Monday, January 7, 2013

Strange Love (06-09)

By: Chris Li
Blog: mydenoflions.blogspot.com


[06]
---Jaime

            Kanina pa ako hindi mapakali at gustong-gusto ko na umuwi sa bahay nila Mikael. Baka nag-aalala na sila ni Tita Jean dahil wala pa rin ako at dis oras na ng gabi. But, I could not resist the person who called my name kanina sa school. When I saw him, all of my worries were all gone. Siya ang sagot sa lahat ng aking iniisip kanina at alam ko he will not let me down.

            I can't help myself but to continuosly fidget inside the car. Kung may feature lang sana ang mga kotse na tumatagos sa kahit anong bagay ay hindi ko na kailangan pang maghintay sa gitna ng kumpulan ng mga kotse. There has been a pile up dahil sa nagbanggaang truck at van at there's no other way para makaalis dahil wala nang ibang ruta. Naaawa man ako sa mga biktima ng aksidente ay hindi ko pa rin mapigilang mainis.


"Apo, I can't help but notice na hindi ka mapakali kanina pa. Ano bang problema?" It was my lolo who broke the silence.

            Lolo Anthony found me while he was about to leave the school pagkatapos ng meeting nila ng board. Malapit na kasi ang anniversary ng school kaya daw nagpunta siya rito para asikasuhin na ang mga activities. He is the reason kung bakit hindi ako napapahamak sa tuwing may ginagawa akong kalokohan. As the owner of the school hindi rin naman niya tino-tolerate ang maling behavior ko pero matigas talaga ang ulo ko. I am a dirt in his name but he never showed me that he detests me, instead hindi siya nagsasawa na payuhan ako.

"Nag-aalala kasi ako Lolo, doon sa pamilyang kumupkop sa akin. Malamang po hinahanap na ko ng kaibigan kong yun", malungkot kong tugon kay Lolo.

"Ah… Kaya ba ayaw mo rin sa akin muna tumuloy habang hindi pa naaayos ang tampuhan niyong mag-anak ay dahil dito sa pamilyang nagpatuloy sayo?"

"Lo, hindi lang naman tampuhan ang meron samin ng magulang ko eh. Tama po kayo na sila ang dahilan kung bakit hindi ko magawang pumayag na tumira sa inyo. Lalong-lalo na hindi nila alam kung nasaan ako ngayon. Malamang galit na yun si Mikael sa akin, Lolo. I should have left a note bago ako umalis pero hindi ko naman kasi inaasahan ito eh.", mahabang paliwanag ko at nagbuntong hininga.

"Mukhang mahalaga sa iyo itong kaibigan mong si Mikael ha. Napansin ko kasi hijo, na palagi mo siyang bukang-bibig kanina pa. ‘’Bagay ito kay Mikael' … ‘’Paborito ito ni Mikael' … ‘’Sana nandito…."

" Si lolo talaga, syempre kaibigan ko yun eh at isa siya sa mga taong nagpabago sa akin. Alam niyo naman po diba na I'm always seeking for affection kasi nakukulangan ako sa binibigay ng parents ko sa akin. My friends showed that to me, especially Mikael."

"Kaibigan lang ba talaga apo? Hahahaha!! Biro lang, ayan sa wakas makakadaan na tayo. Don't worry Jaime, I'll explain everything to your friend."

            Sa hindi malamang dahilan, wala akong naisagot kay Lolo. Namula pa nga ata ako nung nag-simula siyang tumawa. Matapos naming malagpasan ang bottleneck ay tuloy-tuloy na rin ang naging byahe. Puno ng kaba ang aking dibdib dahil na rin sa pag-aalala kung ano bang sasabihin sa akin ni Mikael. Isa pa ay sabik na sabik na rin akong makita siya. Marahil kasi inisip ko na pagkatapos ng klase niya ay marami kaming oras na makakapag-kulitan pero naiba ang sitwasyon.

            It was already past midnight noong nakarating kami ni Lolo sa tapat ng bahay nang aking kaibigan. Pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko mula sa pagbaba ko sa kotse. Kasunod ko sa aking likuran si Lolo dahil tinulungan niya akong bitbitin ang mga pinamili namin.

Tok!Tok!Tok!

            Nagulat ako sa ginawa ni Lolo, dapat ay bubuksan ko na ang pinto gamit ang spare key nila Mikael sa bahay.

"It's proper this way, kesa bigla na lang tayo papasok at manggigising ng tao.", pagpapaliwanag niya sa akin.

"Sino yan??", pagtawag ni Tita Jean sa kabilang pinto.

"Tita… Si Jaime po ito…", mahinang tugon ko sa kanya.

"Naku, ikaw na bata ka! Saan ka ba nagsusuot??", mabilis niyang tanong habang binubuksan ang pinto.

"Magandang umaga ho, pasensya na kayo at nahuli nang uwi itong aking apo. May konting aberya kanina noong pauwi na kami." Si lolo ang unang sumagot sa ina ni Mikael.

            Kitang-kita sa mukha ni Tita Jean ang konting pagka-gulat. Siguro dahil hindi niya expected na may kasama ako.

"Tita Jean, si Lolo Anthony po. Sorry po at hindi ako nakapag-paalam. Dapat po talaga ay sasabayan kong umuwi si Mikael kanina dahil nabagot ako at mag-isa lang po ako. Nakita po ako ni Lolo sa labas kaya naman…"

"Tsaka na natin pag-usapan yan Jaime. Papasukin mo ang Lolo Anthony mo at nang makapag-kape muna. Pagpasensyahan niyo na ho itong bahay namin Ginoo.", pagputol sa akin ni Tita Jean.

"Maraming salamat nalang ho, sa susunod na lang tayo mag-kape at kailangan ko na rin umuwi. Kayo na po sana ang bahala dito sa apo ko. Ako na po ang bahala sa lahat ng gastusin niya. Maraming salamat sa pagpapa-tuloy niyo sa aking apo. Ayaw naman kasi niya sa akin na tumira at mukhang mas gusto sa inyo. Kayo na lang din ho muna magpasensya sa kapilyuhan ng batang ito.", buong giliw at ngiting tugon ni Lolo kay Tita Jean.

"Wala ho yun, sa totoo lang natutuwa ako at narito ang anak niyo dahil dadalawa lang kami ng anak ko dito. Parang anak na rin ang turing ko sa mga kaibigan ni Mikael kaya wag po kayo mag-alala.", magalang na pagsisiguro ni Tita Jean sa aking lolo.

"Mabuti naman kung gayon. Sige ho mauuna na ako. Apo, pakabait ka, ok?"

"Sure thing Lo! Ingat po sa pag-mamaneho."

            Hinatid ko nang tingin ang kotseng minamaneho ng lolo ko bago ako pumasok ulit. Ramdam ko pa rin ang hiya kay Tita Jean nung pumasok ako.

"Sorry po talaga…", nakayuko kong sambit.

"Jaime… ok na yun sa akin. Ang mahalaga eh narito ka na. Huwag ka na mag-alala ha? Mag-pahinga ka na…"

"Opo, si Mikael po??", alangang tanong ko sa kanya.

"Nasa kusina, doon na naka-tulog dahil hinihintay ka kanina pa. Matutulog na ko ha. Ikaw na bahalang mag-palipat kay JM sa kwarto niyo.", sabay haplos sa pisngi ko at bahagyang pinisil.

            Sobrang guilt ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, lalong lalo na malaman kong sa kusina na naka-tulog si Mikael. Dahan-dahan akong nag-lakad papunta sa lamesa at tinignan ang aking kaibigan. Marahan ko itong ginising, medyo takot din sa sasabihin nito at kung galit ba ito sa akin.

"Bunso… gising na. Nandito na ako oh, doon na tayo mag-pahinga sa kwarto mo…", malumanay kong isinatinig sa natutulog na si Mikael. Ilang yugyog pa sa balikat nito at nagsimula na itong magising.

            Tinignan niya ako, halo-halong emosyon ang nakita ko sa kanyang mga mata nung tinignan niya ako. Wala akong mahanap na salita para sabihin sa kanya, para akong nawalan ng kakayahang magsalita sa mga tingin niyang iyon. Mga tingin na nagtatanong, na may galit at lungkot, na tumatagos sa kaluluwa ko. Hiyang-hiya ako kay Mikael at alam ko ang pagkakamali ko, gusto kong lamunin na ako ng lupa dahil sa nagawa kong ikina-dismaya niya.

            Siya na ang kumalas sa pagkaka-titig at tumayo.

"Kumain ka na Kuya? Ipinagtabi ka namin ni Inay nang niluto ni Jun kanina.", matabang nitong salita.

"B-busog na ako Bunso… T-tara na sa kwarto para makapag-pahinga ka na.", utal-utal at mahina kong naisagot sa kanya.

"Ikaw bahala. Sige mauna nako sayo."

            Hindi katulad kanina, ni hindi na niya ako tinignan o nilingon man lang. Naiwan ako sa kusina na nakatulala at walang magawa. Ang tagal kong nakatayo kung saan ako iniwan ni Mikael. The blame is on me… kahit pa sabihin kong wala akong cellphone para makapag-text man lang. Sa mga tingin na yun sa akin ni Mikael, naramdaman kong lame lahat ng explanation ko sa nangyari.

            Sa hiya hindi ko na nagawang pang sumunod sa kwarto niya. Itinabi ko sa isang sulok ang mga pinamili namin ni Lolo Anthony at nagbihis. Humiga ako sa sofa nila pero hindi kaagad nakatulog.

" You've messed up, Jaime…", bulong ko sa aking sarili.

            Pilit kong iniisip ang paraan para makabawi kay Mikael. Kung paano ako magpapaliwanag… kung hahayaan niya sana akong gawin iyon. Paulit-ulit na sumisiksik sa isipan ko ang mga tingin niya sa akin. Ang laki ba ng kasalanan ko at ganoon na lang epekto sa kanya?

            Isip nang isip pero wala naman nabuong plano.Sumuko na lang din ako sa paghahanap ng pwedeng gawin at pumikit na lang.

Bahala na lang…



            Lumipas ang ilang linggo ngunit wala pa rin kaming imikan ni Mikael.Kapag nasa bahay bihira itong lumabas ng kwarto at kadalasan kapag pareho kaming walang pasok ay lalabas ito at gabi na babalik. Nagpatuloy ang pagtulog ko sa sofa nila at kahit si Tita Jean ay nagaalala na pero piniling wag na lang makialam. Siguro alam niyang lilipas din ang tampuhang ito pero para sa akin the more na tumatagal mas lalo akong nalulungkot. Hindi ko akalain na ganito siya katindi magtampo.

            Kahit sa school ay walang pinagkaiba. Tanging si Jun lang at ang iba naming mga kaklase ang kinakausap niya. Hindi naman masasabing ini-ignore niya ako dahil wala din naman akong ginagawang way para makapag-usap kami. Minsan nga naiirita na din ako sa nangyayari. Hindi ako marunong manuyo ng tao.

            Isang linggo bago mag-semestral break ay kinausap ako ni Tita Jean. Nagpaalam itong uuwi sa kanilang probinsya. Baka raw abutin siya ng ilang araw doon kaya ibinilin na niya sa akin ang bahay at ang pagtingin sa kanyang anak.

            "Jaime, ikaw na bahala dito ha? Nasabihan ko na din naman si JM tungkol sa pag-alis ko. Kailangan ko kasi talagang tulungan yung kapatid ko sa pag-aasikaso ng kanyang kasal."

            "Opo, ingat po kayo Tita", matipid kong sagot.

            "At… ayusin niyo na sana ng anak ko yung tampuhan niyo. Masyadong matagal na yan. Malalaki na kayo, kaya walang dahilan para pairalin niyo pagiging immature ninyo. Kung Pride ang paiiralin niyo malamang matapos na nga ang pagka-kaibigan niyo. Gusto mo ba yun?"

            "Hindi po.Pero kasi Tita…"

            "Wala ng pero-pero,Jaime. Siya aalis na ako, sabihin mo na lang kay JM pagkauwi. Mag-iingat kayo dito. Mga bilin ko ha? Wag kalimutan!", seryosong pagpapa-alaala sa akin.


            Naiwan na nga ako sa bahay na naka-tanga sa pintuan at maghihintay sa taong ni hindi man lang ako kinakausap na para bang napakalaking kasalanang nagawa ko. Alam ko naman may mali ako pero nakakainis na ang nangyayari para nga patagalin pa ng ganito.

            Sa inis at init ng ulo ko ay itinulog ko na lang ang lahat habang hinihintay ko siya. Mamaya na lang ako mag-luluto pagdating niya para malaman ko kung ano gusto niyang kainin. Pumunta ako sa kanyang kwarto at humiga sa kanyang kama. Sa totoo lang kaya naman talaga ako naiinis dahil sa miss na miss ko na siya. Sa ilang linggo na hindi niya ako kinakausap pero sa ibang tao ay malaya siyang nakikipag biruan at tawanan ay talaga namang nakakapagpa-selos sa akin. Naiinggit ako sa kanila kasi nakakakuha sila ng ngiti mula kay Mikael pero sa akin ni sulyap man lang o kahit ano, WALA.

            Noong una ayoko pa aminin sa sarili ko na naiinggit ako at nagseselos lalo na kay Jun. Alam ko walang ginagawang masama si Jun kay Mikael pero since mas close sila ngayon kesa sa akin para bang kinurot ang puso ko na hindi ako kabilang sa nakakapagpasaya kay Mikael. Na akong "Kuya" niya mismo ay hindi makuhang kausapin siya ng malaya tulad dati.
            "Ano ba kasing problema bunso? Ganun ba kalaki yung ginawa ko at ganito na tayo ngayon?", parang tanga lang na kinausap ang unan ni Mikael. Pathetic

            Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at niyapos ang unan ni Mikael at pina-anod na lang ang diwa ko kung saan para maka-tulog.


---Mikael

            Ngayon na nga pala ang alis ni Inay, hindi na ko sumama kasi meron pa akong pasok at ang sem break ay sa susunod na linggo pa. This also means that I'd be spending the break with Jaime at home. Wala naman maganda doon dahil para kaming estranghero sa isa't isa ngayon. Naghintay ako na magsalita siya at kausapin ako but it didn't came. Kaya naman hindi rin ako nag aksaya ng panahon at gumawa ng paraan para maayos itong tampuhan na ito.

Alam ko naman na kaibigan lang ako ngunit kargo namin siya kaya ganun na lang ang pag-aalala ko sa kanya.

Malapit nang matapos ang klase ko para sa araw na ito pero ayoko pqng umuwi dahil na din sa kanya. Uuwi ka nga sa bahay na parang ikaw lang ang tao, mas lalo lang ako maiinis. Ngayon nakikita ko na kung gaano siya ka-selfish at hindi ko hahayaan at ibibigay sa kanya ang satisfaction nang pagiging brat.

" Junjun! May lakad ka ngayon? Sama naman ako, wala naman ako gagawin sa bahay eh.", pag-aaya ko kay Jun habang nagliligpit ito ng mga libro nya. Tinignan niya ako ng may pagtataka at akmang may sasabihin pero tumigil ito bago tuluyan nagsabi.

"Wala akong lakad pre pero sige saan ba tayo pupunta?",pagsasalita nito habang nakatingin sa mga gamit niya kanina pa niya pilit inaayos pero hindi niya maipag kasya sa kanyang bag.

Tumayo ako at nilapitan ang kaibigan kong napapakamot na ng ulo sa magulo niyang gamit.

"Ako na nga mag-aayos nyan! Tabi nga! Ang laki ng problema mo eh no?"

"Hehehe! Ang yabang mo ah! Tignan nga natin ang galing mo."

Kinuha ko lahat ng gamit nya sa armchair at saka ito ipinasok sa bag niya. Napatanga si Jun sa ginawa ko at hindi ko na hinintay pang mag-react ito at patakbong lumabas sa room. Ang bagal kasi niya eh. Naiinip na ako at gusto kong mag-enjoy bago umuwi.

"HOY KUMAAAG! Saan ka ba pupunta, langya ka ang mga gamit ko kawawa naman!", pahangos na paghabol sa akin ni Jun.

"Hahahaha!! Doon ko na ito aayusin kapag na kay Buknoy na tayo. Let's have a joyride, Jun!"

"ADIK! Sagot mo ang gas ni Buknoy!"

"Ayaw ko nga. Wala ako pera, aayusin ko na nga gamit mo eh. Mahirap kaya gawin yun!"

Sa puntong ito ay pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante dahil para kaming bata na nagtatakbuhan sa corridor. Naguunahan pa kaming bumaba ng hagdan na parang mga tanga. May ibang nakikitawa sa kalokohan namin meron din ibang maarte kung tumili pag nabangga namin ni Jun.

Ngayon lang ulit ako nakapag-kulit ng ganito. Hanggang sa school ground ay naghihilahan kami sa gamit nya kaya yung iba niyang papers ay nagsisiliparan na. Syempre ako, nagpaka-pilyo at hinayaan ko sya ang magpulot ng mga nahulog niyang gamit. HAHAHA! evil!

Napatigil na lang ako sa kakatawa at pagtakbo noong matisod ako sa ugat ng isang puno. Buti na lang wala pa si Jun kundi malamang eh ang lakas ng tawa ng mokong na iyon. Tinignan ko ang puno na dahilan ng aking pagka-tisod. Dito pala ako dinala ng pagkakataon habang ako ay tumatakbo.


Sa Tree House.

……Itutuloy


[07]

---Mikael



“Oh ano? Ok ka pa ba? Isang round pa! Lakas mong mag-aya hindi mo naman pala ako kakayanin!”


            Tinignan ko ang taong kanina pa ako inaasar dahil sa hindi ko na kayang dalhin ang aking sarili. Manhid na ang buong katawan ko buhat noong nag-simula kami ni Jun. Hindi ko rin alam ano bang pumasok sa isipan ko at inaya ko siyang gawin ito. Sa totoo lang ngayon lang ako nakatikim nito kaya naman hindi sanay ang aking katawan at ito para akong nahahapo.


            Siguro ayos na rin ito para pag-uwi ko eh sobrang pagod na at hilo pa ay makakatulog kaagad ako. Umayos ako ng pagkakaupo at humarap kay Jun at sabay itong binatukan. Ang lakas kasi maka-kantyaw, pero natutuwa naman ako sa taong ito. Para bang hindi niyang kayang hindian basta ang kaibigan niya.


“Ang yabang mo! First time ko kaya!”, natatawang sagot ko sa kanya.


“Eh ano ba kasing problema at bigla ka na lang nagyaya uminom?” Alam ko kanina pa niya gustong itanong ito sa akin, ngayong nakahiram na siya ng tapang sa espiritu ng alak ay nagawa na rin niyang bitiwan ang kanyang pagtataka.


“Wala no! Gusto ko lang subukan, ngayon lang naman eh. Ahmmm, Jun… uwi na tayo, umiikot na talaga ang paningin ko eh. Parang slow motion na din ang paningin ko. Tignan mo nga naging gwapo ka na rin sa paningin ko. HAHAHAHAHA!”, humagalpak ang tawa naming sa aking nasambit.


“Tanga! Dati na akong gwapo no, mabuti pa nga at iuwi na kita sa bahay niyo. Baka kung saang lugar ka pa mapunta pag hinayaan kita. Kaya mo bang maglakad??”


“Anong akala mo sa akin? Lumpo?!”, para mapatunayan kay Jun na kaya ko pang maglakad ay bigla akong tumayo at humakbang papunta sa labasan, ngunit mali ako ng ikinilos. Naka-isang hakbang palang ako ay napatumba na ako pero maagap si Jun kaya naman nahawakan niya kaagad ako sa isang braso. Ang sakit ng pagkakahatak niya sa akin, tila nabalian ako doon.


“Pare, ‘wag ka na kasing magpasikat. Alam ko naman di ka na makakalakad ng diretso eh.”, salita ni Jun na pilit tinatago ang kanyang pagtawa.


“Oo na, sige na, tara na at nakakahiya na itong sitwasyon ko!”,bulyaw ko sa kanya.




Madaling-araw na rin noon kaya naman hindi na kami nahirapang bumyahe pa. Pinipilit pa nga ako ni Jun na matulog ngunit hindi ko ginawa dahil baka makaidlip rin siya habang nagmamaneho. Nakainom nga ako pero alam ko pa rin naman ang nangyayari at marunong pa naman ako mag-isip.


“Jun, dito na lang ako. Huwag mo nang ipasok si Buknoy sa kalsada namin para di ka na rin mapalayo. Kaya ko na sarili ko, para na rin makapahinga ka na.”


“Sigurado ka? Baka kung saan ka lang matulog niyan.”


“Sigurado ako. Kaya ko na ito, salamat.Ingat ka.”


“Sige mag-ingat ka rin. Kung pwede ‘wag mo na rin ulitin yun kundi lagot ako kay Jaime. Speaking of…”


“Jun, umuwi ka na.”, pagputol ko sa kanya at sabay baba ng kotse. Kumaway ako sa kanya bago ako tuluyan maglakad. Napailing na lang ito at sumaludo na lang sa akin at pinaandar na si Buknoy.


Ilang minuto pa ay nasa harapan na ako ng aming bahay. Bukas pa ang ilaw sa salas. Hinihintay niya kaya ako? Tsss.. ASA! Dinukot ko ang susi sa aking bulsa pero nahulog ito sa sahig.Pagkatapos kong pulutin ito ay siya namang pagbukas ng pinto at niluwa ang taong matagal ko nang hindi nakakausap. Dating kakilala ngayon ay parang estranghero na lang na nasa bahay.


“Oh, gising ka pa pala…”, tuloy-tuloy lang akong pumasok at pumuntang kwarto.


“Saan ka ba galing?”, tanong niya noong nakapasok na ako sa kwarto.


Ano ulit yun? Concern lang kunwari?! Nagsimula na ako magbihis ng pambahay ng biglang pumasok si Jaime. Mukhang naiinis ito at aburido. Tinignan siya ako sandali bago ito nagsalita ulit, tila sinusukat ang aking reaksyon sa pagpasok niya ng kwarto. Nakikiramdam kung pwede na ba niya ko makausap ng ganitong nakainom ako.


“Bakit di mo ko sinasagot? Hindi mo ba alam na kanina pa ako nag-aalala sayo kung saan ba kita hahanapin? Gusto ko na tawagin si Tita pero hindi ko ginawa dahil mag-aalala din iyon sayo.”, tuloy=tuloy nitong pagsasalita.


“Naglasing ka pa! Alam ba iyan ni Tita?”


“ANO?? Tama ba ang narinig ko? Nag-aalala ka? Teka!Naisip mo ba yan nung IKAW yung walang pasabi sa amin ni Inay? Nakalimutan mo na???”, di ko na napigilan ang init ng ulo ko sa kanya at nagpintig ang tenga ko sa mga sinabi niya. Unti-unti nang lumalabas lahat ng kinimkim kong sama ng loob. Ito ang masama kapag pinili mong tumahimik na lang at huwag nang pagusapan pa ang problema, himbis na maresolusyunan ay nadadagdagan lamang. Bandang huli, ang simpleng bagay eh lalaki at sasabog pa ng matindi.


“Bakit bigla mo kong kakausapin ngayon para pagalitan ako sa isang bagay na ikaw din ay ginawa mo. At bakit ko kailangan mag-explain sa iyo?!Where in the first place you haven’t done the same for me!! Kanino ko lang ba nalaman ang nangyari? Sa ina ko pa! Oh ano?! Ngayon mag-salita ka. Preach me kung ano ba ang dapat kong gawin KU-YA!”, sarkastiko kong pagpapatuloy sa pagsasalita sa kanya. Mukhang hindi ito nakahuma sa aking mga sinambit at naka-tingin lang sa akin na tila naghahanap ng maisasagot.


“Hinintay ko na kausapin mo ako noong umaga na iyon. Mas matindi pa sa pag-aalala mo sa pag-iisip ko sayo noong hindi ka pa nakakauwi. Idagdag mo pa na nung nakaraan eh nabugbog ka pa sa kung saan. Have you ever thought of that? Did you ever tried to talk to me kahit na hindi tungkol sa nangyari kahit bilang mag-kaibigan lang?”, naiinis na talaga ako, nawala ang aking hilo sa nangyayari. Buong inis kong isinuot ang t-shirt at umupo sa kama. Nakatayo lang ito at nakatingin lang kung saan.


Wala… wala pa ring imik. Tila ba lahat na ng dugo eh umakyat sa ulo ko kaya tumayo ako at pumunta sa pintuan para lumabas.


Ngunit nagulat ako sa ginawa niya, nasa pintuan na ang isang kamay ko at pipihitin ko na ito ng hinatak niya ang isa kong braso. Masakit… yun kasi ang nahatak kanina ni Jun sa bar noong ma-out-of-balance ako. Iniharap niya ako sa kanya at niyakap ako. Sa sobrang pagka-bigla ay hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko.



“Sorry…”, mahinang sambit nito sa aking kaliwang balikat.


“Sorry Mikael, na hindi ko man lang nagawang kausapin ka. Hindi ako sanay manuyo ng kaibigan o kahit na sino pa man. Hindi ko rin alam kung paano ba ang gagawin noong pagkauwi ko dito at tinignan mo ako ng ubod ng tindi. Naisip kong walang silbi lahat ng gusto ko sabihin sayo noon. Hanggang sa hindi na talaga tayo nagpansinan. “


“I’m such a brat, I know.”, bahagya itong natawa sa pag-amin niya, habang yakap pa rin ako, na siya namang ikinangiti ko rin. Ito lang naman hinihintay ko eh, ang kausapin niya ako at lahat na ng bagay ay ok na para sa akin.


Yayakapin ko na rin sana siya noong sandaling iyon ngunit nag-alangan ako kaya hinayaan ko siya na lang ang humawak sa akin.


“Bakit wala kang imik? Hindi na ba tayo pwedeng bumalik sa dati?”, malungkot nitong tanong sa akin. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at nakayukong nagsalitang muli.


“Sorry ulit sa lahat.” Tumalikod ito at papalabas na ng kwarto. Ayun, hindi ko rin natiis ang taong ginusto ng puso ko. Hinatak ko ang laylayan ng sando niya at nagsalita.


“Kuya Jaime… nagugutom ako.”, ewan ko nga ba bakit yan ang nasabi ko sa kanya.


            Lumingon ito sa akin bahagyang nakangiti pero nalilito.


“A-ano bang gusto mong kainin??”, nakakunot noo niyang tanong sa akin. Marahil ay nagtataka kung ano ba tumatakbo sa isipan ko, kung ok na ba kaming dalawa o gutom lang talaga ako.


“Ikaw…”


“A-ako??”, mas lalong kumunot ang noo nito at napakamot ng ulo niya.


“O-opo, ikaw…ikaw na bahala kung ano bang pwede mong lutuin. Tulungan na lang kita.”


“Ahhh, yun lang pala eh. Ok na ba sayo kung initin ko na lang yung puchero? Kanina pa kasi kita hinihintay eh. Sabi ni Tita Jean iyan ang paborito mo…”,medyo nahihiya niyang pag-amin.


“Talaga? Nag-luto ka para sa akin? Anong lasa nun??”, ngumingiti na ito ngayon sa akin. Marahil nakuha na niya na ok na ang lahat.


“Ang sama mo! Marunong na ako mag-luto no. Tinuruan ako ni Tita kapag wala ka dito. Palibhasa hindi ka na napirmi dito kaya di mo alam mga ginagawa ko.” Lumabas na ito ng kwarto para initin ang ulam, ngunit muli ay hinaltak ko ang laylayan ng sando niya. Lumingon ito sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon.


“Hmm, bakit?”


“Wala... na-miss lang din kita, kuya.”, nakayuko kong sabi sa kanya.


“Ikaw talaga, gutom lang yan. Tawagin na lang kita pag kakain na ha. Maligo ka na din muna siguro, amoy chico ka eh!HAHAHAHA!”, sabay gulo sa aking buhok.


Ang gaan sa pakiramdam dahil sa wakas ay nagka-ayos na kaming dalawa. All I wanted is for him to swallow his pride because I’m not gonna tolerate that kind of attitude he has.


Naligo ako para tuluyan ng mawala ang epekto ng alak sa aking katawan. Hinayaang kong dumaloy ang tubig sa aking katawan ng matagal – napakapresko. Naalala ko ang eksena namin noong humingi siya ng tawad. It was just a simple word but it melted my heart dagdagan mo pa na niyakap niya ako nang mahigpit. Naramdaman ko ang sinseridad niya sa paghingi ng tawad at wala ng ibang eksplenasyon pa ang kailangan.


Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa tagpong iyon at pinagluto pa niya ako ng paborito kong ulam kaya punong-puno ang dibdib ko sa tuwa.


“Mikael?Bilisan mo na para makakain na tayo. Inaantok na rin ako eh.”,pagtawag niya sa akin habang ako ay nagbibihis.


            “Opo, lalabas na rin po!”




“Hmmm, mukhang masarap Kuya ah. Sana totoo nga. Hihihi!”, pang-aasar ko sa kanya.



“Umupo ka na nga lang at kumain! Nang-aasar pa eh!”, yamot nitong sambit pero nangingiti rin naman.






-----Jaime



I can’t belive that I had it in me. Nagawa ko yun? Never in my entire life na may sinuyo akong tao. Well hindi naman talaga siya pag-suyo but it seems that I’ve surrendered unto him. Natutuwa ako dahil nagawa ko iyon at heto kami ngayon maayos na kami.


At parang walang nangyaring awayan dahil ang kulit na naman ng isang ito. Ang lakas mang-asar na hindi daw masarap ang luto ko pero pangatalong kuha na niya ng kanin. Akala ko pa naman eh hanggang sa sembreak eh mukhang tanga kami dito sa iisang bahay, that would be really awkward and baka lalo kaming mapalayo sa isa’t-isa.


“So umiinom ka pala bunso?”,pag-uusisa ko sa kanya. Gusto ko malaman kung ano nangyari sa kanya.


“Opo, ng tubig, eh kung hindi malamang patay na ako ngayon diba?”


“Pilosopo! I mean alak!” Ang lakas talaga mang-asar nitong taong ito.


“Oha! Talsik mo lumalaway, eeew! Kanina ko lang nasubukan iyon. K-kasi gssko mtlg na.. uwi!”, pilit nitong pagsasalita habang nginunguya ang isang bloke ng kanin sa kanyang bibig. Ang takaw!Grabe!


“Ano? Nguyain mo nga yan bago ka mag-salita.”


“Ang sabi ko ay gusto ko na matutulog na ako kaagad pagdating dito. Kasi nga… hindi t-tayo okay.”, pahina nang pahina nitong sinabi.


“Ahh, at si Jun pa talaga ang inaya mo?? Eh, parang tubig lang ang alak sa taong yun eh. Sa susunod kung gusto mo uminom ako isama mo, kahit dito na lang tayo sa bahay para diretso na ang tulog. Huwag ka nang iinom sa labas tignan mo nga yung ayos mo kanina parang isang hipan lang sayo tulog ka na.”


“Uyyy, concern siya. Hahaha!”


“Ewan ko sayo, hugasan mo yang pinggan mo mag-isa mo. Hihiga na ko, mukhang nahimasmasan ka naman na eh kaya mo na ‘yan.”, balik ko sa kanya.


“Ay asar-talo, biglang pinag-hugas ako ng pinggan. Sige na nga dun ka na sa kwarto.”, pagsan-ayon nito.


Hindi pa naman talaga ako inaantok dahil mahaba-haba rin ang itinulog ko kaninang hapon. Inaasar ko lang talaga siya, ang kulit kasi.


“Hoy Kuya, bakit ka naka-ngiti dyan? Para kang baliw! Urong nga at gusto ko na rin mahiga.”,pagbasag nito sa aking pagmumuni-muni.


“Ikaw talaga napaka-bully mo sa akin.”


“ Hala! Ako ba ang “Campus Bully” sa ating dalawa??”


“Ah ganun? Halika ka nga dito ng makita mo kung paano ako mang-bully!”


Hinatak ko siya sa kama at nagpam-buno kaming dalawa. Habulan dito, habulan doon na parang mga timang lang. Daig pa namin ang magkasintahan kung mag-harutan. Ano bang magagawa ko eh na-miss ko itong taong ito eh. Hanggang sa sinunggaban ko siya at bumagsak sa sahig.


“Kuya, masakit sa likod, pwede ka nang tumayo para kang namaligno eh.” Hindi ko namalayan na natitigan ko pala ang kanyang mukha.


“Ay sorry, tara na nga at matulog na tayo. Ang gulo mo kasi eh.”


Tinignan ko siyang muli pagkabangon ko. Tignan mo nga naman ang isang ito, isang saglit pa lang eh tulog na kaagad? Pambihira pagbubuhatin na naman ako nito. Sinubukan ko siyang gisingin pero para saan pa nga ba eh kung matulog ito ay parang hindi na gigising.


Iniayos ko siya sa kasama at kinumutan at tulad ng dati hinawakan ko ang kanyang kamay. This is wrong I know pero ano pa nga bang magagawa ko?



The more I deny it…



The more it is evident that I have fallen…



I will give in this time but soon I should divert this feeling, I have to. Ayaw kong masayang ang pagkakaibigan na meron kami ngayon dahil lamang sa maling nararamdaman ko para sa kanya.Lahat ng ito ay bago sa akin,hindi ko alam kung paano ko gagawin ito ng maayos. Mas magandang ibaon ko na lang ito sa limot, sana ay magawa ko.


Sa mga nagdaang linggo na hindi kami nag-usap. Iniisip ko na baka ako ay nag-seselos lamang kay Jun o kahit sino mang nilalapitan niya. Inisip ko din na baka na-mimiss ko siya ng sobra kaya naman balisa ako. Itinanim ko lahat nang iyan sa utak ko, na walang mali sa nararamdaman ko dahil normal ito lahat.


Ngunit nagbago ang lahat simula noong yakapin ko siya kanina. It’s like I can never let go of him and it was agonizing noong wala ako makuhang sagot sa kanya. Habang ang mga katawan ay magkadikit, I felt like his body is designed for my hug, na I can go on hugging him forever. I know it is insane and unreasonable pero…


Wala eh…Hanapin ko man ang sagot ng paulit-ulit o halughugin ko man ang aking isipan ko kung bakit ito ang nararamdaman ko para sa taong ito ay wala akong makuha.






Ang alam ko lang eh… MAHAL ko siya. Mahal ko na si Mikael.

......Itutuloy


[08]
Una akong nakarating sa aming tagpuan. Magdadapi't hapon na rin ngayon, medyo mas maaga sa napag-usapan naming oras. Mas mabuti na rin siguro ito para maihanda ko na ang sarili ko sa kung ano ang mangyayari sa pag-uusap namin.

Nilibot kong sandali ang kabuuan ng lugar na unang naging saksi sa aming pagkakaibigan. At muli, mukhang ito rin ang magiging saksi sa pagtatapos nito. Nakakalungkot kung bakit kailangan mangyari ito. Ang taong mahalaga sa akin ay ngayon kailangan ko nang bitawan. Kung dati nga, noong bata pa ako ay iniiyakan ko ang mga nasisira kong mga laruan o gamit, paano pa kaya ngayon ang nasisirang pagkakaibigan.

Masakit… pero kailangan ko nang harapin, dahil kung tatakbuhan ko lamang ito ay malamang puro tanong na lang ang tatakbo sa aking isipan. Kung tutuusin ako din naman umani nitong nangyayaring ito. Kung hindi ba naman ako tanga at pinapasok ko siya sa buhay ko eh di sana tahimik pa rin ang buhay ko. Matabang na buhay pero walang sakit na tulad ngayon.

Ang ganda ng pagtatapos ng aking buhay kolehiyo, nagkaroon nga ako ng degree ngunit kasabay nito ay ang pagkawatak-watak ng aming pagkakaibigan. Maybe, I was really born to be lonely - I'm an exception to the saying that "No man is an island"…

Sa mga pag-iisip ko nang ganito ay unti-unti nang kumawala ang tubig sa aking mga mata. Naalala ko pa noong party para sa amin ni Jun bilang mga candidates for graduation sa isang resort. Ang saya-saya noon. Tama ako na hiniling ko na sana huwag nang matapos ang gabing iyon. Kasi matapos ang panahong iyon ay gumuho lahat ng itinayo naming samahan.

Ang gabing huli kong nakasama ang taong mahal ko.




----Mikael


"Woooooohoooooo! SEMBREAK na pare!! Isa na lang at GRADUATES na tayo! Nyahahaha!!",buong siglang hiyaw ni Jun matapos ang aming huling subject. Nakakatawa siyang panuorin dahil para siyang bata na pinayagan pumunta sa isang Children's Party.


One more semester at matatapos na kami. Excited ako na kinakabahan kapag naiisip ko na magtatapos na ako sa pag-aaral, na sa wakas lahat ng aming pinagpaguran ni Inay ay magkakaroon na ng magandang bunga. Makakapag-trabaho na rin ako at matutulungan ang aking ina sa paghahanap-buhay at paglaon ay makapagbukas ng negosyo para sa kanya. Bagong simula para sa pagtupad ng mga inaasam na pangarap.


Nakaupo lang ako noon at tinatawanan si Jun habang ito ay nababaliw sa sobrang tuwa.


"Huy! BALIW! Para kang kiti-kiti ang likot mo.", si Kuya Jaime.


Napalingon kami sa pintuan at naroon siya, katatapos lang din ata ng kanyang huling subject. Haaay, bakit ba hindi ako nagsasawang tignan siya? Mamula-mulang pisngi dahil sa init, magagandang mga mata na matutunaw kahit sino ang matitigan nito, at ang mga labing tila ba ang sarap hagkan... na minsan na rin dumampi sa aking mga labi.


"Eh bakit ba? Eh sa natutuwa ako at makakapag-bakasyon na tayo. Ang KJ mo talaga pare. Minsan iniisip ko sana hindi ka na lang nagbago, kasi wala na ako kasama sa kalokohan eh. Hahahahaha!",pangaasar ni Jun kay Kuya Jaime.


"Ganoon talaga Jun. May nagpatino sa akin eh." Sabay lapit nito sa akin at tinignan ako nang nakangiti. Gusto kong maihi sa sinabi niyang yun, ako nga ba ang tinutukoy niya? Paano naman niya nasabing napatino ko siya??


Umupo ito sa armchair ng aking upuan,paharap kay Jun. Hindi na ako mapakali dahil napakalapit niya sa akin at nasasamyo ko ang kanyang amoy. A homey smell na hindi ko pinagsasawaan langhapin. Gusto ko nga sana siyang yakapin at lambingin ngunit nakakailang naman kung gawin ko iyon. Tiyak marami ang magtataka at magiisip kapag ganun ang aking gagawin. So I just kept my cool and diverted my attention to something else.


Napansin kong tahimik silang dalawa at nang tignan ko ang mga ito ay nagngingitian silang parehas; Nakakalokong mga ngiti na hindi ko mawari kung ano ba ang dahilan.


"T-teka saan ba lakad mo Jun?", tanong ko sa kanya.


"Lakad ko? O lakad natin??", at nakangisi na naman ito at bumaling kay Kuya Jaime.


"T-tayong tatlo?", takang tanong ko.


"Sasama din si Mama, isama din natin si Tita Jean.", dagdag pa ni Jun.


Kinakabahan talaga ako sa mga ngisi nitong si Jun, para bang may tinatago sila sa akin. At hindi ko nagugustuhan iyon, napagtitripan ata ako eh. At itong si Kuya Jaime ay nakatingin lang din sa reaksyon ko, binabasa ako?? Nagsisimula na ako mainis pero itinago ko iyon at pinakitang game ako sa kalokohan na niluluto nilang dalawa.


"Sure, kelan ba yan at nang masabihan ko na si Inay?"


"Bukas."


"ANO?! Bukas kaagad? Ang bilis naman! Wala pa akong pera!"


"Huwag ka na mag-alala, kasi kahit kelan naman wala kang pera eh. Kaya kami na ni Mama bahala."


"Ang yabang mo, panget!!"


"Bleeh! Magsumbong ka sa ninuno mo!!",sabay labas ng dila nito at nagmukhang nakakain ng maasim si Jun.


"Dami niyong dada, tara na nga at umuwi, para makapaghanda na rin ng gamit."


I dont know if I should be excited sa lakad namin para bukas. Hindi kasi ako mapakali kung ano ba ibig sabihin ng ngitian na yun ni Kuya Jaime at Jun. Isa pa ay ayaw nila sabihin kung saan kami papunta, para tuloy akong tanga o pinagti-tripan nitong dalawang mokong na ito.


Pagkadating na pagkadating namin ni Kuya sa bahay ay agad itong pumunta sa kwarto.Sinundan ko naman ito. Hindi halatang excited siya at magiimpake na kaagad ng mga damit. Teka bakit parang ang dami naman ata ng damit na inililigpit niya. Pati mga damit ko siya na rin ang pumili at nag-silid.


"Kuya?", pagtawag ko sa kanya ngunit hindi ata ako narinig. Tuloy pa rin ito sa paghahalungkat ng mga kailangan namin.


"Huyyyyy! Para kang maglalayas ah! At bakit parang nagmamadali ka? Bukas pa ho iyon diba? At isa pa, hindi pa tayo nagpapaalam kay Inay."


Humarap ito sa akin at tinignan ako sa aking mga mata. Seryoso ang kanyang mukha. Ang weird talaga, kanina lang pangiti ngiti ito ngunit ngayon biglang seryoso. Gusto kong mainis at mabugnot kasi wala akong maintindihan sa nangyayari.


"Bunso, do you trust me?",mahinang sambit niya sa akin.


"Oo, p-pero ano bang nangya…", hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil nilagay niya ang kamay niya sa aking mga labi.


"So, could you please just let me be, even just this time…kailangan ko ito. Alam ko, naguguluhan ka sa nangyayari pero, I will explain everything kapag nandoon na tayo. Save your questions first. Trust me…"


Dahil sa nasa bibig ko pa rin ang kanyang kamay ay tumango na lang ako bilang pagsang-ayon saka niya ito tinanggal. Ano pa nga bang gagawin ko kung hindi manahimik habang pinagmamasadan siya magayos ng gamit. Somehow, natutuwa ako sa ginagawa niya dahil siya na ang umaayos ng gamit ko. Hinayaan ko na nga lang talaga siya dahil mukhang importante nga sa kanya ito.


Pati ang pagpapaalam kay Inay ay siya na rin ang gumawa. Pumayag naman ito ngunit tulad ng inaasahan ko ay hindi ito makakasama dahil kinabukasan na kaagad ang alis at hindi ganoon kadali magpaalam sa kanilang opisina. Binilinan na lang niya kami na mag-ingat doon.


Isa na namang pinagtataka ko ay hindi nito tinanong ang detalye ng aming lakad. Kung saan ba kami papunta, kung ilang araw ba kami doon at kung sino-sino ang kasama namin. Para bang walang nangyari at nagpatuloy lang kami sa pagkain ng hapunan.


Hindi ako mapakali habang hinuhugasan ang mga pinagkainan namin. Iniisip ko pa rin kung ano bang mangyayari. Kinakabahan ako kung ano bang mangyayari at parang mayroon silang itinatago sa akin. Kahit sa pagtulog ay hindi ko magawang antukin kakaisip, excited na rin at parang may mga paruparu sa aking dibdib.

Anticipating something unexpected.


"Mikael? Hindi ka makatulog? Sorry ha…", tanong ni kuya habang nakatalikod sa akin.


"Ano ka ba Kuya, ok lang yun. Humanda ka na lang sa mga tanong ko sayo."


"Hmmm ok, then you should sleep. I'm ready to answer your questions mamaya pag nandoon na tayo."


"Opo... Dapat lang na handa ka!", at natawa ito sa huli kong nasambit sa kanya.


Ipinikit ko na nga ang mga mata at ipinahinga ang aking isipan. Bahala na kung ano ang mangyayari bukas.



----Jaime


              Umaga na pala. Hindi ko man lang namalayan na pasikat na pala ang araw. Kanina ko pa kasi pinapaulit-ulit sa aking isipan ang aming plano ni Jun.


              At first, nag-hesitate ako sabihin sa kanya ang lahat, dahil baka hindi niya maintidihan. But, I was wrong, iba talaga si Jun kahit na maloko ito at parang walang bagay na seseryosohin ay nakinig siya sa akin. He even smile at me, a genuine smile na parang proud sa inamin ko sa kanya.


              Yes, I confided to my best friend na I have fallen to Mikael.


              Ang sarap sa pakiramdam na may napagsabihan ako tungkol dito. I'm not planning on proposing to him kasi nga ayoko masira ang pagkakaibigan namin. Instead, I will just make him feel how much he means to me… How much I love him. I will make him feel special, kahit hindi niya maibalik sa akin ito , equally or more. Ang mahalaga, I can freely express my feelings without admitting it to him.


              A ridiculous plan, I know, pero ano pa nga ba. Tanga na nga takot pa…


              "You are so special Mikael… Patawarin mo sana ako kung sakaling tanungin mo ako at hindi ko masagot. I don't want to lose you… and I definitely don't want to be separated from you. Kung kuya lang talaga ang tingin mo sa akin, so be it. I will still stay by your side… until I can.",sabi ko sa aking isipan habang tinitigan siya sa kanyang pagtulog.


              It's time… labdab!labdab!labdab!


              "Mikael, gising na! Kailangan na nating maghanda para umalis.", as usual hindi ito natitinag pero nalaman ko na rin ang sikreto para magising ito. Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga at hinipan ito ng pagkalakas-lakas. HAHAHAHA! And Voila! Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-upo nito sa kama.


              "Kuya naman eh! Kailangan ba laging gawin yun?!",yamot nitong sambit habang nagkakamot ng ulo.


              "Kailangan na natin maghanda paalis po, Mahal na prinsipe!", pangaasar ko sa kanya.


              "Hala, sige tumayo ka na diyan o kakagatin ko pa yang tenga mo!" Tinignan pa ako nito ng masama bago tumayo at padabog na lumabas ng kwarto dala-dala ang tuwalyang panligo niya. Ang sarap niyang asarin lalo na kapag ganoon na napuputol ang kanyang tulog.


              Tok!Tok!Tok!


              "Jaime, anak. Halika muna dito sandali.",pagtawag ni Tita Jean sa akin.


              "Ano po iyon Tita?", tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng kwarto.


              "Mag-iingat kayo doon ha. Sino ba maghahatid sa inyo doon?", pagbibilin nito sa akin.


              "Opo Tita. Si Lolo Anthony po ang magdadala sa amin papuntang pier tapos kami na po bahala sumakay ng barko papunta po doon.. Huwag po kayo mag-alala ako po ang bahala kay Mikael.", at binigyan ko siya ng matamis na ngiti.


              "Sige, aasahan ko iyan. Tawagan mo ako kaagad or i-text kapag nakarating na kayo doon.", sabay halik nito sa aking noo at tinungo na ang pinto palabas.


              "T-teka po Tita, aalis na po kayo? Hindi na po niyo hihintayin si Mikael matapos maligo para mabilinan niyo po?", takang tanong ko sa kanya.


              "Hindi na kailangan hijo, alam na ng anak ko kung ano ang dapat sa hindi. At isa pa, may tiwala naman ako sa iyo kaya sapat na ikaw ang kinausap ko. Ayaw mo din naman na mas lalo siya magtaka diba?", natawa na lang ako dahil bago ito tuluyang umalis ay kumindat pa ito sa akin.


              What was that for? Does Tita Jean knows I love his son? Pero bakit parang hindi naman siya galit?


              Natutuwa ako at the same time hindi ako sigurado sa aking mga kuro-kuro. Ang mag-ina nga naman ito, ang weird nila but then yun nga ang gusto ko sa kanila eh.


              Bumalik ulit ako sa kwarto at habang naliligo pa si Mikael ay binisita kong muli ang aming mga dadalhin,mahirap na baka may makalimutan at walang magamit doon sa aming pupuntahan. I can feel the excitement every minute na tumatakbo. Para akong mawawalan ng malay sa kaba dahil na rin sa aking mga plano. I wish it will turn out well. I want this to be perfect for him.


              "Kuya, kaw naman maligo.", napalingon ako sa kanya matapos nitong basagin ang aking mga iniisip. At napatanga ako sa kanya. I've seen him half naked for several times already but then, now he is in front of me, with droplets of water  on his body... Wow! Hello there gorgeous! I wanted to say that but hmmm awkward hahahahha!


              "Kuya? Bakit parang namatanda ka?"


              "Wala...mukha kasing masarap...", I said absentmindedly while looking at his lips. Para bang nagsasabi na ilapat ko rin ang mga labi ko rito. Really tempting me.


              "Ha? Alin ang masarap?", nakakunot noo niyang sabi sa akin. Kaya naman napailing na lang ako at pilit na pinatino ang aking sarili bago pa ako maulol.


              "Ang ibig kong sabihin, eh mukha ngang masarap maligo dahil malamig ata ang tubig ngayon.",pagpapalusot ko at kinuha na ang tuwalya para makaligo.


              "Ahhhh, opo. Malamig nga ang tubig ngayon. Anong gusto mong almusal kuya?"


              "Kahit ano lang, kakain ko yan basta ikaw naghanda. Hahahaha!", pagbibiro ko sa kanya bago ako nagpunta sa banyo para maligo.


              Oh my goodness! Ano ba ang nangyayari sa akin? Nakakapanibago ang ganitong pakiramdam. Gusto kong i-resist pero it feels so right to love Mikael. Ang gulo naman! nakakainis!


              With all of that in my mind. Binuhasan ko na lang ang sarili ko ng malamig na tubig. nagbabakasakaling matauhan ako bumalik sa normal. But then, I failed again. The image of Mikael's flashed into my mind at di ko napigilan makagat ang sarili kong labi. For once, naramdaman ko kung gaano kalambot ang mga iyon ngunit sandali lamang iyon.


              Well stop it, Jaime! Remember mas importante ang araw na ito kesa sa mga pantasya mo.


              Buhos dito, buhos doon. Kudkod dito kudkod doon. I made sure na I am at my best for ths event. Well, I am still the Campus Crush right? Dapat mapansin niya ako, sana mapansin niya ako...


              Matapos kong maligo at tutungo na sana ng kwarto para makapag-bihis ay kta ko si Mikael sa kusina at nagluluto ng sinangag. May kung ano akong naisipan gawin at gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon nya rito.


              Dahan-dahan akong nagpunta sa kanyang likuran at humawak sa kanyang bewang.


              "Hmmmm, ang bango naman nyan niluluto mo Mikael. Mukhang masarap, mukha lang naman. Hehehe!"


              Natigilan ito sa ginagawa saglit ngunit hindi nagsalita at patuloy sa pag gisa ng niluluto niya. Inilapit ko ang aking mukha sa ibabaw ng kanyang balikat, kunyari ay pinapanuod ang kanyang ginagawa. Then I look at his face and is smiling. Teka ang daya dapat ako ang mangsusurpresa pero ako itong nagulat sa reaksyon niya.


              Tinignan niya rin ako habang ito ay nakangiti. Haaay, this guy really, really, really always caught me off guard.


              "Gutom na gutom ka na Kuya ah.", sambit niya.


              "Oo nga eh, gutom na ako." sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sakanya at kinakabisado ang detalye nang kanyang maamong mukha.


              "Kuya... May sasabihin ako...."


              "Ano yun?", kabadong tanong ko sa kanya labdab!labdab!labdab!


              "Kaialangan mo na magbihis, kasi nariyan na rin si Mr.President eh, ang lolo mo. Mukhang gutom na rin siya, nakakahiya naman paghintayin.", medyo pabulong niyang sagot sa akin.


              "Good Morning, apo."


              And he was there, sa isa sa mga upuan sa may hapag kainan, nakangiti sa akin. Awkward... Tinanggal ko ang aking mga kamay sa bewang ni Mikael at humarap sa aking lolo... Awkward ulit...


              "G-good morning Lolo. Kanina pa kayo nandyan??", nahihiya kong pagbati sa kanya.


              "Yes.",simpleng sagot niya at nakangiti pa rin ito.


              "Sige po Lolo Anthony, I will just get myself ready. Mauna na po muna kayo kumain ni Mikael.", pagpapalusot ko habang papunta sa kwarto.


              "No, it's ok we will wait for you. Tama ba Mikael, hijo?"


              "Opo Sir Anthony."


              Tumango na lang ako dahil nahihiya talaga ako at natunghayan pala ng aking lolo ang lahat. Buti na lang wala akong ibang ginawang kalokohan. Napailing na lang ako habang gumagayak. Natatawa na lang din ako sa ginawa ko kasi himbis na si Mikael ang magulat sa ginawa ko, ako itong nagulat at doble pa.


              Hay naku, Jaime. You still have a long day ahead you. Ano pa kayang kapalpakan ang gagawin mo? Remember, this should be special for him.

Itutuloy.....


[09]

---Mikael



"Nasaan na tayo Kuya Jaime?",tanong ko sakanya.


"Malapit na tayo sa daungan ng mga barko. Naiinip ka na ba?"


"Medyo." Hindi kasi tayo naguusap kanina pa, sa isip-isip ko lang.


Simula nung bumyahe kami at iwanan kami ng lolo nya ay tahimik kaming dalawa. Tila hindi magkakakilala at kanya kanya lang sa pagmamasid.


Kinailangan kaming iwan ng lolo niya sapagkat mayroon urgent call ito mula sa kanyang mga kasosyo. Bago ito umalis ay nagpasalamat ako sa oras na inilaan niya para samahan kami at ganito ang kaniyang sinagot:


"No worries, Mikael. Gusto ko rin kasi makilala at makasalamuha ang kaibigan na nagpabago sa apo ko. By the way, I hope you can call me lolo as well, instead of Mr.President. Enjoy your vacation!", sabay tapik nito sa aking balikat at nagbilin na ibigay na lang sa katiwala nila ang susi, maghihintay daw ito bago kami umalis mula sa daungan.


"Kuya, ang bait ng lolo mo ‘no? Hindi ko akalain na ganoon siya ka-simple. Sana lahat ng mayayaman ganoon, hindi matapobre o arogante. Pwede ko ba talaga siyang tawagin na lolo? Buhat kasi nung nawala si Itay sa amin, wala nang tumayong parang ama para sakin, si Inay lahat ng gumawa nun...", pambabasag ko sa aming katahimikan.


"Oo naman, Mikael. Yung si Lolo, ang kakampi ko maliban kay Manang Ising. Tingin ko naman sincere siya nung sinabi niya sayo na tawagin mo din siyang lolo. Nakikita niya rin siguro kung gaano ka kabait, kayo ni Tita Jean kaya naman siguro panatag siya sa iyo."


"Nakakatuwa lang kasi isipin Kuya Jaime, na parte na kami ni Inay ng pamilya niyo kahit papaano. K-kulang na lang ay makilala din namin ang mga magulang mo...",pag-aalinlangan kong sambit sa aking mga huling salita. Tinignan ko ang reaksyon niya, blangko ito at hindi kaagad sumagot.


"My parents... I almost forgot them. Para kasing kayo na ang nagpuno ng mga pagkukulang nila sa akin. I found the unconditional love sa inyo ni Tita Jean…"


"Wala ka bang balak na balikan sila at ayusin lahat ng gusot ninyo? Lalo na ngayon, nag-mature na ang pag-iisip mo. Besides, magulang mo pa rin naman sila, pwede silang magbago para sayo. Naging busy lang sila na ibigay sayo lahat kaso nakaligtaan nila ibigay sa iyo yung atensyon at apeksyon na hinahanap mo. Kuya... Wag mo sana isipin pinapaalis kita, I just want you to let go of your family burdens."


"Someday...",matipid niyang sagot. Medyo napahiya ako at ganito lamang ang kanyang naging sagot, kaya naman hindi na ako muling sumagot at tumingin na lang sa aming dinaraanan.


Magiging masaya kaya itong bakasyon na ito? Ngayon pa nga lang tahimik na kami eh. Looking forward na lang ako kay Jun. Siya na lang kukulitin ko, hindi itong tuod na ito. Kainis!



Ilang minuto pa at nakarating na kami sa unang stop at tinawagan na nito si Ram, ang katiwala ni Mr. President.


Pagkababa namin ng kotse ay agad nitong ibinaba ang mga gamit namin at isa-isang binuhat. Pinilit ko man siya na dadalhin ko ang iba ay inaalis naman nito ang mga kamay ko mula sa mga bags namin.


"Sir Jaime?", sabat ng isang lalaki habang nagpupumilit akong tulungan siya.


"Kuya Ram! Heto po pala yung susi. Kamusta na po kayo nila Manang Ising?"


"Mabuti naman kami, pinapa-abot niya pala sayo na nasasabik na siyang makita kang muli. Si Sir Anthony na nga lang po yung naga-assure sa magulang mo na nasa mabuti kang kalagayan eh. Kailan po ba ang balik ninyo?", sagot nito sa apo ng amo niya.


"Kuya Ram... Hindi ko po alam. Sige po alis na rin ho kami at para makarating kami kaagad sa isla. Salamat po ulit. Mag-iingat po kayo ha.", at nakipagkamay na si Kuya Jaime sa anak ata ni Manang Ising.


"Ingat din po kayo doon.", sabi ni Kuya Ram at tinugon ito ni Kuya Jaime ng pagtango lamang.


Nagsimula na rin kami maglakad ng mapansin kong wala namang mga barko o bangka sa paligid. Sa di kalayuan ay may isang tila warehouse at iyon ang tinutumbok ni Kuya Jaime. nagmamadali ito pumunta doon, siguro ay nabibigatan na sa kanyang mga dalahin. Ang arte kasi at ayaw pang magpatulong magbuhat.


Pagkarating sa pinto ng warehouse ay sinusian nya ito at paika-ikang pumasok. Kukulitin ko na sana ulit siyang bitbitin ko ang ibang bagahe nung pagpasok ko ay napanganga na lang ako sa nakita ko. Sa mga pelikula ko lang kasi iyon nakikita.


Isang yate ang nasa aking harapan. May sarili itong daungan kaya naman kahit kelan mo ito puntahan ay handing-handa na ito patakbuhin. Malaki ito at kasya siguro ang labing-limang katao. Nilibot ko ang paligid nito at di ko mapigilan ang mapahanga.


"Nagustuhan mo ba bunso?",sambit ng taong nasa aking likuran. Humarap ako sa kanya ng nakangiti. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko pero masaya ako sa tila surpresa na ito.Tumango ako sa kanya ng nakangiti pa rin.


"Ang yaman niyo talaga ‘no? Meron kayong sariling ganito, kaya di niyo na kailangan makipag-siksikan sa mga barko o bangka."


"Hindi naman sa amin ‘yan eh. Kay lolo yan, nagpresenta siyang ipagamit ito noong malaman niyang magbabarko lang tayo. Dati rin kasi, noong high school pa lang ako, tinuturuan niya na rin ako gumamit nyan kaya siguro kampante na rin siyang ipahiram sa akin."


"Ahhh… Ang bait talaga ni Mr. President!", sabi ko habang dinadama ang gilid ng sasakyan namin maya-maya.


"Lolo."


"Ha? Ako Lolo?"


"Tangeks! Itinama ko lang yung tawag mo kay ‘Mr.President’, diba nga Lolo mo na rin siya???"


"Nakakailang kasi Kuya Jaime, parang hindi bagay sa akin na tatawagin ko ng lolo ang may-ari ng school na pinapasukan ko…", kamot-ulo kong sagot sa kanya.


"Naku, masanay ka na!", sabay kindat nito sakin.


Heto na naman ako at muntik na mawalan ng puso at puputok ata sa ginawa niya. Tumalikod nako sa kanya at hinanap ang hagdan paakyat sa yate bago pa man ako mawalan ng malay.


"Hindi mo man lang ba ako tutulungan sa mga gamit natin?!", pasigaw nyang sabi.



"Kaya mo na yan diba?! Hahahahahaha!", pang-aasar ko sa kanya.







-----Jaime


Nagsimula na kaming baybayin ang dagat, maaraw noon at maganda ang klima. Sa labas ay naroon ang aking mahal, pinagmamasdan ang malawak na katubigan at baka daw makakita siya ng mga dolphin.




Sila na ang pamilya ko…




‘Yan ang pinipilit kong isinisiksik sa aking isipan ngunit patuloy ding lumulutang ang bagay na pilit kong kinakalimutan.



Sina Mama at Papa.



Bakit ko pa sila kailangan balikan, kung hindi man lang nila ako hinahanap o hinanap man lang?! Sa ilang buwan na nawala ako sa puder nila ay ni minsan di ko nakita ni anino nila.


Isinantabi ko na muna ang galit ko sa aking pamilya at sinet ang yate sa auto-pilot mode para na rin mapuntahan ko si Mikael. Oras na para isa-isahin namin ang mga tanong namin para sa isa't isa.


Labdab. Labdab. Labdab.


Paglabas ko ay agad kong pinuntahan ang harap ng yate ngunit wala na siya roon. Tinignan ko kung nasa galley o sa mga cabins pero wala. Saan ba ang mokong na yun at mukhang pinaglalaruan ako?! Kapag nakita ko talaga siya naku!kokotongan ko yun.
Hindi kaya nasa favorite part ng sasakyan ko siya naroon. Doon ako palagi nagpapalipas ng oras kapag hinihinto ni lolo ang yate sa gitna dagat.


Tinungo ko ang buntot ng yate at bumaba ako ng isa pang deck.


Ayun nga siya at nakaupo sa dulo nito at dinadama ang tubig sa kanyang mga paa. Kumakanta ito ngunit malungkot ang himig. Himig ng isang nangungulila sa kanyang mahal. Hinintay kong matapos ang kanyang pagkanta bago ako umupo sa kanyang tabi.


"Gawa mo?", tanong ko sa kanya.


"Hindi, si Itay may gawa nun. Nami-miss ko na kasi siya… Mabait yun, si Itay, at ayaw na ayaw nun na nakikita akong umiiyak noong bata pa ako. Sana narito pa siya para masabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko ngayon. Kung gaano ako kasaya at gaano din kalungkot kung minsan.", unti-unting bumagsak ang mga luha nito sa kanyang mga pisngi.


For a moment there, wala akong nasabi sa kanya. Kasi naisip ko, ako kumpleto ang mga magulang ko, pero magkalayo kami at hindi kami maayos at heto siya nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa kanyang ama.


 Naiinggit ako at gusto ko tuloy tawagan sila Papa, nasasabik na din pala ako makita sila. Kakaiba talaga si Mikael, nailalabas niya sa akin yung mga bagay na kinukubli ko, kahit pa man hindi niya ito sadya.


"Sige Mikael, pagbalik na pagbalik natin. Uuwi ako sa amin at kakausapin ko ang mga magulang ko. I shouldn't prolong this grudge of mind. You made me realize that, just now, na nagsasayang ako ng panahon at baka magsisi lang ako ‘pag wala na rin sila." Inakbayan ko siya at bahagyang pinisil ang kanyang balikat.


"Talaga kuya? Gagawin mo yun?"



"Opo, pangako ‘yan. Makikipag ayos na ako sa kanila. At ikaw, ‘wag ka na malungkot, narito pa naman kami nila Tita Jean eh, pati si Lolo at ang mga kaibigan natin. Hindi man namin mapapalitan o mapapantayan ang Itay mo ay narito kami para sayo at ayaw din namin nakikita kang umiiyak… Sino ba nang-away sayo at ipapalapa natin sa pating?!"


Natawa ito at akmang babatukan ako nito nang marealize niyang hindi pala pwede. Kasi pwede kaming mahulog sa tubig. Ngumisi ako sa kanya at dumila. Ito yung mga moments na we don’t need words to express ourselves, pero alam ko na masaya siya. Silent moments but full of meaning. Hay naku, I wish I could tell him my true feelings for him.


"Tara Mikael, kain na tayo. Nagugutom na ko eh, ang BIGAT kasi ng mga bitbit ko kanina!",sabi ko habang kunyari eh minamasahe ko ang aking mga balikat.


"Kasalanan mo ‘yan. Tinutulungan ka na kanina ayaw mo pa. Ang arte mo! Hahahahaha!",at tumakbo na ito paakyat mula sa stern at pumasok na sa loob. Tignan mo nga naman eh inunahan pa ako?


Hapon na rin noon nung makarating na kami sa aming destinasyon. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung magugustuhan niya sa lugar na ito. Hindi ko na rin siya pinigilan bitbitin ang ibang mga bags kasi sa totoo lang eh MABIGAT talaga sila. Nagpapaka-gentleman lang ako kanina at ayoko siya mapagod.


Nauna siyang bumaba at lumakad sa kahoy na pathway. Ilang hakbang pa namin ay tumigil ito at tila namatanda.


"Oh, bakit ka tumigil??", takang tanong ko sa kanya.


"Kuya... Dyan tayo mag-stay?"


"Ayaw mo??"


Humarap ito sa akin at nanlalaki ang mata nito.


"Kuya!Ang ganda! Huwag mong sabihin sa lolo mo rin ito?"


"Huwag na puro tanong at pumasok na tayo at gusto ko munang humilata." Kinabig ko na nga siya at bahagyang tinutulak para maglakad.


The place is actually amazing. Ang mga daanan ay gawa sa cobblestones at may mga lampshades na nakaayos sa mga damuhan sa gilid nito. Ang reception area naman nila ay gawa sa kahoy pati na rin ang mga upuan.


Pagkakuha ko ng susi sa attendant ay tumuloy kaagad kami sa room na aming pina reserve.




Simula na...





"Mikael may hihingin sana akong pabor... P-pwede mo bang ipikit ang mga mata mo bago tayo pumasok sa kwarto."


"Anong kalokohan na naman yan ha, Kuya?"


"Please... Trust me."


Pinikit na nga nito ang kanyang mga mata kaya naman nauna na akong pumasok sa kwarto namin. Inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa perfect spot. Tinanggal ko ang aming mga gamit at itinabi ito sa gilid at humarap sa kanya. He really amazes me... But now is not the right to be mesmerized.


"Pwede ka nang dumilat.",bulong ko sa kanya.


Dumilat si Mikael ...ngunit hindi ang inaasahan kong reaksyon ang nakita ko sa kanya. Ilang sandali din niya tinignan ang tanawin sa labas ng aming kwarto. Sinadya ko kasing piliin ang kwartong ito na kita ang karagatan pati ang buong kagandahan ng resort. Kaharap ito ng higaan kaya naman kahit sa pag-gising mo ay mare-relax ka sa ganda ng tanawin.


"Hindi mo ba nagustuhan? Bakit ka umiiyak bunso?May mali ba dito?Gusto mo lumipat ng kwarto?",hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya lumuha ng ganoon sa nakita niya. Akala ko magugustuhan niya.


"Please tell me, anong problema? Ayaw mo ba dito? Mikael naman eh. Please talk to me, nag-aalala na ako!",pagyugyog ko sa kanyang mga balikat.


Mangilang beses din siyang tumingin sa tanawin na papalubog na araw at may gustong siyang sabihin ngunit hindi masambit. Nahihirapan akong makita siyang ganoon. He seems to be in so much pain pero hindi ko alam kung ano iyon. The more na inaalo ko siya ay lalong namumuo ang mga luha niya.


"May masakit ba sa iyo? Sabihin mo naman please, Mikael. Tell me what's happening to you.", tinignan niya ako sa mata. My God! Nakita ko na naman yung mga tingin niyang iyon. Sobrang lungkot at sakit ang pinapahiwatig ng mga ito. He hugged me so tight after that at ganoon din ang ginawa ko. I don't understand kung ano bang nangyari at naging ganito siya.


Pinaupo ko siya sa kama at kinuhaan ng tubig.


"Okay ka na ba?", humihikbi pa rin ito at nangingilid ang mga luha. Bahagya itong tumango bilang tugon.


"Sorry Jaime, hindi ko napigilan..."


"May dinaramdam ka ba? May mali ba sa ginawa ko?"


"Wala, hindi mo rin naman maiintindihan eh. Okay na ako. Huwag ka na mag-alala." Namumula pa ang mga mata nito at ilong, that's my first time to see him cry so hard.


"Oh siya sige, hindi na kita pipilitin kung ano man yang dahilan mo, basta kung kaya mo na sabihin handa ako makinig sayo.",pag-aassure ko sa kanya.


"T-teka, nasaan na pala sila Jun at ang Mama niya?"


"Ah eh, kwan kasi Mikael... Hindi ngayon ang dating nila...",kamot ulo kong sagot sa kanya. nangunot ang noo nito at muling nagtanong.


"Bakit?"
          

"Gusto ko kasi sana gawing special itong bakasyon na ito para sating dalawa, kaya kinuntsaba ko si Jun na mauna tayong magpunta rito at susunod din sila. Kahit si Tita Jean, alam niya itong planong ito kaya naman hindi na siya masyadong matanong nung nagpaalam "kuno" tayo. Sana huwag kang magalit... Gusto ko lang naman kita surpresahin."


"Kaya pala kayo nagngingitian ni Jun noon, dahil dito.", medyo naging maaliwalas na ang mukha niya. Tumayo ito at pumunta sa balkonahe. Sinundan ko siya dahil na rin hindi ako mapakali sa naging reaksyon nya kanina.


Bago pa man ako makalapit ng tuluyan sa kanya ay nagsalita ito. Nagtanong. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. My mouth went dry at tumibok ang puso ko ng mabilis.


Ibang-iba talaga kapag isinasakatuparan mo na ang isang plano. May mga bagay na hindi mo inaasahan na mangyayari tulad nito.

 Huminga ako ng malalim habang paulit-ulit na umaalingawngaw ang kanyang tanong sa aking isip, hindi ko sigurado kung ano ba ang isasagot ko...bahala na…

"Bakit mo ba ito ginagawa Jaime...?"

Itutuloy....

No comments:

Post a Comment