Tuesday, January 15, 2013

Bawal na Pag-ibig: The Knight and His Shining Armor

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


“My God! My God! Ano iyan? Alisin niyo. Alisin niyo. Nakakatakot. Tulong.. Tulong..” pasigaw na mga salit ng guro namin.

Nilingon ko si Jayson at nakita kong tumakbo papunta sa guro namin.

Nakita ko rin na pinulot niya ang kanyang alaga na salamander at dali-daling inilagay sa loob ng kanyang bag.


“JAYSON! Bakit meron ka niyan? Hindi iyan puwede sa loob ng silid ko!” Galit na sambit ng guro namin

“Come here!” utos ni maam kay Jayson

“Give me your hand!” dagdag n autos ni maam kay Jason

Maya’t-maya ay kinuha ni maam ang kanyang maliit na stick na ginagamit sa pagturo at pinalo ang kamay ni Jayson.

Naawa naman ako sa kanya kaya napatayo ako at

“Ma’am tama na po iyan. Ako ang may-ari noon. Hindi po siya!” pasigaw kong paninindigan sa aming guro.

“Is this true Jayson?” tanong ni maam kay Jayson.

“Hindi po maam. Ako po ang mayari ng salamander maam” padepensang sagot ni Jayson

“Hindi Jayson. Akin iyon!” mabilisang sagot ko.

“Oh come on! Ayaw ko ang nagsisinungaling. Sino ang may-ari?

Sabay kami ni Jayson na tinuro ang aming mga sarili.

“Dennis come here” galit na utos ni maam sa akin.

“I don’t believe this Dennis. Pero walang exemption. Give me your hand” utos ni maam sabay itinaas ang kanyang maliit na stick.

Pinalo rin ni maam ang aking kamay at ang kamay ni Jayson.

“Sa susunod huwag niyo nang gawin ito. Maari ba?” mahinahong tanong ng guro namin.

“Yes Maam. Sorry po Maam” sabay naming sambit ni Jayson

“Dagdag na parusa sa inyong dalawa. Kayo ang maglilinis ng silid-aralan natin.Ok?

“Yes Maam”

Maagang natapos ang klase namin kaya inumpisahan na namin ang paglinis ng silid-aralan.

“Dennis sorry ha? Sana huwag kang magalit” sambit ni Jayson habang pinupunasan ang blackboard.

“Okay lang iyon. Magkaibigan naman tayo diba?” sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga upuan.

“Talaga? Bestfriend?” tanong ni jayson at humarap sa akin.

“Syempre! Oo! Ikaw pa!” sagot ko sa kanya

Tumakbo siya sa akin at niyakap niya ako. Hindi naman ako nabigla kasi wala namang problema kung yayakapin ako ni Jayson.

Noong una ko palang nakita si Jayson ay maganda ang aking loob. Alam ko na mabuti siyang tao. Lumabas na kami ng silid namin at umupo sa flag pole. Ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Tumakbo kami ni Jayson papasok sa silid ng nahulog ang kanyang bag.

Nakabukas ito at nakita naming nakalabas ang kanyang salamander.

Hinabol niya iyon pero pinigilan ko siya.

“Jayson huwag mo nang habulin. Mababasa ka ng ulan. Magkakasakit ka niyan” pasigaw kong utos kay Jayson.

Ngunit hindi siya nakinig sa mga sinabi ko kaya lumabas na rin ako at tinulungan siya.

Hinablot ko si Jayson at saka dinala sa silid.

“Dennis ang alaga ko. Huhuhu” mangiyak-ngiyak na sambit ni Jayson habang tinuturo ng kanyang daliri ang lugar kung saan pumunta ang salamander

Hindi na ako nagdalawang-isip at ako na mismo ang humanap. Mas lalong lumakas ang ulan at hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap.

Nakita kong umiiyak pa rin si Jayson.

Halos nadapa na ako sa kakahanap at ang dumi-dumi na ng aking uniporme dahil na rin sa mga basang lupa.

Tumigil na si Jayson sa kaiiyak at sumigaw.

“Dennis. Tama na iyan. Pabayaan mo nalang ang salamander” sigaw ni Jayson

Ngunit hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap hanggang sa napagod na ako.

Binalikan ko si Jayson pero nakayuko.

“Sorry Jayson. Ginawa ko naman ang lahat eh” mahinang sambit ko sa kanya.

Umupo na lang ako sa labas ng silid namin at nanginginig sa lamig. Naramdaman ko nalang na niyayakap ako ni Jayson.

“Ok lang iyon Dennis. Salamat ha?” mahinang sambit ni Jayson sa akin habang patuloy pa rin sa pagyakap.

Maya’t-maya ay tumigil na rin ang ulan. Dumating na rin an gaming sundo.

Bago pa rin kaming maghiwalay ni Jayson ay nag fist toss ulit kami.

Masakit ang aking likod at ulo. Meron pala akong natamong sugat.

Inaapoy ako sa lagnat at isinugod naman ako ni tiyo Bert sa Ospital.

Naadmit ako sa ospital ng halos 3 araw.

Nang sumunod na araw ay pumasok na ako sa skul. Ngunit wala si Jayson. Nalungkot naman ako dahil absent siya. Tinanong ko ang isa naming classmate.

“Just, kelan pa umabsent si Jayson?” mahinang tanong ko kay Justin.

“Mga 2 days ago pa Dens. Ang pagkakaalam ko ay hindi na papasok si Jayson” mahinang sagot ni Justin.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Justin kaya ng matapos na ang class namin ay tinanong ko ang guro namin.

“Ma’am hindi po ba papasok si Jayson?” tanong ko sa guro namin na busy sa pag-aayos ng gamit niya.

“Pumunta kasi ang lolo niya noong isang araw at sinabing magtatransfer nalang si Jayson” paliwanag ni maam.

“Maam alam niyo po ba kong saan nakatira sina Jayson?” dagdag na tanong ko kay maam.

“Hindi eh. Huwag kang mag-alala. Bibisita si Jayson bukas upang magpaalam” sambit ni Maam at tuluyang umalis na ng silid.

Umuwi na rin ako sa amin at nagmokmok sa may hardin. Hindi ko alam kong bakit ganito ang aking nararamdaman. Hindi ko maintindihan kong bakit napakalungkot ko.

“Dennis. Ano ang minomokmok mo diyan? Pumasok ka na at dumidilim na” tugon n tiyo Bert.

Pumasok na rin ako ng bahay at patuloy pa ring malungkot ang aking mukha. Umupo sa isang silya at nagmokmok pa rin.

“Anak, bakit malungkot ka?” si tiyo Bert habang abala sa paghahanda ng lulutuing panghampunan.

“Kasi po tiyo Bert hindi na po kami magkikita ni Jayson eh” mahinang sagot ko sa tanong ni tiyo Bert.

“bakit naman?” maikling tanong ni tiyo Bert habang hinahanda na ang lulutuin.

“Hindi na siya papasok simula bukas tiyo Bert” mahinahong sagot ko habang nakatingin lang sa labas ng bahay.

Hindi na rin sumagot si tiyo Bert at alam kong nagsisimula na siyang magluto ng pagkain namin.

“Tiyo Bert? Bat ganoon? Bakit nalulungkot ako?” seryosong tugon ko kay tiyo

“Kasi anak may mga bagay o tao na nagpapaligaya sa atin at kapag nawala ito ay sadyang nalulungkot tayo” mahabang paliwanang ni tiyo Bert.

“Kasi tiyo Bert hindi ko rin maintindihan. Kung tunay na kaibigan ako ni Jayson eh dapat hindi niya ako iiwan.” Mahinang paliwanag ko sa kanya.

Hindi na nakapagsalit si tiyo Bert ngunit lumapit siya sa akin at inakbayan

“Anak. Kung tunay na magkaibigan kayo. Kahit iiwan ka niya ay hindi ka naman niya malilimutan. Isa pa, baling araw ay magkikita naman kayo” paliwanag ni tiyo Bert.

“Eto na lang. Kung may pagkakataon na magkikita pa kayo ulit ng kaibigan mo. Bigyan mo siya ng isang bagay na maaalala ka niya.” Dagdag na tugon ni tiyo Bert.

Tumayo ako at pinuntahan ang display cabinet ni tiyo Bert. Nakita ko ang isang shield na gawa sa kahoy.

“tiyo Bert? Puwede po bang akin nalang itong shield na kahoy? Kasi gusto kong ibigay it okay Jayson. Para kahit saan siya pupunta maaalala niya ako.” Mahabang tugon k okay tiyo Bert habang patuloy pa rin sa pagmasid ng shield.

“Oh sige anak. Kunin mo nalang yan ang punasan para maayos siya tingnan.” Sagot ni tiyo Bert at bumalik sa kusina.

Kinuha ko naman ang wooden shield at pinunasan ng malinis na cloth. Pagkatpos kong linisin ito ay pumasok na ako ng kuwarto at kinuha ang isang pentel pen.
Sinulatan ko sa likod ng wooden shield ang mga letrang “D” at “J”. initial naming dalawa at sa ilalim nito ay nilagyan ko ng mga salitang “ingat palagi – ang Knight mo”.

Inilagay ko na ito sa isang maliit na box at itinago na sa bag ko.

Pagkatapos naming kumain ng panghapunan ni tiyo Bert ay natulog na rin ako.

Umaga na at hinatid ulit ako ni tiyo Bert sa skul. Ngunit natapos lang ang aming class pero hindi na nakarating si Jayson.

Nalungkot ako ngunit hindi ako bumigay agad-agad. Umupo ako sa flag pole at umaasang dadating si Jayson.

Dumating na rin si tiyo Bert at sinusundo na ako.

“tiyo Bert hindi dumating si Jayson” malungkot na sambit ko kay tiyo.

Hindi na sumagot si tiyo at niyakap niya nalang ako.

Umalis na rin kami sa skul at tinatahak ang daan pauwi. Ngunit sa kalagitnaan ng daan ay nakita ko si Jayson.

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment