni Max at ng kapatid nito. They mentioned the name “Justine”. Na kamukha raw niya. From then ay medyo napagdugtong niya ang mga pangyayari. Maaaring tinulungan siya ni Max dahil na rin sa kamukha nito ang best friend nitong si Justine. Kaya pala noong mga panahong iyon ay natatatawag siya nito ng “Justine”.

“You dont need to apologize Max... kung nakatulong ako para mawala ang sakit na nararamdaman mo that would be OK.. Pero kailangan mong maintindihan na hindi ako si Justine..magkaiba kami”

“Yeah.. and I also realized that when I had a talk with my brother this morning.. which I suppose ay narinig mo.. Hindi lang talaga iyong pagkamatay niya ang ikinakasama ng loob ko.. kundi ang isiping I wasnt able to confess my love for him. I was so afraid na namalayan kong huli na ang lahat para sa aming dalawa”

“Wala na yun... naiintindihan ko”

“So what’s song you’ll gonna perform?” paglilihis ni Max ng paksa. Sa tingin niya ay mas makabubuti iyon. Napansin niya kasing bahagya itong napaluha sa takbo ng kanilang usapan

“A dose of Taylor Swift... Love Story” sagot niya

“Ikaw lang ba ang kakanta niyan?” tanong ni Max sa kanya

“Nope... tatlo kami.. but I dont know kung kumpleto ba kaming kakanta nito”

“So tatlo kayong lalaki na kakanta niyan???” manghang tanong ni Max sa kanya

“Y...Yes...” nag-aalangang sagot niya

“Wow... sigurado ka bang hindi sa gaybar ang event niyo.. its so unusual” pabriong banat sa kanya ni Max. Nakuha pa talaga nitong magbiro sa kabila ng pagseseryoso nilang dalawa kanina.

“Siguro nga may sayad yung ulo ng Director namin when he thought of that. Sabi niya he wants to showcase different side of fairy tale sa kantang iyon. Love Story being performed by 3 men”

“Kung gusto niya ng kakaiba... he didn’t fail. but I have this intuition that your Musical Director is indeed gay”

“Matagal ng tsismis yun sa campus... but he didnt mind”

“Nakapagpractice na ba kayo?”

“I wished to Max... But no... bahala na si batman mamaya” bahagya naman siyang natigilan ng masabi niya ang pangalang batman. Isang tao lang ang naalala niya bigla. Si Red.

“Ano ba yung nakuha mong text sa kanya?” tanong ulit ni Max.

Huminga muna siya ng malalim bago sabihin ito kay Max. “Sabi niya.. Sabi niya... hind na daw siya pupunta sa Enchanted Ball.. And he hopes that Jake and I will be happy..”

“Jake? I thought...”

“I forgave him Max... isa iyon sa mga desisyong gusto kong panindigan sa ngayon”

“But.. he is the reason bakit kailangan mong magdusa... you cant just do that..”

“I already did... and for some reason... Im happy.. Alam mo Max... diba sinasabi ko sa iyo noon na malakas ako at wala ng mananakit sa akin.. But I was wrong.. Ang totoo niyan mahina ako, nagpapanggap lang akong malakas pero ang totoo wala akong kalaban-laban dahil alipin ako ng sarili kong galit”

Hindi na nagsalita pa si Max matapos marinig ang kanyang mga sinabi. Ngunit parang hindi ito kumbinsido sa mga paliwanag niya. Siguro nga’y masyadong natatak sa isip nito ang imahe ni Jude.

“You really love him dont you?”

Ngiti lang isinagot niya dito.

“I always said to myself noon.. Sana ako yung taong magpapaniwala uli sa iyo na may fairytale... na may happy ending.. guess Im not” malungkot na tugon ni Max sa kanya.

“You helped me a lot Max... that’s more than enough.. Saka hindi lahat ng fairy tale happy ending.. Remember? Juliet and Romeo”

“Yeah.. the shakesperean fairytale.. pero diba sa kanta.. they lived happily ever after kahit tutol ang parents nila”

“Well somebody should teach Taylor what really happened” natatawa niyang sgaot.

“Malapit ng mag alas siyete.. hindi ka pa ba maliligo to prepare yourself.. nga pala... I already told Arthur about this.. Siya na maghahatid sa iyo sa school”

“Sigurado kang OK lang sa kanya?... No offense meant Max but I dont think gusto akong ihatid ng kapatid.. He doesnt even like the idea that Im existing here in the house”

“Dont be such a paranoid.. ganun lang talaga si Arthur but he’ll get over it... Yang kapatid ko kasing yan he have this difficulty on adopting to other people.. mayroon pa nga siyang anti social tendency eh... but he will be fine..”

“Haha.. I cant believe that you have these terminologies and explanation about your brother’s behaviour” natatawa niyang patutsada dito

“That’s my way and you are speaking with Doctor Max Albano..”

“The youngest acclaimed psychiatrist in the Philippines” siya na ang nagtuloy sa sinabi nito.

Natawa naman ito sa idinugtong niya. Nang tumingin muli siya sa kanyang relo ay halos oras na para maghanda siya sa engrandeng Enchated Ball. Nagdesisyon siyang magpaalam sa kausap.

“Max.. I think I’ll need to take a bath first.. Ok ka lang ba dito..?” tanong niya.

“Yeah.. you should.. kanina pa sana... baka mahuli ka pa Prince of Rock.. I already ordered a costume for you.. buti naihabol naman agad.. Online ko pa siya nakuha eh”

“Max naman? Hindi ka na sana nag abala... Ang balak ko sana eh I will just wear a white tux”

“Nope.. Hindi pwede yun... Its a costume party so might as well dress like a Prince... Cmon.. you dont want to look like a caterer there aren’t you?”

“Haha... Kaw talaga... but thanks.. patagal ng patagal.. parang dumarami na utang ko sa iyo ah” natatawa niyang sagot.

“Mahal mo ba talaga siya” wala sa usapang tanong muli ni Max.

Tinititigan siya nito sa mata. Na waring nakikiusap na “hindi” ang sabihin niya. Ayaw niyang saktan si Max ngunit mas ayaw niyang masaktan ito kung magsisinungaling siya.

Tumago siya para sagutin ang tanong nito.

Nakita niyang ibinaba nito ang tingin at tumingin sa ibaba na waring nagsasaliksik kung naroon nga ba ang susunod nitong sasabihin. Nang mag-angat ito ng ulo ay nakita niyang nakangiti ito at saka nagsalita.

“Then go and make your own fairytale... Huwag niyong gayahin si Romeo at si Juliet”

Ngumiti na rin siya ng marinig ito. Nais niyang pasalamatan ang Diyos dahil si Max ang nakapulot sa kanya ng mga sandaling nagdurusa siya. Sadya talagang may mga tao pang katuld ni Max na handang magbigay ng tulong kahit na walang kapalit. Sa isiping ito ay sinagot na rin niya ang biro nito.

“Hindi naman kami si Romeo and Juliet... Siya si Red. ako naman si Jude” at pagkatapos ay pumasok na siya sa katabing kuwarto upang ihanda ang sarili sa pupuntahan.

“Jake anak... naplantsa ko na yung susuotin mo..” pukaw ng Ina ni Jake sa kanya ng maabutan siyang nakaupo pa rin sa kanyang kama at nakatanaw sa katabing bintana nito.
Kung tutuusin ay ngayon na lang uli siya nakatulog sa bahay nila. He spent most of his days sa NASUDI Bldg. Wala kasi siyang mukhang maihaharap sa kanyang mga magulang. Sa bawat pagkakataon na nakikita niyang inaalagaan siya ng mga ito na parang isa pa rin siyang mabuting anak ay nakokosensya siya. Lingid sa kaalaman ng mga ito ang gulong pinasok niya.

Nagambisyon siyang sumikat... hindi. Mas tamang sabihing nagaambisyon siyang iahon ang pamilya niya sa hirap. Hindi siya yung tipo na intelehenteng tao. Aminado siyang mahina ang kukote niya sa aspetong akademiko. That’s why he decided to use what he got. He used his looks. Ang una sana niyang balak ay ligawan ang isa sa pinakamayamang babae sa kanilang school noon... Si Sabrina.

Naisip niyang kung magiging sila, his reward would not just be a brighter future... May bonus pang magandang babae na pwedeng pwede sa kama.

But its the other way around. Akala niya sa ang manggagamit. It turned out na siya ang nagpagamit dito. They created a game in Sabrina’s speak. Gumawa sila ng laro at siya ang player na kailangan kontrolin. He can’t say NO because the offer is tempting. A sure spot in NASUDI, ang pinaka eksklusibo na music organization sa unibersidad ng NorthEast at syempre, isang bed relationship sa babaeng kakontsaba.

Simple lang ang kailangan niyang gawin, to make a fag, named Adrian Dela Riva to fall for him. Ginalingan naman niya ang pagpapanggap... Mula sa pagiging automatic Knight in Shining Armor.. sa pagiging boyfriend nito and even his declaration na isa siyang bisexual when he became a campus heartrob. Bawas pogi points nga kung tutuusin ngunit parte ito ng plano. Kailangan niya lang magtiis dahil kailangan niyang pakisamahan si Adrian sa halos tatlong taon bago sila magkolehiyo.

Sure thing he was the best actor.. ngunit parte ng pagiging best actor niya ay katotohanang nahulog na siya dito. The feeling he had for Adrian is so genuine na hindi na kailangan pa itong i-peke. Sa araw-araw na nagkikita sila, masyado siyang na-attach sa sweet gestures nito. Yung pagsisilbihan siya kahit hindi naman na niya hinihingi dahil nahihiya siya or at some point nakokonsensya dahil palabas lang dapat ang lahat. When he will get to see those innocent eyes... Yung mga sitwasyong hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. The way Adrian surprises him everyday.. may dalang pagkain.. O ipagluluto siya. That was their high school drama pero daig pa nila yung mga lovers na mature na pagdating sa relasyon.

At an early age nandun na yung sweetness. Nandun yung magic. He knew that Adrian fell inlove with him..At siya.. hindi man niya plinano... But he also fell inlove with Adrian.

Then the judgement day came.. Panahon na para pahirapan ang taong mahal niya. He sabotaged Adrian’s performance.. He broke up with him.. He was not there when Adrian needs him most. Sa mga panahong sobrang down ito dahil sa pagkakasunog ng bahay nito at sa pagkamatay ng Ina nito sa sunog.

After that, he always convinced himself everyday of his life na isa lamang phase si Adrian. That it was only a puppy love and he is straight.. sa babae siya iibig hindi sa bakla. He deceived himself para gumaan ang lahat. Sa loob ng anim na buwan na napabalitang nawawala si Adrian... ay nagawa niya ito. Of course, with the help of Sabrina. Pinagana nito ang libido niya kaysa sa kanyang puso. She taught him to use his logic more than his emotions. Nagtagumpay naman siya. Nalango siya sa kasikatan. He can have all the university hotties that he liked. Because they are running after a singing heartrob, NorthEast’s hottest property and a label- Jake Marcos.

“Anak Ok ka lang ba?” muling tanong ng kanyang Ina ng mapansing hindi siya sumasagot

“Po?”

“Kanina ka pa tulala... Ni hindi ka nga kumain kanina... Akala namin natulog ka lang buong magdamag para naman yatang wala kang sapat na tulog... May dinaramdam ka ba?”

Tama ang kanyang Inay... may dinaramdam nga siya. Kanina pa siya binabagabag ng kanyang konsensya. When Adrian and he kissed at the park, mas lalong lumakas ang pagnanasa niyang sabihin dito ang buong kwento ng larong ginawa ni Sabrina. He still have the recording. Nakapagdesisyon siyang sasabihin niya na ito kay Adrian pagkatapos ng kanilang performance sa Enchanted Ball. That way, ay hindi maaapektuhan ang pagkanta nito. He must readyhimself sa consequences na maaaring mangyari. But he dont care at all. Gagawin niya ang lahat makabawi lang kay Adrian.

“Ahm.. nay.. anong gagawin niyo kapag sobra kayong nakasira?” matalinghagang tanong niya sa kanyang Ina. He was not sure if he will get an answer pero kahit papano gusto niyang may makausap man lang para mabawasan kahit kaunti ang pagkabagabag na dinadala niya.

“Anak... lahat naman tayo nakakasira.. pero para maging mabuting tao kailangan nating ayusin ang nasira. Tulad ng salamin.. kung ikaw ang nakabasag at kahit alam mong hindi na mabubuo.. kailangan mo pa ring gamitin ang kamay mo para pulutin ang mga piraso.. handa ka dapat masugatan... Handa ka dapat masaktan.. Kailangan mong tanggapin ang sakit dahil sa paraan lang na ito mo maayos ang dating nasira.. Siguro hindi mo man maayos ito ng tuluyan pero sapat na iyong pinulot mo ang mga piraso nito upang wala ng ibang masaktan kundi ikaw lang”

Sa sinabi ng kanyang Ina ay para pinukaw nito ang kung anong tapang sa kanyang puso. Nginitian niya ang kanyang Ina sa sinabi nito.

“Sige po Nay.. maliligo lang po ako”

“Sige Anak..”

Nginitian rin siya ng kanyang Ina at ilang saglit pa ay nawala na ito sa kanyang paningin. Naiwan muli siyang nagiisa sa loob ng kuwarto. Maya-maya pa ay nagring ang kanyang cellphone. Marahil ay si Director Lee ito na pinapaalalahanan sila sa performance nila mamaya. Kanina kasi ay galit na galit ito dahil hindi daw nito ma-contact si Adrian at si Red kaya siya ang binuburo nito sa sermon. Wala naman siyang magawa kundi i-assure ito na everything will be alright at matutuloy ang performance mamaya. Directore Lee is being paranoid na baka hindi daw mag-attend ang dalawa.

Kinuha niya ang cellphone sa kama. An unregistered number is calling him. Nagaalinlangan man ay sinagot niya ang kabilang linya.

“Sino to?”

“Hi Jake..lover boy...”

“Sabrina??”

“No its actually Seferina.. The hebrew goddess of fire” sagot ni Sabrina sa kanya at sinundan ito ng nakakalokong halakhak

“Wala akong panahon makipag-gaguhan sa iyo... Maliligo na ako at kailangan ko ng umattend sa Enchanted Ball. Bumili ka ng kausap mo!” singhal niya dito

“Not so fast lover boy... Hindi kailanman pwedeng babaan ng telepono ang Diyosang katulad ko”

“Ano bang gusto mo.. Sabrina tama na tong kalokohang pinag-gagagawa mo OK?”

Sa totoo lang ay may kabang dulot ang pananalita ni Sabrina. Para siyang nakikipagusap sa asawa ni kamatayan. Her laugh brings chills to his spine. Nakakatakot na parang baliw ang kausap niya.

“Hindi pa ako tapos sa inyong tatlo.. Soon you will realize na maling pinili mong kampihan sila... Because I created this game and you are just one of my players..”

“And soon you will realize na ikaw mismo ang mapapahamak sa sarili mong laro Sabrina... just get lost.. pwede? On a second thought... kahit tumakbo ka hindi mo matatakasan ang kasalanang nagawa mo sa Mama ni Adrian”

“I wont run my lover boy.. are you kidding me? Ako tatakbo? I suggest just dont attend the party.. Kung ako sa iyo tatakbo na ko ng mabilis... yung mabilis na mabilis... because the enchanted ball will be a tragedy for your beloved Adrian... Just to give you a sneak peek.. May mga tauhan akong nakabantay doon sa venue.. they have the guns.. pag natapos kayong kumanta.. they will shoot your poor Adrian there... and then they will also shoot you after the fag... And then matitira si Red for me and we will be together again..Hahaha.. Ang nice no? Tapos masusunog ang ball.. And your bodies will turn to ashes.. Kakampi ko ang apoy Jake.. You cant play with me.. You cant play with fire”

Nang marinig ang mga sinabi ni Sabrina ay agad niyang pinatay ang kabilang linya. He must go there fast para pigilan ang pagawit nila.

Eksaktong alas siyete na ng pumarada ang sasakyan niya sa tapat ng kanilang school. Mula sa labas ay dinig na dinig niya ang musika mula sa bulwagan. They are currently playing a music for cotillion dance.

Saglit niyang tiningnan ang repleksyon sa salamin. He is wearing a white royal  suit.. tipong pang prinsipe talaga. Nailagay na rin sa ulo niyang ang isang korona.  Noong una ay ayaw niya na talagang ilagay iyon pero nagpumilit si Max ,  he doesnt want to burst his bubble kaya naman nagpaubaya na lamang siya rito. Pati ang kapa sa kanyang likod ay parang sumsakal sa kanyang leeg sa tindi ng pagkakatali. Bumagay naman ang kulay ng kanyang buhok at salamin sa suot suot na damit. He was that Innocent Prince.

Sunod namang tinumbok ng kanyang mga mata ang nagmaneho sa kanya, si Arthur. Nakasimangot pa rin ito na parang napipilitan lang. Buong biyahe ay hindi sila nagkikibuan at halos mapanis na ang kani-kanilang laway. Nagpasya siyang magpaalam na rito para tumuloy na sa kasiyahan sa loob.

“Sige..uuna na ko” nagaalangan pa niyang wika rito. Hindi niaya alam kung ano dapat ang tono ng kanyang pananalita. Kung magpapanggap ba siyang masaya o malungkot.

“Layuan mo siya.” matigas na sagot ni Arthur.

Awtomatiko naman siyang napalingon rito  bago pa man niya mabuksan ang kotse. Nagtatanong ang kanyang mga mata kung bakit ganun na lamang ang trato nito sa kanya.

“Pagkababa mo sa kotse na to. Huwag na huwag ka ng babalik sa bahay. Naiintindihan mo? Wala kang kaluluguran sa buhay ng kuya ko... Sisirain mo lang ang buhay niya... Alam kong alam mo na nahuhulog na siya sa iyo.. Ive seen my Kuya suffer from his childhood romance... Huwag ka ng magsimula ng panibagong kwento para sa kanya... Simple lang ang gusto ko... Tantanan mo na siya.. Tantanan mo kami”

Hindi na kailangan na diktahan pa siya ni Arthur dahil kusa naman siyang aalis. Bagaman alam niyang ayaw sa kanya ni Arthur ay naiintindihan niya ang concern ng nakababatang kapatid ni Max.

“Wag kang magalala.. Iyon na ang huling pagkikita namin ng kapatid mo.. Wala kang dapat ikabahala”

“Mabuti ng maliwanag”

Pagkasabi niyon ay bumaba na siya sa kotse at lumabas. Magpapaalam pa sana siya ng bigla na lang itong humarurot palayo. Tapos na ang una niyang misyon. Matapos ang gabing ito ay matatapos na naman ang isa pa.

Humarap na siya ng gate.. Nakita niyang ang bungad nito ay katulad lang din ng mga makikita sa isang palasyo. Mahahalatang nag effort talaga ang mga back drop designers para magmukhang palasyo sa labas ang kanilang unibersidad. Nakadagdag pa rito ang mga security guards na nakadamit na parang mga sundalo o tagapagtanggol sa isang monarkiya. Napapangiti naman siya sa pagsakay ng mga ito sa tema ng pagdiriwang.

Humakbang na siya at pumasok.  Nang matapat siya sa dalawang security guard ay talagang nag-bow pa ito sa kanya na simbolo ng paggalang sa mga nakatatataas sa isang kaharian. Nakisakay na rin siya sa mga ito at isinabuhay na rin niya ang pagiging isang prinsipe.

Nang makapasok siya ay nakita niyang ang catwalk ay nabalutan ng red carpet. Mula sa entrance ay may panuntunan na nakalagay.

The Royal Way to the Enchanted Ball. Please follow the Red Carpet.

Tinahak niya ang pulang telang nakatabing sa daraanan. Halos tatlong minuto ang itinagal bago siya makarating sa mismong bulwagan. Maya-maya pa ay dinala na siya ng paa niya sa mismong open field na ginawa na ngayon ay nagmistulang isang malaking kuwarto ng isang palasyo.

The place was indeed Enchanted. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng mga tao sa kanilang unibersidad kung paano nagkabubong ang lugar na iyon. May mga nakasabit na ring chandeliers para magsilbing ilaw sa paligid. Lahat ng mga estidyante ay nakadamit ng naayon sa kanilang panlasa. May mga prinsesa at tulad niyang prinsipe. Mayroon ding nagdamit ng parang diwata. May mga nagdamit na parang witch na gusto yatang umagaw ng aensyon bilang mga kontrabida sa fairytale. Parang nabigyan ng buhay ang lahat ng pantasya ng isang musmos sa fairytale.

Everything was magical. Kahit sino sigurong naroon ay agad na mapapaniwala na mayroon nga talagang fairytale and it do exist in real life.

Napansin ng mga tao ang kanyang pagdating. Lahat ay namamangha sa nakatayong lalaki malapit sa entrance ng palasyo. Biglang natigil ang cotillion dance at mga estudyanteng nagsasayaw. Bigla namang may isang pigura ng tao ang pumunta sa entabladong nasa unahan at waring kinuha ang mikropono at nagsalita.

“Gentlemen and Mesdames, announcing the arrival of NorthEast’s Prince of Rock.. Jude Dela Riva!”

Matapos na banggitin ang kanyang pangalan ay tumugtog ang kanyang trademark song.

“What doesnt kill you makes  you stronger... Stand a  little taller....Doesnt mean Im lonely when Im alone... What doesnt kill you makes you... Stronger... Stronger... Just Me, Myself and I... “

Parang hindi bumagay ang tugtog na iyon sa okasyon at lalong lao na sa hitsura niya. Siguro ay inaasahan ng mga estudyante roon na magdadamit siya ng itim. Nakikita niya sa mga matang nakapako sa kanya ang pagkabigla dahil.. purong puti ang kanyang damit.

Hindi tumigil ang musikang iyon hanggang hindi siya nakarating sa mesa ng mga NASUDI Members. Marahil ay talagang espesyal ang pagtrato sa kanila sa araw na iyon at kailangan patugtugin ang trademark song niya.

“Yes!! Andito na si Prince of Rock!!! Jude.. tara na.. dito ka na sa tabi ko” tili ng isang babae na kabilang rin sa NASUDI. Cecille ang pangalan nito.

Nginitian niya naman ito at pinagkasya ang sarili sa bakanteng upuan katabi nito. Gumala-gala naman ang kanyang mata at ng hindi makita ang hinahanap ay bumaling muli siya kay Cecille.

“Ces.. wala pa ba si...” hindi niya naituloy ang sasabihin ng ito na ang magtuloy ng sasabihin niya.

“Si Jake? Uuuyyy may number nga pala kayo sabi ni Direk ah... andito na siya kanina pa.. ayan oh...” wika ni Cecille sa kanya sabay turo sa lalaking nasa kabilang table. Nakita niyang nakatingin rin sa kanya si Jake.

Ngnitian naman niya ito. Gaya niya ay naka damit prinsipe rin ito. Yun nga lang ay purong itim naman ang kulay ng damit ni Jake. Parehas rin silang naka korona. Pagkatapos ay nagtanong siyang muli kay Cecille.

“Ces.. nalate na ba ko?” tanong niya muli

“Ay naku muntik na... Diba ga 6 numbers lang ang meron sa programa na to... after that eh.. dance dance na talaga.. Eh dinig pa naman namin na pang 2nd kayo sa mga magpe-perform sa ayun.. Buti na lang dumating ka na kundi magisa lang si Jake na kakanta.. di naman ata pwede yun.”

“Magisa? Si Red? Wala pa ba siya? Tatlo dapat kaming kakanta nito” tanong niya

“Nagtataka nga rin kami at si Mr Balladeer ang hindi ata on time ngayon.. Nagkapalit ata sila ng attitude ngayon ni Jake eh.. Dati rati diba itong si Mr Heartrob ang nahuhuli sa call time”

Nagpaling-linga pa rin siya na parang hindi mapakali. “Nasaan na kaya si Red? Tintotoo kaya nito ang sinabi nito sa text na hindi na ito sisipot?” bulong niya sa sarili. Kailangang makapunta si Red dahil may mahalaga siyang sasabihin dito.

Muli ay may nagsalita sa entablado. Hudyat na marahil ito na magsisimula na ang programa.

“Ladies and Gentlemen... Welcome to the Majestic Enchanted Ball.. Where fairytales do come true... And our first number of magic... Let’s give it up for GROOVE’s dancing royalties... Mark Petronas and Lenie Aguas.”

Panandalian siyang nag pokus sa mga kapwa estudyante na nasa taas ng entablado ngayon at nagpapamalas ng kagalingan sa pagsayaw. Sa hula niya ay ito rin ang kumbaga’y katapat nila sa NASUDI. Ang lalaking nagngangalang Mark Petronas ay nakadamit ng pang Peter Pan at Tinkerbell naman yung Lenie Aguas. Nagsayaw sila ng Mash Up ng mga Disney Songs at mga kanta ngayon. It was a modern fairytale soundtrack.

Hiyaw naman ng hiyaw ang mga tao sa galing gumiling at sumayaw ng dalawa. Nagambala naman ang panonood niya ng may tumawag sa kanyang pangalan. Napalingon siya sa pagaakalang si Red ito.

“Adrian!” pabulong ngunit parang nagaapura na tawag ni Jake sa kanyang pangalan.

“Ui... Jake ikaw pala nasaan si Cecille?” tanong niya ng mapansing ito na ang nakaupo sa upuan ni Cecille kanina.

“Naki pagpalit ako” sagot nito sa kanya.

Liningon naman niya ang dating puwesto nito at naroon nga si Cecille. Nang magtama naman ang mata nila ay nag-thumbs up pa ito na parang nakikontsaba kay Jake.

“Adrian... may kailangan kang malaman..” pabulong na waring nagiingat na wika sa kanya ni Jake

“Huh? Ano?” tanong naman niya.

“A round of applause everyone... again.. the dancing royalties... GROOVE’s Mark Petronas and Lenie Aguas.. So now... Gentlemen and Mesdames.. we come now to GROOVE’s counterpart... Give it up for the NASUDI Lead Singers... Singing Heartrob..Jake Marcos.. The Balladeer.. Red Antonito and NASUDI’s Prince of Rock.. Adrian Jude Dela Riva!!!”

Dumagundong ang palakapkan sa loob ng bulwagan na parang kulog na nagmula sa langit. Nagsisigawan ang mga estudyante na may kanya-kanyang paborito sa mga nabanggit na pangalan. Hindi na niya narinig ang sumunod pang sinabi ni Jake sa lakas ng ingay. Hati naman ang kanyang atensyon sa programa at sa paghahanap kay Red na ngayon ay wala pa rin sa pagdiriwang. Wala siyang nagawa kundi tumayo  at magpatiuna na lamang sa entablado. Sumunod si Jake sa kanya at sabay silang nagtungo sa back stage. May mga sinasabi ito na hindi niya maintindihan dahil sa ingay at siguro dahil kinakain ang buo niyang atensyon sa pagaalala kay Red na baka hindi ito makapunta.

Wala sa loob na kinuha niya ang iniabot na lapel ng mga utility man sa back stage at isinuot ito.

“Adrian nakikinig ka ba?.. Bakit parang hindi ka man lang nagreact sa mga sinabi ko?”

“Huh??? AKo? Ano ba iyon Jake?”

“Ang sabi ko huwag na nating ituloy ang pagkanta.. delikado!”

“Ano? Ba...bakit? Panong delikado?” wala sa loob pa rin sagot niya.. Wala pa rin si Red. Hindi na kaya ito matutuloy? Please Red... Please..

“There you are guys... ano na? Ready na yung music ninyo? Bakit nakatanga pa rin kayo diyan? Where is Red?” agaw atensyon ni Director Lee sa kanila. Pinagpapawisan ito dala siguro ng pagod dahil isa ito sa punong abala ng palatuntunan.

“Ahm.. hindi pa po namin alam..” sagot niya sa Director.

“Ok nevermind.. what I want is for you guys to go there and nail that song! Ok?”

“Opo..” magalang na sagot niya. Nakita naman niyang napatango lang si Jake. Para maiwasan ang sobrang pagaalala ay pumuwesto na lamang siya sa likod ng kurtina... Maya-maya pa ay nagsimula ang tugtog.. Bumukas ang kurtina at hudyat na ito ng kanyang pagkanta. Pumikit muna siya at saka iminulat. Hoping that there would be Red Antonio in front of him.

Nang magmulat siya ng mata ay nakita niyang nakapako ang mga mata ng lahat ng tao na nasa bulwagan. Sa pangalawang pagkakataon ay na-aapreciate niya kung gaano nagmukhang palasyo ang lugar. Sumabay ang tibok ng kanyang puso sa musika. Maingat niya itong pinaramdam sa kanyang puso.. Upang kumanta siya ng may pinanghuhugutan..

Kanina pa nanlalamig ang kalamnan ni Jake. Anumang oras ay maaring may isang bala ang kumitil sa buhay ni Adrian. Hindi hindi siya makakapayag. Kaya kailangan niya ng kumanta na lang din upang makita mula sa manonood kung sino man ang babaril dito at ihaharang niya ang kanyang katawan.

Nakareceive siya ng text at binasa ito.

Lover boy? Where would be the best spot to kill the fag? Sa ulo kaya? -Seferina

Maya-maya pa ay nagsimula ng kumanta si Adrian.

“We were both young when I first saw you...I close my eyes...And the flashback starts....I'm standing there...On a balcony in summer air”

Nang banggitin niya ang unang linya ng kanta ay naalala niya muli ang eksena noong mga bata pa sila ni Red.

“Moks Ikaw si Batman... Ako naman si Robin”

“Oo kasi iyakin ka kaya ako na lang si Batman Nyahahaha”

“Hmft!”

“Biro lang Moks.. tara laro na tayo.. SInong kalaban natin?”

At itinuloy niya ang pagkanta..

“See the lights...See the party, the ball gowns...See you make your way through the crowd...And say hello, little did I know”

Bigla na naman sumingit sa isip niya ang eksena sa kuwarto.

“Sa tingin mo Moks... pwedeng mahalin ni Batman si Robin? Yung higit pa sa kaybigan”

Naputol naman ang pagkanta niya at pagbabalik tanaw ng pumasok na sa entablado si Jake. Nakangiti ito na kinanta ang sumunod na linya ng kanta.

“That I was Romeo, I was throwing pebbles..And your daddy said stay away from Juliet...And you were crying on the staircase...Begging me please don't go, and you said”

Naalala niya ang nangyari sa Glifonea’s. Nang maghanda siya para sa anniversary nila ni Jake.. Kung paano siya nagmakaawa huwag lang itong umalis.

Ngumiti siyang itinuloy ang kanta. Ngayon ay siguradong sigurado na siya sa nararamdaman. Kung sino ba talaga ang pipiliin niya. Sabay nilang kinanta ang koro.

“Romeo take me somewhere we can be alone...I'll be waiting, all there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess...It's a love story baby just say yes”

Narinig niyang naghihiyawan ang mga tao. Ang mga salitang klaro sa kanya ay “Bromance”... “Kiss na mga pre”.... “Kasalan na yan!!”. Sumakay lang naman si Jake at hinawakan pa nito ang kamay niya na mas lalo pa atang nagpakilig sa mga nanonood. Itinuloy naman nila ang ikalawang bahagi ng kanta. But at the back of his mind.. he is hoping na sana ay humabol si Red.

“So I sneak out to the garden to see you ...We keep quiet cause we're dead if they knew...So close your eyes...Escape this town for a little while”

“"Oh himala ata.. ikaw unang yumayakap sa akin" tanong ni Red

"Hindi ah... ako naman unang yumayakap paminsan minsan"

"Hindi rin... Ang arte mo kaya.. Ako unang yumayakap sa iyo"

"Eh di kung ayaw mo wag mo" sabay ng pagkakasabi niya ay tumalikod siya at bumitiw sa pagkakayakap dito

"Ops... Wala ng bawian!!" si Red at hinatak ang kamay niya para yakapin uli siya.

"Sinong maarte ngayon?" natatawa nitong tugon

"Nakakapanibago lang kasi Moks eh... Siguro hinahanap hanap mo rin yakap ko no?"

"Feeling.." maikli niyang tugon dito.

Si Jake naman ang sumunod ulit na kumanta...

“Cause I was Romeo,You were a scarlet letter...And your daddy said stay away from Juliet...But you were everything of me...I was begging you please don't go and you said”

Para namang echo na naulit ang tagpo sa park na kasama niya si Jake...

“I miss the days that you were mine”  biglang nasabi nito sa kanya.

“Kung di kita sinaktan... ako pa rin sana ang humahawak sa kamay mo..”  wika pa rin ni Jake.

“Kasi akala ko mas importante yung kagustuhan ko kaysa pagmamahal ko sa iyo. Kasi akala ko hindi kita mahal.. na ang mahal ko lang ay ang sarili ko...”

Sabay muli nilang kinanta ni Jake ang koro..

“Romeo take me somewhere we can be alone..I'll be waiting all there's left to do is run...You'll be the prince and I'll be the princess...It's a love story baby just say yes”

Nagdilim naman ang paligid at may itinutok na spotlight sa kanya matapos nilang kantahin ang koro... Marahil ay siya lang ang kakanta sa bridge ng awitin. Nang hindi na niya makita si Jake ay kinanta na niya ang sumunod na linya batay na rin sa tugtog na nagmumula sa piano..

“I got tired of waiting...Wondering if you were ever coming around
My faith in you is fading...When I met you on the outskirts of town, and I said”

Tugmang-tugma ang liriko ng kanta sa sitwasyon niya. Mukhang hindi na nga ata aabot si Red. Mukhang mauuwi sa wala ang pghihintay niya.

Biglang natigil ang tugtog... Lumiwanag muli ang paligid.. Bakas sa mukha ng mga nanonood na ang pagkainis kung bakit naputol ang isang napaka romantikong kanta. Nakita naman niyang nakatunghay lang si Jake sa kanang bahagi. Nagtatanong rin ang mga mata nito. Nilingon naman niya ang pianista at lahat na ng tao ay nakalingon na rin dito na parang sinadya na itigil ang tugtog...

Napukaw naman ang kanilang atensyon ng mula sa back stage ay may baritonong boses na nagpatuloy ng kanta.

“And you said... Romeo save me I've been feeling so alone....I keep waiting for you but you never come...Is this in my head? I don't know what to think...He knelt to the ground and pulled out a ring”

Nakita niyang itinuloy ng lalaki ang kanilang kanta.. batay na rin sa sinasabi ng kanta ay lumuhod nga ito sa harapan niya. Nagsihiyawan na naman ang tao sa sobrang kilig. Siya naman ay napako lang sa lupa.

Itinuloy naman nito ang pagkanta...

“And said, marry me Juliet...You'll never have to be alone...I love you and that's all I really know...I talked to your dad, go pick out a white dress...It's a love story baby just say yes”

Tili ng tili ang mga tao... Nang makabawi ay tinulungan niyang tumayo ang nakaluhod na lalaki..  Hindi niya rin namalayang tumutulo na pala ang luha sa kanyang mga mata..

“Oh? bat na naman umiiyak ang Moks ko? Diba sabi ko ayaw kitang nakikitang umiiyak”

“Ikaw kasi!!!” at siniko niya ito habang pinapahid ang luha

“Hahaha.. ano na naman ang ginawa ko?.. Naka eyeglasses ka na nga... naniniko ka pa rin”

“Nakakainis ka Red Antonio... Akala ko hindi ka na dadating...”

“Diba sabi ko sa iyo hindi kita matitiis?”

Nagulat sila pareho ng nagpalakpakan ang mga tao at sigaw ng sigaw ng “Kiss!!”. Huli na ng mapagtanto nila na dinig na dinig sa buong bulwagan ang usapan nila dahil naka lapel pa rin sila. Tumugtog muli ang pianista... Tinapos nila ang huling linya ng kanta...

“Cause we were both young when I first saw you...”

Kakausapin pa sana niya si Red habang magkahawak ang kamay nila ng lumapit si Jake.

“Please kailangan na nating umalis dito... delikado kasi...” naputol ang sasabihin nito ng magsalita ang Director Lee na ngayon ay nasa Mic Stand at nagsilbing Emcee ng programa.

“So may I Interrupt this sweet moment.. because now... Im going to announce... the Performer of the year.. As we all know napaaga ang online voting sa Performer of the year dahil napagdesisyunang iproklama ang pinaka magaling na mangaawit sa Enchanted Ball”

Wala namang ni isang nagsalita sa kanila habang nakinig na lamang sila sa susunod na sasabihin ng Director.

Hawak ni Director Lee ang papel na naglalaman ng resulta ng online voting para sa Performer of the Year. Ngunit parte lamang ito ng plano. Delaying tactics kumbaga, batay na rin ito sa iniutos ni Sabrina sa kanya.

“And the performer of the year goes to.... goes to... Red Antonio!!!”

Dumagundong muli ang palakpakan sa loob ng bulwagan. Its funny how they turned the ball into an awarding ceremony. Naulinigan na lang ni Jake na natungo si Red sa kinaroroonan ni Director Lee para sa Acceptance Speech nito. Mabilis naman siyang bumaba sa entablado, gusto na sana niyang hatakin si Adrian kanina ngunit nakita niyang ayaw nitong iwanan si Red sa pinakamasayang gabi sa buhay nito.

He wondered bakit wala pa ring tunog ng baril.. Ngunit hindi na mahalaga iyon. Kasalanan ni Sabrina kung bakit pinatatagal niya pa but he will use this to his advantage. Kailangan lang makababa ni Adrian sa entabladong iyon dahil alam niya rin na hindi sasaktan ni Sabrina si Red.

Dali-dali siyang  lumabas ng bulwagan.. Pumunta siya sa katabing building nito.. Wala ng tao. Pumasok siya sa loob ng room 204. Kung makakapunta si Adrian doon ay mas magiging ligtas na ito at maibubulgar na rin niya ang sikreto ni Sabrina dito.

Nakita niyang humahangos si Jake na umalis entablado ngunit nanatili siya. Alam niyang masakit ito kay Jake dahil umaasa siguro ito na ito ang tatanghaling Performer of the year. Ngunit ang importante ay masaya ang Moks niya ngayon. Nanatili siyang nakatayo sa entablado habang pinapakinggan ito na magtalumpati sa pagtanggap ng award.

“Shit...shit.. adrian... sagutin mo.... sagutin mo...” natatarantang wika ni Jake sa sarili habang sinusubukang tawagan si Adrian. Habang tumatagal na nakatayo si Adrian sa stage na iyon ay mas lalong nagiging delikado ang buhay nito.

Nabuhayan siya ng loob ng biglang sagutin ni Adrian ang tawag niya.

“Jake? Bakit ka umalis?”

“Adrian.. please makinig ka sa akin ng mabuti... Nandito ako sa katabing building ng Room 204... makinig kang mabuti... hindi namatay ang si Tita Elle sa simpleng sunog... may pumatay sa kanya.. may pumatay sa nanay mo... ngayon ang pinaka importanet mong gawin ay bumaba dyan sa stage at puntahan ako dito may kailangan kang malaman sa totoong pagkamatay ni Tita Elle... at sa pagkatao ni Sabrina”

Pinutol niya ang tawag para mas mapressure si Adrian na pumunta sa kinaroroonan niya. He just hoped na maniwala ito sa sinasabi niya.

Naguguluhan na tiningnan ni Adrian ang namatay na cellphone at ang kasalukuyang nagtatalumpati na si Red. Ano ang ibig sabihin ni Jake na totoong sanhi ng pagkamatay ng nanay niya? Anong ibig sabihin nito na totoong pagkatao ni Sabrina? Ayaw man niyang iwan si Red ay nabuo ang desisyon niya na mabilis na takbuhin ang katabing Building ng bulwagan. Mula sa kanyang balintataw ay alam niyang bahagyang nabigla si Red sa kanyang pagalis..

Sing bilis ng kidlat na lumabas siya sa pagdiriwang.

Biglang kumalabog ang pinto sa Room 204... Lumingon si Jake.. “Sa wakas! Nakarating ka Adrian” bulong niya sa sarili na kalaunan ay nasabi na niya kay Adrian. Lumingon siya sa pinangalingan ng kalabog.

“Adrian buti na lang at...................................... Sabrina???”

HIndi makapaniwalang sigaw niya ng makita itong nakapasok sa loob. She was wearing a long red gown. Kumikintab ito sa dilim na animo’y apoy na nagsisilbing ilaw.

“You know why I like you Jake... because your stupid... you are easy to manipulate.. konting paikot lang sa iyo bumibigay ka na.. Sabagay maraming kagaya mo na ginawa na yatang libangan ang katangahan... Sa tingin mo sinong mamamatay tao ang magsasabi sa biktima niya kung paano siya papatayin kapag hindi niya pa ito nahuli.. It was really you Jake.. Sa appetizer muna ako magsimula... si Adrian ang main course”

Tuloy tuloy ang pagtakbo ni Adrian.. Nahihirapan pa siyang gumalaw dahil sa suot niya. Nagpapabigat pa kasi ang kapa na suot niya kaya hinubad na niya ito sa daan. Natigilan naman siya ng magring uli ang phone niya. Agad naman niyang tiningnan kung si Jake ba ito.

Si Red.

“Moks? Asan ka na? Kakatapos lang nung speech ko..”

“Red kailangan kong puntahan si Jake.. may alam siya sa pagkamatay ng Mama” inosenteng sagot niya kay Red..

Napatili naman siya bigla ng may marinig na putok ng baril sa may di kalayuan.

“Moks ano iyon? Moks? Moks???” sigaw sa kanya ni Red na marahil ay narinig rin ang putok ng baril.

Hindi na niya ito nasagot at bagkus ay nilaglag na lang ang cellphone at dali-daling tinakbo ang pinanggalingan ng tunog.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa  aaaa aaaa” nauutal na daing ni Jake ng tumama ang bala sa kanyang tiyan. Bumulwak ang masagang dugo mula rito at hindi na rin napigilang may lumabas na dugo sa kanyang bibig.

Napaluhod siya sa lakas ng pagkakatama sa kanyang tiyan. Parang unti-unting namamanhid ang buo niyang katawan.

Ngiting demonyo naman siya habang nakikita niya si Jake sa harapan niya na unti unting nawawalan ng lakas.

“Malas mo lang Jake nakipagkasundo ka sa taong hindi mo kilala... I am more than capable of just being a sexual machine... Kahit si kamatayan takot lumapit sa akin Hahahahaha”

Nakita niyang tuluyan na itong napahiga habang patuloy na dumadaloy ang pulang pulang dugo sa tiyan nito na nagmula sa tama ng baril. Nagambala naman ang masayang tanawin para sa kanya ng tumunog ang kanyang cellphone. “Punyeta.. sabi ko ng amamaya na tumawag to” mura niya sa sarili na inaakalang ang kanyang Tito ang tumatawag. So far kasi ay nagawa naman ng maayos ni Director Lee ang pinagawa niya.

Nagitla siya sa numerong tumatawag. Ito ang kanyang duktor.

“Ano??? Hindi mo naman siguro ako gagambalain para lang sabihing baog ako?? Matagal ko na iyong tanggap at maghanda ka dahil mawawalan ka ng trabahong walang kwenta kang duktor ka!!!” sigaw niya sa kanyang OB

“Sabrina hija... Im really sorry for inconvenience pero nagkamali ako”

Biglang lumiwanag ang kanyang mata. Ibig sabihin ba nito ay may kakayahan pa siyang manganak.

“Ibig mong sabihin may kakayahan akong manganak... may posibilidad na magkaanak ako kay Red?”excited na tanong niya.. di alintana ang duguang katawan na nasa harap niya.

“Even better than that hija.. kaya pala i didnt see that you are fertile... because you are already pregnant... Congratulations Sab.. you are two weeks pregnant” wika nito sa kanya

Mabilis na iprinoseso ng utak niya ang nangyari.. Wala pang isang linggo ng may mangyari sa kanila ni Red.. Paano nangyari yun? Imposibleng mabuntis siya nito for 2 weeks kung dalawang araw pa lang may nangyari sa kanila.

Bigla niyang naibagsak ang cellphone. Napatingin siya sa dakong kinaroroonan ng nakahigang si Jake Marcos.

She is now staring at the bloody corpse of Jake. Her baby’s father.

Itutuloy....

[29]
Bumilis ang tibok ng puso ni Adrian habang tinatahak niya ang building na katabi lamang ng pinagdarausan ng bulwagan. Sa hula niya ay Engineering Department to. Nang makapasok siya ay lumingon-lingon muna siya sa looby. Hindi siya gaanong nagagawi sa building na ito kaya imposibleng alam niya ang pasikot-sikot.

Inisa-isa niya ang bawat kuwarto. Dyahe lamang dahil wala man lang nagbabantay na guard na dapat sana ay nakatimbre doon. Mukha yatang inipon ng unibersidad ang buong puwersa nito sa Enchanted Ball kaya walang nagbabantay sa ngayon.

“199.... 200... 201...” palihim niyang pagbabasa sa mga numerong nakapaskil sa bawat kuwarto.

Bawat kuwarto na kanyang nadadaanan ay maingat niyang binubuksan at sinusuyod ng kanyang paningin. Ang masama pa ay may mga switch na hindi gumagana kaya para siyang nangangapa sa dilim. Kaya upang mapadali ang paghahanap ay sumigaw na lamang siya.

“Jake!!!.. Jake!! asan ka??” malakas niyang sigaw ngunit tanging echo lamang ng tinig  iya ang bumabalik at sumasagot.

Nagugulumihanan siya sa nararamdaman. Ano ba talaga ang punto ni Jake sa pagtawag sa kanya. Mabilis niyang inalala ang lahat ng mga sinabi nito bago siya napadpad sa Building na ito.

“Jake? Bakit ka umalis?”

“Adrian.. please makinig ka sa akin ng mabuti... Nandito ako sa katabing building ng Room 204... makinig kang mabuti... hindi namatay si Tita Elle sa simpleng sunog... may pumatay sa kanya.. may pumatay sa nanay mo... ngayon ang pinaka importante mong gawin ay bumaba dyan sa stage at puntahan ako dito ...may kailangan kang malaman sa totoong pagkamatay ni Tita Elle... at sa pagkatao ni Sabrina”

Ano ba ang dapat niyang malaman sa pagkatao ni Sabrina? At ano ang kinalaman nito sa nanay niya? Parang may kung anong gustong lumabas sa kanyang katawan ngunit pinipigil niya ito.

“202...203.... 204...” patuloy niyang pagbabasa sa mga nakapaskil na numero.

Saglit siyang napatda sa huling kuwarto. Ito ba ang tinutukoy na kuwarto ni Jake? tanong niya sa sarili. Marahan ngunit sigurado sa bawat paghakbang ay lumapit siya sa bahagyang nakabukas na kuwarto. Hinagilap niya ang switch.

Biglang lumiwanag ang buong silid.

Naitakip niya ang isang kamay sa nakita. Si Jake. Duguan at nakahandusay sa sahig.

Agad siyang tumakbo palapit dito para tingnan kung buhay pa ito. Inilagay niya ang daliri sa pulso nito para tingnan kung buhay pa ito.

“Jake!!!... Jake!!!... gumising ka” marahan niyang pag-alog dito ng maramdaman na mayroon pa itong pagpintig. Ang importante sa lahat ay huwag itong pumikit at pigilin ang pagampat ng dugo bago pa man ito man ito tuluyang manghina.

Pinunit niya ang iba-banag bahagi ng kanyang damit. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang ganoong lakas ngunit natataranta na siya. Nakita niyang may tama ito ng baril sa bandang tiyan. Binanat niya ang tiyan at nakikita pa rin niya dulo ng bala. Hindi na siya nagdalawang isip at dinukot niya ito gamit ng kanyang isang kamay.

“Aaaaaaaaaaaaaahhhh Aaaaahhhh”  biglang daing ni Jake. Nagising siguro ito marahil sa sakit na dulot ng pagkuha niya sa bala. Nakikita niyang hirap na hirap pa rin ito dahil sa pinsalang natamo.

“A...a...add..adrian... Huuu...hu...humaliss.. kkaaaa na...” utal-utal na wika sa kanya ni Jake.

“Jake.. hindi pwede... hindi kita pwedeng iwan ng ganito... Sinong may gawa nito sa iyo??”

“Ako!”  sigaw ng isang boses sa kanyang likuran.

Nakita niya ang reaksyon ni Jake ng marinig ang sigaw na nagmula sa kanyang likuran. Para bang takot na takot ito. Dahan-dahan naman siyang pumihit paharap.

Naramdaman niyang may matigas na bagay na naipukpok sa kanyang ulo. Tuluyan na rin siyang nahiga sa sahig. Bago alipinin ng dilim ang kanyang paningin ay nakita niya ang imahe ng babae na nakasuot ng kulay pula at nakangiti habang pinagmamasdan siyang nawalan ng malay.

Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagcongratulate at pagpapapicture kay Red Antonio. NASUDI and NorthEast’s Performer of the year. Isa sa pinakamataas na iginagawad na parangal sa sinumang miyembro ng NASUDI. Ayon sa botohan ay siya ang nanguna at kalaunan ay nagkamit ng parangal dahil sa last performance niya na Bleeding Love.

Currently, ang video niya na iyon ay mayroon ng milyong hits sa youtube at ayon na rin kay Director Lee ay may mga recording companies na rin ang gusto siyang kontakin at tinatanong kung ga-graduate na daw ba ito o interesado na recording artist ng mga naturang kumpanya.

Matapos ang kanyang acceptance speech ay kinuyog kaagad siya ng mga tao at nagpapicture sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi pagbigyan ang mga ito. Hindi pa nga sana matatapos iyon kung hindi ito pinigil ng Emcee ng programa. Since 2nd number pa lamang ang naitatanghal ay kailangan magpatuloy ang programa para madali na itong matapos at simulan na ang sayawan.

Nakahinga siya ng maluwag ng isa-isang nagsi-alisan ang mga fans daw niya nang ang iba ay makakuha na ng larawan o macongratulate siya at ang iba naman ay kinukuha na ang number niya. Ngiti lang at pagpapaunlak sa mga gustong magpapicture ang maibibigay niya.

Nang makaupo na sa mesa ng NASUDI ay lutang na lutang pa rin ang isip niya. Hindi siya makapaniwala sa sunod sunod at bilis ng mga pangyayari. Hindi na talaga sana siya pupunta sa Enchanted Ball kung hindi lamang sa sinabi ng Ate Karma niya sa kanya. And he will always be thankful dahil nagkaroon siya ng ganitong kasuportang Ate.

“Anong oras na hindi ka pa ba maliligo?”

“Wag mo kong guluhin.. umiinom ako”

“Hanggang ngayon.. ano bang balak mo.. magpakalasing hanggang sa mamatay ka?”

“Hindi mo naiintindihan ate... kaya wag ka ng manggulo.. please iwan mo na lang ako dito”

“How can you even stand the fact na mapupunta si Adrian kay Jake? Maaatim mo ba na they would be together... and they would make love with each other”

“Hindi mangyayari iyon...”

“Maybe not now?  Pero hindi malabo... Sinabi mo na nakita mo siya sa park and they are kissing sinabi mo rin na parang si Adrian ang nakita mo hindi si Jude.. you saw the same Adrian... yung bestfriend mo.. at yung inalagaan mo.. Ang dami mong drama.. Kung mahal mo yung tao ipaglaban mo”

“Ipaglalaban ko ba iyon ng magisa lang ako?”

“Kung ikaw ang lalaban para sa kanya bakit hindi mo subukan”

“Masyado na kong nasaktan”

“Yun na nga eh... Masyado kang nasaktan at ngayon ka pa susuko? Bakit? Narinig mo na ba na sinabi ni Adrian na hindi ka niya mahal... Siguro sinabi ni Jude na walang patutunguhan yang pagmamahal na iyan dahil mamamatay tao siya pero yun na yun? Diba? Tiningnan ka ba niya mata sa mata at sinabing hindi ka niya mahal?”

Napabuntong hininga na lang siya sa haba ng litanya ng kanyang ate. Marahil ay tama siya na hindi pa sinasabi ni Adrian na mahal siya nito gayong ilang beses niya ng narinig noon kay Adrian na mahal na mahal nito si Jake. Ngunit, hindi pa rin niya narinig kay Adrian na hindi siya nito mahal. Wala naman siyang narinig na wala itong pagtingin sa kanya.

“And come to think of it... Kung totoo ang sinabi mo na si Adrian ang nakita mo sa park bilang siya noon.. Hindi na siguro kailangan pa ng hypnosis.. Red... Malay mo.. Ikaw ang kailangan niya para makumpleto siya... Love can sometimes do miracles..”

“Hey Red.. congrats.. you’re the man!!!” bati sa kanya ni Cecille. Isa sa mga miyembro rin ng NASUDI.

“Alam mo ba kung saan nag punta si Moks?” tanong niya kay Cecille.

“Huh? Sinong Moks?” naguguluhang tanong ni Cecille sa kanya.

“Ah.. eh... si Adrian? Alam mo ba kung nasan siya?”

“Adrian?” naguguluhang tanong pa rin nito.

Gusto na niyang batukan si Cecille pero naalala niyang mas sanay na tinatawag nito si Adrian na Jude.

“Si Jude...?? Nasaan siya?”

“Ah.... Si Jude ba kamo? Ang alam ko tumakbo siya palabas doon... Sinundan ata si Jake na lumabas din...”

Saglit na tumimo sa isip niya ang huling usapan nila ni Adrian.

“Moks? Asan ka na? Kakatapos lang nung speech ko..”

“Red kailangan kong puntahan si Jake.. may alam siya sa pagkamatay ng Mama”

“Moks ano iyon? Moks? Moks???”

Inisip niyang mabuti ang huli ring tawag na natanggap niya.

Tatagay na sana siya ng marinig ang cellphone na nagring. Nang makuha ito ay isang unregistered number ang nakalagay.

“Sino to? Istorbo ko sa paginom ko ah”

“Hindi na mahalaga kung sino ako.... You need to attend the ball tonight... may kailangan kang malaman sa pagkamatay ng ina ni Adrian dahil hindi lang siya basta nasunog.... may pumatay sa kanya.”

At namatay ang linya sa kabila.

Hindi kaya? Hindi maari. Marahil ay pakana lang ni Jake ang lahat at may masama itong balak kay Adrian. Naihilamos niya ang kamay sa mukha at agad na umalis sa bulwagan. Narinig niyang tinatawag siya ni Cecille ngunit wala na siyang pakialam o anupamang naririnig. Ang mahalaga ay mahanap niya si Adrian sa lalong madaling panahon.

Dinukot niya muli ang cellphone at tinawagan si Adrian. Ring lang ng ring ang cellphone nito. Nagpalinga-linga siya kung saan maaring pumunta si Adrian. Dinala siya ng kanyang mga paa sa katabing building na pinagdarausan nng Enchanted Ball.

“Moks sagutin mo please....” mahina niyang dasal sa cellphone habang lakad takbo ang ginagawa papunta sa building.

Kinabahan siya bigla ng sa di kalayuan ay may narinig rin siyang tunog. Tunog na nanggagaling rin sa isang cellphone. Batay sa ringtone nito ay ringtone din ito ng cellphone ni Adrian. Mabilis niyang sinundan ang pinagmumulan ng tunog.

Nakita niya ang cellphone sa lupa at ang isang kapa. Nakilala niya kagad na kay Adrian iyon. Suot suot nito kanina ang kapa. Nasabi niya nga sa saili na bagay ang suot nila. Si Adrian yung Prince Charming at siya naman yung Knight and Shining Armor dahil nakasuot siya ng pangkawal na costume. Tiningnan naman niya ang laman ng cellphone. Hinagilap niya agad ang call logs nito. Nandoon at nakarehistro ang numero niya tanda na siya ang huli nitong nakausap. Ngunit bago pa man iyon ay nakatanggap ito ng tawag mula kay Jake.

Ibinaba niya ang kanyang cellphone at parehong ibinulsa ito. Tumakbo siya sa building at hinanap si Adrian.

“Moks!!!... Moks!!!.... Asan ka?... Moks!!!!” mapapatid na yata ang ugat niya sa leeg kakasigaw.

Nakita niyang bukas ang ilaw sa isa sa mga kuwarto sa baba. Humahangos na tinungo niya ito.

Nabigla siya sa nakita. Isang taong nakahandusay.

Si Jake.

Nagkalat ang dugo sa sahig. Kung kanina ay parang gusto niya na itong sapakin at bugbugin ay bigla itong nagbago ng makita niya ang kalunos lunos na hitsura nito. Lumapit siya rito upang pakiramdaman kung buhay pa ito.

“Jake!! Jake... pare... magsalita ka... anong nangyari? Nasaan si Adrian???”

Umubo ito at lumabas ang kaunting dugo. Hindi ito nagsalita at bagkus ay dinukot nito ang cellphone at ibinigay sa kanya. Sa tingin niya ay masyado na itong mahina para magsalita pa.

Naguguluhan man ay tinanggap na lamang niya ang inabot nito. Nang tingnan niya ang cellphone ay naka-set ito sa recording menu. Mayroon isang recording at ang pangalan nito ay CONFIDENTIAL.  Tiningnan niya muna si Jake at saka pinindot ang play button. Mariin siyang nakinig. At biglang may nagsalita sa recording na boses babae. Hindi pa man tumatagal ang usapan ay alam niyang si Sabrina ito.

"Hi Jake? Napatawag ka, miss me?"

"Ikaw ba ang may gawa nun?"

"Ikaw talaga Jake, hindi mo pa amining namiss mo ko"

"Sabrina! Kinakausap kita ng matino, ikaw ba ang may pakana ng sunog?"

"Sunog ba yun? I thought nag camp fire lang ako sa isa sa mga bahay na gawa sa panggatong"

"Demonyo ka talaga!"

"May demonyo ba na ganito kaganda Jake? Hahaha"

"Bakit mo ginawa yun? Bakit pati si Tita dinamay mo? Sabrina wala to sa usapan natin!"

"Tita? Jake naman, wag na tayong maglokohan.... Magka-ano ano ba kayo? Distant relative? Wag mong sabihing may dugong bakla ka rin?" sarkastiko niyang tanong

"Sabrina, wala sa usapan natin ang pumatay ng inosenteng tao?"

"Ano ka ba, its a natural process sa ecosystem. Saka buti nga na nadedbols na yung gurang na yun.. Eh di bawas siya sa populasyon.. Oh diba, Im so eco-friendly... At least nakaisip ako sa solusyon sa over population diba? Im so witty"

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi pa man siya nakakrecover sa mga rebelasyong narinig niya ay biglang nagring naman ang kanyang cellphone. Isang unregistered number ang rumehistro sa kanyang cellphone.

“Sino to?”

“Hi Red... Miss me?”

Bungad pa lang ay alam niyang si Sabrina ang tumatawag. ganito rin ang bungad nito sa narinig niyang recording kanina sa cellphone ni Jake.

“Sabrina.. nasaan si Adrian? Please huwag mo siyang sasaktan”

“So hindi mo nga ako namiss?”

“Sab... please.... huwag mong sasaktan si Adrian..”

“Bakit siya pa rin ang hinahanap mo?... Bakit siya pa rin??? Red ako ang narito.. akong narito..”

“Alam ko na ang lahat... Paano mo nagawa yun Sab? Paano mo nagawang pumatay ng inosenteng tao? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa iyo... Wala kang kasing sama.. Halang ang bituka mo”

“Hahahaha.... I should have shot two bullets diyan sa tangang Jake na iyan.. At sinabi niya pa talaga sa iyo? oo Red... masama ako... at itong Adrian mo... Malapit na niyang makasama ang nanay niya sa impyerno...”

Sasagot pa sana siya ng may marinig na boses na parang sumisigaw sa background.

“Moks.. huwag kang pupunta dito.. please... huwag.... hayaan mo na siya” gumagaralgal ang boses ni Adrian.

“Moks.. asan kayo??? asan kayo moks? Utang na loob sabihin niyo kung asan kayo..”

Sumingit muli si Sabrina sa usapan.

“Malapit lang to Jake... Kung saan nagsimula ang lahat... Kung saan ang simula ang 1st kiss niyo... Auditorium..”

At naputol ang kabilang linya. Pinagpapwisan na siya ng malamig. Kinakabahan siya sa kung anong maaring mangyari kay Adrian sa kamay ni Sabrina. Clearly, hindi niya pa gaanong kilala si Sabrina. Totoo nga talagang ang demonyo ay nagtatago na sa mala-anghel na mukha.

Nilingon niya muli ang nanghihinang si Jake. Hindi niya pwedeng pabayaan ito kahit pa hindi pa rin maalis ang galit niya rito. Matagal na pala silang pinaglololoko ng dalawang to. Marahil ay isa rin ito sa may pakana ng nangyari kay Adrian ngayon. hindi niya alam kung sapat ba na pagtiwalaan niya ito maawa siya dahil sa lagay nito.

Nagtatalo man ang konsensya niya ay nagdesisyon siyang alalayan itong makatayo. Akma na niya sana itong hahawakan sa balikat ng magsalita ito.

“Pumunta kaaa... Sa  o...auditoriumm.. mas kailangan ka ni Adrian” nauutal na wika nito.. Halatang pinipilit lang magsalita.

“Pero...”

“Sige na... malaki ang kasalanan ko sa inyo... Dapat lang na pagbayaran ko to.”

Tnitigan niya ng matagal si Jake. Tinitimbang niya kung ito nga ba ang gusto nito. Sa huli ay tinanguan niya lamang ito. Simbolo iyon ng usapang lalaki at pagpapasalamt niya rito. Hindi niya man gustong iwan ito sa ganoong lagay ay kailangan siya ni Adrian.

“Alam mo ba kung ano to Adrian?” pukaw sa kanya ni Sabrina.

Kasalukuyan siyang nakatali sa isang upuan. Nasa itaas sila mismo ng entablado. Sa hula niya ay nasa Auditorium sila. Ilang hakbang rin ito mula sa Building kanina. Gusto niyang lumaban ngunit hindi niya magawa. Ayaw niyang makasakit muli ng tao ngunit ang babae sa harapan niya ay mukha yatang desidido na patayin siya. Tiningnan niya ang tinutukoy nito. Hindi gaanong klaro ang paningin niya dahil sa pagkakapukpok kanina. May tumutulo sa bandang noo niya na sa hula niya ay dugo. Sinubukusan niyang magpokus sa hawak-hawak nito.

“Alam mo kung ano to???? Isa itong torch.. I especially made it.. parang alam mo na... Para siyang wand na may kapangyarihan.. Hahaha ang witty ko noh...?”

“Sabrina bakit mo ba ginagawa to?”

“Bakit? Dahil to lahat sa iyo... Ayos naman ako eh... ayos naman ang lahat!!! Ikaw.. Ikaw ang dahilan!!... Ako yung girlfriend.... Ako yung babae!!! Tapos ipagpapalit niya ako sa baklang katulad mo!!!”

Pagkatapos nitong sumigaw ay idiniin nito ang naglalagablab na hawak na apoy sa kayang hita. Kitang kita niyang nabutas ang kanyang pantalon at idiniin nito sa kanyang balat ang hawak-hawak. Parang unti-unting nasusunog ang kalamnan niya.

“Aaaaaaahhhh... Aaaaaahhhhhhh....Ahhhhhh...Tama naaaaaaaaahhhhh” daing niya ng maramdaman ang hapdi ng apoy na sumusunog sa hita niya.

“Hahahahaha... for sure... hindi na makikilala ni Red ang katawan mo pag natusta ka na sa apoy.. and then he will choose me over you... Syempre wala ka ng pakinabang if you are already a dead fried fag.”

“Sabrina..tama na.. tam...” hindi pa man siya tapos sa sasabihin ng sa kanang hita naman siya nito tinira ng naglalagablab na apoy. Tulad ng kanina ay parang niluluto nito ang kanyang hita. Mahapdi at nagdurugo na parehong hita niya. Parehong lapnos dulot ng apoy.

Iyak lang ang naisasagot niya sa bawat ginagawa ni Sabrina sa kanya. Ang bawat paso at diin nito ng apoy ay parang pagsunog ng lahat ng parte ng kanyang katawan. Sa hula nga niya ay mahihirapan na siyang makalakad kung makakawala siya rito.

“O ano? Nasaan na yung demonyo na yun???” biglang wika ulit sa kanya ni Sabrina saka siya sinabunutan.

“Sabi mo diba may the best devil win??? O asan na??? Asan na yung demonyo na yun? Bakit yung nasa harap ko ngayon parang tupang iyak ng iyak... Hahahhaa”

Isinunod naman nito ang braso niya at dinikdik ito ng apoy na hawak.

Ilang segundo pa ay itinigil nito ang pagtusta sa kanyang braso at saka muling nagsalita.

“Alam mo... actually... gusto kitang barilin sa bungo kanina eh... kaso lang mas mabuting sa apoy ka rin mamatay.. Hahahaha”

Parang demonyo ang kausap niya ng mga oras na iyon. Bakas sa mata nito ang sobrang kasamaan na handang pumatay ng tao anumang oras.

“Itong buong auditorium... nabuhusan na to ng gasolina.. kaya kapag sinunog ko ang kurtinang to??? Mabilisang kakalat ang apoy.  So ito... itong lugar na to ang magsisilbing oven toaster mo Hahahaha.... Ang tali-talino ko no??...”

“...Pero siyempre bago ka mamatay... kailangan hindi ka clueless sa mga nangyari sa buhay mo.. dapat updated ka pa rin.. so that you will die both physically and emotionally... Alam mo ba kung paano namatay ang nanay mo?”

Parang tumayo lahat ng balahibo niya sa likod sa sinabi nito. Gayunpaman ay mataman siyang nakinig.

“Once upon a time... yung nanay mo na kasing tanga mo ay naliligo sa banyo... yun din yung araw na you are so busy preparing for your anniversary... Imagine.. tawang tawa ako na pinaghahandaan mo ang lalaking mangiiwan sa iyo sa araw na iyon... Adrian huwag kang masyadong feeling... scripted lang ang lovestory niyo...  hahahaha... Naging kasabwat ko si Jake for more than 4 years.... ang galing namin no? Yun nga lang.. gusto akong traydorin ng loko kaya ayun pinatay ko siya kahit siya pa ang ama ng dinadala ko... well since deadballs na siya.... kay Red ko na lang ipapaako si baby... and we will live happily ever after...Hahahaha... Any ways.. back to the topic... so yun naliligo ang nanay mo ng araw na iyon...”

“Tama na.... tama na.....tama na!!!!!” pinipigil niyang umiyak ng umiyak sa mga oras na iyon. Ayaw na niyang marinig ang ibang sasabihin nito. Dahil unti-unti nyang naalalang muli ang hitsura ng nanay niya. Ang natustang balat nito. Ang sunog na mukha ng kanyang ina na nooy nakangiti sa kanya.

Hindi naman alintana ni Sabrina ang pagmamaka-awa niya at patuloy lang itong nagkuwento. Marahil ay nageenjoy ito na nakikita siyang nahihirapan..

“At nung nakita kong nasa banyo siya at magisa lang sa bahay na iyon... Agad kong sinimulan ang sunog sa kusina... Kinuha ko ang susi ninyo... na naroon lamag sa sala at nilock ko lahat ng maaari niyang lusutan... Hahahaha.. ang galing ko no.. Kung alam mo lang kung paano siya sumigaw ng mga oras na iyon hahahaha”

“Tama na.. Utang na loob tama na....” nabibingi siya sa halakhak ni Sabrina.

“Tulong...tulong... hahahaha yun yung naririnig kong sigaw ng Mama mo.. come to think of it.. siguro hubad siya nung nasunog siya sa loob ng banyo o sa loob ng bahay? Kaya siguro madali lang siyang naihaw sa loob hahaha....”

Napatid na ang pasensya niya sa babaeng kaharap. May kung anong puwersa ang lumabas sa kanyang katauhan. Hindi niya namalayang naalis niya na pala ang tali sa kanyang kamay at  lumuwag na rin ang tali sa kanyang paa.

Nanlilisik ang mga matang sinugod niya si Sabrina. Nabigla marahil ito at hindi inakalang makakataks siya sa higpit ng pagkakatali nito. Inalis niya ang eyeglasses na nakaharang sa kanyang mata. Sa mga sandaling iyon ay isa lang ang gusto niyang gawin.

Ang patayin ang pumatay sa nanay niya.

Binigwasan niya ito sa mukha at natumba ito sa lakas ng kanyang pagkakasuntok. Tumilapon ang hawak nitong torch at napunta sa lapag. Dinaganan niya ito lumaban rin ito sa kanya. Ngunit lubhang mas malakas pa rin siya dahil puwersang babae pa rin si Sabrina.

“Hayop ka... putang ina mo!!!!!! Putang ina mo...!!! Papatayin kitang putang ina mo!!!!!!!” sigaw siya ng sigaw habang pinagsususuntok ang mukha ni Sabrina. Kung kanina ay nakakakalmot ito ay hindi na nito magawang lumaban sa sunos sunod na suntok niya.

Nang hindi na makagalaw si Sabrina ay pinulot niya ang torch na kasalukuyang tumilapon sa kurtina na nasa Auditorium. Mabilis ng kumakalat ang apoy. Totoo palang nabuhusan ng gasolina ang buong paligid pero wala siyang pakialam. Kung meron mang dapat mamatay s apoy ay ang babaeng nakahandusay ngayon.

Dinaganan niya muli ito at sinakal sa leeg. Namimilipit naman na wala itong nagawa kundi dumaing nalamang sa sakit.

“Gusto mo ng demonyong makakatapat mo? Putang ina mo!!! Lamunin mo tong apoy na ginawa mo... gusto mo ng apoy diba? Puwes ipapakain ko sa iyo” at pagkatapos ay marahas niyang sinakal si Sabrina.

Hawak-hawak naman nito ang isa niyang kamay ngunit wala itong magawa sa bigat niya at sa higpit ng pagkakasakal niya. Mas lalo lamang bumuka ang bibig nito sa paghahabol ng hininga.

Naglagablab na ang buong paligid. Pero kailangan niyang patayin ang babaeng ito. Ang naging dahilan ng paghihirap niya. Ginamit niya ang buong lakas para ipakain dito ang torch na hawak niya.

“Huwag!!!!!!” biglang sigaw ng isang boses na umalingawngaw sa loob ng auditorium

Lumingon siya sa lalaking ngayon ay nasa baba na ng entablado. Madungis ang mukha nito na halatang naghirap tahakin ang loob ng Auditorium na ngayon ay nagaapoy na. Nakita niya ring bumabagsak na ang ilang pundasyon ng building.

“Red?”

“Moks... huwag mong gagawin iyan.. Naaalala mo yung sinabi ko sa iyo? Maaayos pa natin to.. Hindi ka papatay moks...Hindi sa ganitong paraan mo makukuha ang hustisya. Hindi ka katulad ni Sabrina diba? Moks.. para sa akin huwag mong gagawin to...”

“Pinatay niya si Mama... pinatay niya Red...” iyak siya ng iyak sa pigil na galit at hinagpis. Sakal-sakal pa rin niya si Sabrina.

“Moks... hindi magugustuhan ni Tita Elle kung nakikita niyang mamamatay tao ang anak niya.. Moks.. andito ako.. maaayos ang lahat... magtiwala ka lang.. hindi kita pababayaan...”

Sa sinabi ni Red ay sumunod naman sumakit ang kanyang ulo. Binitiwan niya ang pagkakasakal kay Sabrina.

“Aaaahhh...ahhhh....ang sakiiiittt....arrrrRrrgghhhh” daing niya na nahiga na rin siya sa lapag habang hawak hawak ang ulong sumasakit.

Mabilis na kumilos si Red. Gaya ng nasabi ng kanyang Ate Karma.. ang taong may DID o Multiple Personality Disorder ay maaring makaranas ng biglaang pagsakit ng ulo o di kaya ay pagkahimatay sa pagpapalit ng katauhan.

Nang makapanaog sa taas ay inakay niya ito kaagad. Plano niyang ilabas muna si Adrian at saka niya isusunod si Sabrina, habang hindi pa ganun kalala ang ang sunog sa buong paligid.

“Moks.. huwag kang bibitiw... makakalabas tayo rito” wika niya kay Adrian na dinadaing pa rin ang sakit ng ulo.

Malapit na sila sa entrance ng Auditorium ng may marinig silang isang boses muli sa likuran. Nilingon niya ito at hindi nga siya nagkamali ng hinala. Si Sabrina... may hawak na baril.

“Sabrina lumabas na tayo dito at ibaba mo na yan... Huwag mo ng dagdagan ang kasalanan mo”matigas niyang wika kay Sabrina.

“Hahahaha... ganun ganun na lang iyon Red? Hindi kayo pwedeng maging masaya Red!!!. Hindi!!! Wala kang kwentang tao Red... Ano ba ang meron diyan sa baklang iyan.. Red mas kaya kitang alagaan... mas kaya kitang mahalin!!!” galit na singhal sa kanya ni Sabrina habang nakatutok ang baril sa kanya.

“Im sorry... kung ako man ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan... pero mahal ko si Adrian... at hindi pinipili ng puso kung sino ang mamahalin nito.. Im sorry”

“Kung dika magiging akin? Huh?  Mas mabuti pang mamatay ka na lang.. Para tabla tabla na kami...”

Nakita niyang kakalabitin na nito ang gatilyo ng baril at pumikit na lamang siya habang yakap si Adrian. Ngunit nabigla siya ng itulak siya ni Adrian at ito ang sumalo ng bala mula sa baril ni Sabrina.

“Moks!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw niya ng  makitang lumabas ang dugo mula sa kanang dibdib nito at lumabas na rin ang dugo nito sa bibig.

Kakalabitin pa sana ni Sabrina ang baril ng may mga kamay na pumigil sa kanyang likod. Nang lumingon siya ay nakita niya si Jake na ngayon ay nakikipagagawan na sa baril na hawak niya.

“Putang ina mo!!!.. may dalawang bala pa to... papatayin ko silang dalawa... hindi sila pwedeng maging masaya!!!! hindi!!!!!!!!!!!!!!!1” sigaw nito sa kanya.

Lingid sa kaalaman ni Red ay sumunod siya rito papuntang Auditorium. Inipon niya ang biong lakas na meron siya matapos hugutin ni Adrian ang bala sa kanyang tiyan. Kailangan ng matapos ang kasamaan ni Sabrina.

“Naririnig mo ba ang sarili mo Sabrina... Tama na!!!!” patuloy pa rin siya sa pakikipag-agawan dito ng baril.

Umalingawngaw muli ang putok sa loob ng Auditorium. Kapwa nanlaki ang mata niloang dalawa. Hindi niya inaasahan ang nangyari.

Nabaril niya sa tiyan si Sabrina.

“Im....Im.. sorry... hi...ndi ko ….hindi ko.... sinasadya...” hinawi niya ang buhok nito na bahagyang tumakip sa napinsala nitong mukha. Pinakinggan niya ang waring sinasabi nito sa kanya.

“J...jake.... pi...pinatay.... mo...mo.... siya...” sabay turo ni Sabrina sa kanyang tiyan na ngayon ay may umaagos na dugo at saka patuloy itong nagpumilit magsalita.

“Bu....buntis... ako... ik...ikaw...ang ama...”

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Jake sa narinig. Daig niya pa ang nasabugan ng bomba. Wala sa isip niya na pinulot ang baril na nasa sahig.

Ipinutok niya ito sa tapat ng kanyang sentido.

Nagbabagsakan na ang mga materyales kung saan gawa ang bubong ng Auditorium. Mabilis niyang inakay si Adrian palabas ng building. Kailangan niyang gumawa ng desisyon. Ilang oras pa ay nakalabas na sila ng auditorium.

“Moks... kumapit ka lang... dadalhin kita sa hospital...” wika niya rito.

Pinigilan siya sa paglalakad ni Adrian ng makalabas sila. Nagtatanong naman ang kanyang mga mata rito.

“Bakit Moks?”

“Hindi hospital ang kailangan ko... ikaw Red...” nakangiting wika nito sa kanya kahit pa umaagos ang dugo nito sa kanang dibdib at sa bibig.

“Huwag ng makulit Moks..kailangan..”

“Sa chapel.... sa malapit na chapel mo ko dalhin”

Ang tinutukoy nito ay ang chapel na malapit sa Auditorium.

“pero Moks...”

“Dun mo ko dalhin parang awa mo na... doon...” matigas na wika nito.

Mabigat sa loob niyang tinahak ang daan papuntang chapel. hindi niya alam kung tama bang sundin niya si Adrian sa hiling nito.

Maya-maya pa ay nakarating sila sa loob. Walang katao-tao. Namamayani ang katahimikan. Lumapit siya sa altar habang akay-akay ang nanghihinang si Adrian. Gusto niyang umiyak pero kailangan niyang magpakatatag para kay Adrian.

“Ilapag mo ko dito” wika sa kanya ni Adrian ng makarating sila sa harap ng altar.

Sinunod naman niya ito at pagkatapos ay nabigla siya ng kumals ito sa kanya at nagindian seat.

“Arrrgggghhhhh” daing nito sa kanya habang hawak-hawak ang kanang dibdib.

“Moks.. pumunta na tayong hospital!!!” nagaalalang wika niya rito. Masakit na nakikita niya itong nasasaktan sa harap niya pero wala siyang magawa kundi sundin ang gusto nito.

“Umupo ka sa harapan ko...”

Ginaya niya ito at nagindian seat na rin siya. Nang tingnan niya ito ay napansin niyang duguan na halos ang puting suot suot nito. nang tingnan niya ito mata sa mata ay nakita niyang nakangiti ito ng matamis sa kanya. nais niyang tanungin ito kung paano pa rin ito nakakangiti ng ganoon sa kabila ng tinamo nitong sugat.

“Naalala mo nung ilang beses kitang tinakbuhan sa altar” tumawa ito ng bahagya. Nakinig lang siya sa sasabihin nito.

“Masakit sa akin iyon... masakit na masakit Red... Sorry kung ilang beses kitang pinagtulakan... kung ilang beses kong pinigil yung nararamdaman ko sa iyo... sorry kung natagalan... pero Red.. mahal na mahal na mahal ka ni Robin.. naging duwag lang siya dahil baka masaktan siyang muli pag inamin niya sa iyo na mahal ka rion niya..”

“Moks.. si Adrian ba ang nagsasabi niyan o si Jude?” nais niyang maging sugurado dahil alam niya ang kundisyon nito.

“honestly, hindi ko alam... pero pag kasama kita wala akong gustong itawag sa sarili ko kundi ‘Moks’.. basta ang alam ko ngayon... ikaw si Batman... ako si Robin” nakangiti pa ring wika ni Adrian sa kanya.

Tuluyan na siyang umiyak sa harapan ni Adrian. Ayaw niya sana ngunit hindi niya na mapigilan ang nararamdaman pinaghalong saya at takot na baka iyon na rin ang huling pagkakataon na marinig niya ito mula kay Adrian.

“Moks... pwedeng yakapin mo pa ko?” wika nito sa kanya

Niyakap niya naman ito habang nakaupo sila sa harap ng altar.

“Moks... kantahin mo uli yung theme song natin.... matagal na tayong hindi nagbonding”

“Moks hindi na nakakatuwa to... pumunta na tayong hospital sige na...”

“Kantahan mo ko Moks”

Nagsimula siyang kumanta. Ngunit kahit anong sikap ang gawi niya na huwag umiyak ay tumutulo pa rin ang kanyang luha habang kinakanta ito kay Adrian.

"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed,
I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on "   

Biglang lumakas ang pagubo ni Adrian. Tiningnan niya ito at nakita niyang sumuka na ito ng dugo. Napansin naman nito ang pagtigil niya sa pagkanta.

“Ituloy mo lang Moks... huwag mo kong alalahanin”

"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday,
I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"

Narinig niyang pinilit nitong kumanta. Sinabayan ang susunod na liriko.

"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.”

Iyak na siya ng iyak habang yakap si Adrian.

“O ano yan? Diba sabi mo sakin ako yung iyakin... tapos ikaw na yung umiiyak” halos pabulong na lang na sabi sa kanya ni Adrian.

“Moks.. tara na please...”

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Tiningnan siya muli nito sa mukha.

“Hindi naman ako mamamatay... diba pupunta pa tayo  sa karnabal... sasakyan pa natin yung ibang rides dun... matutulog pa tayo sa kuwarto mo... ubusin natin lahat ng disney movies. tapos...tapos...argHHhhhhhhh” sumuka muli ito ng dugo.

“Moks... wag ka ng magsalita...makakasama lang yan sa...” hindi niya natapos ang sasabihin ng magsalita itong muli.

“Thank you... thank you dahil... nung mga panahon na nawala sa ideya ko ang pagibig.. you helped me to find my way back... naaalala mo yung sinabi ko sa iyo nung huli? Na magkaiba na tayo.. ngayon.. sigurado ako sa desisyon ko... isasakripisyo ko ang hininga ko... madugtungan lang ang buhay mo”

At pagkasabi niyon ay pumikit na si Adrian at nahulog sa braso niya.

“Moks...Moks??? Moks??? walang ganyan moks.... Moks walang ganyanan... Diba sabi mo mamamasyal pa tayo sa karnabal? Diba sabi mo manonood pa tayo ng Disney movies... Moks wag kang pipikit... moks?? Moks???  Moks.... hindi ko kaya..”

Itutuloy...

[Finale & Epilogue]
Author's Note:

It never came to my senses na matatapos ko ang ganito kahabang kuwento, tamad kasi ako and I have this problem in writing thinggy so gusto ko na lang ipunto per punto ang iba ko pang sasabihin.

Una, gusto kong magpasalamat sa mga naging inspirasyon ko para buuin ang una kong akda hindi man ito ganoon kaganda tulad ng gawa nila ngunit ang inspirasyon na naibigay nila sa akin ay sobra-sobra. Kila Sir Mike, ang awtor ng "Ang Kuya kong Crush ng Bayan", kay Dark_Ken ng "Minahal ni Bestfriend Series", Dane Aguilar ng "Intertwined" at sa iba pang awtor na nakaimpluwensiya sa akin. Muli po gusto kong ipaabot ang aking pasasalamat sa pagbuhay niyo sa pagnanasa kong sumulat muli.

Pangalawa, nais kong ipagpaumanhin ang kakulangan ng kwentong ito. Sa mga typo errors, sa mga inappropriate grammar o sa anumang nakita niyong kamalian sa teknikal na aspeto. Sana po ang pagiging first time sa ganitong larangan ay isang excuse. Yun lang po naiisip kong palusot.

Pangatlo, nais kong magpasalamat sa mga nagbasa, nakiiyak at nakilig kahit papano sa kuwento ito lalong lalo na sa nagpaabot ng kanilang komento nalagi kong binabalik balikan either positive and critical analysis. Ayaw ko siyang tawaging negative criticism dahil somehow nakatulong siya para pagbutihan ko pa lalo ang pagsusulat.

Pangapat, kung hindi man kalubusan ay nais kong humingi ng follow back sa under construction ko na blog. URL po eh www.roguemercado.blogspot.com. Pwede niyo po akong ifollow basta may google o blogger account kayo. May mga detalye rin po akong personal doon kung interesado po ba kayo sa amateur writer na si Rogue Mercado hehe.

Panglima, kung hindi pa po kayo nakakaboto sa entry ni Sir Mike pwes kailangan niyo na po talagang bumoto. Kalimutan ng lahat wag lang ang MSOB. Nasa taas po ang link at direction ng pagboto.

Muli po maraming salamat sa inyong lahat. It was a journey writing way back into love with you guys...

FINAL CHAPTER

“Nakakainis! Bakit ganun yung ending?” wika ng lalaking kaharap niya at nakita niyang nagpahid ito ng luha.

“Hahaha.. sisihin ba ako.. eh sa ganun yung kwento ng pasyente ko” sagot niya sa tanong nito.

Kasalukuyan silang nagkakape sa may music room ng hospital. Dito niya kasi laging ikinikwento sa masugid niyang tagasubaysubay ang kwentong napulot niya rin sa kanyang pasyente. His name was Ram Mercado.

“So ano? Pwede na bang writing material?” tanong niya uli rito.

“Wag kang magulo... nagpapahid pa ko ng luha”

“Huwag masyadong madrama hindi bagay sa iyo” asar niya pa rin dito.

Nakita niyang inilabas nito ang netbook mula sa isang bag at nagtype ng marahan.

“So ano isusulat mo ba?” pangungulit na tanong niya rito.

“Mabibigyan ko kaya ng hustisya ang kwento? I mean.. You know that I already gave up on writing, alam mong ayaw ko ng maging mananalaysay.. alam mo ang kwento ko bakit bigla akong nawalan ng ganang magsulat”

“Ano ka ba? Ngayon ka pa ba susuko? Alam ko ang pinagdaanan mo.. pero sapat na ba yung masaktan ka ng unang beses at sumuko na lang? Tulad nung ikinwento ko sa iyo.. Hindi mo ba ipaglalaban ang pagmamahal mo sa pagsusulat...kung iyon lang talaga ang meron ka?”

Napabuntong hininga ito sa sinabi niya. Nakilala niya si Ram Mercado na tatambay-tambay sa mental hospital ilang araw na ang nakakaraan. Sa totoo lang ay ito lang naman talaga ang tanging nakakausap niya tungkol sa kanyang paboritong pasyente. Sa kanilang pagkakakilala ay nadiskubre niyang isa pala itong frustrated writer kaya naman sinisikap niyang buhayin muli ang pagnanasa nitong magsulat matapos marinig ang kwento nito.

“Sige na nga” sagot nito sa kanya

“O teka... parang napilitan ka lang yata eh”

“I have doubts.. paano kung hindi nila magustuhan.. paano kung hindi ko mailahad ng maayos yung kwento?”

“Well, I am giving you the right to manipulate the story.. Kahit ano.. gawin mong modern yung setting.. Nasa sa iyo palitan mo yung theme song nila.. ikaw bahala basta magsulat ka.. I know you will be a good writer”

“Paano ko pa ba ima-manipulate yung kwento?.. The idea was almost there.. Hindi nga ako makapaniwala sa MPD thing.. Totoo pala yun? Totoong maaring magkarooon ng iba-ibang katauhan ang isang tao?”

Medyo kinabahan siya sa sinabi nito ngunit hindi siya nagpahalata.

“Oo naman totoo.. May mga bagay na sadya talagang hindi natin kayang ipaliwanag.” matalinghaga niyang sagot.

“Ang ironic lang ng nangyari sa kanila... Sa tingin mo nabuhay ba si Adrian?”

“Basta ang alam ko lang sa kuwento... sinabi niya na hindi naman siya mamamatay.. pero ewan ko”

“Hindi ba dumating yung mga police o kaya may nagligtas sa kanya?”

“Wala ring nasabi yung pasyente ko eh..”

“Teka nga pala... Paano mo napagdugtong dugtong tong mga kwentong ito ng pasyente mo? Ang tiyaga mo ah? Mahirap kayang kausap ang baliw.”

“Sabi ko nga sa iyo paboritong pasyente ko siya”

“I know pero to go into details habang nagkikwento... It’s somehow... amazing.. Ganun ba ka photographic ang memorya mo para maikwento mo sa akin bawat detalye.. unless isa ka sa mga characters nung kwento”

“Haha.. baliw... Talagang naging interesado lang ako sa kwento ni Red. Sa isang taon ba naman na lagi niyang ikinekwento sa akin yun.. Hindi pa ba maitatanim sa isip ko ang bawat detalye ng kwento?”

“Sa bagay.. pero Nurse Rico... Bakit ba masyado kang attached sa kwento.. pwera of course na paborito mong pasyente si Red”

“Kasi naniniwala rin ako na may fairytale. We tell fairytales to children hindi dahil gusto nating paasahin sila sa Happily Ever After. We tell fairytales because alam nating sa bawat kwento may mga taong handang guluhin ang love story mo huwag lang humantong sa happily ever after. Hindi man siya naka hood na kulay itim malay mo the witch is wearing a long red gown and was diagnosed with pyromania. We never know. We tell fairytales not to show that love story is only between the princess and the prince but to show that love story is magical..enchanted... it knows no gender. Kaya nga magic diba? Kahit kanino... kahit saan pwedeng mangyari. Kahit sa isang prince charming at sa isang knight in shining armor.”

“But fairytales are fiction... more of an illusion”

“Stories dont have to be true to be truthful. In layman’s term.. hindi kailangan maging totoo ang isang kuwento para maging makatotohanan. Maaring ang kwento ko sa iyo kwentong kutsero pero isipin mong mabuti ang mga aral na napulot mo rito na maari mong magamit sa totoong buhay... Kaya gusto kong ikwento mo to... bear the role of a storyteller.. You’ll be surprised kung gaano magre-react mga mambabasa mo”

“Hmmm.. Ok.. I will. Promise”

“Ngayon.. san mo balak isulat yan? You will create ba your own website?” paguusisa niya rito.

“Nope.. I applied as a resident author sa isang blog online.. Familiar of Michael Shades of Blue?”

“I rarely go online but please tell me kung nabuo mo na ang kuwento”

“Oo ba... so ikaw, I heard this is your last day? You will resign? Bakit? Kung kailan pa magaling na ang pasyente mo”

Tipid na ngiti lang ang isinagot niya rito. Tiningnan niya ang hawak-hawak na impormasyon sa kanyang kamay. It was a discharge paper and the name written was Red Antonio.

“Nami-miss mo ba siya?” biglang tanong ni Karma sa kapatid. She didnt knew if it was right to question his younger brother. Ngunit sa lahat siguro ng gumaling sa sakit, itong kapatid niya ang parang hindi gumaling. Tinutupi nito ang mga hospital gown na sinuot nito ng halos isang taon.

Tiningnan siya nito at tipid na ngumiti.

“I...I understand Red kung ayaw mong pagusapan... Im sorry..”

“Siguro kaya ko na” sagot nito sa kanya. Halatang pinipilit magpakatatag kahit na alam niyang pilit lang nitong ikinukubli ang totoong nararamdaman. Minsan hindi niya alam kung masama ba siyang ate dahil parang mas gusto niyang mawalan ito ng bait at huwag damdamin ang mga nangyari kaysa nakikita niya itong normal ngunit matindi ang paghihirap na nararamdaman.

“May gusto ka bang sabihin? Sa kin.. O sa kahit sinong naaalala mo”

Limang taon na rin ang nakakaraan buhat ng insidenteng nangyari sa NorthEast State University at siyempre sa lungsod ng Angeles, Pampanga. Nakontrol ng eskwelahan ang media sapagkat mga estudyante ang sangkot. Pinalabas na aksidente ang lahat. Nagbantang magdedemanda ang pamilya Malvarosa ngunit sa huli ay nabalitaan nilang lumipad na ito papuntang Estados Unidos. Masyadong naging mainit sa lahat ng tao ang kanyang kapatid na nagiisang nabuhay sa trahedyang naganap. Tandang-tanda niya pa kung ano ang naabutan niya sa loob ng chapel.

Maraming bakas ng dugo.

Sigaw siya ng sigaw ng gabing iyon kakahanap sa kanyang kapatid. Nakatanggap sila ng tawag na may dalawang estudyanteng nasunog ng buhay sa Auditorium. Kinabahan siya kaya agad siyang kumaripas papuntang NorthEast State University.

Pagkababa niya ng kotse ay agad na bumungad sa kanya ang mga bumbero, ambulansya, mga sasakyan ng pulis, media at mga taong nagpupumilit na makiusyoso sa nangyayari sa loob ng unibersidad.

Agad niyang tinungo ang Auditorium. Sa unibersidad na rin siya na iyon nag-aral ng high school kaya alam niya kahit papano ang pasikot-sikot ng lugar. Nang makarating siya roon ay nakita niya ang yellow tape na nagpapa-alalang bawal pumasok sa loob.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mga taong binubuhat ang dalawang estudyanteng nakahiga sa emergency bed. Sunog ang mga katawan nito. Naulinigan niya ang isang ginang na sigaw ng sigaw ng “Jake anak..” at samantalang ang isa ay sumisigaw ng “Sabrina hija...”. Nakilala niyang ang huling tumatangis ay walang iba kundi ang Director ng NASUDI na si Director Lee. Naalala niyang magkamag-anak nga pala ito.

Wala siyang inaksayang oras... Nagtanong-tanog siya kung mayroon pang taong naiwan sa loob ngunit kinumpirma ng mga bumbero na dalawang tao lamang ang nasa loob ng Auditorium.

Parang wala siyang kapaguran ng gabing iyon. Inisa-isa niya ang mga kalapit na building at mga kuwarto nito. Hindi pa rin niya makita ang kanyang kapatid. Gustong-gusto na niyang tawagan ang mama nila ngunit alam niyang ikakasama nito ng loob kung malaman nitong nawawala si Red.

Sinubukan niya ang cellphone nito. Walang sumasagot ngunit nagri-ring lamang ito. Hanggang sa nawalan na siya ng pag-asa. Dinala siya ng kanyang mga paa sa malapit na chapel para magdasal para sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid.

Nang tumuntong siya sa paanan nito ay nakita niyang maraming dugo. Sobrang daming dugo na nagkalat sa sahig. Hanggang sa nahagip ng paningin niya si Red.

Humangos siya at niyakap ang kapatid. Hindi siya magkamayaw sa kakatanong sa kapatid kung anong nangyari.... kung nasaktan ba siya... nasaan si Adrian... anong nangyari sa Enchanted ball..

Ngunit iisa ang nakuha niyang sagot.

Kanta lang ito ng kanta. Paulit ulit na mga liriko ng isang awitin.

"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed,
I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on "   

"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday,
I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"

"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.”

Nang tingnan niya sa mata ang kapatid ay para lamang itong nakatulala sa kawalan. Nakita niyang ngumingiti ito at pagkatapos ng ilang segundo ay iiyak. Ngunit hindi nawawala dito ang dahan-dahan at paulit-ulit na pagkanta.

His brother had a severe depression and a post traumatic disorder. Nawalan ito ng sariling bait. Hindi pa man sila lubusang nagkakausap ni Red ay alam niyang sa pagkaka-alam nito ay namatay si Adrian. But she was a bit confused kung namatay ba si Adrian sa sunog dahil kumpirmadong ang dalawang sunog na bangkay ay sina Sabrina Malvarosa at Jake Marcos. Adrian’s body was never found.

Pero itinuring na lang din niyang patay si Adrian. After all, baka nasunog ang katawan nito sa Auditorium at hindi lang nakita ng mga bumbero. Nagtataka man siya kung bakit may mga dugo sa chapel ngunit wala ni isang pinsala si Red ay ipinagsawalang bahala na lamang niya ito. Ang mga oras na iyon na ipinagkatiwala nila si Red sa isang mental asylum ay ang pinakamahirap na yugto ng kanilang buhay. Sa loob ng limang taon ay maraming nagbago, tuluyan na silang lumipat patungong Maynila para doon magsimula ng bagong buhay at matutukan ang pagpapagamot kay Red. Nang nakaraang taon lang din ay binawian ng buhay ang kanilang Ina sa sakit na diabetes. Naiwan naman sa kanilang ama at sa kanya ang pangangalaga ng lahat ng kanilang ari-arian.

Napilitan siyang ikwento rito ang lahat ng kanyang alam tungkol sa naging sanhi ng pagkabaliw ni Red at syempre ang kwento ng pagibig nito. Doon rin siya humanga sa kanilang ama dahil hindi nito hinusgahan ang kanyang kapatid bagkus ay sinabi pa nitong totoong lalaki si Red dahil ipinaglaban nito ang pagkatao at pagibig nito hanggang sa huli.

Ngunit ngayon, nagbalik na ang ulirat ng kanyang kapatid. Handa na itong harapin muli ang bagong buhay ng wala si Adrian. Siguro ay sasabihin niya rin sa tamang panahon ang naabutan niyang nangyari sa loob ng unibersidad. Ngunit hindi muna ngayon... masyado pang naging masakit ang mga pangyayari.

Pinagmasdan niya muli ang kapatid, wala naman itong ipinagbago. Para ngang alagang-alaga ito sa loob ng hospital. Marahil ay mas magiging madali ang lahat para sa kanya at sa kaptid. Magsisimula silang muli.

“What’s with the stare?” pukaw sa kanya ng kanyang kapatid. Nagagawa na nitong ngumiti kahit papano. That is a good sign.

“Im just... Im just happy.. nagbalik ka na... my baby brother is back” wika niya rito saka ginulo ang pagkaka-ayos ng buhok nito.

“Hahaha... namiss mo ko no?”

“Oo naman... Kaya ngumiti ka lang lagi... Alam kong masaya si Adrian na nakikita kang ganyan” huli na para bawiin niya ang sinabi. Sa kakaingat niya na huwag banggitin ang pangalan ng matalik nitong kaybigan ay nadulas ang kanyang dila.

Nakita niyang natigilan ito ngunit matapos ng ilang segundo ay nakabawi ito at ngumiti sa kanya. Ngiti ng magkahalong pangungulila at matinding lungkot.

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

“Alam mo ate... tama ka... namiss ko talaga siya...sobra.... lalo na ngayon.. lalo na ng bumabalik balik sa isip ko..yung....yung nangyari.. pero alam mo nung... nung nagkadiperensiya ako.. parang andito siya... parang totoo ang lahat... nakikita kong sinasamahan niya akong kumanta... nakikita kong sinusubuan niya raw ako pag kumakain kami... nayayakap ko raw siya... at tinatawag niya rin akong Moks... lagi siyang nakaputi ate... pero ngayon naaalala ko na naman yung... yung nakaputi siya pero puno ng dugo.. parang mas gusto ko uli mabaliw.. ang hirap pala pag wala na si Robin... hindi kaya ni batman.....” gumagaralgal ang tinig ni Red habang nagku-kwento sa kanya

Nilapitan niya ang kapatid niya at niyakap ito. Ang mga bisig lamang niya ang maiiyakan nito. Sa aspeto ng sikolohiya mas magandang nailalabas ng isang tao ang nararamdaman niya, that way a person could cope with the stress and turmoil na nangyayari sa utak nito.

“Kaya iyan... kaw pa.. alam ko nandyan lang siya”

“Salamat ate...”

“Parang hindi ka naman naospital ah... tumaba ka kaya... wala na yung muscle ng kapatid ko oh?” biro niya dito na nagbabakasakaling gumaan ang pakiramdam nito.

“Inalagaan daw ako nung Nurse ko eh... I think I should thank...”

Hindi nito natapos ang sasabihin ng pumasok ang isang Nurse sa loob. Marahil ay ito ang tinutukoy ng kanyang kapatid.

“Maiwan muna kita ah? Kakausapin ko lang muna siya”

Tumango naman si Red at ipinagpatuloy nito ang pagtutupi sa mga damit. Lumabas naman siya sa kuwarto at sa labas niya kinausap ang nurse.

“Hi.. ako nga po pala si Linda Ramirez, head nurse ng Albano Hospital” bungad ng babae sa kanya.

Kinamayan niya naman ito at siya naman ang nagpakilala. “Hi.. my name is Karma... Karma Antonio Im the sister of your patient... Red Antonio.. You know what Ms. Linda.. I cant thank you enough.. and maybe saying thank you is an understatement dahil looking at my brother he is not like that sick..or mentally ill.. parang nagbakasyon lang siya.. and”

Pinutol ng nurse ang iba pang papuri na lumalabas sa bibig niya nang ito naman ang magsalita.

“Im sorry Ms. Karma but I think there’s been a mistake”

“Im sorry?” naguguluhan niyang tanong

“Nandito lang kasi ako because of these discharge papers na dapat niyong pirmahan... but if you really wanted to thank the nurse na nag-alaga kay Red.. its not me.. “

“Ganun ba? Im really sorry... I thought..”

“Its OK.. pero alam niyo tama kayo... kung meron man talagang dapat pasalamatan dito yun yung personal nurse ni Red... He was really hands on pag si Red ang pinaguusapan..”

“He? You mean.. lalaki ang nag-alaga kay Red?”

“Yeah.... His name is Rico.. well... kung nakikita mo lang sana noon, they look so sweet binibiro nga namin sila baka madevelop itong si Rico kay Red... No offense meant but kung anuman ang tragic love story na mayroon itong si Red that caused him to be that way before he was treated eh nai-a-apply niya ito minsan kay Rico.. Minsan tinatawag nga nitong si Red na ‘Moks’ si Rico eh... tapos sabay na kakanta yang dalawa... and Rico.. sobrang tiyaga.. base sa naririnig ko ay lagi itong nakikinig ng taimtim kay Red whenever Red shared his life story”

Aaminin niyang kung sa pagbisita sa kapatid ay medyo nagkukulang rin siya. Dalawa na sila ng Papa niya na humahawak ng kanilang family business kaya madalang na alng kung mabisita niya si Red. Sa tuwing bumibisita naman siya rito ay hindi niya naaabutan ang Nurse nito.

“Nakakatuwa naman pala kung ganoon pero where is he? I should thank him for being the best nurse to my brother”

“Ang alam ko nagpasa siya ng resignation sa office.. ewan ko nga dun sa taong yun... kung kailan makakausap na niya ng matino si Red saka naman aalis”

“Sayang naman gusto ko pa naman sana siyang makita.. nandito pa ba siya?”

“Well huli ko siyang nakita na nasa music room kanina.. hindi ko lang alam kung nandun pa rin siya... paborito kasi nilang tambayan ni Red iyon... doon namin sila nakikitang sabay na kumakanta”

“May mga ganun pa palang tao.. sobra siguro ang dedication nito sa trabaho”

“Siguro na rin po dahil sa naiintindihan niya ang pinagdadaanan ni Red... dahil he also has his own share of mental disorder”

“What do you mean?” nabibiglang tanong niya. Ibig sabihin ba nito na nabaliw rin ang Rico na tinutukoy nito?

“Truth is.. hindi tapos ng medical practice itong si Rico.. ipinasok lamang siya ng boss namin dito sa Albano hospital.. i think you know him... His name is Max Albano”

Albano Hospital is one of the finest in the country kaya nga dito niya napagdesisyunang ihabilin si Red para magamot. At syempre, she knew kung ano kalibre meron si Dr. Albano dahil minsan na rin niya itong naging guro sa psychohypnotherapy. Ngunit mas naiintriga siya sa nurse na nagalaga kay Red. For some unknown reasons, gusto niyang makilala ito.

“And about sa kundisyon kamo ni Rico.. Is he still mentally ill?”

“Hindi na po Ms. Karma.. I think nagamot na po siya... But you know masyadong sensitive yung issue ng disorder na meron itong si Rico... Alam mo yun.. 1 out of 10 lang tinatamaan yata nito.. nakakapangilabot”

“Im also psychiatrist myself so I guess maiintidihan ko kung ano man yan” wika niya rito

“I see.. well.. Rico is suffering from DID.. commonly known as Multiple Personality Disorder”

Biglang umarko ang kilay niya sa narinig. Kumakabog man ang puso niya sa sobrang kaba ay napagdesisyunan niyang itanong ang huling katanungan na gustong kumawala sa isip niya.

“Can I know his full name?”

Sumagot ang nurse na kaharap niya.

Parang bomba naman na sumabog ito sa isip niya. Nang lingunin niya si Red ay nakita niyang kanina pa pala ito nakikinig sa usapan nila. Nakita niyang tumakbo ito palabas. Hindi na siya nagtangkang habulin ito. Napangiti na lamang siya at napabuntong hininga.

“What’s wrong bakit po parang may gustong habulin itong si Red?” biglang tanong sa kanya ng nurse na kaharap niya.

“Naniniwala ka ba sa fairytale, Nurse Linda?” natatawang tanong niya at saka pumirma sa dokumentong hawak nito.

Ito ang huling pagtugtog niya sa piano. Nakapasa na rin siya ng resignation letter. He will miss everything...everyone and especially someone. Pinigil niya ang luhang nagbabanta sa kanyang mga mata. He should be happy dahil tapos na ang lahat. Makakalaya na ang bawat isa sa sakit na nararamdaman nila.

Nagulat siya ng may magsalita sa bandang likod niya.

“Ang ganda naman ng tinutugtog mo”

Lumingon siya para harapin ito. And there he is again. Nandun uli yung lalaking inalagaan niya sa loob ng ilang taon.

“Congratulations... i hope you start a good life Red...” kaswal na wika niya rito

“Ano ba ang nangyari kay Adrian matapos ang nangyari sa Enchanted Ball?” biglang tanong nito sa kanya na ipinagwalang bahala ang sinabi niya.

Bahagya man siyang nabigla ay pinilit niyang huwag magpa-apekto. Hindi na ito kagaya ng dati na nakikipagusap siya sa natakasan ng bait. Matino ang kausap niya ngayon. Normal na normal.

Tumawa siya ng bahagya saka nagsalita. “Eh diba hanggang dun nga lang yung kwento mo sa akin? Hindi ko alam kung anong  sunod na nangyari sa kanya”

“Sabihin mo ang totoo kung hindi maghuhubad ako dito!!!!” sigaw nito sa kanya

“Eh di maghubad ka.. ano bang problema mo???” napipikon na rin siya dahil naiipit na siya sa sunod-sunod na tanong nito.

Nabigla naman siya ng hubarin nito ang T-shirt nito. Akma na sanang ibaba ni Red ang shorts niya ng siya naman ang napasigaw.

“Sandali!!!! Eto na!!!!” sigaw niya rito

“Alam ko naman na ayaw ni Adrian na makita ng iba to eh” namimikon na wika ni Red sa kanya

“Ewan ko sa iyo!!!” naiinis siya sa sarili niya dahil parang bumabalik sila sa dati.

“Ano... sasagutin mo ba hindi..???” tanong uli ni Red na binubuksan na ang zipper.

“Tang ina ang kulit!!!” naiinis na sigaw niya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. “Ok eto na... gusto mong dugtungan ko ang kwento sige...”matapang niyang sagot

Kinuha niya ang isang malaking eyeglass sa kanyang bulsa. Pinalitan niya ang maliit na reading glass na suot-suot niya at saka muli siyang nagsalita.

“Kinailangan rin ng ilang taon ni Adrian para magpagaling hindi lamang ng sakit niya.. ng mga sugat na tinamo niya kundi maghilom rin ang sugat sa puso niya.. patawarin ang nanakit sa kanya... Kinilala niya ulit si Jude... Ayun, walang gustong mawala eh... Si Adrian natuto kay Jude na lumaban... Si Jude natutong magpatawad mula kay Adrian... Ayun, nagpataba sila ng konti.... nagisip silang dalawa ng corny na pangalan.. Rico yung unang naisip nila... Wala na yung bangs nila eh kaya nagpa-semi mahawk sila ng buhok... napagdesisyunan nilang maging nurse at higit sa lahat.. napagdesisyunan nilang maging isa..” hindi niya napigilang umiyak sa huling sinabi

“Hinanap ni Rico si Batman... at ng mahanap niya ito.. ipinangako niya sa sarili niya na hinding hindi niya ito papabayaan dahil gaya ng huling sinabi niya... mamamasyal pa sila ng karnabal.. uubusin pa nila ang Disney movies... Pero alam mo habang tinitingnan ni Robin si Batman noon... naisip niya ulit na hindi na importante kahit anong ipangalan niya sa sarili niya basta ang gusto niya lang matawag uli siyang ‘Moks’..... Moks nakaligtas si Adrian... Nakaligtas si Jude...Nakaligtas si Robin... nasa harapan mo siya ngayon” tuluyan na siyang umiyak sa harapan nito.

Nabigla siya ng namalayan niyang tumakbo ito at hinalikan siya. Nadala siya ng halik nito. Kapwa sila umiiyak habang naghinang kanilang mga labi.

Right there, they knew that fairytales and happy endings are true.

Kapwa sila hingal na hingal ng matapos ang halik. Pinahid ni Red ang mga luha na pumapatak sa kanyang mga mata. Ganun din ang kanyang ginawa.

“Bakit di mo sinabi agad?.. Bakit ka magre-resign?” sunod-sunod na tanong ni Red sa kanya.

Umiiyak pa rin na sinagot niya ito. “Ayokong masaktan ka uli dahil sa akin”

“Huwag ka ng mawawala ulit ah? Hindi kaya ni Batman pag wala si robin”

Hindi man niya aminin ay nandun pa rin ang kilig kapag sinasabi ito ni Red, sumagot naman siya.

“Promise. Hindi na iiwan ni Robin si batman kasi partners sila”

“At mahal na mahal ni Batman si Robin.”

He was so speechless that time. Umaapaw na sa tuwa ang nararamdaman niya.

“I love you moks..” biglang seryosong wika ni Red sa kanya.

“Gusto kong ulitin tong sinabi ko noon.. the hardest part on losing love is finding your way back... salamat minahal mo pa rin ako sa mga panahong hindi ko kayang magmahal... i love you and I will always will Red Antonio”

“Tayo na ah... wag ka ng bibitiw uli” wika ni Red sa kanya na parang naninigurado habang hawak ang dalawa niyang kamay.

Natatawa namang sinagot niya ito.. “Ang bilis naman.. diba dapat ligaw muna Hahaha”

“Mula pagkabata niligawan na kita hindi pa ba sapat yun?” kunwaring pagmamaktol ni Red sa kanya.

Iiling-iling na lang tumawa siya. Para siyang lumulutang sa ulap. Sobrang saya. Muling nagsalita si Red.

“Pwede pa kiss ulit?” pilyong tanong ni Red sa kanya.

Awtomatiko naman na siniko niya ito sa tiyan. Nasira naman ang pagpapacute nito sa kanya.

“Hanggang ngayon? Akala ko ba si Rico ka na? Mas masakit siko mo ngayon ah.. tumaba ka eh” dumadaing at tumatawang tugon ni Red sa kanya.

“Hindi ko sinabing bagong tao ako.. pinagisa lang si Jude at Adrian... so partly, Im still Jude remember?”

“So I will actually be married to three people in one? Para kape lang ah.” biro nito sa kanya

“Pero lahat sila Moks mo pa rin” nakangiting sagot niya dito

“Payakap na lang ulit?” nagaalangang tanong nito sa kanya.

Tumalima naman siya at niyakap niya ito. He felt secure and he felt safe. Pakiramdam niya wala na siyang mahihiling pa. Siya naman ang muling nagtanong.

“Ano pala yung sinasabi mong kasal?”

“Tinatanog pa ba yun.. syempre magpapakasal tayo.. ang tagal kong hinintay to”

“Baka langgamin na kayo diyan” pukaw ng isang boses sa kanila.

Kumalas siya sa pagkakayakap kay Red at sabay nilang nilingon ang kapatid ni Red, kanina pa pala ito naroroon.

“Welcome back Adrian.. actually hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa iyo”

Ngumiti naman siya at sinagot ito. “Ok rin po yung Adrian... medyo nasanay lang po na Rico ang tinatawag nila sa akin.. but nagkaroon ng amendment sa birth certificate ko, my full name now is Adrian Jude Rico Dela Riva” paliwanag niya.

“Soon to be Adrian Jude Rico Antonio” nakangiting wika ni Red.

EPILOGUE

“You are cordially invited..” sarkastikong bungad sa kanya ni Arthur ng pumasok ito sa loob ng kanyang opisina. He was drinking a glass champagne ng pumasok ang kapatid niya.

Hindi siya sumagot at pahapyaw lang na tiningnan niya ang papel na nadisenyuhan. Ang papel ay nadisenyuhan ng isang bahaghari. It was an invitation sa isang same sex marriage rite sa Baguio City. Ang kasal ay isasagawa ng Metropolitan Church Community.

“Tinulungan mo na nga siya sa katauhan niya.. you also helped them with their wedding and to move to Baguio.. Nasa iyo na iyong sisiw pinasama mo pa sa ibang inahin..Hindi ko alam kung martir o tanga ka lang talaga kuya.. Minsan maningil ka naman ng utang na loob” litanya ulit sa kanya ng kapatid.

Hindi ulit siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang paginom. Narinig na lang niya ang mga yabag nito palabas ng kanyang opisina.

Nabingi uli siya sa katahimikan. He stared at his name plate on the table. Siya si Dr. Max Albano, now a renowned psychiatrist. Sumusunod daw sa yapak niya si Arthur Albano ang kanyang kapatid. But nobody knows na hindi pa talaga niya nakuha ang gusto niya sa buhay.

Parang echo na nagpauli-ulit sa kanyang ulo ang huling sinabi ni Arthur. “Minsan maningil ka naman ng utang na loob”

Mula sa kanyang drawer ay hinugot niya ang isang impormasyong tinago niya sa loob ng mahabang panahon. Binasa niya ang ilang nakasulat dito.

3rd Alter Ego:  Rico Dela Riva
Characteristics: *******

Siguro nga tama ang kanyang kapatid.

“Chief.. you need to see this” wika sa kanya ng isang pulis na pumasok sa kanyang opisina.

Inabot nito sa kanya ang isang brown envelope. Agad naman niya itong kinuha. Nang buksan niya ito ay lumantad sa kanya ang isang larawan ng lalaki.

Mabilis niyang pinagmasdan ito. The guy had a red hair. His eyes were murdered with black eyeliner. May hikaw rin ito. And the guy was having a devilish smile.

“And what is this?” tanong niya sa pulis na nangahas pumasok sa kanyang opisin.

“I think you also need to see the note inside” sagot naman ng pulis sa kanya.

Kinapa naman niya ang tinutukoy nito. Nakuha naman niya sa sulok ang maliit na papel. Agad naman niyang binasa ang nakasulat rito.

Police Officer Yoseff Tarvina,

If you still care about your brother’s death, you can email me for details. For now, stare at the picture of your brother’s murderer.

Email: arthuralbano@msn.com

Art.

Naikuyom niya ang palad matapos mabasa ang nakasulat sa papel. Tiningnan niya ulit ng maigi ang larawan at napansin niyang may nakasulat sa baba nito.

“Jude Dela Riva” bulong niya sa sarili.

“Ate naka graduate na ko... diba sabi mo noon... pag graduate ko... magtatayo tayo ng negosyo natin o kaya boutique.. ate eto na yun oh...” paanas niya sa sarili habang tinitingnan ang puntod na nasa kanyang harapan.

Walang magagawa ang pagiyak niya. Ilang taon ng patay ang kanyang ate. Inilapag niya ang bulaklak na dala at tinungo muli ang kotse.

Nang makapasok ay binati siya ng kanyang sekretarya, “Maam, the Albano hospital is also contacting you po from Arthur Albano daw po.. he said he wants to set an appointment with you”

“No Thank You.. Im going to baguio” pagtataray niya dito.

“But Maam, naka schedule po ngayon yung pagpunta niyo sa Pampanga for a career guidance speech”

“Cancel it.. mas importante ito”

“With all due respect Maam... baka mapasama kayo nito.. they are expecting Dr. Samantha Malvarosa to be their guest of honor”

“Do what I told you. Trabaho mo na sundin ako.. Assistant ka lang.. Boss mo ko.. Pag sinabi kong tumahol ka.. tatahol ka... Understand?”

“Noted Maam”

“Besides, I have a wedding to attend”

Mula sa kanyang bag ay kinuha niya ang kopya ng isang imbitasyon sa tinutukoy niyang kasal. Binasa niya ang unang pangalang nakita niya.

“Adrian Dela Riva” bulong niya sa sarili.

Wakas.

******

Post Note: Dissociative Identity Disorder (DID) or commonly known as Multiple Personality Disorder has been one of the most controversial subject in the field of psychology and psychiatry. Doctors are long battling if it is a legitimate factual case of disorder.

In the blockbuster flicks, the theme of MPD was used on movies like Three Faces of Eve and Sybil both depicting a true to life story of a person suffering from the said mental disorder.

I take no precision on the execution of the mental disorder in the story as it should be in real life cases and every details are work of fiction.

-Rogue Mercado

No comments:

Post a Comment