By: Chan Erange
Email: chan.erange@gmail.com
Blog: storyforspecialhearts.blogspot.com
“IKAW!” sabay nilang
sigaw.Medyo na bulabog ang mga tao sa La Mia Taza at medyo na pansin ito ng
manager kaya naman lumapit ito at nagtanong ng nangyayari.
“Um sir meron po bang problema?”
tanong ng manager
“Ah wala naman” sabi ni Nico habang
nakasmile ng sobrang tamis
“Ganoon ho ba? Medyo na bulabog
kasi ang ibang customer” sabi ulit ng manager
“Um Sir we’re sorry for the
commotion that we made but everything’s fine” sabi naman ni Mark. Na medyo
kinatakutan ng manager dahil sa aura nitong nakakatakot.
“Ok sir” pagkasabi nito ay dali
daling umalis. Sa pagalis ng manager ay natahimik ang dalawang campo. At umopo
na si Mark paharap kay Nico. Sa pagupo ni Mark hindi sinasadyang matitigan ito
ni Nico at medyo nainis si Mark sa ginawa niya.
“Bat ka nakatingin ng ganyan?”
tanong ni Mark na may diin
“W-Wala. Akala ko kasi ikaw yung
nakikita ko sa labas na baliw” sabay tawa
“Pwede ba andito ako para sa
business so let’s just talk business”
“Alam mo bang kanina pa kami
naghihintay sayo” medyo umiinit na ang mga campo
“Sa tingin mo. Syempre alam ko yun
kaya nga nagmamadali ako pumunta dito at ang dadatnan ko lang pala eh mga taong
naguusap na para bang date ito.” Ratrat ni Mark
“Ako kasi kinakausap ko ng maayos
ang mga taong nagiging cliente ko para naman magi silang comportable sa akin at
mga pauusapan. At alam kong hindi ito date kinikilala ko lang ng mabuti ang mga
cliente ko!” Ratrat naman ni Nico.
“Let’s talk business alright guys”
awat ni Alex sa dalawa dahil baka makagawa nanaman ito ng commotion sa shop
“Oo nga naman” sabat naman ni
Jamie. At dahil doon natauhan ang dalawa at pinagusapan na ang business. Ilang
oras rin silang nag usap at sinabi ang mga condisyones sa pagiging partner
nila. At ayon na nga nag signing of contract na at natapos na ang lahat. Tumayo
na si Nico at papalabas na ng.
“AHhhhhhhhhhhhh!” sigaw ni Nico
dahil na rin sa my hindi siyang napansing paa na nakaharang sa kaniyang daanan.
Dali daling tumayo si Alex at sinalo si Nico. Dahil sa pagkakasalo ni Alex kay
Nico ay saglit na tumigil ang mundo ni Nico. “Shit, ang gwapo talaga ni Alex
maslalo na sa malapitan.” sabi nito sa isip niya.
“Nico ayos ka lang ba?” tanong ni
Alex na nagpabalik kay Nico sa realidad
“Ah eh anu...Ok lang ako” taranta
sagot ni Nico. At itinayo na siya ni Alex
“S-Salamat nga pala Alex” sabi Nico
“Ah wala yun” sabi naman ni Alex.
“Ah sige mauna na kami” sabay hila
kay Jamie na nakaupo pa. Ngunit walang nagawa si Jamie at sumunod na kay Nico.
Nasa pintuan na sana sila ng my humawak kay Nico ng kaniyang kamay na
nagpatigil sa kaniya, sasapakin na sana niya ang taong yun ngunit nakita niya
si Alex na my dalang panyo.
“Oh nahulog mo Nico”
“Ah salamat ulit” sabay kuha ng
panyo
“Ah Nico....May itatanong sana ako”
medyo nahihiyang sabi ni Alex
“Anu yun Alex?”
“Pwede ko bang mahingi ang number
mo?” tanong ni Alex
“Ah yun lang ba oh ito” sabay bigay
ng kaniyang calling card
“Ah sige salamat ulit Alex” sabay ngiti si
Nico na napakatamis. Lingin sa kanilang lahat ay nakamasid lang si Mark sa
lahat ng ngayayari. Ang akala niya ay gegerahin siya ni Nico dahil sa
pagkatisod nito ngunit bigo siya at sa tuwing nakikita niya si Nico ay umiinit
talaga ang dugo niya.
Samantala pagkatapos
ng usapan iyon ay dumeretso na sila Nico sa restaurant:
Naka upo sila Nico sa opisina niya
sa loob ng restaurant at kasama si Jamie.
“Haiiiiiiiiii” sabi ni Nico
“Hoy nagdedaydream ka nanaman Nico”
“Ikaw ba naman kasi unang taong
humingi ng Number mo”
“Ngek number lang naman ah eh an
rami kaya ng humihingi ng number mo ng college and high school hindi mo
binibigay kasi ang sabi mo mauna ang studies mo. Tapos ngayong tapos kana at my
sarili ng resto eh marami parin huminhingi di mo naman binibigay. Kay Alex lang
yata ah.” Ratsada ni Jamie
“Eh sa angwapo naman noon eh at isa
pa mayaman dream guy ko na yun te. Pasalamat yung isa doon hindi ko na siya
geneyera dahil sa nataranta ako sa giniwa ni Alex sus kong hindi lang sana ako
na salo ni Alex kakalbohin ko yung isang yun!” galit na sabi ni Nico
“Ganoon haba ng hair mo ah. Hay
naku masgusto ko si Mark ang gwapo at naks sa attitude.”
“He! anu naman kung gwapo yun eh
ansama naman kaya ng ugali ni hindi nga nagpakilala sayo at saakin diba”
“Ay oo nga no pero gash ang gwapo
talaga”
“Hay naku bes mabuti pa bumalik
kana sa opisina mo at baka anu pang mapagusapan natin”
“Mabuti pa nga” umalis si Jamie sa
at naiwan si Nico na nagiisa at nagiisip kay Alex
Sa kabilang dako
naman ng ating storya:
Nasa opisina na rin si Mark at si
Alex na pinagusapan ang nangyari kanina
“Nakakainis talaga!” bulyaw ni Mark
“Anu naman kinaiinisan mo?”
“Yung Nicong yun. Hay makita ko
lang eh nabwibwisit na ako. At isa pa Alex bakit mo pala hiningi number noon
wag mong sabihin na my gusto ka doon.”
“Anu ba ikinagagalit mo kay Nico
ha? Eh anu ngayon kung gusto ko yung tao alam mo naman na BI ako ah.”
“Eh yun kaya yung nakatama sakin sa
ulo sa coffee shop. At isa pa pagnakikita ko yun eh nabwibwisit talaga ako ng
di ko alam. Anu!? Alam kong BI ka Alex pro hindi ganoon mga gusto mong diba?”
“Hindi ko rin alam bro basta nong
kasama ko si Nico parang angaan ng loob ko. Parang ansarap niya protektahan at
ansarap ng pakiramdam pag tumatawa siya”
“Don’t tell me bro you’re in love with
that fag?
“Maybe, I’m not sure. Eh anu naman
kung in love nga ako kay Nico. Wag mong sabihing nababakla kana sakin bro?”
“Gago, hindi anu. Nakakabwisit lang
talaga yun Nicong yun. I hope I never see him again”
“Bahala ka nga sa buhay mo bro. Oh
siya aalis na ako at my gagawin pa ako sa office ko. Just call me if you need
me and wala pa pala akong pamalit na secretary mo. Ayaw na yata ng mga hiring
company na magbigay dahil lahat naman daw eh nasisisante kung hindi isang araw
mga oras palang wala na.”
“Oh sige ako na muna magmamanage
kaya ko naman .”
“Sure ka dyan ha?”
“Oo nga umalis kana kaya”
Pagkasabi ni Mark noon ay hindi na
nagsalita pa si Alex at umalis na ng opisina. Habang naiwan si Mark na nagiisip
kung pano makagaganti kay Nico.
Kinabukasan sa ating
bidang si Nico
Nakaupo si Nico sa opisina niya at
ginagawa ang lahat ng gawain ng biglang mag ring ang cellphone niya dali dali
naman niya itong sinagot.
“Hello this is Nico speaking”
“Ah Nico this is Atty. Alex”
“Oh ikaw pala Alex bakit napatawag
ka? Akala ko kung sino na”
“Ah ganoon ba. Um Nico my gagawin
kaba after work?”
“Wala naman bakit?” medyo kinikilig
na si Nico dahil alam niyang yayain siya ni Alex na mag date
“Mabuti naman. Yayain sana kitang
kumain sa labas. So I’ll pick you up at 6?”
“Sure” gustong humiyaw ng puso ni
Nico dahil sa kilig.
“Ah sige so 6?”
“Oo nga. Ulit ulit kana yata ah?”
natatawang sabi ni Nico
“Ah ganoon ba medyo excited yata
ako. Oh sige bye na baka nakakaistorbo na ako sa ginagawa mo.”
“Ok lang yun basta ikaw Alex wala
ko pakialam sa mga gagawin ko.” Gusto sanang isatinig ni Nico ngunit hindi niya
nagawa dahil alam niyang magmumukha siyang tanga at malandi.
“Ah sige. Di naman konti lang naman
ginagawa ko.”
“Oh sige bye Nico see you Later”
“Bye Alex. Later” pagkatapos noon
ay pinindot na niya ang end call. Lumipas ang oras at naghanda na si Nico sa
Date nila ni Alex. Paglabas na paglabas ni Nico sa office ay nakita sa labas ng
resto ang isang na sa tingin niya ay kay
Alex. Kaya naman humugot siya ng isang buntong hininga, iniligay ang
napakatamis niyang ngiti at lumabas sa resto. Hindi nga nagkamali si Nico kotse
nga ito ni Alex kaya naman paglabas na paglabas niya ay binusinahan agad siya
ni Alex at ibinaba ang salamin ng kotse
“Nico!” sigaw ni Alex kay Nico
“Ako nga bakit?” tanong ni Nico na
nakangiti
“Sandali alam ko may pupuntahan
ako. Alam mo ba kung sino ang sundo ko Alex?” dongtong nito
“Sandali sino naman kaya yung
hinihintay kong cute? Ikaw ba yun Nico”
“Ako cute hindi ako cute gwapo
ako?” sabay tawa. Sa pagtawa ni Nico ay hindi niya namalayan na nasaharapan na
niya pala si Alex.
“Ay Kabayo!” gulat na sabi ni Nico
“Ako kabayo?” sarkastikong tanong
ni Alex
“Nang gugulat ka naman eh”
“HIndi kaya ikaw lang naman ang
gugmulat sa sarili mo.” Tawang sabi nito
“Ah ganoon edi hindi na lang ako
sasama” tampong sabi ni Nico
“Oh sige na ako na po ang may
kasalanan. Sorry na” sabay luhod
“UY anu kaba anraming nakakita
tumayo ka nga”
“Hindi ako tatayo hanggat hindi ka
nagsasabing sasama ka”
“Oh sige na sasama na ako. Para
tayo nitong magjowa tumayo kana nga”
“Bakit ayaw mo ba?” tumayo na si
Alex.
“Ngek ni hindi ka panga nanliligaw
eh” hindi na sumagot si Alex at pinagbuksan na lang si Nico ng pintuan.
Naintindihan naman ni Nico ang ibig sabihin ng ginawa ni Alex kaya pumasok siya
sa kotse at pumasok na rin si Alex. Nasa driver seat si Alex habang si Nico
naman ay katabi nito. At pumunta na sila
sa kanilang destinasyon. Inihinto ni Alex ang sasakyan sa harap ng isang
resort.
“Hanggang dito muna tayo Nico”
“Bakit naman?”
“Mabliblindfold ka muna”
“Ngek kailangan ba talaga yun?
“Oo sympre para
surprise”
“Edi magblindfold”
“Lumabas si Nico sa kotse at
tumalikod kay Alex” lingayan naman ni Alex ng blindfold si Nico. At nagsimula
na silang maglakad. Mula sa tiles ng resort ay naramdaman na niya ang buhangin
sa paa at naririnig na niya rin ang alon mula sa dagat at umiihip na rin ang
malumanay an hanggin sa tabing dagat. Dahan dahang inalis ni Alex ang blindfold
at.
“WOW” nanlaki ang mga mata ni Nico
sa nakita
No comments:
Post a Comment