Monday, January 7, 2013

Way Back Into Love (06-10)

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com


[06]
Katahimikan.

Yun ang namayani sa kanila matapos umalis si Sabrina. Walang nagtakang bumasag ng katahimikan na kanina pa namamayani. Sa tanan ng pagkakaibigan nila, ito ang kaunaunahang pagkataon na nagsama sila na parang may mali, may hindi maintindihan, may mga tanong na kailangang sagutin ngunit alam nila parehong natatakot sila sa sandaling malaman nila ang katotohanan.

"So how was the wedding?" bungad ni Red na nakatingin pa rin sa malayo.


"Masaya Sobra" matipid niyang sagot. Hindi man niya aminin ay nasaktan siya sa malamig na pakikitungo nito sa kanya at ito rin ang isa sa mga pagkakataon na hindi "Moks" ang unang salitang lumabas sa kanya.

"Ok." matipid na sagot rin nito

Katahimikan.

Hindi niya alam ang sasabihin kay Red. Gusto niyang magtanong kung bakit ito nagkakaganun. Bakit ba parang sobrang apektado siya ng nangyari kahapon.

"Alam mo ba yung feeling ng mainlove?" biglang basag sa katahimikan ni Red.

"Oo naman. Diba dapat pareho na nating alam yan Moks? Nung nakilala ko si Jake, yun yung panahon na naintindihan ko yung pakiramdam na iyon, at ganun ka rin kay Sabrina diba?" pagkumpirma niya sa matalik na kaibigan

"Akala ko rin Moks eh hanggang sa nagising na lang ako isang araw iba na pala ang mahal ko"

"Alam ba ni Sabrina to?" tanong niya

"Hindi. Wala akong balak ipaalam" malamig na tugon nito

"Ang tanga mo Moks. Alam mong masasaktan si Sabrina kung ipagpapatuloy mo yan" mahina ngunit puno ng galit na wika niya dito. Kung meron mang kasing tao na naging saksi kung gaano kamahal ni Sabrina si Red ay siya yun. Kung ganito man ang problema ni Red ay hindi niya dapat idamay si Sabrina. She doesnt deserve this.

"Siguro nga tanga talaga ako Moks. Kasi yung taong iyon.. Yung tanging taong nagpapatibok ng puso ko, hawak ko na sana siya eh.. ganito lang kalapit oh... kaso naging duwag ako.... pinakawalan ko pa...." natigil ito ng saglit at kinusot ang mata.

"....Kaya eto ako ngayon, nasasaktan... Dahil alam kong hindi ko maibibigay ang sayang naibibigay ng ibang taong mahal niya...."

"...Pero alam mo Moks, yung taong iyon nagagawa ko pa rin siyang mahalin kahit sa malayo.. Yung tipong ... Yung tipong pasikreto ko siyang pagmamasdan at ka....kapag nakangiti siya, ngingiti na rin ako... buo na ang araw ko.. Kahit sa araw-araw na iyon,  ginigising ko ang sarili ko sa katotohanan na hindi ako dahilan ng mga ngiting iyon" nagsimula ng tumulo ang luha ni Red. Nakita niyang inilabas nito ang sombrero at itinakip sa ulo para maitago ang mga mata nito. Kasabay ng pagyuko nito ay nakita niyang tinangka muli nitong pahirin ang luhang gustong kumawala sa mga mata nito

Gusto niya sanang bigyan ng panyo ang matalik na kaibigan ngunit hindi siya makagalaw. Waring idinikit siya sa upuan habang patuloy na nagsasalita si Red.

"Kung sino man tong taong to, ang swerte niya pala Moks. Pero tutol pa rin ako sa ginagawa mo. Bakit hindi mo sabihin ang totoo kay Sabrina. Its unfair on her part. At bakit hindi mo maaamin sa taong to na mahal mo siya. Moks, kaibigan mo ko. Tutulungan kita" pagbibigay simpatiya niya dito

"Wag na Moks. Ang alam ko kasi masayang masaya siya ngayon. Ayokong maging dahilan ng kalungkutan niya. Saka isa pa baka isipin niya ako ang kontrabida fairytale niya. Alam mo Moks, kaya ko naman sana ang wala siya.... yun nga lang, hindi ganun kasaya" sinundan ng isang matabang na ngiti ang mga sinabi ni Red.

Unti-unti na ring tumulo ang luha niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nararamdaman niya ang paghihirap ni Red. Nararamdaman niya ang paghihirap ng puso nito. Gayunpaman, hindi niya lubos maisip bakit ganun siya kaapektado sa mga sinasabi nito. Gusto niya sanang maging matatag para sa matalik na kaibigan ngunit heto siya nakikiiyak na rin dahil nakakaramdam rin siya ng sakit.

"Oh bat ka umiiyak? Halika nga dito" wika ni Red at hinila ulit siya sa kamay para mayakap.

Humilig siya sa mga balikat nito ngunit patuloy pa rin siya sa pagiyak. Sa hitsura nila ngayon ay para siya na ang may problema. Siguro nga ay talagang mas malakas si Red sa kanya sa aspetong ganito. Dahil nagagawa pa rin nitong ngitian siya,yakapin kahit may dinadala ito sa dibdib.

" Ssssshhhh... tahan na...alam mong ayaw kong nakikita kang umiiyak eh" marahang pagalo nito sa kanya.

"Kaw kasi Moks eh... ang drama mo.. kaw na nga tutulungan eh" maktol niya dito. Hindi niya alam kung bakit siya pa may ganang magalit gayung hindi naman siya ang may problema.

Natawa lang ito. Marahil ay hindi rin nito inaasahan na ganun pa ang iaasal niya sa kabila ng pagtatapang-tapangan niya kanina.

"Sino ba kasi siya Moks? Bakit ayaw mo siyang ipakilala" naiiyak pa rin na tanong niya habang nakayakap pa rin siya dito.

"Ikaw."

Bigla siyang kumalas sa yakapan nila.

"Ano? Pakiulit nga ang sinabi mo?" naguguluhang tanong niya

"Gustong kitang tanungin Moks.. Ikaw? Bakit gugustuhin mo siyang makilala?" sagot ni Red sa kanya.

Lihim siyang bumuntong hininga, akala niya ay kung ano na ang pinagsasasabi ni Red. Sinagot niya ang tanong nito

"Dahil gusto nga kitang tulungan Moks... Gusto kong sabihin sa kanya na ang swerte niya may nagmamahal sa kanya na katulad mo"

Natawa na naman ito

"Makikilala mo rin siya. Sa ngayon, sikreto lang muna natin to ah?" seryosong tugon ni Red

"Paano si Sabrina?" balik tanong niya

"Ako na ang bahala, ipapaalam ko na rin sa kanya, kumukuha lang ako ng tiyempo Moks" paninigurado ni Red

"Sige ikaw ang bahala"

Namayani ulit ang katahimikan at ng lumingon ulit siya kay Red ay titig na titig ulit ito sa kanya.

"Iyan ka na naman Moks ah.. Ano na naman iyang titig mo"

Ngumiti lang ito at pagkatapos kinuha ni Red ang salamin na naka tabing sa mata niya.

"Moks, bakit?" tanong niya dito

"You know what, you look better without these eyeglasses"

"Akin na nga iyan, puro ka talaga kalokohan" depensa niya para maiwasan ang pamumula ng muka niya

Lumingon ulit siya dito ngunit nakangiti na ulit ito ng matamis sa kanya.

"Iyakin" asar ni Red

"Ikaw kaya nauna" pangaasar niya din.

"So tutuloy kayo sa Auditions mamaya Moks?" biglang tanong nito sa kanya

"Oo, kailangan nandun ako para kay Jake" sagot niya

"Pwede ba minsan, yung laban mo eh para sa sarili mo naman?"

"Moks...." pagkasabi niyon ay tinitigan niya rin ito. Titig na humihingi ng simpatiya

"Ok.. Ok.. Ang laban niya ay laban mo. Fine"

"Iyon naman pala eh" asar niya ulit kay Red.

"Galingan mo mamaya ah, manonood ako"

"Kinakabahan ako Moks, para kasi akong makikipag paligsahan sa mga beterano mamaya. Dinig ko, puro magagaling ang makakalaban namin mamaya, baka hindi ako pumasa."

"Sus.. Kaw pa.. Eh ako nga na sobrang galing eh tinalo mo sa amateur contest natin noon.. Sila pa kaya. Ako yata ang number one fan mo! Lahat sila panis sa Moks ko!" wika ni Red na nagpatibay ng kalooban niya.

"Ano ba kakantahin mo Moks?" tanong ulit ni Red sa kanya

"Stronger, Kelly Clarkson" medyo alangang sagot niya dito

"Stronger? Sigurado ka? Pop yun Moks at saka diba  ballad ang forte mo?" tanong ulit nito sa kanya

"Eh Ok naman daw yun sabi ni Jake eh saka ang alam ko eh Pop lover yung Director ng NASUDI" pagkumpirma niya

"Kaw bahala pero giving a male version of a pop female song eh mahirap. Nag rehearse ka na ba?" tanong ulit nito. Bakit kasi hindi niya kinunsulta si Red tungkol dito. Dati rati kasi ito lagi kinokunsulta niya noong nahilig pa siyang umawit sa mga amateur contests sa baranga nila.

"Hindi pa nga eh. Kaya kinakabahan ako Moks" nagpakawala siya ng buntong hininga

"Gusto mo kantahan na lang kita? Bonding?" tanong nito sa kanya

"Sige ba!" excited niyang sagot. Matagal na rin kasing hindi sila kumakanta ng sabay dahil nitong mga nakaraaang araw eh hindi na siya nakakapunta sa bahay ng matalik na kaibigan.

"Anong kakantahin natin?" tanong niya kaagad

"Ako Moks. Ako.. Ako lang ang kakanta para sa atin. dapat makinig ka lang baka masyadong mapressure boses mo."

"Daya!!" yun na lang ang nasabi niya at tumahimik na lang at nagaabang kung anong kakantahin ni Red. Kung tutuusin eh namimiss na rin niya ang boses nito na kumakanta. Ganun na rin katagal na hindi niya narinig ang pagawit nito.

Kinuha nito ang gitarang nakasandal sa paanan ng bench at nagsimulang tumugtog habang titig na titig ito sa kanya ay binigkas nito ang liriko ng kanta

"Nais kong malaman niya Nag mamahal ako Yan lang ang nag-iisang pangarap ko Gusto ko mang sabihin
Di ko kayang simulan Pag nagkita kayo Paki sabi na lang"

"Paki sabi na lang na mahal ko siya ,Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala, Di ako umaasa ,Alam kong ito'y malabo"

"Di ko na mababago Ganun pa man paki sabi na lang...."

"Sana ay malaman niya Masaya na rin ako, Kahit na nasasaktan ang puso ko
Wala na 'kong maisip na mas madali pang paraan
Pag nagkita kayo ....Paki sabi na lang"

"Paki sabi na lang na mahal ko siya    Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing 'wag siyang mag-alala  Di ako umaasa,   Alam kong ito'y malabo"

"Di ko na mababago....Ganun pa man paki sabi na lang...."

Naiiyak na naman siya na natapos ang kanta. Pinagmasdan niyang mabuti si Adrian at dahil dito ay pinigil niyang muling maiyak sa harapan nito. Alam kasi niyang iyakin tong matalik na kaibigan niya. Noon kasi kapag umiiyak siya dahil napalo ng nanay niya, iiyak na rin itong si Adrian at mas malakas pa sa kanya ang iyak. Kaya imbes na ito mang-alo sa kanya ay siya ang nagbibigay ng effort para patahanin ito.

"Moks.." nagsalita muli siya

"Ang ganda ng kanta mo Moks. Sana nga masabi mo na sa kanya ang nararamdaman mo.. Im sure hindi rin niya palalagpasin ang pagkakataon na mahalin ng isang taong kagaya mo"

"Sana" matipid niyang sagot dito

"Teka anong oras na ba?" tanong ni Adrian sa kanya

"Ahm, malapit na magalas diyes... bakit?"

"Shit. Malapit na magsimula yung Audtions" kinakabahang wika ni Adrian sa kanya

"O ano pa ang hinihintay mo, pumunta ka na sa Auditorium Moks. Diba dun yung Auditions?"

"Oo nga pala. Moks manonood ka diba?"

"Oo naman pero pupunta muna ako sa first class ko but i'll find a way na makahabol. Pang ilan ka ba sa magpeperform" tanong niya dito

"Ahm 5 lang daw kami at number 5 din yung nabunot ko nung pumunta ako sa office nila isang araw."

"Ok great, makakahabol ako niyan. Basta galingan mo!"

"Kaya ko kaya Moks?" nagaalinlangang tanong ni Adrian

"Magtiwala ka lang sa galing mo... Saka.." hindi niya na naituloy ang sasabihin niya

"Sandali si Jake itetext ko. Co-confirm ko kung nanudn na siya" putol ni Adrian sa sinasabi niya.

Kapag si Jake talaga ang pinaguusapan eh aligaga itong si Adrian. Kung pwede lang sanang siya na lang yun pero hindi makita ni Jake kung gaano siya kaswerte kay Adrian.

"Anong sabi?" tanong niya kay Adrian ng matapos na itong magtext.

"Nandun na daw siya Moks. So bale pupunta na lang din ako dun"

"Asan na yung minus one mo?" tanong niya ulit kay Adrian. Minsan kasi eh makakalimutin ito kaya naman laging siyang tagapag pa-alala ng mga bagay bagay na nakakaligtaan nito.

"Si Jake yung nag edit at nag burn nung CD Moks, nasa kanya na yun"

Sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang kinutuban ng masama. Wala na siyang nagawa kundi tingnan si Adrian habang unti-unti itong lumalakad papalayo sa kanya.

Itutuloy...

[07]
"Are they all here?" puno ng awtoridad na tanong ni Director Lee Montano. Siya lang naman ang tinatawag nilang "Monster", ang tagapag sala at taga hubog ng kakayahan sa pagkanta ng mga miyembro ng NASUDI. Halimaw sa galing at halimaw din kung mangbuska ng tao. Taon-taon ay nagdaraos ng Audition para sa NASUDI upang palitan ang mga miyembro nitong isa-isa ring nagtatapos sa kolehiyo. Ika nga nila "Many are called but few are chosen" dahil alam ang reputasyon at galing ng Direktor sa larangan ng musika ay kalimitan sa hindi ay natatakot sumubok ang mga estudyante kahit na nga ang kumukuha ng kursong Conservatory of Music ay ayaw mag-audition sa organisasyong ito.

Dagdag pa sa kalibre ng nasabing Direktor ang koneksyon nito sa mundo ng showbiz. Kaya naman hindi maikakailang kapag naging apple of the eye ka ng Direktor at ikaw ang naging paborito ay hindi malayong ipasok ka niya at ihanay sa mga sikat na mangaawit ng henerasyon. Syempre, hindi rin maitatanggi na kung isa kang miyembro ng NASUDI ay isa ka rin sa tinatawag na "elite circle" mga samahan ng estudyanteng sikat sa campus dahil sa talino, dahil sa ganda o kakisigan, dahil sa pagiging matalino o dahil sa galing sa pag -awit at pag sayaw.

"The 4 neos are here" tugon naman ng senior member ng NASUDI. 'Neos' o neophytes ang tawag nila sa mga estudyanteng gustong subukin ang kapalaran sa NASUDI.

"Four? I thought we have five? What happened to the other loser?" sarkastikong tanong nito

"Well, Its ordinary when people would surrender at the last minute of the show without...." naputol ang sinasabi ng isa sa miyembro ng NASUDI.

"Without even trying? Yes. Its not actually ordinary, call it tradition. Their unprofessionalism just bores me to death." malamig na tugon nito sa protege.

"You think that the next big thing would be among these 4?" tanong ulit nito sa kanya.

"I have my hopes that there is, well if none then this might be the downfall of NASUDI after you graduate" baling ni Director Lee sa babaeng kanina pa niya kausap.

"We have many members in the club and why not choose my successor among them?"

"Martha, Im searching someone who is as excellent as you and you know the difference between Excellence and Average right? Besides, I also had plans of maybe, removing some members and replacing them with better ones. Those who can sing, dance and have the guts to let it out" sagot niya kay Martha, ang star ng NASUDI.

"Direk... Dont you think its a bit harsh to just remove someone in the club? I mean its their dream for Christ Sake" mariing tutol ni Martha sa balak ng Direktor.

"That's life, Survival of the Fittest, Elimination of the Weakest" may himig sarkasmo na sagot niya dito.

"Hi Tito!" bungad ng babaeng biglang pumasok sa Auditorium

"Sabrina? My favorite pamangkin. So how's my girl?" bati ni Director Lee sa pamangkin.

"Tito ah.. You are not making reply on my texts na.. Kakainis ka" maarteng pagtatampo nito sa kanya

"Pagpasensyahan mo na ang Tito mo Sab. Im kinda busy. But I will try to read it later OK? Mamaya rin lang ako mag che-check ng phone"

"Ok tito but can I ask you a favor?"

"Anything para sa paborito kong pamangkin"

"Ok tito, just read my current message in your phone. I wont take NO for an answer ah its a special request"

"Sure thing... babawi ako.. Busy lang talaga these past few days pamangkin"

"Ok tito. Thank You po"

"Your welcome hija... by the way manonood ka ba ng Audition?"

"Wag na lang siguro Tito... Alam ko naman ugali mo.. Baka naman okrayin mo lang lahat ng neos here eh"

"I cant help it hija, alam mo naman ang Tito mo.. Metikoloso pag dating sa mga singers"

"I know Tito but Im interested on your Neos, pwede ko ba sila makita?"

"Nandun sila sa back stage, sweating out of panic. Haha"

"Sige Tito mauna na ako"

Humakbang si Sabrina pataas ng entablado at nagtungo sa may bandang gilid nito. Iniluwa naman siya ng kurtinang nakatabing sa dressing room ng mga neos at agad na hinagilap ng kanyang mga mata si Jake. Nang makita niya ito ay agad niya itong nilapitan.

"Jake."

"Sab?"

"The one and only." sarkastikong sagot niya rito

"Bakit ka nandito? Wag mong sabihing manonood ka rin ng Auditions?" tanong ni Jake sa kanya.

"Why not? I cant purposely wait sa mga susunod na mangyayari"

"Magtataka siya kung bakit ka nandito"

"Magtataka? For all I know eh we are like.. Super Bff.. Botong boto ang baklang iyon sa akin para kay Red. Eh di pag nagtanong siya sasabihin ko na Im here to support him, Im always good at moral support and even..... oral support" makahulugang sagot niya dito sabay hawak at pisil sa pinaksensitibong bahagi ng katawan ni Jake.

"Stop that, baka may makakita."

"What? Haven't you tried public sex before?"

"Kung gusto mong ituloy ko ang pinaplano mo, you need to get out from here now" mariing sagot sa kanya ni Jake

"Pinaplano NATIN Jake... Please dont wash you dirty linen in front of me.. Hindi bagay sa iyo ang magbait-baitan. But Ok.. sige pagbibiyan kita... I will just suit myself outside and watch the show that we both planned. Hahahaha" pagkasabi nito ay lumabas na si Sabrina sa back stage.

Lumingon- lingon si Jake kung may tao bang nakarinig sa usapan nila. Buti na lang at ang iba pang mga neos ay masyadong naka pokus sa kani-kaniyang piyesa. Ang iba sa mga ito ay naka head phones, siguro ay pina practice ng mga ito ang kakantahin mamaya. Tiningnan niya ang relo sa kamay niya, its almost 10:10 at wala pa rin si Adrian. Gusto niyang matuwa kung sakaling hindi na ito dadalo pa sa Auditions. Maya-maya pa ay pinatawag silang lahat papunta sa entablado.

Apat lang silang kalahok sa araw na iyon, pang lima sana si Adrian ngunit wala pa ito. Kinakabahan siya hindi sa magiging outcome ng performance niya mamaya kundi sa kung anong pwedeng mangyari kay Adrian. Nagsimula ng magsalita ang Director ng NASUDI.

"So from 5 down to 4? Interesting." panimula ng direktor.

".... I just want to congratulate you all that being on that stage means that you had great courage not blend in but to stand out" pagpapatuloy nito.

"....Im also quite impressed that you four actually cared for you future and that also rings a bell that you have the passion to sing... but of course enthusiasm and passion without skills is like hoping that Santa Claus is real. Im searching for someone who can do the vocals, the routine and the swag. Do you all understand me?"

"Yes Sir" sabay-sabay na sagot nilang apat.

Tatlo silang lalaki at isang babae na naglalaban-laban para maging miyembro ng NASUDI. Ang isa dito ay isang estudyante galing sa Business Department. Ang isa pang lalaki naman ay galing naman sa College of Eduation at ang nagiisang babae ay kumukuha ng kursong Development Communication.

Naputol ang kanyang obserbasyon sa mga kalahok ng biglang iniluwa ng pinto ng auditorium si Adrian. Para siyang pinanghinaan ng tuhod ng makita itong para sobrang pagod at hapong-hapo na tinakbo pa yata ang Auditorium. Dahil sa nalikha nitong ingay ay napalingon ang lahat kay Adrian at kasabay nito ay napatingin na rin ang Direktor sa kanya. Halos lahat ng mga mata ay sa kanya nakatutok.

"You are 10 mins late from the call time"

"Im sorry Sir I have to..." hindi na niya naituloy ang sasabihin ng iminuwestra na nito ang kamay.

"Shut Up, the only excuse you can give me is that you are already dead. But if you can still breath then the details of your stupidity do not interest me." kalmado ngunit nakakainsultong tugon nito sa kanya.

"Im really sorry Sir but I promise I wont disappoint you" puno ng determinasyon niyang wika dito

Director Lee stared him for a couple of seconds. Waring tinatantiya nito ang kredibilidad ng kanyang sinabi. Pagkatapos ay sinenyasan siya nitong umakyat sa entablado at tumabi sa pila ng mga kalahok. Wala siyang masyadong taong nakita sa loob ng Auditorium liban sa kanilang lima, sa Director, sa isa pang miyembro ng NASUDI na sa pagkakakilala niya ay nagngangalang Martha at nakita niya rin si Sabrina. Nginitian siya nito at binigyan siya ng 'thumbs up sign' tanda ng suporta sa kanya.

"Ok so as I was saying, there is no definite on this competition, I can accept all of you guys in my club at the same time I can reject all of you if I decided that you are a bunch of trying hard singers who wanted to be  fame whores. I need a talent that I could expose not only to this university but also to the world. Do you understand me?" tanong nito ulit sa kanila

"Yes Sir" sabay sabay na pagsagot nila na wari ay nasa isang military training.

"Great so, contestant number one you stay here and others... wait for your turn."

Pagkarinig nila nun ay agad na silang pumasok sa back stage habang naiwan naman ang unang kalahok para kumanta.

"Hon nadala mo ba yung burned CD's?" tanong niya kaagad kay Jake

"Oo hon naipasa ko na dun sa nagooperate ng sound system." pagkumpirma naman nito

"Ok ka lang ba? Ayos na ba yung kakantahin mo?" tanong niya ulit dito

"Ayos na hon.. ikaw ayos ka lang ba?" tanong rin ni Jake sa kanya

"Basta alam kong ayos ka, ayos na rin ako" pagbibigay niya ng assurance dito

Naputol ang kanilang paguusap ng tawagin na ang ikalawang mang-aawit. It was Jake's turn.

'Hon... makinig ka sa akin ng mabuti" baling sa kanya ni Jake

".... kahit anong mangyari... kahit anong magbago sa akin... Mahal na Mahal Kita.. tandaan mo yan" pagpapatuloy nito at hinalikan siya sa noo. Napapikit naman siya para namnamin ang mga sinabi nito sa kanya

Lumakad na si Jake papunta sa gitna ng entablado nakita niya si Sabrina sa may bandang kaliwa at ng magtama ang kanilang mata ay tumango ito tanda na dapat niyang isakatuparan ang plano.

"So what is your name?" pukaw ng direktor sa kanyang atensyon.

"Im Jake Marcos by the way Sir" magalang niyang tugon dito

"Ok Jake, what did you prepare for my ears?" tanong ulit ng direktor

"Im going to sing, The Man Who Cant Be Moved by The Script"

"A pop R&B? Interesting choice and you know that the Script is an Irish Band"

"Yes Sir"

"And how positive are you that you can sing that song?"

"100% Positive Sir"

"Great Confidence but let's see what you got. Hit it!"

Pagkatapos ng mga huling salita ng direktor ay pumailanlang na ang musika sa buong Auditorium. Pumikit siya para namnamin ang musika na naririnig ng kanyang tainga. At nagsimula na siyang kumanta:

Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying if you see this guy can you tell him  where I am

Tiningnan niya si Adrian, at nakita iya mataman itong nakikinig sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang kanta.

Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke I'm just a broken hearted man
I know it makes no sense, but what else can I do
How can I move on when I've been in love with him

Naluluha siya ngunit hindi niya ipinahalata. Dahil ang kantang iyon ang simula ng pagbabago ng lahat-lahat. Parang mabilis na nag replay ang utak niya habang kinakanta niya ang awiting ito. Nung una silang nagkita noong high school. Noong ipinagtanggol niya ito sa lalaking sumuntok sa kanya. Na kung tutuusin ay dapat gawa-gawa lang ngunit galit na galit siya noong oras na iyon sa lalaking sumuntok sa mukha nito. Yung mga panahong binibilhan siya nito ng pagkain. Yung panahong pinupunasan nito ang pawis niya. At noong panahong sabay nilang kinakanta ang 'Way Back Into Love'.

Ipanagpatuloy niya ang koro...

'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'd see me waiting for you on the corner of the street

Sana nga ganoon lang kadali ang lahat tulad ng kinakanta niya. Na sa sandaling magkasala na siya at bigla siyang mamiss nito ay babalik lang si Adrian sa mga panahong una silang nagtagpo. At kung mangyari yun, itatama niya ang lahat. Itatama niya lahat ng kasalanan at kasinungalingan niya dito.

At hindi niya namamalyan na natapos na ang kanta. Tumalikod siya para pahirin saglit ang luha ng kanyang mga mata at ng humarap siya ay nakita niyang nakatayo na ang Director ng NASUDI at pinapalakpakan siya. Tumingin siya sa gilid ng entablado at nakita niyang lumuluha rin si Adrian habang pumapalakpak. Ngunit tiningnan niya na ito ng matalim, isang matalim na titig na nagsilbing hudyat ng lahat. Dahil ng matapos ang kanta, hindi na siya ang Jake Marcos na kilala nito.

Biglang-bigla ay nakita rin niyang nagbago ang reaksyon ni Adrian dahil sa titig niya. Napuno ang mukha nito ng pagtatanong at wari itong naguguluhan sa inasal niya ngunit wala na siyang magagawa. Mangyayari ang dapat mangyari.

"You have a very nice vocals. You see, Im actually searching for a modern version of a rocker guy and I think you fit the job description. Mr. Marcos you undeniably, impressed me" pagtatapos nito

He bowed with bliss. Ito na ang simula ng pangarap niya. Tinangka niyang huwag ng lumingon pa. Dahil sa sandaling ito, pinapatay na niya ang konting konsensya na natitira sa pagkatao niya. Bumaba na siya sa entablado at nagtungo sa likod ng Director kung saan nag hihintay din si Sabrina at ang unang kumanta kanina.

Nang makababa siya ay kinuha niya ang kanyang sun glasses at isinuot ito. That is the very first self defense he could think of andthe show went in a speed of light. Before he knew it. Natapos ng kumanta ang ikatlo at ika-apat na kalahok sa auditon at tulad rin niya. Both of the other contestants received a good review on their performances.

"Well, Im quite impressed with the batch of neos today that it would really ruin my day if the 5th performer will screw whatever song he chose"

Lumakad na si Adrian sa gitna ng entablado at humarap sa Direktor.

"So Mr. Tardy 5th Performer. What will be your anthem for today"

"Ahmmm.. S...Str..Stonger po" kinakabahan niyang sagot. Para siyang maiihi sa nerbyos. Ginalugad ng kanyang mata ang buong Auditorium, nakita niya si Jake na nakasuot ng sun glasses at wala man lang siyang makitang ekspresyon sa mukha nito.

"Stronger? By Kelly Clarkson? What a brave choice.... You know how much difficult it is to give a male touch to a female song"

"O.oo...opo" nauutal na siya. Hindi niya alam kung bakit hindi niya makumplete kahit ni isang kataga na lumalabas sa bibig.

"Your song is stronger but from the way you speak, it seems like... you are the contrast of what you are about to sing"

"I...I...Im So...sorry" nauutal na naman niyang sagot

"Whatever, just give me the beat"

Biglang sumambulat sa buong auditorium ang isang nakakabinging tunog. Para itong tunog ng mikroponong nasobrahan sa echo. Tinakpan ng bawat isa ang kani-kanilang tainga.

"God!! What is that sound?" singhal ni Director Lee sa operator ng sound system

"Ito po yung laman CD, yung naisubmit na audition piece niya" sigaw naman ng operator ng napatay ang nakakabinging tunog mula sa burned CD.

Lumingon ang Direktor sa kanya ng may bahid ng pagtatanong at galit sa mukha. Hinagilap ng mata niya si Jake ngunit nakayuko lang ito. Hindi na niya alam ang gagawin.

"It did worked" bulong ni Sabrina sa sarili niya habang nagpukol ng mala-demonyong ngiti kay Jake.

Itutuloy....

[08]
Shit!  namura at nasapak ni Red ang sarili ng makita ang kanyang wristwatch, its almost 11:00. Ni hindi niya namalayan ang oras kanina ng pumasok siya sa klase. Ang sabi niya kay Adrian ay hahabol siya sa Auditions ngunit ang kaso nga lang ay nagbigay ng suprise quiz ang teacher niya and he cannot afford to lose an examination. Ngunit malas niya, dahil sa bawat tanong na nasa test paper ay wala siyang alam. Dagdagan pa ito ng paglipad ng isip niya.

Iniisip niya kung ayos lang ba si Adrian. Iniisip niya kung naka-kanta ba ito ng maayos. Iniisip niya ang tangang Jake na yan na boyfriend pa rin niya hanggang ngayon. Si Sabrina na wala pang alam sa nangyayari at nararamdaman niya. At kung ano-ano pa. Mababaliw na ata siya at kung hindi lang niya nakita kaagad, Adrian dela Riva na ang maisasagot niya sa patlang ng Test paper. Everything is killing him. Yung isiping laging kasama ni Adrian si Jake at hindi ito ligtas habang nasa kamay ng gagong iyon. Hindi niya maatim isipin na sa loob ng apat na taon ay nagawa niyang kunsentihin ang relasyon ng dalawa. Aminado na siya ngayon na nagseselos siya and he is more than sure na higit pa sa matalik na kaibigan ang tingin niya dito. And it kills every veins in his heart whenever he sees Adrian smiling in the arms of that asshole. Siya dapat yun. Ngunit kahit kailan, hindi niya maibibigay ang kaligayahang yun. Yun ang katotohanan. Ang katotohanang hindi siya ipinanganak na Jake Marcos... He is Red Antonio.

Humahangos na tumakbo siya papuntang Auditorium. Kung sino man siguro ang nagtayo ng mga building doon ay mapapatay niya ng di oras. Their building and the Auditorium are at both ends of the University. At napaka-imposible ng 5 minuto para makapunta dun. Time Check, its 11:05. Limang minuto na nga ang nakakalipas ngunit nasa kalagitnaan pa lang siya ng pagtakbo niya. This seems to be the longest run of his life. Parang life and death situation. Nangako siya kay Adrian na manonood siya and he cannot miss the event. Never. Gusto niyang ipakita kay Adrian na nandyan lang siya pag kailangan siya nito. Nandiyan lang siya sa tagumpay nito. Dahil kahit hindi siya ang itinitibok ng puso nito gusto niyang maging karugtong man lamang nito. Kahit isa lang siyang best friend. Kahit siya lang ang Moks nito.

"Moks" naibulong niya sa sarili.

Yun ang tawagan nilang magbest friend. Kapag tinatawag niya itong Moks. He felt a sense of possession. Kaya minsan dinadagdagan niya ito ng "ko". To make it "Moks ko". Hindi naman nagrereklamo si Adrian. Though hindi niya ito narinig na nagtawag ng 'Moks ko' sa kanya.  But its alright, naiintindihan niya. But if Adrian only knew na lahat ng sweetness niya para dito ay may bahid ng malisya. When he will pull Adrian to hug him ay kuntentong-kuntento siya. Parang gusto niyang patigilin ang ikot ng mundo kapag yakap niya ito. He doesnt want to let go. No. He is afraid to let go. Dahil sa oras ng mangyari yun, hindi na uli sa bisig niya si Adrian. He already belongs to someone else. Someone he really loves.

Naalala niya ang mock wedding. Sobra siyang nasaktan ng lumabas sa bibig nito ang "Im Sorry". Para siyang na-busted right there and then. Gusto niyang aminin dito na na, Moks.. Mahal na Kita... Higit pa sa Kaibigan. Pero naumid ang dila niya. He was rejected, right at that moment. Paano pa kaya if he confessed his feelings to him? Talking about effects. Adrian doesnt only affected him emotionally but also sexually. May isang beses na he was seeing an FHM magazine but he wasnt able to have a boner, hindi katulad ng dati. He rested on his bed that day and all of a sudden, Adrian's image flashed in his mind. But this time, nakahubad daw siya and Adrian. And they are doing something more than he could imagine two bestfriends could. And slowly he had an erection. And that night he exploded in euphoria.

Shit. Minura niya ulit ang sarili niya.   Tama bang tigasan siya habang tumatakbo papuntang Auditorium? Shit.

"So What now?" iritableng tanong ng Direktor sa kanya.

"Im sorry, my bad Sir.. Im really.." naghihinang sagot ni Adrian sa direktor. Hindi niya na alam ang gagawin. Siguro ay nagkamali lang si Jake sa nakuhang CD kaya nagkaganun ang lumabas sa sound system. He wont blame Jake because of what happened. Kailanagn niyang umisip ng paraan para matapos na ang Auditions na to.

"Oh please enough of your excuses. Your Sorry is a Shit. People on the world think that apology is a super glue when in fact it cant fix things that are already broken. Nakukuha mo ba ako? Your sorry cant fix the CD. If you are playing a prank on me you better...." hindi natapos ng direktor ang sinasabi ng dumepensa siya.

"No Sir. Hindi po. I thought na..." hindi na rin niya natapos ang sasabihin ng sumingit ulit ang Direktor.

"You thought? You thought na OK ang CD? .....Oh please.. Thats a pathetic excuse. Marami ang namamatay sa maling akala. Well in your case, babagsak ka sa maling akala. I can even tell now that you lost your chance without even bothering to listen to your equally pathetic voice."

"Sir...."

"Tell you what..... this day is the day you insulted the music industry.. You think that this is only..... ONLY I repeat... only an Audition? This is not an Audition honey... This is the first step to being famous... to being a celebrity. And for some God Damn obvious reason, this not just or only an Audition.. You... You dont care about Music.. You take your voice seriously that you thought a golden voice would only matter and a broken CD would just be a minor, superficial mistake. But you know what? being a singer requires more than a pair of  mutant lungs. Its not just about vocal chords. But its how you show your emotions through lyrics and melody. You.... The Tardy 5th performer unprepared of his piece prides himself to pass this Auditions like its only an ordinary screening of an obscure barangay contest. Kung ganun ang akala mo bakit hindi ka na lang mag-Kristo sa sabong. They dont require a burned CD there?" mahabang insulto nito sa kanya... He was never insulted like that in his entire life.

Lahat ng tao sa Auditorium ay nakatingin sa kanya. At kung hindi niya pa napigilan ay talagang maii-ihi na siya sa pinaghalong nerbyos at pagkapahiya. He always cared about music. Ang kanyang ama ay isang pianista sa simbahan ng kanilang Barangay ngunit ng mamatay ito noong walong taong gulang siya ay nalugmok ang piano sa kanilang bahay bagaman marunong siyang tumugtog ay tumimo sa kanyang isip na gusto ng ama niya na maging isa siyang mang-aawit. Na ang musika ay ituring niyang kabigan dahil ito ang magliligtas sa kanya sa oras na wala na siyang kakapitan.

Nang silang dalawa na lang ng kanyang ina ang naiwan ay nagsanay siya ng husto upang maenhance ang voice quality niya. Hindi naman siya nabigo at nakapasok siya bilang isang choir member ng kanilang simbahan. Hindi naging mahirap ang pagsasanay dahil nandyan naman si Red na isa rin sa tumulong sa kanya na magsanay sa pag awit. Noong panahong iyon ay parang pagkain lang niya ang pageensayo at dahil rin dito ay tumimo sa kanilang magkaibigan na ang pagkanta ng sabay ay ang kanilang "bonding".

Ngunit heto siya at pinagsasabihan ng isang tao na wala siyang kwentang mang-aawit at itinatakwil siya ng musika. Gusto na niyang umiyak. Ngunit pinigilan niya dahil may gusto siyang patunayan sa Direktor. Gusto niyang kumanta. Gusto niyang ipakita dito na hindi siya basta susuko at gusto niyang patunayan na isa siyang mang-aawit. Sa isang iglap ay hinagilap ulit ng mata niya si Jake. Naka-sun glasses pa rin ito ngunit kagaya ng nauna niyang pagkakita dito ay wala pa rin siyang mabakas na emosyon sa mukha nito. Bagamat inukit niya sa kanyang isipan na walang kasalanan si Jake ay hindi niya maiwasan ang magtanong. Hindi niya maiwasan ang magtanong sa pamamagitan ng kanyang mga mata kung ano ang nangyari. Ngunit hinid na ito mahalaga, dahil alam niyang walang kasalanan si Jake.

Nahagip rin ng mata niya si Sabrina. Ang mukha nito ay puno ng lungkot na nakatingin sa kanya. Buti pa si Sabrina nakikitaan niya ng simpatiya ngunit ang Director na nasa harapan niya ay walang kagatol-gatol na ininsulto siya at kwinestyon ang pagibig niya sa musika. Hinagilap rin ng mata niya si Red ngunit wala ito, hindi nito tinupad ang pangako na manonood ito. Would it make a difference kung nandito si Red? Baka naman kasi kapag narinig nito ang sinabi ng Director ay bigla itong sumugod at atakehin ang Director sa mukha. Red is overprotective to him. Noong highschool pa sila at umiyak siya dahil sa hindi na tinanggap ng kanyang guro ang project niya sa Biology ay sinugod nito ang guro niya at nag demand na tanggapin ang kanyang proyekto. Hindi naman siya nabigo at tinanggap ulit ang kanyang proyekto. Yun nga lang nasuspendi si Red sa eskwelahan at nagka black eye ang kanyang guro.

"So you will just stand there? And make us wait like you are the most followed celebrity on twitter? What do you think of yourself? A star?" basag ng Director sa pagbabalik tanaw niya.

Kanina pa nakakuyom ang kamao ni Jake habang pinapakinggan ang mga salita ni Director Lee kay Adrian. Kanina pa niya ito gustong patikimin ng suntok niya. Kung pwede lang sana. But punching the Director on his face would mean jeopardizing his future. Nandito na siya, ilang hakbang na lang at sisikat na siya, initially in the campus and eventually the greatest singer in the country. But when he looks at Adrian, his imagination was different. Nai-imagine niyang masayang masaya daw sila ni Adrian na magkayakap. Nai-imagine niya ang mock wedding. Kung gaano ito katotoo ng mga oras na iyon. Parang sirang plaka na paulit-ulit ang theme song nila na Way Back Into Love. At habang paulit-ulit ito sa kanyang utak ay para siyang pinanghihinaan ng kalamnan, seeing Adrian almost fainting of shame. Ngunit ang pinakamasakit sa lahat.... ang pinakamasakit sa lahat ay wala siyang magawa... wala siyang magawa dahil wala ng pag-asa pang natitira para maging maayos ang lahat. Ito na ang katapusan ng pagpapanggap niya bilang boyfriend ni Adrian. He chooses fame kapalit ng totoong itinitibok ng pusok niya. Kanina pa niya gustong sabihing, Ako ang may kasalanan.. Ako ang nagedit ng CD. Sinadya ko yun.. Plano namin ni Sabrina iyon. But he just cant... He is powerless.

Liningon niya ng sandali si Sabrina and she is staring at him. Waring binabasa nito kung ano man ang dinidikta ng kanyang konsensiya. Parang walang silbi ang sun glasses para ikubli man kung ano ang iniisip niya. From the way she stares at him, alam niyang pinapaalala nito ang kasunduan.

And he will continue the plan as instructed.

"What is your name? Mr 5th Tardy Performer?" basag ulit ng Direktor sa katahimikan niya. Dahil hindi na talaga niya alam ang gagawin at kung ano ang isasagot.

"A..A...Adri-an p..po." pautal utal niyang sagot.

"Adrian? Im sorry I just remembered to ask for your name at this moment because I am too overwhelmed by the fact that you are tardy and the worst performer I encountered, Mr. 5th  Tardy Performer"

Wala siyang isinagot dito ngunit unti-unti ng namumuo sa gilid ng mga mata niya ang luha. Hinugot niya ang kahuli-hulihang lakas ng loob sa katawan niya para pigilan lang ang pagbagsak nito.

"Ok so this will be the ultimatum and Im being nice because the previous neos did a great job and of course except you. If you cannot think of any decent response other than your apologies and your crumpled face then I suppose this Audition is over and you will bring home the loser's bacon"

"I will do an acapella" mabilis niyang sagot. Siguro ay nakipag-cooperate ang adrenaline rush niya at nailabas ang kahulihulihan niyang kumpiyansa sa sarili. His answer sounded confident enough para hindi siya mautal ulit. Ngunit matapos nito ay gusto niyang bawiin ang sinabi niya. Dahil kasabay ng binitiwan niyang sagot ay wala na ulit ang kanyang lakas ng loob. Acapella for a Pop Song? tanong niya sa sarili

"Acapella for a Pop Song?" ulit ng Director sa tanong niya sa kanyang sarili.

"Y..y..Es Sir" bumalik ulit ang pagkautal niya.

"Very Groundbreaking. But I'll give you a chance. Perhaps, you can still create a miracle out of your thick eyeglasses and that lumpy pants" pagayon nito sa kanya at sinabayan pa ng pangiinsulto sa kanyang suot.

Namayani ang isang katahimikan at pagkatapos ay ipinuwesto na niya ang mikropono sa tapat ng kanyang bibig. Pumikit siya at nagdasal sa maykapal na magkaroon siya ng atake sa puso pagkatapos ng gagawin niya. Dahil ang pag-awit ng isang pop song ng walang tugtog ay parang pagpapatiwakal. Sinimulan na niyang kumanta.

"Y....y...you kno.....kno..wWw d....da....be....be..bedd feel....ees war....mer.... Sle...Slee....epin...gggg he...re ..alo...ne.... You kno...wWw Im dr...dr..ea...ming colors.... And do the thi....ng I wa....nt..." hindi niya alam ang nangyayari. Hindi niya alam kung bakit siya nauutal at kung bakit wala sa tono ang kanta niya. Ngunit ang mas lalong hindi niya maintindihan ay kung bakit siya sumasayaw gayung wala namang tugtog at acapella version lang nag kanta niya. Ngunit pinagpatuloy niya at sa oras na ito.... Umiiyak na siya..

"Tttt..hinkk yy..yy.you ..gottt... t...the... best ooo..ff me.... " Pagkautal pa rin ang lumalabas sa bibig niya at ganun pa rin siya, mukhang tanga. Ang pinagkaiba nga lang ay umiiyak siya na kumakanta habang sumasayaw.

"Stop it" biglang singit ng Direktor sa kanya.

Tumalima naman ang katawan niya ngunit hindi ang mga mata niya. Patuloy pa rin siya sa pagiyak and its even worst. Gawa siguro ito ng sobrang pagpigil nya sa pagiyak. Tiningnan niya ang Direktor at bago pa man ito magsalita ay alam na niya sasabihin nito.

He's the Mr 5th Tardy Performer who lost.

Lakad-takbo na lang ang ginawa ni Red para makapunta sa Auditorium. Sumasakit na ang mga paa niya at bandang baba ng kanyang tiyan. Hindi na niya kayang tumakbo pa ng mabilis. Kanina pa rin niya minumura ang sarili niya sa sobrang inis dahil wala man lang silbi ang mga E-jeepney sa loob ng campus para masakyan. Dagdag pa sa bigat ng kanyang katawan ang bag at ang gitara na dala-dala niya.

Malapit na siya. Natatanaw na niya ang pinto sa Auditorium. Mabilis niyang tiningnan ang wrist watch at maga-alas dose na. Binilisan pa niya ang pagtakbo at alam niyang makikita na niya ulit ang matalik na kaibigan na kumakanta sa itaas ng entablado.

Binuksan nya ang pinto.

Sumalubong sa kanya ang katahimikan.

Wala ng tao. At napaka-klaro na hindi niya naabutan ang Auditions. Inaaninag niyang mabuti ang buong paligid. Sobrang dilim at ang tanging naiilawan lamang ay ang stage. Nang titigan niya ito ng mabuti ay may naaninag siyang nakatayo. Tiningnan niya itong mabuti at saka lumapit. Unang rumehistro sa isip niya ang isang hugis ng lalaki. Sa patuloy niyang paghakbang ay nakita niyang nakasuot ito ng eyeglasses. At ng malapitan niya ng husto ay nakilala na niya ang estranghero. Si Adrian.

"Moks?" bati niya dito. Tulala si Adrian ngunit lumuluha ang mga mata nito. Sa ganoong hitsura nito ay gustong gusto na niya itong lapitan at yakapin ngunit pinigil niya muna ang sarili niya.

Lihim na pinunas ni Adrian ang luha ng lubos na bumalik ang ulirat nito at ng makita siya. Nginitian siya ni Adrian. Bagay na sobrang kakaiba kapag umiiyak ito dahil kapag naabutan niya itong umiiyak ay mas iiyak pa ito ng todo.

"Moks anong nangyari" tanong niya ulit dito.

"Ang saya Moks. Ang saya! Sobrang saya! Ang bait-bait ni Director Lee.. Pinalakas niya ang loob ko tapos kumanta ako Moks.. Sobrang ganda nung CD Moks! Hindi siya sira! Tapos nagpalakpakan sila. Pero bago yun, kumanta si Jake... Ang ganda nung boses niya... Kumanta yung iba... May kumanta rin na iba.. Ang gaganda lahat ng boses nila. Pero siyempre mas maganda boses ko! kaya nga pumalakpak sila... Ang bobo ko talaga. Hahaha... Tapos Moks... Nakapasa ako Moks.. Ang galing galing ko talaga Sobra! at saka Moks..."

"Hindi ka pumasa." malamig niyang tugon dito.

Doon na umiyak ng todo si Adrian. At ng makita niya ito ay ibinalibag niya ang hawak na gitara. Tumakbo siya sa itaas ng entablado.. At hinawi ni Red ang mga kamay na nakatakip sa mukha ni Adrian. Tinitigan niya ito.

"Moks sorry... hindi ako pumasa." umiiyak pa rin ito kahit hawak-hawak na niya ang  dalawa nitong kamay. Tinitigan niya ito ng mariin, ng may halong lungkot at galit sa nangyari sa matalik na kaibigan. Pagkatapos ay hinawakan niya ang pisngi nito. At ang susunod niyang ginawa ay hindi na niyang kailangan isipin pa kung tama o mali.

Hinalikan niya ito. Hinalikan niya si Adrian.

Ngunit matapos na magdampi ang kanilang labi ng ilang segundo ay bigla siya nitong itinulak ng malakas. Para siyang natauhan sa pagkakatulak nito at nakabawi sa bilis ng pangyayari. Lumapit si Adrian sa kanya at sinampal siya ng malakas.

"Im Sorry" tanging nasambit niya.

Itutuloy.

[09]
Sabrina Malvarosa is one of the kids in town who doesn't like bringing cash in their wallet. She always have her credit cards with her. Dahil wala siyang panahon na humawak ng mabahong pera at magbilang pa nito sa kanyang wallet. She was always used to swipe the card on machines. Kaya nga kung sino man raw ang mapapangasawa niya ay tiyak na jackpot sa kanya. And it was indeed a fact. Her father is a business tycoon while her mother, an acclaimed socialite was once a ramp model who earned so much reputation in the showbiz industry. She was quite popular because of her family's prestige. Kaya nga marami ang nagbabalak kaibiganin siya dahil sa kanilang koneksyon at dahil sa kapangyarihan.

She thought everything is perfect. She is living like a queen. Lahat ng kailangan niya ay nakukyha niya with just a snap. Laki sa layaw, sunod ang luho. But at some point in her life, she met a guy named Red Antonio. In their high school years, isa itong magaling na mang-aawit at talaga namang nahulog siya ng husto dito. She was always there. Sa mga amateurs na sinasalihan nito, sa mga programs kung saan ay may intermission numbers at kumakanta rin ito. She collected many of his photos. Lahat yun ay araw-araw niyang tinitingnan and silently, she knew to herself that she was in love with the guy. The turning point of her fantasies happened when they were introduced in a program being held in their campus. Siya ang Presidente ng Women's Circle at kailangan nila ng estudyanteng aawit sa programang inihanda nila. Syempre, si Red agad ang pumasok sa isip niya kaya hindi siya nagsayang ng panahon at agad siyang nagpakilala dito. hindi niya sinayang ang panahon na mapalapit dito sa kalagitnaan ng preparasyon nitong kumanta. Lagi siyang nakaantabay kapag nageensayo itong kumanta. She's always there to offer him sandwiches, water, energy drink, whatever. Gusto niyang inaalagaan nito.

But then she also met that faggot, Adrian dela Riva. At first, he likes the idea na ang baklang ito ang best friend ni Red. Kung ganun, hindi siya mahihirapan na mas lalong mapalapit kay Red. The dorky gay was a blessing at first. Totoong tinulungan siya nito na mapalapit kay Red at ganun din naman ang ginawa ng Adrian na iyon kay Red. He made Red see her as Ms Perfect, ang pinaka perpektong girl friend para kay Red. Kung tutuusin ay talagang nakakatawa ang baklang iyon sa mga pinag-gagagawa nito para lang maplease si Red nung nililigawan siya. Hindi niya makakalimutan ang pagsuot ng costume ng baklang iyon at sumayaw-sayaw sa harap niya. Adrian was the best utility ever. Talagang na-maximize niya ito ng husto para maging matagumpay ang relasyon niya kay Red.

But she noticed one thing.

Hindi kayang pabayaan ni Red si Adrian. May mga oras na hindi siya sinisipot nito sa napagusapan nilang date dahil lang daw may emergency sa bahay nila Adrian, hindi ito sumipot sa birthday niya noon dahil daw may sakit si Adrian, hindi ito sumipot ng 1st anniversay nila dahil daw may performace si Adrian sa simbahan. Dinagdagan pa ito ng picture ng baklang Adrian na yan sa wallet ni Red, picture ni Adrian sa cellphone ni Red at picture ng Adrian na yan sa kwarto ni Red. Nalaman niya rin na bumili ng singsing si Red at akala niya ay sa kanya ito ibibigay ngunit ibinigay niya ito kay Adrian noong graduation nila. At ang hindi niya maatim sa lahat ay ng marinig niya mula sa mga labi nito na mahal nito si Adrian isang araw habang natutulog ito sa kandungan niya. Tangina!!! Napapamura siya pag naiisip niya yun. Puro na lang Adrian.. Adrian.. Adrian.. Paulit-ulit. Nakakasira na ng tainga.

Kaya naman she deviced a plan. Hindi niya masasaktan si Red dahil mahal na mahal niya ito and of course Red was her property. Pagaari niya ito at hindi ng baklang Adrian na yan. Walang magagawa ang baklang iyon para agawin ang pinakamamahal niya. Never. So she carefully used her brains para planuhin ang pagbagsak ng Adrian na yan. Gusto niyang masadlak ito sa putik, yung tipong hindi na ito makakabangon para naman mawala na ito sa eksena at siya na lang ang pansinin ni Red. She thought of hiring a killer para maisagawa ang plano ngunit its too speedy. She wanted a torture first before Adrian's epic downfall. Yung unti-unti itong mamamatay sa sakit na nararamdaman nito.

She thought of several options kung paano niya maisasagawa ang plano. And there came Jake Marcos, isang ambisyosong estudyanteng nangangarap maging NASUDI member. Nililigawan siya nito noong high school pa lang sila but she declined. People like Jake are parasites that would suck the blood out of her. Kaya naman she decided to use the same medication. Gagamitin niya ito para kay Adrian. Gays have one sole weakness. Lalaki. Yun ang pagkaka-alam niya. Oh how she hate gays! Kung tutuusin, mga trying hard na babae lang naman sila na hindi kailanman magkakaroon ng magkamatris. Nakiki-agaw sa mga lalaki na kahit kailan ay hindi magiging kanila. Kung siya lang ang Diyos, pinatamaan niya na ng kidlat ang mga bakla sa mundo.

As expected, Jake Marcos succumb to the plan. Ang unang offering ay ang pagiging kabit nito while she is in a relationship with Red syempre ang pagiging miyembro ng NASUDI ay susunod na lang pag nakatuntong na ito ng kolehiyo. Revenge is best served when its cold, ika nga nila. Kaya nga isasakatuparan ang lahat ng plano as soon as tumuntong sila ng kolehiyo at makapasok si Jake sa NASUDI. They made it. Nagawa nilang ipahiya si Adrian. Her Tito was the perfect person para matanggap nito ang pinaka nakakahiyang mga salita sa tanan ng kanyang buhay.

"Ano iyang iniinom mo?" tanong ni Jake sa kanya ng makita siyang uminom ng dalawang malalaking kapsula ng gamot. They just finished their casual sex session. Yun ay isa lamang sa mga ordinaryong pagtatagpo nila ni Jake para palabasin ang init nila sa isa't isa.

"Its none of your business." tugon niya dito.

Sa totoo lang hindi niya rin alam ang iniinom niya. Their  family doctor said that it is an emotional stabilizer. She was diagnosed with Pyromania. Mahilig kasi siya sa apoy. Hindi niya alam kung bakit. When she was 10 years old ay siya ang may kagagawan kung bakit nasunog ang kusina nila. She also have a burn in her feet ng tangkain niyang lutuin ang sariling paa sa kandila. No one knows about this except her family at siya. No one has to know. Lalong-lao na si Red dahil baka layuan siya nito sakaling malaman nitong may deperensya siya. Pero walang diperensya sa kanya. Wala. Si Adrian, ito ang baliw. Dahil gusto nitong agawin si Red.

"Jake, I want you to proceed to the 2nd plan" agaw pansin niya dito

"What? Kakatapos lang natin ng unang plano. Can you at least give it a break"

"Break? Bakit ano ba pinaplano natin? Prayer Meeting? Kailangan ng break? At saka kakatapos lang din naman ng oath mo sa NASUDI ah. Can you just, look around you?"

Kasalaukuyan silang nasa kuwarto ni Jake. Kuwarto niya ito sa NASUDI Bldng. Lahat kasi ng miyembro nito ay may sariling kuwarto. May mga pagkakataon kasi na may late rehaersals sila at hindi na nila kailangan pang umuwi o mag commute dahil mayroon silang tutulugan sa loob mismo ng campus. Kung iisipin nga ay pwede na silang tumira dun.

"Pero parte to ng napagusapan" salungat ni Jake

"Oo nga.. at napagusapan natin na gagawin mo ang lahat lahat pag nakuha mo na ang gusto mo"

Wala na naman siyang nagawa kundi tumango sa gustong mangyai ni Sabrina. Its a point of no return. Hindi siya pwedeng sumagot ng "Hindi" dapat puro Oo. Sa totoo lang ay hindi siya makapag concentrate kanina pa dahil sa nangyari sa Auditions. Ito lang ang laman ng ulo niya. Paulit-ulit na bumabalik ang eksena sa Auditorium. Sa kanyang imahinasyon, binabago niya ang mga nangyari. Nakapasok siya sa Auditions, Nakapasok din si Adrian, Napahiya si Sabrina.   Nakapasok si Adrian, Nakapasok siya sa Auditions, Hindi nakakanta si Sabrina ng maayos. Nakapasok siya sa Auditons, Nakapasok din si Adrian, Hindi nakakanta si Sabrina dahil sira ang CD.

Ngunit alam niyang kahit anong pagbabago pa ang gawin niya walang mangyayari. Dahil nangyari na ang dapat mangyari.

"Oo sige.. gagawin ko ang susunod na ipagagawa mo"

"Good." wika ni Sabrina sabay humalakhak ng parang demonyo. Humiga siya sa tabi ni Jake at niyakap ito.

"Demonyo" wala sa loob na wika ni Jake sa kanya. Huli na para bawiin niya ang sinabi niya rito.

Umupo ulit si Sabrina katabi ni Jake at kumalas sa pagkakayakap niya dito. Ngunit ng tingnan ni Jake si Sabrina ay parang wala naman itong kaemo-emosyon.

"Tama ka demonyo nga ako, kaya wag mong subukan ang kademonyuhan ko" wika ni Sabrina sa kanya.

She reached again her medicine at pagkatapos ay uminom ng dalawa pang kapsula.

Kanina pa siya tulalang tulala sa harapan ng piano. Nakauwi na siya ng bahay ngunit hindi niya alam kung paano nga siya eksaktong nakauwi roon. Suot pa rin niya ang damit niya kanina ngunit wala siyang pakialam dahil masyadong busy ang utak niya sa pag-alala ng mga naganap kani-kanina lang.

"Tell you what..... this day is the day you insulted the music industry.. You think that this is only..... ONLY I repeat... only an Audition? This is not an Audition honey... This is the first step to being famous... to being a celebrity. And for some God Damn obvious reason, this not just or only an Audition.. You... You dont care about Music.. You take your voice seriously that you thought a golden voice would only matter and a broken CD would just be a minor, superficial mistake. But you know what? being a singer requires more than a pair of  mutant lungs. Its not just about vocal chords. But its how you show your emotions through lyrics and melody. You.... The Tardy 5th performer unprepared of his piece prides himself to pass this Auditions like its only an ordinary screening of an obscure barangay contest. Kung ganun ang akala mo bakit hindi ka na lang mag-Kristo sa sabong. They dont require a burned CD there?"

"Do you know why I gave you a chance kanina? I always shut the door to people who doesnt know the word punctuality. But you came with a biggest speech saying that you wont disappoint me. I also admire people who are brave enough to tell that. So I made an exception, I let you join the other four TALENTED neos to fight your way to NASUDI. You disappointed me more than anybody else in this stage. It turns out that you are not a singer after all. Youre pretentious and uhm.... stupid"

"You lost and I am admitting all of the four candidates in NASUDI. Congratulations guys"

Nagsilabasan ang lahat ng kalahok sa Auditions at nakita niyang nauna si Jake na lumabas ng bulwagan. Nakita niya rin si Sabrina na lumabas kasama nito. Ngunit wala siyang kakayahang humakbang para lumabas na rin. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakatayo pa rin sa entablado habang tuloy-tuloy ang pagiyak.

Pumasok ang isang tao sa Auditorium. Alam niyang si Jake iyon at babalikan siya. Ngunit si Red ang naaninag ng dalawa niyang mga mata. Naging mabilis ang mga pangyayari. Hawak ni Red ang katawan niya at bigla siya nitong.... hinalikan.

Naubos na siguro ang luha niya kanina kaya tulala na lang siya ngayon. Hindi na siya makaiyak. Gustuhin niya man ay hindi na kaya ng magang-maga niyang mga mata. Bigla siyang bumalik sa sariling katinuan ng makita niya ang kanyang nanay na pumasok sa kuwarto kung saan nakalagay ang piano ng yumao niyang ama.

"Anak" tawag nito sa kanya at sabay pag upo nito sa tabi niya.

"Ma, andyan ka pala"

"May problema ba tayo anak? Nandito lang si Mama, makikinig sa mahal na mahal niyang anak"

Napangiti siya. Konting pag-aalo lang nito sa kanya o kaya paglalambing ay natatawa na agad siya at hindi mapigilang sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Dalawang tao lang naman ang nakakagawa nun, ang nanay at si.... si Red.

"Wala naman Ma, ayos lang po ako"

"Anak alam kong hindi ka ayos, isang tingin ko pa lang sa iyo alam kong may mali na"

"Hindi .... Hindi po kasi ako nakapasa Ma....sa NASUDI" nag-aalangang sagot niya dito. Alam kasi ng Mama niya ang plano niya na sumali sa NASUDI

"Yun lang ba ang problema nak?" tanong uli nito

Bumuntong hininga siya. At pagkatapos ay inihanda ang sarili na aminin ang isa pang problema.

"Si Red po Ma.."

"Bakit may ginawa ba sa iyo si Red anak?" tanong nito na wari ay nababasa ang kanyang isip.

Patay. Hindi naman niya masasabi na hinalikan siya ni Red. bulong niya sa sarili

"May hindi lang po kami napagkasunduan Ma." pagpapalusot niya

"Ano ang balak mo ngayon? Hindi mo ba siya kakausapin?"

"Gusto ko na po siyang iwasan Ma"

"Yun ba talaga ang gusto mo anak?" tanong nito ulit sa kanya.

Katahimikan.

Hindi siya nakasagot. Dahil hindi rin siya sigurado kung yun din ba ang gusto niya. Hanggang ngayon hindi niya pa talaga alam kung bakit hinalikan siya ni Red.

"Alam mo anak. Yang piano na natin kahit kailan hindi yan pinapabayaan na Papa mo dati" biglang basag ng Mama niya sa katahimikan na namayani. Gunit hindi niya alam ang motibo nito sa pagsingit ng ganung paksa.

"...Sabi ng Papa mo nun, hindi pwedeng masira kahit isa man lang sa keys ng piano.. Kasi makagawa ka man ng musika mula dito... parang may kulang.. parang may nawawala.... Kayo ni Red anak... ganun kayo... alam mo bang noong bata kayo halos hindi na kayo mapaghiwalay kung asan ka, andun din itong si Red. kapag kumakanta ka.. kumakanta rin itong si Red... Alam mo ba nung kinder kayo, yung nursery rhyme na 'chikading' ....ang sarap nyong pakinggan nun.. Kasi ikaw kinakanta mo yun tapos magra-rap itong itong si Red ng parehas na kanta..." matamis na ngiti ng kanyang Mama.

Hindi na rin niya napigilang tumawa sa kwentong iyon ng kanyang Mama. Hindi niya ma-imagine kung anong hitsura nila nun.

"Anak... Hindi mo napapansin pero parehas kayong nkakagawa ng magandang musika... Kung may nagawa man siya sa iyo at hindi mo nagustuhan alam ko madadaan naman ang lahat sa maayos na paguusap.. Anak, kapag magdesisyon kang iwasan si Red.. Kailangan mong ihanda ang sarili mo sa posibilidad na baka isang araw may hanap-hanapin kang kulang sa pagkatao mo" pagtatapos ng kanyang ina.

Sa mataman niyang pakikinig sa kanyang Mama ay lubusan siyang naliwanagan. Oo nga at hindi niya inaasahan ang paghalik nito sa kanya pero hindi naman siguro sapat iyon para pahirapan niya si Red sa pamamagitan ng pagiwas dito. Kapag nagkaharap sila ulit ay alam na niya ang sasabihin dito.

Tumayo na ang kanyang Mama sa kinauupuan nito at pumunta sa kanyang likod at niyakap siya. Ganun siya kamahal ng kanyang Mama. Kaya naman kahit gaano nababagabag ang isip niya o kanyang damdamin, isang yakap lang nito, nawawala na ang lahat ng suliranin niya at bigat ng dibdib.

Lalakad na sana ito palayo ng bigla itong magsalita.

"Anak.... tungkol pala dun sa NASUDI, hayaan mo na muna. Saka hindi lang naman iyon ang huling Audition diba? At kung ano man ang nasabi sa iyo, wag mong didibdibin dahil kahit hindi ka natanggap dun, hindi iyon malaking kabawasan sa pagiging mang-aawit mo at lalo na sa pagkatao mo. Hindi ka man naging miyembro ng NASUDI, ikaw pa rin naman si Adrian Dela Riva, yung naging choir member, presidente ng paaralan niyo nung high school, yung best friend ni Red at syempre yung nagiisang anak ko" malambing nitong tugon sa kanya.

Nginitian niya ito ng matamis. Siya na siguro ang the best Mama in the world. Napaka-maunawain at napaka-maalagang na Ina. Parang nawala lahat ng bumagabag sa kanya ng marinig niya ito.

Tinitigan niya ang piano. Pumikit siya at kinapa kung nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari sa kanya. Ngunit wala siyang mahagilap. Parang kusang loob din na kinapa ng kamay niya ang piano at pagkatapos ay tinipa ito ng kanyang mga daliri.

"Ang ganda naman niyang tinutugtog mo" boses ng lalaki na nanggaling sa kanyang likuran.

Hindi niya piniling lumingon dahil alam niya kung sino ang nagmamayari ng boses na iyon. Ilang segundo lang ang lumipas at naramdaman niyang may dalawang kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran.

"Moks ko... Sorry na.. please" bulong nito at naramdaman niyang umiyak ito sa balikat niya.

Itutuloy.....

[10]
"Moks ko... Sorry na... please"   wika ni Red sa kanya habang nakayakap ito mula sa kanyang likuran.

Mas pinili niyang huwag sumagot at patuloy na tinugtog ang piano. Pumikit siya habang nakayakap pa rin ito sa kanya. Sa di maipaliwanag na dahilan ay para siyang nakaramdam ng katahimikan sa kanyang puso. Ang alam niya ay hindi na siya galit kay Red kung ano man ang nagawa nito kanina. Hindi na rin siya nanghihinayang dahil hindi siya nakapasok sa NASUDI. Siya pa rin naman si Adrian at gaya ng nasabi ng Mama niya, hindi malaking kabawasan iyon sa pagkatao. Habang tumutogtog ng piano ay sinabayan niya na ito ng pag-awit.

"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on"

Nanatiling nakayakap sa kanya si Red. Ngunit nabigla siya ng ipinagpatuloy nito ang kanyang kanta habang yakap pa rin siya nito.

"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"

Natapos nitong kantahin ang ikalawang bahagi ng kanta ay nakayakap pa rin ito sa kanya... At alam niyang tulad ng dati, ang susunod na bahagi ay sabay nilang aawitin.

"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.Ooo hooow"

Parang nakakapanibago na sabay sila uling kumakanta ni Red. Kailan na ba yung huling pagkanta nila nito? Hindi niya na matandaan. Ngunit alam niya sa sarili niya na masaya siya ngayon. Nilingon niya ito, nagtama ang mga mata nila. Namumula  ang mata nito, halatang pinipigil umiyak sa harap niya. Noong mga bata pa sila, pinagmamalaki talaga nito na hindi siya iyakin at barakong-barako samantalang siya daw ang iyakin at lampa. Ilang beses  pa lang talaga niya nakikita si Red na umiyak sa harapan niya. Madalas nito ay pag nagaaway silang dalawa o may di pagkakaunawaan. Susuyuin siya nito, tutugtugin ang kantang 'Way Back Into Love'. Ito ang isa sa mga katauhan ni Red na hindi nakikita ng ibang tao. Ang umiyak. Binawi na niya ang pagkakatitig dito at ipinagpatuloy niya ang kanta.

"I've been watching but the stars refuse to shine, I've been searching but I just don't see the signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my soul somewhere"

Naramdaman niyang mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya at ipinagpatuloy ulit nito ang kinakanta niya.

"I've been looking for someone to she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I could use some direction, And I'm open to your suggestions"

At ganun lang ang posisyon nila habang itinutuloy ang kanta. Nakayakap si Red sa kanya habang tinitipa niya ang piano.

"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. And if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the end"

"There are moments when I don't know if it's real Or if anybody feels the way I feel I need inspiration Not just another negotiation"

"All I wanna do is find a way back into love, I can't make it through without a way back into love, And if I open my heart to you, I'm hoping you'll show me what to do, And if you help me to start again, You know that I'll be there for you in the end"

At natapos din ang kanta.

Ilang segundo pa rin silang ganun. Walang may balak magsalita. Si Red nakayakap sa kanya at siya naman nakapikit na ninanamnam ang yakap nito.

Ilang sandali pa ay kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya.

"Hay sarap!!"  natatawang wika nito sa kanya. Siguro ay nagkakaintindihan na sila na OK na uli ang lahat. Bestfriend niya si Red at hindi na siguro kailangang gawing kumplikado ang lahat

"Sarap ka diyan" kunwari niyang pagtataray dito.

"Sus, kunwari pa... Nasarapan ka naman Moks eh" pangaasar pa rin nito sa kanya

"Wag mo ng gagawin uli yun Moks ah! Hindi nakakatawa yung halik na iyon!!!" wika niya dito. Mas maganda na sigurong diretsuhin na niya si Red para naman mas magaan na sa loob at maisara na kung anu man ang rason ng pagtatampo niya dito.

Tawa lang ito ng tawa sa sinabi niya.

"Red Antonio, seryoso ako sa sinabi ko" singhal niya dito

"Halika nga dito" yaya ni Red sa kanya at sabay senyas ng kamay na yakapin siya.

Hindi naman siya nagatubili na yakapin ito.

"Moks, ang tinutukoy kong masarap eh yung pagyakap ko sa iyo kanina, hindi iyong halik.. ano ka ba?" sagot nito sa sinabi niya kanina

Medyo nahiya siya sa sinabi nito. Buti na lang at nakayap siya kay Red at kung sakali ay makikita na naman nitong pinamulahan siya ng mukha.

"Kakainis ka talaga" reklamo niya dito ngunit nakayakap pa rin siya.

"Haha. Gustong gusto mo naman kasi na niyayakap kita" asar nito sa kanya. Siniko naman niya ito bigla bilang tugon.

"Aray kop!" wika ni Red habang hawak hawak ang tagiliran.

"Buti nga sa iyo.. Manyakis!"  sagot niya kay Red pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap dito

"Ang sakit nun ah.. Pikon ka talaga Moks kahit kailan"natatawang sagot ni Red

"Eh ikaw iyakin" balik asar niya dito.

"Alam mo namang pagdating sa iyo, mahina ako" biglang seryosong tugon ni Red sa kanya.

Hindi siya nakasagot kaagad. Bigla na naman kasing naging seryoso ang usapan nila.

"Moks, best friend pa rin naman ang turing mo sa kin diba?" tanong niya dito.

Tinitigan siya ni Red ng matagal pagkatapos ay ngumiti. Ngunit nakita niyang may lungkot pa rin ang mga mata nito.

"Oo naman" matipid na sagot ni Red sa kanya.

"Moks... wag mo ng gagawin yun ah. I mean yung kanina. May boyfriend ako tapos si Sabrina. Ang awkward naman diba? Kasi magbest friend tayo eh" diretso niyang wika rito

"Sorry Moks.. Aaminin ko.. Hindi ako nagisip nung ginawa ko yun. Moks, nung nakita kita sa stage na umiiyak, nasasaktan ako Moks. Sobra. Kung pwede lang sana ako na lang yung magdala nung sakit na nararamdaman mo kaso wala eh. Ayokong nakikita kang umiiyak Moks. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Pasensya na sa ginawa ko, pangako.. hindi na ulit mauulit Moks" tuloy tuloy nitong pagamin

"Ok na yun Moks buti nagkaliwanagan tayo" masaya niyang tugon.

"Pero Moks.."

"Ano?"

"Pwede isa pa?" natatawang tugon ni Red.

"Sapak gusto mo?"

"Yakap lang naman eh! Ito naman.. Hindi mo talaga malimutan no?"

"Ewan ko sa iyo" tinalikuran niya si Red.

Wala pang isang segundo na yumakap ulit si Red sa kanya. Gaya kanina ay nakatalikod siya habang nakayakap ito.

"Moks sorry ulit.." seryosong wika ni Red sa kanya.

"Ok na yun Moks.... Basta ba wag ng uulitin" wika niya kay Red at pagkatapos ay pumihit siya paharap dito.

Nagkatitigan ulit sila ni Red.

"Parang gusto kong ulitin ulit Moks"  seryoso pa ring wika ni Red sa kanya habang tinititigan siya nito

"Hmp!" itinulak niya ng marahan ang ulo nito sabay tayo.  "Hindi ka na nakakatuwa Red Antonio"

Tawa na naman ito ng tawa.

"Ang sarap mong asarin"

"Baliw"

At nagkatawanan na naman sila. Nang humupa na ang kantiyawan ay nagsalita na siyang muli.

"Moks...." tawag niya dito at siya naman ang naunang yumakap

"Oh himala ata.. ikaw unang yumayakap sa akin" tanong ni Red

"Hindi ah... ako naman unang yumayakap paminsan minsan"

"Hindi rin... Ang arte mo kaya.. Ako unang yumayakap sa iyo"

"Eh di kung ayaw mo wag mo" sabay ng pagkakasabi niya ay tumalikod siya at bumitiw sa pagkakayakap dito

"Ops... Wala ng bawian!!" si Red at hinatak ang kamay niya para yakapin uli siya.

"Sinong maarte ngayon?" natatawa nitong tugon

"Nakakapanibago lang kasi Moks eh... Siguro hinahanap hanap mo rin yakap ko no?"

"Feeling.." maikli niyang tugon dito.

Tinawanan lang siya nito at pagkatapos ay ito naman ang nagtanong

"Siguro may kailangan ka sa akin noh , kaya niyayakap mo ko?" duda nito sa kanya.

"Haha.. Paano mo nalaman Moks?" natatawa niyang pagkumpirma dito

"Sige ganyan ka... Pag may kailangan ka lang saka mo ko niyayakap. Hmft!" wika ni Red na hindi na siya tinitingan

"Moks wag ka ng magtampo oh... Labo mo naman" wika niya habang pinipihit ang mukha ni Red. "Tingin ka na dito sa akin bilis"

"Ayaw" matigas nitong sabi sa kanya

"Akala ko ba hindi mo ko matitiis?"

"Basta ayaw"

"Eh kung ilibre kita ng meryenda?" panunuhol niya dito

"Ayaw"

"Eh kung ako na gagawa ng assisgnments mo, titingin ka na sa akin?"

"Ayaw"

"Eh kung bilhan kita nung sapatos na gusto mong bilhin?"

"Ayaw, mabibili ko rin yun"

"Eh kung bilhan kita nung latest edition ng FHM?"

"Ayaw"

"Eh kung pahalik ulit ako sa iyo?"

"Game! O ayan nakatitig na ko. Kiss ko?" nakangising demonyo ang mokong

"Hmp!" tinulak niya ito "Sabi na nga ba eh, manyakis ka tlga Moks! Akala ko ba nag promise ka na!" nakasimangot niyang tugon

"Haha.. Akla ko kasi totoo yung offer.. Matitiis ko ba kung ganun na yung offer mo" nakangiti pa rin ito ng makahulugan

"Nakakainis ka naman eh"

"Sige na nga baka magtampo ka na naman sa akin.... Ok, para sa best friend at Moks ko na hindi ko matiis! Anong maipaglilingkod sa iyo ni Red Antonio" panunuyo nito sa kanya.

"Seryoso yan?" paninigurado niya. Hindi niya namalayan na nakayakap na naman itong si Red.

"Oo promise.. Hindi nga kita matiis diba"

"Kasi si Jake Moks... Naisip ko na kailangan ko siyang i-congratulate dahil nakapasok siya ng NASUDI. Balak ko sanang maghanda ng surprise party para sa kanya"

Sabrina was standing at the corner before the doorway. Kanina pa siya naroon dahil pinatuloy siya ng ina ng baklang Adrian na yan. Sinabi nito na naroon rin si Red. Humakbang na siya palayo bago pa man siya mapansin ng dalawang nasa kuwarto.

"O Sabrina, anak? nakausap mo na ba sila? Aalis ka na ba?"

"Ah opo Tita, bale may binigay lang po ako kay Red."

"O sige, magingat ka pauwi anak" pamama-alam nito sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.

Nang makalabas si Sabrina sa pamamahay na iyon ay naglabas siya ng Alcohol. She doesnt want to be contaminated by any slumps. Pagkatapos ay naalala niya ang huling sinambit ni Adrian bago siya umalis.

"Sorpresa pala ah? Dont worry, you will also get the surprise of your life" bulong ni Sabrina sa sarili.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment