By: Mikejuha
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail:
getmybox@hotmail.com
Facebook: getmybox@yahoo.com
Napahinto ako sa
bukana ng pintuan ng opisina at nilingon si Marlon, sinigurong tama nga ang
aking narinig na sasama siya sa akin.
Ngunit nabigla rin
ako noong, “James, wait...” ang pagsingit ni Sophia.
Lumingon si Marlon sa
kanya na kasalukuyang nakatayo na at naglakad patungo sa pinto kung saan ako
nakatayo. “Yes???” sagot niya.
“Ok... papayag na
akong tangagpin natin iyang si Jassim. Huwag ka lang umalis please...”
Nilingon ako ni
Marlon. “I’ll just call you, Jassim. Please wait outside...” sambit niya.
At hindi pa ako
tuluyang nakalabas ng kuwarto, agad na siyang niyakap ni Sophia at hinalikan,
nilalambing pa. “Totoo pala ang sabi ni Ricky na demonya ang amo nilang
babae... Takot naman palang iwanan eh.” bulong ko na lang sa sarili.
Tinungo ko ang upuan
sa labas ng office ni Marlon at doon naghintay. Pailing-iling na lang ako.
Syempre, sobrang sakit na nakita ng aking dalawang mga mata na niyakap ng
babaeng iyon si Marlon, na sa isip ko ay si James talaga. At lalo pa noong
sumagi rin sa utak ko kung ano ang kanilang ginagawa sa loob. “Sigurado hindi
lang sila nagyakap; naghahalikan pa sila o may mas matindi pa kaysa halik
silang ginagawa sa loob...” sa isip ko lang. Napabuntong-hininga na lang ako.
May 15 minutos din
akong naghintay. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto sa opinsin ni Marlon at
nakita kong lumabas si Sophia. Noong nakita niya ako, biglang sumimangot ang
mukha niya at tinitigan ako nang napakatulis na para bang may pananakot o
pagbabanta.
“Jassim, come in!”
ang sambit naman ni Marlon na sumilip lang sa pintuan at tinawag ako.
Tumayo ako. Hindi ko
na pinatulan pa ang matulis na titig sa akin ni Sophia. Tinumbok ko ang pinto
sa opisina ni Marlon atsaka dali-daling pumasok, umupo sa dating inupuan.
“Pasensya ka na
kanina ha? Ganyan lang talaga iyang si Sophia... Kailangan pang takutin.” Sabay
bitiw ng tawa. Ewan kung totoong tawa iyon o gusto lamang niyang i-play down
ang nangyari. Nag-takutan kaya sila sa harap ko.
Binitiwan ko na lang
ang isang hilaw na ngiti. Hindi na ako sumagot.
“Pagpasensyahan mo na
rin siya ha? Magiging amo mo rin iyan kung kaya intindihin mo na lang.” dugtong
pa niya.
“O-ok lang po iyon,
Sir... Masasanay rin siguro ako.”
“Alam mo... marami pa
sana akong itatanong sa iyo eh. Naintriga kasi ako sa mga sinabi mo sa akin
tungkol sa kuya mong hindi na sumipot na sabi mo ay kamukha ko. Pogi pala ng
kuya mo...” biro niya sabay tawa. “Sabagay pogi ka rin naman kaya hindi
malayong pogi rin ang kuya mo.” Dugtong pa niya.
Ngumiti na lang ako.
“Marami pa sana akong
gustong itanong sa iyo. Mukhang interesante kasi eh. Kaso...” tiningnan ang
relo niya “...may meeting pa ako with branch managers ng MCJ Chain. Pero sa
ibang pagkakataon na lang. Marami pa naman di ba? I’ll find time na magkausap
tayo.”
“S-sige po Sir.
Aasahan ko po iyan.”
“Good. At bukas na
bukas din, magreport ka na rito. Kilala mo si Ricky, di ba? Siya ang mag-orient
sa iyo regarding your time schedule, assignment, etc.” Sambit niya sabay tayo
at inabot sa akin ang kanyang kanang kamay.
Tinanggap ko ang kanyang
pakikipagkamay. “Salamat po uli Sir.”
“See you tomorrow,
Jassim!”
Noong nakalabas na
ako sa office niya, nagkataon namang nakita ko si Ricky na naka-unipormeng pag
eskwela na. May night class daw kasi siya kung kaya deretso na siya patungo sa
school. Sinabayan ko na siya. Iisa lang kasi ang aming rota at halos nasa
bungad lang ng unibersidad namin ang aking boarding house.
“Yeeeyyy! Natanggap
ka talaga, igan?” sambit ni Ricky noong nakasakay na kami ng tricycle.
“Oo... nag-argumento
pa nga sila eh. Ayaw ni Ma’am Sophia sa akin.”
“Hmmpt! Kontrabida
talaga ang demonyang iyan! Kahit kailan. Epal...”
Napangiti na lang ako
nang hilaw.
“Ngunit nakuha talga
sa luksong-dugo, igan!”
“Luksong-dugo? A-ano
iyon?”
“Iyon iyong kahit di
niya alam na magkapatid kayo, may instinct na nag-udyok sa kanya na tanggapin
ka. Iyon iyong pakiramdam ng pagkagaanan ng loob sa taong nakita niya kahit
hindi pa niya kilala ito. Mayroong ganyan eh. Sa unang tingin pa lang ay makikita
mo na kaagad na parang excited ka sa tao.”
“G-ganoon ba iyon?”
ang tila may halong guilt ko namang sabi. Paano naman kasi, hindi naman totoong
kuya ko iyong tao. Para tuloy gusto ko nang bumigay at isiwalat kay Ricky ang
lahat. Ngunit nanaig pa rin ang takot sa isip ko na baka hindi niya ako
maintindihan o di kaya ay magalit siya sa akin na nagsinungaling ako.
“Oo. May ganyan... at
totoo iyan.”
“A-ano pala ang
magignig trabaho ko?” ang paglihis ko sa usapan.
“Bukas ituturo ko sa
iyo lahat. Maaga kang magreport ha?”
Tumango ako.
“At iyang Sophia,
kahit anong gawin niyang pang-iinis, tiisin mo. Ganyan talaga iyan. Ang trabaho
niyan ay ang pang-aasar at pagdagdag ng pasakit sa mga tao ni Sir Marlon.
Insecure kasi iyan eh. Kahit lalaki pinaghihinalaan, pinagseselosan. Kaya kung
gusto mong mapalapit sa kuya mo, tiisin mo ang lahat, ok?”
“Oo Ricky. Tiisin ko
ang lahat.” Sambit ko. At sa isip ko lang, “Dahil sa pagmamahal ko kay James...
kakayanin ko.”
At kinabukasan nga,
maaga akong nagpunta ng restaurant. Dahil sarado pa ito noong dumating ako,
naupo muna ako sa isang gilid sa labas, sa sementadong box na tinaniman ng mga
bulaklak. Syempre, may kaba akong naramdaman bagamat may kaunting excitement
din. First time ko kayang magtrabaho. At ini-expect kong pag-initan talaga ako
ng among babae namin. Alam kong may hinala siyang may alam ako sa pagkatao ni
Sir Marlon, kung siya nga talaga si James. At iyon ang kinatatakutan ko. Sino
ba ako upang banggain ang isa sa pinakamayamang angkan sa lugar na iyon. Isang
hamak lang akong estudyante na kung hindi nagkaroon ng scholarship ay baka
hindi pa nga makapag-aral. Ngunit kailangan ko ring malaman ang katotohanan
tungkol sa pagkatao ni Sir Marlon. Kung siya man si James, nais kong matulungan
siya upang makauwi at masilayan niya ang kanyang ina. “Kahit hindi na lang para
sa naramdaman ko. Kahit hindi na niya ako maalala, ok lang. Ang mahalaga ay ang
maibalik siya sa tunay niyang pamilya...” bulong ko sa aking sarili sabay bitiw
ng malalim na buntong-hininga. Parang nakikinita ko kung gaano kahirap ang
landas na tatahakin ko. Ngunit dahil sa pagmamahal ko kay James, gagawin ko ang
lahat, haharapin ko ang ano mang sakripisyo para sa kanya.
Nahinto ako sa aking
pagmumuni-muni noong may biglang humintong sasakyan sa aking harapan. Kalsada
pala patungong parking area ang harap ng aking inuupuan. “Good morning! Ang aga
natin ah!” sigaw noong nasa loob ng kotse.
Si Marlon.
Bigla namang gumaan
ang aking pakiramdam sa pagkakita sa mukha niyang nakangiti sa akin. Pakiwari
ko ay tumalon-talon ang puso ko sa sobrang galak, nawala ang aking mga
pagaagam-agam. Nasilayan ko na naman ang pamatay niyang ngiti, ang hayop niyang
porma. “Good morning po!” ang sagot ko.
“I’ll just park my
car and wait for me there.” Utos niya.
Noong nakabalik na
siya, minuwestrahan niya akong sumunod. Binuksan ng guwardiya ang naka-lock na
entrance. Sumunod ako sa kanya hanggang sa loob ng kanyang office. Noong
nakaupo na siya, umupo rin ako sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.
“Are you free tonight
at 7?”
Hindi ako nakasagot
agad, ni-recall sa isip kung may klase ako sa nasabing oras. “Free po ako sir.”
Sagot ko.
“Well then, good!
Magkita tayo sa restobar na malapit sa plaza. Alam mo ba ang lugar na iyon?”
“Yes Sir. Alam ko po
ang lugar.”
“So tonight at 7?
Doon na tayo magkita.”
“Ok po...”
“Sige, puntahan mo na
si Ricky. I’m sure nand’yan na siya.”
Lumabas ako sa
opisina niya na tila nakalutang sa ere. Sobrang saya ko sa kanyang sinabi. “Ano
iyon? Date??? Sa isip ko lang.
Binigyan ako ni Ricky
ng orientation tungkol sa aking assignments, mga dapat at hindi dapat gawin sa
oras ng trabaho, kung paano i-deal ang mga customers. Binigyan din niya ako ng
tip kung paano i-deal si Ma’am Sophia.
“Iyang amo nating
babae, kulang sa pansin iyan. Kapag naunahan mo ng papuri kagaya nang, ‘Good
morning miss Sophia! Ang ganda-ganda po ninyo ngayon ma’am! Bagay na bagay po
sa inyo ang suot ninyo, o ang make-up ninyo o ang lipstick ninyo... Ang
bango-bango niyo po...’ Ganyan, at bibigay na agad iyang haliparot, ngiti at
magta-thank you na sa iyo. Sa buong araw na iyan, hindi ka niya aasarin, hindi
ka niya pagtripan. Ganyan ka kulang sa pansin ang amo natin. Palibhasa, guwapo
ang amo natin at iniidolo pa ng mga kasama natin sa work, kung kaya gusto rin
niyang maglevel up. Ganyan siya ka-desperada ” Sabay tawa.
Napangiti naman ako.
Pagkatapos namin sa
orientation, binigyan ako ni Ricky ng uniporme atsaka tinumbok na namin ang
area kung saan sasabak na ako sa trabaho. Nagpunta muna si Ricky sa CR habang
ako ay dumeretso na.
Hindi pa man
nakarating sa dining ay nakasalubong ko na si Sophia. At tinitigan niya ako,
iyong titig pa rin na matulis, parang nagbabanta, at nakasimangot pa. Bigla
kong naalala ang sinabi ni Ricky na bolahin ko na lang siya. Subalit hindi ko
nakayanan ang magsalita. Pakiwari ko ay nagi-guilty ako sa aking sarili na
purihin siya samantalang hindi naman totoong nagandahan talaga ako sa kanya.
Ang mukha niya ay may sobrang makapal na make-up, hindi naman sexy ang katawan
dahil may katabaan. Parang niloloko ko rin lang ang sarili ko kung pupurihin ko
siya. Kaya, “Good morning ma’am!” na lang ang nasabi ko.
Aba... at hindi niya
ako sinagot. Bagkus, binulyawan pa niya ako ng, “Dito ka magtatrabaho! Sumunod
ka sa akin!”
Wala akong nagawa
kundi ang sumunod sa kanya. Doon niya ako dinala sa likod ng restaurant kung
saan nakatambak at nagkalat ang lahat ng mga basura. Mainit, nangangamoy,
naghalo ang mga plastik, styro-foam, karton, papel, mga tira-tirang pagkaing
hindi naubos, sauce, gravy, tagas ng tubig, lahat nang dumi ay naroon. At may
mga tabla at nabubulok na mga kahoy din, ang iba ay sing lapad ng pintuan. Basa
rin ang lugar at amoy panghi. Sobrang dami ng kalat at sobrang dumi na halos
smokey mountain nang naturingan.
“Ang gawin mo d’yan
ay ihiwalay ang mga plastik, ang mga nabubulok na basura, ang mga papel, ang
mga bote, ang mga kahoy, at pagkatapos, gusto kong makitang malinis na malinis
ang lugar na ito ha? Pati iyang mga damo at talahib, gusto kong tanggalin mo
rin. Ito ang magiging assignment mo!” sabay talikod. Ngunit bumalik din at
noong humarap uli sa akin. “Kapag hinanap ka ng Sir Marlon mo, sabihin mong may
itinapon ka lang na basura dito ha? At huwag kang magsumbong sa kanya na dito
kita inassign. Nagkaintindihan ba tayo???” ang sambit niyang nanlilisik ang mga
malalaking mata.
“Y-yes ma’am!”
“At magkaliwanagan
tayo... hindi ako masaya na narito ka! Kung ayaw mong isang araw ay may
mangyaring masama sa iyo, lumayas ka na lang dito, ok? Kasi... kapag tumagal ka
pa dito at nauubos na ang pasensya ko sa iyo, baka isang araw ay sa kangkungan
ka na lang pupulutin. Alam mo ba ang ibig kong sabihin? Ipapasalvage kita! Alam
kong hindi ka taga-rito. Nagresearch na ako tungkol sa buhay mo. Mag-ingat
ka... At isa pa, ayokong makikipag-usap ka kay Marlon ha? Yes or No lang ang
isasagot mo sa kanya kapag kinausap ka niya! Kasi, kapag na brainwash mo siya
at lalayo siya sa akin dahil sa mga inimbento mong kuwento, siguradong may
paglalagyan ka! Hindi kita tatantanan hanggang sa mawala ang lahi mo dito sa
mundo! Maliwanag???!”
Wala na akong nagawa
kundi ang mangiyak-ngiyak na sumagot. “O-opo, maliwanag po, Ma’am...”
“Miss Sophia ang
itawag mo sa akin!!!”
“O-opo Miss Sophia...
Miss Sophia po.”
At tuluyan na siyang
tumalikod, pansin ko ang feeling panalo niyang pakiramdam sa sarili.
Noong tuluyan nang
nawala si Sophia, doon na ako tinablan ng takot. Binitiwan ko ang isang malalim
na buntong hininga. Sa totoo lang, dahil sa sinabi niya, may pagdadalawang-isip
na akong ituloy pa ang pagtatrabaho. Matiwasay naman ang kalagayan ko bilang
isang ordinaryong scholar lang. May sapat na oras para sa pag-aaral, nag-eenjoy
sa klase at extra-curricular activities, walang taong natatapakan. Simple lang
ang buhay at masaya sa ganoong set-up. Parang gusto ko nang sumuko.
Ngunit sa kabilang
banda, may naramdaman din akong awa para kay Marlon. Malakas ang kutob ko
kasing siya talaga si James. At sa isip ko ay walang duda iyon. “Paano naman
siya? Paano ang pamilya niyang naghintay sa kanya? Paano ang inay niya?
Siguradong sa loob-loob niya ay naghahanap din siya sa kanyang tunay na
pamilya.” Ang udyok naman ng isang parte ng aking utak. “Ngunit paano rin naman
ako? Paano ang mga magulang ko kapag nagkatotoong ipapasalvage talaga ako ni
Sophia? Paano ang mga plano ko sa buhay?”
Mistulang naghilahan
ang dalawang magkasalungat na paninindigan sa aking isip. At dahil may usapan
kami na magkita ni Marlon sa gabing darating, may nabuong desisyon ang aking
isip: sasabihin ko sa kanya na hindi ko na itutuloy pa ang pagtatrabaho sa
restaurant nila. I-focus ko na lang ang sarili sa aking pag-aaral at kalimutang
may nakita ako, may nalaman, may nadiskubre. Sasabihin ko rin sa kanya na
gawa-gawa ko lang ang mga sinabi kong nawala kong kuya na kamukhang-kamukha
niya...
“Tama... iyan ang
gagawin ko. Sa araw na ito lang ako magtatrabaho at bukas, resigned na ako.
Gagawin ko pa rin ang ibinigay na trabaho ni Sophia sa araw na ito para wala
siyang masabi, at malinis ang pag-alis ko.” Sa isip ko lang.
“OMG igannnnnn!!!”
ang sigaw ni Ricky noong nakita niya ako sa lugar na iyon, punong-puno ng pawis
ang katawan at mukha habang pasan-pasan ang mga kahoy upang ilagay sa isang
tabi. “Bakit iyan ang ginagawa mo? Trabaho ng basurero iyan? At ang init-init
dito, ambaho-baho pa!”
Napahinto ako sa
aking ginagawa. “Ito ang ibinigay sa akin na assignment ni Ma’am Sophia eh!”
“Grrrr!” Sagot ni
Ricky. “Sabi ko na nga ba. Pinag-initan ka ng babaeng iyon. Paano, may
itinatago siguro sa kanyang baul at nalaman niyang nasa iyo ang susi ng baul
niya...”
“Hayaan mo na,
Ricky... Kaya ko naman ito eh. At unti-unti, malilinis ko rin ang lugar na
ito.”
“Malilinis??? Mamaya
lang, makikita mong tatambakan na naman ito ng mga basura. Atsaka, may private
na kumpanya na inaatasan nating kumuha ng mga basura linggo-linggo. At isa pa,
hindi ka tinanggap ni Sir Marlon upang maging basurero lamang! Por diyos por
santo por syento naman o!”
“Hayaan mo na nga
lang, Ricky. Kasi, ang private company na sinabi mo, kumukuha lamang sila ng
basura. Hindi nila nililinis ang lugar.”
“At bakit? Nasa job
description mo ba na linisin mo ang tambakan na to?”
“Ok lang iyan. Kasi,
kaya ko naman eh.”
“Anong kaya? Ang
dumi-dumi ng lugar na to, may malalaking tambak na kahoy, may mga yero pa, at
mahahabang talahib? Kung gusto ng demonyang iyan na linisin ang lugar na ito,
mag-hire siya ng demolition team, isang brigada ng army kamo, iyong galing
Mindanao. Hindi ikaw!”
“Sobra ka naman.
Hindi naman ganyan kalala ang sitwasyon dito.“
“Ah basta. Hindi ako
papayag. Sasabihin ko ito kay Sir Marlon.
Na siya ko namang
biglang pagtutol. “Huwaggggg!” Hindi maaaring malaman ito ni Sir Marlon. Kapag
nalaman niya ito, masesante ako, Ricky. Gusto mo bang mangyari ito?” ang
palusot ko na lang. Bagamat nabuo na sa isip ko ang umalis, ayaw kong malaman
ni Marlon ang lahat dahil sigurado, malaking gulo ang mangyari at baka tuluyang
gawin na ni Sophia ang kanyang bantang ipasalvage ako.
“Igan naman... paano
ba kita matutulungan?”
“Basta hayaan mo lang
ako dito dahil kaya ko ito...” ang sagot ko na lang.
“Nakakainis ka naman
eh. Bahala ka na nga! Basta ok ka lang ha?”
“Oo... ok lang ako”
“Kapag hindi ka ok,
sabihin mo sa akin ha?” sambit ni Ricky na bakas sa mukha ang pagkaawa sa aking
kalagayan.
Tumango ako.
“Sandali kukuha ako
ng gloves, botas, at overall na damit.” Sabay tungo sa stockroom ng restaurant.
At noong nakabalik, dala-dala na niya ang kanyang mga sinabi. At may dagdag
pang malapad na sombrero, payong, at itak, depensa ko raw sa sarili laban sa
ahas. “Dalawang klaseng ahas kasi ang narito. Ang isang ahas ay gumagapang,
galing d’yan o.” Turo niya sa damuhan. “...nangangagat iyan. At ang isa naman
ay galing dito” turo naman niya sa opisina ni Sophia “nambubuwesit! Tagain mo
pareho ha?! Leeg ang tagain mo para matanggal ang mga ulo nila!”
Natawa naman ako sa
sinabing iyon ni Ricky. “Ikaw talaga...” ang sagot ko na lang. Kahit papaano ay
natuwa ako. At least, may isang taong nag-alala at nagmalasakit pa talaga sa
akin.
“Mamaya kapag hindi
na ako busy sa area ko, tutulungan kita d’yan. Don’t worry. Kaya natin yan.”
“Huwag na. Baka ikaw
ay madamay pa sa galit ni Sophia...”
“Huwag kang
mag-inarte!” ang mataray namang sagot ni Ricky sabay talikod at tuloy-tuloy na
umalis pabalik sa puwesto niya.
Agad akong nagpalit
ako ng damit, isinuot ang botas at sombrero atsaka sinimulan ang paglinis sa
lugar. Habang ang mga kasama kong crew ay abala sa pagkuha, paglista,
pagdeliver, at pagasikaso sa mga customers, ako naman ay nagkakalkal sa mga
basura, nagbubuhat ng mga kahoy at yerong itinambak sa mainit, marumi, at
mapanghing tambakan na iyon. At dahil wala namang containers, ginawa kong
parang malalaking harang o dividers ang mga kahoy din na naroon at mga yero.
Kinarga ko, hinila, inayos, gamit lamang ang mga indigenous na materyal na
naroon. At malaking tulong din ang itak na binigay ni Ricky. At kahit papaano
rin, lumabas ang aking creativity sa aking ginawa. Inisip ko na lang na parang
isa iyon sa mga assignments ko sa Arts na elective subject ko. Flat 1.0 kaya
ang grado ko sa subject na iyon.
Noong natapos ko na
ang mga nagsilbeng dividers o improvised na containers, saka ko inisa-isang
pinaghiwalay ang mga basura. Sa isang lagayan ang mga plastik, sa isang lagayan
ang mga nabubulok na basura, sa isang lagayan ang mga bote, iba naman ang sa
mga papel, iba rin ang sa mga styrofoam, base talaga sa utos ni Sophia. Tiyaga
lang, pasensya, tiis, ngunit positive na magawa ko ang assignment na iyon.
Halos alas dos ng
hapon noong dinalaw na ako ni Ricky. Kadalasan daw kasi, mga ganyang oras na
sila nakakakain dahil sa dami ng mga customers.
“Igan... sabay na tayong
kuma—“ hindi na naituloy pa ni Ricky ang sasabihin. Napanganga ito, itinakip
ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bibig, at ang kanyang palaging expression
na “OMG! OMG! OMG! Anong ginawa moooooooo???” noong nakita niya ang aking
ginawa?
“B-bakit? Hindi mo
nagustuhan?” ang taranta kong sagot.
“Dinaig mo ang
nag-land scape ng harap ng ating restaurant! Ang ganda na nitong lugar!!!”
“H-hindi ko pa nga
natapos eh.”
“God ang ganda na
Igan!!!” at walang pasabing tumalikod pabalik sa loob nagtatakbo. Maya-maya,
narinig ko na lang, “Sir Marlon! Sir Marlon!!!”
Na bigla ko namang
ikinagulat at ikinatakot.
At heto, nakabalik na
si Ricky, hila-hila pa si Marlon sa kamay. “Ano ba ang mayroon Ricky?” tanong
ni Marlon.
“Hayan Sir... ginawa
ni Jassim.” Muestra sa ng dalawang kamay niya turo sa tambakan.
“Wow! Ang ganda
Jassim! Hindi ko ma-imagine na magiging ganito ka-organized ito!”
“Inayos pa niya ang
mga basag-basag na semento at ginawa itong tapakan sa pathwalk. Pati mga
talahib at damo ay nilinis niya rin Sir! Malinis na malinis na po!”
“Oo nga... Amazing!”
sagot ni Marlon na napahinto sandali na parang natauhan. “Sandali, b-bakit pala
dito si Jassim nagtatrabaho???” baling niya kay Ricky.
Kitang-kita ko naman
ang pagkagulat ni Ricky na napangiwi ang mukha at lumingon sa akin. “Eh...
D-dito po siya...” ang sagot niyang hindi maituloy-tuloy ang sasabihin at tila
naghingi ng tulong sa akin na dugtungan ang kanyang sinabi.
Na siya namang
pagsulpot ni Sophia sa likod nila. At noong nakita ang ginawa ni ko ay, “Ano
bang nangyari dito?” ang sambit niya kaagad.
Kitang-kita ko naman
ang biglang pagsimangot sa mukha ni Ricky.
“Hon... bakit ba dito
nagtrabaho si Jassim?” ang pagsingit ni Marlon sa tanong kay Sophia.
“Eh... ano eh...” ang
naisagot ni Sophia. Alam kasi niyang magagalit na naman si Marlon kapag
nalamang doon niya ako inassign.
Kaya ako na ang
sumagot. “Dito po ako nag-volunteer na mag-work Sir! Nakita ko kasi ang lugar
na marumi kung kaya ako na ang nagvolunteer kay Ma’am Sophia na linisin ko
ito.”
“Tama! Kusa siyang
tumulong hon... Initiative niya ang paglinis d’yan.” Dagdag pa ni Sophia.
“G-ganoon ba? But
this is not what we hired Jassim for! Don’t get me wrong here; gustong-gusto ko
ang ginawa ni Jassim sa area na ito. But he should be working with the other
crews sa dining.”
“Hayaan mo na hon,
kagustuhan naman niya iyan eh.” At baling sa akin. “Gusto mo bang lumipat na
doon sa dining, Jassim?” tanong ni Sophia sa akin na alma ko namang
ka-palstikan lang.
“T-tapusin ko muna
dito, M-miss Sophia.”
At baling kay Marlon,
“O di ba honey... kagustuhan niya ang lahat...”
“Ok... Pero
pagkatapos niyan, doon ka na sa dining ha?” utos naman sa akin ni Marlon.
Tiningnan ko si
Sophia na mistulang minuestrahan ako na sasagutin ko ang tanong. “O-opo sir...”
“Good.” Sagot niya.
At baling kay Sophia “Pero really, ang galing ng ginawa ni Jassim. Puwede naman
palang pagandahin ang area na ito hon dib a? Puwede ngang maglagay pa tayo ng
mga cottages for certain groups of customers...” at lingon niya kay Ricky, “Di
ba Ricky?”
“Tama po sir. At
ma-utilize pa natin ang lugar for productive purpose.” Ang sagot naman ni
Ricky.
“Hay naku. May iba
akong plano sa lugar na ito na mas productive pa kaysa dyan. Hindi sa
ganyan-ganyan lang...” sagot naman ni Sophia, pahiwatig na hindi siya bilib sa
ginawa ko.
Tiningnan na lang ni
Marlon si Ricky. Marahil ay ayaw niyang makipag-argumento kay Sophia sa harap
naming dalawa ni Ricky kung kaya hininto niya ang topic. “Kumain na ba kayo?
Kumain muna kayo, Ricky. Samahan mo si Jassim.”
“Yes Sir... hintayin
ko lang po si Jassim.” sagot naman ni Ricky at tumalikod na silang dalawa ni
Marlon at Sophia.
Nakahinga naman ako
ng maluwag. At least nakalusot ako at nagustuhan pa ni Marlon ang aking ginawa.
“Nasaan na ba ang
itak? Ba’t hindi mo tinaga iyon?” tukoy ni Ricky na gawin ko kay Sophia noong
nakaalis na sina Marlon.
Napangiti na lang
ako. “Ikaw talaga, puro ka biro.”
“Ay hindi ako
nagbibiro igan. Iitakin ko talaga ang babaeng iyon!”
Ngunit hindi ko na
pinatulan pa si Ricky. “Sige na... antayin mo ako, sabay na tayong kumain.
Magbihis lang ako.”
“O siya...”
Habang nagbihis ako,
hindi pa rin maawat si Ricky sa pagpuri sa ginawa ko. “Grabe ka igan... hindi
ko kaya ang ginawa mong makeover sa lugar huh! Talo mo pa ang professional na
land scaper.”
“Hindi naman ah! OA
ka...”
“Totoo kaya!
Pagkatapos, i-landscpe mo na rin ang mukha ni Sophia ha? Kasing kalat at dumi
kasi ng lugar na ito ang mukha niya eh.”
Tawa lang ako nang
tawa.
“Kailan mo ba agawin
kay Sofia ang kuya mo?” ang tanong ni Ricky noong kumain na kami.
Mistula naman akong
natauhan sa tanong na iyon ni Ricky, nalungkot. Bigla kasing nanumbalik sa isip
ko ang nabuong desisyon na hayaan na lang ang lahat sa mga kamay ni Sophia.
“Ewan ko ba...” ang sagot ko.
“Ha? Anong ewan ko
ba...? Kuya mo iyon di ba? Hayaan mo na lang bang lapain siya ng T-rex na
dinosaur na ang pangalan ay Sophia?”
“Hindi naman
siguro... Atsaka, una, hindi naman din ako sigurado kung siya nga ang kuya ko
eh. Pangalawa, nakita mo naman ang galit sa akin ni Sophia, di ba. Worth bang
ipaglaban ko ang taong hindi ako sigurado? Kaya ko bang itaya ang aking
pag-aaral at buhay kapag guguluhin ako ni Sophia dahil lamang sa isang bagay na
hindi naman ako sigurado? Mahirap lang kami... ang pag-aaral ko lamang ang
huling pag-asa ng aking pamilya upang makaahon sa kahirapan. At pangatlo, kung
siya nga ang kuya ko, nakita ko naman kung gaano siya kamahal ni Sophia eh. At
maganda naman ang kanyang buhay dito. Di kagaya ng dati na isang hamak na sekyu
lang siya...” napayuko ako noong naramdaman kong may namuong mga luha sa aking
mga mata.
“Mali igan... mali.
Ok, sabihin na nating maganda nga ang kalagayan niya dito. Pero hindi tamang
hayaan mo na lang na lamunin ni Sophia at angkinin ang pagkatao at kaluluwa
niya. May karapatan ang kuya mong malaman ang katotohanan. Kung hindi gusto ni
Sophia na manumbalik ang alaala ni Sir Marlon, iyan ay dahil may pansariling
interes si Sophia. Ngunit mali iyon. She’s taking advantage of your kuya. Ikaw
ba kapag nasa kalagayan ka ng kuya mo, hahayaan mong tapakan ang pagkatao mo?
Kapag siya nga ang kuya mo, at nanumbalik ang kanyang alaala, hindi kaya siya
magtatampo sa iyo kapag nalaman niya na hindi mo siya ipinaglaban? Tandaan mo;
minsan masakit, masaklap, at mapait ang katotohanan. Ngunit sabi rin nila, the
truth will set you free... Panindigan mo ang katotohanan, igan. Iyan ang
magpalaya sa iyo...”
Napaisip ako sa
sinabing iyon ni Ricky. Ngunit hindi rin naman kasi totoong kuya ko si James,
kung siya nga si Marlon. Ang ipinaglaban ko ay hindi katotohanan kundi isang
pag-ibig na hindi rin ako sigurado kung kayang tumbasan ng taong aking
ipaglaban. Sa kabilang banda, ang katotohanang umibig ako sa kanya, at ang
katotohanang may nangyari sa aming nakaraa ay maaari ring iyan ang aking
ipaglaban. “Ewan ko Ricky... naguguluhan ako.”
“Basta, igan...
ituloy mo. Tutulungan kita. Kahit saang lupalop ka man mapadpad, sasamahan
kita. Gaano man kahirap ang danasin mo, paparte ako sa hirap na iyan.”
“At pati ikaw na
ngayon ay madadamay na rin kung ituloy ko pa ito? Hindi mo pa nga ako ganyan
kakilala, kaya mong itaya ang maaaring hirap na danasin mo nang dahil lang sa
akin?”
“Why noy? Kasi,
naniwala akong mabait kang tao. Dahil alam kong kailangan mo ng kakampi at
tulong; dahil nakita kong karapat-dapat kang tulungan. At higit sa lahat
igan... cute ka at ang mga cute na katulad mo ay nararapat na tulungan ng mga
cute din na katulad ko.” Ang patawa pa niya.
“Uyyyy! May hidden
agenda ka ha?” biro ko rin sa kanya.
“Malay mo, mahuhulog
ang loob mo sa akin igan...” dagdag pa niya.
Ngunit bigla na
namang lumungkot ang aking mukha sa sinabi niya. Binitiwan ko ang isang malalim
na buntong hininga. “Sana nga...” sa isip ko lang. Na-analyze ko kasi na
napakatirik pala ng daan patungo sa tuktok kung nasaan ang pag-ibig ko – si
James...
“Woi... biro lang
iyon ha?” ang pagbawi rin ni Ricky. Marahil ay napansin niyang bigla akong
nalungkot sa sinabi niya.”
“Ok lang iyon...
Nalungkot lang ako kasi may... m-may mahal na ako. N-ngunit malayo siya sa akin
at hindi ko na siya maaabot pa.”
“Ay! Magandang topic
iyan!” sambit ni Ricky. “Sige, makinig ako...”
“Pero hindi pa ako
handa na sabihin sa iyo... Med’yo madugo ang kuwento namin eh.”
“Ok... fine.” Sambit
naman ni Ricky. Hindi naman niya ako kinulit pa. Ngunit iginiit niya sa akin na
huwag akong sumuko kay “Sir Marlon” namin at kahit anong mangyari, tutulungan
daw niya ako.
Tumango lang ako
bagamat sa isip ko, final na ang aking desisyon na magresign.
Base sa aming
napagkasunduan, alas 7 ng gabi nandoon na ako sa resto-bar na napagkasunduan
naming ni Marlon. Kahit pagod na pagod ang aking katawan dahil sa aking trabaho
sa restaurant, pumunta pa rin ako. Videoke bar pala ang nasa taas noon. Iyong
i-assign ka ng private room, kasama ang iyong mga barkada o ka-tropa. Puwede
ring magsama ng mga babae nila, o lalaki, depende sa gusto ng customer.
Noong nakapasok na
ako, sinalubong ako ng isang crew, “May kasama po ba kayo Sir?”
“M-mayroon,
hihintayin ko lang muna.”
“Kayo po ba si Mr.
Jassim Castro?”
Nagulat naman ako
noong binanggit niya ang pangalan ko. First time ko lang kaya doon. “Oo. Ako
nga. Bakit?”
“Nandito na po ang
kasama ninyo Sir. Si Sir Marlon Ibanez po ba?”
Tumango ako. “Oo...
siya nga.”
“Sumunod lang po kayo
sa akin, Sir. Nandito na siya.” at tinumbok ng crew ang hagdanan patungo sa
pangalawang palapag ng building.
Ramdam ko ang biglang
pagkalampag ng aking dibdib. Iyon bang pag anticipate mo sa hindi inaasahan, at
sa wakas ay makasama mo rin ang taong iyong mahal na napakatagal nang nawala sa
iyo.
Ngunit may lungkot
din akong nadarama. Sa tagpong iyon ko na kasi ilalahad sa kanya sa aking
desisyong umalis na sa trabaho at tuluyang layuan siya. Ramdam ko na ang sakit
na dulot nito sa aking puso. “Bahala na...” bulong ko sa sarili.
Noong nakarating na
kami sa mismong kuwarto at binuksan ng crew ang pinto, laking pagkamangha ko
naman sa nasaksihan. Hindi lang napakaganda ng kuwarto, nakahilera na rin ang
mga masasarap na pagkain na hindi ko na alam ang mga pangalan. At may isang
bote ng wine pa na nakalagay sa bucket na puno ng ice. Sa tingin ko mamahalin
ang wine na iyon.
Tumayo si Marlon,
“Surprise!!!”
Hindi agad ako nakasagot.
Iyon bang feeling na sobrang kilig. “S-sensya na po kayo Sir... na-late na pala
ako” at pumasok na ako sa kuwarto at isinara ang pinto.
“Bakit? Eksaktong 7pm
ka naman dumating di ba? Sinadya ko lang talagang mauna” sabay bitiw ng
nakakalokong ngiti.
Binitiwan ko na lang
ang isang hilaw na ngiti. “Andaming pagkain.” Sambit ko.
“Gutom na gutom ako
eh...”
“D-dito mo pa talaga
ako dinala... pwede naman pog sa ibaba na lang sir eh. Nakakahiya po.”
“Eto naman o... Gusto
ko lang ng privacy. Ayokong may makakita, may istorbo sa ating pag-uusap.
Bakit? Ayaw mo ba?”
“O-ok lang po sa
akin...”
“Ah, iyon naman pala
eh! At least dito, kahit sisigaw pa tayo, kakanta nang wala sa tono, walang
magrereklamo...”
Hindi na ako kumibo.
Sa isip ko lang, “Heto na naman ang puso ko. Nagsimula na naman...”
Nakakabighani kasi ang porma niya. Naka-t-shirt na itim na may stripe na dilaw,
bakat na bakat ang kanyang matipunong dibdib at biceps, naka-faded na
straight-cut na maong na bakat din ang mga malalaking hita. At nandoon pa rin
ang makinis at nakakaakit na mukha; ang pamatay na ngiti... ang mga matang
mistulang nangungusap, nagmamakaawa; ang mapupulag mga labi, ang mapuputi at
pantay na mga ngipin... Mistula akong lumulutang sa mga ulap sa langit.
Ngunit pilit kong
iwinaglit ang mga iyon sa aking utak. Iginiit ko sa aking isip ang aking
nabuong desisyon. At dapat ay masabi ko na kaagad iyon upang malaman na niya
habang maaga pa. “S-sir... may sasabihin ako sa iyo.”
Ngunit sinagot niya
ako ng, “Ah... mamaya na iyan. Ako muna. May surprise ako sa iyo... Natuwa kasi
ako sa ginawa mo sa pagpaganda sa lugar na tambakan ng mga basura. Hindi ko
akalain na sa isang iglap lang ay mapaganda mo ang lugar na iyon! Iyon ngang
mga tagalinis namin doon, tagaputol ng mga talahib, hanggang sa pagputol lang
sila at pagkatapos, iyon na lang. Hindi katulad ng ginawa mo, inayos mo ang
lugar, pinaganda... basta. Isang taong may pagmamahal sa kanyang trabaho lamang
ang makakagawa sa ginawa mo. Hangang-hanga ako sa iyo. Kaya heto...” at iniabot
sa akin ang isang maliit na box na may pulang ribbon pa.
“R-regalo po???” ang
nasambit ko.
Binitiwan niya ang
isang nakabibighaning ngiti at tumango. “Buksan mo...”
Excited sa kung ano
man ang laman noon, dali-dali kong sinimulang buksan ito. Nasa kalagitnaan na
ako ng pagtatanggal ng wrapper noong tumugtog naman ang isang kanta galing sa
videoke. Napatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ang mikropono at lalo pa akong
nabigla noong tumugtog na ang kanta at nakatingin siya sa akin –
You're my peace of
mind in this crazy world.
You're everything
I've tried to find, your love is a pearl.
You're my Mona Lisa,
you're my rainbow skies,
And my only prayer is
that you realize
You'll always be
beautiful in my eyes.
The world will turn,
and the seasons will change,
And all the lesson we
will learn will be beautiful and strange.
We'll have our fill
of tears, our share of sighs.
My only prayer is
that you realize
you'll always be
beautiful in my eyes.
You will always be
beautiful in my eyes.
And the passing years
will show
That you will always
grow ever more beautiful in my eyes.
When there are lines
upon my face from a lifetime of smiles,
When the time comes
to embrace for one long last while,
We can laugh about
how time really flies.
We won't say goodbye
'cause true love never dies.
You'll always be
beautiful in my eyes.
You will always be
beautiful in my eyes.
And the passing years
will show
That you will always
grow ever more beautiful in my eyes.
The passing years
will show that
You will always grow
ever more beautiful in my eyes
Imbes na ituloy ko pa
ang pagbukas ng regalo niya, napatunganga na lang akong nakatingin sa kanya.
Nanumbalik sa aking isip ang huling sandaling inihatid ko si James sa bus
station at ito rin ang kinanta niya sa akin. Sariwa pa sa isip ko ang maligaya
ngunit masaklap na sandaling iniwan niya ako. At hindi ko namalayang dumaloy na
pala ang aking mga luha sa aking pisngi. Yumuko ako. Ayaw kong mapansin niya
ang aking pag-iyal. Lihim ko ring pinahid ang aking mga luha.
Muling pinilit kong
iginiit sa aking isip na iba siya; na hindi siya si James, na masisira lamang
ang buhay niya at buhay ko kapag pinilit ko ang sariling isingit sa kanya.
Dahil masaya na ang buhay niya kay Sophia at ako... gagaraduate na ng college,
makapagtrabaho, at magsimula ng panibagong yugto sa aking buhay at pag-ibig.
“O... buksan mo na
ang regalo! Ang masayang sambit niya. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang
kanta at nanatili akong nakatunganga.
Tuluyan kong binuksan
ang regalo. Noong nabuksan ko na, tumambad sa aking paningin ang isang gold
bracelet na may pangalan pang nakaukit, “Jassim”.
“Waaahhhh! Ang
ganda!” Ngayon lang ako magkaroon ng gold na alahas at may pangalan ko pa!!!”
sigaw ko.
“Gusto mo ba?”
“O-opo...
gustong-gusto ko po!”
Tinitigan niya ako.
“Wala man lang hug?”
At niyakap ko na
talaga siya. Mahigpit, dikit na dikit ang aming mga ulo. Naamoy ko pa ang
pabango niya. Halos lumapat na ang aking mga labi sa kanyang pisngi.
Sinuklian din niya
ang mahigpit kong yakap. At doon hindi ko na napigilan ang sariling hindi
mapahagulgol. Naalala ko kasi ang pagyakap ko kay James sa huling tagpo namin,
bago siya pumasok sa loob ng bus.
Bigla siyang kumalas
sa pagkayakap. Nabigla ba. “Bakit ka umiyak?” sambit niya. Kumuha siya ng
tissue at pinahid ang aking pisngi.
“W-wala po sir. M-may
naalala lang ako...”
“Ang kuya mo?”
Tumango ako.
“Oo nga pala, ano nga
pala iyong sasabihin mo sana sa akin?”
Bigla rin akong
napahinto sa kanyang tanong. Parang hindi ko na kasi alam ang aking gagawin.
May naramdaman akong takot kay Sophia, ngunit may awang naramdaman din ako sa
kanya. At syempre, may naramdaman din akong awa sa sarili, iniisip na kung
ipursige ko ang pagpaalala sa kanya tungkol sa nalalaman ko kay James, na
maaaring hindi rin naman siya, magugulo ang magandang set-up na sana namin; ako
bilang graduating student at sya, sa masaganang buhay sa piling ni Sophia.
“O ano??? Ba’t hindi
ka makasagot? Ano iyong sasabihin mo sa akin?”
At muli, nabuo ang
isang desisyon. “S-sir... effective tomorrow, hindi na po ako magrereport sa
restaurant ninyo. Magreresign na po ako...”
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment