Tuesday, January 15, 2013

Anong Pakiramadam ng Walang Maramdaman 14

By: Lui
rantstoriesetc.wordpress.com


Nilalamig na ako pero hindi ako tumatayo sa aking kinauupuan. Nakapangalumbaba lang ako habang nakatitig sa kanya. Mahimbing siyang natutulog at nangingitim na ang mga pasa sa kanyang mukha. Iniwan kong nakabukas ang pinto.


Hindi ko inasahang magugulat pa rin ako kapag nakita ko siyang gumalaw. Mabilis akong napatayo pero marahan akong lumapit sa kanya. Tiningnan ko ang mga nakabantay sa pinto at nakita ko namang alerto sila. Pero wala nang magagawa si Boss John sa akin.

Tumayo ako sa gilid ng kanyang kama at malamig siyang tiningnan. Bakas sa kanyang mukha ang labis na paghihirap. Sinubukan niyang iangat ang kamay pero nakaposas na siya sa kanyang hinihigaan. Hindi ako nagsalita at ninamnam ko lang ang aking nakikita. Napaka-helpless niya.

“Lucas… You didn’t, did you?” ang kinakabahan niyang tanong.

“Ako, si Ed, sino pa? Sino pa ang binaboy mo?” ang mga matapang kong tanong sa kanya.

“Please, I’m sorry. Lucas…”

“I think it’s not very wise of you to say anything now. Di mo alam, your words might be used against you.”

Pumasok na ang dalawang pulis na nakabantay sa pinto nang magsimulang sumigaw si Boss John. Nakaramdam pa rin ako ng takot pero hindi na tulad noon na gusto kong umiyak. Ngayon alam kong ligtas na ako at pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin at kay Ed.


Kinalma ko muna ulit ang aking sarili bago pumasok sa kwarto ni Xavier. Naabutan ko siyang nanonood ng TV. Mabilis naman niyang ibinaling sa akin ang kanyang atensyon nang lumapit ako sa kanya.

“Where have you been?” ang malambing niyang tanong sa akin.

“Hinintay kong magising si Boss John. Gusto kong makita siyang walang laban. Gusto kong magmakaawa siya sa akin. Gusto kong…”

“Babe… You’re safe now. Mabubulok na siya sa kulungan.”

“Xav, will you testify against your own brother?”

“I can’t believe you even asked. Oo, kapatid ko siya. Magkadugo kami. But he’s not my family. No one else is but you. Lahat gagawin ko para sa’yo.”

Hindi ko mahagilap ang mga salita para tugunan ang kanyang sinabi. Simula nang maging kami, alam ko nang kami na ang magkasama hanggang sa huli. Hinagkan ko ang kanyang mukha bago siya gawaran ng isang halik.

Pumasok si Seb nang hindi kumakatok at pumailanlang ang nakakailang na katahimikan. Nginitian ko siya. Nararamdaman kong malapit nang maayos ang lahat. Malapit nang gumaling ang sugat na idinulot ni Boss John sa akin, ang lamat na iniwan nito sa aming relasyon ni Xavier at ang tulay na ginawa nito para muling buhayin ang pagkakaibigan namin ni Seb.

“What’s wrong?” ang tanong ko nang hindi suklian ni Seb ang aking ngiti.

“Si Ed… He… Uhm…” ang alangang pagsisimula niya.

“Seb…” Umiiling ako dahil alam kong hindi magandang balita ang kanyang sasabihin. Iniwan ko si Xavier sa kwarto at tumakbo palabas sa hallway. Agad naman akong natigil nang may isang gourney ang humarang sa akin at marahan itong tinutulak ng ilang mga nurses.

Nakataklob ng kumot ang katawang nakahiga. Inilabas ito mula sa kwarto ni Ed. Sa may pinto noon, nakita ko ang kanyang asawa na naglulupasay na sa sobrang pagdadalamhati. Isinapo ko ang dalawa kong kamay sa aking bibig. Ilang oras pa lang ang nakakalipas ng huli kaming nag-usap. Ilang oras pa lang ang nakakalipas nang humingi siya ng tulong sa akin. Ngayon ay wala na siya.

Inalalayan ako ni Seb pabalik sa kwarto. Nakita kong nakaupo na sa kanyang kama si Xavier. Ipinaliwanag sa akin ni Seb ang ikinamatay ni Ed. Hindi ko na masyado maintindihan iyon. Basta sumuko na lang ang kanyang katawan sa labis na paghihirap na naranasan nito kay Boss John.

Sumisigaw na ako sa kwarto sa sobrang iyak. Mahigpit ang yakap ni Seb sa akin habang pinipigilan niya si Xavier na bumangon. Panay ang hagod niya sa aking likod na parang hindi naman nakakatulong para mapakalma ako.

Gasgas na ang lalamunan ko sa sobrang pag-iyak. Umayos ako ng upo mula sa pagkakasandal kay Seb at pinunasan ang aking mukha. Tumayo ako at muling bumalik sa pagkakaupo si Xavier. Kita ko sa kanyang mukha ang labis na pagkainis dahil wala siyang magawa para sundan ako.

“Saan ka pupunta?” ang tanong nila ni Seb pero hindi ko pinansin.

Mabilis ang aking lakad. Unti-unting umiinit ang aking pisngi at muling nagbabadya ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko pinansin ang dalawang pulis na nakabantay sa kanyang silid at padabog kong binuksan iyon. Bago pa man ako mapigilan ay nasa harapan na ako ng kama ni Boss John.

Nagulat siya at sinubukan niyang lumayo pero hindi niya ito magawa dahil nakaposas pa rin siya. Kinwelyuhan ko siya at binigyan ng ilang ulit na suntok sa mukha. Naramdaman kong may isang malakas na braso ang pumulupot sa aking katawan palayo sa kanya. Isa ito sa mga pulis na nakabantay.

“Masaya ka na?! Ha? Sinayang mo ang buhay ni Ed!!! Dapat ikaw ang mamatay! Masunog sana ang kaluluwa mo sa impyerno, demonyo ka!!!” ang sigaw ko sa kanya.

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Nagagalit ako sa kanya. Nagagalit ako sa sarili ko. Kung sinunod ko lang agad ang mga sinabi nila sa akin, hindi sana nangyari sa iba ang pinagdaanan ko. Siguro ngayon ay humihinga pa rin si Ed at walang galos si Xavier.

Sinamahan ako ng isang pulis pabalik sa kwarto ni Xavier. Ikinwento nito kay Xavier at Seb ang nangyari at nakayuko lang akong umupo sa sofa. Walang nagsalita kahit na nakaalis na ang pulis. Nanatili kaming ganoon hanggang sa pumasok sa kwarto ang ina ni Xavier.


Dalawang araw pang namalagi si Xavier sa hospital bago pirmahan ng doctor ang discharge papers niya. Nakuha ng eskandalo ang atensyon ng media pero hindi kami nagpaunlak sa kahit na anong panayam. Nailipat na rin si Boss John sa kulungan at magsisimula nang umusad ang kaso.

Nagpatuloy pa rin ang mga bangungot ko. Kasama na roon si Ed at paulit-ulit ang paghingi niya ng tulong sa akin. Nagigising ako sa kalagitnaan ng hatinggabi na umiiyak at pawis na pawis. Nang gabing iyon, ikalawang gabi mula ng makalabas si Xavier sa ospital, bumangon ako para uminom ng tubig. Madugo ang panaginip ko at naghalo-halo na silang lahat.

“Babe, what’s wrong?” ang pagyakap sa akin ni Xavier habang umiinom ako ng tubig.

Muntik na akong mabilaukan sa gulat. Buti na lang at mahigpit ang pagkakahawak ko sa baso dahil kung hindi ay malamang na nahulog ko na iyon. Humarap ako sa kanya pero hindi niya tinanggal ang mga braso sa aking katawan.

“Bad dream?” ang tanong niya.

Tumango lang ako. Niyakap niya ako at ihinilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Ilang segundo pa ang lumipas at nararamdaman ko ang kanyang labi sa aking leeg. Hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa. Lalong humigpit ang kanyang yakap sa akin at umangat ang kanyang mga labi sa aking mukha.

Ilang minuto kaming naghalikan habang palikot ng palikot ang aming mga kamay. Nagulat si Xavier nang isandal ko siya sa sink at pinaupo siya doon. Para kaming mauubusan ng oras sa pagmamadali sa pagtanggal ng aming mga damit. Nakakapaso na sa init ang aming mga katawan.

“Aaaaah!” ang sigaw ni Xavier nang marahan akong bumaba sa kanyang katawan.

Maingat ako dahil kakagaling pa lang ng kanyang mga sugat. Pero habang tumatagal ay nilamon na rin ako ng apoy. Pawisan na kami nang muli kong itinapat ang aking mukha sa kanya. Hinila ko siya papunta sa kwarto at itinulak ko siya sa kama.

“Ow!” ang daing niya sabay sapo sa kanyang sugat.

Wala na akong pakialam at pumatong ako agad sa kanya. Iniangat ko ang dalawa niyang hita. Ipinatong ko ang mga ito sa aking mga balikat habang hinahanap ng aking mga kamay ang dalawa niyang kamay. Iniangat ko ang mga ito at hinawakan ng mahigpit.

Gumala ang aking mga labi sa kanyang labi pababa sa kanyang leeg habang marahan ko siyang pinapasok. Isang malakas na ulos ang aking ginawa na talagang nagpasigaw sa kanya. Matapos iyon ay hindi ko na binagalan pa ang aking ginagawa. Bumibilis ang aking paghinga habang lalong humihigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.

“Slow down, babe. Slow do… Ah! Slow down.” ang sabi niya.

Nararamdaman kong pasimple niyang nilalabanan ang aking ginagawa pero nagpaubaya na rin siya nang naglaon. Pinakawalan ko ang kanyang mga kamay at niyakap siya nang mahigpit nang maramdaman kong malapit ko nang maabot ang rurok. Lumakas ng lumakas ang aking mga pag-ungol at sinabayan niya ako.

“Xav. Xav…” Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga dahil hinalikan niya ako at nag-uunahan ang aming mga ilong sa paglanghap sa hangin habang sabay naming naabot ang rurok. Nanghina ako ng husto pero hindi niya ako pinahiga sa kama. Niyakap niya ako at hinayaang nakapatong sa kanya habang sinusuklay niya ang aking buhok.

“That was… different.” ang sabi niya.


Tatlong araw pa ang lumipas. Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang imahe ni Ed. Masuyong dumadampi ang hangin sa aking mukha habang hinihintay kong matapos si Xavier sa pagbibihis. Ilang linggo na rin ang dumaan bago ako muli nakapagsuot ng formal na damit. Puting polo at itim na kurbata na itinerno sa abuhing pantalon.

“Babe? Let’s go?” Ni hindi ako sigurado sa aking gagawin. Ngayon ang araw ng libing sa mga labi ni Ed. Hindi ko kayang dumalaw sa kanyang burol pero heto ako at handa na para samahan siya sa kanyang huling hantungan.

“Kaya ko ba? Xav, kung sinunod ko lang ang sinabi mo noon na magsumbong na ako… Kung hinayaan lang kita na i-report ang nangyari… Hindi sana patay si Ed ngayon.”

“Here we go again? Babe, diba napag-usapan na natin ‘to?” ang malambing niyang sabi bago sapuin ng dalawang kamay ang nag-iinit kong mga pisngi.

“Hindi ko yata kaya… Hindi ko kayang makita siyang… Kasalanan ko ‘to.” Pilit kong itinago sa kanya ang tunay kong nararamdaman sa pagkamatay ni Ed para na rin mas mapabilis ang recovery ni Xavier. Pero kinakain ako ng sarili kong guilt at kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat. Kaya naman, noong isang gabi, umiyak ako sa kanya dahil sa bigat ng aking dinadala.

“You should pay him some respect. Let’s go. Enough hiding.” ang authoritative niyang sabi.

Kahit malakas ang buga ng malamig na hangin mula sa aircon ng sasakyan ay pinagpapawisan ako. Dumiretso na kami sa sementeryo dahil huli na rin kami sa misa. Itinigil ni Xavier ang sasakyan malapit sa isang pulong ng mga tao. Nakita ko ang mga pamilyar na mukha mula sa opisina. Nakayuko akong lumabas ng sasakyan at naglakad palapit.

Nagsusumigaw ang pagdadalamhati sa lugar. Ang asawa ni Ed ay halos mahimatay na nang muling buksan ang kanyang casket. Panay ang ngawa niya sa pangalan nito. Hindi ko namalayan ang pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata.

Masakit. Para bang tinutusok ng maliliit na karayom ang buo kong katawan. Nanghina ang aking mga tuhod. Mabuti na lang at mabilis na umalalay sa akin si Xavier. Hindi ko nagawang lumapit pa at silayan ang kanyang mukha sa huling pagkakataon.

“Let’s go back to the car.” ang sabi ni Xavier nang simulang tabunan ng lupa ang hukay.

Panay pa rin ang pagpunas ko sa aking mga mata hanggang sa makarating sa sasakyan. Akma nang paaandarin ni Xavier ang makina nang hawakan ko ang kanyang kamay para pigilan siya. Nagtatanong ang kanyang mga mata nang magtama ang aming paningin.

“Let’s just stay for a while longer til everyone’s gone.” Hindi ako sigurado kung maririnig pa niya ako. Pero gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nasa loob ko. Dahil siya lang ang tunay na makakaintindi sa akin. Walang iba. Dahil parehas kami ng pinagdaanan.

No comments:

Post a Comment