Monday, January 7, 2013

Love at First Kiss (11)

By: Inaro Marcelo
Blog: michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: avanon1988@gmail.com


LOVE AT FIRST KISS CHAPTER 11

January 2010, 5:00 pm

“Si Ton-ton ang humahalik sayo, ganoon ba?” nabibitin kong tanong sa aking kaibigan na si Jek-jek.

Ngumiti lang siya sa aking naging tanong, tinawag niya ang waiter sa coffee shop na iyon at umorder ng kape. Pinagmasdan ko si Jek-jek sa ilang taon na hindi ko siya nakita masasabi kong andami ng nagbago sa kaniya. Kanina bago ako pumasok sa coffee shop na iyon sobrang lungkot niya pero ngayon na binabalikan niya ang mga sandali nila ni Ton-ton ay para itong bata sa school na nagkwekwento ng memorable moments ng bakasyon niya. Malipas ang ilang minuto dumating ang kape na inorder niya.


He sip the cup of coffee and continue his story….

---------------------------------------------------

June 2006  12:00am, Wednesday

Wala na akong kawala, palapit na siya ng palapit. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking gusto akong patayin. Sigaw ako ng sigaw upang humingi ng saklolo ngunit wala atang nakatira sa lugar na iyon.

Nagmamakaawa ako sa kaniya, halos maglumuhod ako sa kaniyang harapan. Nagkalat na ang luha at sipon sa aking mukha ngunit hindi pa rin niya ako pinakikinggan. Itinaas nito ang kamay niya na may hawak na patalim. Wala na akong nagawa sa sobrang pagod ko sa pagtakbo hindi na ako nanlaban at hinayaan na lang siya na itulos ng ilang beses ang patalim sa aking kawawang katawan.

Matapos ang madugong eksenang iyon, naramdaman ko na lang ang labi na sobrang nasasabik sa aking mga labi.

Matapos ang bangungut na iyon, natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa isang halik. Sobrang bilis ng halik na iyon. Parang hinahanap-hanap na ito ng aking mga labi at puso. Nagmulat ako ng mata at nakita ko siya…. Si Ton-ton.

“Ton-ton?.....” pupungas-pungas kong sabi sa taong nabungaran ko habang kinukosot ang aking mata.

“Jek-jek si Albert to, nasa baba si kuya okay ka lang ba?” sagot ni Albert.

Napa-angat naman ako ng mukha akala ko si Ton-ton ang aking nakita. Sabagay sobrang laki ng pagkakahawig ni Albert sa kuya niya.

“Ha?.... oo okay lang ako, ahm teka may ginawa ka b sa akin?... I mean… ano… ahm…” hindi ko maituloy ang sasabihin ko na paghalik niya sa akin dahil kahit ako hindi sigurado kung hinalikan ba talaga niya ako o nananaginip lang talaga ako.

“ Ano?... hindi kita maintindihan…” napapakamot sa ulong sabi ni Albert.

“ Ahm ibig kong sabihin bakit ka nandito? Diba nasa ojt ka sa hotel?” pag-iiba ko ng tanong kay Albert.

“Dinaanan ko si Albert sa hotel eh sakto break niya kaya umuwi muna siya dito sa boarding house para kumain, eto tubig oh…” sabay abot sa akin ni Ton-ton ng tubig.

Nagtaka naman ako kung para saan yung tubig. Pero inabot ko na rin at ininom. Sobrang ginhawa ang naramdaman ko sa tubig na iyon.

“Salamat…” sbi ko kay Ton-ton. Ngumiti naman ito.

“Naabutan ka kasi ni kuya na binabangungot kaya nagmamadali yang bumaba at kumuha ng tubig.” Pagpapaliwanag ni Albert.

“Ganun ba, salamat ulit Ton-ton” nahihiya kong pagpapasalamat kay Ton-ton.

“Wala yun. Tara na sa baba at kumain na tayo.”

Bumaba na nga kami at nakahanda na sa lamesa ang hapunan namin. Natutulog na ang iba pa naming ka boardmate kaya kami-kami na lang ang kumain. Pinagmasdan ko ang magkapatid, umiral nanaman ang pagiging inggitero ko kasi naman sobrang close nilang dalawa. Masasabi ko na mapagmahal na kuya si Ton-ton, sabagay siya na ngayon ang tumatayong padre de pamilya sa kanila. Puro tawanan at biruan ang nagyari sa aming tatlo. Hindi lang pala itsura ang pinagkapareha ng magkapatid pati sa ugali parehong-pareho sila.

Matapos ang masayang hapunan na iyon ay nagpaalam na ulit si Albert para pumasok sa hotel. Samantalang kami ni Ton-ton ay niligpit ang aming pinagkainan at saby na umakyat sa aming kwarto.

Naging tahimik sa loob ng kuwarto. Hindi ko alam kung paano magbubukas ng topic. Pero hindi rin ako nakatiis at kinausap ko na siya.

“Kamusta ang paghahanap ng trabaho?” tanong ko sa kaniya.

“Ayos naman medyo pagod. Pero bukas may interview ako sa isang department store kaya worth it naman yung pagod ko kanina.” Masiglang sabi nito sa akin.

“Buti naman kung ganun. Good luck sayo bukas.”

“Salamat. Teka, anong oras pasok mo bukas?” tanong ni Ton-ton.

“10am pa, bakit?” nagtataka kong tanong sa kaniya.

“Wala naitanong ko lang, tara tulog na tayo.”

Nadismaya naman ako sa naging sagot niya akala ko sasabihin niya sabay na kami umalis bukas toinks. Pinatay na niya ang ilaw at nahiga na sa kama si Ton-ton. Humiga na rin ako sa aking kama pero hindi ako dalawin ng antok dahil sa dami ng gumugulo sa isipan ko lalo na ang panaginip at ang halik. Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko na ang paghilik ni Ton-ton. Sobra nga ata itong napagod sa paghahanap ng trabaho. Hindi ko rin namalayan at nakatulog na rin ako.

Isang linggo ang mabilis na lumipas at natapos na ang ojt ni Albert. Bumalik na ulit ito sa probinsya nila. Samantala si Ton-ton naman ay nasa training na matapos itong matanggap bilang supervisor sa isang department store. Sobrang saya namin sa mga lumipas na araw.

Bumalik sa dati ang lahat. Minsan kapag maaga ang pasok ni Ton-ton naabutan ko na lang itong may nalutong ng almusal para sa akin. Sobra kong ikinatutuwa ang mga ito kaya naman kapag may pagkakataon ay siya naman ang ipinagluluto ko.

Ngunit sa mga lumipas na araw ay hindi pa rin ako tinatantanan ng aking panaginip. Pati na rin ang mahiwagang halik na sobrang nagpapatuliro sa aking isipan dahil sa tuwing magigising ako wala namang tao sa kuwarto para halikan ako. Minsan tuloy iniisip ko na baka minumulto ako sa bahay na iyon. Hindi ko naman ma-ikwento sa mga ka-boardmate ko ang nangyayari sa akin lalong-lalo na kay Ton-ton baka isipin nila si Ton-ton ang humahalik sa akin gayung hindi ko naman talaga alam kung panaginip pa rin ba yng halik o hindi.

Minsan nagising ulit ako sa isang halik ay naabutan ko si Ton-ton na gumagayak para sa kaniyang trabaho. Gusto ko sana siyang tanungin ko hinalikan ba niya ako pero sobra akong nahiya dahil naisip ko bakit naman ako hahalikan nung tao eh wala naman kaming relasyon.

Dahil sa sobrang pag-iisip ko na iyon ay hindi ako masyadong nakapag-focus sa pagtatrabaho. Puro palpak ang ang mga niluluto ko kaya naman nilipat ako sa dining area para maging waiter.

June 2006, 11:30am, Sunday

Sobrang dami ng customer sa Pizza Resto, halos mataranta ako sa paga-assist sa mga customer. Nakita kong biglang pumasok sa restaurant si Ton-ton marahil ay doon siya kakaing ng lunch niya. Kinuha ko ang order niya at ako pa talaga ang nagpresinta na mag-assist sa kaniya. Ngunit tinawag ako ng isang customer na napakayabang kung umasta.

“Hoy waiter!!!!!” tawag sa akin ng matabang customer. Dali-dali akong lumapit dito dahil napansin kong parang galit na galit ito.

“Yes sir?...” tanong ko sa customer.

“Nakikita mo ba ito, ang order ko cheese and ham pizza hindi hawaiian!!!” paninigaw sa akin ng customer.

“Ganoon po ba, naku pasensiya na sir sige po papaitan ko na lang po.” Pagpapaumanhin ko sa customer.

“Papalitan? Tapos paghihintayin niyo nanaman ako ng matagal, aba eh gutom na gutom na ako.” Lalong nagalit ang customer at lumilikha na ng eskandalo sa loob ng restaurant. Sasagot pa sana ako ng bigla akong sabuyan ng softdrinks ng customer. Para akong tuod sa kinatatayuan ko hindi malaman ang gagawin.

Napansin ko si Ton-ton palapit sa amin ng nagwawalang customer.

“Boss hindi naman ata tama yung ginawa mo sa waiter.” Pagtatanggol sa akin ni Ton-ton.

“Bakit sino ka ba?” mayabang na tanong ng customer.

“Customer lang din napansin ko kasi na nagkakagulo dito.” Mahinahong sabi ni Ton-ton

“Pakialamero ka pala eh. Bakit hindi mo ba ako nakikilala?”

“Wala akong pakialam kung sino ka at kahit anak ka pa ng presidente yuyuko ka rin kapag sinabi ng barbero.” Matatag na sabi ni Ton-ton. Napabilib naman ako sa ginawang iyon ni Ton-ton hindi ko akalain na sasaluhin niya ako sa oras na iyon. Bago pa mag-amok ulit ang customer ay dumating na ang mga guard at manager namin. Sila na ang umayos ng gulo samantalang si Ton-ton ay hinila ako papunta sa restroom.

“Okay ka lang ba?..” nag-aalalang tanong sa akin ni Ton-ton

“Oo okay na ako, salamat ah.. kung wala ka si-“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil niyakap na ako ni Ton-ton, sa ginawa niyang iyon ay kumalma ang aking katawan. Marahil ay napansin ni Ton-ton ang panginginig ko kaya niya ako niyakap.

Matapos ang eksena iyon bumalik na sa trabaho si Ton-ton. Parang sumama naman ang pakiramdam ko kaya nagpaalam ako sa manager namin n umuwi ng maaga. Pag-uwi ko ay naglinis muna ako ng katawan bago humiga.

Lumipas ang ilang oras na pagtulog ay parang guminhawa na ang pakiramdam ko. May narinig akong yabag ng mga sapatos papasok sa kuwarto namin ni Ton-ton. Pumikit ako at nagkunwaring natutulog. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at naramdaman ko ang paglapit ng isang tao sa tabi ng aking kama.

Nanatili akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko n lang ang paghawak ng taong iyon sa aking mga kamay at pinisil-pisil pa ito. Naramdaman ko rin ang mga kamay niya sa aking noo at leeg. Matapos noon ay narinig ko itong lumabas ng kuwarto. Nanatili akong nakapikit at nagtataka kung sino ang taong iyon.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarinig nanaman ako ng taong pumasok sa kuwarto namin ni Ton-ton. At naramdaman ko naman sa mga sandaling iyon ang pagpupunas niya ng bimpo na may maligamgam na tubig sa aking noo. Sobra akong na touch sa ginawa ng taong iyon.

Matapos ang pagpupunas niya ay naramdaman ko naman ang kaniyang labi sat hinalikan ako sa noo. Sobra akong natuliro, gusto ko na sanag dumilat para alamin kung sino yun. Pero iisang tao lang ang naiisip ko na gagawa nun sa akin. Pero natatakot ako baka mali lang ako ng akala. Naisip ko tuloy baka nananaginip nanaman ba ako pero ramdam na ramdam ko ang halik niyang iyon sa aking noo.

Hinawakn ulit ng taong iyon ang aking kamay at hindi nagtagal naramdaman ko ang hangin mula sa kaniyang hininga at isang halik sa labi ang aking naramdaman. Dahil na rin siguro sa pagkatuliro at kagustuhan kong malaman kung sino ba nag humahalik sa akin, kinagat ko ang mga labi ng taong humahalik sa akin at sabay dilat ng aking mga mata.

Pagkagulat ang nakita kong ekspresyon ng mukha ng taong kaharap ko ngayon. Sa sobrang gulat nito sa pagkagat ko sa labi niya ay napaupo ito sa sahig. Gusto ko sanang matawa sa mga oras na iyon dahil tila isang magnanakaw ang ang aking nahuli.

Tahimik kaming dalawa. Pero gulong-gulo na ang isip ko kung bakit nya nagawang halikan ako kaya tinanong ko siya.

“Bakit?...bakit mo ako hinalikan?...”

“Hindi ko alam Jek-jek kung bakit, kahit ako nalilito na sa sarili ko…”

“Ngayon mo lang ba ako hinalikan?”

“Hindi…”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Sa tuwing binabangungot ka, ginigising kita pero hindi ka magising at parang may nagudyok sa akin na halikan ka.”

“Ikaw pala yun…”

“Im sorry…”

Tahimik.

“Mahal mo ba ako?”

“Hindi ko alam Jek-jek..”

“Siguro nga nalilito ka lang…”

“Ikaw ba mahal mo ba ako?”

“Oo mahal kita Ton-ton…”

-itutuloy

No comments:

Post a Comment