Monday, January 7, 2013

Way Back Into Love (11-15)

By: Rogue Mercado
Blog: roguemercado.blogspot.com
E-mail: roguemercado@gmail.com

[11]

Jake Marcos was undeniably the newest heartrob in the NorthEast State University. Nakabalandra sa bawat sulok ng unibersidad ang mga plasma TV na nagpapakita ng performance nito noong Auditions. Among the four admitted neos, ay ito ang may posibilidad na mag lead ng newest batch ng NASUDI Singers. He was named as the younger version of Maroon 5's "Adam Levine". Sa loob ng ilang araw ay hindi mamatay-matay ang Jake Madness sa loob ng campus. Jake Marcos had 50 fan pages on facebook, and all of them had more than a thousand likes. Hindi rin syempre nagpa-awat ang mga posers, mga taong gustong maging si Jake Marcos. More or less, he had 100 posers on facebook. Napilitan na rin siyang gawing fan page na lamang ang facebook account para mas ma-accomodate ang mga estudyanteng gusto siyang makilala.


Sa bawat bulletin board ng eskwelahan ay matatagpuan ang kanyang mga pictures. And everyone was dying to meet him, magkaroon ng chance na maka-picture siya. He was of course, a popular demand on every programs of school. Sa inauguration ng officers ng bawat club, sa bawat formal or informal programs ng school, siya na rin ang napipisil na pambato sa iba't ibang singing contests na involve ang NorthEast State University.
Pati ang audition piece niya sa NASUDI ay naupload sa Youtube and it did have million hits. 

Jake was the campus' hot property.

"So how are you enjoying the fame" speaking is Martha Castillo, NASUDI's current it girl.

"Masaya" maikli niyang sagot. Hindi niya alam kung tamang emosyon ba ang kalakip ng sinabi niyang salita.

"Jake, if you want this life, you need to erase the old you" baling uli sa kanya ni Martha.

Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. May ideya ba ito sa nangyayari sa kanya ngayon. "What do you mean?"

"Well, kahapon pa kita napapansing tulala sa rehearsals natin. Nakailang sigaw na sa iyo si Director Lee. And from what I see, hindi ka umaakto ng ganyan dahil sa pressure. Nagiging ganyan ka dahil sa bago mong buhay at sa mga naiwan mo"

Napabuntong hininga siya. Sapul na sapul ni Martha ang nangyayari sa kanya. Totoong hindi pa rin siya ganun kasanay pag pinagkakaguluhan siya sa campus. Pag may mga taong biglang lalapit at hihingi ng pirma niya. Nalalango siya sa bawat sigaw ng tao. Sa bawat "We love you Jake" na naririnig niya. Ngunit higit sa lahat wala na ang taong tumatawag sa kanya ng "hon". Ilang araw na niyang hindi nakikita si Adrian.

"How can you say those things?" wala sa loob na tanong niya dito.

"I was once like you..... Gaya mo rin ako noon but mine was worst." simula ni Martha.  Nanatili naman siyang tahimik at handang makinig.

"Noon kasi napakasimple lang, pagpasok ko ng kolehiyo, gusto ko lang din matapos ang kurso ko. Im a graduating student and Im taking BS Nursing. Kung tutuusin, buwis buhay na tong ginagawa ko... Maintaining a white unform habang sinasamba ko ang mikropono. I had a boyfriend then, naging kami na noong high school. Ang dami naming pangarap.. Ang dami naming gustong matupad sa mga pangarap na iyon. Yun nga lang biglang nagiba ang lahat. Biglang nagiba ang Martha na kilala niya. Noong nakita ko yung Audition piece mo sa plasma TV, naalala ko rin yung sa akin noon. Soon enough, sabi nila ako na daw ang it girl. Back then, hindi ko pa alam ang ibig sabihin noon. Saka ko lang nalaman noong, kabi-kabilaan na ang appearances ko sa mga important University events, noong tad-tad ang bulletin boards ng mga picture ko, noong laman na ako ng university paper at noong iniwan na ako ng boyfriend ko" malungkot na pagsasalaysay ni Martha.

"Bakit hindi ka bumalik sa dating ikaw? Bakit mo isinuko ang lahat para dito?" tanong niya kay Martha. Ngunit hindi niya alam kung ang tanong na  iyon ay para nga ba talaga kay Martha o para sa kanya.

"Dahil huli na nung nalaman ko ang consequences kapalit ng ambisyon ko"

Para siyang pinanlamigan ng kalamnan ng marinig ang mga salitang iyon galing kay Martha. Hindi siya nakaimik at tulala pa ring nakatingin sa kawalan.

"Kaya Jake, kung gusto mo ang kalagayan mo ngayon. Kailangan mong masanay sa sigawan ng napakaraming tao at mabuhay ng mag isa mo." pagkasabi nito ni Martha ay tuluyan na itong lumabas sa NASUDI bldg. Bigla namang nag-ring ang cellphone niya. Dinampot niya ito at lumabas ang pangalang nakarehistro sa cellphone:

Hon

Alam na niya kaagad na si Adrian ang tumatawag. Simula noong Auditions ay hindi na niya ito nakausap. May mga pagkakataon rin na tumatawag ito ngunit hindi niya sinasagot. Miss na miss na niya ito. Kung alam lang nito kung gaano kahirap para sa kanya ang tiisin ang lahat. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at sinagot ang cellphone.

"Hello" malamig niyang bati dito. Kailangan niyang magpanggap na hindi siya excited sa pagtawag nito

"Hon!! Buti naman sinagot mo na tong tawag ko.. Hon Miss na Miss na kita!" bungad ni Adrian ng marinig nito ang boses niya. Bakas sa boses nito ang sobrang excitement.

"Anong kailangan mo?" mariin niyang tanong dito

"Na miss lang talaga kita hon. Sorry ah kung inistorbo kita, alam kong hectic ang schedule mo ngayong school year dahil nga diba..." naputol ang sinasabi nito ng sumingit.

"Marami pa kong gagawin, kung wala kang sasabihing importante, ibababa ko na tong...." naputol na rin ang sasabihin niya ng bigla itong magsalita. Waring nahintatakutan ito ng bantaan niyang ibababa niya na ang cellphone.

"Sandali...Sandali! Hon naman... Gusto lang kita i-congratulate..."

"Yun lang ba?" malamig niyang tanong dito.

"Meron pa sana hon"

"Ano?" Iritable niyang tanong

"Happy Anniversary."

Parang kutsilyo na sumaksak sa dibdib niya ang huling sinabi nito. Ang araw nga pala na ngayon ay ang 4th Anniversary nila. Ngunit sa estado niya ngayon, hindi niya alam kung dapat nga bang batiin niya rin ito ng Happy Anniversary. Napagdesisyunan niyang patigasin ang boses kahit halos sumigaw ang puso niya na lambingin si Adrian. Inulit niya ulit ang naunang tanong

"Yun lang ba?" ulit niya

"Ah... Hmm.. Ano kasi Hon..."

"Kailangan mong bilisan kung ano man yan. May practice pa kami"

"Gusto sana kitang imbitahin mamaya Hon.. Dun sa paborito nating restaurant? Kain lang sana tayo kung maluwag schedule mo"

Napaisip siya. Gustong-gusto na niyang makita si Adrian. Ngunit hindi niya yata makakayanan na titigan uli ng diretso sa mata si Adrian gayung alam na alam niya na ang mga susunod na mangyayari dito.

"Titingnan ko pero hindi ko maipapangako na makakasama ako" sagot niya

"Sige Hon... pero.... maghihintay ako"

Nagbabanta na ang mga luha na sa kanyang mga mata.

"Ok" tanging naisagot niya

"I love you Hon" halos pabulong na turan ni Adrian sa kanya.

Pinindot niya ang End button.

"O anong sabi Moks?" agaw atensyon ni Red sa kanya matapos niyang tawagan si Jake.

"Try niya daw pumunta Moks" medyo malungkot niyang tugon

"Try? Moks... 4th Anniversary niyo tapos susubukan niya lang? Ganun na ba siya ka-celebrity masyado at hindi niya man lang magawa ang puntahan ka sa araw na espesyal sa inyong dalawa?" mahabang litanya ni Red sa kanya.

"Moks, intindihin mo naman yung tao... Alam mo namang siya na ngayon ang lead singer sa NASUDI. Tingnan mo sikat na sikat na siya sa campus." pagtatanggol niya kay Jake

"Importante pa ba yun Moks kaysa sa iyo? Kung ako siya.. ikaw ang first priority ko."

"Eh iba naman siya sa iyo Moks eh... Saka naiintindihan ko naman ang bagong set up namin ngayon"

"Wow, talagang may set up pa kayo Moks ah. At congrats! ikaw yung nakaisip ng bagong set up na yan, hindi na kailangang mag-alala ng Jake na iyan sa sitwasyon niyo.. Wow naman, swerte talaga nung sikat mong boyfriend sa iyo"

"Ako moks... ako ang swerte.. Dahil alam kong mahal niya ko"

"Malas ko, ikaw naman ang mahal ko" bulong ni Red sa sarili niya.

"May sinasabi ka Moks?"

"Ah wala Adrian dele Riva!... Sabi ko lang kako sa sarili ko... Apat na mata mo, hindi mo pa makita yung lalaking nagmamahal sa iyo"

"Lagi ko namang nakikita si Jake ah"

"Eh ako? Hindi mo ba ko nakikita?" tanong sa kanya ni Red.

"Ayan oh.... nakikita naman kita Moks... Ang gwapo-gwapo mo Moks.. Ayan oh" natatawa niyang sagot kay Red habang itinuturo ito.

"Ewan ko sa iyo... Labo mo" sagot ni Red sa kanya habang iiling-iling.

"Hay Naku Moks.. Mag-ayos ka na nga lang diyan"

Kasalukuyan silang nasa isang restaurant na malapit ng konti sa eskwelahan nila noong high school. Noong hindi pa sila tumutuntong ng kolehiyo ay ito ang paborito nilang puntahan ni Jake. Maliit lamang ito at abot kaya ang presyo ng mga lutuin. Ngunit sa araw na iyo ay inupahan niya ang buong restaurant at dinesenyuhan ng naayon sa kanilang okasyon. 4th Anniversary nila at nararapat lamang na kahit papano ay espesyal din ang selebrasyon nilang dalawa lalo na at nakapasok sa NASUDI si Jake. Matagal niyang pinagipunan ang gagastusin para dito. Kung tutuusin ay pwede naman talaga siyang humingi sa Mama niya ngunit mas pinili niyang ipunin na lamang mula sa baon ang gagastusin para dito.

Ang buong lugar ay pansamantalang natatakpan ng mga larawan nila. Kuha iyon simula noong highschool pa sila ni Jake hanggang sa kasalukuyan. Makikita iyong mga panahon na nagkukulitan lang sila sa larawan at paborito nilang mag-wacky pose sa harap ng kamera. Nahagip rin  ng mga mata niya ang larawan nila nung Mock Wedding. Sa katunayan ay ito ang naging inspirasyon niya sa ginawang paghahanda sa lugar. Kabi-kabilaan ang mga pink balloons, mga pink na bulaklak. at ang mga telang ginamit para takpan isang lamesa sa gitna ay kulay pink din. Buti na lamang at pinahintulutan siya ng may-ari ng restaurant at syempre alam kasi nito na parokyano na sila ng nasabing lugar.

Sa harap ay matatagpuan ang isang projector, naghanda rin siya ng slideshow na naglalaman din ng pinaghalong mga larawan nila at ilang video clips na nakunan nila. Mayroon ding microphone sa unahan at nakalapag sa bangko ang isang gitara, balaki niya kasi itong kantahan ng theme song nila. Medyo nakakapagod rin talagang ibahin ang hitsura ng lugar ayon sa gusto niya ngunit nagpapasalamt siya at nandyan si Red, kundi dahil dito ay hindi siguro matatapos lahat ng naplano niyang gawin sa restaurant.

Nilingon niya ito, kasalukuyan itong nagkakabit ng balloons. Kahit pa asar na asar na ito sa kanya ay tinutulungan pa rin siya nito. Doon niya napapatunayan ang sinasabi nito sa kanya na hindi siya nito matitiis.

Ano kayang pakiramdam ang mahalin ng isang Red Antonio?

Pasimple niyang sinapak ang sarili. Bakit ba kung ano-anong pumapasok sa isip niya? Si Jake ang boyfriend niya at si Jake lang ang mahal niya.

"Oh? Nangyari sa iyo? bakit tulala ka na naman diyan? Ayos ka lang ba Moks?" agaw pansin sa kanya ni Red ng makita siyang nakatulala.

"Ah wala wala..." pagsisinungaling niya at nagiwas siya ng tingin dito.

"Moks.. alam ko importante sa iyo itong araw na to... pero dapat siguro magpahinga ka muna. Pinag-aalala mo ko eh. Parang hindi ka pa yata natulog kagabi dahil lang dito"

"Kinakabahan kasi ako Moks eh, paano kung hindi magustuhan ni Jake tong hinanda ko para sa kanya."

"Sinabi mo ba sa kanya kung anong oras at saan kayo magkikita?"

"Tinext ko na kanina pa" sagot niya

"Magugustuhan niya iyon ano ka ba? Tingnan mo nga ginawa mo dito sa restaurant... mahihirapan na yata ibalik nung may-ari yung dating hitsura ng restaurant niya"

"Sigurado ka ba talga Moks?" tanong niya ulit

"Halika nga dito"

Hudyat na ulit iyon sa kanya para yumakap ulit kay Red. Sa mga ganung sitwasyon, talagang kailangan niya si Red para pagaanin ang loob niya.

Niyakap siya nito ng mahigpit. at ganoon din siya.

"Hay naku Moks ko... bakit pa kasi"

"Anong bakit pa kasi Moks?" malambing niyang tanong.

"Bakit pa kasi ang sarap sarap mong yakapin" biro nito sa kanya

Agad naman niyang siniko ito sa tagiliran.

"Oh bakit na naman? To naman, ikaw na nga tong niyayakap"

"Eh puro ka kasi kalokohan, kala ko naman walang malice iyong yakap na iyo. Hmp!" singhal niya dito

"Haha.. Pwede bang walang malice moks eh sa hindi ko mapigilan eh" si Red habang tumatawa ng nakakaloko.

"Wag kang lalapit.. Hindi na nakakatawa yan inaakto mo Red Antonio"

Humakbang si Red papalapit sa kanya at naka ngisi ng makahulugan.

"Moks... payakap pa ko" nakangiti pa rin Red

"Wag kang lalapit, diyan ka lang"

"Moks"

At natagpuan na lang nila ang sarili nila na naghahabulan sa loob ng restaurant. Nagkikilitian na lamang sila na parang wala ibang tao.

"Moks ano ba... Tama na kasi.. Nakikiliti ako.. Hahaha" awat niya kay Red ng hinabol siya nito at simulang kilitiin sa tagiliran.

"Hmmm... ayan.. yan... siniko mo ko kanina ako naman ngayon.. Haha"

Wala siyang laban dahil masa malakas ito kaysa sa kanya. Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang tumawa na lang ng tumawa habang kinikiliti siya nito.

Humarap siya para tangkaing pigilan ito. Nakabig siya paharap ni Red. Ang tawanan nila ay napalitan ng katahimikan. Napalitan ito ng paghinga nila ng malim. Nararamdaman niya ang init ng hininga ni Red. Nakatitig ito sa kanya at sa di maipaliwanag na dahilan ay hindi niya rin maalis ang titig niya rito.

"Adrian! Anak!" tawag ng isang boses lalaki sa kanila.

Awatomatiko naman silang napalingon at nakita niya ang may-ari ng maliit na restaurant na inupahan nila. Nilingon niya si Red at nakita niyang naihilamos nito ang kamay sa sarili nitong mukha. Pinili niyang huwag munang pansinin ito at lumapit siya sa matandang lalaking nagmamay-ari ng boses.

"Nandyan po pala kayo, Tito Felix" bati niya dito ng tuluyan na silang magkaharap.

Nakasanayan na kasi nilang tawaging Tito Felix ang may-ari ng restaurant hindi dahil sa kamag-anak nila ito kundi dahil sa napalapit na rin sila rito at naging bahagi na ng buhay high school nila. Wala itong anak o pamilya at tanging ang nagiisang kapatid nito na babae ang katuwang nito para itaguyod ang restaurant. noong nawili na sila na kumain sa restaurant na iyon ay itinuring na sila nitong anak-anakan nila Jake at Red.

"Oh ito na ba yung boyfriend mo?" tanong sa kanya nito sabay baling kay Red. Alam kasi nito na boyfriend niya si Jake yun nga lang sa tagal siguro na hindi na sila nagagawi roon matapos grumaduate sa high school ay baka hindi na nito masyadong mamukhaan si Red at Jake.

"Ay naku hindi po bestfriend ko lang po siya" depensa niya sa sinabi nito

"Oo nga.. bestfriend niya LANG po ako" sagot din ni Red. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagbibigay diin nito sa salitang "lang".

Nagpasya siyang huwag na muna itong pansinin.

"Ah siya nga ba? Naku hijo patawarin niyo ang Tito Felix niyo at talagang tumatanda na"

"Naku hindi naman halata Tito, eh mas mukhang bata pa yata kayo ngayon kaysa nung dati eh." pagsalungat niya dito

"Haha.. Marunong ka talagang bata ka.. Hayaan mo at magluluto pa ko ng isang putahe dahil sa sinabi mo.. Bonus ko na yun sa iyo anak"

"Haha Thank You tito.. Pero totoo naman talaga na wala pa ring kupas ang pagka-pogi niyo"

"Tong batang tong talaga hala sige.. Maiwan ko muna kayo dito ano? At lulutuin ko yung bonus menu.. Ikaw Red ingatan mo tong si Adrian ah?

"Oo naman Tito.. Ingat na Ingat ko po talaga iyan" sagot naman kaagad ni Red

"Tito naman bakit kailangan pa kong ihabilin kay Red?" tanong niya dito

"Eh diba mag boyfriend kayo?" tanong ulit nito

"Tito Felix naman eh! Kakasabi ko lang na hindi kami"

"Haha... Pasensya na anak at may deperensya na itong mata ko ano.. Hindi ko na kasi mamukhaan si Jake saka tinitingnan ko kayo kanina.. Bagay na bagay naman kayo.. Alam mo Adrian anak, may mga bagay na matagal na nating hinahanap hanap pero nasa tabi tabi lang pala"

"Kayo talaga Tito, hanggang ngayon pinapangaralan pa rin ako" lambing niya dito para naman mabago ang pinaguusapan nila. Hindi na kasi siya komportable sa mga sinasabi nito.

"O siya sige, mga anak at pupunta na ako sa kusina"

Lumingon ulit siya kay Red at nakita niyang nakangiti ito.

"O bakit ka nakangiti diyan"

"Wala lang, masama bang ngumiti"

"Sus... Ewan ko sa iyo"

Mas lalo yata nangasar ang Mokong at sumipol pa ito habang nakangiti. Nang tumingin ulit siya dito ay kininditan siya nito.

"Moks" tawag ulit sa kanya ni Red.

"Bakit Moks?"

"Maya-maya... aalis na ko ah.. Alam mo namang ayaw kong makita ang Jake na yan at baka ano pa ang magawa ko"

"Moks naman eh.. Importanteng araw namin to.... Ngayon ka pa mawawala"

"Iyon na nga Moks, importanteng araw niyo... Dapat solemn at romantic dahil Anniversary niyo, dapat nga hindi mo na inimbitahan si Sabrina na pumunta.."

"Ang alam ko naman kasi eh nandito ka rin mamaya pag dumating si Jake"

"Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa niya sa iyo noong Auditions... Diba sabi mo hindi siya nagparamdam sa iyo matapos noon.. Sabi mo pa nga hindi sinasagot ang tawag mo? Ano iyon? Nakalimutan ka na por que sikat na siya? Iyan ba yung pinag mamalaki mong boyfriend" galit na tugon ni Red.

"Moks naman eh..." tanging nasambit niya

Bumuntong hininga muna ito bago sumagot muli. "Moks, nag-aalala lang ako sa iyo"

"Moks mahal ko si Jake at alam kong mahal niya rin ako.. Diba dapat pag nagmamahal ka iniintindi mo lahat lahat ng tungkol sa kanya?"

"Fine.. Hindi na po ako sasagot tungkol diyan.. To make it up, sandali lang ako OK? Then yayayain kong lumabas si Sabrina para makapag solo kayo.. Ok na ba yun?"

"Thank You moks!!.. Payakap naman sa best friend kong walang kupas"

"Sus nambola ka pa... Kung hindi ka lang cute eh"

"Haha sira!... Ang sabihin mo hindi mo lang ako matiis"

"Syempre mahal kita eh"

Napatda siya sa narinig. Tinitigan niya ito habang naka-kawit ang mga braso niya sa leeg nito.

"Joke" ngumisi ito ng nakakaloko

Binatukan niya ito bilang ganti.

"Oh para san na naman iyon?" natatwa nitong tanong habang hinihimas ang ulo.

"Ikaw kasi kung ano-anong pinagsasasabi mo"

"Apektado ka naman"

"Hindi ah"

"Sus... nahiya pa.. gustong gusto naman" pang-aasar nito sa kanya

"Sige lang Red Antonio... ituloy mo lang iyan... Makakatikim ka sa kin"

"Iba ang gusto kong tikman" makahulugang wika ni Red sabay kindat sa kanya.

"Ewan ko sa iyo" pambabalewala nito sa kanya at pumunta siya sa mga balloons para i check ang mga ito

"Pikon!" sigaw nito sa kanya

"Manyak"

"Haha... Sige na nga ako na ang Manyak.. Pano Moks... uwi na muna ako.. palit lang ako ng damit"

"Sige moks.. ako na bahala dito"

"Sigurado ka?"

"Oo Moks.. Sige palit ka na at ang baho mo na... May mga damit akong pamalit jan.. Dito na lang din ako magpapalit"

"Oo mabaho nga ako, pero gwapo naman"

"Umuwi ka na lang kaya.. Bubuhatin pa ang sariling bangko eh"

"Sige Moks ko.. kitakits mamaya and Happy Anniversary" matamis na ngiti ang ipinukol sa kanya ni Red pagkatapos siyang batiin nito.

"Thanks Moks"

"Basta ikaw" pahabol nito at saka unti unting nawala sa paningin niya.

Binabagtas ng kotse ang daan papunta sa Glifonea's, isa itong maliit na restaurant na pagmamayari ng isang matandang binata na nagnganagalang Felix Marivelles. Parang kailan lang na doon sila kumakain ni Adrian tuwing recess sa high school. At ngayon naiimagine niya uli ang sarili niya na kaharap si Adrian at kumakain sila ng sabay.

He shook his head. Kung anumang binabalak niyang masayang pagtatagpo ay kailangan niyang pawiin. Dahil nakaukit na ang mga sasabihin niya kay Adrian mamaya. Naalala niya ang paguusap nila ni Sabrina bago siya umalis.

"You need to attend to that celebration Jake"

"Bakit pa? Hindi ba pwedeng iwasan ko na lang siya?"

"No.. And you will only do what I will tell you.. I want you to go there and break up with that fag!"

"Sabrina pwede bang itaya mo na lang sakin ang relasyon namin ni Adrian?"

"Relasyon? Ang alam ko wala naman talagang relasyon Jake... Diba planado ang lahat? Diba ilang taon ka ring nagtiis sa baklang iyon? This should be a piece of cake."

Tama nga naman ito. Planado lang ang lahat. Kung mayroon mang isang katotohanan sa relasyon nila ni Adrian, ito ay ang katotohanang kasinungalingan lang ang lahat.

"Jake.. Go now"

Pumarada ang kotse sa isang maliit na restaurant. Ito na nga ang Glifonea's. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang mga pangyayari noong high school sila. Oorder sila ng spaghetti at laging magrereklamo si Adrian dahil daw ang madumi siyang kumain nito. Lagi kasing nababahiran ng sauce ang gilid na bahagi ng mga labi niya. Pagkatapos ay pupunasan ni Adrian ng tissue ito at siya naman patuloy na humahanga sa pag-aalaga nito sa kanya.

Pumasok siya sa loob ng restaurant.

Walang ilaw.

"May tao ba dito?"

Walang sumagot.

Tatalikod na sana siya palayo ng biglang may musikang pumailanlang sa buong restaurant. Lumiwanag ang buong paligid dahil biglang nabuksan ang ilaw. At ang musika ay nasundan ng boses na kumakanta.

"I've been living with a shadow overhead, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on"

Nakita niya si Adrian nag-gigitara habang may nakatapat na mikropono. Matamis ang pagkakangiti nito sa kanya. Doon pa lamang ay gustong gusto na niya itong yakapin at ikulong uli sa mga braso niya.

Nakita niyang lumapit ang may-ari ng restaurant na nagngangalang Felix. Binigyan siya nito ng mikropono.

Nagsimula siyang umawit habang nakatitig kay Adrian. Sinikap niyang walang emosyon ang lumabas sa mukha niya.

"I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need 'em again someday, I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind"

"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love.Ooo hooow"

"I've been watching but the stars refuse to shine, I've been searching but I just don't see the signs, I know that it's out there, There's gotta be something for my soul somewhere"

"I've been looking for someone to she'd some light, Not somebody just to get me through the night, I could use some direction, And I'm open to your suggestions"

"All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through without a way back into love. And if I open my heart again, I guess I'm hoping you'll be there for me in the end"

"There are moments when I don't know if it's real Or if anybody feels the way I feel I need inspiration Not just another negotiation"

"All I wanna do is find a way back into love, I can't make it through without a way back into love, And if I open my heart to you, I'm hoping you'll show me what to do, And if you help me to start again, You know that I'll be there for you in the end"

Natapos ang kanta na wala siyang ka-rea-reaksyon. Huli na ang lahat. Hindi na niya maibabalik ang dati. Gumala ang mata niya sa dingding ng restaurant. Sa lahat ng sulok ay makikita ang kanilang mga larawan, mga larawan na nagpapakita kung gaano sila kasaya noon. Mga larawang amgsisilbing paalala kung gaano siya kaswerte kay Adrian. At ito ang buhay na paalala na sa tanan ng buhay niya, naranasan niyang magmahal.

Biglang naalala niya ang sinabi ni Martha. "Dahil huli na nung nalaman ko ang consequences kapalit ng ambisyon ko"

Tama ito. Huli na ang lahat para sa konsensiya. Huli na ang lahat para sa pagmamahal.

"Hon nagustuhan mo ba?"

Hindi niya namalayan na naroon na pala ito sa harapan niya. Nakita niyang lumapit si Adrian sa kanya para halikan siya sa pisngi.

"Happy Anniver..." hindi na naituloy ni Adrian ang sasabihin niya ng pigilan ni Jake ang mga braso niya para yakapin ito.

"This is the worst thing you've done"

"Hon may mali ba? Hindi mo nagustuhan tong hinanda ko para sa iyo. Hon OK lang, kung di mo gusto dito Hon.. Kahit sa ibang lugar na lang tayo magcelebrate"

"Dont bother Adrian"

"Adrian? Hon, hindi ko maiintindihan bakit ka ba nagkakaganyan?" pumiyok na ang boses niya tanda ng nagbabantang mga luha.

"That would be the last time that you will call me that name. Hon? Pathetic"

"Hon sorry na please wag ka ng magalit..."

"You made me sick" pagkasabi ni Jake nito  ay tumalikod siya para humakbang papalayo. Tumakbo naman siya sa harapan nito para pigilan ito.

"Sandali.. Hon.. may nagawa ba akong mali.. May hindi ka ba nagustuhan ? Ano? Sabihin mo na.. Parang awa mo na"

"Hindi mo naiintindihan" malamig nitong tugon sa kanya

"Dahil ayaw mong sabihin!!!! Hon, hirap na hirap na ko ... hindi mo sinasagot tawag ko... Miss na miss na kita ... ngayong nagkita na ulit tayo bakit biglang bigla parang ayaw mo na kong makita" umiiyak na siya habang sinasabi niya iyon.

"Gusto mong maintindihan? Huh?" biglang sigaw ni Jake sa kanya at kwinelyuhan siya.nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

Hindi siya nakapagsalita. Sa buong buhay niya ay noon niya lang nakitang galit na galit si Jake.

"Makinig kang mabuti.. Dahil ang susunod kong sasabihin sa iyo ay para sa ikaiintindi ng mahina mong kokote. Alam mo, sayang.. Ang talino mo pa naman sana kaya lang mas matalino ako sa iyo... Ginamit lang kita.. Ginamit lang kita para makaabot ako sa kinaroroonan ko ngayon.. Akala mo siguro kaya kitang mahalin noh... Hindi kita kayang mahalin... dahil..."

"Dahil ano Jake? Dahil ano!!!" sumigaw na rin siya habang patuloy na umaagos ang luha sa kanya.

Nabigla siya ng itulak niya ito at mapaupo siya sa lapag. Nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Ngiti ng isang taong nagtagumpay na isakatupara ang pinaplano niya.

"Dahil BAKLA ka lang"

Sapat na ang sinabi nito para pagsakluban siya ng langit at lupa. Narinig niyang humakbang ito palayo at ang sunod na narinig niya ay tunog ng kotseng papaalis.

"Mama pwede niyo po bang bilisan ng konti?"

"Naku hijo sagad na tong takbo ng tricycle ko"

"Mama kailangan ko po kasing sunduin yung Moks ko, importante lang po eh"

"Moks? Yun ba yung pangalan niya?"

"Hindi.. Basta.. Bilisan niyo na lang po"

Gusto ng batukan ni Red ang tricycle driver na sinakyan niya. Biglang bigla kasi ay pinapunta siya kaagad ng kanyang Ina papunta kay Adrian. Kanina pa siya balisang balisa at pinagpapawisan ng malamig. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito.

Sa wakas ay nakababa na siya sa tricycle. Humahangos na pumunta siya sa loob ng restaurant at nakita niya si Adrian.. Nanonood magisa ng slideshow. Humangos siya papalapit dito dahil may kailangan siyang ibalita.

"Moks!" sigaw niya dito

"Jake? Jake... buti nagbalik ka"

"Moks, si Red...to hindi ako si Jake... si Red to"

"Moks kaw pala sorry... Moks please... habulin natin sa Jake Moks... Moks.. magpapaliwanag ako sa kanya Moks... please..Moks" umiiyak ito habang nakayakap sa kanya.

"Moks hindi natin siya hahabulin"

"Moks sige na please... Parang awa mo na... Moks" humagulhol na si Adrian

"Moks.. naririnig mo ba ang sarili mo? Moks.. may isang tao mas kailangan ka ngayon.. Moks nasusunog ang bahay niyo ngayon.. At nandon ang Mama mo!!!"

Itutuloy....

[12]
"Gagaling pa ba siya?" tanong ni Red kay Karma.

Karma Antonio is a psychiatrist who graduated from one of the top universities in the country. Yun nga lang mas pinili nito na magpalipat-lipat sa iba'tibang lugar para magkawang-gawa kaysa amgtayo ng sarili nitong clinic. Mas madalas siyang nasa ibang lugar at ginagamot ang mga taong tinakasan na ng sariling katinuan. Minsan nga ay nagtatampo na ang kanyang ina dahil dalawa o talong buwan siya halos hindi umuuwi ng bahay. Gayunpaman ay naiintindihan nito ang kanyang propesyon.

Kakauwi niya lamang noong isang linggo ngunit hindi niya akalain na isang tao na naman ang nangangailangan ng kanyang propesyunal na tulong. Buong akala niya ay panandalian siyang makakatakas sa stress ng trabaho niya ngunit hindi pala. Gayunpaman, hindi basta ordinaryong tao lamang ang pasyente niya ngayon, ito ay ang kababata ng kanyang kapatid na si Red.

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko but for now kailangan mong isa-alang-alang ang mga sinabi ko sa iyo"

"Hindi ko man lang ba siya pwedeng makita?"

"Wag muna sa ngayon Red"

"Pero ate..."

"May gusto ka ba sa kanya?"

Halatang nabigla ang nakababatang kapatid niya sa tanong niya ngunit determinado siyang makuha ang sagot nito. Ilang linggo rin kasing nakikita niyang sobrang apektado ito sa nangyari sa kababata niyang nagngangalang Adrian.

"Hindi ko maintindihan ang tanong mo Ate"

"Red, tinatanong kita kung gusto mo si Adrian hindi bilang isang kaibigan kundi bilang kasintahan" dire-diretso niyang tanong dito

Hindi ito kaagad nakasagot at tinitigan lang siya ng mariin.

"Ate... Paano kong Oo? Magagalit ka ba?"

"Ang alam ko may girlfriend ka?"

Tumango lang ito.

"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo?"

"Ate... Ito lang desisyon ko sa buhay ko na siguradong sigurado ako... At ito ang desisyon na pinanghahawakan ko hanggang ngayon.. Ate mahal ko na si Adrian.. Higit pa sa pagiging matalik na kaibigan"

Tinimbang niya kung nagsasabi nga ba ng totoo si Red. Ngunit wala siyang nakitang bahid ng kasinungalingan sa mga mata nito.

"Red... kung maguusap tayo bilang dalawang tao na magkaiba ang pananaw at kasarian... Hindi ako pabor sa desisyon mo... Babae ako.. babae si Sabrina.. Alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman niya habang magkarelasyon kayo ngunit iba ang mahal mo.. Ngunit kung maguusap tayo bilang magkapatid.. Ikaw bilang nakababata kong kapatid at ako bilang iyong ate... Sinusuportahan ko ang desisyon mo.. Kung sa tingin mo mas liligaya ka ng iniibig siya.. Hindi kita pipigilan.. Ngunit kailangan mong ihanda ang sarili mo.. Dahil maraming mga pagsubok ang naghihintay sa mga taong mangangahas umibig ng tapat" mahaba niyang litanya dito.

"Alam ko naman yun ate... Alam kong kailangan kong ihanda ang sarili ko na masaktan pero wala akong magagawa.. Mas pipiliin kong ibigin siya at masaktan para naman kahit matapos ang lahat at hindi pa rin ako ang pinili niya.. Masasabi kong ibinigay ko ang buong mundo ko sa kanya.. mapasaya lang siya"

Hindi niya akalain ganun na magsalita itong si Red. Parang kailan lang ay paslit lang itong laging nakabuntot kay Adrian at kanta ng kanta pag walang magawa. Ngunit ngayon, mamang mama na ang dating at daig pa ang isang matanda magsalita. Siguro nga ay mas may alam pa ang kapatid niya sa tunay na pagmamahal.

"Ate pwede ba akong humingi ng pabor?"

"Ano iyon?"

"Pwede ko bang makasama si Adrian? Kahit ngayon lang? "

"Red, alam mong Adrian is under medication. Hanggat maari ayoko muna siyang makisalamuha sa ibang tao except me"

"Please ate... kahit ngayon lang?"

Kung hindi niya pagbibigyan itong si Red ay alam niyang madaragdagan lang ang paghihirap nito. Bilang isang psychiatrist, ay maraming rason kung bakit tinatakasan ng sariling bait ang mga tao ngunit karaniwan sa hindi ay pagibig ang dahilan. Sobrang Pagibig. Yung tipong pinaikot mo ang mundo mo sa isang tao ngunit nalaman mong hindi naman pala sa iyo umiikot ang mundo ng taong mahal mo.

"Ok Red but Im just giving you until this afternoon.. Pagkatapos ay babalik uli siya sa kuwarto niya"

"Talaga ate.. Wag kang mag-alala ako na bahala sa Moks ko"

"Ok sige.. nandun siya sa kuwarto niya puntahan mo na lang"

"Ok"

Mabilis pa sa alas-kuwatro na umalis si Jake sa harapan niya. At ang alam niyang kung ano man ang napagusapan nila ay totoo ang mga sagot na nakuha niya kay Red. Sinimulan niyang kunin ang mga papel nakalatag sa kanyang mesa. Ang nararamdaman niyang galak kaninang nakipagusap siya sa kanyang kapatid ay napalitan ng takot. Tiningnan niya ang mga nakasulat sa papel. Hindi maaari.

Humakbang si Jake pataas sa pinakadulong kwarto ng kanilang bahay. May halos walong kwarto ang bahay nila. At nasa dulo ang kwarto ni Adrian. Utos rin ito ng kanyang ate na itabi ang magiging kwarto nito sa kwarto ng ate niya. Dahil ginagamot nito si Adrian.

Nasa harap na siya ngayon ng kuwarto. Ngunit nagdadalawang isip siya kung pipihitin niya ba ang doorknob o kakatok. Hindi niya alam kunggugustuhin nga ba ni Adrian na makita siya o kung gugustuhin niyang makita si Adrian matapos ang mga naganap ilang linggo na rin ang nakakaraan.

Bumaba sila ng tricycle habang umiiyak pa rin si Adrian galing sa Glifonea's resto. Kung hindi siya nagkakamali ay nakipagkalas na si Jake kay Adrian. Hindi niya alam kung dapat siyang matuwa sa nangyari ngunit habang nakikita niya si Adrian na umiiyak ay naghihirap din ang kalooban niya. Gustong-gusto niya ngang habulin si Jake at iharap ulit ito kay Adrian para bawiin nito ang mga sinabi nito sa matalik niyang kaibigan.

Ngunit mas importante na puntahan nila ang bahay nila Adrian na kasalukuyang tinutupok ng apoy. Nang marating nila ang bahay ng mga Dela Riva ay nakita nila kung gaano kalaki ang apoy na lumulukob sa buong kabahayan. Nakita niyang nandun na rin sa pinangyarihan ng nasabing sunog ang kanyang Ina at si Sabrina, kapwa ito umiiyak sa nakikitang apoy.

Nang makita silang paparating na tumatakbo ay agad siyang niyakap ni Sabrina. Niyakap rin niya ito para tumahan na ito sa kaiiyak.

"Anong nangyari? Nasaan si Tita Estel?" tanong niya kay Sabrina ng tumahan ito ng kaunti. Ang tinutukoy niya ay ang Mama ni Adrian.

"Babe, nasa loob pa siya... nahihirapan daw ang mga bumbero na apulahin ang sunog"

"Ano! Wala man lang bang pumunta sa loob para irescue si Tita? Ang laki na ng apoy"

"Paraanin niyo ko.. Nasa loob ang Mama ko.. pupuntahan ko siya... Paraanin niyo ko!!!" narinig niya ang sigaw ni Adrian habang pinipigil siya ng mga bumbero na pumasok sa loob ng bahay

"Sir, delikado po... Mas makabubuti na dumito lang po muna kayo at kami na ang bahala sa Nanay mo"

Tumakbo siya para awatin si Adrian na nagpupumalit pa rin suungin ang apoy sa kabila ng babala ng mga bumbero dito.

"Moks tama na.. Moks... Gagawin nila ang lahat para kay Tita.. Maniwala ka lang"

"Moks.. Hindi!!!.. Ang mama nasa loob... Puntahan natin siya please Moks... Ang Mama .... Moks... Ang Mama"  hindi na nito napigilan pumalahaw sa iyak habang hawak niya ang braso ni Adrian.

Nagpumilit itong pumasok sa bahay ngunit nanatili siyang nakayakap dito. Wala na itong nagawa kundi panoorin ang apoy na lumukob sa kanilang bahay.

"Ako ang magdadamit sa kanya" malamig natugon ni Adrian sa kanya ng puntahan nila sa morge ang lapnos na katawan ng Mama ni Adrian. Namatay ito sa sunog na naganap sa kanilang bahay. Ngayon, wala ng pamilya si Adrian. Nagiisa na lang ito.

"Moks sila na ang bahala kay Tita, kaya na nila iyan.. mabuti pang magpahinga ka na muna" pagaalala niya dito. Naalala pala niya na ang araw na ring iyon ang araw na nakipagkalas si Jake kay Adrian. Kung hindi lang nangyari ito ay pinuntahan niya na at binugbog ang lalaking iyon.

"Hindi, ako ang magdadamit sa kanya" matigas nitong sagot na para banag alam na alam nito ang pakiramdam ng magdamit sa isang sunog na bangkay.

"Moks, magpahinga ka na."

"Moks.. Baka hindi makahinga ang Inay... Alisin natin tong takip sa ulo niya" si Adrian at pagkasabi nito ay inalis ang takip na tela sa mukha ng Mama niya.

Lumantad sa kanila ang sunog na mukha ng Mama ni Adrian. Hindi niya alam kung masusuka o hindi sa nakita. Halos hindi na ito makilala sa sobrang pagkakatusta nito sa sunog.

"Moks.. ikuha mo ko ng damit sa bahay.. Dadamitan ko ang nanay" malumanay ngunit tulirong pagkakasabi ni Adrian sa kanya.

Mas pinili niyang huwag na lang sumagot. Abo na lang ang natira sa bahay nila Adrian Awang-awa na siya dito. Wala na itong iniluluha at marahil naiiyak na nito ang lahat kanina ng magpumilit itong makapasok sa bahay nila habang nasusunog ito.

"Moks dadamitan ko ang Nanay tapos pupunta kami kay Jake, hihingi ako ng tawad kay Jake Moks tapos ang mama masaya kaming papanoorin pagkatapos ikakasal daw kami ni Jake Moks tapos nandun ang Mama, tapos may mga pink na balloons, may pink na cake, tapos magiging masaya ang Mama kasi sabi ko sa kanya totoong may Happy Ever After Moks.. Kaya bilisan mo na, kunin mo na yung paboritong damit ng Mama.. Pupunta na kami kila Jake pag nabihisan ko na siya"

"Moks.. tama na.. " wala siyang lakas para salungatin ang mga pinagsasasabi nito sa kanya.

"Ikuha mo na ng damit sabi eh!!!! Ikuha mo ng damit Moks!!!! Ikuha mo ng damit!!!! Pupunta kami kila Jake Moks!!! Ano ba ang hindi mo maintindihan Moks? Ikuha mo ng damit ang Mama!!!" nagsimula ng magwala si Adrian sa morge at kung ano ano na ang pinagsasasabi nito.

Wala siyang magawa kundi ang panoorin itong lumuluha, sumisigaw, at pinapalo siya sa dibdib. Maya-maya ay namalayan niya ang mga tao sa morge na tinurukan si Adrian ng pampakalma. Ilang saglit pa ay nakatulog ito.

Hindi niya akalain na iyon na ang huling sandali na makakausap niya si Adrian.

Mula noon ay lumipat na si Adrian sa kanila. Ngunit hindi niya sigurado kung ang dating Adrian nga ba ang lumipat sa kanilang bahay. Naayos na rin ang Last Will and Testament ng magulang nito. At dahil si Adrian lang ang nagiisang anak, ay nakatanggap ito ng malaking halaga mula sa Savings ng kaniyang mga magulang. May kulang kulang 500, 000 ang naka deposito sa bangko at nakapangalan na sa kanya. Naiwan din sa pangangalaga ni Adrian ang ilang lupang sakahan na nabili pala ng kanyang Mama bago ito pumanaw. Ang mga papeles ay inayos din ng kaniyang Mama.

Ngunit walang naging epekto ang mga ito kay Adrian. Hindi na ito nagsasalita. Hindi gumagalaw. Hindi kumakain. Sa tingin niya ay nawalan na ito ng ganang mabuhay pa. Gusto na sana nila itong dalhin sa isang psychiatrist sa kanilang lugar. Noong unang pumunta sila ay sinabi nito na na-trauma daw si Adrian sa mga naganap at hindi naman daw magtatagal ay makakabawi na ito. Hindi niya alam kung pampalubag loob lamang ang sinabi ng doktor ngunit sa tuwing tinitingnan niya ang kalagayan ni Adrian na parang lantang gulay na nakaupo sa wheel chair. Dilat ang mga mata nito at iyon lang ang tanging gumagalaw na bahagi ng katawan nito, ang iba naman ay parang sumuko na ring gumalaw pa.

Gusto na sana nilang i-turn over sa psychiatrist si Adrian ngunit sakto naman na dumating ang kanyang ate mula sa isang medical mission. Ang kanyang Ate Karma ang isa sa pinaka magaling na psychiatrist. Noong nakatapos ito ng pag-aaral ay kabi-kabilaan ang nag offer dito na maging psychiatrist sa isang klinika o hospital. Ngunit mas pinili nitong magkawang-gawa na lamang kaysa pumasok sa malalaking establisyemento o magtayo ng sariling clinic.

Mula ng ikonsulta niya sa kanyang ate si Adrian ay pinagbawalan muna siya nitong makita si Adrian. Gusto daw muna nitong suriin ng mabuti ang nangyayari kay Adrian.

At ngayon, nasa harapan na siya muli ng pinto nito. Nagdadalawang isip man ay mas nanaig ang bahagi ng kanyang pagkatao na sabik na sabik muling makita ito. Pinihit niya ang door knob.

Nakaupo pa rin si Adrian sa wheel chair. Nakasuot ito ng puting T-shirt at puting pajama. Nasabi ng kanyang ate na nakaka-kain na daw ito ng medyo maayos kanina. Nakatalikod ito sa kanya at nakaharap naman ito sa malaking bintana na nagpapakita ng kaparangan at iba't ibang luntiang mga puno.

"Moks kumusta.. si Red to" umupo siya sa gilid ng kama upang makausap ito at makita ng malapitan. Malaki ang ikinabagsak ng katawan ni Adrian. Hindi na nito suot ang malalaking eyeglasses para palinawin ang mata nito. Medyo nananamlay ang kulay ng balat, halata mong sobrang bigat ng dinadala.

Wala siyang nakuhang sagot. Ngunit ipangpatuloy niya ang pakikipagusap na parang normal na normal sila. Ilang linggo lang ang nakakaraan.

"Moks tara dun sa kusina, may ipapakita lang ako sa iyo"

Wala pa rin siyang nakuhang sagot. Dinala niya ang wheel chair papalabas ng kwarto at papuntang kusina.

Nang marating nila ang kusina ay may kinuha siya sa loob ng refrigerator. Isa itong cake.

"Happy Birthday Moks" bati niya dito ng tuluyan siyang makalapit. Nakaupo rin siya sa may sahig habang tinitingnan ang magiging reaksyon ni Adrian.

Ngunit bigo siya, hindi pa rin ito nagsasalita.

"Moks.. Alam mo ba kung bakit naimbento ang birthdays?" tanong niya na parang ordinaryong pagbibiruan lang nila ni Adrian noong... noong normal pa ito.

"Kasi... Kasi para ipa-alala sa lahat ang mga pinagdaanan nila bago makarating uli sa araw ng kapanganakan niya. Moks... alam ko kong naaalala mo ang lahat ng nangyari.. ang lahat.. Kung pwede lang sana na ako magpasan ng mga paghihirap ko... Hindi yung ganyan, nakikita kitang nahihirapan.. Moks alam kong kaya mo yan.. Hindi ka aabot sa ganitong araw kung hindi mo kakayanin ang lahat ng iyan....

....Miss na miss na kita Moks.... Miss ko na yung Moks ko na niyayakap ko ... yung Moks ko na sinisiko ako sa tagiliran may nasabi lang akong masama.... yung Moks ko na lagi kong kasabay kumanta at tumugtog ng piano. Moks bumalik ka na... Maniwala ka na ulit sa fairytale" tuloy-tuloy niyang pagsusumamo dito. Nangingilid na ang luha niya. Ngunit pinigilan niyang huwag bumagsak ang mga ito. Sa paningin ni Adrian ay malakas siya at gusto niyang magsilbing paghuhugutan ng malakas nito, sa ganitong panahon.

"Moks tandaan mo lang lagi na mahal na mahal na mahaaaal kita.." iyon na ang huling sinabi niya dito at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.

Wala pa rin itong sagot.

Nanlulumong ibinalik niya ang wheel chair pabalik ng kuwarto nito.

Pinagpipiyestahan pa rin ng media ang naganap na sunog isang linggo lang ang nakakaraan sa barangay na malapit sa kanila. Ang mga plano ay naging matagumpay gaya ng inaasahan. Kasalukuyan niyang binabasa ang lokal na tabloid at sa headline:

Ginang natepok sa apoy

Ninamnam niya ang bawat sa lita na nakapaloob sa dyaryo. Mas pinili niyang ito ang bilhin dahil kilala ang dyaryong ito sa mga barubal nitong paglalathala. Tawang-tawa siya sa salitang "tepok". Linuha niya ang wine glass sa katabing mesa at humarap sa salamin.

"Cheers!"

Itinaas niya ang baso at nginitian ang sarili. Its a job well done. Balita niya nga daw ay malapit ng mabaliw ang bakla na iyon sa mga nangyari sa kanya. Sino ba naman ang hindi mababaliw sa nangyari? Wala ka ng jowa, dedbols pa ang mama mo! wika niya sa sarili.

Sabi na nga ba niya at hindi siya ang baliw, si Adrian ang baliw. Ngayon, mas lalo ng pandidirihan ni Red si Adrian, ang baklang baliw. Sila ang nararapat sa isa't isa. Sila ang bagay. Lalo siyang natatawa kapag naaalala niya hitsura niya noong nagkasunog. Iiyak siya pagkatapos ay hahanapin ang mga braso ni Red para magpayakap. Hayy sarap. Yayakapin niya kunwari si Adrian kahit diring diri siya, alang alang sa kunwa-kunwariang simpatiya.

"Best actress" wika niya sa sarili at sinundan ito ng malutong ng tawa.

Naalala rin niya kung gaano galit na galit si Jake sa ginawa niya. But since he did a great job kung paano nito kinalasan ang baklang iyon ay hindi na lang niya sinalubong ang init ng ulo nito.

"Hi Jake? Napatawag ka, miss me?"

"Ikaw ba ang may gawa nun?"

"Ikaw talaga Jake, hindi mo pa amining namiss mo ko"

"Sabrina! Kinakausap kita ng matino, ikaw ba ang may pakana ng sunog?"

"Sunog ba yun? I thought nag camp fire lang ako sa isa sa mga bahay na gawa sa panggatong"

"Demonyo ka talaga!"

"May demonyo ba na ganito kaganda Jake? Hahaha"

"Bakit mo ginawa yun? Bakit pati si Tita dinamay mo? Sabrina wala to sa usapan natin!"

"Tita? Jake naman, wag na tayong maglokohan.... Magka-ano ano ba kayo? Distant relative? Wag mong sabihing may dugong bakla ka rin?" sarkastiko niyang tanong

"Sabrina, wala sa usapan natin ang pumatay ng inosenteng tao?"

"Ano ka ba, its a natural process sa ecosystem. Saka buti nga na nadedbols na yung gurang na yun.. Eh di bawas siya sa populasyon.. Oh diba, Im so eco-friendly... At least nakaisip ako sa solusyon sa over population diba? Im so witty"

Narinig niyang ibinaba nito ang cellphone.

At the end of the day, gamitan lang talaga ang mangyayari. At sa kanya pa rin ang huling halakhak.

"And Red and I will live happily ever after.. Hahaha" wika niya sa sarili.

Tiningnan niya ang orasan. Its time to take her medicine.

"Ate, ano ba nangyari??" naguguluhang tanong ni Red kay Karma ng maabutan niya ito sa hospital. Lumabas siya ng saglit para bumili ng gamot na pinapabili ng Ate niya sa kanya ngunit bigla itong tumawag at pinapunta siya sa hospital.

"Naglaslas si Adrian ng pulso"tuloy tuloy na pag-amin ng ate niya sa kanya.

"Ok lang ba siya ate? Sabihin mo? Walang nangyaring masama sa kanya diba?"

"Wag ka ng mag-alala Red, maayos na siya ngayon.. natutulog na siya sa kuwarto na kinuha namin para sa kanya." wika ni Karma sa kanya. Kasalaukuyan silang nasa harap ng information desk ng hospital.

Naihilamos niya ang sariling palad sa mukha. Ginusto niyang makita si Adrian kanina sa motibong gusto niyang palakasin ang loob nito. Ngunit wala rin palang silbi ang lahat. Ang cake na siya mismo ang nag bake at ang mga sinabi niya rito para bumalik na ulit ang dating Adrian. Wala pa rin pala.

"Red, makinig kang mabuti.. aalis na ako mamaya"

"Ano? Bakit? Paano na si Adrian ate? Babalik pa ba siya sa dati?"

"Si Adrian ang dahilan ng pagalis ko.. Mayroon lang akong pupuntahang importanteng tao at babalik ako na kasama siya, In the meantime, ikaw na muna ang magbantay dito dahil hindi maharap ni Mama ngayon araw ang hospital. Alam kong aalagaan mo si Adrian"

Wala na siyang nagawa kundi tumango. Humakbang na paalayo ang kanyang ate.

"Red.." huling tawag nito sa kanya

Lumingon siya para tingnan ulit ito

"Huwag kang susuko."

Ngumiti lang siya ng matipid at siya na ang unang tumalikod at tinahak niya ang kwartong tinutuluyan nito.

Pagbukas niya ng pinto nakita niyang nakatayo na ito. Nakita niyang may benda ang kanang kamay nito sa may pulsong bahagi. Nang makita siya nito ay ngumiti ito sa kanya. Maputlang maputla ang kulay ng balat nito. Ngunit ipinagtataka niya kung saan nanggagaling ang lakas nitong tumayo at ngayon naman... ang ngitian siya.

"Wag ka munang tumayo... mahina ka pa" ang nasabi na lang niya

Hindi ito nagsalita.. Maya-maya pa ay humakbang ito palapit sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay ng mga susunod na mangyayari.

Niyakap siya nito.

Wala siyang nakapang salita. Para siyang estatwang nakatirik sa kinatatayuan niya. Ngunit mas ikinagulat niya ang sunod na ginawa nito.

Hinalikan siya ni Adrian.

Sapat na iyon para mawala ang kung ano mang pagrarason sa isip niya. Gumanti siya ng halik. Banayad ito noong una hanggang sa naging mapusok ang pagapuhap nila sa labi ng isa't isa. Nagespadahan ang kanilang mga dila. Dinala niya si Adrian sa kama nito. Hinubad niya ang piraso ng damit na suot nito.

Para siyang lalagnatin. Hindi niya pinalagpas ang bawat madaanan ng kanyang labi at dila.

Pumaibabaw ito sa kanya. Ngunit hindi niya alam kung saan nagmumula ang lakas nito. Sinipsip ni Adrian ang kanyang dalawang utong. Nang matapos dito ay patuloy na bumaba ang ang bibig nito sa kanina pang tigas na tigas na alaga niya. Namalayan niya na nagtataas baba na ang ulo nito sa ari niya.

Giniya niya ang ulo nito para bilisan ang pagtaas baba ng ulo ni Adrian. Ito ang unang karanasan niya sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Parang nagaalsa bawat laman niya sa halik at pagsipsip na ginagawa ni Adrian. Para siyang inaakyat sa ikapitong langit. Ungol siya ng ungol sa bawat sipsip nito

"OoooOoOohhh Moks... ang sarap... sige pa..HmmMm"

Matapos ng ilang minutong pagtaas baba ng ulo nito ay ipinahiga niya si Adrian sa kama. Sinalat niya ang butas nito at ng makapa ay ipinuwesto niya ang ari sa bukana ng butas na iyon. Dahan dahan niyang ipinasok ang ari niya sa loob nito. Alam niyang unang beses pa lang ito ni Adrian, dahil nakita niya ang pagkunot ng noo nito ng ipasok niya ang kanyang galit na galit na alaga.

Namalayan na lang niya ang sarili niya na umiindayog sa ibabaw ni Adrian. Napuno ng ungol ang kuwarto. At ng malapit na siya sa rurok ay umungol siya ng malakas at isinagad ang alaga niya sa loob ng ni Adrian.

"Mahal na mahal kita Moks" pagkasabi niyon ay hinalikan niya ulit ito.

Tumabi siya rito at niyakap niya si Adrian. Yumakap din ito sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na ito na pala ang huli nilang pagkikita.

Itutuloy...

[13]
Michael Tarvina was found dead inside a hotel. Isa ito sa mga athlete ng NorthEast State University.

But Red's focus is not there anymore. Siguro kung ordinaryong estudyante pa rin siya ay talagang makiki-tsismis rin siya sa nangyari. Siguro isa rin siya sa manghihinayang o magagalit sa sinumang tao ang may gawa noon. But his focus is on the classified ads. Nakapaskil dito ang litrato ni adrian:

Missing

Adrian Dela Riva

Anim na buwan ng nawawala si Adrian. Anim na buwan na rin siyang naghihirap. Pumapasok siya sa eskwelahan ngunit wala doon ang isip niya. Anim na buwan na ang nakakaraan ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang tagpo sa hospital. Noong magtalik sila ni Adrian. Noong magisa ang katawan nila. At noong paggising niya ay wala na ito sa tabi niya.

Pinilit niyang hanapin ito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay dala dala niya ang larawan ni Adrian at nagtatanong tanong siya sa kalsada kung nakita ba nila ang isang lalaking naka-eyeglasses, katamtaman ang tangkad at nagngangalang Adrian Dela Riva. Ipinakalat rin nila ang larawan ni Adrian sa mga dingding at kung saan saan pang lugar, nagbabakasakaling may makapagtuturo sa kanila kung nasaan ito. Naireport na rin ang pagkawala niya sa pulis ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring update kung nasaan nga ba si Adrian. Humingi na rin siya ng tulong kay Sabrina para mahanap ang matalik na kaybigan ngunit ayon dito ay wala pa ring balita.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay kokontakin niya ang himpilan ng pulis ngunit pare-parehong sagot ang nakukuha niya. Wala pa ring balita. Wala pa ring update. Wala pa ring Adrian. Pinanghihinaan na siya ng loob.

Kasalukuyan niyang hawak-hawak ang litrato nito. Naaalala niya ang lahat ng pinagsamahan nila. Ang mga sandaling sabay silang kumakanta habang tinutugtog niya ang piano. Sobrang simple lang ng buhay noon sa kanilang dalawa. Ngunit ngayon sobra-sobrang gulo na ang lahat.

"Moks, miss na miss na kita" naibulong niya sa sarili habang hawak ang litrato ni Adrian.

Unti-unti niyang ipinipinta ang mukha nito sa utak niya. Ang bagsak na buhok nito na nahahati sa gilid. Ang mapupungay na mata. Ang makapal na salamin. Ang manipis na mga labi nito.

Ngunit parang hindi niya na makikita pa ang Adrian na to. Ang Adrian na nagpatibok sa puso niya. Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na binabalikan ang mga sandaling magkasama pa sila ni Adrian.

"Hay naku Moks ko... bakit pa kasi"

"Anong bakit pa kasi Moks?" malambing na tanong nito

"Bakit pa kasi ang sarap sarap mong yakapin" biro niya dito

Agad naman siyang siniko ito sa tagiliran.

"Oh bakit na naman? To naman, ikaw na nga tong niyayakap"

"Eh puro ka kasi kalokohan, kala ko naman walang malice iyong yakap na iyo. Hmp!" singhal nito sa kanya

"Haha.. Pwede bang walang malice moks eh sa hindi ko mapigilan eh" sagot niya dito

"Wag kang lalapit.. Hindi na nakakatawa yan inaakto mo Red Antonio"

Humakbang siya papalapit dito at naka ngisi ng makahulugan.

"Moks... payakap pa ko"

"Wag kang lalapit, diyan ka lang"

"Moks"

At natagpuan na lang nila ang sarili nila na naghahabulan sa loob ng restaurant. Nagkikilitian na lamang sila na parang wala ng tao.

"Moks ano ba... Tama na kasi.. Nakikiliti ako.. Hahaha" awat nito sa kanya at hinabol niya ito at simulang kilitiin sa tagiliran.

"Hmmm... ayan.. yan... siniko mo ko kanina ako naman ngayon.. Haha"

Nasa ganoon siyang pagiisip ng magring ang telepono. Tumatawag ang ate niya.

"How's it going?" bungad na tanong ng Ate Karma niya

"Wala pa rin.. Wala pa rin siya."

"Its Ok.. Huwag kang susuko Red"

"Ate hindi ka pa ba uuwi dito? Diba sabi mo para kay Adrian ang pag-alis mo?"

"I'll be there soon"

"Hindi ko maintindihan ate.. Bakit ka nga ba umalis?"

"Ipapaliwanag ko rin sa iyo ang lahat"

"Ate Its been six months.. Wala pa rin siya" sinundan niya iyon ng pagbuntong hininga

"Mahal mo siya diba?"

"Oo naman. Kaya lang habang tumatagal ang panahon na wala siya parang gusto kong sisihin ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sobrang kulang iyon para maibalik siya"

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. May mga tanong na hindi pa masasagot sa ngayon. In time, everything will make sense. Darating ang panahon at mauunawaan rin natin ang lahat ng nangyayari."

"I keep on questioning tomorrow, sana wala ng bukas ate... Kasi noon... sobrang saya."

"We cant always dwell on the past"

"but its much happier"

Mas pinili niyang putulin ang tawag ng ate niya. Parang hindi kinakaya ng kalooban niya na minu-minuto ay mapaguusapan si Adrian.

Bumukas ang pinto at kasalukuyan siyang nasa sala. At iniluwa nito si Sabrina.

"Hi babe" bati nito sa kanya.

"Wala ka bang pasok" wala sa loob na tanong niya

"Meron babe but I just need to check on you. Opening na ng classes, diba dapat papasok na tayo ng sabay"

"Wala akong gana babe... Maybe tomorrow? Not now"

"Babe.. Hindi naman pwedeng ganyan lagi. I know na malungkot ka pa rin sa pagkamatay ni..."

"For Christ Sake Sabrina!!! Hindi siya namatay!!! Buhay pa si Adrian!! buhay pa siya!!!" hindi niya napigilang magalit dito

"Sorry babe"

Nakita niyang nahintatakutan ito at halatang nabigla sa pagsigaw niya. This is the first time na nasigawan niya ng ganito si Sabrina.

Unti-unti niyang nakitang umiiyak ito. Sapo ng dalawang palad nito ang mukha.

"Im sorry... nabigla lang ako... Im sorry babe" pagaalo niya dito

"Ok lang babe... alam... alam ko naman na pinapahalagahan mo lang si Adrian.. But babe.. its been six month...s" wika ni Sabrina sa kanya.

"Tahan na" lumapit siya dito at niyakap.

Anim na buwan na nga ang lumipas. Kung tutuusin, ang mga tao sa paligid niya ay sinusuportahan rin siya sa paghahanap kay Adrian. Isa na dito si Sabrina. Halos ipagtabuyan niya ito noon. Ngunit hindi pa rin ito natinag at naroon pa rin sa oras ng pagdurusa niya. Kaya naman laking pasasalamat niya dito ng tumulong rin ito sa paghahanap kay Adrian. Hindi siya nito iniwan. Hindi kagaya ni Adrian.

Tumigil sa paghikbi si Sabrina. At tinitigan siya nito sa mata.

"Babe.. Gusto ko lang naman makapag move on ka. Ginawa na natin ang lahat. I used my father's connection. Naireport na natin siya sa police. Pero wala pa rin. Wala pa rin si Adrian. Pero kung nandito siya.. Alam kong hindi niya gugustuhin na makita kang nagkakaganyan. Gusto niyang ituloy mo ang buhay mo.. Kahit wala siya sa tabi mo"

Hindi siya nakasagot. Kung iisipin ay tama ito. Hindi gugustuhin ni Adrian na makita siyang ganun. Siya nga itong nagmamalaki na matapang at maton noong mga bata pa sila. Pero ngayon, hinang hina siya. Hindi niya alam ang gagawin.

"Kung masama pa rin ang pakiramdam mo. You can stay here. Opening pa lang naman ng klase. There will be an event at the Auditorium. Welcoming the freshmen"

"Ok. Ill stay here first. Maybe tomorrow babe"

"Ok, if that's what you like but Im leaving here our school paper, just to update you. Marami ka ng namiss na events sa university"

Tumayo si Sabrina at akma ng aalis ng lumingon uli ito sa kanya.

"Babe" tawag nito sa kanya

Lumingon naman siya at tiningnan niya ito.

"I love you" matamis na wika nito sa kanya

"Ingat sa pagpasok" tumango lang siya pagkasabi nito.

Tumalikod na ito at tuloy-tuloy na humakbang papunta sa pintuan. Ilang sandali pa ay nawala na ito sa paningin niya.

Naiwan na naman siyang nakatulala. She loved sabrina. Loved. It was a past tense. And that might be the reason kung bakit hindi na niya matugunan ang sweet I love you's nito. Binalingan niya uli ang larawan ni Adrian at napa buntong hiniga.

Nahagip ng mata niya ang LAMPARA. That is the official school paper ng kanilang unibersidad. Kinuha niya ito at paunti-unti niyang binuklat at binasa ang nilalaman ng pahayagan. Mga balita ito ng updates sa unbiersidad. Laman din ng front page ang kamatayan ng atleta sa kanilang unibersidad na si Michael Tarvina. Sari-saring balita rin ang nakapaloob sa dyaryo, gaya ng pagtaas ng enrollees. Mga estudyanteng naipadala sa ibang bansa para maging exchange student. Ang pag-graduate ni Martha, ang NASUDI lead singer. At iba pa. Nahagip ng mata niya ang  pangunahing balita sa Entertainment Section and it read:

Singing Heartrob Jake Marcos to sing and welcome Freshies

Naikuyom niya ang kanyang palad. Marami ang naghirap ng dahil sa kanya. Ngunit naroon pa rin ang gago, patuloy na namamayagpag sa kanilang eskwelahan bilang Jake Marcos, ang lead singer ng NASUDI, ang singing heartrob, ang gwapong maraming nagkakandarapang babae, ang younger version of Adam Levine. Sobrang swerte ng mokong. Ngunit sila ang malas, lalo na si Adrian na nagmahal dito ng todo. Naalala niya ang sinabi ni Sabrina bago ito umalis, Opening pa lang naman ng klase. There will be an event at the Auditorium. Welcoming the freshmen

"Tingnan ko lang kung makaka-kanta ka pa sa gagawin kong gago ka " galit na turan niya habang tinitingnan niya ang larawan nito.

Nagiba ang desisyon niya. Papasok na siya. Papasok upang maghiganti sa taong punot dulo ng lahat. Kinuha niya ang school paper at agad na pumasok sa kuwarto para mag palit ng damit.

Maya-maya pa ay bumaba na siya at nadatnan niya ang nanay niya sa kusina.

"Anak, papasok ka na ba?"

"Opo nay..." maikli niyang tugon

"Hindi ka man lang ba kakain? Naghanda ako ng break fast"

Tiningnan niya ang nakahain sa la mesa at nakita niya rin ang kutsilyong hawak ng kanyang Ina. Kasalukuyan nitong ginagayat ang pork chop na niluto nito.

"Nay pwede bang mahiram yang kutsilyo nyo"

"San mo gagamitin anak?"

"May science experiment po kami" pagkasabi niyon ay dali-dali niyang kinuha ang matalim na kutsilyo at inilgay sa bag. Hinalikan niya ang Ina sa pisngi at tuloy-tuloy na tinahak ang pinto.

Nang makalabas ay inisip niyang mabuti ang sinabing alibi sa Ina. Conservatory of Music nga pala ang kinukuha niyang kurso.

"Papasok ka na ba?" tanong ng  isang lalaking nasa kanyang early 30's. Kasalukuyan niyang kinakausap ang isa pang lalaking kaharap niya.

"Of course, papasok na ko.. I miss the school"

"I think so.. Halata nga.. I think you miss the people out there very bad"

"People? Yeah right" sarkastiko nitong tugon sa kanya.

Sandali niyang pinagmasdan ang lalaking kaharap niya. The guy is wearing a tight black pants. A pair of black converse shoes at isang V neck na kulay itim din. Pinatungan naman ito ng semi-leather jacket. Naka sabit sa leeg nito ang isang kuwintas na bungo. His one-sided hair was dyed red. May hikaw rin itong kulay itim. And what completed the look are the eyeliners painted in his eyes. Meron din itong piercing sa kilay.

Nahagip niya ang mga kamay nito, his nails were polished with black tint. Tinernuhan din ito ng itim na guwantes.

"You know, you need to cut that outfit. Its too dark for a Nursing student"

"Im still a freshman.. I'll think about it when I will be a sophomore"

"Binura mo na talaga si.." Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya sa kaharap ng titigan siya ng nanlilisik nitong mga mata. He was specifically instructed na huwag na siyang tatawagin sa pangalang iyon.

"Nalimutan mo yata" maikli ngunit may pagbabanta nitong tugon sa kanya.

"Im sorry"

"Im not interested of your apologies, you always forgot that he is already gone"

"Ok.. Noted... Better be hurry. Male-late ka na sa Welcome Program para sa inyo" pagda-divert niya ng topic.

"Goodbye" maikling pagpapa-alam nito sa kanya.

"Goodbye Jude" sagot niya dito.

Punong puno ng tao ang auditorium. Iba-ibang mukha ang makikita ngayon sa loob ng hall. Mga estudyante ito na titira ng apat o higit pang taon sa napili nilang unibersidad, ang NorthEast State University. Sinalubong sila ng mahaba at boring na orientation process sa eskwelahan. Ang mga by laws o codes of conduct. Naroon din ang Presdente ng unibersidad at mga pinagpipitagang opisyales ng eskwelahan. Ito ay sa kadahilanang kailangan nilang makilala ang mga tao sa likod ng sikat na eskwelahan. Ngunit ang tanging rason kung bakit pinagtitiyagaan nilang makinig sa sobrang habang litanya ng mga ito ay dahil sa isang intermission number ng tinaguriang singing heartrob ng NorthEast State University.

Jake Marcos is about to sing another song in a few minutes from now. Tiyak na naman ang sigawan ng "We Love You Jake" mamaya. Mula sa back stage ay nakita niya ang mga nakasabit na streamers na nakasulat ang "Jake Marcos forever!", "I love you Jake Marcos", "Marry me please Jake Marcos", "We are the Jake's Angels". Naglipana rin ang mga poster niya at iba ibang larawan. Nakakatuwang isipin na ganito na kalayo ang narating niya. Sophomore pa lang siya ngunit siya na nga talaga ang humalili kay Martha pagkagraduate nito. Sa Orientation ng Freshmen, ipapakilala rin ang NASUDI bilang supreme music organization sa kanilang unibersidad. At ang pagpapakilala ay sa pamamagitan ng pagkanta ng lead singer nito. At ito ay walang iba kundi siya, si Jake Marcos... ang singing heartrob ng NASUDI. Ang rising star ng NorthEast University.

"How's my newest star?" naputol ang kanyang pagiisip sa tanong ni Director Lee.

"Always good looking and great" confident niyang sagot

"Glad to hear that!" wika nito sa kanya.

"Thank you so much for this sir"

"You deserve it Jake, ikaw ang nararapat na pumalit kay Martha"

Apparently, he is right. Sobrang hirap ang ginawa niya para marating ang posisyon niya ngayon. Marami siyang tiniis kabilang na... kabilang na si Adrian. Balita niya ay nawawala daw ito but he did not bothered to find him.  No, he actually dont care anymore. Kasabay ng pagalis niya sa restaurant noon ay nawala na rin ang konsensya niya. Maybe, Sabrina is right, siguro nga ay phase lang si Adrian and he should make necessary choices. He wants this life very bad na kaya niyang i-give up kahit sino.. kahit pa si Adrian. Besides, maybe he really did not loved Adrian baka wala naman talaga siyang nararamdaman para dito.

"Did he call you?" tanong uli ni Director Lee sa kanya.

"Sino po?" balik tanong niya dito

Halatang nasorpresa ang Director sa tanong niya. Na para bang umaasa ito na alam niya ang dapat na tumawag sa kanya. Sasagot na sana ang Direktor ng sumigaw ang host ng program.

"Ladies and Gentlemen. let's welcome... NASUDI's hot property and NorthEast State University's singing heartrob... Jake Marcos"

Napuno ng hiyawan ang buong Auditorium. Halos mapatid na ang ugat ng mga babae at baklang estudyante sa pagsigaw ng mga ito sa pangalan ni Jake Marcos. Mas lalo pang lumakas ang sigawan at palakpakan ng lumabas ang tinutukoy na singing heartrob. Ilang sandali pa ay nagsimula na itong kumanta. He is singing his breakthrough audition piece, The Man Who Cant be Moved.

"Going back to the corner where I first saw you, Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move,  Got some words on cardboard, got your picture in my hand ...Saying if you see this guy can you tell him  where I am"

Nagsimula ng mag hysteria ang mga estudyante. Ang performance ni Jake Marcos ang nagsisilbing buhay ng buong programa. Everyone was euphoric about his voice.

"We Love You Jake!!!!!!!!!!!!!!"

"Ang gwapo!!!!!!!!!!"

"Jake Marcos Forever!!!!!!!!!!!!!!"

"Waaaaaaaaaahhhh!!!!!"

"Marry Me Mr. Marcos!!!!!!!!!!"

Matalim ang mga titig na ipinukol ni Red sa lalaking kumakanta sa itaas ng entablado. Simple lang ang gagawin niya. Sa kalagitnaan ng pagkanta nito. Pupunta siya sa taas at sasaksakin ang lalaking naging dahilan ng paghihirap ng kanyang kaibigan. Igaganti niya si Adrian. Handa siyang patayin ang taong nanakit sa taong pinakamamahal niya. He doesnt really care what will happen next, kung anong maaaring mangyari sa kanya. But now he was determined to kill that asshole. Tiningnan niya ang kutsilyong hawak niya. He is waiting for the right timing.

Kasalukuyang kinakanta nito ang koro. 

"Cause if one day you wake up and find that you're missing me, And your heart starts to wonder where on this earth I could be...Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet And you'd see me waiting for you on the corner of the street"

Bumilang si Red para isagawa ang plano, sa bilang na tatlo ay tatakbo siya at sasaksakin si Jake habang patuloy pa rin ito sa pagkanta..

"So I'm not moving ....I'm not moving..."

"Isa.... Dalawa...." bulong ni Red sa sarili

Sumambulat ang nakakabinging tunog sa buong Auditorium. Wari'y isa itong tunog ng mikroponong nasobrahan sa echo. Napatda si Jake sa narinig at biglang natigil ang tugtog ng kanyang kinakanta. Ang nakakabinging sigaw ay napalitan ng katahimikan. Ang lahat ng tao ay nagtakip ng tenga. Samantalang hindi naituloy ni Red ang balak na pagakyat sa entablado dahil sa pagkabigla sa nangyari. Nakatakip na rin ang dalawa niyang kamay sa kanyang tainga.

Tumigil ang tunog.

Biglang lumiwanag ang paligid. Buhat ito sa malakas pagbukas ng pinto ng Auditorium. Iniluwa nito ang isang lalaki.

The guy is wearing a tight black pants. A pair of black converse shoes at isang V neck na kulay itim din. Pinatungan naman ito ng semi-leather jacket. Naka sabit sa leeg nito ang isang kuwintas na bungo. His sided hair was dyed red. May hikaw rin itong kulay itim. And what completed the look are the eyeliners painted in his eyes. Meron din itong piercing sa kilay.

Nagsilingunan ang mga tao sa estrangherong lalaki. All of them are questioning who the intruder is.

Biglang natulala si Jake sa bilis ng pangyayari at gaya ng iba tinitigan niya rin ng mabuti ang estrangherong lalaki na nakasuot ng kulay itim.

Nakatingin ang lahat ng tao sa kanya, Inaasahan niya na ito. Parang kailan lang naalala niya ang parehong lugar, ang Auditorium.

Halos lahat ng mga mata ay sa kanya nakatutok.

"You are 10 mins late from the call time"

"Im sorry Sir I have to..." hindi na niya naituloy ang sasabihin ng iminuwestra na nito ang kamay.

"Shut Up, the only excuse you can give me is that you are already dead. But if you can still breath then the details of your stupidity do not interest me." kalmado ngunit nakakainsultong tugon nito sa kanya.

"Im really sorry Sir but I promise I wont disappoint you" puno ng determinasyon niyang wika dito

Biglang sumambulat sa buong auditorium isang nakakabinging tunog. Para itong tunog ng mikroponong nasobrahan sa echo. Tinakpan ng bawat isa ang kani-kanilang tainga.

"God!! What is that sound?" singhal ni Director Lee sa operator ng sound system

"Tell you what..... this day is the day you insulted the music industry.. You think that this is only..... ONLY I repeat... only an Audition? This is not an Audition honey... This is the first step to being famous... to being a celebrity. And for some God Damn obvious reason, this not just or only an Audition.. You... You dont care about Music.. You take your voice seriously that you thought a golden voice would only matter and a broken CD would just be a minor, superficial mistake. But you know what? being a singer requires more than a pair of  mutant lungs. Its not just about vocal chords. But its how you show your emotions through lyrics and melody. You.... The Tardy 5th performer unprepared of his piece prides himself to pass this Auditions like its only an ordinary screening of an obscure barangay contest. Kung ganun ang akala mo bakit hindi ka na lang mag-Kristo sa sabong. They dont require a burned CD there?"

"Do you know why I gave you a chance kanina? I always shut the door to people who doesnt know the word punctuality. But you came with a biggest speech saying that you wont disappoint me. I also admire people who are brave enough to tell that. So I made an exception, I let you join the other four TALENTED neos to fight your way to NASUDI. You disappointed me more than anybody else in this stage. It turns out that you are not a singer after all. Youre pretentious and uhm.... stupid"

Nakita rin niya ang lalaking kumakanta kanina. Suddenly, there are voices starting to pop out on his head.

"Makinig kang mabuti.. Dahil ang susunod kong sasabihin sa iyo ay para sa ikaiintindi ng mahina mong kokote. Alam mo, sayang.. Ang talino mo pa naman sana kaya lang mas matalino ako sa iyo... Ginamit lang kita.. Ginamit lang kita para makaabot ako sa kinaroroonan ko ngayon.. Akala mo siguro kaya kitang mahalin noh... Hindi kita kayang mahalin... dahil..."

"Dahil ano Jake? Dahil ano!!!" sumigaw na rin siya habang patuloy na umaagos ang luha sa kanya.

"Dahil BAKLA ka lang"

Humakbang siya papalapit sa entablado. Ang backdrop ng stage ay isang apoy na nakaguhit sa magkabilang panig. Nagdulot ulit ito ng pagbabalik tanaw.

"Moks dadamitan ko ang Nanay tapos pupunta kami kay Jake, hihingi ako ng tawad kay Jake Moks tapos ang mama masaya kaming papanoorin pagkatapos ikakasal daw kami ni Jake Moks tapos nandun ang Mama, tapos may mga pink na balloons, may pink na cake, tapos magiging masaya ang Mama kasi sabi ko sa kanya totoong may Happy Ever After Moks.. Kaya bilisan mo na, kunin mo na yung paboritong damit ng Mama.. Pupunta na kami kila Jake pag nabihisan ko na siya"

"Ikuha mo na ng damit sabi eh!!!! Ikuha mo ng damit Moks!!!! Ikuha mo ng damit!!!! Pupunta kami kila Jake Moks!!! Ano ba ang hindi mo maintindihan Moks? Ikuha mo ng damit ang Mama!!!" nagsimula ng magwala si Adrian sa morge at kung ano ano na ang pinagsasasabi nito.

Naka-akyat na siya sa stage. Tahimik pa rin ang mga tao na nakatingin sa kanya. Nakita niyang pumunta sa back stage ang di umanoy singing heartrob ng NorthEast State University. Napangiti siya ng mapakla. Pagkatapos ay pumailanlang ang tugtog sa buong Auditorium.  At nagsimula siyang kumanta.

You know the bed feels warmer
Sleeping here alone
You know I dream in colour
And do the things I want

You think you got the best of me
Think you had the last laugh
Bet you think that everything good is gone
Think you left me broken down
Think that I'd come running back
Baby you don't know me, cause you're dead wrong

At ang katahimikan ay napalitan ng sigawan.. Umiindak ang tao sa bawat pagbigkas niya ng liriko. Lahat nagsisigawan sa lalaking naka-eyeliner. Ngunit iba ang nasa isip niya.

Ang sunog... Ang restaurant na nababalot ng kulay pink na balloons... Ang dugo mula nalaslas na pulso... Napapikit siya ng panandalian at ng imulat niya ang kanyang mga mata ay kinanta na niya ang koro ng kanta.

What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone

What doesn't kill you makes you stronger, stronger
Just me, myself and I
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone

You heard that I was starting over with someone new
They told you I was moving on over you

You didn't think that I'd come back
I'd come back swinging
You tried to break me, but you see

What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone

What doesn't kill you makes you stronger, stronger
Just me, myself and I
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone

Thanks to you I got a new thing started
Thanks to you I'm not the broken hearted
Thanks to you I'm finally thinking bout me
You know in the end the day you left was just my beginning
In the end...

What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone
What doesn't kill you makes a fighter
Footsteps even lighter
Doesn't mean I'm over cause you're gone

What doesn't kill you makes you stronger, stronger
Just me, myself and I
What doesn't kill you makes you stronger
Stand a little taller
Doesn't mean I'm lonely when I'm alone

Natapos ang kanta na puno palakpakan at sigawan. Nakita niya ring nawala ang mga streamer na pumupuri sa singing heartrob ng eskwelahan. Binabasa niya ang mga mata ng freshmen na nakatingin sa kanya. He had a standing ovation. It was not difficult after all na bigyan ng male version ang isang female pop song. From the way the crwod shouted and cheered while he is singing, alam niyang nagtagumpay siya.

Matapos na kumaway ng konti sa Audience ay pumunta siya sa back stage. Naulinigan niyang nagtatalo ang kumakanta kanina at ang direktor ng NASUDI.

"Direk anong nangyari? Bakit ganun? Direk napahiya ako? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa audience?"

"Sorry Jake but Im afraid that there are some drastic changes.." tugon ng Direktor sa kanya.

"Changes? at ang change na iyon ay ang ipahiya ako sa audience? Ganun ba?" nagpupuyos sa galit si Jake.

"I thought you were informed about it, ang alam ko ay tinawagan ka niya and you agreed about the intervening of his performace?" sagot uli ng Direktor

"Informed? Ano ba talaga ang nangyayri? At sino yung suppose to be tumawag sa akin? Sino ba siya????" sigaw niya sa Direktor. Pikon na pikon siya more than anyone else kay Director Lee for allowing a stranger ruin his performance. Ang masama pa nito ay pinapalakpakan ang estrangherong lalaki na dapat sana ay mga palakpak sa kanya.

"I think we are not properly introduced" bati ng lalaki mula sa kanilang likuran.

Awtomatikong napalingon si Director Lee at Jake sa pinanggalingan ng boses. Kaharap nila ang kumakanta kanina. 'The guy seems familiar' bulong ni Jake sa sarili. Pinagmasdan niya ang hitsura nito mula ulo hanggang paa. Black converse shoes, tight black jeans, V-neck shirt, leather jacket at mga accessories tulad ng hikaw at kwintas na nagpapakilala ng gothic fashion. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng kaharap. The guy had a red hair ang his eyes were murdered with eyeliners. Ngunit nagsitayuan ang balahibo niya sa batok ng lubusang makilala ito ng titigan niya sa mga mata.

"Adrian?" hindi makapaniwalang tanong ni Jake sa kaharap na lalaki. He was unsure about it. Ngunit kung lalagyan lang ng eyeglasses ang kaharap na lalaki ay kamukhang kamukha nito si Adrian.

Napangiti ng malademonyo ang kaharap niya at bigla itong nagsalita bilang tugon sa tanong niya.

"Its sweet that you still remember that name but I would prefer to be called on my second name.... My name is Jude.... Jude dela Riva... The newest member of NASUDI and before I forgot.... Your newest competitor" tuloy-tuloy na rebelasyon ng lalaking kaharap niya at pagkatapos nito ay  tumalikod ito at humakbang palayo.

Lumabas si Jude sa backstage at nagsi hiyawan ulit ang mga tao. Kumaway naman siya sa mga ito at tuloy-tuloy na bumaba sa stage at tinahak ang exit ng Auditorium. Nang makalabas ay kinuha niya ang isang sigarilyo sa bag at nagsuot ng itim na sun glasses.

"Stronger" bulong niya sa sarili , lumakd palayo at ibinuga ang usok sa bibig.

Itutuloy...

[14]
Napangiti si Red habang nanonood sa plasma TV. Ang mga plasma TV na nakalagay sa ibat-ibang parte ng unibersidad ay nagpapakita ng naganap kahapon sa Orientation ng Freshmen. The guy wearing black outfit. Hindi niya pa rin maalis sa isip ang mga pangyayari kahapon.

"Isa... Dalawa...Tat.." hindi niya naituloy ang balak na pagtakbo at pagakyat sa entablado upang saksakin ang kumakantang lalaki. Balak na sana niyang wakasan ang buhay ni Jake Marcos.

Sumambulat ang isang nakakabinging tunog.

At ng mawala ito ay napako ang tingin ng lahat ng tao sa lalaking unti-unting humahakbang paplapit sa entablado. Noong una ay hindi niya naaaninag ang mukha nito dahil tanging ang suot nitong kulay itim lang ang mas nakikita ng kanyang mata.

Unti-unting umakyat ang estrangherong lalaki sa itaas ng entablado. Kinuha nito ang mic na nakalagay sa mic stand at itinapat sa bibig nito. Doon niya napagmasadan ng mabuti ang mukha ng estrangherong lalaki. Nakita niyang kulay pula ang buhok nito. It was an emo style dyed red hair-do. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang hikaw nito sa dalwang tainga at ang ikatlo ay nasa isang kilay nito. Nakita rin niyang ang mga kamay nito ay nababalutan ng itim na guwantes.

He stared at his eyes. Sobrang tapang ang nakikita niya sa mga nito. They were murdered with eyeliners.

Nagsimulang kumanta ang lalaki. He has this familiar voice na narinig niya na kung saan. The song he is singing is Stronger by Kelly Clarkson. Mahirap bigyan ng masculine version ang isang female pop song. But the guy in the stage just nailed the song na para bang hindi na kailangan lumabas ng mga ugat nito sa leeg upang bigyan ng hustisya ang kanta.

Inobserbahan niya ang mga tao. Para itong nahipnotismo sa estrangherong kumakanta. Nawala ang mga banner at streamers na sumasamba sa pangalang Jake Marcos.

Nang simulang kantahin ng estranghero ang koro ng kanta ay napalitan ng sigawan ang katahimikan sa buong Auditorium. Dumagundong ito na parang isang concert ground ang Auditorium. Hindi mapigil ang mga estudyanteng nagsisigawan at nagpapalakpakan sa sobrang pagkabighani sa boses ng kumakanta.

Hindi kapani-paniwala ang sumunod na pangyayari. Bigla na lang nagkislapan sa flash ng mga kamera ang entablado. Maraming mga estudyante ang gustong makiamot ng larawan ng lalaking kumakanta. Ang mga taong nakaupo ay nagsitayuan na upang pagmasdan ang lalaking kumakanta. He stole the spotlight from the so called singing heartrob.

Bigla niyang narinig ang mga usap-usapan sa kanyang likuran. Boses ng dalawang babae na naguusap.

"OMG!!! Yan ba si Jake Marcos? My gosh ang gwapo-gwapo niya!!"

"Gaga, ibang tao yan.. Yung Jake Marcos yung kumanta kanina"

"Talaga? Eh bakit yung kumakanta kanina parang hindi naman maganda ang boses?"

"Aba Malay basta gusto kong sumigaw kay Papa Pogi!!! Wahhhh!!!!!! I love you na kuya!!!!!!"

"Hoy walang agawan.. Sa iyo na yung kumakanta kanina... Akin tong si Kuya.."

"Ayoko nga... sa iyo na yung nauna, akin si Adam Lambert!!! Oh my gosh!!!"

At hindi na niya naintindihan ang iba pang usapan sa likod niya dahil nasapawan ito ng sigawan at hiyawan. Natapos ang awitin ng kumakanta at sa huling pagkakataon ay napagmasdan niya ng maigi ang mukha nito.

Tumayo ang mga balahibo sa kanyang batok at bahagyang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dahil ang nasa itaas ng entablado ay walang iba kundi si Adrian.

Nalaglag niya ang kutsilyong tangan ng kanyang kamay. Hindi niya maialis ang mata sa mukha ni Adrian. Ang bawat detalye ng mukha nito ay nakaukit sa kanyang utak. Hindi siya maaring magkamali, si Adrian nga talaga ang nakikita niya.

Lalapitan niya sana ito kundi lamang nakita niyang pumunta ito sa backstage matapos kumanta. Panandalian siyang natulala sa kawalan. Parang nabuhay ang dugo niya sa muling pagkakakita dito.

"Moks" bulong niya sa sarili ng matagpuan ang sariling nakatulala sa harapan ng plasma TV. Nasa harap na niya ngayon ang anim na buwan niyang hinanap-hanap. But one thing is for sure. He will never let go.

Of all the people, few only knew that his full name is Adrian Jude Dela Riva. But he forgot his first name. The second one is better. His father died when he was seven from a chronic cancer and his mother died from arson. Yun lang ang natatandaan niya. Ang ibang mga ala-ala ay pilit niyang ibinabaon. Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling huwag balikan ang mga ito. It was painful. Everynight, he dreamed of a girl trying to kill her, then he dreamed of a baby, a guy in white and a corpse crimsoned with blood.

Hindi niya alam kung saan nagmumula ang mga panaginip na ito.

Tumingin siya sa salamin na kaharap niya. The reflection depicted a guy, wearing a simple plain black t-shirt. His head is covered by a black cap. He is still wearing the necklace with a skull. He had a silver earrings and a silver piercing in his eyebrow. He also had these pair of black gloves covering his hands at itim na tinta pa rin ang lumulukob sa kanyang mga kuko.

"The little Mr. Innocent is gone" wika niya sa kanyang repleksyon at saka ngumiti ng malademonyo. He grabbed his eyeliner and started murdering the lower part of his eyes.

"The newest Adam Lambert on the block" wika ni Jake sa sarili ng basahin niya ang headline sa entertainment section ng LAMPARA DAILY. Hindi siya sanay na ibang mukha ng tao ang makikita sa entertainment section. Ilang buwan na siya ang pinagpipiyestahan ng mga estudyante sa school paper nila. He was regarded as a music God being worshipped by NorthEast students. But now, everything seems to be vanishing. In an instant, hindi na siya ang napaguusapan sa bawat sulok ng unibersidad. Hindi na rin siya ang hinahabol-habol sa pagpasok niya sa school. Kanina ay para lang siyang ordinaryong estudyante na dumadaan sa hallway. People dont notice him as Jake Marcos, the singing heartrob.

Humakbang siya papasok sa opisina ni Director Lee. There's only one way to clarify the issue. At iyon ay ang kausapin ito hinggil sa nangyari kahapon. Kumatok siya sa opisina nito.

"Come In" boses ng Direktor mula sa loob. Agad naman niyang pinihit ang door knob at pumasok sa opisina ng nasabing Direktor.

"Jake? Im actually expecting you to come here. Please have a seat"

Sumunod naman siya sa imbitasyon ng direktor at naupo sa tabi nito.

"Anything you want first to say?" bungad na tanong nito sa kanya.

"Well, direk.." tila hindi niya alam kung paano magsimula ng kanyang reklamo. He doesnt want to sound threatened nor insecure.

Bigla silang nakarinig ng katok mula sa labas.

"Come In"

Nang iluwa ng pinto ang tao mula sa labas ay muling nagsitayuan ang balahibo ni Jake sa batok. He was the same person that stole his shining moment. Jude Dela Riva.

"Seems like Im late with the appointment"

"Not really Jude, please have a seat"

"Thanks"

"So Jake anything you wanted to say first" tanong ulit ng Direktor sa kanya.

Nagisip siya ng mabuti kung anong mga salita ang lalabas sa kanyang bibig. Tiningnan niya si Adrian. Malaki ang ipinagbago nito. Datirati sa tuwing tititigan niya ito sa mata ay humahalukipkip ito na at pinamumulhan ng mukha. Ngayon, kaya nitong salubungin ng diretso ang kanyang mga tingin.

"I... I came here.. first of all to clear the issue yesterday"

"What about yesterday?" agaw na tanong ni Jude sa kanya.

"Excuse me? Im talking to Director Lee.. not you"

"Yes but it involves me right?"

Nagulangtang siya sa palaban na mga sagot nito. Ang Adrian na kilala niya hinding-hindi sasalubungin ang galit niya but the person in front of him is not the old Adrian anymore. He had balls to rebut him always.

"Ok hold it" awat ni Director Lee sa kanila.

There was a moment of silence. Nagtitigan sila ni Adrian na para bang nagsusukatan sila kung sino ang mas magaling.

"Jake I know that you feel bad about yesterday...."

"Its not just I feel bad Direk... I was embarrassed.. This guy sabotaged my performance" galit niyang tugon habang itinuturo si Adrian.

"Its funny how you point your fingers and accuse me of sabotage when in fact the rest of your fingers point yourself. Siguro naman Mr. Marcos wala ka pa naman sinabotaheng tao sa pamamagitan ng isang burned CD na walang ibang laman kundi nakakabinging tunog?"

Pinagpawisan siya ng malamig sa sinabi nito. Awtomatikong bumalik sa kanyang ala-ala ang Auditions. Kung paano nila napagtugampayang pahiyain ito kay Director Lee.

"Jake...and Adrian you two better stop that"

"Its Jude" pagtatama nito sa Direktor.

"Fine.. Jude, you need to stop answering like that.. Jake is still your senior."

Katahimikan.

"You guys are now working as a team. I am pleased to inform you Adrian that..."

"Its Jude"

"Ok Jude... that you are now an official member of NASUDI.. Im sorry for the bitter past we had and I hope that we will start anew. For better NASUDI"

"Certainly" maikling sagot ni Jude

"And Jake, as the lead singer of NASUDI, I would like you to welcome Jude to the group. Please lead him in his room and tour him around the NASUDI Bldg if that would please him"

"Ok direk"

"Any questions so far?"

"None" sabay nilang sagot.

"Ok, you both can go"

Sabay silang lumabas ni Jake sa opisnina ni Director Lee at bago  pa man siya lumabas ay nagpalitan sila ng makahulugang tingin ni Director Lee. It was an understood message. Maya-maya pa ay nasa labas na sila ng opisina nito.

"Bakit ka bumalik?" biglang tanong ni Jake sa kanya ng makalabas sila sa opisina ng Director.

"Natatakot ka bang multuhin ng sariling multong ginawa mo?" balik tanong niya dito.

"I really dont know what your motive is but if you are planning to...."

"Outshine you? Agawin sa iyo ang trono mo ngayon? Oh cmon Jake, my plans are beyond your comprehension. Apparently, hindi ganun kababaw ang pagiisip ko tulad ng sa iyo. Your knowledge is only my common sense."

"Bakit ano ba ang gusto mong palabasin huh" matigas nitong sagot sa kanya.

Bahagya siyang nabigla ng hatakin nito ang kamay niya at kwelyuhan siya.

Ngunit mas ikinabigla ni Jake ang ginawa niya. Ginamit niya ang tuhod niya para tamaan ang sensitibong parte ng katawan nito.

"Shit! Shit!!" mura nito habang hawak hawak ang natamaang pagkalalaki

"Shit really happens" pagkasabi niyon ay ngumiti siya ng makahulugan. Tiningnan naman siya nito ng matalim.

Nagpatiuna na siya sa paglalakad habang sumunod naman ito sa kanya. Iika=ika itong lumalakad.

"So Himala? bakit hindi mo ko ginagantihan?" tanong niya kay Jake

Hindi ito nakasagot.

Wala pa rin silang imikan hanggang makarating sa harapan ng kuwarto niya. Tahimik na iniabot nito ang susi sa kanya. Kinuha naman niya ito at binuksan ang pinto. Ngunit pinili niyang huwag munang pumasok at titigan ito. Nakita niyang hawak pa rin nito ang nasipa ng kanyang tuhod.

"Nagbago ka na nga" biglang tugon nito sa kanya.

Lumapit siya dito at ginawaran ito ng halik. Nakita niyang nabigla ito sa ginawa niya. Nang maramdaman niyang unti-unting tumutugon na ang mga labi nito ay siya ang unang pumutol ng halik.

"Bibigay ka rin" wika niya dito at pagkatapos ay tinalikuran si Jake at pumasok sa kuwarto.

Itutuloy...

[15]
"Hello Max?" bungad niya sa lalaking nasa kabilang linya

"Yes, Jude.. Im just checking on you.. Ok ka na ba?"

"Yeah.. Thanks.. Im here at NASUDI Lounge.. Have my own room"

"Congrats then. Never thought that It would be that easy"

"You know that I owe you one Max.. thanks for giving me a home when I need one"

"No worries.. so does this mean goodbye?"

"For a while yeah.. I have some unfinished business here"

"You better take care Jude.. and please wash those eyeliners off"

"Haha.. Alam mo namang hindi pwede yun.. I could die without this eyeliners. Its kinda trademark"

"I know.. Nabasa ko yung school paper niyo and Im really proud of you.. They are calling you Adam Lambert of NorthEast"

"Haha... So much of labelling but Its a good omen I guess."

"Sumasakit pa ba ang ulo mo? Do you still have those nightmares?"

"Sadly, yeah... But thank God you are the best psychiatrist in town"

"No Jude.. Im not.. Im glad that you have amazing surviving skills.. But then Im reminding you that if..."

"Adrian? you are speaking with Jude now Max.. he wont comeback, Im telling you"

"Alright you take care OK?"

"I'll keep that on mind"

"And Jude...."

"Yes Max?"

"Ahm.. I...I"

"Please dont tell me you love me.. You know that I would reject those words..."

"What if I did?"

"Max.. I love every creature that God made.. But if you have butterflies in the stomach.. those organisms should be murdered"

"Loko loko ka talaga"

"You know that I dont believe in love anymore"

"Ok... Ok... Just take care.. that's all"

"Sige.. sige I call you if I need a help"

"Sure"

Pinindot niya ang End button.

Tumingin ulit siya sa salamin. He still had the eyeliners. Napangiti siya. He felt a sense of liberation whenever his eyes had those black lines.  Parang panangga ito sa sinumang magbabalak na gibain ang pader niya. He never thought that his eyes would gain so much clarity that he dont have to wear those buggy eyeglasses anymore.

Bigla siyang nakarinig ng katok sa pinto.

Hahakbang na sana siya para pagbuksan ang nasa labas ng biglang sumakit ang ulo niya.

"Aaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!!" sigaw niya ng halos puputok na ang ulo niya sa sobrang sakit. Narinig niyang kumalabog ang pinto matapos siyang sumigaw at iniluwa nito si Jake.

"Adrian!' sigaw ni Jake sa kanya ng makita siyang hawak-hawak ang ulo.

"AAAAAAAaahh.... ang sakit.. tang ina" namimilipit na siya sa sakit ng ulo niya

"You have medicine? Ano? Sabihin mo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Sa...sa may drawer" wika niya dito at tuluyan siyang nahiga sa lapag.

Nakita niyang kinuha nito ang maliit na lalagyan ng kanyang gamot at ibinigay sa kanya. Humangos naman ito sa water dispenser na nakalagay sa sulok at kumuha ng tubig. Inabot naman niya ito at umupo. Nakita naman niyang umupo ito sa likod niya at maya maya pa ay iginiya nito ang likod niya para sumadal sa katawan nito. Nang makabawi siya ay nagawa na niyang makapagsalita.

"Ano ba? Stop that? Hindi ko kailangan humiga sa katawan mo!" galit niyang singhal dito

"Sorry... hindi ko lang maiwasang mag-alala lalo na nakita kita na namimilipit sa sakit ng ulo"

"Stop acting like you care.. Pwede ba? Tapos na ko sa drama mo"

Hindi na ito nakapagsalita at agad na siyang tumayo sa kinauupuan. Ngunit muntik na siyang matumba ulit kung hindi siya nasalo nito.

"Daha-dahan kasi" malumanay nito wika sa kanya

Nagkatitigan sila ng matagal pagkatapos ay ngumiti ito ng matamis sa kanya. Agad naman niyang nabawi ang sarili at tumayo mula sa pagkakasalo nito.

"Bakit ka ba kasi nandito"

"I just want to check on you"

"Haha talaga? Hindi ko alam na part time job mo rin ang pagiging baby sitter ko.. Congrats then.. You did a great job"

"Well, yes maybe.. kundi ako dumating baka napano ka na.. Ayos ka lang ba?"  nag-aalalang tanong nito sa kanya na para bang binalewala ang pangiinsulto niya.

"Its none of your effin business kung baldado ako o hindi.. now if you'll excuse me.. I need to change clothes first"

"Pinapatawag tayo ni Director.. Thats also the reason why I came here to see you"

"Narinig mo naman siguro ako diba? I will have to change clothes first"

"Can I just stay here.. babantayan na kita dito baka sumakit uli ulo mo"

"You really wanted to take care of me?" nanunudyo niyang tanong dito

"Its just that.. baka lang kako sumakit uli ulo mo so I will just stay here" nakangiti ng nakakaloko si Jake

In a game like this, the one who refuse first will be the loser. bulong niya sa sarili.

"Ok.. so you really wanted to guard me.. fine.. Hubarin mo ang suot ko" utos niya dito

"What?!?" gulat na tanong nito na halatang hindi inaasahan ang sinabi niya

"Ang sabi ko hubarin mo ang suot ko"

"Sigurado ka?" nag-aalinlangang tanong ni Jake sa kanya

"Yup.. Lubusin mo na ang pagbabantay sa akin" nakangiting tugon niya dito.

Jake didnt knew what he should do. Gusto niyang lumabas na lang ng kuwarto para naman bigyang laya si Adrian na magbihis. But the thought of undressing Adrian excites him. No. It arouses him. Parang naginit lahat ng parte ng katawan niya sa sinabi nito. Is he seducing me? tanong niya sa sarili. If he is really seducing him ay nagtagumpay ito. He is slowly having an arousal.

Nanginginig na hinawakan niya ang laylayan ng T-shirt nito. At sinimulan niya itong hubarin pataas. Hindi siya makatingin ng diretso kay Adrian na tinititigan siya ng mariin. It was so unlike before. Siya na ngayon ang hindi makatitig ng diretso dito. Nang maalis na niya ang T-shirt nito ay nakagat niya ang kanyang labi. Seeing Adrian's pink nipples is enough to make his crotch crazy. Pinagpapawisan na siya ng malamig. He never saw Adrian's body. Not even when they were in a relationship. Hanggang yakap at nakaw na halik lang siya dito. He thought Adrian doesnt have that effect on him sexually. But he was all wrong. Tiningnan niya ulit ito sa mata, halatang naghihintay ito sa susunod niyang gagawin.

"If you are going to stare at my nipples that long, hindi tayo matatapos dito"

"Tapos na diba? Nahubad ko na damit mo"

"Not really... I still have my shorts on"

Tinitigan ni Jake ang itim na shorts na suot ni Adrian. Nangingig ang mga kamay na hinawakan niya ang butones nito. Sisimulan na niya sana na  tanggalin ito ng magsalita muli si Adrian.

"Wait"

"Bakit?" tanong niya dito

"Anong bakit? nabitin ka ba? Dont worry.. Hindi naman ako masyadong magiging bastos"

He had a better idea. Tumalikod siya kay Jake at humilig sa katawan nito. Kinuha niya ang dalawang kamay nito para igiya papunta sa kanyang shorts.

"This is better.. you can start undressing me now"

Nakatalikod siyang humiga sa katawan nito habang hinuhubad nito ang shorts niya. Naramdaman naman niya ang mainit na paghinga nito at ang marahang pagtaas baba ng dibdib nito. He can also feel his hard on sa bandang puwetan niya. Nahulog ang kanyang shorts sa sahig. Lumingon siya rito at nagtama ang kanilang mga mata. Kaunting distansiya na lang ang pagitan ng kanilang mga labi at nararamdaman niya ang mainit na hininga nito. Unti-unting bumaba ang labi nito sa mga labi niya. Naramdaman niyang niyakap siya nito. Ngunit mas pinili niyang huwag tumugon sa halik nito.

"Please" pabulong ngunit nagmamaka-awang wika ni Jake sa kanya.

"No" matigas niyang tugon at saka kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya.

Dumiretso siya sa CR ng kanyang kuwarto.

"You can wait outside" nakangising tugon nia dito.

Tiningnan lang siya nito na halatang gulat pa rin sa nangyari. Nang ilang segundong nakabawi ay naihilamos nito ang kamay sa mukha at saka nagkamaot ng ulo. Nginitian niya ito ng nakaka-asar bago pumasok sa banyo.

"Ok so I called you guys to discuss few agenda about NASUDI" si Director Lee na nasa harapan nila.

Kasalukuyan silang nasa Black Room, ito ang tawag sa kanilang choir room kung saan nagaganap ang brainstorming sa mga performaces, mga abrupt meeting tungkol sa organisasyon at dito din isinasagawa ang first draft ng mga performances. Dito unti-unting binubuo ang mga mapapanood na pag-awit sa entablado ng mga NASUDI singers. Dahil sinisiguro ni Driector Lee ang kalidad ng kanilang performance ay walang  pagkanta ang hindi dumadaan sa masusing pageensayo at kritikal na pagbusisi sa takbo ng kanta. Walang pakialam ang Director kung kakantahin man ito sa espesyal o ordinaryong pagtitipon dahil kapag sinabing NASUDI singer it would always be an outstanding performance.

"I would like first to welcome our newest member, Jude Dela Riva" tawag nito sa kanya.

He rose from his seat at dahan-dahang pumunta sa harapan katabi ni Director Lee. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng kuwarto sa kanyang pagtayo. Everyone seems to be excited about his presence.

"A word from Adrian perhaps?" tanong ni Director Lee

"Its Jude" pagtatama niya ulit dito

"Sorry, Jude it is"

Tiningnan niya ang iba pang miyembro ng NASUDI. Lahat ng mga mata nito ay nakatutok sa kanya.

"First of all.. Im very much flattered to be part of one prestigious supreme music organization. I never thought that this dream will come true. Second I would like to thank Director Lee for giving me another chance to show my calibre in singing and he had to admit that Im really good.."

Nagtawanan ang mga tao sa loob ng kuwarto. Tatango tango naman si Director Lee sa huling sinabi niya. Nahagip naman ng kanyang mga mata si Jake at nakita niyang nakatingin lang ito ng diretso at seryoso sa kanya.

"And also I would like to thank the lead singer of NASUDI, Jake Marcos for that WARM... welcome... masyadong MAINIT ang iyong pagtanggap" pagbibigay diin niya sa kanyang mga salita. at sinundan niya ito ng makahulugang ngiti. Nakita naman niyang nagiwas ng tingin si Jake.

"...So I hope that we will all be a team for a better NASUDI and rock and roll!!" pagtatapos niya.

Dumagundong naman ang palakpakan sa black room at ang bawat isa ay kinakamayan siya. Nang matapat siya sa puwesto ni Jake ay inilahad nito ang kamay nito sa kanya. Sa halip na tanggapin niya iyon ay pinuntirya niya ang tainga nito at bumulong ng ilang salita.

"Thanks for undressing me Mr. Heartrob"

At pagkatapos nun ay mabilis siyang bumalik sa kanyang upuan. Sa gilid ng kanyang mga mata ay alam na alam niyang tulalang-tulala si Jake sa mga pinag-gagagawa niya. And that makes him more thirsty to piss him.

"Ok so now that the 1st agendum is done. We go now to the second subject. Our activity calendar." panimula ulit ng Director.

"...Apparently our schedule for this year is really full that it would be harder for us to divide singers and scatter all of you to different events or programs that badly needs someone to sing. Demand on singers are higher now especially when they saw Jude's performance that actually boosted the organization's prominence. So first event would be of course, as we all know.. Buwan ng Wika"

Nagkaroon ng kaunting bulung-bulungan sa kuwarto. Halos lahat ay nagkaroon ng ideya sa maaring kantahin sa nasabing programa.

"So I know that everyone has outstanding ideas but we are given 2 numbers on the program. Before we decide who will perform on that event we could have first the piece that could be used on some numbers? What do you think?"

"Well, maybe we could have classic kundiman songs. Like "Bituing Marikit" and the singer could like perform the old Filipino courtship. That would not only show a good performance but it would show our forgotten tradition bout courtship" paliwanag ni Jake sa kanyang suhestiyon.

"Boring" agaw atensyon ng kanyang boses

Lahat ay napatingin sa kapangahasang ginawa niya. Lahat ng mga mata ay sa kanya na naman nakatutok.

"Do you have any other suggestion Jude?"

"I think the courtship thing is kinda dull. As far as we know Buwan ng Wika is being stereotyped as an event full of oldies and shit. Maybe we could spice up the event by giving a modern touch without forgetting the essence of the program. I did a little research bout the theme of the said event and it is 'Wikang Pambansa Noon at sa Makabagong Panahon'. Maybe we could like divide NASUDI into two and we could do that classisc balagtasan. I dunno if the term is really correct but the thing is, hindi tayo gagamit ng makatang mga papanalita. Instead we could have a balagtasan through singing. The first group would sing some kundimans while the other half could sing some modern songs. By using delicate arrangement of note pattern we could come up with a good mash up of songs." mahaba niyang paliwanag.

"I think someone came here prepared" natutuwang sagot ni Director Lee sa kanya.

Nakita naman niyang nagsitanguan ang mga tao sa loob at halatang aprubado ang kanyang suhestiyon. Nakita naman niyang nakababa lang ang ulo ni Jake.

"So what do you think guys"

"Approve na.. I think that's better." wika ng isa sa mga miyembro

"Jude! San mo nakukuha yang idea mo tol? Lupet ah!" tanong ng isa pa sa mga member

"Haha.. Sabihin na lang natin na may mga singer talaga na parang music player. Sinasaksakan lang sila ng CD para tumunog but without it.. they are nothing. Kung singer ka hindi ka lang dapat marunong kumanta.. Its a must that you know everything about music. Kailangan musically inclined ka. Hindi pwede yung mikropono lang ang gamay mo"

Walang nakasagot sa tirada niyang iyon. No one dared. Pagkatapos nun ay biglang nagsalita si Director lee

"Ok so I think yun lang muna sa ngayon. I know that you guys have classes and dont wanna miss it. But Jude's suggestion would be the final theme of our performance during Buwan ng Wika. Meeting adjourned"

Isa-isang nagsitayuan ang mga estudyante upang maghanda na sa kani-kanilang mga klase. Hindi na ulit mahagilap ng kanyang mga mata si Jake. Agad siguro itong tumayo at lumabas kanina.

Damn You.. Damn Me.. Karma is a bitch and so are we bulong niya sa sarili at ngiting demonyo na lumabas sa black room.

He got his Marlboro Black cigar and lit it. It always relaxed him when he puffed smoke out his mouth. Para bang ibinubuga niya ang tensyon sa kanyang katawan. Hindi pa siya nakakalayo ng lakad ng may humatak sa kanang kamay niya.

"Shit! Who the hell are.." hindi niya naituloy ang sasabihin ng makita ang galit na galit na mukha ni Jake.

"Anong ginagawa mo?"  tanong niya ulit dito ng makabawi siya sa pagkagulat.

"Tinatanong mo kung anong ginagawa ko? Eh ikaw anong ginagawa mo? First you try me to undress you and now you went crazy at pinapahiya mo ko sa fellow org mate natin. What's wrong with you?" galit nitong tanong rin sa kanya

Nakasandal siya sa dingding habang kaharap niya ito. He is being cornered.

"Wrong with me? What's wrong with you? Hindi ko kasalanan kung tinitigasan ka kanina!" singhal niya dito

"Oo tinitigasan ako!!!" sigaw nito sa kanya.

Hindi niya alam kung matatawa siya o matatakot sa reaksyon ni Jake nang sinabi niya iyon ngunit nakita niyang nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"Alam mo ang gusto kong gawin ngayon? huh? Ituloy yung kanina" at unti-unting bumaba ulit ang labi ni Jake sa kanya. Sa muli ay tanging ang hininga nito ang naririnig ng kanyang tainga.

"Shit!!!" sumigaw ito ng muli niyang sipain ang sensitibong parte nito

"tinitigasan ka pala, bakit hindi ka magsalsal?" brutal niyang sagot dito

Agad niyang inayos ang nagusot na damit at mabilis na lumakad palayo habang naiwan itong sapo pa rin ang alaga. He smiled victoriously.

Nakalabas na siya sa NASUDI Bldng. at sinuot niya ang kanyang black shades. Kung susumahin ay para siyang bampira sa suot niya. he still sport an a head to toe black out fit. He still retained the black gloves and black polish. Most importantly, ayaw niyang madissolve ang kanyang eyeliners.

"Sandali" pigil ulit sa kanya ng isang kamay.

"Jake,...Sabi ng huwag mo na akong gugu..."

Nabigla siya nang sa kanyang paglingon ay hindi si Jake ang kanyang nakita. Isa itong pamilyar na lalaki.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment