By:
Joemar Ancheta
Blog:
joemarancheta.blogspot.com
[11]
Siya
si Alden, ang nagmahal sa akin sa kabila ng aking pinagdadaanan kay Aris
at
ito ang aming kuwento...
Chapter
11
Sa
ilang buwan na magkasama kami ni Alden sa iisang kuwarto ay siya ang madalas
lumalapit at suyuin ako. Sobrang pinadama niya sa akin na kahit hindi ko siya
napapansin ng siya ay matiyaga niyang ipinapakita ang kaibahan niya kay Aris.
Ngunit nauna si Aris sa buhay ko. Bahagi siya ng malaking porsyento ng nakaraan
ko at parang hindi ganun-ganon lang kadaling bigyan ng puwang si Alden.
“Uyy!
Ang gara naman ng ayos ng buhok at porma…katulad na katulad talaga…”
“NI
ARIS!” sigaw niya sa mukha ko. Iyon talaga dapat ang sasabihin ko ngunit
inunahan na niya ako sa pagbanggit sa pangalan iyon.
“Galit
ka ba?” tanong ko.
Hindi
siya sumagot. Lumabas siya ng kuwarto. Patapos na noon ang unang taon namin.
Magsesecond-year na din kami. Malapit na noon ang finals at noon ko naisip,
halos isang taon na palang araw-araw kong nababanggit si Aris sa kaniya. At
noon ko lang siya nakitang nagalit at nanigaw ng ganoon. Noon lang niya ako
tinignan ng matalim bago lumabas ng kuwarto. Naiwan ako doong napaupo sa aking
kama at muling binalikan ng alaala ang ilang buwan na din niyang paghihintay.
Isang
gabi noon habang nilalaro niya ang mga daliri ko at nakaunan ako sa kaniyang
tiyan.
“Mahirap
lang kami. Ulila ako sa ama. Nanay ko labandera lang din. Lumaki din ako halos sa kumbento dahil aktibo
ako sa pagtulong sa kahit sinong pari na madestino doon.” Pagsisimula niya.
“Talaga.
Halla, parang si Aris ganyan na ganyan din. Ang pinagkaiba lang ninyo ay may
nanay ka. Siya kasi ulilang lubos na. Kaya buong buhay niya sa kumbento na siya
tumira.”
“Ah,
talaga? Puwede bang buhay ko na muna pag-usapan natin?” tumingin siya sa aking
mga mata. Nakangiti.
“Sige.
Tuloy mo. Pasensiya na.”
“
Kahit naghihirap kami pinalaki kami ni nanay na palasimba kaya siguro iyon ang
dahilan kumbakit naging pangarap na niya na sana magkaroon ng anak na pari.
Iyon lagi ang sinasabi ni nanay, na sana, maging pari na lang ako. Wala akong
pampaaral sa sarili ko pero dahil sabi nila matalino naman ako ay tinulungan
ako ng simbahan at nang pari sa amin na makatapos ako ng pag-aaral. Hanggang
napagdesisyunan ng lahat na sayang ang katalinuhan ko at kabaitan kung hindi ko
ipaglilingkod sa simbahan.”
“Yung
pari ba na sinasabi mo ay hindi humingi ng kahit anong kapalit sa tinutulong
niya sa iyo?”
“Hindi
naman. Wala. Mabait lang talaga yung paring ‘yun.”
“Eh
kasi may tumulong na pari kay Aris din noon…”
Nakita
kong hininto niyang himas-himasin ang mga daliri ko. Tinignan ko siya. Binaling
niya sa iba ang kaniyang mga tingin.
“Sige,
tuloy mo ang kuwento mo.” Sabi ko at ako naman ang kumuha sa mga daliri niya at
pinisil pisil ang kaniyang hinlalaki.
“Alam mo bang pangarap ko sana maging abogado
o kaya inhinyero? Kaya lang wala akong ibang option. Paano ko sasabihin sa mga
umaasa at nagpapaaral sa akin na hindi ko talaga pangarap ito? Gusto kong
umasenso ang pamilya ko. Gusto kong maibigay ang pangarap ni nanay sa akin.
Gusto kong mabayaran ang utang na loob ko sa mga tao at paring tumutulong sa
akin at ito, sa paraang ito lang ang alam kong puwedeng gawin para magawa ko
iyon.”
“Bakit
hindi mo subukang sabihin sa kanila? Si Aris nga nagawan niya ng paraan na
makatapos na hindi umasa sa pari? Kaya alam ko, kaya mo din ‘yun.” Mabilis kong
sinabi iyon kaya huli ng makita ko siyang napailing.
“Dati
naman pinangarap ko talaga maging pari, noong
high-school ako. Kaso nang tumuntong ako ng third year college ay
biglang nagbago ang gusto kong tahaking landas. Wala kasi akong makitang sign
na ito nga talaga ang gusto kong gawin sa buong buhay ko. Wala na sa puso ko
ang pagpapari. Gusto kong maging isang mahusay na abogado o isang inhinyero
ngunit lahat ng nagpapaaral sa akin ay umaasang magiging isa akong mahusay na
alagad ng Diyos. Di ba puwede naman akong magsilbi sa Diyos na hindi ko na
kailangang maging pari? Puwede kong tulungan ang mga taong naaapi, mga taong
nakukulong na walang kasalanan? Di ba puwede ko din ipalaganap ang salita ng
Diyos at maging aktibong kasapi sa simbahan kahit hindi ako pari?”
“Puwede
naman. Kaso iba parin talaga kung pari ka. Pero ikaw lang naman kasi ang
makakapagdesisyon para sa sarili mo. Walang ibang puwedeng magbago sa buhay sa paraang
gusto mo kundi ikaw lang din. Kaya pag-isipan mong mabuti kung saan ka ba
talaga masaya.”
“Alam
mo bang ikaw ang isa sa dahilan kaya hindi ako sumusuko dito? Kaya kahit papano
nagiging makabuluhan ang bawat araw ko kung nakikita at nakakasama kita. Hindi
ko ramdam ang pagkabagot, hindi ko napapansin ang paglipas ng araw. Masaya
akong nakikita ka sa labas kahit hindi tayo nagkakasama. Makita ko lang na
nakangiti ka sa akin, kumpleto na ang araw ko. Ano pa kaya kung mga ganitong
gabi na yakap kita o nahahalikan. Sana mahalin mo ako ng tulad ng pagmamahal mo
kay Aris. Sana makita mo ako ng ako at hindi siya ang nakikita mo sa akin.”
“Nasa
seminary tayo kaya hindi yata puwedeng mangyari ang gusto mo.”
“Bakit
hindi puwede? Ginagawa na natin ngayon ang ginagawa ng magkarelasyon. Kulang na
lang iyong sabihin mo na mahal mo din ako. Pakiramdam ko nga lalo tayong
nagkakasala sa ginagawa natin sa loob. Para natin binababoy ang simbahan nito.”
“E
di mas lalo na tayong nagkakasala kung gusto mong maging official na tayo. Tama
na muna ‘to. Masaya naman tayo e.”
“Mas
masaya sana kung tayo. Hindi mo ba ako mahal? Kasi ako mahal na mahal kita.”
“Salamat
po.”
“Ganun?
Salamat lang?” nilayo niya ang palad niya sa mga kamay ko. “Sige na, matulog na
nga tayo. Maaga pa tayong magising bukas.
“Pinapalipat
mo ako sa kama ko?”
“Hindi
naman sa ganoon, ikaw lang naman nasusunod sa atin e. Kung saan mo gusto e di
doon ka. Wala naman nasusunod na kagustuhan ko kaya ikaw kung saan mo gustong
matulog.”
Niyakap
ko siya. Nang una tinanggal niya ang kamay ko. Tumalikod ako.
Naramdaman
ko ang pagyakap niya sa akin ilang sandali lang mula nang tumalikod ako.
“Hindi kasi kita kayang tiisin kaya
ako nahihirapan ng ganito.” Paanas niyang sinabi sa aking tainga.
Maiidlip
akong nakangiti.
Iyon ang naalala kong mga tagpo sa
amin noon. Dama ko kung gaano siya nasasaktan sa mga ginagawa ko, idagdag pa
ang katotohanang napipilitan na lang siyang gawin ang isang bagay dahil mas
nakakarami ang nangangarap na magiging isang mahusay siyang pari. Iyon bang
pakiramdam niya ay siya lang ang may gusto pero lahat ng taong nakapalibot sa
kaniya ay iba ang gustong ipagawa sa kaniya at para sa nakakarami, kahit gaano
kasakit na isuko ang pansariling kagustuhan ay ginawa niyang pumasok sa seminary.
Mahusay nga naman talaga siya sa kahit saang larangan. Siya ang isa sa mga
pinakamatalinong seminaryo.
Pati
sa relasyon namin, hindi rin niya kayang ipilit ang gusto at sumusunod lang
siya sa kung ano ang gusto ko at kaya kong ibigay. Alam kong mas nahihirapan
siya sa sitwasyon namin. Mahabang panahong nanahimik siya. Tiniis niya lahat
kahit alam kong nasasaktan siya sa tuwing si Aris pa din ang bukambibig ko
kahit siya ang nasa harapan ko. Ilang buwan siyang hindi nagreklamo. Ngunit
kahit gaano pa kabait ang isang tao ay dumadating din sa puntong mauubusan na
siya ng pasensiya.
.
Alam kong napuno na siya at wala na siyang pagsisidlan pa ng pang-unawa sa
akin. Nagsawa na din siya sa katatanong kung ano nga ba talaga kaming dalawa.
Siguro, tuluyan na nga din siyang naniwalang walang magiging kami ngayon at
lalong hindi magiging kami sa hinaharap. Gamitan. Iyon ang alam kong tumatakbo
sa isip niya lalo pa’t sa tuwing sinasabi niya noon na mahal niya ako, ang
laging tugon ko ay salamat po. Hanggang sa napagtanto niyang solohin na lamang
ang nararamdaman at huwag nang umasa na may patutunguhan ang sa amin.
Nang nagtanghali ay sinikap ko siyang senyasan sa
pamamagitan ng pagpupunas sa nguso ko ngunit hindi siya pumansin. Parang wala
siyang nakita ngunit nag-asume ako na susundan niya ako. Tatlumpong-minuto na
ako sa loob ng kuwarto namin at labinlimang minuto na lang ay matatapos na ang
break ngunit wala pa siya kaya nagdecide na akong lumabas.
Lalo
akong nag-init nang makita kong kausap lang pala niya si Jake. Ang matagal ko
ng napapansin na lagi niyang kasama na barkada daw niya ngunit may kakaiba
akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Naisip ko, puwes, mamayang gabi
magtutuos tayo. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam na ako ng selos sa kanila.
Ayaw kong maniwalang nahulog na ang loob ko kay Alden ngunit ganitong-ganito
ang naramdaman ko noon kay Aris. Ganitong-ganito ang tibok ng aking puso, nang
inis noong may kasama siyang iba nang recess namin noong high school palang
kami. Mahal ko na ba si Alden?
Kinagabihan ay hinintay ko lang
na magiging tahimik ang lahat. Nakahiga na siya sa kama niya noon. Tahimik at
nakatalukbong. Alam kong gising pa siya. Ayaw lang niya ako kausapin at imikan.
“Mag-usap nga tayo.” mahina
ngunit galit kong sinabi. Hinila ko ang nakatalukbong niyang kumot. Tinignan
ako ng masama saka niya muling nagtalukbong.
“Sabi ko mag-usap tayo.” Muli kong
tinanggal ang kumot.
“Ih! Ano ba! Tungkol san?
Tungkol kanino…kay Aris?” bumangon siya
at pumuwesto ng upo.
“Bakit napasok si Aris dito?”
“Di
ba nga wala ka ng ibang bukam-bibig kundi si Aris? Kahit yata ako
napagkakamalan mong si Aris na.”
“Tungkol
sa iyo at kay Jake.”
“Anong
tungkol sa amin?”
“Kayo
ba?”
“Ohh,
come on…kami ni Jake? Gumagawa ka ba ng pag-usapan? Alam mong kaibigan ko si
Jake. Sa kaniya na nga lang ako nakikipag-usap ng kahit ano sa mundo at hindi
iisa ang subject tulad ng sa iyo. Aris… Aris… Aris..nakakasawa at walang
kamatayang Aris! Kahit nagkukuwento ako ng buhay ko, nagagawa mo paring isingit
si Aris sa usapan natin.”
“Bakit
ba pilit mong isinisingit si Aris sa usapan natin ngayon!”
”Dahil
sa Aris na iyan nag-uugat ang lahat ng ito. Dahil siya ang lagi mong nakikita
sa akin….dahil siya laging laman ng kuwento mo…dahil nagseselos ako sa wala
dito at higit sa lahat dahil alam kong siya parin ang mahal mo!”
“Iyon
na nga eh, kailangan mo bang magselos sa nakaraan ko? Kailangan mo bang
makipagkompetensiya sa taong may asawa na at wala dito ngayon?”
“Alam
mo, simple lang sana naman ang sagot diyan e, HINDI! Hindi ko dapat sanang
pagselosan yung nakaraan mo, hindi ko dapat pagselosan iyong may asawa na at
wala dito pero alam kong alam mo na hindi ko masasagot iyon ng ganoong sagot
dahil ang totoo niyan ay OO. Nagseselos ako sa kaniya. Wala akong karapatan sa
iyo Rhon. Hindi tayo. Ayaw mong i-commit ang sarili mo sa akin. Pakiramdam ko,
gamitan lang tayo sa ‘lang-hiyang sex. Ni hindi ko alam kung ano ako sa’yo.
Masakit sa akin na alam mong mahal kita ngunit ako, hindi ko alam kung ano ako
sa iyo. Ginagamit mo akong pantapal kay Aris o kaya pangkamot kapag kinakati
ka. At alam mo kung bakit. Ngayon, huwag mo akong matanong-tanong kung bakit
kailangan kong magselos sa nakaraan mo dahil ni hindi ko alam kung ako ba ang
kasalukuyan mo!”
Hindi
ako umimik. Alam kong tama siya.
“Alam
ko namang alam mo eh pero kailangan kong sabihin sa iyo dahil gusto mong
marinig na alam ko din ang alam mo.” Pagpapatuloy niya. Nakita ko ang pamumula
ng kaniyang mga mata. Pinipigilan niya ang tuluyang pagluha.
“Hindi
mo ako mahal. Nakikita mo lang ang katauhan ni Aris sa akin. Gusto mong ako ang
Aris na nasa utak mo. Pero sana malaman mo kahit kailan hindi eh, ako si Alden.
Iba si Aris kay Alden. ‘Tagal kong nanahimik. ‘Tagal kitang inunawa. Akala ko
kung mananahimik ako darating yung panahon na maisip mo at matanggap na ako
ito. Hindi kahit kailan magiging siya ang ako. Kailan mo ba maisip na
sinasaktan mo na ako? Hanggang kailan mo bubuhayin si Aris sa katauhan ko?
“Iyon
ba ang akala mo?” gusto kong magsinungaling para kahit papano ay maibsan ang
nararamdaman niyang sakit. Tuluyan niyang ginigising ang mali kong pagturing sa
kaniya. Tumatama ang lahat sa kaibuturan ng aking puso.
“Lupit
mo! Tagal kitang binigyan ng panahon na marealize mo kung ano ba ako sa iyo at
kung sino si Aris at Alden sa buhay mo. Napakatagal kong nagiging tanga.
Masarap nga namang maging tanga dahil sa tindi ng ginagawa natin sa kama.
Masarap nga din magpakamanhid dahil sobrang gwapo at sulit naman sa galing sa
kama ng kasiping ko. Ngunit sana gano’n lang kasimple iyon eh. Pero yung
ikumpara mo ako araw-araw sa kaniya at iyong siya lang lagi ang nasa kuwento mo
at hindi mo na ako napapansin pa..’yun…’yun ang sobrang sakit. Kaya huwag mong
ibaling sa amin ni Jake ang problema. Wala sa amin ang problema, Rhon, nasa sa
iyo.|
Dahil
sa narinig kong iyon ay natauhan ako. Tama siya.
“Anong
gusto mong gawin ko ngayon?” tanong ko. Gusto kong marinig kung paano ko
maitatama ang mga nagawa kong pagakakamali sa kaniya.
“Tinatanong
mo ako kung anong gusto ko? Baka mas mainam na tanungin mo ang sarili mo kung
sino ba talaga ang gusto mo? Pasensiya ka na Rhon, pero mas mainam na alamin mo
muna sa sarili mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo bago mo ako
tanungin kung ano ang gusto ko. Hindi na mahalaga pang pag-usapan kasi dito
kung ano ang gusto ko. Mas mainam na pag-isipan mo kung ano nga ba ang gusto
mo.”
“Paano
ko maayos ito kung ayaw mong sabihin sa akin.”
“Matalino
ka eh! Dapat alam mong gusto kong ipaintindi sa’yo! Gusto kong ayusin mo muna
ang sarili mo. Pag-isipan mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo dahil
hindi ka makakagawa ng tama para sa iba kung sarili mo ay hindi mo alam kung
ano nga ba ang nais mo. Bumalik ka na sa kama mo. Gusto ko nang magpahinga.”
Pagkatapos no’n humiga na siya, tumagilid patalikod sa akin at nagtalukbong.
Magmula
noon ay hindi na niya ako pinansin. Binigyan ko na rin lang siya ng laya hindi
para tuluyan siyang kalimutan kundi gusto kong hanapin siya sa puso ko. Gusto kong
siya na ang nakikita ko at hindi si Aris. Mabuti siyang tao. Wala siyang
kasalanan para gamitin ko ng ganito.
Naisip
ko na siguro naging mabilis lang ang pangyayari. Hindi ko na muna hinintay na
maghilom ang sugat na likha ni Aris sa puso ko at tumalon ako sa isang
pagtitinginan na ang mahal ko ay si Aris parin. Isang Linggo na lang at
bakasyon na. Iyon ang pagkakataong hindi ko makikita si Alden at ang mga
panahong magkalayo kami ay subukan ko siyang hanapin sa puso ko. Subukan kong
palayain na nang si Aris sa puso ko at papasukin si Alden.
Gabi
bago ang bakasyon..
“Puwedeng
tumabi?” paalam ko sa kaniya habang nakatihayang tanging boxer short lang na
puti ang suot.
Hindi
siya umimik pero umusod siya. Binibigyan niya ako ng puwesto. Tumabi ako.
Tumihaya. Nakiramdam. Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa kisame.
Malungkot. Nang bawiin ko ang aking tingin ay nilingon niya ako. Nagtama ang
aming mga mata. Nanatiling walang gustong magsalita. Bahagya kong inilapit ang
labi ko sa labi niya. Tumitig lang siya sa akin. At ilang saglit pa ay tuluyan
ko ng nilapatan ng matamis na halik ang kaniyang mapupulang labi. Nang una ay
hinayaan lang niya ako ngunit nang naglaon ay hinawakan na din niya ang aking
batok at muling nag-init an gaming mga katawan. Ginalugad ng kamay ko ang
kabuuan ng kaniyang katawan. Tinulungan niya akong hubarin ang aking sando at
boxer short hanggang sa tuluyang sinakop ng init ng aming katawan ang lahat ng
di namin pinagkakaunawaan. Pinagsaluhan namin
ang pinakamainit naming pagniniig. Nilasap namin ang sarap ng pinagbawal
naming langit. Mas mapusok. Mas mainit ngunit naramdaman ko ang igting ng
kaniyang pagmamahal. Alam ko nang gabing iyon ay siya na ang lalaking humahagod
ng halik sa aking likod. Siya na ang nagbibigay ng kakaibang sarap at kiliti sa
aking kabuuan. Naroon ang kakaibang pagsinta kasama ng maluwalhati naming
pagpaputok ng rurok ng sarap. Bago ako iginupo ng antok ay ikinulong ko siya sa
aking mga bisig. Tanda ng aking pagmamahal. Ngunit hindi ko pa iyon nasasabi.
Hindi pa ako handang sabihin na bukod kay Aris, naroon na siya sa puso ko.
Mahal ko na rin siya.
Kinabukasan
ay wala siyang imik. Nakiramdam ako. Maingat niyang sinilid ang kaniyang mga
naiiwan pang damit sa luma niyang bag. Pilit niyang isiniksik doon ang kaniyang
mga gamit.
“Gusto
mong hiramin itong isang bag ko?” pambabasag ko sa katahimikan.
“Okey
lang. Nagkasya ito nang dumating ako dito, wala naman akong dinagdag na gamit
kaya sigurado mapagkakasya ko din lahat ngayon. Kung sana puwede ko lang
ibagahe yung naipon dito sa dibdib ko na sakit at lungkot, sana hiramin ko yung
isang bag mo baka sakali mas madali sa akin ang paghinga. Bakit ganun? Pumunta
ako dito na dala lang ang isang pangarap para sa mga taong umaasa sa akin,
bakit ngayon at uuwi ako, napakabigat ng pakiramdam ko.”
Hindi
ako nagsalita. Niyakap ko siya.
“Gusto
mong sumabay na lang sa akin? Susunduin ako ng tito kong pari. Idadaan ka na
lang namin sa paradahan ng bus sa Cubao papuntang Pampanga.”
“Huwag
na, nasabi ko na kay Jake kahapon na sa kaniya na lang ako sasabay.”
Natabangan
ako sa sagot. Tinanggal ko ang aking pagkakayakap. Hindi na ako nagsalita.
Kinuha ko na ang bagahe ko at walang imik na tinungo ang pintuan.
“Ganu’n
na lang iyon? Basta ka na lang aalis?” pahabol niya.
“Di
ba nga sasabay ka kay Jake?” hindi na ako lumingon. Bahagya lang akong huminto.
Nang bubuksan ko na sana ang pintuan ay pinigilan niya ang kamay ko. At sa
isang iglap ay naramdaman ko ang kaniyang labi sa aking labi.
“Mag-iingat
ka. Mamimiss kita Rhon. Alam mong mahal na mahal kita. Huwag ka ng sumagot.
Alam ko. Basta ingat ka lagi. Kita-kits na lang next school year.” Yumakap siya
sa akin.
Binuksan
niya ang pintuan. Ngumiti sa akin pero halata ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Nang lumabas ako ay agad na niyang isinara ang pinto. Minabuti kong umalis na
din lang.
Sa kumbento kung saan nadestino
si tito ako tumuloy at doon ko balak gugulin ang buong bakasyon. Dumating ako
at pinakiusapan ko siyang wala munang balita tungkol kay Aris dahil nagsimula
nang nagagamot ang galit sa puso ko. Naroon parin ang pilat ngunit magsisilbing
mga alaala na lamang ang lahat ng iyon. Ang pilat ng nakaraan at ang tanging
naiwan ay ang wagas na pagtatangi sa kaniya. Ngunit sa mga sandaling iyon ay
pilit kong isinantabi si Aris. Gusto kong iwanan na siya sa nakaraan. Itago
siya doon at harapin kung ano ang kasalukuyan at maaring sa hinaharap. Gusto
kong hanapin si Alden sa puso ko. Ninais kong bigyan siya ng lugar doon nang
hindi ko siya kailangan ihambing sa aking nakaraan. Iyong solo niya ang trono.
Iyong hindi ko na siya ihahambing pa kay Aris dahil totoo nga naman, siya ay
siya at si Aris ay si Aris.
Tama ngang kapag hindi mo
nakakasama at hindi nagpaparamdam ang taong hindi mo napahalagahan ng husto ay
doon mo lang maramdaman ang tunay na kahalagahan niya sa iyong buhay. Sa isang
Linggong hindi ko nakasama at nakikita si Alden ay naramdaman kong hinahanap ko
siya. Gusto kong madinig ang malutong niyang mga tawa, ang garalgal niyang
boses, ang haplos niya sa aking katawan, ang init ng kaniyang labi, ang likot
ng kaniyang dila at ang init ng kaniyang katawan. Noon ko lang naisip ang
lagkit ng kaniyang mga titig, ang bango ng kaniyang hininga, ang tigas ng
kaniyang katawan at ang masuyo niyang paghalik sa aking mata, ilong pisngi na
tumatagal sa aking mga labi. Inaamin ko, namimiss ko siya. At sa sulok ng aking
puso, naroon siya. Mahal ko na din siya kahit sabihing mas mahal ko si Aris ay
naroon si Alden na hindi ko lang pinansin noon.
Isang
araw ay nagulat ako nang kinatok ako ni tito.
“Mag-ayos
ka anak, may bisita ka naghihintay sa baba?” bungad ni tito sa akin.
Hindi
ko alam kung tatanungin ko siya dahil wala akong inaasahang magiging bisita.
Nanlamig ako. Hindi ko alam kung paano siya haharapin.
[12]
Isang
araw ay nagulat ako nang kinatok ako ni tito.
“Mag-ayos
ka anak, may bisita ka, naghihintay sa baba?”
Hindi
muna ako lumabas. Tinanong ko muna kung sino.
“Si Aris ba ‘yan tito?”
“Aris? Ikaw na mismo nagbilin
na ayaw mong pag-usapan natin si Aris tapos si Aris agad ang pumasok sa isip
mo. Ano ba talaga Rhon? Nakapag-move on ka na ba talaga o in denial ka padin?”
Hindi ko na lang sinagot si Tito
pero tinignan ko siya na parang nagtatanong ang aking mukha.
“Hindi si Aris.”
“E, sino?”
“Kaya nga lumabas ka para
makita at makausap mo siya.”
“Basta siguraduhin ninyong
hindi si Aris ‘yan.”
“Hindi nga…kulit ng batang
‘to.”
“O, siya, susunod na ho ako sa
baba.”
Pagbaba ko sa hagdan ay
kinagulat kong makita kung sino ang aking bisita. Parang hindi ko alam kung
lulundag ba ako sa tuwa o babalik na lang sa aking kuwarto. Hindi ko alam kung
yayakapin ko siya o basta na lang ordinaryong paglapit at uupo.
“Kumusta na, anak?”
Anak? Tinawag na muli niya
akong anak? Akala ko ba ayaw na niya akong makita? Akala ko ba kinahihiya niya
akong magiging bahagi ng kaniyang pamilya?
“Okey lang po Pa. Sorry po.”
Tumulo ang pinigilan kong luha.
Lumapit si papa sa akin. Nakita
kong mamasa-masa din ang gilid ng kaniyang mga mata ngunit pinigilan lang niya
ang pagluha.
“Ako ang dapat humingi ng tawad
sa iyo, anak.” Pumiyok ang boses niya. Halatang hindi sanay sa ganoon. Pinisil
niya ang balikat ko. “Pasensiya ka na, nabigla si Papa. Hindi ko kasi alam.
Saka ayaw kong sana maging ganiyan ka dahil ayaw kong magiging ikaw ang paksa
ng mga panlalait ng mga tao. Nang nawala ka, doon ko napagtanto ang kahalagahan
mo sa pamilya. Noon ko naisip na kahit ano ka pa, ikaw ay galing sa akin. Na
kahit ano pa ang pagkatao mo, ikaw ay anak ko at iyon ay isang katotohanang
hindi maitatanggi. Noong nawala ka sa amin, napagtanto ko kung gaano ko
naramdaman na parang may kulang sa buhay namin. Kaya sana mapatawad mo kami,
anak.”
Para sa akin, isa iyong bahagi
ng buhay ko na sadyang ipinagpasalamat ko. Ngayon, kung aking iisipin, parang
over-acting ang ginawa kong pagyakap kay Papa at paghagulgol bilang paglabas sa
lahat nang naipong sakit sa dibdib ko. Ngunit noong ginagawa ko ang bagay na
iyon ay hindi ko naisip na korni o OA dahil iyon ay sadyang galing sa aking
puso. Isang likas na kinikilos na nagagawa ng kahit sino sa ating nagulat sa
isang pagdating ng hindi inaasahang kasiyahan at pagkabuo ng pagkatao.
Napakasaya ko nang araw na iyon. Sinabi ni papa na hindi siya aalis na hindi
niya ako kasamang umuwi sa bahay.
Isang paghahanda ang gustong ipagdiwang ni
Papa. Lahat daw ay gusto niyang pagsasama-samahin at minsanang ipagdiwang ang
lahat ng mga okasyon sa buhay ko na hindi siya nakasama. Ang aking pagtatapos
ng college, ang pagpasok at pagtapos ko ng unang taon ng pagkapari at ang
muling pagkabuo ng kaniyang pamilya. Iisa ang pumasok sa isip ko noon na
gustong makita ang kasiyahan kong iyon. Ang isang taong nakinig at dumamay ng
ikuwento ko sa kaniya ang ginawa ni papa sa akin. Taong napaluha dahil
naramdaman niya ang bigat ng aking dinadala. Isang nagmahal sa akin sa kabila
ng aking mga pagkukulang at pagkakamali. Taong dinamayan ako para makabangon sa
sakit na likha ng aking nakaraan…si Alden.
Dalawang araw ang paghahanda
bago ang okasyon ay nagpaalam ako kina Mama at Papa para sunduin si Alden sa
Mabalacat, Pampanga. Gusto ko siyang ipakilala sa pamilya ko hindi isang
boyfriend kundi kaibigang nagpahalaga sa akin sa loob ng seminary. Gusto kong
makilala niya ang pamilya ko. Gusto kong makasama siya sa labas ng walang
takot, na walang iniisip na masama ang aming ginagawa katulad nang takot namin
noong nasa loob kami ng seminary. Gusto kong maging malaya kami sa paggawa sa
alam naming tama ngunit kasalanan sa nakakarami. Gusto kong iparamdam sa kaniya
ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman. Iyong siya ang nakikita ko at hindi
iba. Iyong hindi ko mabanggit ang pangalan ni Aris kapag pinupuri ko siya.
Halos dalawang oras din ang
biyahe ko mula Makati hanggang sa Mabalacat. Hindi ko maipaliwanag ang aking
nararamdaman. Excited na sobrang kinakabahan na masaya. Basta halu-halong
emosyon ang salit-salitang pumapasok sa aking sistema. Mabuti na lang at
mahusay ang memory ko kung paano pupunta sa kanila. Hindi nga ako nabigo.
Nahanap ko ang bahay nila. Noon ko nakita ang pagkasalat nila sa buhay.
Tinanong ko ang isang ginang na
abala noon sa paglalaba.
“Magandang umaga po. Dito ho ba nakatira si Alden?”
Ngumiti siya. “Dito nga. Ako ang
nanay niya. Sino sila?”
“Ako
po si Rhon, kasamahan po ako ni Alden sa seminary. Gusto ko lang po sanang
makausap ho siya.” Magalang kong pagpapakilala sa aking sarili at hanapin ang
aking sadya.
“Wala siya dito. Isang Linggo
na yata sa Baguio. Malungkot kasi nang umuwi dito. Laging tulala at gusto
laging mapag-isa. May pumunta ditong kasamahan niya sa seminary, James? Jay?
Hindi ko kasi masyadong matandaan ang pangalan?”
“Jake? Baka ho Jake ang pangalan
nung kasama niya.” Kumpirmasyon ko
“Oo
nga, Jake nga ang pangalan. Yayain daw niya sa kanila si Alden nang makalimot
daw kahit sandali.”
“Makalimot? May problema ho ba
siya?” tanong ko kahit alam kong ako ang dahilan ng kaniyang kalungkutan.
“Naku
pasensiya ka na, hindi din niya sinabi sa akin ang kabuuan ng kaniyang
pinagdadaanan.”
“Ah,
magkasama po sila ni Jake? Matatagalan ho ba daw siya doon?”
“Mga dalawang Linggo. Isang
Linggo na siya kahapon. Sabi niya, baka daw sakaling makalimot siya sa
nararamdaman niyang kakaiba. Gusto daw niyang mawili nang tuluyang makalimutan
ang pagkabigo.”
“Pagkabigo daw ho sa ano?” dahil siya na
din lang ang nagsimulang pag-usapan ito kaya naman naglakas loob na din akong
magtanong.
“Hindi ko alam, tinatanong ko
siya kung may babae ba sa seminary para mabigo siya sa pag-ibig e, di naman
sumagot. May mga babae ba doon sa sa inyo?”
Nagulat ako sa tanong ng nanay
niya. Hindi din ako nakasagot agad-agad. Nag-isip na lang ako ng idadahilan.
“Nabigo siguro siya dahil hindi
ho niya na-perfect ang finals namin. Sanay po kasi si Alden na perfekin ang mga
exams.”
“Gano’n ba! Akala ko naman kung
anong pagkabigo ang sinasabi niya. Ngayon ko lang kasi nakitang nalungkot iyon
na parang laging tulala at wala sa sarili. Lalim ng mga hininga. Ayaw nga sana niyang
sumama kay Jake pero napilitan din ito nang sinabihan kong kailangan niyang
magrelax lalo na at bakasyon naman ninyo.”
Hindi na rin ako nagtagal pa.
Hindi ko din naman kasi alam ang address ni Jake sa Baguio para sana masundan
ko siya doon.
Si Jake. Nang una kong makita si
Jake, akalain mong hindi siya yung tipong nababagay magpari. Mayabang at presko
kung kumilos. Siguro dahil astang lalaking-lalaki isabay pa dito ang maganda
niyang katawan. Maputi, tamang tangkad at magaling pumorma. Kadalasan fitted na
t-shirt ang suot na lalong nagpatingkad sa hubog ng kaniyang pangangatawan.
Matangos ang tamang tubo ng ilong na binagayan ng may kakapalang kilay at
mapula-pulang labi. Expressive ang kaniyang mga mata. Kaya naman hindi ko
talaga maiwasang pag-isipan sila ng hindi maganda. Natatakot ako na ang
atensiyon ni Alden na dapat ay akin lang ay mapunta kay Jake. Kung walang
hitsura si Jake, mapapanatag pa sana ako. Sa dinami-dami ng seminaryong hindi
naman talaga kaguwapuhan ay bakit si Jake pa ang napili niyang kaibigan?
Noon ko naisip kung gaano dinamdam ni Alden
ang sakit ng pagkabigo sa akin. Nakonsensiya ako sa aking ginawa. Parang
nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto kong humingi ng
tawad sa kaniya ngunit hindi ko alam kung paano. Gusto kong bumawi sa mga
kasalanan ko sa kaniya. Gusto kong maramdam niya ang pagmamahal ko. Napakabigat
ng nararamdaman ko nang umuwi sa bahay. Hindi ko kayang magpakasaya dahil alam
kong sa mga sandaling iyon ay may taong nasasaktan dahil sa hindi ko
sinasadyang mga pagkakamali. Pinilit kong inenjoy ang party sa bahay kahit sa
sulok ng aking puso ay naroon ang guilt na nararamdaman ko para kay Alden.
Isang guilt feelings na alam kong mawawala lamang kung makausap ko siya at
maipadama sa kaniyang nagsisisi na ako sa panggamit sa kaniya para makalimot
kay Aris, ginawa ko siyang panakip butas, nakikita ko siya ngunit hindi
tinitignan. Nahahaplos, nayayakap at nahahalikan ko siya ngunit hindi ko siya
nararamdaman at gusto kong sa muli naming pagkikita ay maiparamdam ko iyon sa
kaniya. Gusto kong itama ang aking pagkakamali.
Naging mabilis ang paglipas ng
araw at dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Ang pagkikita naming
muli ni Alden. Ang pagsisimula. Nauna akong dumating sa kuwarto namin. Nakapaglinis
na ako at nakatulog. Nagising ako sa pagdating niya. Ngumiti siya ng tipid sa
akin nang maibukas ko ang aking mga mata. Tinignan ko ang oras, ala-una ng
hapon. Hindi pa ako nananghalian.
“Kumusta ang bakasyon?” tanong
ko. Uminat- inat muna ako. Nang tuluyang mahimasmasan ay saka ako bumangon at
umayos ng upo.
“Okey lang naman.” Matipid
niyang sagot. Hindi siya nakatingin sa akin.
“Nananghalian ka na? May dala akong
pagkain.” Alok ko.
“Tapos na, kumain na kami sa daan
kanina.”
Gumamit siya ng “kami”, hindi ko na
kailangan tanungin kung sino ang kasama niya. Bumuntong-hininga ako. Minabuti
kong huwag na lang munang pag-usapan ang tungkol kay Jake.
“Pumunta pala ako sa inyo.”
Nakangiti akong lumapit sa kaniya.
“Alam ko. Sinabi ni nanay sa
akin.”
“Imbitahan sana kita sa bahay
no’n kaso nasa Baguio daw kayo.”
“Pasensiya ka na, huwag na lang
pag-usapan.”
Naisip ko, huwag pag-usapan? Ayaw
niyang pag-usapan ang tungkol sa lakad nila ni Jake? Bakit?
“Galit ka ba sa akin, Den?”
tanong ko. Umupo ako sa kama niya.
“Wala ako karapatang magalit.
Saka tapos na lahat ‘yun. Wala na sa akin. Kalimutan mo na lang lahat ang mga
nangyari noon.”
Hinubad niya ang kaniyang
pantalon at t-shirt. Tanging boxer short na lamang niya ang naiwan. Nakaramdam
ako ng kakaiba. Tumingin siya sa akin. Pumuwesto ako ng upo. Inihanda ko na ang
sarili ko sa kahit anong mangyari. God…namiss ko ang katawang iyon…ang kaniyang
mga hininga, ang labi niya, ang halik…ang pagmamahal.
Nagkamot siya ng ulo. Para
siyang gumawapo sa paningin ko. Parang umitim siya ng bahagya. Lalo tuloy
silang nagkahawig ni Aris ngayon. Ahhh! Hinding-hindi ko na dapat pang iniisip
si Aris o mabanggit-banggit si Aris kay Alden. Si Alden na dapat ang tuon ang
puso at isipan ko. At narito siya ngayon.
Nanginginig na ako. Gusto ko na
siyang hilain sa kama ngunit parang may pumipigil sa aking gawin ko ‘yon.
Tinanggal ko na din ang damit ko at tanging boxer short na rin lang ang
naiiwan. Bahagya akong sumandal sa mga unan.
Umupo siya sa kama. Tumalikod.
“Pagod kasi ako. Baka puwedeng
mahiga sa kama ko.”
Parang nakaramdam ako ng
kaunting pagkapahiya sa narinig ko. Pero sa tulad kong nasasabik at malakas ang
tiwala sa sariling mahal na mahal ako ng taong nasa harapan ko at nakahubad ng
pang-itaas ay hindi ganoon kadali tatalab ang sinabi niya. Kailangan kong
ipadama sa kaniya ang pagmamahal ko. Kailangan kong ipakita sa kaniyang nagbago
na ako kahit daanin ko iyon sa init ng romansa, ng halik at sex basta ang
importante ay maramdaman niyang siya na ang gusto kong mahalin at hindi ang
nakaraan. Niyakap ko siya. Hinalikan sa likod ng tainga at kinalikot ko ang
kaniyang mamula-mulang utong. Tinanggal niya ang aking mga kamay doon. Bahagyan
niya ako itinulak.
“Bakit ayaw mo? Hindi mo ako
na-miss?” napahiya kong tanong.
Huminga siya ng malalim.
“Hindi mo ba ako narinig, Rhon?
Sabi ko pagod ako at baka puwedeng mahiga ako sa kama ko. Inaantok kasi ako.
Please?”
“Okey, fine. Sorry.” Mabigat ang
pagkakasabi ko no’n. Hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa akin ngunit walang
emosyon sa kaniyang mukha. Blangko.
Parang natauhan ako. Kinuha ko
ang damit ko at bumalik sa aking kama. Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
Sobrang napahiya ako sa nangyari. Nahiga ako at pumikit. Naroon ang sakit ng
loob. Naroon parin ang pride. Kung ayaw niya di huwag. Feeling niya pipilitin
ko siya. Tignan natin kung sinong hindi makakatiis.
Ilang minuto palang akong
nakahiga at alam kong hindi parin siya nakakatulog nang may mahinang katok sa
aming pintuan. Nagkunyari akong tulog kaya siya ang tumayo para buksan iyon.
“Oh, akala ko matutulog ka?”
dinig kong tanong ni Alden. Naroon ang saya ng kaniyang tinig. Hindi katulad
nang kausap niya ako kanina.
“Di ako makatulog eh. Di ba
nakita mo namang an’sarap ng tulog ko sa bus kanina?” boses ni Jake. “Nandiyan
na ba si Rhon?”
“Oo, tulog na yata.”
“Do’n na lang sa kuwarto ko
ikaw magpalipas muna ng oras. Wala pa kasi yung roommate ko. Wala akong
makausap. Bukas pa daw ang dating kasi galing pa ng Batanes iyon. Saka sa isang
araw pa naman ang regular class natin.”
“Okey lang ba? Baka pagalitan
tayo.” paanas niyang tanong. Alam kong ayaw niyang marinig ko ang pag-uusap
nila.
“Ayos
lang ‘yun. Di naman nila malalaman.”
“Sandali
lang, magdadamit ako. Lakas pa naman ng boses mo. Magising mo pa si Rhon.”
Ilang
sandali pa ay narinig ko ang pagsara ng pintuan. Ayaw kong umiyak ngunit parang
nasanay na ang mata ko sa pagluha. Wala
akong magawa kundi iluha ang pagseselos. Tama. Nagseselos ako. Sa tuwing
nasasaktan ako ay parang ang pagluha na lamang ang paraan para ilabas ang sakit
na aking nararamdaman.
Gabi
na nang bumalik si Alden sa kuwarto namin. Kinuha niya ang unan at kumot niya.
Di ko napigilan ang sarili kong magtanong.
“Sa’n
ka matutulog?”
“Kina
Jake.”
“Magkasama
na nga kayo buong bakasyon, doon ka parin matutulog ngayon?” halata na ang
pagmamaktol ko. Di ko na maitago ang nararamdaman kong selos.
“May
gusto ka bang ipakahulugan, Rhon.”
“Obvious
ba? Sabi mo kanina matutulog ka dahil nga pagod ka. Dumating si Jake, hindi ka
na pagod at ilang oras ka ding nawala.”
“Nagseselos
ka?”
“Kadarating
lang natin dito, nagkasama naman kayo nang bakasyon, hindi mo lang ba ako
kukumustahin?” pilit kong ibinaling sa iba ang tanong niya. Hindi ko kayang
aminin sa harap-harapan na nagseselos nga ako.
“O,
kumusta ang bakasyon mo?”
“Ewan ko sa’yo!” sagot ko
“Tignan
mo? Hindi ko alam kung ano ba talaga kasi ang gusto mo. Kinakamusta kita
pabalang ang sagot mo.”
“E
kasi naman mag-isa ako dito, tapos sa kuwarto ni Jake ka naglalagi!”
“Eh,
ano nga naman ngayon sa iyo ‘yun?”
“Wala
lang.”
“Wala
lang naman pala e? Maliban na lang kung nagseselos ka. Pero, bakit ka nga ba
naman magselos e, hindi naman nga tayo? Ano nga ba talaga tayo Rhon?”
Natigilan
ako sa pagbalik ng tanong niya sa akin.
“Iwan
mo ako dito ngayon mag-isa? Hindi mo ba ako na-miss?” gusto kong ibahin ang
usapan. Sa tuwing natatalo ako at walang maisagot, iyon na lagi ang ginagawa
ko, ang ibahin kung anong usapan.
“Namiss?”
Ngumiti siya. “Bakit naman kita mamimiss. May karapatan ba akong mamiss ang
tulad mo?”
“Baka
naman…”
“Uyy
bilisan mo, kakain pa tayo sa labas, ano ba!” singit ni Jake na biglang
bumulaga sa pintuan. Hinila niya si Alden at natatawa namang sumunod ang isa.
Naiwan
akong napatulala. Hindi ko na nagawang sabihin pa ang mga gusto kong sabihin.
Sobrang sakit ang naramdaman ko ng gabing iyon. Napakadaming tanong sa isip ko
kung bakit biglang nanlamig at nagbago si Alden. Sobrang selos at inis ko kay
Jake. Hindi ako mapakali ng gabing iyon. Labas-masok ako sa kuwarto. Gusto ko
silang katukin sa kanilang kuwarto ngunit ano naman ang karapatan ko para gawin
iyon? Ano ang sasabihin ko? Para akong nasisiraan ng ulo. Ansakit ng
nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong isipin para mawala
yung selos at galit na nararamdaman ko.
Bumalik
ako sa kuwarto at pilit kong kalimutan ang mga ideyang sadyang nagpapasakit sa
aking kalooban…ang ideyang baka nagkadevelopan na sina Jake at Alden… baka sila
na ngang dalawa ngayon… Ano kaya ginagawa nila ngayon sa kuwarto ni Jake?
Naghahalikan? Nagyayakapan? Nagsesex? Gusto kong isipin na naghihiganti lang si
Alden, na ako parin ang mahal niya. Ginagawa lang niya ito para paselosin ako.
Gusto niya lang ipadama sa akin ang dating naramdaman niya noong puro Aris ang
bukambibig ko. Sa tulad kong nagseselos, ang tanging paraan para maibsan ang
sakit ay ang tiwala. Tiwalang mahal niya ako at hindi niya magagawang ipagpalit
ako kay Jake. Tiwalang ginagawa lang niya iyon para lalo ko siyang mahalin at
mahanap siya sa puso ko. Ngunit sa likod ng tiwalang iyon na gusto kong isiksik
sa isip ko ay tinatalo padin ng takot. Tinatalo ng negatibong pag-iisip. Hindi
ko nagawang pagkatiwalaan si Aris nitong mga huli, sinira na iyon ni Aris kaya
paano pa ako magtitiwala ngayon kay Alden?
Sa
tulad kong nag-iisa at sobrang namimis ang taong wala sa aking tabi. Sa tulad
kong nag-iinit at nagagalit ay isang idea ang ginawa ko. Kinuha ko ang gamit
nang boxer short niya. Hinubad ko ang boxer short ko. Kinuha ko ang lotion at
nilagyan ko ang kamay ko. Nahiga ako sa kama niya. Pumikit ako at nilaro,
hinimas ang aking alaga. Pinagalaw ko ang aking imahinasyon. Ibinalik ko sa
aking alaala ang mga ginagawa namin ni Alden hanggang uminit ako ng uminit. Si
Alden ang pilit kong nilaro sa aking balintataw, ang kaniyang magandang katawan
na may ritmong sumasabay sa aking pag-indayog, ang kaniyang mga labi sa aking
labi. Ang kaniyang mga dila na sumasalubong sa aking dila. Ang kaniyang galit
na galit na alaga at nang maabot ko ang rurok ng aking ginagawa ay biglang si
Aris ang pumasok sa aking isipan. Si Aris ang nasa aking imahinasyon nang
bumulwak ang aking katas. Nag-iwan iyon sa akin ng hindi maipaliwanag na
kaisipan.
Kinaumagahan
ay sinikap kong simulan ang pakipaglaro sa kanilang dalawa. Gusto kong malaman
kung pinapaselos niya ako. Kung ganoon man, kailangan kong ipakita ko sa
kaniyang hindi ako apektado. Kung sa tingin niya ay masasaktan ako sa ginagawa
niya ay iparamdam kong wala akong pagmamahal sa kaniya. Gusto kong gawin iyon.
Ngunit sa tuwing nakikita kong masaya sila ni Jake ay lumalabas ang tunay kong
nararamdaman. Nagseselos nga ako ngunit ayaw kong patalo. Pride sa pride. Ayaw
ko silang pansinin ngunit kahit hindi ko sila nakikita ay hindi ko matanggal sa
aking isip na magkasama sila at masaya. Sana ako ang kasama ni Alden, sana ako
ang naroon ngayon.
At
isang araw, isang hindi ko nakayanang tagpo ang sumambulat sa akin na siyang
naging sanhi ng paghanga ko sa tunay na pagmamahal. Isang pagmamahal na noon ko
lang natuklasan. Pagmamahal ni Alden na hindi ako makapaniwalang nagawa niya.
[13]
Naging
mahirap na ang subjects namin sa second year. Nagkaroon na kami ng subject
na Logic, Cosmology and Psychology,
Ethics, Apologetics at Church History.
Hindi parin nawawala ang Sacred Scripture
na mahirap kong intindihin ngunit kailangan dahil iyon ay isang subject
na incorporated hanggang 6th year. Bilib ako sa mga kaklase kong pinag-iigihan
at naka-focus sa kanilang pagpapari. Iyon bang, ginagawa nila ito dahil gusto
nilang maglingkod sa Diyos. Ilan kaya sa amin ang may pinagdadaanan katulad ng
sa amin ni Alden at Jake. Kung nakikita kaya nila ako ay tulad din ng pagtingin
ko sa kanilang may takot sa Diyos at determinadong pagsilbihan ang simbahan at
ang mga nagtitiwala dito?
Hindi ang mga subjects na iyon
ang sadyang nagpahirap sa akin. Sisiw lang iyon sapagkat utak lang naman ang
kailangan gamitin. Tamang reasoning, mahusay na pag-intindi, at sapat na
panahon sa pagbabasa siguradong pasado ka na. Ngunit bakit kapag usapin na sa
puso ay hindi ganoon kadaling pag-aralan ang lahat. Hindi dahil matalino ka,
kayang- kaya mo ng panatilihin ang magandang takbo nito. Kahit gaano mo ito
planuhin at pag-igihan ay hindi mo parin kayang i-perfect ang relasyon. Kahit
gaano kadaming libro na ang basahin ay hindi parin kayang pagandahin ang takbo
nito kung wala na ang tiwala at pagmamahal. May mga kulang parin at sobra. May
mga sandali paring iiyak at magdusa. Sadya ngang walang kasiguraduhan ang
relasyon. Hindi ito kayang i-memorize…hindi din puwedeng basahin lang at
intindihin. Parang laging hindi tugma, laging hindi sapat at tamang ang dapat
lang na pinaiiral ay pagsabay sa bawat pagbabago… makiagapay sa bawat sayaw
nito at maging masaya at kuntento sa tuwing kakatok ito sa ating puso. Kapag
nariyan na, hindi lang sapat na magpasalamat ka at ariin ito sa walang katapusang
saya dahil dumadating yung puntong iiyak ka at ang tanging kailangan mong gawin
ay handang matuto sa hatid nitong alaala kung tayo ay iiwan na nang tuluyan.
Wala kang control sa damdamin at desisyon ng iba. Ang tangi mo lang magagawa ay
kung paano mo tatanggapin ang mga desisyon na iyon. Hindi dahil mahal ka niya
ngayon ay mamahalin ka ng habang-panahon. Hindi dahil masaya ka ngayon ay hindi
na puwedeng darating ang kalungkutan. Tandaan na ang bawat nasimulan ay may
kaakibat na hangganan. Bago dumating ang katapusan ay dapat nakahanda na ang
puso mo’t isipan na tanggapin na ganoon talaga ang buhay. Nothing lasts
forever, ‘ika nga.
Sa pagdaan ng mga araw,
napansin ko na ang lagkit ng tingin ni Jake kay Alden. Hindi na rin matanggal
pa sa isipan kong may relasyon ang dalawa kasi sa tuwing nilalapitan ko si
Alden ay nakikita ko kung gaano kasakit ang mga titig sa akin ni Jake. Titig na
may kaakibat na pagseselos. Mga pasaring niyang hindi lang isang kabigan ang
turing niya sa taong unang naging akin. Kulang na lang sabihan niya ako na wala
na akong karapatan pang manghimasok sa kanila.
Noong una ay gusto kong
ipaglaban ang nararamdaman ko. Gusto kong makipagsabayan kay Jake ngunit
natatakot akong lumaki lang ang isyu na magreresulta sa pagkakatanggal naming
lahat sa seminaryo. Hindi alam ni Alden kung gaano ko iniiyakan ang mga
sandaling masaya silang nag-uusap habang kami ay kumakain. Hindi niya alam kung
paano ako nagseselos sa tuwing nakikita kong sila ang magkasamang maglaro ng
chess, kung kahit gabi na ay nasa kuwarto parin namin si Jake at masayang
nagkukuwentuhan sila sa kama niya. Paanas man ang pag-uusap nila ngunit sobrang
sakit sa akin na masaksihang ang dating mahal ko ay may mahal na yatang iba.
“May nabubuo yatang kakaiba sa inyo ni Jake.
Mag-ingat lang kayo.” Naibulalas ko isang gabing hindi ko na makayanan pa ang
pagseselos ko. Hindi ko lang kasi talaga
maideretso sa kaniyang nagseselos ako at hindi ko na kaya pa.
“Nabubuong ano?”
“Relasyon.
Ano pa ang puwedeng mabuong iba sa inyo?”
“
Kung iyon ang tingin mo, wala na akong pakialam pa dun at hindi ko naman siguro
kailangang magpaliwanag maliban na lang kung…”
“Kung ano?”
“Kung nagseselos ka sa amin?”
“Ako? Magseselos? Excuse me.
Hindi siguro?” napalunok ako.
Ang
totoo niyan e, ansakit-sakit na pero mataas ang pride ko at nangako ako sa
aking sarili na hindi ako patalo sa kanila. Na kahit gaano kasakit na ay hindi
ko dapat ipadama sa kaniyang natatalo na ako.
“So, anong problema mo ngayon
sa amin?”
“Ewan ko. Di ko alam.”
“’Yan ang mahirap sa’yo, matalino
ka pero napakarami mong hindi alam na pati sarili mo yata kailangan mong
lokohin. E, tutal naman pala at hindi ka nagseselos, siguro naman, wala ka na
din sanang pakialam pa sa kung ano ang nakikita mo sa amin, hindi ba?”
“Wala nga. Pero ang akin lang
ay yung mahuli kayo at baka matanggal kayo dito. Concern lang ako sa’yo. Akala
ko ba mahalaga sa’yo ang pangarap ng nanay at mga nagpapaaral sa’yo?”
“Concern ka lang ba o may iba
kang ipakahulugan. Ako, handa akong umalis dito kung kasama ko ang mahal ko.
Kasi hindi lang ang sarili ko ang niloloko ko ngayon, niloloko ko na pati ang
Diyos. Handa kong talikuran ang pagpapari kung sana kasama ko lang lumabas ang
taong mahal ko.”
“E, di kausapin mo si Jake.
Kung gusto ninyong lumabas, dapat ngayon palang kausapin niyo na sila nang
magiging graceful ang paglabas ninyo at hindi pa magiging kahiya-hiya.”
“Pag-iisipan ko ang payo mo.”
Tumitig
siya sa akin. Tumitig din ako sa kaniya. Nakikita ko sa kaniyang may gusto
siyang sabihin ngunit hindi niya kayang ilabas. Hanggang nagbaba na lang siya
ng tingin at pumunta sa kama niya.
“Nahihirapan na ako. Sobrang
hirap na hirap na ako.”
“Saan ka nahihirapan? Dahil sa
sitwasyon niyo ngayon ni Jake?”
Tumingin siya sa akin. Bumunot ng
malalim na hininga.
“Gusto mo bang lumipat ng
kuwarto nang hindi na kayo mahirapan pang dalawa?” pang-aasar ko.
Nagbuntong-hininga siyang muli.
Mas malalim ang hiningang iyon. Naghubad
siya ng sando. Tanging boxer short na lang niya muli ang naiwan. Dalawang buwan
ng walang nangyari sa amin. Dalawang buwan na rin akong nagpipigil. Dalawang
buwang sobrang namimiss ko na ang dating ginagawa namin. Ngunit siya, parang
wala lang lahat. Ni hindi niya ako tinitignan sa mata. Ni parang nandidiring
pagmasdan kapag nakahubad ako. Maganda naman ang katawan ko, makinis, maputi,
hindi man balbon pero may abs naman ako, maumbok din ang dibdib ko pero parang
sa tuwing nakahubad ako ay tumatalikod siya na parang walang nakikita.
Nang muli kong mapagmasdan ang
maganda niyang katawan ay biglang nag-init ako. Hindi ko alam kung tinutukso
niya ang kahinaan ko pero nang makita kong tanging masikip na boxer short lang
ang suot niya habang nakatihaya siya na hindi nagkumot ay napalunok ako.
Halatang nakatigas ang alaga niyang bahagya niyang nilalaro dahil nakasuksok
ang palad niya doon, kaya kita ko kung paano niya paglaruan. Nawala ako sa
sarili. Umibabaw ang kalibugan ko. Nanginginig akong lumapit sa kaniya.
Nakapikit siya. Hinawakan ko ang maumbok at matigas niyang dibdib at hinalikan
ko ang parang nag-aanyaya niyang labi.
Ohhh!
God! How I missed him. Sobrang namiss ko ang lambot ng kaniyang labi at ang
init ng katawan. Hindi gumalaw ang labi niya. Ako lang ang humahalik. Hindi din
niya pinigilan ang kamay kong bumaba sa kaniyang abs hanggang sa garter ng
boxer short. Sandaling nakiramdam ako kung susuwayin niya ako at ilang saglit
pa ay tuluyan ng pumasok at humalili doon sa kamay niyang naglalaro. Hanggang
narinig kong nagsalita siya.
“Anong ginagawa mo? Huwag mong
gawin ‘yan dahil lang nalilibugan ka o gusto mong may mapaglabasan ka ng init
ng iyong katawan. Hindi mo kailangang gawin ‘yan dahil namimiss mo si Aris at
nakikita mo siya sa akin. Hindi mo dapat gawin ‘yan dahil trip mo lang.”
Binunot niya ang kamay ko na nakasuksok doon.
Tumingin ako sa kaniya.
Sinalubong niya ang mga tingin ko. Ibinaba ko ang aking paningin dahil muling
lumakbay ang kahihiyan sa aking kabuuan. Ginapi ng pagkapahiya ang kanina’y
umiigting na pagnanasa.
“Bakit ka ganiyan sa akin?”
Tanong ko.
Ngumiti siya at umiling. Parang
sinasabi niyang, “anong bang klaseng tanong ‘yan.” Parang gusto niyang sabihin
iyon pero pinigilan ang sarili.
“Bakit
mo nga ginagawa ito?” tanong kong muli.
“Ikaw ang dapat kong tanungin,
Rhon, bakit ka ganyan? Bakit mo gustong gawin ito.Ano bas a iyo ang gagawin
natin? Libog lang ba?”
Sa sandaling iyon ay gusto kong
sabihing mahal ko na siya ngunit naunang umusbong ang pride. Ginapi ng tuluyan
ang ugali kong mapagmataas ang tunay kong nararamdaman.
“Wala lang.” kaswal kong sagot.
Nakaramdam ako ng inis sa aking sarili.
“Hindi puwedeng wala lang
Rhon.”
“Namimiss na kita, Den.”
“
Namimiss mo na ako? Namimiss mo ang ginagawa natin? Gano’n lang ‘yun?”
“Oo. Bakit ikaw?”
“Wala. Huwag mo na akong
tanungin. Matulog na tayo. Bumalik ka na sa kama mo. Libog lang ‘yan.”
Kinuha niya ang kumot. Nagtalukbong
at tinalikuran na niya ako. Tumayo ako at bumalik na lang ako sa kama ko.
Badtrip na badtrip ako sa nangyari kaya pinangako ko sa sarili kong hinding-
hindi ko na siya uli papansinin. Lagi na niya akong pinapahiya. Laging ako na
nga lang ang lumalapit sa kaniya, ta’s ako pa yung tinatanggihan. Sobra na ito.
Gusto niyang makipagtaasan? Puwes di niya kakayanin ang pride ko.
Kinaumagahan ay para akong
walang nakita o kasama sa kuwarto. Hindi ko siya kinausap, hindi ko siya
pinansin. Kahit sa klase namin ay pinakita kong aktibo ako. Lahat binabati ko,
lahat kinakausap ko. Kung nandiyan siya nakikipagbiruan ako sa iba.
Masayang-masaya. Walang iniisip at hindi ko siya tinitigan. Kung dati
pinaparamdam ko na masama ang loob ko sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni
Jake sa mga nagdaang araw parang hindi ko na sila pinapansin. Parang wala akong
nakita. Parang wala akong narinig. Parang wala akong pakiramdam. Kaso, parang
ganun lang iyon.
Kung nakakasalubong ko sila sa
daan, para lang silang hangin na hindi ko makita ngunit nararamdaman.
Tinutulugan ko sila kung nag-uusap sila ng paanas sa kuwarto namin. Kung dati
panay ang buntong-hininga ko at pagdabog nang mga nakaraang araw, nitong huli,
pinadama ko sa kanilang hindi na ako apektado at makakatulog ako kahit ano pa
ang gawin nila ngunit sa totoo lang, sobrang sakit ng lahat sa akin. Ilang
pagluha din, ilang paghinga ng malalim at ang pagmumura din ang ginagawa ko
para maibsan ang naiipong sakit ng loob sa tuwing mag-isa lang ako.
Hanggang
unti-unting nahalinhinan ng galit ang dating pagmamahal ko kay Alden. Galit na
nabuo dahil sa hindi pagpansin sa akin. Galit dahil hindi na niya naibibigay
ang ligayang nagustuhan ko sa kaniya. Galit dahil hindi niya sinusuklian ang
pagmamahal ko sa kaniya. Pagmamahal? Naramdaman ba niyang mahal ko na din siya?
Sinabi ko na ba sa kaniya kung ano na siya sa buhay ko? Ngunit dapat alam na
niya iyon. Hindi ko man sinasabi pero dapat sa mga kinikilos ko pa lang ay
napapansin na niya ang pagtangi ko sa kaniya. Hindi ko na nababanggit si Aris
sa kaniya. Pero paano ba niya iyon mapapansin e, hindi naman na kami madalas
magkausap. Hindi naman na niya ako kinukunwentuhan. Parang sasabog na ang puso
ko. Nahihirapan na din talaga ako.
Tuwing tanghali kasi ay
tumatakas ako papunta sa kuwarto para mag-ayos ng sarili. Gusto kong
maghilamos, magpabango at maglagay ng polbo sa likod ko. Pagpasok na pagpasok
ko ay huling-huli ko na nakayakap si Jake kay Alden na magkahinang ang mga
labi. Naghahalikan sila sa tanghaling tapat at sa mismong kuwarto pa namin at
sa oras pang alam ni Alden na darating ako.
Hindi ako nakapagsalita.
Nakatingin lang ako sa kanila. Si Alden ay nakatingin lang din sa akin. Parang
pinag-aaralan niya ang aking ikikilos. Naghihintay ng maari kong reaction. Sa
pagkabigla ko ay parang wala akong puwedeng sabihin. May hinala akong sila
ngunit hanggang hinala lang iyon at hindi ako nakahanda nang masaksihan nang
lahat ng iyon. Dati nga, kaya kong supilin ang hinalang iyon sa isip ko ngunit
sa nakita ko, paano ko ngayon dudugasin ang sarili kong may relasyon nga sila?
Napaupo ako sa kama ko. Hindi
ko kasi alam ang dapat kong gawin? Wala naman akong karapatan na sigawan sila
dahil hindi naman na naging malinaw kung ano kami ni Alden. At anong isusumbat
ko? Na niloko niya ako? Anong sasabihin ko? Manloloko siya? Two timer siya? Na
walang hiya siya dahil ginawa niya sa akin iyon? May karapatan ba akong murahin
siya? Pero ang tanging alam ko ay masakit na makitang may kahalikan siya sa
mismong kuwarto namin. Masakit parin palang mapatunayan ang matagal ng hinala.
Ang tanging nagawa ko ay lumuha. Iyon naman lagi ang ginagawa ko mula no’n. Ang
umiyak ng umiyak ng umiyak. Lagi akong nasasaktan. Lagi akong pinagpapalit sa
iba at awang-awa ako sa sarili ko. Tinignan ko sila at nakita ko sa ngiti ni
Jake na nagtagumpay siya ngunit iba ang tingin sa akin ni Alden. Nang
nagmamadali akong lumabas ay hinawakan niya ang kamay ko.
“Please, huwag kang lumabas.
Magapapaliwanag ako. Makinig ka! Please! Sandali lang!”
Isang malakas na suntok sa
sikmura ang pinakawalan ko. “Huwag na huwag mo akong kausapin! Mga hayop kayo!”
“Mag-usap tayo, sandali lang.” sapo
niya ang kaniyang sikmura. Namumula ang kaniyang mukha dahil siguro,
nahihirapang huminga dahil nanigas ang sikmura niya.
Nilingon ko siya. Gusto ko pang
magsalita. Gusto kong isambulat ang naipong sakit sa dibdib ko ngunit sa huli
mas naisip kong wala naman talaga akong karapatang magalit. Ano ba kami? Hindi
ko dapat siya sinuntok, hindi ko dapat siya sinigawan dahil kahit saang anggulo
man tignan, hindi ko siya pag-aari. Wala akong pinanghahawakang katibayan na
may relasyon kami. Nang makabunot ako ng ilang malalim na hininga at alam kong
natuyo na ang luha ay binuksan ko ang pintuan at iniwan sila. Lumayo ako sa kuwarto,
umiwas sa mga alam kong makakasalubong ko. Gusto kong mapag-isa kahit ilang
minuto lang muna.
Pinakalma ko muna ang sarili ko
bago umattend ng klase. Pagpasok ko sa silid-aralan namin ay nalingunan kong
wala si Alden. Naroon si Jake sa kanilang classroom nang mapadaan ako dahil
nagtama ang aming paningin. Siya ang nagbaba ng kaniyang paningin dahil siguro nakita niya sa aking
mga mata ang pagpupuyos. Ngunit wala si Alden, hindi siya kahit minsan lumiban
sa aming klase. Tinanong ako ng paring instructor namin kung nasa’n siya ngunit
hindi ako makaisip ng idadahilan kaagad-agad. Inulit ng instructor ang kaniyang
tanong at sinabi ko na lamang na masama ang kaniyang pakiramdam. Patawarin sana
ako ng Diyos sa aking pagsisinungaling. Ngunit naisip ko, mas malalala pa ba sa
ginagawa kong pagsisingungaling sa aking sarili? Mas malala ba ang ginawa kong
pagsisinungaling sa mali naming nakagawian nina Alden at Jake?
Nang nagkaroon kami ng break na
labinlimang minuto ay naisipan kong magpahangin sa may grotto. Tahimik doon,
sariwa ang hangin at alam makakapag-isip ako. Naroon pa din kasi ang sakit na
aking naramdaman. Walang pumasok sa utak ko sa aming lecture kanina. Nakatingin
ako sa aming instructor ngunit siya ang nakikita ko. Naririnig ko ang mga
sinasabi niya ngunit wala akong naiintindihan. Si Alden ang laman ng aking
utak.
“Puwede ba tayong mag-usap?”
Lumingon ako. Si Jake. Hindi ako
sumagot ngunit hindi din ako umalis. Ibig sabihin handa kong pakinggan ang
kaniyang sasabihin.
“Mahal mo ba si Alden?” tanong niya
sa akin. Diretsuhan, walang paligoy-ligoy.
“Ikaw, mahal mo siya?” balik tanong
ko.
“Mahal ko siya. Kung hindi mo siya kayang
mahalin, tapatin mo ‘yung tao. Hindi nakakatulong sa kaniya ang ginagawa mong
ganyan. Hindi naman kayo pero kung umasta ka o kaya kung nakikita mo kaming
dalawa, daig mo pa ang tunay na dyowa.”
“Anong karapatan kong tapatin pa
siya e nakikita kong kayo na.”
“Balita ko, matalino ka. Bakit
hindi mo magamit ang katalinuhan mo sa pagdedesisyon kung ano nga ba talaga ang
gusto mo. Sa ginagawa mong ganiyan marami kang napapaasa at nasasaktang tao.
Baka isang araw pagsisihan mo lahat ng ito.”
“Kung magsisi man ako, huwag kang
mag-alala, hindi ako hihingi ng kumpisal sa iyo. Lalong hindi din ako maging
abala sa napakaperpekto mong buhay. Ano bang gusto mo sa akin? Nasa sa’yo na si
Alden, ano bang pinagkakaganyan mo?”
“Totoo nga pala, mahirap kang
kausap. Iprokrito! Takot ko lang baka totoo din ang hinala kong user ka!”
“Huwag kang magsalita ng ganiyan
dahil hindi mo ako kilala.”
“Paano kita makikilala e, pati yata
sarili mo hindi mo kilala?”
“Tigilan mo ako, Jake. Wala kang
alam sa akin. Inagaw mo na sa akin si Alden, ta’s pati buhay ko gusto mong
panghimasukan? Wala kang pinagkaiba sa amorseko, mahilig sumabit sa damit ng
kahit sinong madikitan niya.”
“Inagaw ko sa’yo si Alden? Bakit ko
aagawin ang isang bagay na hindi naman sa’yo? Saka ang lalaki hindi yan katulad
ng mga isang bagay na puwede lang agawin, kusa yang lumalapit at naghahanap ng
mas nakakapagbigay sa kanila ng ligaya at pagmamahal. Mukha ka namang masarap
e, kaso masyado ka lang maraming kaartehan sa katawan. Para ka lang durian,
masarap sana kaso umaalingasaw ang baho ng palpak na diskarter mo.”
“Alam mo ikaw, kahilera mo sa
hitsura sina Jake Cuenca, Piolo Pascual at Gerald Anderson kaya lang ‘te, ugali
mo, daig pa ang pinagsamang Lolit Solis at Annabelle Rama. Nanahimik ako kaya
puwede tigilan mo ako.” Napikon na talaga ako kaya bago maubos ang pasensiya ko
ay minabuti kong iwanan na lang siya.
Kinagabihan, nakita kong naka-empake na ang ilan sa mga
gamit ni Alden. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit wala na akong pakialam sa
kaniya o sa kanila. Ilang sandali pa ay dumating si Jake. Ako naman ay nahiga
na at hinayaan kong umagos uli ang luha. Naisip kong baka lilipat na siya ng
kuwarto. Sinusundo na siya ni Jake.
“Huwag mong gawin ito, Den.”
umpisa ni Jake.
Naghihintay ako ng sagot ni Alden
ngunit nagulat ako nang may umupo sa kama ko. Hindi ko nilingon.
“Puwede bang mag-usap tayo?” si
Alden. Sa nakikiusap na tono ng boses.
Hindi ako nagsalita. Mas pinili
kong magkunyariang tulog. Gusto kong magpakamanhid na lang. Gusto kong tumakas
sa sakit katulad nang ginawa ko noon kay Aris. Alam kong mas makakayanan ko ang
pagkawala sa akin ni Alden dahil nakayan ko nga kay Aris, siya pa kaya?
“Mag-usap naman tayo.” Naroon pa
din ang pakiusap ngunit mas mabigat na ang bawat bitaw ng kaniyang salita.
Hindi pa din ako sumagot.
“Rhon,
alam kong gising ka. Gusto kong mag-usap tayo ngayon din.” maawtoridad ang
boses niya.
“Hindi
na dapat pa tayong mag-usap.” Napilitang sagot ko.
“Wala kang karapatang diktahan
na ako ngayon kung anong dapat at hindi dapat.”
Bumangon ako. Naroon ang
pagpupuyos sa aking dibdib kaya matalim ang mga mata kong tumingin sa kanilang
dalawa.
“Anong sasabihin mo? Anong
gusto ninyong pag-usapan? Anong gusto ninyong ipaliwanag sa akin?”
“Mali ang iniisip mo tungkol sa
amin ni Jake. Yung naabutan mo kanina, it’s not really what you think?
“Mga gasgas na linya sa mga
pelikula. Kapag nahuling may ginagawa ang isa, sasabihin ng nanloko na, “it’s
not what you think”. E, anong dapat isipin ng nakahuli sa ginagawa ng nahuli sa
akto? Naglalaro lang sila? Ooops! Joke lang ang lahat? Pero dahil hindi naman
talaga tayo, kaya huwag kang mag-alala, wala akong iniisip.”
“Oh my God Rhon! Puwede bang
bawasan mo ang sinasabi niyan na galing diyan!” Tinuro niya ang bunganga ko at
nang utak ko. “Baka naman paminsan-minsan, pakikinggan mo muna ang tinitibok
nito bago ilabas niyan!” Tinuro niya ang puso ko pagkatapos ay nang bibig ko.
Napabuntong-hininga ako. Minabuti
kong patapusin kung ano ang gusto niyang sabihin. Ngunit nang marinig ko ang
lahat ay kasabay naman niyon ng kaniyang desisyon. Isang desisyong kailangan
kong manindigan. Desisyong malaki ang magiging epekto sa aming kinabukasan.
[14]
“Oh
my God Rhon! Puwede bang bawasan mo ang sinasabi niyan na galing diyan!” Tinuro
niya ang bunganga ko at nang utak ko. “Baka naman paminsan-minsan, pakikinggan
mo muna ang tinitibok nito bago ilabas niyan!” Tinuro niya ang puso ko
pagkatapos ay nang bibig ko.
Napabuntong-hininga
ako. Minabuti kong patapusin kung ano ang gusto niyang sabihin.
Tulad
ng sinabi ko kanina, hindi dahil nakita mo kami sa ganoon na tagpo ay tama na
ang iniisip mo sa amin. Ganoon ang nakita mo dahil iyon ang gusto naming
palabasin. Pinapaselos kita, inaamin ko dahil gusto kong umamin ka sa akin na
mahal mo ako. Napakahirap mo kasing sabihin ang gusto mo. Nangangapa ako.
Naguguluhan ako. Noong bumalik tayo dito, binigyan ako ng idea ni Jake na
paselosin ka, napapayag ako dahil sobrang desperado na akong malaman kung ano
ang totoo. Nang gumawa ka ng move nang dumating ako, hinintay kong sabihin mong
narealized mong mahal mo nga ako kaya mo ako pinuntahan sa bahay noon. Nang
natulog ako sa kuwarto ni Jake, hinintay kong kakatok ka at ipaglaban ako.
Hindi ako nakatulog magdamag dahil umaasa akong pupuntahan mo ako doon at
sabihin mong hindi mo kayang mawala ako sa iyo. Umasa akong kung mahal mo ako
ay lulunukin mo ang pride mo. Mahirap bang sabihin kung ano ang tunay na laman
niyan?” galit niyang itunuro ang bahagi ng sa puso ko.
“Sa akin kasi, mas mahirap magpanggap kaysa
sabihin ang totoo.” Pagpapatuloy niya. “Madaling magpanggap kung minsan lang
ito ginagawa ngunit kung ang pagpapanggap ay matagalan na’t kasama na ang puso
at isipan ang patuloy mong niloloko, iyon ang alam kong di ko kakayanin. Kaya nga heto ako, hirap na hirap ng
magpanggap pa. Matagal na akong sumusuko sa napag-usapan namin ni Jake. Kasi
ako yung lalong nasasaktan e. Kaya naniwala akong hindi mo nga talaga ako mahal
dahil napakatagal kong umasa at naghintay ngunit hanggang ngayon wala parin
akong naririnig mula sa’yo. Parang pinadama mo sa aking wala akong silbi sa iyo
dahil wala kang ginagawa o lalong wala kang sinasabi.”
“Iyon ang alam mo, Den. Sobrang
sakit sa akin ng pinaparamdam mong wala na akong halaga sa iyo. Sobrang sakit
at hindi ko alam ang gagawin ko nang maramdaman kong tuluyan ka nang inagaw ni
Jake sa akin. Nang dumating ako dito, hinanda ko na ang sarili kong ibuhos ang
lahat ng panahon at isip ko sa iyo ngunit naunahan ako ng pagseselos at
pag-iisip ng tungkol sa inyo ni Jake. Hindi mo alam pero sobrang nasasaktan
akong makita na kayo na.”
“Hindi kailanman naging kami.
Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Rhon, palabas lang ang lahat. Mahal na mahal
kita.” Namuo ang luha sa kaniyang mga mata at mabilis itong dumaloy sa kaniyang
pisngi na mabilis niyang pinunasan gamit ang kaniyang palad.
“Den, alam mong mahal kita.
Kahit pagpapanggap lang ang ginagawa natin, alam mong para sa akin totoo lahat
iyon.” singit ni Jake.
“Pwede ba tama na Jake! Ikaw
ang nagpasimuno nito, e. Noong pinuntahan mo ako sa bahay, maliwanag na sinabi
ko sa iyong kahit dalhin mo ako sa Baguio o kahit saang bahagi ng mundo, hindi
mawawaglit ang isip at pagmamahal ko kay
Rhon. Hindi mawawala ang alaala niya sa isip ko. Hindi siya mabubura sa puso
ko. Sabi mo, magtiwala ako sa iyo. Ideya mo ding pagselosin siya. Ikaw din ang
may pakana ang lahat ng ginagawa natin dahil sa halos isang taon ay nawalan na
ako ng ideya kung paano ako mahalin ni Rhon ng ako at hindi si Aris. Lahat ng
mga gusto mong gawin natin ginawa ko dahil nga sabi mo, magtiwala lang ako sa
iyo. Ngunit anong nangyari, lalong lumayo sa akin si Rhon. Lalong nagkagulo
lahat. Sa tuwing iniiyak ko sa iyo ang sakit ng mga pinagdadaanan namin, lagi
mong sinasabing aayusin mo kaming dalawa. Pinangakuan mo ako pero nitong huli
halata nang pagkamakasarili mo.”
“Hindi ka niya mahal, Den. Nandito
ako. Mahal kita. Handa kong talikuran ang lahat basta mahalin mo lang din ako.”
Mamasa-masa ang mga namumulang mata ni Jake.
“Kung sana natuturuan lang ang
puso, Jake. Kung sana ganun lang kadaling ibaling sa’yo ang pagmamahal ko kay
Rhon.”
“Kasi nga hindi mo sinusubukan.
Hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon dahil laging si Rhon ang gusto mo lang
makita. Wala naman kayong pinagkaibang dalawa e. Ginamit mo din lang ako.”
“Ginamit kita? Tama ba yung narinig
ko na sinabi mong ginamit kita, Jake? Come on! Nakapakatagal ko nang sinasabi
sa’yo na tigilan na natin ‘to. At itong huli, tinaon mo talaga na halikan ako
sa labi nang alam mong buksan na ni Alden ang pintuan. Saka nagtatalo tayo nang
sandaling iyon a, ta’s bigla mo akong hahalikan? Hindi ko napaghandaan na
gagawin mo ‘yun, wala naman sa usapan ‘yun ah. Walang pisikal di ba? Ngunit
ginawa mo parin? Para saan? Para lalong lalayo si Rhon sa akin at isipin niyang
may relasyon tayo kapag nakita na niyang naghahalikan tayo? Pagod na ako sa
halos araw-araw nating pag-aaway Jake. Alam mong napipilitan na lang akong
sumama sa’yo dahil wala na akong ibang kaibigan dito kundi ikaw lang. Siguro
ikaw, kaya mong magmukhang masaya tayo kapag nandiyan si Rhon na nakatingin sa
atin pero ako, Jake, hirap na hirap na akong magsinungaling. Huwag na huwag
mong sabihing ginamit kita dahil ikaw ang gumamit sa pagkakataon dahil alam mong
sa paraang ganoon ay maibabaling ko ang pagtingin ko sa’yo. Alam mong desperado
na akong malaman ang tunay na nararamdaman ni Rhon. Kung sana hindi ako
naniwala sa iyo at kung sana hindi na kita pinapasok pa sa buhay namin, hindi
na sana lumala ang lahat. Hindi ako tanga, Jake. Alam kong ito ang gusto mong
paraan. Gusto mong maangkin ako. Sinabi ko na sa iyo na kaibigan lang ang
turing ko sa iyo at kahit kailan ay hindi kita kayang mahalin dahil mahal ko si
Rhon. Tama na Jake. Tapos na ang palabas natin. Lalo lang kaming nagkakalayo at
tama ang hinala ko na ginawa mo lang iyon para lalo kaming masirang dalawa. At
uulitin ko sa iyo ito, kahit kailan, hindi kita kayang mahalin. Puwede ka ng
umalis at madami pa kaming pag-uusapan ni Rhon. Pasensiya ka na ngunit napuno
na ako sa pagpapaikot mo din sa akin.”
Hindi na sumagot si Jake ngunit
umagos ang luha sa pisngi niya. Umiiyak siya, parang may gusto pa siyang
sabihin ngunit bigla na lamang siyang tumalikod at lumabas ng kuwarto. Nagulat
ako sa mga narinig ko. Hindi ako makapagsalita sa mga rebelasyong nalaman ko.
Nanatili ang katahimikan. Walang gustong magsalita.
“Lalabas na ako ng seminaryo.”
Pambabasag ni Alden sa katahimikan.
“Hanapin ko ang buhay ko sa labas. Sinabi ko sa iyo dati na kaya kong
lumabas dito para sa mahal ko. Para sa ikakatahimik mo, lalabas na ako. Baka sa
paglabas ko ay tuluyan mong mahanap ang iyong sarili at maituon mo ang buhay,
puso at isip sa pagkapari.”
“Paano ang mga taong umaasa sa
iyo? Ang mga taong nagtitiwala sa iyong kakayahan?”
“Pasasaan din at maintindihan nila
ako. Mabibigo ko sila ngunit hindi ko na kaya. Pero isa lang ang sigurado ko
ngayon, hindi ito ang buhay na para sa akin. Babawi ako kay nanay, sa mga
kapatid ko at sa lahat ng taong umaasa sa akin. Hindi sa paraang gusto nila
ngunit sa paraang alam kong magiging fair sa aming lahat. Magalit na sila sa
akin ngunit buhay ko ito, mas may karapatan akong gawin ang gusto kong gawin sa
alam kong tama at ikabubuti ng hindi lang sila kundi naming lahat.”
“Noong natapos natin ang first
year, bakit ka pa bumalik kung alam mo na palang hindi mo na itutuloy pa ito,
bakit ka pa pumasok muli dito kung hindi ka masaya dito sa loob?”
“Ikaw lang ang dahilan kung
bakit ako narito. Ikaw lang ang binalikan ko dito. Pagkatapos ng first year
natin, wala na talaga akong planong bumalik dito dahil gusto kong gawin ang
matagal ko ng pangarap sa buhay, gusto kong maging inhinyero o kaya ay abogado.
Bumalik lang ako sa seminary para ayusin ang gusot natin at malaman kung ano
ako sa iyo dahil hanggang ngayon hindi parin malinaw sa akin kung mahal mo din
ako. Hindi ko kayang takasan ang tungkol sa atin, Rhon. Kung sana kaya ko ang
ginagawa mong iiwas na lang o kaya ay hindi ipaglaban kung ano ang
makapagpapaligaya sa iyo tulad ng ginawa mong pagpapalaya kay Aris kahit alam
mong mahal ka pa niya at kahit sa huling sandali ay ipinaglalaban niya ang
tungkol sa inyo. Kung sana kaya kong kalimutan na lang kita at harapin ang
buhay ko pero hindi e, hindi ko kayang basta na lang tumakas sa mga bumabagabag
sa akin.”
Natamaan ako sa sinabi niya ngunit
sana malaman niyang ginawa ko iyon para sa ibang tao din. Para kay Angelie na
umaasang sa mga huling araw ng buhay niya ay maramdaman niyang may nagmamahal
sa kaniya ng buum-buo. Bakit para sa iba mahirap intindihin iyon? Ngunit siguro
nga tama siya, duwag akong ipaglaban ang talagang gusto ko. Ngunit katulad
niya, buhay ko ito, may karapatan akong patakbuhin sa paraang alam ko.
“Ibig sabihin bumalik ka dito para
isama mo ako sa paglabas mo?” garalgal kong tanong. Pinigilan kong muling
maiyak.
“Nandito
ako para kunsakaling mahal mo ako, kukumbinsihin kang kasama kong lumabas.
Hindi tayo nababagay dito Rhon. Hindi ang katulad natin ang dapat para sa
Kanya.”
“Hindi
namimili ang Diyos, Den, kahit tayong mga alanganin ay puwedeng maglingkod sa
Kaniya?”
“Mali
ka Rhon, nagkakasala tayo lalo sa ginagawa natin dito sa loob. Ibigay na natin
ito sa mga karapat-dapat. Hindi ko sinasabing dahil mga ganito tayo ay wala
tayong karapatang maglingkod sa kaniya ngunit maaring para sa ibang kabaro
natin na may paninindigang si Jesus lang ang kanilang mamahalin at hindi ang
iba pang Adan at Adonis. Hindi ang katulad natin, Rhon. Alam kong alam mo ang
tinutumbok ko. ”
Hindi ako makasagot. Hindi ganoon
kadaling magdesisyon sa bagay na ‘yun.
“Gusto ko lang malaman yung totoo,
Rhon. Mahal mo ba ako o nakikita mo lang
si Aris sa akin kaya ginawa mo ito?”
“Mahal kita, Den. Totoong
nalito ako sa inyo ni Aris ngunit noong bakasyon, nasiguro ko, mahal kita.
Mahal ko si Aris oo, nandun na tayo ngunit nakaraan ko na iyon at kung sana
mahal mo ako, mahalin mo din kung ano ang nakaraan ko. Ngunit sigurado ako,
mahal din kita.”
“Wala naman ako pakialam sa
pagmamahal mo kay Aris e. Hindi ko hiniling na kalimutan mo siya ngunit tao
lang din ako, nasasaktan na ihambing ako sa nakaraan mo. Hindi mo ako nakikita
noon na ako. Kaya kahit gusto kong intindihin ay hindi ko magawa dahil
nag-eefort din naman akong gumawa ng mga bagong alaala natin para tuluyan mong
makalimutan ang sa inyo ni Aris ngunit sa tuwing binabanggit mo siya sa akin ay
parang pilit mong ibinabalik ang nakaraan sa katauhan ko.”
“Sorry
Den, sorry. Sana mapatawad mo ako. Inaamin ko. Nagkamali ako. Pero maniwala ka,
mahal na mahal kita.”
Niyakap
ko siya ng mahigpit. Naramdam ko ang pagyakap niya sa akin at ang marahan
niyang paghaplos sa aking likod.
“Bakit
ngayon mo lang nasabing mahal mo din ako? Halos dalawang taon akong naghintay
na sabihin mong mahal mo ako at hindi ang namimiss mo lang ako. Simpleng salita
lang, simpleng pag-amin ng iyong nararamdaman at sana okey na lahat pero bakit
ngayon lang. napakarami pang kailangan mangyari bago mo sa akin aminin. Sana
hindi na tayo umabot pa ng ganito e.”
“Dahil ngayon mo lang ako
binigyan ng pagkakataon. Dahil laging si Jake ang pumipigil sa lahat.”
Pagdadahilan ko ngunit alam kong hindi na iyon lulusot pa.
“Napakarami nating pagkakataon, Rhon.
Ilang beses kitang tinatanong. Sana marunong kang tumanggap sa mga pagkakamali
ng iba para madali rin lang ang pagpapatawad nila sa iyo sa tuwing makagawa ka
ng hindi tama. Sana matuto kang ipaglaban kung ano talaga ang gusto mo. Huwag
mong pairalin ang pride dahil hindi nakakatulong ‘yan na iangat ka lalo. Siguro
kaya ka ganyan dahil lahat ng maibigan mo noong bata ka binibigay sa’yo. Kung
nagtatantums ka kahit hindi sana puwede ay pinagbibigyan ka ng mga taong nagpalaki
sa’yo. Ngunit hindi ka na bata Rhon, may sarili ka ng isip.”
Hindi na ako sumagot. Yumuko ako
tanda ng pagkatalo.
Hinigpitan niya ang yakap niya
sa akin. Sobrang higpit at hinanap ng labi niya ang labi ko. Nagkasalubong ang
aming mga luha sa aming mga pisngi.
Sobrang namiss ko ang halik na iyon. Nakapikit kong pinakiramdaman ang
bawat galaw ng kaniyang labi sa aking labi. Sabik akong masamyo ang kaniyang
hininga. Ang halik na iyon ang nagpapalusaw sa aking pride.
“Mahal na mahal kita. Kung sana inamin
mo ito noon pa, hindi na tayo umabot sa ganito. Hindi na sana kita pinahirapan,
hindi mo na sana ako nasaktan at malayong lalalim pa sana ang pagmamahal ni
Jake sa akin. Sobrang nahulog na ang loob ni Jake sa akin at hindi na niya
halos kayang labanan. Hindi na sana siya nasali sa gulo natin.”
“Mahal na mahal kita. Sorry if
mas inuna ko pa ang pride ko kaysa sa tunay kong nararamdaman sa iyo.”
“Sana makakabawi pa ako sa’yo.”
Ngumiti siya ng tipid. Umupo sa kaniyang
kama. Tinignan niya ang kaniyang maleta. Pinakawalan niya ang isang malalim na
hininga.
“Nakausap ko na si Father. Lalabas
na ako bukas. Sumuko na ako. Hindi tama yung ginagawa natin sa loob. Isang
napakalaking kasalanan. Hiling ko lang, samahan mo ako sa labas para
ipagpatuloy natin ang nasimulan natin. Sasama ka ba sa akin?”
Tumingin ako sa kaniya.
Nag-isip. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kumuha ako ng tubig sa maliit naming
ref. Nagsalin ako sa dalawang baso. Iniabot ko ang isa sa kaniya. Sabay naming
sinaid ang laman niyon.
Parang napakabilis ng lahat.
Hindi ko napaghandaan ang tanong na iyon. Hindi ko din inisip na sa gabing iyon
ay haharapin ko ang isang napakalaking desisyon na siyang magpabago ng lahat sa
akin. Niyakap ko siya. Mahigpit na yakap habang mabilis na naglakbay ang utak
ko.
“Mahiga muna tayo. Hayaan mong
makapagrelax muna ang utak ko ng ilang oras. Hayaan mo munang pag-isipan ko ito
pero gusto kong sa dibdib mo ako uunan. Gusto kong madinig ang pintig ng puso
mo…gusto kong maramdaman kita, gusto kong mayakap ka para maibalanse ko ang
gusto ng puso ko at ang kung ano ang tama na dapat kong gawin na ididikta ng
isip ko.”
Tumingin siya sa akin. Ngumiti.
“Drama mo pero sige pagbibigyan
kita. Ako man ay pagod na sa kaiisip maghapon at gusto ko din marelax ang isip
ko.” Dumantal ang puno ng pagmamahal na halik sa aking labi. Sinuklian ko din
iyon ng halik ngunit naglalakbay na ang aking utak. Ano ba ang dapat kong
gawin?
Kung makikinig at gagawin ko
ang gusto ng puso ko, kahit sa sandaling iyon ay puwede na kaming umalis.
Ngunit minsan, hindi lang kung ano ang tibok ng puso ang mahalaga. Hindi lang
kasi tayo nabubuhay ng “ako” lang sa mundo, hindi mo puwedeng sabihing “ako at
ikaw” lang kundi kailangan talaga ng “ako, ikaw, siya, sila at tayo”.
Kung ako lang ang tatanungin,
isang kasiyahang maituturing ang samahan siya sa labas at ipagpatuloy ang aming
pagmamahalan. Kung ako lang din ang masusunod, kaya kong tiisin ang lahat ng
hirap makapiling lang siya. Sa kaniya ako sasaya. Siya ang magiging buhay ko.
Magiging kumpleto ako sa kaniya. Iyon ay sa ganang akin lang.
Siya? Alam kong mahal niya ako.
Alam kong ako ang isa sa mga makapagpapasaya sa kaniya ngunit madami pa siyang
gustong makamit sa buhay. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, alam kong marami
siyang minimitihi na gustong marating. Marami din siyang pangarap para sa
kaniyang pamilya. Magiging masaya kami, ngunit kaya ko ba siyang ikulong sa
pagmamahal ko? Ngayon, oo, nasasabi niyang kumpleto na siya sa akin. Ngunit sa
paglipas ng buwan at taon, mangingibabaw parin ang tunay na kahulugan ng buhay.
Ang buhay na kailangan mong maging maginhawa at magawa lahat ang gusto mong
gawin dahil hindi lang naman pagmamahal ang mahalaga sa mundo kundi kung ano
din ang mga hinangad mong nakamit. Sa mga gusto niyang marating, kailangan niya
ng buong puso at konsentrasyon. Sa katulad niyang hindi pinagpala sa estado ng
buhay, kailangan niyang kumayod at gawin lahat para makamit ang minimithi. Sa
hirap ng buhay, hindi na ganoon kadaling maabot ang pangarap na hindi
sinasamahan ng determinasyon, sipag, tiyaga at konsentrasyon.
At paano sila? Si Papa na nagsabing
natutuwa siyang malaman na kahit ganito ang pagkatao ko ay sinisikap kong
magbago? Paano na ang pagbibida niya sa mga kaibigan niya na ehemplo ako ng mga
alanganin na magiging tagapagsilbi ng Diyos kahit hindi nabigyan ng tamang
damdamin alinsunod sa kanilang pagkatao. Paano na ang pangako ko kay Papa na
tatapusin ko ang pagkapari kahit ano pang mangyayari? Ano ang sasabihin ng
aking pamilya kung ipagpapalit ko sa isang lalaki ang naipangako ko sa lahat?
Kailangan bang ipalit ng sarili kong kaligayahan lang ang kanilang pangarap at
kasiyahan para sa akin? Kailangan ko ba silang biguin na isinuko ko ang aking
paglilingkod sa Diyos sa kagustuhan ng puso at sa tawag ng laman?
At paano din sila? Ang nanay at
tatay niyang umaasa na magiging mabuti siyang alagad ng Diyos? Paano ang mga
nagpapaaral sa kaniya at nangangarap na makakapagpatapos sila ng matalinong
pari? Paano ang mga kapatid niyang umaasang matutulungan niya din silang
mapag-aral? Ano ang sasabihin niya at paano niya ipapaliwanag sa lahat na
lumabas siya sa seminary dahil lang sa katulad ko? Paano ko sila haharapin?
Paano ko siya tutulungan ipaliwanag ang lahat. Para sa mga taong umaso at
nabigo, sapat na lang ba ang katagang…”kasi nagmamahalan kami” na sagot sa
kanilang mga tanong? E, kung palayain ko siya? Lumabas siya sa simabahan,
hanapin niya ang gusto niyang buhay, magiging Engineer siya o kaya ay abogado.
Matutulungan niyang iahon ang pamilya. Magawa niyang ibalik sa ibang pamamaraan
ang tulong na ibinigay ng mga kabaryo. Makapaglingkod siya sa ibang tao bilang
sukli sa kabutihan sa kaniya. Siguro nga mas madaling ipaliwanag sa mga taong
nagpapaaral at ng simbahang kumalong sa kaniya ang sagot na.. “hindi ko mahanap
sa puso ko ang pagpapari…gusto kong maglingod sa kaniya sa ibang
paraan…makatapos bilang engineer o lawyer para matulungan ko ang iba pang
naghihirap na katulad ko” kaysa sa magiging sagot niya sa kanila na “minahal ko
si Rhon, handa kong talikuran ang pagpapari para sa kaniya.” Siguro sa mga
nakakaintindi sa ganoong relasyon, papalakpakan siya at ititirintas ang mahaba
kong buhok pero ilan kaya ang may ganoong pag-iisip. Sa panahon ngayon, bihira
lang ang ganoon at alam kong batikos at pagkamuhi lang ang maririnig niya sa lahat.
At paano kami? Sapat na lang
bang mahal ko siya? Saan tutungo ang aming relasyon? Tatagal ba ito ng tulad ng
inaasahan namin ngayon? Paano kami sa labas? Ngunit paano ako dito sa loob kung
iiwan niya ako. Paano ang pagmamahalan namin kung tutuldukan na lang sa ganun
at hindi ako sasama sa kaniya. Alam kong sa kaniya ay liligaya ako. Alam kong
mahal na mahal niya ako. Alam kong tama siya sa sinabi niyang hindi kami
nababagay sa loob. Mas lalo kaming gumagawa ng kasalanan.
Nahihirapan akong magdesisyon.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gulung-gulo ang isip ko.
Nadinig ko ang kaniyang
mahinang paghilik. Pinagmasdan ko ang payapa niyang mukha. Narito ang isang
taong handang talikuran ang lahat. Pinipili niyang mahalin ako kaysa sa
pangarap ng pamilya niya at mga taong umaasa sa kaniya. Hinalikan ko siya sa
kaniyang labi kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Dumilat siya. Ngumiti sa
akin.
“Nakatulog pala ako. Pasensiya
ka na ha?” uminat siya.
“Oo nga eh. Sarap nga ng tulog
mo.” Hinaplos ko ang makinis niyang mukha at muli kong hinalikan ang kaniyang
labi.
“Bakit ka umiiyak?
Nakapagdesisyon ka na ba?”
Nag-unan ako sa maumbok niyang
dibdib, noon ay nakapagdesisyon na din ako.
[15]
Nadinig
ko ang kaniyang mahinang paghilik. Pinagmasdan ko ang payapa niyang mukha.
Narito ang isang taong handang talikuran ang lahat. Pinipili niyang mahalin ako
sa pangarap ng pamilya niya at mga taong umaasa sa kaniya. Hinalikan ko siya sa
kaniyang labi kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Dumilat siya. Ngumiti sa
akin.
“Nakatulog pala ako. Pasensiya
ka na ha?” uminat siya.
“Oo nga eh. Sarap nga ng tulog
mo.” Hinaplos ko ang makinis niyang mukha at muli kong hinalikan ang kaniyang
labi.
“Bakit ka umiiyak? Nakapagdesisyon
ka na ba?”
Nag-unan ako sa maumbok niyang
dibdib, noon ay nakapagdesisyon na din ako. Ngunit hindi ko kayang sabihin ang
pinag-isipan kong desisyon.
“Den, alam mong mahal na mahal
kita. Pero sana maintindihan mong…”pagsisimula ko.
“Hindi mo kailangang
magpaliwanag. Alam kong hindi sapat ang tulad ko para talikuran mo ang
pagpapari. Siguro nga, hindi ganoon katindi ang pagmamahal mo sa akin ngunit
alam kong kapakanan ng lahat ang iniisip mo. Doon ako bilib sa iyo, kahit sa
mga discussions natin, laging lumalabas ang pag-iintindi mo sa ibang tao kaysa
sa sarili mo. Iyong kung ano ang nakakabuti sa iba at hindi yung sarili mong
kapakanan. Sana darating din yung araw na maisip mong ipaglaban hindi dahil sinabi
ito ng iba kundi iyon ang gusto mo at binubulong ng puso mo. Doon ka lang
magiging tunay na maligaya. Bago pa kita tinanong, alam ko na ang sagot mo.
Hindi ka papayag na lumabas kasama ako, di ba?”
Umiyak ako. Niyakap ko siya ng
mahigpit. Niyakap din niya ako. Sobrang sakit ng loob kong hindi ko siya
masamahang lumabas. Iyong nilalabanan mo ang talagang gusto ng puso mo. Yun
bang gustong-gusto mo, ang ideyang makasama ang tunay na nakapagpapasaya sa iyo
ngunit alam mong hindi tama at dapat dahil madami ang maapektuhan sa gagawin
mo? Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baba. Pilit niyang tinataas ang
nakatalungko kong mukha.
“Tumingin ka sa akin. Gusto
kong mangako ka.”
“Anong gusto mong ipangako ko?”
“Kung sa tingin mo, tama ka sa
desisyon mo, gusto kong patunayan mo ito sa sarili mo, sa taong umaasa sa iyo
at higit sa lahat, sa Diyos. Minsan sa tulad mo, kailangang isakripisyo ang
isang bagay na pinakamahalaga. Kahit sino sa atin dito, iyan ang isa sa mga
pinakamatinding kailangang labanan, ang pagtalikod sa laman at kagustuhan ng
puso dahil iyang pusong iyan ay iaalay na ng buo sa Diyos at sa lahat ng mga
sumasampalataya sa kaniya. Gusto kong ipangako mong huwag ka ng magkakaroon pa
ng iba dito. Tama na yung kasalanang ginawa natin. Pinili mo na din lang ang
bokasyon na iyan, kaya nararapat lamang na ituon mo ang talino, puso, panahon
at dedikasyon sa Kaniya. ”
“Pangako ko iyan sa iyo.”
Humihikbi kong sagot sa kaniya.
“May hiling din ako… gusto ko kasing
abusuhin ka ngayon he he.” mapait ang tawa niya. Halatang pilit niyang
pinapasaya ang katahimikan.
“Hilingin mo na lahat huwag
lang ang lumabas ako.” Mapait ding ngiti ang sinagot ko sa kaniya.
“Ipagdasal mo ang pagtatagumpay
ko sa daang gusto kong tahakin. Hiling ko din na sana hindi mo ako
makakalimutan. Kung sakaling darating ang panahong magkikita tayo sa labas at
ganap ka ng pari, irerespeto ko ang suot mong puti ngunit kung sa kabila ng
iyon at hindi ka parin masaya kahit ganap ka ng pari, hindi ka tinatali ng
Diyos. Diyos siya kaya nakaya niyang magpapako para sa kasalanan ng lahat
ngunit tao ka lang para hanapin mo ang tunay na makapagpapasaya sa iyo ngunit
kailangan lamang na wala kang maagrabiyadong ibang tao.” Sinusuklay-suklay niya
ang buhok ko gamit ang kaniyang mga palad.
“Kung sakaling pari na ako at
hindi ako masaya, tapos ikaw pa din pala ang hanap ko sa buhay ko, matatanggap
mo pa kaya ako?”
“Burahin mo na sa isip mo ‘yan.
Hindi na tamang mangarap ka pa ng ganiyan. Pinili mo ‘yan kaya nararapat na
panindigan mo. Kung ‘yan din lang pala ang iniisip mo ay sumama ka na lang sa
aking lumabas. Hindi nakakabuti sa’yo na isipin na kung di ka masaya sa
bokasyon mo ay babalikan mo ako? Hindi trial and error ang pagpapari, Rhon.
Tandaan mo ‘yan. Apat hanggang limang taon pa? Hindi natin hawak ang puwedeng
mangyari. Ayaw ko ding mangako. Hindi ako katulad ni Aris. Mangyari ang
mangyari. Basta ang importante, tapusin mo ang pinili mo. Kung sakaling magkita tayo sa labas at mahal
mo parin ako o mahal parin kita, alam kong hanggang doon na lamang iyon. Kapag
matapos ka sa pagpapari, ibig sabihin no’n ay nagpakasal ka na sa Kaniya kaya
isang malaking kasalanan ang aagawin pa kita. Maging tapat ka sana Diyos, huwag
mo nang isipin ang bagay na iyan. Tamang gawin mo muna ay ituon ang isip at
puso mo sa pagpapari para mahanap mo ang
tunay na kahulugan ng iyong buhay. Kapag nakatapos ka at sa tingin mo ay hindi
pala iyon gusto mong mangyari, maiintindihan ka ng Diyos sa kung paano mo siya
pagsilbihan at gawin ang sa alam mong ikakukumpleto ng iyong pagkabuhay sa
mundo.”
“Salamat sa pang-unawa.”
“Huwag mo akong pasalamatan,
wala ‘yun. Ako ang dapat magpasalamat sa pagmamahal.”
Hinalikan niya ako. Humalik din
ako sa kaniya. Lahat ay matiyaga kong inipon, ang kilos ng kaniyang labi, ang
galaw ng ganiyang dila, ang paghugot at pagbuga niya ng hininga, ang sensasyon,
ang kiliti at buong sarap ng kaniyang halik. Nang kumilos ang kaniyang mga
kamay para hubarin ang aking damit at boxer short ay nagpaubaya ako. Hinayaan
kong gawin niya sa akin ang gusto niyang gawin at alam naman niyang napakatagal
ding panahong inasam kong mangyari iyon sa amin. Nang wala na akong kahit anong
naiwang saplot sa katawan ay siya naman ang naghubad. Nahiga lang ako at
pinagmasdan siya. Tumabi siya sa akin. Hinaplos niya ang hubad kong katawan.
Kasunod niyon ang mainit niyang dila mula sa likod ng aking tainga, leeg at
dibdib hanggang bumalik iyon pataas sa aking labi. Dama ko ang init ng kaniyang
katawang dumampi sa aking katawan. Uminit ng uminit ang aming halikan.
Nagkaroon ng kaunting sensasyon ang pagkadikit ng naghuhumindig niyang pagkalalaki
sa akin ngunit alam kong iba ang gusto niya. Alam kong may higit pa dun na
inaasam niyang makuha. Isang pinagkakait kong maulit na mangyari sa akin.
Ngunit sa gabing iyon ay kahit anong hilingin ni Alden ay kusa kong ibibigay.
Hinaplos niya ang likod ko. May kung anong nilagay doon at alam kong nilagay
din niya sa ari niya. Nakatalikod na ako ngunit humahalik parin siya sa aking
labi. Pumikit ako. Alam kong masakit ang gagawin namin ngunit inihanda ko na
ang sarili ko. Nandito na ito. Pikit-mata kong gagawin sa kaniya. Dahan-dahan
ang pagpasok nun ngunit dama ko parin ang kakaibang sakit. Sakit na hindi ko
maipaliwanag ngunit hindi ko siya pinigilan. Idinaan ko na lamang iyon sa
paghinga. Ang pagpasok na iyon ay naulit. Dama ko ang pag-iisa ng aming
katawan. Parang pinagdugtong ng nakalawit na iyon ang hubad naming katawan at
sa paglabas-masok niya sa akin ay nakapagbigay sa akin ng magkahalong sakit at
sensasyon. Bumilis ng bumilis. Dumiin ng dumiin ang halik niya sa akin at
lumalim ang kaniyang paghinga. Hanggang sa sinabayan ko na lamang siya sa
ritmong kaniyang ginawa at alam kong nang nagmura siya ay hindi dahil sa galit
siya kundi sa sarap at ligayang hatid ng pinagkaloob ko sa kaniya. Hinawakan
niya ang pisngi ko. Hinaplos niya ang labi ko at dumantay uli ang di
nakakasawang halik niya. Ngumiti ako. Ngumiti din siya at kasabay ng halik niya
ang katagang…”Salamat. Sobrang mahal na mahal kita!”
Kinaumagahan ay parang sasabog
ang puso kong makita siyang dala-dala na ang maleta niya. Nakaupo siya sa aking
kama. Ako naman ay nakatingin sa kisame. Pilit nilalabanan ang pag-agos ng
aking luha. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagyuko at pinagmamasdan ang aking
mukha. Muli niyang sinusuklay-suklay ang aking buhok. Hinalikan niya ang nook
o, ilong, dalawang mata at tumagal sa aking labi. Nagpaubaya ako. Nang iniangat
niya ang labi niya sa labi ko ay muli niya akong tinitigan. Hinawakan niya ang
aking kamay.
“Gusto kong tanungin kita sa huling
pagkakataon, sasama ka ba sa paglabas ko?”
Nagpakawala muna ako ng malalim na
hininga. Nakatingin pa din siya sa akin. Naghihintay ng aking sagot. Nasa
kaniyang mga mata ang pang-unawa kahit ano pa ang itutugon ko sa kaniya.
“Sorry…” bago ko pa madugtungan ang
sasabihin ko ay hinalikan na muli niya ako at pumatak sa aking pisngi ang
kaniyang pinigilang luha. Alam kong alam na niya ang sasabihin ko at para hindi
na siya lalong masaktan ay minabuti niyang huwag na lang marinig na ituloy ko
pa ang aking sasabihin.
Isang
desisyon ang ginawa kong sobrang tumusok sa damdamin ko ngunit alam ng utak
kong tama ang ginagawa ko. Para akong nanghihina sa sakit nang yakapin niya ako
at halikan sabay sabing…
“Paalam. Hindi ko alam kung
magkikita pa tayo ngunit alam kong ang nangyari sa atin dito ay mananatili sa
puso’t isip ko. Magiging bahagi iyon ng aking pagkatao. Sana magkikita pa tayo
paglabas mo at lagi mong isiping sobrang minahal kita. Mahal na mahal ngunit
kailangang gawin ko ito para sa iyo, para sa akin at para kay Jake. Alam kong
kapag nandito ako ay hindi tayo matatahimik na tatlo. Kailangan kong hanapin
ang sarili ko sa labas. Susundin ko ang gusto kong gawin sa buhay ko. Hindi ko
kayang idepende sa gusto ng iba ang pagpapatakbo sa aking buhay. Alam ko sa
paraang gusto ko ay doon ako liligaya at hindi ko din bibiguin ang mga taong
umaasa at nagmamahal sa akin. Paalam mahal ko.”
Hindi ako makapagsalita.
Tanging magkahalong luha at ngiti ang naipabaon ko sa kaniyang pag-alis. Nang
nakalabas na siya sa kuwarto ay sinundan ko siya at tinatanaw ang malungkot
niyang paghakbang. Habang naglalakad siya palayo sa seminaryo ay parang
hinihiwa ang pagkatao ko.
Hinabol
ko siya. Lumingon siya sa akin.
“Sasama
na lang ako sa iyo. Hindi ko kaya.”
“Sigurado
ka?” may ngiting sumilay sa kaniyang labi.
“Hindi
ko kayang isipin kung anong buhay ko ngayon dito. Hindi ko alam kung paano ako
mabubuhay ng wala ka. Paano ko harapin ang araw na ang dating realidad ngayon
ay makukulong na lang sa pangarap.”
Umupo
siya. Binaba niya ang kaniyang bagahe. Tinignan niya ako.
““Tinatanong
kita Rhon kung sigurado ka. Kung nagdadalawang isip ka, kailangan mong
mag-stick sa unang desisyon mo. Ayaw kong masisi mo ako kapag lumabas ka at sa
huli gusto mo din palang bumalik. You have still enough time to think. Kung
gusto mo talagang lumabas, kahit hindi ngayon, kahit bukas, sa makalawa, sa
susunod na Linggo, sa susunod na buwan. Basta ayaw kong magdesisyon ka ngayon
na nalulungkot ka. Pag-isipan mong mabuti.”
Hindi
ako makapagsalita. Parang sasabog ang dibdib ko.
“Tatanungin
kita ngayon, nang pumasok ka sa seminaryo, inisip mo bang makakasama mo ako?
Inisip mo bang mababago ang buhay mo sa akin?”
“Hindi.”
“Paano
mo nakayanan na mabuhay nang mawala si Aris sa iyo? Kung nakaya mo sa kaniya,
makakaya mo rin sa akin. Sumama ka sa akin kung iyon ang sinasabi ng utak at
puso mo. Kung puso mo lang ang bumubulong niyan at hindi kasama ng utak, may
mali diyan. Pag-isipan mo ang lahat kapag kalmado ka na.”
“Ayaw
mo bang sumama ako sa iyo?”
“Hindi
sa ayaw, gustong gusto ko ngunit hindi ako makasarili. Ayaw kong pagdating ng
araw magkakasisihan tayo. Gusto kong sasama ka sa akin ayon sa sarili mong
desisyon. Minsan may mga bugso ng damdamin talaga na sa una akala mo iyon ang
tama ngunit kapag bumalik ka sa iyong katinuan, doon mo malalamang nagkamali ka
pala dahil ang tanging umiral ay bugso ng damdamin at hindi inin-in ng utak.”
“Si
Aris, hindi ko naipaglaban, sumuko ako, lumayo…kahit lumaban siya. Ngayon,
hahayaan ko na naman bang lumayo ka ng hindi ako lumaban?”
“Huwag
kang umiyak. Magpakatatag ka. Nakikita mo sila? Yung mga kasamahan natin dito?
“
Tumingin
ako sa mga iba pang seminary.
“Naisip
mo ba kung ilan kaya sa kanila ang iniwan ang kanilang girlfriends o boyfriends
para sa Diyos. Ilan din kaya ang hindi nakaranas magmahal at mahalin nang dahil
dito? Ilan kaya sa kanila ang makakakaya pang harapin ang iba pang hamon ng
buhay? Sa pagpasok ng bokasyong ito, kasabay niyan ng pagtitiis at
pagsasakrispisyo ng ilang kaligayahang hatid ng laman.”
Bubuhatin
na sana niya ang bagahe niya nang dumating si Jake.
“Iiwan
mo na pala talaga kami.” Malungkot niyang tugon kasabay no’n pagluha ngunit
pinunasan niya ng hawak niyang panyo.
“Salamat
sa mga alaala dito sa loob, Jake. Humihingi na din ako ng kapatawaran sa lahat
ng mga nagawa ko. Malapit ka nang makatapos. Isipin mo na lamang na isa akong
tukso na dumating sa buhay mo. Tuksong nakayanan mong mapaglabanan at alam kong
mas matatag ka nang labanan ang mga darating pang tukso sa buhay mo. Sana
maging mabuti kayong magkaibigan ni Rhon dito sa loob o kung hindi man ay sana
mawala ang mga galit o tampuhan ninyo sa isa’t isa. Maraming salamat sa
lahat-lahat. Sana mas magiging makabuluhan na ang buhay mo ngayong lalabas na
ako at mas maitutuon mo na sa Diyos ang buong panahon mo at pagmamahal.
Hanggang sa muling pagkikita kaibigan.”
“Hindi
kita makakalimutan, Den. Salamat din at patawarin mo kung higit pa sa isang
kaibigan ang pagmamahal na naibigay ko sa’yo. Tanggapin ko ang pagkatalo para
sa ikatatahimik nating lahat. Patawarin mo din ako.”
Nagyakapan
ang dalawa. Tinapik ni Alden ang likod ni Jake.
“Nawa’y
maging mabuti kayong magkaibigan dalawa at isang araw, makita ko kayong
nakasuot na ng inyong mga sotana.” Nakangiti niyang sinabi sa amin. Muli niya
akong niyakap at pagkatapos ay tinapik niya muli sa balikat si Jake bilang
pagpapaalam. Muli niyang binitbit kaniyang
mga dala-dala at hindi na siya lumingon pa. Mabilis ang kaniyang paghakbang.
Mabilis ding nag-unahan ang mga luha ko sa pisngi. Mga luha ng sakit sa
kaniyang paglisan.
Masakit ang paglisan ni Alden lalo
pa’t nakikita ko ang kaniyang kama ang buong bahagi ng kuwarto na naging piping
saksi sa aming mga pinagdaanan. Nag-request ako na magpalipat ng kuwarto dahil
hindi na ako nakakatulog sa iniwan niyang alaala sa bawat sulok ng kuwartong
iyon. Natapos ang pangalawang taon sa aking bokasyon. Isang araw lang akong
nagpahinga at pumunta ako sa bahay nila ngunit hindi ko na siya nadatnan pa
doon.
“Nagulat nga kami sa biglaan niyang
desisyon nang umuwi dito at hindi na daw talaga niya kaya. Nang una, hindi ko
siya maintindihan at nahihiya ako sa mga taong tumulong sa kaniya sa kaniyang
pag-aaral ngunit mahusay niyang ipinaliwanag ang lahat. Naintindihan naman
namin ang gusto niyang mangyari. Naghintay muna siya ng ilang buwan dito sa
bahay. Nagpahinga. Pero parang araw-araw ay parang may hinihintay siyang
bibisita sa kaniya. May nangyari ba sa loob Rhon?” tanong ng nanay niya sa
akin.
“Sarili niya hong desisyon iyon.
Matagal na daw kasi niyang pangarap ang mag-inhinyero o kaya maging abogado.
Nasaan na ho siya ngayon?” tanong ko. Gusto ko siyang makitang muli at makausap.
“Pasensiya ka na Rhon pero nang
umalis siya dito, hindi na niya sinabi sa akin kung saan siya nakatira. Umuuwi
lang dito paminsan-minsan. Basta ang alam ko ay mas nagiging masaya na siya
ngayon kumpara noong nasa seminary siya.”
Sa sinabing iyon ng nanay niya ay alam kong
masaya na din siya sa pinili niyang buhay. Ilang saglit pa ay minabuti ko na
din magpaalam.
Hindi naging madali ang
pagpapari. Ang apat na taong hindi ko kasama at nakita si Alden sa seminary o
ang anim na taong walang balita kay Aris ay parang buhay sa isang malayong
planeta. Naging tao akong walang emosyon. Tanging mga alaala ang kasama ko sa
gabi. Mga nakaraaang iniiyak kung malungkot, nginingiti kung masaya at
paglalaro sa alaga ko kung mainit na eksena. Hindi na ako muling nagmahal pa.
Hindi ko na binuksan pa ang puso ko sa iba. Nangako ako kay Papa, Tito at kay
Alden na magtatapos ako. Kahit gaano kahirap, kahit sobrang lungkot ay naging
determinado naman akong tapusin ang lahat.
Naging
Diocesan Priest ako. Pagkatapos akong maordain ay nadestino na ako sa isang
malayong lugar. Akala ko tuluyan na akong nakalayo sa bangungot ng nakaraan.
Akala ko hindi na ako muli pang iiyak sa dagok ng buhay-pag ibig ngunit isang
pagkakamali. Para lang isang multo ng nakaraan na pabalik-balik para lalong
guluhin ang aking kasalukuyan at kinabukasan. Lalong sumisidhi ang pangungulila
ko sa tuwing Linggo at nakikita ko ang dalawang ka-edad kong guwapo na sa unang
tingin pa lamang ay may namamagitan sa kanilang mabilis lang na mahalata ng
katulad ko. Naroon sila laging nakikinig sa aking pagmimisa kasama ng guwapong
edad labin-anim hanggang labinwalo. Nakikita ko sa dalawa ang kakaibang ligaya
sa kanilang mukha. May mga sandaling gusto ko silang kausapin at gustong
makaibigan ngunit nauunahan ako ng hiya. Pagkatapos ng misa ay mabilis din kasi
silang umaalis. Kung ipinaglaban ko ang pagmamahal ko kay Aris o kay Alden,
magiging ganoon din kaya ang buhay ko katulad ng dalawang kabaro kong iyon?
Naging malungkot ang bawat araw sa akin lalo
na kung ganoong wala din naman akong service kaya napagdesisyunan kong
tanggapin ang inaalok sa akin na magturo ng Theology sa isang private and
catholic school. Dahil unang taon ko pa lamang sa pagpapari kaya fresh pa sa
utak ko ang lahat ng natutunan ko sa seminary.
Unang
araw noon, tahimik naman sila nang pumasok ako pero normal na sa mga
estudiyanteng kabataan ang may mga naririnig kang…
“Grabe,
guwapo ni sir.”
“Sayang
ang guwapo ni father. Pari kasi siya.”
“Nakakakilig
ano? Guwapo talaga niya.”
Napapangiti
lang ako nang marinig iyon. Pinatayo ko muna sila at ako muna ang nag-lead ng
aming prayer. Pagkatapos ay pinaupo ko sila at ipinakilala ko ang aking sarili.
At dahil wala akong kilala sa kanila kaya kinuha ko ang classcards at isa-isa
ko silang tinawag para makilala isa-isa ang mga una kong istudiyante.
At
nang tinawag ko ang pangalang “Orlando Benitez Jr.” ay tumayo ang isang
guwapong kabataan. Napaisip ako. Familiar ang guwapong batang ito? Nakikita ko na
siya di ko lang agad matandaan kung saan at kailan. Nang matapos ang aming
klase ay dumaan siya sa akin habang inaayos ko ang aking dalang bible at libro.
“Yes?
Anything I could help, Mr. Benitez?”
“Wala
po Father. Gusto ko lang pong sabihin na lagi po kaming nakikinig sa misa
ninyo. Kasama ko ho mga Daddies ko.”
“Daddies?”
gusto kong lang linawin kung tama ba ang narinig ko.
“Opo.
Dalawa po kasi ang daddy ko.” Mahina ang pagakasabi no’n na ginamit pa niya ang
isa niyang palad para itago ang pagbuka ng kaniyang bibig na parang natatakot
may makarinig na iba.
“Ahh,
ok.” napapangiti kong tugon. “Orlando, right? Kung di ako nagkakamali, Lanz o
Lando ang palayaw mo.” biro ko.
“Hindi
ho, Lando ang palayaw ng daddy ko ho. Jay-ar naman po palayaw sa akin.”
At
doon nagsimulang unti-unti akong namulat sa mga katotohanang sa buhay na pilit
kong tinakasan. May mga dumating na bagong kaibigan na tuluyang nagpagising sa
aking maling desisyon sa buhay na naging dahilan ng tuluy-tuloy kong pagbulusok
sa kasalanan.
No comments:
Post a Comment