By:
v_i_nce
Source:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail:
v_i_nce@yahoo.com
[01]
“I’M
SORRY, I’M SO SORRY. Please huwag kang bumitaw. Huwag na huwag mo akong iwan,
parang awa mo na,” ang pagsusumamo ng isang lalaki habang hawak-hawak sa
kanyang mga bisig ang isang taong animo’y wala ng buhay. Madilim ang paligid,
walang makikitang bituin sa kalawakan, at pumapatak ang mahinang ulan na para
bang ang kalangita’y umiiyak ng pigil dahil sa nakikitang eksena sa gitna ng
makitid na eskinitang iyon. Sa di kalayuan ay maririnig ang palahaw ng isang
paparating na ambulansya.
“Gumising
ka, parang awa mo na. Di ko kayang mabuhay ng wala ka, Greyson, please.
Greeeeeysoon,” ang patuloy na sambit nito. Maya-maya ay nagkaroon ng ingay sa
paligid sanhi ng pagdating ng inaasam na tulong. Subalit imbes na salubungin
ang mga taong paparating ay nahintakutang nagmadaling lumayo ang lalaki.
Mabilis siyang tumakbo at nagkubli sa isang di kalayuang gusali, sumisilip
upang patuloy niyang makita ang buong pangyayari. Di naman magkamayaw sa
pag-aatupag ang mga medics sa taong tinawag na Greyson. Oras ang kalaban, at
batid nila na kakaunti na lamang ay bibigay na ito.
Nang
makitang ipinapasok na sa loob ng ambulansya si Greyson ay umalis na rin palayo
ang lalaki. Di alintana ang lumalakas na ulan, patuloy lamang siya sa walang
direksyong paglalakad hanggang sa matumbok niya ang isang tulay. Tumigil siya
at tinanaw ang maruming ilog na dumadaloy sa ilalim. Maya-maya ay inilabas niya
ang isang kwarenta’y singkong baril at walang sabi-sabi na itinapon ito saka
mabilisang tumakbo na para bang sa paraang ito’y matatakasan niya ang masaklap
na tagpong naganap kani-kanila lang.
GREY
WOKE UP WITH A START. Nakatitig siya sa kisame habang may malalim na iniisip.
Inaalala niya ang panaginip na siyang naging dahilan ng kanyang balisang
pagtulog nang nagdaang gabi, subalit habang pinipilit niya ito ay mas lalo
lamang nagiging malabo ang lahat. Ilang araw na rin siyang ginugulo nito ngunit
kaiba sa mga nakalipas na umaga na putok lang ng baril ang kanyang natatandaan,
may naglalarong isang detalye sa kaniyang isipan ngayon. Isang lalaki ang
nakikita niyang umiiyak habang nagsasalita sa isa pang taong kandong nito sa
gitna ng daan. Kung ano ang saysay ng naturang eksenang kanyang naaalala ay di
niya lubusang mawari, at wala na rin siyang panahong pagtuonan ito ng pansin
dahil sa nagsisimula na namang sumakit ang kanyang ulo sa kakaisip. Kaya naman
minabuti na lamang niyang tumayo mula sa pagkakahiga para simulan ang kanyang
araw.
Habang
bumabalikwas mula sa kama, hinayaan niyang dumausdos ang kumot na ginamit sa
pagtulog. Kapansin-pansin ang kakisigan ng kaniyang tindig na hindi natatakpan
ng anumang saplot dahil nasanay na siyang matulog ng hubo’t hubad. Sa tindig na
5’5”, di maipagkakaila na naaakma ang hugis ng kaniyang katawan sa kanyang
kabuuang imahe. Ordinaryo man ang tangkad subalit kung titingnan ay para siyang
isang modelo – balingkinitang katawan, mamasel na dibdib na katamtaman lang ang
laki, mga binting magaganda ang hugis na nagbibigay ng ilusyon ng katangkaran,
mga brasong bagamat hindi namumugto sa laman ay bumagay naman sa lapad ng
kanyang mga balikat, at tiyan na walang kataba-taba na kababakasan ng mga linya
na parang sa isang kalahating dosenang pakete ng de-latang inumin. Mayroon ding
mga mumunting balahibo sa may ilalim ng kanyang pusod na parang inahit ang
porma dahil sa katuwiran nito, pababa sa dako pa roon hanggang sa bahagya itong
kumapal. Kapansin-pansin din ang laki ng kanyang alaga na sa panahong iyon ay
tigas na tigas at tuwid na tuwid sa pagkakatayo. Kay ganda ng hugis nito,
umaabot sa pitong pulgada ang haba at may katamtamang katabaan. Ang ulo ay
mamula-mula at sa panggitnang hiwa ay may lumalabas na patak ng malabnaw na
katas. Napatitig si Grey sa kaniyang kahubdan lalung lalo na sa tigas niyang
ari.
Normal
lang na tigasan ako sa umaga pero bakit may precum na lumalabas ngayon? Ang
naitanong niya sa sarili ng mapansin ang kanyang paunang dagta. May kung anong
kiliti ang gumapang sa kaniyang katawan ng biglang sumagi sa isip niya ang
isang tagpo kung saan may dalawang taong naghahalikan sa ibabaw ng kama.
Marahil ay parte iyon ng kaniyang nagdaang panaginip subalit hanggang doon lang
ang kaniyang naaalala. Wala sa isip na pinahid ng kaniyang daliri ang malapot
na likido na nagmumula sa butas ng kaniyang pagkalalaki at isinubo ito. Habang
sinisipsip niya ang kaniyang hintuturo ay akmang hihimasin na ng kabilang kamay
ang kaniyang naghuhumindik na alaga ng mapansin ang peklat sa may bandang kanan
ng kaniyang pusod.
Alam
ni Grey na may kaparehong peklat din sa bandang likuran niya, kung saan tumagos
ang bala na muntik ng kumitil ng kaniyang buhay may tatlong taon na ang
nakakaraan, base na rin sa kwento ng mga magulang niya. Wala siyang naaalala sa
mga kaganapang ito dahil ng mangyari ang aksidenteng iyon ay nabagok daw ang
kaniyang ulo at nagkaroon siya ng tinatawag na selective amnesia kung saan
partikular na mga detalye lang ng kaniyang buhay ang di niya natatandaan.
Sinabi ng kaniyang mga magulang na noong nangyari ito ay naglalakad lamang siya
sa kahabaan ng isang daan ng may mangyaring nakawan sa isang gusali sa kabilang
panig. Nagkaroon ng palitan ng putok ng baril at sa malas ay natamaan siya ng
isang ligaw na bala.
NAGISING
SI GREY NA NAKAHIGA SA ISANG PUTING SILID kasama ang kaniyang mga magulang.
Naguguluhan siya lalung lalo na ng makapa ang benda sa kaniyang ulo at
maramdaman ang kirot sa may tiyan. Agad niyang tinanong ang mga ito kung anong
nangyari sa kaniya. Nagkatinginan naman sila dahil sa kaniyang kainosentihan sa
mga naganap. Pinatawag nila ang doktor upang matingnan siya at malaman kung ano
ang naging problema. Nang dumating ito ay tinanong siya ng mga bagay tungkol sa
kaniyang sarili at nakaraan na nasagot naman niya ng tama. Subalit nang dumako
ang usapan sa nangyari ng nagdaang linggo, bago siya dinala sa ospital, ay wala
siyang maibigay na kasagutan.
“Base
sa lumabas na resulta sa kaniyang CTscan at MRI, nagkaroon po ng mild
concussion ang inyong anak,” ang paliwanag ng doctor. “Maaaring ito po ang
dahilan kung bakit nagsasuffer siya ng tinatawag nating selective amnesia kung
saan binablock ng kaniyang utak ang mga traumatic na alalaala na nangyari sa
kaniya, and in this case ay iyong nangyaring aksidente.”
“Hindi
ba magkakaroon ng permanent damage ang anak ko, doc?” ang tanong ng kaniyang
ina, na halatang pinipigil ang sariling huwag pumalahaw ng iyak dahil sa
problemang kinasadlakan.
“Kung
titingnan po natin ang test results ay wala na po kayong dapat na ipag-alala.
Give him a few months and he will fully recover,” ang sagot nito na nagbigay
ngiti sa kaniyang mga magulang.
“Eh,
paano po ang alaala ko?” sabat niya sa usapan. Bigla namang napatingin sa
kaniya ang lahat na para bang noon lang nila napagtanto na nasa loob pala sila
ng kaniyang silid at nakikinig siya sa kanilang pag uusap.
“Walang
kasiguraduhan kung kelan babalik ang alaala mo, o kung babalik pa nga ba ito,”
malumanay na siwalat ng doctor. “This case rarely happens and basing from the
few who had the same situation with you, walang makitang pattern ang mga
dalubhasa sa recovery ng memories nila. Ang iba sa kanila ay bumalik ang alaala
habang ang iba naman ay natuto na lang na tanggapin ang kawalang ito.”
“Ah,
eh, doc, maraming salamat pero pwede po bang maiwan mo muna kaming mag-anak?
Pasensya na po kayo,” ang hiling paumanhin ng kaniyang ina sa butihing doktor.
“Of
couse. Kausapin niyo na lang po ang nurse kung may kailangan pa po kayo. In two
days at kung maayos na ang lahat ay pupwede ko ng idischarge ang pasyente at sa
bahay niyo na lang po siya patuloy na magpahinga,” iyon lang at tumungo na ito
sa pinto at marahang isinara ito.
“Ma,
ano po ba ang nangyari sa akin?” ang di mapigilang tanong ni Grey sa kaniyang
ina nang makaalis na ang doktor.
Nagkatinginan
muna ang kaniyang mga magulang na para bang nag uusap ang mga ito ng palihim.
“Magpahinga ka muna anak. Bukas ay ikukwento namin sa iyo ang lahat ng nangyari,
pero sa ngayon ay kailangan mo munang bumawi ng lakas,” ang sabi naman ng
kaniyang ama.
Ayaw
pa sana niyang tumigil subalit naramdaman na naman niya ang kirot sa kaniyang
tiyan at pati na rin sa kaniyang ulo na ng mga sandaling iyon ay nagsimula ng
sumakit. Kaya naman napilitan na lamang siyang sundin ang kaniyang ama.
Kinabukasan,
gaya nga ng napag usapan ay ipinaliwanag ng mga magulang niya ang nangyari. May
dala silang isang dyaryo kung saan nakapaskil sa harap nito ang nakawang
nangyari noong nagdaang linggo. Nasabi din sa naturang report na may isang
lalaki ang natamaan ng ligaw na bala habang nagkaroon ng engkwentro ang mga
gwardiya ng nasabing gusali at ang dalawang magnanakaw kung saan nahuli ang isa
habang ang kasabwat naman nito ay namatay gawa ng tama sa ulo. Bagamat hindi
sinabi ang pangalan ng sibilyan na nadamay para maprotekhanan ang pribadong
pagkatao nito ay inisip na niya na siya iyon base na rin sa kwento ng kaniyang
mga magulang.
MAY
APAT NA BUWAN RIN SIYANG NAGPAHINGA sa kanilang bahay at nang maramdaman niyang
handa na siyang pumasok muli sa eskwela ay saka naman nagmungkahi ang kaniyang
ama na lumipat ng tirahan sa siyudad. Nagtataka man sa biglaan nitong desisyon
ay nagpatianod na lamang siya. First year college siya ng mga panahong iyon sa
kursong Marketing at napamahal na rin sa kaniya ang mga kaibigan at kaklase na
ng malaman ang nangyari ay regular na dumadalaw sa kanilang bahay upang
makumusta siya at makipagkwentuhan. Namangha ang mga ito nang malaman na
nadamay pala siya sa nangyaring krimen sa kanilang bayan at siya yung tinutukoy
na natamaan ng ligaw na bala. Naikwento rin ng mga ito na bukod sa nangyaring
nakawan ay may isa pang kaganapan ang pinag uusapan ngayon sa kanila. Tungkol
naman ito sa isang tao sa gitna ng eskinita na may tama ng baril. Isang
misteryo daw kung sino ito kasi kulang ang mga naireport sa dyaryo gawa na rin
siguro na gustong itago ng pamiliya ang naturang pangyayari. Ni hindi nga alam
kung lalake ba iyon o babae at kung nagawa ba itong sagipin ng mga rumesponde.
Sa pagkakarinig ng balitang ito, nagsimulang sumakit ang kaniyang ulo kaya
noong mapansin ng kaniyang ina na papunta na sa kinaroroonan nila habang dala
dala ang mga inihandang snacks ay hiniling nito sa mga kaibigan niya na iwan muna
siya para makapagpahinga.
TUNOG
NG ALARM CLOCK sa bedside table ang nagpabalik sa diwa ni Grey sa kasalukuyan.
Nang binalingan niya ito ay nakita niyang alas sais y medya na pala ng umaga.
Pagkatapos patayin ang nakaririnding ingay ay pumasok na siya sa loob ng banyo
para makapaligo.
Tatlong
taon na rin pala ang nakalipas, ang nasambit niya sa kaniyang sarili habang
pumapailalim sa shower at binabasa ng maligamgam na tubig mula dito ang buo
niyang katawan. Pagkatapos makapag shampoo at sabon ay tinungo niya ang sink
para magtoothbrush at mag ahit ng balbas. Nakaharap siya sa isang salamin
habang ginagawa ito. Makaagaw pansin talaga ang kaniyang mga mata na
nangungusap at parang parating maiiyak subalit kapag kumislap sa kasiyahan ay
talaga namang nakakabighani. Itim na itim ang mga ito na mayroong mahahabang
mga pilik na parang sa isang babae. Ang mga kilay naman niya’y hindi kakapalan
subalit maayos na maayos na animo’y inahit ngunit hindi naman. Matangos ang
kaniyang ilong at mapupula ang mga labing maninipis at wari parating nang
eengganyong mahalikan. Ang basang buhok naman ay tuwid na tuwid na kahit hindi
lagyan ng langis o gel ay nangingintab pa rin. Ang lahat ng ito ay nakapagkit
sa isang angular na pagmumukha kaya naman kahit may pagkababae ang kaniyang
features ay lalaking lalaki parin siyang tingnan. Chiseled ang kaniyang panga
at talaga namang napakalakas ng kaniyang appeal hindi lamang sa mga babae kundi
pati na rin sa mga lalaking kahit hindi bading ay napapatingin sa kaniya.
Pagkatapos
gumaniyak ay kumuha lamang siya ng isang pirasong mansanas mula sa mesa at saka
mabilis na umalis papuntang eskwelahan.
PAGKAPASOK
PA LANG SA GATE ay sinalubong na agad si Grey ng kaniyang matalik na kaibigan
na si Matthew. “Ang tagal mo namang dumating, tol. Magsisimula na ang klase
natin. Wala na tuloy tayong panahong daanan si Carla,” ang sabi nito sabay
mahinang tulak sa likuran ng kaibigan. Ang tinutukoy na babae ay ang
pinopormahan nito sa kabilang department kung saan kumukuha naman ng Mass
Communication.
“Pinuntahan
mo na lang sana mag-isa. Ako pa ngayon ang sinisisi nito, eh di ko naman sinabi
sayong hintayin mo ako. Batukan kaya kita diyan,” ang pabirong sagot naman niya
sa kaibigan.
“Napaka-ungrateful
naman ng mokong na to. Pasalamat ka nga at hinintay kita.”
“Loko!
Palusot ka pa. Ang sabihin mo ay gagawin mo na naman akong pain kasi
napakatorpe mo,” tatawa-tawang banat niya. Kilala niya kasi itong mahiyain sa
mga babae lalo na sa mga natitipuhan nito.
“Sinong
torpe? Sino? Huy magpakalalaki ka nga kung sino ka man. Nakakahiya ka sa lahi
natin,” painosente naman ito na sinabayan pa ng paglingun-lingon sa paligid na
mistulang naghahanap kung sino ang tinutukoy niya, pagkatapos sabay bulong ng,
“Gagu, huwag ka ngang maingay. Nakakahiya baka may makarinig, masira pa
reputasyon ko.”
“Aba
at may reputasyon ka na palang pinangangalagaan ngayon.”
“Oo
naman. Mejo tagilid nga lang ng konti kasi ikaw ang parati nilang nakikita kong
kasabay. Alam naman nating pareho na sa ating dalawa, ‘di hamak na mas
nakakalamang ako at talaga namang may topak ka,” ganting pambabara naman nito.
“Mukha
mo...”
“Gwapo,
alam ko,” di pa nga niya natatapos ay agad na dugtong ng kaibigan. Kaya naman
nagtatawanang sabay na lamang nilang tinungo ang classroom na pagdadausan ng
kanilang unang subject para sa araw na iyon.
Nasa
fourth year college na silang pareho. Simula nang mag transfer siya sa lugar na
iyon dahil sa biglaan nilang paglilipat sa siyudad ay naging kaklase na niya si
Matthew na kumukuha rin ng Marketing. Sa simula pa lang ay naging malapit na
ang loob nila sa isa’t isa, kaya naman hindi naging mahirap sa kaniya ang
kaibiganin ito at ngayon nga ay magbest friends na ang turingan nila.
Gwapo
rin naman talaga ang kaibigan niya. Singkit ang mga mata nito na namana sa
inang may lahing intsik. May makakapal na mga kilay at matangos na ilong. Ang
mga labi ay bagama’t hindi kasing nipis ng sa kaniya ay singpula naman at
parang hugis puso, bilugin ang mukha pero hindi naman matabang tingnan, at ang
buhok ay pinapamaintain na naka semi skinhead. Matangkad sa kaniya ang kaibigan
ng tatlong pulgada sa height nitong 5’8”, maganda ang tindig at ang kutis ay
maputi. May pagkabalbon ito kaya kahit mas makinis pa sa babae ay macho pa ring
tingnan. Kaya naman sa ilang taong pagkakakilala nila ay alam niyang maraming
mga babae ang nagkakainteres dito. Ngunit magkaganoon man ay wala pa siyang
nababalitaang naging nobya nito simula ng maging magkaibigan sila.
Katatapos
pa lamang ng kanilang Midterm Exams noong nagdaang linggo kaya malayo pa lang
sa classroom ay kapansin-pansin na ang ingay ng kanilang mga kaklase.
Papasimula pa ang final term ng unang semestre at hindi pa sila bugbog sa mga
assignments at pag-aaral para sa quiz. Hindi pa rin dumarating ang kanilang
professor at walang nakapansin sa kanilang pagpasok kaya naman naisipang
pagtripan ni Grey ang kaniyang mga kaklase.
“WHAT’S
THE NOISE ALL ABOUT?! THIS ROOM ISN’T A ZOO!,” ang sigaw niya gamit ang
pinalaking boses. Ginaya niya ang tono at pananalita ng kanilang Office of
Student Affairs Director. Kilala kasi itong terror kaya naman nanginginig ang
buong student body kapag ito na ang nagsasalita.
Tumahimik
ang lahat sa pagkabigla at nahintakutang inayos ang mga sarili. Subalit nang mapansin
ng iba ang tawa ni Matthew na katabi lang niya ay humalakhak na rin ang mga
ito.
“Akala
ko kung sino, ang mag-asawa lang pala,” narinig nilang sigaw ng isa nilang
kaklase sa may likuran.
Tawanan
pa rin ang lahat. Sanay na silang tawaging mag asawa kasi alam naman nila na
biro lang iyon. Sa lalaki ba naman nilang pumorma ay wala talagang magkakamali
na pagkamalan silang mga bading. Ang totoo nga niyan ay karamihan sa kanilang
mga kaklaseng babae ay may mga pagtingin sa kanilang dalawa, at maging sa buong
campus ay sikat din sila dahil sa taglay nilang kakisigan.
Hinawakan
ni Matthew ang magkabila niyang balikat at tumitig sa kaniyang mga mata. “Grey,
asawa ko, mahal na mahal kita,” ang sabi nito sa pinalamyang boses.
Tawanan
ulit ang lahat. Sinakyan naman niya ang biro nito. “I love you more, my dear,”
sagot niya sabay dahan dahang inilapit ang ulo sa mukha ng kaibigan na para
bang hahalikan niya ito.
Napa
‘EW!’ naman ang iba nilang kaklase. Nang halos maglapat na ang kanilang mga
labi ay sabay silang umiwas at imbes na mag lips to lips ay parang mga
matronang nag beso beso ang dalawa, saka sabay na naghalakhakan at nagbatukan.
Subalit ng tingnan nila ang paligid ay nabigla silang pareho nang mapansing
tahimik na ang lahat. May isang estudyante na nakaupo sa harapang banda ang
sumeniyas sa kanila na tumingin sa kanilang likuran.
“I
believe that this place is called a classroom and not a comedy bar to showcase
your antics. I’ll see you both later during free period in the afternoon,” yun
lang at walang lingon-likod na umalis ang Office of Student Affairs Director.
“Lagot!,”
ang sabay nilang naibigkas.
“LIBRE
KA BA SA SABADO? Gusto ka sana naming iinvite ng mga friends ko na manood ng
sine, and of course, you’ll be my date,” narinig ni Grey na paanyaya sa kaniya
ni Sheila, isa sa mga kaklase niyang lantaran kung magpakita ng motibo na gusto
siyang maging nobyo. Palibhasa ay maganda at sexy kaya may lakas ng loob itong
makipag usap ng deretsahan at walang paliguy-ligoy.
Mag-aala
una na ng hapon ng mga panahong iyon at ilang minuto na lang ay magsisimula na
ang kanilang subject. Kakatapos lang ng lunch break at talaga namang
nakakaantok sa pakiramdam na bagamat may kalamigan ang silid-aralan dahil sa
aircon ay nakadagdag lamang ito sa kagustuhang matulog ng nakararaming mga
mag-aaral.
“Tol,
ano, may lakad ba tayo sa Sabado?,” sa halip na sagutin ang tanong ni Sheila ay
niyugyog muna niya si Matthew na nakaidlip na sa mesa.
“Huh?
Uwian na ba?,” ang tugon naman nito na iniangat saglit ang mukha subalit
bumalik ulit sa pagkakayuko. Komportable itong natulog muli na ginamit ang mga
pinagsalikop na braso bilang unan.
Napilitan
naman siyang lingunin ang babae sa harapan. “Pasensya ka na sa kaibigan ko...”
Naputol
ang kung ano pa mang sasabihin niya sana nang bumukas ang pinto at pumasok ang
kanilang propesor, kaya naman asar na bumalik na lang sa sariling upuan si
Sheila para hindi mapagsabihan. Nagpasalamat naman siya ng lihim dahil hindi na
niya kinailangang tanggihan ito. Sa totoo lang ay wala siyang balak na lumabas,
subalit ayaw naman niyang ipahiya ang kaklase.
“Good
afternoon...” ang panimula ni Mr. Domingo at ng mailapag na ang mga materyales
sa teacher’s table ay nagsimula ng magdiscuss. \
Sa
may likurang banda ng klase pumupwesto ng upo ang magkaibigan kaya naman hindi
masyadong pansin sa harapan ang kung ano man ang ginagawa nila. Patunay dito ay
ang di pagsita ng propesor kay Matthew na hanggang sa mga sandaling iyon ay
mahimbing pa ring natutulog. Si Grey naman ay hindi malaman ang gagawin dahil
sa kabagutang nararamdaman. Inaantok na rin siya subalit kailangan niyang
manatiling gising para kung sakaling malingunan ni Mr. Domingo ang kanilang
direksyon ay madali niyang masisipa ng palihim ang kaibigan. Ganito ang
parating set up nila. Malas nga lang niya dahil naunahan siya nitong makatulog
kaya wala na siyang magawa kundi ang maging look out nito sa kahabaan ng
kanilang klase.
Panay
na ang kaniyang hikab at napapapikit na rin ang kaniyang mga mata. Ramdam
niyang kakaonti na lang ay bibigay na ang mga ito at tuluyan ng sasara. Ayaw
niyang mangyari iyon dahil una, nakakahiya kapag may makakakita sa kaniya na
nakatulog habang nakaupo at bahagyang nakaawang ang bibig, at pangalawa, kalahating
oras na lang ay matatapos na ang subject at kailangan na nilang pumunta sa
Office of Student Affairs. Baka pagtripan pa sila ng mga classmates at hindi
sila gisingin bilang ganti sa kanilang ginawa kaninang umaga.
Akmang
babagsak na sana ang kaniyang ulo patagilid ng biglang may kumatok sa may
pintuan at pumasok ang isang lalaking may dalang notebook. Nakasuot ito ng hood
kaya hindi kita ang mukha subalit makatawag pansin ang katangkaran nito na
umabot na yata sa anim na talampakan. Parang artista ito kung maglakad na
kakikitaan ng tiwala sa sarili sa bawat hakbang. Dagling natahimik ang kanilang
guro dahil sa di inaasahang panauhin. Ewan din subalit naramdaman na lamang
niya na biglang nabuhay ang dugo sa kaniyang buong katawan, rumaragasang dumaloy
ito papunta sa kanina lamang ay pundido niyang utak at kumalat hanggang sa
kahuli hulihang hibla ng kalamnan sa kaniyang mga paa at kamay. Ang puso niya
ay parang jinump start na makina ng motor na pinapainit ang buo niyang katawan
sa pamamagitan ng pagdodouble time sa pagbomba ng dugo. Kay lakas at kay bilis
ng pintig nito na kung hindi niya mairerelax ay ramdam niyang para na itong
sasabog ano mang segundo.
“What
can I do for you?,” ang tanong ni Mr. Domingo sa naiiritang boses dahil sa
pagkakaistorbo ng kaniyang klase. Subalit sa halip na sagutin ng lalaki ay may
ibinigay lamang itong papel saka walang sabi sabi na naglakad papunta sa
likurang bahagi ng classroom. “Okay, welcome Ramirez, Hale...,”
“Please,
just call me Hal,” putol nito sa kung ano pa man ang sasabihin ng kanilang guro
sa mejo naaasar na tono sabay lingon sa harapan, saka naisipang idugtong ang
katagang ‘Sir’ bago tumalikod muli at ipinagpatuloy ang paglalakad habang
naghahanap ng bakanteng pwesto. Nakita nito ang isang upuan katabi ng sa kaniya
kaya naman binalingan siya nito ng nagtatanong na tingin kung pupwede ba itong
umupo doon.
Nang
magtama ang kanilang mga mata ay biglang pumasok sa isip ang lalaking nakita
niya sa kaniyang panaginip ng nagdaang gabi. Kasabay nito ang pagsaklob ng di
maipaliwanag na emosyon sa kaniyang damdamin na mas lalong nagpabilis ng pintig
ng kaniyang puso. Nagsisimula na ring sumakit ang kaniyang ulo subalit hindi na
niya napansin dahil pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata nitong
malalamlam at kulay brown. Deep set ang mga iyon na naiibabawan ng mga
makakapal na kilay na bahagyang nakakunot. Matangos ang ilong ng lalaki na
parang sa isang espanyol at ang mga labi ay singpula ng mansanas. Ang balbas
nito ay parang hindi inahit ng tatlong araw kung saan nagsisimula ng tumubo.
Nakakalat iyon sa kabuuan ng baba nito na may bahagyang hati sa gitna, patungo
sa magkabilang panga. Kagaya ng sa kaniya, prominente rin ang bone structures
nito na nagbibigay ng karagdagang angas sa pagmumukha ng lalaki. Napansin din
niyang mejo may kahabaan ang may pagkakulot na buhok nito na natatabunan ng
suot na hood.
Nang
mapansin niyang bahagyang napangiti ito, marahil dahil sa pagkakatulala niya ng
ilang segundo, ay marahan na lamang siyang tumango at bahagyang napayuko, tanda
na pwede itong umupo katabi niya. Nararamdaman niyang kanina pa nag iinit ang
kaniyang mukha dahil sa pangyayari. Alam niyang namumula ang kaniyang mga
pisngi na mas lalo lamang niyang ipinagtaka. Naninibago siya sa sarili dahil sa
pagkakatanda niya, unang pagkakataon na nangyari sa kaniya ang ganitong bagay.
“Mga
kabataan ngayon...,” ang naibulong ng kanilang propesor saka ipinagpatuloy ang
naudlot na lecture. Naupo naman ang tinawag na Hal sa tabi niya at kampanteng
ibinukas ang dalang notebook sabay sulat dito habang pabaling-baling ang tingin
sa harapan, tanda na taimtim itong nakikinig sa kung ano man ang sinasabi ng
kanilang guro. Subalit manaka-naka ay nakakaramdam siya ng nakakaliliting
sensasyon mula sa direksyon ng lalaki na para bang tinititigan siya nito
paminsan-minsan. Hindi naman niya makumpirma ang hinala dahil nahihiya siyang
lumingon dito. Kaya naman hanggang matapos ang klase ay naging balisa na siya.
Hindi na niya naramdaman pa ang antok, bagkus ay parang buhay na buhay ang
kaniyang katawan at ramdam niya ang mga pangyayari sa kaniyang paligid.
Nang
tumunog ang bell na naghuhudyat na magsisimula na ang kanilang free period ay
saka pa lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na lingunin si Hal subalit ng
bumaling siya ay wala na ito sa upuan. Nakita na lamang niyang papalabas na ito
ng pinto kasabay ng iba pa niyang mga kaklase. Wala na siyang nagawa kundi ang
gisingin na lang si Matthew na tulog na tulog pa rin ng mga panahong iyon.
“Huy!
Adik, gumising ka na. Tapos na ang klase at kailangan na nating pumunta sa
OSA,” ang sabi niya dito na ang tinutukoy ay ang opisina ng direktor na
nakahuli sa kanila kaninang umaga.
“Aaaahhh!
Ang sarap ng naging tulog ko, tol,” sambit naman nito habang nag iinat.
“Pansin
ko nga, loko ka. Buti hindi ka nahuli ni Mr. Domingo kung hindi, dagdag pa iyan
sa kasalanan mo sa OSA.”
“Naku,
maniwala ka naman. Gusto lang tayong masolo ng direktor na iyon. Alam mo naman
na may pagkaberde ang dugo nun. Siguro nang makitang maghahalikan sana tayo ay
nainggit at gusto ng private show.”
“Hahahahaha.
Adik!” Nagkatawanan ang magkaibigan. Maya-maya pa ay sabay na nilang tinungo
ang opisina ng Student Affairs.
Journal
Entry
@
school habang nagkaklase
Note:
ang boring ng propesor
Nakita
ko na ulit siya.
Oh
my God. How I missed him. Gusto ko siyang yakapin at paliguan ng mga halik.
Gusto ko ulit maramdaman ang bisig niya na nakapulupot sa katawan ko.
I
still love him so much, it hurts. Akala ko kakayanin ko na malayo sa kaniya
pero hindi pala. When I saw his face, parang nagkakulay na ulit ang mundo ko.
I
knew I was lonely without him but I never really had any idea how much until I
saw him again. Kung hindi ko pa nga lang sana napigilan kanina ay baka hinablot
ko na siya at niyakap ng mahigpit. Ngayon nagtataka ako kung pano ako
nakasurvive ng wala siya.
All
those years, I tried to forget him but to no avail. I thought I would go insane
and I believe that I was in the brink of losing my mind. Kaya nakapagdesisyon
na ako. Di ko na kaya pa ang lumayo. Susubukan ko ulit.
Kaya
andito na ako ngayon. Inisip ko na bahala na, basta makita ko ulit siya at
mapalapit ulit sa kaniya, magiging okay na ang lahat. Pero hindi pala ganoon ka
dali. Ngayong nasa gilid ko lang siya, abot kamay ko na, ngayon ko naramdaman
ang takot. Ngayon ko naisip na baka tuluyan na siyang mawala sa akin at hindi
ko makakaya iyon. Mamamatay ako pag nangyari iyon.
Gusto
ko nang kalabitin siya. Gusto kong sabihin sa kaniya na andito na ako, na hindi
na ulit ako mawawala sa piling niya. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka
hindi niya ako matanggap. Huwag naman sanang mangyari ang ganoon.
Naasar
ako kanina dahil kamuntik nang sabihin ni prof ang buo kong pangalan. Ayaw kong
may makaalam na ibang tao at baka gamitin pa nila sa pagtawag sa akin. Siya
lang ang gusto kong marinig na tumawag sa akin ng ganoon. At alam ko, ako lang
din ang binibigyan niya ng karapatang tumawag sa kaniya sa buo niyang
pangalan... dati. Hindi ko lang alam ngayon.
Nagkatinginan
kami kanina. Tama nga ang hinala ko. Di niya ako naaalala. Pero parehong pareho
ang naging reaksyon niya noong una ko siyang makilala, kaya di ko mapigilang
mapangiti. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Ang cute niyang tingnan, lalo na
kapag nagblush siya. Alam ko di niya ugali ang magblush. Inamin niya sa akin
noon na ako lang ang nagpapapula ng kaniyang mga pisngi. Kaya naman masaya ako
dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin pala ang epekto ko sa kaniya. O baka
naman nagbago na siya. Baka ngayon madali na lamang siyang maapektuhan ng ibang
tao at pamulahan ng mukha. Ah basta, bahala na.
Di
ko alam kung ano na ang mangyayari ngayon. Ang mahalaga ay masaya ako. Kuntento
na ako na nakikita ko na siya ulit ng hindi kailangan ang magtago. Kuntento na
ako... sa ngayon.
Whatever
happens, hindi na ako papayag na igive up siya ng basta-basta. I’ll do my best
to win him back, I promise. Pero hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya.
Waaaaaaaaaah! Ano ba itong iniisip ko. Stop being negative! Stop! Stop! Stop!
Give
me another chance, GREYSON, please. Don’t give up on us, baby, ‘cause I’m not
giving up on you. I’m not letting go anymore, never.
-Halex
ITUTULOY
[02]
“HUY!
NAKITA MO NA ba ang bagong estudyante dito sa school natin? Ang gwapo niya,
promise.”
“Oo
nga. Ang astig niyang tingnan saka mukha siyang yummy. Ayiiiiee! Kinikilig ako,
super,” sabay hawak ng babae sa sariling pisngi na animo’y high school student
at first time nagkaroon ng crush.
“Tse!
Magtigil ka nga. Speaking of, andiyan pa ang isang pogi oh, paparating. Teka,
huwag kang papahalata, nakakahiya ka. Pasimple ka lang,” ang bulong naman ng
naunang nagsalita sabay hablot sa kamay ng kaibigan upang pigilin ito sa akmang
pagpihit para makita kung sino ang sinasabing pogi.
Ewan
kung matatawag pa nga bang bulong iyon dahil nakakarating naman sa mga tenga ni
Grey ang pinag uusapan ng dalawa habang naglalakad siya sa corridor. Miyerkules
ng umaga at magsisimula na ang pangalawang subject niya. Sumaglit muna siya sa
CR kaya naman mag isa na lamang siyang papunta sa classroom dahil nauna na doon
ang kaniyang mga kaklase.
Ayos
ang lalaking iyon ah, nakakuha na agad ng mga fans kahit bago pa lang, ang
nasabi niya sa sarili patungkol kay Hal. Alam niyang ito ang pinag uusapan ng
mga nadaanang estudyante kasi wala naman siyang nabalitaang ibang transferee
kundi ito lang, saka aminado siya na gwapo talaga ito at malakas ang appeal.
Argh! Kahit nga ako ay naaapektuhan sa lalaking iyon.
Simula
noong Lunes ng hapon na nagkita sila ay di na nawaglit sa kaniyang isipan ang
mukha nito. Kung minsan, kahit may ginagawa siyang iba kagaya ng paghahanda ng
makakain ay bigla na lamang niyang maaalala ang kanilang titigan sa klase at
siyempre pa, hindi rin niya maiwasang pamulahan ng pisngi. Naisip niya na
nagmumukha na siyang timang dahil sa hindi maipaliwanag na epekto nito sa
kaniya. Buti na lang ay mag isa lamang siya sa unit niya dahil kung hindi, ay talagang
maninibago ang kaniyang mga magulang sa ikinikilos ng nag iisang anak nila. Sa
pagtulog naman ng gabing iyon ay mas tumindi ang kaniyang panaginip subalit
kinabukasan ay hindi na niya ito napagtuunan ng pansin dahil naging abala siya
sa pag prepare papasok sa eskwela. Parang may mga pakpak ang kaniyang mga paa
habang gumagalaw. Ang gaan ng pakiramdam niya na para bang ganadong ganado
siyang mag aral ng araw na iyon. Alam niyang ang bagong salta ang dahilan ng
mga pagbabagong ito sa kaniya at nasasabik na siyang makita ulit ang lalaki
subalit sinusubukan pa rin niyang itanggi ito sa sarili.
Kaya
naman laking panlulumo niya ng magsimula ang klase noong Martes ng umaga at
wala siyang Hal na nakita. Umasa pa rin siya na baka sa mga susunod na subject
ay magiging classmate niya ito ngunit natapos na lang ang buong araw ay hindi
niya nasulyapan ni anino ng lalaki. Napansin naman ni Matthew ang kawalan niya
ng gana ng araw na iyon at tinanong siya kung ano ang problema. Nagpalusot na
lamang siya na medyo masama ang kaniyang pakiramdam, saka idinagdag na pahinga
lang ang katapat noon para hindi na ito mag alala.
KATATAPOS
LANG NG PANGALAWANG SUBJECT AT LUNCH BREAK NA. Sabay na nagtungo sina Grey at
Matthew sa cafeteria para kumain ngunit pagdating pa lamang sa may pintuan ay
pansin na nilang pareho na puno ito kaya nagpasya na lamang sila na magtake out
na lang at magtungo sa kiosk sa may hardin para doon kumain.
Habang
pumipila para makabili ay di mapigilan ni Grey ang mapangiti dahil sa kaalamang
makikita na rin niya sa wakas si Hal sa susunod na klase. Alam niya na hindi
man niya ito nakakasama sa ibang subjects ay siguradong papasok ito sa
Philosophy class nila mamaya. Fixed kasi ang schedule nila kada Lunes,
Miyerkules at Biyernes, at ibang schedule naman tuwing Martes at Huwebes.
Nananabik siyang masilayan ito, kung ano man ang dahilan ay hindi niya alam at
wala siyang balak na pag aksayahan ng panahong alamin sa ngayon. Nababatid
niyang sasakit lang ang kaniyang ulo sa kaiisip at posible pang porblema lang
ang magiging hatid ng konklusyon na makukuha niya sakali mang pagtuunan niya ng
pansin ang rason kung bakit interesado siya sa lalaking iyon. Kaya naman
ineenjoy na lamang niya ang nakakakiliting sensasyon na dulot ng presensya ni
Hal at ipinagpapasabukas ang kung ano man ang kahihinatnan nito.
Hindi
naman nakatakas sa mga mata ni Matthew ang pagliwanag ng kaniyang mukha. “Tol,
masaya ka yata ngayon ah. Sinagot ka na ba ng nililigawan mo?”
“Wala
naman akong nililigawan, at alam mo iyon. Sinasabi ko naman sa iyo ang mga
bagay na ganyan.”
“Malay
ko ba kung naglilihim ka na pala sa akin ngayon. Ano? Nakascore ka ba kagabi?,”
ang bulong nito sa kaniya na may malisyosong ngiti sa mga labi at tinataas baba
pa ang mga kilay.
“Di
ako manyakis na kagaya mo. Ulol!,” sabay batok dito. Napalakas yata ang ginawa
niya dahil napa ‘Aray!’ ang kaibigan sabay himas sa ulo nito. Pinagtinginan
naman sila ng mga ibang estudyante sa paligid dahil sa ingay nila. May mga
napasulyap lang at pinagpatuloy na ang kung ano man ang kanilang ginagawa, at
ang iba naman ay parang kinikilig na nakikita ang dalawa sa pinakagwapo sa
kanilang campus na nagbibiruan.
“Ang
sakit nun ah. Mamaya gaganti ako, huwag kang papalag.”
“Oo
na, oo na. Pero huwag mo naman lakasan masyado ha, please?,” pagpapacute niya
dito. Kapag kasi nagkasakitan silang dalawa ay hinahayaan nilang makaganti ang
isa’t isa. Naging kaugalian na nila ito simula pa noong una silang maging
close. Sa pamamagitan nito ay naiiwasan nilang magkaroon ng matinding alitan at
napapanatili nilang matatag ang kanilang pagkakaibigan.
“Ang
daya mo talaga kahit kailan,” pagmamaktol nito.
“Sige
na tol. Andiyan pa naman si Carla oh, nakatingin. Invite mo kaya para sabay na
tayong kumain doon sa kiosk,” pag iiba niya ng usapan sa pagbabakasakaling
makalimutan na nito ang pagganti.
“Talaga?
Saan?,” halos mabali na ang leeg nito sa kakahagilap sa babae. “Sige tol, sabay
natin siyang lapitan mamaya ha.”
“Sige
ba,” ang sagot niya sabay dugtong sa mahinang boses habang napapailing ng “
tsk, torpe na nga, duwag pa.”
“Anong
sabi mo?”
“Wala,
order na tayo.”
Pagkatapos
makuha ang mga binayarang pagkain ay tumungo na sila sa kinaroroonan ni Carla
kung saan kasama nito ang mga kaibigang babae na kumakain ng lunch. Habang
papalapit ay mapapansin ang pag aalinlangan ni Matthew na kinailangan pa niyang
itulak ng bahagya, at nang nasa harapan na sila ng table ng mga ito ay hindi
naman makapagsalita ang kaibigan kaya naman napilitan na siyang umimik.
“Hi
girls. Hello Carla.”
“Hi
Grey, wanna join us?,” ang sagot nito na bahagya pang pinapungay ang mga mata.
Halata namang kinikilig ang mga kasama nito sa table na para nang maiihi sa
kanilang mga upuan.
“Actually,
may sasabihin sana sa iyo si Matthew,” ang sambit niya kaya nabaling ang lahat
ng atensyon ng mga nandoon sa kaibigan niya na parang hihimatayin na yata sa
kaba.
“H-hi
Carla. Iimbitahan ka sana naming kumain doon sa may garden, pero parang patapos
ka na yata kaya pasensya na lang sa istorbo. Sige, alis na kami,” ang mabilis
at dire diretsong sabi ni Matthew sabay talikod.
“Teka
sandali, tol. Di pa nga nakakasagot si Carla eh,” ang pagpigil niya dito.
“Oo
nga, Matthew. upo ka muna dito,” ang segunda naman ng isa sa mga babae na sa
pagkakatanda niya ay nagngangalang Monique, sabay hila ng isang upuan sa tabi
nito.
“You
know what, that’s a great idea. Maiwan na muna kita dito tol kasi naalala ko
may, ah, kailangan pa pala akong daanan,” ang mabilisan niyang sabi sabay tulak
sa kaibigan papunta sa upuan. “Kita na lang tayo mamaya sa klase tol,” ang
pagpapaalam niya.
“Teka,
sandali,” ang narinig pa niyang sabay na tawag nina Matthew at Carla subalit
nagbingi bingihang nagpatuloy lang siya sa paglalakad palabas ng cafeteria.
Dang
it, mag isa na tuloy ako maglalunch ngayon,
ang naisip niya. Pero okay lang. Baka magiging maayos na ang takbo ng
love life ng mokong na iyon pagkatapos nito.
Hindi
siya manhid para hindi mapansin na may gusto sa kaniya si Carla. Naisip niya na
kung siya ang nagkainteres dito ay malamang sa hindi, nobya na niya ito noon pa
man. Subalit hindi niya naramdaman na attracted siya dito kahit pa nga sabihin
na isa ito sa mga magaganda sa ekswelahan nila. Karagdagan rason pa kung bakit
hindi siya nagpapakita ng motibo ay dahil sa kaniyang kaibigan na noong una pa
man ay nagpahayag na ng ibayong pagkagusto sa babae. Nirerespeto niya si
Matthew at importante sa kaniya ang samahan nilang dalawa. Para sa kaniya, mas
matimbang pa ang pagkakaibigan nila kaysa sa isang romantikong relasyon sa
isang babae na hindi niya alam kung hanggang kailan ang itatagal. Pipilitin
niyang gawin ang kung ano man ang kailangan para lang sumaya ito. Kung pwede
nga lang sana ay siya na ang nanligaw kay Carla para dito ay ginawa na niya.
Ganyan katindi ang pagpapahalaga niya sa kaibigan.
Nakakalungkot
pa naman kumain na mag isa. Parang wala na tuloy akong gana. Kung tutuusin ay
pwede naman siyang maghanap ng kasabay na kumain sa buong campus. Tiyak na
marami ang magpapaunlak sa kaniya kasi sikat naman siya at marami ang gusto na
maging kaibigan niya. Subalit lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya sanay na
makihalubilo sa ibang tao. Mas gugustuhin pa niyang magmukmok sa kwarto at
magcomputer, mag ehersisyo, o di kaya ay magbasa ng libro kaysa gumimik at makipagsosyalan.
Likas sa kaniya ang pagiging mahiyain lalung lalo na kapag nag iisa lang siya.
Ayos lang kapag kasabay niya ang kaniyang kaibigan dahil nagkakalakas loob
siyang makipag usap sa iba, dahil alam niya na kung hindi siya magsasalita ay
mas lalo namang hindi iimik iyon. Kung may kilala siyang mas mahiyain pa kaysa
sa kaniya ay si Matthew na iyon. Kaya naman tuloy kapag nag iisa siya, ang
tingin ng iba sa kaniya ay ubod ng suplado at mahirap malapitan at pakisamahan.
Ang hindi nila alam, nahihirapan lang siyang gumawa ng unang hakbang, pero
kapag inunahan ay siguradong wala silang magiging problema sa kaniya.
Malapit
na siya sa hardin kung saan madalas silang tumambay ni Matthew kapag walang
ginagawa. Tanaw na niya ang bukana nito. Sa loob ay makikita ang mga
naggagandahang mga bulaklak na iba’t iba ang kulay at laki. Mayroong mga
nakalagay sa paso habang ang iba naman ay nakatanim diretso sa lupa. Sa bandang
kanan ay nakahilera ang mga orchids habang sa kaliwa naman ay puro mga cactus
ang naroon. Mga bato na pinagtagpi tagpi para makagawa ng isang maliit na
dingding ang makikita sa may sulok. Dinadaluyan ito ng tubig na bumabagsak sa isang artificial pond kung
saan nakalagay ang mga carp at iba pang klase ng isda. Ang parte ng lupa na
walang tanim ay nalalatagan ng berdeng damo, habang ang walkway naman ay
nilagyan ng mga puting bato. Sa gitna ng lahat ng ito ay matatagpuan ang nag
iisang kiosk kung saan pwedeng tumambay ang mga estudyante, subalit walang
masyadong nagagawi dito dahil malayo ito sa quadrangle ng campus at kapag may
nahuli na mga nagkakalat o sumisira sa mga halaman ay mabigat na parusa ang
naghihintay sa kanila. Pinapanatiling maayos ng eskwelahan ang lugar at labis
ang paghihigpit nila sa pagbabantay dito kaya naman minabuti na lamang ng
nakararami na dumistansya. Ang mga napapadpad lang sa hardin na ito ay iyong
mga taong naghahanap ng katahimikan at nag eenjoy mag isa, mga magnobyo na
gustong makahanap ng romantikong lugar para palipasin ang oras, o hindi kaya’y
mga responsableng magkakaibigan na alam kung papaano ito pangalagaan.
Papasok
na siya ng may mamataang isang tao na nakaupo sa loob ng kiosk. Nakatutok ang
atensyon nito sa pagsusulat kaya bahagya itong nakayuko, dahilan kung bakit
hindi niya masyadong maaninag ang anyo nito. Subalit, kapansin pansin ang medyo
may kakulutang buhok ng lalaki kaya naman nagrigudon agad ang puso niya sa
posibilidad na si Hal ang kaniyang nakikita.
Napakamisteryoso
naman niyang tingnan. Bakit kaya siya mag isa dito?, ang mga katagang pumasok
sa isip niya habang napako siya sa kinatatayuan sa pagkakatitig sa imahe nito.
Ngayon ay sigurado na siya na si Hal nga ang nakikita. Natatandaan niya ang mga
mahahabang binting iyon na kahit nakaupo ay halata pa rin, at saka nasa tamang
distansya na siya kung saan nasisilayan na niya ang mukha nito na seryosong
seryoso sa ginagawa. Nagsasalubong ang mga kilay nito at bahagya pang nanunulis
ang mga labi na parang sa isang bata na may kinaiinisan pero sa pagsusulat na
lang inilalabas ang saloobin. Nag eenjoy siyang panoorin ang samu’t saring
emosyon na nakadisplay sa gwapo nitong mukha dahil wala pang sampung segundo ay
napansin niya na napawi na ang pagkakakunot ng noo nito at napalitan na ng isang nakakabighaning ngiti na nakikita
hindi lamang sa mga labi nito kundi pati na rin sa mga mata.
Hindi
na niya namalayan kung ilang minuto na siyang nakatayo sa lugar na iyon.
Namataan na lamang niya ang sarili na nakatitig na pala ng diretso sa mga mata
nito na nakabaling sa kaniyang direksyon. Ang lalaki rin ang unang nagbawi ng
tingin sabay mabilisang nagsulat ng kung ano sa notebook nito.
Lagot,
nakita niya ako. Akmang aalis na siya sa lugar na iyon ng marinig niya ang
pagtawag nito.
“Wait
up!,” ang sigaw ni Hal sa tangkang pagpigil sa kaniya. Di sana niya ito
papansinin dahil di niya alam kung papaano magrereact sa harapan nito subalit
natigilan siya ng marinig ang sumunod na lumabas na kataga sa mga bibig ng
lalaki.
“Greyson,
sandali!”
Napalingon
siya sa gawi nito na may pagtatanong sa kaniyang mukha. Hindi niya namalayan
pero dinadala na pala siya ng kaniyang mga paa patungo sa loob ng kiosk kung
saan nagmamadaling nag aayos si Hal ng kaniyang mga gamit para siguro habulin
siya.
“Paano
mo nalaman ang pangalan ko?,” ang tanong niya habang papasok sa loob, sabay upo
paharap dito. Kagyat namang napahinto sa ginagawang paglalagay ng mga kagamitan
sa loob ng packbag ang lalaki na napatulala sa pagkakatitig sa kaniya, na
sinabayan pa ng bahagyang pag awang ng mga labi.
Anak
ng tinapa. Ang sarap naman halikan ng mga labing iyan. Hoy! Huwag kang matulala
ng ganiyan. Lalaki lang ako at baka hindi ako makapagpigil, susunggaban na
kita, ang sigaw ng utak niya. Ibayong pagnanasa ang naramdaman niya ng mga
panahong iyon na hindi niya alam kung saan nanggaling at kung ano ang dahilan.
Siguro ay epekto ito ng pagbabago sa mukha ni Hal na kuminis gawa ng pag aahit.
Noong una kasi niya itong makita ay nagsisimula nang tumubo ang balbas nito
kaya tuloy nagmukha itong matured, pero ngayon ay para itong batang nakatanaw
sa isang magandang laruan sa mall habang nakaawang ang mga labi sa
kainosentehan ng itsura nito. Nararamdaman niyang nagsisimula na siyang tablan,
patunay ang pagsikip ng kaniyang pantalon, kaya naman hindi niya naiwasang
pamulahan ulit ng pisngi. Hindi na niya maintindihan ang kaniyang sariling
katawan sa mga reaksyong pinapakita nito kapag si Hal na ang involved.
Upang
mapagtakpan ang biglaang pagkailang sa sitwasyon ay kinaway na lamang niya ang
kaniyang kamay sa harapan ng mukha nito sabay tanong ng, “Pare, ayos ka lang?”
“A-ah,
oo naman. Ang cute mo kasing tingnan, lalo na sa malapitan,” ang sagot naman
nito na mas lalong ikinapula ng mukha niya.
Nahihiya
siya sa papuring ibinigay nito subalit ipinagtataka niya na hindi siya
nandidiri na marinig mula sa isang lalaki ang ganoon. Bagkus ay nakaramdam pa
nga siya ng ibayong kilig na nagdulot ng mainit na pakiramdam sa kaniyang
dibdib, at kumalat hanggang sa kaniyang mga daliri sa kamay at paa.
“Salamat
pare. Ikaw rin naman, ang gwapo mo.” What the heck? I can’t believe that I’m
saying it to a guy, and a macho one for that matter, ang sumagi sa isip niya
matapos ipahayag ang paghanga sa pisikal na kaanyuan nito. Hindi na niya
napansin na may sinabi na pala ito sa kaniya. Ang nakita na lamang niya ay ang
ngumiti nito sabay dugtong ng ‘never mind’.
“Ano
ulit ang sinabi mo?,” ang hiling niya sabay bitaw ng nagpapaumanhing ngiti.
“I
said, you can call me Halex.”
“Oh,
kaya pala ‘Ramirez, Hale’ ang nasabi ni Mr. Domingo.”
“Napansin
mo pala iyon,” ang nasambit naman nito.
“Bakit
mo naman siya pinutol nang bibigkasin na sana niya ang buo mong pangalan?,” ang
tanong niya dito na may halong pangungulit sa boses. Interesado siyang malaman
ang mga detalye tungkol sa buhay nito kahit gaano man ito kaliit.
“Hindi
ko lang gustong gamitin ng ibang tao ang buong pangalan ko sa pagtawag nila sa
akin, as if they know me well.”
Napakunot
naman ang noo niya sa sinabi nito dahil sa dalawang rason. Una, pareho silang
ayaw na tawagin ng iba sa buo nilang pangalan. Para sa kaniya, ang
pagpapangalan ng mga magulang sa kanilang mga anak ay may kalakip na pagmamahal
at pag aaruga. Kaya naman reserved lang para sa mga taong malalapit sa kaniyang
puso ang priviledge na tawagin siya sa buo niyang pangalan. Pangalawa, kung
iyon ang dahilan kung bakit ayaw nitong malaman ng buong klase ang totoo nitong
pangalan, bakit kani kanila lang ay sinabi nito na pwede niya itong tawaging
Halex?
“But
you’re not just ‘any other person’,” ang makahulugang dugtong nito sa mahinang
boses na para bang nabasa ang katanungan sa kaniyang isip.
Biglang
silang natahimik pareho dahil sa deklarasyong iyon. Si Grey ay hindi alam kung
paano tutugon na nagbaling na lang ng tingin sa malayo habang si Hal naman ay
patuloy pa rin sa pagtitig sa kaniya na para bang kinakabisa ang kaniyang
kabuuan.
Maya
maya, napansin nito ang kaniyang dalang pagkain na di na niya nagalaw dahil sa
mga pangyayari. “Hindi mo ba kakainin iyan? Kung hindi, akin na lang.”
“Ano
ka, hilo? Bumili ka ng sa iyo kung gusto mong kumain. Di pa kaya ako naglunch,”
ang pabirong sagot niya dito sabay bukas ng styro para simulan ang pagkain.
“Ang
damot mo,” ang nasabi nito sabay labas ng dila na parang bata na nang aasar.
Natawa
naman siya sa inasal nito kaya naman nawala na ang kanina’y parang mabigat na
hangin na pumapalibot sa kanila. Siyempre, biro lang naman niya ang pagtanggi
sa panghihingi nito ng pagkain kaya ang ginawa niya ay lumipat siya ng upo
papunta sa tabi nito at inalok itong sabayan na siya sa kaniyang lunch.
“Huwag
na lang, napahiya na ako,” ang sagot nito sa malungkot na boses sabay buntong
hininga.
“Ang
arte mo.”
“Joke
lang. I already ate my lunch. At saka parang kulang pa yata iyan sa iyo eh,”
ngingiti ngiting sabi nito.
“Eh,
di huwag,” iyon lang at sinimulan na niya ang pagkain, subalit maya maya lang
ay kumuha ito ng kapirasong pritong manok. Siguro ay nadala ito sa kaniya kaya
ginanahan na rin, kaya naman masaya nilang pinagsaluhan ang kaniyang
pananghalian ng nakakamay habang nagkwekwentuhan. Wala silang kaarte arte sa
pagkain. Buti na lang ay marami siyang binili kanina, kung hindi ay baka
nagkulang pa iyon at napilitan pa silang bumalik sa cafeteria para dagdagan
ito.
Masayang
kausap si Hal at ramdam niya na kahit bago pa lang niya itong kakilala ay
panatag na ang loob niya dito. Hindi siya nanibagong kasama ito na para bang
dati na nilang ginagawa ang ganoon. Minsan nagbibiruan sila at minsan naman ay
tinatanong niya ito ng mga personal na bagay na sinasagot naman nito ng walang
pag aalinlangan. Nalaman niya na pareho na silang 20 years old. Nagtungo pala
ito sa Amerika tatlong taon na ang nakakaraan subalit bumalik din dito dahil
hindi raw nakayanan ang pangungulila sa ibang bansa, kahit pa nga sabihin na
nandoon na ang mga magulang nito pati na rin ang nag iisang nakababatang
kapatid na lalaki rin. Kaya nang nagkaroon ng chance ay nagmadali itong umuwi
dito sa Pilipinas. Sa ngayon ay nag iisa lamang itong nakatira sa bahay, ngunit
after three months ay susunod rin naman daw ang kapatid nito na 18 na ang edad.
“Buti
na lang ay sa isang International school ako pumasok kaya wala akong nasayang
na panahon, maliban na lang noong first year ako dahil kinailangan kong habulin
ang mga subjects that I dropped when I left for the States,” ang pahayag nito.
Pareho
kami ng sitwasyon ah, ang naisip niya ng maalala ang unang taon niya sa
eskwelahang iyon dahil sa kanilang paglilipat ng tirahan.
“Teka
nga muna, paano mo nga pala nalaman ang buo kong pangalan?,” ang naalala niyang
itanong dito.
“Ah,
eh, kasi, ah, sikat ka naman sa school na ito kaya marami ang nakakakilala sa iyo,”
ang tugon nito na parang nahihirapan sa paghahanap ng rason.
“Grey
naman ang tawag sa akin ng mga tao dito ah. Paano mo...,” subalit naputol ang
katanungan niya ng marinig ang tawag ni Matthew na paparating na sa kanilang
kinaroroonan.
“I
guess I better leave. Andito na ang nobyo mo,” ang biglang sabi nito sa
seryosong boses. Naramdaman niyang nag iba ang mood nito, ngunit bago pa man
niya ito mapigilan ay nakalabas na ito ng kiosk at mabilis na naglakad palayo.
Ano
daw? Nobyo?
“Sino
iyon?,” ang tanong ni Matthew na nakatingin pa rin sa papalayong si Hal.
Nagsasalubong ang mga kilay nito na para bang kamukha ng lalaking palayo ang
nangutang dito ng milyon na hindi nagbayad.
Naalala
niya na tulog pala ang kaibigan ng pumasok si Hal noong lunes kaya hindi nito
nakikilala ang lalaki. “Bagong kaklase natin iyon sa Philo. Tulog ka kasi noon
kaya hindi mo namalayan na may transferee pala tayo,” ang sagot niya sa
katanungan nito.
“Oh,
kumusta ang lunch mo doon sa table nila Carla? Ayos ba?,” ang pag iiba niya ng
usapan, subalit talagang wala yata ito sa mood kasi kahit ang pagganti nito sa
pambabatok niya kanina ay di na nito naaalala.
“Huwag
na lang natin iyong pag usapan, tol. Tara na sa klase at baka malate pa tayo,”
ang pag iwas nito sa katanungan niya.
PAGPASOK
PA LANG SA CLASSROOM AY hinanap na agad ng kaniyang mga mata si Hal. Nakita
niya itong nakaupo sa may likuran gaya ng dati. Babatiin sana niya ito subalit
mukhang abala na naman ito sa pagsusulat. Nang makaupo na siya ay may napansin
siyang papel na nadikit sa ilalim ng kaniyang mesa.
Sino
kayang loko ang nag iwan ng kalat sa pwestong ito, ang naiirita niyang naisip
sabay kuha sa papel para itapon na sana pero napansin niyang napakaayos ng
pagkakatupi nito para maging basura, at pagbaligtad niya ay may nakasulat pa na
‘Please Read’. Kaya naman nacurious na nagpalingon lingon muna siya sa paligid,
at nang masiguradong walang nakatingin sa kaniya, kahit si Matthew na akmang
matutulog na naman, ay binuksan na niya ito.
Thank
you for the lunch. I had so much fun.
Next time, it will be my treat.
- - Halex
Napalingon
siya sa direksyon ng lalaki subalit busy pa rin ito kaya naman ibinalik na
lamang niya ang kaniyang atensyon sa sulat na iniwan nito para sa kaniya. May
kalakip pa pala itong larawan na naglalaman ng tula. Binalot ito ng mismong
papel na pinagsulatan ng lalaki ng naunang mensahe.
Sa
likod ng larawan ay may nakasulat pa na karagdagang mensahe:
I
admit that this poem isn’t my composition. It was made by a friend for somebody
who’s important to him. Shinare niya ito
sa akin and I immediately loved it. Nagpaalam ako kung pwede ko bang idedicate
ito sa iba at pinayagan naman niya ako. Sana magustuhan mo. I mean every single
word that’s written in there, kahit hindi ako ang sumulat. I hope, someday
makakapagsulat din ako ng gaya nito. And always know na kung dumating man ang
araw na iyon, ikaw lang ang nag iisang inspirasyon ko.
- -
Halex
P.S.
Here’s
my number: 091x683xx23
It’s
up to you if you will text me or not. Nahiya na akong hingin ang numero mo,
given that you already have a boyfriend. Hindi ko kayo guguluhin, kung iyon ang
ikaliligaya mo. Pero sana kahit pagkakaibigan man lang ay paunlakan mo ako.
-
Halex
Nyemas
naman, oo!, ang sigaw niya sa kaniyang utak ng mabasa ang huling parte ng
mensahe. Ayos na eh, pero sinira mo pa. Saan mo naman nakuha ang ideyang nobyo
ko ang adik na ito? Kung di ka ba naman masyadong assuming, ang pagpapatuloy ng
litanya niya sa sarili sabay pukol ng masamang tingin sa natutulog na kaibigan.
Alam
niya na wala naman talagang kasalanan si Matthew sa mga nangyayari pero saglit
na pumasok sa isip niya na sana ay hindi sila naging ganoon ka close ng
kaibigan para hindi na sana nagkaroon ng maling akala si Hal. Ngunit ang
isiping ito ay agad din niyang kinontra.
Naku
po, ano na ang nangyayari sa akin? Pati ang adik na ito ay nadadamay na sa
kalokohan ko. Sorry tol, nakapag isip ako ng ganoon. Hindi na mauulit, promise,
ang tahimik na paghingi niya ng paumansin sa kaibigan kahit na wala naman itong
kaalam alam.
Binalingan
niya ulit ng tingin si Hal na ng mga panahong iyon ay nakatitig na rin pala sa
kaniya. Akmang magsasalita na sana siya ng bigla namang dumating ang propesor
nila na naghuhudyat na magsisimula na ang klase, kaya naman wala na siyang
nagawa kundi ang tumahimik na lang at maghintay ng pagtatapos ng subject,
subalit gaya noong lunes, nang tumunog na ang bell ay nagmamadali ulit itong
lumisan kaya hindi na niya ito nakausap. Idagdag pa na kailangan na naman
niyang gisingin ang kaibigan dahil natulog na naman ito sa kahabaan ng klase...
iyon ang akala niya.
Lingid
sa kaniyang kaalaman ay napansin ni Matthew ang kaniyang kakaibang kinikilos.
Nagkunwari itong natutulog habang palihim siyang minatyagan kaya naman kitang
kita nito kung paano dumako ang paningin niya sa direksyon ni Hal at ang
kaniyang pasimleng paulit ulit na pagbasa sa isang kapirasong papel at larawan
na may sulat sa likuran habang nagkaklase.
NANG
MAPAG ISA SA SARILING UNIT ay hindi mapakali si Grey na nagpabalik balik sa
paglalakad habang tangan ang wireless na telepono. Maya maya ay may dinayal
siyang numero at sumalampak ng upo sa couch.
“Hello,”
ang tinig ng babaeng nakasagot sa kabilang linya.
“Good
evening. May I speak to Sheila?,” ang tugon naman niya.
“Speaking.
Sino po sila?”
“Shei,
si Grey ito.”
“Oh,
How are you? Napatawag ka?”
“Ayos
lang ako. Itatanong ko lang sana kung okay pa ba iyong imbitasyon mo para sa
sabado,” naeexcite na siya sa kaniyang binubuong plano.
“But
of course. I’ll tell you the details bukas sa school,” ang sagot naman nitong
halatang nasisiyahan.
“Good.
I’ll see you tomorrow, then. Bye. Sleep tight,” ang paalam niya na hinaluan ng
kaunting lambing ang boses para naman ganahan ito.
“Bye
Grey. Dream of me. Mwahh,” ang malandi naman nitong sambit sabay baba ng
awditibo.
Pagkatapos
mailapag ang telepono ay nagmamadaling kinuha naman niya ang kaniyang cellphone
at saka nag type ng message at saka sinend:
Greyson
to. Kita tau ds sat. Gimik tau. i wl tke u on ur ofer. Sabi mo ur treat nxt tym
kya ito na un. Hehehe
Pagkatapos
kumain at makapagligpit ay nagshower na siya para makapagpahinga ng maaga. Gaya
ng nakaugalian, nang matuyo na ang buhok pati buong katawan ay walang saplot na
sumampa na siya sa kama at saka natulog.
Nang
gabing iyon ay mas tumindi ang kaniyang naging panaginip. Nakita niya ang mga
pangyayari bago pumutok ang baril. May dalawang lalaki ang nagtatalo. Napansin
niyang hawak ng mas matangkad na lalaki ang sandata at iwinawagayway ito habang
nagsasalita sa malakas na boses, subalit hindi niya maintindihan kung ano ang
mga sinasabi nila. Maya maya ay biglang lumabo ang lahat, pagkatapos ay narinig
na naman niya ang putok at ang kasunod noon ay ang pag uulit ng kaniyang mga
nagdaang panaginip.
Journal
Entry
@garden
kiosk
Note:
ang sarap tumambay dito
Mamaya
ay makikita ko na naman siya sa klase. Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob
na kausapin siya... kahit masakit.
I
saw him again with this other guy. Tinanong ko ang isa naming kaklase kung ano
ang meron sa kaniya at sa lalaking parati niyang kasama. Sinabi naman nito ang
katagang ‘ang mag asawa’ sabay dugtong ng isang tawa.
So,
may iba na pala siya. I’m too late. Hindi ko na siya pwedeng guluhin. Baka mas
makasakit lang ako sa kaniya kung ipipilit ko pa ang sarili ko. Pero sa puntong
ito ay ako naman ang labis na nasasaktan.
It’s
hurting me to see him with somebody else. Hindi ko alam kung kakayanin ko ito.
Siguro kapag nakita ko na masaya siya, baka mabawasan ang sakit na nadarama ko.
Who
am I kidding? Kahit pa sabihing hangad ko ang kaniyang kaligayahan, mas
gugustuhin ko pa rin na ako ang makakapagbigay sa kaniya nun. Kapag nakikita ko
silang dalawa, parang sinasaksak ako ng paulit ulit. Kung pwede nga lang sana
na totohanin na lang ang pagsaksak sa akin ay gugustuhin ko pa iyon so that I
can only experience the pain once.
It’s
just too much to know na kakasimula ko pa lang ulit ay talo na pala ako. Para
akong tumakbo sa isang karera na tapos na pala. I can only hope that things
will turn out okay for me from now on. I know that I won’t have a better life
without him in it, because his presence is the one that makes it the best. Pero
ano pa nga ba ang magagawa ko?
Buti
na lang makikita ko na ulit siya ng malapitan. I miss the way he looks at me.
Sana magblush ulit siya. Ang cute niya kasi talagang tingnan kapag namumula ang
kaniyang mga pisngi.
Haizt,
may tao na paparating...
Woah!
He’s on his way here, and I even called out his name out loud without thinking. I guess this is
it. Wish me luck!
- - Halex
Journal
Entry
@class
Ang
saya ko na... sana. Kung hindi pa dumating ang lalaking iyon. Borrowed time na
nga lang, kailangan pa talagang istorbohin.
Ang
kulit niya pa rin kausap. Parang walang nagbago sa aming dalawa. I can’t
describe how much I love him. Words are not enough to give justice to what I
truly feel. Minsan naiisip ko na napaka inadequate ng human language.
I
once read it in a book na masyadong limited ang vocabulary ng tao. Ang salitang
love kung saan tinutukoy ang pinakaimportanteng tao ng buhay mo, kung minsan ay
mas importante pa sa buhay mo, ay ginagamit din bilang pantukoy sa mga material
na bagay o di kaya’y sa mga alagang hayup na kung tutuusin ay hindi naman
papantay sa kahalagahan ng taong mahal mo.
Ang
gulo, gaya din ng tao mismo. Kanina naramdaman ko na parang gusto rin naman
niya ako pero hindi ko kayang umasa. Baka sa bandang huli ay masasaktan lang
ako. Bugbog na ako masyado, at ayaw ko nang dagdagan pa ang aking pagdurusa sa
sarili kong kagagawan.
Pero
hindi ko pa rin mapigilan. Kaya naman bumabalik na naman ako sa dati kong gawi
when we were still together back in high school and even sa first year college.
Mamaya, bago pa dumami ang mga tao, mag iiwan ako ng kaunting regalo para sa
kaniya. Sana naman ay magustuhan niya ito kahit simple lang.
Hindi
na ako manggugulo. I just want to show my love for him through these simple
things, just like what I used to do back in the good old days.
- -
Halex
ITUTULOY
[03]
BIYERNES
NG HAPON, PAGKATAPOS NG PHILOSOPHY SUBJECT ay di na talaga maiwasan ni Grey ang
mag-alala para kay Hal. Matapos niya itong itext noong nakaraang araw para
imbitahan sa gimik na magaganap sa Sabado ay hindi ito nagreply. Inisip niya na
baka nagkamali ito ng pagbibigay ng cellphone number sa kaniya. Nahihiya naman
siyang tawagan ito dahil baka makulitan ito, at ang isiping wala naman itong
pakialam at siya lamang ang nagbibigay ng kulay sa pakitungo nito sa kaniya ang
mas lalong nagpigil kay Grey na kontakin ito ulit. Subalit kanina sa klase ay
hindi rin pumasok ang lalake.
“Balisa
ka na naman,” ang puna ng kaibigan niyang si Matt. Kasama niya ito na nakaupo
sa isa sa mga benches na nakapalibot sa buong campus. Free period nila ng mga
panahong iyon at wala na silang pasok pagkatapos nito subalit tinatamad pa
silang umuwi, idagdag pa na kailangan din nilang tapusin ang article review na
pangdalawahang assignment nila sa isang subject, at siyempre, sila ang
magpartner.
Nakaupo
si Matt sa may damuhan habang nakabukas naman ang laptop nito sa ibabaw ng
bench. Kanina pa ito tipa ng tipa sa keyboard upang sagutan ang mga katanungan
sa kanilang aralin habang si Grey naman ay nakatanaw sa kawalan. Tinatanong na
pala siya nito kung ano pa ang idadagdag niya sa review nila subalit wala
siyang napansin.
“Sorry
tol, lumilipad isip ko,” hinging paumanhin ni Grey sa kaibigan.
“Pansin
ko nga. Ano ba kasi talaga ang gumugulo sa isip mo? Ilang araw na kitang
nakikitang ganyan.”
“Wala
to tol,” sagot niya, subalit binawi din naman agad. “Actually, Matt may tanong
ako sayo.”
“Shoot,
pare. You asked the right guy. I’m Matt, and I know them all,” ang pabirong
tugon nito.
“Loko
ka. Huwag na nga lang.”
“Tampo
ka naman agad. Sige na. Ano yun?”
Humugot
muna ng malalim na hininga si Grey bago nagsalita. “Langhiya, nahihirapan ako kung pano to
sasabihin-”
“TIME-OUT!
Huwag mong sabihing nababading ka na sakin,” biglang singit ng kaniyang
kaibigan.
Siya
nama’y biglang namutla sa sinambit nito. Para pagtakpan ang biglang pagpapanic
niya ay sinuntok niya si Matt sa braso.
“Adik
ka ba? Malabo mangyari yun. At kung sakali mang maging bading ako,
hinding-hindi ako magkakagusto sayo, adik,” bulyaw niya dito.
“Aray
ko naman. Sobrang seryoso mo. Alala kong nakakadalawa ka na sakin ha,” angal
nito na ang tinutukoy ay ang pambabatok niya dito noong nakaraang araw sa
canteen kung saan hindi pa ito nakakaganti.
“Sorry
tol.”
“Oo
na. Basta may utang ka sa aking suntok at batok. Ano na ulit yung itatanong mo
sakin?,” pagbabalik ni Matt sa pinag-uusapan nila kanina.
“Huwag
na. Nawala na ako sa moment,” sagot niya, sabay balik sa binabasang article.
“Masyado
ka ng matampuhin ha. Kung di pa kita kilala, aakalain kong pusong mamon ka.”
Walang
maisip na sabihin si Grey sa tinuran ng kaibigan kaya minabuti na lamang niyang
huwag kumibo. Humaba ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa muli siyang
magsalita.
“Tol,
mahal mo ba talaga si Carla?”
Kagyat
na nagdilim ang mukha ni Matt sa narinig subalit hindi ito napansin ni Grey
dahil nakatutok ang paningin niya sa binabasa kahit pa nga ba wala naman siyang
maintindihan dito.
“Mahal
ko siya tol. Mahal na mahal,” ang mahina ngunit klarong turan nito.
“Talaga
tol? Pano mo naman nasisiguro na pagmamahal na talaga ang nararamdaman mo?”
parang wala siyang napansin sa pagbabago ng mood ng kaibigan at patuloy pa rin
niyang inusisa ito.
“I
don’t know, man. Ang alam ko lang ay parati ko siyang naiisip. Kapag nakikita
ko siya, nagliliwanag ang paligid ko, but I can’t seem to find the courage to
talk to her,” malumanay na paliwanag ni Matt habang nakatingala sa kawalan.
“Tol,
parang ganyan na rin ang nararamdaman ko ngayon,” ang wala sa isip na sabi
niya.
Bigla
na namang tumalim ang tingin ng kaniyang kaibigan subalit pinalitan agad nito
ng isang mapagbirong ngiti. “Talaga? Sino namang malas na babae ang napupusuan
mo?”
Bigla
na namang natahimik si Grey, subalit agad din naman siyang nakabawi. “Huwag mo
na munang alamin tol. Naguguluhan pa ako. At saka, ayoko munang isipin.
Komplikado.”
“Naks
naman. May pakomplika-komplikado ka pa. Para namang di tayo magbespren nito.”
Hindi
na nakasagot si Grey sa sinabi ng kaibigan dahil may lumapit na guard sa
kanilang dalawa, kasama ang isang lalake na sa tantiya niya ay delivery boy.
“Grey,
may naghahanap sayo,” ang sabi ng guwardiya ng eskwelahan nila.
“Salamat
po,” tugon naman niya dito bago ito tuluyang tumalikod at bumalik sa pwesto.
“Kayo
po ba si Grey?” ang tanong ng delivery boy.
“Oo,
ako nga,” ang sagot niya, sabay pakita ng kaniyang school ID.
“Pakipirmahan
na lang po dito,” ang sabi ng lalake habang inaabot sa kaniya ng isang pirasong
papel.
Saka
lamang napansin ni Grey ang bitbit nitong kahon na ipinasa sa kaniya.
“Salamat
po,” ang tangi niyang naisambit. Naguguluhan siya kung ano ang laman ng package
at kung galing kanino ito.
“Wow,
utol. Ano kaya ang laman niyan?” ang biglang singit ni Matt.
Nakaalis
na ang delivery boy kaya nagawa nitong agawin mula kay Grey ang box. Pahaba ito
na parang sa isang wine subalit mas malapad at malaki. Dali-dali namang
nabuksan ito ng kaniyang kaibigan kaya wala na siyang nagawa kundi ang tingnan
na lamang ito. Sa loob ay isa pang bilugang latang container ang nakita niya na
kulay blue. At nang buksan ito ni Matt ay tumambad ang ulo ng isang teddy bear
na kulay asul din. Kay amo ng mukha nito at talaga namang ang cute tingnan.
Ipinasa naman agad ni Matt ang package sa kaniya ng mapagtanto nito na isang
regalo ang stuffed toy at nakalaan yun kay Grey.
“Ang
sweet naman ng nagpadala niyan, utol. Check mo sa loob, baka may card.”
Hindi
nga nagkamali ang kaniyang kaibigan. Sa loob ay may puting sobre na nasusulatan
ng ‘Greyson’. Kilala niya ang ang sulat-kamay na ito.
Excited
na binuksan ito ni Grey at binasa ang nilalaman:
I’m
sorry, I was not able to respond to your message. Nagkasakit ako kaya hindi rin
ako nakapasok ng dalawang araw. Anyways, I just want to say na aasahan kita sa
Sabado. I’ll be there.
By
the way, sana magustuhan mo ito. Sa tingin ko, paboritong kulay mo ang blue
kaya yan ang napili kong ibigay sa’yo. I hope that I’m not making you
uncomfortable. I just wanna do these things for you.
Masaya
na ako kung tatanggapin mo yung mga binibigay ko.
I
can’t wait for Saturday.
I’m
trying, Greyson, but I can’t seem to get you out of my system.
See
you soon,
-Halex
Hindi
mapigilan ni Grey ang mapangiti ng malapad habang binabasa ang mensahe ni Hal.
Parang kinukuryente ang buo niyang katawan sa tuwing nakikita niya ang teddy
bear na pinadala nito, hangang sa hindi niya na matiis at niyakap ang stuffed
toy ng pagkahigpit higpit.
“Tol,
namumula ka. Ngayon lang kita nakitang namumula,” ang sinabi ni Matt ang
nagpabalik sa kaniya sa katinuan. Nakita niya itong nakatingin sa kaniya na
nakasalubong ang kilay subalit dagli din nitong pinalitan ang mukha ng ngiti na
may halong panunudyo.
“Sino
ang nagpadala? Siya ba yung napupusuan mo, utol?” dagdag pang tanong nito.
Hindi
alam ni Grey kung ano ang isasagot. Buti na lamang at nang mga panahong iyon ay
lumapit sa kanila si Sheila kasama ang iba nilang kaklase.
“Grey,
text-text na lang bukas ha,” ang sambit ng babae sabay kindat pa.
Mag-uusisa
pa sana si Matt ng biglang may tumili sa isa sa kanilang kaklase.
“Wow!
Ang cute. Kaninong teddy bear yan? Pwede bang pahawak?” at iyon na ang
pinagtuonan ng atensyon ng mga bagong dating kaya naman nagkaroon si Grey ng
pagkakataong itago sa kaniyang bag ang sulat ni Hal.
“Siya
nga pala, Matt, labas tayo bukas ha, kasama sina Sheila. Nakalimutan kong
sabihin sayo,” ang pag iiba niya ng usapan para mawala sa isip ng kaibigan ang
identity ng nagpadala ng regalo.
“Ah,
ok. Sige, text mo na lang ako,” ayun na lang ang naging tugon ni Matt. Sa di
kalayuan ay nakita nito si Carla na nakatanaw sa kanila, kasama ang mga
kaibigan nito. Subalit ng mapansin ng babae na nakita siya ni Matt ay
pinamulahan ito ng mukha at nag-aya na sa mga kaibigan na umalis na.
“Tol,
ayos na siguro tong assignment natin. Mauuna na akong umuwi sayo,” ang biglang
sabi ni Matt kay Grey, ang boses ay kababakasan ng kaunting pagkairita.
“Tol,
sandali. Sabay na tayo. Huy mga loko kayo, akin na yan. Kay bago-bago pa pero
dinumihan niyo na,” ang biro niya sa mga kaklase sabay tawa habang hinahablot
ang teddy bear.
“Mauuna
na kami,” baling naman ni Matt sa mga kaibigan at sabay na silang naglakad ni
Grey palabas ng campus.
“MAUNA
NA KAYONG PUMASOK. HIHINTAYIN KO LANG SI MATT,” ang sabi ni Grey sa kaniyang
mga kasama. Nasa labas sila ng isang restobar kung saan maririnig na ang
masayang tugtugin ng live band sa loob. Madalas silang maghang-out dito dahil
bukod sa masarap ang mga pagkaing paninda ay pwede pa silang mag-inuman at
magsayawan habang may tumutugtog na banda.
Asan
na kaya ang mokong na yun, ang naisip ni Grey habang palakad lakad siya sa
labas ng naturang establishment. Ugali na ni Matt ang maging late sa mga lakad
nila kaya naman di na siya nagtataka na late din ang kaibigan sa gabing yun.
Subalit ang totoong pinag-aalala niya ay kung nasaan na si Hal. Tinext niya ito
kaninang umaga para magpasalamat sa regalo na natanggap niya at para sabihan na
rin ito kung saan sila magkikita. This time, nagreply na ang lalake at sinabing
huwag siyang mag alala dahil pupunta talaga ito. Kaya naman todo ang excitement
niya para sa gabing iyon.
Hindi
siya mapakali kanina sa pagpili kung ano ang isusuot. Sa bandang huli,
napagdesisyunan niyang mag puting t-shirt na lang na bakat sa kaniyang slim na
pangangatawan at maong na pantalon na may pilas sa bandang tuhod. Simple ngunit
nakakaakit siyang tingnan sa kaniyang get-up. Patunay dito ang pagtitig sa
kaniya ng mga kababaihan at kabaklaan na pumapasok sa resto. Ngunit wala sa
kanila ang pansin ni Grey. Hindi siya mapakali na parang ninenerbyos na lalabas
sa kauna unahang date ng buhay niya.
“Tol,
sorry natraffic ako. Asan na sila?” ang biglang pagsulpot ni Matt sa tagiliran
niya. Hindi man lamang niya napansin ang paglapit nito.
“Huwag
ka ng magdahilan. Para namang di pa ako sanay sayo,” ang sagot naman niya dito.
“Nasa loob na sila. Pinauna ko na. Baka tubuan pa ng ugat kakahintay sayo.”
“Sobra
naman ito. Sorry na nga. Tara, pasok na tayo,” ang paghingi ulit ng paumanhin
ni Matt.
Subalit
nagdalawang isip siya na ihakbang ang kaniyang mga paa papasok sa gusali.
“May
hinihintay pa ba tayo?” ang biglang tanong ng kaibigan na napansin pala ang pag
aatubili niya sa pagpasok.
“Ah,
wala. Wala na. Sige, pasok na tayo,” yun lang at nagtuluy-tuloy na sila sa mesa
na inihanda nina Sheila para sa grupo nila.
“Ayan
na pala ang mag-asawa,” ang pambungad ng isa nilang kaklase. “Simulan na natin
ang kasiyahan.”
“Matt,
ang pogi mo talaga. Tabihan mo naman ako,” ang hirit naman ng isa pa nilang
kasamang babae.
Talaga
naman kasing nakakaakit ang porma ni Matt sa suot nitong polo shirt na bakat
din sa katawan at maong pants. Umaapaw ang sex appeal ng kaibigan niya lalo
pa’t dinagdagan nito ang look ng salamin na bagamat walang grado ay
nakapagbigay naman dito ng imahe na maginoo, pero dahil skin head ay mas lalong
naging kaakit akit sa mata ng mga kababaihan at kabadingan. Nagmukha itong
disente na may itinatagong kalokohan.
Pagkaupo
pa lang ay inabutan na silang dalawa ng tig iisang bote ng alak at kaniya
kaniyang menu para maka order ng makakain.
“Dalawang
order ng sisig, apat na chicken gizzard barbecue at tatlong order ng kanin,”
ang tugon ni Matt sa dumating na waiter.
“Para
sayo lahat yun?” ang nabiglang tanong ni Sheila dahil sa dami ng inorder nito.
“Hindi
ah. Grey, ayos na ba yun?” ang baling nito sa kaniya.
“Oo
tol, salamat,” tumitingin si Grey sa menu pero nahalata ni Matt na parang wala
naman sa binabasa ang kaniyang atensyon. Kaya naman nakapagpasya na lang ito na
umorder para sa kanilang dalawa. Ang totoo nito ay nasa lalaking hindi pa
dumadating ang isip niya at gumagapang na ang disappointment sa damdamin niya
ng mga sandaling iyon dahil parang hindi sisipot si Hal.
“Alam
na alam ni Matt ang gusto ng asawa niya ah,” ang pabirong sambit ni Martin, isa
sa kanilang mga kasama.
“Oo
naman. Pareho kaya kami ng paborito ng loves ko. Diba mahal?” sinakyan naman ni
Matt ang sinabi nito sabay abot sa kamay ni Grey.
“Oo
love. Kaya naman love kita eh,” ang pabiro niya na ring tugon at inabot ang
nakalahad na palad ng kaibigan. Marahan niya itong pinisil at binigyan ng nang
aakit na ngiti. Subalit pansin ni Matt na hindi umabot sa kaniyang mga mata ang
ngiting iyon.
“What’s
wrong?” ang pag aalala nito sa kaniya. Subalit hindi na nakuhang sumagot ni
Grey dahil umeksena na si Sheila.
“Matt,
huwag ka na nga. Alam kong biruan niyo lang yan pero sa gabing ito, kahit biro,
bawal! Akin si Grey ngayon,” ang malanding tugon nito sabay hilig sa kaniyang
braso.
Tawanan
ang lahat ng nasa mesa nila. Nagkatinginan na lang sina Matt at Grey at sabay
pa na napailing.
Nang
dumating na ang kanilang inorder na pagkain ay nilantakan agad ito nina Grey at
Matt. Tig iisa at kalahati sila ng rice, tig isang order ng sisig, at tig
dadalawang chicken gizzard. Sanay na sila sa isa’t isa kaya naman kung kumilos
kahit sa pagkain ay animo’y synchronized sila. Nariyang hindi pa sasabihin ni
Matt ay iaabot na ni Grey ang toyo dito habang ito naman ay naglalagay ng
kalamansi at pumipiga ng sili sa sawsawan nila. Ito na rin ang naglagay ng
kalamansi sa kanilang sisig at siya naman ang
nagbudbod ng toyo. Alam na nila kung ano ang gusto ng isa’t isa kaya
kung titingnan ay para talaga silang may relasyon.
“Ang
sweet niyong dalawa. Magtigil nga kayo. Nakakairita!” bulyaw na naman ni Sheila
sa kanila, sabay tawanan ng grupo.
MAGHAHATING
GABI NA AT NAPAPARAMI NA RIN ANG NAIINOM NI GREY AT NG KANIYANG MGA KASAMA.
Tuloy pa rin ang tawanan, kulitan at kwentuhan nila. Sa pagdaan ng mga oras,
napagtanto na niya na di na talaga dadating ang lalake kaya naman minabuti na
lamang niyang ienjoy ang gabing iyon. Sumasabay siya sa mga biruan ng grupo at
kung tumutugtog ang banda ng pangsayaw na awitin ay tumatayo din sila ng mga
kaibigan papunta sa dance floor. Nararamdaman na nilang lahat ang tama ng alak,
kaya naman ang mga babaeng kasama nila ay dikit na ng dikit sa kanilang dalawa
ni Matt. Kapag nagsasayaw ay gumigiling ang mga ito sabay hawak sa kanilang mga
batok, inaakit sila gamit ang malalambot na mga katawan at mga titig na parang
nag aapoy.
Nang
magpatugtog ang banda ng isang mabagal at malamyos na tugtugin ay hinablot siya
ni Sheila para maging partner nito. Subalit hindi na niya makayanan at ihing
ihi na siya ng mga panahong iyon kaya nagpaumanhin siya dito na pupunta muna sa
CR. Dinig pa rin niya ang awitin ng banda sa loob ng cubicle dahil sa likod
lang ng mini-stage matatagpuan ang palikuran. Nang papunta na siya sa lababo
para maghugas ng kamay ay sabay na natapos din ang awitin. Maya maya ay narinig
niyang nagsalita ang singer ng banda.
“Thank
you sa lahat ng nakikisaya sa amin dito ngayong gabi. This time, may isa na
naman po tayong panauhin from one of our customers.”
Pang
lima na itong taong ito sa mga nagrequest na maki-jam sa bandang nakasalang
ngayong gabi. Mas lalong nag eenjoy ang mga parokyanong pumupunta sa lugar na
iyon dahil pwede silang magrequest ng mga awitin na ipapatugtog sa banda, at
kung malakas ang loob nila ay maaari din silang kumanta sa harap.
“This
is for you,” ang tugon ng lalakeng bagong salang sa entablado bago pumailanlang
ang isang mellow na tugtugin.
Biglang
kinabahan si Grey ng marinig niya ang tinig na iyon. Wala sa sarili na naglakad
siya palabas ng CR. Kumakanta na ang lalake. Ramdam niya ang bawat salita na
inaawit nito. Tagos sa kaniyang puso ang mensahe na pinaparating ng kanta. Ang
tinig nito ay parang maiiyak, isang tao na matagal nang nangungulila. Hindi
niya maintindihan subalit naaapektuhan siya ng pagkanta nito. Pakiwari niya ay
para sa kaniya ang awit na iyon.
Nakarating
na siya sa gilid ng stage. Nakita niya si Hal sa gitna, hawak hawak ang stand
ng mikropono. Nakapikit ito, ninanamnam ang bawat salita ng kanta. Subalit
sadya yatang may koneksyon silang dalawa. Nang maramdaman nito ang presensya
niya ay dahan dahang dumilat ang mga mata ni Hal sabay lingon sa kaniyang
direksyon. Titig na titig ito sa kaniyang mga mata habang umaawit.
Pakiramdam
niya ay silang dalawa lang ang tao sa lugar na iyon at para sa tenga lamang
niya ang kanta nito. Wari niya ay nagdilim ang kaniyang paligid at ang nag
iisang spotlight ay nakatutok lamang sa lalakeng nakatayo sa kaniyang harapan,
hinaharana siya.
Sa
di maintidihang kadahilanan ay namasa ang kaniyang mga mata habang nakikinig
dito at pansin din niyang ganun din ang nangyayari kay Hal.
Ibinalik
siya sa tamang huwisyo ng malakas na palakpakan ng mga tao sa paligid. Bago pa
man tumulo ang kaniyang luha ay pasimple niya itong pinahid gamit ang likod ng
kaniyang palad. Pag angat niya ng mukha ay nakita niya si Hal na naglalakad
pababa ng entablado, palapit sa kaniya.
Journal
Entry
@my
bedroom
Note:
Ang sakit ng katawan ko at nilalamig ako. Dyaheng trangkaso naman ito.
He
invited me! Wow. Ang sarap sa pakiramdam.
I
didn’t know what to expect after I left a message and a picture on his desk.
Scratch
that...
Actually,
inakala ko na magagalit siya sa akin at iisipin niyang inappropriate yung
ginawa ko.
Pero
hindi…
At
ininvite pa niya akong gumimik. Wow.
Sa
sobrang excitement ko ay hindi ako nakatulog. Buong magdamag kong inisip kung
ano ang mangyayari sa Sabado. I want to spend time with him alone. Kahit
paminsan minsan lang ay makasama ko siya, sobrang saya ko na. Hindi ko alam kung
anong gagawin namin pero basta anjan siya, wala akong pakialam kahit umupo lang
kami sa isang tabi at mag-usap buong gabi.
Haiz!
Sana
mawala na tong sama ng pakiramdam ko. Kakausapin ko na lang siya bukas para
malaman ko kung saan at anong oras kami magkikita.
-Halex
Journal
Entry
@my
bedroom
Note:
ASAR!!!
Friday
ngayon. Makikita ko sana siya sa Philo class namin pero ang sama pa rin ng
pakiramdam ko. Di ko pa kayang pumasok. Dang it!
Ano
na kaya ginagawa niya ngayon? Hindi na siya nagtext ulit. Galit kaya talaga
siya sakin?
Naguguluhan
na ako. Hindi ko alam kung tuloy pa kami sa Sabado. Sana naman di siya
nagcancel. I really want to be with him.
Mamayang
tanghali kung mejo ok na ang pakiramdam ko, pupunta na lang ako sa mall sa
labas. I want him to know that I am looking forward sa sabado. And at the same
time, gusto ko siyang bigyan ng regalo.
Naaalala
ko pa na gusto niya ang bear hugs kaso lang hindi siya makabili dahil sa takot
na baka magtanong ang parents niya kung bakit may mga stuffed toys siya sa
kwarto niya. Siguro naman ngayon na malaki na siya, hindi na makikialam masyado
ang mama at papa niya. I hope that he’ll like it.
Breakfast
na muna ako. Hindi pwede ito. Kailangan kong magpagaling para bukas.
-Halex
Journal
Entry
@restobar
Note:
I wanna get wasted!
I
saw him… with his friends… and boyfriend.
Kanina
pa ako andito. Akala ko kami lang dalawa ang lalabas. I was wrong. Nakita ko
ang grupo nilang pumasok.
Ang
sweet nilang dalawa ng nobyo niya. Kulang na lang magsubuan sila.
I
hate this feeling. I hate being jealous. But I can’t help it. Sobrang sakit.
Hindi
ko alam kung kakayanin ko pang magstay dito. Ayokong nakikita siya sa piling ng
iba, pero di ko rin naman kayang umalis. I haven’t seen him in almost three
days, and I missed him so much. I wanna drink the sight of him, kahit na sa
malayo lang ako. At saka parang may problema siya. I can see it in his eyes.
Dito
na lang muna ako. Pero ayoko muna na magpakita sa kaniya o malaman niya na
andito ako. At the very least, not now na wala pa akong lakas ng loob. Siguro
mamaya pag natamaan na ako ng alak. And who knows? Baka kumapal ang mukha ko at
kantahan ko pa siya sa harap ng stage.
What
am I thinking! Baliw na yata talaga ako.
Yes!
Baliw talaga ako. I’m crazy for you, Greyson. I’m still deeply and madly inlove
with you.
Please
be with me one more time. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I hope I
have the courage to say this to your face and just be done with it. Pero takot
ako. Sobrang takot ako na baka ipagtabuyan mo lang ako at magalit ka sakin ng
tuluyan lalo na kapag bumalik na ang alaala mo. That’s what I fear the most. I
don’t know what to do kapag nangyari yun.
-Halex
ITUTULOY
No comments:
Post a Comment