Monday, January 7, 2013

Love at First Kiss (01-05)

By: Inaro Marcelo
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: avanon1988@gmail.com


[Prologue]
LOVE AT FIRST KISS PROLOGUE

            Hindi ko makita ang daan dahil  sa mga luhang nag-uunahang lumabas sa aking mga mata. Nakakakilabot ang katahimakan ng gabi, tanging paghikbi at kalampag ng tibok ng aking puso ang aking naririnig. Napakadilim, sa sobrang dilim halos madapa na ako sa aking pagtakbo. Oo, tumatakbo ako sa mga oras na iyon na hindi alam ang patutunguhan.

            Isang lalaki ang humahabol sa akin na may hawak na patalim. Nakakatakot ang kaniyang anyo na tila sinapian ng dimonyo. Ang mga mata ay nanlilisik sa sobrang galit. Galit na galit ito na parang gusto akong katayin tulad sa isang baboy ramo at himay-himayin ang aking kalamnan.


            Sobrang gulo ng pangyayari, hindi ko siya kilala at hindi ko rin maintindihan kung bakit ibig niya akong patayin.

            Pumasok ako sa madilim na eskinita. Huli na ng malaman kong wala na pala akong lulusutan doon. Naabutan ako ng lalaki at palapit na ito ng palapit sa kinatatayuan ko. Natuliro ako sa mga oras na iyon. Gustuhin ko man lumaban ngunit siguradong ako lang din ang mahihirapan. Lumingon ako sa paligid upang makahanp ng kahit katiting na pag-asa ngunit bigo ako. Napaluhod ako at pilit na kinausap ang lalaki. Hindi ko na pinansin ang magkahalong luha at sipon sa aking mukha. Nagmakaawa ako sa kaniya ngunit tila nabingi na ang lalaki.

            Nanlaki ang mga mata ko sa takot ng akmang itutulos na niya sa akin ang patalim.

            “ HUWAAAAAAAG!!!!!” sigaw ko sa katahimikan ng gabi.

            Isa.

            Dalawa.

            Tatlo.

            Hindi ko  na mabilang kung ilang beses bumaon sa aking katawan ang patalim na hawak niya. Napahandusay ako sa eskinitang iyon na puno ng sarili kong dugo. Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unting nilamon ng kadiliman ang aking kamalayan.

            Patay na ba ako? Hindi ko alam.

         
            Hindi ko alam kung ilang oras, araw o buwan na akong natutulog. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga labing tila sabik na sabik sa aking mga labi at tuluyan na akong nagkamalay.

            Pagmulat ng aking mga mata ay mukha niya ang aking unang nakita. Ang lalaking una kong minahal ng higit tatlong taon. Sa kaniya ko unang naranasan kung paano magmahal ng tapat, mag-sakripisyo, tumawa, umiyak, mabigo at magalit.

            Ang lalaking pinaglaanan ko ng lahat-lahat. Ang lalaking naging sentro ng buhay ko. Ang lalaking naging inspirasyon ko. Ang lalaking nakasama kong bumuo ng aking mga pangarap. Ngunit siya rin ang lalaking nagparamdam sa akin ng lahat ng sakit at kabiguan sa buhay pag-ibig. Ang lalaking sa kabila ng lahat ng aking paghihirap ay hindi man lang natutunan na ako ay ibigin.

            “Anong ginagawa mo rito?” walang emosyon na tanong ko. Marahil napagod na ang puso ko sa lahat ng nangyari kung kayat wala man lang akong madama na kahit ano para sa kaniya.

            “Ssshh wag ka muna magsalita, saglit lang at tatawag ako ng-“

            “Ayoko ng makita ka pa!” pagputol ko sa kaniyang sasabihin.

            “Patawarin mo na ako Jek-Jek, mahal na mahal kita” umupo ito sa aking tabi.

            “ Mahal? Sarili mo lang ang mahal mo.” Sumbat ko sa kaniya

            Umiyak siya. Alam ko tinamaan siya sa mga huling salitang aking binitawan. Makasarili siyang tao. Kaligayahan lang niya ang iniisip niya.

            “Ano ba ang kailangan kong gawin upang maramdaman mo ang pag-ibig ko Jek-Jek?” pagmamakaawa niya sa akin.

            “Kalimutan mo na ako Ton-Ton!” ang diretsahang sabi ko sa kaniya.

            Napahinto ito sa pag-iyak. Pinagmasdan niya ako sa mata. Nagtitigan kami ng mga oras na iyon. Marahil ay tinityak niya sa aking mga mata kung tama ba ang kaniyang narinig na kalimutan na niya ako. Hindi ako kumarap at sa bandang huli sumuko rin si Ton-ton. Napayuko siya at unti-unti akong tinalikuran. Hindi na ako nagtaka pa, simula’t sapol wala na siyang paninindigan.

            “Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin.” Sabi pa niya.

            “Sana noon mo pa ginawa, pagod na ako Ton-Ton, gusto na kitang kalimutan kaya kalimutan mo na rin ako.”

            Tumayo siya at dun ko lang napansin na may saklay pala ito at mga benda sa braso at katawan. Naglakad siya papunta sa pintuan ng kwartong iyon ng umiika, paminsan-minsan ay umaaray at ng mahawakan ang door knob ay  bigla itong lumingon sa akin na may ngiti  sa mga labi na sobrang kong ipinagtaka hanggang sa nagsalita ito.

            “Paano kita kakalimutan Jek-Jek? Kung sa bawat paggising ko sa umaga ikaw agad ang aking iniisip at sa bawat gabi sa aking pagtulog ay ikaw pa rin ang laman ng aking panaginip. Ngayon mo sabihin sa akin, paano? Paano ko kalilimutan ang iyong………… HALIK!

[01]
Ito na po ang chapter one ng Love at First Kiss sana po magustuhan niyo ang story. One chapter a week lang po aq makakapagpost pero kapag hindi po busy sa work baka madagdagan ang update ko pasensya na po. I hope hindi kayo mabitin every chapter at sana ma-satisfy ko po kayo at hindi mabigo sa inyong expectations. As I said sa prologue ng aking story semi –fiction ito. Upang maprotektahan ang mga tauhan sa aking kwento, sadyang iniba ko ang kanilang pangalan at mga lugar ng pangyayari. So guys sit back, relax and spread your love!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 1

January 2010, 4:00pm

Maaga akong nag-out sa work noong araw na iyon. Hindi ako mapakali dahil sa problemang aking dinadala. Naisipan kong maglakadlakad sa mall upang malibang ang aking pag-iisip noong mahagip ng aking paningin ang isang lalaki sa coffee shop na mag-isang kumakain ng muffins at humihigop ng fruit shake.

Pumasok ako sa coffee shop at nilapitan ang lalaki.

“ Jek-jek?, hi kamusta ka? Long time no see ah.” Bati ko sa lalaking aking nakita.

“Ikaw pala yan Inaro. Oo matagal akong nawala dito, andami na ngang pinagbago eh. Ikaw musta na ba? Pangungumusta naman niya sa akin.

“Ok naman ako. Do you mind if I join you?”

“ Yeah sure. Wala nga akong kasama eh buti dumating ka.”

Nakiupo na ako sa lamesang ino-occupy niya at umorder ng aking merienda. Si Jek-jek o kilala bilang Jericho Sta. Maria ay kabarkada ko noong high school. Pagkatapos ng graduation bigla na lang itong nawala. Ang huling naging balita namin ay nagtratrabaho raw ito sa Cavite.

“Kamusta naman ang mga ilang taong hindi pagpaparamdam sa barkada?” tampo-tampuhan kong tanong sa kaniya.

“ Hehe pasensya na kayo sa akin.” Pagpapaumanhin naman niya.

“Ito naman ayos lang yun. So graduate ka na ba?” tanong ko sa kaniya.

Mula sa pagkakangiti niya ay bigla itnong nalungkot. Mukhang tulad ko ay may pinagdadaanan din ito.

“ Hey did I say something wrong? Sorry.”

“ Ayos lang, may bigla lang akong naalala.” Pagpapaliwanag niya.

“ Wanna share? Sa totoo lang may problema rin ako pero mukhang mas mabigat yung sayo.”

“Ok lang bang mag-open? Kasi sobrang bigat na Inaro.”

“Oo naman. What friends are for?” at binigyan ko siya ng isang assurance na ngiti na makikinig ako sa mga kwento niya.

After a couple of minutes of silence, his story started….

March 2006, 10:00am

           

           “So, you are Jericho Sta. Maria? I’m Mrs. Akiko Rivera.” Ang paunang tanong at pagpapakilala sa akin ng Manager sa isang restaurant na ang pangunahing putahe ay Pizza.

            “Yes Ma’am. I’m Jericho Sta. Maria but you can call me Jek-jek po.” Ang nakangiti kong sagot sa magandang manager. Final interview ko na, kaya kailangang magpa-impress.

            “ Tingin mo ba papasa ka sa interview, with that kind of smile and pa-cute effect of yours?” ang nakangiti rin na tanong sa akin ni Ma’am Akiko.

            Aaminin kong nagulat ako sa sinunod niyang tanong, hindi ko kasi inaasahan na ganoon kadali mapansin ang pagpapa-cute ko sa kaniya. Dahil doon, lalo pa akong nagpa-cute este nagpa-impress.

            “No Ma’am, because I do believe that every institutions are after the ability and personality of the applicants, and not just merely looking at their looks. But modesty aside, I think having a good looks is an advantage to pass in an interview.” Ang mahabang litanya ko. Wala na akong pakialam kung mali ang grammar ko ahaha.

            “Now Jek-jek, are you saying that you have a good looks?”

            “Am I a good looking guy for you Ma’am?” balik-tanong ko kay Ma’am Akiko. Tumawa ito at nakitawa na rin ako. Daig ko pa ang nag a-apply bilang modelo o artista sa mga tanong niya gayong kitchen service crew ang kailangan nila.

            “Hindi ka ba nahihiya na service crew ang magiging trabaho mo? Kasi sa cute mong iyan puwede kang mag-modelo o mag-artista.”

            “Ma’am Akiko, hindi ko po ikinakakahiya ang isang trabaho na alam kong marangal at wala po akong karapatan na mamili ng trabaho, dahil high school lang ang natapos ko.” Ang matapat kong sinabi sa kaniya.

“Very well said Jek-jek. Sa totoo lang, you are so impressive. Daig mo pa sumagot yung mga co-applicants mo na college level.” Papuri sa akin ni  Ma’am Akiko at lubos ko iyong ikinatuwa.

            “Thank you po.”

            “Don’t thank me yet, I still have one more question.”

            “Ano po iyon?” takang-tanong ko sa kaniya.

            “ If ever, nahuli mo ang mga crewmates mo na kumakain or nagnanakaw ng mga ibinebenta natin, anung gagawin mo?”

            “Sa inyo at sa company po ang loyalty ko, isusumbong ko po ang sino man na lumalabag sa rules and regulations ng company.” Sagot ko sa kaniyang tanong habang tinatanong ko rin ang aking sarili kung makakaya ko bang gawin iyon sa magiging kasama ko sa trabaho. Bahala na.

            “Hmmm. Ahm Jek-jek?” seryosong mga mata ang tumitig sa akin mula kay Ma’am Akiko.

            “Yes, Ma’am?”

            “You’re hired!” bulalas niya.

            “Po?” gulat kong sagot.

            “Sabi ko tanggap ka na. pumasok ka bukas ng 8am for your orientation and first day training.” Pagpapaliwanag ni Ma’am Akiko.

            ‘Thank you po Ma’am, thank you po!’ hindi ko ma-explain ang saya na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Nakipagkamay ako kay Ma’am Akiko at pagkatapos ay umalis na ako sa kaniyang opisina.

            Tatlong buwan na rin ang lumipas simula ng maglayas ako sa amin at mapadpad dito sa tita ko sa Imus, Cavite. Malaki rin naman ang naitulong sa akin nila Tita Dely at ang kaniyang asawa na si Tito Mando. Pero kapalit ng mga tulong na iyon ay ang pagpapa-alipin ko sa kanila.

            May maliit silang carinderia na pinagkukuhanan nila ng ikabubuhay. Tumutulong ako sa carinderia at ako na rin ang gumagawa ng lahat ng mga gawaing bahay,mula sa pamamalengke, pagluluto hanggang sa paglalaba at pag-aalaga sa anak nila na tatlong taon pa lamang.

            Kapag lasing naman si Tito Mando ay parang punching bag ang aking katawan sa pambubugbog niya. Tiniis ko ang lahat ng iyon dahil sa utang na loob na lagi nilang isinusumbat sa akin.

            Pero dahil nakapag-ipon na rin naman ako, at nakahanap na ng matinong trabaho napagpasiyahan kong umalis na ngayon sa poder nila at handa na akong mamuhay mag-isa.

            Akala ko noong tumira ako sa kanila ay magiging okay ang lahat. Pero ibang-iba pa lang talaga kapag nakasama mo na sa iisang bubong ang isang tao dahil doon mo makikilala ang tunay nilang kulay. Ang inaakala kong mababait na kamag-anak ay masasama pala ang budhi. Minsan napapa-isip ako kung paano ko sila naging kadugo.

            May sapat na pera naman akong naipon at magagamit sa pag-alis ko sa kanila at pang renta sa boarding house na lilipatan ko at pambili ng pagkain sa araw-araw hangga’t hindi ako sumasahod sa bago kong trabaho.

            Hapon na ng ako’y makauwi sa bahay nila Tita Dely. Nagpaalam ako kaninang umaga na magsisimba upang hindi nila mahalata na nagpunta ako sa interview. Sarado ang carinderia, marahil nakikipag-inuman si Tito Mando at nasa sugalan  naman ang asawa. Siguradong sermon, malulutong na mura at bugbog ang aabutin ko sa mga ito kapag naabutan nila ako sa bahay. Agad akong nag alsa-balutan ng aking mga gamit.

            “Jek-jek magluto ka na ng hapunan!” sigaw ni Tita Dely  na kapapasok lang sa pintuan. May hawak itong sigarilyo na mabilisan niyang hinihitit.

            “Ahm, Tita a-alis na po ako.” Kinakabahang pagpapaalam ko kay Tita.

            “Ano? At saan ka naman pupunta?” sabay buga ng usok sa aking mukha.

            “Uuwi na po ako sa Bulacan. Pasensiya na Tita kung biglaan.” Pagsisinungaling ko sa kaniya.

            “Bakit? Nahihirapan ka na ba sa amin? Lalayas-layas ka sa inyo tapos hindi mo rin pala kaya. Hindi ka aalis!!!!.. Walang tutulong sa Tito Mando mo!” singhal sa akin ni Tita Dely.

            “Pero hinahanap na raw ako nila Mama.” Pagsisisnunggaling ko pa.

            “Hindi ka aalis!!!” sigaaw ni Tito mando na halatang lasing na. hindi man lang naming namalayan na dumating ito.

            “Pero tito kasi..-“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa palad ni Tito Mando na dumapo sa aking mukha. Kinuwelyahan niya ako at binulyawan.

            “Aalis ka na lang ng bigla? Eh hindi mo pa nga nababayaran yung mga kinain at pagtira dito. Putang ina mo!!! Ano bang pinagmamalaki mong gago ka?!!!” galit na sabi ni Tito Mando sa akin.

            Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Sa pagkakataong ito lalaban na ako. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking kuwelyo at sinuntok ang mukha. Bumulagta si Tito Mando at si Tita Dely ay nahintakutan sa kaniyang nakita.
“Putang ina niyo rin!!!! Hihingan niyo ako ng pambayad sa pagtira at pagpapakain sa akin? Eh halos alipinin niyo na ako. Mga wala kayong kwentang kamag-anak. Pinagsisisihan ko ang tumira dito! Pweh!!!” Asik ko  sa mag-asawa.

            Dali-dali akong lumabas ng bahay nila dala ang aking gamit. Naglakad ako ng hindi sila nililingon. Napansin ko na lang ang aking mga luha na tumtulo na habang ako ay naglalakad. sobrang sama ng loob ko dahil hanggang sa huli hindi ko man lang sila nakakitaan ng kabutihan.

            “Patutunayan ko sa inyo na kaya kong mamuhay mag-isa. Balang araw makakamit ko rin ang mga pangarap ko at pagsisikapan ko yun hanggang sa dumating ang araw na kayo na ang humihingi sa akin at nagmamakaawa. Makakaganti rin ako sa inyo!’ paghihimutok ko sa aking sarili. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa mismong bayan ng Dasmariñas upang pumunta sa boarding house na aking tutuluyan.
          

             Simula noon hindi na ako bumalik kahit kailan sa impyernong lugar na iyon.

-itutuloy

[02]
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 2

January 2010, 4:15pm

            Dumating ang order kong slice cake at espresso. Kasing pait ng kapeng iyon ang nakikita ko sa mga mata ni Jek-jek habang nagoopen-up siya sa akin. Hindi ko akalain na ganun kaseryoso pala ang sinsabi niyang problema.

            Aaminin ko na noong una hindi ako masyadong interesado sa kwento niya pero nang maramdaman ko ang kalungkutan ni Jek-jek ay nakinig na lang ako ng mabuti sa mga susunod pa niyang kwento.

            “Hindi pala naging maganda ang pagtira sa mga kamag-anak mo Jek-jek.” Pagsimpatiya ko sa kaniya.

            Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng tango bilang pagtugon sa aking sinabi.

            “Tapos anong nangyari?...” tanong ko sa kaniya. Humigop muna ito sa hawak niyang fruit shake bago ulit nagsalita.

            “Gabi na ng ako ay dumating sa boarding house na tutuluyan ko, sa Dasmariñas…” pagpapatuloy niya sa kuwento.

            And again I just found myself listening to his story….

----------------------------------

March 2006, Sunday, 7:00pm

            Gabi na ng ako ay dumating sa boarding house na tutuluyan ko, sa Dasmariñas. Nagsimba muna ako upang humingi ng gabay at tawad sa mga Santo at sa Poong Maykapal. Nakatulong ang pagsimba kong iyon sa problemang aking hinarap kanina sa bahay ng aking Tita Dely.

            Habang naglalakad hindi ko maiwasan maalala ang sermon ng pari kanina sa simbahan.

            “Ang mga pagsubok sa ating buhay ay nagkakahulugan lang na tayo ay mahal ng Diyos, dahil kung hindi tayo bibigyan ng problema ng Diyos, ibig lang sabihin nun ay gusto na niya tayong mamahinga o mamatay na. Kaya lagi niyong iisipin na ang lahat ng pagsubok na ating haharapin ay may dahilan at alam ng Diyos na  kaya niyong lampasan at solusyunan. Ganyan tayo kamahal ng Diyos.”

            Marahil ay tama ang pari na yun, nasa mga kamay natin ang kasagutan sa lahat ng mga problema sa mundo. Nasa tamang diskarte at tiyaga kung paano mo ito haharapin.

            Kumatok ako sa mismong bahay ni Mrs. Sanchez, ang Landlady. Ilang minuto lang ang lumipas at pinagbuksan ako nito ng pinto.

            “Pasensya na po kayo at medyo ginabi ako, nagsimba pa po kasi ako diyan sa bayan.” Pagpapaumanhin ko kay Mrs. Sanchez.

            “Naku ayos lang yun hijo. Halika at samahan na kita sa boarding house.” Pag-anyaya niya sa akin.

            “Salamat po.” Magalang kong pagpapasalamat.

            Pinayagan ako ni Mrs. Sanchez na kahit isang buwan muna ang  aking bayaran. May second floor ang boarding house. Dalawang kuwarto sa ibaba at isang kuwarto sa itaas. Bawat kuwarto ay dalawang tao ang rumerenta. Hiwalay ang paliguan sa palikuran. Ang sala ay ginagawang dining area na rin.

            “Hijo, puro lalaki ang mga nakatira dito. Hangga’t maaari sana eh ayoko ng away at naninira ng gamit. Hindi ka naman siguro basagulero?” pagkuwan ay tanong sa akin ni Mrs. Sanchez.

            “Naku hindi po, wala nga ho akong bisyo,” sagot ko sa kaniya.

            “Buti naman kung ganun.” Nakangiting sabi ni Mrs. Sanchez.

Totoo naman kasi yun, sa edad kong 17 hindi pa ako nakakatikim ng alak at nakakabuga ng sigarilyo. Minsan lang ako nakipag-away ng matindi at yun ay kay Tita Dely at Tito Mando.

            “May girlfriend ka na ba hijo? Kung wala eh irereto na lang kita sa anak ko.” Natatawang sabi ni Mrs. Sanchez.

            “Wala po eh, atsaka wala pa po akong balak makipagrelasyon.” Nahihiya kong sagot sa kaniya.

            “Bakit wala? bakla ka siguro…ahaha joke lang.” pagbibiro sa akin ni Mrs. Sanchez.

            “Ahahaha… sa cute kong ito?” natatawa ko na ring sabi. Isa pang issue yan sa akin, kahit kailan ay hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Kahit sabi nila na cute o guwapo ako at habulin daw ako ng mga babae noong high school hindi ko pa rin pinapansin ang mga nagpaparamdam sa akin.

             Masyado akong dedicated sa pag-aaral marahil iyon ang dahilan kung bakit hindi pa ako nakakapagrelasyon noon. Ang pangarap ko lang naman kasi sa buhay ay makatapos ng pag-aaral ngunit dahil sa problema ko sa pamilya ay hindi ko nagawa. Heto at pagtatrabaho naman ang aking pinagkaka-abalahan.

            Nerd, suplado, torpe at minsan ay bakla pa ang tawag ng ibang babae sa akin kapag hindi ko sila pinapansin. Sino ba naman kasi ang papatol sa mga ganoong klaseng babae na hayagan kung ipakita ang pagkagusto sa isang lalaki. Flirt, yan naman ang tawag ko sa kanila. Nakakaturn-off para sa akin ang mga ganoong babae.

            “Oh siya, ang kuwarto mo ay sa itaas. Yyung roommate mo umuwi sa kanila baka sa makalawa pa ang balik.” Pagputol ni Mrs. Sanchez sa aking iniisip. “Pero bago ka umakyat, ipapakilala muna kita sa mga ibang boarders.” Pagpapatuloy pa niya.

            “Sige po.” Tugon ko sa mga sinabi niya.

            Ang mga boarders sa ibaba ng bahay ay sila Andrew, Jay-ar, King at Noel na puro kabataan din na tulad ko ay natatrabaho na rin. Naramdaman ko naman ang masayang pagtanggap nila sa akin. Nagbiro pa nga si Andrew na ako raw ang bunso sa bahay na iyon.

            Masarap silang kausap at madaling makagaanan ng loob. Isa na lang ang kailangan kong kilalanin, ang aking roommate sa itaas na si Anthony.

            Ayon kay King, na pinsan pala ni Anthony, mabait at masipag raw ito. Ayaw ng makalat at maingay. Kung anu-ano pa ang sinabi nila tungkol kay Anthony. Sa tingin ko nga eh magkakasundo kami sa maraming bagay ni Anthony.

            “Teka, kung magpinsan kayo ni Anthony bakit hindi kayo ang magka-roommate?” tanong ko kay King.

            Ngunit imbes na sagutin ako ni King ay hinawakan niya ang kamay ni Noel na karoommate niya. Huli na ng maintindihan ko ang ibig sabihin ng paghahawak-kamay nila. Nagtawanan naman sila Andrew at Jay-ar sa aking naging reaksyon dahil literal akong napanganga sa rebelsyon na iyon.

            “Kaya masanay ka na Jek-jek sa dalawang iyan kapag naghaharutan sa harap natin.” Natatawang sabi ni Andrew.

            “Manyak kasi pareho yan…ahahaha” pagbibiro naman ni Jay-ar na ikinatawa rin naming lahat.

            “Eh kayong dalawa may relasyon din ba kayo?” inosenteng tanong ko kila Andrew at Jay-ar.

            “What? Over my hot body, hindi ko yan papatulan ahahahaha..” sagot ni Andrew.

            “Kapal naman ng kalyo mo tsong, eh sino ba naman kasi ang papatol sa iyo eh mula ulo muhkang paa ahahahaha.” Ganting pang-aasar naman ni Jay-ar na lubos ko talagang ikinatawa.

            “Aba at nagsalita ang taong uling, tsk tsk try mo mag gluta baka Makita ka sa dilim.” At talagang bumanat ulit si Andrew.

            “Haysus inggit na inggit ka nga sa kulay ko kasi yan ang pinaka sentro ng sex appeal ko.” At hindi rin nagpatalo si Jay-ar.

            “Oh tumigil na kayong dalawa baka magkapikunan nanaman kayo.” Pagpigil naman ni King sa banatan ng dalawa.

            “Ahahaha oh tama na yan gabi na masyado baka mabulabog na natin ang mga kapitbahay.” Pagbabawal naman ni Noel sa malakas na tawanan namin.

            Hindi ko akalain na ganito magiging kasaya ang pagtanggap nila sa akin. Kung mag-usap kami parang ang tatagal na namin na magkakakilala. Ngunit sa isang banda medyo naiilang ako sa kasweetan nila King at Noel sa isa’t-isa. Oo nga at may mga barkada akong bakla at tomboy noong high school pero ngayon pa lang ako naka-encounter ng ganitong relasyon. Ang saya nila pagmasdan, malayang-malaya.

             Matapos ang ilang kuwentuhan pa ay umakyat na ako sa aming kwarto ni Anthony para mag-ayos ng gamit. Mayroong dalawang kama,  mga unan at kumot. May study table sa tapat ng bintana at malaking cabinet  na lagayan ng damit.

            Binuksan ko ang cabinet, namangha ako sa linis at pagkaka-ayos ng mga damit ni Anthony.

            “Tama nga sila King, masinop at malinis sa gamit si Anthony.” Bulong ko sa aking sarili.

            Parang babae ang nakatira sa kuwartong iyon, dahil kapansin-pansin ang linis at ayos ng buong paligid ng kuwarto. Umupo ako sa gilid ng kama.

            Nilapag ko sa kama ang dalawang unan at kumot na pinahiram sa akin ni Mrs. Sanchez. Napapangiti ako sa sobrang kaligayahan dahil sa reyalisasyon na wala na talga ako sa poder ng Tita Dely.

            “Simula pa lang ito Jek-jek.” Ang masayang sambit ko.

            Humiga ako sa kama na may manipis na foam at bedsheet. Napakasarap humiga, malambot at tila makakatulog  ako roon ng mapayapa. Andami kong pinangarap sa gabing iyon. Ang magiging trabaho ko, at ang pagtatapos ko sa kolehiyo.

            At bago pa ako makatulog ay hindi rin mawala sa isip ko ang roommate ko na si Anthony. Andaming tanong ang gumugulo sa isipan ko noon. Hindi ko maintindihan pero bakit parang excited akong makilala at makita siya.

            “Matangkad kaya siya o kalahi ni dagul?”

            “Maputi o maitim?”

            “Ano kaya ang itsura niya?”

            Lumipas ang ilang minuto, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako na may ngiti sa mga labi.

-itutuloy

[03]
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 3

January 2010, 4:20pm

            Kakaiba ata ang mood swing ng kabarkada ko. Kasi nung nagsimula siyang magkwento, kalungkutan ang nakikita ko sa mga mata niya pero ngayon halos buhay na buhay siya habang sinasalaysay niya ang paglipat niya sa boarding house.

            “Ayos ka lang ba Jek-jek? Hehe masyado ka atang masaya ngaun ah sa part ng kwento mo na yan.” Sabi ko.

            “Hehehe may naalala lang ako hehe..” natutuwang sabi naman ni Jek-jek.

            “Oh teka masyado mo akong binibitin eh, ano na nangyari?” naguguluhan kong tanong kay Jek-jek.

            “Ito naman masyadong atat, eh di hayun, kinabukasan bumangon ako ng natataranta…” pagpapatuloy ni Jek-jek sa kwento niya.

            And his story continued….
--------------------------------------------------

March 2006, 8:45am, Monday
          

            Kinabukasan bumangon ako ng natataranta dahil hindi ko alam kung anong oras na. Medyo tirik na ang araw at mainit na ang sinag nito na pumapasok sa bintana ng kwarto. Walang orasan ang boarding house at wala rin naman akong cellphone para tingnan ang oras. Dali-dali akong lumabas ng silid at pinuntahan ko ang kwarto nila Andrew.

            Noong una ay nahihiya pa akong kumatok baka kasi maistorbo ko ang tulog nila.

            “Andrew……Andrew….Andrew…” tawag ko kay Andrew habang kumakatok ako sa pintuan nila.

            Lumipas ang mga ilang minuto ay bumukas rin ang pinto at pupungas-pungas pang lumabas si Andrew.

            “Oh Jek-jek….bakit anong problema mo?” tanong ni Andrew habang nagkakamot ng ulo.

            “Ahm Andrew pasensya ka na ah, kasi…a-ano….eh…anong o-ras na ba?” nahihiya kong tanong sa kaniya.

            “Haysus akala ko naman may nasusunog na, teka at titingnan ko lang..” sagot naman ni Andrew.

            Bumalik sa loob ng silid si Andrew at hindi naman ito nagtagal at binalikan ako agad.

            “8:45 pa lang Jek-jek..” sabi ni Andrew.

            Nagulat ako at nagmamadali akong umakyat sa kwarto at kinuha ang gamit ko sa pagligo. Nakalimutan ko na magpasalamat kay Andrew pero babawi na lang ako sa susunod dahil kung hindi ko bibilisan ang kilos ko ay siguradong male-late ako sa unang araw ng trabaho ko.

            10am, yan ang sinabi ni Ma’am Akiko sa akin na oras ng pasok ko. Ayokong magkaroon ng bad impression sa kaniya kaya hangga’t maaari ay ayokong ma late. Hay halos isang oras pa naman ang biyahe papunta sa mall kung saan naroon ang Pizza Resto. Kung minamalas nga naman, napuyat kasi ako kagabi dahil paputol-putol ang tulog ko gawa ng namamahay pa ako sa boarding house na iyon.

            Binilisan ko ang pagliligo at pagbibihis. Hindi na ako kumain ng almusal. Dahil sa pagmamadali ko ay nakagagawa na pala ako ng ingay sa loob ng bahay kung kaya nagising na rin ang mga ka-boardmate ko at lahat sila ay naguguluhan sa mga kilos ko.

            “Hoy Jek-jek bakit ba para kang nagmamadali? May hinahabol ka bang flight abroad?” pagbibiro ni Noel.

            “Naku pasensiya na kayo at naistorbo ko ang pagtulog niyo, kasi male-late na ako sa trabaho ko, eh unang oraw ko pa naman ngayon.” Hingi ko ng pasensiya sa kanila.

            “Ganun ba eh bilisan mo na nga…tsk tsk bad shots ka sigurado niyan sa boss mo.” Si Jay-ar.

            “Pasensya na talaga, sige mauna na ako sa inyo.” Dire-diretso ako sa pintuan at bago pa ako makalabas ng bahay ay tinawag pa ako ni King.

            “Teka muna Jek-jek saan ka ba nagwowowrk?” tanong ni King sa akin.

            “Sa Pizza Resto sa SuperMall.”

            “Ha?...eh doon…”

            Hindi ko na narinig ang iba pang sasabihin ni King dahil nakalabas na ako ng boarding house at tumatakbo akong pumunta sa paradahan sa may kanto lang malapit sa boarding house. Ngunit pagdating ko roon ay ka-aalis lang ng jeep at naghintay pako ng ilang minuto bago may dumating na pabiyaheng SuperMall. Agad-agad akong sumakay at hindi rin naman nagtagal ay umandar din ang jeep.

            Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng biglang huminto ang jeep. Nagtaka kami bakit biglang huminto ito gayung wala naman bababa sa lugar na iyon.

            “Manong wala naman pumara ah…” ang sabi ko sa mamang driver

            “Naku eh pasensiya na kayo, nasiraan kasi ang jeep ko. Baka matagalan pa ito lipat na lang po kayo sa ibang jeep at ibabalik ko na lang ang mga bayad niyo.” Pagpapaumanhin ng mamang driver.

            Wala akong nagawa kundi ang bumaba at mag-abang ng jeep. Ngunit walang jeep ang dumaraan hays kung mamalasin ka nga naman eh isang bagsakan, sunod-sunod, hindi naman Biyernes trese ngayon. Wala akong nagawa kundi ang sumakay ng tricycle at talagang inutusan ko pa ang driver na bilisan.

            Hindi ko alam kung anong oras na ako dumating sa SuperMall pero ang alam ko lang na sigurado ay late na ako. Tumakbo ako ng tumakbo, wala na akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko, ngunit ng malapit na ako sa puwesto ng Pizza Resto ay nadulas ako at sa hindi sinasadyang pangyayari ay sumubsob ako sa lalaking nasa harapan ko.

            Kablaaaagggg!

            Napahiga ako sa ibabaw ng lalaki at ito naman ay napayakap sa akin. Buti na lang may bitbit ito sa likod niya ng malaking bagpack na nahigaan naman niya. Nagkatitigan kami at ang mga umuusisa sa amin ay tinititigan din kami. Sa sobrang taranta ko ay tumayo ako agad at nilahad ko ang aking kamay upang tulungan ang lalaking nakabangga ko. Ngunit hindi niya tinugon ang pagtulong ko. Hihingi na sana ako ng sorry ng bigla itong nagsalita at talagang sinigawan pa ako.

            “Ano ba?!!!!! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo? Bulag ka ba?!!!!!” sigaw ng lalaki. Halata sa gwapong muhka nito ang pagka-irita at galit sa akin.

            “Naku bossing pasensiya na nagmamadali kasi ako.” Sabi ko sa lalaki.

            “Eh paano yan nagmamadali rin ako atsaka paano na itong bag ko nasira na, sa susunod kasi wag kang tatanga-tanga.” Sigaw pa rin ng lalake.

            Nasira ko pala ang bag niya, ang dami ko ng atraso sa lalaking ito. Hindi ko na pinatulan ang pagsisigaw niya dahil aminado naman ako na kasalan ko ang nangyari. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa mall kaya todo effort talaga ako sa paghingi ng dispensa sa kaniya.

            “Naku boss, wala po akong pambayad diyan mag-uumpisa pa lang ako sa trabaho ngayon.”

            “Ganun ba, alam mo kung ako ang magiging boss mo tatanggalin kita agad.”

            “Sorry talaga bossing, babawi na lang ako sa susunod na magkita tayo.” Yun na lang ang nasabi ko sa lalaki at tinalikuran ko na ito agad upang tunguhin ang Pizza Resto.

            “Ulol! Kapag nakita pa kita ulit babalatan kita ng buhay!” sigaw pa rin ng lalaki habang papalayo na ako sa kaniya.

            Napapa-iling na lang ako habang naglalakad ng mabilis. Hays ano bang nagyayari sa akin nakadisgrasya pa ako ng tao. Di bale kung sakali na makita ko ulit siya babawi na lang ako. Sabi ko sa sarili ko.

10:30am

            Pagdating na pagdating ko sa Pizza Resto ay pumasok ako agad sa opisina ni Ma’am Akiko. Naabutan ko itong nagbabasa ng mga papel sa ibabaw ng mesa niya. Sobrang kaba ko dahil siguradong magagalit din sa akin ang magandang manager na ito sa sobrang pagka-late ko. Hindi pa man ako nag-uumpisa sa trabaho late na ako agad ng 30 minutes.

            “Ma’am pasensiya na po kayo kung medyo na-late ako.” Quota na ako sa araw na iyon sa pagpapaumanhin.

            “It’s okay Jek-jek kasi yung magtuturo sa iyo eh wala pa rin naman, male-late din. Mamaya pagdating na pagdating niya ay ipapakiilala kita agad sa kaniya upang maturuan ka.” Mahabang litanya ni Ma’am Akiko.

            “Ganun po ba, pasensya na talaga kayo Ma’am” nahihiya kong sabi kay Ma’am Akiko

            “Basta sa susunod wag mo na uulitin ito ah, because our company don’t tolerate such tardiness. Naiintindihan mo ba Jek-jek?” nakangiting sabi ni Ma’am Akiko.

            “Opo, hindi na po mauulit.” Nawala na ang kaba ko dahil hindi naman siya nagalit sa akin. Masuwerte pa rin pala ako kahit paano dahil nakahanap ako ng boss na mabait na maganda pa.

            “Sige na, magbihis ka na ng uniform mo at dumiretso ka sa kitchen at mag observe ka muna habang wala pa ang trainor mo. Iapapatawag na lang kita sa oras na dumating siya.” Yun ang huling bilin sa akin ni Ma’am Akiko.

            Nagbihis ako sa crew room, parang pang-chef uniform ang suot ko may toque pang kasama. Tingin ko tuloy sa sarili ko ay parang ang galing-galing ko sa kusina. Hindi naman sa pagmamayabang pero marunong naman ako magluto. Sabi nga ng mga suki namin sa carinderia nila Tita Dely ay napakasarap ko raw magluto. Wala akong formal training pagdating sa pagluluto pero noong kapag nagluluto ang aking inay ay lagi akong nakikialam sa mga ginagawa niya sa kusina kaya siguro nahilig ako sa pagluluto.

            Pero ngayon ang pangunahing putahe sa resto na iyon ay Pizza. Wala akong ideya sa pagluluto nito kaya napakagandang experience para sa akin ang magtrabaho rito dahil kahit paano ay dagdag kaalaman para sa akin ang anumang ituturo ng trainor ko.

            Dumiretso ako sa kusina upang mag-observe. Medyo abala ang mga kitchen staff sa pagluluto ng kung anu-ano. sobra akong nag e-enjoy sa aking nakikita dahil parang ang saya-saya nila sa mga ginagawa nila. Kaniya-kaniya sila ng station, may in-charge sa pasta, sa desserts at sa pizza meron pa ngang dishwasher na in-charge naman sa kalinisan ng buong kitchen. Kahit medyo mainit sa loob ng kusina dahil sa malaking oven na nasa gitna ay hindi mababakas sa mga muhka ng mga crew doon ang init at pagod.

            Makalipas ang isang oras ay pinatawag na ako ni Ma’am Akiko para ipakilala sa akin ang sinasabi niyang trainor ko. Malapit na ako sa pintuan ng opisina ng hindi sinasadya ay narinig ko ang boses ni Ma’am Akiko at ng isang lalaki na parang pamilyar sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako at iwinaksi ko sa isipan ang gumugulo sa isip ko.

            Ewan ko bakit parang kabang-kaba ako at pinagpapawisan ng malamig ng kumatok ako sa pinto ng opisina.

            “Ma’am Akiko si Jek-jek po ito.” Sabi ko sabay katok sa pinto.

            “Please come in Jek-jek.” Utos naman ni Ma’am Akiko.

            Pumasok na ako at napansin ko ang isang lalaki na nakaupo patalikod sa direksyon ko. Matapos ko isara ang pinto ay agad akong ipinakilala ni Ma’am Akiko sa kausap niyang lalaki.

            “Jek-jek this is your Sir Ton-ton, your trainor, and Ton-ton this is Jek-jek your trainee.” Pagpapakilala ni Ma’am Akiko sa aming dalawa.

            Dahan-dahang tumayo ang lalaking pinakilala sa akin na magiging trainor ko na Sir Ton-ton ang pangalan. Ewan ko ba bakit parang huminto ang oras habang paharap ito sa akin. Ng mapagmasdan ko na siya ng maagi ay pikit-dilat at ilang kurap pa ang ginawa ko. Hindi ako makapaniwala sa taong kaharap ko ngayon. At sa mismong oras na iyon pareho pa kaming napasigaw ni Sir Ton-ton.

            “Ikaaaaaaaawww???!!!!!!!!!”

-itutuloy

[04]
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 4

January 2010, 4:25pm

            Saglit na huminto sa pagsasalita si Jek-jek at sabay hugot ng cellphone niya sa bulsa. Tumingin ito sa akin na may matamis na ngiti sa labi.

            “Nag-txt ang itay, kinakamusta ako..” sabi ni Jek-jek pagkatapos ipatong sa lamesa ang cellphone niya.

            Humigop muna ako ng kape bago tumugon sa sinabi niya.

            “Hanggang ngayon Daddy’s boy ka pa rin hehe buti nagka-ayos na kayo.” Pagbibiro ko

            “Hehe alam mo naman na simula noong bata ako si itay lagi ang kakampi ko hanggang sa magkaproblema kami noong high school tayo.” Malungkot na sabi ni Jek-jek.

            “Kamusta na nga pala ang itay mo?” tanong ko sa kaniya.

            “Asa Saudi ang itay, doon siya nakahanap ng trabaho, miss na miss ko na nga siya eh.” Asa abroad na pala ang itay niya, noong high school kasi kami nawalan ng trabaho ang itay ni Jek-jek, sabi pa niya noon dahil hirap makahanap ng trabaho ang kaniyang itay tumambay na lang ito, nagpakasasa sa alak at sugal hanggang sa mawalan sila ng pera.

            Sobra ang pagtatampo ni Jek-jek sa magulang niya noon dahil  mag-isang niyang ginapang ang pag-aaral at pagtatapos niya sa high school.

            “Saan na nga ba tayo sa kuwento ko?” tanong ni Jek-jek.

            “Ahm…saan na nga ba?....ahh.. doon sa part na nagsisigawan na kayo ni Sir Ton-ton mo sa loob ng opisina…” sagot ko kay Jek-jek.

            And from there, Jek-jek continue his story…..

--------------------------------------------------

March 2006, 12:05pm, Monday

            Nagsisisgawan kami ni Sir Ton-ton sa loob ng opisina. Hindi na namin alintana ang naguguluhan na si Ma’am Akiko.

            “Ikaw yung tatanga-tangang bumangga sa akin kanina diba?!!!” sigaw ni Sir Ton-ton.

            “Bossing naman hindi ko sinasadya yun, aksidente po ang lahat.!!!” Pagsigaw ko na rin.

            “Aba at sinisigawan mo pa ako, Ma’am Akiko palayasin mo ito, magiging sagabal yan dito sa Resto.” Nagagalit na sabi ni Sir Ton-ton.

            “Wala namang ganiyanan bossing, hindi ko rin naman kagustuhan na mabangga kayo atsaka nakaharang po kayo sa daan ko eh iiwas sana ako bigla naman kayong huminto.” Pagdadahilan ko pa.

            Ngunit sa gitna ng bangayan namin bigla rin sumigaw si Ma’am Akiko na ikinatahimik naming dalawa.

            “Tumigil kayo!!!!!!!!!....” sigaw ni Ma’am Akiko. Ng mahimasmasan kami ni Sir Ton-ton ay nagpatuloy sa pagsasalita si Ma’am Akiko.

            “So, obviously magkakilala na kayo pero sa maling paraan,pareho kayong may mali eh, ikaw Sir Ton-ton napaka unprofessional ng ipinapakita mo hindi ganiyan ang tinuro namin sa iyo dito sa Resto, at ikaw Jek-jek kabago-bago mo ganiyan na agad ang ipinapakita mong attitude.” Mahabang litany ni Ma’am Akiko.

            Sobra akong nahiya sa nangyari, tama ang magandang manager namin kababago-bago ko at ganito na ang mga pinag-gagagawa ko.

            “I’m sorry Ma’am…” sabay naming sabi ni Sir Ton-ton.

            “Apology accepted, bibigyan pa kita ng isang chance Jek-jek and please Sir Ton-ton habaan mo naman ang pasensiya mo ok?” nakangiti na si Ma’am Akiko habang nagsasalita.

            “Yes Ma’am..” matipid na tugon ni Sir Ton-ton.

            “Thank you po Ma’am.” Pasasalamat ko naman sa kaniya.

            “Alright then, Sir Ton-ton as I said kanina ikaw na ang bahala mag-train kay Jek-jek at ikaw naman Jek-jek sundin mo lahat ng sasabihin ng Sir Ton-ton mo.” Utos ni Ma’am Akiko.

            “Opo Ma’am…” sagot ko.

            Tumayo na si Sir Ton-ton at sinundan ko naman ito palabas ng opisina ni Ma’am Akiko. Paglabas na paglabas namin sa pinto ay ramdam ko ang namumuong tension sa aming dalawa. Marahil kung wala lang kami sa loob ng resto ay baka nagbangayan nanaman kami or worse nagsuntukan na kami.

            Sinabihan niya ako na dahil first day ko ay mag observe na lang muna ako. Nawalan na raw siya ng gana sa araw na iyon na magturo kaya sa ibang araw na lang daw niya ako tututukan. Hindi kami nagpansinan sa buong araw, hindi ito ang ine-expect kong magiging sitwasyon sa unang araw sa bago kong trabaho. Totoo nga ata ang katagang expect the unexpected.

            Gayunpaman sinubukan ko pa rin tumulong sa ibang crew doon, tulad ng paghihiwa ng mga sangkap at paglilinis sa kitchen. Gusto kong gawing busy ang sarili ko para makalimutan ang mga hindi magandang  pangyayari sa araw na iyon.

            Pero sobrang lakas ata ng hatak ng presensiya ni Sir Ton-ton dahil sa tuwing masusulyapan ko ito ay ilang minuto rin akong napapatitig sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, wala akong makapang galit sa kaniya o pagtatampo man lang. Marahil sa maamo nitong muhka kung kaya nawala na rin ang inis ko sa kaniya.

            Minsan napadaan ako sa crew  room at nakita ko si Sir Ton-ton kumakain doon, napagmasdan ko siya ng mabuti. Kung sa itsura at itsura lang daig pa niya ang mga kabataang artista. Napaganda niyang manamit, para siyang isang modelo sa isang magazine. 5’8’’ magkasing-tangkad kami, sa edad niyang 20 hindi mo aakalain na Supervisor na pala siya sa Restaurant na iyon.

            Biglang huminto sa pagkain si Sir Ton-ton at sinigawan ako.

            “Anong ginagawa mo diyan?” tanong niya sa akin. Nagulat pa ako ng bahagya sa sinabi niyang iyon.

            “Eh kasi bossing malapit na po ako mag-out may i-uutos pa po ba kayo?”

            “Hmmm…. Bago ka mag out itapon mo muna yung mga basura natin sa labas ng mall..” utos ng masungit kong Supervisor.

            “Cge po bossing..” umalis na rin ako agad pagkatapos noon.

            Bago mag-out sa work ay nagtapon muna ako ng basura. Sobrang layo pala nito. Napakarumi at napakabaho parang kumapit sa uniporme ko ang nagkalat na dumi doon at masangsang na amoy sa basurahan na iyon.

            Pagbalik na pagbalik ko sa resto ay napansin ko ang ibang mga crewmates ko ang pagtatakip nila ng ilong at tila nandidiri na lapitan ako. Inamoy ko ang aking sarili at doon ko lang napansin na amoy basura pala ako.

            “Uy Jek-jek saan ka ba galing bakit ganiyan ang amoy mo?” tanong sa akin ng isa kong crewmates, si Dimples.

            “Ha?...nagtapon kasi ako ng basura diyan sa labas ng mall..” sagot ko naman sa kaniya.

            “Ngek, eh bakit mo ginawa yun? May kumukuha ng basura natin at sila ang nagtatapon noon, hindi yun kasama sa trabaho natin.” Sabi naman ni Dimples.

            Na-lintekan na, siguradong pakana lahat ni Sir Ton-ton yun upang makaganti sa akin. Agad-agad akong naghilamos at nagpalit ng damit sa crew room. Hindi ko akalain na gaganti pala ito.

            Dahil sa sama ng loob hindi na ako nagpaalam pa kay Sir Ton-ton. Naglakad-lakad muna ako sa may bayan bago umuwi sa boarding house.

            Nakasimangot ako ng pumasok sa loob ng bahay, nandoon na rin ang iba ko pang mga kaboardmate. Umupo ako sa sofa at tahimik na namahinga doon. Marahil napansin ng mga ito ang sunod-sunod na pagbuntong hininga ko kaya nilapitan at kinausap nila ako.

            “Oh kamusta ang unang araw mo sa trabaho?” pangungumusta sa akin ni Andrew.

            “Hindi maganda..” tipid kong sabi sa kanila.

            “Ha? Bakit anong nangyari?” tanong naman ni King.

            “Late ako kanina…tapos…” malungkot kong sabi.

            “Tapos ano?...” sabay-sabay nilang tanong sa nabitin kong sasabihin.

            “Tapos yung supervisor namin na magiging trainor ko naka-away ko pa, kasi naman haharang harang sa daan ko eh nagmamadali nga ako pumasok eh di nagkabungguan kami nasira ko pa yung bag niya, tapos pinatapon pa sa akin yung mga basura hindi ko naman pala trabaho yun, tapos apaka yabang kung mag-utos akala mo siya ang may-ari ng Pizza Resto….buwisit talaga, bukas na bukas gaganti ako sa kaniya!....kakalbuhin ko siya sa kunsimisyon.” Mahabang sumbong ko sa kanila.

            “Teka ano bang pangalan ng supervisor mo?” tanong sa akin ni Noel. naguluhan naman ako ng bahagya sa tanong niya, kasi ano naman pakialam nila kung malaman man nila ang pangalan ng mayabang kong trainor.

            “Ton-ton…..” sagot ko na rin sa tanong ni Noel.

            Nagkatinginan silang lahat na para bang iisa lang ang naiisip nila. Sobra-sobra na talaga akong naguluhan kasi nagbubulungan na sila sa mga oras na iyon.

            “Anong nangyayari?.....” tanong ko sa kanila

            “a-ano….kasi…si..” nauutal na sabi ni Jay-ar.

            “Ano? kasi ano?..” naguguluhang tanong ko sa kanila.

            “Dapat ba nating sabihin sa kaniya?” tanong naman ni King sa tatlo.

            “Sabihin ang alin King?” papalit-palit na ako ng tingin sa kanilang apat pero walang sumasagot sa tanong ko. Sa bandang huli ay sumuko rin si King at siya na ang nagsabi sa nangyayari.

            “Sooner or later malalaman din naman ni Jek-jek eh..kasi siguradong sa mga oras na ito eh pauwi na ng boarding si..” tumango-tango ang iba ko pang ka boardmate.

            “Malalaman ang alin?...sinong uuwi ng boarding house?..” interrupt ko kay King.

            “Kasi…” putol-putol na sabi ni King.

            “ Kasi ano?” parang kinakabahan na ako sa sasabihin ni King.

            “Si Anthony…ano..”

            “Bakit si Anthony? Uuwi na ba siya dito sa boarding house?” tanong ko kay King.

            “Oo….at..” parang ayaw na ituloy ni King ang sasabihin niya.

            “At?.....” sobra na talaga akong nabibitin.

            Sasabat na sana si Andrew ngunit naputol ang sasabihin nito ng biglang bumukas ang pintuan ng boarding house na ikinalingon naming lahat. Pagkagulat ang naramdaman naming lahat sa nabungaran naming lalaki sa pintuan samantalang ang lalaki ay todo ngiti sa pagbukas niya ng pinto.

            “I’m hooommmee!!!!!” masiglang sabi ni Ton-ton.

-itutuloy

[05]
LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 5

January 2010, 4:30pm

            Muntikan na akong mabulunan sa kinakain kong cake dahil sa kwento ni Jek-jek. Ang Anthony na boardmate slash roomate niya ay si Sir Ton-ton pala niya na supervisor slash trainor rin pala niya.

            “Small world diba?...” natatawang sabi ni Jek-jek

            “Jek-jek naman wag mong bitinin sa ere yung kwento, ano na?...anong nangyari nung makita mo si Ton-ton sa pinto?....” pagpapatuloy ko sa kwento niya.

            Hindi ko akalain na makikinig ako ng husto sa mga sinasabi niya. Halos makalimutan ko na nga ang dahilan kung bakit ako nag out ng maaga sa work at tumambay sa mall na iyon. Ayoko munang isipin ang problema ko, gusto ko magfocus sa kwento ni Jek-jek.

            “Atat naman ito masyado… ngiting-ngiti si Sir Ton-ton nung pumasok siya sa loob ng boarding house…”

            I don’t know why, but suddenly he continue his story with a glow in his eyes….

--------------------------------------------------

March 2006, 8:00pm, Monday

            Ngiting-ngiti si Sir Ton-ton nung pumasok siya sa loob ng boarding house. Gulat naman ang makikita sa muhka ng mga kaboardmate ko na sila King, Noel, Andrew at Jay-ar. Samantala huminto naman ang mundo ko sa nagyayari. Halos hindi ako matinag sa aking kinauupuan.

            Natatabingan ako nila Andrew at Jay-ar kaya hindi pa napapansin ni Sir Ton-ton na nandun din ako sa loob ng boarding house. Hindi ako makapag-isip ng gagawin. Hindi ko alam kung magtatago ba ako o dali-daling tatakbo sa kwarto para hindi niya ako makita. Hindi ako makapaniwala na ang Anthony na boardmate at roomate ko ay si Sir Ton-ton pala na Supervisor ko at trainor ko.

Napansin ko na biglang lumapit si King kay Sir Ton-ton.

“Pinsan!!!!...” tawag ni King kay Sir Ton-ton at sinabayan pa niya ito ng yakap at panggigigil. Mukhang close nga talaga ang mag-pinsan.

“Oh anong nagyari sayo pinsan?...hehe sobra mo naman ata akong na-miss” nagtatakang sabi ni Sir Ton-ton.

“Masaya lang ako pinsan kasi after 2 weeks nakabalik ka na ulit hehe…pati nga sila Noel, Andrew at Jay-ar na-miss ka rin…diba guys?” baling naman ni King sa iba pa naming kaboardmate.

“Oo Ton-ton na-miss ka namin.” Sabay-sabay namang tugon ng tatlo.

Lahat sila ay biglang niyakap at kunwaring hinahalik-halikan pa si Sir Ton-ton. Samantalang ako ay parang tuod na hindi gumagalaw sa aking pwesto. Pinapanood ko lang sila. Ang saya-saya nilang tingnan. Halatang marami na silang pinagsamahan. Ibang-ibang Ton-ton naman ang nakikita ko kumpara sa Ton-ton na nakilala ko sa Pizza Resto. Galak na galak din itong nakikipagbiruan sa mga kaibigan. Nakisakay na lang si Sir Ton-ton sa drama ng mga kaboardmate namin, marahil kilala rin niya ang mga ito sa pagiging kolokoy.

“Teka nga, pinagtritripan niyo ba ako?..hehe kakaiba ata ang mga kinikilos niyo.” Tanong ni Sir Ton-ton habang pinipilit na kumawala sa pagkakayakap ng mga kabordmate ko.

“Ito naman, Masaya lang talaga kami na nakabalik ka na.” si Andrew.

“Oo nga, kamusta naman ang bakasyon mo?” tanong naman ni Noel.

“Yung pasalubong namin nasaan na?” sunod naman na tanong ni Jay-ar.

“Pinsan halika dun tayo magkwentuhan sa kwarto namin ni Noel..” sabi naman ni King sabay hila Kay Sir Ton-ton papunta sa kwarto niya.

Alam ko ginugulo lang nila si Sir Ton-ton para hindi mapansin nito na nandun ako. Hinila nila ng hinila sa braso si Sir Ton-ton pero nanlaban ito.

“Ang kukulit niyo talaga, bukas na tayo magkwentuhan, pagod na ako at-……” napatigil si Sir Ton-ton sa pagsasalita ng akmang didiretso na ito pa-akyat ng hagdan papunta sa kwarto namin ng magawi ang tingin niya sa kinauupuan ko.

Pati na rin ang mga kolokoy ay napatingin na rin sa akin. Samantalang ako naman ay hindi maisip kung ano ba ang dapat gawin. Ang masayahing Sir Ton-ton na bumungad sa amin kanina pagpasok ng bahay ay biglang nagsalubong ang kilay.

“Hi?!...” napapangiwi kong bati sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko samantalang kaninang umaga sa Pizza Resto ay kulang na lang murahin ko siya sa sobrang inis.

Kung babasahin mo ang ekspresyon ng mukha naman ni Sir Ton-ton ay isang malaking Question mark ang mababasa mo. Binalingan niya ang mga kasama namin sa bahay na may mga tanong sa kaniyang mga mata.

“Si Jek-jek…. Roomate mo.” Napapangiting sabi ni King.
Lalo pang naningkit ang mga mata ni Sir Ton-ton. Siguro kung nakamamatay lang ang kaniyang tingin ay kanina pa ako bumulagta sa sahig. At ilang minuto pa ang lumipas naganap ang World War 3 sa loob ng boarding house.

March 2006, 9:30pm, Monday
          

Sobrang gulo ng bahay. Halos hindi ko na maalala ang iba pang detalye sa mga oras na iyon. Hawak ako sa magkabilang braso nila Andrew at Jay-ar, samantalang sila King at Noel ay hawak naman si Sir Ton-ton.

            Hindi ko akalain na ang simpleng aksidente at pagkaka-bunggo ko kay Sir Ton-ton ay aabot sa sigawan at suntukan. Pareho kaming may black eye at sabog ang labi matapos ang pakikipagbunuan sa isa’t-isa. Pati sila King, Noel, Andrew at Jay-ar ay humihingal dahil sa pang-aawat sa amin.

            Sobrang taas ng pride ni Sir Ton-ton, hindi ko alam kung bakit galit na galit ito sa akin. Kahit ilang beses ata akong mag-sorry ay hindi niya tatanggapin. Kung tutuusin napaka simple lang naman ng problema namin pinalaki na lang niya ng pinalaki.

            “Lumayas ka…” panduduro pa sa akin ni Sir Ton-ton.

            “Alam mo pikon na pikon na ako sayo eh, kanina sa Pizza resto pinalalayas mo rin ako tapos palalayasin mo rin ako dito?....aba ang O.A mo naman ata magalit bossing.” Nagnggigil kong sabi habang pinapahid ang dugo sa gilid ng aking mga labi.

            “Hindi kita gusto….” Paninigaw pa ni Sir Ton-ton sa akin.

            Ewan ko kung bakit, parang sobrang bigat sa damdamin ang huling mga salitang sinabi niya sa akin. Noong una na ikwento sa akin nila King ang tungkol kay Anthony ay galak na galak pa ako na makilala ito. Akala ko magkakasundo kami sa maraming bagay. Nanghihinayang ako na hindi man lang ako binigyan ni Sir Ton-ton ng isa pang chance para maging kaibigan niya.

            Napayuko ako at pilit na kumawala sa pagkakahawak sa akin ni Andrew at Jay-ar. Hindi ko napigilan ang mga luhang unti-unting umagos sa aking mga mata.

            “Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko na gustuhin mo…. Ang sa akin lang, tao akong humihingi ng tawad sa ano mang pagkakamali ko sayo, at sana bilang tao mapatawad mo ako. Hindi ako perpekto Sir Ton-ton hangga’t maari ayoko ng kaaway. Ayoko ng magulong buhay, pero tulad nga ng una kong sinabi, hindi kita pipilitin na gustuhin at pakisamahan ako…” matapos kong sabihin yun ay dali-dali akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto namin ni Sir  Ton-ton.

            “Jek-jek…”

            Narinig ko pang tinawag ako nila Andrew pero hindi na ako lumingon. Ayokong makita nila ang pag-iyak ko sa mga oras na iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili, hindi naman ako iyakin dati. Hindi ko rin maintindihan kung bakit sobra akong nalulungkot sa nagyayari. Inisip ko na lang na isa ito sa mga kailangan kong i-adjust sa bago kong pamumuhay.

            Pagpasok sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. Hindi na ako nag-abala pang kumain ng hapunan, maglinis ng katawan o magpalit man lang ng damit. Sobra-sobra na ang dinanas kong pagod sa araw na iyon. Gusto ko na rin matulog upang makalimutan ang kung ano man ang problema sa pagitan namin ni Sir Ton-ton. Bago makatulog ng tuluyan ay nagdasal muna ako sa Poong Maykapal.

            “Lord, nagpapasalamat po ako sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob niyo sa akin, patawarin niyo po sana ako sa mga kasalan ko at sa mga kasalanang magagawa ko pa sa hinaharap. Lord, gabayan niyo po sana ako sa mga taong gustong manakit sa akin. Ipakita niyo po sa akin ang tamang landas upang maiwasan ko ang magka-sala sa inyo. Lord, sana po pag-gising ko bukas okay na ang lahat. Salamat po. Ito ay dinadalangin ko sa ngalan ng iyong anak na si Jesus. Amen.”

            Saktong pagpikit ng aking mga mata ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin ni Sir Ton-ton. Hindi na ako nag abalang dumilat pa, baka sigawan lang ako ulit nito at magbangayan lang kami. Pagod na ako, ayoko ng away. Nakikiramdam ako sa mga kilos niya. Narinig kong binuksan niya ang cabinet upang magbihis siguro.

            Makatapos niyang magbihis ay nakarinig ako ng ingay sa kama niya marahil ay humiga na siya. Kahit nakapikit na ang aking mga mata ay hindi ko magawang matulog. Naririnig ko ang mahihinang buntong-hininga ni Sir Ton-ton sa kabilang kama. Marahil, tulad ko ay hindi rin ito makatulog. Maya-maya pa ay narinig ko na lang ang isang awitin na siguro ay nanggagaling sa cellphone ni Sir Ton-ton.

Naaalala mo pa ba
Ang ating unang pagkikita
Noo'y wala pang nadama
Ngunit ngayo'y nagbago na

Dati 'di naisip
Na ikaw ay iibigin
'Di ko pa napapansin
Na sayo'y may pagtingin

Ngunit ngayon sinta biglang nagbago
Ang puso ko'y nagmamahal umiibig sa'yo

Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka
Ikaw lang pala

Dati 'di naisip
Na ikaw ay iibigin
'Di ko pa napapansin
Na sayo'y may pagtingin

Ngunit ngayon sinta biglang nagbago
Ang puso ko'y nagmamahal umiibig sa'yo

Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka

Ikaw lang pala ang pag-ibig na inilaan sa puso ko
At magmula ngayo'y hindi magbabago itong dadamdamin ko
Batid ko na mahal kita

Ikaw pala ang iibigin ko
Kay tagal nang naghintay sa'yp
Mahal ko

Ikaw lang pala ang hinahanap ng puso ko
Ito sinta ang katuparan ng mga pangarap ko
At magpakailanman pangako'y iibigin ka

Ikaw lang pala ang pag-ibig na inilaan sa puso ko
At magmula ngayo'y hindi magbabago itong dadamdamin ko
Batid ko na mahal kita
Ikaw lang pala

Nakiramdam ako ng mabuti matapos ang magandang kantang iyon, hanggang sa narinig kong nagsalita si Sir Ton-ton.

            “I’m sorry……..” mga katagang hindi ko malilimutan na sinabi ni Sir Ton-ton. Mahina man ang pagkakabigkas niya pero damang-dama ko ang sinseridad nito.

-itutuloy

No comments:

Post a Comment