Monday, January 7, 2013

Way Back Into Love (21-25)

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com

[21]

It is probably the most controversial morning in NorthEast State University.

Lahat ng mga estudyante ay iisa lang ang pinaguusapan. Lahat halos ay hawak-hawak ang LAMPARA Daily para sa pinaka-eksplosibong kontrobersiya na nagyari sa kasaysayan ng unibersidad.

NASUDI's Prince of Rock & Singing Heartrob trashed BABAYLAN's Event

BABAYLAN mourned 'bout Dela Cruz' death

Lloyd Dela Cruz' lifeless body found at NSU ground


Paulit-ulit na parang sirang plaka ang mga headline sa ulo ni Red. Sariwang sariwa pa ang nangyari sa kaganapan kagabi sa alumni homecoming. Dapat sana ay papalapit na si Adrian sa kanya para sumayaw kasama siya. Nabigla siya ng tumakbo ito at hindi na itinuloy ang performance. Kaagad namang sumunod si Jake para sundan ang matalik niyang kaibigan. Tatakbo na rin sana siya ng pigilan siya ni Director Lee, sinabi niyang kailangan daw tapusin ang number nila sapagkat nakakahiya raw sa mga bisita. Kaya ang nangyari ay kinanta niya ang nalalabing bahagi ng kanta at ang dapat sanang sayaw ay napunta sa pagawit niya. Nahagip rin ng mata niya ang titulo ng iba pang balita.

Red Antonio wows audience with his Bleeding Love version

Red Antonio to replace the 2 Js as lead singer of NASUDI?

'Red Antonio is the next big thing' says NorthEast studs

Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kung anuman ang balita patungkol sa kanya. Mas nag-aalala siya sa kapakanan ni Adrian. Ngayong sunod-sunod ang patayan sa loob ng kanilang campus ay malamang sa hindi ay si Adrian ang isa sa maging biktima ng karumaldumal na krimeng ito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama dito.

Nagbihis na siya para pumunta sa opisina ni Director Lee. Nakatanggap siya ng text message at nagpatawag ito ng emergency meeting sa kanilang tatlo. Hindi pa man nagsisimula ang meeting na iyon ay parang alam na niya ang paguusapan.

He prepared himself for excuses he needed to say. Kung bakit pa kasi ay hindi siya nakainom ng gamot sa tamang oras. Now he is back on the track. Dahan-dahan niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Its good that he doesnt have to wear again those eyeglasses. Hubad niyang nakita ang kanyang kabuuan. Its funny how he managed to survive those pain that made him this way. Wala na ang inosenteng nakilala nila. The next thing he knew ay nakadamit na uli siya ng purong itim. And it read:

Just because I love black doesn't mean Im bad.

Kinuha niya ang eyeliner nasa tabi ng salamin. He used this to murder his eyes. Nang matapos ay nagbagong anyo uli ang kanyang mata. He had again those sharp eyes. Kinuha niya na ulit ang buhok bahagya itong nagulo dahil nagising siya kagabi na may gel ang buhok niya. Nahirapan siyang banlawan ito. To avoid bad hair day ay kumuha siya ng itim na bonnet at ipinantakip sa ulo leaving his red bangs out. Inilagay niya ulit ang mga hikaw sa dapat nilang kalagyan.

Napukaw ang kanyang konsentrasyon sa pagbibihs ng marining ang tunog ng kanyang cellphone. It was an unregistered number.

"Sino to?" malamig agad niya na bati sa kabilang linya.

"Jude, this is Max"

"Max" nagbago agad ang kanyang mood ng marinig ang boses nito.

"Im just checking on you... Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito

"I guess. wag kang mag-alala when this is all over, Ill go back there"

"No worries.. bukas naman lagi ang bahay but by the way.. do you still have meds?"

"Yun nga ang problema ko.. Im running out of meds"

"Kuha ka na lang sa bahay, I have an appointment here in Manila"

"Sige.. Pupunta na lang ako pag may oras"

"Ok.. I dont care kung asan ka ngayon but please.. Just take care."

"Ok"

Namalayan niya na lang na patay na ang linya sa kabila. Ibinaba na niya ang cellphone at nagtungo ulit sa salamin. Katabi nito ang ang isang kalendaryo.

Malapit ng matapos wika niya sa sarili. Hinanda na niya ang kanyang gamit. Kailangan na niyang harapin ang Director.

Ang opisina ni Director Lee ay tila may kakaibang presensiya sa araw na iyon. Ang hangin sa loob ay parang nababalot ng galit at hinagpis. Waring sinumang pumasok sa loob ay mahahawa sa nasabing emosyon. Naroon silang tatlo. Siya, si Jake at si Red. Napapagitnaan siya ng dalawa bagaman hindi siya nangahas lumingon sa kung sino man dito dahil ayaw niyang salubungin ang mga mata nitong siguradong magtatanong sa kanya.

"First, I was of course sad and grieving that a friend of mine, Lloyd Dela Cruz passed away and was brutally murdered. Ang nakakapanghinayang lang ay sa loob pa siya ng campus namatay which is suppose to be a safe haven for any administrator or students. But what makes me infuriated is the fact na bago siya namatay ay nasaksihan niya muna ang pagkadiskarel ng programang siya mismo ang nagorganisa" singhal ng Director sa kanilang tatlo.

Ang mga mata nito ay nakapako sa kanila. Halatang hindi ito nasiyahan sa mga nangyari kagabi.

"Jude..." tawag nito sa kanya. Umangat naman ang kanyang mukha para salubungin ang titig nito.

"You actually had my faith. Umasa ako na tulad ng mga nakaraan mong performance ay mapapaganda mo ang performance mo kagabi or even better than the previous ones... But what you just did is so embarrassing. Hindi mo lang ipinahiya ang sarili mo, ipinahiya mo ang buong NASUDI. You know how this damage would affect the club? Syempre magsisimulang mag doubt ang mga event organizers at iba pang mga club sa propesyonalismo na meron tayo. You know how much we dont like to breach trust to everyone."

Mas pinili na lang niyang huwag sumagot. Wala talaga siyang pakialam kung nagkalat siya kagabi ang importante sa kanya ay nandito pa rin siya being worshipped as NASUDI's Prince of Rock. Siguro naman ay mas marami pang pagkakataon para mapatunayan niya ang sarili. Mas mabuti na rin na nangyari iyon at least hindi natuloy ang kung anumang corny performance na nakatakda niya sanag gawin.

"At ikaw naman Jake... humabol ka pa.. and the way the audience see it ay parang tinakbuhan mo na lang din sila sa stage. Remember that the show must go on kahit na anong mangyari but then anong ginawa mo? hinabol mo rin to... leaving Red alone on the stage" singhal ng Director kay Jake. Punong-puno ng disappointment ang mukha nito.

"Im sorry" puno ng sinseridad na wika ni Jake.

"Dont sorry me if both of you will repeat the shame... Hindi niyo na ikinonsidera ang posisyon at impluwensiya na merong kayong dalawa. It would be easier if it is the other members who created the scene. Kaso hindi!! My lead singers went away and ruin a suppose to be majestic performance. Alalahanin niyong malapit na ang NASUDI Recital. And what you both did jeopardize your chances on becoming the performer of the year"

Shit! mura niya sa sarili. Yun ang isa pinaka-aasamasam niyang titulo na makuha. If he will get this ay para na rin niyang nasampal si Jake at maagaw ang ambisyon nito.

"And I would like to take this opportunity to thank Red for saving the performance. You have proven yourself as NASUDI's valuable asset. So I came up with this abrupt decision and I would like to inform you two, Jude and Jake that effective today, I am elevating Red's status from NASUDI member to the newest lead singer of this organization. All of you three are sharing the same status now."

Tiningnan niya ang reaksyon ni Red sa sinabi ng Director ngunit wala siyang nababakas na excitement sa mukha nito. Lumingon siya kay Jake ngunit nakatungo pa rin ang ulo nito.

"And before I forgot... Jude and Jake you are both suspended on your posts. From the moment you get out here gusto kong umuwi muna kayo sa kanya-kanya ninyong bahay. Its not healthy na pakalat kalat kayo dito sa Bldg at sa school. Both of you are a complete disgrace. Ang ibang singers na lang muna ang bahala sa ibang event... That's all ... makakalabas na kayo"

Dire-diretso siyang lumabas ng pintuan. Hindi siya magaabalang magsorry dito. Wala rin siyang pakialam kung nakaladkad ang NASUDI. He will never make apologies for who he is. And he will never apologize to anybody, kasalanan niya man o hindi. Ang sorry ay para lamang sa mga taong hindi mapanindigan ang mga pinag-gagagawa nila sa buhay.

Pumasok na siya sa loob ng kanyang kuwarto at nagsimulang magimpake ng gamit. Madali lang naman talaga siyang kausap kung ayaw ng Director na makita siya dito ay wala pang alas-otso na lalayas siya sa kuwarto niya. Kinuha niya ang maleta na nakalagay sa ilalim ng kanyang kama at binuksan ito. Naalala niya ang paguusap nila ni Max kanina, maybe he will just crash in their house instead of going to hotels. Pakiramdam niya ay mas maganda kung sa bahay na lang nito siya pupunta. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng malakas na katok sa kanyang pinto. Kung sino man ito ay talagang makakatikim sa kanya. Kung makakatok naman kasi ito ay parang gusto ng gibain ang pinto.

Binuksan niya ang pinto at akma na sanang sasalubungin ng suntok ang kumakatok ngunit napatda siya sa nakita.

Si Red.

Hindi niya alam ang rason kung bakit ganun na lang ang galit na nakita niya sa mukha nito ngunit ipinagsawalang bahala niya iyon.

"Kung kakatok ka naman sana mas nilakasan mo pa ng konti" sarkastiko niyang wika dito

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at agad na pumasok sa loob ng kuwarto niya. Nang makita nito ang kanyang maleta at kaunting damit na nailagay niya roon ay binalingan siya nitong muli.

"Ito na ba ang lahat ng gamit mo?" tanong ni Red sa kanya

"Anong pakialam mo?"

"Tinatanong kita ng maayos kaya sumagot ka ng maayos"

Bahagya man siyang nagulat sa paraan ng pagtatanong nito ay pinilit niya pa ring ipagsawalang bahala ito.

"Kumatok at pumasok ka ng wala man lang kaayos-ayos tapos ngayon hihingin mo na sagutin kita ng maayos?"

"Hindi ko na kailangan tratuhin ka ng maayos dahil tulad ng sinasabi mo ay nagbago ka na. Hindi ka na nadadala sa pakiusap Moks kaya kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa dito sa kuwarto mo ay sumunod ka na lang sa akin"

"Bakit anong gagawin mo kung hindi ako susunod?"

"Maghuhubad ako" may himig pagkapilyong wika nito sa kanya

"Eh di maghubad ka" wala sa loob niyang turan dito.

Akala niya ay hindi nito kayang gawin ang banta ngunit ilang segundo lang ay nakaharap na ulit sa kanya si Red na tanging brief lang ang nakatakip sa hubad na katawan. Napalunok siya ng makita muli ang bukol na iyon sa puti nitong brief.

"Anong kalokohan to? Ano bang gusto mo ha?" iritableng tanong niya.

"Gusto kong sumama ka sa akin sa bahay at doon ka mamamalagi sa tatlong araw na suspension mo"

"Nagpapatawa ka ba? Anong gagawin ko sa bahay niyo?"

"Sa ayaw mo at sa hindi sasama ka..."

"At kung hindi ako sumama"

"Wala akong choice kundi ipa-alala sa iyo ang nangyari sa atin sa hospital bago mo napagdesisyunang magrebeldeng ganyan" makahulugang sagot nito at sinabayan pa ng pagkindat ng kanang mata.

"Bwisit... Bitbitin mo yang maletang yan!.. Hihintayin kita sa labas" wika niya at tuloy tuloy na lumabas sa kanyang kuwarto ngunit natigilan siya ng sumagot muli ito

"Sus ang arte mo Moks.. kahit kailan pikon ka talaga"

"Damo mong satsat.. dalian mo na"

"Opo Adrian Dela Riva... Kunwari pa.. Gusto mo lang naman ako makasama. Hehe"

"Its Jude" pangbabalewala niya sa pangaasar nito

"Ang arte mo talaga.. Nageyeliner ka lang umaapaw ka na sa katarayan.. Pero mas maganda.. mas may challenge"

"Bilisan mo bago pa magbago isip ko"

"Eto na po Moks ko...Binibilisan na"

Hindi na lang siya umimik at pinagmasdan itong nagiimpake ng gamit niya. Napadako ang tingin niya sa nakabukol pa rin nitong alaga. Napapalunok siya kapag nahahagip ito ng tingin. Bakit pa kasi hindi ito nagbibihis? bwisit na tanong niya sa sarili.

"O anong tinitingnan mo Moks?" nakangiting wika nito

"Yang maleta" wika niya sabay irap

"Maleta ba talaga?" nangaasar na namang tanong nito

"Ang kulit mo! Nakakairita ka na"

"Sabi ko nga maleta.. Ang kulit mo talaga Red!" wika nito sa sarili habang tumatawa.

Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha sa inaasal nito sa kanya. Kung meron mang pakiramdam na dapat niyang kitilin sa ngayon ay ang nararamdaman niya pag nasa tabi niya ang taong ito. Kinikilig ba siya? Bwisit! wika niya sa sarili.

"O ayan.. eto na po maleta niyo" nakangiting tugon nito

"O bat hindi ka pa nagbibihis?" tanong niya dito ng makalapit. Naka brief pa rin kasi ito at hindi siya makagalaw ng maigi kapag ganitong nakikita niya itong nakaunderwear lang.

Nginitian siya nito ng sobrang tagal

"Excuse me may nakakatawa ba?" tanong niya dito ng mapansing nakangiti pa rin ito sa kanya

"Sabi na nga ba hindi mo rin ako matiis Moks eh" nakangiti pa ring tugon nito

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Alam mo wag kang mag-alala nirereserve ko talaga tong view na to sa iyo lang.. Hahaha" natatawang sagot nito sa tanong niya

Sa sobrang pagkapikon ay lumabas na lamang siya sakuwarto niya. Hindi niya alam kung nabibwist ba siya rito o sa sarili niya. Balak niyang hintayin na lamang ito sa labas ng kuwarto.

Maya-maya pa ay nakita na niya itong nilock ang pintuan niya at humakbang na rin sa kinaroroonan niya.

"Akin na po maleta niyo" nakangiting wika nito sa kanya.

Irap lang itinugon niya

Tila nag-galit-galitan lang ito kanina para mapapayag siya na tumira sa bahay nito. Ngunit huli na ang lahat dahil nakapagbitiw na siya ng salita.

"Moks?"

"Ano?" irita niyang tugon

"Uy lumingon siya.. First time yan ah... Gusto mo na uling maging Moks ko no? Aminin mo na kasi namiss mo rin ako no?"

"Ewan ko sa iyo" pangbabalewala niya dito

"Pero Moks.. namiss kita" biglang seryosng tugon nito

Lumingon siya para tingnan ito. Nagkataon din palang seryoso itong nakatingin sa kanya. Pinili niyang unang umiwas ng tingin at unang tahakin ang daan. Wala dapat kalugaran ang emosyong nararamdaman niya.

Magtatanghali na ng narating nila ang bahay nito. Parang sasakit na naman ata ang ulo niya ng makita ang puwerta ng bahay. Parang may mga ala-ala na namang nais pukawin ang bahay na ito.

Nang makapasok sa loob ay sinundan niya ito patungo sa isang kuwarto na marahil ay magiging kuwarto niya sa loob ng tatlong araw. Siguro naman ay kaya niyang tiisin ito sa mga araw na iyon.

Pumasok siya sa loob ng kuwarto at nakita niyang dalawang kama ang naroon.

"Bakit dalawa ang kama na nandito sa kuwarto ko? tanong niya agad dito na kasalukuyan inaayos ang damit niya sa isang closet na malapit sa isang kama.

"Ah iyan ba? higaan nating dalawa. pinalipat ko yung isang kama dito sa kuwarto ko para tulugan mo"

"Ano? Isang kuwarto ang tutulugan natin?"

"Oo.. yung ibang kuwarto diyan nakalock.. walang extrang kuwarto.. kaya sa ayaw mo at sa gusto eh iisang kuwarto lang ang tutulugan natin."

"Shit!" napamura na lang siya sa kawalan ng pagpipilian. Kanina lamang ay iniisp niya na matitiis niya ito ngunit heto ngayon at iisa pa pala angtutulugan nila.

"Huwag kang magalala Moks... tatabihan naman kita kapag kailangan mo ng yakap ko" wika ni Red sa kanya sabay kindat uli.

"Subukan mo lang at dila mo lang walang latay"

"Yan ang Moks ko... palaban.. ang sarap..."

"Ang sarap?"

"Ang sarap yakapin.... Halika nga dito" wika uli ni Red sa kanya sabay lahad ng dalawang kamay

Hindi niya ito pinansin at saka tuluyang humiga sa isang kama. Wala na siyang panahong makipagbalagtasan dito

"Pikon ka pa rin hanggang ngayon" tatawa-tawang wika nito at nagtupi ulit ng gamit niya

"Manyak" wala sa loob na sagot niya dito

"Yan ang pang-asar mo sa akin noon ah.. naaalala mo pa pala? Sabi ko na nga ba ikaw pa rin yung Moks ko.. mahilig nga lang sa eyeliner.." tudyo nito ulit sa kanya

Hindi na lang siya sumagot. Dahil alam niyang sa sandaling sumagot siya ay lalwig pa ang usapan nila.

"Moks ko... kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto kita?" malambing nitong tanong sa kanya

"Hindi"

"Ako na lang kainin mo gusto mo?"

Tiningnan niya ito ng masama.

"Sorry.. nagbibiro lang.. kahit kailan pikon ka talaga.. kaya kita mahal eh"

"Anong sabi mo?"

"Ah wala sabi ko puro itim tong damit mo ngayon ah pwere dito sa blue na panyo"

Kinabahan siya ng makita nito ang isang blue na panyo. Bumilis ang tibok ng puso niya ng mabasa nito ang nakaburda sa panyong hawak nito.

"Lloyd Dela Cruz" wika ni Red ng mabasa ang nakaburda.

Itutuloy....

[22]

"Bakit may panyo ka ni Lloyd?" nagtatakang tanong nito sa kanya

"I dont know... maybe someone just slide it on my bag. Sometimes you need to get use of people just giving you random things. That's the price you get when you are famous like me" pagmamayabang niyang sagot sa tanong ni Red.

Nagkibit balikat lang ito at ipinagpatuloy ang pagsalansan ng kanyang mga damit at pagayos nito sa closet na katabi ng kanyang kama. Nang matapos ito ay isinara nito ang pinto.

"Bakit mo isinara yan?" tanong niya dito

"Dahil maghuhubad ako" wika nito at tuloy-tuloy na hinubad ang pantalon sa harap niya.

Isinunod naman nito ulit ang T-shirt at naiwan ang brief na kulay puti. Hindi na naman siya makatingin ng diretso dito.

"What exactly are you doing?" naiinis na tanong niya dito.

"Naghuhubad nga. Kailangan talaga ulitin"

"At bakit mo isinara ang pinto" naiinis pa rin niyang tanong.

"Eh baka may makakita eh. Saka sabi ko nga diba, nirereserve ko lang sa Moks ko tong view na to" sabay turo sa underwear niya.

"Isa pang pambabastos mo talaga pipisakalin na kita" pagbabanta niya

"Kung kaya mo" makahulugang hamon nito sa kanya

Dahan-dahan siyang lumapit dito. Hindi siya nagpakita ng anumang emosyon. At ng magkatapat na sila at kaunting distansiya na lang ang pagitan ng kanilang katawan ay tinititigan lang siya nito.

"Moks yakapin mo ko" inosente niyang wika rito.

Tila naman nabigla si Red sa sinabi niya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkabigla nang ang kanyang palaban na boses ay naging mahinahon.. naging malambing.. Ngunit alam niyang mas nabigla ito sa pagbanggit niya at pagtawag dito ng "Moks".

Tumalima naman ito at niyakap siya ng mariin. Gumanti siya ng yakap. At matapos ang ilang segundong pagdikit ng kanilang katawan ay inihanda niya ang lakas para gamitin ang tuhod laban sa nakatago sa loob ng underwear nito.

"Aray!!!!!! Aw Aw Aw..." daing nito.

Nakita niyang iika-ika ito at ng malaon ay napaupo na lang sa sahig na hawak-hawak pa rin ang bagay na napapagitnaan ng hita nito. Bumalik uli siya sa higaan niya at natatawang ihiniga ang sarili.

"Bat mo ginawa yun? Tangina ang sakit!!! Aww..." wika ni Red habang lukot na lukot pa rin ang mukha sa sobrang sakit.

"You will only get lucky once in your miserable life... Pasalamat ka yan lang ginawa ko sa iyo" ngising aso siya ng makita pa rin itong nakasimangot sa sobrang sakit.

"Pikon ka talaga kahit kailan" si Red na hindi pa rin nawawala ang bakas ng sakit na nararamdaman.

"Oh please cut the drama" wika niya sabay ikot ng mata sa kawalan.

Hindi niya namalayang lumapit pala ito sa kanya. Nabigla na lamang siya ng daganan siya nito. Pinilit niyang kumawala ngunit di hamak na mas malakas ito kumpara sa kanya. If he could only work out a little strength ay kaya niyang tapatan ang lakas nito.

"Gago ka ba anong ginagawa mo??" singhal niya dito ng wala na siyang magawa kundi magpadagan dito. Hindi man lang niya maigalaw ang kanyang paa at kamay.

"Eh di ginagago ka rin Moks.. Ako naman ngayon" nakangising tugon nito sa kanya at inilapit ang mukha nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" pabulong niyang wika dito. Natatakot siyang kapag lakasan niya ang kanyang boses ay halikan lang siya nito. Ngunit huli na ng maisip niya na mas magbibigay ng maling mensahe ang kanyang pabulong na pagkakasabi rito.

'Ano bang gusto mong gawin ko Moks" halos pabulong na rin ang boses nito.

Ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga. Ang lalaking-lalaki na amoy nito. Noon niya rin napagtanto na may matigas na bagay nararamdaman niyang pumipintigpintig sa ibaba ng kanyang tiyan. Naglihis siya ng tingin upang kahit papano ay mailigtas siya sa maaring muling mangyari.

"Moks tingnan mo ko" pabulong pa rin sabi nito.

Hindi siya umimik. Umeepekto na sa kanyang katawan ang mainit na hininga nito. At ang masaklap ay wala siyang magawa.

"Tingnan mo na ko please..." mahinang pagmamaka-awa nito sa kanya.

"Ayoko" pabulong niya ring tugon.

"Bakit"

Hindi niya alam kung dapat niya bang sagutin iyon. Kanina pa sila nagbubulungan na para bang may makakarinig sa usapan nila. Ngunit sa tingin niya ay hindi na siya bumubulong. Para siyang nanghihina. Parang nawawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod.

"Hindi ko alam"

"Ano bang epekto meron ako sa iyo Moks?" bulong pa rin ni Red sa kanya

Tumingin siya para muling salubungin ang mga titig nito. Habang tinititigan niya rin ang mukha nito ay naitanong niya rin sa sarili ang tanong nito Ano nga bang meron ang lalaking ito at nagkakaganito siya? Dapat ay lumalaban siya. Dapat ay hindi siya nagpapa-alipin dito. Ngunit bakit madali siyang napapapayag nito sa gusto nitong mangyari. Siya si Jude Dela Riva... Malakas siya. Hindi nga lang niya alam ngayon.

Naaramdaman niya ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa kanya. Pumikit siya. Naghihintay ng susunod na mangyayari. Ilang dandali pa narinig niya itong tumawa ng malakas.

Nang imulat niya ang kanyang mata ay wala ito sa ibabaw niya at nakita niya itong tawa ng tawa habang nagsusuot ng shorts na pambahay.

"Walang nakakatawa sa ginawa mo!"

"Hahahaha.. Kung alam mo lang kung anong hitsura ng mukha mo kanina." tukso nito sa kanya

Pinanood niya na lang ito ng tawa ng tawa sa harap niya. Those smiles. Parang may gustong bumalik na memorya sa kanya. Mga salitang dito rin mismo nanggaling.

Sa kanyang isip ay nakita niyang tumutugtog ito ng piano. Katabi nito ang isang lalaki na naka eye glasses. Kulay itim ang buhok. Ang dalawa ay parehong nakangiti. Maya-maya pa ay nakita niyang tuloy tuloy na bumubuka ang bibig nito. Malamang sa hindi ay kumakanta ang dalawa habang tinutugtug ni Red ang piano. Sa kanyang isip, ay tila masayang masaya ang mga ito habang kumakanta. Parang wala ng bukas ang kasiyahan. Hanggang sa ang huli niyang naalala ay ang sinabi nito sa lalaking naka eye glasses. "Kasi Moks pag kinakanta mo yung theme song natin.. Gu..gusto   kong kalimutan na best friend kita... kahit sandali lang".

"Moks!!! Uy.. Moks!!" sigaw sa kanya ni Red.

Nakita niyang kinakaway nito ang palad sa harapan niya. Natulala na naman siya. Kinakabahan siya dahil kapag nangyayari ang ganito ay malapit na naman umatake ang nakakatulirong sakit ng ulo niya. Baka lumabo na naman ang mata niya pag nagkataon. Sa huli ay pinalo niya ang kamay nito na patuloy pa rin sa pagkaway sa harapan niya.

"Aw.. to naman.. tinatanong lang kita kung bakit ka tulala"

"Nakakirita yang kamay mo"

"Eh bat ka kasi natutulala Moks? Kung pinagpapantasyahan mo ko sabihin mo lang madali akong kausap" pangaasar nito sa kanya

Kinuha niya ang katabi niyang unan at ibinato dito. At dahil hindi naman malakas ang pagkakabato niya ay nasalo lang nito iyon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at humakbang palabas ng kuwarto.

"San ka pupunta uy!!!" sigaw nit sabay habol sa kanya.

"Anywhere, away from you!" sigaw niya ng makalabas.

Mabilis namang sumunod ito sa kanya. Pababa siya ng hagdan ngunit wala ng tigil ang pagsuyo nito sa kanya.

"Sorry na Moks.. ang pikon mo talaga kahit kailan"

Hindi siya sumagot at patuloy pa rin ang paghakbang.

"Moks.. sorry na please"

Wala pa rin siyang imik

"Uy.. Moks ko.. labo mo naman"

Hindi pa rin siya sumagot

"Moks.. sige na.. pag di mo ko kanausap maghuhubad ako dito!"

"Eh di maghubad ka!!! No one's stopping you!" singhal niya dito

Tinotoo naman nito ang sinabi ang in a flash ay naka brief na naman itong nakaharap sa kanya.

"Anak nakauwi na ba kayo?" agaw atensyon ng babaeng pumasok sa sala.

Nakita niya ang sobrang pagkabigla nito ng makita siya at si Red na naka brief lang at ang shorts nito ay nasa lapag kasama ng sando na hinubad nito kanina.

"Red?, Anak naman? Hindi ka na nahiya diyan sa kababata mo... Ngayon lang kayo ulit nagkita eh kung anu-anong kalokohan na naman niyang pinag-gagagawa mo. Adrian, anak.. Pagpasensyahan mo na lang itong kababata mo at talagang minsan maluwag lang turnilyo niyan" natatawang wika ng babae sa kanya.

Tila naman parang kidlat sa bilis na inayos ni Red ang sarili at natawa talaga siya rito dahil natataranta itong nagayos sa sarili. Ngunit umugong sa kanyang isip ang pagtawag nito sa kanya ng 'Anak". Parang biglang gumaan ang pakiramdam niya. Parang gusto niyang ngumiti. Ngunit pinatay niya ang kagustuhan na iyon. Of course... He is Jude Dela Riva.

Tuluyan na silang nakababang dalawa ng hagdan. Nakita niyang nagtungo ang babae sa kusina.

"Namiss ka rin niya.." mahinang wika ni Red sa kanya

Lumingon siya para tingnan ito. Nakangiti ito ng matipid sa kanya.

Hindi siya sumagot.

"Mga anak.. kain na tayo.. Bale nagpaluto na lang ako dahil may inasikaso pa ako kanina"

Nauna na si Red na pumuntang kusina. Sumunod na lang siya. Naalala niyang wala pa pala siyang kahit anong kinain kaninag umaga.

Naupo siya kaharap ni Red at nasa punong dulo naman ang Ina nito. Sobrang dami ang inihanda yata nito na para hindi to nagpaluto kundi nagpa-cater ng pagkain. Ngayon lang siya uli nakisalo kasama ang ibang tao sa hapagkainan. Sa di maipaliwanag na dahilan ay nakakaramdam siya ng kakaibang tuwa. Tuwang matagal niya ng nakalimutan kung paano maramdaman.

"Ay naku pasensya na anak" bulalas nito ng makita siyang kumuha ng dinuguan.

"Bakit po?" tanong niya dito.

Sa katunayan ay natatawa siya kapag nagsasabi siya ng salitang 'po'. Hindi siya sanay na umastang parang isang napakagalang na bata.

"Diba ayaw mo sa dinuguan anak?... Sorry.. Im just so overwhelmed na you agree to come home with Red. Kaya nagpaluto na lang ako ng iba-ibang putahe.. How silly of me na hindi ko naalala na you hate that bloody dish" dismayadonn wika ng nanay ni Red sa kanya

"Hindi ko po natatandaan na ayaw ko ng dinuguan... This is like the most delicious food in the universe." natatawa niyang tugon sa maling pagkakakilala nito sa kanya.

"Sigurado ka Moks?" paninigurado ni Red sa kanya

"Yeah.. All time favorite" wika niya rito

"Moks.. the last time that you ate dinuguan was when we are 7.. Sobra kang nagsuka that time that you curse eating dinuguan.. Pag nakakakita ka pa nga lang nito ay nagsusuka ka na kaagad"

"I dont remember sorry..." pagkibit balikat niya

"Kung ganun ay maganda anak at nang hindi ko na masisi  ang sarili ko.. you really changed a lot Adrian" baling uli ng nanay ni Red sa kanya. Nakita niyang mataman siyang pinagmamasdan nito

"Its Jude" marahas niyang sagot dito

Kitang-kita niya sa mga mata nito na nabigla ito sa paraan ng kanyang pagsagot. he managed to compose himself again at itinama ang pagkapurol ng ugali niya kanina.

"Sorry.. its Jude tita... Everybody calls me Jude now"

"No dont apologize anak... My fault... Mas sanay kasi ako na tinatawag kang Adrian but sometimes changes are... good.. I guess" pangaalo nito sa kanya

"Hindi rin." bhiglang singit ni Red sa usapan nila.

Lumingon siya dito at nakita niyang tinusok nito ng marahas gamit ang tinidor ang manok na nasa pinggan nito.

"Hmm... so kain lang mga anak.. and Jude welcome home.. I mean.. Masaya ako at bumalik ka at masaya akong napapasaya mo ang anak ko" pagkasabi nito ay tumayo na ang Ina ni Red at naiwan silang dalawa sa hapag.

Parang may dumaan na anghel sa pagitan nila ni Red. Walang nangahas magsalita ng lumabas ang nanay nito. Tahimik lang siyang sumusubo ng kanin at ulam. Kung kanina ay gutom na gutom siya ay para namang nawawala ang kanyang ganang kumain sa samut saring nararamdaman.

Nang hindi niya na matiis ang katahimikan ay tumayo na siya sa mesa kahit hindi pa siya tapos kumain. Tiningnan siya nito ng masama at pagkatapos ay ito na ang unang nagsalita.

"Saan ka pupunta?" seryosong tanong nito. Nagbabadya ang galit sa boses nito

"Its none of your business"

"Well Im making it my business... Hindi mo pa tapos ang kinakain mo"

"Ayoko ng kumain. Nwalan na ko ng gana"

"Alam mo.. nung ikaw pa yung Adrian na kilala ko... Hindi siya nagsasayang ng grasya at basta na lang iiwan ang plato niyang nakatiwangwang" wika nito sabay dabog ng kamay sa mesa

"Eh ayaw ko na nga eh bat ba ang kulit mo!!" salubong niya sa galit nito

"Por que ba ayaw mo tatapusin mo na lang?"

"Kung ayaw ba at gusto mo kailangan mong ipagpilitan?" makahulugan niyang sagot dito

Mabibigat ang mga hakbang na nagtungo ulit siya papasok ng kuwarto at ibinalibag ang sariling katawan sa kanyang kama. This guy is getting on my nerves. wika niya sa sarili. He loses his control whenever Red insinuates the other person on him. Ayaw niyang ng balikan ang dating siya. Ayaw niya ng maging si Adrian ulit.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ulit ng mga hakbang papasok ng kuwarto. Hindi nga siya nagkamali ng makumpirmang si Red nga iyon. Sa hinuha niya ay hindi rin nito tinapos ang tanghalian nito at sinundan kaagad siya sa kuwarto.

"Seryoso na ba to?" bungad na tanong nito sa kanya.

"Excuse Me?"

"Teka bakit ba Ingles ka ng Ingles? Moks.... Jologs ka naman dati ah"

"You mean baduy?"

"Totoo.. Yun ang tamang salita.. Totoo.. Yung Moks na kilala ko  hindi takot magpakatotoo sa sarili niya"

"Sometimes you really dont see the truth until you get hurt" malamig niyang wika rito

"Dahil ba sa nasaktan ka.. Hindi ka na naniniwala sa Fairytale?"

"Screw it. Alam mo na ang sagot ko diyan."

Pilit niyang inalala ang sagutan nila noong magtangka itong isama siya sa baduy na mock wedding. He will never fall again into the traps of happy ending. Never.

"Naniniwala ka ba sa Pagibig?" tanong nito sa kanya

Natawa siya ng mapakla. The conversation is not going anywhere. Puro kadramahan na naman ang ibinabato sa kanya nito. Ngunit napagdesisyunan niyang patulan ito.

"Bakit naniniwala ka pa ba sa Pagibig?" balik tanong niya dito

"Oo naman.. Bakit hindi"sagot nito sa kanya

Napailing-iling na lang siya. Napabuntong hininga ng kaunti at saka inihanda ang kanyang sagot

"Sinungaling... " tawag niya rito. Tiningnan niya ito sa mata. At alam niyang nabigla ito sa mariin niyang pagsalungat.

"Umaasa ka na sana mangyari ito sa iyo. Tulad ng hangin na hindi mo man nakikita ngunit alam mong binubuhay ka sa iyong bawat paghinga..Umaasa kang sana may totoong Pagibig.. Yung kahit minsan gusto mong maranasan na tumitibok ang puso mo hindi dahil sa paghinga kundi dahil may iisang taong bumubuhay dito..."

'...at wala akong balak umasa" pagtatapos niya sa kanyang paliwanag

"dahil natatakot kang masaktan ulit" kontra nito sa kanya.

"Walang taong kayang manakit sa akin. Wala. Bakit ikaw ba gusto mong itaya ang sarili mo sa isang tao para masaktan?" tanong niya dito

"Kung iyon lang ang tyansa ko na mapatunayan kong may Pagibig at maranasang umibig.. Handa akong masaktan" sagot nito sa kanya.

Natahimik siya. Hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob para kontrahin ito. Nabulabog ang katahimikang iyon ng biglang tumunog ang cellphone nito.

Lumabas si Red para sagutin ang cellphone. Gusto pa sana niyang magsalita kanina ngunit tama namang tumunog ang cellphone niya. Naihilamos niya ang kamay sa mukha ng makita ang rumehistro sa scree ng cellphone.

Si Sabrina.

"Hello babe?" bungad nito sa kanya.

Tiningnan niya muna si Adrian na nasa kama pagkatapos ay tumalikod para ganap na harapin ang kanyang cellphone.

"Babe... napatawag ka" wika niya rito

"Babe we need to talk.." seryosong wika nito. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya

"Sab... not now.. meron"

"Importante lang babe please.."

Tinimbang niya ang pagrarason niya sa oras na iyon. Sa huling pagkakataon ay tiningnan niya ulit si Adrian.

"Ok.. I'll be there.. Nasa bahay ka ba ninyo ngayon"

"Thank You and yes nandito ako sa bahay"

"I'll be there within 10 mins"

"Ok babe"

Ibaba na sana niya ang kanyang cellphone ng marinig niya itong tinawag ulit siya.

"Babe?" paninigurado ni Sabrina kung nasa kabilang linya pa siya

"Yes? May problema ba Sab?" tanong niya ulit dito

"I love you..." pabulong na wika nito

"I'll be there.. Just wait for me" wika niya saka mabilis na pinatay ang cellphone.

Saglit siyang napapikit ng mariin. Mali na ang ginagawa niya rito. Siguro nga ay dapat na silang magusap. Kailangan niya ng tapusin ang namamagitan sa kanila ni Sabrina. Mali nang paasahin niya pa ito sa wala.

Hindi man sabihin ni Red sa kanya ay alam niya na kung sino ang kausap nito sa cellphone. Naiinis siya sa sarili niya kung bakit siya naririndi kapag tinatawag nito ang tao sa kabilang linya ng "babe". Hindi siya dapat mainis dahil walang kalulugaran sa puso niya ang ganoong pakiramdam. Kaya hangga't maari, he needs to have his emotion under check.

"May pupuntahan lang ako... kung may kailangan ka itawag mo na lang kay Manang. Kung lalabas ka naman paki-paalam na lang sa kanya kung ayaw mong ipaalam sa akin." malamig na wika nito sa kanya

Sasabat na sana siya nang muli itong magsalita.

"Dont misunderstood this na pinapakialaman ko kung saan ka pupunta.. You can go wherever you want, magpaalam ka na lang kay manang para hindi ako mag-alala"

"Sa..sa..saan ka pupunta?" bigla niyang tanong dito bago pa man ito mawala sa paningin niya. Hindi niya alam kung para saan ang tanong na iyon.

"Pupuntahan ko ang girlfriend ko" mabilis na sagot nito sa kanya at saka humakbang palayo sa kuwarto.

Para namang sibat na tumama sa kanyang puso ang shuling sinabi nito. "Pupuntahan ko ang girlfriend ko"

Natulala siya sa kawalan. Masyado ng nagiging kumplikado ang lahat. Naputol ang nkanyang pagiisip ng bigla ring tumunog ang kanyang cellphone.

Walang pangalan ang rumehistro sa numerong tumatawag.

"Sino to?" galit na bungad niya agad sa taong tumatawag

"Adrian?" tanong ng tao sa kabilang linya. Wari ay naninigurado kung siya ba talaga si Adrian.

Hindi siya sumagot. Dahil hindi siya si Adrian.

Maya-maya pa ay nagsalita mulit ito.

"Jude? Are you there?" pagtatama nito sa pangalang itinawag sa kanya

"Anong kailangan mo?" naiiritang tanong niya ng makilala ng tuluyan ang boses na tumatawag

"Sorry kung naistorbo kita.. This is Jake.. Gusto ko lang sanang..ahm.. gusto ko sanang.."

"Kung ipagpapatuloy mo pa yang pagkautal mo... I will badly recommend you to get yourself a language specialist"

"Im sorry.. gusto ko lang sanang... makipagkita sa iyo"

"Why should I? I dont remember making any appointments to losers like you"

"Please" pagsusumamo nito

"No" mariin niyang tanggi

"Kung makikipagkita ka sa akin ngayon.. This is the last time I will bother you"

Sandali siyang napaisip. Pagkatapos ay bumuo siya ng mabilis na desisyon.

"Saan tayo magkikita?"

"Im here at Glifonea's. Hihintayin kita"

Pagkarinig ng huling sinabi nito ay pinatay na niya kanyang linya. Tinungo niya ang salamin at mabilisang pinasadahan ang sarili. Ilang saglit pa ay lumabas na siya ng kuwarto.

Mabilis na nakarating si Red sa bahay nila Sabrina. Sa katunayan ay isang sakay lang ng tricycle ang bahay na tinutuluyan nito. Bumungad sa kanyang pagbaba ang malaking gate. Kung tutuusin ay dapat hindi na siya naninibago kapag nakikita ang higanteng bahay ng mga Malvarosa. Naalala niya ang mga araw na halos lagi siyang pumupunta rito para umakyat ng ligaw. Naging magiliw naman sa kanya ang lahat ng mga naroon pati na ang Ina nito na minsan niya lang nakilala. Ang ama kasi nito ay palaging nasa labas ng bansa o di kaya naman ay nasa ibat-ibang sulok ng Pilipinas, inaasikaso ang family business. Sabi nga ng iba ay jackpot daw sioya dahil nakabingwit siya ng bebot na hindi lang maganda ay umaapaw pa sa kayamanan. Ngunit hindi iyon ang minahal niya kay Sabrina kundi ang pagiging mabait at sobrang maalaga nito. Yun nga lang iba na ang mahal niya ngayon. Hindi na ito. At naroon siya para tapusin ang ugnayang iyon.

"Hi Kuya!" bati sa kanya ng maliit na babae ng ganap siyang makapasok sa loob ng mansyon

"Uy.. Samantha? Ikaw na ba yan?" baling niya sa babeng bumati sa kanya. Si Samantha Malvarosa ay ang nakababatang kapatid ni Sabrina. Noong highschool sila at elementary pa lamang ito ay lagi niya itong nakikitang pakalat-kalat lamang sa loob ng mansyon. Ngayon ay ganap ng babae ito at dalagang-dalaga na ang ayos.

"Yup.. The one and only.. Kumusta kuya.. Ikaw ha.. matagal mo na kong di binibisita dito.. Namimiss ko na yung chocolates na dapat sana regalo mo kay ate.."

"At kinakain mo ang ending .. Hehe"

"Oo naman.. alam mo naman ang ate... obsess sa diet... Gusto kasi niya lagi.. sexy sa paningin mo"

"Kaw talaga Sam.. makulit ka pa rin hanggang ngayon" wika niya dito sabay gulo sa buhok nito

"Kuya naman eh... hindi na ko bata.. highschool na kaya ako"

"Ok fine.. big girl ka na pala.. nandyan ba sa loob ang ate mo?"

"Yeah... hinihintay ka niya sa taas.. Diretso ka na lang sa kuwarto niya"

"Ok.. thanks sam.. Dont worry sa sunod na pagbisita ko magdadala ako ng chocolates" nakangiting wika niya rito

"Ok kuya"

Habang paakyat sa hagdan ay inisip niya ulit ang sinabi niya kay Samantha. Hindi naman siguro tamang magbigay pa siya ng pangakong alam niyang hindi niya matutupad. Ang araw na ito ay ang huli niyang pagtapak sa bahay ng mga Malvarosa.

Nakita niyang naka-awang pinto ng kuwarto ni Sabrina. Nang tuluyan siyang makapasok ay nakita niyang nakaupo ito sa harap ng isang computer. Tiningnan niyang maigi ang suot nito. Naka-bath robe lang ito at bahagyang hindi naka-ayos ang buhok. Nang maramdaman nitong may ibang tao sa loob ay lumingon ito sa kanyang direksyon. Napangiti ito ng makita siya. Pinagmasdan niya ang buong kuwarto. Parang kumpleto na ata ang laman niyon. May sala at banyo ang kuwarto na parang isang maliit na bahay, malaki para sa isang tao. Huli niyang napagmasadan ang hitsura nito. Nakita niyang maitim ang ilalim ng mga mata nito tanda ng hindi gaanong pagtulog.

"Babe" mahing tawag nito sa kanya

"Babe" tawag niya rin dito. Sometimes it feels awkward kapag tinatawag niya ito ng ganun. it doesnt feel right like it used to be.

"Buti nakarating ka"

Tumango siya saka nagsalita.. "May gusto rin sana akong sabihin sa iyo" alangan niyang tugon dito

"Siguro ako muna dapat ang magsabi ng dapat kong sabihin" pangunguna nito sa kanya. Marahil ay natunugan nito ang maari niyang sabihin.

Umupo siya sa paanan ng kama habang nakatayo ito. Maya-maya pa sumandal ito sa dingding at niyakap ang sarili. Nanatili naman siyang tahimik tanda ng kanyang kahandaan na makinig sa sasabihin nito.

"Babe.. alam mong mahal na mahal kita.. pero hindi ko kayang makita kang malungkot sa relasyong mayroon tayo." panimula nito

Para siyang napipi bigla. Ramdam niya ang paghihirap nito sa bawat pagbigkas ng mga salita nito.

"Alam ko na yung tungkol sa nararamdaman mo kay Adrian." malamig nitong tugon

"Sab.. " mahina niyang tawag dito. Nakita niyang nagsisimula ng lumuha ang mga mata nito

"No.. Please let me finish... In fact.. matagal ko ng alam.. Nagbubulagbulagan lang ako.. Pero mahirap rin pala, na nakikita kang nahihirapan dahil hindi sapat ang pagmamahal na kaya kong ibigay." wika ni Sabrina habang pipnipigilang humikbi.

Gusto na niya itong yakapin. Knowing that Sab suffered a lot keeping their relationship as it is kahit alam na nito ang nararamdaman niya kay Adrian.

"Im setting you free Babe.. Gusto kong maging masaya ka Mr. Red Antonio.. Kahit na isakripisyo ko ang sarili kong kasiyahan para sa iyo.. Gagawin ko" wika nito at tuluyan ng umiyak.

Namalayan niyang tumayo na siya sa kama at niyakap ito. Pinaghalong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Naroon ang isang malaking relief na wala nang anumang balakid sa nararamdaman niya para kay Adrian at maaari na siya ulit magmahal ng iba ngunit hindi ganap ang kaligayahan niya na nakikita itong malungkot. Nang maikulong niya ito sa kanyang mga bisig ay  doon na tuluyang nag break down si Sabrina. Humahagulhol ito sa kanyang mga bisig.

Maya-maya pa ay tumahan na ito at humarap sa kanya. Nakita niya ang mga ngiti sa labi nito na parang ayos na ang lahat sa pagitan nila. Ginamit niya rin ang kanyang mga daliri para punasan ang natitirang luha sa mga pisngi nito.

"Tahan na" pagaalo niya dito

"Red?" tawag nito sa kanya

"hmmm?"

"Gusto kong maramdaman ang pagmamahal mo... natin.. for the last time.." at pagkasabi nito ay nalaglag sa sahig ang bathrobe na bumabalot sa hubad nitong katawan.

Ilang saglit pa ay natagpuan niya ang sarili na ikinulong ito sa kanyang bisig at ihiniga niya ito sa kama.

Gusto niyang pagbigyan ang kahilingan nito sa huling pagkakataon.

Sabrina secretly glanced at the calendar near her bed. She secretly smiled devilishly. She cant be wrong this time. The plan needs to work. There are only two things that Red shouldn't know: She killed Adrian's mother and

She is fertile.

Hinubad niya ang pantalon nito at niyakap ng mariin si Red.

Itutuloy...

[23]

"Bayad" malamig niyang tugon sa driver ng ibaba siya sa harapan ng isang maliit na restaurant.

Kinuha nito ang ilang barya sa kanyang mga kamay at mabilis na pinatakbo ang tricycle matapos makuha ang kanyang bayad. Maybe he's scared natatawa niyang wika sa sarili. The driver cant be blamed. He grabbed a gray sando and ripped jeans. Nagtsinelas lang siya ng kulay itim. But the accessories are still there. Kulang na lang ay may bitbit siyang bote ng red horse at papasa na siyang tomador na bangag. Tiningnan niya ang kabuuan ng restaurant na binabaan niya.

Nagsimula na naman ang pagbabalik ng kanyang ala-ala.

May nakita na naman siyang isang lalaki na naka-eye glasses. Pumasok ito sa loob kasama si Red ngunit nakasimangot ito. Samantalang hawak ni Jake ang kamay ng lalaking naka salamin. Masayang-masaya sila. Maya-maya ay nagiba ang kulay ng restaurant. Naging kulay pink ito at pagkatapos ay lumabas si Jake.. may naghihintay ditong kotse. Nakita niyang lumabas din ang lalaking naka-salamin, umiiyak ito. He can feel his pain. No its not pain. Its the combination of sorrow, agony and hopelessness. Parang nasira ang buhay nito in an instant na umalis si Jake. He wish he was there and do something to convince this guy wearing eyeglasses that he is crying over a dumb ass. Nakita niyang bumalik ang lalaking naka-salamin sa loob. Hindi nga ito makalakad ng maayos. Umaagos pa rin ang luha at pagkatapos ay nakita niyang pinaputok nito ang mga pink na balloon na nasa harapan ng restaurant. Umiiyak pa rin ang lalaki at pagkatapos ay bigla itong kinain ng restaurant.

"Kuya!!!!"

Isang boses ang pumukaw sa kanyang atensyon. Boses ng isang bata. Bumaba ang kanyang mga paningin sa kanyang paanan at nakita niya ang isang batang lalaki. Nginitian siya nito. And there's something familiar in his smile. Yung ngiting inosente. Yung ngiting hindi pa nasasaktan. Yung ngiting nagsasabing may pag-asa pang mabuhay. Naka-uniporme ito na pang-elementarya. Dumako siya sa mga mata nito. The child is wearing an eyeglass... Buggy eyeglasses to be exact. That trademark reminded him again of the guy he always see crying.

"Yes?" matapang niya pa ring tanong sa bata. Sa huli ay gusto niyang pagalitan ang sarili. He was used to scaring adults not innocent children.

"Kanina ka pa kasi tulala kuya.. Nakatira po ba kayo ng drugs?" inosenteng tanong nito sa kanya.

"Hahaha" bigla siyang napatawa. Kanina ay sinasabi niyang inosente ang mga bata ngunit ngayon hindi niya na alam kung dapat pa ba siyang maniwala sa ganung ideolohiya.

"Nakatira po talaga kayo no?" inosente pa rin nitong paniniguro.

Pinili niyang umupo upang mas matingnan ang ang bata sa malapitan. Makapal ang grado ng salamin na suot nito. On a second thought, naisip niyang nakaranas na rin siguro ito ng sakit. Napakabata pa nito para magsuot ng ganung kakapal na salamin para lang bigyang saysay ang mga mata nitong nawawalan na rin ng pag-asang makakita.

"Ano bang pangalan mo bata?" tanong niya rito, hindi na lang niya pinansin ang huling tanong nito

"AJ po" masayang sagot nito.

"AJ? Anong ibig sabihin naman ng AJ?" naiintriga niyang tanong

"Adrian Jasper po" nakangiti pa ring sagot nito

Somehow ay para siyang nahintatakutan ng banggitin nito ang pangalang "Adrian". Naikuyom niya ang palad ng marinig ang pangalang ito. Ngunit mabuti na lang at nabawi niya ang pagbugso ng kanyang emosyon.

"Ikaw po kuya na maitim ang mata... ano po pangalan niyo?" tanong rin ng bata sa kanya

"Jude... my name is Jude" tipid niyang sagot dito. Pinilit niyang huwag ma-amuse sa bata kahit na gusto niyang matawa nang tinawag siya nito na maitim ang mata.

"Ok.. Kuya Jude... gusto mo libre kita ng pagkain diyan sa restaurant na iyan? Kanina ka pa kasi nakatulala diyan sa tabi eh.. tapos tinitingnan mo yung restaurant na iyan"

"Libre? Paano mo ililibre si Kuya Jude mo eh baka ubos na baon mo...." malambing niyang tugon dito. Isa ito sa mga pagkakataon na hindi niya mapigilang maglambing, na parang may boses sa ulo niya na nagsasabing kailangan niyang pakitunguhan ng maganda ang taong kaharap niya.

"Eh may naipon naman po ako sa one week na baon ko. Libre po kita ng isang order ng pansit.. Magpansit po tayo jan sa loob. Dapat po kumain kayo huwag iyong nag ma-marijuana. Bad po yun sabi ni teacher"

Parang kinurot ang kanyang puso sa sinabi nito.

"Sige ililibre mo ko pero next time na lang ah. Kasi may pupuntahan pa si Kuya Jude. At ikaw? uwian na diba? Dapat umuwi ka na sa bahay niyo at baka hinahahanap ka na dun"

"Ok sige po kuya.. Babye po.. Huwag na po kayong titira ng marijuana ulit ah?" paalala nito sa kanya

"Sandali"pigil niya dito ng makita ang librong hawak nito.

"Bakit po Kuya Jude? Gusto niyo na po ulit ng pansit?"

"Ano iyang libro mo?" wika niya sabay turo sa librong hawak nito

"Ito po ba? Ah favorite ko po to.. Crush ko po kasi yung babae na nasa kuwento."

"Ano bang pamagat niyan?"

"Snow White and the Seven Dwarfs po"

"So mahilig ka sa fairy tales?"

"Opo Kuya"

"At naniniwala ka sa fairy tales?"

"Opo kuya"

"Bakit?" pilit niya pa rin pinapasigla ang boses niya kahit nagtatagis ang bagang niya habang tinatanong ang bata.

"Kasi po masaya kahit hindi totoo."

"Alam mong hindi totoo pero masaya ka?"

"Opo kuya kasi diba... minsan.. mas maganda yung hindi totoo kasi kahit papano napapasaya ka kaysa sa totoo na walang ginawa kundi saktan ka"

"Uwi ka na AJ ah? Yan kasi kung ano-anong tinuturo sa inyo sa school" wika niya pagkatapos marinig ang sinabi nito.

"Ayaw mo pa rin po ng pansit Kuya?"

"Next time"

"Sige po.. babye po Kuya Jude" paalam nito sa kanya saka kumaripas ng takbo.

Naiwan na naman siyang nakatulala sa kawalan. Did he just spoke to a kid? or did he spoke to himself many years ago? Hindi niya alam.

Tiningnan niyang muli ang restaurant. Nandoon pa rin ang pangalan nitong Glifonea's. For a moment ay tinitigan niya ang bukana ng lugar. Nakita niyang naroon pa rin ang mga pink na balloons. Akala niya ay isa na naman ito sa mga ala-ala niya na basta na lang bumabalik. Sinimulan niya ng humakbang palapit dito.

Nakapasok na siya sa restaurant. Ngunit walang ilaw.

"May tao ba dito?"

Walang sumagot.

Waste of time bulong niya sa sarili. Sarado na yata ang restaurant at wala siyang naaninag ni isang anino ng taong naroon. And most of all, hindi na dapat siya naniwala sa walang kwentang Jake na iyon.

Tumalikod na siya para ihanda ang sarili na humakbang palayo. Ngunit natigilan siya ng biglang lumiwanag ang paligid. Pumihit siya para tingnan ang kabuuan ng buong restaurant.

Nababalutan ito ng kualy pink na mga balloon, naka korte na parang puso. Sa harap ay may isang mesa na nababalutan ng kulay pink na tela. At sa pinakaunahan ay nakaupo ang isang lalaki at may hawak itong gitara. Pink rin ang suot nitong T-shirt.

Si Jake.

Maya-maya pa ay gumalaw ang isang kamay nito at tinugtog ang gitarang nakasampa sa hita nito. Sa harapan naman nito ay nakapuwesto ang mic stand at nagsimula itong kumanta.

"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on"

"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"

"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.Ooo hooow"

"I've been watching but the stars refuse to shine, I've been searching but I just don't see the signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my soul somewhere"

"I've been looking for someone to she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I could use some direction, And I'm open to your suggestions"

"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. And if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the end"

"There are moments when I don't know if it's real Or if anybody feels the way I feel I need inspiration Not just another negotiation"

"All I wanna do is find a way back into love, I can't make it through without a way back into love, And if I open my heart to you, I'm hoping you'll show me what to do, And if you help me to start again, You know that I'll be there for you in the end"

Maya-maya pa ay ibinaba nito ang gitara at kinuha ang bulaklak na nasa mesa. Isa itong pulang rosas.

"I hope its OK to call you 'hon' for the last time" wika nito sabay abot sa isang tangkay ng bulaklak.

Wala pa rin siyang kaemo-emosyon ng pilitin niyang kinuha ito at tinitigan ito ng mata sa mata. Nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. Napansin niya rin na medyo lumalim ang mga mata nito na siguro ay dulot ng hindi maayos na pagtulog. Sa isang iglap ay sumumpong na naman ang mga ala-alang pilit na sumisiksik sa kanyang isipan.

"Hon nagustuhan mo ba?"

"Happy Anniver..." hindi na naituloy ni Adrian ang sasabihin niya ng pigilan ni Jake ang mga braso niya para yakapin ito.

"This is the worst thing you've done"

"Hon may mali ba? Hindi mo nagustuhan tong hinanda ko para sa iyo. Hon OK lang, kung di mo gusto dito Hon.. Kahit sa ibang lugar na lang tayo magcelebrate"

"Dont bother Adrian"

"Adrian? Hon, hindi ko maiintindihan bakit ka ba nagkakaganyan?" pumiyok na ang boses niya tanda ng nagbabantang mga luha.

"That would be the last time that you will call me that name. Hon? Pathetic"

"Hon sorry na please wag ka ng magalit..."

"You made me sick" pagkasabi ni Jake nito  ay tumalikod siya para humakbang papalayo. Tumakbo naman siya sa harapan nito para pigilan ito.

"Sandali.. Hon.. may nagawa ba akong mali.. May hindi ka ba nagustuhan ? Ano? Sabihin mo na.. Parang awa mo na"

"Hindi mo naiintindihan" malamig nitong tugon sa kanya

"Dahil ayaw mong sabihin!!!! Hon, hirap na hirap na ko ... hindi mo sinasagot tawag ko... Miss na miss na kita ... ngayong nagkita na ulit tayo bakit biglang bigla parang ayaw mo na kong makita" umiiyak na siya habang sinasabi niya iyon.

"Gusto mong maintindihan? Huh?" biglang sigaw ni Jake sa kanya at kwinelyuhan siya.nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

Hindi siya nakapagsalita. Sa buong buhay niya ay noon niya lang nakitang galit na galit si Jake.

"Makinig kang mabuti.. Dahil ang susunod kong sasabihin sa iyo ay para sa ikaiintindi ng mahina mong kokote. Alam mo, sayang.. Ang talino mo pa naman sana kaya lang mas matalino ako sa iyo... Ginamit lang kita.. Ginamit lang kita para makaabot ako sa kinaroroonan ko ngayon.. Akala mo siguro kaya kitang mahalin noh... Hindi kita kayang mahalin... dahil..."

"Dahil ano Jake? Dahil ano!!!" sumigaw na rin siya habang patuloy na umaagos ang luha sa kanya.

Nabigla siya ng itulak niya ito at mapaupo siya sa lapag. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Ngiti ng isang taong nagtagumpay na isakatupara ang pinaplano niya.

"Dahil BAKLA ka lang"

"Hon nagustuhan mo ba?" mahinang pag pukaw nito sa kanyang atensyon. Waring nabingi rin ito sa katahimikan sa kanilang pagitan

"Oo naman" malamig niyang tugon.

Kahit nagpakita siya ng kawalan ng interes sa kanyang sagot ay nakita niyang bahagya itong sumigla. Parang nabuhayan ito ng loob ng sabihin niya ang salitang 'Oo'.

"Talaga hon? Salamat naman at..." hindi na nito naituloy ang sasabihin ng sumingit siya.

"Sa sobrang pagkagusto ko sa ginawa mo, gusto ko rin gawin to" pagkasabi niyon ay pinagpupunit niya at pinagpuputol ang bulaklak na ibinigay nito.

Tiningnan lang siya nito habang ginula-gulanit niya ang rosas na binigay nito. Nakita niyang napagmasdan ang lungkot sa mga mata nito.

"Hon hindi mo ba natatandaan..." hindi ulit nito naituloy ang sasabihin ng muli siyang magsalita.

"Kung meron mang bagay na hinding hindi ko gagawin ay iyon ang salitang "tandaan" "

"Mapapatawad mo pa ba ko?"

"Hahahaha" humalakhak siya ng malutong sa huling sinabi nito

"Hindi kita maintindihan hon"

"Akala ko ba ako iyong bobo at ikaw yung matalino? Asan na yung talinong pinagmamalaki mo?"

"Hindi ko talaga maintindihan hon"

"Sige ipapaliwanag ko sa iyo para maintindihan ng mahina mong kokote... All of this happening? Its what you called a Hindu thing. Its Karma."

"Adrian kahit hindi na natin maibalik sa dati ang lahat gusto ko lang mapatawad mo ko.. Nahihirapan na ako...Gusto ko lang..."

"That's exactly what I want... yung maghirap ka"

Nakita niyang lumuhod muli ito at hinawakan ang mga paa niya. It was so unusual seeing a muscled guy cry on his foot.

"Please..... Adrian.. Sabihin mo kung anong gagawin ko para mapatawad mo ko"

"Mamatay ka... that would be the best" wika niya sabay ngiti ng matamis dito.

Ilang segundo pa ay nakapunta na siya palabas ng restaurant at nakasakay ng isang tricycle. Biglang tumunog ang cellphone niya at ng basahin niya ang mensahe ay galing kay Director Lee.

Emergency Meeting tomorrow, NASUDI Bldg. 3pm. -Director Lee

Ilang metro lang ang layo ng restaurant sa bahay nila Red ngunit napagdesisyunan niyang tumambay muna sa isang tahimik na lugar at uminom ng kaunti beer at saka siya umuwi ng bahay nito. Ngunit ang sandali niya atang pamamalagi kanina ay medyo natagal dahil nagsisimula ng lumukob ang dilim sa kalawakan ng makarating siya sa bahay ng mga Antonio.

Binuksan niya ang gate at tuloy-tuloy na humakbang papasok. Bago siya lumabas kanina ay naipalam niya sa kasambahay ng mga ito na makikipagkita siya kay Jake. Alam niya sa sarili niya na sinadya niya na sabihin sa kasambahay na makikipagkita saiya rito. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang ipagdiinan ang panaglanag Jake. Gusto niya bang pagselosin si Red? He shook his head at nagtuloy-tuloy papasok ng bahay.

"Saan ka galing?" matigas na baling sa kanya ng isang boses.

Lumingon siya sa hardin at sa di kalayuan ay nakita niyang nakaupo ito roon. Nagkalat ang mga bote ng beer sa mesang kaharap nito pati na rin sa damuhan. Mukhang naparami ang nainom nito.

"Diba alam mo na? Pinaalam ko na kay Manang"

"Bakit ka nakipagkita sa kanya?" wika ni Red sabay dabog sa mesa.

Alam niyang ang tinutukoy nito ay si Jake. Ngunit hindi niya alam kung bakit ganun na lang ito kagalit at nakipag kita siya kay Jake when in fact he said earlier na wala siyang pakialam kung saan siya pupunta.

"Wala ka ng pakialam dun" singhal niya dito at nagtuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay. Tinungo niya ng mabilisan ang kuwarto apara makapag pahinga. Ngunit nagkamali yata siya ng desisyon dahil maya-maya pa  ay nakasunod na ito sa kanya. Nakita niyang ini-lock nito ang pinto.

"Kinakausap kita wag mo kong talikuran"

"Ayokong makipagusap sa lasing"

"Hindi ako lasing... alam ko pa ang ginagawa ko at alam ko ang sinasabi ko.."

"Ngayon tatanungin uli kita bakit ka nakipagkita sa kanya?" seryosong wika nito. Nakatayo ito sa paanan ng kanyang kama habang siya naman ay nakaupo sa kanyang tulugan.

"Bakit ba kailangan mong malaman bawat galaw ko dito. Pinapakialaman ba kita kung makikipagkita ka sa girlfriend mo??" singhal niya dito

"Hindi ko na siya girlfriend. She broke up with me" malamig nitong tugon sa kanya

"So kaya ka naglalasing? At pagkatapos ay ibabaling mo sa akin ang pagkasawi mo sa pagibig. Ginusto mo yan, tiisin mo!!" wika niya rito

"Hindi iyon ang dahilan Moks.. ang dahilan eh ikaw.. Ikaw Moks.. TangIna!!!" sigaw nito sa kanya sabay talikod at suntok sa pinakamalapit na pader.

Nakita niyang dumugo ng bahagya ang kamay nito matapos ang malakas na suntok nito. Siya man ay nabigla rin sa ginawa nito

"Moks... hindi mo alam kung gaano ko hinangad na sana ako naman ang makita mo.. hindi mo alam kung gaano kasakit na marinig mula sa labi mo ang pangalan ng Jake na yan habang pinagmamasdan kitang matulog. Moks ang tagal.,... ang tagal kong hiniling na sana ako naman ang makita ng mga matang yan.. Kasi ako.. buong buhay ko ...ikaw lang ang nakikita ko.. Tang Ina"

Sinuntok muli nito ang pader.

"Hindi mo ko kilala at hindi mo alam ang mga sinasabi mo" malamig niya pa rin tugon dito.

"Sino ka nga ba?"

"Jude... Jude Dela Riva" maikli niyang sagot

"Ikaw pa rin ba ang bestfriend  ko"

"Wala akong kaibigan. Darkness is the only friend that I got. Nothing more.. nothing less"

"Moks..." mahinang tawag nito sa kanya.

Humiga siya at tumagilid para huwag na niyang makita ang mukha nito. Sa huling pagkakataon ay nagsalita siya... ng bukal sa puso niya.

"Tama na iyan.. Masyado ka ng maraming nainom"

"I like it when you said that... its like you still care.. even if you dont anymore" wika nito saka sinundan ng maikling tawa

"Matulog ka na"

"Siguro nga Moks.. Kailangan ko ring matutong matulog.... Kailangan ko rin matutong mapagod.."

At ilang saglit pa ay kumalabog uli ang pinto at pagkatapos ay narinig niya ang mga hakbang nito palayo.

Itutuloy...

[24-A]

Maaga siyang pumunta sa NASUDI Bldg para sa emergency meeting na ipinatawag ni Director Lee. Somehow he felt the need to get up early para hindi sila magkasabay ni Red. It would be awkward having him again on the same table. Kanina bago siya umalis ay pinilit siyang kumain ng nanay ni Red. He cant say No to Red's mother. Sa tuwing nagpapakita ito ng concern sa kanya ay may boses na naman na waring bumubulong sa kanya:  "Ikaw pa rin naman si Adrian Dela Riva, yung naging choir member, presidente ng paaralan niyo nung high school, yung best friend ni Red at syempre yung nagiisang anak ko"

He forgot what it feels like to be a son. Maybe that's a good thing. Sentimentality makes people weak. He's lucky enough that he could see the world not on its dramatic façade.

He is on his usual get up. It doesnt really take time to dress up in pure black gothic outfit. Nahihirapan lang siya kapag kailangan na niyang ilagay ang eyeliners at i blow dry ang kanyang buhok. His red hair is not that good kapag basa ito. He sat there in the office alone at kasalukuyan niyang kaharap ito. Director Lee seems to be disoriented ngayong umaga parang ang dami nitong inaasikaso. Kung tutuusin nung nasuspend siya ay dapat pumapasok pa rin siya sa klase. But there's an unnatural force inside him telling him to stay at Red's house. Red, what are you doing to me? tanong niya sa sarili.

"So you are early, I guess?" tanong sa kanya ng Director.

"Yeah, just dont want to miss this emergency thing" maikli niyang sagot dito

"OK, we will wait for Red. I texted him and he said he is on the way" wika ng Director sa kanya habang nakatunghay ito sa cellphone na hawak-hawak

"How about the singing heart rob? Will he be around?" tanong niya na ang tinutukoy ay si Jake. Hindi rin maiwasan na maalala niya ag nangyari kahapon sa Glifonea. It doesnt really bother him at all.

"He was here before you. Pinilit niya ko na sabihin ang agendum ng emergency meeting because he has important things to do" sagot ng Director sa kanya

Hindi na siya nagtanong pa ng marinig ang sagot ng Director. Maybe that jerk wants prove his words. Kung hindi man siya guguluhin nito gaya ng naipangako nito sa kanilang paguusap ay isang magandang pangitain. That would be less burden. It would be easier to move when there's no one stopping him to do what he needs to do.

Napukaw ang atensyon nilang dalawa ni Director Lee ng bumukas ang pintuan ng opisina. It was the expected visitor. Red Antonio. Simple lang ang suot nito ng umagang iyon. It was that classy white polo shirt na may kaunting disenyo sa sleeve nito tinernuhan lang iyon ng maong jeans and a pair of sneakers. Parang hindi ito nakainom kagabi. Again, that usual boy next door get up. As usual gwapo pa rin he thought. Nakagat niya ang pangibabang labi. If ruining Jake's life doesnt bother him at all mukha yatang namemeligro ang pagtinin niya sa lalaki with this guy. 1 more day he thought again. Isang araw na lang ang hihintayin niya and everything will be back to normal. Org mate niya lang ito and that's the way how thighs should be.

"So.. I summon you two for an important announcement" pukaw ng Director sa atensyon nilang dalawa ng makita nitong nakaupo na sila ng side by side across the table.

Tahimik lang naman siyang naghihintay sa importanteng sasabihin nito. At some point ay naintriga siya sa sasabihin nito. But then again siguro ay tungkol lang sa NASUDI ang announcement na iyon.

"But where is Jake?" biglang tanong ni Red sa Director.

"He wont be around since he came earlier today to discuss the announcement with me. He said he is going to have an important errand kaya kayong dalawa na lang ang dapat kong i-meet. Just like what I told Jude here."

"So hinanap rin pala niya" biglang sarkastikong tanong ni Red sa sagot ng Director.

Nagtama ang mata nila sa pagkakatong iyon. Alam niyang pinaparinggan siya nito. Ngunit hindi siya nagpakita ng anumang emosyon at unang nagbawi ng tingin sa pagkakatitig nilang dalawa.

"Excuse Me?" basag ulit ng Director sa katahimikan na nasa kuwarto. Waring sandaling nawala sa ere ang kanilang pinaguusapan.

"Wala po" mabilis na bawi ni Red sa sinabi niya.

"K.. well.. I would like to inform you both that the university is conducting another big event. by the word big... it would be a huge production. Its more like the annual NASUDI Recital but its much more of a collaboration of what the university got. The President required all of the clubs and organizations to throw a ball inside the university. All of the students are expected to come on the said event. You see, yun ang pinagkaabalahan ko sa araw na wala kayo. It was an emergency meeting din on our end."

"You said a ball? What's that? I mean, we are in a University its not like we are in the palace" pangongontra niya sa sinabi nito. He had this bad feeling na ikakasira ng araw niya ang sasabihin ng Director.

"That is why it requires the participation of all of the clubs in the University to come up with that great idea. Anong silbi ng PINTADOS sa back drop and design ng venue?" wika ng Director sa kanya. Ang tinutukoy nitong PINTADOS ay ang art club sa kanilang unibersidad.

"So kailangan po ba ang presence namin sa event Direk?" magalang naman na tanong ni Red sa Director.

"Exactly. NASUDI is of course expected to handle the performances on the said ball."

"And the University thinks that we are carabaos and we will perform like hell on the stage?" sarkastiko pa rin niyang tanong dito

"Its not necessary that we will perform all night. There will also be numbers from various clubs, like GROOVE. Luckily, my lead singers are the only one who will perform on the said event." nakangiting wika nito

Hindi na siya kumontra pa. Magmumukha lang siyang kontrabida kung panay ang kontra niya. His status carried great responsibility. Bilang lead singer ng NASUDI ay kailangan niyang patunayan na kaya niyang gampanan ang tungkuling kakabit ng kanyang pangalan. It would also be a perfect time to refresh his performance. Ilang araw na rin siyang nababakante and not being able to handle a microphone makes him wanting to perform badly. Baka dun niya madivert ang mga inhibitions niya and if he will be able to sing a song ay baka mawala na ang awkward na nararamdaman niya sa lalaking kaharap niya. Expressing through a song makes a lot of wonders to him.

"So if it is a ball what would be the theme of the event. Para po ba tong anarchy or something?" tanong ulit ni Red sa Director.

Napapansin niyang hindi na siya nito tinatapunan ng tingin. Kung silang dalawa ang naguusap ng Director ay nakatingin lang ito sa kinauupuan ng Director o kaya naman ay nakatungo lang ito. Para namang may kakaibang kurot sa puso niya ang ginagawa nitong pangde-deadma sa kanya. Ugh!!  singal niya sa sarili. Kung bakit kasi ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya.

"Yup it would be a king and queen drama. A fairytale theme to be exact" pagkumpirma ng Director sa tanong ni Red.

Bigla namang napa-arko ang isang kilay niya ng marinig ang salitang "fairytale". He doesnt get why the university would waste its resources sa isang walang kabuluhang fairytale ball. This is not going anywhere. Akala pa naman niya ay makakakanta ulit siya ng mga metal rock or pop rock songs. It ended up na kailangan niyang magprepare naman sa ka-cornyhan na maaring maganap.

"Fairytale? What the hell did the President thought? Ano ba naman yan Direk, bumalik ba siya sa pagkabata and suddenly gusto niyang makita si Cinderella?" naiirita niyang wika sa Director. He is starting to get irritated again. Why is everyone gives a big fuss about stupid fairytales? naiinis niya ring bulong sa sarili.

Nagtama ulit ang mga mata nila ni Red. Habang nakapinta pa rin sa mukha niya ang pagkadismaya sa mga sinasabi ng Director ay wala naman itong kaem-emosyon na nakatitig rin sa kanya. Pagkatapos ay nakita niya itong umiling-iling ng konti nang ito naman ang unang magbawi ng tingin.

"If the University would now deal about fantasies and happy endings and with the murders and violence that we had experienced inside the campus, I think its not a bad idea." litanya naman ng Director sa kanya.

Para siyang sinampal sa sinabi nito. Hindi kaagad siya nakasagot. Bigla siyang pinagpawisan ng malamig. Nang makuha niya na ang buwelo ay nagsalita siyang muli para itago ang kanyang pagkabigla sa sinabi nito.

"You are just giving false hopes. Ang dapat gawin ng unibersidad ay tugisin kung sino man ang may kagagawan ng mga pagpatay na ito" he sounded like a diplomat ngunit hindi niya alam kung iyon nga ba talaga ang gusto niya. What he just said brought chills all over his body.

"Hindi iyon false hopes Jude. We dont want students to believe on happy endings, we just want them to know that happiness should not be ended. Kahit pa may mga naganap na karumaldumal na pagpatay. Hope is everywhere and so is happiness. We  want the students to know that the school is not a facility of premeditated murders but a facility of happiness. We dont want to lose that belief. Ayaw naming dumating sa punto na lahat ng estudyante ay matatakot ng pumasok dahil sa mga maling kaganapan" sermon ng Director sa kanya.

Hindi na ulit siya nagsalita. Nabakas niya sa boses ng Director na medyo nairita na ito sa kanya. Kung kaya naman ang pagiging tahimik na lang ang pinaka magandang solusyon sa tensyon na nararamdaman niya sa pagitan nilang dalawa.

"So whether you like it or not.. Both of you and also Jake will perform in one number"

"Ok sir. Im in" pag-gagarantisa ni Red sa sinabi ng Director.

Liningon siya ni Director Lee at hindi pa man ito nagtatanong ay parang alam na niya ang gusto nitong makuhang sagot sa kanya. Tinanguan niya na lang ito na parang napilitan anumang gawin niya ay hindi talaga siya kumbinsido sa gagawing pagtatanghal sa ball na iyon. Simply, he is not interested about fantasies and everything.

"Kailan po ba itong sinasabi ninyong ball?" magalang uling tanong ni Red sa Director.

"We are rushing things out. Dahil as we all know malapit na magsemestral break but since its a collaboration of various offices eh naging madali na lang ang preparasyon. The ball will be the day after your suspension ends."

"What?!!!!" bulalas niya sa sinabi nito. Hindi na niya napigilang mairita. "This is a joke right? You actually dont mean that we only have this day and tomorrow to have a practice?"

"I actually mean it Jude"

"But...But.."

"No buts Jude. This also the reason why I tapped you guys to perform on the event because we need high caliber performers who could stage a magnificent act with only limited time. At saka kakanta lang naman kayo, you cant involve any crucial dance on the song that I will let you guys perform.. And Im warning you guys, if this time you failed NASUDI again. Face expulsion. That's the rule remember?"

Wala silang imik sa huling sinabi nito. Alam niyang ang tinutukoy nito ay ang huling performance sa BABAYLAN.

"So the theme of the event is about fairytale and the program is labelled as ENCHANTED or ENCHANTED BALL. I expect you to master the song that I will give and come up with a performance on that date. Dont worry about your costumes, it will be provided or delivered to your house. By the way can I get your address Jude? Ikaw lang ang walang content dun sa information sheet. I need your specified present address kung saan ko ipapa-deliever yung damit"

"I'll just text you the exact address Direk. Hindi ko kasi matandaan yung exact house number namin" palusot niya rito.

May bahay nga ba siya? Wala. naikuyom niya ulit ang palad ng may pilit uling sumisiksik na ala-ala sa kanya.

"Ok and also.. I will just send you an email or a text sa pamagat ng kantang kailangan niyong pag-aralan. That will not be later this afternoon o maya-maya lang. Basta" si Director Lee.

He is sensing na hindi niya magugustuhan ang kantang pinili nito but then wala siyang choice kundi ang pumayag or that would mean na hindi niya na makukuha ang pinaka-aasam na performer of the year award. The battle against Jake is not yet over. He wants to steal that very ambition that Jake wanted. By hook or by crook, he will get that award.

"So I think that's it for today. See you in the Enchanted Ball and you may go back to your suspension." sarkastikong wika nito sa kanilang dalawa.

Tumayo naman siya at nakita niyang nakailang hakbang na palayo sa kinauupuan ni Red. He wasnt able to realize na kayang gumalaw ni Red ng hindi niya man lang napapansin. Nagpatiuna na ito sa paglalakad palabas ng opisina ni Director Lee.

Nang makalabas siya at nang isara niya ang pinto ay nakita niyang nakasandal ito sa dingding at hinihintay siya. Nag magtama ang kanilang mata ay wari siyang idinikit nito sa kanyang kinatatayuan. He didnt dare to move, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito matapos ang sagutan nila kagabi. Ngunit mas pinili na lang niyang maghintay sa kung ano ang mamari nitong sabihin sa kanya. Maybe ay papalayasin na siya nito because of what happened. And that would be easier.

"I guess." pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na magiging madali ang lahat.

"Hihintayin kita sa labas" mabilis na sabi nito sa kanya at pagkatapos ay tulo tuloy na humakbang palayo sa kanyang kinatatayuan.

Para naman siyang estatwa sa kinalalgyan niya at mga ilang segundo pa ay nakabawi na siya ng ulirat at tinahak ang banyo para ayusin ang sarili.

"Everything will be alright Jude, you only have 2 days more and then you can do whatever you want!" pagpapakalma niya ulit sa sarili. Nakailang buntong hininga na rin siya na nagbabadya ng kanyang pagkatuliro. But he still have to make this through.

Naalala niyang ang performance nila sa nasabing Enchanted Ball. Kung anuman ang kakantahin nila ay nananatili pa ring isang malaking palaisipan. Hindi niya kakayanin kung isa na naman itong love song. Oh how he hate love songs. It reminded him of some memories that should have been forgotten but keeps haunting him back. Minsan ay natatagpuan niya ang sarili na magigisng sa gitna ng gabi at napapanaginipan niya ulit ang lalaking nakasalamin na kasama ni Red ang dalawa ay masayang umaawit. When he tried to remember the lyrics of the song ay "Way Back Into ove" ang lumabas na pamagat sa Google. Simula noon ay hindi na siya nasurpresa ng kinanta nito ang awiting iyon sa dapat sanang mock wedding at ng kinanta ito ni Jake kahapon sa Glifonea's. After learning the song, it didnt bother him anymore. Kaya naman naihanda na niya ang sarili niya ng marinig muli ang kantang iyon.

Nakapasok na siya sa banyo at tuloy-tuloy na tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Mula sa kanyang balintataw ay nakita niya ang repleksyon ng lalaking nakasalamin. The guy was smiling to him. Parang wala itong napagdaanang sakit gaya ng mga naaalala niya. He knows this guy. They say his name is Adrian. At nagpapasalamat siya na nasaktan ito. Dahil wala siya kung wala ito. At pagkatapos ay unti-unting nawala ang repleksyon nito. Naiwan ulit ang repleksyon ng lalaking naka-eyeliner at nawala ang makakapal na salamin.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng tunog ng paplapit na tao. Sa hula niya ay babae ito dahil takong ng sapatos ang naririnig niyang papalapit. Natigil ito ng matapat ang mga paa sa banyong kanyang kinalalagyan. At nang iluwa na ng pinto ang babaeng nakatakong ay bigla niya agad naalala ang pangalan ng babaeng ito.

Si Sabrina.

Pinagmasdan niya ang suot nito. She was wearing a red dress, paired with black stilettos. Nakasabit sa braso nito ang mahaba-habang handle ng shoulder bag. Unang tingin pa lang dto ay talagang mahahalata mong anak mayaman ito. Nginitian siya nito ng matamis ngunit alam niyang sagad sa pagkapeke ang ngiting iyon.

"That's a fake smile... Barbie is jealous" sarkastiko niya agad na bungad dito ng mapansin niyang hindi maalis ang nakaplaster na ngiti nito.

Kinuha niya ang eyeliner sa bag at agad na nagsimulang lagyan uli ng kulay ang pangibabang mata.

"Of course Im not smiling at you. I just want to show that I have beautiful dentures" natatawang wika nito at inilabas din ang lipstick at sinimulang ipahid sa labi.

"Im not interested to dentistry especially false teeth? Sobrang PEKE." wika niya rito.

Nakita niyang biglang nagiba ang mood nito sa kaunting pagaalaska niya. Sabrina pursed her lips. Kung meron mang isang biyaya na naibigay ang Diyos sa kanya ito ay kakayahang basahin ang galaw ng bawat tao. Body language speaks a lot.

"Bullseye" he silently thought. Madali lang palang paginitin ito.

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit ganun na lang kumukulo ang dugo niya kapag nakikita ito. There is this unnatural force inside him that makes him irritated. Noong nagkasagutan rin sila dahil bigla na lang siya nitong inatake ng kung anu-anong akusasyon tungkol kay Red ay wala pa talaga siyang bahid ng kung anong galit dito. Kung pinisikal niya man ito ay para turuan lang ito ng leksyon sa pagtatangka nitong sabunutan siya. He cant be harmed by no one at kahit babae pa ito ay kaya niya itong patulan. Gender should not be a question in self defense.

"Mine is not fake. But I know a lot of people who pretends like bestfriend when in fact they want to suck their bestfriend's dick" sarkastikong wika rin nito sa kanya

"Aw? Its nice how you try to talk about things you dont understand."

"Dont dare to outsmart me because Im not as dumb as you think" wika nito sa kanya habang naniningkit ang mga mata.

"So tell me exactly? How much sperm do you need to swallow everyday to become that stupid? If you want to pretend that you are a smart ass first you need to become really smart. Otherwise, you're just an ass" nakangiting tugon niya rin dito

Nakakatwang isipin na hindi sila naguusap ng magkaharap. Nauusap sila sa harap ng salamin habang nagkukunwaring inaayos ang sarili kahit alam nilang dalawa na isa sa kanila ay malapit ng sumabog.

"You wont get Red." maikli nitong wika sa kanya saka nag-apply nag kaunting foundation.

"Hahaha"

"Excuse me? There's nothing funny on what I said" sigaw nito sa kanya

You know what they say, the best way to piss people is to smile and then laugh and then smile again bulong niya sa sarili habang nakangiti pa rin sa salamin.

"The moment tha you felt that there's competition between us is the moment that I won the fight" malakas na kumpiyasang wika niya rito. Hindi niya alam kung bakit niya pinapatulan ang babaeng 'to but he felt the need to.

"Anong ibig mong sabihin?" naiiritang tanong ni Sabrina sa kanya

"Im staying at their house. Im sorry hindi niya pala nasabi sa iyo because you two broke up. And its funny that you are acting like a 1st lady when in fact you dont hold any strings to him. You're just a stupid EX girlfriend" tuloy-tuloy na litanya niya dito

"I did it by purpose. I broke up with him but he left something in my tummy. Must be a Red Jr." nakangiting wika ni Sabrina sa harap ng salamin habang hinahaplos ang tiyan.

"Hahaha" bigla na naman siyang natawa ng malademonyo sabay umling-iling.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo??" naguguluhang tanong sa kanya ni Sabrina. She's not aware how her reactions backfire on her. Malamang ay hindi nito inaasahan ang reaksyon niya.

"You think that surprises me? I know that being a whore is your full time job and by the way,I told you.... Im not that stupid and I know that the smartest thing that would come out on your mouth is a penis." nakangiti niya pa ring wika rito

"Kung sinasabi mong demonyo ka pwes mas demonyo ako sa iyo and I wont let you ruin our relationship. Not a fag like you!!!" nagsisimula na itong sumigaw at mag hysteria

"I maybe gay but at least Im not desperate" hinarap niya ito saka tiningnan mula ulo hanggang paa.

"I wont give up just like that. I know that Im pregnant at papanagutan ako ni Red. Hindi lang ikaw ang demonyong makikipaglaban sa kanya"

"Then goodluck and may the best devil win" wika niya sabay kuha ng kanyang gamit at iniwan ito sa loob ng CR.

"Teka saan ka pupunta kinakausap pa kita!!!!" sigaw nito sa kanya ng makalabas na siya sa banyo.

Sa huling pagkakataon ay lumingon siya para patulan ang kahibangan nito.

"Im sorry. your ex boyfriend is waiting for me outside." wika niya saka nginitian ulit ito ng nakaka-asar.

Nang makailang hakbang siya ay narinig niyang sumigaw ito at may lumagabog sa loob ng banyo. He smiled victoriously. Nang papalabas naman siya ng building ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa Director. Probably the song that they should perform he thought. Binuksan niya ang mensahe and it read:

Song to perform: Taylor Swift's Love Story

Muntik na niyang maibato ang cellphone sa biglang pagkainis.

"For Christ sake!! Im not Juliet... Im Jude.. Bwisit!!!" singhal niya sa sarili saka itinago ang cellphone.

Itutuloy...

[24-B]

Isinilid niya ang kanyang cellphone sa bulsa. He even switched to flight mode para hindi siya makatanggap ng anumang tawag o text. That message from Director Lee just ruined his day. Paano nila kakantahin ang Love Story ni Taylor Swift? At isa pa ay magiging imposible na magkaroon ng isang pormal na pageensayo sa pagitan nilang tatlo. He is not good terms with the other lead singers. Naalala niya ring nangako si Jake na hindi na siya nito guguluhin on their last encounter. Siguro ay ito rin ang dahilan kung bakit hindi na ito nagpakita sa emegency meeting na ipinatawag ni Director Lee kanina. Pinandigan marahil nito ang ipinangako sa kanya.

Lumabas na siya ng building ng NASUDI at nahagip ng kanyang mata ang poster na nakapaskil sa labas ng Building. Poster iyon ng naganap na pictorial isang buwan na ang nakakaraan. Kung hindi siya nagkakamali ay kinuha ang larawan na iyon matapos matanggap si Red bilang isang NASUDI lead singer. Sa larawan ay makikita sa bandang kanan si Jake na nakasuot ng puting amerikana. Natawa siya ng bahagya ng makita ang suot nito. Kung gaano kasi kaputi ang damit nito ay kabaliktaran ang budhi nito. His eyes switched at the left corner of the poster. Nakita niya ang larawan ni Red. Taliwas sa nakangiting si Jake ay seryoso naman si Red sa larawan. He is just wearing a simple blue long sleeves with a cardigan on top. Nang tumingin siya sa lalaking nasa gitna ay nakita niya ang sarili niyang larawan. As usual he is wearing a black outfit. He has this gray V-neck shirt and a black vest over it. Siya na siguro ang may pinakamaraming accessories na suot sa poster na iyon. He is not that serious on the poster. He was smiling devilishly. Sa baba ng kanilang mga larawan ay ang mga titulong nakuha nila mula sa mga estudyante mismo. Jake the singing heartrob, Jude the Prince of Rock and Red the Balladeer. Sa parehong larawang ding iyon ay may kanya-kanya silang hawak na mikropono. Ang simbolismo ng kanilang pagiging mang-aawit sa unibersidad. At sa baba ng poster ay ang mga katagang:

The Zenith in Music

NASUDI

Are you one of us?

He silently laughed at the idea na para silang mga Diyos ng Musika na nagbibigay saya sa mga NorthEasterns. If they only knew he told himself. Hindi alam ng unibersidad na iyon ang kwento sa likod ng poster na ngayon ay nakakalat sa campus. Wala ni isa ang makakaalam sa mga gulo na nangyayari sa sinasabi nilang mga NASUDI Lead Singers. Kapag nasa taas sila ng entablado ay ang nakikita lamang ng mga ito ay ang kanilang talento sa musika. But nobody knows the story at the backstage. How ironic.

Sa ilang minutong pagninilay-nilay sa larawan ay nagpasya siyang ipagpatuloy ang paghakbang ng kanyang mga paa. He uttered a wish na sana ay hindi tinotoo ni Red na hihintayin siya nito sa labas ng building. Bigla niya ulit naalala ang sinabi ni Sabrina noong nasa loob sila ng CR kanina.

"I did it by purpose. I broke up with him but he left something in my tummy. Must be a Red Jr." nakangiting wika ni Sabrina sa harap ng salamin habang hinahaplos ang tiyan

Hindi niya alam kung maniniwala siya sa babaeng iyon. But then kung totoo man  iyon ay wala siyang dapat ikagalit o ikasama ng loob. Red, after all is a man. At dapat na babae ang makaksama nito. Pumikit siya ng mariin at pansamantalang tumigil sa paglalakad. Hindi niya rin alam kung apektado ba siya o hindi. But whatever he feels that moment shouldn't be entertained.

Sa isiping ito ay napabuntong hininga siya.

Kaagad na nakita niya ang isang kotseng puti sa labas ng building at sa bandang unahan nito ay nakasandal si Red. Nakita niyang nag-angat ito ng ulo at nagtama ang kanilang mga mata. Tinitigan siya nito ng ilang sandali at pagkatapos ay pumasok sa loob ng kotse. Nakita niya ang kotseng iyon sa loob ng bahay nila Red kamakailan lang. Kung iisipin ay maari nitong gamitin ang sasakyan papasok ng unibersidad ngunit ito ang unang pagkakataon na nakita niya na ginamit nito ang kotseng iyon.

"Should I go?"  tanong niya sa sarili na para bang may isa pa siyang taong tinatanong sa loob ng kanyang katawan. Nagdadalawa isip siya kung sasakay rin ba siya sa kotse.

Napagpasyahan niyang tumungo sa loob nito at umupo sa tabi ng driver's seat. Kunsabagay ay sinabi nitong hihintayin siya nito sa labas. Nang makapasok siya sa loob ay wala pa rin itong imik at tahimik na pinatakbo ang kotse.

Binabagtas na nila ang daan pabalik sa bahay nito. Wala pa ring paguusap na nagaganap. Panaka-naka ay sumisilip siya sa salaming nasa loob ng kotse. Kung minsan ay nahuhuli niyang nakatitig ito ng mariin sa kanya kung hindi naman ay titigan niya ito at pagmamasdan kung magbabago ba ang seryoso nitong mukha. Kaya minsan ay siya naman ang mahuhuli nitong nakatitig. It was an awkward scene. Sanay siya na siya ag unang kinakausap nito. Mas sanay siya na ito yung unang ngingiti sa kanya and then suddenly ay nag-aasaran na sila.

"Shit!! What am I doing?"  bigla niyang tanong sa sarili. Napansin na naman niyang nagpapadala na naman siya sa mga naoobserba niya rito.

Walang anu-ano ay bigla nitong naipreno ang kotse. Kung hindi siya naka seat belt ay malamang na nasubsob na siya sa salaming nasa harapan niya.

"Fuck!!! Kung magpapakamatay ka huwag mo kong isama sa kalokohan mo" bigla niyang sigaw ng matigil ang kotse sa gitna ng kalsada.

Matalim niya itong tiningnan. Nakita niyang nakahwak pa rin ang mga kamay nito sa manibela. Kung babasagin lang siguro ang mga manibela ng kotse ay kanina pa naging bubug iyon sa tindi ng pagkakakapit nito. Wari kasing may pinipigil ito o kinikimkim sa loob na anumang sandali ay nagbabadyang sumabog. Maya-maya pa ay nilingon siya nito. Naroon pa rin ang seryosong reaksyon nanakita niya simula kaninang umaga sa NASUDI Bldg. Tinitigan siya nito ng mariin na parang tinatantiya kung ano ang maari nitong sabihin sa kanya. Ilang sandali pa ay hindi na ito nakatiis sa pagtititigan nila at kaagad na nagsalita.

"Pwede ba tayo magusap sa labas?" seryosong wika nito sa kanya at agad na lumabas ng sasakyan nang hindi na hinihintay ang sagot nito.

Sumunod naman siya rito at nakita niyang nakaparada ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Sa gilid nito ay isang luntiang kaparangan na waring nagiimbita ng sariwang hangin. Nahawakan niya ang dalawang braso sa samyo ng malamig na hangin. Pagkatapos ay hinarap niya ito at tiningnan itong nakasandal sa paanan ng kotse.

"Alam ko nahihirapan ka na sa pagtira sa bahay. Ngayon kumbinsido na ko na hindi na nga ikaw yung nakilala kong Adrian. Kung ibang tao ka na nga, wala na akong magagawa dun." panimula ni Red sa kanya. Hindi siya nito tinititigan.

Hindi rin siya makapagsalita. His usual routine of fighting back on people's words seem to vanish at the moment. Wala siyang mahagilap ni isang salita para barahin ito. Wala siyang nagawa kundi ang makinig ng mabuti sa mga susunod pang sasabihin nito.

"Kung gusto mong umalis sa bahay bukas. You can. Hindi na kita pipilitin na magstay sa bahay kung araw-araw naman tayong mag-aaway. Hanggat maari ay ayaw kong umabot sa pagkakataon na magkakasakitan tayo dahil lang sa hindi na natin kilala ang isa't isa."nakatingin pa rin sa malayo ito na para bang hindi siya kayang harapin.

May kung anong sakit ang dala ng mga sinabi nito sa kanya. Ngunit hindi siya nagpahalatang apektado sa mga sinasabi nito. Nakatingin na rin siya sa malayo na para rin bang ayaw niyang masilip nito na apektado siya sa bawat salitang ipinupukol nito sa kanya ngayon. Inayos niya ang pagiisip at kaagad na humanap ng maari niyang sagot sa mga sinabi nito.

"Make it this evening. I want to get out of your house this evening." sa wakas ay nahagilap niya rin ang lakas para sagutin ito. Wala na sigurong saysay na ipagpabukas pa ang pagalis niya sa bahay nito. Ngunit bago siya umalis ay gusto rin niyang makapagpaalam ng maayos sa nanay ni Red. Kahit papano ay naging magiliw ito sa kanya kahit isang araw lang siyang natulog doon. Saka kailangan niya rin isalansan muli ang kanyang mga damit sa kanyang maleta dahil nakalagay lahat ng ito sa isang cabinet.

"Look. Dont take this na pinapalayas kita. Its just that ayaw kitang mahirapan sa.." hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla niyang pinutol ito.

"No. Hindi ako nahihirapan. I just want to be out of your house, as simple as that"

"Pwede mo naman ipagpabukas iyan."

"This evening."

Sa wakas ay humarap ito sa kanya at muli siya nitong tinitigan. Siguro ay inaarok nito ang kanyang sagot kung gusto nga ba niyang umalis ngayong gabi. Napabuntong hininga ito bago nagsalitang muli.

"Ok" wala saloob na sagot nito sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa para matapos na ang kanilang paguusap. He never thought that it would end up that easy. Kanina lang ay pinapakalma niya ang sarili na hindi siya dapat mag-alala sa nalalabing dalawang araw na pagstay niya sa bahay ng mga Antonio but here he is at ilang oras na lang at aalis na siya sa bahay na iyon.

"Pero may kundisyon ako bago ka umalis" mabilis nitong pagabala sa malalim niyang pagiisip

Napa kunot ang noo niya ng marinig ang huling sinabi nito. So this wont be that EASY?  wika niya sa sarili ng marinig sinabi nito.

"Ano iyon?" balik tanong niya dito. Kung gagawin niya ang kundisyong ito ay magiging madali na lang ang lahat. Besides, he can do everything. Alam niyang makakaya niya kung anuman ang ipapagawa nito.

"Gusto kong bago ka umalis.. Gusto kong makilala si Jude Dela Riva.. at gusto ko rin ipakilala ang sarili ko sa kanya"

Tinimbang niya ang mga sinabi nito. Tama ba ang mga naririnig niya? May isang taong gusto siyang makilala. May isang taong gustong bigyan ng atensyon kung sino siya. Bigla siyang napipi sa sinabi nito sa kanya.

Sa kawalan ng salita ay tumango na lang siya bilang pagtugon.

Nang makita siyang tumango ay inilahad nito isang kamay at saka muling nagsalita.

"Sige... ako nga pala si Red Antonio.. Pwede mo kong tawaging Red.. pwede ring babe" wika ni Red sa kanya saka siya kinindatan. Nakita niya uling nakangiti na ulit ito. Na para bang nawala yung seryosong Red na kausap niya kanina.

Inirapan naman niya ito bilang pagtugon alumpihit pa rin siya kung tatangapin ang kamay nito. Para lang silang bagong magkakilalang kliyente na kailangan pa ang pormal na pagpapakilala.

"Ganyan ka ba talaga kataray?" natatawang tanong nito sa kanya. Hindi pa rin maalis ang ngiti nito sa kanya.

"God... anong ginagawa ng lalaking ito sa akin?" tanong niya sa sarili. Sa huli ay tinanggap niya na lang ang kamay nito para mawala ang kanyang pagaalangan.

"Jude.. Jude Dela Riva" pakilala niya rin dito ng abutin niya ang mga kamay nito.

Sa di maipaliwanag na dahilan ay may naramdaman siya kuryente ng magkahawak ang kani-kanilang palad. Bumilis ang tibok ng puso niya ng hawakan niya ang kamay nito. Napansin niya ring biglang naging seryoso ulit ang mukha ni Red ng hawakan niya ang kamay nito.

"Ahm... ah... eh ... Jude?" alangang tanong ni Red sa kanya. Magkahawak pa rin ang kamay nila.

"B..bakit??" gusto niyang batukan ang sarili kung bakit siya nauutal. Gusto niyang bawiin ang kamay niya mula rito ngunit hindi niya magawa.

"Pwede ba kitang tawaging Moks?? Kung OK lang" tanong ni Red sa kanya.

"Yeah.. Ok lang" sagot niya ng hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay nito.

"Ah..eh.. Moks?" nakangiti na ulit nitong tawag sa kanya. Yun yung ngiting hindi niya maiwasang tingnan ng paulit-ulit.

"B..bakit??" tanong niya ulit dito. Parang puro 'bakit' ata ang script niya ngayon. May kung anong magneto ang epekto ng pagkakadaupang palad nilang dalawa at ang mga ngiti ni Red.

"Yung kamay ko Moks" nakangiting wika ni Red sa kanya.

Nang tingnan niya ang mga kamay nila ay nakita niyang siya na lang pala ang nakahawak sa kamay nito. At mahigpit pa ang pagkakahawak niya. Agad naman niyang binawi ang kamay niya sa sobrang pagkapahiya at tiningan niya kung anong reaksyon nito. Nakita niyang nakangiti pa rin ito sa kanya.

"Tara na sa kotse Moks?" tanong nito sa kanya.

Nanatili lang siyang nakatulala dito dahil sa mga ngiting iyon.

"Pero Ok lang din kung dito tayo tapos hawakan mo ulit kamay ko" inilahad nito ulit ang kamay sa kanyang harapan

Kinuha niya ito at pinilipt bigla. Nakita niya namang nabigla rin si Red sa ginawa niya at tumiklop ang mukha nito marahil sa sakit ng pagkakapilipit ng kamay nito.

"Aw? Para san naman yun Moks?" wika ni Red ng bitiwan niya ang kamay nito

"Masyado kang feeling gwapo" pagtataray niya rito at nauna na siyang pumasok ng kotse.

"Pikon ka pa rin talaga hanggang ngayon Moks. " natatawang wika nito sa kanya nang makapasok na sila ng sabay sa kotse.

"Feeling" naiirita niyang wika rito. Nagsimula ng umandar ang kotse at nakangiti na itong nagmamaneho. Panaka-naka ay sinusulyapan siya nito at pag mahuhuli nitong nakatingin rin siya sa salamin ay bigla na lang itong kikindat sa kanya. Panay naman irap lang ang sagot nia sa mga kindat nito at saka nito susundan ng mahinang tawa. Wala mang musikang pinapatugtog sa loob ng kotse ay para namang musikang gusto niyang uli-ulitin pakinggan ang tawa nito.

Nang mapagod siguro ito kakatawa at kakangiti ay sumipol naman ito ng isang kanta. Hindi pa man tumatagal ang pagsipol ay alam niya ang pamagat ng kantang iyon. It's Way Back Into Love.

"What's with the whistle?" naiirita na naman niyang tanong. Habang sumisipol kasi ito ay ngumi-mgit rin ito at saka siya susulyapan.

"Im just happy" makli nitong sagot sa kanya

"Dahil??"

"Kasi may date ako" ngi-ngiti ngiting sagot sa kanya ni Red.

"Kung ayaw mong pilipitin ko ulit yang kamay mo. Better keep quiet" inis niyang sagot

"Whoah!! Easy!.. Ganyan ba tlga si Jude? But seriously.. masaya ako dahil may makikilala uli akong bagong tao saka may ipapakilala rin ako sa iyo" biglang seryosong tugon nito.

"Sino?" naiintriga niyang tanong dito. Bigla naman siyang kinabahan sa sinabi nito. Hindi kaya may bago na itong girlfriend na ipapakilala sa kanya?... So what Jude? Wala ka ng pakialam dun?? Its none of your business! pagtatalo niya sa kanyang isip.

"Si Adrian.. Adrian Dela Riva" seryoso nitong sagot sa kanya

Para naman siyang pinasakan sa bibig ng marinig ang pangalang iyon. Kung nagpapatawa ito o hindi ay hindi niya na alam. Dahil base sa reaksyon nito ay walang bahid ng pagbibiro ang pagkakasabi nito sa kanya.

"Nasaan ba siya?" wala sa loob na tanog niya. Hindi niya alam kung nararapat bang itanong iyon.

"Hindi ko alam.. Pero alam ko babalik siya" nakangiting tugon na naman ito sa kanya

Katahimikan.

Ilang saglit pa ay wala na naman silang imikang nakarating sa bahay nila Red. Gaya ng una niyang naabutan ay walang tao sa loob ng bahay ng mga ito. Nandun naman ang kasambahay nito ngunit may inaasikaso ito sa hardin. Nang makapasok na sila ay agad itong nagsalita.

"Parte ng deal natin yung susundin mo ang ipapagawa ko sa iyo. Ngayong araw lang" seryoso pa rin nitong panimula

"What do you mean?" tanong niya na nakakunot ang noo.

"Alam ko namang pagkatapos ng gabing to.. aalis ka na so might as well make the most out of it.. Dont worry pagkatapos nito hindi na rin kita guguluhin." sagot nito sa kanya

Naramdaman niyang may bahid ng lungkot ang pagkakasabi nito sa kanya. Ngunit napilitan pa rin siyang magtanong para maklaro ang lahat.

"At ano naman iyong mga ipapagawa mo?"

"Sakin na lang yun" bigla na namang ngumiti ito at kinindatan na naman siya.

Iiling-iling na lang siyang umakyat ng hagdan para magpalit ng damit. Kung sa kidlat ay kasingbilis rin nito magpalit ng emosyon si Red. Akala niya kanina ay nagagalit ito ngunit nandun yung ngingitian lang siya nito at siya naman ngayon yung hindi makakapagsalita. And he thought he is the one who is the master of his emotion. Looks like nakahanap siya ng katapat niya.

Nang makapasok siya ng kuwarto ay naghanap kaagad siya ng sandong itim para pamalit sa kanyang suot. Maya-maya pa ay napansin niyang nakasunod na si Red sa kanya. Nakita niyang may dala dala itong tupperware na sa hula niya ay ice cream at ilang mga junk foods. Pagkatapos ay inilock nito ang pinto at inilagay ang mga dala-dala sa mesang nasa pagitan ng kanilang mga kama. Nakita naman niyang binuksan nito ang TV sa loob ng kuwarto, may kung anong kinutingting rin ito sa CD player na nakapatong sa itaas nito.

"Yan so since tanghali pa naman at mainit pang gumala.. nood muna tayo ng pelikula.. OK lang ba sa iyo yun?" tanong ni Red sa kanya. Nakita niyang nagpapalit na rin ito ng pangitaas. Napako naman ang tingin niya dito ng maghubad ito ng pantalon at boxers na lang ang matira bilang pangibabang damit.

"Hoy!!! tinatanong kita Moks? Ano ba kasing tinitingnan mo?" bulyaw uli ni Red sa kanya

"Ah? Ako? Oo sige sige... pasyal tayo" natarantang sagot nioya

"Anong pasyal? Mamaya pa yun.. ang sabi ko.. Ok lang ba sa iyo na manood muna tayo bao lumabas mamaya?" ulit ni Red sa tanong niya kanina

"Yeah.. Ok.. Ok.." parang natataranta pa rin siya sa pagkakahuli nitong pagtitig niya.

"Pero pwede rin naman iba ang gawin natin.. iba kasi tinitingnan mo kanina" natatawang asar ni Red sa kanya

"Subukan mo... para hindi mo na tuluyang magamit yang kamay mo" pagbabanta niya

"Kunwari pa" narinig niyang bulong ni Red sa sarili.

"May sinasabi ka?" pagtataray niya

"Wala po Moks ko... Init ng ulo eh"

"Ano ba ang papanoorin natin?" tanong niya rito

"Ahm.. ikaw.. may particular title ka ba sa isip mo?"

"Texas Chainsaw Massacre? What do you think?"balik tanong niya rito

"Seriously? hindi pa ba sapat sa iyo yung patayang nababalitaan mo sa school?" iiling-iling na tanong sa kanya ni Red

Bigla na naman siyang pinanlamigan ng kalamnan sa narinig kay Red ngunit ihiniga niya na lang ang sarili sa kanyang kama at hindi nagsalita.

"Oh bat diyan ka?" nagtatakang tanog sa kanya ni Red.

"Dahil ito ang kama ko?" pilosopong sagot niya dito

"Haha. Alam ko. Pero dahil manonood tayo ng sabay. Dito ka dapat sa tabi ko."

"What? Bakit?"

"Remember the deal diba? Gagawin mo ang lahat ng ipapagawa ko sa iyo" wika ni Red sa kanya.

And that smile again.

"Binabalaan kita Red Antonio. Pag may ginawa kang masama. Talagang babalian kita!" singhal niya dito at saka tumayo pumunta sa tabi nito. Umupo siya sa pinakagilid ng kama nito.

"Oh ano yan? Nakatabi ka nga sa akin.. Ang layo mo naman"

Napilitan siyang humiga na lamang sa tabi nito. Nakatuwid ang katawan niya na parang naninigas sa sobrang kaba. Nakapatong ang kanyang kamay sa ibabaw ng kanyang tiyan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang humiga na rin si Red sa tabi niya. Pagkatapos ay naramdaman niyang iniangat nito ang kanyang ulo.

"Anong ginagawa mo?"

"Relax Moks.. Gusto ko lang ihiga ka dito sa braso ko"

"huh? Kailangan ba iyon?"

"We have a deal right?"

Umikot na lang mata niya pagkarinig sa huling sinabi nito at walang nagawa kundi humiga sa braso nito. Bahagya siyang nagulat ng kabigin nito ang katawan niya para mas mapalapit sa katawan nito. Agad niyang naamoy ang pinaghalong cologne at lalaking lalaking amoy nito. Ngayong magkalapit ang katawan nila ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.

Pinindot nito ang remote na hawak at maya-maya ay nagplay na ang pelikula.

Kulang na lang ay pumutok ang ulo niya sa sobrang inis ng makita ang nagpi-play sa TV screen. It was Disney's Little Mermaid.

"What the hell is that?" bigla siyang bumangon sa pagkakahiga sa braso nito at tiningnan niya ito ng masama.

"Little Mermaid hehehe" natatawang sagot ni Red sa kanya.

"Is this part of the deal?" naiiritang tanong pa rin niya.

Nakangit lang itong tumango at walang imik na pinahiga ulit siya sa braso nito. Nabigla naman siya ng yakapin siya nito at pumikit na lamang na parang ready ng matulog.

"Akala ko ba manonood tayo?" naiiritang tanong niya.

"Eh ang sarap mong yakapin eh.. Mas kuntento ako sa ganito"wika nito sa kanya.

"Pwede palitan yung movie?" nagaalangan tanong niya rito. Hindi pa rin siya kumportable na nakayakap ito sa kanya. Habang ang isang hita naman nito ay nakapatong rin sa kanya. He can feel something from Red's.

"Ayaw... Manoond ka lang diyan.. Yakapin lang kita muna"

Naiinis na siniko niya ito. Kung bakit pa kasi ay kailangan niyang pagtiyagaan ang pelikulang ito.

"Aw!.. Ano naman ginawa ko Moks?" tanong nito sa kanya. Gayunpaman ay hindi pa rin naalis ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Bakit ba kasi Little Mermaid!!!" naiinis niyang bulyaw dito. He is so helpless that all he can do is complain.

Natawa naman ito sa inasal niya ngunit nang tingnan niya ito ay nakapikit lamang ito habang nakayakap sa kanya.

"Paborito kasi yan ni Adrian noon.. Noong mga bata pa kami gasgas na yata ang CD kakaulit-ulit niya." maikling sagot nito sa kanya.

Hindi na lang siya umimik sa sinabi nito. Mataman na lang siyang nakatutok sa pinapanood.

Bigla siyang nakaisip ng ideya. Nahagip ng mata niya ang remote at siguro naman ay pwede niyang patayin ang TV kapag naramdamn niya makatulog ito. Pinagmasdan niya muna ito ng mabuti at ng makitang pikit na pikit ito ay dahan dahan niyang kinuha ang remote na hawak nito. Isang daliri na lang sana ang tatangalin niya ng biglang humigpit ang hawak nito sa remote atmas lalo yata siyang nilingkis nito. Napabuntong hininga na lamang siya sa pagkadismaya.

"Subukan mong patayin yan at porn ang isasaksak ko diyan."

Siniko na naman niya ito bigla sa binitiwan nitong biro.

"Ang sakit mo talagang magmahal kahit kailan!" biro nito ulit sa kanya at parang hindi ininda ang pagkakasiko niya. Nanatili pa rin itong nakayakap ng mahigpit.

Hindi na lang niya ulit ito pinatulan at nagka concentrate na lang sa pinapanood. Nasa eksena na siyang kinakausap ni Ariel si Ursula na bigyan siya ng mga paa.

"Ariel, a sixteen-year-old mermaid princess, is dissatisfied with life under the sea and curious about the human world. With her best fish friend Flounder, Ariel collects human artifacts and goes to the surface of the ocean to visit Scuttle the seagull, who offers very inaccurate knowledge of human culture. She ignores the warnings of her father King Triton and his adviser Sebastian that contact between merpeople and humans is forbidden, longing to join the human world and become a human herself.
One night, Ariel, Flounder and an unwilling Sebastian travel to the ocean surface to watch a celebration for the birthday of Prince Eric on a ship, with whom Ariel falls in love. In the ensuing storm the ship is destroyed and Ariel saves the unconscious Eric from drowning. Ariel sings to him, but quickly leaves as soon as he regains consciousness to avoid being discovered. Fascinated by the memory of her voice, Eric vows to find who saved and sung to him, and Ariel vows to find a way to join him and his world. Noticing a change in Ariel's behavior, Triton questions Sebastian about her behavior and learns of her love for Eric. In frustration, Triton confronts Ariel in her grotto, where she and Flounder store human artifacts, and destroys most of the objects with his trident. After Triton leaves, a pair of eels, Flotsam and Jetsam, convince Ariel to visit Ursula the sea witch in order to be with Eric. Ursula makes a deal with Ariel to transform her into a human for three days in exchange for Ariel's voice, which Ursula puts in a nautilus shell. Within these three days, Ariel must receive the "kiss of true love" from Eric; otherwise, she will transform back into a mermaid and belong to Ursula. Ariel is then given human legs and taken to the surface by Flounder and Sebastian. Eric finds Ariel on the beach and takes her to his castle, unaware that she is the one who had saved him earlier, assuming her to be a mute shipwreck survivor. "

Hindi man tinitingnan ni Red ang pelikula ay alam na alam na niya ang kuwento nito. Noong mga bata pa talaga sila ni Adrian ay paulit-ulit nitong pinapanood ang mga Disney Series at ang Little Mermaid ang isa sa mga paborito nitong ulit-ulitin. Magiisang oras na rin siyang nakayakap kay Jude and somehow he felt satisfied na yakap niya ito. A satisfaction he never felt when he hugged his previous flames. Naulinigan niya ang sumunod na eksena sa pelikula ngunit pumikit lang siya habang yakap pa rin si Jude.

"Ariel spends time with Eric, and at the end of the second day, they almost kiss but are thwarted by Flotsam and Jetsam. Angered at their narrow escape, Ursula disguises herself as a beautiful young woman named Vanessa and appears onshore singing with Ariel's voice. Eric recognizes the song and, in her disguise, Ursula casts a hypnotic enchantment on Eric to make him forget about Ariel.
The next day, Ariel finds out that Eric will be married to the disguised Ursula. Scuttle discovers that Vanessa is Ursula in disguise, and informs Ariel who immediately goes after the wedding barge. Sebastian informs Triton, and Scuttle disrupts the wedding with the help of various animals. In the chaos, the nautilus shell around Ursula's neck is broken, restoring Ariel's voice and breaking Ursula's enchantment over Eric. Realizing that Ariel is the girl who saved his life, Eric rushes to kiss her, but the sun sets and Ariel transforms back into a mermaid. Ursula reveals herself and kidnaps Ariel. Triton confronts Ursula and demands Ariel's release, but the deal is inviolable. At Ursula's urging, the king agrees to take Ariel's place as Ursula's prisoner. Ariel is released as Triton transforms into a polyp and loses his authority over Atlantica. Ursula declares herself the new ruler and a struggle ensues in which Ursula accidentally kills Flotsam and Jetsam. In her rage, Ursula uses the trident to grow to monstrous proportions."

Malapit na niyang matapos ang pelikula ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naging kumportable ang kanyang katawan habang yakap siya ni Red. He felt so secured na parang gusto niyang huwag na sanag matapos ang pelikula dahil ibig sabihin rin nito ay matatapos na ang pagyakap nito sa kanya. In the long run, natagpuan niya ang sariling tutok na tutok sa sa pelikulang pinapanood.

"Ariel and Eric reunite on the surface just before Ursula grows past and towers the two. She then gains full control of the entire ocean, creating a storm with a maelstrom and shipwrecks, one of which Eric commandeers. As Ursula attempts to destroy a trapped Ariel in the maelstrom, Eric runs Ursula through the abdomen with the ship's splintered bowsprit, killing her. Ursula's power breaks, causing Triton and all the other polyps in Ursula's garden to revert back into their original forms. Realizing that Ariel truly loves Eric, Triton willingly changes her from a mermaid into a human. Ariel and Eric marry on a ship and depart."

Sa wakas ay natapos din ang pelikula. Kung ano ang posisyon nila kaninang simula ng pelikula ay iyon pa rin nang mag-roll ang credits. Pinagmasdan niya ito habang nakapikit npa rin na yakap siya. Bigla na namang niyang naalala ang lalaking nakasuot ng salamin na kasama si Red. Para siyang nagbalik sa eksena noong high school pa lamang ang mga ito.

Hindi niya nakontrol ang sarili na harapin ito at yumakap na rin siya. Now, he can feel the warmth of his body. Bumalik uli ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. It feels like he doesnt want to end the hug. Pumikit na rin siya ng mariin. Jude, What's happening to you? tanong niya bigla sa sarili. Nakakatawang isipin na may mga bagay siyang nagagawa without consulting his logic.

Maya-maya pa ay naramdaman niyang may mga labi na dumampi sa labi niya. Gumanti siya rito.

Naputol ang halik na iyon nang ang labing dumampi sa kanya kanina ang kusang bumitaw. Nagmulat siya ng mata at nakita niyang mataman siyang pinagmamasdan ni Red. Seryoso lang ang mukha nito. Ilang segundo lang ang kinailangan niya at nabawi na niya ulit ang sarili mula sa naganap na halik at agad siyang tumayo.

"Ah...Ahm... tapos na yung movie..." natatarantang wika niya rito

"Ganun ba?" kumpirma ni Red sa kanya. Bakas rin sa mga mukha nito na wala rin itong maapuhap na salita matapos ang naganap na halik.

"Oo..oo.. Yun na ba yun?" tanong niya

Kung iyon lang ipagagawa nito sa kanya ay madali lang palang matatapos ang deal nila. Kung sakali ay pwede na siyang magpahinga at matapos na ang kahibangang ginagawa niya.

"Anong yun na yun.. Magbihis ka na.. Aalis tayo." wika ni Red sa kanya at nakita niyang isinuot muli nito ang pantalon na suot kanina.

Hindi na siya kumontra pa. Isusuot na sana niya ulit ang itim na T-shirt niya kanina nang biglang sumabat ito.

"Oh teka! Wag iyan ang isuot mo!" agaw atensyon ni Red sa kanya

"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong niya

Inihagis nito sa kanya ang isang puting T-shirt, parang naluma na ito ng panahon. Nang tingnan niya ang T-shirt ay may larawan ito ng isang cartoon. Si Robin. Mabilis naman niyang tinitigan suot na T-shirt ni Red, si Batman naman ang naka-imprenta dito.

"What's with this shirt?" tanong niya

"Ahm.. pinagawa namin yan ni Adrian nung high school kami.."

Wala na siyang nagawa kundi isuot ito. Kapag binabanggit nito ang pangalang 'Adrian' ay hindi niya mahagilap ang dapat niyang sabihin. Nang maisuot niya ito ay wala sa loob siyang nagtanong.

"Hindi naman siguro to couple shirts diba" mabilis niyang tanong.

Parang gusto niyang sampalin ang sarili sa nasabi niya rito. Ngunit huli na ang lahat para bawiin ang tanong na iyon.

Natawa naman ito sa tanong niya. "Hindi naman pero kung gusto mo Ok lang din.." sagot ni Red sa kanya sabay kindat.

Inirapan niya na lang ito. Wala na siyang maisip na sasabihin sa tuwing nakikita niya ang ngiting iyon. Para siyang nahihipnotismo sa tuwing ngingiti ito ng ganun.

"Naalala ko lang kasi yung sinabi ni Adrian nung naglalaro kami nung mga bata pa kami.. Ako si Batman tapos siya naman daw si Robin." pagbabalik tanaw nito.

Hindi siya makatingin ng diretso dahil habang nagbabalik tanaw ito ay nakatitig lang ito ng mariin sa kanya. Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"Moks.." mahinang tawag nito sa kanya.

"Ops?" nawawala sa sariling tugon niya.

"Sa tingin mo? Ok lang na mahalin ni Batman si Robin.. yung higit pa sa kaibigan" seryoso nitong tanong sa kanya habang tinititigan siya ng mata sa mata.

Sandali siyang nagisip saka sinagot ang tanong nito.

"Sa tingin ko Ok lang... pero pag natapos ang kwento... si Batman para pa rin kay Catwoman.. Maiiwan lang din si Robin lalo na pag alam niyang buntis si Catwoman" seryoso niyang sagot at nagpatiuna na siyang lumabas ng kuwarto.

[24-C]
Back to square na naman sila ni Jude. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang motibo nito at nasabi nito ang mga katagang iyon:

"Sa tingin ko Ok lang... pero pag natapos ang kwento... si Batman para pa rin kay Catwoman.. Maiiwan lang din si Robin lalo na pag alam niyang buntis si Catwoman"

It cant be Sabrina. Binalikan niya ang nangyari noong huling magkita sila. Hindi kaya ginawa lang ito ng ex niya para mabuntis at panagutan niya? But No! Sabrina cant do that. Alam niyang disenteng babae ito and she cant just be desperate like that. Matagal niya na itong kilala at hindi ito kaladkaring babae. What happened between them was pure sweet goodbye.

Tiningnan niya ulit si Jude sa tabi niya. He was there as good as the old Adrian. Naalala nya nung iniregalo ni Adrian sa kanya yung T-shirt na yun noong highschool sila. It was a gift when he won a singing contest in their school. Sa sobrang tuwa niya ay hiningi na rin niya ang T-shirt na kaparehas ni Adrian and he kept that in his closet. Noong araw na hiningi niya ito ay ninakaw niya muna ito sa lalagyan ng damit bago niya ipinagpaalam at syempre wala na itong nagawa kundi magpaubaya. Adrian was always like that, hinding hindi ito magsasabi ng 'hindi' hanggat kaya niyang ibigay kahit hindi niya kakilala, ibibigay niya pa rin kahit pa mabigat sa kalooban niya magpaparaya pa rin siya.

The guy beside him is totally different. Noong una akala niya ay estilo lang ng pananamit nito ang nagiba ngunit nagkamali siya. Noong makapasok siya sa NASUDI ay nakita niyang malaki ang agwat nito kay Adrian. Jude was a total fighter. Para itong dragon kung magalit na hindi mo na gugustuhing lumaban especially when you saw those eyes na nagbabadya ng maaring masamang mangyari. But he admire how the version of Adrian today was able to fight his way against people na nangmamaliit dito. And for that, he dont need to over protect him anymore from Jake. Akala niya rin noong una ay ugali lang din ang nagbago rito.

But he noticed some impossible changes.

Adrian can never go out without his eyeglasses. May grado ang eyeglass na ginagamit nito but Jude has a perfect vision. Akala niya nga noong una ay gumagamit ito ng contact lenses but then he saw up close na mata talaga niya ito. Then the dinuguan thing.. Kung meron mang tao na alam na alam kung ano ang paborito at hindi ni Adrian it would be him. Sa ilang taon nilang magkasama ay alam niyang ayaw na ayaw nito ang dinuguan may isang pagkakataon pa nga na nasukahan siya ni Adrian dahil lamang sa nakakita ito ng dinuguan. But Jude, nakita niya kung paano nito kainin ang dinuguan na nakahain sa mesa noong tumuntong ulit ito sa kanilang bahay. He was so speechless that time. Tila ba ibang tao ang kaharap niya.

Pero hinding hindi siya susuko kung sumuko na si Adrian sa buhay niya, siya ang lalaban para dito. He wants his bestfriend back and he will do everything to succeed. At some point, aaminin niya na medyo nawawalan na siya ng pag-asa pero ngayon pa ba siya susuko? Nandito na ulit si Adrian maaring nagiba na ito ngunit hindi ang nararamdaman niya para dito.

He doesnt know what's on Red's mind. Hindi niya alam kung nakuha ba nito ang ibig niyang sabihin sa mga huling sinabi niya tungkol kay Catwoman. It was an obvious metaphor. Sino nga ba siya para pigilan si Red na panagutan si Sabrina kung sakali mang totoo ang sinasabi ng babaeng iyon? Teka. Bakit ka ba apektado Jude? Focus..Focus..Focus... bulong niya sa sarili.

"Focus...Focus...Focus.."

"Anong focus?" agaw atensyon sa kanya ni Red.

"Huh?" naguguluhang tanong niya

"Kanina ka pa focus ng focus... nagme-meditate ka ba?" natatawang tanong ni Red sa kanya

Bigla siyang pinamulahan ng mukha ng marealize na ang ibinubulong niya pala sa sarili ay namumutawi na sa kanyang bibig. Nakakainis lang isipin na he is starting to lose consciousness on what's real and what should be kept to himself.

"Nagustuhan mo ba yung movie kanina?"

"You know that I dont like fairytales" malamig niyang sagot dito

Alam niya sa sarili niyang nagsisinungaling siya. He found himself smiling sa tuwing magki-kiss si Ariel at Eric. Hindi niya alam kung saan nangagaling ang urge na yun. Nandoon din yung napapakanta siya ng mahina sa "Part of your world" ni Ariel. The movie was good at the same time pathetic. Kung siya ang nasa kalagayan ni Ariel , he will never trade his voice over a man. Bakit nga ba kailangan laging magsakripisyo para sa lalaki? Lalaki LANG. Its not worth it. Sa huli masasaktan lang din sila.

"How about happy endings? Do you at least believe in it?" pangungulit nito sa kanya

"There's no such thing as happy ending." wala pa rin kaemo-emosyon niyang sagot

"I believe we create our own endings... and Im determined to have a happy one" wika ni Red sa kanya sabay titig ulit sa kanyang mga mata.

"The thing about happy ending is that no matter how happy the ending was still ...it ended "

"Siguro tama ka... pero kung masayang natapos ang kwento.. its more than enough"

"You are one lucky bitch kung natapos nga ng masaya pero paano kung Once Upon A Time..naniwala ka na at lahat.. sinuyod mo na ang Far Far Away na yan para mahanap si Prince Charming pero ang ending.. walang True Love's Kiss at namalayan mo na lang na ang pinakahuling pahina.. nakatakda para lamang gisingin ka sa katotohanan na mamamatay kang magisa." natawa siya ng hilaw ng maisip ang mga pinagsasasabi niya rito at kung paano niya paghalu-haluin ang mga naisip niyang konsepto ng fairytale.

Hindi na ito kumontra sa sagot niya. Alam niyang nagpapaubaya lamang si Red sa kanya kaya hindi na ito sumagot pa sa sinabi niya.

Maya-maya pa ay nakababa na sila sa isang malawak na lote na natatabingan ng makakapal na trapal. Nang humakbang siya papalapit ay nabasa niya ang signboard na nasa entrance:

Welcome to FunHouse

"Welcome to Fun House!!" mula sa likod niya ay nagsalita si Red.

"Bakit tayo nandito?" tanong niya na natutulala pa rin sa  nakikita.

"Kung isang tricycle lang sana ang Hongkong.. Sa Disneyland kita dinala" biro sa kanya ni Red ng makahabang na ito sa tabi niya.

Tiningnan niya ito ng tumabi ito sa kanya. Nasa bulsa ang mga kamay nito habang nakatingin rin sa senyales na nasa itaas ng entrance ng karnabal. Napako lang ang tingin niya dito hanggang sa nilingon na rin siya ni Red at nginitian siya nito.

"We used to be here kapag wala kaming ginagawa ni Adrian noon nung mga high school pa kami... Alam mo ang kulit noon.. Kapay magbubukas tong perya kada hapon minsan kahit may ginagawa ako kukulit-kulitin ako niyan samahan lang siya.. syempre ako naman tong si Red Antonio talagang iiwan ko yung ginagawa ko para masamahan siya.. Kahit anong busy ko taob lahat yan sa Moks ko"

"B..Ba..bakit ang tiyaga mo sa kanya?" tanong niya na halos ikapilipit ng dila niya.

"Hindi ko siya matiis eh" wika ni Red habang nakatingin na naman ito sa signboard na nasa harapan nila.

Nanunuyo ang lalamunan niya sa bawat mga katagang sinasabi ni Red patungkol kay Adrian. Para silang napako sa kani-kanilang kinatatayuan. Siya nakatingin pa rin kay Red at ito naman nakatingin sa kanilang harapan. Hanggang sa nagsalita na muli ito.

"Tara na sa loob.. Sasakyan natin lahat ng rides diyan.. My treat!" excited na tugon nito sa kanya.

Nagulat na lamang siya ng kinuha nito ang kanyang kanang kamay at hila-hila siya nito papasok sa loob. Sa loob ng peryahan ay naroon nga ang mga sinasabi nitong rides. Mula sa Ferris Wheel.. Caterpillar... Carousel atbp. Marami ring mga foodstand kung saan pwedeng makabili ng pagkain kung mapagod ka sa pagsakay sa ibat'ibang rides. Napukaw ang atensyon nila ng may lumapit na isang lalaki.

"Jude Dela Riva?" tanong nito sa kanya.

Sa tantiya niya ay kasing edad niya ang lalaking ito. Katamtaman lang ang pangangatawan at ang taas nito. Kung mukha naman ang pagbabasehan ay gwapo rin ito, mas lalo namang dumagdag sa appeal nito ang mga dimples nito na lumalalim kapag nginingitian siya.

"Ah kilala ba kita?" sarkastiko niyang tanong. He is used to appear very intimidating para hindi siya abusuhin ng tao. Mas gugustuhin niya minsan na iwasa ng tao dahil natatakot sa kanya.

"Oops.. Sorry.. Ako pala si Mico.. Well.. Im an avid fan.. Sa NSU rin ako nag-aaral.. Education Department. Grabe! Nung nakita kitang nagperform nung Stronger ni Kelly Clarkson.. I thought! Wow... What a voice.. Bro ang galing mo talaga! Saludong saludo ako sa iyo"

Bakas sa mukha ng lalaking kaharap niya ang paghanga. This is one of the usual scenario na pupurihin siya ng isang estudyante out of no where.

"Haha thanks" hilaw niyang pasasalamat.

Nahagip ng mata niya si Red na nakatayo lamang katabi niya. Seryoso lang naman itong nakikinig sa usapan nila. Nakonsensya naman siya dahil parang na out-place bigla si Red.

"Ahm pwede ba magrequest? Bro Idol?" tanong nito sa kanya

"Sure.. Ano ba iyon?" tanong niya. Hindi pa man ito nagsasalita ay parang alam na niya ang gusto nitong hingin mula sa kanya. It could either be an auto graph or a photo-op with him.

"Baka pwedeng picture naman tayong dalawa oh.. rare moment lang to bro idol kaya susulitin ko na.. Ang hirap mo kasing ma-timingan sa school eh.. sa lawak ba naman ng campus.. Saka hindi naman basta-basta makapasok sa NASUDI Bldg."

"Yeah Ok lang.." pagpayag niya sa hiling nito

Nakita niyang tiningnan nito si Red at sinenyasan na baka pwede silang kuhanan gamit ang cellphone nito. Hindi naman ito tumango o umayaw ngunit kinuha na lamang nito ang cellphone kay Mico at pumuwesto sa harap nila.

"Bro Idol pwede bang umakbay sa iyo?" tanong ni Mico sa kanya

"Ah?.. Sige .. sige.. Walang problema."

Abot hanggang tainga naman ang ngiti sa kanya ni Mico ng marinig ang kanyang pagpayag at inakbayan siya na para lang silang mag-pare na susugod sa beerhouse.

"Pwede akbayan mo rin ako?" tanong nito sa kanya

"Huh? Kailangan pa ba yun?" nabibigla na lamang siya sa mga request nito. Ngayon lang kasi siya naka-encounter ng ganung kademanding na fan. In most cases, tama na yung tatabi lang sa kanya.

"Teka magpapakuha ba kayo o maghaharutan sa harap ko?" biglang bulyaw sa kanila ni Red.

Nakalimutan nilang nasa harapan pala nila si Red. Nang lingunin niya ito ay hindi na maipinta ang mukha nito sa sobrang simangot. Waring napahiya naman si Mico kaya ito na lamang ang umakbay sa kanya. He smiled for a pose.

Nang matapos ito na kunan sila ay lumapit na si Mico para kunin ang cellphone, tiningnan niya naman ng masama si Red. Bakit ba ganito ito kung maka-arte eh wala namang ginagawang masama yung tao.. nagpapakuha lang naman litrato? bulong niya sa sarili. When they were admitted in NASUDI, Director Lee briefed them na kailangan na nilang asahan ang mga estudyanteng tatakbo sa kanila at magkakandarapa makakuha lamang ng larawan. NorthEast is big enough to be a little showbusinness world.

"Teka bakit ganito?" biglang tanong ni Mico sa kanila. Nakatingin ito kay Red na parang naguguluhan habang itinataas ang cellphone sa ere.

"Bat may problema?" bruskong tanong ni Red. Kung hindi niya talaga ito kilala ay talagang maninibago siya rito, kung makapagsalita naman kasi ito ay parang laging maghahamon ng away. Yung Red na laging nakikipagusap sa kanya ay yung malambing o minsan nagpaparaya sa kanya.

"Eh bro kasi.. yung picture bakit si bro idol lang yung nakuha ako eh yung kamay ko lang ata na naka-akbay sa kanya ang nakuha"

Lihim naman siyang natawa sa sinabi ni Mico. Nang sulyapan niya ang cellphone ni Mico ay larawan niya nga lang ang nakuha.

"Ah ganun ba? Baka kasi may problema yang cellphone mo.. sige maiwan ka na muna namin dito at may aasikasuhin pa kami ni Moks ko" mabilis na wika niya at pagkatapos ay hinila siya sa isang kamay.

"Tara na!" sigaw ni Red sa kanya ng hawakan nito ang kanyang kamay.

Nang tanawin niya ang si Mico ay bakas sa mukha nito ang maraming tanong at nagkakamot sa ulo. Wala siyang eksaktong emosyon sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung magagalit o matatawa kay Red.

"Teka hindi ka ba nahihiya na..." hindi niya naituloy ang sasabihin ng ito na mismo ang magtuloy sa sasabihin niya.

"Na magholding hands tayo dito? Why should I? Besides.. aalis ka na mamayang gabi.. who knows.. ngayon na lang pala mahahawakan ni Batman ang kamay ni Robin" nakangiting tugon ni Red sa kanya.

Hindi na siya sumagot at nagpaubaya na lamang sa imbitasyon ni Red. Iginiya naman siya nito papuntang carousel. Nang makarating sila sa bakod nito ay maraming mga bata ang nakasakay sa mga kabayong nagtataas-baba. Ang iba naman ay akay ng mga magulang o inaalalayan sa posibilidad na baka delikado ang pambatang sasakyan.

"What's this?" naiinis niyang tanong. He had an idea what Red is up to.

"Mga kabayo?" pilosopong sagot ni Red sa kanya.

"Oo.. alam kong mga kabayo yan... ang ibig kong sabihin Red Antonio bakit mo ko dinala dito.. wag mong sabihing sasakay tayo diyan?"

Tumingin naman si Red sa kanya habang hindi pa rin mapalis sa mga bibig nito ang naguumapaw na ngiti.

"Oh? Ano na? Bakit nakatanga ka na lang diyan at nakangiti? Tinatanong kita bakit tayo nandito?" naiirita niyang ulit sa tanong niya

"Alam mo pag nagagalit si Adrian sa akin... tinatawag niya ko sa buong pangalan ko." sagot nito sa kanya na hindi inaalis ang ngiti at titig sa kanya.

Bigla naman siyang nagbaba ng tingin at umaktong umiiwas sa sinabi nito namalayan na lamang niya na hinila na naman siya nito sa kamay niya at dinala papunta sa carousel.

"Sakay na dali!" excited na sabi sa kanya ni Red.

"Are you sure about this?" nagaalangan niyang tanong ng makitang halos lahat ng mata sa loob ng ride na iyon ay nakatutok sa kanila.

"Oo nga.. kulit!!" si Red at inalalayan siya nito na makasakay.

"O teka bakit.. sasakay ka rin dito?" bulyaw niya kay Red ng sumunod itong sumakay sa kabayong sinakyan niya. Nakapuwesto ito ngayon sa likod niya.

"Aalalayan ko yung kabayo.. baka mapano siya sa iyo" pabirong wika ni Red sa kanya"

Sa narinig ay siniko niya ito bigla. Napa-aray na naman ito sa sakit na dulot ng pagkatama ng siko niya sa tiyan nito. Nang pagmasdan naman niya ang paligid ay kinukunan sila ng litrato ng mga nanay na nasa paligid ng carousel.

"Pagpasensyahan niyo na ho at kamag-anak lang po talaga nito si Taison" natatawang wika ni Red sa mga nanay na nasa paligid nila.

Nginitian naman sila ng mga ito na para bang tanggap ang kung anong nakikita nilang hindi ordinaryo sa kanilang harapan. Nagsimula na ulit umandar ang carousel at wala siyang nagawa kundi sumakay na lamang dito at humiling na sana ay mawalan ng gas ang makina.

Hindi niya magawang lumingon para tingnan si Red na nasa likod niya ngayon kaya para hindi siya maburo sa kinauupuan niya ay nagtanong na lamang siya rito.

"Bakit mo ba ginawa kasi yun?"

"Anong yun?"

"Yung picture kanina.. Alam ko sinadya mo yun"

"Hehehe"

"Ano?" naiirita niyang tanong nang tawa lang ang isinagot nito

"Eh pano naman kasi Moks... istorbo.. may paakbay akbay pa kayong nalalaman" wika ni Red sa kanya

Hindi na lang ulit siya kumibo at baka kung saan pa mapunta ang usapan. Maya-maya ay ito naman ang nagtanong sa kanya.

"Moks... pwede magtanong?" tanong nito sa kanya

"Eh nagtatanong ka na nga diba" naiirita niyang pambabara dito

"Haha.. Basta,. Ano Moks.. May tanong lang talaga ako" wika ni Red na bakas ang kasiyahan sa tono ng pananalita nito. Hindi man niya ito nakikita ay alam niyang nakangit na naman ang mokong sa kanya

"Ano nga kasi"

"Ano ang nakakapagpasaya sa iyo?" kaswal na tanong ni Red sa kanya,

Sandali siyang nagisip. Ano nga ba nakakapagpasaya sa kanya? Teka? Anong klaseng tanong iyon bulong niya sa sarili ng mapagtantong parang may hinuhuli si Red sa kanya.
Hindi na lang siya sumagot at nanatiling tahimik. Nang matagalan siguro ito sa paghihintay ay nagpasya itong tanungin siyang muli.

"O sige to na lang ah... Ano yung nakakapagpatawa sa iyo?"  muli nitong tanong

"Eh diba para parehas lang ang tanong mo?"

"Hindi! Mas specific nga eh... Ano yung nakakapagpatawa sa iyo.. like specific joke o pick up line"

"Ahm siguro kapag may gustong magpatawa sa akin tapos nacornyhan ako? Dun ako tumatawa"

"Huh? Eh kung nacornyhan ka diba dapat hindi ka tatawa?" naguguluhang tanong niya

"Eh ang corny eh... Hahaha... bakit ikaw ano ba nakakapagpatawa sa iyo?" wika niya at hindi niya namalayang natawa na rin siya sa sarili niyang sagot

"Ito yung unang pagkakataon ulit na nakita kitang tumawa.. " biglang seryosong wika ni Red sa kanya at pambabalewala sa tanong niya.

Bigla siyang napalingon at nagtama ang kanilang mga mata. Matagal silang nagkatitigan.

Naputol naman ito ng bigla ring tumigil ang carousel. Parang bumalik sila sa realidad nang may mga bagong dating na pasakay pa lamang. Inalalayan siya nitong makababa at saka hinila uli siya palabas.

Dinala naman siya nito sa tindahan ng cotton candy. Nakita niyang dumukot ito ng barya at bumili ng dalawang balot at ibinigay sa kanya. Nakapulupot naman ito sa isang stick na para bang ice drop.

"Pag pumupunta kami dito ni Adrian, yan lagi ang kinakain namin.. pakiramdam namin nun busog na busog na kami sa cotton candy lang.. pero alam mo ang daya ni Adrian .. biruin mo.. laging ako yung nanlilibre dun tapos kapag ako naman magpapalibre sa kanya sa susunod... sasabihin niyang busog siya.. Daya talaga" kwento ni Red sa kanya habang kumakain sila ng cotton candy sa harap ng kiosk nito.

Nang tingnan niya ito ay nakangiti lang itong kumakain ng cotton candy. Napapabuntong hininga naman siya habang kinakain ang cotton candy.

"Dun naman tayo sa ferris wheel?" tanong nito sa kanya ng matapos niyang kanin ang cotton candy na binigay nito.

Namiss rin siguro ng dila niya ang tamis.. Kaya naman parang naenjoy na rin niya ang pagkain ng cotton candy kanina.

"Si... Sige.." nagaalangan niyang pagsang-ayon dito

Kinuha na naman nito ang kamay niya at sabay na silang pumunta sa may ferris wheel. Ito uli ang bumili ng ticket papasok at ilang saglit pa ay nasa loob na sila ng mala-kwadrado na sasakyan na nakabitin sa mismong makina nagpapaikot dito.

Sa bawat pagikot ng ferris wheel ay naabot nila ang pinaka tuktok nito at nakikita nila ang ganda ng paligid mula sa taas. Para siyang idinuduyan sa halip na sumigaw gaya ng ibang mga nakasakay na siguro ay nagsisimula ng mahilo.

"Ibang klase ka rin no?" naa-amuse na tanong sa kanya ni Red.

"Bakit?" naguguluhan niyang tanong dito

"Si Adrian kasi minsan nahihilo yan pag sumasakay kami sa ferris wheel. Pero na over come na rin niya yun nung pinaka huling beses kaming sumakay.. Pero halos hindi matanggal yakap niya sa akin noong time na yun.. Haha"

Tipid lang siyang ngumiti at gaya ng dati ay wala na naman siyang maisip na sabihin kay Red. Out of nowhere ay siya naman ang nagtanong.

"Si Sabrina ba dinala mo na rin dito?" tanong niya ng tumitingin pa rin sa malayo

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay alam niyang nilingon siya bigla ni Red sa tanong niya. Ilang segundo rin itong nakatitig sa kanya ng ganun samantalang ipinagpatuloy na lamang niya ang pagtingin sa labas dahil baka kung saan pa mauwi ang eksenang iyon. Sa wakas ay nagsalita na mulit ito.

"Hindi.. hindi ko siya nadala dito nung kami pa.. I dont know pero kapag karnabal talaga ang pinaguusapan.. mas nag-e-enjoy ako pag si Adrian ang kasama ko"

"So hindi ka pala ang e-enjoy na kasama ako." bigla niyang kontra sa sinabi nito.

"Hindi ko rin alam sa sarili ko pero....... nage-enjoy ako.. feels like adrian is here" wika nito sabay titig ulit sa kanya.

He needs to think of a diversion. Sa tuwing binabanggit ni Red ang pangalang Adrian ay parang siya ang nahuhuli sa patibong nito. Agad siyang nagisip ng tanong iwasan lang ang matulala ulit.

"Ah.. so... ano.. may bago ka na bang girlfriend? or what?" kaswal na tanong niya para mabasag lang ang biglaang katahimikan na namamagitan sa kanila

"Huh? Wala." matipid bitong sagot na hindi naman yata inasahan ang tanong niya.

Lihim siyang napangiti ng makita ang reaksyon nito.

"Sa reaksyon ka nga ba natuwa o sa sagot nito sa tanong mo?" lihim niya ring tanong sa sarili.

Naputol naman ang pagtatalo sa isip niya ng ito naman ang magtanong.

"Sa tingin mo Moks ano tipo ko sa isang tao?" tanong nito sa kanya

"You mean? Qualities na hinahanap mo sa isang tao?" pagkumpirma niya.

Tumango lang ito.

"Siguro.. someone like you? Yung palangiti rin.. Yung nakaksakay sa joke mo.. may sense of humor siguro? Yun.' tugon niya rito. Hindi siya makapaniwalang sinasagot niya ang tanong na iyon.

Hindi naman ito nakasagot sa sinabi niya at tulad kanina ay nakatingin na ulit ito sa tanawin sa taas.

"Bakit mo naman natanong?" wika niya ulit kay Red.

"Wala lang.. Importante kasi opinyon mo sa akin" tugon nito sa kanya.

"Ah" tipid niyang sagot

"Totoo naman yung sinabi mo.. Siguro nga.. Kailangan ko yung taong katulad ko sa halos lahat ng bagay but then naisip ko.. siguro hindi ko kailangang hanapin yung sarili ko sa ibang tao.. Mas gusto ko siguro yung.. masungit.. laging nakasimangot.. yung parang laging problemado... yung naka eyeliner... yung pula ang buhok" wika ni Red sa kanya na nakangiti na naman.

"Puro ka kalokohan.. Sipain kita diyan eh" nakasimangot niyang singhal dito

"Tingnan mo to... sinasabi ko lang naman.. ang sungit!"

Napansin na nila na tumigil na ang ferris wheel at isa-isa ng nagba-baan ang mga tao. Nang makaikot na rin pababa ang sasakyan nila ay bumaba na rin sila. Buti na lamang at nahinto na ang usapang iyon.

Nang makarating na uli sila sa labas ay agad siyang nagsalita.

"Teka ayaw ko ng sumakay ah? medyo pagod na rin ako" reklamo niya at umakto talaga siyang pagod na pagod.

Sa totoo lang ay ayaw niya ng sumakay pa sa kahit anong rides na nasa loob ng karnabal. Hindi dahil sa pagod na siya kundi dahil gusto niya ng maiwasan kung anuman ang mapagusapan nila ni Red tungkol kay Adrian.

"Sige ba.. punta na lang tayo dun sa photo booth na nasa may dulo" yaya nito sa kanya.

Pumayag na siya para matapos na. Besides, malapit ng gumabi at isa lang din ang ibig sabihin nito.. malapit ng matapos ang deal at malapit na ring matapos ang gabing iyon.

May kakaiba siyang naramdaman sa ideyang patapos na ang gabi. Mayroong hungkag na espasyo sa kanyang puso na pilit sumisigaw na mapunan ngunit binalewala niya ito. Kailangang matapos ang dapat matapos.

Palapit na sila ng photo booth ng umagaw sa kanilang atensyon ang isang sigaw mula sa kanilang likuran.

"Kuyang maitim ang mata!!!!!" sigaw ng isang boses bata

Awtomatiko siyang napalingon sa pinagmulan ng boses. Nang makita niya ang batang sumigaw ay naalala niya kaagad kung sino ito.

"AJ??" napapangiting tugon niya rito

Tumakbo ang bata sa kanilang harapan. Pinagmasdan niya itong maigi. Ganun pa rin ito nung huli niyang makita. Naroon pa rin ang eyeglasses nito. May bitbit pa rin itong libro. Liban nga lang sa nakapambahay na lamang ito ngayon. Umupo naman siya sa kinatatayuan upang makausap ng maigi ang bata.

"Kuyang maitim ang mata.. anong ginagawa mo dito kasama si Kuya Red?" inosenteng tanong sa kanya ni AJ.

"Magkakilala kayo?" namamanghang tanong niya. Sumunod na umupo na rin si Red para mas makapagusap silang tatlo ng maigi.

"Oo naman... Si AJ... inaanak siya ni nanay sa binyag.. kumare kasi niya ang nanay nitong si AJ" paliwanag ni Red sa kanya.

"Teka paano mo ba nakilala si Kuya Jude mo AJ?" tanong naman ni Red sa bata

"Basta kuya nakita ko kasi siya nung pauwi na ko ng school...siya pa ba iyong sinasabi niyo sa akin noon na crush niyo kuya?" balik tanong naman ng bata kay Red.

"Haha.. anong crush?" natatawang sagot ni Red sa bata saka nilingon siya. Hindi naman siya nagpakita ng kahit anong emosyon dito. "Wala akong natatandaan na may sinabi na gayan AJ ah.." biglang salungat ni Red sa bata

"Weh? Meron kaya kuya.. Sabi mo pa noon may bago kang crush pero matim ang mata dito" sagot ng bata sa may turo sa bandang baba ng mga mata nito.

"...Saka sabi mo pa siya na yung gusto mong mapangasawa tapos ahmpppp......" hindi na naituloy ni AJ ang sasabihin ng takpan ni Red

"Puro kalokohan talaga tong batang to." natatawang wika ni Red.

"Hmmmmp..."

"Uy teka baka hindi na nakakahinga iyan..." bulyaw niya ng nagsasalita pa rin ang bata kahit natatakpan na ni Red ang bibig nito.

"Ang Kuliiiiiiiiiiit!! kasi..." si Red at saka binitiwana ang bibig ng bata. "AJ? Akala ko ba secret lang natin iyon?"

"Sorry po kuya... hehe"

Hindi man niya aminin sa sarili ay natatawa siya sa napagmamasdan niya sa dalawa. Para lang tong batang magkapareho ang edad na naghaharutan. Sa isiping ito ay may bumalik na ala-ala sa kanya.

"Oh basta Moks... Ikaw si Batman.. ako si Robin!" sigaw ng batang naka eyeglasses.

"Sige ba.. iyakin ka kasi kaya ikaw lang si robin.. Wahahaha" tukso ni Red sa batang nakasalamin.

"Hmp!"

"Biro lang Moks! Tara laro na tayo.. sino ba una kalaban natin?"

"Si Joker na lang Moks"

"Sige! Ayan na lilipad na si Batman daw sa Gotham!! Tenenenenennnn Shooooo!!!"

"Teka hindi naman nakakalipad si Batman ah.. Diba may sasakyan siya para lumipad?"

"Nakakalipad siya! Si Superman ang hindi"

"Hindi nakakalipad si Batman"

"Eh parehas lang naman sa labas brief nila.. kaya nakakalipad rin si Batman.. Ang hina mo talaga Moks kahit kailan"

Namalayan niya na lang na napapangiti sa harap ng dalawa.

Itutuloy...

[25]
"Hanggang dito ba naman.. dala-dala mo pa rin yan?" tanong niya kay AJ ng mapansin ang librong bitbit nito.

Nakita na niya ang librong iyon noong una nilang pagkikita. Ayon sa bata ay Snow White and the Seven Dwarves and pamagat nito. Nag-angat naman ito ng mukha sa tanong niya.

"Ah opo kuya Jude.. ang sarap sarap kasing basahin ng paulit-ulit."

"Adik ka rin sa fairytales noh?" agaw atensyon sa kanila ni Red. binigyan diin nito ang sinabi na halatang siya ang pinapatamaan.

"Hindi naman po Kuya Red... Bale crush ko po kasi yung princess dito si Snow White"

"Ah akala ko pa naman yung Prince Charming ang crush mo" natatawang wika ni Red sa kanya

Sa sinabi ni Red ay agad niya itong siniko sa tagiliran habang nakaupo sila kaharap ng bata.

"Aw!! Aray... Nakakarami ka na ah... Bakit na naman?" tanong sa kanya ni Red.

"Halika nga dito" utos niya kay Red at nauna na siyang tumayo at nagtungo ng kaunting distansiya mula sa bata.

"Sanadali lang AJ ah." narinig niyang wika ni Red sa bata at sumunod sa kanya.

Nang magkasarilinan sila ay agad naman niya itong kinompronta sa sinabi niya sa bata.

"Ano sa tingin mo ang sinasabi mo sa bata??" naiirita niyang tanong dito

"Bakit? Its just a joke. Saka isa pa.. kapag tumagal, mamumulat rin ang batang iyan sa takbo ng panahon ngayon" paliwanag ni Red

"Anong takbo ng panahon ngayon?"

"Na hindi masama na si Prince Charming mainlove sa kapwa niya Prince Charming?"

"And you think Walt Disney would buy your joke? Red... magpakatotoo ka naman... bata yang kinakausap natin, you should not influence him with same sex relationships. Baka mamaya may makarinig pa sa iyo"

"Nagpapakatotoo ako Jude... hindi ko lang alam sa iyo" matigas na sagot ni Red sa kanya at iniwan siya sa kinatatayuan.

Nakita niyang nagtungo muli si Red sa naghihintay ng bata at kinausap ito sandali, maya-maya pa ay nakita niyang humalik ang bata sa pisngi ni Red na waring nagpapa-alam. Matapos nito ay namalayan niyang lumapit sa kanya ang bata habang naiwan naman si Red sa sa kinauupuan, nakita niyang pinagmamasdan silang dalawa nito. Muli naman siyang umupo para kausapin ang bata.

"Pasensya ka na sa nasabi ni Kuya Red mo ah.. nagbibiro lang talaga iyon" malambing niyang wika kay AJ. Minsan hindi niya talaga matantiya ang sarili kung paano siya nagiging malambing sa harap ng ibang tao. The kid just had a soft spot in his heart.

"Wala iyon kuya.. alam niyo po mahal po kayo ni Kuya Red" malambing rin na sagot ni AJ sa kanya.

"AJ!!! ano na naman ba tinuro ni Kuya Red mo sa iyo? Ang bata-bata mo pa ah" saway niya dito ng marinig ang sinabi ng bata.

"Wala naman po siyang tinuro.. Basta po nung isang araw na pumunta siya sa bahay sabi niya po crush daw niya yung taong may black dito sa baba ng eyes po... Eh ikaw lang naman po yung ganun Kuya Jude kaya feeling ko ikaw po yung crush tapos mahal ni Kuya Red po" mahabang kwento sa kanya ni AJ.

"Mag-gagabi na diba? Uwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo" pagsasawalang bahala niya sa sinabi nito

"Mahal niyo rin po ba si Kuya Red?" biglang tanong ni AJ sa kanya.

Bigla rin siyang napalunok na tila nauubusan ng laway. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib at napatingin siya sa kinatatayuan ni Red. Mataman lang itong nakamasid sa kanila at saka niya binawi ang tingin dito. Hinarap niya ulit si AJ.

"Sinabi ba talaga iyon ng Kuya Red mo?" paninigurado niya

"Opo sinabi niya po" magalang na sagot ng bata

"Sasagutin ko yang tanong mo sa tamang panahon" wika niya sabay inayos ulit ang eyeglass na suot ng bata.

"Kailan po yung tamang panahon Kuya Jude? Wag niyo na pong hintayin na guluhin kayo ng witch Kuya tulad dito sa story"

"Ikaw talagang bata ka... Ang dami dami mo ng alam eh ang bata-bata mo pa" saway niya ulit dito.

"Sige po Kuya Jude aalis na po ako at mag-gagabi na rin" paalam sa kanya ng bata sabay halik sa pisngi niya.

Unti-unti itong lumayo hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Nakita naman niyang lumapit ulit si Red sa kinatatayuan niya at hinawakan uli nito ang kanyang kamay.

"Punta na tayo sa phot booth?" tanong nito sa kanya

Tumango lang siya at natagpuan na lang ang sarili na kumakapit na rin sa kamay ni Red. It felt good. Yung tipong may isang tao na nakahawak sa kamay niya ay parang hinding-hindi siya iiwan. He slightly shook off his head. Kung ano ang nangyayari at nararamdaman niya ay malapit ng matapos. Malapit ng gumabi.

Nang makarating sila ng photo booth ay nakita nilang nakalapag sa may bandang gilid ng sahig ang mga props na maaaring gamitin ng kung sino mang nais magpapicture.

"Sige.. ikaw na lang pumili ng props ko... ako na lang pipili nung para sa iyo.. OK ba yun?"

“May magagawa pa ba ako?” sarkastiko niyang tanong ditto

“Wala hehehe”

Sumimangot lang siya tanda ng kanyang pagkadismaya dito. Nauna na siyang pumunta sa tambakan ng props at malaya niyang pinagmasdan ang samu’t saring mga abubot na maaring gamitin sa pagpapakuha ng larawan. Nahagip ng kanyang mga mata ang isang itim na sungay.

“Batman pala ah” bulong niya sa sarili at ngumiti ng makahulugan. “On a second thought I think I’ll enjoy this” natatawa niya pa ring bulong sa sarili

“O anong nginingiti-ngiti mo diyan?” agaw tanong sa kanya ni Red na kasalukuyang nagbubungkal na rin ng maaring ipasuot sa kanya.

“Oh God wag mo kong papasuotin ng korona ng prinsesa kundi tatadyakan na talaga kita” wika niya sa sarili ng makitang puro pambabaeng props ang hinahalungkat ni Red.

Napagpasyahan niyang kunin ang napili niyang props para dito. Isang itim na kapa at isang sungay na headdress. Batman na batman talaga ito pag sinuot niya ito.

“Bwahahaha” demonyong tawa ng utak niya ng maging klaro sa imahinasyon ang postura ni Red sakaling ipasuot niya ito.

Nang bumalik na rin si Red sa kinalalagyan nila kanina ay pinagmasdan niya kung ano ang dala dala nito ngunit wala siyang nakitang ni isang bagay na dala nito na maari niyang suotin.

“Anong napili mo para sa akin Moks?”tanong nito sa kanya

“Ito” sagot niya sabay taas sa ere ng  kanyang mga bitbit.

“Haha.. Yan tlga ang napili mo ah”

“Yup” nakangiti siya ng makahulugan

“Nice Choice!!” masayang sagot ni Red sa kanya

Ngunit nadismaya naman siya sa reaksyon nito. Akala pa naman niya ay siya na ang lalabas na panalo. Bakit yata parang mas nagugustuhan pa nito na ipagduldulan niya ang karakter ni Robin. Akala pa naman niya ay sisimangot ito o maiinis sa kanya. Dapat pala sana eh wig ng babae na lang ang kinuha niya at pagmukhain itong si Sadako.

“Ano na? Suot mo na sa akin Moks.”

Nagtungo siya sa harap nito para itali ang kapang itim. Nang matapos ito ay isinunod naman niya ang headdress ni batman na mga sungay ng paniki.

“Batman na batman  talaga ako dito Moks ah.. Kailangan ko pa bang ilabas ang brief ko?” natatawang tanong ni Red sa kanya

“Bastos!!” singhal niya dito

“Alam mo habang tumatagal na kasama kita.. mas lalo kong naaalala si Adrian sa iyo”

Lumihis lang ang tingin niya pagkarinig sa sinabi nito. Here they are again. Lagi siyang natatahimik pag binabanggit nito si Adrian.

“Ok so ito napili ko sa iyo Moks” basag ni Red sa katahimikang namagitan sa kanila. Mula sa bulsa nito ay nakita niyang inilabas nito ang bagay na ipapasuot nito sa kanya.

It was a simple buggy eyeglasses.

“Ya...Yan?” nauutal niyang tanong

“Oo.. ito lang ipapasuot ko sa iyo” nakangiting wika ni Red sa kanya

Nakapako lang siya sa kanyang kinatatayuan ng ito na ang lumapit sa kanya. Hinawi nito ng bahagya ang kanyang pulang buhok at isinuot ng dahan-dahan ang eyeglasses na napili nito para sa kanya.

Napansin niyang bahagya itong natulala sa kanya. Hinaplos nito ang kanyang mukha na parang inuukit ang  bawat detalye ng kanyang pagkatao. Matapos nito ay dahan-dahang bumaba ang ulo nito para gawaran sya ng isang halik.

“Tapusin na natin to” mariin niyang bulong saka bumitiw sa pagkakahawak sa mukha niya.

Wala naman itong nagawa kundi mapabuntong hininga na lang at tinanguan siya. Umupo na ito sa isang bangko at inaya siya na umupo sa kandungan nito. Hindi na lang siya nagreklamo at nagpaubaya na lamang sa anumang gusto nito. Yakap siya nito sa baywang.

“Say cheese!” si Red.

Hindi na niya magawang ngumiti sa harap ng kamera. Kahit tipid na ngiti ay hindi mahagilap ng kanyang bibig. Dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin sa sitwasyong namemeligro ang kanyang damdamin.

Natapos din ang pagpapakuha nila ng larawan at hinubad na niya ng madalian ang eyeglasses na ipanasuot sa kanya ni Red. Nakita niya ring hinubad na nito ang itim na kapa at ang maskarang ipanasuot naman niya. Sa wakas ay natapos na rin. Para siyang aatekihin kanina sa sobrang lapit ng mga katawan nila. Hindi pa man lumalabas ang larawan ay alam niya na kung ano ang reaksyon ng kanyang mukha. Its either pang semana santa o parang may namatayan. He dont want to smile.

Nauna ng lumabas si Red sa photo booth at hula niya ay kukunin nito ang mga nadevelop ng larawan. Sumunod na rin siya palabas. Dalawang katamtamang kopya ang kinuha nito. Nang mapansin siguro nito na lumabas na rin siya ay nilingon siya nito.

“Cute ka sana kaso  nakasimangot ka naman.” iiling-iling na sabi ni Red sa kanya

“Its just a picture anyway.” wala sa loob na sagot niya

Inabot nito ang isang kopya sa kanya.  Kinuha namn niya ito at pinagmasdan din ng sariling mga mata ang larawan.

Tama nga ang hula niya nakasimangot siya samantalang nakangiti naman ng matamis si Red. Gusto niyang ngumiti sa larawang nakikita. It was really perfect. “A picture of two people in.....” hindi na niya itinuloy ang naiisip.

“May problema ba Moks?” tanong sa kanya ni Red.

“Ah wala.. wala.. ayos lang ako” matipid niyang sagot dito.

Napasin niyang hawak hawak  pa rin niya ang larawan at pagkatapos ay mabilis niyang inabot dito ang larawan kay Red.

“O Bakit? Hindi mo ba nagustuhan”

“Ahm hindi.. I thought you will keep this” palusot niya sa tanong nito

“Meron naman na akong kopya Moks. Bale sa iyo na yan. Keep that as a souvenir.. Diba sabi ko after this night kung gusto mong umalis hindi na kita guguluhin? Saka.. Im planning to resign on my post sa NASUDI bale siguro yung performance sa Enchanted Ball na lang yung last performance ko.. I want to give you your sanity. Kung nakakagulo lang ako sa iyo.. I think I need to give up.. Kahit na masakit dito” napangiti ng tipid si Red sa kanya.

Gaya ng nauna niyang ginagawa ay hindi siya sumasagot sa mga sinasabi nito. Kinuha niya ulit ang larawan at isinilid ito sa kanyang bulsa.

Siguro naman dahil tapos gabi na ay uuwi na sila. Everything will end there. Kapag lumabas na sila ng Fun House ay tapos na ang deal nila. And he can go back as Jude.

Nakita niyang lumakad na ito na tinatahak ang exit ng peryahan. Sumunod na lamang siya rito.  Nang makalabas na sila ng Fun house ay naulinigan niya ulit ang kotseng ginamit nila kanina. Naalala niyang bago sumakay si Red kanina sa kotse ay binitbit na rin nito ang maleta niya para hindi na raw siya mapagod pang bumalik at tupiin ang mga ito. At dahil tapos na ang lakad nila marapat lang siguro na huwag na siyang sumabay pa rito sa kotse.

Una niyang tinungo ang compartment ng kotse at akmang kukunin na ang kanyang mga gamit.

“Anong ginagawa mo?” tanong sa kanya ni Red.

“Ahm... kukunin na yung gamit ko.. I think it would be proper na wag na akong sumabay sa iyo sa kotse”

“I got until 11:59 para makasama ka..pwede mo pa ba akong mapagbigyan.. please?”

Tiningnan niya ito ng matagal.

Sa huli ay tumango na lamang siya para matapos na. Unang pumasok si Red sa kotse at sumunod naman siya. Nang makapasok ay tiningnan niya orasan na nasa loob. Alas nuwebe na ng gabi. Ilang oras na lang at matatapos na ang kabaliwang to.

Hinawakan ni Red ang manibela at maya-maya pa ay namalayan na lang nila na binabagtas ng sasakyan ang kahabaan ng kalsada papalayo sa perya. Tiningnan niya ito sa salamin at nakita niyang bumalik na naman ang seryosong mukha nito. This time nakakunot ang noo nito na para bang ang daming iniisip. He still look good though. puri niya dito. Ayan na naman siya. Giving a positive note to a guy. Lihim niyang sinaway ang sarili sa pagbugso ng kanyang damdamin.

“Aalis ka na ba talaga?” biglang tanong ni Red sa kanya. Hindi siya nito tinitingnan at nasa manibela at daan ang konsentrasyon nito.

“Pipigilan mo ba ko?” he cant believe he just said that.

“Magpapapigil ka ba?” balik tanong ni Red sa kanya

Hindi siya sumagot.

Namayani ang katahimikan matapos ang walang kwenta nilang usapan kanina. Walang may gustong dumagdag sa usapan nila kanina. Dahil pareho silang natatakot sa susunod na tanong o sagot ng bawat isa. Katahimikan ang pinaka madaling paraan para umiwas sa takot na iyon.

Ilang sandali ay pumara si Red sa KTV bar. Nakita niyang mangilan-ngilan lang ang tao na nasa loob. Nang lingunin niya si Red ay nakatingin rin ito sa direksyon niya.

“Umiinom ka naman diba? Promise ito na yung huling pupuntahan natin”

“You cant drive if you’re drunk” mariin niyang tutol dito

“Who cares anyway?” sarkastikong sagot ni Red sa kanya at lumabas na ito ng kotse.

Iiling-iling na lang siyang sumunod dito at hinabol ang mga hakbang nito papasok. Nang makapasok sila ay sinuyod ng kanyang mga mata ang paligid. Kulay pula ang loob ng KTV bar at gaya ng kanyang natanaw ay mangilan ngilan lang tao na nasa loob. Sa watak watak na mesa ay dalawa o tatlo lamang ang nagiinuman o ang iba kumakanta sa iisang videoke na nasa harapan.

Napansin niyang nakatayo na lamang siyang magisa sa bukana ng videoke house na iyon at nakita niya si Red na nakaupo na sa di kalayuang mesa. Sumunod na lamang siya dito. Nang makaupo ay tumawag ito ng isang waiter na nasa loob.

“Ano po sa inyo?” bungad ng waiter ng makalapit sa kanila.

“Ahm Coke in....” hindi niya natapos ang sasabihin ng sumingit na si Red sa kanya

“Bigyan mo kami ng emeplight saka sisig” mariing utos ni Red sa waiter

“Ok sir” at pagkatapos ay umalis na ang waiter mula sa kanilang mesa.

“Empelight? Wow... kung hindi ka makapagmaneho mamaya bahala ka sa buhay mo” sarkastiko niyang sabi rito ng makaalis ang waiter sa kinauupuan nila

“Lagi naman ako ang bahala sa buhay ko Moks..” sarkastiko ring sagot nito sa kanya

Naputol ang kanilang usapan ng mabilis na dumating ang inorder nilang pagkain at alak. Umuusok pa ang sisig ng ihain ito sa kanila. Iisa lang naman ang tagayan na ibinigay sa kanila ng waiter.

“Shoot!...” masayang wika ni Red ng makita ang inilapag ng waiter.
“May order pa po ba kayo Sir?” tanong ng waiter sa kanya

“Ah sige Ok na to..” sagot naman ni Red sa waiter.

Nakita niyang pinuno nito ang tagayan na nasa harapan niya at nagulat siya ng tuloy-tuloy na nilagok nito ang laman ng tagayan. Pagkatapos ay kinuha ang kutsara at tumikim ng pulutang sisig.

“Your turn!” excited na abot sa kanya ni Red ng tagayan sa kanya.

Kinuha naman niya ito at naglagay na rin siya ng alak dito. Tuloy tuloy rin niya itong ininom na parang tubig.

“Hindi ka man lang sumimangot?” namamanghang tanong ni Red sa kanya

Marahil ang tinutukoy nitong simangot ay kapag nagbabago ang reaksyon ng mukha ng isang tao kapag umiinom ng alak. Red doesnt know every details about him after all. Sa kuwarto niya ay may stock siya ng alak na lagi niyang iniinom pag gabi. Yun lang kasi minsan ang nagpapatulog sa kanya kapag binibisita siya ng kanyang mga panaginip.

“That liquor wont bring me down” kumpiyansa niyang sagot

Kinuha naman ni Red ang tagayan sa kanya at gaya ng kanina ay tumungga rin ito ng alak.

“Natatandaan mo nung high school pa tayo? Ako yun unang nagyaya sa iyo dito sa KTV bar na ito at takot na takot ka noong uminom dahil baka mapagalitan ka ni Tita...” simula ni Red sa kwento niya hindi na nito ibinibigay ang tagayan sa kanya at ito na lamang ang inom ng inom sa harapan niya. Nakatulala naman siyang nakikinig na lamabg dito dahil sa tuwing aagawin niya ang tagayan ay hindi nito ibinibigay sa kanya.

“..Diba ang inorder natin nun... San Mig light lang sabi ko sa iyo.. Hindi ka malalasing nito dahil may salitang light.. Hahaha... Dahil may light... Yung light eh.. yung light... yun  yung hindi nakakalasing...”

Natawa naman siya bigla sa ikinwento nito. Patuloy pa rin siyang nakinig kahit na namumula na si Red sa sunod sunod na tagay nito nito habang nagkikwento

“Tapos umorder muna tayo ng dalawang bote ng san mig light... light... light.. tapos ayaw mo pa kayang uminom nun sabi ko.. naman.. kaya mo yan Moks!! Ililipad ka na lang ni Batman kapag nalasing ka hahaha.... Ito rin yung suot natin Moks alala mo? Pero da best ka talaga Moks!!1 Da best!!!.... kasi tinungga mo yung isang bote as in!! Kung alam mo lang kung anong hitsura mo nun? Para kang si Robin na natatae.. Akala ko nga isusuka mo pero sabi ko.. wag mo isusuka yan... Sayang yung inipon ko para mabilhan ka lang ng isang boteng san mig wahahaha”

Lasing na nga si Red ngunit natatawa na rin siya kung paano nito ikwento ang nangyari noong panahon ng highschool sila.

“At umorder pa ko nun ng dalawa pang bote tinungga natin ng sabay Hahaha.. Tapos ikaw na yung nagsasabi ng... Tama ka Moks... Light lang talaga.. light.... light.. hehehe.. Pulang pula na yung mukha mo nun....” natigil si Red sa pagkikwento ng bigla siyang sumingit

“Tapos biglang ikaw yung sumuka noon tapos nagalit yung manager ata nitong KTV tapos kinalkal yung bag natin ng makita nila yung ID natin at nalamang high school pa lang pala tayo at ang ending sinipa tayo palabas nito” tuloy tuloy niyang dugtong sa kwento nito at hindi niya namalayang tumatawa na rin siya. Natigil ang kanyang pagtawa ng mapansing seryoso lang na nakamasid si Red sa kanya.

“Naaalala mo Moks?” maikling tanong ni Red sa kanya.

“Huh? ah... eh... hindi... hinulaan ko lang.. i mean... wala naisip ko lang baka... kako ganun yung nangyari sa inyo ni Adrian noon... hehe..diba?” para siyang timang na naghahanap ng palusot. Hindi niya namalayang nasasabi niya na pala kung ano ang kanyang naaalala.

Kinuha ni Red ang kanyang kamay at  binitiwan nito ang tagayan na kanina pa nito hawak.

“Moks... magpapigil ka na ...”

Tiningnan niya ang orasan. Malapit ng mag alas dose.. Isa lang ang ibig sabihin nun. Kailangan na niyang bunalik sa normal tulad ni Cinderella. Na lahat ng pantasya kasama ng lalaking kaharap niya ngayon ay kailangan ng maglaho. Dahil mahirap mabuhay sa ilusyon kahit na masakit mabuhay sa katotohanan.

Binawi niya ang kamay dito tanda ng pagtanggi. Nakita niyang yumuko lang ito na para bang sumuko na rin sa pagkumbinsi sa kanya. Nasasaktan siya. Yung ang maliwanag na nararamdaman niya ngayon.

Nabigla siya ng tumayo ito at nagtungo sa isang tao na kasalukuyang kumakanta. Ngunit mas lalo niyang ikinabigla ng agawin nito ang mic sa kumakanta at ito na ang nagsimulang kumanta ng awitin na pumapailanlang sa videoke. Nanigas siya sa kinauupuan sa bilis ng pangyayari. Buti na lamang at hindi naman nagalit ang inagawan nito ng mikropono. Tutok na tutok ang mga mata nito sa kanya habang kumakanta.

Because you've gone and left me
Standin' all alone
And I know I've got to face
Tomorrow on my own
But baby

Before I let you go
I want to say I love you...
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby...
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah...
So before I let you go
I want to say I love you...

I wish that it could be
Just like before
I know I could've given you
So much more
Even though you know
I've given you all my love

I miss your smile, I miss your kiss
Each and everyday I reminisce
'Coz baby it's you
That I'm always dreamin' of

Because you've gone and left me
Standin' all alone
And I know I've got to face
Tomorrow on my own
But baby

Before I let you go
I want to say I love you...
I hope that you're listenin'
'Coz it's true, baby...
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will doohh... yeah...
So before I let you go
I want to say

Hindi niya namalayang umiyak siya sa pinakaunang pagkakataon. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Kung bakit siya ganun kaapektado. Namalayan niya ang sarili na lumabas ng KTV bar tumakbo palayo. Umaagos pa rin ang luha niya sa kanyang mga mata.

“Moks.. sandali.. please... tumigil ka na man sa pagtakbo palayo sa akin kahit sa huling pagkakataon!..” sigaw sa kanya ni Red ng habulin na rin siya nito.

Para namang may isip ang kanyang mga paa na biglang nagpreno ng marinig ang boses. Hindi siya lumingon. Nakatalikod lang siya dito habang hinahabol ang hininga. Parang agos ng dagat na patuloy na humahampas ang mga luha sa kanyang pisngi.

“Moks ano ba... may nagawa na naman ba ko?” tanong sa kanya ni Red.

Lumingon na rin siya paharap. Nakita niya itong hapong hapo na rin kakahabol marahil sa kanya.

“Bakit ang bait mo sa akin? bakit kailangan mong gawin lahat ng to Red?”

“Dahil ako si Batman at tungkulin niyang iligtas ang kaibigan niya kapag nakikita niyang naghihirap ito”

“Red.. bakit hindi mo ba maintindihan? Bakit hindi mo maintindihan na hindi ako si Adrian? Na hindi na ako yung kaibigan mo noon!!” sigaw niya dito habang patuloy pa rin sa pagiyak.

“Ano nga bang pinagkaiba ni Adrian at Jude?”

“Si Adrian naniniwala pa rin siya sa fairytale.. Si Jude hindi na.. Si Adrian, madali siyang masaktan...Si Jude hinding hindi siya papayag may manakit sa kanya...”

“Alam mo dati i used to say to Adrian na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak... kasi masakit din sakin.. pero ngayon na si Jude umiiyak gusto ko pa siyang paiyakin.. kasi dun ko lang nalalaman yung totoong nararamdaman niya... Moks hirap na hirap na ko.. magpakatotoo ka naman kahit minsan... Kasi ako kahit hindi ko maintidihan ang lahat ng nangyayari sa iyo.. Ang naiintindihan ko lang eh yung parte na mahal na mahal kita Moks... mahal na mahal.. yun lang...”

Nakita niyang namumula na naman ang mukha ni Red halatang pinipigil nitong umiyak.

“Paano mo mamahalin ang isang taong sinukuan na ang lahat pati ang sariling buhay niya?”

“Moks kung pagod ka na... nandito pa naman ako.. nandito pa ko.. pero sana huwag mo naman akong pahirapan kasi alam kong alam mo sa sarili mo na mahal mo rin ako!!”

“Nahihirapan ka na sa lagay na yan? Red hindi lang ikaw yung nahihirapan sa sitwasyon na to.. Kasi natatakot ako na pag minahal rin kita. Parehas tayong magdudusa sa putang inang pagmamahal na yan!!! Kasi pag minahal din kita pabalik.. Hindi mo lang dapat mahalin si Adrian.. Kailangan mo ring mahalin si Jude... Kailangan mo ring mahalin ang isang mamamatay tao..”

Parang nagmanhid lahat ng kalamnan niya sa tuloy tuloy na pagluha at pagbigkas ng kanyang sikreto. Nakita niyang nabigla ito sa huli niyang binitiwan

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Ako.. ako yung pumatay sa kanila.. ako ang may kagagawan ng patayan sa loob ng campus”

“Hindi yan totoo Moks”

“Ito ang totoo Red... Ito na ako.. Ito na ang buhay ko.. ngayon sabihin mo sa akin... mahal mo pa rin ba ako?”

Hindi ito sumagot. Nakita niyang nakatulala si Red sa harapan niya na lumuluha na rin.

“Moks.. bakit?... bakit nagkaganito?”

“Hindi ko rin alam... pero sa tuwing binabawian ko ng buhay ang isang tao matapos nilang magpakasawa sa katawan dun ko lang din nararamdaman na walang kayang manakit sa akin.. Dun ko lang nararamdaman na tao pa rin ako at ito na ang buhay ko”
“Pero hindi makatao ang ginagawa mo”

“Siguro nga... kaya walang kaluluguran ang pagmamahal na iyan... dahil hindi na ako ang minahal mo ilang taon na ang nakakaraan”

“Bakit hindi mo ako pinatay ng may mangyari sa atin?”

“Hindi ko alam.. ayaw kong sagutin yang tanong na iyan”

“Moks... maayos pa natin to..”

“Hindi na Red.. wala ka ng dapat ayusin... dahil sira na ang lahat.. Wag na lang ako ang mahalin mo...Kasi mag kaiba na tayo.. Mas gugustuhin mong magsakripisyo para sa isang tao.. pero mas gugustuhin kong pumatay maramdaman ko lang na buhay pa ko”

Dumaan ang isang taxi sa kalsada at agad niya itong pinara. Nang tingnan niya ang orasan ay alas dose impunto na ng gabi...

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment