Monday, January 7, 2013

Nang Lumuhod si Father (16-19)

By: Joemar Ancheta
Blog: joemarancheta.blogspot.com


[16]
Ilang araw ang nakakaraan nang muli akong nilapitan ni Jay-ar pagkatapos ng kanilang klase. Palabas na din ako noon sa kanilang classroom.
            “Father, sandali lang po. May sasabihin ho sana ako.” Nahihiya niyang pagpigil sa akin.
            “Wala ka na bang susunod na klase?” tanong ko. Patungo kasi ako sa school canteen para mananghalian.
            “Lunch break po din namin.”
            “E, di sige sabayan mo na ako sa canteen para pag-usapan ang gusto mong pag-usapan natin.” Sagot ko.
            Nag-order ako ng pagkain. Nauna siyang nakakuha ng pagkain niya kaysa sa akin. Nakita kong nakaupo na siya sa isang bakanteng mesa sa sulok. Nang babayaran ko ang inorder ko ay sinabihan ako ng cashier na binayaran na daw ni Jay-ar ang pagkain ko. Namula ako. Hindi ko gustong estudiyante ang nagbabayad ng pagkain ko.
            “Huwag mo ng uuliting bayaran ang kakainin ko ha?”
            “Sorry ho, father. Hindi na po mauulit.” Mapagpakumbaba niyang sagot. Hindi ko narinig na nagdahilan siya. Tinanggap niya ang pagkakamali niya kung iyon ay pagkakamali para sa iba. Biglang napaisip ako. Sana katulad niya ako.
            “Anong pag-uusapan natin?”
            “Bukas po kasi Father, family day na natin. Usually, nandito si Mommy para samahan si Daddy para sa isang araw na sports and friendship day ng mga anak at mga magulang. Hindi po makaka-attend si Mommy kasi babantayan niya ang kaniyang asawang may sakit. Saka kahit man lang ngayong 4th year na ho ako ay maisama ko naman po yung isang Daddy ko para maramdaman niya naman na kahit ho ganoon sila ay proud ako sa kanila sa ibang tao. Gusto kong maramdaman nila na kahit anong mangyari, hindi ko sila ikakahiya. Kaya lang ho, noong nakaraang taon, sinubukan ko hong kausapin ang adviser ko ho at ang ating principal kung puwede hong dalawang daddies ko ang aatend pero hindi sila pumayag. Baka lang ho kasi matulungan ninyo ako this year?”
            “Napag-uusapan na rin lang kaya siguro mas mainam na maliwanagan muna ako kung ang dalawang daddies mo ba na ito ay kamag-anak mo, magkapatid, magkaibigan o mag-ano.” Hindi ko na lang muna tinumbok ang huli ko dapat sasabihin.
            “Yung isa po sa kanila ang tunay kong ama. Yung isa po ay karelasyon ni Daddy pero higit pa sa mag-ama ang turingan namin. Sorry po kung ang inilalapit ko sa inyo ay hindi normal na…”
            “Huwag mo ng ituloy, anak. Normal man o hindi normal ang tingin ng ibang tao sa ganiyang pagmamahalan ay pagmahahal parin ang puno’t dulo. Isang emosyon na kailangang ipinagdidiwang at hindi dapat ito hinahanay sa ibang nakakasamang emosyon tulad ng galit, pagkasakim at kalungkutan. Sige, andun na tayo, paano ka naman nakakasigurong matutulungan kita e bago palang ako dito sa school?”
            “Kasi ho, pari kayo. Mas maipapaliwanag ho ninyo sa kanila ang punto ko kung kayo ang kakausap. Naisip ko lang ho ito kagabi, bakit kayo, hindi niyo kami pinalalabas sa simbahan kung umaattend kami ng mass ninyo? Bakit sa school, hindi sila pinapayagan sa mga activities na ganito. Kung ang mismong bahay ng Diyos tinatanggap sila, anong mayroon ang school para pagbawalan sila?”
            Nakuha ko ang punto ng bata. Humanga ako sa kaniyang mga magulang.
            “Jay-ar, hindi ko maipapangako pero susubukin kong kausapin ang principal baka nga payagan sila kahit ngayong 4th year ka na. Kung sakali namang papayagan tayo, utang mo sa aking ipakilala sa dalawang Daddies mo ha?” biro ko.
            “Naku po. Matutuwa ho sila niyan.” Nakita ko sa kaniyang mga mata ang kakaibang saya.
            Pagkatapos naming kumain ay sinadya kong kausapin muna ang adviser ni Jay-ar. Nakita ko sa mukha ng adviser niya ang pagtataka, ako na pari ay ipinaglalaban ang karapatan ng dalawang lalaki na nagsasama. Sa takbo n gaming diskusyon, parang gusto niyang sabihin sa akin na dapat kinokondena ng katulad ko ang mga ganoong pagsasama. Ngunit madali ko siyang napapayag ‘yun nga lang ang desisyon daw ay hindi sa kaniya kundi nasa principal pa din. Minabuti kong puntahan agad ang Principal namin na siyang nakiusap din sa akin noon na magturo.
            Huminga ako ng malalim bago kumatok. Narinig ko ang pagsabi ng nasa loob ng “Come-in.”
             Si Dr. Remy de Asis ay kaibigan ng tito ko at kilala niya ang Mama ko na naging co-teacher niya noong nagsisimula palang silang magturo. Kaya magiliw niya akong bineso bago pinaupo.
            “Anong maipaglilingkod ko sa’yo Father?”
            “Tungkol ho sana sa kaso ni Orlando Benitez Jr. po ma’am. Isa sa mga 4th year students natin…”
            “Kilala ko siya Father, isa sa mga pinakamatalino nating istudiyante kaya lang, huli na ng malaman ko na dalawang bakla pala ang nagpalaki sa kaniya. Muntik na nga sana naming hindi tanggapin nitong school year kaya lang ay nagiging active naman ang Mommy niyang pumunta tuwing may school activity. At alam mo bang kinausap ako minsan ng bata na ‘yan na kung maari daw e, yung dalawang daddies niya ang pupunta sa ating family day?”
            “Iyon nga ho ang ipinunta ko dito Ma’am.”
            “Di ba nga, hindi naman puwede, kasi ang family dapat ay nanay, tatay at anak. E anong tawag mo sa kanila? Tatay, tatay at anak? Mukhang hindi naman ho yata tama.”
            “Iyon lang ho ba ang dahilan kaya ninyo hindi pinapayagan na maki-participate ang dalawang magkaparehong kasarian na makisali sa ating mga school activity? Hindi ho kaya may kinalaman ito sa hindi matanggap ng lipunan at ng simbahan na pagmamahalan ng dalawang lalaki? Sa pagkakaalam ko ho sa batas natin, hindi ho tinitignan ang sexual orientation para magkaroon ng maituturing na anak ang isang pamilya. Kung traditional family po ang lagi ninyong tinitignan, na dapat nandiyan ang nanay, tatay at anak, paano ho naman ngayon ang anak na namatayan na nang nanay o ng tatay at hindi na kumpleto pa, ang ampon lang o ang anak na pinalaki ng kanilang mga kamag-anak. Hindi ho ba dapat lahat ay binibigyan natin ng karapatan? Sa simbahan ho, hindi ko iniisa-isa o pinipili ang bawat gustong makinig sa salita ng Diyos. Wala akong karapatang husgahan kung sino ang makasalanan sa hindi. Lahat ay may pantay na karapatan makibahagi sa pagdiriwang ng panginoon kahit sino at ano ka pa.”
            “So, ang sinasabi ninyo father ay dapat nating sang ayunan ang pagkakaroon ng mga baklang magulang? Dapat natin silang bigyan ng karapatan katulad ng karapatang ibinibigay natin sa mga normal na pamilya? Parang mali naman ho yata ‘yun. Catholic school po tayo Father. Sana alam niyo iyan.”
            “Nandoon na ho tayo. Pero sino ho tayo para husgahan sila Ma’am. Kahit kaming mga pari ay hindi binibigyan ng karapatang husgahan ang kasalanan ng bawat isa sa atin. Tanging ang Ama sa taas ang may karapatang i-condemn ang bawat isa sa atin at wala tayong karapatang gawin sa kapwa natin iyon maliban na lamang ho kung naagrabyado na ho kayo sa kanilang ginagawa. Kung sa tingin ninyo ay may karapatan ho tayong singilin sila at pahirapan sa kanilang mga kasalanan, sige ho, makibahagi ho kayo sa pagpapahirap at pagtapak sa kanilang karapatang pantao ngunit hindi magiging magandang halimbawa sa mga batang tinuturuan natin na ipagkait sa mga mahal nila sa buhay ang mga karapatang maging masaya sa pinili nilang buhay lalo pa’t wala naman silang tinatapakan o sinasaktang tao. Ang ganang akin lang ho Ma’am ay igalang natin ang karapatan ng bawat tao tulad ng paggalang ng Diyos sa kaniyang mga nilikhang gawin ang kanilang maibigan sa mundo at sa oras ng paghuhukom sa langit ay hindi ho kayo ang haharap sa Diyos para sa kanilang kasalanan kundi sila ho mismo ang naroon para husgahan ng Diyos kung may nalabag man silang kautusan Niya.”
            “Sige, father. Sa inyo narin galing ‘yan. Para na din sa pagkakaibigan namin ng tito at mama mo. Kumusta na nga pala sila?” biglang nagbago ang tono niya. Hanggang ang usapan ay nauwi sa kumustahan.
          
            Araw ng Sabado. Family day. Masaya ang lahat. Minabuti kong maupo at manood sa nagkakasayahang pamilya.
            “Father Rhon,” boses ni Jay-ar galing sa likod ko. Nilingon ko siya at nakita ko ang mga pamilyar na mukha sa simbahan. “Si Daddy Lando ko ho saka si Daddy Terence.” Pakilala niya sa mga kasama niya.
            “Kumusta ho Father.” Inabot ng tinawag na Lando ang kamay ko at akmang magmamano. Hindi ako sanay. Pero hindi ko din naman binawi. Sumunod si Terence. Bigla akong parang nahiya sa kanilang dalawa at ganoon din sila sa akin. Bawat isa sa amin ay parang nakikiramdam. Nangangapa kung paano sisimulan ang isang ugnayan.
            “Kinagagalak ho namin na sa wakas nakilala na namin kayo Father.” Si Terence. “wala hong Sunday na hindi kami nakikinig sa’yo. Iba ho kasi ang mga sermon ninyo, tumatatak ang lahat ng ito aming puso at buhay. Nagpapasalamat din ho kami sa tulong ninyo na makibahagi sa family day ng anak namin.”
            “Wala ho ‘yun. Ano pa’t naging democratic country ang Pilipinas kung simpleng karapatang pantao ninyo ay hindi maibigay. Karapatan ho ng bawat isa sa ating mamuhay sa paraang gusto nila at buhay na makabibigay ng kaligayahan sa kanila.” Parang nasamid ako sa huling sinabi ko. Kung sana kaya kong i-apply iyon sa aking sarili. Sa aming lahat parang ako ang hindi mahanap-hanap ang tunay na kaligayahan.
            Ilang sandali pa at nagpaalam na sila para makiisa sa family day sa iba pang pamilya ngunit sa kanila nakatutok ang aking paningin. Masaya ang kanilang pamilya. Si Lando ang sumasali sa mga laro at si Terence ay naroon na parang nanay sa pamilya at nakaupo pero kadalasang ay napapatayo na nagchi-cheer sa kaniyang mag-ama. Pagkatapos ng bawat laro ay tumatakbo si Lando at tinatabihan si Terence. Panakaw at mabilis na pupunasan ni Terence ang pawis ng partner niya at maglalagay ng bimpo sa likod nito hanggang sa nauuwi ang lahat sa masaya nilang kuwentuhan at kulitan. Nakaramdam ako ng inggit? Kailan ba ako huling nakaranas ng ganoong kaligayahan.
            Tanghalian na noon at lahat na ng table ay okupado na ng mga pamilya na masayang nanananghalian. Nilingon ko ang table recerved for faculty pero nang papunta na ako doon ay nadaanan ko ang table ng Family Benitez.
            “Father, join us.” Si Terence. Maluwang ang pagkakangiti.
            Ngumiti din ako. Nilibot ko ang aking paningin. Nakita ko ang ibang pamilya na parang sinusukat nila ang bawat galaw ng pamilyang ito. Naroon sa mga mukha nila ang parang hindi pagtanggap at pangungutya. Dahil doon ay napangiti din ako at buong tapang at sayang tinanggap ang alok. Gusto kong makita ng lahat ng pamilyang naroon na kahit pari ako ay hindi ko sila kinokonsiderang makasalanang pamilya o kaya abnormal na pamilya.
            “Father, hindi ho namin alam kung paano ka namin pasasalamatan sa tulong mo. Napakasaya po namin na kahit ngayong 4th year lang ni Jay-ar ay maranasan namin maging magulang niya kasama ng iba pang normal na pamilya. Saka salamat din po Father na kahit alam kong tinututulan ng simbahan ang ganitong pagsasama ay hindi kayo nakiisang iwasan o kaya ay pandirihan ang katulad namin.” Nakangiting tinuran ni Lando.
            “Unang-una, kinagagalak kong matulungan ang katulad ninyo, totoong alagad ako ng simbahang lumalaban sa same sex marriage pero hindi ako nakikisama sa krusada dahil sa kadahilanang higit at inuuna kong tinitignan ang bumubuo sa union ng dalawang tao na kasangkot sa ganiyang pagsasama. Para ako sa pagmamahal at hindi sa pagpapahiwalay. Maaring hindi ako maintindihan ng simbahan sa ginagawa kong ito ngunit gusto ko lang din maglingkod sa alam kong hindi lang ikabubuti ng karamihan kundi para din ako sa iilan na sa tingin ko naman ay hindi nagiging kasamaan ang dinudulot sa lipunang ating ginagalawan.”
            “Masyadong seryoso ang usapan.” Si Jay-ar. “Dad, nakita mo yung sigaw ni Daddy Terence kaninang halos matalo tayo? Bigay na bigay! May kasama pang tili at sayaw noong nakita niyang nanalo tayo.” Humagalpak ng tawa ang mag-ama.
            “Nahiya nga ako bigla. Pakiramdam ko nasa bahay lang ako kanina tapos nung nahimasmasan ako, nakatingin ang mga kasamahan kong ginang sa akin. Naloka siguro sila sa kakaiba kong sigaw. Nangingibabaw at hindi makasingit ang Maria Clara nilang cheer. Galing kaya ng mag-ama ko. Naku dapat pala gumawa ako ng pompoms.” Tuwan-tuwa si Terence na sinagot iyon at nakita ko ang bahagyang pagsiko ni Lando sa partner niya saka ako inginuso.
            “Naku , huwag ninyo akong intindihin. Ang totoo niyan natutuwa ako sa inyo.” Sa totoo lang ay hindi lang ako natutuwa. Pinupunit ng pamilyang ito ang aking puso. Sumisibol ang isang pagsisisi sa aking puso. Kung naging totoo lang ako.
            Sa hapon habang naglalaro ang mag-amang Lando at Jay-ar ay nagkatabi kami ni Terence.
            “Alam mo Father? Marami din kaming pinagdaanan ni Lando bago naging maayos ang aming pagsasama. May naibuwis na buhay, sumalangit po sana ang kaluluwa ni JC, na pati ang buhay ni Jay-ar ay naipahamak ko. Umabot na nasa bingit nang kamatayan si Lando bago ko naisip ang mga maling pananaw ko sa pag-ibig. Umiiwas akong harapin ang bawat pagsubok sa amin. Tinatakasan ko. Iyong sumusuko na hindi pa sumusubok dahil lagi kong inuunahan ang isang bagay na hindi pa man nangyayari. Naglihim ako sa kaniya sa mga bagay na dapat sana ay siya ang unang makakaalam. Mahirap ang tumatakas lang lagi kasi sa tuwing pagtakas mo sa tunay na sinisigaw ng puso mo, lalo mong ipinagkakait ang sarili mong maramdaman ang tunay na ligaya at kung darating yung araw na pakiramdam mo hindi ka na masaya sa kasalukuyang buhay mo ngayon, maaring may nagawa kang desisyon na bumabalik-balik sa iyo hanggang sa tuluyan ka ng lalamunin nito na pagsisihan mo sa mga panahong huli na ang lahat at wala ka ng magagawa pa para ayusin ito. Ang pag-ibig pala father, ay hindi basta-basta pinamimigay o tinatakasan kung darating ang pagsubok dahil mas kailangan itong ipaglaban at handa mong isugal kahit sa panahong alam mong huli mo ng braha ang itataya mo. Ang pag-ibig ang isang emosyon na dapat ipinaglalaban sa bawat araw na ginawa ng Diyos, hindi ang galit, takot, pride o kaya ng pagkamakasarili. Huwag sana tayong matakot na masaktan dahil laging kaakibat iyan ng pagmamahal. Huwag tayong dapat agad sumusuko kung nasa puso pa natin ang taong ipinaglalaban.”
            “Wow. Hindi ko alam na ganoon ang pinagdaanan ng pagmamahalan ninyo.”
            “Pasensiya ka na father. Hindi ko dapat sinasabi ang mga bagay na kanito sa iyo bilang paggalang sa bokasyon ninyo. Patawarin ho ninyo ako.”
            “Huwag kang humingi ng tawad. Wala kang nasabi o nagawang hindi ko nagustuhan?” Sa totoo lang ay bawat katagang binitiwan ni Terence ay tumutupok sa aking pagkatao. Pinasok nito ang bawat bahagi ng aking sistema na siyang nagdala sa akin sa isang realization sa buhay. Napakarami ko ngang maling desisyon at hindi ko alam kung paano ko haharapin at aayusin ang bawat detalye. Mukhang napakarami ko ng nagawang pagkakamali, mga nasaktang tao at hindi ko na basta maitatama sa ngayon. Yumuko ako. Kinahihiya ko ang pagkapari ko sa kaharap kong tao na natagpuan ang totoong kaligayahan sa buhay na kaniyang pinili.
            Nang magpaalam sa akin ang pamilya Benitez ay hawak ni Jay-ar ang trophy dahil sila ang may pinakamaraming napanalunan sa sports. Nasa mukha nila ang hindi maipaliwanag na saya. Ang hindi nila alam ay nag-iwan sila ng mas malaking gantimpala sa akin, higit pa sa hawak ni Jay-ar na tropero.
            “Father, sana ho madalas ka na namin ngayon makasama. Isang araw po imbitahan ka namin sa bahay. Kung gusto ninyong magliwaliw, maganda ho sa farm para matanggal ang stress ho ninyo. Open po kayo sa amin, Father at sana po maging simula ho ito ng isang pagkakaibigan. Iyon po ay kung karapat-dapat po kaming maging kaibigan ninyo.” Muling gustong kunin ni Lando ang kamay ko para magmano ngunit tinanggap ko iyon para sa isang mainit na pakikipagkamay. Nagkamayan din kami ni Terence at alam kong sa kaniya ako maraming matutunan sa buhay. Alam kong sila ay magiging malaking bahagi para mahanap ko ang tunay na kapayapaan sa aking sarili.

            Inaamin ko, pari na ako ngunit hindi ko parin nahahanap ang tunay na kaligayahan at katahimikan. Hindi ko alam kung paanong nakakaya ng mga ibang pari ang magsilbi sa Diyos na walang isang minamahal  at nagmamahal sa kanila, pero para sa akin, sana ay hindi ko na tinapos ang pagpapari dahil hindi ko natagpuan ang tunay na saya sa pinili kong bokasyon. Hindi ko natagpuan ang tunay na katahimikan ngunit napipilitan na lamang akong gawin dahil sa mga kamag-anak, kaibigan at kakilala na naniniwala sa aking busilak na kalooban, maka-Diyos na pananaw sa buhay at ang paring tumutulong na ipagdasal sila sa kanilang mga kasalanan.
                Sa kumbento ko lubusang naramdaman ang pangungulila at ang sobrang pangangailangan. Naging malungkot ang buhay ko na inakala kong ang pagpapari ang maging susi sa matagal ko ng hinahanap na saya. Ngunit anong saya nga naman pala ang maibubunga ng hindi bukal sa kalooban ang tunay na dahilan ng pagpapari. Kung sa una pa lamang ay alam mong hindi iyon ang tawag para sa iyo. Nagkamali ako ng desisyon, pinagsisihan ko ang isipin ang “sila” muna bago ang “ako”. Ngayon ay mas lalo akong nawala dahil sila ang pinili kong magpatakbo sa buhay ko imbes na sana ay ako para sa kanila. Kung sana nakinig ako noon sa paliwanag ni Aris at naghintay parin ako sa kaniyang tuparin ang kaniyang mga pangako. Kunsakaling ginawa ko ang sinabi ni Terence na ipaglaban at huwag takasan ang mga hamon sa pagmamahalan, nagkaroon kaya ng happy ending ang buhay ko? Kung hindi lang ako sana ako naging sobrang  close minded, malayong pipiliin ko ang buhay ng isang pari na hindi naman naging bukal sa kalooban ko.
Naging regular akong bisita ng Benitez family. Maituturing kong sila ang pangalawa kong pamilya. Ako ang saksi ng masayang pagmamahalan na hindi na tinitibag ng kahit anong pagsubok sa darating sa kanilang buhay. Nalaman ko ang buong kuwento ng pagmamahalan nila. Mas lalo kong hinangaan si Lando ngunit sa huli ay naintindihan ko ang lahat ng ginawa ni Terence. Hindi kasi malayo sa mga nagawa ko ang kaniyang mga nagawa ngunit mas marami akong dapat harapin at ayusin. Ang kaligayahan nilang iyon ang unti-unting nag-iin-in sa kagustuhan kong balikan at harapin ang aking nakaraan. Naging bukas na aklat ang buhay ko kay Lando at Terence at nakahanda naman nila akong suportahan ako sa mga desisyon kong gagawin.
“Hindi mo maayos ang buhay sa mga pagtakas. Wala kang mararating kung ang bawat nasimulan mo ay tinatapos mo ng pagtakas lang. Father, subukan mong balikan ang iyong nakaraan. Baka sa pagbabalik mong iyon ay maiayos mo ng mahusay ang takbo ng iyong buhay. Magsimula ka sa pinakaugat. Alam kong mahirap ngunit sa tingin ko, doon mo lang din mahahanap ang tunay na kapayapaan ng puso mo at isipan. Maaring hindi na magiging kayo ng mga nakaraan mo, ang importante ay may kapatawaran at tamang closure ang lahat.” payo sa akin Terence. Sana nga pala nagpalit na lamang kami ng posisyon. Mas marami akong napupulot na aral sa buhay sa kaniya. Ngunit sino ako para kontrahin siya’t hindi paniwalaan, lalo pa’t nakikita ko sa kaniya ang buhay na gusto kong sana magkaroon ako. Ang buhay na sana ay mayroon din ako kung hindi lang ako naging makasarili at mapagmataas.
Isang taon pang muli ang matuling nagdaan at tuluyan ko nang inihanda ang sarili kong balikan ang bawat yugto ng aking buhay. Magsisimula ako kay Aris. Kung hindi man magiging kami ay mabuti na ngang makausap ko siya. Malaman ang gusto sana niyang ipaliwanag sa akin. Sa haba ng taong hindi kami nagkita. Nakahimlay sa puso ko ang pagmamahal ko sa kaniya. Mahal na mahal ko pa din siya ngunit alam kong hindi ko kailangang mag-expect para hindi lang ako lalong masasaktan. Hahanapin ko siya. Sisimulan ko ang lahat sa isang pagkakaibigan at bahala na kung saan mauuwi ang lahat. Alam kong maiintindihan ako ng Diyos.

[17]
“Pasensiya ka na pero wala na sila dito sa bahay, Father. Sa ngayon, nasa ibang bansa sila.” Bungad iyon ni Sir Vic ang tatay ni Angeli.
Humugot ako ng isang malalim na hininga.
“May contact number ho ba sila doon o kahit address man lamang?” sa tulad kong determinadong mahanap ang lalaking una kong minahal ay hindi na ganoon basta na lamang sumusuko.
“Hindi ko sa iyo maibibigay, Father. Maaring pagkakataon na lamang ang makapagsasabi kung magkikita pa kayo. Tahimik na ang buhay nila ngayon. Hindi sa sinasabi kong makakagulo ho lamang kayo pero sana hayaan na din sana muna natin sila.”

Kahit iilang minuto palang ako sa bahay nila ay gusto na nilang tapusin ang aking pakikipag-usap. Umalis akong bigo at nasaktan. At mula no’n hindi ko na binalak pang hanapin o kahit magtanong tungkol sa kaniya. Masakit man pero ang tanging nagawa ko ay magdasal na saka kung nasaan man si Aris ngayon ay magiging masaya na siya sa buhay na pinipili niya at napatawad na rin niya ako sa ginawa kong pagtalikod at pag-iwas sa kaniya noon. Ngayon, kung muli kong babalikan ang mga sandaling nakikiusap siya sa akin, alam kong hindi siya nagkulang na paliwanagan ako, nasa akin gang pagkukulang dahil hindi ako marunong makinig. Inuna ko ang galit at pagiging mapagmataas. Sana napatawad na din niya ako.

Ilang taon din muna akong nagpahinga. Pinilit kong ituon sa simbahan ang puso ko at isip. Kailangan kong magfocus para malaman kung ito nga ba ang talagang buhay na gusto ko hanggang sa tuluyan akong tumanda. Naging routinary ang buhay. Tuwing araw ng Linggo ay abala ako sa pagmimisa sa ilang mga barangay sa aking nasasakupang parokya. Tuwing Lunes hangang Biyernes ay abala sa pagtuturo at sa araw ng Sabado ay nakakasama ko pa din ang Benitez Family.  Sa tuwing nakakasama ko ang pamilyang ito ay mas lumalabas yung kagustuhan kong mamuhay ng katulad nang sa kanila. Lalo akong naguluhan at ngayon ay hindi ko na talaga alam kung saan ang tatahakin kong landas ngunit alam ko, sa puso ko, sa landas na tinatahak nina Lando at Terence ang gusto kong sundan ngunit mukhang huli na ang lahat. Patawarin sana ako ng Diyos dahil hindi ko na talaga alam ang aking ginagawa. May manaka-nakang kasal, binyag, pagdarasal sa may sakit at libing din akong pinagkakabalahan. Ayaw kong mamatay na dito palang sa lupa ay dati na akong parang walang kabuhay-buhay. Ayaw kong mamatay na hindi ko naayos ang mga gusot sa aking nakaraan. Mga tinakasang akala ko tuluyan kong maibaon sa limot sa pagdaan ng panahon ngunit hindi pala ganoon kadali ang lahat lalo na kung wala talagang closure na nangyari.
 Isinunod kong hanapin si Alden. Nakahanda na ako noong isuko ang pagkapari kung yayain niyang magsama kami. Hindi na talaga ako para sa bokasyong iyon. Tama si Alden, hindi para sa katulad namin ang pagpapari. Nakinig ba ako sa kaniya noon? Hindi dahil mas inuna ko ang sasabihin at kagustuhan ng aking pamilya. Naroon ang saya ko noon sa dibdib. Yung saya na alam kong may taong tatanggap parin sa akin na kahit nagkamali ako sa ilang desisyon sa buhay. Tanggap kong isang malaking pagkakamali ko ang pagiging pari dahil lalo akong nasasadlak sa kasalanan habang tumatagal. Para kasi akong may hinahanap. Parang hindi nagiging buo ang aking pagkatao. Utak ang ginamit ko kaya ako naging ganap na pari ngunit hindi ang buong pananampalataya, puso at kaluluwa. Sa haba ng panahon ay hindi parin nawala sa puso at isip ko ang pagmamahal sa aking nakaraan. Sinikap kong supilin ang lahat. Ginusto kong labanan ang lahat ngunit sadyang marupok ako at alam kong hindi ako kailanman magiging karapat-dapat na maging isa sa bokasyong pinili ko.
                Iba na ang bahay na nadatnan ko sa dating bakuran nina Alden. Isang bago at malaking bahay at magarang bakuran. Nakilala ko ang nanay niya na noon ay dinidiligan ang kaniyang mga orchids sa tapat ng magarbo nilang bahay. Apat na taon sa seminary at limang taon sa labas…siyam na taon na pala kaming hindi nagkikita ni Alden at ito na ang bunga ng kaniyang pagsisikap. Isang maaliwalas na buhay.  Samantalang ako ay isang paring hindi mahanap ang tunay na gusto sa buhay. At noon ay 33 na ako ngunit hindi ko parin alam kung saan ako patutungo. Kung anong klaseng buhay ang gusto ko. Isa akong kaluluwa na nawawala dahil hindi ko alam ang talagang gusto kong gawin sa buhay. Umabot ako sa edad na ganoon na walang direksiyon.
Nalaman ko sa nanay ni Alden na nagtapos siya ng Electrical Engineer at nasa Dubai na siya ngayon at sa isang magandang company. Kaya daw nabago ang buhay niya at nakatapos ang lahat ng kapatid ng dahil sa kaniya. Masayang-masaya ang nanay niyang nagbalita at alam ko na naging matagumpay siya sa pinili niyang buhay. Ang tuwang nakita ko sa mukha ng nanay niya ay katulad ng tuwang nakikita ko kay Papa kapag pinapakilala niya ako sa kaniyang mga bisita. Ang anak kong pari. Alam kong masaya siya at pakiramdam niya ay nagtagumpay siya sa akin ngunit ako, hindi ganoon ang pakiramdam ko. Alam kong nabigyan naman ako ng pagkakataong pilin ang buhay na gusto ko ngunit hinayaan kong sundin sila at nagpadala ako sa galit ko kay Aris. Maling desisyon na saktan din siya. Ginamit ko ang pagpapari para maghiganti kay Aris at para din sundin ang pangarap ng pamilya ko sa akin. Nang hiningi ko ang address at celphone number ni Alden ay ibinigay naman sa akin ng nanay niya.
Ang naging problema nga lamang ay kay Alden. Hindi niya sinagot lahat ng sulat ko. Sibukan kong kontakin ang binigay ng nanay niyang number. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang naririnig kong tumutunog na sa kabilang linya. Nakapalakas ng kabog ang aking dibdib. Natututyo ang aking lalamunan. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko.

“Hello” sagot ng nasa kabilang linya.
Sinubukan kong mag-hello din pero walang lumabas na boses sa aking bibig.
“Hello, sino ‘to?” ulit ng kabilang linya. Napansin kong ibang boses. Pero sa siyam na taon nagbabago ba ang boses? O iba lang ang boses ni Alden sa telepono. Buo at lalaking-lalaki ang boses ni Alden, hindi katulad nito na medyo malamya at husky pa.
“Hello! Hello!” mukhang medyo irita na ang nasa kabilang linya.
“Hello.” Sa wakas ay naisagot ko. Hinugot ko ang isang malalim na hininga para mabawasan ang nararamdaman kong kaba.
“Sino sila?”
“Si Rhon po ito. Puwedeng makausap si Alden, Alden Mendoza.”
“Tulog siya, tumawag ka na lang after 3 hours.” Sarkastikong sagot nang nasa kabilang linya.
“Sige ho, salamat po. Pakisabi na din lang po tumawag ako.” Magpapaalam pa sana ako nang naputol na ang nasa kabilang linya.
Naisip ko, sino ang lalaking iyon at anong karapatan niya para sagutin ang tawag ni Alden? Nakaramdam ako ng kakaibang takot ngunit naisip ko kailangan ko ng positive outlook sa buhay. Iniwasan ko munang mag-isip ng kahit ano. Nakatagal kong hinintay ang tatlong oras. Muli akong nag-dial.
Pangatlong ring sa kabilang linya ay may sumagot na naman ngunit parehong boses ng lalaking nakausap ko kanina.
“Rhon po uli sir.” Pagpapakilala ko.
“Rhon…Father Rhon, right? Father, pasensiya ka na pero sana ito na ang huling tawag mo. Pasensiya ka na talaga, Father. Sana maintindihan mo.”
Pinutol na niya ang linya. May diin ang pagbitaw niya sa akin ng father. Nakaramdam ako ng kahihiyan. Nasaktan ako noon. Lalong parang nasira ang buhay ko. Ansakit-sakit na ginawa ko ang lahat para mahanap ang mga taong bahagi ng aking naraan ngunit bigo ako. Ganito ba ang naramdaman nilang sakit ng didbdib noong nabigo ko din sila? Bakit dalawa silang parang nang siyang interes pang makibalita tungkol sa akin. Kahit man lang sana kaibigan o kahit kakilala na lang ang turing.
Binago na ba sa silaw ng tagumpay at salapi sina Alden at Aris?
              
             Isang taon pa ang nakaraan at tuluyan ko ng nilisan ang lugar nina Terence at Lando para magsilbi naman ako sa ibang parokya.
            “Huwag mo kaming kalimutan, Father. Mamimiss ka ho namin.” Niyakap ako ni Terence.
            “Pasyal ka dito ng madalas father ha. Parang kulang na ang araw ng Sabado namin ngayon.” Dagdag ni Landon a maluwang pagkakangiti.
            “Naku father, mas malapit na si Jay-ar ngayon sa lilipatan ninyong lugar. Graduating na siya ng Engineering. Napakabilis ng panahon ano ho?” si Terence muli.
            Madalas pa din naman ako bisitahin ni Jay-ar noon sa kumbento kasama ang barkada niyang si Jacko at ang girlfriend niya. Sila na din lang ang parang nagbibigay sa malungkot kong buhay sa loob ng simbahan ngunit madalas sa farm nila ako naglalagi. Napakalaking bahagi sila ng buhay ko dahil ang pamilyang ito ang tuluyang nagbukas ng aking puso at isip. Si Terence ang malaking salamin ko para makita ang kabuuan kong hindi ko nakita noon.
            “Higit sa lahat father, subukan mo paring sundan ang tinutibok niyan.” Itinuro niya ang puso ko. “Madalas diyan mo nahahanap ang tunay na kaligayahan kaysa ang sundin iyan.” Tinuro niya ang utak ko. Alam kong tama siya. Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa ating puso.
            Isang mahigpit na yakap ang ipinabaon nila sa akin ngunit alam kong hindi iyon ang huli naming pagkikita. Babakasyon ako sa kanila kahit minsan sa isang buwan o minsan sa tatlong buwan. Hindi sila maaring mawala sa aking buhay.
Nadestino na ako sa ibat-ibang lugar ngunit parang sinasadya ng pagkakataon na nitong huli ay sa Mabalacat, Pampanga pa ako nadestino. Isang araw ay muli kong tinignan ang listahan ng mga magpapakasal sa isang buong buwan na iyon ng May. Nakita ko ang pangalang Engr. Alden Mendoza. Para akong nanghina. Nabigla ako tulad nang pakabigla ko noong makita ko si Aris na ikakasal na din. Ang Parish assistant ko ang nag-conduct ng canonical interview at pre-marriage seminar sa kanila. Sa kasal ko na lang nakikita ang mga ikakasal. Hindi katulad sa pinanggalingan kong parokya na ako lahat ang gumagawa. Dito sa Pampanga binigay ang sa akin ang ceremony of marriage at sa parish assistant ang para sa preparation. 
Sigurado akong siya na iyon. Ang nakalimot kong nakaraan. Sa dinami-dami pa ng pari at simbahan ay sa akin pa naisipan ni Alden magpakasal.  Gusto ba niyang ibalik sa akin ang sakit na ginawa ko nang pinili ko ang pagpapari kaysa sa pagmamahal ko sa kaniya? Gusto kong tumanggi ngunit naroon na ako.
May kumatok sa aking opisina. Ang aking assistant. Gusto daw akong makausap ng mga ikakasal.
Pagpasok nila ay para akong sinasaksak sa dibdib. Pinagpawisan ako kahit malamig ang buga ng aircon. Sinikap kong maging maayos kahit nanginginig ang aking buong katawan. Mapait na ngiti ang isinalubong ko. Gustuhin ko mang tumayo at kamayan sila ngunit hindi ko magawa. Akala ko pilat na lamang ang pagmamahal ko sa kaniya pagkatapos kong masaktan ngunit nang makita ko siya kasama ang mas bata niyang magiging asawa ay may kung anong hapdi akong naramdaman.
“Father Rhon, kumusta na po.” Bungad ni Alden sa akin. Maayos ang kaniyang pagkakangiti. Gusto ko siyang yakapin dahil sabik din naman akong makita siya ngunit hindi iyon tinatawag ng tamang lugar at pagkakataon. Nanginig ang kamay ko ng tanggapin ko ang pakikipagkamay niya.
“Si Daisy ho, Father, ang mapapangasawa ko.” Pakilala niya sa mapapangasawa niya. Inabot ko ang mga kamay ni Daisy at alam kong ramdam nito ang panginginig at lamig nito.
Nagkatinginan silang dalawa. Nakatingin din ako sa kanila. Nang mahimasmasan ako ay naisip kong hindi ko pa pala sila napapaupo.
“Umupo kayo.” Bigla kong tinuran. Napangiti sila.
“Daisy, si father Rhon pala ay kakuwarto ko at kaibigan noong nagseminary din ako.”
Simpleng pakilala. Kakuwarto at kaibigan lang. Ano naman ang aasahan ko? Sabihing karelasyon ko siya sa loob?
Ang usapan ay napunta sa kanilang preparation sa gaganaping kasal. Halos wala akong naintindihan sa mga sinasabi nila. Minsan nga tinatanong na pala ako ay hindi pa ako sumasagot. Hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko na ang lalaking minahal ko noon at ngayon ay ako ang magkakasal sa kaniya. Paano ko kaya kakayanin ang lahat ng ito? Bakit ako pinaparusahan ng ganito?
Nagpaalam sila na parang wala akong naintindihan. Alam kong halata nila na nawawala ako sa aking sarili. Nasaan ang pagkapropesyonal ko sa bokasyong napili ko nang pagkakataong iyon? Hinigop lahat ng emosyon ko ang dapat ay tibay ng aking utak.
Pagkaraan ng dalawang araw mula nang binisita ako ni Alden at Daisy ay muli siyang bumalik sa akin. Siya lang mag-isa. Nakaramdam ako noon ng kaunting pag-asa at kasiyahan.
                “Kumusta, anong nangyari sa iyo?” tanong ko sa kaniya. Niyakap ko siya tanda ng aking pagkasabik sa matagal na panahong hindi kami nagkita. Siya man din ay napayakap sa akin ng mahigpit na mahigpit. Napapatawa kami habang ginagawa namin iyon. Para kasing lahat ng mga nangyari sa nakaraan ay nagsibalikan at ngayon nga ay parang nabibigyan na ng pagkakataong madugtungang muli.

Naroon man ang pait ngunit alam kong wala na akong karapatan pa siyang sumbatan kung bakit siya mag-aasawa. Kailangan kong  tanggapin ang katotohanang pari na ako at siya ay may sarili na ding buhay na kailangang harapin. Pinagmasdan ko siya. Pumuti pa siya lalo at halos walang nagbago sa kaniyang mukha maliban sa ilang hibla ng guhit sa noo at baba ng mata. Tumaba siya ng bahagya dahil siguro sa ibang takbo ng buhay sa Dubai.  Sa edad niyang 38 katulad ko ay mas bata siyang tignan sa tunay niyang edad.
                 “Heto, napilitang mag-asawa.” Mapakla niyang sagot.
                “Paanong napilitan? Hindi mo siya mahal?”
                “Gusto ko siya ngunit may mahal akong iba. Ang ibang iyon ay gusto kong makasama habang buhay. Hindi ko alam Father kung paano ko lolokohin ang sarili kong ikasal sa babae ngunit may iba akong mahal na gustong makasama habang-buhay.”
            “Naguguluhan ako. Gusto mo si Daisy ngunit may mahal kang iba at iyong mahal mo na iyon ang gusto mo sanang makasama habang buhay?”
            “Gano’n nga Father. Inulit nga lang ninyo ang sinabi ko.” Napangiti siya.
                Hindi ako nakapagsalita. Para akong nabuhayan ng pag-asa. Ako parin ba ang tinutumbok niyang gusto niyang makasama habang-buhay? Hindi ko alam kung papayag akong magiging kabit niya.  Biglang nangarap na naman ako sa magiging kinabukasan...mag aasawa siya dahil gusto niya ng pamilya at iyon lang ang habol niya. At ako, dadalawin niya ako paminsan-minsan o magsasama kami at tuluyan ko ng iwan ang pagkapari dahil patuloy lang akong nagkakasala habang naninilbi sa bahay ng Diyos. Kinalabutan ako sa naisip ko ngunit magagawa ko kaya ang pangarap na iyon? Kung magagawa ko iyon, bakit hindi ko na lang noon ginawa kay Aris? Bakit ngayon pa na kung kailan pari na ako.
                “Iyon nga ang ipinunta ko dito. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung tama itong ginagawa ko ngayon. Gusto ko ang mapapangasawa ko pero hindi ko siya mahal.” Bigla akong bumalik sa katinuan.
                Parang hindi na ako makapaghintay na sabihin niyang mahal na mahal parin niya ako at kaya siya ngayon nagdadalawang isip na ituloy ang kasal dahil sa akin. Nangilid ang luha ko. Parang napakatagal nang panahong hindi ko naramdaman ang pakiramdam ko ngayon. Parang napakatagal ng panahong hindi nagising ang kasiyahang namumuo sa dibdib ko. Totoong hindi siya sa akin nagbitiw ng pangako pero narito siya ngayon sa harapan ko. Ang taong minsan ay binigo ko at pinili ang pagpapari ay nasa harapan ko ngayon at bumabalik. Hindi ko man hinintay na mangyari ang sandaling ito ngunit nagbigay ito ng kakaibang ligaya sa akin. Isang pangarap na nagkakatotoo. Hindi pa naman sila kasal ni Daisy. May magagawa pa ako para hindi na mas malaking kasalan ang papasukin ko. Patawarin sana ako ng Diyos sa ginagawa kong ito. Sana ito na ang katahimikan at kaligayahang hinahanap ko.
               “Hindi ka naman yata nakikinig sa sinasabi ko.”
                Bumalik ako muli sa aking katinuan. Ngumiti ako.
“Ano nga pala iyong tinatanong mo?”
“Tinatanong ko kung kailangan bang magkapamilya ang tulad ko..yung ano..alam mo na…” nahihiya pa niyang pag-amin sa tunay niyang pagkatao.
“Madami naman ang tulad mo o tulad nating pumasok sa pagpapamilya. Hindi ko alam kung paano nila iyon nasisikmura o paano sila nagiging tapat sa asawa nilang babae. Ngunit kailangan lamang na sa una pa lamang ay magkausap kayo ng asawa mo tungkol sa pagkatao mo. Kung tanggap ka bilang ganyan, hanggang saan ba ang kaya niyang tanggapin, ang pagkatao mo lang ba bilang bakla o kasama na iyon ng ginagawa ng isang bakla. Kung tanggap niya ang iyong pagiging bakla, kaya din ba niyang balewalain ang pagkakaroon mo ng lalaki.” Gusto kong isingit angmagiging tungkol sa amin. Kung itutuloy niya ang pgapapakasal, dapat matanggap ni Daisy ang pagpasok ko sa kanilang buhay.
 “O kung hindi naman, puwedeng ikaw din ang mag-adjust, kung mag-asawa ka ba, kaya mo bang tiisin ang pagiging bakla at ibuhos ang buong panahon sa asawa mo at hinding-hindi ka na magkakaroon ng lalaki sa buhay mo.” Kahit papaano ay kailangan ko ding maging fair sa pagbibigay sa kaniya ng option.
“Kung sa mga isyung iyon ay hindi niyo maresolba ngayon pa lamang, mas mainam na huwag ng ituloy ang pag-aasawa dahil sasabihin ko sa iyong mas magiging magulo lamang ang sitwasyon ninyong dalawa. Hindi na kayang sabayan ng simbahan ang mga ginagawa ng mga tulad natin ngayon. May mga asawa pero may hawak na kabataang lalaki. Ang ilan naman ay nagkakaroon ng anak at hindi pinapakasalan ang babae dahil anak nga lamang ang habol nila.”
“Tama ka, naisip ko na rin iyan kagabi. Gusto ko lang din kasi marinig ang sasabihin mo kung tama ako sa desisyon ko. Nag-usap kami ni Daisy kagabi, yung mapapangasawa ko at hindi daw niya tanggap ang tulad ko kung hindi ko magawang itigil ang pagkakaroon ko ng karelasyong lalaki. Hindi ko naman magagawa iyon. Kaya sinabi kong bigyan niya ako ng sapat na oras para makapg-isip. At ngayon, desidido na ako.”
“Desididong ano?” nakakaramndam na ako ng tagumpay. Nagsisimula na talagang mabuo at mabigyan ng katuparan ang kanina’y imposibleng pangarap
Desidido na akong hindi ituloy ang kasal.”
Huminga ako ng malalim. Parang nabunutan ako ng tinik. Kung ganoon, ako parin ang nagwagi sa puso niya. Hindi ko maitago ang aking saya.
“Handa kong talikuran ang pagpapari. Matagal ko ng hinintay ito. Matagal ko ng gustong bumalik ka sa buhay ko.”
Napatingin siya sa akin. Nagulat siya sa sinabi ko. Yumuko siya.
“Anong sinasabi mo, Father?”
“Ako? Hindi ba ako ang gusto mong mahalin at makasama habang buhay?” panigurado ko.
“Hindi ho Father Rhon. Nasa labas siya ngayon. Ipapakilala sana kita sa kaniya pagkatapos ng pag-uusap natin ngayon.”
Dumilim ang pangingin ko sa narinig ko. Parang hindi ako makagalaw sa pagkapahiya, pagkabigo at pagkagulat.

[18]
“Handa kong talikuran ang pagpapari. Matagal ko ng hinintay ito. Matagal ko ng gustong bumalik ka sa buhay ko.”
Napatingin siya sa akin. Nagulat siya sa sinabi ko. Yumuko siya.
“Anong sinasabi mo, Father?”
“Ako? Hindi ba ako ang gusto mong mahalin at makasama habang buhay?” panigurado ko.
“Hindi ho Father Rhon. Nasa labas siya ngayon. Ipapakilala sana kita sa kaniya pagkatapos ng pag-uusap natin ngayon.”
Dumilim ang pangingin ko sa narinig ko. Parang hindi ako makagalaw sa pagkapahiya, pagkabigo at pagkagulat.

“Siya? Ibig sabihin…hindi ako?” gusto kong makasiguro.
“I’m sorry. Matagal nang tapos ‘yung sa atin. Nang nagpaiwan ka seminary at pinili mong manatili sa pagkapari, hindi mo alam kung ilang buwan kong iniyak lahat ng iyon. Naghintay ako.  Kahit alam kong nakapagdesisyon ka na nang iniwan kita, umasa parin ako na susundan mo ako sa labas at ipagpatuloy natin ang ating pag-iibigan. Kaso naghintay lang ako sa wala. Muli akong nabigo. Napakasakit no’n iyon. Hindi na kita pinilit lumabas noon dahil ayaw kong magsisi ka na ako ang pinili mo dahil wala naman akong yaman na puwedeng ipagmalaki sa iyo kaya dadaan at dadaan muna tayo sa kahirapan. Masakit sa aking tuluyan kang kalimutan. Hindi ko kayang umasa at maghintay sa taong alam kong may iba ng tinatahak na landas. Hindi ko kayang karibalin ang Diyos. Akala ko, masaya ka sa pinili mong buhay. Si Jasper, siya yung tumulong sa akin para makalimutan ka. Siya ang nagbigay sa akin ng panibagong pag-asa at pagmamahal. Nasa labas siya ngayon at hinihintay ako. Nang una, akala ko hindi niya ako mamahalin. Akala ko hindi ko siya mapapatino ngunit sa pagdaan ng araw, ang tao palang naglalaro sa buhay kung siya ay tumino ay daig pa ang santong maginoo.”
“Jasper? Saan mo siya nakilala?” bigla kasing parang naalala ko sa kuwento sa akin ni Terence ang pangalang Jasper na siyang nagkumbinsi sa kaniya para baguhin ang hitsura nito. Nakita ko na ang Jasper na iyon sa mga pictures ng Family Benites. Guwapo nga ito. Matangkad, maputi at maganda ang katawan ngunit sana nagkamali ako sa hinala ko.
“Nakilala ko siya sa Dubai. Doon na din nabuo ang relasyon namin.” sagot niya pero halata sa mukha nito ang pagtataka kung bakit siguro iyon kaagad ang tinanong ko.
“Sa Dubai?” baka nga siya. Si Jasper na kaibigan ni Terence at ang Jasper na ipakikilala niya sa akin ay iisa. Ngunit minabuti kong huwag na lang kompirmahin. “Paano ako, Rhon?” sa matagal na panahon ay muling tumulo ang luha ko. Wala akong ibang masabi kundi ang linyang “Paano ako… paano na ako ngayon?”
“Paano ka? Ikaw si Father Rhon. Isang kagalang-galang na pari. Di ba iyan ang buhay na pinili mo? Father Rhon naman. Dapat tanggap mo na na nang pinili mo maging pari, lahat na ng mga makamundong kaligayahan ay tuluyan mo ng talikuran. Anong paano ka e, alagad ka ng simbahan. Di ba dapat ikaw ang gumigising ngayon sa akin spiritually? Sana nga ikaw ang nagbibigay sa akin ng mas malalim na payo ng kabuuan ko.”
Napahiya na kung napahiya ngunit tuluyan ng gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko lahat ng mga iniwan ko at tinakasan kong pintuan ng aking iniwang bukas sa nakaraan ay tuluyang nagsara nang sinubukan kong balikan. Wala na akong babalikan. Wala na pala akong aayusin. Huli na ba ang lahat?
“Mahal mo pa ba ako, Den?” nagsusumamo ang boses ko.
“Ano ba ‘yang tanong mo, Father Ron. Naririnig mo pa ba ang sarili mo? Nagtatanong ka ng isang tanong na dapat ay noong nakaraan pa natin binigyang linaw. Father, wala akong ibang minahal noon kundi ikaw. Pero noon iyon, Father. Alam mo kung paano kita minahal. Sobrang minahal kita ngunit ang taong nasaktan at umasa, nagbabago ang kaniyang damdamin. Nakakalimot hanggang tuluyang gustong ayusin ang sarili sa pagkadapa. Hindi lahat ng pagmamahal ay nananatili sa habang buhay, minsan kusa na lang itong nawawala. Hindi natin iyon maipaliwanag ngunit nagbabago at naglalaho ang nararamdaman. At nang nagdesisyon kang hindi sasama sa akin, pilit kong tinuruan ang puso ko para mabura ang pagmamahal na iyon. Huwag naman sana ako ang pahirapan mo ngayon, Father Rhon.”
“Kanina ka pa father ng father diyan.”
“Dahil ikaw na iyan Father at hindi na ang dating Rhon. Please naman, don’t make this hard for both of us. Pari ka na at may Jasper na sa buhay ko. Mahirap bang intindihin iyon?”
“Naiintindihan ko ang sinasabi mo sa akin ngunit hindi ganoon kadaling tanggapin, Den. Hindi ko inaasahang mangyari ito.”
“Father, pinili mo ang Diyos. Dapat masaya ka sa desisyon mo.”
“Hindi ko alam ngunit hindi ko natagpuan sa pagiging pari ang hinahanap kong kaligayahan at katahimikan. Gusto kong balikan natin ang nakaraan. Gusto ko sanang maging maayos tayong dalawa.”
“Pasensiya ka na Father pero pakikipagkaibigan na lang ang kaya kong ibigay ngayon sa iyo. May masasaktan na. May nagmamay-ari na sa puso ko. Kailangan nating tanggapin ang mga pagbabagong iyon. Siguro mas mainam na pagtuunan mo na lang din ng pansin ang pinili mong bokasyon.”
“Hindi ito ang para sa akin. Nararamdaman ko iyon.”
“Hindi iyan ang para sa’yo? Sinabi ko iyan noon sa’yo Father. Hindi iyan ang para sa katulad natin. Hindi ka nakinig. Ilang taon ka na sa pagiging pari? Hanggang ngayon hindi mo parin ba tanggap na isa ka ng alagad ng Diyos?”
Huminga siya ng malalim. Tinitigan ko siya. Patuloy lang ang pag-agos ng aking luha. Kung sana ang luhang iyon ay kayang ibalik ang nawala ng pagmamahal. Kung sana ang luhang iyon ay kayang ibalik ang nakaraan. Siya sana ang pipiliin ko.
“Ipapakilala ko pa ba si Jasper sa’yo Father?”
“Anong meron si Jasper at minahal mo siya, Den?”
“Nang una, naglalaro lang din siya. Iyon din yung panahong gusto kong lumimot kasi kahit anong gawin ko noon ay hindi kita kayang kalimutan. Hanggang sa ang minsan na may nangyari sa amin ay naulit nang naulit hanggang sa naramdaman ko na lamang na mahal ko na siya. Naramdaman ko din na bigla siyang nagtino. Hanggang sa napag-usapang kami na nga. Tumagal nang ilang taon at hanggang ngayon, hindi na nagbago pa ang pagmamahalan naming iyon. Siguro kung hindi mo pinili ang pagpapari, hindi ko na siya nakilala pa. Akala ko nga minsan lang darating ang pag-ibig, pero kung mananatili kang bukas sa pagdating ng bago at hayaang muling titibok ito, doon mo malalaman na kahit nabigo ka nang una, may isang taong nakalaan sa iyo. Iyon ay ang taong tinadhana talaga para sa’yo. Muntik ko na din siyang iwan dahil sa pangarap ng pamilya ko ngunit ayaw kong matulad sa’yo Father. Ayaw kong sundin ang gusto ng ibang tao. Ginawa ko na ito noon sa kanila. Sinuway ko ang kagustuhan nilang magpari ako, naging maayos ang kinalabasan ng buhay ko at sigurado parin ako na ngayon na susuwayin ko na naman sila, batid kong magiging masaya ako. Tayo ang nagpapatakbo ng sarili nating buhay. Tayo ang dapat masunod dahil tayo ang higit na nakakaalam sa gusto natin.”
“Patawarin mo na ako. Tanggapin mo na muli ako, Den.” Lumalabas na ang pagiging desperado ko at pagiging talunan. Humihikbi na ako.
“Matagal na kitang pinatawad Father. Wala kang naging kasalanan sa akin. Ngunit hindi na puwedeng maging tayo.” Nakatingin siya sa aking mga mata habang sinasabi niya iyon. Alam kong buo na ang desisyon niya. Wala na nga akong magagawa pa kundi tanggapin na lang sana ang pagkatalo.
“Gusto mo pa bang makilala ang lalaking minahal ko?” tanong niya. Naniniguro.
“Hindi ko pa kaya.” Sagot ko.
“ Tingin ko nga din. Sige, salamat. magpapaalam na ako.” Pinisil niya ang mga palad ko. Tumingin siya sa akin. Tumingin din ako sa kaniya kasabay ng pagpikit ko ang sunud-sunod na pag-agos ng luha. Tumalikod siya ngunit hinabol ko bago niya mabuksan ang pintuan ng opisina ko. Pinigilan ko siya.
“Puwede bang mayakap kita?”
Hindi iyon paghingi ng permiso dahil yakap ko na siya bago ko nasabi ang linyang iyon. Hinanap ng labi ko ang labi niya ngunit mabilis ang kaniyang pag-iwas.
“Father, hindi na puwede. Sorry, pero sana isara mo na ang kabanata ng buhay nating dalawa. May iba na akong mahal. May masasaktan na. Patawarin mo ako tulad ng pagpapatawad ko sa iyo nang di mo ako sinamahang lumabas. Paalam. Kung hindi ka masaya sa ginagawa mo ngayon, di ba sinabi ko na dati pa na laging may mga options ka sa buhay. Doon ka sa alam mong masaya ka. Paano, father, paalam at salamat sa lahat.”
Tinanggal niya ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya. Binuksan niya ang pintuan ng aking office at hindi na siya lumingon pa nang lumabas. Sumunod parin ako at nakita kong sinalubong siya nang nakangiting si Jasper. Papasok na sana ako sa office ko nang makita ako nito at nakangiti sa akin. Nakita ko din ang pagpigil sa kaniya ni Alden ngunit hindi nito pinansin at lumapit siya sa akin. Naroon ang isang inosenteng ngiti. Ngiting hindi niya alam na ang kaharap niyang pari ay nasasaktan niya. Ngunit ano nga ba ang talagang alam niya sa laman ng aking puso?
“Jasper po, father.” Kinuha niya ang mga kamay ko at nagmano.
Humugot ako ng isang malalim na hininga. “Kaawaan ka ng Diyos.”
“Father, kaibigan po ako nina Terence at Lando. Naikukuwento ka ho nila sa akin noong nasa Dubai pa ho kami.”
“Alam mo ang tungkol sa akin? Iyong tungkol sa amin?”
“Ang aling tungkol sa ho inyo? Iyong tungkol ho sa inyo dati ni Alden father, nalaman ko ho kay Alden mismo pero hindi ho kina Terence. Bilib na bilib nga ho ako sa inyo dahil kinaya ninyong talikuran ang pagmamahal ninyo sa katawang lupa at pagtuunan ng pansin ang paninilbi ninyo sa Diyos. Mapalad ang simbahan na may kagaya ninyong kayang isakripisyo ang pag-ibig. Hinangaan ko ho kayo, Father. Nang malaman ko ang kuwento ninyo ni Alden na mas pinili mo ang pagsilbihan ang Diyos, nagising ako sa mali kong nakahiligang maglaro sa apoy. Dati-rati father, magulo ang buhay ko, hindi ako nagseseryoso sa pag-ibig. Para sa akin, init lang ng katawan lahat. Ngunit kung kayo ho, kaya ninyong isakripisyo ang inyong pag-ibig at talikuran ang makamundong pagnanasa sa buong buhay ninyo, ako pa kayang isang ordinaryong tao lang na ang hangad ay kaligayahan na walang sinasaktang ibang tao ang hindi kayaning mahalin at ipaglaban ang taong alam kong mamahalin ako ng ako lang hanggang sa aming pagtanda.”
Hindi ako nakapagsalita. Ngumiti ako kahit na namumula ang aking mga mata sa pagpigil ng pagtulo muli ng aking luha. Hanggang sa huli ay tanging kabutihan parin ang sinasabi ni Alden sa aking likod. Iyon parin ang nakikilala ng ibang tao tungkol sa akin. Wala siyang ginawa kundi purihin at igalang ako kahit na sinaktan ko pa siya noon.
“Mauna na ho kami, Father.” Si Alden. Inakbayan niya si Jasper. Nasa mukha nito ang ngiting nagsisimbolo ng ibayong kaligayahan.
“Sana father, mataon na makapasyal ka kina Terence na naroon kami para mas mahaba po ang ating kuwentuhan. Sana din ho magiging magkaibigan din ho tayo. Pupunta kami ngayon doon, sosorpresahin ko ang dalawang iyon. Alam nila na may karelasyon na ako ngunit hindi ko sa kanila sinasabi kung sino.”
Sinuklian ko ng ngiti ang sinabi niya. Hindi pa ako handa.
“Kinagagalak ko hong makilala ko kayo, Father. Tuloy na ho kami.” Paalam niya.
“Mag-iingat kayo.” Matipid kong sinabi dahil bibigay na ang tuhod ko.
“Hanggang sa muling pagkikita ho. Maraming salamat, Father.”
Nakita ko ang pag-akbay ni Alden kay Jasper. Walang pag-aalinlangan. Walang pagkukunwari. Hindi nila ikinakahiya ang pagmamahalan nila. Parang nawalan ako ng lakas. Tuluyan akong napaluhod. Lumuluhod ako dahil sa pagsisisi. Binalot na nga ng kasamaan ang aking buhay binalot pa ito ng kalungkutan.  Lumuha man ako ng dugo, magsisigaw-sigaw man ako, wala na akong magagawa pa. Humagulgol ako ng humagulgol at tumingin kay Kristo na nakapako sa krus. Parang gusto ko din magpapako dahil sa pagsisisi.
“Diyos ko, anong mga pagkakamaling desisyon ang ginawa ko sa buhay ko? Hindi lang ikaw ang niloko ko at sinasaktan kundi mga taong nakapaligid sa akin at tunay na nagmahal ngunit naging ipokrito lang ako sa tunay kong nararamdaman. Patawarin mo ako Diyos ko. Patawad po.” Dasal ko sa panginoon.
 Matagal. Matagal akong lumuha at nakaluhod. Matagal kong dinamdam ang pagsisisi. At sa araw na iyon, muli kong sinara ang nakabukas na kabanata ni Alden sa buhay ko. Isang masakit na kabanata ngunit nagkaroon naman ng malinaw na pagtatapos.
Dahil sa sakit na napagdadaanan ko ay hindi ko nagawang ayusin ang buhay ko sa mas tamang direksiyon. Sa tulad kong nabigo at nasaktan ang tanging alam kong gawin ay ang humanap ng kasiyahan. Kasiyahang makapagpapalimot sa akin sa mga mapapait na karanasan sa pag-ibig. Natuto akong maglasing ng lingid sa kaalaman ng mga nakakarami sa mga nasa parokya ko. Sa tuwing wala akong misa ay umaalis ako at pumupunta sa Manila at kailangan kong magdisguise ng ibang hitsura para makapasok sa mga gay bar na kung saan ay may mga sumasayaw na hubu’t hubad. Doon ko ibinubuhos ang mga frustrations ko sa buhay. Iyon lang ang alam kong paraan para tuluyang makalimot.
 Laman din ako ng mga sinehan na hindi na importante kung ano ang mapapanood, ang mahalaga ay kung ano ang puwedeng magawa sa loob. Nagkalat ang mga tambay na katulad kong naghahanap ng panandaliang sarap. Madami ding mga kabataan ang naghahanap ng mapagkakakitaan. Sabi nga nila, ang pagiging kolboy ang trabahong hindi mo kailangang makatapos, hindi hinahanapan ng diploma o NBI, trabahong porma at hitsura lang ang tanging puhunan. Mabilis ang pera ngunit kailangan ng tibay ng sikmura. Mas pangit ngunit maperang  customer, mas may tiyansang magkapera.
Naroon ako hindi para manood ng malaswang pelikula, hindi din para magkapera dahil may pera naman ako at hindi na bagay sa akin ang magkolboy dahil may edad na din ako. Naroon ako para sa panandaliang aliw, sarap at kahit papano ay makalimot sa mga kapalpakan ng nakaraan. Doon minsan ako ang lumuluhod ngunit kadalasan ako ang nagpapaluhod. Sa guwapo ko at kahit papaano ay may maibubuga pa din naman akong tikas at tindig ay hindi ako nahihirapang makahanap ng guwapo at batang kaulayaw. Inaamin ko, talunan ako. Wala ng ibang matinong maisip. Iniwasan ko na din muna ang pumunta at makasama sin a Terence at Lando. Natatakot akong muling harapin ang katotohanang naroon din si Alden at Jasper. Hindi ko iyon kakayanin.
 Halos kakilala ko na sa mukha lahat ang mga naroon. Hindi nga lang ako nakikipag-usap. Ni hindi ko ibinibigay ang aking pangalan. Ni halos hindi ako makilala dahil sa lagi akong naka-hood na jacket. Naroon ako hindi para maghanap ng full time na karelasyon. Hanggang do’n lang ang lahat. Paglabas ko sa sinehan o gay bar, pari na uli ako. Madami na ako natikman na mga kabataan. Edad labin-anim, labimpito at may mga expert na din sa gulang na 25 hanggang 27. Sa tulad kong gwapo, ako ang nilalapitan. Ang ilan, ayaw tanggapin ang bayad dahil ang hinihingi ay ang celphone number ko. Ilan naman ay gusto ng sumama sa akin para sa relasyon. Relasyon? Para namang mauuwi sa kasal ang relasyong sinasabi nila sa akin. Para namang tatagal ang buwisit na relasyon na iyan. May mga tapat bang pag-big na tumatagal sa tulad ko. Hindi ba libog lang ang lahat? Hindi ko alam pero tuluyan ng naglaho ang paniniwala kong may tumatagal at wagas na pag-ibig sa katulad ko. Tuluyan nang nasira ng mga karanasan ang aking pagtitiwala.
Isang araw na pumasok ako sa sinehan ay may isang kabataang lalaki kung titignan ng mabuti ay nasa edad na ito na hindi lumalampas sa 20. May dala siyang backbag na pumuputok sa dami ng laman. Palipat-lipat siya ng upuan. Napansin ko na sa tuwing may lumalapit sa kaniyang matandang bakla o kahit pa hindi ganoon kagurang basta hindi niya gusto ay lumalayo siya. May isang baklang nainis at sinabihan siyang papasok-pasok siya sa lugar na ganoon e, nag-iinarte naman na akala mo ginto ang nasa pagitan ng legs niya. Hindi na lang umimik ang pobreng kabataan hanggang sa pinasya nitong lumabas na lang. Ngunit bago siya lumabas ay matagal na nakatingin sa akin. Tinging parang nagpapasunod. Hindi ko man gaano maaninag ang mukha pero alam kong ako ang tinitignan niya. Ako kaya ang type niya? Sinundan ko siya. Umupo siya sa bangketa na parang anlalim ng iniisip niya. Lakas loob ko na lang siyang nilapitan.
“Bago ka dito? Kanina pa kasi kita pinagmamasdan sa loob.”
Hindi siya nagsalita.  Nakatingin sa malayo. Ayaw niyang ipakita ang mukha sa akin.
“Puwede bang makipag-kaibigan?” tanong ko muli. Nagiging misteryoso na siya sa akin.
Ngunit parang wala siyang naririnig ngunit nakita ko ang sunud-sunod na paghinga niya ng malalim. Parang may kinokontrol siyang emosyon sa loob. Natatakot kaya siya sa akin? First time niya kayang gawin ang ganito? Virgin?
“Mukhang hindi ka yata sigurado sa pinapasok mo. Puwede naman muna tayong magkuwentuhan.” suggestion ko para makuha muna ang loob niya. Baka nga kasi nangangapa pa at wala pa siyang kamuwang-muwang sa mga totoong kalakaran sa buhay na gusto niyang pasukin. Nilingon niya ako. Halata sa mukha niya ang pagkalungkot. Natigilan ako. Parang hindi ako makapaniwala. Bigla akong kinalabutan sa aking nakita.
Ang hugis ng mukha, ang tubo ng ilong at ang kulay ng kutis…parang hawig kay Aris. “Sige. Pasensiya ka na sa abala.” Paalam ko sa kaniya. Pagtalikod ko ay narinig ko siyang nagsalita.
“Sandali lang po.”
Lumingon ako. Nakita ko ang ngiti niya. Hawig niya si Aris. Ganoon na ganoon ngumiti si Aris. Parang anak ko na lamang siya ngunit inaamin ko, nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong magneto mayroon siya ngunit tuluyan nitong hinihigop ang aking atensiyon. Hindi siya katulad ng iba sa loob. Iba siya. Saan ako dadalhin ng bagong kakilalang ito. Ano ang magiging papel niya sa buhay ko ngayong tuluyan na akong nasadlak sa pagkakasala?

[19]
Sa hitsura niya ay alam kong hindi siya nababagay sa ganoong lugar. Minabuti kong tabihan siya sa kaniyang pagkakaupo. Hindi ko lang din alam kung paano ko siya kakausapin. Nakiramdam muna ako ngunit mukhang hindi siya magsasalita. Nag-isip ako ng aking itatanong para lang may mapag-usapan.
“Ano ba kasing ginagawa mo sa loob.?”
Tumingin siya sa akin. Nakangiti. “Kayo ho? Ano ho din ba ang ginagawa ninyo sa loob? Kung ano ang sagot ninyo, iyon na din ang sagot ko.”
Napalunok ako. Marunong siyang sumagot.
 “Hindi ka kasi nababagay diyan. Tingin ko kasi sa iyo hindi ka naman naghihirap.”
“Kayo ba nababagay din diyan? Mas lalo yatang ako ang magsasabing hindi din naman kayo mukhang naghihirap ngunit bakit ho kayo nasa loob din?”
Binabalik niya sa akin ang mga tanong ko. At sa ginawa niyang pagbabalik ng tanong na iyon ay sapol na sapol ako. Parang dapat pala sa sarili ko iyon tinatanong at hindi sa kaniya. Napahiya ako sa aking sarili.
“Kain ho muna tayo?” nagulat ako sa pagyaya niya.
“Sige ba. Bakit nagugutom ka ba?” tanong ko.
 Hindi naman ho sa gutum na gutom. Nakakailang makipagkuwentuhan dito sa daan saka sa tapat pa niyan, he he.” Inginuso niya ang sinehan. Natawa siya. Hindi naman nakakatawa ang sinabi pero ngumiti na lang ako bilang pakikisimpatiya sa trip niya.
“Sa’n mo gusto kumain?”
 “Talaga ho? Ako ang mamimili kung saan?” halata ang pagiging bata nito kasi nakita ko sa kaniya ang saya ng isang teenager kapag ililibre sa labas. Parang si Jay-ar lang noon kapag kumakain kami sa labas nina Terence at Lando. “Kaso wala po akong bread, kaya baka puwedeng kayo na lang magbayad mamaya sa check.” Pahabol niya.
Napapangiti ako sa pagyaya niya at saka iyong tipong hindi din bastos o presko ang dating kahit sabihing nagpapalibre sa hindi naman niya lubos kakilala. Saka yung mga ginagamit niyang terms ay hindi lang pangkalye at lalong hindi din galing sa salitang iskwater.
Nagpara siya ng taxi at sa isang class at kilalang restaurant pa ang pinili niya. Hindi na ako tumanggi. Matagal na ding panahon na hindi ako nakapagrelax lalo na yung kumain sa mga ganoong restaurant kaya hindi ko na inisip ang magiging bill. Gusto kong makapag-enjoy ng hindi ko iniisip ang sex. Ngunit relasyon? Hindi ko pa alam. Ayaw ko na din maulit pa ang gabing ito. Ayaw ko sanang mainvolve pa emotionally. Kaya nga nag iingat na akong magkaroon pa ng kahit anong connection sa aming dalawa. Iniiwasan ko nang magtatanong ng mga personal na bagay. Tama na yung mag-uusap lang kami sa gabing ito. Kung walang string attached, hindi din ako masasaktan at aasa pa. Saka kung may anak ako, maaring kasing-edad lang ng batang ito.
                “Pasensiya ka na po ha. Am so hungry na kasi. Got no more money. Lumayas ako sa bahay. Gusto kong hanapin si Daddy.”
                Gusto kong magtanong pa ngunit ayaw ko sanang main-volve, hinayaan ko na lang siyang magkuwento.
                “Gulo na kasi ng buhay ko. Hindi ako naiintindihan ng lolo ko. Pati si lola din hindi din marunong makinig sa gusto ko. Idagdag pa yung pakialamerong bakasyonistang tito kong pinipilit akong sumama sa America. Anong gagawin ko dun e, andito ang buhay ko. Gusto ko munang mabuo ang pagkatao ko. Gusto kong mahanap si Daddy Pilit nila akong nilalayo sa kaniya. Para namang kung ituring nila, hindi ako galing sa father ko.”
                Tama ang hinala ko. Galing siya sa may kayang pamilya. Halata iyon sa suot niyang damit, mga gamit, sapatos at kilos at tindig.
                “Anong pangalan mo?” tanong ko sa kaniya. Nakapahirap kasing nag-uusap kami na wala akong itawag sa kaniya. Kahit na alam ko naman na kadalasan ay hindi nagsasabi ng tunay na pangalan ang mga katulad niya. Hindi parin kasi natatanggal sa isip ko na nagkokolboy din ito kaya pumasok sa lugar na iyon. Pero parang mas gusto kong paniwalaan ang kuwento niyang lumayas lang siya sa kanila.
                “Cgaris po. Kayo po?”
            Bigla akong parang kinutuban. Cgaris ang pangalan niya. Hindi ko lang sigurado kung nagsasabi siya ng talagang pangalan niya pero bakit pang isinunod pa sa pangalan ni Aris? Kamukha siya ng una kong minahal at ngayon ay kapangalan pa niya halos. Bumilis ang pintig ng aking puso.
                “So, naglayas ka? Bakit ka naman pumasok sa lugar na gano’n, wala  ka na bang alam na ibang mapuntahan.” ang kanina'y ayaw ko sanang mainvolve ay biglang nagbago. Nagkainteresado na ako sa buhay niya.
                “Kanino naman ako pupunta e, kilala halos lahat ni lola mga barkada ko. Parang NBI kung imbestigahan ang lahat ng mga kaibigan ko. Kung sa mga kamag-anak naman namin, kumakatok pa lang siguro ako sa pintuan nila, naitawag na nila kung nasa’n ako. Gusto ko ng Malaya ako. Gusto ko yung buhay na hindi ako nagiging robot. Gusto kong makasama at makilala sana si Daddy.”
                “Bakit naman sa lugar na ganoon ka pumasok?”
                “Kulang ako ng pera. Ayaw kong ibenta o isanla mga gamit ko. Mahalaga mga ito sa akin. Itong celphone at laptap sa bag ko, regalo ni lolo saka ni lola saka madaming mga nakasave dito na ayaw kong mawala. Saka baka hindi ko na makuha mga ito kung ibebenta o isasanla ko lang. Akala ko kasi kaya ko yung katulad ng mga ginagawa nila sa mga napanood ko kaso nakakadiri pala. Hindi ko masikmura.”
                “So, anong plano mo ngayon.”
                “Hindi ko po alam. Gulo kasi ng buhay ko. Alam niyo yung tipong may gusto pa kayong aayusin muna sa pagkatao ninyo at pakiramdam ninyo ay hindi tama ang takbo ng buhay ninyo kasi may kulang at hinahanap kayong gusto ninyong mabuo.”
            Doon ako parang nakarelate sa sinabi niya. Ako ay matagal ng naghahanap na mabuo ang pagkatao ko. Marami na akong sinayang na pagkakataon na dumating na sana ay siyang kukumpleto sa akin. At ayaw kong matulad sa akin ang batang kaharap ko ngayon. Kung maari sana ay ayaw kong mapagdaanan niya ang mga pinagdadaanan ko ngayon.
“Napakaraming tanong na hindi ko masagot.” Pagpapatuloy niya. “Yung mga taong inaasahan kong tutulong na bubuo sa pagkatao ko ay sila pa yung pilit na gumugulo. ‘Yun lang yung gusto ko. Simple lang. Yung mabuo ang pagkatao ko at iyon ay ang makilala ang daddy ko. Hindi nila alam na iyon lang ang dahilan ko sa pagrerebelde sa kanila.” Tinignan ako. Umiling-iling. “Okey ah. Lakas ninyo sa akin. Nasasabi ko lahat ito sa inyo. Kayo po, bakit kayo pumasok sa ganoong lugar, siguro naghahanap kayo ano?” kasabay nu’n ng parang nang-iinis niyang ngiti.
                “Batang ‘to. Kung ano inisip mo. Kumain ka nga ng kumain diyan. Sige magpakabusog ka muna at mag-usap tayo ng matino mamaya. Kasi mukhang nalalabuan ka. Gusto mong hanapin ang Daddy mo na hindi mo alam kung saan mo pupuntahan. Hindi ka pa handa para maghanap ng taong nawawala.”
            “Paano ninyo nasabing hindi pa ako handa?”
            “O, sige anong pangalan ng Daddy mo? Sa’n mo balak siya hanapin o sa’n ang alam mong huli siyang nakatira?” sa tanong kong iyon ay ako ang kinakabahan sa maaring isagot niya sa akin. Kung si Aris ang hinahanap niyang Daddy, iisa ang taong hinanap namin.  Ngunit nasa ibang bansa na sila. Kaya nagdadalawang isip din akong siya ang anak ni Aris. At sa pagkakakuwento sa akin ni Aris noon ay mabait ang pamilyang tumulong sa kaniya.
            Tumingin siya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin ngunit pinigilan lang niya ang sarili. Uminom ng cocktail juice. “Hindi ko ho alam.”
            “Ilang taon ka na ba?” tanong ko. 38 na ako ngayon. Nang iniwan ko si Angeli sa gate ng school namin noong 20 years old ako ay buntis na siya noon. Kung nanganak siya nang 21 years old ako, 17 years old na ang anak nila.
            “17 years old po.”
            Lalong parang tumatama ang aking hinala. Ngunit mas pinili kong huwag na munang sabihin iyon. Masiyado pang maaga.
             Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami sa kumbento.
“Pari kayo?” nagulat niyang sabi.
“Oo, gusto kong magpakatotoo sa iyo. Sana huwag kang mailang. Kung ano ang nakita mo sa sinehan na ako, sana tuluyan mong tanggalin iyon sa utak mo.”
“Pero di ba pari kayo, dapat hindi ninyo ginagawa ang mga bagay na ganito.”
“Tao lang din ako. Ngunit tama ka, kahit anong gawin kong pagpapaliwanag ay maling-mali ako. At sana huwag kang magaya sa akin na maraming ginagawang kamalian ngayon dahil sa mga maling naging desisyon ko noong halos magkasing-edad lang tayo. Nasa formative age ka kaya dapat mong isipin ang nakakabuti para sa sarili mo at sundin ang puso mo kung saan ka sa tingin mo liligaya. Ngayon, dahil nandito tayo sa kumbento, igalang mo muna ang pagkapari ko ha, sana tuluyan mawala sa isip mo kung saan mo ako nakilala.”
“Oo ba. Wala naman akong nakitang ginawa ninyo dun eh. Iyon nga lang ay nagtataka ako kung bakit kayo naroon.” Pangungulit parin niya. Naroon ang nang-aasar niyang ngiti.
Hindi ko na lang siya sinagot pa.
“Puwede ba akong magshower?”
“Sige lang.”
Naglabas ako ng kumot at unan. Nagbihis na din ako. Nang tanging boxer short na lang ang aking suot ay pinagmasdan ko ang aking katawan sa salamin. Naroon padin naman ang magandang hubog ng aking katawan. Dahil na din sa tuwing umaga kong pagjojogging. Yun nga lang may hibla na ng katandaan ang aking mukha. Nagsisimula nang gumuhit ang wrinkles sa gilid ng aking mga mata at noo. Tuluyan ng hinihigop ng panahon ang dati kong hitsura noong kabataan ko pa lamang.
Lumabas si Cgaris sa banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya at medyo basa pa ang katawan. Nakita ko ang magandang hubog ng katawan ngunit banaag parin ang pagkabubot nito. Ilang sandali pa ay tuluyan na niyang tinanggal ang tuwalya at tanging brief na lang ang naiiwan. Napalunok ako. Minabuti kong talikuran siya at ayusin na lamang ang kamang hihigaan niya. Abala akong nag-aayos ng kama nang bigla niyang isinalampak ang hubad na katawan sa kama na siya kong kinabigla.
“Dito ho ba tayo matutulog?” nakangiti niyang sambit habang manukso niyang binasa ang kaniyang labi.
Kinuha ko ang kumot at itinapon sa kaniya.
“Malamig naman ang buga ng aircon? May dala ka naman sigurong pajama o kaya boxer short at sando. Bakit hindi ka kaya magdamit? At ikaw lang ang matulog diyan sa kama. Sa sofa muna ako.” Sagot ko sa kaniya. “Hindi mo na iginalang ang pagkapari ko.”
Dahil sa sinabi kong iyon ay humagalpak siya ng malakas na tawa. Mali, humalakhak pala. At dahil doon ay para akong napahiya sa sinabi ko. May karapatan pa ba akong magmalinis?
Nawala na ang naramdamang libog sa kaniya. Parang napakagaan kasi ang loob ko sa batang ito. Hindi ko siya kayang galawin. Guwapo siya at kahit sinong katulad ko ay mahuhumaling sa kaniya ngunit sa edad ko at edad niya ay pangit tignan kaya tinanggal ko na sa isip ko lahat ng makamundong pagnanasa. Gusto ko ding subukan magkaroon ng kaibigan at anak-anakan. Nagkaroon ako ng pagkakataong maranasan iyon kay Jay-ar ngunit may sarili nang buhay si Jay-ar ngayon. Ikakasal na sila ng long time girlfriend niya sa susunod na taon at busy na din sa kaniyang trabaho bilang isang Engineer. Kaya halos patak na lang ng ulan sa summer kung magkita kami o dalawin ako dito. Mula noong nabigo ako at alam kong naroon si Alden at Jasper kina Terence, minabuti ko na din munang iwasan sila. Hindi pa ako handa.
At ngayon, dumating si Cgaris sa buhay ko. Gusto ko siyang tulungan para masundan ang tamang daan. Muli ko siyang pinagmasdan habang binabalot niya ang katawan niya sa kumot na ibinato ko sa kaniya.
“Nagsimula na akong gumamit ng drugs kasama ng mga tropa ko. Nitong second semester ng first year ko, ilang beses na din akong lumiliban. Gusto kong mahanap sana si daddy. Naguguluhan na ako. Naglayas ako para malaman nina lolo at lola kung ano nga ba talaga ang gusto ko. Baka sakaling sa ginawa kong ito ay mabibigyan akong masabi ang gusto ko.” Pambabasag niya sa katahimikan.
“Kung nakakatulong sa iyong magkuwento. Sige makikinig ako.”
“Sige po pero mahiga kayo sa tabi ko.” Dumapa siya at humiga din ako. Minasahe ko ang ulo ko dahil parang noon ko lang naramdaman ang pagod.
“Ako na ho.” Naramdaman ko ang kamay niyang magaan na minasahe ang ulo ko. Nagpaubaya ako.
“Namatay si mommy ilang buwan pagkatapos akong ipanganak. May kanser kasi siya. Pumayag lang sina lolo at lola na ipagbuntis ako dahil iyon ang huling hiling niya sa buhay. Ang maranasang maging tunay na babae, ang ikasal, magkaroon ng asawa, magsilang ng isang sanggol. At dahil gusto din ng lolo’t lola ko na magkaroon ng buhay na alaala kay mommy na hinihintay na lamang ang taning sa buhay ay pumayag na din sila. At heto ako ang bunga.”
            “E, ang daddy mo? Hindi mo ba siya nakita?”
            “Ang daddy? Hindi ko alam. Kayo ho baka kilala ninyo ang daddy ko?” nakatawa niyang biro.
            Gusto ko siyang sagutin. Maaring kilala ko nga ang daddy niya ngunit kung tatanungin ako kung nasaan, ano ang isasagot ko? Saka mula noong nag-assume ako kay Alden at napahiya, ayaw ko na muling maulit pa iyon. Kaya minabuti kong siguraduhin na muna ang lahat bago ako magbitaw ng salita. Baka makasama pa ang bata kung bibigyan ko siya ng pag-asa na ako man ay hindi ko sigurado kung nasaan nga ang kaniyang ama.  
“Siguro ang magandang gawin mo ngayon ay ayusin mo ang buhay mo. Hindi pa tamang panahon na magkita kayo ng Daddy mo dahil hindi ka pa handa. Kung buhay ang mommy mo, hindi siya papayag na pariwara ka o kung kasama mo ang Daddy mo ngayon at nakikita niya ang ginagawa mo, siguradong hindi siya sa iyo matutuwa. Ikaw ang bubuo sa pagkatao mo. Kung sa tingin mo ay hindi naging tama ang simula ng buhay mo, ikaw ang gagawa ng paraan para magtatapos iyon sa paraang gusto mo. Kahit sino sa atin ay hindi nakakapamili kung paano, kanino o kailan tayo ipapanganak. Ang tanging hawak natin ay kung paano natin gawing kapaki-pakinabang at magiging buo ang ating buhay sa paraang gusto natin. Doon ay nabibigyan tayo ng option sa buhay.”
                Tumingin siya sa akin. “Matagal ko ng gustong may makausap sa mga ganitong bagay. Iyong parang may maituturing akong ama na siyang nagpapangaral sa akin ng tulad ng ginagawa ninyo. Sabik ako sa kalinga at yakap ng isang ama. Puwede ho bang tawagin ko kayong Daddy ko. Puwede ho bang ituring ko muna kayong Daddy habang wala pa yung totoong Daddy ko?”
                “Iyan nga din sana ang sasabihin ko. Sa tuwing nalulungkot ka at gusto mong may Daddy na kausap, puntahan mo lang ako dito. Puwede din tayong mamasyal, magbonding tulad ng tunay mong daddy. Basta ipangako mo sa akin na mag-aral kang mabuti, tapusin mo at kapag handa ka na, sasamahan kitang maghanap sa Daddy mo. Gusto kong may maipagmamalaki ka sa kaniyang natapos. Iyong isa ka ng ganap na propesyonal. Mangako ka sa akin, anak.”
                “Promise Dad!” Tumawa siya. “Sarap pala kapag may tinatawag ka ng Daddy.”
                Ginulo ko ang buhok niya saka ko niyakap ko ng mahigpit. “Mula ngayon, Daddy mo na ako, anak na kita at ipapaayos natin bukas ang guest room para may sarili ka ng kuwarto kung gusto mong lumayas ng sandali sa bahay ng lolo mo.”
            Niyakap niya ako. Sana anak ka talaga ni Aris. Sana sa pagkakayakap kong ito sa anak niya ay maramdaman niya na narito pa din ako at nagmamahal sa kaniya. Binigyan ni Cgaris ng kakaibang saya ang buhay ko.
                Ilang Linggo ding ganoon ang set-up namin ni Cgaris. Natutuwa ako sa kaniya kasi may mga actuations siyang parang si Aris. Binuhay niya sa akin ang masayang alaala namin. Dahil bakasyon naman noon ay tumira muna siya sa akin ng dalawang Linggo. Nagliwaliw naman kaming dalawa. nagbeach, nakakapamingwit ng isda, namamasyal sa Mall at ginawa ko sa kanya ay yung bonding ng mag-ama. Nawili ako sa kaniya at alam kong kahit papaano naman ay nagawa kong maiayos ang buhay niya paunti-unti. Hanggang nagdessiyon na siyang magpahatid sa bahay nila. Umaasa ako noon na sana ang lolo niya na ama ni Angeli ang magbubukas ng pintuan. Sana nga totoo ang hinala kong anak siya ng lalaking una kong minahal.


            “Dad, ihatid lang ninyo ako sa gate ha? Kasi kapag malaman ni lolo at ni lola na kasama kayo, alam na nila kung saan ako susunduin kung gusto kong umalis. Ayaw kong makilala na muna nila kayo dahil sa inyo lang ako nagiging buo. Darating ho yung araw na ipakikilala ko kayo sa kanila.” Pakiusap niya sa akin. “Kung gusto ho ninyo akong makausap o makita sa gate ng university namin kayo maghintay. Itext niyo lang ho ako para alam kung naroon ho kayo.”
            “Ano nga pala ang apilyido mo anak?” tanong ko. Gusto kong malinawan ang lahat bago ko siya bumaba sa kotse.
            “Gonzales ho.” Matipid niyang sagot.
Hindi ito ang bahay nina Angeli. Sigurado ako doon dahil nakaharap ko ang mga magulang nito nang hinanap ko si Aris. Mukhang lalo akong naguluhan.
            Pagkahatid ko sa kaniya ay umalis muna ako ngunit bumalik nang alam kong nakapasok na siya sa loob. Nagmanman ako. Gusto kong makasiguro sa aking hinala. Nang lumabas ang medyo may katandaan ng maid sa gate para magtapon ng basura ay mabilis akong bumaba sa aking sasakyan.
            “Sandali lang ho. Magtatanong lang.”
            Nakangiti naman akong tinignan ng katulong. “Ano ho ‘yun?”
            “Matagal na ho kayong naninilbihan diyan?” tanong ko.
            “Ayy oho. May mahigit dalawampung taon na ho ako naninilbi sa family Gonzales.”
            Gonzales parin. Nang makita ko ang wedding invitation nina Aris at Angeli, alam kong Chua ang apilyido ni Angeli at De Leon naman kay Aris. Paanong naging Gonzales ang apilyido ni Cgaris. Mukha yatang hindi nga siya ang anak ng lalaking matagal ko ng hinahanap.
            Ilang Linggo din biglang sumusulpot si Cgaris sa kumbento lalo na kung araw ng Sabado. Katulad ng nakagawian ay namamasyal kami. Bigla akong kinukurot ng kahapon kapag nakikita kong may mga kilos siyang katulad ng katulad ni Aris ngunit hindi ko siya matanong kung bakit. Ayaw ko na sanang ibalik pa ang nakaraan dahil baka lalo lang siyang maguluhan.
Hanggang sa halos dalawang buwan din siyang hindi na nagpakita sa akin. Dalawang buwan din akong nangulila, dalawang buwang parang naghihintay na lang ako sa hindi na muli pang darating. Dalawang buwang nawalan ng kaibigan at anak. Sobrang namiss ko siya.
                Sinubukan kong itext siya at tawagan ngunit out of coverage area ang binigay niyang number. Sinubukan kong hintayin siya sa oras ng kaniyang labas sa university ngunit hidni ko siya nahintay. Tatlong araw ngunit walang Cgaris akong nahintay. Nasaan na kaya ang tinuring kong anak na nagpapaalala sa akin sa nakaraan? Nasaan na si Cgaris?
Muli akong tinamaan ng lungkot. Lumabas ako isang hapon at muli kong natagpuan ang sarili ko sa loob ng sinehang iyon. Umupo ako sa dulo. Pinagmasdan ko ang mga naroon. Nahuli ng aking atensiyon ang lalaking nakasando lang ng itim at hapit na pantalon. Nilingon ko siya at nahuli ko ang kaniyang mga mata. Lumapit ako ng upuan. May isang upuan pa kaming pagitan. Nagkatitigan kami. Alam kong nakikiramdam din siya. Tumabi ako sa kaniya. Muling nagkatitigan kami. Nagsimulang lumikot ang aking kamay sa kaniyang katawan. Hindi siya pumalag ngunit hindi din siya gumawa ng paraan para salubungin ang pagnanasa ko. Tinanggal ko ang sinturon niya. Tinanggal ko ang buton ng kaniyang pantalon. Hindi parin siya nagsalita ngunit pinagmamasdan niya ang aking ginagawa. Nagpapaubaya. Para makapuwesto ng maayos ay lumuhod na ako sa harapan niya. Nang ipasok ko na ang kamay ko sa kaniyang brief ay may isinuot siya sa aking kamay. Metal. At kasamay no’n nang biglang pagliwanag ng loob ng sinehan.
“Walang kikilos! Raid ito!” sigaw ng lalaking katabi ko. Hawak na niya ang dalawang kamay ko. At nakita kong nakakalat ang maraming pulis sa loob ng sinehang iyon. Nasa posisyon akong nakaluhod sa harap niya nang alam kong maraming mga matang nakatingin na sa akin. Yumuko ako. Lalong napasalampak sa pagkakaluhod at alam kong isang kahihiyang maikakalat na nakaluhod ang isang Father hindi sa simbahan kundi sa isang sinehang kalat ang prostitusyon.

No comments:

Post a Comment